The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by santos.ra, 2021-07-03 11:32:32

II-4 BFE_ANTOLOHIYA

II-4 BFE_ANTOLOHIYA

Bilang isang mamamayan ng bansang Pilipinas, ang mga ideolohiya ng kahapon,
ngayon at sa susunod na panahon ay patuloy na makakaapekto sa kung paano
magtiwala sa ibang tao at aksyon ng gobyerno sapagkat prayoridad ng bawat isa ang
kani-kanilang buhay at pamilya. Kalusugan bago ibang luho at kayamanan. Kung kaya’t
kung may mabuting epekto ang palpak na pamamahala? Iyon ang pagiging malay at
kritiko sa pagbibigay ng bagong tiwala. Bilang isang guro sa wika, panitikan, kutura at
lipunan sa darating na bukas, ang bawat danas ng kahapon ay magsisilbing gabay sa
kung paano maipapakita ang esensya ng siyensya, ideolohiya at kultura sa maaring
maging dulot nito sa pamumuhay at buhay ng bawat Pilipino bilang parte ng lipunan.
Gurong taglay ang bakunang pedagohiya na lagpas sa pagtuturo ng mga araling nasa
pahina ng aklat bagkus ay mga pedagohiyang mapagmulat sa kung ano ang gampanin
ng bawat mag-aaral sa pagbabago ng lipunan tungo sa mas maunlad na panitikan at
kultura bilang bahagi ng kayamanan at pagkakakilanlan.

93

#NCRBubble: Mga Tago at Lantad na Danas sa Gitna ng Pandemya
Ni: Ma. Anjenette L. Case

“The end does not justify the means.”
Nalagay sa alanganin hindi lamang ang kalagayan ng lipunan bagkus ay ang mga
buhay ng mga mamamayan nang unang beses na maitala noong ika-tatlumpu (30) ng
Enero taong 2020 ang kaso ng COVID-19 sa bansa. Ayon sa World Health Organization
(WHO), ang Corona Virus o COVID-19 ay malubhang sakit dulot ng bagong natuklasang
virus. Sinasabing ang sanhi ng mabilis na pagkalat ng virus ng COVID-19 ay sa
pamamagitan ng pagkawaha mula sa patak ng laway o likidong likha mula sa pagsinga
o pag-ubo ng taong nagpositibo sa sakit.
Mula rito, nagkaroon ng mabilisang pagbabago sa pamumuhay ang mga Pilipino.
Gaya na lamang ng biglaang pagpapatigil operasyon ng mga institusyon gaya ng mga
paaralan, mga kompanya o mga trabaho, ang mga pagbyahe ng mga pampubliko’t
pampribadong transportasyon, at iba, gayundin ang malawakan at mahigpit na
pagpapatupad ng pagsusuot ng face mask, face shield, at PPE.
Mahigit isang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nasusugpo ang krisis na
kinahaharap hindi lamang sa bansa ngunit ito rin ay patuloy na nagbibigay ng mabigat na
pakikipagsapalaran sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan. Sa datos
mula sa Worldometer, ang kasalukuyang bilang ng mga mamamayan na tinamaan ng
virus sa iba’t-ibang panig ng mundo ay 178,765,626 at nadaragdagan pa, na may
3,869,994 kabuuan at tumataas pang bilang ng mga namamatay. At, sa datos naman
nito (Worldometer) sa Pilipinas, ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID ay 1,353,220,

94

at 23,538 naman ang bilang ng mga namamatay. Maraming ibinunyag ang pandemya sa
kalagayan ng mga Pilipino – personal man o panlipunan. Isa na marahil ang prosesong
sinusuong dahilan ng paghantong sa kawalan ng pagbabago at/o hindi pagtatapos sa
naturang krisis na kinahaharap.

Marami na ring kaparaanan ang sinubukang iimplementa upang mabawasan at
humantong sa pagsugpo ng pandemyang kinahaharap ng bansa. Kagaya na lamang ng
sa Maynila, kung saan ipinanukala ang paglilimita sa kilos gaya lamang ng paglabas ng
mga tao. Ang sistema ng mga patakaran ay binigyang-bihis sa iilang kategorya:
Enhanced Community Quarantine (ECQ) o ang pinakamahigpit na uri ng quarantine
sapagkat ang mga mamamayan bukod sa mga frontliner ay hindi maaaring lumabas at
walang pampublikong transportasyon. Ang Moderate Enhanced Community Quarantine
(MECQ) ay mas mababa ang lebel mula sa ECQ kung sa pinaghihigpitan pa rin ang
paglabas ngunit ang mga frontliners, esensyal na manggagawa, maging ang mga
nagtatrabaho sa opisina't nagkakasa ng negosyo ay hindi na. Wala pa ring pampublikong
transportasyon. Ang General Community Quarantine (GCQ) kung saan maaari nang
lumabas sa tahanan ang mga tao para sa kanilang mga trabaho. Nguint, hindi
pinahihintulutang lumabas ang mga 21 anyos pababa at 60 anyos pataas. May
pampublikong transportasyon at may limitadong social gatherings. Bilang panghuli, ang
Modified General Community Quarantine (MGCQ) na kung saan ang mga maaaring
gawin sa GCQ ay maaari ring gawin ngunit ‘di hamak na mas maluwag ito.

Kamakailan lamang, tuloy-tuloy ang paglobo ng mga bilang ng kaso ng COVID-19
sa bahagi ng Maynila maging sa mga karatig-bayan nito. Sa katunayan, nabansagan ang
NCR bilang epicenter ng pandemya. Kung kaya, ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ay
nagbunsod sa Inter-Agency Task Force for the Management Emerging Infections
Diseases (IATF), na suungin ang isa sa mga nakitang paraan upang alamin ang ang
pinagmumulan ng maraming bilang ng kaso nito, at upang maging dahilan ay ang
pagpapalawig ng NCR noong Marso 2021 bilang NCR Bubble.

Bubbling ang katawagan sa paglilimita sa paglabas-pasok ng mga tao sa mga
lugar na pinaghihigpitan maliban na lamang kung ang tao ay awtorisado na gawin ‘to. Sa
kaso ng pagpapalawig ng NCR o tinatawag na NCR Plus, idinagdag ang mga

95

probinsyang: Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna, bilang bahagi ng NCR. Ito ay naglalayong
isahang bantayan ang mga bahagi sa NCR Plus pagdating sa pangkalusugan lalo na sa
kaso ng Covid-19, at para maagapan ang lumolobong kaso ng COVID-19. Ipinakita
naman sa datos ng DOH, matapos ang mabilisang pagpapalawig, ang pagbaba sa bilang
ng naitalang kaso sa mga nasabing lugar.

Usaping “Essential” sa NCR Bubble

Maliit na tagumpay mang maituturing ang naturang resulta, kung sisiyasating
mabuti, mayroong nakapailalim sa panukalang NCR Bubble, ito ay ang prosesong hindi

akma, angkop, at nararapat na marahil ay dapat na pagtuunan ng mga namamahala.

Ilan lamang sa mga sumusunod ay ang pagputok ng isyung: “lugaw is essential”
kung saan pilit na pinagbawalan ng isang opisyales ng barangay ang isang food rider na
magdala ng biniling lugaw ng kostumer. Gayundin marahil ang mga naglilipanang isyu
patungkol sa hindi pare-pareho at/o pantay-pantay na pagpapanukala ng patakaran sa
ilalim ng sistema ng NCR Bubble gaya na lamang ng lihis at hindi tugma-tugmang pag-
iimplementa ng patakaran ng mga kapulisan.

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga representasyon sa hindi tugma-tugmang
pagpapanukala ng patakarang umiiral. Ang hindi organisadong proseso ay kakikitaan na
isa ito sa mga marapat na pagtuunan ng mga bumubuo ng mga patakarang sinusundan
ng mga mamamayan.

Ang pangangasiwa ng mga prosesong susuungin ay ibinabatay sa kakayahan,
may paglilinaw at nagbibigay ng konkretong batayan bilang buong kaayusan. Ito ay kung
gaano tinitingnan ang lugaw bilang esensyal, gayundin dapat ang paghahangad,
paglalapat, at pagtatakda ng malinaw, tiyak, at tumpak na kaalaman ay marapat na
maisaalang-alang.

Ang Pagkonsumo sa NCR Bubble

Higit sa lahat, ang pagsasaalang-alang sa prosesong sinuong ay tila lumilikha ng
hindi pantay na pag-alala sa mga kalagayan ng mga mamamayan. Bali-baliktarin man
ang lenteng titingnan, ang mahihirap ang primaryang sektor na napag-iiwanan.

96

Sa usapin ng pagkonsumo, hindi maikakaila na sa pagkonsumo nabubuhay hindi
lamang ang mga tao kundi maging ang lipunan. Pagkonsumo ng mga tao ng mga
pangangailangan, mga hilig o gusto ay hindi maiaalis sa tao. Malamang, dahil sa hindi
naputol ang operasyon ng ilang mga pampublikong transportasyon maging ang mga
tagahatid o padala ng mga bagay na ating binibili gaya ng grab food, lalamove, food
panda, shopee, Lazada, at iba pa, anuman ang sistemang umiiral sa NCR Bubble ay
nagsisilbing panibago at ordinaryong araw lamang kung saan maluwag ang patakarang
inilapat. Sa lipunang kakikitaan, hindi man direkta, ng konsepto ng Survival of the Fittest,
kung saan binigyang diin ni Herbert Spencer ang “Let the unfit be eliminated”, ang mas
mababa ang kakayahan ang siyang mahihirapan sa ganitong klase ng lipunan. Dagdag
pa rito, ang mga paghahandang kayang gawin ng mga naghaharing-uri sa tuwing
nagkakaroon ng agaran at pabago-bagong pagpapalit ng pangalan ng patakaran sa loob
ng bubble; kumpara sa dismaya at pagkabahalang natatamo ng mga mahihirap sa kung
paano at saan huhugot ng mapagkukunan para matugunan ang mga bukas na puno ng
pangangailangan.

Ikalawa, lumitaw kamakailan lang ang balita mula sa Rappler, kung saan
binigyang-diin na nababalewala ang pagtatalaga ng hangganan ng NCR bubble sapagkat
mayroon pa ring mga mamamayan ang nakakalabas sa bubble na ito. Dagdag pa rito,
kung minsan ay napapadpad pa ang mga ito sa iba’t-ibang malalayong probinsya.

Isang salik na nakaiimpluwensya rito ang panukala ng IATF na hindi mahigpit na
naglilimita sa pagtawid-tawid ng mga tao sa mga hangganan ng sakop ng NCR Bubble.
Dulot nito, nagbubunsod ito upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayang
sundin ang pagtatapunan ng barya. Malamang sa malamang, sa lipunang umiiral ang
mga sektor na iilan ang may kakayahan, pera, at kapangyarihan – ang mga naghaharing
uri, sila lang din ang may kakayahan upang maglabas-pasok sa bubble na itinalaga.

Samantalang, pumutok na rin ang ilang mga isyu ng ilang mga mamamayan
kaugnay sa pakikiusap na makalabas sa hangganan ng NCR bubble dahil sa ilang mga
kadahilanan gaya na lamang ng kailangang makabili ng gamot, o di kaya naman ay ang
hangad na makauwi sa pamilya. Sa kabilang banda, palaging bigo at umuuwing talo ang
mga ito sapagkat hindi sila napagbibigyan.

97

Sa usaping ito, hindi ba ang nangangasiwa ng patakaran ang magsisilbing salarin
sa kung paano nangyaring may iilang malayang nakakapaglabas-pasok sa bubble
habang mayroon ding higit na nangangailangan ang hindi napagbibigyan?

Kung susumahin, ang kalagayang ito ay humahantong sa konsepto ng mga
sumusunod: Social Gap, at Social-Class Discrimination.

Ayon kay Crossman, ang Social Gap o Social Inequality ay: “results from a society
organized by hierarchies of class, race, and gender that unequally distributes access to
resources and rights. It can manifest in a variety of ways, like income and wealth
inequality, unequal access to education and cultural resources, and differential treatment
by the police and judicial system, among others.” Samakatuwid, ang mga mamamayan
na nagmumula sa magkaibang mga sektor ng lipunan ay nagpapatunay na ang
kakayahang pagkonsumo ay limitado sa nakararaming naghihikahos habang ang
naghaharing-uri ay malaya sa anumang pangangailangan o kagustuhan. Ang pagitan na
ito ay nagpapakita ng hindi balanseng pagtatamasa ng mga sektor ng lipunan.

Habang umiiral ang ganitong ‘di pagkakapantay-pantay sa lipunan, ang pwersang
sa mamamayan sana’y nagsisilbing gabay ay bukas at tumatanggap lamang sa piling
sektor. Nakababahalang katotohanan ay ang pag-iral ng Social Class Discrimination o
ang pagkakaroon na hindi pantay na pagtingin o trato sa mga mamamayan. Kagaya ng
nabanggit sa itaas na ang mga mayroong kakayahan ay napagbibigyan ngunit sa
nangangailangan ay kibit-balikat lamang.

Ang diskriminasyong ito ay hindi lamang limitado sa pinapakita ng mga nasa
kapangyarihan, bagkus, ay isa lamang sa napakaraming representasyon ng mga umiiral
na diskriminasyong natatamasa ng mayoryang naghihikahos.

Ang NCR Bubble bilang Taktika

Sa kalagayan ng bansa magmula ng pumutok ang pandemya, iba’t-ibang
pangalan o label na ang ginamit sa pagpapanukala ng patakaran. Matapos ang serye ng:
ECQ, GCQ, MECQ, MGCQ, at habang matagal nang nasa ilalim ng General Community
Quarantine (GCQ) ang NCR, siya namang agarang pagpapanukala ng NCR Bubble.
Pagtitiyak nila, ang NCR Bubble (NCR+ Bubble) ay hindi pag-uulit ng lockdown, at sa

98

katunayan ay mas maluwag pa rito. Ngunit, kung ito ay susumahin, ang mga patakaran
at alituntuning nakapaloob ay hindi nagkakaiba, at nagbagong bihis lamang ng mga
naipanukala na sa Lockdown.

Kung susuriing mabuti, ang NCR Bubble ay nagmimistulang bagong taktika.
Taktika upang paniwalain ang mga mamamayan na tumpak at hindi palpak ang
prosesong sinusuong ng mga pamahalaan sa pagsugpo ng pandemya. Ito ay mukha ng
pagpapaikot at pagmamanipula sapagkat matagal na nakatengga sa GCQ ang NCR.
Nangangahulugan lamang ito na mayroong muling kakayahan ang mga manggagawa
maging ang ibang sektor para bumalik sa kanilang paghahanapbuhay. Kung kaya, ang
muling pagpapanukala ng lockdown ay hahantong lamang sa pagsidhi ng galit ng mga
mamamayan lalo na ang mayoryang naghihikahos. Kaya, ang pinakamabisang gawin ay
ang pagbibihis o pagbibigay ng bagong anyo sa patakarang ipapanukala.

Ngunit, sa kabila ng lantad na prosesong sinusuong ng pamahalaan, tila patuloy
ang pagtanggap ng mga mamamayan sa ganitong sistema. Tikom at nananatilihing
tahimik. Kagaya na lamang sa mga serye ng lockdown at ang panukalang NCR Bubble.
Marahil, isa ito sa mga di-lantad na kultura ng pagtanggap. Kapag binigyan mo ng isang
sira-sira at hindi na magamit na bagay ang tao, hindi tatanggapin o di kaya’y labag sa
loob na tatanggapin ito. Kapag naman pinaganda mo ang bagay na ito, kahit pa sira-sira,
makalawang beses na ibigay sa tao ay may posibilidad na nang pagtanggap dito nang
‘di namamalayan.

Sa katunayan, ang kasalukuyang kalagayan lalo na ngayong pandemya; na
nagbunsod upang maipanukala ang NCR Bubble, ang nagpatunay at lalong nagpaalala
na mayroong mga dapat pang pagtuunan sa ating lipunan. Hindi lamang sa usapin ng
kung ano ang mga pwedeng puntahan, maaaring kainin o gawin, kundi ang mga esensyal
na maituturing. Mula personal hanggang panlipunan. Ito ay sapagkat ang bawat imbulog
ng buhay, nakakabit ang ugnayan sa bawat isa. Ika nga, ang bawat personal na danas
ay may malalim na ugnayan sa pampublikong problema o isyu. Pinatunayan lamang ng
kalagayan sa gitna ng NCR bubble na ang kailangan ay hindi individual adjustments
bagkus ay repormang sosyal.

99

Higit sa lahat, ipinaalala nito ang kahulugan ng “the end does not justify the
means.” Ito ay magsisilbing palaging pamatid sa mga layuning hindi kayang abutin ng
prosesong tatahakin. Sa oras na maabot ang layunin, hindi ito magiging sapat na batayan
sa tunay na tagumpay na dapat kamtin. Maraming lalim ang dadaanan. Maraming lalim
ang dapat pagtuunan.

Sa kabilang banda, ang NCR bubble maging ang serye ng lockdown na sinundan,
ay patunay sa pagiging likas na malikhain ng mga Pilipino. Na pinairal ang pagiging
malilikot ang mga isipan sa pagbibigay ng mga pangalan o labelling.

Marahil ay nakararanas pa ng pagtataka ang mga naninirahan sa NCR+ sapagkat
hindi nakasanayan na nasa iisang rehiyong katawagan ang mga ito. Paniguradong tatak
ito ng kulturang popular, at kung hanggang kailan magtatagal ay matututuhang tanggapin
at makasanayan.

100

#Ayuda: Hantad na Kakulangan ng Gobyerno; Patok na Bayanihan ng
Sambayanang Pilipino
Ni: Gladys Pei V. Barbuco

Bitbit ng paghagupit ng pandemya sa Pilipinas ang iba’t ibang banta maliban sa
mismong virus. Ang unang naging aksyon ng pamahalaan upang, kung hindi man
tuluyang mapigilan, ay mapabagal man lamang ang mabilis na pagkalat ng COVID-19 ay
ang malawakang pagpapatupad ng lockdown sa kalakhang Maynila, na ‘di kalaunan ay
sinundan din ng mga probinsyang naapektuhan ng nakahahawang sakit. Dulot ng
paglilimita sa kakayahan ng mga tao upang lumabas, maraming operasyon at
establisyemento ang natigil at nagsara na nagbunga ng kawalan ng trabaho ng milyon-
milyong Pilipino. Ayon sa Philippine Statistics Authority, lumobo sa 10.3 porsyento o 4.5
milyong Pilipino ang naitalang walang trabaho noong 2020. Nagtulak ang sitwasyong ito
sa gobyerno upang magbigay ng tulong o suporta sa mga marginalisadong tao, mga
nawalan ng trabaho, at mga higit na naapektuhan ng ipinatupad na lockdown. Dito
sumibol ang salitang “ayuda”, na bagaman pumapatungkol sa tulong ng pamahalaan, ay
nagkaroon ng sariling kahulugan sa bokabularyo ng mga Pilipino.

Ayuda. Isang salitang naiiba ang kahulugan depende sa kung saang anggulo ng
kwento ito titingnan. Laman ito ng mga balita, mapa-radyo, telebisyon, o maging sa online
na espasyo. Isa ito sa mga paksang sinusuri, binibigyan ng puna at opinyon sa mga kolum
at editoryal sa pahayagan. Usapan sa mga tahanang naghihintay kung kailan kaya sila
mabibiyayaan. Hindi naglaon, sa isang taon na patuloy na nakabalot sa banta ng
pandemya, kahirapan, at gutom ang Pilipinas, nagkaroon na ng sariling tatak ang

101

terminong “ayuda”, at higit sa lahat, nagkaroon na rin ito ng puwang sa kulturang Pilipino
sa kasalukuyan.

“Kalma. Lahat mabibigyan?”: Saan Nagkulang at Nagkamali ang Pamahalaan sa
Pagtugon sa Panawagan ng mga Mamamayan

Sa paglitaw ng mga kaso ng COVID-19 noong Marso 2020, isinailalim sa
malawakang lockdown ang mga bahagi ng bansa na naitalang naapektuhan nito. Maliban
sa bantang pangkalusugan, nabuo rin ang mga agam-agam lalo na sa gitnang uri at mga
nasa laylayan, kung paano sila makararaos sa araw-araw sa kabila nang pagkawala ng
kanilang kabuhayan. Bilang paunang solusyon ng pamahalaan, ipinag-utos ang
pagkakaroon ng “emergency subsidy program” (ESP) sa ilalim ng “Bayanihan to Heal as
One Act”, ang batas na ipinatupad na naglalayong makapagbigay ng karampatang tugon
sa kinakaharap na krisis pangkalusugan ng bansa, at sa usaping ESP, pamamahagi ng
tulong pinansyal sa mga nangangailangan. Bukod sa salapi, mayroon ding inisyatibo
nang pamamahagi ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, at iba pa.
Magandang balita na sana kung sisipatin, kung hindi lamang nagiging masalimuot ang
pinagdaraanan ng mga benepisyaryo mapasakamay lamang nila ang kakarampot na
tulong ng gobyerno.

Para sa unang bugso ng pamimigay ng ayuda, tinatayang nasa 18.8 milyong
pamilya ang kabilang sa Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan. Ngunit,
numero lamang ito. Sa pangatlong linggo mula nang magdeklara ng state of calamity
dahil sa COVID-19, sa isang ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, hindi pa
isinasaayos ang pinal na database sa binubuong listahan ng mga kwalipikadong pamilya
na mapapasama sa SAP. Bagaman mayroon ng “Listahanan” noong 2015 ang
Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang sarili nilang datos ukol sa
mga impormal at/o mahihirap na pamilya sa bawat rehiyon, nagbigay pa rin sila ng mga
“form” sa mga lokal na pamahalaan at binigyan ang mga ito ng kapangyarihang piliin ang
mga karapat-dapat na makasali sa pagtanggap ng SAP. Imbis na mas mapabilis ang
trabaho, nagdulot lamang ito ng mas malaking kalituhan hindi lamang sa mga
mamamayang umaasang maaabutan, kundi maging sa mga namumuno sa kani-kanilang
pamayanan.

102

Sapagkat sa lokal na pamahalaan dumaraan ang pinansyal na tulong at
pamamahagi nito sa halip na sa mga social worker, naglutangan din ang sistema ng
“palakasan” sa mga barangay upang makatanggap ng ayuda. Noong Setyembre 2020,
89 na punong barangay ang sinuspinde sa katungkulan matapos hatulang “guilty” ng
Ombudsman ng mga kasong “Serious Dishonesty, Grave Misconduct, Abuse of Authority
and Conduct Prejudicial”. Kabuuang 447 mga opisyal sa buong bansa ang dawit sa mga
kaso hinggil sa anomalya sa ESP. Ayon kay Interior and Local Government Secretary
Eduardo Año, nagsisilbing babala ang pangyayaring ito sa iba pang opisyales at wala
umanong puwang ang katiwalian lalo na ngayong nasa kalagitnaan ng pandemya ang
bansa.

Subalit hindi lamang ito ang kinaharap na problema sa pagpoproseso at
pagtanggap ng ayuda. Sapagkat ang mismong pagiging kabilang sa mga benepisyaryo
ay maituturing na isang pribilehiyo. Isang halimbawa na lamang ang naging sitwasyon sa
isang barangay sa Talisay, Batangas kung saan sa 2, 500 pamilya, 821 lamang sa mga
ito ang nabigyan ng pagkakataong mapasama sa SAP. Samantalang nagkaroon pa ng
pangalawang bugso ang SAP, naging maingay pa rin ang mga panawagan ng mga tao
lalo na sa social media upang kalampagin ang mga ahensyang sangkot at tanungin ang
mga ito kung mapapasama pa ba sila sa programa o kailan sila makatatanggap ng
pangakong tulong sa kanila.

Ang mabagal at sabog na sistema ng pamamahagi ng ayuda—pinansyal man o
pagkain—ay hindi rin nakatulong sa mas mabisang pagtulong sa mga mamamayang
hirap at gutom. Humantong ito sa mga kaguluhan—mga protesta sa labas ng mga
establisyemento ng gobyerno at lokal na pamahalaan, mga paglabag sa COVID-19
protocols, mga girian sa pagitan ng mga sibilyan at awtoridad. Inihayag ng DSWD na ang
mga opisyal ang magbabahay-bahay upang mag-abot ng ayuda, ngunit hindi ito
naisakatuparan sa lahat ng lugar. Sa mga balita, kita ang mahahabang pila ng mga
mamamayang matiyagang naghihintay sa maiaabot na tulong. Sa mga post online,
mababasa ang mga hinanakit at hinanaing ng mga hindi napabilang sa bigayan.

Dumagdag din sa hirap ang pagbabago sa mga panuntunan at pamaraan ng
pagbibigay ng ayuda, lalo na para sa pangalawang bugso ng SAP. Ang mga lugar na

103

hindi na napasailalim sa enhanced community quarantine ay hindi na rin kabilang sa
ayuda, isang bagay sa Bayanihan Act 1 na wala namang binanggit na nakasalalay sa
“quarantine level” ang mga kwalipikadong benepisyaryo. Gayundin, mula sa personal na
pagkuha ng salapi, ito ay nalipat sa mga mobile banking o ATM. Maituturing na sana
itong magandang hakbangin, subalit ayon kay dating DSWD Secretary Dinky Soliman,
habang may bentahe ito sa mga taong may kakayahan sa mobile banking o ATM, maaari
ding may mapag-iwanan sa ganitong kaparaanan ng pagbibigay ayuda.

Ilan lamang ang salik na nabanggit sa kadahilanan kung bakit nagkaroon ng
“negatibong ideya” sa salitang “ayuda” sa nagdaang taon. Nariyan ang mga pagtaas ng
kilay o pag-aagam kapag “ayuda” ang pinag-uusapan, mga sariling konklusyon at
opinyon batay sa sariling mga karanasan sa paghihintay at pagtanggap ng suporta ng
pamahalaan. Kahit sa social media ay hindi ito nakalalampas, kung saan kabi-kabila rin
ang mga paksang tumatalakay sa ayuda. Umabot pa nga sa puntong ginagawan na ito
ng meme, o kaya naman ay maiikli, nakatatawa, at nakakapangmulat na komik strips
online, tulad ng mga sumusunod:

(mula sa taas sa kaliwa) Kuhang larawan/komik strip mula sa Crazy Jhenny
(@crazyjhenny); Inquirer.net (@inquirerdotnet); at JetLix Arts (@jetlixarts).
Sa pamamagitan ng mga usong midyum ng libangan at sining gaya ng mga
ipinakitang larawan, nagkakaroon ito ng impluwensya sa pagtingin at pananaw ng isang
indibidwal sa paksa. Masasabi ring mabisang pamamaraan ito upang makatawag pansin

104

sa mga kinauukulan. Makapangyarihan hindi lamang ang boses ng isang indibidwal sa
birtwal na espasyo, kundi maging ang mga pamamaraang ginagamit niya upang ihayag
ang kanyang mga paninindigan at punto. Higit lalo itong makapangyarihan kung ang
bawat pahayag ay nilalapatan ng mga ideyang bumebenta at nauuso sa masa, hindi
lamang sa online, ngunit maging sa totoong mundo.

‘‘Magbigay Ayon sa Kakayahan.’’: Community Pantries at ang Napapanahong
Bayanihan ng mga Pilipino

Sa lansangan ng Maginhawa sa Diliman, Quezon City nagsimula ang lahat. Sa
inisyatibo at sa kagustuhang makatulong ng isang ordinaryong sibilyan, isinilang ang
pinakaunang community pantry hindi lang sa Maginhawa, kundi maging sa buong bansa.
Ang ideya ng community pantry na itinayo ni Ana Patricia Non ay “Magbigay ayon sa
kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan.” Layunin ng community pantry na ito na
makapagbigay ng mga pangunahing pangangailangan, lalo na ng pagkain sa mga
residente ng Maginhawa, na higit na nangangailangan nito. Gayundin, hinihikayat nito
ang mga indibidwal na makapag bahagi rin ng tulong sa iba sa abot ng kanilang
makakaya. Isang relasyong “give-and-take”, kung mamarapatin nga.

Mula sa simple at maliit na gawi ng kabutihan ni Non, at sa tulong ng kanyang viral
na Facebook post kung saan itinampok niya ang pinasimulang pantry, nagsibulan din ang
mga community pantry sa iba’t ibang bahagi ng kalakhang Maynila, maging sa mga
probinsya. Nagtayo ng kani-kanilang community pantries ang mga lugar sa Bicol,
Cagayan Valley, Calabarzon, CAR, Gitnang Luzon, Rehiyon ng Ilocos, iba pang bahagi
ng Metro Manila, Mimaropa, maging sa Gitna at Kanlurang Visayas, at sa Hilagang
Mindanao. Mayroon ding mga kilalang personalidad ang nakibahagi at nagsimula ng
community pantries sa kanya-kanyang lugar. Ilan sa kanila ay sina Gabbi Garcia,
Pokwang, Glaiza De Castro, at Angel Locsin.

Masasabi na mayroong tunay na bentahe ang pagpatok ng mga bagay sa isang
lipunan. Makikita ito higit lalo sa sitwasyong ito kung saan ang isang simpleng post na
nag-viral ay nagkaroon ng “ripple effect”, at nagmitsa sa iba pang miyembro ng lipunan
upang sumunod at kumilos ng kanila. Gayundin, masasabi sa pangyayaring ito na ang

105

uso sa kasalukuyan ay maaaring makabuhay ng mga kulturang kadikit na, ngunit
nahihimbing sa walang malay na bahagi ng isipan ng bawat indibidwal. At sa usaping
ayuda, ito ay tumutukoy sa bayanihan.

Kung susuriin, ang community pantry ang sariling bersyon ng mga mamamayan
sa pamamahagi ng ayuda sa kapwa nila. Pangunahing layunin ng community pantry ang
makatanggap at makapagbigay ng tulong kahit sa simpleng kaparaanan. Ngunit hindi
naglaon, ito ay naging tahimik ngunit nambubulabog na pagkilos. Ito ang naging ‘outlet’
ng mga Pilipino upang kahit papaano’y mapunan ang naging kakulangan sa pagresponde
ng pamahalaan. Wika nga ng isang social advocate, “In the absence of good governance,
tanging tayong mga ordinaryong Pilipino talaga ang magtutulungan.” Subalit habang
maganda ang layunin at marami na ang natulungan ng community pantries,
nangingibabaw pa rin ang katotohanang hindi ito ang hinihintay na solusyon ng masang
Pilipino na magliligtas sa kanila sa banta ng pandemya at kakulangan sa maayos na
tugon ng gobyerno sa kinakaharap na krisis pangkalusugan. Hamon pa ng isang
propesor sa UP Los Baños, habang ang motto na “magbigay ayon sa kakayahan” ay para
sa mga pumipila sa mga community pantry, nagsisilbi rin itong tanong sa estado at sa
mga nakaupo sa kapangyarihan – ano ang maibibigay nila para sa kapanatagan at
kaligtasan ng mga taong kanilang nasasakupan?

Tuloy pa rin ang pakikibaka ng mga Pilipino hindi lamang sa paghingi sa sapat at
nararapat na ayuda para sa kumakalam nilang sikmura kundi maging sa seguridad ng
kanilang mga kabuhayan at kalusugan sa gitna ng nananatili pa ring pakikipaglaban ng
bansa, sa banta ng pandemya. Sa mga siwang ng tagpong ito, magpapatuloy ang
pagsibol ng mga uso at patok na mga ideya’t kaisipan na may kaugnayan sa usaping
“ayuda”. Ang mga ideya at konseptong ito, maging ang pamamaraan kung paano ito
naging epektibo at kawili-wiling mailuluwal sa nagbabagong lipunan ay inaasahang
magiging makabuluhang instrumento upang makaimpluwensya sa pagbuo ng mga
hirayang may malalim na pagpapakahulugan at pagsipat, hindi lamang sa usapang
ayuda, kundi maging sa ibang mahahalagang isyu sa bansa.

106

Bakunang Moderna Tungo sa Kulturang Popular
Ni: Francine Claire S. Cinco

“Benefits always outweighs the risk.” - Bravo,2020

#MODERNA: Pagtangkilik ng mga tao
Mahigit isang taon nang binabalot ng pandemya ang Pilipinas maging ang buong

mundo. Lahat ng tao ay nababalot ng takot na kung saan ay pwede silang mahawaan na
maaaring kumitil sa kanilang buhay. Nababahala rin ang lahat dahil sa kawalan ng
hanapbuhay. “Wala na ngang mapagkukunan ng pera, matatamaan pa ng sakit na
nakamamatay.”, wika ng iilan. Sadyang maraming nagbago nang dumating ang
pandemyang ito, ngunit sa kabila ng paghihikahos ng nakararami, dumating na ang
tanging hangad ng lahat, ang bakuna kontra COVID-19.

Sa pagsapit ng taong 2021, nagsidatingan na ang bakuna na nilikha ng mga
eksperto sa iba’t-ibang panig ng mundo. Nagkaroon na ng saya at pag-asa ang mga
mamamayan nang nabalitaan ito. Ngunit, sa kabila ng kasiyahan ng iba ay nariyan naman
ang pangangamba ng ilan. Mga taong nangangamba na baka ang bakuna na ito ay
magdala pa lalo ng kapahamakan. Dahil sa mga kuro-kuro na nakikita o napapanood sa
social media na kapag ikaw ay nabakunahan, ikamamatay mo ito o magiging zombie na
katulad ng napapanood sa mga programa. Marami rin sa ibang mamamayan na namimili
ng pangalan ng bakuna sa kadahilanang kung ligtas ba iyon o hindi. Ang mga
pinagpipilian ay ang Sinovac, Astrazeneca, Pfizer at ang Moderna.

107

Ang bakunang Moderna ay pangalawa sa pinahintulutan para sa emerhensiyang
paggamit sa Estados Unidos. Nakatanggap din ito ng pahintulot mula sa Food and Drug
Administration (FDA) noong Disyembre 18, 2020. Isang linggo matapos na maaprubahan
ang Pfizer, ipinakita na ito ay ligtas at epektibo para sa mga nasa hustong gulang na higit
edad 18.

Sa panahon ngayon mas tinatangkilik ng karamihan ang bakunang Moderna sa
kadahilanang mas ligtas raw ito kaysa sa mga ibang bakuna, Hindi alintana ng ilan ang
tagal nang pagdating nito sa Pilipinas basta’t ang bakunang Moderna ang hangad nila
para sa kanilang kaligtasan. Masasabi ko rin na ang bakunang ito ay isa na sa kulturang
popular ngayon dahil nga sa hagupit ng pandemya. Hindi maiiwasan sa mga Pilipino ang
ganitong kaugalian na kinakailangan pa mamili ng pangalan na ibabakuna, sapagkat
danas na nila ang kahirapan na nakamtan nila noong taong 2020 lalo na sa mga tinamaan
ng sakit.

Ang Moderna ang isa sa tinatangkilik ng mga tao dahil ayon sa mga eksperto ay
wala pang naitatala na kapahamakan nito sa mga nabakunahan na at masasabi rin na
mahuhusay ang mga eksperto na nakagawa nito. Kung susuriin natin ang panahon
ngayon, tila ba’y magiging kultura na nating lahat ang magpabakuna sapagkat ito na rin
naman ang susing hinihintay ng lahat upang maiwasan ang nakamamatay na sakit.
Walang nakakaalam kung kailan o mapupuksa ba ang sakit na COVID-19, dahil tuloy
tuloy pa rin ang pagsakop nito sa buong mundo at may naitatala pa rin na bagong kaso
araw-araw dito sa bansang Pilipinas.

#MODERNA: Mabilisang pag-usad

Ayon sa CNN Philippines (2021), maitatala na ang unang batch ng bakunang
Moderna sa Hunyo 21, 2021. Dagdag pa ni Enrique Razon (2021) na naglalaman ang
bakuna nang 20 milyong doses na may kabuuang 10 milyong katao ang
mababakunahan. Sa pamamagItan nito ay tiyak na maraming Pilipino ang magnanais na
mabakunahan, ngunit batid pa rin natin na may iilan na ayaw o ‘di sumasang-ayon sa
pagpapabakuna. Dahil ang ilan ay may phobia sa karayom at ang ilan naman ay takot sa
maaaring maging epekto nito sa kanilang kalusugan. Batid ng ilan na kapag

108

nagpabakuna raw ay dun na tatablan ng sakit na COVID-19. sadyang hindi talaga natin
maiaalis ang naglalaro sa isipan ng mga tao.

Ang mga bakuna kontra COVID-19 kabilang na ang Moderna ay panlaban lamang
sa sakit at pagpapalakas ng immune system. Maaari pa ring matamaan ng sakit kahit
ang isang indibidwal ay nabakunahan na kaya kinakailangan pa rin ng pag-iingat at
pagsunod sa mga protocols. Makalipas lang ang ilang buwan simula nang magsimula
ang pagbabakuna, napapansin na ng gobyerno na marami nang lumalabag sa mga
safety protocols kesyo sila raw ay nabakunahan na. Kultura na talaga ng mga Pilipino
ang sumunod o gumaya sa kung anong nakikita nila kahit hindi nila batid kung tama ba
ito o hindi. Hindi rin naman masisisi ng mga gobyerno ang ganitong pangyayari dahil ito
na talaga ang kinagisnan ng nakararami.

#MODERNA: Pagkilala sa modernismong popular

Ang bakuna na Moderna para sa COVID-19 ay pinahintulutan ng FDA na gamitin
upang mapigilan ang COVID-19 sa mga indibidwal na nasa edad na 18 taong gulang at
mas matanda sa ilalim ng Awtorisasyon para sa Emerhensiyang Paggamit. Ang
bakunang Moderna para sa COVID-19 ay nagbibigay ng iniksyon para sa kalamnan. Ang
pagbabakuna rin na ito ay may serye ng 2 doses na ibibigay nang isang buwan ang
pagitan.

Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan (2020), panatilihin lamang na kumain ng
masusustansyang pagkain, mag-ehersisyo at uminom ng bitamina na magpapalakas ng
resistensya upang maiwasan ang sakit na COVID-19. Ngunit hindi ito naging sapat at
parami lamang nang parami ang mga kaso nito sa Pilipinas. Subalit, sinasabihan pa rin
ang publiko na kontrolado ang sitwasyon at walang kailangang ikatakot.

Ang katotohanan ay hindi tayo handa. Ang katotohanan ay hindi sapat ang ating
ginawa para mapigilan ang pagdagsa ng sakit na buong Pilipinas na ang nakakaranas.
Masakit mang isipin pero sa kasalukuyang panahon wala nang makakatakas. Ito ang
katotohanan na dapat nating intindihin. Dapat nating pag-aralan at dapat nating
seryosohin. Mga doktor, nars, at mga tauhang medikal, araw-araw ang sakripisyo para
lamang sa atin.

109

Ayon kay Dr. Nina Gloriani (2020), ang bakunang Moderna ay mas madali
umanong makakapagparami ng bakuna para maraming maligtas na tao. Ngunit paalala
ni Gloriani na bagama’t sinasabing bakuna lang ang makakapagpahinto ng pandemya,
hindi lahat ay mapoproteksyonan nito kaya mas mainam na mag-ingat pa rin. Dagdag pa
niya “Hindi lahat ng vaccine magbibigay ng 100 percent efficacy. Actually were looking at
70 to 80 percent lang dito sa ngayon… iba iba ang responses ng mga tao.” Samakatuwid,
kinakailangan pa rin na mag-ingat ng mga tao kahit sabihin na natin na sila’y
nabakunahan na.

Noong kasagsagan pa ng pandemya, bakuna ang nais ng lahat at nang nabalitaan
ng marami na ang iba’t-ibang bakuna na naimbento ng mga eksperto ay ilulunsad na sa
bansa, nais naman malaman ng nakararami kung ito’y ligtas ba at kung kailan ito darating.
Natutuliro na ang mga mamamayan sa usapin ukol sa bakuna. Hindi alam kung sino o
ano ang paniniwalaan. Lalong nadadagdagan ang kanilang pangamba na baka walang
makarating na bakuna o kung mayroon man, ligtas ba ito para sa kalusugan?

Ano ba ang totoo sa bakuna? Bakit maraming nagsasalita para rito? Hindi ba
maaaring may isang tao na lamang ang magsalita para maging malinaw ang lahat? Sa
nangyayari ngayon na maraming nagsasalita ukol sa mga bakuna kabilang ang Moderna,
nawawala tuloy ang tiwala ng mamamayan at nagdududa kung epektibo nga ba ang mga
bakunang nangalap ng Pilipinas. Sa panahon ngayon na kinakaharap pa rin ng
nakararami ang COVID-19, nagsipag datingan naman ang mga iba’t-ibang variant na
nanggaling sa iba’t-ibang panig ng mundo. Sa pamamagitan ng mga bagong variant na
ito, masasabi pa rin kaya ng mga eksperto na nakaimbento ng mga bakuna na kaya rin
ng mga bakunang ito ang mga bagong variant na pumasok sa Pilipinas? Marahil siguro
ay hindi pa ito nalalaman o nasusubukan. Dahil sa mga bagong variant na ito talagang
hindi na masisisi ng pamahalaan na ang ibang mga mamamayan ay mas lalong matakot.
Sa mga pangyayaring ito ay masasabi na isa na itong kulturang popular, pagdating sa
mga bakuna kasama na ang mga Moderna at ang sakit na hanggang ngayon ay
sinusuong pa rin ng nakararami. Batid ng lahat na may hangganan rin ito ngunit sa kabila
ng mga nangyayari ngayon ang karamihan ay pinanghihinaan ng loob. Sa pagkain ba ng
masusustansya at pag-eehersisyo, ligtas na ba tayo sa sakit? Pagbabakuna ba ng kahit

110

anong pangalan ng produkto, lalakas na ba ang ating resistensya at makakaiwas na sa
sakit? O tanging panalangin na lamang ang magiging sandata para maiwasan ang sakit?
Sobrang dami na nang pinagdaanan ng mga Pilipino hindi lamang ang hagupit ng
pandemyang ito. Dagdag pa rito, sa panahon ngayon ay wala pang kasiguraduhan kung
ligtas nga ba ang mga bakunang Astrazeneca, Sinovac, Pfizer, at Moderna sa mga
mamamayan. Hanggang sa kasalukuyan ang FDA at iba pang mga ahensya ng gobyerno
ay hindi pa natutukoy ang anumang bagong senyales ng kaligtasan na nagtaas ng mga
katarungan tungkol sa mga panganib at benepisyo ng mga bakuna sa COVID-19. Ang
isang senyales ng kaligtasan ay ang impormasyon mula sa isa o higit pang mga
mapagkukunan. Tulad ng mga programang pederal na pagsubaybay, iminumungkahi na
ang masamang pangyayari ay maaaring potensyal na nauugnay sa isang bakuna o
gamot at ang karagdagang pagsusuri sa pamamagitan ng karagdagang mga pag-aaral
o maingat na pagsubaybay ay maaaring kailanganin.

Walang makakapagsabi kung kailan nga ba masusugpo ang sakit na COVID-19
at ang iba pang mga bagong variant na sakit. Hindi rin maiiwasan na tumangkilik ng ibang
gamot dahil sa takot na hatid ng bakuna. Habang ang buong bansa ay nagtutulungan
upang mapabagal ang pagkalat ng sakit, ang ilang mga tao ay maaaring matuksong
bumili o gumamit ng mga kaduda-dudang produkto na nagsasabing nakakatulong sa
pagsusuri, paggamot, paglunas at pag-iwas sa COVID-19. Ang ibang mamamayan sa
takot na kung ano ang magiging hantong ng bakuna sa kanilang kalusugan ay mas pinili
nila ang mga produktong walang kasiguraduhan. Kung gayon ay inaksyonan agad ito ng
FDA. Ang FDA ay partikular na nababahala na ang mga tinatangkilik ng ibang
mamamayan ay peke at mapanlinlang na mga produkto. Sa usapin ng mga sangkap nito,
maaaring magkaroon ng reaksyon at posibleng makagambala sa mahahalagang gamot.

Kahit na may mga pagsisiyasat para sa bakuna laban sa COVID-19 at mga pag-
aaral sa pagsusuring medikal, ang mga produktong ito ay hindi pa ganap na subok para
sa kaligtasan o pagiging epektibo o nakakatanggap ng ganap na pag-apruba mula sa
FDA.

111

Ayon kay Anthony Fauci (2020), direktor ng National Institute of Allergy and
Infectious Diseases, ang paunang datos para sa mga bakuna na Moderna at
Pfizer patungkol sa pagiging epektibo nito ay mas mahusay kaysa sa inaasahan niya.

Naglabas din ng datos ang Moderna tungkol sa bilang ng mga pasyente na
nagkaroon ng matinding COVID-19. Mayroong 11 na mga kaso ng matinding
karamdaman, lahat sila ay nasa placebo group, isa pang punto ng panghihikayat para
kay Fauci.

Dagdag pa, sinabi ni Fauci na ang bakunang Moderna ay lilitaw na naging
proteksyon sa mahahalagang mga subset ng mga kalahok, ang mga matatanda, mga tao
mula sa mga pangkat ng lahi at etnikong minorya, at ang huli ay binubuo ng 37% ng
populasyon ng pagsubok sa Moderna.

Sa isang taon na lumipas narito pa rin tayo sa panahon ng pandemya. Maraming
nangyari sa loob ng isang taon, maraming pagbabago ang naganap, at maraming
naghihirap.

112

BL SERIES: Haraya ng Pananabik, Ligalig sa Likod ng Pagtangkilik
Ni: Vivien H. Celadeña

“For me, for everyone who—because of shame—lost
opportunities to love and be loved, this is a love story I wish the world
were kind enough to afford us when we were younger. And to those
younger than us, believe: this is a love story you deserve now.”

- Juan Miguel Severo

Ayon kina Barrie Gunter at Jill McAleer (2005), maraming mga mananaliksik ang
naghahayag ng mga gamit at kasiyahan na naibibigay ng midya. Daluyan ito ng iba’t
ibang mga kaalamang lunsaran ng pagkatuto. Nagsisilbi rin itong pampalipas oras o
pahinga ng isang indibidwal. Dagdag pa rito, isang paraan ang midya upang makatakas
sa realidad ng mundo. Iba’t iba man ang salik na nagtutulak sa bawat tao na tangkilikin
ang mga palabas na inihahandog ng midya, nagtatagpo naman ang pagkakaibang ito sa
dalawang susing salita — kagustuhan at pangangailangan. Sinabi ni Wilbur Schramm
(1961) na karamihan sa mga kabataan ay natutuwang manood ng telebisyon. Ito ay sa
kadahilanang ang panonood ay nakapagdudulot ng aliw at nakatutulong na maibsan ang
pangambang hatid ng iba’t ibang mga suliranin. Samantala, ang panonood para sa ibang
kabataan ay mayroong kaakibat na kalituhan partikular sa paghihiwalay ng realidad sa
pinapanood.

Sa ika-21 siglo na lipunan, bahagi na ng kultura ng tao ang paggamit ng iba’t ibang
uri ng midya sa araw-araw na bahagdan ng buhay. Lantad ang pagtangkilik ng masa
mula sa iba't ibang babasahing pampahayagan, mga pinakikinggang musika at programa
sa radyo, ang talamak na panonood ng telebisyon, hanggang sa patuloy na sumisikat at

113

interaktibong Internet. Subalit tulad ng ibang usapin ay mayroong nangunguna o
bumibida sa mga uri ng midya sa isang tiyak na panahon. Sa panahon ngayon ng
pandemya kung saan uso ang pananatili ng mga Pilipino sa kabahayan dulot ng
malawakang lockdown na ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang tugon sa
pagsiklab ng 2019 novel coronavirus o COVID-19, naging patok sa panlasa ng mga Pinoy
ang palabas na Boys’ Love o BL serye na nagtatampok ng makulay na kuwento ng mga
binatang nag-iibigan. Bagama’t mayroon nang mga tumatangkilik noon pa man sa mga
BL serye, higit na naging matunog ang BL sa maraming Pilipino mula nang ipinalabas sa
YouTube ang 2gether the Series ng Thailand noong Pebrero 2020 na pinagbibidahan
nina Vachirawit Chivaaree at Metawin Opas-Iamkajorn.

Hindi maipagkakailang marami ang nahumaling sa BL serye ng Thailand na
naging daan upang yakapin ang kuwentong naghahatid ng kilig at pumupukaw sa
pantasya ng mga manonood. Nakasaad sa pananaliksik ni Ma. Rita R. Aranda (2014) na
ang mga palabas o seryeng pantelebisyon ay isang mahalagang uri ng libangan. Subalit,
hindi dito nagtatapos ang usapan sapagkat binigyang diin din sa kanyang pananaliksik
ang malaking impluwensiya ng libangan na ito sa lahat ng tao. Kaugnay nito, isang
perspektibo pa lamang ang aliw at kilig na naidudulot ng panonood ng BL serye. Mayroon
pang mas malawak at malalim na mga ideolohiya na kinakailangan ng masusing
pagsusuri upang lubusang maunawaan ang impluwensiya ng BL sa lipunan. Kung kaya,
makabuluhang sipatin ang pagiging popular ng BL serye gamit ang lente ng pananabik
ng mga tagapagtangkilik nito na magsisilbing tuntungan sa pagdalumat sa ligalig na nasa
likod ng patok na pagtangkilik ng masa.

TV Producers at Creators: Ang Pagsisikap sa Ngalan ng Kapital
Nagmula sa Japan at kilala sa tawag na 'yaoi', ang BL ay isang homoerotic fiction

na binuo, tinatangkilik, at kinahihiligan ng mga kababaihan. Bagama’t mayroong iilan
mula sa LGBT Community na tumatangkilik sa BL serye, kababaihan ang pangunahing
target audience ng nasabing mga palabas. Umiikot ang kuwento ng pag-ibig sa dalawang
lalaki kung saan ang isa ay maituturing na masculine ("uke") samantalang ang isa naman
ay feminine ("seme"). Mula sa anyong nobela, nailipat at nailapat ang kwento nito sa

114

anyong mapapanood at mapapakinggan ang mga linyang binibitawan ng mga karakter
maging ang mga tagpong kinasasabikan ng mga tagapagtangkilik ng BL.

Sa mga nakalipas na taon, lantad ang BL fiction sa Asya dahil sa mga Taiwanese
lalo na sa mga Thai studios na matagumpay na nakabuo ng adaptasyon ng mga BL
novels patungong seryeng pantelebisyon. llan sa mga BL serye na sinubaybayan ng mga
nahihilig sa kwento ng Boys Love ay ang SOTUS, Dark Blue Kiss, Theory of Love,
Accidental Love (a.k.a. Love By Chance), TharnType, at 2gether. Namayagpag sa Thai
entertainment ang mga naratibo hinggil sa pag-iibigan ng dalawang lalaki nang
maipalabas ang BL serye noong 2014 na pinamagatang 'Love Sick'. Ang seryeng ito ang
pumukaw sa interes ng mga producers, kabilang na ang mga major channels, at nagbigay
ng oportunidad sa ibang mga kompanya na paigtingin ang BL sa merkado.

Isa ang GMMTV, subsidiary ng pinakamalaking entertainment conglomerate ng
Thailand na kilala bilang GMM Grammy at producer ng sikat na BL seryeng 2gether, sa
mga maituturing na pabrika ng BL. Nagsisilbing sandata ng mga kompanyang tulad ng
GMMTV ang mga aktor na gumaganap sa BL dahil ang chemistry ng mga BL ships o
mas kilala sa Pilipinas bilang love teams ay isang makapangyarihang bala upang
tumagos sila sa puso at isipan ng mga manonood. Sa ganitong paraan, nagiging lunsaran
ang mga tambalan ng aktor bilang estratehiya sa paghakot ng mga taong tatangkilik sa
serye, magpapalaganap sa merkado, at magpapalago ng market consumption.

Sa papel na pinamagatang “The Yaoi Phenomenon in Thailand and Fan/Industry
Interaction'', ipinaalala ni Natthanai Prasannam na ang BL, katulad ng ibang genre, ay
isang marketing tool kung saan hindi lamang ito nilikha upang maghatid ng kuwento sa
iba kundi binuo rin ito upang magbenta ng produkto, partikular ang palabas at ang mga
aktor na bibida rito. Isang kaparaanan ng mga malalaking kompanya ang BL genre upang
mapapanood ang mga tao, mapabili ng mga librong naglalaman ng nobela nito, at
makadalo sa mga fan meets. Ika nga, ang BL ay isang money-making industry. Kung
gayon, wala itong pinagkaiba sa ibang TV networks na lumilikha at nagbebenta ng mga
hetero love stories at love teams. Samakatuwid, malaking impluwensiya ang kita o kapital
sa patuloy na pagsisikap ng mga propesyonal na makalikha ng mga palabas at makabuo
ng mga love teams na kaluluguran ng mga manonood. Subalit ito nga ba ang
pangunahing dapat pagtuunan ng pansin? Ang pagiging popular ba ng Thai BL na

115

nagkakaloob ng malaking kita sa mga TV producers at creators ay isang garantiya na
makikinabang ang LGBTQ community rito o ginamit lamang ang kuwento nila bilang
daluyan ng aliw at kapital?

Bilang karagdagan, pinapahalagahan at isinasaalang-alang ng mga producers at
creators ang kagustuhan at pangangailangan ng kanilang target audience dahil kung
hindi ito pasok sa panlasa nila ay tiyak na hindi mananatili ang pagtangkilik nila rito. Kung
kaya, pinapanatiling magaan at katawa-tawa ang mga eksena dahil ito ang binabalik-
balikan ng mga manonood ng BL — ang pananabik na dala ng mga lalaking
nagkakamabutihan. Kung mayroon mang mabigat na kuwento, gaya ng pangyayari kung
saan sangkot ang isang marahas na nakaraan, ay kaakibat pa rin nito ang komedya. Ito
ang pagkakaiba ng Thai BL sa iba pang mga kuwento tungkol sa pag-iibigan ng dalawang
lalaki: ang pag-iwas sa o hindi kaya’y pagwawasto ng trahedya.

Tulad ng pagiging popular ng K-Pop sa buong mundo, dumarami rin ang mga fans
ng Thai Boys Love mula sa iba't ibang bansa. Nangangahulugan ito na nagsilbing
pagkakataon ito upang matagumpay na pasukin ng Thai BL ang ibang merkado: South
America, Europe, ang Kanluraning bahagi ng mundo. Ekonomista man o hindi, malinaw
na malaki ang kinikita ng mga producers, creators, at ng mga aktor ng BL. Kung iisipin,
ano man ang dulot o impluwensiya ng BL serye sa mga manonood, kikita pa rin ang tao
sa likod ng BL lalo na kung patuloy ang pagiging popular nito. Gayunpaman, mahalagang
bigyang pansin na isang produkto ang BL — produktong malaki ang potensyal at
produktong nagluluwal ng mahahalagang aral.

Malaki ang gampanin ng mga producers at creators sa pagpapalitaw ng potensyal
ng BL na maikintal sa mga manonood ang mga gintong aral. Bukod sa kapital, dapat
silang magsumikap na makalikha ng inklusibong serye na tatalakay sa mga isyung
panlipunan. Ang mga kuwentong hatid ng BL ay mainam na hindi lamang pang-aliw sa
mga manonood bagkus ay nakapagpapahayag ng representasyon kung saan ipinapakita
ang kuwento ng buhay ng mga taong hindi nabibigyan ng kaukulang pansin. Sa ganitong
paraan, nagiging boses ang BL upang magawa ng mga manonood na magmasid,
maghatid, at magpabatid — magmasid upang mapagtanto ang realidad sa hyperrealidad,
maghatid ng kaalamang napulot mula sa BL, at magpabatid sa ibang salat sa kamalayan
hinggil sa labang patuloy na ikinakaharap ng mga kabilang sa LGBT Community. Ayon

116

kay Mizoguchi (2008), hindi dapat kasangkapanin ang BL serye upang makatakas sa
realidad bagkus ay dapat itong makatulong sa pagtanggap ng katotohanang ang tao ang
magtatakda ng kaniyang pipiliing kasarian.

Consumers: Mga Salik sa Likod ng Pananabik
Ayon sa isang Propesor ng Kulturang Popular sa University of the Philippines

Diliman na si Propesor Michael Andrada, ang BL ay nilikha para sa kasiyahan ng mga
babaeng nananabik sa minimithi nilang pigura ng lalaki. Maraming mga psycho-social
studies na nagsasabi na ito ay nilikha noon ng mga babae dahil naghahanap sila ng ideal
version ng mga lalaki. Dulot ng patriyarkal na lipunan kung saan dominante at agresibo
ang mga kalalakihan, lumilikha ang mga babae ng pantasya na bromance o romantic
love sa pagitan ng dalawang lalaki upang maramdaman ang pagiging mapagmahal,
mapagkandili, at mahinahon ng mga lalaki na hindi nila nararanasan sa totoong buhay.

Ang lantad na pagtaas ng views ng BL serye sa iba't ibang online streaming
platforms ay isang patunay na naabot na nito ang mainstream status. Kung kaya, hindi
kataka-taka na mabansagan ang BL genre bilang "fandemic", isang terminong
nagpapahiwatig ng pagiging popular ng BL sa global na mundo sa kabila ng pandemyang
danas.

Iba't iba ang salik sa likod ng pananabik ng mga tagapatangkilik. Una, kilig factor
dulot ng magandang mukha ng mga straight na aktor. Kinatha ang mga lalaking tauhan
upang sumalok sa lawa ng pagnanasa ng mga heteroseksuwal na kababaihan. Hindi sila
basta-basta mga lalaki lamang. Laging makisig, matipuno, makikinis, at mapupusyaw ang
kutis—mga lalaking may taglay na mataas na kapital ng kagandahan (Bengan, 2020).
Hindi ang kasariwaan ng kuwento ang hinahabol ng manonood kundi ang paano kung
saan sa pamamagitan ng ilang mga panuntunan ay danas nila ang kilig o ang pagkasabik
sa harap ng pag-iibigan. Bukod sa magagaan at hindi masyadong kumplikado ang mga
kuwento ng Thai BL, palaging nakapaloob sa mga palabas ang lambingang kagyat, ang
paghahangad sa diwa at giliw ng kapwa. Nagkakatalo lamang sa kung paano ito
naibabahagi sa mga manonood sa iba’t ibang malikhain at mabisang paraan. Dulot ng
pagpapantasya ng mga kababaihan, nalilimitahan ang perspektibong pinapakita at
naisasantabi ang mas mahalagang usapin tulad ng karapatan ng LGBTQ Community na

117

patuloy na nasasagka ang paghihirap na aminin sa sarili ang tunay na pagkatao, at ang
pagtingin ng lipunan sa kanila. Sa halip ay nakatuon na lamang ang interes ng mga
manonood sa visually pleasing na mga aktor na dapat sana ay napagtatanto nila ang mas
malaking larawan sa likod ng mga nakakaalarmang isyu na bahagi ng realidad. Ikalawa,
ang cliche na takbo ng istorya. Pareho sa ibang kilalang Thai BL serye, ang 2gether:The
Series ay nakasentro sa mga mag-aaral sa kolehiyo na nabubuhay sa hindi
makatotohanang storylines. Ang pagiging cliche nito ang isang elemento kung bakit
tinatangkilik ito ng nakararami. Bilang karagdagan, ang paghahangad ng mga babae ng
isang matipunong lalaki na mayroong magandang kinabukasan o matatawag na
dependable ay isang pamantayan na tumutugon sa kanilang pantasya at
pangangailangan. Samakatuwid, sinasalamin ng mga karakter sa BL ang mga
pagnanasa ng kababaihan. Ikatlo, accessibility ng mga online streaming platforms.
Madaling mapanood ang BL serye lalo na't matutunghayan din ito nang libre sa iba't ibang
video-sharing sites na mayroon ng subtitles. Subalit, ngayon lamang lumakas ang online
na atensyon ng mga Pilipino sa BL na palabas. Ilan sa mga indikasyon ng pagiging
popular ng BL sa Pilipinas ay ang pagiging certified hits ng mga BL soundtracks sa bansa,
paggawa ng cover songs sa wikang Ingles at Filipino, at ang pagsuporta sa mga online
pages at fan clubs para sa Thai BL serye. Ikaapat at panghuli, iba't ibang kuwentong
swak sa target audience. Ang iba't ibang anggulo at personalidad ng BL na nagdudulot
ng iba't iba ring kuwento ang isa ring dahilan kung bakit patok ito sa mga manonood.
Bukod sa "heart-fluttering experience" na handog ng BL, benta rin sa mga straights ang
nabibigay nitong imahe kung ano ang mga aktuwal na karanasan ng LGBTQ Community
na hindi nila kailan man naranasan. Gayon pa man, walang BL serye na sasaklaw sa
lahat ng danas ng kabilang sa LGBTQ Community lalo na't mayroong iba't ibang
katangian at kaligiran ang bawat indibidwal.

Naniniwala si Adolfo Alix Jr., direktor ng BL serye na pinamagatang
“Happenstance” na hindi lamang flash in the pan ang BL serye bagkus ay isa itong
ongoing evolution katulad ng pagkakadiskubre sa Mexican telenovela at K-drama. Ayon
kay Rolando Tolentino, may shelf life ang anumang artifact ng kulturang popular. Walang
katiyakan kung kalaunan ay magsasawa rin ang mga manonood ng BL o magpapatuloy
sila sa pagtangkilik nito sa mga susunod na taon. Subalit ang mas mahalagang

118

katanungan ay kung magpapatuloy ang pagiging patok ng BL, magkakaroon na ba ng
malinaw na pag-unawa ang mga tao sa tunay na danas ng LGBTQ Community at
matatamo na ba nila ang ganap na kalayaan laban sa diskriminasyon at panghuhusga?

Content: Mga Pitik at Tinik sa BL Series
Iisang arko lamang ang tinatalunton ng karamihan sa mga Thai BL — pagkatuklas

ng pag-ibig tungong pagsisimula ng pagiging magkasintahan. Gayunpaman, ang patuloy
na paglago ng BL ay may kaakibat na pitik at tinik sa mga tagapagtangkilik. Ang pitik rito
ay bukod sa pagtatamasa ng kilig at pantasya, mahalagang maiparamdam ang malasakit
sa mga karakter sa BL upang maging madali ang paglalapat nito sa tunay na mga
karakter sa lipunan.

Ang pitik rito ay ang panawagan sa pagtataguyod ng isang mabisang paraan
upang magkaroon ng positibong interes ang mga tao sa LGBT community. Kahit gaano
pa kapatok ang BL serye, mawawalan ito ng katuturan kung hindi mauunawan ng
dumaraming bilang ng tagapagtangkilik ng BL ang kultura at kontekstong sinasalamin
nito. Ang malaking hamon upang mapagtagumpayan ito ay ang paggamit ng isang
natatanging dulog na bunga ng pagkatuto mula sa mga Asian BL nang hindi nalilimot ang
mayamang kasaysayan ng LGBT na angkop sa kultura at merkado sa Piipinas. Sa
ganitong paraan, kasabay ng paglago ng BL ay ang pagkakatatag ng lokalisado at
makataong mga palabas na magsisilbing tuntungan ng pagkatutong sandigan ang tunay
na karanasan at pagkakakilanlang Pilipino.

Sa kabilang banda, wala namang perpekto talaga. Isang tinik sa BL serye ang
hindi makatotohanang manipestasyon ng karanasan ng mga karakter na nagiging balakid
sa malinaw na pagtanaw sa buhay ng mga LGBTQ na indibidwal. Isa pang tinik ay ang
pagkakaiba ng konteksto kung saan magkaiba ang kulturang kinagisnan ng Thai LGBT
sa kulturang kinagawian ng Filipino LGBT. Kung kaya, isang maling interpretasyon
lamang na malaking kapahamakan sa representasyon ng LGBT community sa lokal na
entertainment. Naging hamon din sa Thai BL industry ay ang pagkakaroon ng sexually
explicit na mga eksena na hindi na angkop para mga audience nito lalo na at kabilang
ang mga teenagers dito. Panghuli, ang mga karakter sa BL ay patuloy na nakakahon sa
limitasyon at stereotypes. Ang pagkakahati ng mga karakter sa masculine at feminine ay

119

isang porma ng diskriminasyon na nakitaan ni Thomas bilang isang nakakaalarmang
usapin. Kung ang mga tinik na ito ay mananatiling tinik, matatagalan ang pagsulong na
inaasahan ng LGBT community at mananatiling sugatan ang kanilang diwa sa patuloy na
pagkabigo sa hinahangad na pagtanggap sa kanila ng lipunan.

Mayroong mahalagang dahilan kung bakit umiral ang BL serye at hindi nakukulong
ang kadahilanang ito sa konsepto ng fan service o bilang libangan lamang. Isa itong
progresibong genre na kumakatawan sa naaaping pangkat ng mga tao at sinusubukang
magapi ang status quo sa patriyarkal na lipunan. Kaugnay nito, mayroon itong
mahalagang gampanin sa paghubog ng kamalayan ng tao at kung paano niya tinitingnan
at hinuhugis ang mundo. Ang inilalaang oras sa panonood ng BL, anumang motibo ng
indibidwal, ay nagdudulot ng positibo at negatibong epekto sa pag-iisip at pag-uugali ng
manonood. Samakatuwid, malaki ang impluwensiya ng BL sa pagbabago ng pananaw at
pag-uugali ng mga tagapagtangkilik nito. Lampas sa usapin ng libangan at mga
karanasan ng LGBT, ang tunay na laban ay nasa sarili, nasa lipunang ginagalawan.

Para kay Soledad Reyes, ang mga palabas o programa sa telebisyon na
nakaugnay sa karaniwang tao at iba pang teksto ay isang paraan ng paglikha ng
kahulugan. Samakatuwid, ang BL serye ay lunsaran ng pagbuo ng kahulugan mula sa
mga kuwentong handog nito. Ayon kay Marshall MacLuhan (1964), ang paraan ng
pagbibigay ng mensahe, o ang midyum, ang siyang mismong mensahe na rin. Gamit ang
malawak na komposisyon ng midya partikular ang telebisyon at ang makabagong
internet, mahihinuha ang mga mensaheng nais iparating ng popular na midya sa tao, o
ang motibo sa likod ng midya, maging ang epekto ng mga mensaheng hayag o nakakubli
sa mga tagapagtangkilik.

Bilang konklusyon, mahalagang hindi magtapos sa pagtangkilik ang lahat dahil
esensiyal ang pagsipat upang matamong kaalaman ay sapat. Sa pagsipat din
matatagpuan ang talab ng ugnayan ng serye, proseso ng paglikha, kamalayan, at
ideolohiyang sinasalamin nito. Sa paraang ito, napahahalagahan ang likhang serye at
napapalakas ang alab ng karunungan na sadyang kapaki-pakinabang na paraan. Hindi
lamang para sa libangan at aliw ang BL. Hindi rin ito isang behikulo lamang upang
makatakas sa malalagim na katotohanan ng buhay. Isa itong mabisang instrumento

120

upang kritikal na matanaw ang mga ideolohiyang magiging daan sa malalim at malawak
na pagpapahalaga sa BL bilang isang kulturang popular.

121

Face Mask at Face Shield: Proteksyon sa Banta ng Pandemyang Globalisasyon
MGA SANGGUNIAN:
Rulona, Ressie, “Ang Saysay ng Wika at Panitikang Filipino sa Edukasyon at Globalisasyon”,
Academia Edu., Web. 20 June, 2021.
Sanchez, Louie Jon. “Ilang Eksplorasyon sa Pag-aaral ng Kulturang Popular sa Filipinas.”, Web.
20 June, 2021.
Abapo, Archie. “Panitikan ng Pilipinas 17: Panitikan at Kulturang Popular.”, Scribd., 07 February,
2013., Web, 20 June, 2021.
“Panitikan sa Pilipinas.”, Wikiwand., Web. 20 June, 2021.
“Panatilihin at Pagyamanin ang Wikang Filipino at Panitikan sa Kolehiyo.”, UP Date Diliman,. 10
December, 2018., Web. 19 June, 2021.
Lumbera, Bienvenido., “Ang Wikang Filipino at ang Banta ng Globalisasyon.”, Web. 20 June,
2021

122

#DALGONA COFFEE: Pagpapalasang Matamis sa Mapait na Kasalukuyan
MGA SANGGUNIAN:
Abalos, R. B. (n.d.). Kape dito, Kape doon, Kape tayo Maghapon! academia.edu.
Affairs, G. M. A. N. and P. (2016, October 28). Industriya ng kape sa Pilipinas, tatalakayin sa 'Reel
Time'. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/news/.
Devilles, G. C. (2015). Introduksiyon: Kritikal na Espasyo ng Kulturang Popular Gary C. Devilles. In
Kritikal na Espasyo ng Kulturang Popular. essay.
Haasch, P. (2020, April 4). Dalgona coffee, the whipped drink that's everywhere on TikTok, has become
the perfect quarantine caffeine fix. Insider. https://www.insider.com/dalgona-coffee-whipped-how-
to-make-tiktok-instagram-2020-4.
Kirkwood, K. (2020, April 23). What is Dalgona coffee? The whipped coffee trend taking over the internet
during coronavirus isolation. The Conversation. https://theconversation.com/what-is-dalgona-
coffee-the-whipped-coffee-trend-taking-over-the-internet-during-coronavirus-isolation-137068.
KoreaTravelPost Editor. (2020, April 20). Dalgona Coffee: The Story Behind the Latest Social Media
Craze and Internet’s New Favorite Drink! [web log]. https://www.koreatravelpost.com/the-story-
of-dalgona-coffee/.
Perez, R. (n.d.). Lagay ng Kape sa Kulturang Popular [web log]. https://kapebarako.wordpress.com/.
Tolentino, R. B. (n.d.). Kulturang Popular at Pakiwaring Gitnang Uri . Academia.edu.

123

ASTRAZENECA: Ang Bakuna sa Pagtalunton ng Ideolohiya at Atrasadong Tiwala ng
Masa sa Larangan ng Medisina

MGA SANGGUNIAN::
RESULTA NG IMBESTIGASYON NG PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL – DENGUE
INVESTIGATIVE TASK FORCE (PGH – DTIF): Department of Health website. (n.d.). Retrieved
from https://doh.gov.ph/node/12849
Impormasyon Patungkol sa Dengue Vaccine o Dengvaxia: DOH. (2018, January 11). Retrieved
from https://governmentph.com/impormasyon-patungkol-sa-dengue-vaccine-dengvaxia/
ABS-CBN News. (2018, June 19). 'Dengvaxia, nakasasama sa mga nabakunahang di pa
nagkaka-dengue'. Retrieved from https://news.abs-cbn.com/news/06/19/18/dengvaxia-
nakasasama-sa-mga-nabakunahang-di-pa-nagkaka-dengue
Dengvaxia vaccine, may posibleng masamang epekto sa mga nabakunahan bago pa magkaroon
ng dengue ayon sa manufacturer nito. (2017, December 01). Retrieved from
https://www.radyolaverdad.com/dengvaxia-vaccine-may-posibleng-masamang-epekto-sa-mga-
nabakunahan-bago-pa-magkaroon-ng-dengue-ayon-sa-manufacturer-nito/
Claudio, S. E. (2017, December 18). [OPINYON] Hinggil sa Dengvaxia. Retrieved from
https://www.rappler.com/voices/thought-leaders/hinggil-sa-dengvaxia-dengue-vaccine
Catarong, B. (2021, February 17). Vaccination program ng Pilipinas, tuloy parin sa kabila ng hindi
pagtanggap ng order ng AstraZeneca. Retrieved from https://www.dzar1026.ph/vaccination-
program-ng-pilipinas-tuloy-parin-sa-kabila-ng-hindi-pagtanggap-ng-order-ng-astrazeneca/
Impormasyon tungkol sa Bakunang AstraZeneca laban sa Covid-19 [PDF]. (n.d.).

https://www.health.gov.au/sites/default/files/documents/2021/03/covid-19-vaccination-
impormasyon-tungkol-sa-bakunang-astrazeneca-laban-sa-covid-19-information-on-covid-19-

astrazeneca-vaccine.pdf

124

#NCRBubble: Mga Tago at Lantad na Danas sa Gitna ng Pandemya
MGA SANGGUNIAN::

WHO. (2021). https://www.who.int/health-topics/coronavirus#tab=tab_1

WORLDOMETERS. (2021). https://www.worldometers.info/coronavirus/#countries

Rev. Fr. Nicanor Pier Giorgio Austriaco. (2020, September 18). ECQ, MECQ, GCQ, Or MGCQ:
Understanding what the letters mean. Retrieved June 23, 2021, from
https://mb.com.ph/2020/09/18/ecq-mecq-gcq-or-mgcq-understanding-what-the-letters-mean/

Cristina Eloisa Baclig, G. (2021, April 03). LIST: Active COVID-19 cases inside THE 'NCR PLUS'
BUBBLE. Retrieved June 23, 2021, from https://newsinfo.inquirer.net/1414228/embargo-list-
active-covid-19-cases-for-lgus-inside-the-ecq-bubble

Ranada, P., & Tomacruz, S. (2021, March 23). Stricter GCQ, 'NCR PLUS' bubble explained.
Retrieved June 23, 2021, from https://www.rappler.com/newsbreak/explainers/stricter-gcq-metro-
manila-ncr-plus-bubble

EXPLAINER: What you need to know about the ncr Plus bubble. (n.d.). Retrieved June 23, 2021,

from https://cnnphilippines.com/news/2021/3/22/Explainer-GCQ-bubble-NCR-

plus.html?fbclid=IwAR0kJSSwj8ESRoLjqSaMtrmDI1_PbMhtaWl0Njq3bZhZgKJPvSRXcbGLjDc

#:~:text=Metro%20Manila%2C%20Bulacan%2C%20Cavite%2C%20Laguna%2C%20and%20Ri

zal%20%E2%80%94,essential%20travel%20into%20and%20out%20of%20these%20areas.Cro

ssman, Ashley. (2021, February 16). The Sociology of Social Inequality. Retrieved from

https://www.thoughtco.com/sociology-of-social-inequality-3026287

N., PAM M.S., "SOCIAL DISCRIMINATION," IN PSYCHOLOGYDICTIONARY.ORG, APRIL 13,
2013, HTTPS://PSYCHOLOGYDICTIONARY.ORG/SOCIAL-DISCRIMINATION/ (ACCESSED
JUNE 22, 2021).

C.A. (2021, March 22). The internet is laughing At "NCR Plus," a New pandemic Term. Retrieved
June 23, 2021, from https://udou.ph/lifestyle/the-internet-is-laughing-at-ncr-plus-governments-
latest-pandemic-term/

Bolledo, J. (2021, April 01). 'Lugaw' not ESSENTIAL? Law Enforcers confused ABOUT ECQ rules
on food deliveries. Retrieved June 23, 2021, from https://www.rappler.com/nation/law-enforcers-
confused-about-ecq-rules-food-deliveries

125

Gozum, I. (2021, March 22). 'NCR Plus': FILIPINOS poke fun at CONFUSING LOCKDOWN
LABEL. Retrieved June 23, 2021, from https://www.rappler.com/nation/netizens-reaction-
lockdown-metro-manila-nearby-provinces-ncr-plus
Jr., N. (2021, April 17). [ANALYSIS] grading the national government's response to the 2nd wave
of covid-19. Retrieved June 23, 2021, from https://www.rappler.com/voices/thought-
leaders/analysis-grading-national-government-response-second-wave-covid-19

126

#Ayuda: Hantad na Kakulangan ng Gobyerno; Patok na Bayanihan ng Sambayanang
Pilipino

MGA SANGGUNIAN:
Abad, Michelle. “What Went Wrong in 2020 COVID-19 ‘Ayuda,’ Lessons Learned for 2021.”
Rappler. Rappler, 8 Abr. 2021. Web. Hunyo 2021.
Aldama, Prince Kennex R. “[OPINION] What Do Community Pantries Tell about the Kind of State
We Have?” Rappler. Rappler, 22 Abr. 2021. Web. Hunyo 2021.
“#ayudaKampanya”. 23 Mayo 2021. Crazy Jhenny. Web. Hunyo 2021.
Garcia, Cara Emmeline. “IN PHOTOS: Celebrities Who Participated in Community Pantries |
GMA Entertainment.” GMA Network | News and Entertainment. GMA Network, 22 Abr. 2021.
Web. Hunyo 2021.
“’Di Ko Sure Kung Gets”. 01 Abr. 2021. Inquirer.net. Web. Hunyo 2021.
“LIST: Community Pantries Where You Can Donate Goods, Basic Necessities.” Rappler. Rappler,
17 Abr. 2021. Web. Hunyo 2021.
Magallanes, Jet Paul. “Mahirap Maging Mahirap.” 18 Enero, 2021. JetLix Arts. Web. Hunyo 2021.
“Ombudsman Suspends 89 Barangay Chiefs over Alleged Emergency Subsidy Anomalies.”
Rappler. Rappler, 12 Set. 2020. Web. Hunyo 2021.
“RA 11494 Bayanihan to Recover As One Act.” Securities and Exchange Commission. N.p., 14
Set. 2020. Web. Hunyo 2021.
Rey, Aika. “Cash Aid for 18 Million Poor Families in Limbo as Gov’t Works on Database.” Rappler.
Rappler, n.d. Web. Hunyo 2021.
Suazo, Juli. “What the Community Pantry Movement Means for Filipinos.” cnnphilippines. CNN
Philippines, 19 Abr. 2021. Web. Hunyo 2021.
Talabong, Rambo. “Duterte Chaos Leaves Barangay Officials ‘helpless’ amid Lockdown.”
Rappler. Rappler, 9 Abr. 2020. Web. Hunyo 2021.
Vera, Ben O. “4.5 Million Filipinos Jobless in 2020; Highest in 15 Years | Inquirer News.”
INQUIRER.net. Inquirer.net, n.d. Web. Hunyo 2021.

127

Bakunang Moderna Tungo sa Kulturang Popular
MGA SANGGUNIAN::
Philippine Red Cross to administer Moderna COVID-19 vaccine, 2021
https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/787895/philippine-red-cross-to-administer-
moderna-covid-19-vaccine-to-members-donors/story/
Sabillo, K (2021) Pag-develop ng mga bakuna vs COVID-19 mabilis ang pag-usad
https://news.abs-cbn.com/news/07/23/20/pag-develop-ng-mga-bakuna-vs-covid-19-mabilis-ang-
pag-usad
Bakuna sa COVID-19 Mula sa FDA, 2021
https://www.fda.gov/consumers/consumer-updates/matuto-ng-higit-pa-tungkol-sa-bakuna-sa-
covid-19-mula-sa-fda
Food and Drug Administration, 2021 Bakuna at Paggamot para sa Coronavirus
https://www.fda.gov/consumers/consumer-updates/mag-ingat-sa-mga-pekeng-pagsusuri-
bakuna-paggamot-para-sa-coronavirus
McCarthy, J 2021 The Philippines Faces Challenge In Stocking Enough COVID-19 Vaccines
https://www.npr.org/2021/01/03/952969746/the-phillipines-faces-challenge-in-stocking-enough-
covid-19-vaccines
Herper, M – Branswell, H 2020 Moderna’s Covid-19 vaccine is strongly effective, early look at
data show
https://www.statnews.com/2020/11/16/modernas-covid-19-vaccine-is-strongly-effective-early-
look-at-data-show/

128

BL SERIES: Haraya ng Pananabik, Ligalig sa Likod ng Pagtangkilik

MGA SANGGUNIAN:

Antonio, Josiah. "More than Kilig: BL Genre Needs to Develop Further to Address Bigger LGBT
Issues." ABS-CBN News. 24 Feb. 2021. Web.

Beltran, Michael. "On Screen, Normalizing Queer Love in the Philippines." The Diplomat. 27 July
2020. Web.
Bengan, John. "Isang Haraya Ng Lambing: Ang Pagsikat Ng Boys’ Love Sa Pilipinas Sa Panahon
Ng Pandemyang COVID-19." 2020. Web.

"BL Series at Ang Gay Narrative Sa Pilipinas." Cinetactic. 11 Sept. 2020. Web.

Carreon, Allan. "What Are Thai 'BL' Series and Why Are They Suddenly Exploding in Popularity
in the Philippines?" Esquire. 27 Apr. 2020. Web.

Garchitorena, Aj. "Pagsusuri Ng Popular Na Midya Gamit Ang Ilang Perspektibo at Teorya Sa
Araling Pilipino." Academia. Web.
Gines, Andrei. "Boys’ Love in the Philippines: An Evolving Phenomenon." UPLB Perspective. 4
Dec. 2020. Web.
Koaysomboon, Top. "Everything You Need to Know about Thailand’s Thriving Boys Love
Culture." TimeOut. 11 June 2020. Web.

Koaysomboon, Top. "LINE TV Reveals 5 Most Watched Boys Love Series in the First Quarter of
2020." TimeOut. 11 June 2020. Web.
Lim, Michael Kho. "Mapping the Boys’ Love ‘Fandemic’." Daily Tribune. 1 June 2020. Web.

Mampusti, Em. "What's The Trending BL Series All About?" Clozette. 23 June 2020. Web.

Mapa, Kathleen, and Felisa Marbella. "Impluwensiya Ng Midya Sa Pag-aaral Ng Wika."
Academia. 2019. Web.

129

Requintina, Robert. "BL Series Here to Stay, Says Filipino Director." Manila Bulletin. 6 Nov. 2020.
Web.
Smith, Chuck. "Why Philippine TV Doesn’t Have ‘Boys' Love’ Shows like ‘2gether: The Series’."
CNN Philippines. 18 Apr. 2020. Web.
Velasquez, Neve Nineveeh, Yreah Nicole Tabong, and Louise Nicole Perez. "IMPLUWENSYA
NG PANONOOD NG MGA TELESERYE SA MGA INDIBIDWAL." Academia. 2016. Web.
Watson, Joey, and Kim Jirik. "Boys' Love: The Unstoppable Rise of Same-sex Soapies in
Thailand." ABC News. 16 June 2018. Web.
Zsila, Agnes, and Zsolt Demetrovics. "The Boys’ Love Phenomenon: A Literature Review."
Journal of Popular Romance Studies. 12 Apr. 2017. Web.

130

131

#ABS-CBN SHUTDOWN: Pagsusuri sa mga Pahiwatig ng Nakaraan at
Kasalukuyan

Ni: Martina Leonice D.L Ampo

“History and societies do not crawl. They
make jumps. They go from fracture to
fracture, with a few vibrations in between.” –
Taleb (2007)
Sinabi ni Taleb (2007) na mayroong mga pangyayari na dulot na ng mga iniwang
bakas ng kasaysayan, subalit wala pa ring makapagsasabi kung kailan at paano muling
mangyayari ang mga ito sa kasalukuyan. Maraming bagay sa ating paligid ang
nangyayari na kung minsan ay hindi malinaw kung paano nagsimula. Ang mga pahiwatig
at pagpaparamdam na binabalewala ay pahapyaw na pala sa magiging kinabukasan.
Ang mga akala na hindi maaaring mangyari ay nangyayari, malala pa sa inaasahan kung
minsan. Masasabing ang mga hindi inaakala ay maaaring nasa maganda o masalimuot
na kaparaanan masaksihan. Maraming beses na nakakaranas ng bagyo ang Pilipinas,
na kahit anong ulat ng PAGASA na nagsasabing malakas ito ay marami pa ring
pagkakataon na ang mga mamamayan ay nagiging kampante. Alam ng isang mag-aaral
na kung hindi siya magrerebyu para sa kanyang mahabang pagsusulit ay babagsak siya,
ngunit hindi pa rin niya gagawing magrebyu. Maraming pagkakataon sa buhay na
kinondisyon ng mga karanasan, ang mga pagkokondisyong ito ay nagdulot sa patuloy na
pag-asa ng bawat indibidwal sa pagitan ng mayroon o wala. Mayroon nga bang
kabuluhan ito sa buhay kung iisiping mabuti o wala namang epekto dahil nagaganap
naman na dati. Mayroon naman palang katuturan ang ulat ng PAGASA na malakas ang
bagyo dahil nilipad nito ang bubong ng maraming bahay. Bumagsak nga ang mag-aaral

132

sa mahabang pagsusulit dahil sa hindi pagrerebyu. Ang pagpopokus sa wala ay mayroon
naman pala talagang kaugnayan sa mga pahiwatig at pagpaparamdam na nababalewala
sa una.

Ayon kay Taleb (2007), ang mga impormasyon mula sa kasaysayan at
kasalukuyan ay nagkakaroon ng labis na pagsusuri subalit ang mga taong tumatanggap
nito, gaya ng mga taong may higit na nalalaman ay bumubuo ng mga kategoryang
tinatanggap ng mga taong katamtaman lamang ang nalalaman, kaya nabubuo ang
tinatawag na “Platonifying” ng mga impormasyon. Kung saan ang mga impormasyong
kumakalat ay sa pinakasimpleng pagpapaliwanag na lamang nalalaman at hindi na
ninanais ang paghalungkat sa kompleksidad nito na nagpapababaw sa pagkakaintindi,
kaugnay ng mga isyung umuusbong. Gaya ng pag-iisip, madalas na ang mga nagaganap
sa kapaligiran ay nababalewala kahit na malinaw na ang pahiwatig ng mga ito. Bukod sa
usapin ng pagpasok ng bagyo at pagbagsak sa pagsusulit, mas malalim pa ang usaping
ito sa pagtingin ng mga Pilipino sa lipunang kinabibilangan. Simula pa lamang ito ng
pagbubukas sa mga isipan hinggil sa maiinit na usapin na dulot ng pagbabago,
pagkakahati, at pananaig ng mga makakapangyarihan, sa mabuti o masama man
tingnan. Ang usaping ito ay bukod sa pagpatay, sa literal na pagpapakahulugan, dahil
tumutukoy ito sa kung papaanong ang kamalayan ng mga mamamayan ay patay, dahil
ang mga akalang hindi maaaring mangyari ay nangyari. Ang malawak at malalim na
pagtingin sa mga karaniwang nagaganap sa araw-araw ay ang pagiging malay sa naging
mga pahiwatig at pagpaparamdam ng nakaraan, ang isipang pinatatakbo ng mga ideya
ay hindi nalilinlang ng kapangyarihan. Kaya naman ang mayroon sa wala, at ang wala sa
mayroon ay dalawang magkasalungat na ideyang pinatatakbo ang mga tao. Kung ang
mga paniniwala ay kontrolado ng iisang tao, posible ang pagkokontrol sa marami pang
mga tao, ito ay dahil hindi iisang tao ang may hawak sa pag-iisip ng marami kung hindi
kung paanong ang mga umuusbong na paniniwala at ideya ang naghahari kaya
nagreresulta sa tunggaliang akala ay hindi maaaring mapasinayaan.

#ABS-CBN SHUTDOWN: PAGSIPAT SA MGA PAHIWATIG SA LENTE NG
TEORYANG ‘BLACK SWAN’

133

Sa mundo ng pilosopiya, kung saan iba’t ibang mga teorya ang mga umuusbong
mula sa malilikot na mga isipan ng mga teorista, isa si Nassim Nicholas Taleb, na isang
American Lebanese, sa mga modernong teorista ng kasalukuyang panahon. Ipinakilala
ni Taleb sa pamamagitan ng kaniyang librong ‘The Black Swan’ ang teoryang Black Swan
na nagsasabing mayroong mga pangyayaring hindi mahuhulaan kung kailan magaganap
o darating subalit kung darating man, ang dulot nito ay lampas sa kung ano ang
karaniwang inaasahan sa isang sitwasyon at may potensyal na matinding kahihinatnan.
Ang mga pangyayaring ito ay inihalintulad sa kung paanong ang mga scientist sa
Australia nang taong 1697 ay kauna-unahang nakakita ng black swan, dahil nang mga
panahong iyon ay pinaniniwalaang puro puti lamang ang mga swan (sisne), at nang
madiskubre ang kauna-unahang itim na uri nito, tunay itong tumatak sa kasaysayan.

Ayon kay Taleb (2007) maihahalintulad ang teorya sa kung paanong tumatakbo
ang buhay ng mga tao sa pang-araw-araw, sa simple o komplikado mang paraan. Kung
iuugnay sa lente ng kasalukuyang kalagayan ng lipunan, ang teoryang Black Swan ay
malinaw na nagaganap na maaring magkaroon ng malaking impak sa maraming tao. Ilan
lamang sa mga halimbawa nito ay ang biglaang pagkakaroon ng pandemya matapos ang
isandaang taon nang maganap ang malalang Spanish flu pandemic, maging ang
pagkakadebelop ng bakuna na ang akala ay aabutin pa ng limang taon gaya sa kung
paanong nadebelop ang bakuna para sa iba pang nakahahawang sakit. Base sa mga
penomenang ito, binigyan ni Taleb (2007) ng tatlong katangian ang isang pangyayari
upang masabing ito ay isang pangyayaring Black Swan. Una, ang mga kaganapan na
itinuturing na Black Swan ay hindi pangkaraniwang nangyayari. Kung bibigyang
pagmamalabis ay imposibleng mangyari. Pangalawa, ang pangyayaring naganap ay
mayroong malubha at matinding epekto sa lipunan o sa buong mundo. Huli, masasabing
penomenang Black Swan ang naganap dahil maaari itong mahulaan matapos ang
pangyayari, ang mga maliliit na pahiwatig na nagbunsod sa hindi inaasahan ay naganap,
na nagdulot ng maraming tanong sa isipan kung bakit nga ba walang nakapaghanda.

Binubuo ang lipunan ng iba’t ibang uri ng tao, mula sa mataas patungo sa mababa,
kaya hindi na maikakailang ang mga pangyayaring Black Swan ay hindi na kakaiba. Ang
epekto nito ay araw-araw na nararanasan ng mga karaniwang mamamayan, pahirap at

134

pasakit ng realidad ng buhay o hindi naman kaya ay mabuti sa iilan, depende sa
pagtanaw sa dalawang magkasalungat na perspektibo. Sa kasalukuyan, ang bansa ay
humaharap sa mga isyu na tumatakbo na bago pa mangyari ang pandemya. Malaki ang
pananagutan ng nakaraan upang makita kung paanong naging posible ang kasalukuyan.
Maraming mamamayan ng bansa ang nakakulong sa kani-kanilang mga pamamahay,
ang ilan ay nawalan ng trabaho, o nawalan ng pinagkakabuhayan, at natigil sa pag-aaral.
Maraming boses ang natahimik, hindi umimik at nanatiling pipi kahit na hindi naman bingi.
Ang pagpapasara ng isa sa pinakamalaking broadcasting station sa bansa ay ang isa sa
maituturing na pinakabagong Black Swan ng kasalukuyang lipunan maliban sa
kinahaharap na pandemya. Ang pagpapasara sa ABS-CBN ay nakaapekto sa maraming
Pilipino sa paraang hindi inaakala higit lalo ng mga pangkaraniwang mamamayan. Ika-
lima ng Mayo sa ganap na 7:52 ng gabi ay natapos ang pinakahuling opisyal na pag-ere
ng T.V Patrol, ang pangunahing programa sa pagbabalita ng network. Naitigil din ang
pagpapalabas ng mga show o pelikula ng iba pang channel. Higit 11,000 na mga
empleyado ang nawalan ng trabaho kasama ang mga istasyon ng radyo at telebisyon sa
mga probinsya sa bansa. Bagamat sinasabing mayroon pang dalawang buwan upang
asikasuhin ang pagre-renew ng prangkisa ng network ay tila nawalan ito ng bisa nang
walang awat na ipasara ito sa gitna ng pandemya. Hanggang sa umabot na nga sa
pagtatapos ng kontrata at pagpapasara ng buong network.

Kung susuriin sa lente ng teoryang Black Swan ang mga naging pangyayari hinggil
sa pagpapasara sa ABS-CBN, maaaring suriin at ihambing ito sa mga katangiang
inilahad, kasama ang mga kaakibat nitong impluwensya upang matuloy ang pangyayari
at makita sa kung paanong paraan nasalamin ang mga epekto nito sa mga tao. Ang
pagpapasara sa ABS-CBN sa gitna ng naghihikahos na ekonomiya dulot ng pandemya
ay dapat na imposibleng mangyari. Batay sa unang katangian na inilahad sa teorya, ang
mga kaganapan na itinuturing na Black Swan ay hindi pangkaraniwang nangyayari. Kung
bibigyang pagmamalabis ay imposibleng mangyari. (Taleb, 2007), hindi inaasahang
magaganap ang isang pangyayari dahil maraming bagay ang dapat na ikonsidera upang
ito ay hindi makaapekto sa marami. Kung susuriing mabuti ang mga ebidensya ay marami
nang ginawang pagpaparamdam sa madla ukol sa napipisil na pagpapasara ng network.
Ang mga binitawang mga salita, ang mabagal na pagsang-ayon ng Kongreso, at maging

135

ang dahilang hindi tunay na Pilipino ang nagpapatakbo sa kabuuan ng kumpanya ay ilan
lamang sa mga pinanghahawakang dahilan upang ipagkait ang pagre-renew ng kontrata.
Bukod sa mga legal at politikal na pananaw, buksan ang isipan sa sosyal na pagtingin sa
pangyayari. Higit pa sa mga isyung politikal ang suliraning kinahaharap ng network. Dahil
ang pag-asa ng mga mamamayang Pilipino sa impormasyon at libangan sa gitna ng
pandemya ay nakasalalay sa ilang mga palabas ng network. Malinaw itong maiuugnay
sa kulturang Pilipino, marami pa rin sa mga probinsya sa ating bansa ang hindi naabot
ng internet o ng mga makabagong teknolohiya, kaya naman ang pangunahing moda pa
rin upang makasagap ng balita at maglibang ay telebisyon at radyo. Kaya naman ilang
araw matapos ang pagsasara, marami ang nagprotesta upang ipakita ang suporta at
matigil na ang panunupil sa karapatang makapagpalaganap ng impormasyon. Ang mga
legal at politikal na isyung pahiwatig at pagpaparamdam na bago pa man mismong
maganap ang pagpapasara ay maaaninag na sa sosyal na epekto nito sa lipunan.
Maraming tagong inhustisyang nagaganap sa isang lipunan, kung kritikal ang bawat
indibidwal ay agad itong makikita at maaaksyunan. Mayroong kapangyarihan sa
kaalaman at paniniwala. Kung gayon ay isang katangian ng pagiging Black Swan ng
isang penomena ay naipasa ng naganap na pagpapasara sa ABS-CBN.

Ang pangalawang katangian, ay makikita kung ang pangyayaring naganap ay
mayroong malubha at matinding epekto sa lipunan o sa buong mundo (Taleb, 2007). Sa
perspektibong ito bukod sa matinding epekto sa larangan ng paghahasik ng
impormasyon at libangan, malaki ang nawalang pagtitiwala sa sistemang politikal. Ang
kinabukasan ng 11,000 na mga empleyado ang nakasalalay sa pagre-renew ng kontrata.
Mayroong kultura ang mga Pilipino ng pagkakaroon ng utang na loob sa mga taong
nagawan ng mabuti, subalit sa krisis na kinakaharap ng ABS-CBN, ang utang na
advertisement ang isa sa mga nagbunsod upang magkanda-utang ang mga taong
mawawalan ng trabaho. Upang gumana ng maayos ang isang lipunan, sinasabi ng
teoryang structural functionalism ni Durkheim (1960) na ang isang lipunan ay binubuo ng
mga magkakaugnay na bahagi upang tumakbo ito nang naaayon sa kahingiang
biyolohikal at sosyal ng bawat indibidwal. Sinasabi rin nito na ang lipunan ay nahahati sa
tinatawag na social institutions o mga pattern ng paniniwala at pag-uugali na nakatuon
sa pagtugon sa mga pangangailangan sa lipunan, tulad ng gobyerno, edukasyon,

136

pamilya, pangangalaga sa kalusugan, relihiyon, at ekonomiya. Ang perspektibong ito ay
tumutugon sa kung paanong dapat gumagana at umuusad ang bawat bahagi ng lipunan
upang maging balanse at angkop ang pagtugon sa pangangailangan ng bawat isa. Ang
mga prosesong panlipunan na mayroong hindi kanais-nais na mga kahihinatnan para sa
pagpapatakbo ng lipunan ay tinatawag na mga dysfunction. Isang malinaw na dysfunction
ang naganap sa lipunan nang maipasara ang ABS-CBN. Ang iba’t ibang sektor ng
lipunan, higit lalo ang mga manggagawang Pilipino ang naapektuhan. Kaya naman
mahalagang magampanan ng bawat mamamayan ang nakaatang sa kanilang mga
balikat upang maiwasan ang dysfunction ng lipunan, subalit higit na mahalaga rin ang
pagtutuon ng pansin sa kung paanong ang kultura ng pagpapatahimik ay nananaig sa
mga panahong higit na kailangan ang ingay ng masa tungo sa mabuting kahihinatnan.
Ang ikalawang katangian ng isang penomenang Black Swan ay tumutugma sa
nangyaring pagpapasara ng ABS-CBN, maraming trabahong nawala, higit lalo ang
mahalagang gampanin na makapagpabatid sa mga mamamayan sa gitna ng pandemya.

Ang huling katangian ng teoryang Black Swan ay tumutukoy sa isang pangyayari
na nagbukas sa isipan ng bawat isa na ang imposible ay maaring maganap matapos
matunghayan mismo ang aktwal na pangyayari nito (Taleb, 2007). Suportado ito ng
maliliit na mga pahiwatig na hindi nabibigyang pansin na patungo na pala sa akalang
imposibleng sitwasyon. Kung susuriin ang timeline ng mga pangyayaring naganap bago
tuluyang maipasara ang network ay mayroong makikitang mga malilit na opresyong hindi
nabibigyang pansin at piniling balewalain ng nakararami. Ilan sa mga ito ay nang
akusahan ang ABS-CBN ng "swindling," na sinasabing hindi ipinakita ng network ang
mga pampulitikang advertisement sa panahon ng kampanya noong 2016 bagaman
binayaran na sila. Ang mga komentong ito ay dumating ilang araw lamang matapos
aprubahan ang pagre-renew sa prangkisa ng GMA Network. Naglipana rin ang iba’t ibang
mga pahayag na nagsasabing hindi na kailangan pa ang pagre-renew. Disyembre nang
taong 2019, sa isang talumpati sa harap ng mga bagong opisyal ng Malacañang, sinabi
ang mga sumusunod na pahayag, “If you expect that (the franchise) will be renewed, I’m
sorry. I will see to it that you’re out.” Pebrero 2020, sinabi ng pangulo sa mga reporter na
tinatanggap niya ang paghingi ng tawad ng ABS-CBN noong Pebrero 24, ngunit ang
kapalaran ng prangkisa ay mananatili pa rin sa Kongreso, partikular ang House of

137

Representatives. Ilan lamang ang mga ito sa naging mga pahiwatig sa aspektong legal
at politikal sa isyu ng pagpapasara sa istasyon. Ang mga sumusunod ay labas sa
pagsipat sa personal na isyu, bagkus sa kung paanong ang mga pahiwatig na ito ay
nabalewala at naisantabi lamang. Gayunpaman, ang mga pahiwatig na ito ay hindi pokus
sa oposisyon ng anumang panunungkulan, kung hindi sa kung paanong ang mga
mamamayan ay bulag sa katotohanang mabigyan ng kabuluhan ang mga ganitong
nagaganap sa lipunan.

Ang pokus nito ay sa sosyal na aspeto at tingnan dapat sa isang sosyal na
perspektibo. Marami ang nakiisa sa mga nagkalat na petisyon sa iba’t ibang social media
sites ukol sa pagtutol sa pagpapasara ng ABS-CBN. Ibinahagi ito ng marami at nagnais
ng makamasang pagtulong upang maipabatid sa mga kinauukulan ang pagtutol at ang
marapat na paraan sa pagresolba ng problema. Mayroon din namang mga indibidwal o
grupo ng mga tao na malabo pa ang pagkakaintindi sa nagaganap na sitwasyon kaya
naman pinipiling manahimik at hindi na lamang umimik. Dahil ang mga ito ay produkto ng
kultura, paanong ang malawak at malalim na kultura ay naiimpluwensyahan ang pag-iisip
at pagsipat ng mga tao sa tunay na dapat nilang gampanan sa isang lipunan. Ang
umuusbong na mga paraan ng protesta o hindi naman kaya pagbabahagi ng nalalaman
ay epekto ng kultura. Nagaganap sa maraming taong mayroong kakulangan sa
kamalayan ang tinatawag na confirmation bias, na kung saan ang mga nalalamang
impormasyon ay nagiging mababaw dahil nakabubuo ng kategorya ang isipan, mula roon
ay hindi na nanaisin pang palalimin ang nalalaman sa partikular na bagay o pangyayaring
iyon. Sinabi ni Wason (1960), sa pamamagitan ng mga obhektibong katotohanan sa mga
impormasyong tinatanggap, ang indibidwal ay nanatili lamang na tagatanggap ng
impormasyon base sa kaniyang unang nalalaman at hindi na magnanais pang umusisa
ng mas malalim na katotohanan, na nagreresulta sa pagkalimot o nakaliligtaan ang mga
mahahalagang kaisipan na dapat malaman. Ang kultura ay naipapasa, naituturo, at
natututuhan, kaya hindi maikakailang may mga bagong kulturang patuloy na nananaig at
nakaiimpluwensiya sa paraan ng pagsusuri ng bawat isa. Malaki ang ambag ng pagbuo
at pagpapalakas sa kultura ng pagtanggap at pakikipag-ugnayan sa makabuluhang mga
talakayang nagaganap sa kapaligiran ng bawat isa. Nakatutulong ito upang maging
bukas sa mga bagong pananaw ang isang indibidwal at sipatin kung tunay bang may

138

kabuluhan ang kaniyang kulturang kinagisnan o dapat na itong baguhin o palitan. Kung
paanong ang naunang dalawang katangian ng isang penomenang Black Swan ay
sumang-ayon sa naganap na pagpapasara sa ABS-CBN, gayundin ang pangatlo at ang
huling katangian, kung pananong ang mga pahiwatig ay repleksyon ng kasalukuyan at
salamin ng katotohanan.

#ABS-CBN SHUTDOWN: ANG MGA PAHIWATIG SA PAGTINGIN BILANG
OPORTUNIDAD

Ang pagpapasara ng istasyon ay higit pa sa sinasabi ng teorya, dahil ito ay usapin
ng realidad at ng kulturang laganap sa lipunan ng kasalukuyan. Marapat ding tingnan at
bigyang paglilinaw ang perspektibo na tinitingnan sa isang pangyayari. Maaaring ang
pandemya ay maraming hindi magagandang naidulot sa mundo subalit mayroon ding
mga tinatawag na breakthrough o mga magagandang naidulot, lalo na sa usapin ng
teknolohiya at medisina. Ayon kay Taleb (2007), dapat ding tingnan sa dalawang
magkaibang perspektib ang pangyayaring itinuturing na Black Swan. Dapat tingnan ang
sitwasyon sa iba’t ibang perspektibo upang kilatisin ang tunay na epekto nito, bukod sa
ekonomikal at politikal na aspeto. Maganda o pangit. Maliwanag o madilim. Malinaw o
malabo. Sa kung paanong palaging dapat tingnan ang dalawang mukha ng isang barya
sa tuwing nagko-coin toss upang pagdesisyunan ang isang bagay. Marapat na
payabungin ang kultura ng pagkilatis at pagsusuri sa bawat nagaganap sa isang lipunan
na magtutulay sa kalinawan sa isang sitwasyon.

Ang naganap na pagpapasara sa hindi magandang perspektibo ay ang panunupil
sa kalayaan ng pamamahayag sa bansa, higit lalo sa gitna ng pandemya. Ang akses sa
balita at mahahalagang impormasyon na dapat madaling nakukuha at naibibigay sa mga
mamamayan ay naging mas mahirap lalo pa at hindi naman lahat ay naabot na ng pag-
unlad ng teknolohiya. Bagamat mayroong naging alternatibong paraan ang istasyon
upang makapagpalabas pa rin ng mga balita at ilang mga shows sa pamamagitan ng
online streaming, hindi naman nito naaabot ang mga malalayong probinsya na
sineserbisyuhan gamit ang telebisyon at radyo lamang. Maraming manggagawa at
empleyado ang nawalan ng trabaho, maging ang ambag nito sa ekonomiya ay lubos ring
naapektuhan. Ang pangyayari ay nagbukas at nagmulat sa mga mamamayan na

139

makisangkot at makialam sa isang isyung panlipunan. Sa magandang perspektibo, ang
naging pagpapasara ay nagbunsod sa mga online petition na nilagdaan ng libu-libong
indibidwal upang maipatigil ang nakaamba noong pagpapasara sa network. Ayon kay
Alejandro (2010), ang makabagong anyo ng pamamahayag ay napasinayaan ng
pagbabago sa teknolohiya na higit na nakaapekto sa midya, tinawag niya ang pagbabago
at paglilipat na ito bilang ‘mediamorphosis’. Naging pangunahing labasan ng palaisipan,
kuro-kuro, at pala-palagay ang iba’t ibang social media sites gaya ng Facebook, Twitter,
at maging Instagram. Naging sentro ng pakikibaka sa online na moda ang mga website
na ito na nagtulak sa ilang pagpoprotesta sa harap mismo ng istasyon. Nabuo ang kultura
ng pakikibaka sa makabagong panahon, na nagpalaya sa mga kaisipang dapat naman
talagang malaman.

Maraming bagay sa ating paligid ang nangyayari na paminsan ay hindi malinaw
kung paano nagsimula. Ang mga pahiwatig at pagpaparamdam na binabalewala ay
pahapyaw na pala sa magiging kinabukasan. Ang mga akala na hindi maaaring mangyari
ay nangyayari, malala pa sa inaasahan kung minsan. Mula rito ay masasabing ang mga
hindi inaakala ay pwedeng nasa maganda o masalimuot na kaparaanan masaksihan.
Ang mga pahiwatig na hindi dapat binabalewala bagkus ay dapat tingnan bilang babala
ay hindi lamang sa masamang perspektibo dapat tingnan, kung hindi isang oportunidad
upang matutuhan at makialam sa kasalukuyang kaganapan. Pinatunayan ng
pangyayaring pagpapasara sa istasyon na ang imposibleng mangyari ay maaring
mangyari. Mula sa naganap na ito, umusbong ang maalab na pagtingin sa pamamahayag
bilang dapat na malaya at mapagpalaya. Ginising nito ang diwa ng pagkakaisa ng bawat
mamamayan sa bansa upang kumilatis at makisangkot sa isyu. Binuo nito ang kultura ng
pagtanggap at pagiging kritikal bilang isang indibidwal. Nagdulot ito ng makamasang
inisyatibo upang ipabatid ang katotohanan sa mga walang kakayahan na maintindihan,
na hindi nalimitahan ng krisis na kinahaharap.

Ang mga pahiwatig na nag-udyok na manaig ang itim sa puti. Ang kasaysayan na
nabigyang saysay dahil sa kasalukuyang kinalalagyan at kinakaharap. Kung paanong
ang simbolong yin at yang ay kapwa kakikitaan ng kulay na itim at puti, dahil dalawa lang
naman ang mukha ng mga isyung panlipunan. Kung pipiliing maging ang itim sa puti at

140

tuluyang mabulag sa kultura ng panunupil o hindi naman kaya ay maging ang puti sa itim
at magbigay kaliwanagan at pag-asa sa opresyong dulot ng isyu. Ang abo pagkatapos
ng masiklab na apoy ang ebidensya ng pakikibaka ng mga isipang nagtalo at
nagtagumpay sa dulo. Ang itim sa puti na hindi dapat tingnan bilang kamalasan, kung
hindi isang tuwid na daan tungo sa mas malakas at mas may kabuluhang pamumuhay
sa lipunan. Ang itim sa puti, ang pagpapasara sa ABS-CBN ay nag-udyok sa kultura ng
mapanghamong pakikisangkot at sa pagpapatibay sa pagtingin ng kasaysayan bilang
salamin at repleksyon ng kasalukuyan. Walang imposible sa itinadhanang mangyari,
Marapat lamang na pag-ibayuhin ang mapanuring pakikisangkot at pakikialam tungo sa
pangkalahatang kaunlaran at maiwaksi ang tunggaliang pangkaisipan at lipunan.

141

Niyutral na Silip sa Kulturang Koreano: Crash Landing on You sa Lente ng
Pilipino

Ni: Rod Angelo C. Chan

Bugso ng Koreanong Midya sa Pilipinas
Aabot na sa isang dekada ang pamamalagi ng mga gawang midya ng mga

Koreano sa Pilipinas, mapa-kanta, pelikula, seryeng pantelebisyon, at iba pa. Taong
2008-2009 unang sumibol at pumukaw ng atensyon ang mga ito sa ating bansa at mula
noon ay patuloy pang lumawak ang sakop hanggang sa umabot sa kasalukuyan na
maging ang mga magulang ng bawat bahay sa Pilipinas ay may alam o karanasan na sa
mga ito. Maaari ngang sabihin na ang mga ito ay nagkaroon na ng kultural na
impluwensya sa mga Pilipino. Taong 2018 ang pinamalaking bugso ng pagdami ng mga
tumatangkilik sa gawang Koreano; Pilipinas ang isa sa nagkaroon ng pinakamalaking
pagdami ng clubs at miyembro nito sa buong Timog-Kanlurang Asya. Bunsod ng
penomenang ito, nagkaroon ng samu’t saring epekto at kritisismo ang pagdating ng
kulturang Koreano sa Pilipinas. Ang iba ay mas lalong nahumaling at napamahal sa
kulturang ito at ang iba naman ay tila naging “makabayan” at naging mariin ang
pagtuligsa. Para sa mga Pilipinong malaki ang pagsuporta sa kulturang hatid ng mga
Koreano, ang kanilang pagkahumaling sa mga ito ay pawang sa kultura at pamumuhay
lamang, hindi sila nagmamahal ng ibang bansa bukod sa Pilipinas, nakitaan lamang nila
ang mga gawang Koreano ng pagkakaroon ng kaibahan, pagkamalikhain, at pagiging
makabago. Hindi bansa ang kanilang ipinagpalit, ngunit mas nanaig sa kanila ang
pagkaakit at pagkahumaling sa sining. Habang ang mga Pilipinong tumuligsa sa mga ito
ay patuloy ang pagsigaw sa internet ng kanilang mga hinaing at ang bawat bata, binata,
o dalagang kanilang nakikita na sumusuporta sa mga gawang Koreano ay tinatawag na

142


Click to View FlipBook Version