malaki at mabigyan ng tip kung mayroon man dahil sa hirap ng buhay sa gitna ng
pandemya. Bukod sa pag-order online, marami rin ang nabiktima ng prank call, magpapa-
order ng bultuhang pagkain at ang address ay sa isang bodega o sa bahay na wala
namang nakatira. Maswerte ang rider kung siya ay na-fake booking sa taong may
kakayahang itong bayaran, ngunit ang nangyayari kadalasan ay sila ang abonado at
uuwing luhaan.
Kabilaan ang nai-post at nagtrending na kaso ng fake booking partikular na sa
lungsod ng Quezon, kasama na nga sa mga ito ay si Michael Elec at ang iba pa niyang
kapwa rider na in-orderan ng iba’t ibang pagkain tulad ng pizza, pasta, inumin at iba pa.
Ngunit lugmok ang naging resulta dahil ang sinasabing kostumer ay hindi nagpakita.
Isama rin ang nakuhaang bidyo ni Zandro Nonato na kumpulan ng delivery rider na
dumating sa isang pamilya at ang mga pagkain na nakuha ay may pagsusumang aabot
sa labinlimang libong piso.
Ang pera na ipinambibili ay galing sa sariling bulsa at pinapaikot lamang sa buong
maghapon. Sa kanilang fixed delivery fee na nagkakahalagang limampu’t siyam na piso
kada order, tunay na masakit sa bulsa ang mabawasan ng tatlong daan o higit pa. Sa
paghapag ng ganitong suliranin, ating tanawin ang paraan ng paglalatag ng suhestiyon
upang protektahan ang karapatan ng mga naturang riders.
Nakapagtataka lamang na sa tagal na ng pag-iral ng serbisyo at kompanyang mga
ito ay hindi pa rin nila natanaw ang pagsulpot ng ganitong problema upang agad na
mapaghandaan. Hindi ang mismong kompanya ang nagkaroon ng inisyatiba upang
pangalagaan ang manggagawang mayroon sila, kanila pa itong ipinasa sa ilalim ng ibang
kooperatiba. Katulad lamang ng pagkilos ng National Bureau of Investigation (NBI) upang
magbigay ng agarang aksyon. Sa pagtaas ng kaso ng fake booking, tila ba hindi naman
nanginginig ang mga makapangyarihan, nasasadlak at naiipit lang ang karaniwang
mamamayan. Dahil ang konsepto ng abono ay katulad rin ng pagsalo ng problemang
hindi naman ikaw ang gumawa. Walang takot at walang pangingimi ang mga tao sa itaas
dahil alam naman nila na ang hindi mababayarang order ay sasaluhin ng kanilang
empleyado.
43
Sa hindi plantsadong gusot at panukalang kulang sa plano, mga rider ang naiiipit,
nagigipit at patuloy na sumasalo.
#Protesta: Mataas na Ekspektasyon sa Hindi Patas na Kumpensasyon
Matatandaang naibalita noon sa isang istasyon ng telebisyon ang naging
pangangalampag ng mga Food Panda riders upang ipaalam ang hindi umano patas na
paraan ng pagpapasahod sa kanilang mga manggagawa. Ito ay sa kadahilanang
nagkakaroon umano ng palakasan o peyboritismo at hindi istrukturalisadong hati ng
delivery fee batay sa distansya kaya naman mas mababa ang natatanggap ng iilan
kumpara sa kapwa nila riders. At sa pag-uulat ni Isa Umali, mahigit kumulang limampung
tao ang walang takot na nagprotesta sa harap ng Department of Labor and Employment
upang ipaalam ang kasalukuyang trato sa kanila ng kompanya.
“There may times when we are powerless to prevent injustice, but there must never
be a time when we fail to protest.” -Hie Wiesel
Nangunguna ang Food Panda bilang isang malaki at patuloy na lumalawak na
kompanya ng food service, ngunit ‘di maipagkakaila ang kanilang pagpapabaya sa mga
empleyado. Sa kanilang pagpapakapagod na makapaghatid ng pagkain kahit sila mismo
ay walang makain, nararapat lang na mabigyang puna ang hindi tamang pagtatrato sa
mga manggagawang ito.
Ang mga riders ng Food Panda at iba pang kompanya, sa malawak na perspektibo
ay biktima rin ng pang-aabuso ng mga kapitalista. Ganap na ikinabit sa komersyalismo
ang bigatin at paboritong pagkain ng mamamayan upang maisakatuparan ang layon na
pumasok at maging kakambal ng nasabing industirya, kahit hindi pa sa sapat ang
kakayahang mangasiwa.
#KFCIssue: Pagod namin ay abot-abot, isang basong tubig huwag ipagdamot.
Kamakailan lamang, nag-trending ang bidyo ni Javey Yumang, isang Food Panda
rider na nanghingi ng isang basong tubig bilang pamatid uhaw sa init at pagod dala ng
pagpapabalik-balik sa gitna ng kalsada. Ngunit hindi niya nagustuahan ang naging tugon
44
ng isang tauhan, para lamang daw sa kostumer ang basong iyon. Sa awa ng ilang
kostumer ay kanila na lamang inabutan ng maiinom ang rider.
Kung susuriin, malaki ang naitulong ng mga rider na ito upang patuloy na pumatok
at tangkilikin ng madla ang kanilang produkto. At kung ipapasok ang konteksto ng utang
na loob ng mga Pilipino, masasabing hindi nararapat ang naging tugon ng crew sa bidyo.
Sa mundo ng Customer Service, ang pagdadamayan ang marapat na manaig sa pagitan
ng bawat manggagawa. Kahilera at kakampi ang dapat maging turing sa isa’t isa, lalo pa
at ginigipit sila ng kapitalista sa gitna ng pandemya.
Hindi lamang ito usapin ng pagdadamot ng isang basong tubig. Dahil nakatago sa
likod ng nito ang kontekstong salat pa rin ang mga manggagawang Pilipino sa mga
karagdagang karapatan na mayroon sana sila. Idagdag pa ang mababang tingin sa
kanilang uri ng trabaho kaya nagagawang ituring na kung sino-sino.
Pagbagtas at Pagbusina: Ang pagtahak ni FoodPanda sa Landas at Panlasa ng
Madla
Hindi mapasusubalian na naging bahagi na ng kulturang popular ang pagbili ng
pagkain via food delivery app tulad ng Food Panda at iba pa. Sino ba naman ang hindi
magugustuhan ang serbisyong makukuha kahit one-click-away lamang. Ang simpleng
aplikasyon na ito, sa pagtanaw mula sa lente ng kapitalismo, komersyalismo at
konsumerismo ay nakapagbigay ng bagong perspektibo sa riders at kostumer.
Ang pagtalakay sa sanaysay na ito patungkol sa kalagayan ng riders sa kamay ng
kapitalistang mapaniil, taong mapanloko at kapwa manggagawa ay nagbunyag na kahit
saan at paano nila piliing gumalaw, palagi silang naiipit at nagigipit. Na kahit pa sila ang
tinaguriang superman ng lansangan sa bilis ng paghahatid serbisyo, sila pa rin ang talo
dahil sa tahasang pang-aabuso at pagpapasahod na hindi istrukturalisado. Ang mga
naging suliranin ng mga riders ay naging panawagan lamang na huwag nang dagdagan
ang bigat ng pandemya. Tawag rin ito sa sistematikong pamamahala ng kanilang
kompanya. Dahil kung sisipatin, hindi magbo-boom ang industriyang ito kung hindi sila
ang pumapadyak at sumasagwan.
45
Katulad ng nabanggit ni Paulo Friere, hindi tayo ang magdidikta ng maibibigay at
matatanggap nating serbisyo at produkto, dahil ang lipunan at galaw ng kasalukuyan
lamang ang nagdidikta sa atin nito. Lampas sa pagtanaw sa Food Panda bilang isang
aplikasyon sa makabago at instant na panahon, hindi pa rin nararapat na maglaan ng
mataas na ekspektasyon mula sa mga manggagawang ito. Dahil ito ay magdudulot
lamang sa kanila ng labis na pwersa at pagdidikta sa lipunang sila ang isa sa mga bida.
Samakatuwid, ang Food Panda ay lebel na pamukha lamang sa mabilis na
serbisyo para sa sikmurang kumakalam. Sikmura ng riders at kanilang pamilyang nag-
aantay na sila’y maka-quota at sikmura ng mga kostumer na nag-aasam ng paboritong
pagkaing hinahanap ng panlasa.
Sa paghihigit sa tawag ng kasalukuyan, hindi pa rin dapat na kalimutan ang
pagsasaalang-alang sa makataong pagtrato sa mga manggagawang ito. Kaya sa
susunod na maisipan nating bumili ng pagkain sa pamamagitan nila, hindi lamang sana
sikmura ang ating isipin, ipanalangin rin ang kaligtasan ng riders natin. Pang-eengganyo
sa pagkakaroon ng malawak na pang-unawa dahil hindi natin alam kung ano ang
kanilang sinagupa sa kalsada.
Sa muling paggamit natin ng aplikasyong ito, maigpawan nawa natin ang
diskriminasyon at pagkakaroon ng mataas na ekspektasyon. Bilang mag-aaral tayo ay
magkakadikit sa gampanin sa lipunan. At ang pagiging kabahagi ng bagong kulturang ito
ay hindi dapat bumura at magdikta. Bagkus ay magpa-unlad ng ating kritikal na isipan sa
kung paano sipatin ang panlasa ng masa at magamit sa tekstong mapagpalalim,
replektibo at hindi mapangdusta.
46
#MUKBANG: Paglayag sa Pagiging Simpleng Bidyo Papunta sa Pagiging Kultura
Ni: Niǹa Raich G. Sumagaysay
#Mukbang: Paglayag sa pagiging Simpleng Bidyo papunta sa pagiging Kultura
Ayon kay Gordon Ramsay “Eating out doesn’t have to be a formula. Eating out is
about having fun. I get really frustrated when it is badly done”, karamihan sa mga tao ang
kasiyahan ay ang pagkain, naging isa ito sa mga solusyon upang isantabi ang mga
suliraning ikinakaharap ng isang tao ngunit sinong mag-aakala na sa simpleng pagkain
ay kikita ka ng pera at makakabuo ng ugnayan? Isa sa talaga namang nauusong gawain
ngayon ay ang Mukbang, ito ay isang uri ng bidyo na kung saan ang uploader ay
kumakain ng sangkaterbang pagkain habang kinukuhaan niya ng bidyo ang kanyang
sarili. Ang Mukbang ay i salitang galing sa bansang South Korea, dalawang salita ito na
pinagsama; ang una ay ang muk-ja na ang ibig sabihin ay pagkain at ang pangalawa ay
bang-song na ang ibig sabihin ay broadcast, nagsimula ang paglabas ng ganitong uri ng
mga bidyo noong taong 2010 sa isang Korean Media Platform na ang tawag ay Afreeca
TV hanggang sa ito ay tinangkilik na ng ibat-ibang Broadcast Jockey o Mukbanger (ang
tawag sa mga uploader ng Mukbang). Ang Mukbang ay ang pagkaing bersyon ng
sumisikat ring bidyo na ang tawag ay “Shopping Haul” na kung saan ay ipapakita ng
uploader ang kanyang mga pinamili sa pamamagitan ng Unboxing at pagkatapos nito ay
susukatin ang mga pinamili, sa kabilang banda tinatawag namang “Food Haul” ang
Mukbang habang nakain kasabay ng pagkwento kung saan nakuha at paano ginawa
ang mga pagkain ay naipapamalas o naipapakita kung anong barayti ng pagkain ang
kinakain ng Mukbanger at ang tagapagtangkilik ay naglalaan halos ng ilang oras sa
panonood ng Mukbang.
47
Dahil sa patuloy na pagdami ng mga tagapagtangkilik ng Mukbang mula taong
2010 hanggang kasalukuyan tila ba isa na ito sa mga nakasanayang gawin ng karamihan,
mayroon mang negatibong dala ang paggawa ng ganitong uri ng bidyo ngunit para sa
mga tagapagtangkilik nito iba ang sayang naidudulot ng paggawa ng Mukbang Video.
#Mukbang: Mga tao sa likod ng nakakatakam na bidyo
Hindi mabubuo ang Mukbang kung wala ang mga content creator/uploader
na kilala rin sa tawag na Broadcast Jockey o Mukbanger, sila ang isip at katawan ng
isang Mukbang, malaki ang kanilang gampanin sa pagbuo ng isang Mukbang sapagkat
nakasalalay sa kanila sa kung ano at paano ang magiging daloy nito, ang mga Mukbanger
ay may sinusunod na bersyon at ito ay ang mga; (1) Ang Mukbanger ay
nakikipagsalimuha sa kaniyang mga manonood sa pamamagitan ng pagkwento habang
nakain. (2) Ang Mukbanger ay gumagawa ng ibat-ibang tunog habang nakain na mas
nakakapukaw ng atensyon ng mga manonood o kaya naman ay (3) Ipapakita ng
Mukbanger kung paano lutuin ang mga pagkain bago niya ito kainin (kilala rin ang
bersyon na ito sa tawag na Cookbang) at ang huli (4) ang Mukbanger ay dumedepende
sa kaniyang mga tagapagtangkilik, susundin niya ang bawat suhestyon ng kaniyang mga
manonood sa kung ano ang kakainin niya para sa kanyang panibagong Mukbang na
bidyo, ito ang mga bersyon na ginagawa ng mga Mukbanger upang makapanghatak ng
mga manonood at tagapagtangkilik, ang mga bersyon na rin ito ang batayan ng mga
rising content creators upang gawin ang tinatawag na “Mukbang Challenge” . Isa rin sa
pinagtataka ng iilan na mga manonood ay mayroong mga mukbanger ang sobrang payat
kahit na sangkaterbang pagkain ang kinakain nila sa kanilang bidyo, ayon sa sagot ng
isang manonoood ng Mukbang Videos na nagngangalang Sarah Liu sa isang websayt
na ang tawag ay Qoura.com (isang question and answer websayt) may apat na dahilan
kung bakit payat pa rin ang mga mukbanger kahit na sobrang dami nilang kinakain; una
ito ay sa kadahilanang pagkatapos na pagkatapos nila gumawa ng mukbang bidyo ay
sinusuka nila ang mga pagkaing ito, pangalawa ay dinadaya ng mga mukbanger ang
kanilang pagkain, pangatlo ay ang ginugutom ng mga mukbanger ang kanilang mga sarili
ng iilang araw at bumabawi ng kain kapag sila ay magrerekord na ng mukbang bidyo at
ang pang-apat ay ang pag eehersisyo, kung susuriing mabuti may punto de bista ang
48
sinabi ni Liu sa kanyang mga sagot ngunit ayon naman sa isa sa mga bidyo ng isang
kilalang tagapaglika ng mukbang na si Peggie Neo (mayroong 1.5 million subscribers sa
Youtube) sinagot niya ang katanungan patungkol sa tanong ng nakakarami na bakigta
hindi nataba ang mga mukbanger at kanyang isinaad na hindi araw-araw ay isang
katerbang pagkain ang kinakain ng mga mukbangers aniya pa niya ay sa isang buwan
tatlo hanggang apat na beses lamang sila nagawa ng mukbang at pagkatapos noon ay
balik na ulit sila sa kanilang tinatawag na healthy diet na kung saan puro tubig at
masusustansyang pagkain lamang ang kanilang kinakain. Sa bawat pag-upload ng
Mukbang ang katumbas nito ay pera, ayon sa isang panayam ng sikat na Mukbang Video
Creator na si Soo Tang o mas kilala sa kanyang Youtube Name na MommyTang na
mayroong 500,000 subscribers sa Youtube ang isang matagumpay na mukbanger ay
kayang kumita ng halos isang daang libong dolyar kada taon bukod pa ang bayad sa
bawat patalastas na lumalabas sa bawat bidyo ng mukbanger pati na rin ang mga
isponsorsyip at pagrebyu ng mga produkto ay dagdag kita rin sa kanila.
May positibo at negatibong dulot ang mukbang sa mga content creators, ang
paggawa ng mukbang ay mayroong malaking ambag lalo na sa komersyalisasyon,
malaki ang kinikita ng mga mukbangers kung titignan ring mabuti ay para sa kanila ito ay
isang hanapbuhay, nadaragdagan din ang kanilang mga kaibigan sa pamamagitan ng
pakikipag-salamuha sa kapwa nila mukbangers ngunit kapalit ng hanapbuhay na ito o
kapalit ng kanilang kinikitang pera ay ang kanilang mga kalusugan dahil walang tanging
nakakaalam kung ano ba talaga ang tunay na buhay ng mga mukbangers sa likod ng
kamera, hindi rin maaalis sa kanila ang walang katapusang kritisismo tinitignan sila bilang
tagapagtaguyod ng “unhealthy eating habits” at sa kasamaang palad ay naakusahan sila
ng kalupitan sa mga hayop, na ang tanging ginagawa lamang nila ay ang magbigay
kasiyahan sa kanilang mga manonood.
#Mukbang: Epekto nito sa mga tagapagtangkilik
Hindi masasabing matagumpay ang isang mukbang kung wala rin itong
manonood, kung ang mga mukbangers ang nagsisilbing isip at katawan ng isang
mukbang, masasabing ang mga manonood ang kaluluwa nito sapagkat sila ang
nagpapalakas, nagpapasikat at nagbibigay suporta/buhay sa isang nilalabas na
49
mukbang, katulad sa mga mukbangers ang isang bidyong mukbang ay mayroon ring
epekto sa mga manonood kilala ito sa tawag na “mukbang diet” nakakalito man ito
pakinggan sapagkat sangkaterbang pagkain ang kailangan sa isang mukbang ay hindi
aakalain na makakatulong ito sa mga manonood upang makapagpapayat ito ay sa
pamamagitan ng pagkontrol ng iyong gana sa pagkain sa pamamagitan ng panonood ng
mukbang, ayon sa isang artikulo maraming paraan upang magawa ang mukbang diet
magsimula sa pagkain ng normal na dami ng iyong pagkain ngunit sa maliit lamang na
halaga pagkatapos ay manood ng mukbang at dumiretsyo sa gym, kung may
pagkakataon na nananabik sa mga hindi masusustansyang pagkain ay manood na
lamang ng mukbang, isa rin sa paraan ay ang placebo effect na kung saan kung mayroon
mang pagkain na gustong kainin ngunit hindi pwede dahil mayroong sinusunod na diet
manood na lamang ng mukbang at malugod sa kung paano kainin ng mga mukbangers
ang pagkaing kinasasabikan kung sa una ay matutukso ngunit kalaunan ay mabubusog
na lamang sapagkat naiisip ng mga manonood naa sila ang nasa pwesto ng mukbanger
at malugod na kinakain ang mga masasarap na pagkain, mas epektibo ito kung
sasabayan ng tubig habang nanonoood. Isa pa sa mga benepisyo ng panonood ng
Mukbang ay hindi makakaramdam ang manonood ng pag-iisa dahil ang mga mukbangers
ay gumagawa ng bidyo na parang sila’y kasama at kausap lamang ng mga manonood,
sa isang websayt na tinatawag na Afreeca TV ay pupwedeng makipag-usap at
makihalubilo sa mga mukbangers ang mga manonood, isa pa ay sa dami ng mga
mukbangers na nagkalat sa daigdig ay pupwedeng mamili ng iba’t ibang kategorya ng
bidyo ng mga mukbanger na kumakain ng baraysyon ng pagkain. Ayon kay Bruno at
Chung (2017) ang benepisyo sa panonood ng mukbang ay para sa mga taong kumakain
mag-isa ngunit may kagustuhang makipag-ugnayan, sa panonood nito nakabubuo ng
ugnayan ang mga manonood sapagkat sila ay mayroong parehas na interes na nagiging
dahilan upang tignan nila ang mukbang bilang isang free space na kung saan pupwede
silang magbahagi ng kasiyahan.
Hindi lubos na maisip na sa simpleng bidyo ay sobrang daming benepisyo nito sa
isang manonood, sa simpleng bidyo ay napagbubuklod buklod ang mga taong may
parehas na interes kahit na magkakalayo ng lugar ito ay sa pamamagitan ng chat screen,
likes at comments. Sa maliit na monitor ng kompyuter at cellphone ay nailalabas ng
50
manonood ang kanyang emosyon sa pinapanood na mukbang, nakakabuo rin ng
ugnayan ang manonood at mukbangers. Kung iisipin saya ang naidudulot ng mukbang
sa mga manonood gayon din sa mga mukbangers na naulugod sapagkat
nakakapagbigay sila ng kasiyahan sa kanilang mga tagapagtangkilik, tunay nga ang
sinabi ni Catriona Gray na kung titignan natin ang kagandahan sa isang bagay ay hindi
makakalusot ang negatibo gayundin sa panonoood ng mukbang kung para sa iba ay
kawalan ng table manners at pagkain ng hindi masusustansyang pagkain lamang ang
matututunan ng manononod sa mukbang, ugnayan at kasiyahan sa simpleng bagay ang
nakukuha at nababaon nila dito.
#Mukbang: Gabay sa pagbuo nito
Sa patuloy na pag-usbong at pagdasa ng tagapagtangkilk ng bidyong Mukbang,
marami na ang nagnanasa na maging isa sa mga dumadaming bilang ng mga
Mukbanger, kaya naman naglabas ng isang bidyo ang mukbanger na si James Lee
(mayroong 21.1k subscriber sa Youtube) patungkol sa mga tips para sa mga baguhan
kung paano bumuo ng bidyong mukbang; ang pinakauna at ang pinakamahalaga ay ang
pagpili sa pagkaing gusto mong kainin sa gagawin mong bidyong mukbang dahil ika nga
mas maganda ang kalalabasan kung nagbibigay kasiyahan ang bagay na ginagawa mo
ayon kay James maraming tagapagtangkilik ang manonood ng inyong mukbang kaya
naman para kay James mas maganda na makita kayo ng mga manonood na nag-eenjoy
sa inyong kinakain kaysa sa mukha kayong napipilitan, pangalawa ay gumamit ng mga
kagamitan kung saan kayo komportable, ang mga kagamitan na kinakailangan katulad
ng kamera ay dapat na nakaayos nang sa gayon ay maiwasan ang pagka-ilang sa sarili
habang nagrerekord ng bidyo, ayon kay James ay hindi kinakailangan na mamahalin ang
mga kagamitang gagamitin sapagkat ang iba ay nagsisimula lamang gamit ang kanilang
telepono gayunpaman ang sikreto para sa maayos na bidyo ay tinatawag na “lighting”
pumili ka ng pwesto sa inyong lugar na may magandang liwanag upang makita ang iyong
mukha , pangatlo ay kinakailagan maganda ang tunog na iyong ginagawa sa iyuong
mukbang, ayon kay James ang tunog ang makakapagpabuhay sa inyong bidyo sapagkat
hindi nararamdaman ng mga manonood ang bidyo kinakailangan na matakam pa rin sila
at ayun ay sa pamamagitan ng inyong tunog siguraduhing maririnig ang paglunok at
51
paglagok niyo sa pagkain, pangt-apat ay magplano ng kaunting iskrip idinetalye ni James
na ang tip na ito ay para sa mga mukbanger na susundin ang isang bersyon ng
pagmumukbang na kung saan nagkekwento ito habang nakain isinaad ni James na
kinakaialngan ng maikling iskrip para ditto upang maiwasan ang pagkwento sa mga
bagay na masyadong pribado, panglima ay ang maging natural kung iisipin ang tip na ito
ang pinakaesensyal at karaniwan aniya ni James magandang matunghayan ng mga
manonood kung gaano katunay at kakaiba ang mukbanger na kanilang napapanood,
nagbigay pa ng bonus tip si James at dito niya isinaad na sa paggawa ng bidyong
Mukbang kinakailangan laging handa sa lahat ng aspeto lalong lalo na sa pisikal na
kalusugan nang sa gayon ay makagawa pa ng mas maraming bidyong Mukbang.
Bago bumuo ng isang bidyo nanonood at nagtatanong-tanong muna tayo sa kung
anong mga tips ang dapat sundin o gayahin upang makagawa ng isang maayos na bidyo
ngunit para kay James ang unang bidyo ay hindi kaagad malinis o perpekto matututunan
na lang ng kusa ang mga dapat gawin sa patuloy na paggawa nito, aking mamumungkahi
na nakatulong ang mga tips na ito sapagkat nadami na ang bilang ng mga gumagawa ng
mukbang ibat-iba man ang layunin ng mga mukbanger sa paggawa ng bidyong ito ang
mahalaga ay nagagawa nila ang kanilang kagustuhang pansarili at ang kagustuhan ng
mga manonood.
#Mukbang at Komersyalismo
Malaki ang naiambag ng Mukbang sa kultura ng iba’t ibang bansa maraming lugar
ang tumangkilik dito, may malaking ambag din ang Mukbang sa larangan ng
komersyalismo (ang aplikasyon ng parehong pagmamanupaktura at pagkonsumo
patungo sa personal na paggamit, o ang mga kasanayan, pamamaraan, hangarin, at
diwa ng malayang negosyo na nakatuon sa pagbuo ng kita) sa patuloy na paglago at
pag-usbong ng globalisasyon ang paggawa ng Mukbang ay nagsisilbi ng kultura,
ginagamit na ng malalaking kumpanya ng mga pagkain ang Mukbang upang ipakilala
ang kanilang panibagong produkto sa pamamagitan ng pagbibigay nito ng libre sa mga
Mukbanger at gagawan nila ito ng content target ng mga malalaking kumpanya ang mga
sikat na mukbanger upang mabilis din sila makakuha ng mga mamimili, kung mapapansin
malaki nga talaga ang ambag ng Mukbang sa komersyalismo at globalisasyon, kung
52
titignan rin ng maigi mayroong mga mukbanger na hindi na tinitignan ang Mukbang
bilang content kundi ito ay tinitignan na bilang pagkakakakitaan. Kahit sa larangan ng
Video Platforms gaya ng Youtube ang mukbang ay isa na ring komersyal.
Ang bawat bagay na nauuso ay magiging produkto ng Globalisasyon nasa atin
ang kontrol kung paano natin ito tatangkilikin, gaya nga ng sabi ni Rolando Tolentino
“Hindi mauubos ang uso” kahit anong uri man ng uso ang lumabas huwag nating hayaan
na mabulabog ang mga ito ng sistema, huwag nating hayaan na ang mga ito ay tignan
na lamang bilang produkto at hindi bilang kasiyahan at higit sa lahat huwag na hayaang
ang mga usong ito ay maging katgas ng kapitalismo, tatapusin ko ang sanaysay na ito
na isa sa mga nabanggit ni Rolando Tolentino sa isa sa kanyang sanaysay na
pinamagatang “Kulturang Popular at Pakiwaring Gitnang Uri”.
“Sa pagbibigay-pribilehiyo sa bagong kapital ay matutunghayan kung gaano
nakadiin ang kulturang popular bilang hulmahan ng inaasam na gitnang uring buhay”
53
#ONLINE SHOPPING: Ang Malaking Negosyo sa Birtwal na Espasyo
Ni: John Emmanuel G. Valencia
“But modern bourgeois private property is the final and
most complete expression of the system of producing
and appropriating products, that is based on class
antagonisms, on the exploitation of the many by the
few.” ― Karl Marx, Frederick Engels, The
Communist Manifesto
Sa ayos ng tatsulok tanging ang nasa itaas ang yumayaman at sa kahit anumang
aspeto’y makagagawa ng paraan upang ang mga nakaupo ang makalalamang.
Sitwasyon, panahon, at pagkakataon ang laging nasisipat ng mga kapitalistang patuloy
na nagpaparami ng makakamkam. Kapangyarihan at impluwensiya ang gamit, upang
maging ang maliliit ay lalong mamilipit.
Pagtitinda at pagbebenta ng iba’t ibang kagamitan ang kadalasang laman ng
“online world” o birtwal na espasyo ng mundo. Mula sa mga damit, sapatos, produkto,
pagkain, at mga ninais ay matatagpuan sa ganitong moda. Kalakip nito ang adbertismo,
naglalakihang negosyong naglulunsad ng makabagong produktong patok at tinatangkilik
ng karamihan. Birtwal na moda ng pagpapalitan ng pera, produkto, at teknolohiya ang
nagiging pundasyon sa ganitong komersiyo. Ayon sa sarbey na isinagawa ng Statista
(2020) sa taong 2019, 91% ng gumagamit ng internet sa Pilipinas ang nagsabing
naghahanap ng produkto o serbisyo online. Karamihan sa mga ito ay miyembro ng Gen
54
Z at Millennial, at kalahati ng dami ay nasa edad na 25 hanggang 34 taong gulang. Ayon
kay Morah (2021), ang mga negosyante at mamimili ay parehong nakikita ang online
market na may murang paninda at madaling paraan ng pamimili. Sa patuloy na paglago
nito, maging ang mga maliliit na negosyo, prilanser, at malalaking kumpanya ay
nakikinabang sa ganitong moda. Bagaman, malaki ang oportunidad sa ganitong paraan,
mababakas pa rin ang malaking kompanyang sumasaklaw sa kabuoan. Ang maliliit ay
natatapakan at ang malalaki ang nakikinabang.
Ang sirkulo ng pera, palitan, at produkto ang bumubuo sa kabuoan ng ekonomiya.
Ito ang nagsisilbing pinagkukunan ng bansa ng yaman, upang lumago, mabuhay, at
magpalakad. Pamahalaan ang nangunguna sa pagkontrol, pagsasaayos, at humahawak
sa mga negosyo ng bansa. Ayon sa World Bank (2021), isa ang Pilipinas sa dinamikong
ekonomiya sa Silangang Asya. Naglalakihan ang mga negosyo, turismo, industriya ng
pinansyal at insyurans. Sa pag-aaral ng Asian Venture Philantrophy Network (2021),
lumago ng 6.3% ang ekonomiya ng Pilipinas sa taong 2010-2016, at inaasahang lumago
ng 6.7% sa taong 2019. Ang mabilis na paglagong inaasahan sa bansa ay hindi
naisakatuparan, sa tala ng AVPN, 76% ng ekonomiya ay galing sa 40 mayayamang
pamilya at 22% nito’y antas ng mahihirap. Tanging malalaking negosyante ang
nakikinabang sa kabuuan ng ekonomiya at napag iiwanan ang mga mahihirap. Mabagal
na ekonomiya, kahirapan, hindi patas na pasahod, mababang kalidad sa sektor ng
kalusugan, at kakulangan sa pangangalaga ng kalikasan ang naitatalang pagsubok ng
bansa sa paglago ng ekonomiya. Sa taong 2020, mas lalong nahamon ang ekonomiya
ng bansa dahil sa pandemya. Ayon sa World Bank (2021), malaking bilang ng pagbagsak
sa ekonomiya ang naitala dulot ng mababang pagkonsumo, imbesment, at sa mabagal
na pagluwas ng mga produkto, turismo, at pagpapadala ng pera. Maraming negosyo ang
naantala maliit man ito o malaki, kung kaya maraming lumipat sa online na moda ng
pagtitinda at pagbebenta.
According to this, bourgeois society ought long ago to have gone to the dogs
through sheer idleness; for those of its members who work, acquire nothing, and those
who acquire anything, do not work.” ― Karl Marx, The Communist Manifesto
55
Ang negosyo ay isang organisasyon o anyo ng pagtitindang maisasangkot sa
komersiyo, industriya, at propesyonal na gawain. Sa pamamalakad ng tao
kinakasangkapan ang mga produkto, serbisyo, at iba pang pangangailangan upang
bumuo ng pera o kita. Sa bagong normal na panukala sa bansa, nalimitahan ang
pagbubukas ng mga negosyo, maliit man ito o malaki. Ayon sa United Nations
Conference on Trade and Development (2021), lumawak ang online shopping sa buong
mundo, napakinabangan ng husto ang benipisyo ng digitalization, alinsunod sa kahingian
ng pandemya. Sa mga tala ng Philippine News Agency (2020), maraming lumipat na
mamimili sa birtwal na pagbili ng mga produkto, tumaas ng 53% ang gumagamit ng
pamilihang aplikasyon, at 57% ang bumibili ng produkto sa taong 2020. Dagdag pa rito,
4.9 bilyon ang naitalang bumisita sa mga pamilihang aplikasyon nang maisagawa ang
lockdown. Ayon sa National Economic and Development Authority (2020), ang e-
commerce ang makakatulong sa bansa upang mapanatili kahit papaano ang pag-usad
ng ekonomiya sa gitna ng pandemya. Dagda pa ni Karl Kendrick T. Chua (2020),
panghaliling Sekretarya ng NEDA, ang online shopping at birtwal na pamilihan ay malaki
ang magiging trabaho sa bagong normal dahil sa pagdami ng gumagamit ng
elektronikong transaksyon. Batid nga ang pagbabagong bihis sa paraan ng mga negosyo,
pagpapalawak ng teknolohiya, at pagpapanatili ng ekonomiya sa panahon ng pandemya.
Ngunit, ang pagbabago ba ng lunsaran, moda, at espasyo’y makapagpabago rin ba ng
estado, ekonomiya, antas sa lipunan, at paglutas ng kahirapan. Lingid sa kaalamang,
umuulit pa rin ang sistema, nagbabago lamang ng itsura, ngunit ganun pa rin ang resulta.
Sa birtwal na pamilihan masisipat rin ang iba’t ibang produkto, serbisyo, paninda,
at mga makabagong imbensiyong makapanghihikayat sa mata. Pera rin ang puhunan
ngunit midya ang lunsaran. Dahil midya ang espasyong ginagalawan, malaya ang mga
nagtitinda sa tunguhing mamimili, paraan ng panghihikayat, nais na produkto o serbisyo,
at sa binabayarang buwis. Makatitiis ba ang mga nakaangat upang hayaan ang maliliit
na negosyanteng mamuhunan ng walang binabayaran. Taong 2020, naisumite ang
Digital Economy Taxation Act of 2020 (DETA 2020 Bill) sa Saligang Batas na naglalayong
magtatag ng income tax at value-added tax (VAT) sa digital economy. Maging ang maliliit
na negosyante ay pinuruhan dahil sa 12% VAT. Sa kabilang banda, marami pa ring
tumatangkilik sa ganitong paraan dahil na rin sa kahingian ng panahon at patuloy na
56
pandemya. Ayon sa pananaliksik nina Vasic, Kilibarda, at Kaurin (2019), bukas ang
ganitong lunsaran, sa pamamahagi ng personal na impormasyon, panloloko,
dispalinghado’t ‘di matagumpay na pagpapadala ng produkto at marami pang iba, ngunit
mas tinitignan ang positibo nitong epekto kaysa negatibo. Marahil sa mga ganitong
pagkakataon, kung saan ito na lamang ang natatanging pag-asa ng iilan sa
paghahanapbuhay, sugal nang maituturing ang pagsubok ng ganitong paraan. Kaya sa
mga pananaw na ganito mas nakikinabang ang mga malalaking negosyo.
“In proportion therefore, as the repulsiveness of the work increases, the wage
decreases.” ― Karl Marx, The Communist Manifesto
Sa mga datos na nakalap ni Kemp at Moey (2019), malaki ang epekto ng
heograpiya ng bansa, sa pagkapit ng maliliit na negosyo sa malalaki. Tanging ang
malaking industriya ang may kagamitan, tauhan, at saklaw sa mga ganitong sitwasyon.
Dagdag sa mga datos na kanilang nakalap, ang talaan ng mga sikat at naglalakihang
birtwal na komersiyo sa bansa. Kabilang ang Lazada, Shopee, Zalora, Amazon,
Aliexpress, BeautyMNL, Ebay, Sephora, Alibaba.com at Althea. Ang mga kumpanyang
ito ay may malaking sakop sa birtuwal na komersiyo, na kinasasangkupan ng malilit na
negosyo. Ayon sa pag-aaral ni Sohlberg (2020), ang kumpanya ng Lazada ay kumikita
sa kanilang tauhang nagtitinda sa pagkakaroon ng komisyon. Naglalaro ito sa 1-4% sa
kabuang presyo ng produktong nabili. Dagdag pa rito, lunsaran lamang ang aplikasyon
na ginagamit sa pagbilbilhan ng mga tao, ngunit mas malaki pa ang kinikita ng mga ito
kaysa maliliit na negosyo. Naglabas naman ang Moneymax ng ilang mga impormasyon
sa pagpasok sa malalaking industriya tulad ng Lazada at Shopee. Ayon sa kanilang
impormasyong ibinigay, may proseso na kailangang mapagtagumpayan sa pagpasok,
kasama na ang presensya ng malaking komisyon, at buwis. Sa malawak na pagsipat sa
mga negosyong ito, nahihinuha na napapagalaw nito ang maliliit na namumuhunan sa
sarili nitong takbo. Nakatatanggap ng malaking kita, gamit ang maliliit na industriya. Isang
pahiwatig na maging pisikal o sa birtwal na komersiyo napagiiwanan ang mababa.
Ayon kay Schooley (2020), mahalaga ang naidudulot ng maliliit na negosyo sa
ekonomiya tulad ng pagbibigay ng trabaho, pagluwas ng produkto, inobasyon at iba pa.
Ngunit, gayundin na ang susi sa kalakasan ng mga malalaking kumpanya ay ang maliliit
57
na negosyo. Ayon kay Thibaud Clement (2021), CEO ng Loomly, may limang susi sa
paglago ng mga malalaking negosyo gamit ang maliliit na negosyante. Isa na rito, ang
pagdami ng tumatangkilik na maliliit na negosyante sa isang malaking kumpanya. Sa
ganitong paraan, naipagpapatuloy ng malalaking kumpanya ang negosyo kahit may
ibang nagtatrabaho. Walang pinagkaiba sa birtwal na komersiyo, tanging lunsaran at
moda lang ang nag-iba, ganoon pa rin antas. Ang mga malalaki ang nakikinabang, maliliit
ang pinakikinabangan.
“Let the ruling classes tremble at a Communistic revolution. The proletarians have
nothing to lose but their chains. They have a world to win. Workingmen of all countries
unite!” ― Karl Marx, The Communist Manifesto
Ayon sa Small Business Administration (2019), 20% ang bumabagsak na negosyo
sa unang taon. Halos kalahati ng bahagdan ang hindi na nagtutuloy sa limang taon at
33% na lamang ang nananatili sa sampung taon. Dagdag pa rito, inaasahan ang pagbaba
ng datos sa taong 2020 dahil sa pandemya. Ayon sa pananaliksik ni Matthews (2018),
ang mga shopping malls ay may masamang epekto sa maliliit na negosyo. Ang
pagkakaroon ng malls sa mga tabi ng pangunahing pamilihan ay nakapagpapababa ng
50% sa kabuuang kita. Mahihinuha na bago magkaroon ng pandemya ay maraming
maliliit na namumuhan ang napupuruhan ng malalaking negosyante. Ang paglipat sa
birtwal na espasyo ng mga pamilihan na dulot ng kahingian ng lipunan at panahon ay
walang pinagkaiba sa pisikal na komersiyo. Ayon kay Guta (2019), isa sa sampung
dahilan sa pagbagsak ng maliliit na negosyo online ay ang malalaking negosyante.
Nauungusan ng malaking bilang ng mga sikat na negosyo ang mga malilit na
namumuhan. Hindi na ito bago, sapagkat maging sa panahong bukas ang mga pamilihan
sa publiko, ang malalaking industriya ang kadalasang tinatangkilik.
Siyasatin, pag-isipan, at balikan ang mga naging kuwentuhan sa pagbili gamit ang
“online”. Maging ang mga nakatatatawang usapin, meme, at mga paskil na
maihahalintulad sa sariling karanasan. Kadalasa’y laman ng mga ito ang mga
nagbibigating pangalan. Nalimutan natin ang mismong taktak ng napagbilhan, maliliit na
negosyong namumuhunan, at mga simpleng pangalan ng tindahan. Nakalulungkot na sa
ating pagtangkilik ay may isang malaking kumpanya lamang ang nakikinabang. Ang akala
58
na ang tatsulok ay matatagpuan lang ng pisikal, ngunit kahalubilo rin natin ito sa birtwal.
Sosyal-midya, birtwal na pamilihan, teknolohiya ng kasalukuyan, tayong lahat ay sa
ganitong moda namumuhunan. Kaya mahalagang sipatin ang ekonomiya, lipunan, pag-
usad ng modernisasyon at teknolohiya sa kakanyahang makapagbubuklod ang bawat
isa. Masyadong malaki ang agwat ng antas, kaya hindi nagiging patas. Ipagkaloob ang
karapatan, pribilehiyo, at yamang natatamasa ng lahat.
59
#NETFLIX: Makabagong Lunsaran at Holistikong Pagtanaw sa Kasaysayan,
Globalisasyon, at Komersyalismo ng Pelikula
MGA SANGGUNIAN::
Andrada, M. (2016, December 6). 16 na Bagay na Dapat Mong Malaman Tungkol sa MMFF.
Retrieved from Pinoy Weekly: https://pinoyweekly.org/2016/12/16-na-bagay-na-dapat-mong-
malaman-tungkol-sa-mmff/
Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. (n.d.). Retrieved from Wikipedia, the free
encyclopedia: https://en.wikipedia.org/wiki/Cinemalaya_Philippine_Independent_Film_Festival
Geronimo, J. (2013). Varayti ng Wika sa Pinoy Indie: Isang Mungkahing Balangkas sa
Pedagohiyang Kritikal Tungo sa Pagsasabansa ng Akademya at Sining. Philippine E-Journals.
Hazel, M. (2015). Paghahambing at Pagkokontrast sa Pelikulang Pilipino at Banyaga: Usapin sa
Paglinang ng Kamalayang Panlipunan. Academia.
Kirk, K. (2018, March 11). The Globalization of Netflix Builds Pressure. Retrieved from Global
Marketing Professor: https://globalmarketingprofessor.com/the-globalization-of-netflix-builds-
pressure/
Musa, G. (2020, August 23). Sine sa Panahon ng Pandemya: Isang Paninimbang sa Esensiya
ng Pelikula sa Panahon ng Pagsasara ng Non-Essential Businesses. Retrieved from Diwatahan:
https://diwatahan.com/2020/08/23/sine-sa-panahon-ng-pandemya-isang-paninimbang-sa-
esensiya-ng-pelikula-sa-panahon-ng-pagsasara-ng-non-essential-businesses/
My Duc Computer. (2021). Retrieved from Ang Netflix ay Umaayon sa Maliit-Mataas na
Kahulugan: https://tl.myduccomputer.com/netflix-se-adapta-los-m-s-peque-os
Pangilinan, C., & Yason, B. (n.d.). Ang Pelikula Bilang Lunsaran ng Makabuluhang Pag-aaral at
Pagsusuri ng Kasaysayan at Lipunang Pilipino. Retrieved from TV UP: https://tvup.ph/?p=1774
PCMag. (n.d.). Naabot ng Netflix ang Higit sa 200 Milyong Mga Subscriber. Retrieved from
smartMILE&Co: https://smartmileco.com/tl/netflix-reaches-over-200-million-subscribers/
Sa APAC, ang Netflix ay ang pinakamalugod na tinatanggap sa Pilipinas at Tsina. (n.d.).
Retrieved from YouGov: https://ph.yougov.com/ph/news/2016/07/28/sa-apac-ang-netflix-ay-ang-
pinakamalugod-na-tinata/
60
Sikat na kultura - Popular culture. (n.d.). Retrieved from Wikipedia:
https://tl.melayukini.net/wiki/popular_culture
Villanueva, V. (2021). USO: Mga Piling Babasahin at Gawaing Pampagkatuto sa Panitikan at
Kulturang Popular.
61
J&T Express: Pagdalumat sa EXPRESS-yon ng Lipunan sa EX-traordinaryong
Pagbabago sa Punto ng Komersyo
MGA SANGGUNIAN::
Cosar, C., Panyi, K., Varga, A. (2017) Try Not to Be Late! - The Importance of Delivery Service in
Online Shopping. Retrieved from
https://www.researchgate.net/publication/336246162_Try_Not_to_Be_Late_-
_the_Importance_of_Delivery_Service_in_Online_Shopping
Kovac, I., Kuvac, A., Naletina, D. (2017) The Significance and Importance of Delivery in Electronic
Commerce. Retrieved from
https://www.researchgate.net/publication/324412181_THE_SIGNIFICANCE_AND_IMPORTAN
CE_OF_DELIVERY_IN_ELECTRONIC_COMMERCE
Nogoev, A., Samadi,B., Yaznadifard, R. (2011) The Evolution and Development of E-Commerce
Market and E-Cash. Retrieved from
https://www.researchgate.net/publication/263230383_The_Evolution_and_Development_of_E-
Commerce_Market_and_E-Cash
2020. PNP files charges against J&T Express over multiple violations, orders shutdown of
Muntinlupa hub. Retrieved from CNN Philippines.
https://cnnphilippines.com/news/2020/7/20/PNP-J-T-Express-violations-
investigation.html?fbclid=IwAR2EhZ4b9w7guEhuu4jD9Bcm_iOmjOhc-
IhWUInWA8FBPPJ9VYBs1AiCRI0%3Ffbclid
MGA LINK:
https://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra1992/ra_7394_1992.html
https://www.jtexpress.ph/index/about/introduction.html
https://www.referenceforbusiness.com/small/Op-Qu/Partnership.html
62
Birtuwal na Palitan ng Pera: GCash bilang Alternatibong Solusyon sa Panahon ng
Pandemya
MGA SANGGUNIAN::
ABS-CBN News (2020). Bilang ng mga Pinoy na nawalan ng trabaho nasa 3.3-M: DOLE Chief.
Retrieved from https://news.abs-cbn.com/business/08/21/20/bilang-ng-mga-pinoy-na-nawalan-
ng-trabaho-nasa-33-m-dole-chief
IK-PTZ (2020). Ang papel na ginagampanan ng pera sa buhay ng tao. Ang kahalagahan ng pera
sa ekonomiya at buhay ng mga tao. Retrieved from https://ik-ptz.ru/tl/russkijj-yazyk/rol-deneg-v-
zhizni-cheloveka-vazhnost-deneg-v-ekonomike-i-zhizni.html
Inquirer (2020). Pandemic accelerated PH consumers’ shift from cash to digital payments.
Retrieved from https://business.inquirer.net/311579/pandemic-accelerated-ph-consumers-shift-
from-cash-to-digital-payments
Marketing in Asia (2020). Digital Bayanihan In The Time Of COVID-19 Crisis. Retrieved from
https://marketinginasia.com/2020/05/02/digital-bayanihan-in-the-time-of-covid-19-crisis/
Nikkei Asia (2020). Digital payment grows in Philippines amid COVID-19 fears. Retrieved from
https://asia.nikkei.com/Business/Companies/Digital-payment-grows-in-Philippines-amid-COVID-
19-fears
Philippine News Agency (2021). GCash has now over 33 million user. Retrieved from
https://www.pna.gov.ph/articles/1130710
Tomas, A. (2019). Balita Online: GCash, No. 1 mobile wallet sa ‘Pinas. Retrieved from
https://balita.net.ph/2019/02/04/gcash-no-1-mobile-wallet-sa pinas//fbclid=IwAr1PvsQ89
_tPyInICRcUWjb-3RqxYtdf7Hd-iffpiUmlL8cDsKrtkZjLAJQ
Visa (2020). Seventy Per Cent of Filipinos Have Gone Cashless – Visa survey. Retrieved from
https://www.visa.com.ph/about-visa/newsroom/press-releases/seventy-per-cent-of-filipinos-
have-gone-cashless-visa-survey.html
63
#GRAB FOOD: Pagtahak sa Makulay na Mundo ng Komersyalismo-Sikolohiya tungo sa
Nakabubusog na Ugnayang Ganap, Maalam at Mapagpalaya
MGA SANGGUNIAN::
Grab Food Philippines. (n.d.). What is GrabFood? Grab PH. Mula sa
https://www.grab.com/ph/food/?fbclid=IwAR15wbSJJumJTfbYxKsmAVlfns2GvUTjCJ2oVJ+htEb
k99-YlRtUj9-cS0QM.
Jalea, G. (2020, June 25). Instead of the riders, Grab will shoulder advanced payment for food orders
by August. CNN Philippines. Mula sa: https://cnnphilippines.com/news/2020/6/25/Grab-Food-
riders-do-not-need-to-pay-orders-advance-August.html
Nelson, J. (2020, October 26). Grab Food Rider Nearly Bursts Into After Victimized by Fake Booking.
Newspapers.ph.
Marquez, C. (2021, April 4). Qc family, delivery riders fall victim to fake bookings. GMA News TV. Kinuha
mula sa https://www.gmanetwork.com/news/news/metro/782408/qc-family-delivery-riders-fall-
victim-to-fake-bookings/story/
Nelson, J. (2020, March 13). Disappointed Grab Food Rider Almost Cried After Victimized by Fake
Booking. Philippine News. Kinuha mula sa https://philnews.ph/2020/03/13/disappointed-grab-
food-rider-almost-cried-after-victimized-fake-booking/
Marquez, C. (2020, May 30). Isang Pwd Grab Food Driver Isang Inspirasyon Ngayon Sa Marami. GMA
News TV.
GRAB PH. (2018, March 28). Women Drive Out Stereotypes. Kinuha mula sa
https://www.grab.com/ph/blog/grab-community/women-drive-out-stereotypes/.
Hirschberg, C., Rajko, A., Schumacher, T., & Wrulich, M. (2020, September 16). The changing market
for food delivery. McKinsey & Company. Kinuha mula sa
https://www.mckinsey.com/industries/technology-media-and-telecommunications/our-
insights/the-changing-market-for-food-delivery.
ABS-CBN News. (2021, May 31). Lugaw not essential? Grab claps back at overeager curfew enforcers
with promo. Kinuha mula sa https://news.abs-cbn.com/business/03/31/21/lugaw-not-essential-
grab-claps-back-at-overeager-curfew-enforcers-with-promo
64
Bernado, D. R. (2021, April 1). GrabFood explains policy after photos of rider eating canceled order
went viral. Philstar Global. Kinuha mula sa https://www.philstar.com/lifestyle/food-and-
leisure/2020/04/01/2004832/grabfood-explains-policy-after-photos-rider-eating-canceled-order-
went-viral
Sadili, J. (2018). Online Ordering System. Kinuha mula sa
https://www.academia.edu/27826748/Online_Ordering_System_REVIEW_OF_RELATED_LITE
RATURE_AND_STUDIES
Revolvy. (n.d). Online food ordering. Kinuha mula sa https://www.revolvy.com/page/Online-food-
ordering
Pohnpei. (2016, January 26). "How does advertising help consumers and promote efficiency in
monopolistic competition?" Kinuha mula sa https://www.enotes.com/homework-help/how-
advertising-help-consumer-promoteefficiency-
607706?fbclid=IwAR0sXJl40GfouD6c_Xgtlgst8Nqg5NO8fcy0CrHC2FkzPWzfkf2XwUqN9c
Food delivery brings home the bacon. Kinuha mula sa
https://www.pressreader.com/oldbrowser?redirectUrl=/pressdisplay/viewer.aspx?issue=1109
2018112300000000001001&page=33&article=2005103788
Philippine Primer (2018, June 10). List: Food Delivery Apps. Kinuha mula sa
http://primer.com.ph/blog/2018/06/10/list-food-
deliveryapps/?fbclid=IwAR0RINp1TvMzkIhcMQclp0QWoaU6wqaQRc6jpTFU12Ru8Q_jWppyri3
v ZdU
GrabfoodPH, (n.d.) Your favorite food delivered hot and fresh. Kinuha mula sa
https://www.grab.com/ph/food/?fbclid=IwAR15wbSJJumJTfbYxKsmAVlfns2GvUTjCJ2oVJ
htEbk99-YlRtUj9-cS0QM Chua, V. (2018, June 26).
GrabFood now available in the Philippines. Kinuha mula sa https://www.yugatech.com/news/grabfood-
now-available-in-
thephilippines/?fbclid=IwAR3YEzFfgXV2LOKAGYU2_IG8UKCuryWIX4NUmd6op_18_I9S
nwCn0SRbrq8#sthash.hmWubYPH.dpbs#Sv0dMaPxRzviOHaW.97
Mga Bidyo
PART 1 | VIRAL VIDEO NG GRAB FOOD RIDER NA DI NABAYARAN SA DOUBLE BOOKING. Mula
sa: https://www.youtube.com/watch?v=RCIsb_VnZlM
65
PART 2 | VIRAL VIDEO NG GRAB FOOD RIDER NA DI NABAYARAN SA DOUBLE BOOKING. Mula
sa: https://www.youtube.com/watch?v=d05GYiwNYvQ
Life Of A GrabFood Driver: Ang Simula / First Time In Grab. Mula sa:
https://www.youtube.com/watch?v=dJIo1O7Gm4Q
66
#LAZADA: Ang Makabagong Pamilihan sa Kulturang Popular
MGA SANGGUNIAN::
Arquero, J. R. (2019, February 5). PAMILIHAN vs ONLINE SHOP - John Rey Arquero. Medium.
https://medium.com/@reyarquero25/pamilihan-vs-online-shop-6e9beacaf566
Katrina Domingo, ABS-CBN News. (2020, September 7). Lazada mulls banning 'small sellers' of fake
goods after Senate panel flags sale of counterfeit items. ABS-CBN News. https://news.abs-
cbn.com/business/09/03/20/lazada-considers-banning-small-sellers-after-senate-panel-flags-
sale-of-fake-goods
Klosowski, T. (2013, June 24). How to Avoid Impulse Purchases in the Internet Shopping Age. Lifehacker.
https://lifehacker.com/how-to-avoid-impulse-purchases-in-the-internet-shopping-5919833
Love, V. A. P. B. T. (2019, December 15). LAZADA WEBSITE REVIEW. Thousand Love.
https://nicarael.wordpress.com/2018/06/18/lazada-experience/
Nuncio, R. M. V. (2009, December 5). komersyalismo. WordPress.com.
https://kritikasatabitabi.wordpress.com/tag/komersyalismo/
Paggamit o Pagtangkilik sa Online Shopping ng mga Filipino. (2018, October 24). Filipino Photo Blog.
https://onlineshoppingphotoblog.wordpress.com/paggamit-o-pagtangkilik-sa-online-shopping-
ng-mga-filipino/
Schone, M. (2020, May 10). Lazada Selling: The 15 most common BIG seller mistakes. Split Dragon.
https://blog.splitdragon.com/lazada-selling-the-15-most-common-big-seller-mistakes/
Tech in Asia. (2016, March 16). Tech in Asia - Connecting Asia’s startup ecosystem.
https://www.techinasia.com/10-popular-ecommerce-sites-philippines
67
#FoodPanda: Instant na Pagkain Gamit Serbisyong Binili, Pag-ani ng Iba’t ibang
Reaksyon Bilang Sukli
MGA SANGGUNIAN:
Statista Research Department (2021). Reasons for rising orders from food delivery apps during
COVID-19 Philippines 2020. Nakuha mula sa
https://www.statista.com/statistics/1147540/philippines-reasons-for-increasing-orders-from-food-
delivery-apps-during-covid-19/.
Pinoy Stack Staff. (2021, April). Fake booking cases in the Philippines is on the rise. Nakuha mula
sa https://pinoystack.com/blog/social-media/fake-booking-cases-in-the-philippines-is-on-the-
rise/.
Santos, J. & Cordero, T. (2020). Foodpanda riders protest alleged unfair labor practices in front
of DOLE office. GMA News Online. Nakuha mula sa https://www-gmanetwork-
com.cdn.ampproject.org/v/s/www.gmanetwork.com/news/news/metro/764627/foodpanda-riders-
protest-alleged-unfair-labor-practices-in-front-of-dole-
office/story/?amp=&_gsa=1&_js_v=a6&usqp=mq331AQKKAFQArABIIACAw%3D%3D
#amp_ct=1624327446707&_tf=From%20%251%24s&aoh=16243274213779&referrer=http
s%3A%2F%2Fwww.google.com&share=https%3A%2F%2Fwww.gmanetwork.com%2Fnew
s%2Fnews%2Fmetro%2F764627%2Ffoodpanda-riders-protest-alleged-unfair-labor-practices-
in-front-of-dole-office%2Fstory%2F.
Salazar, Z. (2014). Ang dalawang piging ng kapitalistang modernidad. Nakuha mula sa
https://www.researchgate.net/publication/305776830_Festschrift_kay_Zeus_A_Salazar_Ang_D
alawang_Piging_ng_Kapitalistang_Modernidad.
GMA News (2021). Ilang rider ng isang delivery app, nabiktima ng fake booking. Nakuha mula sa
https://www.msn.com/en-ph/news/crime/ilang-rider-ng-isang-delivery-app-nabiktima-ng-fake-
booking/vi-BB1fika4.
Roy, L. ( 2021, April 15) DTI urges online payment to avoid fake food delivery bookings.
Inquirer.net. Nakuha mula sa https://newsinfo.inquirer.net/1419459/dti-urges-online-payment-to-
avoid-fake-food-delivery-bookings#ixzz6yZpWOvXK.
68
Ilagan, A. (2021, April 9). Report: Fake booking sa delivery service, pinaiimbestigahan na sa NBI.
Top Bikes News. Nakuha mula sa https://www.topbikes.ph/news/fake-booking-nbi-investigation-
a959-20210409.
Shona. (2016). Foodpanda – Asia’s Food Delivery Platform. Demystify Asia.
http://www.demystifyasia.com/foodpanda/.
Friere, P. (1970). Pedagogy of the oppressed. Nakuha mula sa
https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://envs.ucsc.edu/internships/inter
nship-readings/freire-pedagogy-of-the-
oppressed.pdf&ved=2ahUKEwi1koiR5azxAhWOGKYKHb3nDPcQFjASegQIHhAC&usg=AOvVa
w2WBUKZY9emsMRqVO6PzcwP
Bidyo:
Food panda rider, nagalit nang di sya binigyan ng tubig ng crew ng KFC San Lazaro- nakuha
mula sa https://www.facebook.com/watch/?extid=CL-UNK-UNK-UNK-AN_GK0T-
GK1C&v=2531667463808988
69
#MUKBANG: Paglayag sa Pagiging Simpleng Bidyo Papunta sa Pagiging Kultura
MGA SANGGUNIAN::
GMA News Online. (2019, September 19). Pagkasa sa 'Mukbang Challenge,' bakit patok sa mga
Pinoy, at ano epekto sa kalusugan. GMA News
Online. https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/food/708696/pagkasa-sa-mukbang-
challenge-bakit-patok-sa-mga-pinoy-at-ano-epekto-sa-kalusugan/story/
Aapircucsc, |. (2020, December 16). The Mukbang and Its Origins. the market.
https://www.fluentin3months.com/what-is-mukbang/
YouTube. (2017, May 12). How I eat A LOT and NOT gain weight? The Truth Revealed. YouTube.
https://www.youtube.com/watch?v=GWsDfaBUC2A
Kircaburun, K., Harris, A., Calado, F., & Griffiths, M. D. (2020, January 6). The Psychology of
Mukbang Watching: A Scoping Review of the Academic and Non-academic Literature.
International Journal of Mental Health and Addiction.
https://link.springer.com/article/10.1007/s11469-019-00211-0#Sec4
Columbia, O. Y. U. of B. (2017, April 28). 6 Snacks You Should Eat While You Bid Club Penguin
Goodbye. Spoon University. https://spoonuniversity.com/lifestyle/6-snacks-you-should-eat-while-
you-bid-club-penguin-goodbye
YouTube. (2016, November 11). Tips To Make MUKBANG/Eating Show Videos. YouTube.
https://www.youtube.com/watch?v=OpiwKkYNuNo
70
#ONLINE SHOPPING: Ang Malaking Negosyo sa Birtwal na Espasyo
MGA SANGGUNIAN::
Anonymous, (n.d.). Ecommerce. Shopify. https://www.shopify.com.ph/encyclopedia/what-is-
ecommerce
Anonymous, (2020, June 1). E-Commerce seen to sustain PH Economy and Drive Growth.
National Economic and Development Authority. https://www.neda.gov.ph/e-commerce-seen-to-
sustain-ph-economy-and-drive-growth/
Anonymous, (2021, March 8). Guidance for Business and Employers Responding to Coronavirus
Disease 2019 (COVID-19). Centers for Disease Control and Prevention.
https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/community/guidance-business-response.html
Anonymous, (2021, April 7). Philippines Overview. The World Bank.
https://www.worldbank.org/en/country/philippines/overview
Anonymous, (2020, June 17). Philippines proposes law for taxation of Digital Economy. EY
Global. https://www.ey.com/en_gl/tax-alerts/philippines-proposes-law-for-taxation-of-the-digital-
economy
Bernardino, E. (2020, October 1). The New Economy: How are online business taxed. Manila
Times. https://www.manilatimes.net/2020/10/01/business/columnists-business/the-new-
economy-how-are-online-businesses-taxed/774473
Cornwall, J. (2018, October 4). Economic Growth. Encyclopedia Britannica.
https://www.britannica.com/topic/economic-growth/The-role-of-government
Guta, M. (2019, July 21). Ecommerce Business Failure Rate at 90% After 120 Days – How to
Avoid it With Your Business. Small Business Trends. https://smallbiztrends.com/2019/07/why-
ecommerce-fails.html
Hayes, A. (2020, July 4). Business Essentials. Investopedia.
https://www.investopedia.com/terms/b/business.asp
Kaurin, T., Kilibarda, M., & Vasic, N. (2019). The Influence of Online Shopping Determinants on
Customer Satisfaction in the Serbian Market. Journal of theoretical and applied electronic
commerce research. https://scielo.conicyt.cl/scielo.php?script=sci_arttext&pid=S0718-
18762019000200107
71
Kemp, S. (2019, September 18). Digital 2019 Spotlight: E-Commerce in the Philippines. Data
Reportal. https://datareportal.com/reports/digital-2019-ecommerce-in-the-philippines
Kenton, W. (2021, May 10). Economy. Investopedia.
https://www.investopedia.com/terms/e/economy.asp
Ledesma, J. (2020, November 19). Online Selling Fuels Economic Activity during Pandemic.
Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/opinion/pieces/372-online-selling-fuels-
economic-activity-during-pandemic-
Marx, K. (1996). The Communist manifesto. London; Chicago, Ill.: Pluto Press.
Morah, C. (2021, April 18). Shopping Online: Convenience, Bargains, and a Few Scams.
Investopedia. https://www.investopedia.com/articles/pf/08/buy-sell-online.asp
Sanchez M. (2021, January 7). Share of e-commerce activities of internet users int the Philippines
as of 3rd Quarter 2019. Statista. https://www.statista.com/statistics/1125430/philippines-e-
commerce-activities-internet-users/
Schaefer, P. (2020, December 23). Why small businesses fail: Top 8 reasons for Startup Failure.
Business Know-How. https://www.businessknowhow.com/startup/business-failure.htm
Schooley, S. (2020, January 4). The Power that Small Businesses Wield. Business News Daily.
https://www.businessnewsdaily.com/15359-importance-of-small-business.html
Sirimanne S. (2021, March 11). COVID-19 and E-commerce: A Global Review. United Nations
Conference on Trade and Development. https://unctad.org/webflyer/covid-19-and-e-commerce-
global-review
Sohlberg, M. (2020, November 11). Fees and Commissions when Selling on Lazada: The
Definitive Guide. Export2Asia. https://www.export2asia.com/blog/lazada-sellers-fees-
commissions/
Zoleta, V. (2021, June 2). Make Money Online: How to be a Shopee or Lazada Online Seller.
Moneymax. https://www.moneymax.ph/personal-finance/articles/shopee-lazada-online-seller
72
73
Face Mask at Face Shield: Proteksyon sa Banta ng Pandemyang Globalisasyon
Ni: Jerome Harvey R. Jacosalem
“Sariling kamalayan protektahan, produkto ng
globalisasyon labanan.”- Jacosalem (2021)
Ayon kay Lumbera (2003) pinatototoo niya na ang “borderless world” ay bagong
maskara lamang ng imperyalismo. Ang bagong anyo nito ay nagpapanggap lamang na
wala itong pangangailangan mula sa atin, tayo mismo ang humihingi na ang kasarinlan
natin ay kaniyang salakayin. Kulturang popular bilang produkto ng globalisasyon, dulot
nito ang mga kaugalian at kaisipang kanluranin, banta sa identidad at pagkakakilanlan
ng isang bansa. Hindi maitatanggi na sa paglipas ng panahon lumalago at mas lalong
lumalawak ang saklaw ng kulturang popular na dala ang mga kaisipang kanluranin.
Delikado kung hindi mabibigyang pansin ang isyung panlipunan na ito na patuloy
sa pag-usbong at naapektuhan ang kaisipan at kamalayan ng bawat mamamayan. Sa
kasalukuyan patuloy na nilalabanan at nililimitahan ang mga problemang umuusbong na
dulot nito, nariyan ang mga tagapagtanggol ng wika tulad nina Amado V. Hernandez,
Jose Corazon de Jesus, at Lazaro Francisco. Ano nga ba ang bisa ng wikang Filipino sa
pagtayo ng moog laban sa paglusob ng mga kaisipang makapagpapahina sa tigas ng
loob at tatag ng mga makabayan? Wika at panitikan natin ay buhay na katibayan ng ating
kultura at kasaysayan. Ipinapagunita nito na mayroon tayong mga karanasan at
kabatirang natamo sa ating pagdanas ng kolonisasyon at sa ating ginawang paglaban sa
paghahari ng mga dayuhan (Lumbera, 2003). Panitikan ang nagsisilbing face mask at
face shield sa panahon ng pandemyang “Globalisasyon” ito ay proteksyon upang
74
mapanatili ang kaligtasan ng ating pagkakakilanlan at ngalan ng bayan, gayundin ang
mga tao nito. Ayon kay Liwanag (2003) sa panahon ng globalisasyon, malaking hamon
ang pagpapanatili ng wika at panitikang Filipino kasabay ng umiiral na ideolohiya sa
mundo. Subalit, hindi imposible ang pagkakaroon ng espasyo ng wika at panitikang
Filipino sa pag-agapay ng bansa sa globalisasyon. Magagamit ang Filipino sa paglinang
ng “global literacy” o kaalamang global ng ating mga mag-aaral sa pamamagitan at
pagkakaroon ng kaalaman at impormasyon na kailangan upang mabuhay sa isang
kapaligirang global, may kamalayan sa nangyayari sa paligid at bansa.
Walang bansang umuunlad nang walang sariling panitikan at bayan,
napakahalaga ng wikang Filipino at panitikan sa pagbuo sa kakayahan ng isang mag-
aaral at mamamayang mapanuri, malikhain, at malaya anuman ang kanilang kurso,
disiplina, o larangan. Hindi pag-uulit ang pag-aaral ng wika at panitikan sa kolehiyo,
bagkus ay pagpapalawig sa teorya, praktika, at silbi nito sa pamantasan, bansa, at buhay
(UP Diliman University Council, 2018).
Kultura’t Panitikan: Pagpapalawig ng Kaalaman at Kamalayan
Ang panitikan sa Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral at umuunlad, at
namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan. Ang salitang “panitikan” ay mula sa
salitang “pang-titik-an”. Batay sa salitang “titik” nangangahulugang “literatura”. Para kay
Arrogante (1983) ang panitikan ay talaan ng buhay kung saan isinisiwalat ng isang
indibidwal ang mga bagay na kaugnay ng kaniyang napupunang kulay at buhay sa
daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhaing
pamamaraan. Ayon naman kay Salazar (1995), ang panitikan bilang isang lakas kung
saan na ito ang nagpapagalaw sa lipunan. Dagdag pa nito, kasangkapang
makapangyarihan ang panitikan na maaaring magpalaya sa isang ideyang
nagpupumiglas upang makawala, isa rin itong kakaibang karanasang pantaong natatangi
sa sangkatauhan.
Ang Pilipinas ay mayaman sa samut-sari at hubog na panitikang naglalarawan sa
kalinangan ng mga Pilipino. Halimbawa na lamang ng mga ito ay ang kuwentong-bayan,
maikling kuwento o maikling katha, sanaysay, tula, dula, nobela, drama, balagtasan,
75
parabola, bugtong, salawikain, kasabihan, pabula, alamat, tanaga, bulong, awiting-
bayan, epiko, pelikula, at mga iskrip na pangradyo, telebisyon, at pelikula.
Sa araling pangkultura nakasandig ang pagpapakahulugan nito bilang isang
pagdulog, pagpapalawak ng pag-unawa sa kultura mismo, bilang malawak na kinagawian
ng madla. Kilala ang larangan bilang tumititig--- at tumititig nang walang pagpapaumahin-
-- sa tinatawag na pangmadlang kultura o mass culture (Sanchez, pp. 360).
“Sa ganang akin, masasabi ring ang pagkakasagap sa Aralíng Pangkultura—sa
pamamagitan man ng pag-aaral sa Kanluran o pagbása sa mga susing tekstong
nakaabot sa bansa, di naglaon—ang lalong nagpatatag sa naunang intelektwal na
mithiing makapagtindig ng malalim na paghinuha hinggil sa mas malawakang kulturang
Filipinong madalas na naisasantabi dahil sa ating danas at edukasyong kolonyal at
madaling naisasantabi dahil na rin umiiral ito sa pang-araw-araw.” (Sanchez, pp. 361).
May dala man itong mga kaisipang kanluranin, nagkaroon pa din ito ng
magandang dulot sa bansang Pilipinas, bagong wika at pananaw na nagsisikap balikan
at tunghan ang sariling kalinangan na nawawaglit o nakakalimutan. Umuusbong at
umuunlad ang kultura at nagpapatuloy sa isang bagong wika, pagsasaysay at
pagsasalaysay ng ating kaakuhan (Sanchez, pp. 362).
Kulturang Popular: Artipisyal na Kaisipan
Ang mga eksena mula sa mga TV Show at game show ay nagpapakita lamang ng
matinding desperasyon ng napakaraming Pilipino. Ipinapalaganap nito ang panlilinlang
na “swerte” at kagandahang-loob ang sagot ng karamihan sa kahirapan. Nilalako nito ang
hungkag na pag-asa sa milyon-milyong tagasubaybay, kasabay ng mga produkto ng mga
naglalakihang kumpanya ng kapitalistang isponsor, na sila ang kumikita ng limpak-limpak
na salapi mula sa pagtangkilik ng masa. Gayundin, hungkag na kaligtasan ang nilalako
ng mga fantaserye at telenovela, local o international man ang mga ito. Sa mga palabas
na ganito hindi sistemang panlipunan o mga naghahari-harian sa posisyon ang ugat ng
paghihirap kundi ang mga masasamang nilalang laman-lupa, halimaw, atbp. At ang
nakaatang na responsibilidad ay nasa balikat ng mga indibidwal na may kakaibang
76
kapangyarihan, kung tawagin ay mga superhero, hindi sa kolektibong pakikibaka ng mga
inaapi at pinagsasamantalahan.
Ito ang artipisyal na kulturang popular na “binebenta” ng industriyang pangkultura
ng mga lokal na naghaharing-uri at ng imperyalismo sa masang mamimili (Andrada,
2011). Dahil sa ang mga naghaharing-uri ang karamihan sa may hawak ng industriya sa
bansa, kultura, sining, atbp. sila ang nagtatakda kung ano ang itinatanim sa kaisipan at
panlasa ng madla. Sila ang nagtatatak na pang-masa ang ganitong kulturang mapang-
alipin habang umaani ng maraming salapi sa kanilang mga produktong binebenta sa
masa.
Wika’t Panitikan: Pagkakalinan at Kahalagahan
Nakalangkap sa wika at panitikang katutubo ang pinagdaanang kasaysayan ng
sambayanang lumaban sa pananalakay at pang-aalipin ng kolonyalismong Espanyol at
Americano (Lumbera, 2003). Nagpapakita lamang ito na ang wika at panitikang katutubo
ang buhay na patunay ng nakaraan, at talaan ito ng mga pangyayaring sumasagisag sa
nasyonalismo at puso ng mga Pilipino, ang kahalagahan ng sinuman sa ating lahi. Ngunit
ang pagpapahalaga na nararapat ay napalitan ng tila pagkalimot dito. Patunay nito ang
pagpapatupad ng CMO 20, 2013 na nagsasantabi sa pagtuturo ng Filipino bilang isa sa
mga kailangang kurso sa kolehiyo. Tila ang tingin sa wika at panitikan ay tinik na
nakabara sa lalamunan na pilit tinatanggal, sa madaling sabi unti-unting natatabunan ng
komersyo ang tunay na hangarin ng edukasyon.
Ang Pilipinolohiya para kay Prospero Covar (1998), tinaguriang ama nito, ay isang
sistematikong pag-aaral na kinapapalooban ng mga kaisipang Pilipino, kultura, at lipunan
na naglalayong paunlarin at paangatin ang pagka-F/Pilipino ng bawat larangan.
Nangangahulugang ang Pilipinolohiya ay hindi lamang nakakulong sa larangang maka-
F/Pilipino bagkus pumapasok din ito sa iba’t ibang disiplina. Saklaw din nito ang mga
disiplinang karaniwang ginagamitan ng Ingles bilang midyum tulad na lamang ng
sikolohiya, pilosopiya, antropolohiya, humanismo at iba pang disiplina ng kaalaman.
Ipinagugunita ng wika at panitikan na mayroon tayong mga karanasan at
kabatirang natamo sa ating pagdanas sa kolonisasyon at sa ating ginawang paglaban sa
77
paghahari ng mga dayuhan (Lumbera, 2003). Kung gayon, sinasalamin ng wika ang
identidad ng sambayanan, gayundin ang panitikan dahil ito ay isang paraan at talaan ng
paggamit ng wika.
78
#DALGONA COFFEE: Pagpapalasang Matamis sa Mapait na Kasalukuyan
Ni: Erica Mae Gozo
Ang kape ay naiuugnay bilang isang bahagi ng umaga ng mamamayang Pilipino
(Perez). Isa ito sa mga nakahain sa hapag sa tahanan at makikitang iniinom ng mga
tricycle driver, guard, construction workers at ibang manggagawa sa tig-lilimang pisong
vending machine ng kape sa isang sari-sari store. Tulad nga ng mga linya sa isang sikat
na brand ng kape sa Pilipinas, kasama ang kape sa pagbangon, pagsulong at pagkayod
para sa pamilya. Hindi na ito kataka-taka sa isang agrikultural na bansa na kailangang
gumising ng maaga (Abalos). Dulot nito, maituturing na bahagi na ng pagkakakilanlan
ng Pilipino ang pagkahilig sa kape sa kahit anong oras. Matatandaang nagtulak pa nga
ito sa pagkabuo ng mga meme kung saan kahit na tanghali at sa gitna ng tag-init ay
nakukuha pa ring magkape ng ilang mga Pilipino. Kaya naman hindi na rin kataka-takang
sa pag-init ng usaping dalgona coffee sa birtuwal na espasyo, Pilipino ang isa sa nanguna
sa pagsunod at pagpapaingay sa usong ito sa kabila ng kalbaryong dala ng kasalukuyan.
Buwan ng Enero sa taong 2020 unang nabigyang-pansin ang tinatawag na
Dalgona Coffee sa isang Korean variety show na nilahukan ng sikat na Koreanong aktor
na si Jung Il Woo. Gawa sa instant coffee, asukal at gatas ang sikat na inuming ito.
Pinaghahalo ang instant coffee at asukal sa mainit na tubig hanggang sa maging malapot
at malambot ito na ilalagay naman sa ibabaw ng isang baso ng gatas. Simula nang
maipalabas at mabigyang pokus ito ng mga manonood, nabigyang puwang ang pag-iral
nito na pinalakas pa ng paggamit ng bawat indibidwal ng social media upang tangkain
ang paggawa nito sa kani-kanilang tahanan. Ayon sa Google Trends, most searched type
79
of coffee ang dalgona coffee sa buong mundo. Tinatayang tumalon ng 1,800% ang
pagsasaliksik dito ng mga tao sa buwan ng Marso at 1,700% naman sa buwan ng Abril.
Kaliwa’t kanan din sa Facebook, Instagram, at TikTok ang paskil hinggil sa kapeng ito na
sumasalamin sa aktibong pakikilahok ng mga sumusubaybay sa kulturang popular na ito.
Isang Timpla ng Kultura sa Pandemya
Ayon kay Derrida, ang kulturang popular ay nasa tumatangkilik nito, ang patuloy
na pagbabago nito ayon sa panlasa ng manonood, at ang paggigiit ng kanilang mga
hangarin sa konteksto ng umiiral na suliranin ng kanilang panahon at lugar. Maiuugnay
ito sa tinuran ni Rolando Tolentino sa kanyang akdang Kulturang Popular at Pakiwaring
Gitnang Uri na hindi mauubusan ng bagong uso, at sa pagtangkilik ng bago,
minamarkahan na rin ang pagkaluma at pagiging lipas na ng mga komoditi ng kulturang
popular. Kung susuriin, mayroong magkatulad na salita na makikita sa mga pahayag at
ito ang “tangkilik”. Ibig sabihin, ang uso at kulturang popular ay umuusbong at
nagpapatuloy dahil sa pagtangkilik ng mga tumatangkilik sa mga ito. Dulot nito, naglipana
sa iba’t ibang uri ng midya ang iba’t ibang uso na hinuhumaling ang bawat tagakonsumo
nito. Mga usong hindi napigilan, bagkus ay pinalakas pa ng pag-iral ng pandemya.
Hindi maitatangging isa sa mga pumatok na popular sa panahon ng pandemya
ang #DalgonaCoffeeChallenge. Kaya naman, maituturing na isa sa kakabit ng kultura sa
quarantine period ang dalgona coffee (Haasch, 2020). Kinagat ito ng karamihan dulot ng
estetika nitong anyo at ang pagkakaroon ng abot-kayang kasangkapan lalo na sa mga
indibidwal na nababagot na sa kanilang tahanan at naghihikahos na sa ekonomikong
aspekto ng buhay. Kaugnay nito, tulad ng nasabi sa unahan, masasabing ang kulturang
popular ay nasa tumatangkilik nito dahil may kakayahan silang igiit ang kanilang mga
hangarin sa konteksto ng umiiral na suliranin ng kanilang panahon at lugar (Derrida).
Nagbigay puwang ang pag-iral ng dalgona coffee upang mailihis ang atensyon at
maipagpatuloy ng mga indibidwal ang pakikisangkot sa uso sa kabila ng hirap na tangan
ng krisis sa bansa. Naigiit ng ilang indibidwal ang kanilang sariling hangarin na
makatangkilik ng isang produktong popular sa kabila ng limitasyong dala ng pananatili sa
bahay.
80
Tamis ng Pangarap ng Naghihikahos na Indibidwal
Masisipat sa pag-iral ng #DalgonaCoffeeChallenge ang tinuran ni Tolentino na
makikita ang katangiang burgis sa ating kaakuhan at pagkakakilanlan batay sa
pagtangkilik ng kulturang popular - mula shoplifting hanggang pagmamaktol sa di-
pagtangkilik sa Jollibee, mula adiksyon sa droga hanggang sa ganap na pagkapukaw ng
pagnanasa ng mga patalastas ng McDonald's. Hindi ito nagkakalayo sa pagtangkilik sa
dalgona coffee trend lalo na’t ipinaparanas nito sa indibidwal ang pakiramdam ng
pagkakaroon ng isang masarap at dekalibreng inumin na sa mga mamahaling coffee
shop lamang matatagpuan at mga burgis ang karaniwang nakabibili. Dagdag pa,
matutunghayan kung gaano nakadiin ang kulturang popular bilang hulmahan ng inaasam
na gitnang uring buhay. May sinisiwalat na katotohanan ang akto ng pagtangkilik at pag-
asam na makatangkilik ng kulturang popular (Tolentino). Ibig sabihin, higit na pinapalakas
ng pagpatok ng dalgona coffee ang pag-aasam ng karamihan na makasabay sa uso at
maranasan ang nangingibabaw na kulturang pinaniniwalaan nilang maghahatid ng
karanasang panggitnang-uri. Dahil nga itinuturing itong simbolo ng kalagayang
panlipunan, higit itong inasam ng mamamayan. Tunay na mapanlinlang ang tawag nito
dahil tila ipinapahawak nito ang isang bagay na inaasam-asam ng isang mamamayang
ayaw maalala na siya ay naghihirap.
Nagsisilbi ring isang bagay ang kulturang popular na kaabot-abot o
nagmimistulang abot-kamay, abot-tanaw ng di-hamak na mas maraming bilang ng
naghihikahos na mamamayan, ang kirot sa dulo ng patpat na nagbibigay-motibasyon
para mangarap, magpursigi at manatiling nagsisikap (Tolentino). Dagdag pa niya, ito rin
ang normalisasyon ng mga di-pangkaraniwang bagay sa pang-araw-araw na realidad ng
paghihikahos, tulad ng texting, usong pananamit, Jollibee at McDonald’s, malling sa loob
ng mall at labas ng mall, o sa mga tematikong konsumeristang lunan. Samakatuwid, hindi
nalalayo sa pagkonsumo sa mga di-pangkaraniwang bagay ang pakikisangkot ng
karamihan sa dalgona coffee challenge. Imbis na simpleng instant coffee lamang ang
dapat na paglaanan ng kapital, tinutulak ng trend na ito ang indibidwal na kumonsumo
nang higit pa sa kailangan upang maranasan ang ganda at sarap na ibinabandera ng
inuming ito. Nakikiisa rito ang karamihan kaya mabilis ang normalisasyon nito at nagiging
81
lunan ito upang maranasan at makasabay sa gitnang-uri ang mga naghihikahos na
mamamayan. Panandalian nitong pinalalasap ang tamis ng pagkakaroon ng pribilehiyong
gitnang-uri na kung susuriin ay mapanghimok sa karaniwang mamamayan na puno ng
mga sana at pangarap. Bukod pa rito, pinagmumukhang pangangailangan ng kulturang
popular na ito ang isang bagay na nanatili at mananatiling luho lamang. Halimbawa rito
ang dalgona coffee kung saan pinagmumukhang kailangang mayroon na dagdag gatas
at asukal ang instant coffee kahit na maaaring sa simpleng mainit na tubig at coffee
powder, mapapainit na nito ang sikmura mong kumakalam na sa gutom.
Pagpapatamis sa Mapait na Kalagayan
Batay sa akda ni Tolentino, ang moda ng kulturang popular ay ang pagdanas ng
panandaliang ligaya sa pagdanas sa kasalukuyan – na parang isang kahig, isang tuka
na panuntunan. At litaw na litaw ito sa kaso ng dalgona coffee challenge. Tila ba
pinapalasap ng pinaghalong kape at asukal ang tamis ng panandaliang ligaya upang
panandaliang makalimutan ang pait na dala ng suliraning dala ng pandemya. Sa bawat
pagpaskil ng isang indibidwal sa kanyang social media sites ng isang magandang litrato
ng dalgona coffee, natatakpan niya sa mata ng mundo ang dilim ng realidad at hikahos
sa iba’t ibang aspekto ng kanyang buhay tulad ng mental, ekonomikal at kalusugan. Sa
mga nakakakita naman nito, panandalian din nilang naililihis ang isipan papunta sa
magandang litrato ng isang kapeng kinababaliwan ng mundo. Pinagtatagpo ang tagalikha
at tagakonsumo sa isang espasyong hinihiwalay sila sa mapait na realidad ng sitwasyon.
Patuloy tayong namumuhay sa materyal na realidad sa pamamagitan ng pagtangkilik sa
mga popular na ito. Samakatuwid, lumilikha tayo ng kanya-kanyang sanktwaryo para
maibsan ang aktwal na realidad (Tolentino).
Kaugnay nito, maituturing na pantakas sa pantasya sa aktwal na realidad na hindi
matatakasan ang kulturang popular. Isinaad ni Tolentino na ang aparato nito ay nilikha
para magsambulat lamang ng “true, good and beautiful” ng naghaharing uri. At ito ang
nagkokondisyon para wala tayong isipin, danasin na lampas ng tunay. Ibig sabihin, tulad
ng ibang uso sa ating bansa, kinokondisyon nito ang isipan ng indibidwal na higit
palutangin sa pamumuhay ang hyperealidad. Hindi maiisip ng isang indibidwal ang mga
82
katiwalian, panggigipit, pananamantala at pagyurak sa karapatang-pantao kung
nalalasap niya naman sa kanyang panlasa ang matamis at komportableng pakiramdam
na dala ng dalgona coffee. Hindi maiisip ng isang inibidwal na mangialam at maging
kritikal kung kasabay ng kanyang panonood sa telebisyon ang paghigop ng kape na may
tatak imported at sosyal. Nagbibigay ng isang higit na katanggap-tanggap na pantasya
ang kulturang popular kaya naman higit itong pinipili ng karamihan sa kabila ng
kamalayang hindi nila matatakasan ang katotohanan ng buhay. Kinokondisyon nito ang
pananaw ng isang indibidwal na unahin ang sariling ganansya. Tulad ng isinaad ng mga
pantas na sina Adorno at Horkheimer, ang kulturang popular mismo ang lunsaran ng
propaganda upang likhain ang isang uri ng pagsang-ayon o "consent" ng sumusubaybay
rito sa naghaharing interes ng mga may kapital at nasa poder ng kapangyarihan.
Inuming Dala ng Konsumerismo at Globalisasyon
Kung susuriin din ang trend na ito sa ibang lente, malaki ang naging ambag ng
globalisasyon sa pag-arangkada ng dalgona coffee sa kulturang popular sa bansa. Dulot
ng globalisasyon, malaya at mabilis ang palitan ng impormasyon, kultura, teknolohiya,
produkto, at serbisyo ng mga bansang kasangkot sa malaya at mabilisang ugnayan
(Villacorta, 1996). Nagbigay-daan ang globalisasyon upang mabatid ng mamamayang
Pilipino ang nauuso sa ibang bansa at maging fatalistic na nangangahulugang
pakikibagay o pakikisabay sa agos ng globalisasyon (Seabrook, 2005). Ibig sabihin,
nagkaroon ng mabilisang pagkalat ng produkto at kultura, partikular ang dalgona coffee,
dulot ng pagiging malay ng bawat isa sa sistemang pang global. Pinaigting pa ang
paglaganap nito ng teknolohiya na mahalagang kasangkapan sa pagpapayabong ng
global na ugnayan. Halimbawa na rito ang pag-unlad ng ugnayan sa pagitan ng mga
bansa kaya naman nagkakaroon ng access sa mga palabas nito tulad na lamang ng
nangyari sa variety show kung saan unang napanood ang inuming ito. Idagdag pa ang
iba’t ibang features ng applications at gadgets na nakatulong sa pagpapaingay sa
#dalgonacoffeechallenge trend na ito.
Kaugnay nito, itinuturing na “pandaigdigang paglaganap ng hindi makataong
sistema ng kapitalismo” ang globalisasyon (Held, 2004). Habang isinaad naman ni
83
Yapan ang potensyal na manipula ng gahum ang kulturang popular dahil malaki ang
lawak at sakop nila dito. Kaya naman, masisipat na bahagi ng trend na ito ang higit na
pagkalulong ng lipunan sa konsumerismo at materyalismo. Ayon kay Tolentino, tanging
ang papel ng masa sa pang-ekonomiyang pagkamamamayan sa kulturang popular ay
ang pagtangkilik sa maigting na konsumerismo. Kakabit nito ang sachet marketing lalo
na’t instant coffee, asukal at gatas ang pangunahing sangkap sa inuming ito na
karaniwang mabibili nang patingi-tingi sa maliliit na tindahan. Tulad ng wika ni Abalos,
mura, madaling mabili, at madaling ihanda. Idagdag pa ang pagkonsumo sa internet
connection at paggamit sa social media sites na sa bawat patak ng segundo ay may
kalakip na kabayaran sa mga tagapaghatid nito. Samakatuwid, pinaigting ng kulturang
popular na ito ang sistema ng kapital kung saan nabibili ang katotohanan.
Ang Mapait na Pagtangkilik
Sa pagsibol ng bagong umaga ay ang pagsibol ng isang kapeng pumukaw sa
atensyon ng mga Pilipinong adik sa kape. Lubusan itong tinangkilik dahil sa iba’t ibang
tulak ng pag-aasam at katanungan. Panandalian nitong ipinakita ang ganda ng
pinaghalong kape at asukal sa ibabaw ng maputi at mainit-init na gatas. Sandali rin nitong
kiniliti ang matamis nating panlasa na tila nakalimutan na dulot ng pait na dala ng
pandemya. Kaya naman hindi na kataka-takang tinangkilik at sinuportahan ng maraming
Pinoy ang #dalgonacoffeeechallenge sa iba’t ibang social media sites.
Kaugnay nito, nakalulungkot mang isipin, sana kasing lakas din nito ang
pagtatambol natin sa masalimuot na kalagayan ng mga magsasaka ng kape sa bansa.
Sa taong 2016, tinatayang 25% lamang ng demand sa bansa ang natutugunan natin
habang ang natitirang 75% na tinatayang humigit kumulang 7 bilyong pisong halaga ang
inaangkat na natin. Mainam sana kung ang halagang ito ay mapupunta sa ating mga
magsasaka. Kaya naman, sana tulad ng ilang milyong pakikilahok sa trend ng dalgona
coffee, ganito rin karami ang sumusuporta sa ilang dekadang pakikibaka ng mga
magsasaka para sa kanilang lupain at nakabubuhay na kita.
Tunay na ang tamis at pait na dala ng isang tasa ng kape ay tumatagos sa panlasa
ng indibidwal dahil tumatawid ito sa sila-silabit na ugnayan nito sa kultura at ating
84
pagkakakilanlan. May dalang tamis ang dalgona coffee na nagpapangiti sa atin at
nagpapalasap ng karanasang nais nating makamtan. Binibigyan tayo nito ng
pagkakataong madampian ang mga pangarap na makaahon sa kahirapan. Sa kabilang
banda, mayroon din itong pait na nagpapaalala sa realidad at katotohanan. Isang realidad
na hinihimay ang pagkalulong natin sa materyalismo at konsumerismo sa kabila ng
limitasyon sa kakayahang makiuso. Isang katotohanang pilit tayong umiiwas sa mga
suliraning dapat na bigyang solusyon at aksyon.
Isa lamang sa maraming trend ang #dalgonacoffeechallenge na dapat sipatin sa
iba’t ibang lenteng may kaugnayan sa kultura at identidad. Isang uso at patok na dapat
suriin sa iba’t ibang aspekto upang malaman ang malaking epekto nito sa ating pag-iisip,
pananaw at pagkilos sa ating lipunan. Nang sa gayon, matimpla natin ng tiyak at tumpak
ang balanseng timpla ng kapeng may hatid na tamis at pait sa pagbuo at pagpanday
natin sa ating kaakuhan, identidad at pagkakakilanlan.
85
#ASTRAZENECA: Ang Bakuna sa Pagtalunton ng Ideolohiya at Atrasadong
Tiwala ng Masa sa Larangan ng Medisina
Ni: Jeraizha B. Bautista
“Life is divided into three terms- that which was,
which is, and which will be. Let us learn from the past
to profit by the present, and from the present, to live
better in the future.”
-William Wordsworth
Isang bagay na maipagmamalaki ng bansang Pilipinas ang pagkakaroon ng
saganang likas na yaman na siyang pinag-ugatan ng iba’t ibang tradisyon, paniniwala at
kultura na bumuo at humubog ng identidad ng bawat mamamayang Pilipino. Taglay ng
humigit kumulang na walumpong probinsya sa bansa ang kani-kaniyang paniniwala,
kulturang kinagisnan at oryentasyong isinasagawa sa bawat lipunang kinabibilangan.
Ang bawat kultural na gawaing ito ay patuloy na pinapahalagahan at higit na
naoobserbahan at isinasagawa sa mga probinsya/rural area at primitibong lunan sa
bansa maging sa kasalukuyang henerasyon kung saan ay masasabing mayroong
malaking pagbabago mula sa danas ng kahapon. Ang mga kulturang ito ay maituturing
na yaman ng isang pamayanan at ugat sa pag-unlad ng isang lipunan. Isa na rito ang
paniniwala sa tradisyunal na panggagamot na nagdulot ng magkakaibang epekto sa
kultura at ideolohiya ng bawat mamamayan sa makabagong medisina.
86
Ang Tradisyunal at Makabagong Medisina: Tunggalian ng Kinasanayan at
Siyensiyang may Pinapatunayan
Ayon sa librong Sociology, Culture and Family Planning (2007), ang kultura ay
pamamaraan kung paano mabuhay at mamuhay ang bawat tao sa isang lipunan. Kung
saan, bawat lipunan ay may kani-kaniyang kulturang humuhubog at nagbibigay ng
impluwensya sa katauhan ng bawat mamamayan nito at mismong lipunang kanyang
kinabibilangan. Ito rin ang nagbibigay at nagtuturo sa mamamayan kung paano mamuhay
sa isang lipunan. Kaugnay rito, bahagi ng kultura at pamumuhay ng mga Pilipino ang
paggamit ng mga halamang gamot bilang lunas sa sakit o karamdaman sa
pangangatawan. Ang mga medisinal na halaman o herbal plant ang naging sandigan ng
sinaunang pangkat na nanirahan sa bansa at naipasa sa mga lolo’t lola natin. Ilan sa mga
ito ang paglalanggas ng dahon ng bayabas upang matigil ang pagdurugo at maibsan ang
sakit ng tuhod na nasugatan at ang pagpapakulo ng dahon ng sambong upang inumin
sa tuwing mayroong ubo, sipon at pagtatae na nararamdaman. Subalit, ang kultura ay
maaaring mapanatili o magbago sa paglipas ng panahon kasabay sa pag-unlad ng
henerasyon.
Mula sa mga tradisyunal na panggagamot at uri ng medisina, nahubog ang
katangian ng mga Pilipino sa pagtitiwala sa kung ano ang kinagisnan, patok sa bulsa at
masa o pili ng karamihang tao. Kasabay sa patuloy na paghahanap ng mas epektibong
lunas o medisina, nagkaroon ng mga bagong tuklas ang masa na kung saan ay angkop
sa kalagayan at pangangailangan ng bawat mamamayan. Isang mahusay na halimbawa
rito ang walang kupas na pamahid o langis na efficascent, kung saan ay nakatutuwang
balikan na ito ay bahagi ng kaugalian ng mga pilipino. “All in one” kung ito ay bansagan
sapagkat maaari mong gamitin sa nararamdamang hilo, pagsusuka o nalulula sa biyahe
at maging sa sakit ng ulo at iba pang parte ng katawan. Ngunit sa paglipas ng panahon
ang efficascent ng sambayanang Pilipino ay nagkaroon ng iba’t ibang pagbabago sa
hugis ng lagayan, amoy at epekto at maging ang pagkakaroon ng angkop para lamang
sa mga sanggol o mas nakababata. Maihahalintulad ang kultura at ideolohiya ng
pagtanaw sa henerasyon ng efficascent sa masa. Nabuo ang tiwala sa bagong angkat at
87
mas angat sa mundo ng komersyalismo. Mula sa kinasanayan, naging bukas sa
pagtanggap ng bago at patok sa masang Pilipino.
Habang patuloy sa pagdiskubre at pag-unlad ng larangan ng medisina sa bansa,
nadadagdagan din ang mga bagong option o pagpipilian ng masa. Higit nang tinatangkilik
ang produkto ng siyensya kaysa tradisyunal at kinagisnan. Ngunit magkaroon man ng
makabagong paraan ng panlunas, hindi maiaalis sa karamihang Pilipino ang pagkapit sa
kinagisnan at kinasanayang pamamaraan. Nahahati ang tiwala at pakikipagsapalaran ng
bawat indibidwal para sa pansariling kalusugan. Hindi nawawala ang opsyon ng lumang
pamamaraan para sa mga kapos o walang sapat na pangtustos na pinansyal para sa
presyo ng gamot sa merkado. Samantala, dinudumog din ang paggamit ng mga
makabagong medisina at pamamaraan sa panggagamot sapagkat angat at suportado ito
ng paniniwala sa paliwanag ng agham at mga propesyunal na tao. Isang krisis na
itinuturing ang pamimili sa pagitan ng doktor at albularyo. Sumisimbolo ang tunggalian
ng pera at garantisadong pag-asa. Parehong mga mangagamot ngunit magkaibang
paraan at ugat ng pinaniniwalaan.
Bakuna no.1: Turok ng Kultura, Peklat ng Tiwala
Bilang bahagi ng kultura sa larangan ng medisina at kalusugan, sabi nila ay isang
palatandaan na ikaw ay Pilipino kung mayroon kang peklat sa taas ng braso mula sa
bakuna na itinurok noong sanggol o nasa murang edad ng pagkabata upang makaiwas
sa mga sakit. Ang malalim na paniniwala sa siyensya at medisina bilang proteksyon sa
kalusugan ay nag-iwan ng bahagi sa kulturang kinasanayan at pagkakakilanlan.
Ayon sa aklat na “Pagbabakuna at Kalusugan ng mga Bata, Edisyong 2020,” ang
pagbabakuna ay ang paglalapat o pag-inject sa ating katawan ng bakuna na mula sa
pinahinang uri ng virus o bacteria tulad ng Tigdas, Pertussis at iba pa. Ito ay upang bumuo
ang ating katawan ng sariling panlaban o immunity para sa anumang uri ng sakit. Ang uri
ng gamot na ginagamit sa pagbabakuna ay tinatawag na bakuna o vaccine. Samantala,
ang pagpapabakuna at iba’t ibang klase ng bakuna simula noong sanggol ay hindi
garantisado ang kaligtasan at pangmatagalang proteksyon sa kalusugan na maaring
88
pinagmulan ng pagkakaroon ng katangiang urong-sulong na pagtitiwala sa mga
bakunang inilalatag sa bawat Pilipino.
Matatandaan na noong Marso 2016 hanggang Oktubre 2017 ay nagsagawa sa
bansang Pilipinas ng malawakang pagbabakuna ng Dengvaxia sa higit 830,000 na
kabataan bilang bahagi ng National Immunization Program sa bansa upang maiwasan
ang sakit na dulot ng Dengue. Samantala, sa kaparehong taon, umingay sa publiko ang
anumalyang pagkakaroon ng tumataas na bilang ng mga kabataang naturukan ng
bakunang Dengvaxia na namamatay kung saan ay taliwas sa inaasahang epekto nito at
nagdulot ng pangamba sa bawat magulang at kabataang naturukan ng nasabing bakuna.
Sino ang dapat managot? Ano ang pagkakamali sa ibinigay na gamot? Ano ano ang
naging epekto ng bakunang ito sa buhay ng sambayanang Pilipino?
Bawat taon ay pinaghahandaan ng kagawaran ng kalusugan ang pagkakaroon ng
dengue outbreak sa bansa. Ayon sa paliwanag na nakasalin sa tagalog mula sa Hawaii
State Department of Health, “Ang Dengue ay isang sakit na galing sa mikrobio na
naihahawa o naipapasa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng Aedes na lamok. Ang
Dengue ay hindi maikakalat na tuwiran ng tao sa tao.” Gayunpaman, bilang bahagi ng
malawakang paghahanda ng bansa ay agarang tinanggap at pinaglaanan ng malaking
pondo ng gobyerno ang pagkakaroon ng Dengvaxia Vaccine sa bansa. Ang Dengvaxia
ang kauna-unahang bakuna kontra Dengue na ginawa ng isang International
Pharmaceutical Company sa Sanofi Pasteur. Matapos ang matagumpay at malawakang
pagbabakuna sa maraming kabataan, sunod namang umingay sa publiko ang sinasabing
epekto ng gamot sa kalusugan at nagdulot ng kamatayan sa mga kabataang naturukan
ng bakuna. Samakatuwid, napatunayan sa bagong pag-aaral ng New England Journal of
Medicine (NEJM) na ang bakunang Dengvaxia ay hindi ligtas na iturok sa mga hindi pa
nagkakaroon ng sakit na Dengue. Ayon rin sa NEJM, kung ang tao ay walang naging
dating impeksyon na Dengue, ang bakunang Dengvaxia mismo ang magsisilbing unang
infection ng pasyente. Ngunit sa kagustuhan ng maagap na pagpuksa at proteksyon sa
sakit na Dengue, at mula sa inilabas na guidelines ng World Health Organizations (WHO)
noong July 2016, agarang sinimulan ng gobyerno ang pagbabakuna sa buwan ng Abril
kung saan ay kapansin pansin ang pagtaas ng kaso ng Dengue sa bansa. Makalipas ang
89
mga pag-aaral at pag-iimbestiga sa kontrobersyal na isyu ng bakunang Dengvaxia, hindi
na pinayagan ang pagpasok ng uri ng bakuna sa bansa. Ang inaasam na proteksyon sa
kalusugan ay naging bangungot ng bawat pamilyang biktima sa kakulangan ng tiyak na
kahandaan at kasiguraduhan.
Sapat na nga ba ang masalimuot na karanasang ito upang maging mapanuri ang
bawat isa, hindi lamang ang nasa kagawaran ng kalusugan at gobyerno kung hindi ay
maging ang bawat mamamayan na makikinabang at siyang maapektuhan sa bawat
hakbangin at desisyon ng gobyerno? Gayunpaman, hindi rin maibibigay ang buong sisi
sa gobyerno at kagawaran lamang sapagkat kapansin-pansin na ang mga Pilipino ay
kulang sa pagsusuri at madaling maingganyo o mapa “oo” sa kahit na anong bagay lalo
na kung ito ay libre at maingay sa publiko. Nakasanayan na ng mga Pilipino ang
pagsunod sa kung sino ang namumuno at sinasabing may alam sa espisipikong larangan
kung kaya’t hindi na nagkakaroon ng kritikal na pagsusuri ang bawat isa lalo na ng mga
mamamayang walang sapat na kaalaman at kapos sa pinansyal na kakayahan. Mabuti
na lamang at ang kamatayan o mawalan ng mahal sa buhay ang isa sa maraming bagay
na kinatatakutan ng bawat isa kung kaya’t matapos ang insidenteng ito sa dengvaxia
vaccine ay nagkaroon ng silbing aral sa bawat mamamayan sa pagpupunla ng
katangiang maingat, kritiko at hindi basta basta napapasunod ng sinuman o ng publiko.
Bakuna no.2: Ang Pandemya sa Usapin ng Pamamahala at Pagtitiwala
Taong 2020, buwan ng Marso, isang mahigpit na kalabang pangkalusugan ang
unti-unting nagbigay pangamba at banta sa bawat mamamayan, pinangalanan itong
Covid-19. Isang virus na nakakahawa. Nagmumula sa iisang tao hanggang sa lumobo
nang lumobo ang apektado. Kabi-kabila ang anunsiyo sa publiko, “Social Distancing-
Layo-layo muna”, “panatilihing nakasuot ang Facemask at Faceshield”, “Ugaliin ang
paghuhugas ng kamay at pagdidis-infect”, hanggang sa “Wala pong lalabas sa kani-
kanilang tahanan”. Maraming pag-iingat na ang sinubukang hakbang ng pamahalaan.
Nagpatupad na ng magkakaibang paghihigpit at mga protokol sa lipunan. Ngunit, kung
tutuntunin ang kasalukuyang kalagayan ng bansa sa gitna ng pandemya ay makikitang
nakalubog pa at hirap sa muling pagbangon. Liban sa umuusbong na makabagong
90
kultura ng bayanihan ay matapang ang boses ng masa na humihiyaw ng ayuda at bakuna
bilang tugon na proteksyon sa kalagayang pangkalusugan.
Bakunang inaasahan ang garantisadong proteksyon at hindi palpak na tulad nang
sa isyu at danas ng kahapon. Ang bakuna na nakikitang isasalba ang bayan mula sa
pagkakalugmok dulot ng krisis sa pandemya kaakibat ng kolektibong pagkilos ng
gobyerno at mga taong nasa pamahalaan, ang buong tiwala ng bawat simpleng
mamamayan na ang tanging dasal ay proteksyong pangkalusugan. Kaugnay rito,
matatandaang kamakailan lamang ay nagbigay anunsiyo ang gobyerno at kagawaran ng
kalusugan sa publiko na mayroon nang dumating na bakunang AstraZeneca sa bansa.
Ito na nga ba ang hinihintay na solusyon o simula pa lamang ito sa inaasam na
pagbangon?
Ayon sa datos at paliwanag mula sa mga lehitimong health sources online “Ang
bakunang AstraZeneca laban sa Covid-19 ay isang bakuna na humahadlang sa mga tao
na magkasakit ng Covid-19. Ang Bakunang AstraZeneca laban sa COVID-19 ay walang
taglay na anumang buhay na SARS-CoV-2 virus, at hindi ito makapagbibigay sa iyo ng
COVID19. Ito ay may taglay na genetic code para sa isang mahalagang bahagi ng SARS-
CoV-2 virus na tinatawag na ‘spike protein’. Ang spike protein ay ipinasok sa ‘carrier’
(tagapagdala) ng walang panganib na karaniwang sipon (isang adenovirus). Ang carrier
ng adenovirus ang nagdadala ng spike protein sa loob ng iyong mga selula upang ang
mga ito ay mabasa at makagawa ng mga kopya ng spike protein. Pagkatapos, ang iyong
sistema ng naturalesa (immune system) ay matututuhang kilalanin at labanan ang SARS-
CoV-2 virus. Ang adenovirus ay binago na upang hindi ito makalikha ng mga kopya sa
sandaling ito ay nasa loob na ng mga selula. Ibig sabihin, hindi ito maikakalat sa iba pang
mga selula at hindi magiging sanhi ng impeksyon.
Handa na ang gobyerno, kagawaran ng kalusugan at maging ang mga frontliners
sa laban, ngunit tila tahimik ang masa, dala ang agam-agam at pangamba na ang bakuna
ay hindi dekalidad at kapahamakan ang dala. Ugat ng kahapon ang nagbanta sa tiwala
ng masa. Tákot na ang bakuna ang maging mitsa ng lamay sa pamilya. Hindi maaalis
ang sisi sa masa, kung ang tiwala ng bayan ay hindi maibigay ng kusa. Bukod sa mga
pangamba, naiimpluwesiyahan ng kultura ang lipunan. Tanong nga ng iba, “2021 na pero
91
naniniwala pa rin kayo sa mga aswang at iba’t-ibang haka-haka?”, sa sobrang lawak ng
mundo ng midya at teknolohiya lalo pa at ito ang sentro at daluyan ng komunikasyon sa
gitna ng pandemya ay maraming umuusbong at nabubuong paniniwala. Umiikot ang mga
balita na kapag naturukan ng nasabing bakuna ay magiging aswang paggising sa umaga,
magkakaroon ng buntot, sungay at iba pa. Epekto nga lang ba ng takot at kinalakihang
paniniwala o may kaakibat na pagiging malay sa nakikita at danas sa liderato ng bansa
at sa pamamahala? Sa katunayan, madaling sabihin na takot lamang ang publiko sa
maaring epekto ng bakuna, ngunit sa malalim na pag-unawa, ubos na ang tiwala ng masa
sa mga taong namumuno, serbisyo at namamahala. Hindi masisisi ang masa sa kawalan
ng tiwala kung palpak ang ipinapakitang pamamahala. Ilang beses na ring binigo ang
taong bayan sa larangan ng medisina, kung ano-anong anumalya ang lumalabas sa
balita. Kapabayaan ng gobyerno ang pinag-ugatan, kawalan ng tiwala at pagkaantala ng
proyekto ang kinahantungan.
Bakuna no. 3: Ang Bakuna ng Panibagong Pag-asa
Sa patuloy na pagsugpo ng mas lalong lumalalang epekto ng COVID-19 sa bansa,
puspusan ang panghihikayat sa publiko upang mabalik ang tiwala ng masa sa siyensiya
at medisina. Ano nga ba ang laman ng midya? Sapat na nga ba ang impormasyon na
ibinabahagi sa masa o tulad ng bibig nakasuot ng facemask na kung saan ay tinatakpan
ng iba’t ibang trolls at balita. Maging ang siyensya ay hindi na nakatakas sa
pagmamanipula ng mga namamahala, ipinapakalat sa midya ang mass recovery na
nangyayari kahit wala namang ebidensya at isinagawang aksyon sa pagpuksa.
Ginagamit ang mga taong may pangalang “doktor” at kinalaman sa medisina upang
maging kampante kahit na ang buhay ay nasa delikadong kalagayan. Ilang buhay pa nga
ba ang mababalitang nawala, ilang ina pa ang maghihinagpis sa lamay ng pamilya, ilang
tao pa ang maghihirap sa paghahanap ng pinansyal na pangtustos para lamang sa
panggamot at pagpapa-ospital? Kailan nga ba tayo makakalaya sa nakagapos na
facemask at nanlalabong pag-asa, suot ang faceshield sa mukha. Araw-araw ay
napapatanong kung kailan darating ang bukas na wala na ang takot sa paglabas ng
tahanan. Ano ang dapat na tugon? Bakuna ba o tamang pangunguna?
92