The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by santos.ra, 2021-07-03 11:32:32

II-4 BFE_ANTOLOHIYA

II-4 BFE_ANTOLOHIYA

1

2

3

4

5

1

2

3

1

2

#NETFLIX: Makabagong Lunsaran at Holistikong Pagtanaw sa Kasaysayan,
Globalisasyon, at Komersyalismo ng Pelikula
Ni: Hazel Ann S. Train

Hindi matatawaran ang papel ng pelikula sa ating lipunan sapagkat naging
lunsaran ito upang pagtagpuin ang mga usaping pampulitika, sariling danas, ideolohiya,
hangarin, pangarap, paniniwala, at iba pa. Nagbibigay ito ng kamalayan sa mga
pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran. Tumutugon sa mga katanungang nililingap
ng pag-unawa. Sinasabi ni Villanueva sa kanyang akdang “Ang Susunod na Kabanata:
Mga Hamon sa Lipunang Pilipino sa Pelikulang “Ganito Kami Noon, Paano Kayo
Ngayon?” na ang pelikula ay isang uri ng pagtatanghal na hitik sa iba’t ibang sagisag o
simbolo na dapat masuri. Sumatotal, ang pelikula ay isang maze na kung saan maaari
kang dalhin sa iba’t ibang dimensyon at sa pamamagitan ng masusing pagsusuri
mahahanap ang daan palabas. Ayon kay Novasil (2013), ang mga uri ng pelikula ay
binubuo ng aksyon, animasyon, bomba, dokyu, drama, pantasya, historikal, katatakutan,
komedya, at musikal. Alinman sa mga uring ito ay depende sa nais o mood ng isang tao.
Gaya na lamang tuwing sawi sa pag-ibig ang isang tao, mas pipiliin nitong manood ng
drama kaysa komedya. Ipinipihit nito ang kanyang nararamdaman at sariling danas sa
mga gumaganap sa pinapanood kahit pa mas lalong bibigat ang kaniyang pakiramdam
sa mga senaryo ng pelikula. Kung kaya, may epekto ang paghahanay-hanay ng mga
salita sa mga nakikinig at nanonood. Ang labas at loob ng buhay ng tao ay makikita mo
sa kanyang mga sinasambit na salita (Ricky Lee, 1998).

Bahagi na ng kulturang Pinoy ang hilig sa panonood, maging sa pagkain, kaharap
ang telebisyon. Ang mga cartoon sa agahan kasama ang pandesal at tinapay. Ang

3

noontime shows sa tanghali kung saan aliw na aliw ang pamilya sa pagpapatawa nina
Vice Ganda ng Showtime, Alex Gonzaga ng Lunch Out Loud, at TitoVicJoey ng Eat
Bulaga. Sa gabi naman, ang mga teleseryeng hindi matapos-tapos gaya ng ‘Ang
Probinsyano.’ Masasalamin dito na ang panonood ay isa sa likas na katangian ng mga
Pilipino. Pinagbubuklod nito ang pamilya na magkaroon ng koneksyon sa pamamagitan
ng pagbibigay ng reaksyon sa napanood hanggang sa umabot sa pagkukwentuhan
tungkol sa tunay na karanasan hindi lamang sa loob ng bahay pati na rin sa araw-araw
na ugnayan sa lipunan.

Ngunit, kasabay ng modernisasyon, umusbong ang iba’t ibang digital platform sa
panonood. Isa sa pinakauso at lalong pumatok ngayong pandemya hindi lamang sa mga
bata kundi pati na rin sa mga matatanda, ang Netflix. Ito ay isang online streaming service
provider mula sa Estados Unidos ng Amerika na inilunsad noong 1997 sa California. Ang
pahinarya na ito ay ginawa upang makapanood ng pelikula at mga palabas sa telebisyon
sa pamamagitan ng kompyuter, telebisyon, smartphone, at iba pang gadyet na
ginagamitan ng internet. Inilunsad ang Netflix sa maraming bansa sa APAC at ayon sa
YouGov Survey, ang Netflix ang pinakamalugod na tinatanggap sa Pilipinas at Tsina.

KKK: KASAYSAYAN, KAUGNAYAN, AT KALINANGAN NG PELIKULANG PILIPINO

Ayon kay Kho (2009), ang pelikulang Pilipino ay may mahigit isang daang taon na
ang kasaysayan. Nagsimula noong 1897 at halaw ang gawang pelikula sa paniniwala at
pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Sa katunayan, ang pinakaunang may
tunog na pelikulang ipinalabas, “Ang Aswang”.

Nahahati sa anim na yugto ang ebolusyon ng pelikulang Pilipino; ang bago
magdigmaan, panahon ng digmaan, dekada ’50, dekada ’60, dekada 80’, dekada ’90, at
kasalukuyang panahon. (Kho, 2009). Sinasabing ang dekada ’50 ang pinakaunang
ginuntuang panahon ng pelikulang Pilipino kung saan umabot ng tatlong daan at
limampung (350) ang pelikulang naipalabas sa mga sinehan sa Pilipinas.

Sa makasaysayang panahon, sumibol ang iba’t ibang lunsaran ng Pelikulang
Pilipino. Tampok ang samu’t saring palabas sa takilya na tunay na inaabangan ng mga
tao. Nagkaroon ng iba’t ibang pista gaya ng Metro Manila Manila Film Festival (MMFF),

4

Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), at Cinemalaya Philippine Independent Festival. Ang
MMFF ay kauna-unahang isinagawa noong Setyembre 21, 1975 bilang paggunita sa
ikatlong anibersaryo ng pagpataw ng Martial Law. Ngunit, nailipat ito sa Disyembre bilang
maging bahagi ng pasko. Iba-iba ang naging layunin ng MMFF sa paglipas ng panahon.
Mula sa pagiging instrumento ng diktaturang Marcos hanggang sa pagiging instrumento
para magkamal ng kita.

Sa kabilang banda, kung ipinagdiriwang ang MMFF tuwing kapaskuhan, ang Pista
ng Pelikulang Pilipino (PPP) ay ginaganap tuwing Buwan ng Wika. Ang mga pelikula ay
inuri sa tatlong kategorya: una, ang mga pangunahing tampok na pelikulang inilalaban
para sa mga parangal; ikalawa, ang “Sine Kabataan Shorts” na limang minutong maikling
pelikula na pinapalabas bago ang tampok na pelikula; at huli, ang mga entri na nanalo sa
ibang pista ng pelikula ay nagkakaroon ng limitadong pagpapalabas sa pagdiriwang ng
PPP.

Isa pa rito, ang Cinemalaya Philippine Independent Festival ay ipinagdiriwang din
tuwing buwan ng Agosto sa Cultural Center of the Philippines Complex. Naglalayon itong
hikayatin ang paglikha ng mga bagong obrang sinematik ng mga tagagawa ng pelikulang
Pilipino ⎯ mga obrang may tapang ng bigkas at malayang binibigyang pagpapakahulugan
ang karanasan ng mga Pilipinong may masining na pananaw at integridad.

Ang tatlong pistang naisaad ay isang malaking ambag sa kulturang maka-Pilipino.
Nilalayon na pasiglahin ang paggawa ng pelikula sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbuo
ng isang lahing pelikulang Pilipino. Nasalamin sa pagkakataong ito ang pagkahumaling
ng mga Pilipino sa pagdiriwang ng mga pistang pelikula. Kaliwa’t kanan ang mga tao sa
bilihan ng tiket at hindi dama ang init sa siksikang pagpila. Sistema ng kulturang popular,
hindi alintana ang halos isang kilometrong pila sa takilya, tagaktak na pawis, at kahit wala
nang maupuan sa loob ng sinehan makapanood lamang. Isang ugaling Pilipino na
sumasabay sa kulturang popular, hindi papahuli sa uso kahit na maaari naman itong
hintaying ipalabas sa telebisyon. Anomang antas ng pamumuhay, kasarian, edad, o
kasarian man, mayroon at mayroong aakmang palabas na maaaring pagpilian.

NETFLIX at GLOBALISASYON: Akala mo lang wala, pero “Pera, Pera, Pera”!

5

Sa gitna ng pandemya, tila bumagsak ang kultura ng pista ng pelikulang Pilipino.
Taong 2020, nagkaroon ng taunang pista ngunit hindi masyadong umingay sapagkat
online itong idinaos. Kung kaya, nakaapekto ang krisis na dulot ng pandemya sa
pagpapalabas ng pelikula. Ngunit, mas lalong naging maingay ang sikat na sikat at
mainstream na aplikasyong panonood—ang Netflix. Ayon sa SmartMILE & Co., ang
kompanyang Netflix ay nakapagpasa sa isang milyahe sa pamamagitan ng pag-abot sa
higit 200 milyong bayad ng mga tagasuskribi. Ang pandemya at kasunod na mga tuntunin
ng stay-at-home ay nakatulong sa Netflix na magdagdag ng isang rekord na 37 milyong
bagong tagasuskribi sa isang taon, 31% taunang pagtaas mula sa 2019. Sa malalaking
kompanyang gaya nito, tila isang biyaya ang hatid ng pandemya sa kanilang negosyo.
Para makapag-Netflix and Chill ka, ang pinakamurang presyo nito ay P149.00 ngunit
tatagal lang ng isang buwan at hindi pa ito ang premium na presyo. Ibig sabihin,
maraming hindi ma-access sa sinabing subskripsyon. Malaking halaga na ito para sa
ibang tao ngayong pandemya. Ang mga taong makakasuskribi lang nito ay ang nasa
gitnang-uring buhay. Sa kabilang banda, hindi mapipigilan ang paglaganap at
impluwensya ng kalakarang ito mula sa gitnang-uring manonood na siyang pangunahing
tagapagtangkilik ng popular na kultura nito. Nag-iba ang kahulugan ng panonood ng
pelikula sa panahon ngayon, isang pribilehiyo. Mula sa pagsusuri ng uri ni Gramsci (ayon
kay Marx), tinawag niyang bourgeois cultural hegemony ang namamayani sa lipunan.
Maituturing na gahum ang pagsibol ng Netflix hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong
mundo. Esteryotipong pagtingin bilang bahagi ng gitnang-uri ang pagkakaroon ng Netflix
na umuugnay sa estado ng isang tao sa buhay. Higit na mauunawan ang mainstream sa
panonood sa pagkonekta nito bilang bahagi ng globalisasyon. Tumutugon sa depinisyon
ng globalisasyon ang pagsikat ng Netflix. Tulad ng pagbuo ng Netflix sa isang malakas
na pandaigdigang tatak, maaari nating makita kung ano ang naging tuntunin ng Netflix
sa globalisasyon. Pagkakaroon ng mahusay na ekonomiya, habang ang mga mamimili
ay nagbabayad ng isang bayarin sa subskripsyon na higit na maliit kaysa sa karamihan
sa mga serbisyo sa midya. Mga subtitile at language barrier; ginagamit ang mga ito para
sa kanilang mga manonood na nagnanais na mag-stream ng isang palabas o pelikula na
hindi ginawa sa kanilang unang wika. Binibigyang pansin din ng Netflix ang mga
pangangailangan ng mamimili sa pamamagitan ng paggawa ng unibersal na wika—

6

Ingles—sa iba't ibang palabas na wikang higit na nauunawaan ng manonood. Pag-unlad
ng pandaigdigang nilalaman, habang lumalawak ang Netflix, kumukuha sila ng mga
global director, manunulat at aktor upang lumikha ng bago, kakaiba at orihinal na
nilalaman. Sa pamamagitan ng paggamit ng dayuhang talento, ang tatak ay makakonekta
nang malapit sa pandaigdigang mamimili sa pamamagitan ng paglikha ng materyal na
ugnayan sa iba't ibang mga bansa. Nangingibabaw ang Netflix bilang isang
pandaigdigang tatak. Malinaw na ang kompanya ay may isang madiskarteng
mapagkumpitensyang kalamangan sa mga lokal na industriya at nagpapaigting ng
pwersang pang-internasyunal upang makahanap ng mga konsyumer. Sa pananaw nina
Adorno at Horkheimer, ang kulturang popular mismo ang lunsaran ng propaganda upang
lumikha ng pagsang-ayon o "consent" na sumusubaybay sa naghaharing interes ng mga
may kapital at nasa poder ng kapangyarihan, ang gahum o hegemonya. Pangunahing
nakatuon ang kulturang masa sa isang kapitalistang paglilihi ng ekonomiya, dahil umaakit
ito sa konsumerismo at agarang kasiyahan ng mga pangangailangan. Sa katunayan, ang
Netflix ay serbisyo ng hari na kung saan tumitingin ang lahat.

NETFLIX and CHILL: Pagtalunton sa Netflix Bilang Tagpuan ng Kulturang Popular

Binibigyang oportunidad ng Netflix na makilala ang iba’t ibang pelikula mula sa
iba’t ibang panig ng mundo. Ayon kay Derrida, masasabing ang kulturang popular ay
nasa tumatangkilik nito. Ang patuloy na pagbabago nito ay nakaayon sa panlasa ng
manonood, at paggigiit ng kanilang mga hangarin sa konteksto ng umiiral na suliranin ng
kanilang panahon at lugar. Samakatuwid, ang Netflix ay nagsisilbing lunsaran sa
panganganak ng kulturang popular.

Ang Pilipinas ay naging kolonya ng Espanya sa loob ng 300 mahigit na taon
hanggang sa pinalitan ito ng mga Amerikano. Magpasa-noon, nag-iwan ng marka ang
kanluranin sa pamumuhay ng mga Pilipino, sa aspektong pulitikal at paggawa ng
desisyon sa tuwing sila ay namimili (Armecin, 2019). Kung kaya, ang westernized na
pamumuhay at sosyo-politikal na pananaw ay nangibabaw sa pampublikong kamalayan
ng mga Pilipino. Ang kolonyal na mentalidad ay pinanatili ang popularidad ng kanluranin
na humahadlang sa nagtitinging Pilipino at industriya. Kung sisipatin, laging kabilang ang
mga kanluraning palabas sa Top 10 most watched film and series sa Pilipinas sa

7

mainstream na Netflix. Imbis na suportahan ng Pilipino ang teleseryeng ‘Pusong Ligaw’,
mas pipiliin nitong panoorin ang ‘Money Heist’. Imbis na abangan ang susunod na season
ng ‘The House Arrest of Us’, mas bibigyang oras ang paghihintay para sa ‘Stranger
Things’. Baliw na baliw rin tayo sa iba’t ibang Korean Drama at katuwaang ginagaya pa
ang punto ng pagsasalita nito. Sa kagustuhan nating sumabay sa uso, naisasantabi na
natin ang ating sariling produkto. Palagi tayong nakikibagay sa global na kulturang
popular kahit pa nalilimitahan na nito ang pag-angkop sa lokal na kultura. Hindi
nauubusan ng bagong palabas sa Netflix, ngunit sa minamarkahan na rin ang pagkaluma
at pagiging lipas ng mga komoditi ng kulturang popular.

#NETFLIX: Pelikula Bilang Alternatibong Daluyan sa Pagtalakay at Pagtuturo ng
Kasaysayan

Ang paggamit sa kasaysayan bilang isang subject matter ng pelikula, ay isang
magandang midyum. Ayon kay Pangilinan (2017), kinakailangang ilagay sa konteksto
ang ugnayan ng pelikula, kasaysayan at lipunan. Kung kaya, binibigyang repleksyon nito
ang tunggalian sa pagitan ng lipunan. Umaayuda ang pelikula sa kung ano ang opisyal
na naratibo ng estado. Nagsisilbi ang pelikula bilang panibagong lente sa kung paano
titingnan ang kasaysayan. May kapangyarihan ang pelikula na i-reapirma ang
namamayaning pagtingin sa kasaysayan at lipunan. Maaari ding maging behikulo ang
pelikula upang tuligsain at isiwalat ang mga hindi ipinakikita sa lipunan. Halimbawa na
lamang, sa pagtuturo ng siyensya maaaring ipanood sa mga mag-aaral ang palabas sa
Netfix na ‘Grey’s Anatomy’. Kung ang tatalakayin naman ang pinakamadilim na yugto ng
kasaysayang Pilipino, maaaring ipanood ang Dekada ’70. Gampanin ng guro kung ano
pipiliing pelikula mula sa malawak na range ng pagpipilian na iuugnay sa kakayahan ng
mga estudyante niya at hilig at interes (Quiñones, 2021).

Lumilikha ang pelikula ng kabuoang impresyon sa kung ano ba dapat ang binibitbit
ng mga indibidwal sa kasalukuyang yugto ng Pilipino. Ipihit sa lebel ng interes sa
malaking bahagdan ng kabataan imbis na sa maliit na bahagdan lamang ng lipunan.
Nasa landas ng pagpapakilala ng kritikal na teorya sa manonood ang pagtaas din ng
antas o pagturing nila sa sining ng pelikula. Sumasalamin ito sa mabigat na
responsibilidad ng institusyong akademya.

8

Sa patuloy na pag-usad ng panahon, hindi mapipigilan ang pagsibol ng kulturang
popular. Gayumpaman, hindi masamang sumabay sa daloy ng globalisasyon—hindi
dapat ito magbunga ng paglalaho ng ating pambansang identidad. Hangga’t hindi
naitataas ang kamalayan ng masa at nakakapagpakilala ng alternatibong daluyan ng
pag-unawa sa ugnayan ng lokal na sining at lipunan, mamamayagpag pa rin ang tekstong
pangkultura na nagbibibitbit ng posisyong panlipunan na pumapabor lamang sa iilan.
Kailangan higitan ang kakayahan ng awdyens sa pamamagitan ng alternatibong
pagpapadanas upang tumaas ang pang-unawa na mas aktibo at hindi pasibo ang
pagturing sa pelikula (Pangilinan, 2017). Nagkakaroon ng lapat sa lupang interpretasyon
ang masa kung maipapaintindi na ang pinapakita ng pelikula ay ang nagaganap sa
lipunan na hindi ang pelikula ang nagsusulat ng kasaysayan kundi tao pa rin ang may-
akda ng kasaysayan at nagbabago rin ang danas sa pelikula.

9

J&T Express: Pagdalumat sa EXPRESS-yon ng Lipunan sa EX-traordinaryong
Pagbabago sa Punto ng Komersyo
Ni: Dapnie Marie V. Nilo

Sa patuloy na paglaki at pagbabago ng mundo, bawat segundo ay naitatala at ang
oras ay nagmimistulang ginto. Upang patuloy na makasabay dito, naging sandigan na ng
mga tao ang sistema ng kalakalan sa mga produkto at serbisyo na makikita sa birtwal na
espasyo o online. Ang pagbabagong ito sa mukha ng komersyo ay tinatawag na
electronic commerce o e-commerce. Ayon kay Smith (2001), isa ang e-commerce sa mga
itinuturing na patunay ng matibay at mabilis na paglago sa larangan ng usaping
teknolohikal. Ang pisikal na pamamaraan ng paghahatid ng serbisyo at pagkonsumo ay
nagbagong bihis at naikabit na rin sa pagbabago ng teknolohiya.

Ang pagtangkilik ng mga tao sa sistema ng e-commerce ay isang patunay na ang
pisikal na espasyo ng pakikipag-ugnayan ay maisasakatuparan na rin gamit ang
teknolohiya. Isa rin itong indikasyon na ang daloy at sistema ng e-commerce ay
nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na matipid ang kanilang oras at pagod, na hindi
maiiwasan kung pisikal na pupunta sa pamilihan. Sa kahit na anong oras o lugar, ang
akses sa mga produkto at serbisyo online ay sadyang napapadali sa simpleng paggamit
ng mga elektronik gadyets gaya ng selpon at kompyuter.

Ang paglagong ito sa teknolohikal na aspekto ay hindi lamang nagbukas ng pinto
sa proseso ng komersyo sa birtwal na espasyo, ito rin ay nagbigay daan upang mas
mapabuti ang sistema o daloy ng paghahatid serbisyo mula sa tuldok ng pinagmulan
hanggang sa tuldok ng pagkonsumo. Sinasabi ni Schoenfeldt (2008), na makikita ang

10

kahalagahan ng makabagong teknolohiya sa daloy ng magkaugnay na proseso ng
pagbibigay serbisyo, at dapat itong makita bilang kaisa ng paghahatid produkto. Dahil
dito, ang e-commerce at delivery services ay kambal at magkatuwang sa paghahatid ng
serbisyo sa mga tao. Ang pagsasakatuparan ng komersyo sa birtwal na espasyo ay hindi
magiging matagumpay kung walang ang tinatawag na sisterma ng paghahatid sa pihit ng
delivery o e-commerce services.

Sa mundo ng komersyo, ang pagbibigay ng garantisadong serbisyo at produkto
na siyang nagbibigay ng kagalakan sa mga konsyumer ay isa sa mga itinuturing na pokus
at layunin. Ayon kay Chaffey (2006), ang terminong ‘customer satisfaction’ ay
nangangahulugan ng antas ng kasiyahan ng mga mamimili patungkol sa kalidad ng
produkto at serbisyo. Kung kaya’t sa patuloy na pamumukadkad ng e-commerce sa
usaping ng kalakalan, ang pagpapanatili ng subok at maaasahang serbisyo ang tiyak na
tatanawing lente ng mga kompanya, sapagkat umaangat din ang kompetisyon sa
larangang ito. Dahil dito, natanaw na sa pag-usbong ng teknolohiya, ang daloy at proseso
ng kalakalan ay nagbabago at nakakaapekto rin sa takbo ng ekonomiya.

Aribang Negosyo: J&T Express Bilang Katuwang sa Komersyo

Ang J&T Express ay itinatag noong taong 2015 nila Jet Lee at Tony Chen. Ang
pangalan ng kumpanya na J&T ay hango sa inisyal ng kanilang mga unang pangalan.
Unang itinatag ang kumpanya sa Indonesia taong 2015, hanggang sa mapalawak nila ito
hanggang sa mga bansang Malaysia, Vietnam, Pilipinas, at Thailand taong 2018, at
napalawak pang muli hanggang sa Singapore taong 2019. Naging sunod-sunod ang
dominasyon ng J&T Express sa Timog-Silangang Asya dahil sa matagumpay na serbisyo
nito at pagiging una sa larangan ng e-commerce delivery service sa bansang Indonesia
na pinagmulan nito. Sa patuloy na pagtaas ng pagkonsumo ng mga mamimili online, ang
mga kakambal nitong e-commerce services tulad ng J&T Express ay patuloy ding
namamayagpag sa mundo ng kalakalan. Mababakas ito sa mabilis na paglawak ng sakop
ng kumpanyang J&T Express sa iba’t ibang bansa at ang patuloy na pag-ariba nito sa
usaping komersyo sa maikling panahon. Batay sa maikling deskripsyon ng kumpanya na
makikita sa kanilang opisyal na website, layunin ng J&T Express na magbigay ng mabilis,
madali, at walang abala na serbisyo ng paghahatid. Ang bisyon ng J&T Express ay

11

maging pinakamahusay na e-commerce delivery service hindi lamang sa Indonesia,
kundi maging sa buong Timog-Silangang Asya. Ang kanilang misyon ay magkaroon ng
makabuluhang reyalisasyon para sa mas praktikal at mahusay na negosyong online, at
patuloy na mapanatili ang kahusayan ng kasosyong kumpanya para mas mapalawak at
mapatatag ito.

Batay sa Uniform Partnership Act, ang partnership o kasosyo ay ang samahan ng
dalawa o higit pang mga personalidad o kompanya bilang kahati sa kita sa isang negosyo.
Upang mapanatili ang magandang imahe ng mga magkakasosyong kumpanya,
nararapat na mapanatiling maganda ang reputasyon ng bawat isa sa kanilang mga
konsyumer. Ang mga kasosyo ng J&T Express sa negosyo ay ang Shopee, Realme,
Foton, Smart, PLDT, Parcel Plus, Jet Commerce, Zilingo, at Kumu. Ang lahat ng ito ay
kabalikat ng J&T Express sa paghahatid ng dekalibreng serbisyo sa punto ng komersyo
online. Kung mapapansin, ang mga kumpanyang ito ay kabilang din sa mga patuloy na
umuunlad at umaariba dahil sa naging bagong paraan ng pagkonsumo sa mga produkto
– sa birtwal na espasyo o online. Hindi magiging ubra ang proseso kung hindi magiging
kasangga ng bawat kumpanya ang isa’t isa sapagkat may kaniya-kaniya itong
pinagtutuunan ng pansin na serbisyo. Ang kagalingan ng isa, ay kabutihan ng lahat.
Subalit sa kabilang dako, ang kamalian ng isa ay pasanin din ng lahat.

Add-To-Cart: Pag-iingat sa Tiwala ng Konsyumer sa Punto ng E-Commerce

Sa proseso ng pagtangkilik sa komersyo online, ang e-commerce delivery services
kagaya ng J&T Express ang nasa pinakadulong proseso. At bilang panghuli sa prosesong
ito, nasa kamay ng mga kompanyang ito ang pag-iingat at pagpapanatili ng maayos at
garantisadong produkto na tiyak na nakakapagpasaya sa mamimili na naghihintay sa
kani-kanilang tahanan.

Ang pagtitiwala ng mga konsyumer ay minsang napalitan ng pangamba at galit
nang mag-viral ang isang bidyo kung saan makikita ang hindi maayos at walang pag-
iingat na paghawak sa mga produktong idi-deliver ng J&T Express. Nagpakita ng
pagkadismaya ang mga tao sa ginawang paghahagis ng mga tauhan ng kumpanyang ito
sa ilang mga parcel. Umani ng batikos ang J&T Express lalo na ang bodega nito sa

12

Muntinlupa kung saan kinuha ang bidyo, at nakatanggap pa ng babala mula kay
Pangulong Rodrigo Duterte na kung hindi aayusin ang serbisyo ay ihihinto ang operasyon
nito. Naging maagap naman ang J&T Express sa pagbibigay ng paumanhin at
nangakong iimbestigahan ang pangyayari. Ang ganitong usapin ay nakakaapekto sa
integridad at pangalan ng isang kumpanya. Ang mga mamimili na lubos ang pagtitiwala
sa mga e-commerce delivery services ay magkakaroon ng pagdadalawang-isip sa
kahusayan at pag-iingat ng mga kompanyang ito sa kanilang ipinagkatiwalang produkto
o pinamili. Ang karapatan ng mga konsumer ay nasa batas, at ito ay nasa ilalim ng
Republic Act No. 739 o ang The Consumer Act of the Philippines. Layunin nito na
protektahan ang karapatan ng mga konsyumer sa maayos at dekalidad na serbisyo. Kung
may nakikitang paglabag o kakulangan sa inihaing serbisyo o produkto, maaaring maging
sanhi ito upang mapatigil ang isang operasyon o maipasara ang isang kumpanya.

Sa anumang uri ng negosyo, ang kagalakan ng mga mamimili ang laging
pinagtutuunan ng pansin, at ito ay nakikita kahit na sa lilim ng e-commerce. Ayon kay
Muhmin (2011), ang pagiging masaya at kuntento ng mga mamimili sa nabiling produkto
o natanggap na serbisyo ay esensiyal na elemento lalo na sa mga negosyo na
pinagtutuunan ng pansin ang pagkakaroon ng suki o palagiang mamimili. Dahil dito,
nangangailangan na magkaroon ng tuon ang bawat kumpanya sa pagbibigay ng tumpak
at maayos na serbisyo na inaasahan sa kanila ng mga mamimili. Hindi maiaalis sa e-
commerce ang pagkakaroon ng maraming kakompetensya. Upang mangibabaw sa
kaliwa’t kanang kompetisyon, pinagtutuunan din ng pansin ang packaging, tracking
services, at maging ang customer service. Ang J&T bilang isang e-commerce delivery
service ay may sariling website kung saan makikita ang mga impormasyon na patungkol
sa kumpanya. Mayroon din itong sariling hotline at email kung saan malilikom ang mga
tugon, hinaing, pasasalamat, at iba pang mensahe o agenda ng mga konsyumer na may
kinalaman sa serbisyo ng J&T Express. Batay kay Van Hung et. al. (2014), ang
paghahatid ng produkto ay isa sa mga importanteng proseso sa mundo ng e-commerce.
Dahil ang mga taong kanilang pinagseserbisyuhan ay may pagpapahalaga sa oras,
kapos sa panahon, o may inaasahang petsa ng pagtanggap sa produkto. Malaking tuon
din ang wastong oras o bilis ng paghahatid ng produkto. Ang anumang delay sa
paghahatid ng produkto ay malaking kabawasan sa tiwala ng mga mamimili na maaaring

13

makaapekto sa magiging komento nila sa kabuuang danas sa serbisyo ng J&T Express.
Isa pa sa nakikitang tuon ay ang usapin sa privacy. Ayon kay Rashed (2013), ito ay isa
sa mga nakikitang alalahanin ng mga mamimili sa online dulot ng pangambang maaaring
manakaw ang kanilang identidad o pera tuwing ang pagbabayad ay gagawin sa
prosesong online. Dahil dito, marapat na pagtuunan ng pansin ang mga usaping ito
upang maiwasan at mapahalagahan ang tiwala ng mga mamimili sa birtwal na espasyo.
Ang mga konsyumer ay hindi dapat mangamba sa kalidad at seguridad ng kanilang
pagkakakilanlan sa anumang transaksyon na isinasakatuparan online.

Add-To-Heart: Ang Pag-usbong ng Trabaho Hatid ng Mayabong na Komersyo

Hindi maipagkakaila na dahil sa lumalagong transaksyon sa e-commerce at
kaliwa’t kanang demand sa mga delivery services, nagbunga ito ng pangangailangan sa
lakas-paggawa. Batay sa datos ng J&T Express, bilang isang e-commerce delivery
service, ang kanilang kumpanya ay nakapagbigay na ng trabaho sa 30,000 na indibidwal
sa taong 2017. Sa Pilipinas, halos 10,000 na trabaho ang naihatid ng kumpanya sa taong
2020. Sa ganitong paraan, dumarami ang nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng
trabaho. Ang masiglang kalakalan sa birtwal na espasyo ay nagdudulot din ng kasiyahan
sa mga taong nangangailangan ng pagkakakitaan. Makikita na malaki ang epekto ng
masiglang ekonomiya sa ikauunlad ng bawat tao. Kung patuloy ang daloy ng kalakalan,
lalo na sa online, maraming mga empleyado, motorcycle riders, sorting agents, labourer,
helper, at iba pang mga manggagawa ang mabibigyan ng oportunidad na
makapagtrabaho. Kung marami ang pangangailangan sa lakas paggawa, tiyak na may
kikitain ang mga tao. Ang pag-unlad ng e-commerce ay nagpapalakas sa ugnayan ng
mamimili, serbisyo, at produkto, at nagiging daan sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Ang patuloy na pag-usbong ng makabagong teknolohiya ay siyang tunay na
nagtatawid sa mga pangangailangan ng tao sa mabilis na pagbabago ng mundo. Dahil
sa ugnayang nailalatag sa loob ng screen at akses na napakadaling makamit sa simpleng
pagpindot sa mga devices at gadyets, ang kalakalan at komersiyo ay nailatag at naihatid
na sa loob ng sariling bahay at hindi na lamang sa pampublikong lugar. Inihain na ang
serbisyo at produkto ng hindi kinakailangan lumabas pa ng bahay at maglaan ng
mahabang panahon. Ang J&T Express bilang isang kumpanya na naging matunog sa

14

larangan ng e-commerce ay isa sa buhay na makapagpapakatotoo na ang dating hindi
inakalang makakamtan na serbisyo ay kumakatok na sa pintuan ng bahay. Pinag-uugnay
ang malayo at napagdurugtong ang milya-milyang layo sa pamamagitan nito. Ang
ekonomiya ay patuloy na sumasabay sa ingay ng kalansing ng barya na hindi mo pisikal
na makikita, subalit birtwal na masisipat sa mga resibong nakalatag sa screen o monitor
ng elektronikong device. Dagdag pa rito, ang sistema ng globalisasyon ay mamamasid
din sa loob ng e-commerce. Ang mga produktong maaaring ikonsumo ay maaaring itawid
sa dagat o himpapawid bago makarating sa tapat ng sariling pinto. Ito ay sumasalamin
sa isang mukha ng matagumpay na pagbabago. Ang J&T Express at iba pang e-
commerce delivery service ay isang patunay na buhay ang komersyo at matagumpay na
naihabi sa teknolohiyang mapagpabago.

15

Birtuwal na Palitan ng Pera: GCash bilang Alternatibong Solusyon sa Panahon ng
Pandemya

Ni: Maria Janine U. Macion

Ang GCash ay isang online application na ang layunin ay mapadali ang pagpasa
at pagtanggap ng pera sa iba’t ibang pamamaraan. Ito ang numero unong mobile wallet
sa Pilipinas at tuluyang lumobo sa pagkakaroon ng 15 milyong registered users sa bansa
sa loob lamang ng tatlong taon. Noong taong 2017, kinilala itong Best Mobile Payment
App of the Year ng The Asian Banker at noong 2018 naman ay pinarangalan ito ng
Telecom Asia Awards bilang Best Mobile Payment Service Award. Hindi maitatanggi na
karamihan sa ating mga Pilipino ay gumagamit na ng iba’t ibang uri ng finance app tulad
ng GCash upang mas maging madali ang ilang pang-araw-araw na gawain na
ginagamitan ng pera. Ito ay mabilis na nagamay ng publiko at sa kasalukuyan ay isa nang
kilala at mahalagang lifestyle app. Sino nga ba sa atin ang tatanggi sa isang bagay na
kumbinyente, epektibo, at madaling gamitin?

Sa paglipas ng panahon, hindi maipagkakaila na ang bawat tao ay mas nanaising
gawin ang isang bagay na madali kaysa mahirap na kinakailangan pang paglaanan ng
mahabang oras. Ayon kay Thomas (2019), sa usapin ng fintech space ay marami pang
magagawa ang Pilipinas. Dulot ng mga pagbabagong nagaganap sa usapin ng
teknolohiya, naniniwala siyang magagawa ng Mynt na magkaloob ng mas malaking
koneksyon o financial access sa mas marami pang konsumer, negosyante, at mga
organisasyon. Ang Mynt ay kilala dahil sila ang siyang nangangasiwa o namamahala sa
dalawang kumpanya: ang GCash, na nagsisilbing pangunahing mobile wallet sa ating

16

bansa at ang Fuse na isang kompanya tungkol sa microlending na siya namang
nagpapautang sa pamamagitan ng GCredit ng GCash sa mga Pilipino.

Sa patuloy na pagbabago at paglago ng Pilipinas, tunay na maraming mga online
application ang patuloy na ipinakikilala sa atin. Ang karamihan sa mga ito ay mas
pinadadali ang ating mga gawain at naging parte na rin maging sa mga trabaho at mga
negosyo. Kung tutuusin, mas madali nga naman talaga ang makipag-ugnayan sa
simpleng pagpindot lamang sa ating mga telepono. Hindi mo na kinakailangang lumabas
ng iyong tahanan o makipagkita sa taong iyong kakausapin upang ang pera ay iyong
maipasa o matanggap. Dulot ng pagbabago at paglagong ito, patuloy tayong magiging
bukas sa mga bagay na dala sa atin ng teknolohiya. Ang marapat nating gawin kasabay
sa pagtangkilik ng mga ito ay maging isa upang patuloy tayong makasabay sa papaunlad
nating bansa at ng buong mundo. Hindi rin ito dapat matapos sa tayo lamang ang
nakikinabang kung di gamitin natin itong susi upang magbukas ng mga bagong
oportunidad sa ibang mga Pilipino nang walang maiwan ni isa sa atin at lahat tayo ay
maging parte sa kaunlaran ng Pilipinas lalo sa usapin ng teknolohiyang may malaking
ambag sa buong mundo.

Pagtaas ng Digital Payment sa Pilipinas: Pagiging Epektibo ng Wallet App
Hindi maipagkakailang sa bawat bagay na ating gagamitin, nahahawakan man ito

o sa birtuwal na paraan, ito ay makikitain pa rin natin ng ilang suliranin o problemang
hindi inaasahan. Tulad ng iba pang aplikasyong patuloy na ipinakikila sa atin ng
teknolohiya, bukod sa GCash ay marami ring mga Wallet App na makikita sa Google Play
Store na maaaring i-download at gamitin, tulad ng mga bank applications. Ngunit kung
susuriin, gaano nga ba kaepektibo ang GCash App na isang uri ng Wallet App? Gaano
nga ba ito kaepektibo sa pagpapadala at pagtanggap ng pera mula sa ibang tao? Ayon
sa Nikkei Asia (2020), patuloy na dumarami ang mga taong tumatangkilik sa digital
payments para na rin maiwasan ang pisikal na interaksyon sa mga tao. "In a world where
digital is the new normal, financial technology should be considered the bedrock of digital
services”, pahayag mula sa Chief Technology at Operations Officer ng Globe Fintech
Innovations, o mas kilalang Mynt na si Pebbles Sy. Ito ang isa sa dahilan kung bakit
patuloy na tinatangkilik ng mga Pilipino ang paggamit ng GCash App. Ilang rason din

17

kung bakit patuloy ang pagdami ng mga konsumer nito ay dahil sa protocols na ibinababa
ng pamahalaan ukol sa pag-iingat sa COVID-19. Maraming mga Pilipino ang mas
pinipiling pumirmi sa kanilang tahanan at gumamit na lamang ng mga online applications
upang bumili ng kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Kung kaya’t lubhang
naging sikat ang mga aplikasyong tulad ng GCash. Hindi mo kailangang maglabas ng
pera at makipagkita sa mga tao upang maihatid ang iyong bayad. Marami na ring negosyo
at serbisyo ang tumatangkilik sa paggamit ng digital payment upang kumita. Ilan na riyan
ang Shopee at Lazada na patok na patok ngayong panahon ng pandemya. Idagdag mo
pa ang pag-order ng iba’t ibang pagkain maging groceries sa Food Panda, Grab atbp. Sa
tulong ng Wallet Apps, ang pakikisalamuha sa tao ay lubhang malilimitahan. Tulad sa
pagbaba ng mga tulong pinansyal mula sa gobyerno, nakatutulong din ito upang
makatanggap ang mga Pilipino ng ayuda. Ang mga ito ay isang patunay lamang na
epektibo ang mga Wallet App tulad ng GCash sa pagpapadali ng pang-araw-araw na
gawi ng tao.

GCash sa Gitna ng Pandemya: Salamin sa Ugnayan ng Makabagong Aplikasyon sa
Kulturang Popular

Tayong mga Pilipino ay patuloy na hinuhubog ng ating kapaligiran sa kung ano
ang mga kaganapang nangyayari sa ating bansa. Tinuturuan tayo nito sa kung paano
tayo mamumuhay at binibigyan din ng mga oportunidad na maaari nating gawin o lahukan
nang makamit natin ang ating nais tulad ng pagsabay sa nagbabagong panahon. Hindi
matatawaran ang ambag ng mga umuusong aplikasyon at ang ginhawang hatid ng mga
ito sa buhay ng mga Pilipino. Habang patuloy ang pagpapakilala sa atin ng iba’t ibang
aplikasyon ng makabagong teknolohiya, mas napadadali nito ang mga gawain nating
komplikado at nagbibigay sa atin ng hirap o umuubos ng ating oras o panahon. Nang
mag-umpisa ang pandemya noong 2020, buwan ng Marso, unti-unti na ring dumami ang
mga negosyo dulot na ang mga tao ay mananatili na lamang sa tahanan dahil sa health
protocols na pinatutupad ng gobyerno. Hindi maipagkakaila na ang mga Pilipino ay
mabibilis mag-isip sa usapin ng pagnenegosyo kung kaya’t nagliparan sa social media
sites ang iba’t ibang produkto at serbisyo na maaari mong makuha o bayaran sa
pamamagitan lamang ng ilang mga finance application. Ang GCash ay isa mga online

18

application na mas lalong nakilala dulot ng pandemyang kinahaharap hindi lamang ng
Pilipinas kung ‘di maging ng buong mundo. Isa ito sa nakitang oportunidad ng mga tao
upang mag-umpisa ng negosyo para kahit nasa loob lamang ng tahanan ay magkaroon
pa rin ng pagkakakitaan at may matanggap na pera upang ipanggastos sa pang-araw-
araw na bayarin ng bawat pamilya. Kung pag-uugnayin natin ang GCash at ang kulturang
popular, tunay na makikita natin ang koneksyon ng dalawang ito dahil naging parte na ng
buhay ng mga Pilipino ang paggamit ng GCash app bilang lunsaran sa usapin ng palitan
ng pera. Sa katunayan, ayon sa Philippine News Agency (2021), naglabas ang Mynt ng
balita na 65 porsyento ang itinaas ng mga gumagamit ng Gcash app mula 20 milyon sa
pagtatapos ng taong 2019 hanggang 33 milyon sa pagtatapos ng taong 2020. Isang
implikasyon lamang ito na nakadikit na sa ating mga Pilipino ang pagtangkilik sa mga
ipinakikilala sa atin ng makabagong teknolohiya. Ayon naman sa Mynt CEO na si Martha
Sazon, maging ang mga mangingisda at ang kanilang mga nahuhuling lamang dagat ay
maaari na ring ipagbili at tumanggap ng bayad sa pamamagitan ng Gcash. Isang
katunayan lamang ito sa pagkakaroon ng ugnayan ng bagong aplikasyon sa pang-araw-
araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Hindi maitatanggi na patuloy ang pagtanggap ng
mga mamamayan sa mas tumitibay na ugnayan ng teknolohiya sa kulturang kinagisnan
na nating gawin. Dulot din ng pandemyang ating kinahaharap, hindi imposibleng mas
maraming mga Pilipino pa ang patuloy na tumangkilik sa Gcash. Malaki ang naging parte
ng aplikasyong ito upang masunod ang health protocols na ibinababa sa ating ng
gobyerno. Sa simpleng pagpindot lamang, cashless na ang sistemang umiiral sa pagitan
ng dalawa o grupo ng mga tao. Mas pinadadali nito ang buhay ng bawat isa at nagiging
daan din upang makatulong sa iba pang indibidwal.

Send GCash Number: Isa sa Mga Naging Lunsaran sa Pagpapaabot Tulong
Pinansyal

Nang magsimula ang pandemya noong buwan ng Marso taong 2020, unti-unting
bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas. Sa ulat ng Philippine Statistics Authority o PSA,
lumagapak sa negative 9.5 percent ang Gross Domestic Product o GDP noong
nakaraang taon. Dagdag pa rito, ito na raw ang pinakamababang GDP na nakamit ng
bansa mula nang matapos ang World War II. Isang patunay lamang ito na hindi biro ang

19

patuloy na lumalalang pandemyang sa buong mundo. Ayon kay Labor Secretary Silvestre
Bello III, 3.3 milyon at patuloy na tumataas ang bilang ng mga Pilipinong nawalan ng
trabaho sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID-19. Hindi maipagkakaila na ang bilang
ng mga Pilipinong mas lalo pang nalugmok sa kahirapan ay patuloy na dumarami. Kung
matatandaan, ilang ulit pumalo sa social media ang iba’t ibang taong nanghihingi ng
tulong pinansyal upang maitawid ang pang-araw-araw nilang pamumuhay. Dito, mas
lalong umigting ang tulong na hatid ng GCash App. Maraming tao ang nagpapahatid ng
kanilang tulong sa pamamagitan ng paghingi ng Gcash Number ng mga taong nais nilang
paabutan ng tulong. Ang iba, ipinagagamit pa ang kanilang mga sariling account sa
GCash upang ang mga taong nangangailangan na walang account sa aplikasyong ito ay
kanila pa ring matulungan. Hindi matatawaran ang malasakit na umaapaw sa mga
Pilipino sa panahon ng pandemya. Maraming mga paraan ang patuloy na isinasagawa
ng mga tao upang ang pagtutulungan ay maging matagumpay. Kung matatandaan, may
Bayanihan To Heal as One Act (Republic Act 11469) na umiiral sa Pilipinas ngayong
pandemya sa loob ng tatlong buwan simula noong Marso 24, 2020. Ayon kay Omega
(2020), gamit ang digital way ng pagpapadala ng tulong pinansyal sa tulong ng bank
transfers at fund transfers tulad ng GCash at PayMaya, ang mga advocacy groups ay
nakaipon at marami ang natulungan. Dagdag pa niya, dapat ding gamitin ang cashless
payment options via QR code sa mga pamilihan bilang contactless way of payment
ngayong may pandemya. Tunay na sa tulong ng mga makabagong aplikasyon dahil sa
umuusbong at lumalagong teknolohiya, patuloy tayong makagagawa ng paraan sa kung
paano tayo makabubuo ng koneksyon
sa ibang tao lalo pa’t makatulong sa kanilang mga suliranin. Kung tutuusin, lahat tayo ay
nakaranas ng paghihirap dahil sa pandemya ngunit mayroong mga tao na mas doble o
triple ang sakit at hirap na nararamdaman dahil sa pangyayaring nagaganap ngayon.
Kung kaya’t malaking bagay ang mga makabagong paraan sa pagtulong natin. Dito natin
mas lalong mapatutunayang maraming magandang dulot ang pagtanggap sa mga
makabagong teknolohiya. Ito ang isa sa naging sandigan nating mga Pilipino upang
makapaghatid at makatanggap ng tulong upang mairaos ang buhay natin sa gitna ng
krisis na ating nilalabanan.

20

Cashless Payments sa Bansa, Makatutulong Kaya?
Ayon sa IK-PTZ (2020), ang buhay ng mga modernong tao, estado at ng buong

pamayanan ay napaiilalim sa pera. Ang ibig sabihin lamang nito, ang pera ay parte na ng
pang-araw-araw na buhay ng bawat isa sa atin. Ang papel na ginagampanan ng pera sa
ating kasaysayan ay patuloy na nadagdagan, at patuloy na lumalago sa pagtagal ng
panahon. Dulot na tayo ay nasa ilalim ng community quarantine dahil sa pandemya, mas
tumitindi rin ang abiso ng pamahalaan na kung kaya ay cashless payments na lamang
ang gawin upang walang pisikal na paraan sa pagpapalitan ng pera tulad sa pamimili at
pagbebenta. Ngunit kung sisipatin natin ang pagtangkilik sa cashless na uri sa palitan ng
pera, ito ba ay makatutulong sa ating ekonomiya? Ayon sa naitalang datos ng VISA
(2018), mula 71 porsyento noong 2016 ay pumalo sa 92 porsyento ang mga konsumer
na tumatangkilik sa online payment noong taong 2017. Implikasyon lamang ito na bago
pa man magkaroon ng pandemya sa Pilipinas ay marami ng Pilipino ang nagbabayad
online kaysa ang pumunta sa mismong bilihan at doon magbayad. Dagdag pa rito, ayon
sa Inquirer (2020), 99 porsyento ng mga Pilipino ang nagsabing kahit matapos ang
pandemya sa ating bansa ay patuloy pa rin nilang tatangkilikin ang cashless payments.
Ayon sa PayPal, 44 na porsyento ng mga Pilipino ang nagbabayad ng kanilang bayarin
online at 36 na porsyento naman sa pagbili ng mga pagkaing kanilang kailangan sa araw-
araw. Kung ating sisipatin, patuloy ang pagtaas ng posyento ng mga Pilipinong
gumagamit ng mga digital application tulad ng GCash para tugunan ang kanilang mga
pangangailang pinansyal lalo na sa pagbili ng kanilang mga kailangan. Sa kabuuan, hindi
maipagkakailang patuloy na nakasasabay ang Pilipinas pagdating sa pagtangkilik sa mga
bagong aplikasyong tulad ng GCash lalo sa panahon ng pandemya. Habang patuloy ang
pagpapakilala sa atin ng mga makabagong teknolohiya, patuloy rin ang bilang ng mga
Pilipinong tumatangkilik sa mga ito. Isang katunayan lamang ito na malaking bahagi na
ng ating araw-araw na pamumuhay ang teknolohiya lalo ang mga digital applications na
may kinalaman hindi lamang upang mapatibay ang koneksyon at komunikasyon kung di
pati na rin ang mga pinansyal na pangangailangan ng mga mamamayan.

21

#GRAB FOOD: Pagtahak sa Makulay na Mundo ng Komersyalismo-Sikolohiya
tungo sa Nakabubusog na Ugnayang Ganap, Maalam at Mapagpalaya
Ni: John Paul P. Mongote

Kung noon, kasunod ng “Tara, kain tayo” ay ang pagpunta sa isang kainan, tila’y
nagbanyuhay na rin ito at naging “Tara, order tayo” sabay pindot ng delivery button sa
ating mga selpon o laptop. Sa paglipas ng panahon, nakamamanghang isiping
kumakatok na ngayon ang pagkain sa ating mga pintuan!

Para kay Kim at Eric (2015), ang ‘Online Food Delivery’ ay ang proseso ng take-
out system mula sa isang lokal na restawrant o kooperatibang negosyo mula sa isang
web page o tinatawag na ‘app’. Tulad ng pag-order ng mga kalakal ng mamimili sa online,
marami sa mga serbisyong ito ay nagbibigay-daan sa mga kostumer na panatilihin ang
mga account sa kanila upang gumawa ng madalas na pag-order na mas magpapadali at
magpapaginhawa sa isang konsyumer. Isa sa mga nauusong aplikasyon ngayon ay ang
Grab Food. Ito ay nagmula sa Grab Philippines na kilala bilang isang negosyo na
nagpapatakbo ng mga pribadong serbisyong pang-commute. Ngunit sinong mag-aakala
na nagkaroon din pala ito ng isang Online Food Delivery bilang isang negosyo?
Pagdating sa pag-order at pag-de-deliver ng pagkain, ay walang minimum order ang
Grab Food kung kaya’t kahit anong ninanais na pagkain sa anumang oras o lugar na
pinag-usapan ay makukuha ito ng kostumer. Ito ang dahilan kung bakit napasama ang
Grab Food, ayon sa PhilippinnePrimer.com (2018), sa listahan ng mga gamit na gamit na
Food Delivery App sa bansa ngayon. Sa pagpindot at pagdedesisyon, kaakibat ng mga

22

aksyong ito ang malaking epekto sa ating identidad; kilos sa loob ng isang lipunan; at
pagiging mamamayan ng isang bansa. Sikolohiyang Konsyumerismo at epektong
panlipunan ang mahalagang dalumatin upang sa dulo’y ating maunawaan ang
nagtatagong banggaan ng ideolohiya at iskima sa kulturang popular na ito.

I. #LAKÔ SA AKIN: Mahiwagang Paghimok sa Sikolohiya ng mga Pilipino

Tampok sa bahaging ito ang espasyo ng kulturang popular bilang sityo ng
komersyo o kapital laban sa interes ng sumusubaybay o mga konsyumer. Maitatatag na
isang gahum ang interes ng komersyo sa kulturang popular dahil dito napananatiling kimi
at sunud-sunuran ang kostumer. Sa pananaw ng mga pantas ng Frankfurt School gaya
nina Adorno at Horkheimer, ang kulturang popular mismo ang lunsaran ng propaganda
upang likhain ang isang uri ng pagsang-ayon o "consent" ng sumusubaybay rito sa
naghaharing interes ng mga may kapital.

Isinaad nina Dyler at Gillian (2009) na ang advertising ay isang uri ng
pangmadlang komunikasyon na naglalayong mapukaw ang atensyon ng mga tao
patungo sa isang bagay o serbisyo na nais i-endorso. Ito ay isang bayad na promosyon
na tumutukoy sa isang kompanya, ang mga brand at mga produkto nito. Sandig naman
sa konseptong ito ang ibinalita noon ni Grace Vera Cruz, Country Head ng Grab
Philippines, (2019), na naglabas ang Grab ng patalastas nitong Enero 2019 na
pinamagatang 'GrabFood: #CravingSatisfied', kung saan ipinakita rito na ang gutom o
cravings ng karamihan sa atin ay hindi maiiwasan kung kaya't nandyan ang Grab Food;
ito ang sasagot at magbibigay sa iyo ng ninanais mong kainin, nasaan ka man.

II. #CravingsSatisfied?: Pagsilip sa kung sino ang Maginhawa at Naghihirap

Ayon kina Tarun at Mittal (2017), ang online food ordering ay nakakatulong sa mga
tao na mamili nang maayos at walang pagod habang nasa bahay lamang. Hindi na
kailangang maghanap kung saan-saan at hindi na rin kailangan tumawad upang
makakuha ng mababang presyo. Ito ay isa na ngayon sa moda ng madaliang pagbili ng
pagkain para sa mga taong wala nang oras makalabas sa kanilang mga hektik na
iskedyul (Ice Cube Digital, 2018). Sa lente ng konsyumer, higit na mas napagaan ang

23

kanilang gampanin sa bahay. Imbis na magluto at umalis ng bahay upang kumain,
nagagawang posible ng mga aplikasyong gaya ng Grab Food ang paabutin ang pagkain
papalapit sa mga pintuan ng mambibili. Lalo na’t ngayong pandemya, tila ba’y maituturing
nang alternatibong solusyon ang paggamit ng Grab Food upang makamit natin ang mga
nasa at kahilingang pagkain sa panahon kung saan naka-kwarantina tayo. Sa kabilang
banda, kabaligtaran naman ng pagiging “convenient” ang nararanasan ng mga delivery
rider ng Grab Food. Bago nila maihatid ang pagkain ay dumaraan sila sa iba’t ibang
problema. Isa sa mga popular na balita pagdating sa food delivery ay ang kaso ng ‘Lugaw
is not essential’. Mula sa balitang inilabas ng CNN Philippines (2021), inilahad ang naging
diskusiyon ng enforcer at Grab Food rider patungkol sa ihahatid sana niyang lugaw sa
isang kostumer. Sinundan pa ito ng mga kadugtong na artikulo. Ayon sa pahayag ng
rider, labis siyang na-trauma sa pangyayari lalo na’t kumalat na at nag-viral na nga ang
bidyo. Kung susuriin nang maigi, masisilip natin ang sikolohikal na epekto ng sitwasyong
ito. Dulot ng aberya’y nadaragdagan ng pangamba ang mga rider sa ganitong larang. Sa
mabilis na pagkalat ng mga impormasyon ngayon, tila’y isang iglap lamang ay maaari ka
na agad sumikat—positibo man o negatibo ang paksa. Ibang sitwasyon naman ang
naranasan ni Cedric Salaya, isa ring GrabFood rider. Ayon sa opisyal na paskil ng Grab
Food Philippines, dahil sa pagkakaroon ng misinterpretasyon patungkol sa pagkansela
ng kostumer sa kanyang order ay nakatanggap ng masasakit na salita ang rider at sa
dulo’y pinaalis at tinaboy pa siya ng mga kostumer. Sandig naman sa istorya ng kostumer,
napindot naman nila ang cancel button noon kaya akala nila ay nakansela na ang
kanilang order at agad namang nag-book ng panibagong order ulit sa ibang branch ng
sikat na restawrant. Bagama’t alam nila na mali ang kanilang pakikitungo sa drayber, ay
patuloy pa rin silang tumindig sa sinasabi nilang na-cancel na order. Ang mga kwento
lamang na ‘yan ay iilan lang sa mga mararaming kwento at danas sa likod ng kulturang
popular na ito. Naipakita sa mga sitwasyong nailahad ang mga mapapait na danas ng
mga drayber. Bagama’t malaki naman ang suweldo, hindi nila maiwas-iwasan ang mga
kostumer na galit at hindi natutuwa sa kanilang serbisyo. Sa pag-aaral na isinigawa ng
mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Sta. Eskolastika Maynila (2018) patungkol sa epekto ng
Online Food Delivery sa ating mga Pilipino, lumalabas na ngayong panahon na uso na
ang mga makabagong teknolohiya, marami sa atin ang nagbabago na rin ng pag-uugali

24

at etika. Lumiit na lamang ang ating attention span at ninanais na lang natin ang
mabilisang pagkuha sa mga gusto at nasa. Lagpas naman sa konklusiyon na ito ang
katotohanang sa mabilis na pagbabago ng panahon, marami sa mga Pilipino partikular
sa mga may edad na ang hindi na makasabay sa agos ng teknolohiya. Tunay nga na
malaki na ang pinagbago ng ating identidad ngayon sa lente ng birtwal na espasyo.

Balik sa punto ng ugnayang kostumer at drayber, madadalumat natin ang mga
konsepto sa likod ng ugnayang ito. May panig ng pagiging ‘convenient’ at may panig
naman nakakaranas ng matinding pagod sa pagtatrabaho. Sa aspekto ng Komersyalismo
at Kapitalismo, ipinaliwanag ni Guy Routh (2008) ang lugar ng mga nasa lakas-paggawa
kung saan mapapabilang ang mga delivery riders. Sila ang nasa unahan at sumasangga
sa mga maliliit na problema o petty problems sa isang kumpanya. Sa bawat sabi at
paglabas ng mga propaganda na nilalakipan ng mga nakakapanghimok na linya para sa
mga kostumer, alam natin na mas lumalaki rin ang responsibilidad at marahil nga’y
problemang dapat pagdaan ng mga delivery rider. Si buyer na nakahiga at si
manggagawa na hirap sa pagkayod at paglusot sa mga anomalya sa daan at kung
minsa’y sa panahon pa ng bagyo o sakuna. Hinding-hindi ko malilimutan ang aking
karanasan noong kasagsagan ng baha sa aming probinsya noon. Sa sobrang taas ng
baha, isa sa mga pinsan ko ang nagsabing mag-order na lang sa Grab ng pagkain para
may makain kami ng Burger, Fries, at Chicken -- na para sa kanya’y bagay kainin kapag
bumabagyo. Ang ideolohiyang ito ang marahil ay laganap din sa ibang
indibidwal. Masasabi pa ba natin nang walang malisya at agam-agam ang katagang
#CravingsSatisfied kung sa likod naman nito ay ang tulo-tulong pawis at umaapaw na
sakripisyo ng drayber maihatid lamang ang ating mga nasa? Maituturing bang tama at
normal ang ganitong sistema lalo na kung may usaping pera na kasama?

III. #HINDI NAKASANAYAN: Pag-igpaw sa Kontradiksyon, Pagpapalakas ng Tinig
at Tindig sa kung Sino ang Karapat-dapat

Sa paglipas ng panahon, nagbabago rin ang ating biswal na pagsipat sa isang
rider. Kung noon, dahil nga inaakala ng marami na ang pagmamaneho ay gawaing
panlalaki lamang, nakukulong at nagkakaroon na tayo ng inisyal na paglalarawan sa ating
mga isipan. Sa lente ng malawak na sakop ng diskriminasyon, malimit tayong nakakakita

25

ng PWD’s o estudyanteng delivery riders. Sa Grab Food, maraming mga tinatanggap na
mga babae, PWD, estudyante na riders. Sa katunayan, ilan sa mga indibidwal na ito ang
labis na kinagiliwan at hinahangaan sa panahon ngayon. Si Ax Valerio, isang
estudyanteng Grab Food rider ay sumikat noon dahil sa isang larawang nagpapakita na
habang siya ay naghahatid ng orders ay sabay naman niyang pinakikinggan ang leksyon
ng guro sa kanilang klase. Taas-noong ibinahagi ni Christian Lorenz Nuñez, kasamahan
ni Ax, ang kuha niya sa interbyu nila sa News 5. Ayon sa kanya, bukod kasi sa pagiging
delivery man, isa rin si Ax sa mga working student na pumapasok ng online class kapag
naka-break sa pamamasada o tuwing walang order sa pag-de-deliver.

Noon namang ika-30 ng Mayo 2020 ay naging tampok sa 24 Oras ang isa ring
Grab Food rider na si Syahrain, isang PWD matapos mag-viral ang larawan niya. Laking-
pagtataka ni Edmund Gan nang makiusap ang delivery rider na kung maaari ay kunin na
lamang niya ang kanyang mga inorder dahil sa hindi ito kayang hawakan ng rider para
isabit sa gate. Hindi naman akalain ni Edmund na sa kanyang paggawa upang puntahan
ang rider, ay magugulat siya dahil sa isang rider na PWD o may kakulangan sa katawan
ang kanyang makikita. Walang dalawang kamay ang rider na nagdedeliver ng order niya
kaya naman pala hirap ito na makapag sabit sa gate at hawakan ang kanyang binili.
Patunay na lamang ito na kung kayang gawin ng isang may kakulangan sa katawan ang
maging kapaki-pakinabang sa lipunan ay mas doble pa ang maaaring nagagawa at
kakayahan ng mga taong pinagkalooban ng kumpletong bahagi ng katawan.

Sa bahagi naman ng pagtanggap sa mga kababaihan bilang Grab Food riders,
bagaman wala pa sa Grab Food, marami namang datos ang magpapakita na tanggap
din ng Grab ang pagpasok ng kababaihan sa ganitong uri ng trabaho. Ayon sa Grab
Philippines (2018), tinutulungan nila ang mga kababaihan na umigpaw sa kontradiksyon
ng lipunan. Ginagawang makatotohanan ng Grab ang aspirasyon at layuning palakasin
ang kababaihan at ang pagtatama ng mga maling pananaw ukol sa usapin ng
pagtatrabaho.

Ano’t ano pa man, labis na nakatutuwa na kahit papaano’y unti-unti nang
umuunlad at lumalawak ang ating kamalayan patungkol sa mga isyung ito.
Pinapatunayan ng mga taong nabanggit na walang hamong hindi nalalampasan ng isang

26

indibidwal na may malinaw na pagtingin at pangarap. Tinuhog din ang pagbasag sa ideya
ng ‘Eh kasi lalaki; palibhasa babae’. Sa panahon kung saan umuunlad nang mabilis ang
teknolohiya, uunlad din kaya nang mabilisan ang pagtulong sa ating kapwa at maging ng
sarili na maipaunawa ang pagkakapantay-pantay na lagpas sa anumang edad, kasarian,
identidad at status pang-ekonomikal ng isang tao?

IV. #TANGIS-TANGGI: Pagdalumat sa Cancel at Fake Ordering

Kakabit na ng kulturang popular ang mga negatibong implikasyon ng
kasalukuyang kalagayan. Sa panahon kung saan uso na ang Online Food Delivery
Applications, tumataas din ang kaso ng mga Cancel/Fake Ordering sa bansa. Ayon sa
Grab Food, maraming mga kaso ang nailalapit sa kanila ng mga delivery riders patungkol
sa usaping ito. May mga negatibong epekto ito na hindi lamang sa mga rider bagkus ay
sa identidad nating mga Pilipino. Nagaganap ang fake ordering ayon sa Grab (2020) sa
mga rider na naghahatid ng order na higit pa sa Php. 1, 000. Kapag nakarating na sila sa
lugar, karaniwan nilang nakikita ang iba rin nilang kasamang drayber na may dala ring
kaparehas ng dala nila. May iba rin na maghihintay ng ilang oras hanggang sa malaman
na lamang nila na na-cancel na pala ng kostumer ang order.

Sa balita ng 24 Oras, naitampok ang pamilya sa Quezon City na nabiktima ng fake
ordering at pinipilit na bayaran kasama ng kanilang kapit-bahay ang mga pagkain na hindi
naman binili. Ayon kay Agustin, isa sa miyembro ng pamilya, ang nagsabi na hindi naman
niya in-order ang pagkaing nagkakahalaga ng Php. 15,000. Nalulungkot siya para sa mga
delivery man, na kapareho nilang biktima ng scam o hoax. Si Michael Ecle, isa sa mga
Grab Food rider, ay nadismaya sa insidente at sinabing nasayang lamang ang gasolina
na kanyang ginamit upang ihatid ang order, na hindi niya kayang bayaran.

Sa Facebook post naman ni Sheila Haren Austine Acuña, isang netizen, ay
ibinahagi naman niya ang nakalulungkot na larawan ng isang Grab Food rider na
nabiktima rin ng fake ordering. Sa larawan ay makikita ang rider na nadismaya matapos
malaman na hindi totoo ang order na kanyang natanggap na nagkakahalaga ng Php.
15,000. Nasayang ang kanyang puhunan dahil sa pangyayaring ito. Ang rider ang

27

nagbabayad ng order ng kostumer. Tsaka na lang ito babayaran ng kostumer kapag
nakarating na sa kanya ang order.

Nag-viral din ang isang Facebook post kung saan makikita ang isang Grab Food
rider na 1 oras nang naghihintay sa kanyang kostumer sa gitna ng ulan. Ayon sa nag-
post, nabiktima ang rider ng fake booking dahil ang mga nakatira sa address ay hindi
naman um-order ng pagkain. Dahil nga malakas ang ulan at basing-basa na rin ang rider,
nagdesisyon na ang nag-post na bilhin na lamang ang order.

Hinding-hindi ko rin malilimutan ang isang Facebook post patungkol sa isang Grab
Food rider na nakitang nakaupo habang kinakain ang order sa kanya ng kostumer.
Nakaupo sa isang bangketa habang mangiyak-ngiyak na kinain ang cancelled order sa
kanya.

Upang maiwasan pa ang ganitong pangyayari, ibinalita ng Grab Food PH sana
simula Agosto, 2020 ay sila na ang bahala sa advance payment ng mga orders imbis na
mga riders. Ayon kay Nicka Hosaka, Grab Spokesperson at lawyer, matatanggap na ng
restawrant ang bayad sa pamamagitan ng app, kaya naman hindi na kailangan
mangamba ng driver. Kapag na-deliver na ang order sa kostumer, ang bayad ay
mapupunta diretso sa rider. Ito ang isinagawang counter-measures ng Grab upang
malabanan at hindi na maulit pa ang mga insidente patungkol sa Cancel/Fake ordering.

Nakalulungkot isipin na may mga ganitong pangyayari. Sa panahon ngayon kung
saan napakabilis na ng takbo ng teknolohiya sa sirkulasyon, maituturing na negatibong
epekto nito ang mabilis at laganap na hacking at modus. Tila’y isang kapalaluhan na
maituturing ang ganitong pangyayari ngayon. Hindi ito dapat gawing normal na lang.
Kailangan ng aksyon upang maitama at matugunan ang pangunahing pangangailangan.
Sa isang lipunan na binubuo ng iba’t ibang indibidwal, marapat na maging kolektibo tayo
sa pagkilos sa ganitong usapin. Nakababahala ang emosyonal na trauma ng mga Grab
Food riders na nabibiktima ng Cancel/Fake Ordering. Sa ngayon, nagiging sugal ang
kanilang propesyon. Hindi na basta-bastang maniniwala ang mga drayber patungkol sa
order at magdadalawang-isip na baka ito’y isang huwad at panloloko sa kanila. Sa
sikolohikal na aspeto, maituturing na nagbabanyuhay ang kaisipan ng mga rider

28

patungkol sa pagtanggap ng order. Isang pakikipagsapalaran na maituturing ang
ganitong trabaho; kumakayod upang may kitain at nagpapakatatag upang suportahan
ang pangangailangan ng kanilang sarili o pamilya.

#SIPAT-UGNAY-BULAY: Pagtatahi ng Diskurso patungo sa Bagong Perspektibo

Tunay nga na tinahak ng kulturang popular ang pagbanyuhay ng mga konseptong
nakaugnay sa sikolohiya ng bawat indibidwal at gampaning ginagalawan ng bawat isa sa
lipunan na ating kinabibilangan. Kung pagbabatayan ang sinabi ni Derrida na walang
nasa labas ng teksto o walang labas ang teksto, masasabing ang kulturang popular ay
nasa tumatangkilik nito, ang patuloy na pagbabago nito ayon sa panlasa ng manonood,
at ang paggigiit ng kanilang mga hangarin sa konteksto ng umiiral na suliranin ng kanilang
panahon at lugar.

Sa tunggaliang itinatampok sa sanaysay na ito ay ating makikita ang dalawang
panig na nagbabanggaan. Ang kostumer at ang rider. Bagaman may mga di
pagkakaunawaan sa dalawang panig, mahalaga na matahi natin ang pinagsasaluhang
ideolohiya ng dalawa. Sa konteksto ng kulturang popular na Grab Food, maaari nating
maiuganay ang dalawa bilang ‘amo’ at ‘alalay’. Ngunit kung ating matutuhan ang makulay
na ugnayan nila, ating makikita na ang bawat isa ay gumagawa ng paraan upang
umunlad hindi lamang sa aspektong ekonomikal bagkus ay pati na rin sa kanilang mga
sarili at para sa kani-kanilang pamilya. Ang bawat pawis na pumapatak sa daanan ay ang
ebidensiya ng pangarap na kinakamit at nais na matamo. Saksi ang bawat hirap sa
tagumpay at perang kanilang kinita upang may maiuwi sa kanilang mahal sa buhay.

Gayunpaman, anuman ang mga suliranin na ating nakikita at hinaharap sa bawat
transaksyon na dinadaanan ng mamimili ay mabuting huwag kalimutan ang kapakanan
na kung saan parehong makikinabang ang mga nagbebenta at ang konsyumer nito.
Laging paigtingin ang integridad ng mga online stores at huwag magkubli ng
impormasyon na nararapat malaman ng nakararami. Sa lente ng kulturang popular bilang
ugnay sa komersyalismo, mahalaga na madalumat ang bawat konteksto at pangyayari
nang sa gayo’y makita natin na may mas higit pang lente bukod sa ugnayang kostumer-
prodyuser. Ngayong panahon ng mabilis na pag-unlad, sikapin nating magbanyuhay ng

29

mga kaisipan sa paraang makikita natin ang bawat sitwasyon nang lampas sa kung ano
ang normal o nakasanayan.

Sa huli, ang Grab Food ay maituturing kong isang bentahe ng makulay na
pagkatuto para sa akin. Nakita ko na may mas malalim pa palang ugnayan sa likod ng
aplikasyong ito. Bagama’t may mga komplikasyon at hindi maiiwasan na problema,
naniniwala ako na patuloy pang uunlad ang kumpanya hindi lang sa usapin ng salapi
bagkus ay pati na rin sa mga hangarin nitong buwagin ang mga kontradiksyon patungkol
sa sekswalidad, kakayahan, disabilidad at ekonomikal na status ng bawat isa higit lalo sa
kanilang mga delivery rider. Makita nawa at maging boltahe at pangmulat din para sa
marami ang ganitong gawi na higit na kailangang tugunan sa panahon ngayon at higit
kailanman.

30

#LAZADA: Ang Makabagong Pamilihan sa Kulturang Popular
Ni: Kim Mary Jean DC. Pecaña

“Ang kulturang popular sa mga kapitalista ay lugar ng
pakikipagbuno. Samantala sa masa ito ay isang bukas na

lugar ng malayang pagpili o paghulagpos.”
-RVNuncio at EMorales Nuncio

Ang pamimili ng mga pinoy ng mga komoditi na ayon sa kanilang pangangailangan
at kagustuhan ay nakakabit na mula pa noon. Ang tradisyunal na pamimili ay itinuturing
na isa sa mga pinakalumang paraan na ginagawa upang mapunan ang pantawid ng oras,
araw, taon, at panahon ng buhay natin. Sa mga sinaunang panahon, ang paraang tanyag
na ginamit ay 'trading' o 'bartering' na nagaganap sa loob ng merkado. Ang
pakikipagpalitan ng produkto na katumbas din ng produkto na nais mapasakamay ng
mga mamimili. Sa paglipas ng panahon, unti-unting nababago ang sistema ng pamimili
sa ating bayan. Nakapaloob na rito ang paghanda ng sapat na halaga ng salapi na
dadalhin sa lugar na pupuntahan upang magkarooon ng pantay na transaksyon sa
pagitan ng mamimili at nagtitinda. Dahil na rin sa ganitong kalakaran kaya naging bahagi
nang kulturang pinoy ang pagtingin sa lente na ang bawat produkto at serbisyong
itinatampok ay may katumbas na halaga ng perang dapat ibinabayad. Marahil mas
naging kapaki-pakinabang at praktikal ang pagpunta mismo sa mga pisikal na pamilihan
kumpara sa pagtingin lamang sa internet ng mga produktong nais nilang bilhin. Mas
nakapupukaw pa rin kasi ng interes ang pagpanik sa mga mall, palengke, o look

31

pamilihan upang magkaroon ng oras na tumingin ng mga gamit at masubukan ang
kalidad nito bago bayaran. Kung ikaw ay madalas nagagawi sa mga sikat na pamilihan
gaya ng dangwa, divisoria, o maging sa inyong palengke madalas marinig ang mga sigaw
at pang-iimbita ng mga tindera sa kanilang tindahan, ito ang simple at natural na
estratehiya upang kumita. Maraming maaaring bisitahin na tindahan, makapamimili nang
maayos, at parte ng kulturang pinoy ang manghingi ng “tawad” o ang paghingi ng
karampatang porsiyentong bawas upang mapamura sa bibilhin. Ang kalayaan din ng mga
mamimili ang kinokonsidera upang maipahayag ang kanilang mga karanasan tungkol sa
mga produkto o serbisyo at ito'y napapasa sa kanilang pang araw-araw na
komunikasyon. Ito ay pwedeng magdulot ng positibo o negatibong tingin sa mga produkto
o serbisyong inihahayag. Mataas din ang pagkakataon na pantay ang pagbibigay ng
komento hinggil sa mga produkto at serbisyong nakuha mula rito.

Ang Pagkilala sa Pamimili Online

Mula nang lumawak ang gamit ng internet sa ating bansa, mas naging
komprehensibo din ang tunguhin at layuning nais nitong ipaabot sa publiko. Bukod sa
benepisyo na para sa edukasyon, medisina, arkitektura, ekonomiya, at iba pang sektor
na bumubuo sa Pilipinas. Ayon nga sa tula ng gurong si Villanueva, ang pagkakaroon ng
internet sa buhay ng isang tao ay dapat na makapag-ugnay sa kapwa at hindi maging
dahilan ng pagkabuklod-buklod. Kataka-taka rin ang mabilisang pag-usad ng mga
aplikasyon, website, at social media sites na naging midyum ng paglaganap nang
pagsisimula ng komersyalismo sa internet. Mas malaki ang saklaw na naaabot ng
imporasyong ipinapaskil sa bawat account na mayroon ang isang tao. Maraming
reaskyon, komento, at pagbabahgi ng post ay mas malaking tyansa upang
makapanghikayat ng tao.

Ang online shopping na rin ang isa sa mga itinuturing na may malaking
kapangyahiran na humahawak sa mundo ng internet. Itinuturing ito na isa sa mga
napakahusay at may kwentang imbensyon na nakatutulong upang bumili ng mga
produkto at serbisyo na may esensyal sa buhay ng isang tao. Sa pamamagitan lamang
ng paggamit ng cellphone, laptop, computer, at internet ay maaari ka nang magtungo sa
iba’t ibang sikat na pamilihan. Hindi kailangan pang maglabas ng pera, mapagod,

32

pawisan, pumila, at makisiksik sa mga pupuntahang establisyimento ng mga produkto at
serbisyo (Mittal, 2017). Isang click lamang matapos magsaliksik ay daan-daang resulta
na ang bubungad sayo (Ice Cube Digital, 2018). Kung hindi mo pa gamay ang pag-
oonline shopping, ayon kay Tarun Mittal (2017) kailangan mo munang matutunan ang
pagtingin nang mabuti, magbasa ng deskripsyong inihapag ng nagtitinda, at higit sa lahat
ang magbasa ng maraming komento o feedback ng mga unang bumili nito upang
malaman ang grado at opinyon sa mga produkto at serbisyo. Ito ang tanging susi na iyong
hahawakan upang maka-iwas sa mga peke at depektibong produkto sa oras na
natanggap mo ito. Ang ilan sa mga pinakasikat na online shop sa Pilipinas na inilabas ng
Tech in Asia na site ay Lazada, OLX Philippines, Cebu Pacific, Zalora, Metrodeal,
Ensogo, Ebay, Lamudi, Carmudi, Autodeal,at Zipmatch. Nasubukan mo na bang bumili
sa mga ito? Sa inilabas na pag-aaral ng PayPal, nasa higit kumulang PhP 92.5 billion
ang halaga ng mga pinamili ng mga Pilipino online noong taong 2017 at tataas ito sa PhP
122 billion taong 2018. At magiging 185 billion pa sa 2020 (PayPal 2018).

Pagsisimula ng Katanyagan ng Lazada

Nagsimulang itayo ang Lazada sa Pilipinas noong taong 2012 sa kamay ng
ikalawang may-ari nito na si Inanc Balci, may lahing Turkish. Kilala talaga ito bilang
pamilihan ng mga gamit na may kinalaman sa teknolohiya at gadget. Nagsimula itong
magdagdag ng iba pang kategorya upang mas lumawak pa ang impluwensya at interes
ng mga Pilipino. Mula sa teknolohiya, nagkaroon na rin ang Lazada ng mga gamit sa
bahay, edukasyon, pampaganda, pangkalusugan, de-makinang pangkarpintero, at iba
pang makatutulong sa buhay, bukod pa rito ang isa sa naging benepisyo ng mga pinoy
ay maaari nang magbayad dito ng singil sa tubig, kuryente, load, at iba pa. Malaki ang
kapangyarihang pinanghahawakan nito sapagkat nasa tinatayang 10,000 na ang mga
nagtayo ng tindahan nila rito. Ang layunin ng kumpanyang ito ay upang maging madali
ang makapaghahatid ng produkto sa mga kabahayan nang hindi kailangan pang
lumabas. Kahit saang sulok ka man ng Pilipinas, may kakayahan nang ipakilala ang mga
ibinebenta. May mga katuwang na kumpanyang naghahatid o delivery riders ang Lazada
na nakatuon ang responsibilidad sa pag-aabot ng binili.

33

Nakapagtayo na rin ng mga lugar-imbakan ang Lazada upang dito isaayos at
ihiwalay ang mga produktong binili ng mga tao. Saka ihahatid sa mga bahay, depende
sa rehiyon at munisipilidad na kinabibilingan. Batid ng may-ari ng Lazada Philippines na
ang bansa ay may higit kumulang na 7,100 na isla, kung kaya’t hindi magiging madali
para sakanila ang maabot ang mga nasa probinsya at liblib na sulok na bayan dahil hindi
naman lahat ay may koneksyon sa internet. Sa kabila nito, malakas pa rin ang hatak nito
sa mga nasa matataong lugar. Bukod sa maririnig sa mga usapan ang pangalan ng
Lazada, may mga naglalakihang nakapaskil na ring poster sa kalsada, at higit sa lahat
ang pinakamadaling daanan ng pagpapa-ingay sa serbisyo, ang social media sites gaya
ng Facebook, Twitter, Instagram, at iba pa. Dito na rin marahil ang naging lunsaran ng
panghihikayat. Paano mo nga naman hindi malalaman ang tungkol sa Lazada, nariyan
ang iyong kaibigan, artistang hinahangaan, taong may impluwensya, politiko, at iba pang
personalidad na nagpapalaganap. Ika nga ang kuryosidad ang maghahatid sa atin upang
malaman ang hindi pa natin nasusubukan. Kahit saang aplikasyon, website, o social
media pa nga ang buksan natin, nariyan ang mga nagkalat na banner ng Lazada, bilang
nangungunang online shopping website sa Pilipinas na nagbibigay kalakal saan mang
lugar.

Problema sa Lazada

Hindi maipagkakailang lubos ang kasikatan nito sa bansa, tunay nga namang
naaabot ang demand ng mga pinoy pagdating sa mga luho dahil sa mga ibinibigay ng
Lazada na voucher, gift offer, sale, at free shipping ngunit kung anong tuwa sa pag-order
ay siya rin namang sakit sa ulo at bulsa kapag natanggap na. Kabi-kabilang reklamo ang
inihahain kaugnay sa pandaraya, peke, panloloko, at depektibong gamit na ibinebenta ng
dito. Ika nga ng mga nasa komento “gawang tsina na naman,” gayong alam nating lahat
na ang hindi matibay at madaling masira ang kalidad ng mga inaangkat na produkto mula
tsina kaya hindi na ito maganda sa pandinig ng mga pinoy. Ang akalang sagot sa mga
suliranin na hinaharap ng mga mamimili gaya ng paghahanap sa dekalidad at walang
depekto na produkto, imbentaryo ng mga kagamitang ibinebenta, pagpapadala ng
produkto mula sa seller ay maghahatid ng problema tungo sa konsumer, paraan ng
pagpapadala ng bayarin, mga nakatagong dagdag bayad, hindi malinaw na mga polisiya,

34

magulong ayos ng website, at hindi atraktibong disenyo sa website ng produkto. Hindi
talaga nawawala ang panganib sa online world. Marami ang nagiging biktima ng
panloloko sapagkat walang pagkakataon ang mga mamimili na busisiin nang personal
ang pisikal na produkto at hindi ganoon aktibo sa chat ang nagbebenta. Problematiko
ang pagsugal sa bayad kung ang darating sa kamay nilang produkto ay tama, maayos,
pulido, at orihinal na hango. Ang e-commerce ang madaling masabayan ngunit ang online
shopping ay hindi isandaang porsiyento ang katiyakan at kasiguraduhan. Ito raw ang ilan
sa mga problema na kailangan munang ikonsidera ng mga bibili sa online: isyu sa kalidad,
espisikong araw ng pagpapadala ng produkto, problema sa pagbabayad online dahil
karamihan ay glitch o nagiging biktima ng scam, dagdag na bayad, hindi nila tinatanggap
ang mga binabalik ng mga mamimili, at ang panghuli, kakulangan sa seguridad, ang mga
impormasyon ng mamimili ay hindi ganoon ka ligtas lalo na kung walang maayos na
sistema para sa data privacy ng website (Mittal, 2017).

Isa pang problema na nahaharap ng mga mamimili ay ang hindi pagintindi at hindi
pagbabasa sa mga patakaran ng mga nagbebenta dahil sa magkaibang wika. Pakiwari
lamang na hindi na ito imprtante dahil hindi nila maintindihan. Pwede maging paraan ang
wika upang mas maraming pang gumamit ng online shopping o mabawasan ang mga
takot ng mga mamimili. Ito rin ang dahilan kung bakit tayo mabilis mauto, makita lang na
maganda ay ayos na.

Marami na ang nabiktima sa mga pekeng produkto na kanilang natatanggap gaya
na lamang ng mag-amang bumili ng laptop nitong Enero 2021 ngunit nang dumating ay
kahoy ang laman. Labis na pag-iyak ang nagawa ng ama sapagkat nasayang ang
kanilang binayad. Nahanap ang nagbenta ay naibalik naman ang ibinayad. Ano ang
mahihinuha rito, ang karamihan sa mga palpak na sistema ng Lazada ay nadadawit sa
pang scam. May ilang kaso pa na naranasan ang mga residente tulad ng may kakatok
na rider na may order umano sila ngunit wala naman talaga silang binili. Ang panlolokong
ito na nag-uugat sa pagkawala ng tiwala ng mga Pinoy kung ligtas at nasa pribadong
kondisyon ba ang kanilang impormasyon. Ito ang mga pinakatanyag na isyung maaaring
kaharapin gamit ang Lazada:

35

1. Maling item na ibinigay ng Lazada; kung sa larawan ay malaki pagkahawak mo
ay maliit. Iba ang kulay, tekstura, at itsura.

2. Hindi maayos at hindi maingat na pagkakabalot kaya karaniwan itong nasisira
kahit hindi pa nagagamit.

3. Pangit na serbisyo ng kanilang customer service; hindi maaasahan, hindi
sumasagot, at hindi responsable.

4. Kulang ang bilang ng item na nakuha kaysa sa binili.
5. Matagal ang pagdeliver sa inaasahang araw ng paglabas.

May tugon na ang Lazada kaugnay sa mga nagtitinda na may ganitong estilo,
Ayon kay Lazada chief executive officer Ray Alimurung, gumagawa na sila ng aksyon at
hinahanap ang mga nagbebenta, maliit o malaking negosyante man iyan upang bigyan
ng karampatang parusa. Ito ay matapos ang sunod-sunod na pagkadismaya ng mga tao
sa Lazada dahil sa magulong sistema nito. Ngunit kahit pa na nagsanib pwersa ang
kumpanya at senado hindi dito natatapos ang mga panloloko at pamemeke ng mga
kapitalista upang kumita sa bansa.

Pangangailangan o Pag-aaksaya lang?

Bakit nga ba mas tinangkilik ito sa kulturang popular? Nagpapasalin-salin lamang
ang neokolonyalismong ibinubuhos sa ating bansa, ang pagtangkilik ng mga produktong
sa katotohanan ay hindi naman talaga natin kailangan. Kundi kathang-isip lamang dahil
gusto na nating mapawi ang haba ng oras na ikinukunsumo, enerhiya, pagod, at
kasipagan upang pumunta pa sa mga pisikal na pamilihan. Dagdag ko pa na nawawaglit
sa isip ang kahirapan sa isang tao kapag may akses na bumili sa online. Bagong bihis ng
pagkatao sa pamantayan ng lipunan. Lumilikha ito ng malay at di-malay na balon ng
kolektibasyon ayon sa sanaysay ni Tolentino sa pamagat na Kulturang Popular at
Pakiwaring gitnang uri. Mautak ang mga namumuhunan dahil alam nilang patuloy na
tumataas ang bahagdan ng mga Pilipinong gumagamit ng teknolohiya, kung kaya’t
malaya silang nakapagsasagawa ng mga sarbey at panayam ukol sa mga kagustuhan o
luho na gusto nilang makita sa merkado. Inaalam ang ugali ng mga consumers upang
gawing motibo sa pagtugon ng kahingian nila. Nagkakaroon ng pagkakataon upang tayo
ay pagkakitaan sa antas ng komersyalismo. Hindi naman mayamang bansa ang Pilipinas

36

ngunit marami ang nananatili rito upang maging sentral ng pagkukuhanan ng hanap-
buhay sapagkat bukod sa mga materyales sa paggawa at narito na rin ang lakas ng
paggawa sa tulong ng pagbibigay trabaho. Panakip butas na lamang itong mga sumisikat
na online shop upang matakpan ang kahirapan ng bansa.

Ayon sa “What is the buying behavior of Filipinos online?” ng MoneyMax.ph (2014) ang
mga Pilipino ay isa sa mga Asia Pacific’s most active Internet users at isa rin sa mga
mausisa sa mga produkto. Sinabi sa artikulo na mahilig suriin ng mga Pilipino ang mga
produkto kung kaya naman 34 porsyento lamang ng online searches ang nagiging sales
ng mga kumpanya. Ilan sa mga tinitignan ng mga Pilipino sa produkto bago bumili ay ang
presyo, reviews ng mga nakabili na at naghahanap pa ng best deal sa iba’t ibang sites.
Kataka-takang mabilisan ang pagpasok ng bagong moda ng kapitalismo na nakapupuna
sa kung gaano nalululong ang mga kabataan na maging ‘in’ sa kulturang popular kapag
ikaw ay um-order sa Lazada. Tila ipinupukol ng Lazada sa isipan ng mga pinoy na ang
online shopping bilang hulmahan ng inaasam sa gitnang uri ng buhay. Tuwing bago
sumapit ang mga pakulo na sale kada buwan tulad ng 6.6 at 12.12 ay hindi na magkanda-
ugaga ang mga pinoy sa pag-add to cart ng napili nilang produkto upang i-check out o
bilhin na sa mismong araw upang makakuha ng diskwento. Pero kung iisiping mabuti,
hindi lahat ng binili mo rito ay talagang kailangan mo. Ang ilan dito ay napukaw lang ang
interes mo upang subukan. Dito nakalilimot na kailangang mag impok ng pera para sa
mga hindi inaasahang kalamidad na maaaring tumama sa buhay, pagkakasakit,
aksidente, sunog, at pagnanakaw ng ari-arian. Hindi nga rin isinasaalang-alang ang
konsepto ng insurance o certainty ng uncertainty kaya hindi bahagi sa mga
pinaglalaanang ng pantustos-gastos. Hindi rin interesante ang mga pinoy sa pagbili ng
ganito sapagkat isyu pa ang mga anomalya ng pagtakbo ng pera. Ang pang-uring
posisyon ng mababa at gitnang uri ang nagiging kasalukuyang aparato ng estado at
industriyang pangkultura. Mas handa pang gumastos kaysa mag-invest para sa
hinaharap dahil hindi na nagagawang paglaanan pa dahil nga sa inuuna ang paggastos.

Ang implikasyong ekonomiko nito sa usapin ng uring panlipunan ay umiinog lamang sa
namumuhunan, sa mga negosyanteng may salapi. Mula kay Nuncio, ang pagpapaigting
ng komersyalismo sa bansa ay nagbubukas lamang ng oportunidad sa mga kapitalistang

37

pagkaperahan ang ating mga kababayan. Hindi rin napigilan ang malawakang pagsulpot
ng mga makabagong teknolohiya na siyang naging dahilan kung kaya’t ang pagnanasa
ng lahat sa uso at luho ay bigla-biglang natutugunan. Nagtagumpay ang
pangkamunduhang impluwensya ng mga kapitalista gamit ang teknolohiya upang
lumikha ng artipisyal na pagnanasa, hilig at panstasya. Ayon pa kay Teresita Maceda
(Lagda 1999), dumagundong ang kolonyalisasyon ng mga Amerikanong impluwensya sa
kulturang popular ng Pilipinas at dahil dito nagmistulang di makatakas sa
Amerikanisasyon ang masa kahit pa natamo na natin ang ganap na kalayaan. Ang
kulturang popular ay lugar ng tensyon at kontradiksyon, kapangyarihan at resistans.
Nangingibabaw ang pag-aaksaya sapagkat kinokontrol lamang tayo ng mga utak sa likod
dito; kapitalista. Mas nakikinabang ang mga kapitalista sa pag-ikot ng transaksyon sa
negosyo, industriya at kulturang popular. Gasgas na rin ang ideolohiya na para sa
malaking kita, sapagkat magastos ang kagustuhan ng konsumer. Ang tungkulin ng
kapitalista o prodyuser ay pasayahin at gawing kuntento ang consumer. Ngunit naging
instrumento na ito upang pagkakitaan. Ang pangangailangan ng isang tao ay limitado,
ngunit ang kagustuhan ay hindi natatapos. Hindi ba’t dapat na gawing prayoridad para
sa ating pangangailangan lamang? Dahil sino ba ang lugi sa oras na magkaroon ng
problema? Tayong hindi marunong magtira ng pera para sa sakuna. Sa paggawa ng
produkto, dumadaan ito sa inobasyon, modipikasyon, at pag-rerebisa upang tangkilikin.
Dahil sa kulturang popular, babagsak ang negosyo kung hindi na ito patok.

Importanteng isaalang-alang muna ang kapakanan ng sarili at pamilya bago
magsimulang gumastos. Ang perang inilalabas ay may halaga at upang hindi tayo maging
pangunahing alipin ng komersyalismo sa panahong dapat ang tanging hangarin ay pag-
unlad. Ang ganitong halimbawa ng mga website ang panibagong aparato ng mga
kapitalistang gagamit sa bansa para sa kanilang pansariling interes. Mahalagang ikontrol
ang sarili sa paglabas ng pera upang sa panahon ng pangangailangan ay may
mailababas tayo. Iwasan ang bumili ng mga gamit na hindi kailangan at pang isang beses
lang naman ang tibay, ipatigil ang pagtanggap ng mga mensahe at notipikasyon tungkol
sa mga bagong produktong inaalok, Huwag magpamanipula sa mga naghaharing-uri.

38

#FoodPanda: Instant na Pagkain Gamit Serbisyong Binili, Pag-ani ng Iba’t ibang
Reaksyon Bilang Sukli
Ni: Rolybeth M. Japzon

#FoodPanda
Sa tala ng Rakuten Insight (2020), pitumpu’t isang porsyento ng mga Pilipino ang

gumagamit ng food delivery applications tulad ng FoodPanda, GrabFood at iba pa simula
nang lumaganap ang pandemya. Nagsara man ang mga pisikal na pamilihan ngunit
nanantiling bukas ang pagbebenta ng mga pagkain sa tulong ng delivery services. Taong
2008 nang mag-umpisa ang industriya ng food delivery business ng Food Panda sa
bansang Singapore, at ang mabilis na paggapang sa serbisyong ito ay labis na tinangkilik
ng mga mamamayan. Sa patuloy na paglago nito, nagawa nang maglagay ng sangay
nito sa iba’t ibang bansa na ‘di kalauna’y naging kakambal na ng kilalang fast food chains
o kainan dito sa Pilipinas.

Likas sa mga Pinoy na tumangkilik ng mga pagkaing ipinapakilala ng dayuhan, at
kahit pa tanungin mo ang mga bata kung ano ang gusto nilang kainin, normal ng isasagot
nila ang fried chicken ng Jollibee o kaya naman ay burger ng McDonalds. Wala pa man
ang pandemya mayroon ng sariling delivery man ang mga sikat na fast food chains, gamit
ang tumatatak na numero nila na maririnig sa telebisyon at radyo ay nagkakaroon ng
pang-eengganyo na lasapin ang pagkain nang wala ng pagod mula mahabang panahon
ng pagtayo sa pila. At ang ganitong mentalidad ng Pilipino na mapabilis ang mga bagay-
bagay ang nagtulak sa mga kompanya upang magtayo ng ganitong uri ng serbisyo.

39

Kasangkapan ang mga manggagawa sa pagpapalawig ng lawak ng komersyalismo,
naging patok ang kultura ng pagpapadeliver ng makakain sa sariling tahanan.

Ayon rin kay Chang (2014) , sa malawak na espasyo sa online na pamilihan ay
hindi maipagkakailang inuuna pa rin ng mga tao ang likas na pangangailangan tulad ng
pagkain, at dito nakakuha ng mataas na bahagdan ang food delivery kumpara sa mga
bagay tulad ng damit at sapatos. Ang bahagdan na ito ay patuloy na tumaas partikular
na nang mamulat ang mga mamamayan sa halaga ng pagkain nang malimitahan ang
paglabas at ipasara ang mga pagkainang naging bahagi ng munting salu salo.

KKK ng Rider: Karera at Kompetensya sa Kapwa Ko Manggagawa

“Pero paano ako makakakain at makakainom, kung inaagaw ko sa mga
nagugutom, ang aking kinakain, at ang aking baso ng tubig ay kinakailangan ng isang
nauuhaw?” – Salin ni Ramon F. Guillermo, Bertolt Brecht, “An die Nachgeborenen” (2001,
84)

Isa sa mga naging kaugalian ng Pilipino ay ang pagiging kompetitib, mapa-
eskwela, isports, pageants at maging sa trabaho. Mula pagkabata ay sinanay na asamin
ang mapasama sa mabibilis o mahuhusay. Sino ang mag-aakala na ang ganitong
kaugalian ay nagamit upang ang mismong magkakakampi, sa isang pisi ay
magpaunahan.

Ayon kay Paulo Friere (1970), bagamat may rason ang mga manggagawang ito
na makalaya sa mentalidad na idinikta ng makapangyarihan, mas gugustuhin pa rin na
makipagsapalaran, hindi upang may mapatunayan kung hindi dahil sa tindi at higpit ng
pangangailangan. Kung ang mismong rider ang may kontrol sa motorsiklong kanyang
minamaneho, ang panloob na salik naman na patuloy na kumokontrol at tumutulak sa
kanya upang kumayod ay ang tustusin na dapat punan at responsibilidad bilang isang
anak na maghatid ng makakain sa hapag, idagdag pa ang sitwasyon ng mga amang
nagnanais lamang na makabili ng gatas para sa anak. Malaking kabig ito upang mag-
unahan sa makukuhang konsyumer kahit pa batid nila ang pangangailangan ng isa’t isa.

Ito ang natural na sitwasyon ng Food Panda at ibang pang rider laban sa Delivery
man ng mismong fast food chain, at di kalaunan ay naging pakikipag tunggalian na rin sa

40

mismong katrabaho. Malayo sa layunin ng kompanya na maihatid ang produkto nang
walang sira at maibigay ang pagkaing mainit-init pa. Dahil kung tutuusin ang paglikha ng
ganitong ekspektasyon sa mga rider ay hindi pagtanaw sa dekalidad na serbisyo, bagkus
ay isang hudyat ng kompetensiya at bilis paggawa. Kahit pa magkakaiba ang
kompanyang kanilang pinapasukan tulad ng GrabFood, HonestBee, LalaFood at iba pa,
sila ay nakapailalim sa iisang uri ng manggagawa. Malinaw na representasyon ng
pagsasabong-sabong ng magkakauri, kahit pa iisa lang ang kanilang layon. Sa likod ng
kanilang pakikipagpaligsahan ay siya namang tuwa ng may kapangyarihan dahil laking
tulong nito sa pagpapalawak ng merkado upang patuloy na tangkilikin ng mga tao ang
ganitong uri ng serbisyo.

Ang pagpasok sa ganitong trabaho, hindi man tuwiran ngunit tatanawin na bilang
maliit na yunit ng karera. Hindi lang oras ang kalaban dahil kailangan ding maabot ang
ekspektasyon ng mga mamimili. Karera na sa makukuhang kostumer at karera pa sa
lansangan kasama ang ibang tsuper. Kung madalas pa maipit sa traffic, kanya-kanyang
diskarte na lang ng pagsuot sa gilid-gilid, hindi lang ma-reject ang order ni ma’am at sir.

Kulturang Komersyalismo at Konsumerismo: Pagbili at Kakayahan Batay sa
Estado at Katayuan

“They will not gain this liberation by chance but through the praxis of their quest for it,
through recognition of the necessity to fight for it” -Paulo Friere

Napakabilis na proseso na lamang ng pag-order ng pagkain sa panahon ngayon.
Dala ng globalisasyon, ang mahabang panahon sa pila ay matutumbasan ng ilang
segundong pag-click at pagpilli sa ilang aplikasyon at social media. Kung anong dali ng
pag-click sa napupusuang pagkain, ay siya namang hudyat sa rider at kanilang
pakikipagsapalaran. Kung anong dali para sa iyo na makahanap ng panlaman sa tiyan,
ay siya namang umpisa para sa mga rider ng pakikipagbunuan. Sa patuloy na pag-
engganyo sa mga Pilipino na masanay sa bagong normal ng pag-order ng pagkain,
maraming problema ang hindi napagtutuunan ng pansin.

Nakakapagpa-deliver naman na talaga ang mga mamamayan noon. Hindi rin
maikukubli na karamihan sa mga may kakayahan na maka-order ay mga taong mas

41

nakakaangat sa lipunan, dahil hindi ka nga naman magpapagod kaya’t kapalit nito ay
bayad sa serbisyo. Ang ganitong simpleng gawi, kung sisipatin ay nagpapalitaw sa
linyang nagbubuklod sa taong may kakayahan at kaperahan mula sa taong kumakain
nang sapat at naaayon lamang.

Maraming binago sa dating gawi, ngunit litaw pa rin ang tunay na kalagayan ng
mga taong nananatili sa estado na mayroon sila. Sa mga komersyal na nakikita sa
nagtataasang billboard at naririnig sa telebisyon, tila bida ang rider bilang isang mabilis
na superhero sa paghahatid ng pagkain na siyang nagpapagalak sa customer. Maaaring
sila ang pamukha ngunit tulad ng ibang produkto, ito ay pamukha lamang upang ipakintal
na mahalaga at naaayon ang serbisyong hatid nila.

Fake Booking: Kakarampot na nga lang ang kita, sa pag-aabono pa napunta!

“Para sa mga anak ko, para maitaguyod ko sila sa gutom. Nakakasama rin ho ng loob,
naggagasolina, nagpapagod, napaka-init tapos eto ang mangyayari – abono” -Michael
Ecle , Food Panda Delivery Rider

Kasama na sa ating kultura ang pagiging kwela at mapagbiro kung minsan.
Maaaring maging bagay ang punto ng usapan pero kung tao ang maiipit para sa kaunting
kasiyahan, nakalulungkot naman. Ngunit tunay ngang lahat ng lumalabis ay hindi
maganda ang pinatutunguhan lalo pa kung nadadamay ang taong nais lamang
makapaghanap-buhay. Bago pa man umusbong ang mga sikat na kompanya ng food
delivery ay may iilan na ring nagreklamo dahil ang address na kanilang hinahatiran ay
walang tao, nangangahulugang walang magbabayad para sa mga pagkain na na-order
at kaukulang marka o kaltas sa sweldo. Ngunit sa pagpasok ng pandemya, kung saan
labis na pumatok ang ganitong serbisyo ay siya namang paglapit ng mga taong mapang-
abuso.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez (2021) tumaas ang bilang ng mga rider na
nahuhulog sa bitag ng mga nag-fake booking. Hindi rin naman masisi ang pagkagat ng
mga rider dahil una, hindi naman nila masisigurado kung totoo ba o hindi ang pag-order
ng mga ito. Ikalawa, sa laki ng mga order na aabot sa libo at kaukulan nitong delivery fee,
ito ay malaking halaga kung maituturing, halos lahat ng rider ay gugustuhing kumita ng

42


Click to View FlipBook Version