The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by santos.ra, 2021-07-03 11:32:32

II-4 BFE_ANTOLOHIYA

II-4 BFE_ANTOLOHIYA

“traydor”, namumugto ang mata at naglalabasan ang ugat sa kanilang mga noo sa galit,
nagsusumigaw at pilit na ipinapamukhang sila ay “Pilipino”. Pagdating sa kultura, malaya
ang bawat isa na magkaroon ng pagmamahal sa iba bukod sa sariling kultura, kaya nga
ito patuloy na nabubuhay dahil sa patuloy itong tinatangkilik, mapa-lokal man o
internasyonal.

Kultura ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar o bansa, ito ang nag-
aangat o nagbababa sa pagtingin ng ibang mga nasyon. Matagal nang naipamukha ng
mga Pilipino sa ibang mga bansa ang ating kultura, isang malawakang kaalaman na sa
buong mundo ang pagiging bukas palad at matulungin ng mga Pilipino, napakarami na
ring banyaga ang gumamit, tumikim, nanood, at nakinig sa mga gawang Pilipino. Maging
ang ibang kultura sa ating bansa ay resulta ng pinaghalo-halong kultura ng iba pang mga
bansa. Sa madaling salita, ang pagka-Pilipino ng bawat Pilipino ay hindi mahuhusgahan
sa kung ano ang kanilang tinatangkilik, bagkus ay makikita sa kung paano nila bitbitin
ang Pilipinas sa harap ng mga banyaga. Sa kasalukuyan, napakalawak na ng sakop ng
mga Korean Drama at K-Pop sa bansa, at mas lumaki pa ito nang lumapag ang Crash
Landing on You (CLOY) sa Pilipinas. Ang bidang karakter sa seryeng ito ay naging
endorser pa nga ng isang malaking telecommunication company na SMART. Naghatid
ang Koreanong serye na ito ng bagong pagtingin sa pagkakakilanlan ng South at North
Korea.

Konsepto ng Tadhana at Iba’t ibang Uri ng Pagmamahal ayon sa CLOY

Ang seryeng Crash Landing on You ay tungkol sa makwelang love story ng
babaeng taga-South Korea na napadpad sa North Korea na si Yoon Se-ri at ng striktong
sundalo ng North Korea na nakakita sa kanya na si Ri Jeong-hyeok. Naging patok ito sa
mga Pilipino na nagresulta sa malawakang ingay tungkol dito; bawat magulang ay
nanood at umantabay sa bawat episode ng serye. Tinangkilik at kinatuwaan ang buong
serye at inulan ng mga papuri at taos pusong pagmamahal. Malinaw na kaalaman sa
buong mundo na ang North Korea ay isang sosyalismong bansa na nagtataglay ng isa
sa pinakamalakas na kapangyarihang militar. Tago ang North Korea sa buong mundo,
hindi ganoon kalawak ang kaalaman ng mga tao tungkol sa kanila, kaya’t ang

143

pagkakaroon ng serye tungkol sa North at South Korea ay isang magandang hakbangin
para makilala kung ano at paano mamuhay ang mga taga-North Korea.

Naging isang tema ng Crash Landing ay tadhana, paulit-ulit itong ipinakita sa
buong serye at nagkaroon ng malaking epekto sa mga bidang karakter. Hindi naman
bago ang pagkakaroon ng konsepto ng tadhana sa isang pelikula, libro, at serye. Ito ay
popular at maraming beses nang ginamit upang ipakita kung paano tatakbo ang isang
love story, at paulit-ulit namang nakita ang pagiging epektibo nito. Ngunit ang ipinagkaiba
ng konsepto ng tadhana sa Crash Landing ay ginamit ito bilang ugat ng mga pangyayari
at hindi lamang pansuporta sa kuwento. Sa ibang mga kuwento, ang tadhana ay
nagsisilbing pansuporta sa isang pangyayari upang ang ibang kaganapan ay maganap,
madalas gamitin ang pagiging magkababata ng mga bidang karakter upang maging
suporta sa pagkakaayos nila sapagkat mayroon silang bagay na parehong
kinahumalingan na siyang magiging dahilan ng kanilang pagkakabalikan o pagkakaayos
pagkatapos ng isang malaking away na magsisilbi bilang resolusyon ng kuwento. Ang
konsepto ng tadhana sa Crash Landing ay nagsilbing ugat ng kuwento, hindi ito basta
pansuporta lamang sa isang kaganapan ngunit ito ang dahilan ng buong kuwento at
pinakapuno’t dulo ng mga pangyayari.

Malalim ang pagbibigay buhay sa tadhana ng Crash Landing na siyang mas
nagbigay buhay sa kuwento. Mas higit na naipakita ang tadhana sa parte ng karakter ni
Se-ri; siya ay nagkaroon ng magulong kabataan, ilang beses siyang sinubok ng buhay,
at ilang beses din siyang nanaig. Ngunit may ilang pagkakataon na sinubukan niyang
kitilin ang kaniyang buhay: ang una ay noong sinubukan niyang tumalon sa tulay sa
Switzerland ngunit kinuha siyang tagakuha ng litrato ng magkasintahang kasabay niya
sa tulay kaya’t hindi ito natuloy. Ang pangalawa naman ay noong sinubukan niyang
tumalon sa isang bangka sa Switzerland, ngunit hindi rin ito natuloy sapagkat may narinig
siyang himig ng piano na nagbigay ng lakas ng loob sa kaniya na mamuhay ulit. Mula
noon ay sinubukan niyang alamin ang pamagat ng kanta kaya’t lagi niyang tinatanong sa
mga nakikilala niya kung alam ba nila ito. Nakita ang konsepto ng tadhana sa mga
eksenang ito sa kadahilanang ang parehong taong nakapigil kay Se-ri sa pagkitil sa sarili
niyang buhay ay walang iba kung hindi si Jeong-hyeok, ang lalaking bida sa kuwento.

144

Naging makabuluhan ito at kakaiba kaysa sa ibang konsepto ng tadhana pagkat mas
malinaw itong naipakita at mas nagkaroon ng lalim at importansya sa kuwento. Ang
pagpapakuha ni Jeong-hyeok ng litrato kay Se-ri ay hindi basta-basta nangyari,
sinusubukan niyang kuhanan noon ng litrato si Se-ri kasabay ng mga tanawin, ngunit
nang mapansin niyang susubukan nitong tumalon ay gumawa agad siya ng paraan na
siyang nagsalba sa buhay ng babae. Sa pangalawang pagkakataon naman ay nagluluksa
si Jeong hyeok sa pagkamatay ng kaniyang kapatid kaya’t napakahalaga para sa kaniya
noong huling pagtugtog niya ng piyesang ginawa niya para sa kaniyang kapatid, ang
piyesang ito ang nagsalba sa kaniya sa kalungkutan at nagsalba naman kay Se-ri sa
kadiliman at kahirapan ng kaniyang buhay. Makikita rito na noon pa man ay konektado
na sila ng tadhana, at noon pa man ay sinasalba na ni Jeong-hyeok ang buhay ni Se-ri,
na siyang magbibigay ebidensya na ang kasalukuyang pangyayari sa kuwento ay may
pinanghuhugatan at malalim ang pinanggalingan. Kakaibang atake ito sa konsepto ng
tadhana sapagkat ang mga pangyayari noon ay hindi lamang nangyari basta-basta para
lamang mapaandar ang kuwento, ngunit nangyari ito dahil mayroong dahilan at hindi
biglaan. Dagdag pa sa mga ipinakitang mga pagkakataon para sa tadhana ay ang irony
ng mga pinagmulang angkan ng mga bida. Noong unang beses magpalitan ng buong
pangalan ang dalawa, nalaman ng mga manonood na si Se-ri ay kabilang sa angkan ng
mga Haeju Yun na nagmula sa hilagang bahagi ng Haeju ng North Korea at si Jeong
Hyeok naman ay nagmula sa angkan ng Jeonju Si na nagmula sa katimugang agrikultural
na siyudad sa Jeonju ng South Korea. Nagpapakita ito ng pagiging mapaglaro ng
tadhana, ang taga-South Korea ay nagmula sa angkan ng mga taga-North habang ang
taga-North Korea naman ay nagmula sa angkan na taga-South.

Bukod sa konsepto ng tadhana, binigyang buhay din ng Crash Landing ang iba’t
ibang mukha ng pag-ibig. Ito ang popular sa kahit anomang kultura, lipunan, bayan, at
kasarian. Kahit sino ay kaya itong intindihin kaya hindi naging mahirap ang paglalapat
nito sa kuwento at ang mahusay na pagpapayaman ng Crash Landing dito ang siyang
mas nagpaingay at nagbigay buhay sa mga karakter. Ang pag-ibig sa bayan, pag-ibig sa
sarili, at ang pinakadelikadong mukha ng pag-ibig, ang pag-ibig sa pera. Ang pag-ibig sa
bayan ang isa sa pinakadakilang mukha ng pag-ibig, at walang ibang kakikitaan nito kung
hindi ang bidang lalaki at sundalo na si Jeong-hyeok. Malalim ang pagmamahal niya sa

145

kaniyang bayan, nasa punto na hindi niya ito kayang talikuran kahit para kanino. Ilang
taon siyang nagsilbi para sa kaniyang bansa, naging magaling sa serbisyo, at nagbigay
karangalan sa kaniyang pamilya. Walang kahit na anong masamang masasabi sa isang
taong lubos ang pagmamahal sa kaniyang bayan, ngunit kailangan ay mayroon pa rin
itong hangganan, nararapat na ang pagmamahal sa bayan ay mananatiling sa bayan at
hindi mapupunta sa mga namumuno rito. Dahil sa pagkakataong ang pagmamahal sa
bayan ay naipasa sa mga pinuno, at sa pagkakataong mali na ang tinatahak na landas
ng isang pinuno, tiyak na lulubog ang bayan at ang mga taong naririto.

Ang pag-ibig sa sarili, ay ang pinakamapanghamak na mukha ng pag-ibig ayon sa
Crash Landing, at higit na makikita ito sa karakter ni Se-ri na siyang nagkaroon ng hindi
gaanong magandang kabataan. Nang dahil sa karanasan, natuto si Se-ri na mahalin
lamang ang sarili, magtagumpay para sa sarili, at patuloy na umangat para sa sarili. Sa
ganitong paraan ay naging matagumpay siya, ngunit hindi ito nagbigay ng kasiyahan sa
kaniyang buhay, asensado at marangya ang pamumuhay ngunit walang kaibigang
kasama kumain, o pamilyang mapupuntahan kapag kinakailangan. Isa itong matibay na
kalasag ngunit napakatalim na sandata. Naging proteksyon ito ni Se-ri laban sa mga
taong nais siyang pagsamantalahan at gamitin, ang pagmamahal sa sarili ay nagsilbing
kalasag na nagpo-protekta sa kaniya. Ngunit ito rin ang sumusugat sa kaniya sa araw-
araw, ang sobrang pagmamahal sa sarili ay kailanman hindi magiging maganda, iaangat
ka nito sa lupa, sisirain ang nasa paligid at ilalayo ang mga nais mapalapit. Kaya’t noong
matutuhan ni Se-ri na magmahal ng iba, naging masaya ang kaniyang buhay, mayroon
na siyang kasamang kumain sa hapag, at bahay na uuwian kung siya ay napanghihinaan.
Natutong mamuhay si Se-ri noong naranasan niyang magmahal ng iba bukod sa sarili,
at dahil ito sa tulong nina Jeong-hyeok at ng mga sundalo sa ilalim niya, pinakitaan nila
si Se-ri ng pagmamahal at hindi sinubukang lamangan o kalabanin, bagkus ay
pinrotektahan at inilayo sa kapahamakan.

Ang huling mukha ng pag-ibig na ipinakita sa Crash Landing ay ang pag-ibig sa
pera, na makikita sa kontrabida ng serye na si Jo Cheol-kang. Tipikal na silaw sa pera
ang mga kontrabida kaya’t ginagawa nila ang lahat para lamang kumita. Sa Crash
Landing, si Cheol-kang ay tumatanggap ng pera sa mga banyagang kriminal upang itago

146

sila sa North Korea upang makaiwas sa mga awtoridad hanggang sa matapos ang bisa
ng kanilang mga kaso. Dagdag pa rito ay pagkuha niya ng mga lagay sa mas mataas sa
kaniya upang makakuha ng mga bagay mula sa South Korea.

Dahil sa makulay na pagpapakahulugan at pagsasabuhay ng Crash Landing sa
pag-ibig, naging epektibo itong panghatak sa mga kabataang Pilipino, sapagkat ang pag-
ibig ay isang kulturang popular sa Pilipinas, mahilig tayo sa mga kuwentong punong-puno
ng pagmamahalan, dagdag pa rito ang palaging palabas na ipinapakita sa atin sa GMA
at ABS-CBN noon, ang bawal na pagmamahal na noong una ay nakalilibang panoorin
hanggang sa kasalukuyan na naging paulit-ulit na lamang at tanging kita na lamang ang
importante para sa kanila at hindi na ang pagiging kakaiba at makamasa ng mga palabas
na ito. Hindi natin maitatanggi na mas maganda at mas katangki-tangkilik ang mga hatid
na serye ng Koreano kaysa sa sariling atin. Ang paulit-ulit na kuwento ng mga kabit at
paulit-ulit na sigawan at sabunutan ay hindi kakikitaan ng kasiningan, tanging naihahatid
nito ay pangit na kultura at pagkakakilanlan para sa mga Pilipino. Hindi natin masasabi
na ang mga teleserye natin at karamihan sa ating pelikula ay maipapakita natin sa buong
mundo nang taas noo, hindi dahil sa hindi natin mahal ang Pilipinas, ngunit dahil
dudungisan lamang ng mga ito ang ating bansa. Ang mga kompanyang naglalabas ng
mga ito ay walang kahit na anong pakialam sa sining, hindi nila binibigyang importansya
ito kaya’t hindi sila nagiging inobatibo, at dahil ang mga Pilipino ay mabilis makuntento
sa kung ano ang isinusubo sa kanila, basta naabot ang kahingian sa isang araw, ‘di bale
na kinabukasan. Kaya’t naging malinaw ang kaibahan ng kulturang Pilipino at Koreano,
mababa ang tingin sa sining sa bansa natin, habang napakaimportane naman nito sa
mga Koreano. Karamihan ng kanilang mga serye ay nailalabas sa buong mundo at
kinahuhumalingan ng nakararami, iyon ang hindi natin nagagawa, hangga’t pera ang
kanilang inuuna, ang sining ay habang buhay na magiging pangalawa.

Kulturang Koreano sa Lente ng Pilipinong Manonood

Ang Crash Landing ay nagkaroon ng malawakan at napakalaking epekto sa
proseso ng pagbabagong-anyo ng pagtingin sa North Korea bilang isang militarisadong
bansa na walang inaatupag kung hindi ang paglilinis ng kanilang mga baril at paghahanda
para sa digmaan, patungo sa pagtingin sa kanila bilang isa ring bansa na mayroong

147

sariling kasaysayan, kalakasan, at kahinaan, tulad ng maraming bansa. Karamihan sa
mga likhang midya ng South Korea na naglalaman ng magkakaibang naratibo tungkol sa
katayuan ng North Korea at identidad nito ay nakalilikha at nakabubuo ng kasalukuyang
pagbabago sa relasyong panloob sa Korea. Dahil sa epekto ng mga Korean Drama sa
pagkakabuo ng interaksyon sa mga bansa sa East Asia nitong mga nakaraang taon,
nasasama at nabibilang na rin dito ang North Korea. Ang mga kulturang popular sa South
Korea ay nagkakaroon ng malakihang epekto at hatak sa mga taga-North Korea upang
mag-migrate at iwan ang kanilang bansa.

Simula pa lamang ng serye ay kakikitaan na ito ng representasyon ng magkaibang
kultura at lipunan ng North at South Korea. Pinagtibay ito ng paggamit ng split-screen
effect na mas nagpaangat sa mga pagkakaibang ito. Nakita sa panimulang bahagi ang
paglabas ng dalawang bida sa magkaibang paraan at sa magkaibang lipunan, ang isa ay
nasa bansang sosyalismo ang panuntunan at ang isa naman ay sa kapitalismong bansa;
ang isa ay may simpleng pamumuhay at ang isa ay napakasopistikado; ang isa ay
sumusunod sa militarismong bansa at ang isa ay sa konsumerismo. Pagkatapos nito ay
ipinakita naman ang pagkakaiba ng dalawang bida, mula sa komplikadong pagkakaiba
hanggang sa pinakasimple: sa pagkain, pananamit, tirahan, at maging sa transportasyon.
Ngunit kahit na malinaw ang pagkakaiba nila, naipakita pa rin sa buong serye at sa
panimula nito ang pagkakapareho ng dalawang karakter. Si Se-ri at Jeong-hyeok ay
parehong masipag at determinado sa sarili nilang paraan. Si Se-ri sa kaniyang
kompanya, maayos niya itong napamahalaan at dahil sa kasipagan at determinasyon,
napalago niya ito nang sobra. Samantala, si Jeong-hyeok naman sa kaniyang pagiging
isang sundalo, ginagampanan niya ang kaniyang mga tungkulin nang maayos at hindi
nagiging tamad kahit pa papalitan na sila kinabukasan sa pagbabantay sa kanilang post,
‘di tulad ng ibang mga sundalo sa kaniyang squad. Kita rin pareho sa kanila ang pagiging
maasikaso sa kanilang mga hitsura, pareho silang laging presentable kung manamit. Huli,
pareho silang mayroong katangian ng pagiging tahimik at mapag-isa. Nakita sa serye na
si Se-ri ay hindi gaanong kalapit sa kaniyang mga tauhan at madalas siyang kumakain
mag-isa, ngunit hindi naman ito masama sapagkat dito siya komportable. Si Jeong-hyeok
naman ay matigas sa kaniyang squad sapagkat para sa kaniya ay malinaw ang kaniyang

148

pagiging sundalo. Hindi siya maingay o mahilig makisalamuha sa ibang mga sundalo at
mga kapitbahay, dahil mas nais niya ang pakikialam sa sarili niyang mga galaw.

Isa sa nais ipakita at ipahiwatig ng Crash Landing sa mga manonood nito ay ang
pagbibigay identidad sa mga taga-North Korea maski na maliit lamang at kaunti ang
naipapakita nila. Binibigyan nila ng katauhan ang mga mamamayang nakatira dito
sapagkat ang tingin ng ibang mga bansa sa kanila ay hindi ganoon kaganda. Nais ng
Crash Landing na makita ng ibang mga bansa na ang mga North Korean ay maayos na
namumuhay na mayroong sariling pinagkakaabalahan at sariling paraan ng pagiging
masaya. Ngunit bukod dito ay may iba pang nais ipakita sa mga banyaga ang Crash
Landing at ito ay ang paurong na pag-unlad ng North Korea. Sa Episode 1 ito higit na
ipinakita sapagkat noong unang beses na mapunta ni Se-ri sa isang siyudad sa North
Korea ay madilim na kalsada at kawalan ng kuryente ang bumungad sa kaniya, kasabay
nito ay ang isang lalaki na nakasakay sa ox na dumaan sa kaniyang harapan. Nakita rin
niya ang mga taong nag-eehersisyo nang sabay-sabay. Kung para sa mga taga-North
Korea ito ay maaaring pagpapakita ng pagiging kolektibo nila, maaaring para sa isang
taga-labas, ito ay isang istriktong pagkokontrol sa mga tao ng kanilang pinuno at hindi
kaaya-aya. May isa ring pagkakataon na nakita ni Se-ri ang isang grupo ng mga batang
mag-aaral na papunta sa kanilang paaralan habang kumakanta ng awit na gawa ng mga
namumuno sa North Korea na siyang nagbibigay ng tonong totalitarianism. Sa lahat ng
mga nakita niya roon, mas naging malinaw na wala na siya sa kilala niyang bansa ngunit
napunta na siya sa North Korea.

Ang naratibong binigay ng South Korea sa Crash Landing ay naging epektibo
sapagkat parehong lito ang mga manonood sa kaganapan sa North Korea katulad ni Se-
ri noong una siyang napadpad dito. Ang takot na naramdaman ni Se-ri sa simula ng serye
ay napalitan ng pagkamausisa, at mula rito sabay nang ipinakilala kay Se-ri at sa mga
manonood ang kultura ng North Korea. Mula sa mga karneng nakaimbak na may
kasamang asin para hindi mapanis, mga kwebang gawa ng tao na pinagiimbakan nila ng
mga kimchi upang mas humaba ang buhay at magkaroon pa ng kakaibang lasa,
hanggang sa iba’t ibang tawag sa mga bagay na mayroong kaibahan sa North at South
Korea.

149

Ang unang pagtingin bilang paurong na pag-unlad ng North Korea ay napalitan ng
pagiging simple nila at mapamaraan sa mga bagay-bagay, tulad na lamang noong sa
kakulangan nila sa heater ng tubig at paraan para magkaroon ng steamed bath.
Gumagamit sila ng plastik at ibabalot ito sa isang lagayan na siyang lalagyan ng mainit
na tubig upang maipon ang usok at init sa loob na para lamang sa naliligo. Isang
kapansin-pansin na bagay ay ang pagtrato nila sa karne bilang rarity na hindi karamihan
ang madalas na nakakakain, kaya’t noong naglabas si Jeong-hyeok nito at iniluto,
namangha ang ibang mga sundalo. Pati na rin sa paraan ng pagluluto sa isang charcoal
brisquette, dahil ang iba umano sa kanila ay gumagamit lamang ng mga sanga at mga
damo bilang panggatong sa apoy. Kaya’t hindi makapaniwala si Se-ri noong narinig niya
ito dahil sa South Korea at sa ibang bansa ay malawakan ang paggamit ng mga gas
burner.

Isang pagkakataon na nakita ang pagiging istrikto ng mga taga-North Korea ay
ang pagkakaroon nila ng minsang inspeksyon sa mga bahay tuwing gabi. Dito rin nakita
ang pagiging normal na tao nila; may isang eksena na ininspeksyon ng mga sundalo ang
isang bahay malapit sa tirahan ni Jeong-hyeok at may nakita itong smuggled na high-
tech na rice cooker. Napakiusapan ang sundalo na huwag kompiskahin at isuplong ang
nahulihan nito kapalit ng pagpapatikim sa kaniya ng kanin na magagawa rito. Pinakita rin
ang pagkakaroon ng dinamikong trato sa parehong kasarian. Sa isang eksena kung saan
ang isang bahay ay nahulihang magkasama ang isang babae at kaniyang kabit na lalaki,
ibinigay na dahilan ng lalaki sa kanyang pangangalunya ang laging pagkawala ng
kaniyang asawa dulot ng pagtatrabaho bilang isang mangangalakal. Naipakita sa
simpleng eksenang ito na ang kababaihan sa North Korea ay nagkakaroon din ng
matagal na oras at malaking epekto sa sektor ng pamilihan.

Sa unang episode pa lamang ay marami nang naipakitang kakaibang kultura ang
Crash Landing, at mas marami pa ito sa mga susunod na episode. Ngunit saad ng isang
dating taga-North Korea na lumipat sa South Korea, ang buhay raw ng mga North Korean
ay hindi basta-basta ang pagtrato, sapagkat ang normal na mamamayan ay iba ang trato
kaysa sa mga mamamayang mayroong mataas na katungkulan katulad ng pamilya ni
Jeong-hyeok. Mahirap ang buhay ng mga North Korean kaya’t nararapat na bigyan ito ng

150

malinaw na representasyon at mas ipakita kung paanong ang trato sa kanila ay kaibahan
sa trato sa mga nasa mataas na uri.
Konklusyon

Ang North at South Korea ay mayroong sariling identidad at mga kulturang
popular, ang nararanasan ng isa ay hindi maipapantay sa karanasan ng isa pa, bagkus
ay mayroon silang sariling mga kalakasan at kahinaan. Ang makabagong pagtingin na
dala ng Crash Landing tungkol sa North Korea ay maaaring unawain bilang katotohanan
o maaari ring tignan nang may halong pagrereserba. Sapagkat ang ipinapakita nila ay
nasa mata at lente pa rin ng mga taga-South Korea, maaaring mayroon silang hindi
nakuhang tama o hindi talaga nakuha. Kaya’t mag-isip, magsaliksik kung kailangan, at
huwag basta-basta magkakaroon ng kumpyansa sa kung ano ang ibinibigay sa iyo ng
sikat na tao, bansa, at kung ano pa man.

151

Tunggalian, Kapitalismo, Komersyalismo: Ang rebolusyong Catriona Gray
Tungong Pakikibaka
Ni: Joselyn A. Cruz

Hindi matatawaran ang taon-taong alingawngaw ng Miss Universe pageantry sa
buong mundo upang itanghal ang iba’t ibang porma, hugis, anyo at istilo ng pananamit,
at paggilalas ng peti-burgesyang pamantayan upang iangkat ang kagandahang taon-taon
din napapalitan. Sa lipunang umiigkas ang mga isyu at hikahos na natabunan ng mukha
ng kulturang popular, gaya ng bitbit ng Miss Universe, ang global na entablado ay may
malaking ginagampanan sa pagsipat ng tunggalian ng kasarian, at ang papel na
ginagampanan ng progresibong pagsipat sa panlipunang suliranin na higit na dapat
siyasatin, pag-usapan at ihain sa malawak na entablado.

Isang malaking kontrobersyal na usapin ang peminismo sa konteksto ng pageantry
kung ito ba’y isang bahagi ng pagtataguyod ng kababaihan o nananatiling porma ng
objektipikasyon. Hindi maipagkakaila ang kaakuhan ng mga Pilipino sa usaping
pampatimpalak at pagiging kalahok ng lokal, nasyonal at internasyonal na kompetisyon
gaya ng Interbaranggay, Binibining Pilipinas o Miss Philippines, Miss World at Miss
Universe. Sa bansang ang kultura ay optimismo, bayanihan at pakikipagkapwa, naging
bahagi na ng pagkaPilipino ang pageantry bilang anyo ng pagtataguyod ng lahi, kasarian
at kultura sa kabuuan. Ayon kay Yurika Suzuki (2012), "...Beauty Pageants are much
loved in the Philippines..." Ngunit, sa pagiging likas na popular nito sa konteksto ng
bansa, ang mga hamon ng peminismo na patuloy nakapinid sa lipunan ay nananatiling
anyo ng pakikibaka at simula ng muling pagbangon ng tradisyunal na paniniwalang
nakaugat sa kasaysayan ng Pilipinas—ang mga kababaihang Pilipino na may malaking
papel na ginagampanan sa lipunan bilang boses at tagapagtaguyod ng masa. Pinatotoo

152

ito ng mga pambato ng Pilipinas sa nasabing patimpalak na sina Gloria Diaz, Margie
Moran, Pia Wurtzbach at ang pinakahuling nag-uwi ng korona at umalingawngaw sa mata
ng masa—si Catriona Gray. Sa istilo at pisikal na katangian, hindi kakikitaan ang dalaga
ng bahid ng pagkaPilipina sapagkat higit na namayani ang dugong banyaga. Ngunit iba
ang bitbit na karisma at pulitikal na katatagan ni Bb. Gray bilang representante ng
bansang Pilipinas—ang kaniyang pagiging mulat sa kasalukuyang sitwasyon ng
kaniyang bansang iwinawagayway. Kakaiba ang mukhang ipinamalas nito sa
internasyonal na entablado, maging ang puspusang paghahanda patungong tagumpay.
Ngunit, kritikal na sisipatin sa papel na ito ang mga salik na isinaalang-alang, ang
kontekstong ginagalawan at ang epekto ng kaniyang pagkapanalo bilang imahe ng
pakikibaka sa kasalukuyang estado ng lipunan.

Ang espasyo, karapatan at obhektibong pagsipat sa mga kababaihan bilang boses
ng lipunan ay patuloy na binubuhay sa kapangyarihan ng midya, teknolohikal na teksto
at konteksto at ng mga teorya sa kabuuan (MacKinnon). Sa kabilang banda, hindi pa rin
maitatanggi ang patuloy na pakikibaka ng feminismo sa macho-pyudal na naghahari sa
kasalukuyang lipunan. Ayon kay Trites (2018), ang post-istrukturalismong mukha ng
feminismo sa ika-dalawampu't isang siglo ay impluwensya ng materyal na mga suliranin,
pagtatakda ng simbolismo, interseksyunalidad at etika ng pisikal na kaanyuan. Isang
buhay na patotoo ang pag-iral ng pageantry gaya ng Miss Universe bilang kultura ng
pagtataguyod ng kababaihan at representante ng isang lahi ngunit patuloy ring
pagtatakda ng pamantayan ng kagandahan sa malawak na espasyong ginagalawan sa
kasalukuyan. Sa masokista at macho-pyudal na sistema ng lipunan, salungat ang naging
reaksyon ng karamihan sa ipinamalas na angking pagtatanghal ni Catriona Gray nang
naiuwi ang korona bilang Miss Universe 2018.

Catriona Elisa Gray: Biografikal na Pagsipat Bago at Matapos Ang Rampa

Hindi maitatangging ang Pilipinas ay isa sa mga hinahangaang bansa at
nangunguna sa patimpalak gaya ng Miss Universe. At tatlong taon na ang nakalipas nang
naiwagayway muli ang watawat ng Pilipinas sa internasyonal na entablado. Ikaapat si
Bb. Gray sa mga Pilipinang nasungkit at nakoronahan sa nasabing patimpalak sa

153

kasaysayan ng bansa. Ngunit, sino nga ba si Catriona bago pa tumuntong sa entablado
ng pageantry at ang natatangi nitong imahen?

Alinsunod sa mga kritiko, hindi higit na inirerepresenta ng dalaga ang pisikal na
katangian ng isang Pilipina na likas na morena, ‘di gaanong katangkaran, sarat ang ilong
at hindi gaanong unat ang mga buhok. Naging kritisismo at usap-usapan din ang paraan
ng pananalita o pagkakaroon nito Australian accent dahil namamayani ang dugo ng
kaniyang ama na isang Scottish sa kaniyang katangiang pisikal. Hindi na bago sa
Pilipinas ang ganitong uri ng debate sapagkat bago pa man sumabak si Bb. Gray, talamak
na sa Filipino Pageantry ang pagkakaroon ng mga Pilipinang may ibang lahi at hindi
purong Pinoy. Nakaukit na sa ating bansa ang istandard ng kagandahan na nakaangkla
sa dominasyon ng kaputian. Pulitikal ang pamantayan ng kagandahan at maging sa
konteksto ng Pilipinas, matingkad pa rin ang paniniwalang ito. Hindi nito kailanman
naranasan ang kahirapan o anumang hikahos sapagkat ang kanilang pamilya ay kabilang
sa peti-burgesyang uri. Lumaki rin si Bb.Gray sa Australia hanggang tumuntong ito ng 17
taong gulang bago magtungo sa Pilipinas. Nag-iisang anak din ang dalaga kaya’t hitik sa
pagmamahal at atensyon ang kaniyang persona hanggang paglaki nito. Isa ito sa mga
naging salik kung paano nabuo ang kaniyang katatagan, at kumpyansa sa sarili na
tumayo at humarap sa maraming tao upang magtanghal. Bata pa lamang si Bb. Gray ay
sinasali na ito ng kaniyang mga magulang sa beauty pageants at kinakitaan ng pagiging
aktibo saan mang aspekto. Bago pa man sumabak sa patimpalak, siya ay isang TV-Host,
mang-aawit, at aktres. Siya ay isang half Bikolana sapagkat tubong Albay ang kaniyang
inang Filipina. Ito ang naging inspirasyon ng kaniyang kilalang Lava Gown na mula sa
konsepto ng bulkang Mayon sa kaniyang pagsabak sa Miss U. Natapos rin nito ang
kaniyang degri sa Buston, Massachusetts sa kursong Music Theory. 13 anyos pa lamang
ang dalaga nang magsimulang pasukin ang industriya ng pagmomodelo at tumayo bilang
breadwinner ng kaniyang pamilya. Sa isang indibidwal na hindi kailanman humarap sa
problemang pampinansyal, hindi pangkaraniwan ang inisyatiba at lakas ng loob na
ipinakita ni Bb. Gray bago pa rumampa sa global na entablado. Hindi ito nagkaroon ng
pagkakataon upang ipakita ang kaniyang pribilehiyo bagkus ay ginamit ang imahen bilang
mukha at boses ng mga bulnerabol na sektor ng lipunan, higit lalo ng mga kabataang
nasa laylayan. Hilig nito ang kumanta, sumayaw at mag-karate na siyang dahilan ng

154

kaniyang pagkahumaling sa sining—dahilan upang makaisip ng malikhaing konsepto
kung paano maitatanghal ang kultura, tradisyon at katangi-tanging yaman ng Pilipinas
upang itaguyod ang pagkaPilipino sa larangan ng beauty pageant. Gayundin, ang
katatagan ng kaniyang kompyansa ay mula na rin sa pagiging komportable nito sa wikang
Ingles, na siyang kaniyang unang wika. Hindi naging hadlang ang ugnayan at interaksyon
sa global na espasyo, mula sa kaniyang pakikipagkaibigan sa kapwa kandidata,
pagharap sa internasyunal na hurado at pagbabahagi ng kaniyang sariling pananaw
upang maitanghal ang kaniyang paghahanda. Nakitaan din ito ng katatagan at kaugaliang
nakaugat sa ating kasaysayan bilang Pilipino—ang pananatiling positibo at pagsubok
muli sa kabila ng mga kabiguan. Nangahas itong sumabak sa Miss World Philippines.
Pasok ang dalaga sa top 5 ngunit hindi pinalad na maiuwi ang korona. Gayunpaman,
sumubok muli si Bb. Gray hanggang maging representante ng Pilipinas sa Miss Universe.
Mula sa kanilang adbokasiyang pagtataguyod sa kahirapan sa ating bansa na tanging
pinag-ugatan ng iba't ibang suliraning panlipunan, masisipat na hindi "ganda lang" ang
binibini. Sa katunayan, mayroon itong sariling proyekto at foundation na tinawag niyang
"Paraiso: The Bright Beginnings Project" na nagtataguyod upang tulungan ang mga
mahihirap na kabataan. Ginamit nito ang kaniyang plataporma upang makapagpatayo ng
isang adbokasiya at magsimulang magpamulat sa mga kabataan hinggil sa mga
karapatan nito.

Miss Universe sa Lente ng Komersyalismo at Kapitalismo

Ang kumbensyunal na parametro ng kagandahan ay higit na nalilihis at sa
kasalukuya’y sinusukat base sa kakayahan nitong ipakita ang sariling lahi, kultura at
pagkakakilanlan sa anyo ng materyales, usaping pampinansyal sa pananaliksik,
pagtatakda ng mga tanyag na eksperto sa sining at industriya ng fashion at
pagkokonsepto upang lumebel sa internasyunal na pamantayan. Isang malaking
entablado ang Miss Universe Organization (MUO) ng kapitalismo at komersalisasyon
bilang huntahan ng gitnang uring fantasya at panatismo ng kagandahan. Isa ito sa
pinakamalaki at tanyag na organisasyon mula pa taong 1952 na naghahain ng iba't ibang
industriya gaya ng pageants, photo shoots, organisasyon para sa paghahanap ng mga
kasapi o kalahok, marketing, promotions, at iba pa. Ayon sa Rubenstein Public Relations

155

Inc., pakay rin ng MUO ang pagsasapubliko at paglalathala ng mga istorya hinggil sa
adbokasiya ng mga kandidata higit lalo ang mga binibining nag-uwi ng korona upang
makahikayat ng mas malawak na barayti ng sponsors at oportunidad pangmidya. Hindi
maitatanging ang Miss Universe ay isang manipestasyon ng katatagan ng kulturang
popular at ang maigting na bisa nito sa bawat mamamayan. Nagiging mukha ang mga
kababaihang kandidata upang itakda ang anyo at porma ng isang ispesipikong lahi,
itakda sa mamamayan ang hulma at karapat-dapat na estilo ng pananamit, kolorete,
postura at kagamitang pampatimpalak—na siyang nagtutulak upang hikayatin ang isang
ordinaryong mamamayan na maging gaya ng kababaihang inihahapag ng patimpalak.
Isang porma ito ng hangaring kapital upang higit na mamayani ang malalaking
negosyante at bulagin ang peti-burgesyang uri sa pagkonsumo. Ayon kay Kan (2020),
ang kita ng nasabing organisasyon ay nagmula sa malalaking sponsorship na
nagsisimula sa rehiyunal na odisyon, gayundin ang pagbibigay oportunidad sa mga
kababaihang kalahok sa iba't ibang advertisement. Dagdag pa rito ang pagiging bahagi
ng mga ito sa pelikula at patalastas upang maging lantad at maging epektibo ang
pagsasapubliko. Sa konteksto ng landas ni Bb. Gray, bago nito makamit ang tagumpay
sa Miss Universe, sakripisyo, usaping pananalapi at pinansyal ang kaniyang naging
puhunan upang maging matunog ang pangalan at maging matingkad sa mata ng mga
hurado.

Taong 2016 nang naging Miss World Philippines ang nasabing dalaga at nagkamit
ng mga parangal gaya ng Miss FIG Image Gateway, Miss Folded and Hung, Miss Hannah
Beach Resort, Miss Figlia, Miss Manila Hotel at Miss Organique. Hindi lingid sa kaalaman
ng mga manonood na mayroong ganitong uri ng gantimpala sa pagtatakda ng mga
mangungunang kandidata sa internasyunal na entablado upang ilantad ang mukha ng
mga negosyante at paraan ng selfbranding sa malawak na midya. Ikinakabit ang sash sa
balingkinitang katawan, at binabalandra ang pangalan ng negosyanteng kumprador
upang manatili sa haraya ng kapital at promosyon. Sa landas naman ng dalaga sa Miss
U, ilan sa mga napanalunan ni Bb. Gray, bukod sa Best in National Costume, Best in
Evening Gown, at Best in Swimsuit ay ang Miss Jag Denim Queen Award, Miss Ever
Bilena Cosmetics Award, at ilang mga popularity contest prize gaya ng Dairy Queen’s
Award at Pizza Hut’s Award, na siyang mga negosyante na naghahangad ng kapital sa

156

malawak na awdyens. Global ang kompetisyon kaya’t global din ang responsibilidad ng
mga kandidata na i-promote ang mga nasabing pangalan kung saan ipinapatong at
ipinupulupot ang pangalan sa isang binibining nanguna sa nasabing kompetisyon.
Marahil sa nakararami, positibo ang reaksyon ng mga manonood sa mga kandidata mula
sa malalaking kompanyang nabanggit. Ngunit ang katotohanan, ginamit ang entablado
ng komersyal na industriya ng MUO upang higit na maging tarangkahan ng kapitalismo
at gamitin ang mga kababaihang kandidata sa pagtatakda ng malawak at mabigat na
pamantayan sa kanilang brand.

Ang midya at espasyo ng Social Networking Sites (SNS) ay naging tuntungan din
ng oportunidad upang higit na maibalandra ang negosyo, magtakda ng iba't ibang
ugnayan sa malalaking kompanya at mapanatili ang tingkad ng Miss Universe sa
kamalayan ng komersyo. Hindi lamang ito basta kompetisyon sa pagtatakda ng ideyal na
kababaihan mula sa iba't ibang panig ng mundo kundi kompetisyon kung paano
susuungin, uusigin at iigpawan ang mga hamon ng pananalapi, lohistikal at komersyal na
aspekto upang higit na maitanghal ang sariling pagkakakilanlan sa global na entablado.

Pageant bilang Performativity: Ang Kulturang Popular ng Miss U sa Paghubog ng
Kaakuhan at Pamantayan

Bilang porma ng tanghalang pangkomunidad, pambansa at pang-internasyunal,
ang mga pageant ay nagbibigay ng parehong oportunidad sa paghahayag ng sarili sa
malikhaing paraan at pakikipag-ugnayan sa kapwa o manonood. Sa pagiging daybers
nito hinggil sa pagbabahagi ng simbolikong representasyon sa anyo ng pagtatanghal,
nagiging isang kultural na tarangkahan din ito ng pagpapaunlad ng sariling identidad at
persepsyon ang Miss U (Welker). Sa taon-taong pag-usbong ng global na patimpalak sa
global na entablado, nagkakaroon ng epekto sa pamantayan ng kagandahan ang bawat
indibidwal at higit na sa kagyat na panahon nararamdaman ang pagkamamamayan—
kaakuhan sa nasyonalidad at pagkakaisa ng lahi ngunit kalauna’y isasantabi na lamang
ang pakikibahagi sa mga usaping pulitikal at panlipunan.

Gaya ng iniwang mukha ni Bb. Gray, marami ang nagsasabing ang dalaga ang
naging pamantayan ng mga hurado sa pagtatakda ng panibagong Miss U mula sa estilo

157

ng paglakad, postura, ngiti at tindig. Sinasalamin nito ang bitbit na kulturang popular ng
pageantry bilang hulmahan ng pamantayan na umiinog sa lipunan. Imahen ng pagiging
ideyal at perpekto ang bitbit ni Bb. Gray sa mukha ng mundo, dagdag pa ng higit na
eksposyur nito sa midya—na isa ring dahilan upang hindi agarang mabura ang kaniyang
pangalan, tindig, pananamit ay pag-iral na naging kadikit na ng nasabing internasyonal
na patimpalak.

Sa ideolohikal na konteksto, mula sa pag-aaral ni Arguelles (2020) naging
personal at subhektibo ang politikal na ugnayan ng mga Millenials sa kanilang paniniwala
at pakikipag-ugnayan sa pulitikal na diskurso kumpara sa nakaraang mga henerasyon.
Ngunit, sa kabilang banda, nasipat ang kasalukuyang kabataan bilang mas malikhain,
mapangahas man sa pagbabahagi ng opinyon ngunit mas daybers ang kaparaanan sa
paggalugad ng mga impormasyon at pagiging argumentatibo gaya na lamang ng
pakikisangkot sa dihital na partisipasyon, lifestyle activism at iba pang ugnayang
pangkalinangan. Gayunpaman, sa hinuhang pagiging apatetiko ng mga kabataan sa
kasalukuyan, nalilimitahan ang mga itong sumipat at magsuri dahil na rin sa popular na
kulturang umuusbong at namamayagpag sa lipunan. Nagiging hungkag ang mga isyung
dapat pag-usapan mula sa kultura ng paglaganap ng fake news at ang pagsasateksto ng
mga pulitikal na isyu bilang bahagi na lamang ng mga content sa social media. Maaaring
iugnay rito ang pahayag ni Bb. Gray sa isang interbyu "When beauty queens speak,
Filipinos listen." Pinatunayan ito ng ilang dekadang pag-iral ng Miss U sa mukha ng lokal
na telebisyon, na higit na inaabangan ng bawat Pilipino kada-taon. Taong 1974 nang
unang inere sa Asya ang internasyonal na kompetisyon sa pangunguna ni Imelda Marcos
na ginanap sa Folk Arts Theatre, na bahagi ng kilalang Cultural Center of the Philippines
o CCP ngayon sa Maynila. Sa kabila ng pagsasapubliko nito sa masa ay paglilihis ng
diktaturyang Marcos upang ilingon ang ulo ng mga Pilipino hinggil sa tunay na mukha ng
lipunan—sa direktang pagsasamilitar, pang-aabuso at pagbubusal sa mga kritiko ng
rehimen mula taong 1972. Parte ito ng kampanyang 'New Society' sa pagsasamidya ng
mga ngiti at tagumpay ng mga binibini sa lokal na brodkast (Bareng). Kinakitaan na ng
interes ang mga Pilipino hinggil sa sining at mga kompetisyong internasyonal, gayundin
ang labis na pagbibigay ng suporta sa mga kababayan.

158

Ang pagkakaroon ng kamalayan at kabatiran ng isang indibidwal sa midya ay
kakabit ang pagkakaroon ng gitnang uring fantasya mula sa pribilehiyo ng akses at
individualidad kung saan ginagawang negosyo ang advertising at isinisawalat ang kultura
ng konsumerismo. Mula sa malalaking kompanya, hinihimok at binibilot ang kamalayan
ng ordinaryong konsyumer na makasabay at maging 'in,' patok at kanasa-nasa sa mata
ng nakararami—mula sa paraan ng pagrampa ng mga kalahok, pagtatanghal ng mga
produkto at serbisyong kanilang ipinapakita (Tolentino). Marahil itinatatak ng global na
kompetisyong ito ang pagtataguyod ng lahi at etnisidad. Ngunit nagiging daan din ito
upang mamayagpag ang objetifikasyon sa mga kababaihan at ang pagtatakda ng
pamantayan sa mga ito. Binigyang diin ni Maschi, T. at Turner S. (2014) ang
empowerment bilang karagdagan o pagbibigay ng representasyong pampersonal at
pang-interpersonal upang usigin ng marginalized na sektor ng lipunan ang pulitikal na
kapangyarihan mula sa mapang-aping uri; gaya ng mga kababaihan tungong kolektibong
transpormasyon. Gayundin, ayon sa Stanford Encyclopedia of Philosophy (2015), ang
objektipikasyon ay ang pagtrato at pagtingin sa isang indibidwal, karaniwang mula sa
mga kababaihan, bilang isang bagay. Patuloy pa ring batikos sa kasalukuyan ang
pagkakaroon ng swimsuit competition ng Miss U at iba pang internasyonal na beauty
pageants, na isang daan upang tingnan at husgahan ang mga kababaihang kalahok mula
sa kanilang pisikal na katangian o pangangatawan. Ayon sa pag-aaral ng Centers for
Disease Control (CDC) mula sa Estados Unidos, ang pagtatakda ng pamantayan sa
industriya ng pageantry gaya ng ideyal na height, weight, Body Mass Index (BMI) ay may
mga kaakibat na iba pang isyung pisyolohikal. Samakatuwid, ang patimpalak gaya ng
Miss U ay nagbibigay rin ng ideyal na pamantayan ng kagandahan—malimit nitong
binabago ang sukatan ng kagandahan sa 'di-pangkaraniwang hubog, postura at estilo ng
pangangatawan at itsura kakabit ang iba't ibang isyu gaya ng eating disorders, depresyon
sa labis na pagkabalisa sa sariling pangangatawan, pagkawala ng kumpyansa sa sarili,
at iba pa. Samakatuwid, bilang anyo ng kulturang popular na may malaking epekto sa
kasalukuyang pananaw at pagsipat ng lipunan hinggil sa pamantayan at kaakuhan ng
isang indibidwal, nagiging daan ang kultura ng pageantry upang magkaroon ng mataas
na pagtingin ang lipunan sa mga kababaihang may porselana ang kutis, matangkad,

159

matangos ang ilong, balingkinitan ang pangangatawan—na pangkaraniwang estilo ng
mga kandidata sa internasyunal na paligsahan gaya ng Miss U.

MAGKABILANG LENTE: Pagtatahi at Paghihimay ng Pinal na Miss Universe

Winning Answer ni Catriona Gray

Repleksyon ng pagkaPilipino ang pagiging matatag sa anumang pagkakataon,
gayundin ang busilak na kalooban at pagtingin nang positibo sa kabila ng mga suliranin.
Ito ang ipinakita ng winning answer ni Bb. Gray na umani ng parehong papuri at kritisismo.

“I work a lot in the slums of Tondo, Manila, and the life there is very poor and very
sad. I’ve always taught myself to look for the beauty in it, to look for the beauty in
the faces of the children, and to be grateful. I would bring this aspect as a Miss
Universe to see situations with a silver lining, and to assess where I could give
something, where I could provide something as a spokesperson. If I could teach
also people to be grateful, we could have an amazing world where negativity could
not grow and foster, and children would have a smile on their face. Thank you.”

Ani ng ilan, nagbigay pag-asa at nagpamulat ang pahayag ni Bb. Gray sa tunay
na nagaganap na kahirapan sa bansa mula sa likas nitong pakikisangkot sa masa at
paglilingkod upang matulungan ang mga kabataan, maging ang pagsasapraktika ng
bolunterismo bago pa man sumabak sa global na kompetisyon. Namangha ang
nakararami sa busilak at awtentikong kasagutan ng dalaga, na madadala nito sa mas
malaking entablado at espasyo.

Gayunpaman, nahati ang reaksyon ng mga Pilipino hinggil sa sagot ng Miss
Universe 2018. Higit na nakatuon ito sa subhektibong pagtingin sa kaniyang karanasan
sa ispesipikong lugar—Tondo, Maynila—sa pagtatatag ng sarili nitong foundation.
Marami ang nagsasabing higit na niromantisa ng dalaga ang kahirapan na sa
kasalukuya’y kinakailangan ng malawakang pagpapamulat hinggil sa tunay na sitwasyon
ng bansa hindi lamang partikular sa lugar ng Tondo, kundi maging sa iba pang sulok ng
bansa. Malaki ang usaping kahirapan sapagkat magkakaugnay ang mga problemang
panlipunang umiiral. Ang komersalisasyon, ang higit na paghahari ng mga kapitalista,
ang pamumulitika at pangungurakot ng mga nakaluklok, na ilan lamang sa mga sanga

160

ng problemang kahirapan. Ang pagtuturo sa mamamayan kung paano maging ‘grateful’
ay hindi sasapat upang magpakilos at magpamulat sa tunay na tunggaliang umiiral sa
kasalukuyan. Marahil, ang katagang ‘silver lining’ ang naging popular at nakapukaw ng
pansin sa lahat ng manonood. Pag-asa at positibismo man ang itinataguyod ng winning
answer nito na siyang repleksyon ng pagkamakaPilipino, ang pagsasakilos ng lipunan ay
hindi lamang sa kung paano dapat lunukin ang suliranin, pagsipat sa mabuting lente sa
kabila ng negatibong realidad kundi ang pag-iral at gampanin ng bawat indibidwal sa
responsibilidad nito sa kaniyang lipunang ginagalawan. ‘Privileged’ ang kaniyang
pananaw sapagkat sa konteksto ng kasalukuyang panahon ay dapat na bigyang-diin at
aksyon ang lumalalim at lumalawak na suliranin ng kahirapan sa bansa. Sa kaniyang
huling pahayag na “If I could teach also people to be grateful, we could have an amazing
world where negativity could not grow and foster, and children would have a smile on
their face,” marami ang humanga at napatayo sa kung paano sinagot ng binibini ang
katanungan. Ideyal kung maituturing, ang pagtatakda at pagbibigay-marka ng kaniyang
pagkilos bilang isang indibidwal, at bilang representante ng bansang Pilipinas. Kaya’t higit
na nakatuon ang atensyon ng lahat sa kaniyang mga kilos matapos makoronahan.
Ganoon na lamang ang ipinatong sa ulo ng dalaga—hindi lamang ang korona, kundi
maging ang responsibilidad ng pakikisangkot, pagkilos at pakikibahagi na sa una pa
lamang ay responsibilidad dapat ng lahat. Sa kabilang banda, patunay na ang kulturang
popular na ibinabahagi ng global na kompetisyon gaya ng Miss U ay bentahe rin at
pawang kalabit sa bawat mamamayan na mayroong hikahos, suliranin at tunggaliang
namamayani sa ating lipunan. Lampas sa pag-asa ang pagtingin na dapat ipatatak sa
bawat indibidwal, bilang bahagi ng komunidad, hinggil sa mga isyung kinahaharap ng
bansa higit lalo sa global at internasyonal na ugnayang lumalawak sa kasalukuyang
panahon. Patuloy na ikinukubli ng normatibong ideolohiya ang matalino at kritikal na
pagsusuri at pinalalabnaw ang karanasan ng eksploytasyon at tunggalian ng uri (San
Juan Jr.). Sa henerasyong patuloy na namamayagpag ang ideyal na mukha ng kulturang
popular kung saan higit na nakasunod lamang sa kung ano ang isinasaad ng nakararami,
binasag ito ng mga salita at gawa ni Bb. Gray bago at matapos makoronahan. Sinasabing
popular ang fake news sa bansa dahil ang Pilipinas ay isang collectivist country na kung
saan laganap ang kultura ng pagkiling sa kung ano ang isinasaad ng mas nakararami,

161

kahit pa ang mga impormasyong ito ay totoo o hindi (Uy, 2017). Marahil, patuloy itong
binabaka ng mga kritiko, at ipinababatid ng Miss Universe na si Catriona Gray ang
suliraning pampolitikal, sosyal at ekonomikal na dapat pag-usapan, gaya ng imaheng
kaniyang ipinahahatid sa bawat Pilipino.

Modernong Anyo ng Pakikibaka: Catriona bilang Mata at Boses ng Minorya

There is so much happening in the world and in our nation right now, and I know a lot of
us want to just tune out because it all gets a bit overwhelming. But please, don't allow that
to be the reason we revert into silence and turn a blind eye. We need to stay engaged
because this is where our voices count.

- Catriona Gray

Kilos, gawi at praktika ang kinakailangang paigtingin sa isang lipunang ang
naghaharing ideolohiya ay pikit-mata. Isa sa imaheng ipinabatid ni Bb. Gray ang kaniyang
pakikisangkot at pakikibahagi sa mga isyung panlipunan. Ang ideolohiya ay hindi lamang
dapat na pamatnubay-ideya sa paniniwala kundi bilang bahagi ng pagsasakilos at
pagpapamulat ng lipunan (San Juan Jr.). Mula sa isa sa kaniyang mga interbyu, bilang
isang pampublikong indibidwal na kumakatawan sa ilang milyong Pilipino, mahalaga na
masipat, ayon sa kaniya, ang dalawang panig at laging magkaroon ng sariling
perspektibo at tindig hinggil sa isang ispesipikong isyu. Ang hindi pantay-pantay na akses
sa lipunan, para sa dalaga, ay dapat na pag-usapan lalo't higit kung ito ay may kinalaman
sa karapatang pantao. Taong 2020 lamang ay personal na dumulog si Bb. Gray sa
National Bureau of Investigations (NBI) upang ireklamo ang mga malisyoso at pekeng
larawan nito na kumalat sa social media. Gayundin kaugnay ng nasabing insidente,
nitong nakaraang Marso lamang ay nagsampa ng kasong Cyber Libel ang Miss Universe
2018 sa manunulat at editor ng pahayagang Bulgar hinggil sa artikulong sinulat nito sa
pekeng hubad na larawan ng dalaga. Ang reputasyon at dignidad ay mahalagang
pakaingatan para sa kaniya sapagkat hindi lamang nito nirerepresenta ang mga Pilipina
kundi ang imahe ng buong Pilipinas at ng buong mundo. Gayundin, ang pagpapahayag
nito hinggil sa ikatlong kasarian, partikular ang kauna-unahang transgender woman na
sumali sa Miss Universe na mula sa bansang Thailand. Pinatunayan ni Bb. Gray na ang

162

pagiging mulat sa mga isyung panlipunan ay hudyat upang gamitin ang boses nito, lalo’t
higit ang mga taong kailanma’y ‘di napakinggan. Sa kaniyang adbokasiya na higit na
nakatuon sa kahirapan, partikular ang mga kabataang biktima nito, malaking hakbang
ang palaging pakikibaka at sumubok na magbigay ng inisyatiba at mga pahayag sa mga
suliraning kinahaharap upang magpakilos at magpamulat sa mga nakaluklok. Kakaibang
mukha ang ipinakita ng Binibining Pilipinas sa kaniyang pakikilubog sa masa at
pakikisangkot sa mga isyung panlipunan. Ginamit nito ang malawak na awdyens sa anyo
ng sining ng pakikibaka. Sa likas din na pagkahumaling nito sa artes, matapos
makoronahan ay inumpisahan ng dalaga ang ilang mga proyektong pangkultura mula sa
interes nito sa Philippine textiles at ang pagtataguyod ng kultura ng mga katutubong
T’boli.

Ang mukha ng pakikibaka, para sa mga Pilipino ay ang paghawak ng plakard,
paghiyaw at pangangalampag sa gitna ng kalsada. Ngunit, binago ito ng kasalukuyang
lipunan, gaya ng presensya at modernong pag-igpaw na pinangunahan ni Miss Universe
2018 Catriona Gray mula sa simpleng paggamit lamang nito ng personal na espasyo
upang maghatid-tulong sa minorya, na kalaunan ay nagbunga at nagtatag ng kamalayan
sa mga Pilipino sa tunay na mga panawagang dapat pag-usapan. Ayon kay Salazar
(2017), ang organikong intelektuwal ang siyang magdudulot, lagi’t lagi, ng pagbabago
sapagkat ang tradisyunal na intelektuwal lamang ang nagbabantay at nakikinabang sa
status quo. Patunay na ang sapat na pagsiyasat, pagsipat at paglalapat ng tunggaliang
umiiral sa lipunan, hindi malabo ang tuluyang pagmulat ng mga Pilipino sa hinaing at
hikahos ng masa. Binubulag at nililihis man ng kulturang popular ang mga panawagan at
nilululong sa gitnang uring fantasya higit lalo sa espasyo ng teknolohikal na panahon,
kadikit pa rin ng inisyatiba, bolunterismo at sa hindi pagsuko na manawagan ang pag-
asa at pagsulong sa mga kontradiksyong panlipunan—at ito ang mukha at unti-unting
pagsiklab ng rebolusyon tungong kapayapaan, tunay na kalayaan at makatarungang
sistema ng lipunan.

163

#HALAMOMS: Bonsai ni Marga o Malunggay ni Juana, Isang Kahiligan o Isang
Kahingian

Ni: Justine B. Mora

“No man is really happy or safe
without a hobby.” - William Osler

Walang taong walang kinahihiligan. Sa madaling sabi, mabilis na nababagot ang
isang indibidwal sa tuwing wala itong ginagawa. Ayon sa Wikipedia (2021), ang libangan
ay itinuturing na isang regular na aktibidad na ginagawa para sa kasiyahan, karaniwang
sa panahon ng pagkabagot. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pangongolekta ng mga
produkto o bagay, pagsali sa malikhain at masining na hangarin, paglalaro ng isport, o
paghabol sa iba pang mga libangan. Ito ang mga dahilan kung bakit palaging may
ginagawa ang isang indibidwal at nagnanais na aliwin ang sarili sa iba't ibang
pamamaraan o gawi. Humahanap ng ikalilibang ang tao sa mga panahong mabigat ang
pakiramdam, sa pagkakataong tila ay sumasaklob ang langit at lupa.

Sa panahon ng pandemya, maraming suliranin ang umusbong. Nariyan ang
matinding pagkabagot dulot ng pagbabawal sa paglabas ng bahay, ang takot na
mahawaan at maapektuhan ng lumalalang sakit na nagdulot ng pandemya, at
pagkakaroon ng problema dulot ng pagkawala ng trabaho o pagkakakitaan. Pagkabagot,
takot, at hirap ang pasanin sa araw-araw ng mga tao, idagdag pa ang walang
kasiguraduhan sa kung kailan matatapos ang pandemya. Maraming tanong ngunit
walang sagot, iyan ang palaging pasanin ng mga tao. Sa Diyos kumapit ang karamihan

164

upang sa pananalig na matapos ang pandemya sila ay may paniniwala. Ayon sa Ang
Pahayagang Plaridel ng Pamantasang De La Salle (2021), isa sa pinaka pumatok na laro
o libangan sa ilalim ng pandemya ay ang paglalaro ng Mobile Legends. Ito ay isang
electronic o mobile games na umabot pa nga sa pagkakaroon ng electronic tournament.
Ayon sa tala ng AFKGaming (2020), pangalawa ang Pilipinas sa may pinakamaraming
tumangkilik ng mobile games na ito na umabot pa nga sa 41.2 Milyon. Marahil ay
pandemya ang isa sa mga naging salik kung bakit marami ang tumangkilik nito.

Ayon sa wikaatpandemya.com (2021), hindi alintana sa mga tao ang hirap at sakit
dulot ng pandemya upang maging masaya. Ika nga ng Department of Tourism, ‘It’s more
fun in the Philippines,’ dahil kung noon ay umusbong na ang tinatawag na Memes,
ngayon sa panahon ng pandemya ay higit na naging malikhain ang mga Pilipino, sa kung
paano magiging masaya. Isa na rito ang ‘memes’ sa pamamagitan ng mga larawan na
nilagyan ng bagong bihis o edited. Mula sa orihinal na konteksto ng larawan ay
magbabagong bihis ito upang ang karamihan ay matuwa at maramdamang ang larawan
ay umuugnay sa kanilang karanasan. Ang gawaing ito ay malikhain dahil kinakailangan
pa ng kasanayan sa pag-aanyo upang makabuo ng magandang produkto, at sa iba pang
mga pagkakataon, bidyo ang binubuo upang higit na makapagdala ng kasiyahan at ang
tawag dito ay ‘vines’.

Ngunit, isa sa pinakapumatok ay ang pag-aalaga ng mga halaman o sa
makabagong panahon ay tinatawag na ‘plantito o halamoms.’ Ang terminong ito ay
pinaghalong salitang Ingles na plant at salitang Filipino na tito, o hindi kaya ay salitang
Filipino na halaman at salitang Ingles na mommy. Ayon kay Jeline Malasig, isang
mamamahayag ng PhilStar (2020), ang mga termino tulad ng "plantito / plantita" at
"halamom" ay naging pamantayan bilang isang paraan upang ilarawan ang mga taong
may interes sa pag-aalaga ng mga halaman, lalo na sa panahon ng quarantine kung
kailan lumitaw ang aktibidad sa mga Pilipinong nasa bahay. Umusbong ang terminong
ito dahil dumami ang nag-alaga at bumili ng halaman, likas na sa ating mga Pilipino ang
pag-aalaga ng mga halaman, kaya naman hindi na mahirap para sa mga Pilipino ang
pag-aalaga nito. Ayon sa wikaatpandemya.com, nagbukas din ang gawaing ito hindi
lamang sa mga karaniwan ng nag-aalaga ng halaman bagkus ay pati na rin sa mga

165

bagong subok sa pag-aalaga. Isa sa pinaka rason kung bakit kinahiligan ang gawaing ito,
ay dahil naiibsan ang kanilang pagkabagot at pagkainip dulot ng hindi maaring paglabas
ng mga bahay at pagkabalisa dulot ng pandemya.

Teka at Bakit: Tanong at Pagtataka ni Juan

Ayon sa pag-aaral ng Stanford University (2015), tumataas ang pagkilos ng
memorya at pagbilang sa mga pagkakataong ang tao ay naglalakad sa kapaligirang kung
saan maraming nakapalibot na halaman kumpara sa paglalakad sa kapaligirang ang
nakikita ay mga gusali at istruktura. Ang mga talulot o petals ay nakapagdadala ng
relaxation sa mata at baga ng isang tao. At sa ilalim ng pandemya, ang pag-aalaga ng
mga halaman ay isang gawain upang mailapit ang bawat indibidwal sa positibong
aktibidad na makatutulong upang maibsan ang matinding pagkapagod dulot ng
pandemya. Ang pag-aalaga rin ng halaman ay maituturing na isang gawain nagpapalakas
ng pisikal at mental na kalusugan (Argao, 2020). Nakararamdam ang isang indibidwal ng
kapahingahan sa tuwing payapa ang paligid, at ang halaman ay isang simbolo ng
kapayapaan. Pagtakas sa mga problemang dulot ng pandemya ang nais ng lahat, kung
kaya, ang pag-aalaga ng halaman ay isang kapamaraanan upang makaramdam ng
pagiging malaya sa bigat na nararamdaman.

Ayon pa kay Argao (2020), tumataas ang kalidad ng hangin sa himpapawid dahil
sa mga halaman na siyang malaking tulong sa pisikal at mental na kalusugan ng isang
indibidwal. Malaking bagay ang mga halaman upang makatulong sa pagninilay-nilay at
sa mga pagpapahinga. Malaking tulong din sa kalikasan ang pag-aalaga ng halaman,
dahil imimunulat ng gawaing ito ang kamalayan ng mga tao upang ang pangangalaga ng
halaman ay tunay na mapagtagumpayan. Ngunit ayon naman kay Assistant City
Environment and Parks Management officer ng Baguio City na si Rhenan Diwas,
bagama’t pinapahalagahan ang paglaki ng interes ng mga tao sa pag-aalaga ng mga
halaman sa kani-kanilang tahanan at ang iba ay nais kumita, ay dapat pa ring
paalalahanan ang publiko na irespeto pa rin ang likas na tirahan ng mga halaman, at ito
ay ang kagubatan. Hayaang lumago ang mga halaman sa mga lugar na kung
saan sagana ang lupa, at hindi lamang sa mga paso. Hindi lamang sa pisikal at mental
na aspekto ng mga tao malaki ang ambag ng pag-aalaga ng halaman, bagkus sa

166

pangkalahatan ay nagbibigay-tulong ito upang ang kalikasan ay maprotektahan at
mapanatili pa sa mga susunod na henerasyon ng ating mundo. Ang pag-aalaga ng
halaman ay maituturing rin na isang susi upang higit na maunawaan ng bawat tao ang
kahalagahan at kabuluhan ng buhay lalo na sa panahon ng pandemya– kung saan ang
buhay ay dapat pag-ingatan. Ang pag-aalaga ng halaman ay pagpapakita ng simbolo ng
pagbangon, katulad ng mga dahon sa halaman na kung saan unti-unti itong tumutubo at
nalalagas sa paglaon ng panahon ay may pagkakataon muling bumangon at yumabong
katulad sa buhay ng isang indibidwal– anumang pagbagsak ang naranasan palaging may
puwang sa pagpapanibagong muli sa buhay.

Ayon kay Lisa Reyes, isang resiliency therapist (2020), magandang gawain ang
pag-aalaga ng halaman dahil ito’y nagbibigay-buhay. Nagpapakita ng pag-asa at
kahulugan sa mga tao at sa iba pang bahagi ng self-development. Sa kabila ng bigat na
nararanasan dulot ng pandemya, nakatutulong pag-aalaga ng halaman upang patuloy na
magtiwala na may pag-asa at waring nagpapahiwatig na may katapusan din ang
nararanasang hirap sa kasalukuyan.

Iba’t Ibang #Halamoms: Pagsusuri sa mga Katangian at Binibidang Alaga

Ayon sa artikulo na inilimbag ng Philippine News Agency, mayroong apat na uri
ng mga plantito o plantita na ayon sa inilathala ng Vireo Page sa kanilang Facebook
Page. Ang unang uri ay tinatawag na ‘noob’ na siyang may tatlo o kakaunti pang
inalagaang halaman. Ang mga noob din ay nagkakaroon suliranin sa pagpapanatili ng
buhay ng mga halaman sa loob ng mahabang panahon. Karaniwang ang mga noob ay
ang mga bagong simula pa lamang sa gawain ng pag-aalaga ng halaman. Ang mga noob
din ay tumutuklas pa lamang ng mga kaalaman at kasanayan sa pag-aalaga upang
mapagtagumpayan ang pagpapanatili ng buhay ng mga halaman sa loob ng mahabang
panahon.

Ikalawang uri naman ng mga plantito o plantita ay tinatawag na ‘trained plantita’.
Ang mga trained plantita ay karaniwang nag-aalaga ng sampu o higit pang halaman, at
karaniwang kasapi ng mga grupo ng mga nag-aalaga ng halaman. May kasanayan din
ang mga trained plantita sa pang araw-araw na mga gawain na dapat ay isinagawa upang

167

mapangalagaan ang buhay ng mga halaman. Malaking tulong para sa mga nag-aalaga
ng halaman ang maging kasapi ng mga grupo kung saan, nagkakaroon ng palitan ng
mga kaalaman at karanasan sa pag-aalaga ng halaman, upang makabigay tulong at
suporta sa bawat isa. Ang karanasan ng bawat isa, ang isa sa pinakamahalagang aral
upang ang kanilang pag-aalaga ay may batayan at sinusundang aral.

Ikatlong uri naman ng mga plantito o plantita ay tinatawag na ‘veteran plantita’.
Ang mga veteran plantita ang nag-aalaga ng hindi mabilang na mga halaman at
karaniwang kasama sa mga taong umaakyat ng mga bundok upang makapag-hanap ng
iba’t ibang uri ng mga halaman. Ang mga veteran plantita rin may kakayahan na ring
tumukoy ng sakit o problema ng halaman at agad makabuo ng solusyon gaya ng
pagpuputol ng sanga kung saan may problema. Karaniwang ang mga veteran plantita ay
ang matagal ng nag-aalaga ng halaman dahil sa kanilang natamong kaalaman at
karanasan. Karaniwang ang mga veteran plantita ang isa sa mga takbuhan o tanungan
ng mga papasibol pa lamang na mga nag-aalaga ng halaman.

Ikaapat na uri naman ng mga plantito o plantita ay tinatawag na ‘legendary
plantita’. Ang mga legendary plantita ang mga nag-aalaga ng halaman kung saan ang
kanilang mga inaalagan ay mamahaling halaman o may pangalang halaman. Karaniwang
ang mga legendary plantita rin ay mayroong komunikasyon sa mga kilalang supplier ng
mga halaman. Ang mga legendary plantita ang karaniwang bumibili ng mga bibihirang
makita na halaman. Ang pag-aalaga ng halaman ng mga legendary plantita ay parte na
ng kanilang mga pamumuhay kaya naman sila ay handang gumastos upang magkaroon
lamang ng kilala at magandang halaman.

#Halamoms Din Ba? Tunggalian sa Pagitan ng Taga Probinsya at Lungsod

Ayon sa artikulong inilimbag ng Philppine News Agency, higit lalong lumalawak
ang abot ng mga paskil o lathala sa social media site na Facebook, patungkol sa mga
impormasyong naglalaman ng pag-aalaga ng halaman. Dumarami ang mga paskil
patungkol sa mga koleksyon ng mga halaman maging ang iba’t ibang uri ng mga
halaman, at ang gamit nito kung ito ba ay panlooob na halaman o panlabas. Dumarami

168

rin ang mga nailalabas na mga larawan patungkol sa disenyo ng mga halaman sa loob
at labas ng bahay. Hindi lamang sa lungsod umusbong ang kahiligang ito bagkus sa mga
probinsya rin ay dumarami ang sumasali sa mga facebook group ng mga nag-aalaga ng
halaman. Ayon pa rin sa datos ng Philippine News Agency, dumarami ang sumasali sa
mga grupo ng mga nag-aalaga ng halaman. Halimbawa na nga rito ang mga grupo na
mula sa iba’t ibang probinsya gaya ng isang pangkat na mula sa rehiyon ng Ilocos na
pinangalangan ang grupo na ‘kamula’ o nangangahulugang kaibigan sa pagtatanim.
Lumalawak ang abot ng kamula para sa mga may kahiligan sa pag-aalaga ng
halaman. Isang grupo rin ang umusbong mula sa probinsya ng La Union kung saan
dumarami ang miyembro ng grupong ito simula ng una itong binuo. Ang pangalan ng
grupong ito ay ‘Elyu Plantarium’

Ayon sa artikulo ng ABS-CBN News na pinamagatang “Pag-aalaga ng Indoor
Plants nagiging patok na libangan habang lockdown” (2020), isang stress reliever at
material to relax ang pag-aalaga ng halaman. Ayon sa pakikipagpanayam kay Marlon
Santos na isang negosyante, nakakatanggal daw ng stress ang pag-aalaga ng halaman
lalo na tuwing umaga kapag ito ay dinidiligan. Nakaka-relax naman daw tuwing hapon
ang pag-aalaga ng mga ito. Ang ilan nga sa mga residente ng white plains sa Quezon
City na kilalang tirahan ng mga mayayaman, ay bumibili pa ng halaman at ito ay pinapa-
deliver diretso mismo sa kanilang tahanan. Ayon sa pakikipagpanayam kay Derick Adil
na isang telecommunications professional, sa isang social media site pa siya bumibili ng
mga halaman na nagngangalang Instagram. Ang kanilang mga binibiling halaman ay
naglalaro sa presyong mula sa P50 hanggang P1000. Ika nga ni Hello Tolentino na isa
sa mga nagbebenta ng mga halaman, “In demand kung maituturing ang mga indoor plant
at dagsa ang mamimili sa kanilang tindahan tuwing weekend. Para kay Derick Adil,
malaking tulong ang pag-aalaga niya ng halaman dahil kahit metikuloso ang kaniyang
mga halaman, malaki ang tulong ng mga ito sa pang araw-araw na buhay ngayong may
banta ng coronavirus.

Samakatuwid, mula sa pananaw ng mga tinatawag na plantita o plantito at
halamoms na mula sa syudad ay kabalintunan naman nito ang pananaw ng mga nasa
probinsya. Kung ang mga halaman sa siyudad ay mistulang dekorasyon lamang sa loob

169

at labas ng mga bahay at pinagkakagastusan upang lalong lumago at mapanatili ang
mga buhay, para naman sa mga nasa probinsya ang kanilang halaman ay tila simbolo
ng kanilang buhay at kabuhayan. Ayon sa isang blog na mula sa wordpress.com na
pinamagatang “buhay probinsya”, ang pagtatanim para sa kanila ay may dalawang
layunin. Unang dahilan ay para magkaroon ng makakain sa araw-araw ang mga mismong
nagtatanim at ang kaniyang pamilya o tinatawag din na Subsistence Farming. Ikalawang
layunin naman ng pagtatanim ay para ibenta sa pamilihan o tinatawag rin na cash
cropping. Para sa kanila inuuna muna ang katiyakan ng pagkakaroon ng pagkain ng
kanilang pamilya bago ang pag-aasikaso ng mga pananim upang pagkakitaan. Ang mga
halamang inaalagaan sa probinsya ay hindi tulad ng mga halamang inaalagaan sa
syudad. Dahil sa probinsya, ang kanilang mga alagang halaman ay ang mga palay at
mga pangunahing produkto na maaring kainin gaya ng kamote, mais, saging, at kamong
kahoy o mas kilala ring subsistence crop. Ang mga halamang namumulaklak naman o
mga halamang maaring gamiting dekorasyon ay kanilang ibinebenta sa pamilihan upang
maipadala sa syudad.

Sa kabuuan may iba’t ibang layunin man ang pag-aalaga ng mga halaman ng mga
taong naninirahan sa syudad at probinsya, iisa pa rin ang kanilang layon na makatulong
ang pag-aalaga ng mga halaman sa kanilang buhay. Pinansyal man o emosyonal,
malaking tulong pa rin ang pag-aalaga ng mga halaman upang ang mga banta sa pang-
araw-araw na buhay ay tuluyang malabanan at masigurong maayos. Ngunit babala
naman ng Department of Environmental and Natural Resources o DENR, ipinagbabawal
ang pagbili at pag-aalaga ng mga exotic plants sa kabila ng tumataas na bilang ng mga
nagnanais na mag-alaga ng halaman sa loob ng tahanan.

#Halamoms Ang Mahal Ba Niyan? Tunggalian nina Marga at Juana

Hindi lamang sa lokasyon ng lugar nagkakaiba ang layunin at uri ng pag-aalaga
ng halaman bagkus sa estado ng pamumuhay ay litaw na litaw rin ang pagkakaiba ng
pag-aalaga ng halaman ni Marga at Juana. Ngunit sino nga ba si Juana? Si Juana ang
nagsisilbing representasyon ng mga Pilipinong nasa laylayan ng lipunan na nagnanais
mag-alaga ng halaman sa kabila ng problemang pinansyal. Isa ring representasyon si
Juana ng mga Pilipinong nag-aalaga at nagtatanim ng mga halaman upang sila’y

170

mabuhay sa usaping pinansyal. Sa kabilang banda si Marga–na mula sa isang teleserye
ng ABS-CBN na pinamagatang “Kadenang Ginto”, kung saan nirerepresenta nito ang
mga nasa gitnang uri sa lipunan. Ang mga ito ay may kakayahang mamuhay ng
marangya sa kabila ng pandemyang nararanasan. Ang pag-aalaga nila ng halaman ay
hindi ito upang magamit ito sa usaping pinansyal bagkus makatulong ang mga ito sa
kanilang emosyonal na aspeto ng buhay.

Ayon sa artikulong inilathala ng nolisoli.ph, mayroong 5 tindahan ng mga halaman
sa isang social media site na instagram na inererekomenda para sa mga baguhan pa
lamang sa pag-aalaga ng halaman. Una sa listahan ang tindahang nagngangalang Plant
Story PH na kung saan kilala sila sa pagbebenta ng halamang may pangalang
‘Peperomia Hope’ na nagkakahalagang P450. Ikalawa naman sa listahan ay ang
tindahang Lief Plants na kilala sa ibinebenta nitong halaman na ‘Dumbcane’ na
nagkakahalagang P569 para sa katamtam nitong laki. Ikatlo naman sa listahan ay ang
tindahang Shopleaf na kilala sa kanilang halaman na ‘Heartleaf Philodendron’ na
nagkakahalagang P749 para sa pinakamaliit na laki, at P999 para naman sa
katamtamang laki. Ika-apat naman sa listahan ay tindahang Nest Plant Studio na kilala
sa kanilang halaman na ‘Melocactus’ na nagkakahalagang P450. Ika-lima at ang huli na
nasa listahan ay ang tindahang Tiffany Blooms Garden na kilala sa kanilang halaman na
Plant Bundles na may presyo base sa nilalaman at ayos nito. Ang listahan ay tila
pagpapakita ng isang kahiligan lamang sa pag-aalaga ng mga halaman at hindi upang
gamitin sa usaping pinansyal. Sa kabilang banda ang pagtitinda naman ng mga halaman
ng mga negosyante ay kagaya lamang ng mga magsasaka sa probinsya na nagbebenta
ng kanilang mga tanim sa iba’t ibang pamilihan upang sila ay may maipang-tustos sa
pang araw-araw na buhay.

Sa kabilang banda, ang mga Pilipinong nasa karaniwang antas ng estado naman
ay katulad rin ng mga nasa gitnang uri ngunit nagkakaiba lamang sila sa mga halamang
inaalagaan at sa kapamaraan. Hindi tulad ng mga nasa gitnang uri ang mga halaman ng
mga nasa katamtamang estado ng buhay ay ang mga halamang pang araw-araw na
nating nakikita sa ating buhay gaya ng mga halamang Santan, Oregano, Calamansi, Sili,
Malunggay, Moringa at Aloe Vera. Sa kapamaraanan at layon naman ng pagtatanim ay

171

malaki rin ang pagakakaiba dahil ang mga nasa gitnang uri ay ginagamit ito bilang
dekorasyon ngunit para sa mga nasa katamtamang uri ay bukod sa ito’y maaring
dekorasyon, maari ring gamitin ang mga halamang ito bilang pantulong sa pang araw-
araw na gastusin. Samakatuwid, sa isang representasyon makikita ang pagkukumpara
sa halamang pinili ng mga nasa iba’t ibang estado ng buhay. Isang pagsusuma ng
kanilang halaman ay ang pagkukumpara sa pagitan ng halamang Bonsai at Malunggay.
Presyo, proseso at layon ng mga pagtatanim ng mga halamang ito ang siyang
makapagbibigay pagkakaiba bukod sa mismong pinansyal na estado ng mga nag-
aalaga.

Ano’t ano pa man ang layon at proseso ng pag-aalaga ng halaman. pinag-
uugnay pa rin ng kultura ang mga ito. Likas sa mga Pilipino ang pag-aalaga ng halaman
anumang estado ng buhay hindi ito hadlang upang sa kanilang paghahangad na maiahon
ang kanilang pang araw-araw na buhay. Bahagi na ng kulturang ng mga Pilipino ang
pagsasalin-lahi sa pag-aalaga ng mga halaman. Katulad nga ng isang paniniwala na
katulad ng pagsibol ng isang puno, ay ang pagsibol rin ng isang buhay. Kaya’t ano man
ang layon nito basta malaking tulong sa bawat buhay ng tao, pare-pareho pa rin na
maitatawag na pag-aalaga ng halaman o bilang Halamoms.

172

#IvanaAlawi: Pagtuklas sa Mga Lihim Ni Ligaya sa Pamamagitan ng mga Patok na
Vlogs Niya

Ni: Daniela A. Nicolas

“Everytime I go out, kahit naka-face shield… naka-mask.
Biglang ‘Ivana?’ Sabi ko hala, ako lang ‘to. Tapos umiiyak yung tao.
Tapos parang… sabi ko ‘Bakit?’ tapos hina-hug ko. Sabi ko, grabe
yung feeling lang na parang people look up to you and it’s something
that I will treasure forever.” -Alawi, 2021
Bahagi na ng buhay ng bawat indibidwal ang magkaroon ng natatanging
tinitingalang tao. Dito sila nakakakuha ng inspirasyon at motibasyon sa kanilang mga
aspirasyon at pangarap sa buhay. Kadalasan, mga propesyonal o sikat na sikat na
indibidwal sa kani-kanilang respetadong larangan ang iniidolo at pinipiling sundan ng mga
tao. Iyong tipong maituturing na mukha ng propesyong tangan-tangan nila. Halimbawa
na lamang sa linya ng pagpapaganda ay nariyan si Dra. Vicky Belo na humahawak at
nag-aalaga ng balat at kutis ng napakaraming personalidad sa alta sosyedad. Sa
larangan naman ng pamamahayag at pagbuo ng mga dokumentaryo ay patok ang
pangalan ni Kara David dahil sa mga kagila-gilalas at tagos sa pusong dokumentaryo
niya tulad ng mga natutunghayan sa I-Witness. Sa larangan ng musika naman ay hindi
malilimutan si Sarah Geronimo na paborito ng lahat, bata man o matanda. Sa dami ng
larangang mayroon sa mundo, nariyan rin ang iba’t ibang mukha na sumisimbolo dito.
Idolo ang tawag sa kanila. Sa mga personalidad na sinusubaybayan at sinusundan ng
mga taong tumitingala sa kanila. Ngunit hindi lahat ng personalidad na ito ay may iisang

173

trabaho o larangan na tinatahak. Kadalasan ay may ibang dala-dalawa ang propesyon
na ginagampanan sa lipunan. Mayroong iba na hindi nagtatagumpay sa dalawang
propesyon ngunit mayroon namang iba na sinuswerte. Sadyang patok at bet na bet sila
ng masa kaya kilalang-kilala kahit anong propesyon pa ang subuking pasukin. Isang
halimbawa ng mga matagumpay na personalidad na ito ay si Toni Gonzaga. Kilala si Toni
bilang isang magaling na host na nangunguna sa pagpapadaloy ng sikat na sikat na
reality tv show na Pinoy Big Brother. Bukod doon ay kilala rin siya bilang aktres na
nakatambal na ang ilan sa mga pinakasikat na lalaking aktor sa bansa tulad ni Piolo
Pascual sa Starting Over Again na pelikula noong 2016 at John Lloyd Cruz sa isa pang
pelikulang pinamagatang My Amnesia Girl. Bukod pa sa dalawang trabahong nabanggit
ay award-winning rin si Toni pagdating sa pagiging isang mang-aawit. Kaparehong
kapalaran rin ang mayroon si Vice Ganda na tumatayong mukha o pangunahing host ng
noontime show na It’s Showtime. Bukod sa pagiging regular na host sa iba’t ibang
palabas sa kanilang channel na ABS-CBN ay umaarte rin si Vice. Halos taon-taon siyang
naglalabas ng pelikula tuwing pasko bilang kalahok sa Metro Manila Film Festival mula
taong 2012. Tumabo ng milyon-milyon sa takilya ang mga pelikula niyang Girl, Boy,
Bakla, Tomboy, The Amazing Praybeyt Benjamin, Beauty and the Bestie, at marami pang
iba. Dagdag pa sa mga trabaho niyang nabanggit ay mang-aawit rin si Vice at kilalang
nagsimula bilang komedyante.

Isa pang personalidad na may iba’t ibang propesyong tinutungtungan sa lipunan ay si
Ivana Alawi. Kaya naman, layunin ng sulating ito na tuklasin at ibunyag ang mga lihim ng
buhay niya bilang artista, bilang vlogger, at bilang babae sa mapanghamong lipunan ng
modernong panahon. Susuriin, sisipatin, at hihimayin ng sanaysay kung sino si Ivana
Alawi sa pamamagitan ng pagsubaybay sa kanyang mga pinaka-pinanood na vlogs o
video logs sa Youtube, at sa huli ay taimtim na babagtasin ang koneksyon sa pagitan ni
Ivana Alawi, ng masa, at ng mundo.

VLOG 1: PAANO AKO NAGING ARTISTA: Ang Artistang Si Mariam Al-Alawi at Ang
Kapanganakan ni Ivana

Ligaya, Madonna, Rina, Lolita at ilan pang pangalan ang mga naging role o
ginampanang parte ni Ivana Alawi sa mga teleserye at pelikula kung saan siya lumabas

174

sa nagdaang dekada. Ngunit bago pa siya maging Ligaya, at bago pa man din siya
makilala bilang “Ivana Alawi”, sino nga ba si Ivana at paano siya naging artista? Sasagutin
ang mga tanong na ito sa pamamagitan ng bidyo ni Ivana Alawi na pinamagatang “Paano
ako naging artista!” na na-upload noong Pebrero 13, 2020 at kasalukuyang mayroong 5
milyong views sa Youtube.

Ipinanganak si Mariam Marbella Al-Alawi sa Pilipinas taong 1996 ngunit agad ring
lumipad at doon na lumaki kasama ang mga magulang at dalawang mas nakatatandang
kapatid sa Bahrain. Ang kaniyang ama na Morrocan at inang Filipina ay doon nagkakilala
sa parehong bansa. Di naglaon, naghiwalay ang mga magulang ni Mariam at lumipad
pabalik sa Pilipinas ang kaniyang ina habang pinagbubuntis ang kaniyang bunsong
kapatid. Makalipas ang dalawang taon ay sumunod na sa Pilipinas si Mariam kasama
ang mga kapatid para tumira sa kanilang ina. Mula noon ay nagpabalik-balik na si Mariam
sa Bahrain at Pilipinas na nagbigay sa kaniya ng oportunidad na ma-expose o maharap
sa iba’t ibang kultura at paniniwala sa dalawang bansa.

Nagsimulang mangarap maging artista si Mariam nang masubaybayan ang mga
teleseryeng Pilipino na pinapanood ng kaniyang ina noong bata pa siya sa kanilang
tahanan sa Bahrain. Ayon kay Mariam sa kaniyang interview sa vlog ni Toni Gonzaga,
nagbabayad pa sila noon sa TFC o The Filipino Channel sa cable upang makapanood
lamang. Minsan ay bumibili pa sila ng mga CD upang matunghayan ang mga re-run o
kopya ng mga teleseryeng hindi nila napanood sa parehong araw ng airing o
pagpapalabas. Masasabing bata pa lamang at kahit nakatira sa ibang bansa ay nai-mulat
na si Mariam sa mga kultura at paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino dahil sa mga
kuwentong hatid sa kanila ng mga teleseryeng napapanood sa TFC. Binanggit sa
sanaysay na isinulat ni Sanchez (2020) na may katangiang ‘kontemporanidad’ ang mga
teleserye. Anumang nangyayari, naisasabuhay, at umiiral sa kasalukuyan ng lipunan o
bansa ay siya ring nangyayari, naisasabuhay, at umiiral sa kasalukuyan ng kathang-
daigdig ng/sa teleserye. Ayon kay Mariam, madalas niyang napapanood noon si Toni at
pati na ang sikat na sikat na artistang si Bea Alonzo na kaniyang tinitingala at ilan sa mga
inspirasyon niya para mag-artista.

175

Nang makarating at manatili na sa Pilipinas, nagsimula nang sumubok si Mariam sa mga
awdisyon ng teleserye, pelikula, pati na sa mga commercial. Sumubok rin siyang mag-
audition bilang talent sa Star Magic, na siyang namamahala sa mga artistang
hinahawakan at inaalagaan ng isa sa pinaka-malaking kumpanya ng brodkasting sa
bansa na ABS-CBN. Gayunpaman, mahirap ang naging pagsisimula ni Mariam. Hindi
siya nakakapasok sa kaniyang mga ino-awdisyonan at madalas na hindi natatawagan
pabalik para gawin ang trabaho. Sa kabilang banda, ang kaniyang mas nakababatang
kapatid na si Mona ay palaging natatanggap at napapasok sa mga teleserye at
commercial na ino-awdisyonan nito. Habang si Mariam ay nananatiling pa-awdi-awdisyon
at palabas-labas na ekstra sa mga teleserye’t pelikula.

Hindi rin nagtagal ay natanggap at nakapasok si Mariam sa isang reality show sa GMA.
Ang Starstruck noong 2015 kung saan natapos niya ang patimpalak sa top 18. Dahil sa
show, nagkaroon ng oportunidad si Mariam na makapirma ng kontrata sa nasabing
network na may bisa ng isang taon. Sa kasamaang palad, ibinahagi ni Mariam sa vlog na
hindi siya nagkaroon ng maraming proyekto sa loob ng isang taong pagiging
eksklusibong talent sa pamamahala ng GMA kaya napagdesisyunan niyang huwag nang
pumirma muli kahit inalok siya ng management ng isa pang taon.

Bunsod sa maraming bilang ng hindi pagtanggap sa kaniya o rejections at
panghihinayang sa isang taong walang pag-usad sa kaniyang karera, nalihis ang
pangarap at mga tunguhin sa buhay ni Mariam. Mula sa pag-aartista, napagdesisyunan
niyang magtayo na lamang ng negosyo na nagtulak sa kaniya upang mag-aral muli. Nang
mga panahong iyon ay tapos na sa isang kurso si Mariam na Culinary Arts na kinuha niya
dahil lamang nais niyang pagsilbihan nang maayos at ipagluto ang kaniyang
mapapangasawa at mga magiging anak sa hinaharap. Lingid sa kaalaman ni Mariam ay
patuloy siyang ipinapakilala ng ina sa mga sikat na manager ng mga malalaking artista
sa bansa at, ayon na rin sa ginamit na salita ni Alawi sa kaniyang vlog, ay patuloy siya
nitong ‘ibinubugaw’ sa mga naghahanap ng talents.

Sa wakas ay may napukaw rin na atensyon ang ina ni Mariam at agad-agad nilang
sinunggaban ang paanyaya nitong makipagkita sa kanila. Nilinaw ni Mariam na simula’t
simula pa lamang ay inilatag na niya kaagad sa sikat na manager ang kagustuhang

176

maging sexy star. Ayon sa kaniya’y ang mga maamo at “pa-sweet’ na karakter ay malayo
talaga sa kaniyang personalidad kaya ayaw niyang sumubok muli sa linyang iyon.
Umayon naman ang manager at doon na nagsimula ang karera at ipinanganak sa
industriya si Mariam bilang Ivana Alawi.

Makalipas ang sampung taon ng paghihintay, ibinahagi ni Ivana ang panibagong
kabanata sa kaniyang karera kung saan pumunta siyang ABS-CBN, hindi upang mag-
awdisyon kung hindi para pumirma ng dalawang taong kontrata sa kumpanya bilang
eksklusibong talent nito.

Kung susuriin ang naging karera ni Ivana mula sa pagiging ang artistang si Mariam Al-
Alawi at si Ivana Alawi, masasabing sakto lamang o katamtaman ang naging takbo ng
kaniyang karera. Hindi siya yung tipong nasa lebel nina Kathryn Bernardo o Bea Alonzo
na laging mga pangunahing karakter ang ginagampanan sa mga palabas na bahagi sila.
Makikita sa talahanayan sa ibaba ang ilan sa mga role na nagampanan na ni Ivana Alawi
sa buong durasyon ng kaniyang karera.

PALABAS GINAMPANANG KARAKTER

Magpakailanman (Ang Batang Lourdes (asawa ng pangunahing karakter na
Lolo kong Prosti, 2016) umalis rin sa kalagitnaan ng palabas)

Precious Hearts Rina (malditang katrabaho ng pangunahing

Romances Presents: karakter)

Araw Gabi (2018)

Ang Probinsyano (2018- Madonna (babae ng matandang mayaman na ang

2019) habol lamang ay mga kayamanan nito)

Sino Ang May Sala?: Lolita Del Rio (isa sa mga abogadong may

Mea Culpa (2019) hinaharap na pagkakasala mula sa nakaraan)

Karagdagan sa listahang ito sana ay ang karakter na si Ligaya mula sa teleseryeng “Ang
Lihim ni Ligaya” na una sanang magiging proyekto ni Ivana mula nang pumirma ng

177

kontrata sa ABS-CBN. Ibinahagi ni De Guzman (2020) ang pahayag ni Arnel Nicario
tungkol sa serye, “talagang ito yung follow-up project at siya na yung bida dito. Tapos in
between Sino Ang May Sala? sumikat siya sa YouTube, so ito yung perfect timing for her
para bigyan ng magandang project.” Ngunit dahil sa pagkalat ng mga isyung
pangkalusugan sa bansa dulot ng pandemya ay hindi na nailabas pa ang teleserye na
nakatakda sanang i-ere noong 2020. Dahil inaabangan ng mga manunubaybay niya,
nagkagulo ang lahat sa social media nang mabalitaan ang nangyari sa palabas. Biro nga
ng ilan sa mga netizen, mananatili na lamang na lihim ang kuwento ni Ligaya.

VLOG 2: A DAY IN MY LIFE: Ang Vlogger at Hubaderang Labandera na si Ivana
Alawi

Nagtataka siguro kayo kung paano sumikat at naging patok ang pangalang Ivana
Alawi kung gayong ‘katamtaman’ o ‘sakto lamang’ siyang tipo ng aktres? Ang sagot ay
nasa vlog niyang pinamagatang “A Day in My Life” na in-upload niya sa kaniyang Youtube
account noong Oktubre 30, 2019 at kasalukuyang pumapalo sa 27 milyong beses nang
napanood sa nasabing video streaming site. Ito ang bidyo ni Ivana na nagpakilala ng
kaniyang pangalan sa buong sambayanan. Sa modernong panahon na ang pokus o
retensyon ng atensyon ng isang tao sa isang bagay ay paikli nang paikli, nakagugulat at
kamangha-mangha ang ganito kalaking bilang ng manood sa isang bidyo na may habang
higit pa sa 14 na minuto.

Walang bra o panloob na damit para sa dibdib.

Nakasuot ng sandong mapagkakamalan mong muscle tee o gym sando.

Naka shorts na maikli.

Ang itsurang ito ang bubungad sa mga manonood ng nasabing bidyo ni Ivana. Kung para
sa pagtingin ng mga konserbatibo ay tila kinulang sa tela ang kasuotan ni Ivana, para sa
kaniya’y natural lamang ang ganoong bihis lalo na’t nasa bahay lamang siya at walang
naka-iskedyul na trabaho para sa buong araw. Sinimulan ni Ivana ang araw sa pag-aayos
ng kaniyang pinaghigaan. Sunod ay inilahad niyang siya’y maglalaba dahil kaugalian na
nilang pamilya na magkaniya-kaniya ng paglalaba sa mga maruruming damit. Ipinakita
niya ang mga high tech at halatang mamahalin na washing machine at dryer sa bidyo

178

saka sinabing hindi niya gagamitin ang mga iyon. Mula sa ginhawa ng mga makabagong
at mamahaling teknolohiya mas pinili ni Ivana na maglaba nang pa-kamay sa tulong ng
mga timba at batya. Mahihinuhang sa bidyong ito ay sinusubukan ni Ivana na bumuo ng
kaniyang ‘branding’. Ayon kay deBara (2020), ang branding ay ang nagtatakda kung
paano ka naiiba sa mga nasa parehong larangan na pinapasukan mo. Ito ay pagbubuo
ng koneksiyon sa pagitan ng may-ari ng brand at mga audience niya at ito rin ang
manghihila sa audience para maging ‘loyal’ o tapat. Makikita na ang branding na nililikha
ni Ivana ay isang ‘daring but down to earth’ na babae, kung saan dalawang target
audiences ang napupukaw, ang mga lalaki at ang masa.

Habang naglalaba at nagkukusot ng mga damit ay unti-unting nalalantad lalo ang bawat
kurba at bahagi ng katawan ni Ivana na hindi nasasaplotan ng tela. Sa interview sa kaniya
ni Toni, tinanong siya nito kung aware o malay ba siya na nakikitaan na siya o
nakukuhaan na ng bidyo ang kaniyang ‘side boob’ habang naglalaba siya. Tinawanan
lamang ito ni Ivana at sinabing komportable kasi siya sa mga ganoong kasuotan lalo na
kung walang mga lalaki o pamilya niya lamang ang nasa paligid.

Matapos maglaba ay nagluto naman si Ivana. Ang nakatutuwa rito, adobo ang niluto niya
at talagang purong Pilipinong produkto ang ginamit niya sa pagluluto. Ibinalandra niya
ang Datu Puti toyo at suka na sabi niya’y palagi nilang ginagamit sa pagluluto. Ipinapakita
dito ang consistency ni Ivana sa kaniyang branding at mukhang itinataguyod sa Youtube.
Alinsunod sa isa sa mga tip o suhestiyon ni Southern (2018), ang pagbuo ng sistema
upang tuloy-tuloy at pare-pareho ang maging atake sa mga bidyong ilalabas sa Youtube
ay isa sa magandang paraan upang makahakot ng maraming manonood. Litaw sa mga
pamamaraan ni Ivana ang natapos sa kursong Culinary Arts dahil mapapasabi ka talaga
ng “Gusto ko rin ng adobo,” habang nanonood. Nagkamay rin si Ivana habang kumakain
na nagpapakita ng kaniyang dugong Pilipino.

Kung sisipatin, wala namang espesyal sa bidyong iyon. Isang babaeng naglalaba,
nagluluto, at nagkukuwento lamang ng kaniyang pang-araw-araw na buhay ang
nilalaman ng bidyo ngunit paanong 27 milyong tao ang nahikayat nitong manood? May
dalawang anggulong maaaring tignan bilang kasagutan sa tanong na ito. Una, dahil kay
Ivana mismo. Maaaring sabihing dahil sa mga fan o umiidolo sa kaniya na masugid na

179

sumusubaybay sa buhay niya. Maaari ring sabihin na dahil sa kaintri-intriga niyang
kasuotan sa nasabing bidyo. Ang mga aspetong ito ay umiikot sa itsura at
pagkakakilanlan ni Ivana. Ang ikalawang posibleng kasagutan naman ay sa nilalaman ng
bidyo. Maaaring marami ang natuwa sa pagkakaroon ng parehong ‘routine’ o mga gawain
sa pang-araw-araw na pamumuhay tulad ng mga ipinakita ni Ivana sa bidyo (hal.
paglalaba, pagluluto). Isa pa ay maraming kultura at kaugaliang Pilipino ang lumulutang
sa bidyo ni Ivana na maaaring nakasungkit ng puso ng mga manonood dahil ‘relatable’
ito sa kanila. Ano pa mang kasagutan ang tama sa dalawang iyan, malinaw na ang
bidyong ito ang nagtaguyod ng karera at pagkakakilanlan ni Ivana Alawi bilang isang
vlogger na kasalukuyang mayroon nang 13 milyong taga-subaybay.

VLOG 3: PRANKING STRANGERS IN THE STREET atbp.: Ang Masa, Ang Mundo,
At Si Ivana Alawi

“Jologs” ang tawag ng mga naghaharing uri sa mga maingay, hindi kaakit-akit, at “kitschy”
o mababang kalidad na mga nasa mababang uri, base sa pagpapakahulugan ni
Mangahas (2016). Ayon sa isang komento sa interview ni Toni kay Ivana, jologs ang
paglalarawan na ginamit niya sa vlogger. Kahit na hindi kaaya-aya at tila insulto ang
terminong jologs kapag nanggagaling ito sa mga naghaharing uri, ang karakter na ito ni
Ivana ang nagugustuhan sa kaniya ng masa at mas naglalapit sa kaniya sa mga ito.

Isa pa sa mga pinakapinanood pang vlog ni Ivana ay ang ikatlong most viewed vlog niya
na pinamagatang “Pranking Strangers in the Street” kung saan nagpanggap siyang isang
babaeng pulubi na namamalimos sa lansangan upang makapagipon ng kaniyang
pamasahe pauwi ng Baguio kung saan siya nanggaling. Mula sa mala-porselanang kutis
at mamahaling mga damit, nakasimpleng puting t-shirt lamang si Ivana at naka leggings,
habang puno ng kulay tsokolateng kolorete ang mukha para magmukhang madumi at
kayumanggi. Humatak ng 20 milyong views ang bidyong ito na naisapubliko noong Marso
14, 2021 sa kalagitnaan ng pandemya. Ayon kay Ivana, layunin ng bidyong iyon na
matuklasan kung marami pa ba ang may mabubuting puso at handang tumulong kahit na
nasa gitna rin sila ng krisis dulot ng pandemya. Balak niyang bigyan ng pabuya ang lahat
ng magmamabuting loob sa kaniya upang magsilbi raw na inspirasyon sa iba na huwag
magdalawang-isip na tumulong.

180

Sa katunayan, kung hihimayin ang pormat o daloy ng espisipikong bidyo na ito at ilan pa
ni Ivana, mapapansin ang pagkakatulad o pagkakahawig nito sa mga ‘content’ o
nilalaman ng mga bidyo ng ilang mga sikat na Youtube vlogger o content creator hindi
lamang sa Pilipinas kung hindi pati sa ibang bansa. Ayon sa pag-aaral nina Hobbs at
Grafe (2015) ang ‘online pranking’ ay isang umusbong at patuloy na nabubuhay na
kultura sa Youtube at sa mundo ng pagba-vlog. Ang dami at popularidad ng mga ganitong
genre ng bidyo ay may ambag sa persepsyon ng mga tao sa kung anong ‘normal’ at
dapat gawin ng iba pang content creators. Ang pagsikat at paglaganap ng mga bidyong
tungkol sa prank, pagbibigay ng reward o papremyong pera at/o iba pang bagay ay
naging isang kulturang popular sa Youtube na may gampaning kontrolin ang algoritmo
ng mga bidyo sa nasabing site. Isang halimbawa ng Filipino Youtuber na gumawa ng
halos kaparehong bidyo ay si Jelai Andres na isa ring sikat na aktres. Ang bidyo niyang
pinamagatang “Taong Grasa For A Day (Nakakaiyak)” ay humakot ng 3.2 milyong view
na halos kalahati ng bilang ng kaniyang mga taga-subaybay. Ang pinagkaiba lang ng
content ng bidyo niya doon kay Ivana ay hindi cash ang ibinahagi niya kung hindi
groceries. Gayunpaman, marami ang pumuna sa seksyon ng mga komento sa bidyo niya
ang ‘paggaya’ o pagsunod niya sa content ni Ivana. Hindi naman lumaki ang isyu dahil
ayon nga sa ilang mga komento, hindi mahalaga kung pareho sila ng content, ang
mahalaga ay ang layunin ng bidyo na makatulong sa kapwa. Isa pa, normal na ang
pagkakaroon ng pagkakapareho sa mga bidyo ng mga creators na may parehong niche
o target na audience.

Ang konsepto naman ng pranking ay nagmula sa mga content creator sa labas ng bansa.
Ang pinaka-unang prank video na naging popular sa Youtube ay ang Scary Maze Video
– The Original na kumalap ng 27 milyong views noong 2015 (Hobbs at Gafre, 2015). Ang
reaksyon ng mga na-prank sa bidyo ay talagang ikinatutuwa ng mga manonood kahit na
nagugulat, umiiyak, at natatakot ang mga napa-prank. Ang ganitong genre ng bidyo na
nagsimula sa America at Germany ay tinatangkilik na ngayon ng buong mundo, kasama
na ang Pilipinas. Ilan pa sa mga pinakasikat sa ganitong nilalaman ng bidyo ay si Jimmy
Donaldson o mas kilala bilang MrBeast. Sa kasalukuyan, mayroon siyang 63.7 milyong
taga-subaybay at nakilala sa mga bidyong nagtatampok ng mga prank, challenges, at
patimpalak na kadalasan ay may malaking pabuya. Sa bidyo niyang “I Ordered Pizza and

181

Tipped the House”, ibinigay niya sa isang pizza delivery boy ang bahay na binayaran niya
ang renta ng ilang buwan bilang ‘tip’ sa serbisyo nito. Sumikat rin ang mga serye ng bidyo
ni MrBeast na may temang “Last To Leave” kung saan iba’t ibang premyo na ang
naipamigay niya tulad ng 1 milyong dolyar, sasakyang Tesla, at isang islang
nagkakahalagang 800,000 dolyar.

Ang ganitong tipo ng mga content o ideya sa vlogs ay makikita na ngayon madalas sa
mga bidyo ng mga sikat na Pilipinong vlogger tulad ni Ivana. Masasabing ang mga bidyo
niya ay malawak ang nasasakop. Kung babalikan mula sa VLOG 1 na tinalakay natin sa
sulating ito hanggang sa ngayon, makikita ang impluwensya ng kulturang Pilipino sa ilang
mga bidyo niya at sa iba nama’y makikita rin ang paghango sa kultura ng mga banyagang
maituturing na patok sa larangan na ito. Makikitang bumubuo si Ivana ng koneksyon o
pinagdurugtong niya ang dalawang magkaibang kultura sa pagsasalin o
pagsasakonteksto nito sa danas ng masa. Halimbawa ay ang paglalapat ng ideya ng mga
‘prank’ na bidyo na sikat sa ibang bansa at pagsasakonteksto nito sa Pilipinas sa
pamamagitan ng pagpapanggap na pulubi at pagtulong sa kapwa. Lokalisasyon ang
tawag sa prosesong ito ayon kay Flora (2009). Ang pangunahing pokus ng lokalisasyon
ay ang pagsasalin ng wika ng mga materyal galling sa ibang bansa patungong Filipino,
ngunit hindi lamang ito dapat ikinukulong doon. Ang lokalisayon ay maaari ring i-dugtong
sa pag-aangkla ng materyal o kultura ng ibang bansa at pagsasakonteksto nito sa
kulturang mayroon ang Pilipinas nang sa gayon ay makabuo ng panibagong kulturang
uusbong.

Bahagi na ng buhay ng bawat indibidwal ang magkaroon ng natatanging tinitingalang tao.
At isa si Ivana Alawi sa mga taong tinitingala ng mga tao ngayon. Simbolo si Ivana ng
‘strong independent woman’ na hinahangaan ng mga kababaihan, at pati na ng mga
kalalakihan, o sabihin na nating ng masang Pilipino sa modernong panahon. Matalino
siya. Alam ang mga gusto sa buhay. May determinasyon. At higit sa lahat ay kilala ang
sarili at ang mga taga-subaybay niya. Ang ‘branding’ ni Ivana bilang artista ay
‘unapologetic sexy star’ habang ang vlogger naman na si Ivana ay ‘jologs at mapagbigay’.
Sumasalamin ang branding niya sa kaniyang pagiging mediocre o ‘sakto lang’ na aktres
at isang big shot na Youtuber, dahil kung ikukumpara ang audience o espisipikong target

182

na tagapagtangkilik ng dalawang persona niya, kalalakihan lamang ang sa bilang artista
at masa o lahat ng tipo ng tao, hindi alintana ang kasarian, edad, at katayuan sa buhay,
ang sa vlogger, higit na malawak ang sakop na kaniyang naaabot sa pagiging vlogger.
Ang ‘reach’ na ito ang nagbibigay ng kapangyarihan kay Ivana na kontrolin ang daloy ng
mga bidyong napapanood ng masa sa mga vlogs at ipakita na isa siyang representasyon
na dapat panatilihin ang mga kaugalian at kulturang Pilipino kahit ano pa mang antas mo
sa lipunan.

183

Impluwensiyang K-Wave, Romantisasyon ng Pagkabalisa (Anxiety): Jeongyeon
Bilang Simbolo ng Suliranin sa Sikolohikal na Kalusugan sa Industriya ng Korean

Pop
Ni: Daniel Philip Padua

Romantisasyon ng Pagkabalisa (Anxiety): Jeongyeon Bilang Simbolo ng Suliranin sa
Sikolohikal na Kalusugan sa Industriya ng Korean Pop

Ang pagkabalisa o anxiety ay umiikot sa maraming mga aspektong nakaaapekto
rito. Hindi maikakailang marami sa atin ang nakararamdam nito, marami mang hindi
napatunayang nakararanas nga, ay kinakikitaan naman ng mga sintomas nito. Mainam
pa rin naman na masuri ng mga espesyalista bago tuluyang akuin ang pagkakaroon ng
sakit na ito. Ano nga ba ang anxiety?

Ang pagkabalisa ay isang pakiramdam ng nerbiyos, pag-aalala, o hindi
mapalagay na isang normal na karanasan ng tao. Naroroon din ito sa isang malawak
na hanay ng mga karamdaman sa psychiatric, kabilang ang pangkalahatang
pagkabalisa, panic disorder, at phobias. Bagaman ang bawat isa sa mga karamdaman
na ito ay magkakaiba, lahat sila ay nagtatampok ng pagkabalisa at hindi paggana na
partikular na nauugnay sa pagkabalisa at takot. Barnhill (2020)

Ang pagkabalisa ay isang normal na tugon sa isang banta o psychologic na
stress. Ang normal na pagkabalisa ay maaaring nag-ugat sa takot at nagsisilbing isang
mahalagang aparato para sa kaligtasan ng buhay. Kapag ang isang tao ay nahaharap
sa isang mapanganib na sitwasyon, ang pagkabalisa ay nagpapalitaw ng tugon sa
paglaban-o-paglipad. Sa pagtugon na ito, ang iba't ibang mga pisikal na pagbabago,
tulad ng pagtaas ng daloy ng dugo sa puso at kalamnan ay nagbibigay sa katawan ng

184

kinakailangang lakas upang harapin ang mga sitwasyong nagbabanta sa buhay, tulad
ng pagtakbo mula sa isang agresibong hayop o paglaban sa mga umaatake. Barnhill
(2020)

Ang pagkabalisa ay maaaring ma-trigger ng mga stress sa kapaligiran, tulad ng
pagkasira ng isang makabuluhang ugnayan o pagkakalantad sa isang sakuna na
nagbabanta sa buhay.

Kapag ang sagot ng isang tao sa mga stress ay hindi naaangkop o ang isang
tao ay nalulula sa mga kaganapan, maaaring lumitaw ang isang sakit sa pagkabalisa.
Halimbawa, ang ilang mga tao ay nasasabing nagsasalita bago ang isang grupo ay
nakaganyak. Ngunit ang iba ay kinamumuhian ito, nagiging balisa sa mga sintomas
tulad ng pagpapawis, takot, isang mabilis na rate ng puso, at panginginig. Ang mga
nasabing tao ay maaaring maiwasan ang pagsasalita kahit sa isang maliit na pangkat.

Ang pagkabalisa ay may gawi na tumakbo sa mga pamilya. Iniisip ng mga doktor
na ang ilan sa kaugaliang ito ay maaaring minana, ngunit ang ilan ay maaaring
natutunan sa pamamagitan ng pamumuhay kasama ang mga taong balisa.

Ayon pa sa sulating nilikha ni Barnhill (2020), ang pagkabalisa ay maaari ring bunga ng
paggamit ng droga o mga substanyang nakaaapekto sa pag-iisip ng tao. Ang tumpak
na pagsusuri ay mahalaga sapagkat ang paggamot ay nag-iiba mula sa isang
pagkabalisa sa isa't isa. Bilang karagdagan, ang mga karamdaman sa pagkabalisa ay
dapat na makilala mula sa pagkabalisa na nangyayari sa maraming iba pang mga
karamdaman sa kalusugan ng isip, na nagsasangkot ng iba't ibang mga diskarte sa
paggamot.

Kung ang sanhi ay isa pang karamdaman sa medisina o gamot, layunin ng mga
doktor na iwasto ang sanhi sa halip na gamutin ang mga sintomas ng pagkabalisa. Ang
pagkabalisa ay dapat na humupa pagkatapos ng paggamot sa pisikal na karamdaman
o ang gamot ay tumigil nang sapat na mahaba para sa anumang mga sintomas ng pag-
atras upang tumigil. Kung mananatili ang pagkabalisa, ginagamit ang mga gamot na
antianxiance o psychotherapy (tulad ng behavioral therapy).

185

Para sa mga taong namamatay, ang ilang mga malalakas na nagpapagaan ng
sakit, tulad ng morphine, ay maaaring mapawi ang parehong sakit at pagkabalisa.

Kung masusuri ang pagkabalisa, ang drug therapy o psychotherapy (tulad ng
behavioral therapy), nag-iisa o pinagsama, ay maaaring mapawi ang pagkabalisa at
pagkadepektibo para sa karamihan sa mga tao. Ang Benzodiazepines (tulad ng
diazepam) ay karaniwang inireseta para sa matinding pagkabalisa. Para sa maraming
mga tao, ang mga antidepressant, tulad ng mga selective serotonin reuptake inhibitors
(SSRIs), ay gumagana rin para sa mga karamdaman sa pagkabalisa tulad ng ginagawa
nila para sa depression. Ang mga tukoy na paggamot ay nakasalalay sa kung aling uri
ng pagkabalisa ang masusuri.

Ang lahat ng mga karamdaman sa pagkabalisa ay maaaring mangyari kasama
ang iba pang mga kondisyon ng psychiatric. Halimbawa, ang mga karamdaman sa
pagkabalisa ay madalas na nangyayari kasama ang isang karamdaman sa paggamit
ng alkohol. Mahalagang gamutin ang lahat ng mga kundisyong ito sa lalong madaling
panahon. Ang paggamot sa alkohol na paggamit ng karamdaman nang hindi tinatrato
ang pagkabalisa ay malamang na hindi epektibo dahil ang tao ay maaaring gumagamit
ng alkohol upang gamutin ang pagkabalisa. Sa kabilang banda, ang paggamot sa
pagkabalisa nang hindi hinarap ang sakit sa alkohol ay maaaring hindi matagumpay
sapagkat ang pang-araw-araw na pagbabago sa dami ng alkohol sa dugo ay maaaring
maging sanhi ng pagbabago ng antas ng pagkabalisa. (Barnhill, 2020)

Ang pagkakaroon ng anxiety o pagkabalisa ay hindi lamang para sa
pangkaraniwang mga tao, ang pagkakaroon ng ganitong uri ng sakit ay nararanasan
rin ng mga tanyag na personalidad sa iba’t-ibang mga kategorya o larangan. Maraming
mga personalidad na rin ang naghayag ng mga karanasang ito sa midya at nagsilbing
mga impluwensiya sa mga tagahanga o maging mga normal na manonood, tagapakinig
at mambabasa upang labanan ito at tuluyang pagtagumpayan ang hamon ng
pagkabalisa. Kabilang sa mga personalidad na ito ay ang miyembro ng tanyag na K-
pop Girl Group na Twice na si Jeongyeon.

Yoo Kyung-wan: Buhay-Suri sa isang ‘Millenial-GenZ Artist

186

Si Yoo Kyung-wan o mas kilala sa pangalang Jeongyeon, ay miyembro ng Twice,
isang sikat na Korean Pop Girl Group na nakilala hindi lamang sa South Korea kundi sa
buong mundo. Si Jeongyeon ang lead vocals ng grupo at kilala rin bilang isa sa mga
manunulat ng kanilang mga kanta. Bagama’t tanyag, hindi pa rito nagsimula ang lahat
para kay Jeongyeon. Bago pa man napasok sa industriya ng K-Pop ay ilang ulit din na
sumubok at di natanggap sa JYP Entertainment ang mang-aawit sa murang edad.
Gayunpaman ay hindi nagpatinag si Jeongyeon na hubugin ang kanyang pangarap na
maging bahagi ng industriyang tiyak na kikilala sa kanyang talento at kahusayan sa
pagsayaw at pag-awit, kalaunan ay natanggap siya sa JYP Entertainment noong 2010.
Matapos na matanggap ay sinanay na si Jeongyeon sa loob ng limang taon upang sa
kanyang pre-debut bilang miyembro ng Twice kasama ng iba pang miyembro na sina
Nayeon, Sana at Jihyo. Mula rito ay mas naging kilala si Jeongyeon bilang isa rin sa
mga manunulat ng kanilang mga awitin at lead-vocalist ng kanilang grupo.

“Like Ooh-Ahh”: Suri-tanaw sa Discograpiya at Filmograpiya at ang Impak nito
sa Tinaguriang “Once”

Marahil ay marami sa ating mga kabataan ang pamilyar sa mga awiting likha ng
Twice at sa mga sayaw na mapapanood sa mga music videos nito, isa sa mga dahilan
upang patuloy na lumaganap ang impluwensiya ng K-Culture o kulturang Koreano sa
bansa. Sa bahaging ito ay babagtasin natin ang discograpiya at filmograpiya ni
Jeongyeon at ng Twice.

Bago pa man naging kilalang miyembro ng Twice, si Jeongyeon ay nagkaroon
na ng ilang pagganap ang mang-aawit sa mga TV shows at iba pang mga palabas sa
Telebisyon. Isa na rito ang TV show na Sixteen, isang reality TV competition, ito ay ang
patimpalak kung saan sinala ang mga pinal na miyembro ng Twice. Sa pagtatapos ng
programa ay isa siya sa siyam na nanalo at natanggap bilang isa sa mga miyembro na
bubuo sa Twice.

Nagkaroon din ng mga pagganap si Jeongyeon sa ilang mga music videos gaya
ng “Girls Girls Girls” ng grupong Got7 noong 2014, bago tuluyang magkaroon ng debut
bilang opisyal na miyembro ng Twice, kalaunan ay nailabas ang kanilang debut EP o

187

Extended Play na “The Story Begins.” Ang kanilang debut song na “Like Ooh-Aah” ay
ang kauna-unahang kantang K-pop na nagtamo ng 100 Milyon na bilang ng views sa
YouTube. Mula sa mga ito ay lalong lumawig ang fanbase ng kanilang tinatawag na
“Once” o mga taga-hanga ng Twice.

Ang Tunggaliang Indibidwal at Pamantayan ng Lipunan: Epekto sa Tanyag na
Indibidwal

Ano ang sukatan ng kagandahan? Ito ba ay nasusukat ng/sa kaputian? Sa kinis
ng balat? O baka naman sa pagka-singkit ng mga mata o marahil sa pagiging
katamtamang sukat ng mukha? Ilan lamang ito sa mga pamantayang marahil ay hindi
na bago sa pandinig o sa tingin ng karamihan, dito kasi sinusukat ng lipunan ang kung
anong kanais-nais o katanggap-tanggap sa kanilang paningin, panlasa, pandama at
iba pa. Bagamat hindi naman talaga ito ang tunay na pamantayan ng lahat, ito ang
nagsilbing sukatan ng lipunan sa kung anong dapat taglayin ng isang ideyal na
indibidwal. Dito rin nagmumula ang mga isteryutipong nabubuo sa kaisipan ng
karamihan.

Kahit saang bansa ay mayroong uri ng pamantayang tinitingnan ang mga tao,
ito ang bumubuo ng kanilang partikular na paniniwala o pagtingin sa isang aspekto ng
buhay o ng lipunang kanilang ginagalawan. Ang ganitong uri ng pananaw ay
nagbubunga ng kawalan ng pantay na pagtanaw sa indibidwal, nakalilikha ito ng mga
barikadang naghihiwalay sa pangkat at sa indibidwal na hindi tugma ang katauhan sa
pamantayang ginaganapan o tinatanaw ng pangkat.

Ito ang isa sa mga suliraning kinaharap ng ating paksa (Jeongyeon) sa kanyang
pagiging isang tanyag o tinitingalang personalidad sa South Korea. Sa kabila ng
kanyang kahusayan sa pag-awit at pagsayaw, sa kanyang kakayahan sa hosting at
marami pang iba, hindi maikakailang wala siyang ligtas sa mga pamantayang
sumusukat sa panlasa ng mga KNetizens (Korean Netizens) na sanhi upang siya’y
paulit-ulit na mapuna o malait sa social media. Isa sa mga dahilan nito ay ang kanyang
pagtaba o pagkakaroon ng dagdag sa kanyang timbang na kung susuriin ay malayo

188

nga sa katawan ng kanyang mga kasama sa grupo. Ito ay nagresulta ng pagkabalisa
at kalungkutan para kay Jeongyeon.

Ilang linggo lamang bago ilabas ng TWICE ang kanilang pangalawang studio
album, ang Eyes Wide Open, noong Oktubre, ang JYP Entertainment ay naglabas ng
isang pahayag na nagsasabi sa mga tagahanga na si Jeongyeon ay hindi makalalahok
sa mga promosyon. Ayon sa kumpanya, ang nangungunang bokalista ay malungkot at
nagdurusa mula sa "sikolohikal na pagkabalisa". Matapos kumonsulta kay Jeongyeon
at sa natitirang miyembro ng TWICE, ibinahagi ng JYP Entertainment na ang lahat ng
mga partido ay napagkasunduan ng desisyon na kailangan ni Jeongyeon ang
"propesyonal na mga panukalang medikal" at "sapat na pahinga" upang makabangon
mula sa kanyang pagkabalisa sa karamdaman.

Bago ang kanyang diagnosis sa pagkabalisa, si Jeongyeon ay nagdurusa mula
sa isang herniated disc sa kanyang leeg, na humantong sa ilang mga tagahanga na
isip-isip na ang kanyang pisikal na kalusugan ay naging malubha sa kanyang kabutihan
sa kaisipan. Naging pangalawang TWICE member siya na nag-take off dahil sa
pagkabalisa matapos mag-hiatus si Mina noong August 2019.

Kung susuriing mabuti, hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakabubuti ang pamantayan,
lalo pa’t ito ay nagbubunga ng pagkabalisa o takot sa pangungutya ng lipunan sa ating
kasinuhan at kaanyuan bilang isang buhay na indibidwal, kumikilos at umaayon sa ating
nakasanayang pamumuhay.

K-WAVE!: Ang Implikasyon ng Kulturang Koreano sa Kulturang Pinoy

Nagbibigay ang Korean Wave ng isang makabuluhang pagkakataon para sa gobyerno
ng Korea upang samantalahin ang bagong umuusbong na diplomasyang pangkultura at
pampubliko upang itaguyod ang mga assets ng kultura sa Korea (Jang at Paik, 2012:
201). Sa pangkalahatan, ang mga tanyag na gawa na nag-aambag para sa pagkalat ng
Korean Wave ay entertainment- oriented genre, tulad ng Korean dramas, K-pop, at
Koreanong pelikula. Kahit na ang Korean Wave ay tinukoy sa iba't-ibang mga paraan.
Ang pagkakaiba-iba ng mga nilalaman ng Korean Wave ay nagpapakita ng pagkakaiba-

189

iba ng kultura at kayamanan ng Korea (Ha, 2017: 58). Ang mga tumatanggap ng Korean
Wave ay malamang na maranasan Kulturang Koreano upang lubos na maunawaan ang
konteksto ng mga pelikula, drama, at K-pop. Bilang isang kinatawan ng nilalaman ng
Korean Wave, naiintindihan ang K-pop bilang isang bahagi ng isang pandaigdigang
kalakaran lalo na sikat sa mga kabataan (Jang et al., 2012:80).

Samakatuwid, ang pag-iral at paglago sa kulturang Koreano at sa Korean
Wave ay patuloy rin ang paglago ng ugnayan ng uso at napapanahon sa aspektong
kultural ng bansa. Bukod sa ito ay ating mas nakikilala at nauunawaan,
nagkakaroon ng posibilidad na ang mga usong tulad ng K-pop ay maging bahagi
ng ating pang-araw-araw na sistema.

Ang K-wave sa Pilipinas ay hindi lamang isang pangkulturang kaganapan na
biglang mawawala. Ipinapakita nito ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino, ang
kasaysayan nito pati na rin ang kahinaan sa kultura at lakas. Maaaring maging popular
ang Korean wave, ngunit ito pa rin ay hindi makatatakas sa mga pintas. Sinabi nila na
sa pagyakap ng kulturang Koreano ay isinasantabi ang alon ng kulturang materyal na
Pilipino. Gayunpaman, iyon ay totoo para sa ilan ngunit mahahanap natin ang tunay
na mga benepisyo mula rito. Maraming matutunan ang mga Pilipino mula sa kultura
ng mga Koreano - ang paraan ng mga Koreano upang itaguyod ang kanilang sarili at
maniwala sa kanilang kultura na kaya natin gawin ang ating kultura sa parehong antas
tulad ng iba pati na rin ang karagdagang paunlarin ang mga tao sa ugnayan ng mga
tao. (Igno, Ceñidoza; 2016).

190

Ang Kontrobersyal na Lugaw is Essential atbp. Patungong Kulturang Popular
Ni: John Michael D. Permato

Kinagiliwan, pinag-usapan at tampulan ng samu't saring reaksyon ang kumalat na
bidyo sa social media sa pagitan ng isang food delivery rider at ang paninitang ginawa
sa kanya ng isang tanod na nag-iikot sa isang barangay sa probinsya ng Bulacan noong
Marso, taong kasalukuyan (2021), kasagsagan ng pagbabalik ng Enhanced Community
Quarantine sa kalakhang Maynila at sa mga karatig lalawigan nito. Dala nga ng lumalala
at kumakalat na mga kaso ng CoVid19 sa bansa, dagdag pa riyan ang pagkaubos ng
mga sapat na pasilidad sa mga ospital. Kaya naman napilitan ang IATF o Inter Agency
Task Force against Emerging Infectious Disease (CoVid19) at palasyo na maglunsad
muli ng mas pinahigpit na quarantine protocols sa pangalawang pagkakataon.
Nakakatawa naman talaga ang naging pagtatalo ng tanod at delivery rider para sa mga
netizen, kung titingnan ang buong rekorded na bidyo. Sinita kasi ng tanod ang rayder na
bumibili ng lugaw na parte ng kanyang trabaho bilang isa ngang food delivery rayder.
Kaya naman laking gulat ng rayder ng sitahin siya ng noo'y nagrorondang tanod na babae
dahil sa paglabag niya sa itinakdang iskedyul ng curfew hours. Nangatwiran ang rayder
na esensyal o mahalaga naman ang kanyang dala na siyang pagkain na kailangan ng
tao at katanggap-tanggap naman ang kanyang rason na iyon kaya dapat lang na hindi
siya sitahin. Subalit ang babaeng tanod, buong lakas loob na binasa ang mga protocols
sa Wikang INGLES na wari mong lubusan niya talagang nauunawaan ang mga protocols
na sila mismo ang nagpapatupad sa kanilang nasasakupan. Subalit kahit anong
paliwanag ng rayder sa tanod na esensyal o mahalaga sa tao ang pagkaing lugaw, hindi
pa rin nito nabago ang disposisyon ng tanod. Hindi pa rin daw ESENSYAL ang LUGAW
para sa tanod. Sa pangyayaring ito, tatlong mahahalagang bagay ang nais kong
pagtuunan ng labis na pansin sa papel na ito na akin din namang palulutangin patungong

191

Kulturang Popular. Mga bagay na talaga namang ESESNSYAL para sa ating lahat lalo
ngayong panahon ng pandemya. Hindi pagkain ang mga punto at pala palagay na ihahain
ko sa inyo. Subalit nakatitiyak naman ako na ang mga ihahain ko sa inyo ay lagpas pa
sa sustansyang kayang ibigay ng lugaw kung atin lang itong pagtutuunan ng pansin at
malalim na pagbubulay-bulayan. Ang mga ito ay ang KAHALAGAHAN ng LITERASI,
ang WIKANG FILIPINO at ang usaping POLITIKAL lalung-lalo na ngayong PANDEMYA
at kung paanong ang mga mahahalagang bagay na ito ay pumapaloob sa KULTURANG
POPULAR.

Magsimula muna tayo sa LITERASI. Tinutukoy sa Pambansang Porum sa Impormasyon
sa Literasiya ng Estados Unidos (2015), na mayroong dalawang pamantayan ang
tinatawag na LITERASI. Una diyan ang Basic Literacy- Ito ay ang kakayahan ng isang
tao na makapagbasa, makapagsulat at ang kakayahang umunawa ng simpleng mensahe
at ang pangalawa naman ay ang tinatawag na Functional Literacy- Kung saan higit na
mas mataas ang antas kaysa sa basic literacy. Hindi lamang pagbasa at pagsulat ang
abot ng kanilang kakayahan. Bagkus, nabibilang din dito ang kakayahan nilang
magbilang at mga kakayahang lumahok sa iba't ibang uri ng o klase ng pamumuhay.
Ngunit sa bahaging ito, nais kong pagpokusan ang pagkakaroon ng basic literacy para
sa mamamayang Pilipino lalo't higit sa panahon ngayong pandemya. Partikular din ito sa
mga nagpapatupad ng mga quarantine protocols gaya ng mga tanod, sekyu, pulis, health
workers at lalo na ang publiko. Dapat hindi lang basta tinatanggap ang mga naririnig,
nababasa at napapanood na balita sa tv, social media platforms o sa kahit na saan pang
mga daluyan ng balita at impormasyon na wala namang matibay at tamang batayan at
hindi naman dumaan sa masusing pagsusuri. Kung babalikan ang bidyo, makikitang
lutang na lutang ang hindi pagiging literate o kakayahang umunawa nang mabuti ng tanod
na nagpapatupad ng quarantine protocols sa kanyang binabasa nang sabihin niyang
hindi esensyal ang lugaw na dala-dala ng rayder att nang segundahan pa niya ito na
mabubuhay ang tao kahit wala si lugaw. Sa bahaging ito, nais ko rin bigyang pansin kung
bakit tila wala man lang sa mga kasama ng tanod ang nagtuwid nito? Katakataka na pati
ang iilang mga pulis na kasama niya ay walang imik din. Tila bago lahat ng mga tanod at
ilang pulis na kasama niya na naroroon ay alam at malinaw sa kanila na hindi nga talaga
esensyal ang lugaw. Ayon na mismo kay Usec. Vergerie ng DOH, Esesnyal at mahalaga

192


Click to View FlipBook Version