The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by santos.ra, 2021-07-03 11:32:32

II-4 BFE_ANTOLOHIYA

II-4 BFE_ANTOLOHIYA

ng kanilang buhay. Halimbawa na lamang dito ang tambalang Julia Barreto at Joshua
Garcia o mas kilala sa kanilang love team na JoshLia. Maraming fans ang sumusubaybay
sa kanilang mga buhay sapagkat mayroong kakaibang chemistry ang loveteam na ito at
real-life partners. Ngunit umalingawngaw ang balita na wala nang relasyon ang dalawa
at masaya pa rin silang makakatrabaho ang isa't isa. Sa ganang akin, ang kasikatan ng
loveteam na ito na tinatangkilik at minamahal ng maraming tao ay naging salik upang
mas pumatok ang kantang ito sa masa. Kumbaga sa pagbebenta, sila ang nag-eendorso
sa kantang ito upang mas tangkilikin at pakinggan pa ng mga tao.

Kaugnay naman sa kulturang popular, isang katangian nito ang kasangkot na pera
sa bawat produkto o serbisyong nililikha. Kung susuriing mabuti, ang kantang ito ay hindi
libre. Kinakailangan ng pera o pagkonsumo upang mapakinggan ang awiting ito. Isipin
natin, may bayad kung magsusubcribe ka sa Spotify. May bayad rin upang bilhin ang
album sa Apple Music o iba pang digital stores. Sa Youtube naman, maaari mo itong
maakses o mapakinggan ngunit kinakailangan muna ng tao na magpaload o kumonek sa
internet. Dahil kung wala nito, wala kang mapapanood na music video o mapapanood na
kanta. Sa madaling sabi, mayroong pa ring konsumo na nagaganap. Limampung piso
para makapagpaload ng GigaSurf50 upang mabuksan ang Youtube, o hindi naman kaya
ang Spotify. Para kay Tolentino (2007), ang kulturang popular ay kaabot-abot o
ginagawang abot-kamay para sa mga naghihikaos na mamamayan. Dagdag pa niya, ito
ang normalisasyon ng mga di-pangkaraniwang bagay sa pang-araw-araw na realidad ng
paghihikaos sa buhay. Kung ilalapat ito sa sitwasyon ng pakikinig sa mga kanta na tulad
ng Paubaya, maraming tao ang tumatangkilik sa pag-subscribe sa mga apps gaya na
lamang ng Spotify o Apple music. Dumagsa rin ang pagbebenta ng mga ilegal na promo
subscription ng Spotify upang makagamit ang mga taong hindi kayang bilhin ang mahal
na bayad para sa app na ito. Mula sa halimbawang aking nabanggit, nagpapatunay
lamang ito na hindi libre ang awiting Paubaya na sangkot sa kulturang popular.

Ang awiting gaya ng Paubaya ay isang epektibong kaparaanan upang ipahiwatig
ang mensaheng nais ipabatid ng may-likha sa mga tao. Ngunit bilang mga mamamayan,
marapat lamang na maging mapanuri tayo sa mga nakatagong mensahe o kalakarang
umiiral kaugnay sa mga bagay-bagay gaya na lamang ng awiting ito. Para sa akin,

243

maganda ang mensahe ng kantang ito lalo na’t makikita ang pagpapahalaga sa kaugalian
ng pagpapatawad at pagpapaubaya. Na ang pagpapatawad ay isang mapagpalayang
akto para sa ating sarili. Sa kabilang banda, hindi maitatanggi na kabahagi ang mga awitin
sa kasalukuyang panahon sa paglaganap ng kulturang popular na sangkot ang pera at
pagkonsumo. Kung kaya, ang kakayahan ng isang tayo na sumipat hindi lamang ng mga
kanta kundi pati na rin ng mga penomenang nagaganap sa kanyang paligid ay isang
mahalagang katangian na dapat taglayin sa pang-araw-araw na pamumuhay natin.

244

MGA SANGGUNIAN:

#ABS-CBN SHUTDOWN: PAGSUSURI SA MGA PAHIWATIG NG NAKARAAN AT
KASALUKUYAN

Abad, Michelle. “TIMELINE: Duterte against ABS-CBN's Franchise Renewal.” Rappler, Rappler,

2020, www.rappler.com/newsbreak/iq/timeline-duterte-against-abs-cbn-franchise-

renewal.

Alejandro, Jennifer. “Journalism in the Age of Social - Media. Reuters Institute for the Study of
Journalism”. University of Oxford. 2010. https://www.mediaforum.md/upload/theme-
files/journalism-in-the-age-of-social-mediapdf-554fbf10114c6.pdf

Buan, Lian. “A Year after ABS-CBN Shutdown: What the Supreme Court Could Have Done.”
Rappler, 2021, www.rappler.com/newsbreak/explainers/what-could-supreme-court-have-
done-abs-cbn-shutdown-one-year-after-2021.

Taleb, Nicholas. The Black Swan: The Impact of the Highly Probable. The Random House
Publishing Group, 2007.

Warner, Joshua. “Black Swan Theory Explained: What Is a Black Swan Event?” IG, 2020,
www.ig.com/en/news-and-trade-ideas/black-swan-theory-explained--what-is-a-black-
swan-event--200703.

245

Niyutral na Silip sa Kulturang Koreano: Crash Landing on You sa Lente ng Pilipino
Savillo, L. (2019, December 13). The Korean Wave Has Hit the Philippines Hard, So We Asked
Fans Why They Love the Culture So Much. Vice. https://www.vice.com/en/article/8844kz/korean-
wave-hallyu-philippines-filipino-fans-k-pop
Min, J. K., & Denyer, S. (2020, April 18). Amid lockdown binge watching, U.S. viewers savor story
that puts a human face on North Korea. The Washington Post.
https://www.washingtonpost.com/world/asia_pacific/south-korea-crash-landing-on-you-
defectors-netflix/2020/04/17/d78c761c-7994-11ea-a311-adb1344719a9_story.html
Desk, P. (2021, May 11). Kdrama Deep Dive: How accurate is Crash Landing On You in its
portrayal of North Korea? PinkVilla. https://www.pinkvilla.com/entertainment/kdrama-deep-dive-
how-accurate-crash-landing-you-its-portrayal-north-korea-733080

246

Tunggalian, Kapitalismo, Komersyalismo: Ang rebolusyong Catriona Gray
Tungong Pakikibaka

Arguelles, Cleve V. "Apathetic millennials? The personal politics of today’s young people." In
Rethinking Filipino Millennials: Alternative Perspective on a Misunderstood Generation
2020: 41-63.

Bareng, Eriza Ong. "STEELING THE BUTTERFLY: THE IMPERIAL CONSTRUCTIONS OF

IMELDA." August 2018.

<https://scholarspace.manoa.hawaii.edu/bitstream/10125/62072/2018-08-phd-

bareng.pdf>.

MacKinnon, Catharine A. "Feminism, Marxism, Method and the State: An Agenda for Theory
1982." Vol. 7. The University of Chicago, 1982. <https://www.jstor.org/stable/3173853>.

Peracullo, Jeane C. "I AM ANGRY BECAUSE YOU ARE UNJUST: A FILIPINO WOMAN'S
AWAKENING TO FEMINISM." Dalumat Ejournal 1.2 (2010): 61-67.
<https://ejournals.ph/article.php?id=6197>.

Salazar, Joseph T. "Paputian ng Kamalayan: Pananaliksik at ang Limot na Kasaysayan ng
Pagiging Filipino." Katipunan: Filipino Bilang Disiplina (2017): 1-15.

San Juan Jr., E. "Kasaysayan, sining, Lipunan: ang poLitiKa ng panitiKan sa MaKabagong
panahon." Kritika Kultura. Philippine Cultural Studies Center, 2015. 24, 247.

Tolentino, Rolando. "Literasing Midya." Katipunan: Journal ng mga Pag-aaral sa Wika, Panitikan,
Sining at Kulturang Filipino (2016).

Uy, Marie Ernileth. "AN ANALYSIS ON THE NEWS CONSUMPTION OF THE DUTERTE DIE-
HARD SUPPORTERS IN THEIR SELECTED FACEBOOK GROUPS." (2017).
<https://d1wqtxts1xzle7.cloudfront.net/55919903/An_Analysis_on_the_Die-
hard_Supporters.pdf?1519758762=&response-content-
disposition=inline%3B+filename%3DAN_ANALYSIS_ON_THE_NEWS_CONSUMPTIO
N_OF_T.pdf&Expires=1616463284&Signature=g-~DhIUh2vUrU9aFHiFBXMiGm1p0D>.

Welker, Linda Sulfridge. "An ethnography of the performative construction of self and other in a

small town beauty pageant." January 1995. ProQuest.

<https://www.proquest.com/openview/72fceff51f1552418edb63bd10eab88d/1?pq-

origsite=gscholar&cbl=18750&diss=y>.

247

#HALAMOMS: Bonsai ni Marga o Malunggay ni Juana, Isang Kahiligan o Isang
Kahingian

Madarang, C. R. S. (2020, September 17). ‘Plant Thieves on the loose ; DENR says amid growing
interest in indoor gardening. Retrieved from: https://interaksyon.philstar.com/hobbies-
interests/2020/09/17/177122/plant-thieves-on-the-loose-denr-says-amid-growing-interest-in-
indoor-gardening/

Viuda, M. C. ( 2019, September 7). Ang magsasaka: Salamin ng Kasipagan – at ng kahirapan.
Retrieved from: https://www.rappler.com/voices/ispeak/magsasaka-kasipagan-kahirapan

Magcamit, Y. ( 2020, July 4). 5 IG shops for first-time plant parents on a budget. Retrieved from:
https://nolisoli.ph/83048/5-ig-shops-for-first-time-plant-parents-on-a-budget-ymagcamit-
20200704/

Unknown.(n.d). Buhay Probinsya. Retrieved from:

https://may11apr1940.wordpress.com/tag/buhay-probinsya/

Malasig, J. (2020, December 31). Plantitos and plantitas alert: How you can avoid plant poaching
in indoor gardening. Retrieved from: https://interaksyon.philstar.com/hobbies-
interests/2020/12/31/182925/plantitos-and-plantitas-alert-how-you-can-avoid-plant-poaching-in-
indoor-gardening/

Iskolar ng Bayan. (2020, Disyembre 17). Plantito/Platita: Ang pagsibol ng paghahalaman sa gitna
ng pandemya. Retrieved from: https://wikaatpandemya.wordpress.com/2020/12/17/plantito-
plantita-ang-pagsibol-ng-paghahalaman-sa-gitna-ng-pandemya/

Diaz-Sabado, J. P. ( n.d). The growing number of plantitas and plantitos. Retrieved from:
https://pia.gov.ph/features/articles/1050815

Iskolar ng Bayan. (2021, Enero 11). Mobile Legends: Libangan sa Panahon ng Pandemya.
Retrieved from: https://wikaatpandemya.wordpress.com/2021/01/11/libangang-mobile-legends-
sa-panahon-ng-pandemya/

ABS-NEWS. (2020, June 02). Pag-aalaga ng indoor plants nagiging patok na libangan habang
lockdown. Retrieved from: https://news.abs-cbn.com/life/06/02/20/pag-aalaga-ng-indoor-plants-
nagiging-patok-na-libangan-habang-lockdown

248

#IvanaAlawi: Pagtuklas sa Mga Lihim Ni Ligaya sa Pamamagitan ng mga Patok na
Vlogs Niya

Alawi, Ivana. "A DAY IN MY LIFE | IVANA ALAWI." YouTube. YouTube, 30 Oct. 2019. Web. 20
June 2021.

Alawi, Ivana. "PAANO AKO NAGING ARTISTA! | IVANA ALAWI." YouTube. YouTube, 13 Feb.
2020. Web. 20 June 2021.

Alawi, Ivana. "PRANK ON STRANGERS ON THE STREET! *UMIYAK AKO DI KO KINAYA* |
IVANA ALAWI." YouTube. YouTube, 14 Mar. 2021. Web. 20 June 2021.

De Guzman, Gayflor. "How Did Ivana Alawi Get the Lead Role in 'Ang Lihim Ni Ligaya?'"
LionhearTV. 23 Feb. 2020. Web. 20 June 2021.

DeBara, Deanna. "What Is Branding?" 99designs. 99designs, 24 Jan. 2020. Web. 20 June 2021.
Flora. "Wikang Filipino Sa Panahon Ng Internet at Globalisasyon." Ang Manghahasik Sa

Edukasyong Pangwika. 2009. Print.
GMA Entertainment. "'Ang Lolo Kong Prosti,' Tampok Sa 'Magpakailanman." GMA Network -

Online Portal of Kapuso News and Entertainment. GMA Entertainment, 04 Mar. 2020.
Web. 20 June 2021.
Gonzaga-Soriano, Celestine. "Ivana Reveals Her Worst Date Experience | Women's Month | Toni
Talks." YouTube. YouTube, 21 Mar. 2021. Web. 20 June 2021.
Hobbs, Renee, and Silke Grafe. "YouTube Pranking across Cultures." View of YouTube Pranking
across Cultures | First Monday. 2015. Web. 20 June 2021.
"Ivana Alawi." Wikipedia. Wikimedia Foundation, 16 June 2021. Web. 20 June 2021.
Mangahas, Maria. "Television Of, By, and for the Poor? On Suffering and Media Ethics." Plaridel
Journal. 2016. Web. 20 June 2021.
"Mona Louise Rey." Wikipedia. Wikimedia Foundation, 04 June 2021. Web. 20 June 2021.
Southern, Taryn. "What Are Some Strategies to Branding a YouTube Channel? - Quora Session
with Taryn Southern." What Are Some Strategies to Branding a YouTube Channel? -
Quora Session with Taryn Southern. 2018. Web. 20 June 2021.

249

Sánchez, Louie Jon A. "Teleserye at Kontemporanidad." Archīum Ateneo. 2020. Web. 20 June
2021.

250

Impluwensiyang K-Wave, Romantisasyon ng Pagkabalisa (Anxiety): Jeongyeon
Bilang Simbolo ng Suliranin sa Sikolohikal na Kalusugan sa Industriya ng Korean

Pop
Fandom (2021). Jeongyeon Biography. Kpop Wiki. https://kpop.fandom.com/wiki/Jeongyeon
Kurup, N. (2021, April 19) Where is Jeongyeon now? "JUNE IS FOR TWICE" trends as K-pop
band confirms summer comeback. Sportskeeda. https://www.sportskeeda.com/pop-
culture/news-where-jeongyeon-now-june-is-for-twice-trends-k-pop-band-confirms-summer-
comeback
Seligman, M.E.P., Walker, E.F. & Rosenhan, D.L..Abnormal psychology, (ika-4 na edisyon) New
York: W.W. Norton & Company, Inc.
Bouras, N. at Holt, G. (2007). Psychiatric and Behavioural Disorders in Intellectual and
Developmental Disabilities, ika-2 edisyon, Cambridge University Press: UK.
Barnhill, John W. (2020, April). Overview of Anxiety Disorders. MSD Manual Consumer Version.
https://www.msdmanuals.com/home/mental-health-disorders/anxiety-and-stress-related-
disorders/overview-of-anxiety-disorders
Jang, W., & Jung Eun, S. (2017, July 17). The Influences of K-pop Fandom onIncreasing Cultural

Contact. https://barnettcenter.osu.edu/sites/default/files/2019-08/the_influences_of_k-
pop_fandom.pdf.
- Igno, J.-A. M., & Cenidoza, M. C. E. (2016). Beyond the “Fad”: Understanding Hallyu in the
Philippines. International Journal of Social Science and Humanity, 6(9).
https://doi.org/http://www.ijssh.org/vol6/740-SH013.pdf

251

Ang Kontrobersyal na Lugaw is Essential atbp. Patungong Kulturang Popular
WIKA AT LITERASI.pptx - Wika at Literasi ANO ANG LITERASI: Course Hero
https://www.coursehero.com/file/48010581/WIKA-AT-LITERASIpptx/
Pambansang Porum sa Impormasyon at Literasiya, 2015 https://mimirbook.com/tl/41da2ef1830
Lugaw, Hindi raw essential? | GMA news feed[Video]. (2021, March 31).
YouTube. https://youtu.be/g6hZuNrWHXA
Sinas still on duty after mañanita but removal 'can be an option': PNP spokesman | ANC [Video]
(2020, May 13). Youtube. https://youtu.be/ZSvlizAaI3k
PH Justice Department junks 2020 quarantine breach complaint vs Senator Pimentel |
ANC[Video]. (2021, January 21). YouTube. https://youtu.be/AsLFb9UPetY
‘Joke only!’, says roque, on Duterte’s ‘gas on face mask’ remark [Video]. (2020, July 23).
YouTube. https://youtu.be/kafOZ5lY_4g
SAP beneficiaries, reklamo ang kaltas Na transaction fee Sa pagkuha Ng ayuda [Video]. (2020,
September 16). YouTube. https://youtu.be/6EsHYOBsUaM
“Ang Wikang Filipino sa Edukasyunal na mga Isyu sa Panahon ng Globalisasyon”: Villacorta
(2001)
Lugaw - Essential BA o non-essential? DILG Usec. Epimaco Densing III (Nakakalito) [Video].
(2021, March 31). YouTube. https://youtu.be/dBOEqKkBAas

252

#LetLeniLead: Isang Paghahangad o Tugon sa Hamon ng Pandemya?

Aguilar, K. (2021, June 9). Roque: I will only run in 2022 if Sara Duterte will run for president.
Retrieved from INQUIRER.NET: https://newsinfo.inquirer.net/1443640/roque-i-will-only-
run-in-2022-if-sara-duterte-will-run-for-president

Cepeda, M. (2020, April 7). 'Not time to keep score': Robredo focuses on frontliners, not politics.
Retrieved from Rappler: https://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/coronavirus-crisis-
robredo-focuses-frontliners-not-politics

Contretas, A. (2020, February 1). Labels and political tagging. Retrieved from The Manila Times:
https://www.manilatimes.net/2020/02/01/opinion/columnists/topanalysis/labels-and-
political-tagging/678791/

Dela Cruz, D. (2020, November 12). Robredo helps out in 'Ulysses' rescue, relief operations.
Retrieved from The Manila Times: https://www.manilatimes.net/2020/11/12/latest-
stories/breakingnews/robredo-helps-out-in-ulysses-rescue-relief-operations/795502

Gonzales, C. (2019, November 25). PDEA backs Duterte’s move to fire Robredo as drug czar.
Retrieved from INQUIRER.NET: https://newsinfo.inquirer.net/1194182/pdea-believes-
dutertes-wisdom-in-firing-robredo-as-drug-czar

Hallare, K. (2020, March 9). Leni camp: Admin spends more time bashing Robredo than solving
problems. Retrieved from INQUIRER.NET: https://newsinfo.inquirer.net/1404865/ovp-
spox-govt-spends-more-time-attacking-robredo-than-addressing-real-problems

Lalu , G. P. (2020, November 2). LOOK: Robredo checks, brings relief to Rolly-hit Camarines Sur.
Retrieved from INQUIRER.NET: https://newsinfo.inquirer.net/1355641/look-robredo-
checks-brings-relief-to-rolly-hit-camarines-sur

Limpot, K. (2020, March 12). Metro Manila lockdown only effective if supplies of essential items
are enough — VP. Retrieved from CNN Philippines:
https://cnnphilippines.com/news/2020/3/12/robredo-on-ncr-lockdown-
coronavirus.html?fbclid=IwAR3i1Piq92z03ijPeAsBtKJdGRwFBhkYWCUXqVdqrYLyEZb
GbcqjrtTJm_M

Marquez, C. (2021, May 27). Roque lying; Leni never pushed to have vaccine ad with Duterte —
VP spox. Retrieved from GMA News:

253

https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/789176/roque-lying-leni-never-pushed-
to-have-vaccine-ad-with-duterte-vp-spox/story/

News, A.-C. (2017, September 28). Ano ang mga katangian ng isang leader? Retrieved from
ABS-CBN News: https://news.abs-cbn.com/life/09/28/17/ano-ang-mga-katangian-ng-
isang-leader

News, A.-C. (2020, December 18). 'Andito po ako': Meme backfires as Robredo cites efforts amid
Mindanao floods. Retrieved from ABS-CBN News: https://news.abs-
cbn.com/news/12/18/20/andito-po-ako-meme-backfires-as-robredo-cites-efforts-amid-
mindanao-
floods?fbclid=IwAR0kfrjFPAL458qI1T8Bc11kTSQ9SNgFChP5tx5x6uJniPX_1uWWT8O
mZDY

News, A.-C. (2020, November 24). Robredo partner group's typhoon relief drive raises P64.3

million. Retrieved from ABS-CBN News: https://news.abs-

cbn.com/news/11/24/20/robredo-partner-groups-typhoon-relief-drive-raises-p643-million

Ramos, C. (2020, January 31). Robredo to gov’t: Impose China-wide travel ban now. Retrieved
from INQUIRER.NET: https://newsinfo.inquirer.net/1222157/robredo-presses-govt-to-
impose-china-wide-travel-ban-now-to-lessen-risks-for-filipinos

Staff. (2020, March 17). Robredo donates gear to health workers, pledges free shuttle rides.

Retrieved from CNN Philippines:

https://www.cnnphilippines.com/news/2020/3/17/robredo-donation-health-workers.html

Staff. (2020, November 15). Robredo visits flood-hit Cagayan after 'Ulysses' onslaught. Retrieved
from CNN Philippines: https://www.cnnphilippines.com/news/2020/11/15/Vice-President-
Leni-Robredo-Cagayan-typhoon-Ulysses.html

Staff. (n.d.). Leni Robredo. Retrieved from People Pill: https://peoplepill.com/people/leni-robredo

Taylor, N. (2015, June 12). Why Are #Hashtags So Darn Important? Retrieved from Naylor:
https://www.naylor.com/associationadviser/why-are-hashtags-important/

Unknown. (2021, May 13). Partido Liberal (Pilipinas). Retrieved from Wikipedia:
https://tl.wikipedia.org/wiki/Partido_Liberal_(Pilipinas)

Unknown. (2021, May 5). PDP–Laban. Retrieved from WIkipedia:
https://tl.wikipedia.org/wiki/PDP%E2%80%93Laban

254

Villanueva, V. M. (2021). USO Mga Piling Babasahin at Gawaing Pampagkatuto sa Panitikan at
Kulturang Popular. Manila.

255

Pag-usbong ng Bayaning Makabago: LALAMOVE bilang Tagpagtagpo at
Tagapaghango

Almario,G. (2015). Sagisag Kultura (Vol 1). CultureEd Philippines, National Commission for
Culture and the Arts. https://philippineculturaleducation.com.ph/bayani.

Crossman, A. (n.d.). Pag-Unawa Sa Functionalist Teorya. Efferit. Retrieved June 19, 2021, from
https://tl.eferrit.com/pag-unawa-sa-functionalist-teorya/

Ibarrientos, R. (2012–2013). Bayani, Bayani, Paano Ka Namamayani?Pag-Aaral Sa Dalumat Ng

Bayani Sa Mga Kabataan Sa Unang Pangkat NgIkalawang Taon Sa Hayskul Sa School of Saint

Anthony: Isang Case Study. Academia.Edu.

https://www.academia.edu/36440190/_Tesis_Bayani_Bayani_Paano_Ka_Namamayani_Bayani

_Bayani_Paano_ka_Namamayani_Pag_aaral_sa_Dalumat_ng_Bayani_sa_mga_Kabataan_sa_

Unang_Pangkat_ng_Ikalawang_Taon_sa_Hayskul_sa_School_of_Saint_Anthony_Isang_Case

_Study.

L.P. (n.d.-a). Lalamove Driver 101: Benefits Ng Lalamove Partner Driver. Lalamove Philippines.
Retrieved June 19, 2021, from https://www.lalamove.com/philippines/manila/fil/driver/lalamove-
partner-driver-requirements-process-income-benefits#benefits_ng_lalamove_partner_driver

L.P. (n.d.-b). Lalamove Driver 101: Kita Ng Lalamove Partner Driver. Lalamove Philipiines.
Retrieved June 19, 2021, from https://www.lalamove.com/philippines/manila/fil/driver/lalamove-
partner-driver-requirements-process-income-benefits#benefits_ng_lalamove_partner_driver

L.P. (n.d.-c). Lalamove Driver 101: Requirements Ng Lalamove Partner Driver. Lalamove
Philippines. Retrieved June 19, 2021, from
https://www.lalamove.com/philippines/manila/fil/driver/lalamove-partner-driver-requirements-
process-income-benefits#benefits_ng_lalamove_partner_driver

L.P. (n.d.-d). Lalamove Driver 101: Requirements, Process, Income, Benefits ATBP. Lalamove
Philippines. Retrieved June 19, 2021, from
https://www.lalamove.com/philippines/manila/fil/driver/lalamove-partner-driver-requirements-
process-income-benefits#requirements_ng_lalamove_partner_driver

Mansera, K. J. (n.d.). Ang Teoryang Behaviorism Ang Dominanteng Teorya Para Sa
Teknolohiyang Pang. SCRIBD. Retrieved June 19, 2021, from

256

https://www.scribd.com/document/356168279/Ang-Teoryang-Behaviorism-Ang-Dominanteng-
Teorya-Para-Sa-Teknolohiyang-Pang
Mapa, D. (2020, October 3). Employment Situation in July 2020. Philippine Statistics Authority,
Philippine Statistics Authority. https://psa.gov.ph/content/employment-situation-july-2020
Rivera, J. (n.d.). Pananagutan. Genius. Retrieved June 19, 2021, from https://genius.com/Jamie-
rivera-pananagutan-lyrics

257

Magandang Dilag: Pagtalunton sa Pamantayan ng Kagandahan sa Pilipinas
Magdaraog, Sheila Ruth T. (2014): The Beholder And The Beholden: The Portrayal Of Beauty In
The Context Of Philippine Mass Media retrieved
fromhttps://www.academia.edu/9161227/THE_BEHOLDER_AND_THE_BEHOLDEN_THE_PO
RTRAYAL_OF_BEAUTY_IN_THE_CONTEXT_OF_PHILIPPINE_MASS_MEDIA
Maginde, L. (2014) Color Complexes in the Philippines. Retrieved from. Japan Sociology:
http://japansociology.com/2014/05/28/color-complexes-in-the-philippines/
Rondilla, J. (2009). Filipinos and the Color Complex. in Maginde, L. (2014). Color Complexes in
the Philippines
Roy, P. (2010). Ganda mo: Perception of feminine beauty shaped by internal and external factors.
Unpublished Undergraduate Thesis. Quezon City, Philippines.
Del Ocampo, AF. (2002). Beauty: Who Sets The Standards. Aesthetic Surgery Journal. Vol 2. Pp
1-3. Retrieved from https://academic.oup.com/asj/article/22/3/267/183446
Shimizu, A. (2016). TV Says You’re Ugly: The Problem With the Media’s Unnecessary Beauty
Standards in the Philipppines. Retrieved from http://www.kfaw.or.jp/correspondents/docs/25-
2_Philippines_E.pdf
Fidalgo, G. Bhakta, K. (2019). Negative Effects of the Standards of Feminine Beauty in the United
States. Latitude Multidisciplinary Research Journal. Vo. 11. Pp 1-6.

258

#MoneyHeist: Masama’t Mabuti Isisiwalat ng Maaksyon at Maigi Tungo sa
Mapanghikayat na Pagpapamulat na Kumilos pang Lahat.

Ariano, R. (2021, April 8). 13 things you didn’t know about Money Heist. Looper.Com.
https://www.looper.com/317757/the-untold-truth-of-money-heist/?utm_campaign=clip

Bretaña, J. H. (2019, July 12). [OPINION] No such thing as a free lunch: The Filipino “libre” culture.
Rappler. https://www.rappler.com/voices/imho/filipino-libre-culture

Cobb, K. (2020, April 3). “Money Heist” Was Nearly Cancelled, and 9 Other Crazy Facts from
“Money Heist: The Phenomenon.” Decider. https://decider.com/2020/04/03/money-heist-the-
phenomenon-10-things-you-missed/

“Colonial Mentality.” (2014, December 8). Mhuang16’s Blog.

https://mhuang16.wordpress.com/2014/12/08/colonial-mentality/

Manila, C. (2020, April 22). Catch the 'Money Heist' buzz as the series' head writer gives free
Zoom talk for Filipino fans. Coconuts. https://coconuts.co/manila/lifestyle/catch-the-money-heist-
buzz-as-series-head-writer-gives-free-zoom-talk-for-filipino-fans/

Money Heist - Mga Bayani o Kriminal? (2021). LARAFORNM. https://tl.larafornm.com/money-
heist-heroes-or-criminals-94#menu-2

Moore, K. (2021, June 7). Every Viewing Statistic Netflix Has Released So Far (June 2021).
What’s on Netflix. https://www.whats-on-netflix.com/news/every-viewing-statistic-netflix-has-
released-so-far-june-2021/

Money Heist Rating. (2021). IMDb. https://www.imdb.com/title/tt6468322/ratings

N. (2020, April 30). Money Heist: A show that connects to the periphery of the world.

BusinessWorld. https://www.bworldonline.com/money-heist-a-show-that-connects-to-the-

periphery-of-the-world/

Puentes, P. (2021, January 21). After Lupin, Money Heist on Netflix is your next obsession. CNET.
https://www.cnet.com/news/lupin-money-heist-on-netflix-next-obsession/

TOP 10 on Netflix in the Philippines on June 25, 2021 •. (2021, June 5). FlixPatrol.
https://flixpatrol.com/top10/netflix/philippines/

Watson, F. (2020, April 24). Money Heist season 4: Why is Manila causing controversy? Actor
Belen Cuesta weighs in. Express.Co.Uk. https://www.express.co.uk/showbiz/tv-

259

radio/1265820/Money-Heist-season-4-Belen-Cuesta-Manila-Julia-Juanito-Netflix-La-Casa-de-
Papel
Zinampan, T. (2020, April 5). 7 things you didn’t know about ‘Money Heist.’ Rappler.
https://www.rappler.com/entertainment/series/money-heist-season-4-trivia

260

Paubaya: Pagpapatawad bilang Tunggalian ng Sarili Laban sa Sarili, Awiting
Salamin ng Kaugaliang Pilipino na Katangi-tangi

Lagmay, A. (1977). Bahala Na! Retrieved from
http://scinet.dost.gov.ph/union/Downloads/nast_Lagmay%20AV%201993%20Bahala%20Na_52
76.pdf

Pe-Pua, R., & Protacio-Marcelino, E. (2000). Sikolohiyang Pilipino (Filipino psychology): A
legacy of Virgilio G. Enriquez. Asian Journal of Social Psychology, 3(1), 49–71.
https://doi.org/10.1111/1467-839X.00054

Rungduin, Darwin & Rungduin, Teresita. (2014). Mga Kuwento ng Pagpapatawad: Pagsuyod sa
Konsepto Gamit ang Perspektibong Debelopmental. Retrieved from
https://www.researchgate.net/profile/Teresita-
Rungduin/publication/267253201_Ang_paglalakbay_tungo_sa_pagpapatawad_isang_perspekti
bong_deblopmental/links/569751ac08ae34f3cf1e1c5a/Ang-paglalakbay-tungo-sa-
pagpapatawad-isang-perspektibong-deblopmental.pdf
Tolentino, R. (2007, November 12). Kulturang Popular at Pakiwaring Gitnang Uri.
http://rolandotolentino.blogspot.com/2007/11/kulturang-popular-at-pakiwaring-gitnang.html

Ghaz, S. (2021, February 16). Personal Background of Moira dela Torre & Her Music Career.
Philippine News. https://philnews.ph/celebrity-moira-dela-torre/

The Painful Experiences That Moira dela Torre Uses To Fuel Her Beautiful Songwriting. (2021,
March 16). Metro.Style. https://metro.style/people/celebrities/toni-gonzaga-moira-dela-torre-
womens-month/29512
Moira Dela Torre. (2020, October 23). PAUBAYA Lyric Video | Moira Dela Torre.

https://www.youtube.com/watch?v=DmVjmzOmUO4

Moira Dela Torre. (2021, February 14). Moira Dela Torre - Paubaya | Official Music Video | feat.
Joshua Garcia & Julia Barretto. https://www.youtube.com/watch?v=25Cs__vdmII

Moira Dela Torre. (2021, February 27). Paubaya Music Video [Behind The Scenes] : The Story
Of Paubaya by Moira Dela Torre ❄. https://www.youtube.com/watch?v=AwhOrwom1NA

261

262

#Gmeet: Isang Aplikasyon upang Maipagpatuloy ang Edukasyon at Makasabay sa
Globalisasyon

Ni: Melessa M. Lumbao

“Technology is just a tool. In Terms
Of getting the kids working together
And motivating them, the teacher is

The most important.” - Bill Gates

Ayon kay Bertllo (2021), malaki ang naiambag ng teknolohiya sa kasaysayan ng
edukasyon. Isa ito sa itinuturing na pangunahing dahilan kung bakit mas nagiging madali,
at mabisa ang pag-aaral.

Hindi maikakaila na malaki ang naitutulong ng teknolohiya upang mapadali ang
pamumuhay ng mga tao higit lalo sa mga mag-aaral. Habang patuloy ang pag-unlad ng

iba’t ibang bansa ay patuloy rin ang pag-unlad ng teknolohiya. Ngayon tayo ay
nasa modernong panahon kung saan mas dumara mi pa ang mga makabagong
teknolohiya na nagdulot ng malaking pagbabago sa paraan ng pagkatuto ng mga mag-
aaral.

Ayon kay Janella (2011), isa lamang ang teknolohiya sa mga itinuturing na
instrumento na nakatutulong sa pagpapaunlad ng kaalaman at pagkalap ng mga
impormasyon. Sa tulong ng teknolohiya ay mas napadali na ang pagkalap ng mga
impormasyon sapagkat hindi na kinakailangang pumunta sa mga silid-aklatan upang
humanap ng mga kakailanganin na impormasyon. Malaking tulong din ang mga
teknolohiya sa pananaliksik at paggawa ng mga thesis paper. Bukod pa riyan, mas madali
nang nagagawa ang mga takdang-aralin ng mga mag-aaral.

263

Ayon sa pananaliksik ay mas napapadali at mas nagiging organisado ang mga
gawaing propesyonal at akademiko sa tulong ng mga makabagong teknolohiya na
patuloy na pumupukaw sa interes ng mga tao at nagiging sanhi upang tangkilikin ito. Mas
nagiging mabilis din ang paraan ng pakikipagkomunikasyon kahit nasaang panig man ng
mundo ang bawat isa.

Dahil sa mga umusbong na makabagong teknolohiya ay mas naging masikhay
ang pagsasagawa ng mga gawain sa paaralan. Mas naging malikhain ang mga guro sa
pagpi-present ng kanilang mga aralin at maging ang mga mag-aaral ay naging malikhain
din sa paglikha ng kanilang mga output.

Isa sa halimbawa ay ang kompyuter. Mula sa isang artikulo sa publikasyong
Sulong Udyong (2017) ang kompyuter ay itinuturing bilang isang produkto ng maraming
matatalinong tao sa makabagong panahon. Isa itong kasangkapan na nagsisilbing tulay
o mata sa mas malawak na kaalaman dahil ang sistema ng edukasyon sa kasalukuyang
panahon ay sumasailalim na sa ika-21 siglo kung saan ang kompyuter ay ang
pangunahing kagamitan sa pagpapadali at pagpapabilis ng paraan ng pag-aaral.

Kasabay ng pagbabagong dulot ng pandemya ay ang pagbabago sa moda ng
pagtuturo. Mula personal patungong birtwal na espasyo. Mula nakasanayan patungo sa
pangangailangan. Upang makasabay sa Bagong Kadawyan at maipagpatuloy pa rin ang
pagkatuto ng mga mag-aaral sa kabila ng hindi pagpapahintulot na magkaroon ng face-
to-face class, isinulong ng DepEd ang iba’t-ibang alternatibong paraan. Ayon kay
Education Undersecretary Diosdado San Antonio sa kanyang panayam sa Teleradyo,
ang kagawaran ay magpapatupad ng mga paraan upang maihatid sa mga estudyante
ang kanilang mga lesson sa darating na school year. Dagdag pa niya, Ang “learning
delivery modality” na ipatutupad sa isang lugar ay nakadepende sa sitwasyong
pangkalusugan na mayroon dito.

Ayon sa Department of Education (DepEd), maaaring ipatupad sa mga paaralan
ang alinman sa tatlo. Una ay ang Distance Learning na hindi nangangailangan ng pisikal
na presensiya sa loob ng paaralan. Ang modang ito ay nahahati sa tatlo: Modular
Distance Learning kung saan maaaring gumamit ang mga mag-aaral ng mga self-
learning module na maaaring printed o nasa digital format; Online Distance Learning kung
saan magtuturo ang mga guro gamit ang internet at maaaring i-download ang mga

264

learning materials; TV/radio-Based Instruction kung saan ang mga self-learning module
ay maaaring mapanuod sa telebisyon at mapakinggan sa mga radyo. Pangalawa ay ang
Blended learning na kumbinasyon ng Online Distance Learning, Modular Distance
Learning at TV/radio-based Instruction. Sa ganitong moda, limitado lamang ang mga
mag-aaral na papasok sa paaralan at malayang maipatutupad ang Social Distancing.
Ikatlo ay ang Homeschooling kung saan ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng home-
based learning environment na pinangangasiwaan ng mga kwalipikadong magulang,
guardians, o tutor na sumailalim sa training.

Sa ilang lugar ay pinapayagan na ang limitadong face-to-face ngunit hindi na ito
kagaya ng dati dahil limitado lamang ang bilang ng mga mag-aaral sa loob ng silid-
aralan.Paliwanag ni San Antonio "Kung pinapayagan man, sinasabi rin namin, limited
numbers. Hindi iyong dating 40 ang nasa silid-aralan. Kailangan maximum of 20 lang
tayo.”

Samantala, ayon naman sa pinuno ng Commission on Higher Education (2020),
karamihan sa mga higher educational Institutions sa bansa ay gagamit ng flexible
learning methods kung saan isasaalang-alang ang mga uri ng klase base sa kakayahan
ng mga mag-aaral at ng guro: mga walang akses sa teknolohiya, mga may limitadong
access at mga mayroong sapat na device at internet na magagamit.

Paliwanag pa ni CHED chair Prospero De Vera sa panayam sa ABS-CBN News,
“Hindi lahat online, di lahat residential. Flexible- a combination of online and offline
activities.”

#Gmeet: Birtwal na Espasyo para sa Alternatibong Paraan ng Pagtuturo

Malaking hamon sa sektor ng edukasyon sa ating bansa ang kinakaharap na
pandemya sa kasalukuyan. Malaki ang naging epekto ng COVID-19 sa paraan ng pag-
aaral. Ayon kay Mendoza (2020), ang pamamaraan ng pagtuturo at pagkatuto ay naging
“online” kung saan kinakailangan ang paggamit ng internet at akses sa iba’t-ibang
teknolohiya.

265

“Learning must continue,” mga katagang mula kay DepEd Secretary Leonor
Briones. Hindi hadlang ang anumang pandemya para mapigilan ang pagkatuto ng mga
mag-aaral.

Dahil sa pagsasailalim ng bansang Pilipinas sa Community Quarantine mula taong
2020 hanggang kasalukuyan ipinagbabawal ang pagkakaroon ng face-to-face classes
kung kaya’t bilang alternatibo ay naging lunsaran ang iba’t-ibang teaching apps upang
maipagpatuloy ang pagkatuto.

Isa sa mga patok na teaching apps ay ang google meet o mas kilala sa
katawagang gmeet. Ayon sa artikulo mula sa TexasUCanPaint, ang gmeet ay ay isang
serbisyo sa kumperensiya sa video mula sa Google. Magagamit ito sa web, telepono at
tablet para sa Android at iOs. Ito ay pangunahing dinisenyo bilang isang paraan upang
makapag-host ng mga pagpupulong sa video. Ito rin ay libre para sa lahat ng nais na
lumikha at sumali sa Video Conference. Kinakailangan lamang ng isang Google Account
at magkakaroon ka nito kung gumagamit ka ng Gmail.

Ayon kay Bro. Jason (2020), ang gmeet ay isang produkto ng Google, malaking
kumpanya na nakaugnay sa internet. Ito ay isang app para sa Video Conferencing.
Ginagamit ito upang makipag-usap sa ibang tao sa kahit saan mang panig ng mundo sa
pamamagitan ng video at maging ng chat. Kapag naka-connect sa isang tukoy na
“meeting” o “conference call” gamit ang nasabing app ay maaaring makapag-usap-usap
at magkaroon ng malayang talakayan na dati ay karaniwang ginagawa ng pisikal o
magkakasama.

Ipinaliwanag din ni Bro. Jayson ang ilan sa mga kapakinabangan o functions ng
gmeet tulad ng chat kung saan maaaring makapagpadala ang kahit na sinoman na nasa
loob ng pulong ng mensahe sa lahat ng kasali sa kasalukuyang meeting; Off/On Video
kung saan ang may-ari ng account lamang ang may kakayahang magkontrol nito; Mute
o Unmute kung saan maaaring buksan ang mikropono kung nais magsalita at i-mute ito
kung hindi naman kinakailangang magsalita; Presentation kung saan ang sinumang nasa
kasalukuyang meeting ay maaaring mag-present o magpakita ng kanilang screen kung
may nais na talakayin sa mga nasa pulong.

Kaugnayan ng Konsumerismo sa Paggamit ng Gmeet

266

Bagamat libre ang gmeet para sa lahat, kinakailangan pa rin ng internet connection
sa paggamit nito bagay na hindi kayang tugunan ng iilang mga mag-aaral. Ayon sa isang
Platinum Product Expert na may account name na Rupert sa Google Help Community,
aabot raw sa 6 Mbps ang nakakain na data sa paggamit ng gmeet na kung susumahin
ay aabot sa 2.7 gigabytes kada oras. Karamihan sa mga paaralan ay gmeet ang
ginagamit na platform sa pagsasagawa ng online class. Kung kaya’t ang ilan sa mga
lungsod sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas ay namahagi ng mga libreng Pocket Wifi at
maging ng mga bagong gadgets tulad ng tablet at laptop tulad na lamang sa Maynila at
QC.

Sa Maynila ay inanunsiyo ni Mayor Isko Moreno na maglalaan ng P994 milyon ang
lokal na pamahalaan para sa mga e-learning services na kakailanganin. Ani Moreno,
“Bibili tayo ng 110,000 na tablet para sa mga Batang Maynila. Walang tosgas (gastos) na
ang mga magulang. Lahat iyong 110,000 ay may SIM card. Buwan-buwan, may load na
10GB.” Bukod dito ay namahagi rin ng mga laptop na may pocket wifi device para sa mga
guro sa pampublikong paaralan.

Samantala, sa Quezon City naman sinabi ni Mayor Joy Belmonte na ang
naaprubahang P2.9 bilyong supplemental budget ay gagamitin upang pondohan ang
mga kinakailangan learning materials tulad ng mga gadgets, printed modules at internet
allowance ng higit sa 430,000 mag-aaral na nag-enroll. Bukod pa rito ay namahagi rin ng
mga school supplies at care packages na naglalaman ng mga goggles, face masks, at
alkohol ang LGU ng QC upang matiyak ang proteksyon ng bawat mag-aaral laban sa
banta ng COVID-19.

Ang ilang estudyante ay nangangamba pa rin tungkol sa kakulangan ng alokasyon
ng data at kailangang gumastos ng malaki upang matugunan ang pangangailangang ito
lalo pa at hindi lamang gmeet ang paggagamitan ng data connection o Wi-Fi.

Bukod pa sa gastusin sa pagkonsumo ng internet connection, ang ilan sa mga
tampok ng gmeet ay magagamit lamang sa pamamagitan ng isang bayad na subscription
sa G Suite. Ito ay nahahati sa apat; una ay ang Business Starter na nagkakahalaga ng
$6 o P292.11 per month at may kasamang 30GB na storage sa Google Drive; pangalawa
ay ang Business Standards ay nagkakahalaga ng $12 o P584.21 per month at mayroong

267

unlimited storage at extra security at admin controls; pangatlo ay ang Business Plus na
nagkakahalaga ng $18 o P876.32 per month at may kasamang 5 TB ng cloud storage at
mas pinaigting na seguridad; at ang panghuli ay ang Enterprise kung saan kinakailangan
mong makipag-ugnayan sa namamahala para sa presyo. Sa bawat subscription ay may
iba’t-ibang benepisyong makukuha.

Kung sisipatin, hindi lahat ay may kakayahang makabili ng alinman sa subscription
promo na ito sapagkat hindi naman lahat ay may sapat na pribilehiyo para rito. Hindi rin
lahat ay may kakayahang makadalo sa online class sa pamamagitan ng gmeet sapagkat
hindi naman lahat ay may kakayahan makaakses sa internet at hindi rin lahat ay may
kakayahang magkaroon ng gadget. Ayon kay House Ways and Means chairman, Rep.
Joey Sarte Salceda ng Albay (2020), ang online class ay “anti-poor” o hindi pabor sa
mahirap. Ito’y labis na sinang-ayunan ng iba’t-ibang grupo ng mga estudyante.

Tumaas ang bilang ng mga estudyante na sinasabing nagpapakamatay dahil hindi
kinaya ang bagong sistema ng pag-aaral sa gitna ng pandemya na kinakaharap ng
bansa. Isa na dito ang Grade 9 student na nagbigti umano dahil sa mga problemang dulot
ng online learning. Ayon sa ina ng biktima ay palagi niyang naririnig ang kanyang anak
na nagrereklamo tungkol sa malaking gastos sa load at internet fee. Kwento ng ina, “[Sabi
niya] na noong dati nga nagpo-provide ka sa amin ng pamasahe, nakakatipid pa kaysa
sa online class. Ngayon daw kung wala kang 100 pesos, hindi ka makakapag-online class
kasi minsan paano kung wala kang internet, wala kang pang-load, paano ka makakapag-
online class?”

Usapin Tungkol sa Karanasan ng Guro at Mag-aaral sa Paggamit ng Gmeet

Ang paggamit ng gmeet ay bago para sa mga guro at mag-aaral dahil
nakasanayan na ang face-to-face class. Kaya naman hindi naging madali ang kanilang
pag-aadjust dito lalong-lalo na iyong mga bihira lamang gumamit ng teknolohiya at
walang sapat na kaalaman sa kung paano ito gumagana. Bukod pa rito, hindi lahat ng
guro ay may sapat na training sa paggamit ng iba’t-ibang teaching apps na katulad ng
gmeet. Maging ang mga mag-aaral ay nasanay na sa pagkakaroon ng klase sa pisikal
na espasyo.

268

Bukod pa rito, malaking banta rin sa seguridad ng mga guro at mag-aaral sapagkat
may mga insidente ng “zoom bombing.” Ayon sa technology expert na si Art Samaniego
(2020), ang zoom bombing ay bagong term na na-coin at sumikat ngayong pandemya.
"May nakakapasok sa meeting room na mga hindi imbitado. Pwedeng mangyari ito sa
Zoom, MS Teams, and Google Classroom," paliwanag niya.

Upang maiwasan ang mga ganitong insidente, inilunsad ng google meet ang
bagong bilang ng mga tool upang mapanatiling ligtas ang mga birtwal na klase at
maiwasan ang insidente ng zoom bombing. Isa dito ang security controls kung saan ang
mga nilalayon na kalahok lamang ang maaaring pumasok sa pulong at ang advanced
safety locks kung saan hinaharangan ang mga hindi kilalang gumagamit at hinahayaan
na ang guro ang may kontrol sa kung sino ang maaaring makipag-chat at magpakita sa
loob ng isang pagpupulong.

Naging problema rin ng mga guro ang bilang ng kanilang mga estudyante na
pumapasok sa klase. Ayon kay Rolando Reyes, sa kanyang tatlong dekada ng pagiging
guro ay ngayon lamang siya naranasan ang mas mababa pa sa kalahati sa kabuuang
bilang ng kanyang estudyante ang dumalo sa klase. Kwento niya, "Ang klase ko kanina
umabot sa 12... 56 (lahat ng estudyante) 'to .” Ito rin ang naging karanasan ng gurong si
Barbara Jardaleza kung saan 26 out of 52 na estudyante lamang ang dumalo sa kanyang
klase.

Nag-viral din sa social media ang post ng isang propesor sa kolehiya mula sa San
Jose del Monte Bulacan kung saan ang isa sa kanyang mga estudyanteng nasa
construction site habang nasa virtual class. “All my students are encouraged to open their
cameras during our virtual class so that makita ko dapat kung anong ginagawa nila, kung
nakikinig pa ba sila sa akin for my lecture,” ayon kay Prof. Justin Veras. Bago magsimula
ang klase ay may nagtanong ang guro at ang nakasagot ay si “Rich,” 23 anyos na at isa
sa mga estudyante ng computer engineering program sa kanilang paaralan. “After
sumagot, sabi ko Mr. Dela Cruz please open your camera saka niya sinabi na Sir,
pasensya na nasa construction site ako,” sabi ni Veras.

Hindi maikakaila na malaki ang gampanin ng gobyerno pagdating sa isyu ng online
class. Hindi aabot sa ganitong punto kung una palang ay nagkaroon na ng konkretong

269

plano upang masugpo ang COVID-19. Kung naagapan agad ito ay hindi na kakailanganin
pang gumamit ng iba’t-ibang teaching apps tulad ng gmeet na dagdag gastos pa sa mga
mag-aaral at maging sa mga guro.

Sa pagpasok ng ika-21 siglo, malaki ang naging pagbabago sa lipunan pagdating
sa kung ano ang nais tangkilikin at kailangang piliin. Ngayong kumakaharap tayo sa
pandemya, mas lumago ang kapitalismo sa bansa. Hindi maikakaila ang pangambang
dulot ng kapitalismo na sumasalamin sa mga aplikasyon na nakahahalina at nagsisilbing
pangangailangan na rin sa panahon ngayon. Ayon kay Lumbera (2003) “ Samakatwid,
ang “globalisasyon” ay pananalakay ng mga kapitalistang bansa ng Kanluran na
naghahanap ng pamilihan para sa kanilang kalabisang produkto. Kunwari’y binubuksan
ng mga ito ang kanilang mga pamilihan sa mga produkto ng mahihinang ekonomiya. Pero
sa katunayan, hindi kayang makipagkompetisyon ng mahihinang ekonomiya sa kanila,
kaya’t sa kalaunan nilalamon nila ang lokal na kompetisyon. Isa ito sa negatibong epekto
ng kulturang popular sa ating bansa. Huwag magpaalipin sa mga elektroniko bagkus
matutong magkaron ng kontrol sa paggamit ng mga ito.” Dagdag pa niya, “Kung hinihimok
tayo ng globalisasyon na magbagong bihis, itinuturo naman ng ating kasaysayan na ang
pinagdaanan natin bilang sambayanan ay laging nagpapagunita na may sariling bayan
tayo, may minanang kultura at may banal na kapakanang dapat pangalagaan at
ipagtanggol kung kinakailangan.” Sa ganitong usapin ay malaki ang gampanin ng guro
upang maipaintindi ito sa mga mag-aaral nang sa gayon ay maiwasan ito at tangkilikin
ang sariling atin.

270

#ModuleLegend: Isang SURI, SALIKSIK, at Mungkahing SOLUSYON sa Bihis ng
Kasalukuyang Edukasyon

Ni: Rocel Angela B. Santos

“Kung hinihimok tayo ng globalisasyon na magbagong
bihis, itinuturo naman ng ating kasaysayan na ang
pinagdaanan natin bilang sambayanan na laging

nagpapagunita na may sariling bayan tayo, may minanang
kultura at may banal na kapakanang dapat pangalagaan at

ipagtanggol kung kinakailangan.”

-Lumbera, 2003.
Ayon kay de Castro (2001), malaki ang dulot ng teknolohiya bilang isang
transforming element sa paglikha ng makabagong modelo ng edukasyon. Sa panahon
kung saan ganap na sumasailalim ang isang bansa sa globalisasyon, malaki ang
gampanin ng mga paaralan bilang dito pangunahing nakasalalay kung paano makikilala
ang kultura ng lipunan sa isang partikular na lugar. Malaki ang inaasahang potensyal ng
teknolohiya pagdating sa pagpapaunlad ng istruktura ng kasalukuyang sistema ng
edukasyon sapagkat ito ay may kaukulang mga pamamaraan, pagkilos, at mga anyo na
makatutulong upang mapagaan, maisabuti, at maisakatuparan ang pagtuturo at
pagkatutong tiyak na umaayon at umaangkop sa anomang kahingian ng isang panahon.
Bukod pa rito, maaari din nitong tuntungin ang tuntunin na maging instrumento sa
pagtatawid ng lipunan at edukasyon, isang tiyak na bagay na makatutulong upang
maihabi sa mas praktikal at makabayang uri ang umiiral na sistemang pang-edukasyon.
Subalit hindi sasapat ang magagarang teknolohiya kung walang ilalatag na tiyak na mga

271

pagsasapraktika. Gaya ng nakasanayang mga tradisyunal na pamamaraan na may bahid
ng pagkahungkag at nakayayamot, hindi imposible na matulad ang teknolohiya sa mga
ito pagkalipas ng panahon. Mungkahi ni de Castro na hindi lamang dapat ikulong bilang
mga kagamitan sa pananaliksik o pagtitipa ng takdang-aralin ang mga kompyuter o
selpon, ito rin dapat ay maging susi upang makalikha ng mga mag-aaral na matatas ang
paraan ng pagtatanong, nakalilikha ng marami pang paraan upang masagot ang kanilang
mga suliranin, at umaabante nang komprehensibo’t kayang makapag-iwan ng legasiya.

Sa kasalukuyang panahon kung saan limitado pa rin ang bawat kilos ng bawat
sektor dulot ng pandemya, ganap ang naging pagkilos ng sangay ng edukasyon upang
patuloy pa ring matugunan ang pangangailangang edukasyunal ng mga mag-aaral.
Bukod sa pagpapatupad ng MELCs o Most Essential Learning Competencies, nakipag-
ugnayan din ang sektor sa iba’t ibang media channel upang maabot ang mga mag-aaral
na walang sapat na kagamitan o hindi kaya naman ay malayo sa kabihasnan. Bagama’t
laganap na simula pa noong kalagitnaan ng 1990s ang konsepto ng DE o Distance
Education, hindi maláy ang karamihan sa konseptong ito dala na rin ng kakulangan sa
mga kagamitan pati na rin ang pagsasanay sa hanay ng kaguruan, kaya ganoon na
lamang ang pagkataranta at pagkalito ng mayoridad ng mga mamamayan. Gayunpaman,
sinubukan itong lutasin sa pamamagitan ng pagpapanukala ng Flexible Learning kung
saan ito ay nahahati sa tatlo pang uri; ang online, offline, at blended (Magsambol, 2020).

‘Defeat o Victory’: Ang Modyul Bilang Isa sa Pangunahing Sangkalan ng Kaalaman
ngayong Bagong Kadawyan

Bilang pagresolba sa pribilehiyo at pasakit na dulot ng Distance Education para sa
mga mag-aaral na walang sapat na pambili ng gadyet at pantustos sa lingguhang load
para lamang makadalo ng online na klase, nagpanukala ang sektor ng edukasyon na
magprodyus ng mga printed na modyul upang siguruhin na ang mga walang kakayanan
ay hindi mapipilitang huminto at makasabay pa rin kahit sila ay hindi nakasasama sa
birtwal na klase. Ayon sa tala ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio, halos
umabot sa 13 milyong mag-aaral na kabilang sa pampublikong paaralan ang pumili ng
modular bilang moda ng pagkatuto ngayong taong panuruan.

272

Kaakibat ng malaking bilang na itinala ay ang gabundok na hamong kinaharap
hindi lamang ng sektor kundi pati na rin ng mga guro, mga magulang, at mismong mga
mag-aaral. Sa kaso ng kagawaran, kabi-kabila ang kamaliang nasipat sa iba’t ibang
modyul. Magmula sa pagkakaroon ng walang kulay na matching type, tumawid ito sa
pagbibigay ng isteryotipikal na pagtingin na ang pagkakaroon ng tattoo ay
nangangahulugang pagiging isang kriminal (Malipot, 2020). Kung susumahin, malaki ang
dagok na iniwan ng pandemya sa Kagawaran ng Edukasyon sapagkat sila ang
pinakapangunahing dapat na maging alerto at maláy sa anomang nilalaman ng
ipamamahaging modyul. Kritikal ang pagsusuring dapat na iatang sa bawat modyul na
ito bago tuluyang ipamahagi sapagkat sumasalamin ito sa kung paano makakamit ng
bawat mag-aaral ang inaasahang kompetensi sa bawat lumilipas na markahan o
semestre. Hindi biro ang mga self-learning modules (SLM) lalo pa sa mga kabataang
walang sapat na suportang nakukuha sa loob ng tahanan, sapagkat hindi ganap na
makakamtan ang holistikong pagkatuto lalo pa kung ang kanilang pangunahing moda ng
pagkatuto ay hindi naman nabigyan ng sapat na panahon upang maisaayos at maisabuti.

Sa estado ng kaguruan, malaking pagbabago ang kailangan nilang punan lalo pa’t
limitado ang kanilang kakayahan na maabot ang bawat mag-aaral at ituro nang mahusay
ang mga araling dapat na mapaghusayan. Ang tanging batayan lamang ng mga guro
upang masukat ang ipinamalas na pagkatuto ng mag-aaral ay ang mga sagot nilang
ipinasa sa kanilang SLMs. Subalit maituturing na hindi sapat ang kasiguraduhan na sa
likod ng mga wastong sagot ay nakakamtan ng bawat isa ang pagpapalalim ng kaalaman
sapagkat ang mga ito ay binubuo lamang ng mga impormasyon at limitadong
interaktibong gawain. Bukod pa sa nabanggit, pasan din ng mga guro ang krus pagdating
sa pamamahagi ng modyul sa mga mag-aaral sa kabila ng panganib na dulot ng
pandemya at lugar na pupuntahan. Nakalulungkot din sapagkat hindi naiwasan ng iilang
guro na bumunot mula sa sariling bulsa upang maipamahagi ang mga modyul sa takdang
panahon. Subalit tila bulag at bingi ang mga awtoridad sa hinaing ng mga bayaning guro
sa kakarampot na insentibo at pagsalo sa mga pangangailangang medikal at pinansyal
kung sakaling sila ay mahawaan ng virus. Ani Sevilla (2020), hindi ito kasama sa
kasalukuyang badyet na inilaan para sa kagawaran.

273

Hati naman ang naging hatol sa panig ng mga magulang. Bagama’t sinasabi ng
iilan na tipid ang modang ito sa pagbibigay ng baon, dagdag gastusin ito sa mga
kabahayang hindi nasanay sa pagkakaroon ng internet at gadyet, Bukod pa rito,
nagkakaroon din ng tunggalian sa pagitan ng kaalaman ng mga magulang. Marami sa
kanila ang hindi sapat ang napag-aralan, samantalang ang iba ay hindi maláy kung paano
ituturo ang isang paksa, kaya naman upang maiwasan ang paluan at sigawan, marami
sa kanila ang napipilitang sagutan o ipasagot na lamang sa iba ang modyul ng mga anak,
o hindi kaya naman ay napipilitan ang mismong mag-aaral na ibigay na lamang ang sagot
batay sa kaniyang sariling pagkakaintindi. Sa pagitan nito, nagkakaroon ng implikasyon
na ang edukasyon sa kasalukuyang panahon ay ganap nang isang pribilehiyo imbis na
pangkalahatang karapatan.

Sa kabila ng ligtas na paglulunsad ng blended learning, hindi pa rin nasiguro ang
mga mag-aaral sa bigat at nakakapanibagong danas ng bagong kadawyan. Lampas sa
karaniwang nababalitaan na marami pa ring mga kabataan ang walang sapat na
kagamitan, malaki ang ambag ng modang ito upang magkaroon ng negatibong
pagbabago sa mental na kalusugan ng bawat mag-aaral. Nakalulungkot sapagkat may
umusbong na mga balitang binawi nila ang sarili nilang buhay dahil sa bigat at patong-
patong na mga gawaing madalas ay hindi na alam kung ito ba ay esensiyal pa rin. May
iilan din na bagama’t modyular ang pinili, napilitan silang dumayo sa kanilang
pamantasan upang kunin ang mga ito, habang ang iba naman ay napilitan na lamang na
sumali sa online sapagkat huli na silang nakatanggap ng modyul. Labis ang
pakikipagbuno ng mga mag-aaral upang matugunan ang samu’t saring deadlines na
pinapalala pa ng mga halimaw na pilit umaangkla sa kanilang mga isip, kaya naman hindi
rin masisisi ang mga indibidwal na ito kung boluntaryo silang humihinto sa pag-aaral at
magpokus sa ibang bagay katulad ng pagtatrabaho.

Gayunpaman, hindi nawala ang mga mag-aaral na sinamantala ang modyular na
moda upang kunin ang pagkakataon na sila ay makapagtrabaho, at siyempre,
makapagliwaliw— nasa anyo man ng personal (na kahit bawal ay sige pa rin) at birtwal.
Sa personal na danas, malaki ang negatibong epekto ng modang modyular sa mga
indibidwal na hindi pa ganap ang kamalayan sa pagpapahalaga sa edukasyon o hindi

274

kaya naman ay iyong mga hindi sanay sa modang nabanggit sapagkat sila ang mga
minorya na mas madaling matukso na mandaya at magpabaya. Sapagkat maikli lamang
ang kanilang atensyon, sila ang nagiging pangunahing tudla ng mga aplikasyon at online
games, na nagreresulta sa hindi ganap na pagkamit ng kasanayang dapat ay kanilang
malinang.

Mobile Legends: Salamin ng Pagbabagong-Bihis sa Nakasanayang Pagpapapawis
ng mga Kabataang Pilipino

Dahil sa walang hanggang posibilidad na maaaring gawin ng midya at teknolohiya,
kabi-kabila ang pag-usbong ng mga popular at nauusong mga bagay, gawain, at
pagliliwaliw na tiyak na maglilikha ng ingay at kontrobersya sa nakararami. Kung
susumahin, isa sa pinakamalinaw na implikasyon ng pagbabagong dulot nito ay ang
kagustuhan ng mga kabataan na humarap sa mga selpon o kompyuter imbis na
magpalipad ng tsinelas upang mapatumba ang lata sa tumbang preso. Kung noon ay
paglalaro ng sariling laruan ang nais ng isang bata, ngayon ay mas gusto na ng
karamihan na PANOORIN ang mga batang naglalaro ng kanilang mga magagarang
laruan. Bata pa lang subalit lantad na ang mga ito sa pinsalang dulot ng kapitalismo, na
ang kasiyahan ay tuluyang makakamit kung may kakayahan na makabili ng magagarang
mga kagamitan. Bukod sa nabanggit, hindi rin kaila na malaki ang naging dulot ng
pandemya upang lalong malulong ang mga kabataan sa nagbabagong paraan ng
pakikipagsalamuha gamit ang paglalaro.

Ang Mobile Legends: Bang Bang o mas kilala sa tawag na ML ay binuo ng
kumpanyang ‘Shanghai Moonton Technology’ sa Malaysia noong 2016. Halos wala itong
ipinagkaiba sa mga nauna pang multiplayer online battle arena (MOBA) games gaya ng
DOTA at League of Legends subalit hindi tulad ng mga nabanggit na eksklusibo lamang
sa mga kompyuter at/o laptop na may disenteng specs, ang ML ay libreng mado-
download sa selpon, kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit patok ito sa
nakararami, baguhan man o may karanasan na sa paglalaro ng mga ganitong uri. Ang
ML ay binubuo ng iba’t ibang heroes na may ispesipikong gampanin na kailangang
matutuhan ng isang manlalaro. Sa isang aktwal na laro, kailangang bumuo ng dalawang
koponan na may limang kasapi. Dalawa sa pangunahing layunin ng mga manlalaro ay

275

protektahan ang sariling ‘tore’ na kuhaan ng kanilang lakas at unahang basagin ang tore
ng kabilang koponan. Subalit bakit ba ito patok at halos palitan na ang pwesto ng mga
tradisyunal na laro? Batay sa mga pananaliksik at personal na pakikipag-usap sa mga
‘batak’ na sa nasabing laro, bukod sa maaari itong maging lunsaran upang pakawalan
ang stress na nararamdaman at ang kasiyahang dulot nito sa tuwing mananalo,
mahihinuhang may apat na “P” kung bakit pa ito tinatangkilik: Pagsubok, Pamilyaridad,
Popularidad, at Pera.

Pagsubok at Pamilyaridad: “Plano plano rin, ‘wag puro attack.”

Dahil ang ML ay isang halimbawa ng strategic game, nasusubok ang kakayahan
at pag-iisip ng isang manlalaro sa kung paano papanalunin ang isang laro. Higit sa usapin
ng gantimpalang puntos na ibibigay sa mananalo, likas sa bawat indibidwal ang pagiging
competitive dulot ng naturang ebolusyon. Sinasabing malaki ang tulong ng strategic
games pagdating sa paghahasa ng isip ng isang tao sapagkat natututuhan nito na
makakalap ng impormasyon sa mas mabilis na pamamaraan. Ayon kina Wittenburg at
Reeves (2015), ang mga larong nangangailangan ng estratehiya ay nagbibigay rin ng
agarang pidbak na nakatutulong sa mas matalinong pagpili ng mga gagawing desisyon.
Bukod pa rito, tinutulungan din nito ang mga manlalaro na makipagsalamuha at manguna
sa pagbibigay ng mga panuto na makatutulong sa pagpapabuti ng laro. Kung susuriin,
ang mga salik na ito ay matatagpuan din sa mga tradisyunal na laro (gaya ng tumbang
preso at patintero) at board games (sungka at scrabble) na tinangkilik ng mga naunang
henerasyon. Kaya naman, hindi na nakapagtataka kung bakit ang ML ay patok din sa
kasalukuyang henerasyon.

Popularidad at Pera: “Ano na’ng rank mo? Uy ‘pabuhat’ naman lods.”

Dahil kasalukuyang tangan ng ML ang popularidad, maaari din nitong maipasa
iyon sa mga indibidwal na naglalaro nito. May hatid na kasiyahan at pagmamalaki ang
isang indibidwal kung ang ranggo nito ay mas angat sa iba pa niyang kakilala o
nakasasalamuha. Kaakibat din ng popularidad ang kabi-kabilang oportunidad na lalapit
sa isang manlalarong may magandang standing sa ML. Ang mga oportunidad na ito ay
mas kilala sa tawag na Esports League o Electronic Sports League na matagal nang sikat

276

sa ibang bansa. Sa kaso ng Pilipinas, mayroon na rin itong sariling Esports League para
sa ML at tinawag itong MLBB Professional League. Sa ikapitong taon nito na naganap
nito lamang Hunyo 2021, halos umabot sa $120,000 o humigit-kumulang limang milyong
piso ang prize pool o kabuoang premyo nito. Sa limpak na salaping dulot ng mga ganitong
usong laro, talagang hindi na nakagugulat kung bakit maraming kabataan ang
nagsusumikap na maging magaling sa ganitong larangan na madalas ay humahantong
sa pagkalulong sa ganitong klaseng laro na minsan pa ay nakaaapekto sa kalusugan at
kabuoang kapakanan ng isang indibidwal.

“Kakaselpon at Kompyuter mo Iyan!”: Ang Banta ng Pagkonsumo ng Online
Games

Ayon kay Harris, estratehiya ang pangunahing rason kung bakit patuloy ang
pagtangkilik at pagkalulong ng mga indibidwal sa iba’t ibang social media sites at online
games. Sinasabing ganap itong dinisenyo upang hatakin ang buong atensyon ng isang
tao. Sa bawat simpleng notification na lumalabas sa selpon dahilan upang makagawa ito
ng tunog o pagliwanag ng screen, tumatawid ito mula sa pagpili ng ispesipikong kulay ng
aplikasyon na tiyak na makakukuha ng atensyon sa mata ng isang indibidwal. Gamit ang
pondo ng kapitalismo, patuloy ang pagyaman ng komersyalisasyon ng midya at
teknolohiya dahilan upang ito ang unti-unting mamayani at magdikta sa buhay ng bawat
isa. Sa tanang obserbasyon, gumawa ng napakahabang tulay ang midtek sa pagitan ng
nauna at kasalukuyang henerasyon. Isa na rito ay ang kaalaman ng mga bata sa
pagmanipula ng mga gadyet kumpara sa mga matatanda. Hindi pa man marunong
bumasa at sumulat subalit alam na nila kung paano magbukas ng selpon at pindutin ang
aplikasyong YouTube. Kaya naman, hindi na nakagugulat sa susunod na panahon kung
imbis na “mama” at “papa” ang unang salita ng isang sanggol ay maging “cocomelon” na
ito.

Kasabay ng paglaganap ng digitalisasyon sa anyo ng paglalaro, sumabay rin dito
ang pag-usbong ng kabi-kabilang pag-aaral ukol sa mga negatibong epekto nito
pagdating sa estadong pang-edukasyon, sikolohikal, at kalusugan ng mga mag-aaral. Sa
isang pag-aaral na ginawa ng mga mananaliksik mula sa UP Los Baños,
nakokompromiso ang kumpletong tulog at iba pang libangan ng mga mag-aaral katulad

277

ng pakikipaglaro sa iba, panonood ng telebisyon at responsibilidad na tumulong sa ilang
mga gawaing bahay dahil sa paglalaro ng kompyuter. Bukod pa rito, banta rin ito sa pisikal
na kalusugan ng mga mag-aaral sapagkat ayon sa resulta ng pananaliksik nina Wang
and Zhu (2011), dahil limitado lamang ang paggalaw sa paglalaro ng online games,
nagreresulta ito sa pagkakaroon ng hindi normal na pagkain nang tama dahilan upang
maging overweight ang isang indibidwal. Bagama’t may iilang pag-aaral na nagsasabing
wala masyadong epekto ang paglalaro sa edukasyon, mas lamang ang nagsasabi na
malaki ang dulot ng online games katulad ng ML sa mga mag-aaral pagdating sa kanilang
pagpapahalaga sa edukasyon. Kaugnay sa nabanggit na pag-aaral mula sa UP Los
Baños, lamáng ang kabuoang grado ng mga mag-aaral na hindi naglalaro kumpara sa
mga kabataang naglalaro. Dagdag pa rito, apektado rin ang pakikipagsalamuha ng mga
indibidwal sa kanilang mga kaedad at maski sa kanilang mga kamag-anak dahil ito ay
nakokonsumo sa labis na oras na paglalaro. Hindi rin nakaligtas ang mga gawaing
pampaaralan lalo pa sa panahon ngayon sapagkat batay sa personal na obserbasyon sa
mga indibidwal na labis ang paglalaro, sila ang mas may tendensiya na magkaroon ng
limitadong kaalaman batay sa kung paano iba-badyet ang sariling oras, na nagreresulta
sa pangongopya, pandaraya, o hindi kaya naman ay mababaw na pagsuri sa bawat aralin
na pinag-aaralan.

‘Elite’ Patungong ‘Mythical Glory’: Pag-angkla ng Gamification at mga Popular na
Tematikong Pamamaraan tungo sa Pagkatutong Imba, Bongga, at Bida

Sa patuloy na paglago ng kulturang popular sa anyo ng nauusong online games,
marapat lamang na maging maláy ang mga guro sa kung ano, saan, at paano mailalapat
ang mga ito sa tiyak na pagtuturo. Makatutulong ang mga paunang kaalaman ukol sa
mga nauuso bilang sandigan sa pagpapabuti at pagtutulay nito sa sangay ng edukasyon.
Ang pag-aangkla ng gamification o sistematikong pag-uugnay ng ilang mga elemento ng
nauusong laro ay nakaani ng positibong pagkilala bilang ito ay epektibo at tiyak na
makatutulong upang mapukaw ang atensyon ng mga mag-aaral at mapanatili ang interes
nila na makiisa sa bawat talakayang gaganapin. Kung susuriin, madali lamang ito lalo pa
sa birtwal na pamamaraan sapagkat nakalatag at nakakalat ang iba’t ibang aplikasyon at
tutorials na maaaring panoorin at isagawa, subalit hamon ito pagdating sa kung paano

278

ilalapat pagdating sa modyular na pamamaraan. Ngunit gaya ng palaging sinasabi ni Dr.
Voltaire Villanueva, walang hadlang na dahilan sa gurong maparaan kaya ilan sa mga
mungkahing solusyon ay ang paglalapat ng mga konseptong ‘points’ at ‘badges’ sa mga
modyul. Karaniwan na ang puntos sa mga modyul subalit upang mas maging relatable,
maaari itong ipalit sa anyong diamonds. Ang bawat diamonds ay maaaring makuha bilang
resulta ng pagiging malikhain o mahusay sa pagsagot ng modyul. Sa bawat pagtatapos
ng markahan, ang maiipong diamonds ay maaaring ipalit sa kaukulang badge, at ang
bawat badge ay maaaring nasa anyo ng pisikal na kagamitan (ballpen, lapis), maliit na
halaga ng load, o hindi kaya naman ay dagdag na marka.

Maaari ding ihain ang online games bilang tema sa kaukulang paksa na
tatalakayin. Malaya ang bawat guro na gumawa ng sariling kuwento, ihain ito bilang mga
karakter sa mga sitwasyunal na pagsusulit, o hindi kaya naman ay gamitin ito bilang
pangunahing kagamitan sa pagsusulit gaya ng ginawa ng isang klase sa PE ng mga taga-
De La Salle University. Mahalaga rin kung lalapatan ng pidbak ang bawat gawain na
pinapasagutan. Sa modyular na setup, maaaring isabay ng guro ang kaniyang mga
komento mula sa iwinastong modyul sa kaniyang ipapamahagi na bagong set, dahil isa
sa positibong tampok ng online games ay ang agarang pidbak sa manlalaro ng naging
pagganap niya sa paglalaro. Maganda ring gawing lunsaran ang online games,
halimbawa na lamang ang ML, bilang pangunahing paksa sa suring papel, sanaysay, o
hindi kaya naman ay sa pagpapalalim ng kaalaman ukol sa estratehiya. Maaaring sipiin
ang mga teknik na nilalaman ng nasabing laro at ilapat ito sa ilalahad na tips.

Sa pagsapit ng ika-21 na siglo, hindi maikakaila na hitik ang naging pagbabago ng
lipunan pagdating sa kung ano ang nais piliin at tangkilikin. Dulot din ng pagbabagong
hatid ng kapitalismo sa anyo ng midya at teknolohiya, nagbunsod ito ng malawakang
pagtulak ng mamamayan sa kanilang mga sarili upang kamtan kung ano ang idinidikta
ng uso. Mapanghamon ang iniwang legasiya ng kulturang popular sapagkat walang
katiyakan o sapat na kaalaman ang bawat isa sa kung ano pa ang maaari nitong idulot
sa bawat tiyak na sektor. Sa kaso ng Mobile Legends at ng modyul na isa sa pangunahing
paraan ng pampagkatuto sa bagong kadawyan, maituturing itong metapora sa hindi

279

matapos-tapos na tunggalian ng noon at kasalukuyang panahon. Gayunpaman, hindi
dapat pagsabungin ang dalawang bagay na ito sapagkat ang bawat panahon ay
nakapagdudulot ng malaking impluwensya sa bawat sumusunod na henerasyon. Higit na
dapat suriin sa ganang ito ang mapanganib na dulot ng kapitalismo na nagtatago sa anyo
ng makukulay na aplikasyon at kahali-halinang paanyaya, kung paanong huwag dapat
magpaalipin at sa halip ay matutong magkaroon ng kontrol kaysa magpakontrol sa mga
de-kahong elektroniko. Wika nga ni Lumbera (2003), “Hindi dapat magbunga ang
globalisasyon ng panibagong pagkaalipin para sa sambayanan”.

280

#PODCAST: EBOLUSYON, TUGON, SOLUSYON!
Ni: Lyka Roselle A. Viaje

Ang mga bagay ay patuloy na nagbabago at ang pagbabagong ito ay dulot ng mga
kultura at pamumuhay na tinatangkilik ng mayoridad sa lipunan. Sa sinaunang panahon,
ang mga teknolohiyang umusbong katulad ng mga kagamitang matutulis na ginagamit sa
pangangaso noon na nagdulot ng ebolusyon sapagkat ito ay tinangkilik ng mga
sinaunang tao magmula nang may makadiskubre nito. Sumunod ay ang mga damit na
mula sa balat ng hayop at dahon hanggang sa mag-ebolusyon, mapaganda pa lalo, at
hanggang ngayon ay ginagamit ng mga tao. Sa mas pinaikling sabi, ang kultura ay dulot
ng mga bagay at gawi na nadidiskubre at tinatangkilik ng mga tao sa lipunan.

Sa kasalukuyan, marami ang umusbong na kulturang tinatangkilik ng mga
mamamayan na tiyak na nakakaapekto sa gawi ng kanilang pamumuhay. Patok na patok
magmula nang naimbento ang digital na teknolohiya. Tunay nga namang napagaan nito
ang pakikipagkomunikasyon, pagpasok ng balita, at paghahanap ng iba’t ibang anyo ng
aliwan katulad ng vlogs, ng babasahin, ng mga laro, at marami pang iba. Ika nga, kung
ikaw ay ipinanganak sa digital era, parte na ng buhay mo ang cellphone, laptop, ipod,
tablet, at iba pang mga teknolohiyang digital.

Dahil parte na ito ng ating pamumuhay, likas sa ating mga tao na tangkilikin ito at
makibagay sa tuwing may mga latest update at latest gadget na nilalabas sa merkado.
Patunay ito na parte ng kulturang popular ang gadget na ginagamit mo ngayon habang
binabasa ang sanaysay na ito liban na lang kung printed ang kopya mo.

281

Sa malaking ebolusyon ng mga kagamitang digital, marami na ring aplikasyon ang
umusbong at patuloy na lumalago sapagkat ginagamit ng mga mamamayan. Nagiging
lunsaran ito ng mga impormasyon, komunikasyon, aliw, at marami pang iba. Maraming
matutunghayan sa digital na mundo at isa na sa mga ito ang podcast.

Ayon kay Justre (2020), ang podcast ay ebolusyon ng radyo. Ito ang makabagong
lunsaran ng mga boses na naririnig lamang noon sa radyo. Hindi pa rin naman nawawala
ang mga radyo at patuloy pa rin naman itong ginagamit ng ilan sa mga tao sa lipunan.
Gayunpaman, hindi maipagkakaila ang ambag ng podcast sa larangang may kaugnayan
sa makrong kasanayang pakikinig at maski na rin sa pagsasalita.

Nabanggit ni Oliver Skinner (2020) sa kanyang blog na taong 2004 nang
naimbento nina Adam Curry at Dave Winer ang podcast. Hangarin nina Curry at Winer
na makabuo ng plano na makapag-download ng mga online radio broadcasts mula sa
internet. Bunsod nito, isinilang ang podcast na noon ay tinatawag pa bilang iPodder na
unang inihain sa masa sa pamamagitan ng iPod.

Malaki ang tulong ng podcast bilang lunsaran ng aliw at impormasyon.
Gayunpaman, may malaking hamon din sa paggamit nito higit lalo kung ninanais nating
maging lunsaran ito ng kamalayan at edukasyon.

Isa sa mga nakikitang hamon sa paggamit ng podcast bilang lunsaran ng
impormasyon ay ang katotohanang hindi lahat ng mamamayan sa lipunan ay may
kagamitan para makapakinig ng podcast. Kahit pa sabihing laganap na ang mga
teknolohiyang pang-impormasyon at komunikasyon, lumalabas pa rin sa datos na may
mga lugar pa rin sa Pilipinas na mahina ang signal at mayroon pa rin talagang mga
mamamayan na salat sa kagamitan dulot na rin ng kahirapan at marami pang aspekto.
Ang hamon na ito ay mas kilala sa tawag na digital divide.

Malaking hamon sa makabagong panahon ang digital divide. Malaki ang epekto
nito sa lipunan at nagdudulot ito ng dibisyon. Inihain ni Steele (2018) sa kanyang artikulo
na kritikal na naimpluwensiyahan nito ang pang-araw-araw na pamumuhay ng isang tao
sa buong mundo. Ayon sa website ng Pennsylvania State University Open Resource
Publishing, ang digital divide ay bunsod ng hindi pagkakapantay-pantay sa ekonomiko at

282

panlipunang aspekto patungkol sa akses, gamit, at epekto ng impormasyon at
komunikasyong panteknolohiya. Sa madaling sabi, ang salitang digital divide ay
nagpapakahulugan sa agwat na nabubuo sa lipunan dulot ng teknolohiyang
pangkomunikasyon at impormasyon.

Gayunpaman, hindi dapat maging hadlang ang digital divide sa pagsusulong ng
makabagong pamamaraan ng pakikinig. Maraming lunsaran ang podcast katulad ng
Spotify, Soundcloud, Youtube, at iba’t ibang social networking sites. Sa katunayan,
patuloy na umuusbong ang pag-unlad ng podcast sa ating bansa. Ang Rappler din ay
gumagamit ng podcast na may layuning ilantad ang mga nangyayari sa lipunan at maging
lunsaran ng pagbibigay kamalayan. Hindi lamang nakukulong sa mga balita ang
inilulunsad nila sa kanilang podcast network. Mayroon ding mga komentaryo patungkol
sa mga politikal at panlipunang isyu, kultura, at marami pang iba.

Hindi lamang natatapos sa usaping pambansa ang podcast. Dahil nga ito ay
impluwensya rin ng mga pagbabago sa buong mundo, dapat ding tingnan sa mas
malawak na perspektibo ang pagtanaw rito.

ANG PODCAST SA GITNA NG GLOBALISASYON

Malaki ang hamong dulot sa atin ng globalisasyon. Kung titingnan sa malawakang
perspektibo, para itong karera kung saan nagpapaunahan ang iba’t ibang bansa tungo
sa sinasabing “maunlad”. Sa paligsahang ito, maraming mga aspekto ang hindi
napapahalagahan. Isa na rito ang wika. Naniniwala kasi ang ilan na sa mundong may
sistemang globalisasyon, mas angat ang Ingles kaysa ibang wika. Kung bakit ba naman
kasi tinawag itong unibersal na para bang hindi magkakaunawaan ang wika sa iba pang
wika kung hindi muna dadaan sa pagsasalin nito sa wikang Ingles. Sa ganitong
pagsusuri, dapat ugatin ang problema bago ito hapagan ng mga solusyon. Ang problema:
malaki ang masamang epekto ng globalisasyon sa pananaw at pagpapahalaga ng
lipunan sa sarili nitong wika at kultura. Iniisip kasi na sa paligsahang pang-global, hindi
esensyal ang masinsinang pag-aaral ng wika at kultura dahil nga naman hindi ito ang
wikang gamit sa paligsahang ito. Sa totoo lang, mali iyon.

283

Ang wika ay kasing esensyal ng iba pang aspekto sa lipunan. Mula sa sulating
Globalisasyon sa Edukasyong Filipino ni Villanueva (2021), wika ang lunsaran ng
komunikasyon upang mapag-isa ang mga tao sa lipunan. Kung walang wika, unti-unting
mamamatay ang kultura gayundin ang wika kung mawawala ang kultura. Magkakapit ito
at hindi mapaghihiwalay. Kung nais nating umunlad, dapat nating patatagin ang identidad
at kaakuhan natin bilang isang Pilipino. Mangyayari lamang iyon kung pagtitibayin natin
ang wika at kultura sa gitna ng mapanghamong globalisasyon.

Malaki ang maitutulong ng podcast upang mapalawig ang kamalayan patungkol
sa wika at kultura. Sa kabila ng mga tunggaliang nagaganap sa lipunan dulot ng
globalisasyon, ang podcast ay magandang lunsaran upang imulat ang sambayanang
Pilipino sa mga isyung panlipunan, mga nauusong kultura, kahit pa ang panitikan.

Ipagpalagay natin na mayroong podcast na nagbibigay pahayag at
nagpapaliwanag patungkol sa mga isyung panlipunan at nagresulta ng mga tagapakinig
na napataas ang kilay at napatango, hindi ba’t magandang simula iyon upang mapag-isa
ang masa at maimulat sila sa kanilang mga karapatan?

Maaari ring gumawa ng podcast patungkol sa wastong paggamit ng balarila, mga
payo sa pagsulat, paano gumawa ng akda, at kung ano pang maaaring makatulong sa
pagpapalalim ng ating kaalaman patungkol sa wika. Sa katunayan, maaari din itong
maging paraan upang paunlarin ang panitikan. Ikwento ang istorya, dagli, at mga serye
ng malikhaing isip sa pamamagitan ng podcast. Pinapalalim nito ang imahinasyon ng
mga nakikinig, kinikiliti nito ang isip sa pamamagitan ng mga salita at emosyon.

Maraming pwedeng gawin sa podcast na makatutulong sa pag-unlad ng wika at
panitikan kahit pa nariyan ang banta ng globalisasyon. Maraming pwedeng gawin,
kailangan lang ang malikhain at inobatibong pag-iisip.

Hindi lang diyan natatapos ang maaaring gawin ng podcast upang paunlarin ang
wika at panitikan. Magiging tampok din ito bilang kagamitan sa pagpapaunlad ng
disiplinang Filipino at sa iba pang asignatura. Tunay ngang malaki ang maitutulong ng
podcast bilang tulay sa kaunlaran at inobasyon. Kung kaya naman, malaki ang
ebolusyong magaganap kung magagamit din ito sa edukasyon.

284

EDU-AKSYON: ANG PODCAST BILANG TEKNIK AT MATERYALES SA
PAGTUTURO

Sa patuloy na pag-usbong ng mga gamit ng digital na teknolohiya sa iba’t ibang
aspekto tulad na lang sa pangkalusugan, pangkomunikasyon, pang-aliw, at talaan ng
mga alaala, hindi maipagkakailang ang mga digital na teknolohiya ay magagamit na rin
bilang instrumento sa estratehiya at teknik ng pagtuturo o miski lunsaran ng edukasyon.

Nagagamit na ang mga ito sa paggawa ng mga materyales pampagtuturo gaya ng
bidyo, PowerPoint Presentation, mga palaro, podcast, at marami pang iba. Tulad ng
nabanggit, kabilang ang podcast sa mga maaaring gamitin upang paunlarin at
pasikhayan ang pagtuturo sa anumang moda ng edukasyon—sa online class setup man
o sa face-to-face learning.

Maraming mga pananaliksik ang nagpapatunay na maganda ang naiaambag ng
podcast sa larangan ng edukasyon.

Ayon sa pananaliksik na The Esepod Project: Improving Listening Skills Through
Mobile Learning na isinagawa noong 2015, napag-alaman na napapabuti ng podcasting
ang abilidad ng mga mag-aaral sa pakikinig sapagkat ang mga napapakinggan nila ay
angkop at alam ang wastong timbre sa balarila, emosyon, at paglalahad ng impormasyon.

Bukod sa patunay na ito, taong 2012 nang lumabas sa pananaliksik ni Tam na ang
mga podcast pang-edukasyon ay epektibo sa pagtuturo ng musika at sining biswal higit
lalo sa demonstrasyon ng mga gawain. Tinutulungan kasi nito ang mga mag-aaral na
maging inobatibo, itinataas nito ang tiwala sa sarili, at pagkakaroon ng katangiang hindi
dumedepende sa iba.

Kapag nakikinig kasi ng podcast, hinahayaan ng guro ang mga mag-aaral na
magkaroon ng sariling oras upang namnamin ang sinasabi ng boses na nagmumula sa
anumang digital na teknolohiya katulad ng cellphone at laptop. Maaari rin itong ulit-ulitin
upang tunay na masipsip ng isip ang mga aral na nakapaloob sa nilalaman ng podcast.

285

Ikinumpara rin ni Wulan (2018) ang nakagawiang uri ng pagtuturo sa klase at ang
pagtuturo na mayroong podcast pang-edukasyon. Lumabas sa resulta ng mga datos na
naging mas mahusay ang nakamit ng mga mag-aaral sa kasanayang pagsasalita.

Nangangahulugan lamang ito na hindi lamang sa pakikinig nagkakaroon ng
magandang epekto ang podcast bilang instrumento at daluyan ng impormasyon at
pagkatuto. Napapabuti at nahahasa rin nito ang ibang makrong kasanayan katulad ng
pagsasalita. Patunay ito na may kaugnayan ang bawat makrong kasanayang nililinang
sa paaralan.

Marami kasing mga gawaing maaaring iangkop sa paggamit ng podcast.
Binibigyan nito ng motibasyon ang mga mag-aaral sapagkat maituturing itong hamon sa
kanila kung kaya naman nakukuha nito ang atensyon nila at naiimpluwensyahan silang
makisangkot sa mga gawaing ibinibigay ng guro.

Ang lahat ng mga halimbawang pananaliksik ay ilan lamang sa marami pang
pananaliksik na nakapagpapatunay ng magandang epekto ng podcast sa edukasyon.
Patunay rin ito sa teoryang ang podcast ay importanteng sangkap sa pag-iimplementa
ng mga edukasyong pangwika.

Malaking ebolusyon ito sa asignatura at disiplinang Filipino kung tutuusin. Ang
podcast bilang lunsaran ng mas epektibong edukasyon ay may malaking ambag tungo
sa mas inobatibo at mas masikhay na pagtuturo sa loob ng paaralan.

ANG PODCAST: INSTRUMENTO SA PAGBABAGO AT PAG-UNLAD

Sumatutal, hindi maipagkakailang may mga hamon pa ring kaakibat ang podcast
bilang kulturang popular. Manipestasyon lamang ito ng tunggalian ng uri sa lipunan at
senyales na mayroong hindi pagkakapantay-pantay sa mundong ginagalawan natin.
Gayunpaman, maging motibasyon sana ito upang bakahin ang sistemang nagpapahirap
sa masa at isulong ang lipunang may pagkakapantay-pantay. Gawing adbokasiya sana
ito upang magbigay sa mamamayan ng mga programa at serbisyong makatutulong
upang mas maging inklusibo. Higit lalo sa aspekto ng edukasyon—upang walang
maiwan.

286

Ang podcast ay instrumento sa pagbabago at pag-unlad kung magagamit ito nang
lubos at wasto. Maraming gamit ang podcast na tiyak na makatutulong higit lalo sa wika
at panitikan kahit pa sa gitna ng globalisasyon. Ang podcast ay hindi lamang pang-aliw
bagkus, isang magandang estratehiya at kagamitan upang maipaabot ang kaalaman sa
anumang moda ng edukasyon.

Hinding hindi natatapos ang kaunlaran kung kaya gamitin ang mga umuusbong na
imbensyon sa pag-unlad ng pamayanan!

287

#Kahoot: Palpak o Palakpak, Tuon sa Epektibong Pagtatasa at Pagtataya ng
Katuturan.

Ni: Eiza Marie L. Pason

"To a greater extent than traditional educational systems, games are
designed to render interactions more enjoyable, thus leading to
greater perseverance and enhanced motivation to engage with the
system. " Jackson at McNamara (2017)

Ayon kay Jackson at McNamara (2017) ang Game-Based Learning ang
nagbibigay ng ibang panlasa sa pagkatuto at pagtuturo. Nasusubok ng mga gawaing ito
ang mga natutunan ng mga mag-aaral sa masaya at magiliw na paraan. Napapaunlad
din ng pag gamit ng mga laro bilang lunsaran ng pagtataya sa klase ang pagiging aktibo
ng mga mag-aaral dahil sa napapataas nito ang kanilang motibasyon at kagustuhan na
makapagsagot ng tama. Sinasabi din nila Yildirim at Sunbul (2016) na kinokonsidera ang
pag gamit ng mga Educational Games bilang pamamaraan upang masiguro na ang mga
leksyon at katuturan ay mananatili sa mga mag-aaral matapos man ang aralin. Ang
paglulunsad nito sa klase ay maaaring magpaiba ng takbo ng pagkatuto ng mga mag-
aaral dahil sa pagiging napapanahon at angkop sa hilig at interes ng mga mag-aaral.

Sa makabagong panahon kung saan patuloy ang paglago ng teknolohiya ay
kasabay nitong umuunlad ang mga lunsaran o platform na ating ginagamit. Ang mga
mag-aaral ngayon ay mas madalas nang nakatutok sa kanilang mga mobile phones,
tablets, laptops o computers. Dito ay mas nakokonsumo ng mga estudyante ang kanilang

288

mga libreng oras at panahon. Mapapansin na malaking bilang ng mga kabataan ang
gumagamit ng iba't-ibang applications (apps) upang makisangkot sa iba't-ibang
kaganapan sa lipunan. Kung tutuusin mas mahaba pa ang oras na nailalaan ng mga
kabataan sa pagsubaybay sa mga trending na mga usapin sa social media.
Napapatunayan lamang na sa nagbabagong panahon, malaki ang epekto ng
pakikisangkot at pagsangkot sa mga kabataan sa mga gawain at usaping ito. Kaya
naman, ang pag gamit ng Digital Platforms sa panahon kung kailan patok ito sa mga
kabataan ay makakatulong upang mapataas ang antas ng kanilang interes sa pag gamit
nito hindi lamang para sa personal na kahingian kundi pati sa usaping akademikal. Sa
mga Digital Game-Based Learning Materials naipapasok ng mga guro ang mga aralin,
naiiwasan ang pagtingin dito bilang isang mabigat na gawain. Nasasabayan nito ang mga
napapanahon, uso at patok sa mga mag-aaral. Ayon kay Camilleri, M.A. At Camilleri, A.
(2017) napauunlad ng paggamit ng Digital Game-Based Learning ang kakayahan ng
isang estudyante na magtamo ng mga kaalaman at kakayahan dahil sa naiaangkop at
naiuugnay ng mabisa ang mga leksyong itinuturo ng guro sa mga larong ginagamit upang
itaya ang pagkatuto. Isa din ang pagiging digital nito sa nagpapadali at nagpapagaan ng
pagdaloy ng kaalaman nasa loob man ng paraalan ang mag-aaral o nasa kanilang
tahanan. Ipinapakita lamang nito na patuloy na umuusbong ang iba't-ibang pamamaraan
hindi lamang sa pagtuturo kundi na din sa pagtataya at pagtatasa ng pagkatuto ng mga
mag-aaral. Sangkot ang umuunlad na teknolohiya at siyensiya sa bawat pagbabago at
pag unlad ng mga ito.

Sa usapin ng pagtataya at pagtatasa ng antas ng kaalamang natamo ng ating mga
mag-aaral, dumarami na ang mga opsyon na ating maaaring magamit. Isa itong senyales
ng patuloy na paglago ng ating kultura kadikit ng edukasyon dahil sa pagkakaroon ng
mga bagong sibol na pamamaraan na naidadagdag sa mga tradisyunal na ating
nakasanayan. Isa sa pinaka popular ngayon ay ang Kahoot. Ito ay isang plataporma kung
saan nakabubuo ang isang Guro ng iba't-ibang paraan o pakulo sa kung paano niya
susubukin ang kanyang klase. Isa itong Game-Based Learning Platform kung saan
naikakabit ang konsepto ng paglalaro sa pagkatuto. Sa pamamagitan nito, nasusubok
ang bilis at talas ng isip ng mga mag-aaral sa mabilisang pagsagot at pag-aanalisa ng
mga katanungan. Sa kabilang banda, sinasabi din na ang ganitong uri ng ebalwasyon ay

289

maaaring maging "bias" dahil sa higit na pangangailangan ng paggamit ng internet at
gadgets upang maisakatuparan. Malaki din ang epekto ng bilis at bagal ng pagpoproseso
ng mga mag-aaral sa kanilang mga ideya dahil sa Kahoot mayroon lamang na ilang
segundo upang makapagsagot na kakikitain ng di pagkakaroon ng pantay na pagtingin
sa iba't-ibang paraan ng mga mag-aaral na mag-isip at mag-analisa.

#Kahoot: Kasaysayan sa likod ng pagsibol; Silip sa kanilang Misyon Tungo sa
Paglago.

Naitatag ang Kahoot noon 2012 nina Morten Versvik, Johan Brand, at Jamie
Brooker. Inilunsad naman sa isang private beta noong March, 2013 at tuluyan ng
binuksan sa publiko noong Setyembre, 2013. Magmula noonay nagtuloy-tuloy na ang
paglago nito. Ayon sa mga nagtatag ng Kahoot, nagsimula sila na ang kanilang direksyon
ay nakapaikot lamang sa apat na sulok ng klasrum ngunit lumabas na ang Game-Based
Learning ay parte na ng kulturang popular o pop culture sa panahon na iyon. Ngayon ay
hindi na lamang pangklasrum ang Kahoot kundi maaari na ding magamit sa mga gawaing
pangkomersyo, isports at kalagayang pangkultural, o sa anumang konteksto ng
pagkatuto at pagtuturo, personal man o sa birtwal na espasyo.

Ang Misyon ng Kahoot ay ang nakapaikot sa tagline na, "To make learning
awesome". Naniniwala ang kompanya na tayo ay natututo sa pamamagitan ng
kuryusidad at paglalaro. Kung ito ay pagsasamahin sa masaya at nakakagiliw na paraan
ay makakapagdulot ito ng pangmatagalang pampagkatuto. Ito ay dalawang sangkap na
tunay na pinaniniwalaan nilang makakapagpalabas ng tunay na potensyal ng ating mga
mag-aaral. At huli, Itinataguyod ng Kahoot ang pagiging Inklusibo; sa anumang kurso,
edad o kakayahan ay mananatili itong bukas para sa lahat.

Kalakasan at Kahinaan ng #Kahoot bilang Salamin ng Pampagkatuto.

Maraming mga Guro ang napahanga ng Kahoot bilang isang bagong pamamaraan
sa pagtataya at pagtatasa. Sa mga katangian nitong kapukaw-pukaw ng tingin, hanggang
sa makukulay nitong mga larawan, masisiglang mga musika at iba't-ibang opsyon sa
kung paanong paraan mo ito magagamit ay ilan lamang sa mga maaaring dahilan kung

290

bakit ang Kahoot ay ang isa sa mga ginagamit ng ating mga Guro. Hindi kaibahan ang
reaksyon ng mga estudyanye tuwing naipapakilala ang Kahoot sakanila. Marahil ay dahil
kung tutuusin, nabubuwag ng mga ganitong klaseng plataporma ang standard na
ginagamit sa klasrum.

Sa patuloy na paglago ng Kahoot at matapos ang napaka daming pagkilala na
natanggap nito, halos 6 milyong mga guro at 800 milyong mga estudyante na ang
nakakagamit nito sa halos 200 na bansa sa mundo. Maraming mga pag-aaral ang
isinagawa patungkol sa epekto ng paggamit ng Kahoot sa klasrum. Ilan sa mga
positibong epekto ng Kahoot sa ating mga mag-aaral ay ang pag-unlad ng kanilang
pakikisama, partisipasyon, at motibasyon sa klase. Sinasang-ayunan ito ng mga pag-
aaral na nagsasabing ang Game-Based Learning ay mayroong malaking parte dito.

Sa kabilang banda, Ayon kay Christ McNutt ng Human Restoration Project, ang
Kahoot ay isa lamang "Trivia Machine". Nagagawa lamang nito na mabilisang mapaalala
sa mga mag-aaral ang mga ideya na kinakailangan nilang matandaan ngunit kung
susumahin, hindi ito kasing epektibo kung ihahain ito sa isang buong klase na kung
tutuusin ay ang target ng kompanya. Ang isang mag-aaral ay mayroong sariling paraan
ng pagpapamalas ng kaniyang galing at talino. Samantala, sa paggamit ng Kahoot ay
malaking bagay ang pagiging agaran sa pagsagot ng isang mag-aaral. Kung iisipin,
maaari itong makatulong sa iba na mas maging aktibo, at mapaunlad ang koneksyon at
relasyon sa pagitan ng mga mag-aaral ngunit sa kabilang banda, maaaring hindi makita
ang kahalagahan at kabigatan ng mga katanungan kung nakokompromiso ito ng oras.
Nagiging dahilan ang kagustuhan na makapagsagot ng bilis ang mga bata upang maging
mas mababaw ang mga tanong na maibibigay ng Guro at halos naisasawalang bahala
na nito ang nilaan na oras ng mga mag-aaral sa pagbabalik-aral.

Ayon muli kay Christ McNutt, "Why are we using a multiple choice test to gauge
knowledge?". Malaking epekto ang kultura ng Kahoot sa paggamit ng multiple choice sa
kanilang sinasabi na pagiging inklusibo, lumalabas lamang na hindi gaanong
napatutuunan ng pansin ang mga salik na katulad na lamang ng mga estudyante nating
hindi gaano kagaling sa pagbabasa, pag-unawa sa mga malalalim na termino, hirap sa
pagkakabisa pati na din ang mga mag-aaral na hirap sumabay sa iba. Imbes na maging

291

mas aktibo at mas magkaroon ng motibasyon ang mga mag-aaral na humaharap sa mga
kontradiksyong ito ay mas bumababa ang kanilang kompyansa sa kanilang mga sarili.
Isa pang mahalagang usapin ay kung paano nasusukat ng mga Guro ang kaalaman na
natatamo ng kanilang mga estudyante. Ipagpalagay na lamang natin na matapos
mabigay ng guro ang tanong, higit sa kalahati ng klase ay nakakuha ng tamang sagot.
Ang mga bata na hindi kasama sa bilang ng mga nakakuha ng tamang sagot ay maaaring
mapagiwanan sa prosesong ito. Lahat ng estudyante ay mayroong mga aralin kung saan
sila nahihirapan at hindi natin ito maiiwasan.

Sa kultura natin kung saan ang talino at galing ay nababase sa pagkakaroon ng
mataas sa iskor sa mga pagsasanay o sa dami ng mga terminong iyong natatandaan ay
hindi natin nabibigyang importansya at halaga ang mga estudyanteng tunay na
nagpapakitang gilas sa tunay na aplikasyon ng mga aralin na ating itinuturo.
Napapaniwala ng Kahoot na ang kagalingan at pagkatuto ay mapapamalas lamang ng
isang bata kung lahat ng tanong ay kaya nyang masagot ng tama sa loob ng ilang
segundo at kung kabisado nya ang iba't-ibang mga termino. Nagiging mapanlinlang ito
hindi lamang para sa mga estudyante kundi pati na din sa mga Gurong gumagamit din
nito.

#Kahoot Bilang Balatkayong Representasyon ng Kulturang Popular.

Pera. Ito ang nagpapaikot ng ating mundo sa makabagong panahon. Lahat ng
pangangailangan at luho ng isang indibidwal ay nabibili na ng pera. Kung iisipin, kung
ikaw ay nasa isang pampublikong paaralan o pamantasan ay maraming nakakapagsabi
sayo na ang edukasyon na iyong natatamasa ay libre ngunit hindi. Marahil ang
edukasyon ay isang karapatan ngunit hindi ito kailanman naging libre. Ang bawat galaw
at kilos sa ating buhay ay may karampatang bayad. Kung pumapasok ka sa isang
pampublikong pamantasan na malayo sa iyong tinitirhan, hindi mo masasabing libre ito
kung gumagastos ka ng halos 50 pesos sa isang araw. Kung ikaw naman ay nanunuluyan
sa isang dorm o condo malapit sa inyong paaralan ay hindi naman kaila ang bayad ng
iyong upa. Wala ka mang ginagastos sa pamasahe o sa tuition ay paniguradong
kinakailangan mong mapagkasya ang iyong baon para sa isang buong araw na may
agahan, tanghalian at kung minsan ay may hapunan pa. Kinakailangan mo din ng mga

292


Click to View FlipBook Version