The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by santos.ra, 2021-07-03 11:32:32

II-4 BFE_ANTOLOHIYA

II-4 BFE_ANTOLOHIYA

kagamitan tulad ng cellphone, tablet o laptop dahil di man ito tuwirang inihahayag bilang
pangangailangan sa edukasyon ay hindi natin maipagkakaila na esensyal ito sa
panahong napapalibutan tayo ng teknolohiya at siyensya.

Naaapektuhan ng Kulturang Popular ang Edukasyon sa pamamagitan ng pagkubli
nito dito bilang libre. Ang Kahoot bilang isang Game-Based Learning Platform ay
sinasabing libre lalo na kung ang basic version lamang nito ang gagamitin, kung tutuusin
ay nagagamit ito sa pamantasan at kahit pa ngayon na tayo ay nasa birtwal na espasyo
lamang. Madalas itong ginagamit sa mga balik-tanaw na mga pagsasanay at gawain
ngunit kung mas susuriin ay hindi naman talaga ito libre. Sa paggamit ng Kahoot,
kinakailangan mo ng Internet at isang gadget (cellphone, tablet, laptop o computer) na
nakakakonekta sa Internet. Paano ka magkakaroon ng mga ito kung wala kang pera?
Paano mo magagamit ang Kahoot kung hindi mo kayang bilhin ang kahit isa man lang sa
mga ito? Pinapagalaw tayo ng ating pangangailangan at nagreresulta ito sa paggastos.
Isa ang Kahoot sa mga Game-Based Learning Platform na nagtataguyod ng pagiging
inklusibo sa lahat ng uri ng mag-aaral at guro. Sa kabilang banda, ang pagiging "bias" ng
Kahoot sa kung paano lamang ito magagamit at sa kung saang sitwasyon lamang ito
maaabot ng mga mag-aaral ay isang konkrektong halimbawa ng pagbabalatkayo. Hindi
pagiging Inklusibo na maaabot mo lamang ang platform kung malakas ang internet nyo
o kaya naman ay makakapagsagot at makakatanggap ka lamang ng papuri kung ikaw ay
maunang makapagsagot kaysa sa iba mong kaklase, isa pa itong nagpapakita ng
pagiging "bias" ng mismong platform.

Sa mabigat na usapin ng Kulturang Popular sa Pilipinas, kakikitaan ang maraming
bagay ng pagbabalatkayo. Napapaniwala tayo ng mga ito na kumilos upang maging
"Mas" ang maraming bagay sa ating buhay: Mas madali, mas magaan, mas epektibo,
atbp. Hindi namamalayan ng ating mga sarili na mas lalo lamang tayong nilulubog ng
mga paniniwalang ito. Hindi na natin nagagawang mag-isip ng mas matagal o ng mas
kritikal dahil sa mundong pera ang nagpapagalaw, malaking bagay ang kahit na anong
libre.

Sa pagtatapos, tunay tayong babalik sa usapin ng kalidad. Sa kung tunay ba
nitong nagagampanan at napupunan ang dahilan ng kaniyang pagkakabuo. Sa paggamit

293

ng Kahoot bilang lunsaran ng pagtatasa at pagtataya, ito ay Palpak. Hindi lamang sa
usapin ng pera at pagiging "bias" nito, hindi nito nabibigyan ng hustisya ang paraan ng
pagpapamalas ng ating mga mag-aaral ng kanilang pagkatuto. Hindi kapantay ng
handang ibigay na kahandaan ng ating mga mag-aatal ang kalidad ng pagtataya na
kayang ibigay ng paggamit ng Kahoot. Maraming aspeto ang hindi nabibigyang pansin
lalo na sa usapin ng pagiging inklusibo. Hindi maitatanggi na epektibo ito sa iilan ngunit
sa usapin na ito ay tiyak na mayroong maiiwan. Walang libre sa mundong ito.

294

#PagDANlumat Vibes: Holistikong Paraan ng Katatawanan, Estratehiyang Tugon
sa Bagot na Pagtuturo-Pagkatuto
Ni: Mark Jushua Gemo

Ang komedya ay may potensyal na maiaambag upang baguhin ang anumang uri
ng sitwasyon. Malaki rin ang maitutulong nito sa silid-aralan upang maiwasan o
mabawasan ang pagkabalisa ng mga mag-aaral. (McMorris, Boothroyd, at Pietrangelo
1997; Berk 2000). Maaari itong gawing tagubilin sa nakakatawang mga pangalan o
karakter sa mga tanong sa pagsusulit (Powers 2005). Marapat lamang na sumailalim ito
sa pananaliksik higit lalo sa edukasyon upang magamit bilang estrahehiya na tutugon sa
pangangailangan ng mga mag-aaral.

Ang paggamit ng mga nakakatawang pamamaraan ay hindi lamang upang mas
mahusay na makuha ang atensyon ng mga mag-aaral, ngunit sa pamamagitan nito ay
napapabuti rin ang panunumbalik (Ziv 1988; Miller et al. 2017). Kapag ginawang mas
masaya ang klase, gagawin mong hindi malilimutan ang nilalaman at mas pagbutihin pa
ang karanasan ng mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay mas aktibong makikilahok sa
klase at higit na nakikisangkot upang tumulong sa pagbabahagi ng mga impormasyon.
Tulad ng isang salawikain na ang isang kutsarang may masukal upang mabawasan ang
gamot, ang komedya at maaaring maging isang praktikal na kagamitan para sa pagtuturo.
Ang aming mga karanasan, karanasan din ng marami pang mga guro (Powers 2005;
Stambor 2006), at ilang pang mga empirikal na pananaliksik (Banas at al. 2011).
Nagpapahiwatig lamang na malaki ang potensyal at benepisyo nito sa larangan ng
pagtuturo.

Ngayong Bagong Kadawyan, tampok ang isang guro na sumikat mula sa TikTok
World kasama ang kanyang kakaibang paraan ng pagtuturo. Ang gurong si Teacher Dan

295

o mas kilalang “DanVibes” ay isang patunay na halimbawa na maaaring magamit ang
katatawanan bilang estratehiya sa pagtuturo. Mabisang estratehiya rin ito kung lalapatan
ng masining, makaagham, at makabuluhan na pamamaraan sa larangan ng pagtuturo-
pagkatuto. Dagdag pa rito, makatutulong din ito upang mabawasan o maiwasan ang
pagkabagot sa klase. Sa konteksto ng pandemya malaki ang naging implikasyon ng
bagong moda ng pagkatuto, lubos nitong naapektuhan ang aktibong pakikilahok ng mga
mag-aaral sa klase, nawawalan ng pokus ang mga mag-aaral dahil sa kaliwa’t kanang
paggamit ng ang iba’t ibang aplikasyon online at makabagong teknolohiya katulad ng
telepono, tablet, at ibang uri ng mga gadgets na patuloy na lumalaganap sa alon ng
globalisasyon. Kaya naman, hamon sa guro ang pagiging inobatibo at malikhain sa kung
paano gagamitin ang katatawan bilang mabisang kagamitan sa pagtuturo upang
mapukaw ang atensyon ng mga mag-aaral nang sa gayon tiyak na ang pagkatuto ay
makamit kahit na sa birtwal na espasyo man ginaganap ang pagkatuto. Samakatuwid,
ang paggamit ng katatawanan bilang kagamitan sa pagtuturo ay isang mabisang paraan
upang mapanatili ang aktibong pakikilahok at pagkamalikhain ng mga mag-aaral.

Gayunpaman, ang empirikal na pananaliksik sa pagiging epektibo ng paggamit ng
katatawanan sa klase. Ang ilan sa mga hindi mapagkasunduan at maaari pang
masubaybayan sa iba't ibang mga pamamaraan ng pananaliksik. Mas mahalaga, na ang
karanasan ng mga mag-aaral ay masuring sumasailalim sa pananaliksik upang mas
lalong mapabuti ang paggamit ng katatawanan, upang ang mga mag-aaral ay maging
konektado pa rin sa pagbabagong nagaganap (Banas at al. 2011).Panghuli, marami pang
ibang mga kadahilanan na nakakaapekto sa paggamit ng katatawanan bilang isang
kagamitan sa pagtuturo. Kahit na sumasailalim ito sa kontradiksyon na ang pagpapatawa
ay maaaring maging kapaki-pakinabang hindi lamang sa loob ng silid-aralan kung hindi
sa mga lugar o para sa mga paksang hindi maisip. Mahalaga pa rin na maisaalang-alang
ang epekto nito upang maiangkop at magamit ng mahusay sa klase. Ang isa sa mga
mabisang paraan upang umugnay sa mga mag-aaral ay ang pagiging tunay (Wanzer at
Frymier 1999). Kung hindi ka komportable sa alinman sa mga ideyang ito, huwag mong
pilitin. Ang pagiging tunay sa iyong sarili bilang isang guro ay mahalaga kaysa pilitin na
mahusay kang magpatawa sa klase. Dahil hindi mo na kailangang maging isang stand-
up comedian, ang paggamit ng katatawanan sa pagtuturo ay makakatulong sa interes ng

296

estudyante, mabawasan ang pagkabalisa, aktibong pakikilahok, pagpapanatili ng
impormasyon, at marami pang iba.

Dan Arreglado Gocng: Teacher Techy, Starter Pack! Teknolohiya’t
Katatawanan Bala ng Edukalidad

Sa edukasyon, ang pagbabago ay hindi maiiwasan. Ang pagyakap ng mga guro
at mag-aaral sa bagong moda ng pagkatuto sa panahon ng pandemya ay malaking
hamon upang makasabay sa Bagong Kadawyan. Sa patuloy na pagsabay at pagtanggap
sa pagbabago ng edukasyon, mahalagang ang mga guro ay magdudulot pa rin ng
positibong epekto sa mga mag-aaral upang itaguyod ang pag-aaral lalo’t higit ang
pangangailangan sa mga impormasyong lilinang sa kanilang kaalaman sa bansa,
akademiko, kalikasan at sarili. Hamon sa isang guro na paalabin ang puso at hangarin
na buhayin ang dagitab ng pag-asa at puso ng bawat mag-aaral.

Ang pagpapabuti ng mga pamamaraan sa pagtuturo sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng mga makabago at inobatibong estratehiya na tutugon sa
pangangailangan ng mga mag-aaral. Susi rin ito, upang mas lalong mapabuti ang
sitwasyon ng mga mag-aaral ngayong Bagong Kadawyan. Sa kasalukuyan, ang mga
tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo, tulad ng mga pamamaraan ng pagtuturo na
nakabatay sa lektyur, ay hinahamon ang mga guro na mag-isip ng mga alternatibong
pamamaraan na nagpapakita nang mas epektibong implikasyon nito sa mga mag-aaral;
maaaring ganap itong maisakatuparan kung gagawing sandalan ang paggamit ng
teknolohiya at komunikasyon. (Alonso et al., 2010; Saville, 2009; Wu et al., 2013), mga
pamamaraan na maaaring gawing posible ang pakikilahok ng mag-aaral at nakasentro
sa mag-aaral.

Sa kabilang banda, ang katatawanan ay mahalagang materyal upang makipag-
ugnayan, at magkaroon ng mapaglarong pamamaraan. (Martin, 2007). Ang kasiyahan ay
isa sa limang pangunahing pangangailangan ng mga tao, kasabay nito kaligtasan, pag-
aari, kapangyarihan, at kalayaan (Lei, Cohen, & Russler, 2010, p. 327). Kaya naman,
malaki ang maaring maging bahagi nito sa larangan ng pagtuturo. Kung pag-uugnayin
ang paggamit ng teknolohiya at katatawanan sa pagtuturo, kakaibang estratehiya ito

297

upang mas lalong panatilihin ang pagkatutong kinakailangan ng mga mag-aaral na sa
konteksto man ng pandemya o hindi. Dagdag pa rito, ang katatawanan at teknolohiya
ay isang kakaibang estratehiya sa pagtuturo sapagkat natatamaan nito ang apektibo,
kognitibo, at psychomotor na mga domeyn upang ang mga mag-aaral ay makabuo ng
isang aktibong kapaligiran sa pag-aaral.

Ang gurong si Dan Arreglado Gocong na hindi lang Teacher Techy, Funny pa!
Gamit ang mga makabagong teknolohiya at iba’t ibang social media platforms malayo
ang kanyang narating upang maging isang internet sensation, sa tulong ng kanyang
talento at kakaibang paraan ng pagtuturo tulay rin ito upang maisakatuparan ang kanyang
hangaring magbigay aliw at kaalaman sa madla. Dagdag pa rito, sa kombinasyon ng
teknolohiya at paggamit ng katatawanan sa pagtuturo mabisang paraan ito upang
itaguyod at makabuo ng kakaibang estratehiya na magbubukas ng maraming
oportunidad para mga mag-aaral at kaguruan. Sa kabilang dako, kung ito ay masuring
sasailalaim sa pananaliksik at bibigyan ng pansin maaari itong maging kapaki-
pakinabangan upang mas lalong pagtabayin ang mantra sa larangan ng pagtuturo sa
pasulong ng “edukasyon at kalidad”, EduKalidad!

Isa pa sa maraming senyales ang Gurong si Dan upang simulan ang hakbang
upang mas lalo pang palaganapin at ipagtuloy ang legasiya sa pagsusulong ng
EduKalidad. Kung ating masuring dadalumatin ang kahalagahan at kapakinabangan ng
teknolohiya at katatawanan sa larangan ng pagtuturo malaki ang maaaring maging
kanais-nais ang implikasyon nito sa larangan ng pagtuturo-pagkatuto, pati na rin sa
lipunang patuloy na hinuhulma ng panahon. Kung magiging bukas ang bawat isa at
babalangkasin ang tamang paggamit ng teknolohiya at katatawanan sa isang tiyak na
larang, ang pag-unlad ng ating sarili at lipunan ay tunay na maisasakatuparan. Bala na
rin ito kung maituturing at ikakasa na lamang upang tuluyang paputukin ang kakaibang
dulot nito hindi lamang sa larangan ng edukasyon bagkus sa iba’t iba pang larangan na
kinasasangkutan ng marami.

Elsa? Do you Wanna Build a Snowman?: Ang Dan Vibes sa Ilalim ng Kulturang
Popular

298

Ang tinig ng isang guro mula sa isa sa kanyang sumikat na mga bidyo sa mundo
ng TikTok World na kuha mula sa isang eksena mula sa animated film ng Disney na
“Frozen” na may pa-tutorial video tungkol sa pagkanta ng “Do You Want to Build a
Snowman” ay naging patok sa mga maraming netizens sa social media. Ang guro sa
elementarya na si Danieca Arreglado Goc-ong na kilala rin bilang “Teacher Dan,” ay
nakakakuha ng pansin sa online para sa kanyang voice tutorial na kanyang nilalapatan
ng comedic quips. Ngayong panahon ng pandemya, isa si Teacher Dan sa maraming
manggagawang Pilipino ang nawalan ng hanap-buhay, nagtuturo siya ng apat na
asignatura sa isang pribadong paaralan ngunit nawalan siya ng trabaho dulot ng
nakakamatay na Corona virus. Itinuro ni Teacher Dan ang Araling Panlipunan, Filipino,
Values Education at MAPEH (Musika, Sining, at Physical Education). Nang mawalan ng
trabaho si Teacher Dan, nagsimula siya ang guro sa paglikha ng mga content video
online na may hangaring magbigay ng “good vibes” habang kasabay nito, nilalapat niya
ang kanyang mga karanasan sa pagtuturo. Ang mga ito ay kanyang ini-upload sa
kanyang TikTok account, Facebook Page na “DanVibes” at sa kanyang Youtube
Channel.

Kung susurin, malaki ang epekto ng kulturang popular sa pagiging patok ni
Teacher Dan sa social media. Sapagkat, malaki ang naging impluwensya niya sa
pangyayaring nagaganap sa lipunan, sakop din nito ang impluwensya ng “DanVibes” na
nakakaapekto sa pang-araw-araw na desisyon ng mga tao. Dahil sa kanyang kakaibang
paraan sa paggawa ng mga content video na may halong komedya at karanasan sa
pagtuturo ay hinahangaan at ginagaya na rin ng nakararami. Sa isang panayam sa
DZMM Teleradyo’s “Sakto” program, ibinahagi niya ang kanyang kwento kung bakit
patuloy siyang gumagawa ng mga content video, “Masaya kasi akong nagbibigay ng aliw
at kaalaman gamit ang aking karanasan sa pagtuturo” ayon kay Teacher Dan. Senyales
lamang ito na ang kanyang gawi at ideya bilang isang nilalang ay malaki ang naging
implikasyon sa mundo ng social media upang ganap na maisakatuparan ang kanyang
layunin na magbigay ng aliw at kaalaman sa maraming tao. Samakatuwid, ang
kaganapang ito ay sumasalamin sa mukha ng kulturang popular, bagay na malaki ang
hatak upang maka-impluwensya sa mga tao.

299

Sa kabilang dako, bagamat makikita si Teacher Dan bilang isang masayahing
taong, hindi pa rin naalis sa isang tao ang malungkot at madismaya sa kanyang kapwa.
Hamon sa kanya na tanggapin ang kaliwa’t kanang tukso at uyam ng mga tao sa social
media dahil sa kanyang hindi pangkaraniwang pang-aaliw at pagtuturo. Ngunit sa kabila
ng hindi magagandang pananalita na kanyang natatanggap mula sa tao, nanatili pa rin si
Teacher Dan na ipagpatuloy ang pagbibigay aliw at kaalaman sa sa mga taong
naniniwala at higit lalo para sa kanyang mga supporters. Sa pamamagitan ng pasyon at
dedikasyon, naging malaking bahagi si Teacher Dan sa maraming tao at sa mundo ng
social media ang maigting na impluwensya ng kulturang popular. Samakatuwid, dahil siya
ay bahagi ng masa bago tuluyang manaluktok sa kanyang sariling larangan, maging siya
mismo ay may tuwirang kapangyarihan upang buhayin ang namamayaning kulturang
popular sa pamamagitan ng malawakang paggamit ng social media at pagtangkilik.

Tunay na maraming pagbabago na ang nagaganap sa larangan ng pagtuturo-
pagkatuto. Mga gampaning nagtulak sa marami upang ilagay ang sarili sa pedestal ngunit
hindi ito napapansin nang marami na malaki ang maitutulong ng teknolohiya at katatawan
hindi lamang sa larangan ng pagtuturo bagkus pati na rin sa larangan na kanilang patuloy
na sinusuong. Sa larangang sinuong ni Teacher Dan o mas kilalang “DanVibes”, tunay
na nagkaroon ng puwang ang gurong katulad niya sa lipunang ginagalawan dahil sa
pagtangkilik ng maraming tao sa aliw at kaalaman na nagmumula sa kanyang sariling
karanasan sa pagtuturo at talento Sa malalim na pagsusuri, nagbubunsod ito upang
palaganapin ang malawakang pagsulong ng kahalagahan ng teknolohiya at katatawanan
na hindi lamang nakukulong sa apat na sulok ang ideya at gamit nito. Pumapaimbulog
na pangunahin na sa midya bilang mabisang daluyan ng angking galing at husay ni
Teacher Dan sa larangan ng komedya at pagtuturo. Ang larangang ito ang naging
talaytayan o midyum upang tuluyang mabulag ang marami sa isang mabigat na daluyong
ng pagkakakulong na hindi magagamit ang katatawanan bilang instrumento sa pagtuturo
at ang negatibong epekto ng teknolohiya sa buhay ng maraming Pilipino. Samakatuwid,
sa ganang nagiging talaytayan ang paggamit ng katatawanan at teknolohiya upang
ganap na maisakatuparan pagbibigay ng aliw at kaalaman sa nakararami. Lubos nitong

300

pinagtitibay ang ugnayan ng magbubuklod upang palaganapin ang magandang epekto
nito sa tao, sarili, at lipunang kinabibilangan ng bawat isa.

301

#Gmeet: Isang Aplikasyon upang Maipagpatuloy ang Edukasyon at Makasabay sa
Globalisasyon

Mga Sanggunian:

ABS-CBN News. (2021, April 30). Mag-aaral na nasa online class habang nagtatrabaho sa
construction, hinangaan. Retrieved June 23, 2021, from https://news.abs-
cbn.com/news/04/30/21/mag-aaral-na-nasa-online-class-habang-nagtatrabaho-sa-construction-
hinangaan

ABS-CBN News, & Arra Perez, A. (2021, February 02). Ilang guro dama ANG problema SA
Attendance ng Mga Estudyante SA distance learning. Retrieved June 23, 2021, from
https://news.abs-cbn.com/news/02/02/21/ilang-guro-dama-ang-problema-sa-attendance-ng-
mga-estudyante-sa-distance-learning?

Deped nakiramay sa estudyante na nagpakamatay daw dahil sa stress na dulot ng online classes.
(2020, June 19). Retrieved from https://bandera.inquirer.net/257524/deped-nakiramay-sa-
estudyante-na-nagpakamatay-daw-dahil-sa-stress-na-dulot-ng-online-classes

Namahalan SA GASTOS ng online CLASS: Nanay ng nag-suicide Na HS STUDENT,
NAGSALITA na. (2020, October 27). Retrieved June 23, 2021, from
https://tnt.abante.com.ph/namahalan-sa-gastos-ng-online-class-nanay-ng-nag-suicide-na-hs-
student-nagsalita-na/

ONLINE na Pagtuturo: BAGONG NORMAL SA EDUKASYON. (n.d.). Retrieved June 23, 2021,
from https://instabrightgazette.mystrikingly.com/blog/online-na-pagtuturo-bagong-normal-sa-
edukasyon

ABS-CBN News. (2020, May 27). ALAMIN: MGA alternatibong Paraan ng pag-aaral NA
isinusulong NG DEPED. Retrieved June 23, 2021, from https://news.abs-
cbn.com/news/05/27/20/alamin-mga-alternatibong-paraan-ng-pag-aaral-na-isinusulong-ng-
deped

Formaran, Lomenario, Zapanta, J. (2016, March 01). Epekto Ng Teknolohiya. Retrieved June 23,
2021,
from https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/Epekto-Ng-Teknolohiya/508207

Dueñas, J. (1970, April 17). Teknolohiya SA KABATAAN at Edukasyon. Retrieved June 23, 2021,
from http://dinalupihan.gov.ph/index.php/services/219-teknolohiya-sa-kabataan-at-edukasyon

Sulong Udyong. (2017, January 24). Retrieved June 23, 2021, from
http://udyong.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=8794:ang-kahalagahan-
ng-makabagong-teknolohiya-sa-pagkatuto-ng-mga-mag-aaral&catid=90&Itemid=1267

Shen, J. (2021, February 17). New safety and engagement features in Google meet. Retrieved
June 23, 2021, from https://blog.google/outreach-initiatives/education/google-meet-safety-and-
engagement/

302

ABS-CBN NEWS. (n.d.). Ilang eksperto NAGBABALA SA paggamit NG social media SA distance
learningA. Retrieved June 23, 2021, from https://news.abs-cbn.com/news/10/01/20/ilang-
eksperto-nagbabala-sa-paggamit-ng-social-media-sa-distance-learning
Maravillas, C. (n.d.). Paggamit Ng Google Meet, Maaaring kumonsumo Ng 2.7 GB/H ayon SA
EKSPERTO. Retrieved June 23, 2021, from
https://addushstulay.wordpress.com/2020/06/22/paggamit-ng-google-meet-maaaring-
kumonsumo-ng-2-7-gb-h-ayon-sa-eksperto/
Bro. Jayson. (2020, August 2). Google Meet – Isang Modernong Kasangkapan Para Ipagpatuloy
ang Misyon! Retrieved June 23, 2021, from http://couplesforchrist.me/google-meet-isang-
modernong-kasangkapan-para-ipagpatuloy-ang-misyon/
TEXASUCANPAINT. (n.d.). ANO ang Google meet AT PAANO ITO Gumagana?: -
TEKNOLOHIYA - 2021. Retrieved June 23, 2021, from https://tl.texasucanpaint.com/what-is-
google-meet-6920
Wibowo, I. (2021, February 22). Google Workspace (Formerly G Suite) Pricing: How Much is it
and What’s Included in Each Plan? Retrieved June 23, 2021, from
https://www.emailtooltester.com/en/blog/g-suite-pricing/
Lumbera, B. 2003. Ang Wikang Filipino at ang Banta ng Globalisasyon. Bulatlat. Retrieved from
Bulatlat. https://www.bulatlat.com/news/3-7/3-7-wika.html
Ornedo, J.M. (2020, May 04). Online classes anti-poor, unstable due to internet in the Philippines
-REP. SALCEDA. Retrieved June 23, 2021, from
https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/736735/online-classes-anti-poor-unstable-due-
to-internet-in-the-philippines-rep-salceda/story/

303

#ModuleLegend: Isang SURI, SALIKSIK, at Mungkahing SOLUSYON sa Bihis ng
Kasalukuyang Edukasyon

MGA SANGGUNIAN:

Lumbera, B. 2003. Ang Wikang Filipino at ang Banta ng Globalisasyon. Bulatlat. Retrieved from
Bulatlat. https://www.bulatlat.com/news/3-7/3-7-wika.html

De Castro, I. 2001. E-MATERYAL: Pangangailangang Teknolohikal sa Makabagong Panahon.

Magsambol, B. 2020. Fast Facts: CHED’s Flexible Learning. Rappler. Retrieved from Rappler.
https://www.rappler.com/newsbreak/iq/things-to-know-ched-flexible-learning

Magsambol, B. 2020. Fast Facts: DepEd Modular Learning. Rappler. Retrieved from Rappler.
https://www.rappler.com/newsbreak/iq/things-to-know-deped-modular-learning

Adonis, M. 2020. Errors found in DepEd learning modules, TV lesson. Inquirer. Retrieved from
Inquirer.net. https://newsinfo.inquirer.net/1346930/errors-found-in-modules-tv

Malipot, M. 2020. DepEd admits error in a module that says people with tattoo are criminals.
Manila Bulletin. Retrieved from Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2020/11/19/deped-admits-
error-in-a-module-that-says-people-with-tattoo-are-criminals/

Chua, K. 2019. ‘Mobile Legends: Bang Bang’: What you need to know. Retrieved from Rappler.
https://www.rappler.com/technology/features/mobile-legends-what-to-know-sea-games-2019

Elliott, R. 2020. The Philippines’ Game Market: Data and Insights. Newzoo. Retrieved from

Newzoo. https://newzoo.com/insights/articles/data-and-insights-on-the-philippines-games-

market/

Reeves, M. Wittenburg, G. 2015. Games Can Make You a Better Strategist. Retrieved from
Harvard Business Review. https://hbr.org/2015/09/games-can-make-you-a-better-strategist

VOX. 2020. The Social Dilemma. Netflix.

Cortes, M. Alcalde, J. Camacho, J. 2012. Effects of Computer Gaming on High School Students'

Performance in Los Baños, Laguna, Philippines. Osaka University Knowledge Archive. Retrieved

from Osaka University Knowledge Archive. https://ir.library.osaka-

u.ac.jp/repo/ouka/all/24497/osipp_030_075.pdf

CIIT College of Arts and Technology. 2020. What is Gamification? CIIT College of Arts and
Technology. Retrieved from CIIT College of Arts and Technology. https://www.ciit.edu.ph/what-
is-gamification/

Zulueta, M. 2020. This university now offers Mobile Legends as a PE class. When in Manila.
Retrieved from When in Manila. https://www.wheninmanila.com/de-la-salle-university-mobile-
legends-physical-education

MGA LINK:

https://ph-mpl.com/

304

#PODCAST: EBOLUSYON, TUGON, SOLUSYON!
Mga Sanggunian
Cortina Pérez, B. Á.-M. (2015). The Esepod Project: Improving Listening Skills Through Mobile Learning.
Spain: ICT for Language Learning.
Justre. (2020, March 25). Ano nga ba ang podcast? Retrieved from KWENTOPODCAST.COM:
https://kwentopodcast.com/ano-nga-ba-ang-podcast/
Skinner, O. (2020, July 21). The Complete History of Podcast. Retrieved from voices:
https://www.voices.com/blog/history-of-podcasts/
Steele, C. (2018, September 20). The Impacts of Digital Divide. Retrieved from Digital Divide Council:
http://www.digitaldividecouncil.com/the-impacts-of-digital-divide/
The Pennsylvania State University Open Resource Publishing. (n.d.). The Digital Divide. Retrieved from
https://psu.pb.unizin.org/ist110/chapter/9-3-the-digital-divide/
Wulan, O. (2018). The Effect of Implementing Podcast in Enhancing Students’ Speaking Achievement in
the Fully Digital Era. Malang: PEOPLE: International Journal of Social Sciences.

305

#Kahoot: Palpak o Palakpak, Tuon sa Epektibong Pagtatasa at Pagtataya ng Katuturan.

Mga Sanggunian:

Alyssa, A. (2012, June 19). Kulturang Popular. Retrieved from
https://www.scribd.com/doc/97510252/Kulturang-Popular

Cahill, G. (n.d). Why Game-Based Learning? Retrieved from
https://thelearningcounsel.com/article/why-game-based-learning

Camilleri, M.A. & Camilleri, A. (2017). The Students' Perceptions of Digital Game-Based

Learning. Retrieved from

https://scholar.google.com/scholar?hl=en&as_sdt=0%2C5&q=Camilleri%2C+M.A.+%26+Camill

eri%2C+A.+%282017%29.+The+Students%27+Perceptions+of+Digital+Game-

Based++Learning.+&btnG=#d=gs_qabs&u=%23p%3Dl9wlCYGh_zkJ

Dorsainvil, R. (2019, June 28). Why We Can't Talk About Money Without Talking About

Culture. Retrieved from

https://www.google.com/amp/s/www.forbes.com/sites/riankadorsainvil/2019/06/28/why-we-cant-

talk-about-money-without-talking-about-culture/amp/

Jackson, J. T. & McNamara, D. S. (2017). THE MOTIVATION AND MASTERY CYCLE
FRAMEWORK: PREDICTING LONG-TERM BENEFITS OF EDUCATIONAL GAMES. Retrieved
from
https://scholar.google.com/scholar?hl=en&as_sdt=0%2C5&q=THE+MOTIVATION+AND+MAST
ERY+CYCLE++FRAMEWORK%3A+PREDICTING+LONG-
TERM+BENEFITS++OF+EDUCATIONAL+GAMES&btnG=#d=gs_qabs&u=%23p%3DKjZkfxQ1
CVcJ

Kahoot (n.d) About Kahoot! | Company History and Key Facts. Retrieved from
https://kahoot.com/company/

Manpreet Kaur. (2021, March 13). Kahoot What Is It: Features, Advantages, Disadvantages, and
FAQs. Retrieve from https://www.google.com/amp/s/www.techprevue.com/kahoot/%3famp

McNutt, C. (2019, June 17). It’s time to stop using Kahoot as a whole class review tool. Retrieved
from https://medium.com/human-restoration-project/its-time-to-stop-using-kahoot-as-a-whole-
class-review-tool-a894fdf0507b

306

Orito, R. (n.d). Kulturang Popular. Retrieved from
https://www.academia.edu/9686034/KULTURANG_POPULAR

Yildirim, B. & Sunbul, A. M. (2016). The Effects of Educational Games, Feedback And Correction
On The Learning Level And The Retention Of Knowledge. New Trends and Issues Proceedings
on Humanities and Social Sciences [Online]. Retrieved from
https://www.academia.edu/42801258/The_Effects_Of_Educational_Games_Feedback_And_Co
rrection_On_The_Learning_Level_And_The_Retention_Of_Knowledge

307

#PagDANlumat Vibes: Holistikong Paraan ng Katatawanan, Estratehiyang Tugon sa
Bagot na Pagtuturo-Pagkatuto

MGA SANGGUNIAN:

Banas, Josh, Norah Dunbar, Dariela Rodriguez, and Shr-Jie Liu. 2011. A Review of Humor in
Education Settings: Four Decades of Research. Communication Education. Kuha mula sa
https://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080/03634523.2010.496867

Beavers, Staci L. 2011. “Getting Political Science in on the Joke: Using ‘The Daily Show’ and
Other Comedy to Teach Politics.” PS: Political Science and Politics . Kuha mula
sa https://www.cambridge.org/core/journals/ps-political-science-and-politics/article/getting-
political-science-in-on-the-joke-using-the-daily-show-and-other-comedy-to-teach-
politics/D06F8154ECC3C59BC10273D3B25BAFBA

Berk, Ronald A. 2000. “Does Humor in Course Tests Reduce Anxiety and Improve

Performance?” College Teaching . Kuha mula sa

https://www.researchgate.net/publication/249929564_A_randomized_trial_of_humor_effects_on

_test_anxiety_and_test_performance

Cecil, H. Wayne. 2014. “Using Humorous Sitcom Clips in Teaching Federal Income
Taxes.” Journal of College Teaching & Learning. Kuha mula sa
https://eric.ed.gov/?id=EJ1043281

McMorris, Robert F., Roger A. Boothroyd, and Deborah J. Pietrangelo. 1997. “Humor in
Educational Testing: A Review and Discussion.” Applied Measurement in Education . Kuha mula
sa https://www.researchgate.net/scientific-contributions/Robert-F-McMorris-2021525810

Miller, Julia L., Kate Wilson, Jennifer Miller, and Kayoko Enomoto. 2017. “Humorous Materials to
Enhance Active Learning.” Higher Education Research & Development. Kuha mula sa
https://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080/07294360.2016.1238883

Powers, Ted. 2005. “Engaging Students with Humor.” The Observer 18:12. Kuha mula sa
https://tilt.colostate.edu/TipsAndGuides/Tip/47

Stambor, Zak. 2006. “How Laughing Leads to Learning.” APA Monitor on Psychology.. Kuha mula
sa https://mycalcas.com/2018/04/7-ways-use-humor-classroom/

308

Wachowski, Lilly, and Lana Wachowski. 1999. The Matrix. Motion picture. United States: Warner
Bros. Kuha mula sa https://www.imdb.com/title/tt0133093/
Wanzer, Melissa Bekelja, and Ann Bainbridge Frymier. 1999. “The Relationship between Student
Perceptions of Instructor Humor and Students’ Reports of Learning.” Communication Education.
Kuha mula sa https://www.imdb.com/title/tt0133093/
Ziv, Avner. 1988. “Teaching and Learning with Humor: Experiment and Replication.” Journal of
Experimental Education. Kuha mula sa https://www.imdb.com/title/tt0133093/
https://interaksyon.philstar.com/trends-spotlights/2021/03/05/186937/elsa-teacher-vloggers-
viral-voice-tutorial-gets-disney-frozen-scene-edit/
https://www.sunstar.com.ph/article/1889116/Superbalita-Cebu/Kalingawan/Danieca-Arreglado-
Goc-ong-viral-singing-teacher-ng-Cebu
https://www.candymag.com/features/this-teacher-from-cebu-is-viral-on-tiktok-a1716-20210312

309

310

311


Click to View FlipBook Version