ang lugaw. Aniya pa, ang lahat ng pagkain at kagamitan na kailangan ng tao para
mabuhay ay maituturing na esensyal o mahalaga. Dagdag pa nga niya rito, ang mga
matatanda o yung mga mahihina na ang panunaw, malaking bagay sa kanila ang lugaw.
Bagay naman na sinegundahan ito ng palasyo nang sabihin ni Sec. Harry Roque,
tagapagsalita ng pangulo na ang Lugaw ay mahalaga sa tao. Kaya naman dito pa lang,
malinaw na makikita na may kakulangan ang mga tanod at mga nagpapatupad ng mga
quarantine protocols na ito sa Literasi at kakulangan sa angkop na oryentasyon kung
paano mabisang maipatutupad ng mga tanod, pulis at mga CoVid task force ng bawat
barangay at siyudad sa Pilipinas lalo na sa mga probinsya ang nasabing mga quarantine
protocols. Ang bagay naman na ito ay inamin ni DILG Sec. Eduardo Año na siya ring isa
sa mga namumuno sa IATF sa isang panayam na kung saan sinabi niya na mayroon
talagang pagkukulang sa literasi at maayos na oryentasyon para sa mga nagpapatupad
ng mga quarantine protocols kung paano nila mas mabisa at maayos na ipatutupad ang
mga tuntuning ibinababa sa kanila ng IATF. Nakaaalarma ang ganitong uri ng eksena
ngayong panahon ng pandemya, na kung saan ang inaakala natin na magdadala satin
sa tamang landas ng pagsunod sa quarantine protocols ay siyang nagdudulot pa ng
dagdag na kalituhan sa atin. Sa totoo lang, magkahalong tuwa at pagkadismaya ang
aking naging emosyon matapos kong mapanood ang bidyo na ito. Mensahe ito sa lahat
lalung-lalo na sa mga kinauukulan sa pamahalaan na bigyang pansin at mas paigtingin
ang Literasi sa mga nagpapatupad ng quarantine protocols. Palawigin dapat ang
pagsasagawa ng mga makabuluhang oryentasyon. Upang nang sa ganun ay maging
mas handa at hasa sila sa kanilang tungkulin. Ang isyu ng lugaw ay ilan lamang sa mga
manipestasyon na marami sa mga nagpapatupad ng quarantine protocols ang hindi alam
ang kanilang totoong tungkulin. Kung minsan pa nga, sila pa ang mga nangunguna sa
paglabag ng mga ipinatutupad na quarantine protocols. Gusto ng patunay? Magsimula
tayo sa matataas na opisyal ng bansa natin.
Una, MAÑANITA sa gitna ng PANDEMYA: Noong kasagsagan ng tumataas na
kaso ng CoVid19 sa bansa, buwan ng Mayo, 2020, Nagdiwang ng kanyang kaarawan
ang noo'y PNP Chief na si Gen. Debold Sinas kung saan nagsagawa ang kanyang mga
tauhan, kaibigan at mga kasama sa trabaho ng tinatawag nilang tradisyunal na Mañanita.
Salu-salo at pagtitipon ang kahulugan nito kung ilalarawan. Kung susuriing mabuti,
193
mahigpit na ipinagbabawal ang MASS GATHERING lalo na ang mga PARTY sa ilalim ng
umiiral na ECQ. Umiiral din ang LIQUOR BAN noon. Subalit tila ang mga ito ay hindi
nasunod ng mga mismong nagpapatupad ng mga quarantine protocols, kung susuriin
lamang nang mabuti ang mga larawang kumalat sa social media ng hindi pa rin natutukoy
na uploadler. Ano pa at ang pangyayaring ito ay hindi nakalusot sa mga netizens, kaya
naman umani rin ito ng samu't saring batikos. Subalit sa kabila nito, pinatawad at
pinalampas pa rin ito ng palasyo. Marami ang hindi natuwa rito. Ang aksyong ginawa ng
pangulong ito ay tiningnan ng nakararami bilang isang pagkunsinti sa abusadong lingkod-
bayan.
Pangalawa, PANDEMYA o ASAWA? MAMILI KA! Kasalukuyang nasa ilalim ng 14
days qurantine period si Sen. Koko Pimentel nang manganak naman ang asawa nito sa
Makati Medical Center. Kahit sumasailalim sa quarantine period ang senador ay
nagpumilit pa rin itong puntahan ang kanyang asawa. Malinaw na nilabag niya ang mga
umiiral na quarantine measures. Sa ipinatutupad kasing quarantine protocols, dapat
mabuo ng isang taong sumasailalim sa quarantine ang labing-apat na araw o 14 days na
isolation. Ngunit sa subpoena na inilabas ng Department of Justice (DOJ) laban sa kanya,
malinaw na nilabag niya ito. Kaya naman ang pangyayaring ito ay hindi rin nakaligtas sa
batikos ng taumbayan.
Pangatlo, WASH your MASK with GAS: Buwan ng Hulyo, 2020 nang sabihin ni
Pang. Duterte na hugasan ng gasolina ang mga face mask na ginagamit kung wala ng
mabiling alcohol habang siya at ang IATF ay live na nag-uulat sa taumbayan patungkol
sa lagay ng mga kaso ng CoVid19 sa bansa. Ang pahayag na ito ay umani rin ng iba't
ibang reaksyon mula sa mga netizens. Kaya naman agad din nilinaw ng DOH na ang
paghuhugas ng gasolina sa mga face mask ay delikado at hindi pinahihintulutan lalo na
ng World Health Organization (WHO). At siyempre nandiyan si Sec. Roque upang
pagtakpan ang lahat at sabihin ang "magic word" at iyon ay ang "joke only". Oo! Nagbibiro
lamang daw ang pangulo ng sabihin niya iyon. Hindi ko naman talaga lubos maisip na sa
kabila ng hindi maubos-ubos na mga pasakit na dulot ng pandemya, kung saan ang utak
ng bawat tao ay tuliro na dahil sa gutom, kawalan ng trabaho at hanapbuhay ay kung
194
saan humuhugot ng lakas ang pangulo upang magbiro? Baka akala rin ng Pangulo ay
Joke lang ang pandemya?
Ikaapat, KONTROBERSYAL na SAP: Noong namahagi ng unang bugso ng
pinansyal na ayuda ang pamahalaan sa mga itinuturing na "poorest of the poor" o yung
mga talagang nasa laylayan ng lipunan, samu't saring reklamo at batikos din ang inabot
nito sa taumbayan. Nariyan ang panunuhol sa mga kagawad upang ilista sila sa mga
benepisyaryo ng SAP, nariyan din ang talamak na hatian, kung saan ang dalawa o higit
pang pamilya ay maghahati sa isang slot ng SAP, gayundin naman, talamak din ang mga
dumoble. Mayroon na si Tatay, mayroon pa si Nanay, minsan nga, mayroon pa si kuya.
Sa alituntunin na ibinigay ng IATF, malinaw na bawal ang maghati ang dalawang pamilya
sa iisang slot ng SAP. Samakatuwid, Isang SAP para sa isang pamilya. Isang miyembro
lamang din ang tatayo o representante bilang kinatawan ng pamilya upang matiyak na
hindi madodoble sa bawat pamilya ang pamamahagi ng SAP. Naging talamak din ang
"FRIENDS ONLY" o Kung sino lamang ang malapit sa kagawad o kapitan, sila lamang
ang makakakuha ng SAP. Minsan nga, nauso rin ang "FAMILY ONLY" kung saan inuuna
ng mga kagawad at kapitan ang kanilang mga kamag-anak sa listahan ng mga
makakatanggap ng SAP. Sa maniwala kayo at sa hindi, naganap ang mga iyan. Mayroon
pa, dito mas matatawa ka. Iyong mga karapat-dapat makakuha ng SAP, sila pa itong mga
hindi pinalad makatanggap. At iyong mga may trabaho pa, maayos ang buhay, sila pa
itong mga nasa unahan ng pila. At mayroon pa, kahit patay na, nasa listahan pa rin. At
itong mga buhay, sila ang wala! Patawarin nawa ng langit! Akala ko ba ang mga ito ay
dumaan sa masusing pagsasala?
Ikalima, UP is the ENEMY. CoVid is our FRIEND: Isa rin sa mga talaga namang
pinag-usapan at umani ng iba't ibang reaksyon sa social media at sa publiko ang
matatandaang pagpupunyagi ng palasyo matapos hindi mangyari ang prediksyon ng UP
Octa Research na papalo ang bilang ng mga kaso ng CoVid19 sa bansa sa 100,000
pagsapit ng Setyembre noong nakaraang taon (2020). Hindi maipinta ang galak ni Sec.
Roque nang hindi matupad ang prediksyon ng UP Octa Research. Sa pangyayaring ito,
nakakatuwang isipin na sa ilang buwang pakikipaglaban ng Pilipinas sa virus na ito,
prayoridad pala ng pamahalaan na huwag mangyare ang prediksyon ng UP. Ang tingin
195
ng mga ito, mas matimbang ang huwag magkatotoo ang prediksyon ng UP na noon pa
man ay lagi ng tinutuligsa at kinondena ang mga maling hakbangin ng gobyerno. Sa
eksenang ito, lumulutang na tila ang kalaban ng pamahalaan ay ang prediksyon ng UP
Octa Research at hindi ang totoong CoVid19.
Ikaanim at panghuli kong halimbawang ibibigay ay ang isa rin sa mga naging
maingay sa social media. Ito ay ang; #MASSPromotionNOW + #AcademicFREEZEnow
+ #LigtasNaBalikEskwela + Online Class = MATIRA ang may KAKAYAHAN. Ang tagpo
na iyan ay talaga namang tumatak din sa masa. Pinag-awayan, pinagdebatehan,
pinagtalunan at pinag-usapan hindi lamang ng Kagawaran ng Edukasyon (DepED) at
Komisyon sa mas Mataas sa Edukasyon (CHED) at ng Kongreso at Senado. Bagkus pati
na rin ng mga magkakapitbahay, magkakaibigan, magkakaklase at maging sa loob ng
tahanan ng bawat Pilipino. Naging malaking tanong naman kasi talaga sa lahat kung
paano ang magiging sunod na hakbang ng pamahalaan patungkol sa pagbabalik eskwela
ng mga mag-aaral dito sa Pilipinas. Marami ang sumigaw nang gaya sa mga hashtags
na ipinakita ko sa unahan. Ngunit ang naging tugon ng Kagawaran at Komisyon, TULOY
ang PAG-AARAL! Pinaghalong modyul at online ang naging alternatibong pamalit sa
Face to Face na klase. Marami ang natuwa at marami rin naman ang nainis sa hakbang
na ito ng parehong Kagawaran at Komisyon. Ani pa ng iba, tanging ang mga may sapat
na pera lamang ang makasasabay sa bagong moda ng pag-aaral na ito ngayong
pandemya. Paano nga naman ang mga mag-aaral na nasa rural at walang kuryente,
walang signal at linya ng komunikasyon? Ang mga mahihirap na walang pang bili ng
tablet, selpon at iba pang gadyet na midyum para sa online na pag-aaral. Balakid talaga
ito. Subalit hindi lang naman sa mga mag-aaral ang direktang epekto ng nasabing bagong
moda ng pag-aaral na ito. Hindi rin nakaligtas ang mga guro dito. Ayon sa Alliance for
Concerned Teachers o ACT party-list, nadagdagan ng sampung porsiyento o 10% O
aabot sa 1,000php ang inaabono ng bawat isang guro sa pagtuturo ngayong remote
learning ang moda ng pag-aaral. Dagdag pa diyan ang hindi pa rin ibinibigay na internet
allowance para sa mga guro. Dagdag pa rito ang piligrong nakaabang sa mga guro sa
tuwing naghahatid sila ng mga modyul na para sa kanilang mga estudyante. Sa aking
palagay, hindi sapat kahit sabihin pang may hazard pay na inilalaan sa kanila. Paano
nalamang kung ang bawat tahanan ng kanilang mag-aaral ay may mga kaso ng
196
CoVid19? At paano nakasisiguro na walang bitbit na virus ang mga nakakasalamuha nila
sa kanilang paglalakbay? Napakalaking piligro nito para sa buong kaguruan. Maliit na
nga lang ang sinasahod nila, pati ba naman sa pandemya ibabala sila? Bagamat hamon
ang pandemya, at masasabi kong wala namang may gustong huminto ang pag-aaral dito
sa ating bansa, at wala rin namang may gustong magkasakit at mahawa sa CoVid19.
Subalit dapat ay nandiyan ang pamahalaan upang lubusang sumuporta sa mga mag-
aaral lalo na doon sa mga probinsya. Magkaroon nawa ng akses ang lahat ng mga mag-
aaral sa inilulunsad na bagong moda ng pag-aaral dito sa ating bansa ng hindi rin naman
masakit sa bulsa. Sa pamamagitan nito, kahit papaano ay maiibsan ang pangamba ng
mga mag-aaral na magpatuloy sa kanilang pag-aaral at pag-abot ng kanilang mga
pangarap kahit pa sabihing mayroong pandemya.
Ang mga inilahad ko sa inyo ay ilan sa mga bantog na kaganapan ngayong
pandemya na malinaw na sumasalamin sa kakulangan sa LITERASI ng mga
nagpapatupad ng mga quarantine protocols sa ating barangay, syudad at pamahalaan.
Dagdag pa riyan ang hindi maayos na oryentasyon sa mga tanod, pulis at mga CoVid
task force sa bawat barangay at syudad o mga pamayanan lalo na sa mga probinsya
upang mas makabuluhan at mabisa nilang maunawaan ang kanilang tungkulin.
Nakalulungkot din isipin na ang mga ganitong sitwasyon ay nagaganap at nangyayari rin
maging sa mga matataas na opisyal ng ating pamahalaan. Paano na lamang susundin
at magtitiwala ang masa sa mga nagpapatupad ng mga batas at maging ng mga
quarantine protocols na ito kung maging ang mga tagapagtupad nito mismo ang una pang
lumalabag dito? Malaking hamon sa pamahalaan na maibalik ang tiwala ng masa sa mga
namumuno at mga awtoridad lalo na ngayong nasa ilalim tayo ng krisis at pandemya.
WIKA FILIPINO naman ang ikalawang putahe na aking ihahain sa iyo. Kapansin-
pansin sa isyu ng lugaw na may malaking implikasyon ang hindi paggamit ng wikang
Filipino sa pagsasa papel ng mga alituntunin o mga quarantine protocols sa ating bansa.
May napakahalagang mensahe na nais ipabatid sa ating lahat na mga Pilipino lalung-lalo
na sa mga nasa kinauukulan ang nangyaring ito. At ito ay ang paggamit at pagtangkilik
ng wikang sariling atin: ang wikang Filipino. Sa panahon ng pandemya, sa pagpapabatid
197
ng mga mahahalagang balita at impormasyon na may kilaman sa Covid19, mga
napapanahong kaganapang panlipunan at maging sa mga pagpapatupad ng mga
quarantine protocols, kasama na diyan ang mga mahahalagang paalala gaya ng mga
minimum health protocols upang maka-iwas sa sakit ay mainam na gawing lokalisado
ang wika. Kung sa Metro Manila, mainam na dapat ay tagalog ang maging midyum ng
wika. Upang ang lahat ay tiyak na makauunawa sa mga ito. Gamitin ang bisaya sa
kabisayaan, ilokano sa ilocandia, bicolano sa bicolandia at iba pang mga lokalisadong
wika upang nang sa gayon ay walang naiiwan at walang nangangapa. Lalo na sa mga
ganitong klase ng panahon. Ang mungkahing ito ay hindi nangangahulugang pagboycott
sa wikang Ingles. Kundi isang paghahain at pagpapaalala na maging sa panahon ng
pandemya, epektibo at kayang maging makapangyarihan ng Wikang Filipino. Isang
halimbawa ang isyu ng lugaw ng kahihinatnan ng bawat Pilipinong hindi maalam at
malalim ang pagdalumat sa sariling Wika. Upang mabawasan ang mga ganitong
pangyayari, mahalagang gamiting midyum ang Wikang Filipino sa mga oryentasyon at
pag-uulat na isinasagawa ng mga mamamahayag at maging ng mga kinauukulan lalo na
sa mga may kaugnayan sa CoVid19. Sa ganitong paraan, babalikan natin ang mungkahi
ni Villacorta (2001) mula sa kanyang artikulo na “Ang Wikang Filipino sa Edukasyunal na
mga Isyu ng Panahon ng Globalisasyon” Kung saan kanyang nilinaw ang mahalagang
gampanin ng Wikang Filipino sa lahat ng aspektong panlipunan, edukasyon at maging sa
pakikilahok sa globalisasyon. Ang pandemya ay maituturing ding isa sa mga hamong
hatid ng globalisasyon. Tiningnan din niya ang paraang ito nang paggamit ng Wikang
Filipino na hindi nangangahulugang pagtutol sa Ingles upang matamo ang kaalamang
agham at teknolohiya na nanggaling sa kanluraning bansa o iba pang parte ng daigdig.
Sa kabuuan, mahalagang ang Wikang Filipino ay nakakabit sa kulturang Pilipino
at pagka Pilipino ng bawat Pilipino. Ano man ang sitwasyon, hindi dapat inaalis at
hinuhubad ang wikang ito. Hindi maiaalis ang katotohanang binulag tayo ng
globalisasyon sa pagtangkilik ng sarili nating identidad at pagkakakilanlan, at isa na diyan
ang pagyakap sa sarili nating wika. Ginapos tayo ng mito na ang wikang Ingles ang siyang
magpapaunlad sa ating bansa, na sa katotohanan ay hindi naman talaga. Kaya ngayon,
inaani natin ang bunga ng maling paniniwalang ito. Ang maging alipin sa sariling bayan
at sunod-sunuran sa mga naghaharing-uri. Kaya naman mahalagang tindigan natin ang
198
pagpapapalaganap at pagpapayabong ng wikang pambansa tungo sa masaganang
bansa na siya ring marubdob na mungkahi ni Villacorta (2001).
POLITIKAL: Huwag maging HANGAL, bagkus maging KRITIKAL!
Naging daan din ang naganap na eksena sa kontrobersyal na lugaw is essential upang
makulayan ng politikal na usapin. Ilang araw lamang matapos humakot ng samu’t saring
reaksyon ang trending na lugaw is essential, naglabas ng pahayag si Department of
Interior and Local Government (DILG) Usec. Epimaco Densing III ng pahayag na “Ang
lugaw ay esensyal. Pero si Lugaw ay hindi esenyal.”. Noong una ay nalito ako nang
mabasa ko ito sa isang report ng Rappler sa kanilang Facebook page. Marami rin ang
hindi agad naka-gets sa pahayag na ito ng hindi ko malaman kung nagpapapansin ba o
talagang likas na papansin na itong si Usec. Densing att lumabas na nga talaga ang tunay
na layunin ng pahayag niyang ito. Ano pa nga ba edi Politics as usual. Matatandaang
noong bandang Enero at Pebrero namahagi si VP Leni Robredo sa mga kababayan niya
sa Bicol ng Lugaw at munting relief packs. Ang nangyaring ito ay di nakaligtas sa
pamumula ng mga DDS na pinalabas pang animo’y namumulitika at nangangampanya
na daw agad ang bise presidente ngayong may pandemya pang kinakaharap ang bansa.
Kaya naman ang Lugaw na ito ay naging kakabit na sa pagkatao ni VP Leni. At dahilan
nga para masambit ni Usec. Densing na si Lugaw ay hindi Esensyal. Ang katawa-tawa
pa sa pahayag na ito, sinang-ayunan pa ito ng palasyo. Ngunit sa kabilang banda, kung
magiging kritikal lamang tayo at huhubarin sandali ang mga bias na nakakabit sa atin.
Malalaman natin sa nagdaang limang taon at mahigit isang taong nakikipagdigma sa
CoVid19 kung sino nga ba talaga kay Duterte at VP Leni ang tunay na Esensyal. Palagay
ko hindi na kayo mag-iisip ng sagot. Kung pagiging sinsero sa tungkulin lang din ang pag-
uusapan, at lider na hindi natutulog sa pansitan, palamura, bastos, at mamamatay tao,
palagay ko malayo ang agwat ni VP Leni sa pagiging esensyal kaysa sa Pangulo.
Nakakatuwang isipin na imbes na kunin ang ubod ng mensahe ng naganap na eksena
sa Lugaw is Essential ay nagawa pa rin maipasok ng mga trapong politiko at mga
nakaupo na ito ang politikal na pag-iisip nilang hindi naman lumalagpas sa pagiging
epektibo at mabisang pamumuno. Ilang buwan na lamang ay maghahalal nanaman ang
taumbayan ng mga bagong uupo at namumuno sa bansa. Batid kong nadala na ang
199
marami sa nagdaang limang taon. Kunin natin ang ganitong mga pangyayari bilang
ebidensya para hindi na ulit maghalal ng mga lider na walang alam kundi isipin ang sarili,
magdulot ng dahas at banta sa seguridad ng mamamayan at mas mahalin ang Tsina
kaysa sa kababayan niya. Alam niyo na ang ibig kong sabihin.
Bilang pagwawakas, nais kong ipabatid sa inyong lahat na ang kaliwa’t kanang
nagaganap sa ating lipunan ay bahagi ng Kulturang Popular. At ang mga ito ay bunga ng
nagbabagong gawi, paniniwala at kultura na araw-araw ay hinuhubog ng mga
umuusbong na uso sa ating paligid. Ang isyu ng Lugaw ay naghatid sa atin ng
napakaraming aral na siya ngang ating binigyang pansin sa papel na ito. Oo!
Napatunayang mahalaga nga ang LUGAW at mahalaga rin si LUGAW! Pero higit pa
diyan, batid ko rin na napagtanto niyong ngayong pandemya ay mahalaga rin ang
magkaroon ng LITERASI, Pagmamahal at pagpapayaman sa sariling WIKA at pagiging
KRITIKAL sa mga POLITIKAL na usapin! Nawa’y maging daan ang mga bagay na ito
upang maging mas makabuluhan at mabisa ang pagdalumat at pagtingin natin sa
KULTURANG POPULAR!
200
#LetLeniLead: Isang Paghahangad o Tugon sa Hamon ng Pandemya?
Ni: Matthew B. Principe
“Ang pinakamagaling na lider ay
mapagmalasakit, may integridad, at may
kakayahang maglingkod.” – Lewis, 1998
Marami sa mundo ang maaaring maging lider lalo na kung mayroong grupong
pinamamahalaan. Para sa mga tao lalo na ang mga Pilipino, sinasabi na kapangyarihan
ang pagiging lider. Ayon sa pakikipanayam kay Francis Kong, isang motivational
business speaker (2017), hindi kailangan magkaroon ng posisyon ang isang tao upang
maging lider. Ito ay dahil sa marami ang naniniwala na dapat munang magkaroon ng
posisyon, lebel, o ranggo. Ang mahalaga sa pagiging lider ay nakakaimpluwensiya ang
isang indibidwal at hanggang may nakikinig ay maaaring ituring ang isang tao na lider.
Kung titignan ang ganitong pagtingin sa lider ayon kay Francis Kong, maituturing na kahit
higit na bata pa ay maaaring maging pinuno dahil may mga nakikinig. Dagdag pa riyan
na sa tuwing may sakuna o aksidente na nangyayari partikular na sa mga probinsya ay
laging may nangungunang residente upang magpahayag ng saloobin kung paano
makaliligtas sa kapahamakan.
Sa Pilipinas, laganap na ang kultura bago pa man umusbong ang terminong ito.
Ayon kay Kottak (2011), ang kultura ay kalipunan ng kaalaman, paniniwala, sining,
tradisyon, at iba at ibang gawain na taglay ng isang komunidad o pamayanan. Kung
ipapasok sa kontekstong Pilipino, makikita na mayaman sa ganito ang bansa lalo na
noong bago pa man pumasok ang mga Kastila ay iba-iba ang kaugalian at paniniwala ng
bawat isla na umaabot sa pitong libo.
201
Kultura na ng mga Pilipino ang pagiging pala puna sa lahat ng pagkakataon lalo
na sa panahon ngayong pandemya. Hindi maalis ang ganitong kaugalian lalo na kung
saan halos pinakikiusapan ang mamamayan na manatili sa bahay at manood na lamang
ng mga balita ang bagong impormasyon patungkol sa pandemya. Kung kaya’t nagsanhi
ito ng pakikialam ng marami sa pulitika bukod pa sa pagiging botante na kung saan ay
nakikita ng mamamayan ang tunay na trabaho ng mga binotong pulitiko.
Sa paggamit ng makabagong teknolohiya gamit ang mga social media platform,
naging kalat ang serbisyong isinasagawa ng mga pulitiko lalong-lalo na ang Ikalawang
Pangulo ng bansa na si Leni Robredo. Ang mga larawan at bidyo kumakalat sa mga
social media platform, ay napuno ng iba’t ibang reaksyon ng mga netizen. May mga
nagpahayag ng positibo tulad ng pasasalamat, ngunit hindi mawawala ang mga negatibo
na tinuturing ito raw ay pamumulitika bilang paghahanda sa nalalapit na Eleksyon para
sa taong 2022. Dahil riyan, nauso ang linyang #LetLeniLead o pag-aanyaya na
pamunuan ni Leni Robredo ang hamon sa pandemya.
Pagkakakilanlan ni Leni Robredo
Ayon sa People Pill (2020), si Maria Leonor “Leni” Gerona Robredo o higit na kilala
bilang Leni Robredo ay ipinanganak noong Abril 23, 1965, ay isang mambabatas at
aktibista na naging ika-14 na Ikalawang Pangulo ng Pilipinas matapos matalo ang dating
senador na si Bongbong Marcos. Nag-aral ng primaryang edukasyon sa Universidad de
Sta. Isabel sa Naga at nagtapos ng Economics sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman
noong 1986. Matapos makakuha ang unang degree, nagpatuloy sa pag-aaral ng Law sa
Pamantasan ng Nueva Caceres at nag-Master sa San Beda University na ngayon ay San
Beda College. Nakilala si Leni noong pumanaw ang asawa nito na si Interior Secretary
Jesse Robredo noong 2012 sa isang aksidente sa eroplano. Nangandidato noong 2013
sa pangkalahatang eleksyon at nanalong kinatawan ng Camarines Sur sa Ikatlong
Distrito ng Philippine House of Representatives for 16th Congress.
Bakit #LetLeniLead?
Bago dumako sa mismong paksa, ano nga bang kahulugan kapag nagsasagawa
ng hashtag? Mahalaga ba ito upang magpakalat ng impormasyon? Ayon kay Nancy
202
Naylor na isang Marketing Account Specialist (2015), ang hashtag ay isang tatak na
ginagamit sa mga social media platform na pinadadali ang paghahanap ng mga paskil o
impormasyon kasama ang tema o naglalaman ng tiyak na impormasyon. Ito ay
isinasagawa na may simbolikong “#” sa unahan ng salita at walang espasyo. Dulot ng
pagbabago ng panahon, karamihan sa mga taong gumagamit ng social media ngayon,
partikular na ang Facebook ay palaging gumagamit ng hashtag upang mapasali o makiisa
sa mga patok na isyu o balitang namamayagpag sa bawat oras. Nakatutulong ito upang
higit na malaman kung ano na nga ba ang trending o uso na nangyayari lalo na sa loob
ng mga platform.
Noong 2020, lumitaw ang hashtag na #LetLeniLead, ito ay matapos magpakitang
gilas ang Ikalawang Pangulo sa pagtugon sa hamon ng pandemya. Napatunayan ito
noong biglang dumami ang bilang ng mga kaso ng COVID19 dahil sa hindi pakikinig ng
Pangulo at mga gabinete nito. Enero 31, 2020 nang sabihan ni Leni Robredo ang
gobyerno mismo na simulan na ang travel ban, ito ay matapos makumpirma ng Kalihim
ng Kagawaran ng Kalusugan na si Francisco Duque III na nakapasok na ang
nakahahawang sakit sa bansa. Napapayag naman ang Pangulo ng bansa ngunit tanging
sa lungsod ng Wuhan at probinsya ng Hubei ng bansang Tsina lamang ang hindi
pinahintulutang makapasok ng bansa. Taliwas sa ipinanukala ng Ikalawang Pangulo na
buong Tsina. Ang balitang ito ay inulan ng mga panunuligsa kay Leni bilang sinasabi na
pakialamera at masiyadong maraming alam. Karamihan diyan ay ang mga taong taga-
hanga ni Pangulong Duterte at galit sa partidong Liberal o higit na kilala sa tawag na
“Dilawan” na pinangungunahan ng pamilyang Aquino.
Marso 17, 2020 nang magsimula ang pagpapatupad ng Enhanced Community
Quarantine o ECQ sa buong Luzon dulot ng paglobo ng kaso ng Coronavirus o higit na
kilala ngayon bilang COVID19. Ang mga klase noong Marso 16, 2020 sa lahat ng
paaralan ay naantala, kasabay nito ang biglaang paghihigpit sa mga pampublikong
sasakyan at kalsada. Ito ay nagdulot ng pagbabago sa galaw ng mga tao dahil sa hindi
inaasahan pangyayari. Ngunit, naunang nagsabi ang palasyo na hanggang isang linggo
ito ngunit tila umabot na ng magdadalawang taong quarantine. Ngunit bago pa man
magsimula ang ECQ, noong Marso 12, 2020 ay nagbigay na ng payo si Leni sa plano ng
203
gobyerno na magiging epektibo lamang ang pagkakaroon ng lockdown kung ang mga
mamamayan ay may sapat na kailangang suplay upang hindi na kinakailangang lumabas
pa. Isa pa rito ang pagbibigay ng tulong-pinansyal dahil nakikitaan na sa pag-iimplementa
nito, ang mga mahihirap o kapos-palad ang pinakakawawa.
Nang araw na kung saan nagsimula na mismo ang pag-iimplementa ng ECQ
[Marso 17, 2020], ay agarang nagbigay-donasyon si Leni ng gamit at libreng sakay o
tinawag na Free Shuttle for health workers and frontliners, ito ay dahil hindi muna
pinahihintulutan ang mga pampublikong sasakyan na makabiyahe dulot ng kumakalat na
sakit. Sa araw na iyon, ang pangkat ng Ikalawang Pangulo ay nakapagpadala ng 7,350
na Personal Protective Equipment o PPE sets sa siyam na ospital sa Lungsod Maynila
at Quezon, kasabay niyan na itinaas sa Php. 17.3 Milyon para sa mga set ng pagkain at
pangangalaga sa mga health workers at pamilya nito.
Noong Abril 7, 2020 ay naglimbag ang Rappler ng artikulo patungkol sa mga
isinasagawa ng Ikalawang Pangulo. Dito inilarawan kung paano ang pagtugon ng Opisina
ng Ikalawang Pangulo sa pandemya. Ilan sa mga ito ay ang pagsasagawa ng Donation
Drive upang makalikom ng salapi na ipangtutulong sa mga frontliner na humaharap
ngayon sa sakit. Isinasagawa ito dahil sa maliit lamang ang badyet na ibinababa sa
Opisina ng Ikalawang Pangulo na nagkakahalaga lamang na Php. 664 Milyon. Ngunit,
dahil nga ipinagbabawal sa batas ang paghingi ng Office of the Vice President o OVP ng
pera ay inililipat ito sa kilusang “Kaya Natin!” upang ipampagawa ng mga PPE para sa
mga medical frontliner, kasama na riyan ang free shuttle at pagkain. Upang magkaroon
ng transparency ay inililimbag ang mga nagastos at ipipaskil sa Facebook Page ni Leni
Robredo. Ngunit, kahit nga ganito ang ginagawa ng Ikalawang Pangulo ay mayroon pa
rin talagang mga mapagsamantala, ito ay matapos na paimbestigahan ng komisyoner ng
Presidential Anti-Corruption Commission o PACC na si Manuelito Luna ang
isinasagawang pagresponde ni Leni Robredo sa pandemya, ngunit sa kabutihang palad,
ipinag-utos ng Pangulo na alisin sa trabaho ang komisyoner ng naturang ahensya na
ipinagpasalamat ng Ikalawang Pangulo.
Sa patuloy ng pagtugon ng Ikalawang Pangulo para sa pandemya ay hindi lamang
naging pokus nito ang medikal na pangangailangan ng mga frontliner. Noong Nobyembre
204
2020, dalawang malakas na bagyo ang humagupit sa bansa at ang lubos na naapektuhan
nito ay ang parte ng Luzon. Noong Nobyembre 2, pinuntahan ni Leni ang mga probinsya
sa Camarines Sur na hinagupit ng bagyong Rolly, ang mga kababayan ng Ikalawang
Pangulo upang gawin ang relief operation upang makatulong sa mga residente ng
probinsya. At noong Nobyembre 12 ay nagpahatid ng tulong si Leni sa Makati at Rizal na
mga apektado ng bagyong Ulysses sa pamamagitan ng pag-rescue at relief operation, at
noong Nobyembre 15 ay binisita ng Ikalawang Pangulo ang probinsya ng Cagayan na
pinakaapektado ng bagyong Ulysses dahil sa malakas na agos ng baha at sumira ng
maraming bahay. Kaya noong Nobyembre 24, sa tulong ng kilusang “Kaya Natin!” ay
nakalikom ng Php. 64.3 Milyon sa pamamagitan ng BANGON LUZON Relief Drive for
typhoon victims.
Noong Disyembre 18, 2020 nang humagupit sa Mindanao ang Tropical
Depression Vicky na nagdulot ng matinding pagbaha sa ilang parte nito lalo na sa Agusan
del Sur at Surigao del Sur. Dito ay panandaliang nag-trending ang
#NasaanAngBisePresidente na oras lamang ang tinagal. Ginaya sa kung paanong
hinanap ang Pangulo sa naunang mga nagdaang bagyo na may #NasaanAngPangulo
kung hindi tumugon. Sa inilabas na meme ng isang netizen ay agarang tumugon ang
Ikalawang Pangulo sa pamamagitan ng Twitter na may tweet na “Andito po ako. Kanina
pa kami nag ko-coordinate sa areas na apektado. Pagdasal po natin mga kababayan
natin sa Agusan del Sur at Surigao del Sur na binabaha ngayon”. Ang twitter post na ito
ay inulan ng mga iba’t ibang reaksyon na lalong nagpamangha sa mamamayan sa kung
paano agarang rumeresponde ang Ikalawang Pangulo sa mga sakuna. Ang meme na
ginawa ng isang netizen ay binura matapos itong mag-trending at ibalita sa programang
balita sa telebisyon at internet sa Pilipinas.
At ngayong taong 2021 ay patuloy pa rin ang isinasagawang pagtulong ng
Pangalawang Pangulo lalo na sa mga medical frontliner upang matiyak ang
pangangailangang medikal. Sa pamamagitan din niyan ang pagsasagawa ng Donation
Drive katuwang ang kilusang “Kaya Natin!” at “Angat-Buhay.” Isa pa riyan ang kahilingang
mapabilis ang pagproseso ng mga bakuna upang matiyak ang pagkamit sa herd immunity
bago sana matapos ang taong 2022 na ayon sa Inter-Agency Task Force o IATF.
205
Tunggalian ng mga Kulay sa #LetLeniLead
Sa Pilipinas, kultura ng mga Pilipino ang sinasabing may pinapanigang kulay.
Hindi literal bagkus grupo ng tao na makapangyarihan o may posisyon sa gobyerno. Sa
kasakuluyan, dalawang kulay ang lumilitaw sa bansa, ang pula na para sa Partido
Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban at ang Partido Liberal o Liberal Party.
Ang PDP-Laban ay nabuo noong panahon ng Rehimeng Marcos, ito ang grupo na tutul
sa pamamalakad ng dating pangulo na itinatag nina Aquilino Pimental ng Partido
Demokrating Pilipino at Ninoy Aquino ng Lakas ng Bayan. Matapos ang mahabang
panahon ng pananahimik, muling sumabak sa halalan ang naturang Partylist noong 2016
sa pangunguna ng kasalukuyang pangulo na si Rodrigo Duterte. Ang Partido Liberal
naman o higit na kilala bilang mga dilawan sa mata ng panahon ngayon ay isang
samahan na tinatag sa Pilipinas noong Nobyembre 24, 1945 sa pangunguna ng mga
dating pangulo na sina Manuel Roxas at Elpidio Quirino. Ang dalawang Partido na ito ay
nagkaroon ng agwat sa kapangyarihan dahil ang kasalukuyang pangulo ay PDP-Laban
at ang Ikalawang Pangulo naman ay si Leni Robredo.
Kung bubusisiin ang mga social media platform ngayon, laman lagi ang dalawang
kampo sa tawag na DDS o Diehard Duterte Supporters at Dilawan lalo na sa mga
comment section ng balita na ipinapaskil ng mga pahina tulad ng GMA News, ABS-CBN
New, PhilStar, at Inquirer. Tagamak ang pagkakaroon ng hidwaan ng mga Pilipino dahil
sa isyung ito simula nang makialam daw ang Ikalawang Pangulo sa mga desisyon ng
Pangulo. Ayon sa pagsusuri ni Antonio Contretas ng The Manila Times (2020),
nagkakaroon ng Labels at Political Tagging sa bansa dahil sa pagpapahayag ng
naratibong opinyon tungkol sa pulitika. Sinasabi na kung ang isang indibidwal ay
naniniwala kay Pangulong Duterte, itinuturing itong DDS samantalang kung ang
indibidwal ay pinuna ang Pangulo ay agarang tatawaging Dilawan ng mga DDS. Sa
madaling sabi, ano pa mang uri ang isang indibidwal, basta pinuna ang Pangulo ay
awtomatikong Dilawan na at bayaran. Dito ay makikita ang hidwaan ng mga Pilipino kung
bakit nga ba nagkakawatak-watak ang bansa dulot lamang ng mga sari-sariling pananaw.
Hindi lamang mga simpleng mamamayan bagkus pati ang mga nasa
kapangyarihan o gobyerno ay nakikisama sa ganitong uri ng isyu. Nagkakaroon ng hindi
206
pagkakaunawaan dulot sa ayaw ng mga Partido ng Pangulo na makialam sa bawat
desisyon. Isa na rin ang pagkakaroon ng operasyon ng Philippine Drug Enforcement
Agency o PDEA patungkol sa mga napapatay na mga drug suspect na kinuwestyon ni
Leni Robredo, at nang ito ay makarating sa Pangulo ay ginawa ni Rodrigo Duterte ang
Ikalawang Pangulo bilang co-chaiperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal
Drugs o ICAD, ngunit ilang linggo pa lamang ay inalis si Leni sa bagong trabaho matapos
hingiin ng Ikalawang Pangulo ang mga detalye o record ng mga naging suspect ng droga
ngunit tumanggi ang kapulisan at mapagtanto na galling mismo sa labas ng bansa ang
mga naturang droga. Isa pa ay ang kasakuluyang isyu na kung saan ay nagsinungaling
ang kasalukuyang tagapagsalita ng Pangulo na si Harry Roque na sinabi raw ni Leni
Robredo na magpabakuna na ang Pangulo para magkaroon ng tiwala ang mamamayan
na agad na itinanggi ng tagapagsalita ng Ikalawang Pangulo. Dito palang sa mga balitang
ito ay hindi na masasabing nagkakaisa nga talaga ang gobyerno bagkus nagiging salik
din ang mga nakaupo upang magkaroon ng hiwalay na pananaw ang mga simpleng
mamamayan.
Ilan sa mga nagsasabi lalo na ang administrasyon na kasalukuyan na
namumulitika ang naturang Ikalawang Pangulo sa nalalapit na eleksyon, ngunit ayon sa
tagapagsalita ng Ikalawang Pangulo, mismo ang administrasyon ang namumulitika dahil
sa iba’t ibang pasaring kay Leni Robredo o sa madaling sabi, laging sinisisi ang naturang
Ikalawang Pangulo sa lahat ng masamang nangyayari sa bansa. Ani ni Atty. Barry
Gutierrez, malinaw na ang mismong administrasyong Duterte ang namumulitika upang
magpabango at nitong nakaraan ay iba’t ibang samahan lalo na ang tagapagsalita ng
Pangulo ang nagsasama-sama upang patakbuhin ang anak ng kasalukuyang Pangulo
na si Sara Duterte sa ilalim ng pandemya.
Sa mga ganitong pangyayari, tunay nga bang ganito na ang kultura mayroon
ngayon ang mga Pilipino. Hindi sa pagganap bagkus sa kulay na bumabase ang
karamihan, o sadyang nagiging bulag ang mga Pilipino sa pagpili ng mga pulitiko ngunit
kritikal ang pag-iisip pagdating sa mga kandidata ng pang-internasyunal na patimpalak
at gaganap na bagong Darna. Ano pa man ang kahihitnan nito, malaki ang gampanin ng
edukasyon upang magkaroon ng kaalaman ang mga Pilipino tungkol sa gampanin ng
207
mga nanalong pulitiko. Sa huli, ang mga kabataan ang mag-aani ng mga itinanim ng mga
nakatatanda, kung kaya ay dapat na pangaralan ang mga nasa kasalukuyan upang hindi
na muling maghari ang mga mapang-abuso at paglilipat-lipat ng kapangyarihan sa
limitadong pamilya lamang, taliwas sa kabuuang bilang ng populasyon sa bansa.
208
Pag-usbong ng Bayaning Makabago: LALAMOVE bilang Tagpagtagpo at
Tagapaghango
Ni: Resty J. Rivas
“Their actions have made them stand out and
have emerged as agents of
change for others.”- Cuizon (2002)
Para kay Cuizon (2002), ang mga simpleng paggawa at mga sakripisyo ng tao
ang isa sa mga nagbibigay ningning sa pagkatao ng isang indibidwal at ang nagiging
sanhi sa kung paano siya nakatutulong at nakaaapekto sa ikalalago ng kanyang kapwa.
Sa bansang Pilipinas, likas sa mga Pilipino ang pagiging matulungin, matapang at
masipag. Kung sisilipin ang kasaysayan, ilan ito sa mga naging pangunahing katangian
ng mga bayani, mga taong handang ibigay ang lahat, magdulot lamang ng magandang
pagbabago sa bayan at kapwa Pilipino. Ayon sa CultureEd Philippines, isang online at
digital arm ng Philippine Cultural Education Program (PCEP) sa ilalim ng National
Commission for Culture and the Arts, sa sinaunang panahon, ang itinuturing na bayani
ay mandirigma at pinunò, mahusay na lider o timuáy at magiting sa pagtatanggol ng
kaniyang sakop. Ganito ang naging lente at kahulugan ng mga bayani na sa atin ay
ipinamulat ng mga aklat at maging ng kasaysayan. Sa kabilang banda, sa patuloy na
pag-iral ng pagbabago ng panahon at lipunan, hindi na sapat na ikulong na lamang ang
kahulugan ng bayani at kabayanihan sa mga papapakahulugang inihain sa atin ng
nakalipas.
Sa kasalukuyang panahon, naging malawak na ang pagturing ng mga Pilipino
kung ano ang kahulugan at kabuluhan ng bayani at kabayanihan sa bayan. Maaaring
209
maging subhetibo ang pagpapakahulugan ng ilan ngunit ito ang nagsisilbing ganda ng
pagtatangi bilang pagbibigay halaga sa mga taong sa kapwa ay kumakalinga.
Sa Ang Kabayanihan sa Panahon ng Batas Militar ni Alvin
Campomanes (2011), tinuntungan ang dalumat ng bayani bilang tagapagpanatili at
tagapagtanggol ng kaayusan ng bayan. Isa pa, naging bahagi na rin ng
pagpapakahulugan ng kabayanihan ang mga ordinaryong aksyon tulad ng pagtulong sa
kapwa at pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad at lipunang
kinabibilangan. Simple ngunit napakagandang isipin na kahit sa mga malilit na bagay ay
nakikita ng mga indibidwal ang kulay ng kabayanihang buhay na buhay. Kaugnay ng
Bayani sa panahon ng Martial Law, ayon naman sa Six Modern Filipino heroes: Benigno
S. Aquino Jr., Jose W. Diokno, Estelita G. Juco, Gaston Z. Ortigas, Joaquin P. Roces,
Lorenzo M. Tanada, (Maramba 1993) sinasabi na kailangan ang pagkilala sa mga bayani
para sa pagiging isang bansa. Ngayong tila ba nagsasanga-sanga na ang
pagpapakahulugan ng bayani at kabayanihan, mahalagang maunawaan na hindi lamang
nagtatapos sa kwento ng nakaraan ang pagkakaroon ng mga bayani dahil hanggang sa
ngayon ay mayroon pa ring mga sumisibol at nagsisilbing makabagong bayani sa
maraming tao. Isa nga sa patunay na umaagos pa rin ang dugo ng kabayanihan ay ang
mga Lalamove Drivers na sinusuong ang hagupit ng pandemya, ang tirik ng sinag ng
araw at ang buhos ng mga ulan maitawid at maibigay lamang ang mga produkto at
serbisyo na ating kailangan. Sa pamamagitan ng kanilang kabayanihan, unti-unting
nakagagalaw ang marami sa kabila ng limitasyon at pilay na idinulot ng krisis sa buong
mundo.
LALAMOVE: MUKHA NG MAKABAGONG BAYANING TAGAPAG-UNAY
Ang Lalamove na kilala ng lahat ay isang Asia-based technology na nagbibigay
ng mga delivery services sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga delivery drivers
gamit ang app o mobile phones at ang nangungunang on-demand delivery platform sa
buong Asya. Tunay na tanyag ang nasabing kompanya sapagkat tinatayang halos pitong
(7) milyong tao ang tagapagtangkilik nito at may halos 700,000 na mga drayber ang
napapabilang dito.
210
Kaya naman, sa panahon nang pumutok ang pandemya sa bansa, litaw ang naging
halaga at pangunahing gampanin ng Lalamove at ng teknolohiya sa kung paano ito
naging tagapag-ugnay ng maraming buhay. Kabuhol nito ang mga tinatawag na e-
commerce kung saan dito nagaganap ang pagbili o pagbebenta ng mga produkto at mga
serbisyong online gamit ang Internet na lugar kung saan din matatagpuan at maaaring
gamitin ng Lalamove sa pamamagitan ng kanilang sariling link at application. Samantala,
sa paglago ng mga tinatawag na e-commerce ay tila ba naging kakambal at kabuhol na
rin ang mga delivery mode tulad ng mga ginagawa ng/sa Lalamove kung saan direktang
dinadala sa tahanan o sa lugar na pinagkasunduan ang mga biniling produkto at serbisyo
sa birtwal na espasyo.
Malaki ang naging epekto at samu’t saring mga emosyon ang lumutang nang
idinineklara ng Palasyo ng Malacanang ang paglalagay sa buong kapuluan ng Luzon
kasama ang National Capital Region (NCR) sa tinatawag na Enhanced Community
Quarantine noong Marso 17, 2020 alinsunod sa Proclamation nos. 929 at 922 at ng
Republic Act no. 11332 na siyang naging batayan ng mga ito. Sa kadahilanang marami
at malawak ang naging epekto ng sipa ng pandemya sa bansa, nalimitahan ang mga
taong lumabas ng tahanan. Isa rin sa mga binigyang-diin ng proklamasyon ng palasyo
ay ang pagbabawal sa mga “Mass gatherings” at tanging mga esensiyal na
establisyimento lamang ang maaaring magbukas at kung may ilan man tulad ng mga
kainan ay naka-skeletal workforce pa rin ang mga ito kaya’t naging mahirap ang proseso
at hindi naging malakas ang kita dahil sa limitasyong pisikal.
Ang inaakalang mabilisan at agarang pagtatapos ng ECQ sa bansa ay
naunsiyami nang idineklara ang pagpapatuloy o pagpapalawig nito hanggang April 30,
2020 na kung saan ang mga tao ay labis na nagpaulan ng emosyon at mga reaksyon
hindi lamang sa tahanan kundi maging sa social media. Kaugnay nito, ang patuloy na
pagkababad ng bansa sa ECQ ang nagdulot sa mamamayan upang gumawa ng paraan
nang kahit sa simpleng mga bagay ay muli nilang maranasan ang mga bagay na
nakagisnang gawin. Ang kadahilanang ito ang nagpalakas sa online shopping at
paghahatid ng mga produkto gamit ang mga delivery mode na isinasagawa ng mga tao
gamit ang online na pakikipag-usap sa tulong ng mga aplikasyon gaya ng Lalamove. Sa
tulong nito, ang mga tao ay patuloy na nagkakaroon ng akses sa iba’t ibang mga serbisyo
211
at produkto na nais nilang makamit. Sa pamamagitan lamang ng pagda-download ng
application ay madali na ang pagbuo ng koneksyon at pagpili sa mga napupusuang
pagkain, kagamitan at maging serbisyo na labis na kinagigiliwan ng mga tao dahil hindi
lamang nila muling nasasariwa, nagagawa, nakukuha at nakakain ang mga nais nilang
pagkain o produkto bagkus ay nagkakaroon din sila ng pagkakataong magalugad ang
birtwal na espasyo pagdating sa pagpapalitan o pagbili ng mga produkto na sikat na sikat
sa panahon ng new normal o ang bagong estado ng lipunan. Alinsunod dito, ang delivery
mode at ang online na transaksyon na nagagawa, partikular sa Lalamove, ay labis na
nakapagbibigay kasiyahan at kaginhawaan. Bukod sa madali mo nang makukuha ang
mga nais na produkto ay maginhawa at maluwag din ito sa pakiramdam sapagkat hindi
na kinakailangang lumayo pa ang mga tao dahil ang delivery mode ay maaasahan upang
maging magaan at kumbenyente ang pagtanggap sa mga pinagkasunduang produkto at
serbisyo.
BROOM! BROOM!: LALAMOVE BILANG TUGON SA PAG-AHON AT PAGHILOM
Dulot ng malawakang epekto ng pandemya sa aspekto ng negosyo, trabaho at iba
pa ay mas dumaing ang mga tao nang magsara ang ilang mga establisyimento na siyang
pinagkukunan nila ng hanapbuhay. Marami ang hindi naging handa sa daluyong na ito
kung kaya’t lumitaw sa datos ang naging repleksyon ng mga suliraning ito. Ayon sa
inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumagapak sa 7.1% ang naging
unemployment rate ng bansa sa taong 2020. Malinaw lamang na ipinapakita nito na ang
bunga ng pandemya ay labis na naging dahilan ng pagkapilay ng kabuhayan ng bawat
mamamayan.
Sa kabilang banda, kahit naging masalimuot at mahirap ang naging proseso at
ang patuloy na nagiging takbo ng hanapbuhay, ang mga tao ay masigasig pa ring
humahanap ng paraan upang magkaroon ng kapakinabangan ang bawat isa at hindi
hayaang mauwi na lamang sa pagkaunsiyami ang mga nagaganap sa kapaligiran. Sa
ganitong mga pagkakataon mas lalong ipinapakita at mas lumiliwanag ang katangian ng
isang Pilipinon—ang pagiging masipag at maparaan.
212
Kaya naman, sa kabila ng mga pagsubok, ang e-commerce kaugnay na ang
delivery mode na mayroon at makikita sa Lalamove ay tunay na naging isang tuntungan
at oportunidad tungo sa pag-ahon at paghilom, upang ang ilang mga kababayan ay
muling makahanap ng trabaho kahit na sila pa man ay mapabilang sa 16.2% na
underemployed sa bansa na inilabas ng PSA.
Kaugnay nito, sa panahon ngayon, marami nang paraan upang kumita nang malaki
sa sarili mong oras, na para sa ilan, nahanap ang bagay na ito sa pagiging delivery
driver sa Lalamove. Sa pagpasok sa ganitong uri ng trabaho, labis-labis na tiyaga at
sipag ang kinakailangang ibuhos kasabay ng dedikasyon at pagpupursigi sa ginagawa.
Simple lamang ang mga kahingian upang makapasok sa ganitong uri ng paghahanap-
buhay. Una, kinakailangan na i-download ang Lalamove Driver App sa mobile phone
upang maging gabay sa trabaho. Ikalawa, kahingian ang pag-install sa app ng Lalamove
at punan ang mga kinakailangang datos kasabay ang pagpasa ng driver’s license, NBI
Clearance, OR / CR / Deed of sale at ang larawan ng sasakyang gagamitin sa paged-
deliver ng mga produkto. Sa huli, mahalagang maging bahagi ng kanilang oryentasyon
upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa kung paano ang magiging takbo at kalakaran
ng trabaho.
Gamit ang mga kahingian, ang mga indibidwal na makakapasa ay magkakaroon
na ng pagkakataon upang mapabilang sa hanay ng mga delivery drivers. Hindi biro ang
pagpasok sa ganitong uri ng trabaho sapagkat tunay na makatutulong ang kikitain dito
lalo na sa panahon ng pandemya. Kilala ang Lalamove dahil sa mga motorcycle partner
drivers nila na walang sawang nagbibigay ng maganda at mabilis na serbisyo sa lahat ng
mga konsyumer mula sa paghahatid ng mga packed food meals ng ilan sa kanilang mga
tagapagtangkilik, hanggang sa mga dokumento at iba pang pangangailangan ng mga
mga konsyumer. Ayon sa mismong kompanya ng Lalamove, humigit kumulang ₱6,000 -
₱30,000/buwan ang kinikita ng Motorcycle Partner Driver at sinasabing madaling maabot
ang ₱30,000/buwan, basta't magsipag lamang sa pagkuha ng mga orders ang isang
indibidwal. Isa pa, tinatayang nasa mga ₱10,000 - ₱70,000 ang kinikita ng isang MPV
Partner Driver kada-buwan basta't masikap lamang sa pagkuha ng booking at kung mas
magiging masigasig pa, hindi mahirap kumita ng ₱70,000/buwan. Para naman sa mga
213
heavy items tulad ng lipat bahay o bulk business deliveries, andiyan naman ang Light
Trucks (FB van, L300) ng Lalamove. Karamihan sa mga Partner Drivers at Partner
Operators na ito ay nagiging malaking tulong sa madaming malalaking negosyo para i-
deliver ang kanilang mga produkto lalo na ngayong limitado ang paggalaw ng mga tao at
dahil malalaki ang kanilang bina-biyahe, malaki rin ang kitaan dito dahil kayang kumita
ng Light Truck Partner Driver at Partner Operators ng humigit kumulang ₱20,000 -
₱170,000 kada-buwan. Basta't kuha lang nang kuha ng booking, posibleng-posible ang
ideyal na kitang ito.
Dagdag pa rito, bukod sa malaking kita na maaaring matamo sa pagiging delivery
driver sa Lalamove, nagbibigay din ang mismong kumpanya ng mga benepisyo upang
hindi lamang makapagbigay ng mataas na kalidad-paggawa kundi upang mas mapagaan
din ang kanilang mga dinadala—pampinansyal man o pansarili. Ang Lalamove ay
nagkakaloob ng tinatawag na “Exclusive Panalomove Driver’s Benefits” kung saan pasok
ang mga fuel benefits, insurance, healthcare, vehicle maintenance, vehicle purchase,
roadside assistance, financing at maging gadgets at gears na higit na makatutulong sa
mga empleyado at maging sa kanilang pamilya.
Ang tagpong ibinibigay ng Lalamove ay hindi lamang naging sanhi ng pag-ahon
at paghilom ng mga trabahador ng kanilang kompanya bagkus ay naging daluyan din ng
pag-angat ng maraming tao sa lipunan sapagkat sila ang nangunguna upang ang mga
indibidwal ay patuloy na makagalaw sa ganitong uri ng sistema sa kasalukuyan. Sila ang
mga naging paa at kamay ng marami kaya naman hindi matatawaran ang parangal sa
ginagawang sakripisyo sa pagtatrabaho at pagpupunyagi ng mga makabagong bayani.
Katulad din ng nabanggit ang ipinapahiwatig sa pagpapakahulugan sa kabayanihan ayon
sa In Search of Modern Heroes (Cuizon 2002). Ayon dito, mahalaga ang pagkilala sa
mga bayani at sa kabayanihan sa paggamot ng nayurakan na dangal ng mga Pilipino.
Tulad ng mga bayani, isang pagkilala rin ang dapat na ialay sa mga taong naging saklay
ng lipunang pilay. Mahalagang palutangin ang kanilang magagandang gawi na
tagapagsalba ng halos sangkatauhan. Isang kabayanihan ang paghahanapbuhay para
sa pamilya, isang kabayanihan ang pagiging matatag at masipag sa paggawa at lalong
kabayanihan ang pagtulong at pagkakaroon ng malasakit sa kapwa.
214
KWENTONG MAY KWENTA: LALAMOVE DRIVERS SA GITNA NG PANDEMYA
Upang mas maunawaan ang kalagayan ng mga delivery drivers, hindi sapat na
bumase lamang sa mga datos at numerong makikita. Mahalagang masipat din ang lente
ng iba’t ibang kwento sa kabila ng mga salitang nababasa ng iba’t ibang mga tao.
Ayon kay ginoong Teddy John Palencia, 42 gulang at kay ginoong Rommel
Balaguer, 35 gulang, mga Lalamove Delivery Drivers, ang kadalasang ginagawa nila sa
trabaho ay nagbibigay ng serbisyo sa pamamagitan ng pagpick-up at pag-drop ng mga
gamit na ipinadadala o ipinakukuha ng mga customer sa kanila. Isa rin sa tinumbok ng
mga ito na ang bawat transaksyon ay dumaraan sa Lalamove app kung saan doon
makikita ang demograpikal na impormasyon ng mamimili gaya ng pangalan, lugar kung
saan kukuhain ang gamit, maging ang lokasyon kung saan ihahatid o ipadadala ang mga
kagamitan at gayundin ang presyo ng naging transaksyon. Labis silang natutuwa
sapagkat sa panahon ng pandemya, mahirap kumita ng salapi ngunit mapalad na
nagkaroon sila umano ng pagkakataon na magkaroon ng mapagkukunan ng
pagkakakitaan na magagamit upang makamit ang mga pangunahing pangangailangan.
Sa kabila ng makinang na oportunidad hindi rin maitatanggi na may ilan din silang
kinaharap na mga hamon sa pagiging isang delivery driver ng Lalamove. Isang malaking
pagsubok para sa kanila ay kung hindi tugma at hindi tama ang pin location ng pickup
point o drop-off point sapagkat nagkakaroon ng malabong ugnayan na maaaring
makaapekto sa mismong transaksyon. Isa pa sa idinagdag nila ang hindi nila
malilimutang karanasan bilang isang delivery driver ay iyong panahong mayroon silang
transaksyon sa isang kliyente ngunit ang lugar kung saan kukunin at ipadadala ang mga
kagamitan ay hindi halos mapasok ng sasakyan dahil sa kipot ng daan. Bilang isang
delivery driver, naging hamon sa kanila ito sapagkat hindi lamang sila nasubok sa
mismong pundamental na kahingian ng trabaho bagkus kinakailangan nilang mag-isip ng
paraan at solusyon sa kung paano magiging mas maayos ang serbisyo sa kabila ng
pagsubok at maging malinis lamang ang daloy ng lahat upang mapasaya ang kanilang
mga kliyente.
215
Tunay na hindi madali ang paghahanap ng pagkakakitaan sa panahon ng
pandemya ngunit mahalagang lagi’t laging isa-isip na lamang ang paraan kaysa sa
dahilan. Mas maraming rason upang magpatuloy at gumawa ng mga bagay na ikauunlad
ng sarili, pamilya at bayan upang patuloy na makapagbigay at makabuo ng produkto at
paggawa na makatutulong sa marami. Ang simpleng mga hanapbuhay na ito ay higit na
mainam kaysa wala. Ito ang magsisilbing instrumento upang matustusan ang mga
pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng pagkain at maging sa iba pang aspekto
tulad ng pagbabayad ng kuryente, tubig, pag-aaral ng mga kabataan at iba pang mga
bagay na pinagkakagastusan maitawid lamang ang bawat isa sa hikahos at anino ng
pagsubok.
AKO, KAYO, TAYO: IBA’T IBANG LENTE NG TEORYA SA LIKOD NG LALAMOVE
AT TUGON NG MASA
Sa mga nagaganap sa ating lipunan tulad ng pag-usbong ng teknolohiya na
kabahagi ang e-commerce at Lalamove, halos lahat ng mga tao ay naging kabahagi sa
tila rebolusyon tungo sa pagtanggap ng mga makabagong sistema sa lipunan. Kaya
naman, mainam na sipatin kung ano ang esensya ng mga teorya at kung ano ang naging
kaugnayan nito sa mga nagaganap na desisyon, aksyon at pagtugon ng mga tao sa
ganitong mga bagay na kumukuha ng kanilang mga tuon.
Tulad ng awitin ni Jamie Rivera na Pananagutan, “walang sinuman ang nabubuhay
para sa sarili lamang, walang sinuman ang namamatay, para sa sarili lamang. Tayong
lahat ay may pananagutan sa isa't isa.” Ang ganitong uri ng pananaw ang
nagpapatingkad sa kung paano nakikibahagi ang Lalamove Drivers sa ating buhay at
tayo sa kanilang buhay. Sa pananaw ng mga functionalist sa ilalim ng Teoryang
Functionalism ni Emile Durkheim, na isa sa mga pangunahing panteoryang pananaw sa
sosyolohiya, ay naniniwalang ang bawat bahagi ng lipunan at tao ay gumagana para sa
katatagan nito. Kanyang ihinalintulad ang lipunan sa isang organismo. Tulad ng isang
organismo, ang bawat bahagi ay may mahalagang bahagi, ngunit walang magagawa ang
nag-iisa. Kaya naman, ang ibang mga bahagi ay dapat umangkop upang punan ang mga
kahingian ng pagkakataon na dapat gampanan. Ang bawat isa ay idinisenyo upang
216
punan ang iba't ibang pangangailangan, at ang bawat isa ay may partikular na mga
kahihinatnan para sa anyo at hugis ng lipunan. Ang mga bahagi ay nakasalalay sa bawat
isa. Ganito ang naging lente ng mga functionalists sa lipunan na kung saan litaw na litaw
sa kung paano pinupunan ng mga makabagong bayani, Lalamove Dirvers, ang kanilang
bahagi upang mapanitili ang mabuting kalusugan ng sistema sa pamamagitan ng
pagtupad sa kanilang mga tungkulin at hanapbuhay na bumabago ng maraming buhay.
Sila bilang tagapagbigay ng serbisyo, at tayo bilang tagapagbigay ng trabaho. Ganito ang
nagiging mukha ng pagtutulungan ng mga makabagong bayani at ng bayan sa kung
paano tinutupad ang tungkulin sa lipunang kinabibiangan.
Sa kabilang banda, bukod sa mga functionalists, mainam na sipatin din ang
teorya sa kung paanong ang mga tao ay tila nagkakahawaan hindi ng sakit kundi sa
pagkuha ng mga serbisyo sa online tulad ng Lalamove. Halimbawa, ang isang tao ay
kukuha ng serbisyo, ang iba ay tila ba maeenganyo, mahahawa at matututo na ring gawin
ang mga bagay na ito. Para sa mga behaviorist, tulad nina B.F. Skinner, Ivan Pavlov at
John Wattson, ang pagkatuto ay nagmumula sa obserbasyon ng kultura o
kapaligiran. Nakita sa pag-aaral ng mga behaviorist na sumasangay sa panggagaya at
pagsasanay ang ilan sa mga dahilan kung bakit ang ilang mga tao ay nahahalina at tila
ba naging bahagi na ng kultura ang pagkonsumo sa mga online na produkto at serbisyo
nagsimula sa pagtitingin hanggang sa paulit-ulit na itong ginagawa at nagiging bahagi na
ng nakasanayan.
Tunay na sa patuloy na pag-usbong ng pagbabago sa lipunan at panahon ay siya
ring pag-usbong mga makabagong bayani. Hindi naging hadlang ang modernisasyon
tungo sa pagpapanatili ng solido at maayos na nasyon. Pinalitaw ng iba’t ibang lente at
pananaw sa kung paano naging tagapagtagpo ng mga pangangailangan at pangrap ang
Lalamove gayudin ang mga kawani at manggagawa nito at kung paano ito nagdulot ng
paghilom mula sa mga sugatang mamamayan na hinagupit ng pandemya. Nagningning
ang pagkabayani ng marami sa pamamagitan ng pagpapatingkad ng mga makatao at
maka-Pilipinong gawi tulad ng pagbabayanihan, pagmamalasakit at pakikiisa bunga ng
sipag, tapang at dedikasyong makaahon nang sabay-sabay at paniniguradong walang
maiiwan sa suliraning kinakaharap ng sangkatauhan. Kasabay man nito hamon ng
globalisasyon at impluwensya ng kulturang popular dulot ng mga produkto at maging ng
217
ilang serbisyong natatamasa, mainam na paigtingin pa rin ang makabayang pananaw at
suriing mabuti ang bawat aksyon at desisyon. Sipatin ang lente na magbibigkis sa atin
bilang isang bayan at gawing gawing aral ang mga inihahain sa atin ng mga
pagbabagong nagaganap sa kapaligiran. Sa dulo, malakas at walang hanggang
pagpupugay pa rin ang dapat na ialay para sa mga makabagong bayaning naging
tagapagtagpo at tagapag-ahon ng lipunan.
218
Magandang Dilag: Pagtalunton sa Pamantayan ng Kagandahan sa Pilipinas
Ni: Harlyn Jade D. Seton
“I think beauty comes from actually
knowing who you are. That’s real beauty to me.”
-Ellen DeGeneres
Gandang Pilipina: Pagsusuring Historikal sa Pamantayan ng Kagandahan sa
Pilipinas
Mula noon ay mayroon nang tinutukoy na kagandahan para sa kababaihan sa iba’t
ibang paraan at sa paglipas ng panahon ay patuloy ang paghulma ng lipunan, kultura, at
kasaysayan sa pamantayan ng kagandahan. Nasakop tayo ng mga dayuhang bansa sa
matagal na panahon, Japan, Spain at Amerika na hindi maitatangging malaki ang
impluwensiya sa uri ng taong mayroon tayo sa kasalukuyan. Marami ang bumibili ng mga
rejuvenating set, mga nagpapaturok at kung ano-ano pang proseso ng pagpapaputi. Ang
ganitong kaugalian ng mga Pilipino ngayon ay mayroong pinag-ugatan, sinasabi ni
Rondilla (2009) ang pagkahumaling ng mga Pilipino sa pagpapaputi ng balat ay nagmula
sa pananakop ng mga mapuputing bansa- Espanya at sinundan ng Amerika. Ayon kay
Magdaraog (2014) noong unang panahon itinuturing na mas maganda ang mga babaeng
may mapuputi at makikinis na kutis at malalaking balakang dahil nangangahulugan ito ng
kayamanan at mataas na katayuan sa lipunan na siya namang nakaimpluwensiya sa mga
Pilipino. Sa paglipas ng panahon ang paniniwalang ito kaugnay sa pagtingin sa
kababaihan ay nagbago. Nang tumungtong sa ika-dalawampu’t isang siglo ay mas
nagugustuhan ng mga kalalakihan at iniidolo ng marami ang mga babaeng mayroong
maliliit o balingkinitang katawan. Kaugnay nito ay ang pagsibol ng mga katawagan sa
219
mga kababaihang hindi pasok sa pamantayan ng kagandahan ng lipunan, body shaming
kumbaga.
Mula sa paliwanag ni Grabe et., al. (2007) body shame, a hypothesized by-product
of self-objectification, has been found to girls. Ito ay ang pamamahiya bunsod ng pisikal
na katangiang pisikal na hindi pasok sa pamantayan ng kagandahan ng lipunan, mataba,
sobrang payat, pandak, maraming tigyawat, hindi pantay na kulay ng katawan ilan
lamang ito sa mga hindi kuno magandang katangian. Ngunit hanggang kailan
magpapakulong ang mga kababaihan sa ideyang ang kagandahan ay kung ano lamang
ang dinidikta ng lipunan. Dala na rin ng teknolohiya, sa pag-usbong ng midya ay patuloy
ang pagtatakda ng pamantayan kaugnay sa tunay na kagandahan. Ang mga nakikitang
babae sa tiktok, instagram, facebook at kung ano-ano pang social media sites ang
basehan ng kagandahan. May balingkinitang katawan, maayos ang postura, maputi ang
kili-kili at walang bahid ng sugat mula pagkabata. Nilamon tayo sa paniniwalang ang
maganda ay yaong walang kapintasang pisikal at ang maganda ay ang sinumang
kawangis ng mga babaeng nakikita sa social media. Mistulang naging alipin ang
maraming kababaihan ng pamantayang ito ng kagandahan kung kaya ay pinipilit na
makasabay sa pamamagitan ng kung ano-anong paraan at produkto.
Kung sisipating mabuti ang ganitong kaugalian ng kababaihan ay may pinag-
ugatan mula sa pananakop sa atin noong unang panahon hanggang sa intelektwal na
pananakop sa kasalukuyan. Nang dahil sa globalisasyon, kinakaharap ng maraming
bansa sa kasalukuyan ang mga pagbabago sa kaugalian at kultura na siya namang unti-
unting paglimot sa tunay na esensya ng kagandahan higit lalo ang gandang Pilipina.
Magandang Dilag ni JM Bales: Tampok ang Tunay na Ganda ng Isang Dalagang
Pilipina
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News ay humakot ng 1.8 million streams ang kantang
“Magandang Dilag” nina JM Bales at KVN sa Spotify. Matatandaang naging kalahok si
JM Bales ng Tawag ng Tanghalan habang bagong mang-aawit naman si KVN. Unang
napakinggan ang “Magandang Dilag” noong taong 2020 na ini-release sa ilalim ng Pop
Star.
220
Nang dahil sa pandemya ay napilitan ang mga Pinoy na manatili sa kani-kanilang
tahanan at tanging libangan lamang ay ang paggamit ng social media. Isa sa mga pinaka-
usong aplikasyon ay ang Tiktok na umabot sa halos isandaang milyong tagagamit nito.
Noong parehong taon ay tila ba naging last song syndrome ang awitin nina JM Bales
kung kaya ay ginawan na rin ito ng “MagandangDilagDanceChallenge”. Umabot sa 62
milyon ang gumawa ng hamon na ito sa Tiktok. Samantala, ang bidyo ng kantang ito ay
umabot na rin sa 22M views sa youtube.
Si Kiko “KIKX” Salazar ang composer at producer ng "Magandang Dilag" na inawit
naman ni JM Bales. Ang kantang ito ni KVN ay nagbukas ng maraming oportunidad sa
kanila ni JM Bales dahil sa mabilis na pagpatok nito. Isinulat ito ni KVN dahil kay Mama
J (Jonas Gaffud) upang gamitin sa Binibining Pilipinas habang rumarampa ang mga
kandidata. Nais ni Mama J na maging tunog pop song ito upang hindi maging tensyonado
ang paglalakad ng mga binibini.
“Nung sinusulat ko ‘yung kanta, naglaan talaga ko ng kalahating araw para makinig
ng mga lumang Kundiman para malaman 'yung totoong tunog ng harana. Lyrically
mararamdaman niyo na parang tula siya kasi gusto kong ibida ang ganda ng Pilipina,”
ani ni KVN. Itinatampok sa awitin ni KVN ang tunay na gandang Pilipina.
Hindi maikakailang naging maganda ang pagtanggap ng mga tao sa awiting ito ni
KVN dahil saang layunin nito na maitampok ang ganda ng isang Pilipina. Kung susuriin
nang mabuti ay tila ba ito ay matatawag na kabalintunaan ng balintuna sapagkat ang
awitin ay isinulat para sa patimpalak ng Binibining Pilipinas. Bagamat nais ni KVN na
ibida ang tunay na ganda ng isang Pilipina hindi pa rin maiaalis na ang madalas na
nananalo sa patimpalak ng pagandahan ay lagi at laging mga dalagang kitang kita ang
pagiging banyaga dahil isa sa mga magulang ay dayuhan. Minsanan lamang ang mga
pagkakataong nananalo ang mga purong Pinay na mayroong kayumangging balat, hindi
katangkaran at lalong hindi kahusayan sa pagsasalita ng Ingles ngunit matalas ang dila
sa pagkikipagdiskurso gamit ang wikang Filipino. Kung ang awiting ito ay nilikha upang
ma-ibida ang ganda ng isang Pilipina ano na ba sa kasalukuyan ang naging pamantayan
ng kagandahan sa bansang Pilipinas?
221
Magandang Dilag: Mukha ng Kagandahan sa Kulturang Popular
Ang kagandahan ay imahe ng katawan mula sa multidimensyunal na konstruksyon
na tumutukoy sa katangiang pisikal ng isang tao sa laki at hugis ng katawan, paliwanag
nina Mills at Roosen (2013). Kung bubusisiing mabuti, mayroong magkakatulad na pang-
unawa ang mga tao kaugnay sa kung paano nakikita ang laki ng katawan, hugis at bigat
sa impluwensiya nito sa damdamin at pag-uugali ng isang tao.
Sa panahong talamak ang mga kultural na pagbabago nagkakaron din ng
malaking agwat sa pamantayan ng kagandahan. Katulad na lamang ng paniniwala ni
Gustafson (1999) na nagbabago ang batayan ng kagandahan mula noong 1800
hanggang sa kasalukuyan. Mula sa kulay ng balat, tangkad, hugis ng katawan maging
sa uri ng kasuotan kung kaya ay nagkaroon ng pagbabago pagdating sa mukha ng
kagandahan sa Pilipinas higit lalo sa panahon ng kulturang popular.
Nagsimula ang fashion sa pananamit ng mga Pilipino noong panahon ng Espanyol
na kung saa’y sikat na kasuotan ng kababaihan ay ang “baro’t saya,” na kilala rin noon
bilang “Maria Clara gown” upang katawanin ang konserbatibong pag-uugali. Sa pagpasok
ng mga Amerikano ay unti-unting nag-iba ito mula sa konserbatibong kasuotan
patungong liberal na pananamit ng mga kababaihan. Ayon kay Gabaton (2015) mas
naging bulgar ang mga kasuotan na umakma naman sa tropikal na klima sa Pilipinas.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang mga pagbabagong ito sa mga kasuotan
ng mga babaeng Pilipino. Madalas ang pagsipat sa Pinterest app ang libangan upang
makakuha ng ideya ng kanilang style o fashion na madalas namang mga banyaga ang
kanilang pinagkukuhanan ng impormasyon kaugnay rito. Sa usaping ito ano pa nga ba
ang matatawag na kasuotan ng mga Pilipina. Ang pagbida ba sa ganda ng Pilipina ay
tumutukoy sa kasuotang inilapit sa dayuhang kultura ng pananamit?
Katulad ng pananamit ay nagbago rin ang pamantayan ng kagandahan pagdating
sa kulay ng kutis at hulma ng mukha at katawan. Bagamat hindi tahasang binabanggit ay
naging sentro ng kagandahan ay ang mga “Caucasian” sila ang mga may lahing mula sa
kanluraning bansa. Itinuturing na maganda ang mga may maputing kutis, matatangos na
ilong, unat na buhok, matatangkad na taliwas sa tunay na katangiang pisikal nating mga
222
Pilipino. Ayon sa naging pag-aaral ni Roy (2010) na pinamagatang Ganda Mo: Perception
of Feminine Beauty Shaped by Internal and External Factors, ang ganitong pagtingin sa
kagandahan ay maraming pinagbabatayan at na-impluwensiyahan na ng mga umusbong
na uso. Kitang-kita naman ito sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas kung saan ay
isinulat at unang napakinggan ang awiting Magandang Dilag. Sa mga hanay ng mga
nanalo na sina Venus Raj, Pia Wurtzbach, Rachel Peters, Catriona Gray maging si
Rabiya Mateo, sila ba ang representasyon ng tunay na ganda ng isang Pilipina? Ano na
nga ba ang nangyari sa mga magagandang katutubong Aeta na hindi katangkaran,
kayumanggi, pango at hindi unat ang buhok ngunit pagdating sa pakikipagdiskurso ay
tunay na panalo. Ang gandang Pilipina sa paglipas ng panahon ay unti-unting nagbago
dahil sa globalisasyon at bilang resulta ay ang kulturang popular.
Sa pagdalumat ni Lumbera (1980) naniniwala siyang ang kultura ay nahuhulma sa
pamamagitan ng mass media kung kaya ang mga pagbabago sa mga paglipas ng
panahon ay bahagi ng kulturang popular. Sa kasalukuyan, malaki ang ginagampanan ng
mga social media sites sa pagtakda ng pamantayan ng kagandahan. Sinusugan ito ni
Baroness Gould (2010) sa United Nations Commision on the Status of Women na
malawakan nang ginagamit ang kababaihan sa media, ngunit nakapagpapababa ang ilan
sa mga ito ng pagtingin sa mga babae dahil sa mga pamantayang idinidikta ng midya at
ng lipunan. Nagiging batayan ng kagandahan ang mga dalagang nakikita sa internet
maging ang mga pamantayan na itinatakda nito. Ipinakita ni Seabrook (2004,2005) ang
reaksyon ng kultura sa panahong nangingibabaw at litaw na litaw ang malakas na epekto
ng globalisasyon. Ipinakilala ang fatalistic at resistant, mayroong magkaibang reaksyon
sa globalisasyon ngunit sa kasalukuyan ang mga kababaihan ay pumanig sa pagiging
fatalistic na kung saan ay umaayon sa dikta ng pamantayang inihahain ng lipunan dala
ng globalisasyon at kulturang popular.
Tunay na malaki ang impluwensiya ng kulturang popular sa kaugalian, pag-iisip,
pananaw maging sa pamantayan ng kagandahan ng mga kababaihan. Sa paglipas ng
panahon ay patuloy ang mga pagbabago at ito ay hindi mapipigilan ngunit bilang
mayroong matibay na pundasyon ng identidad nararapat ay protektahan, pagtibayin at
palaguin ang ating sariling pagkakakilanlan sa pamamagitan ng patuloy na pagtangkilik.
223
Ang tunay na ganda ng Pilipina ay hindi nasusukat sa pagkapanalo sa patimpalak o sa
mga pisikal na katangian nito o kung sa paraan ng pananamit bagkus ang gandang
Pilipina ay yaong marunong magpahalaga sa sariling kaakuhan at kultura. Ang mukha ng
kagandahan ay hindi madidikta ng lipunan ito ay nanggagaling sa kung paano natin
pahahalagahan ang ating mga sarili. Dumaan man tayo sa maraming pagbabago dala ng
kulturang popular ay patuloy na paigtingin ang pagmamahal sa sariling atin. Huwag
iwaksi ang ating identidad upang makasunod lamang sa uso at bago. Ang mga
pampaputi, pampatangos ng ilong o pang-unat ng buhok ay maglalaho rin sa panahon
ngunit ang gandang Pilipina na may maipagmamalaking asal ay tiyak na hindi
magmamaliw.
Kolonyalismong Ganda: Pagpapahalaga sa Internasyunal na Pamantayan ng
Kagandahan
Yamang ang Pilipinas ay dating kolonya ng Espanya at pagkatapos ay ng Amerika,
naniniwala ang karamihan na ito pa rin ay nakapaloob sa impluwensiya ng dalawang
kanluraning bansa kung kaya ay mayroong pagkakatulad sa pamantayan ng
kagandahan, paliwanag ni Shimizu (2016). Marami sa kababaihan ang hindi gusto ang
kani-kanilang katawan o katangian ng kanilang mukha kung kaya ay habang lumalaki sila
ay nabubuo ang insecurity sa kanila. Ayon sa pag-aaral ng DoSomething.org nasa 91
porsiyento ng mga kababaihan ang hindi masaya sa kanilang katawan at mukha kung
kaya nagreresulta ito ng pagda-diet o pagpaparetoke. Maaring walang pangkalahatang
ideya ng kagandahan para sa lahat ng bansa. Mahirap makabuo ng pamantayan
sapagkat mayroong magkakaibang pisikal na tampok batay sa etnikong kinabibilangan.
Gayunpaman, sa kabila ng pagkakaiba-iba ay nagtakda ang Hollywood ng imposibleng
pamantayan ng kagandahan para sa bawat babae ng anumang lahi. Para sa kanila, ang
perpektong babae ay payat at matangkad na may malaking bilog na mga mata at tuwid
na ilong at higit sa lahat ay maputi. Sa konteksto ng Pilipinas, makikita ang ganitong
mentalidad sa mga palabas sa TV, palatastas, social media at magazine sa buong bansa.
Nang dahil dito ay umusbong ang mga produktong pampaputi, pampapayat at kung ano-
ano pa na makatutulong sa kababaihang maabot ang pinapangarap na ganda ayon sa
pamantayang itinakda ng lipunan. Isa sa mga lantad sa ganitong ideya ay ang mga
224
Pilipina na nasa industriya ng Showbiz, dominante sa kanila ang mapuputi. Kung may
mga artistang mayroong kayumangging balat o mas kilala sa lokal na tawag na “morena”
ngunit may pangong ilong ay pinipili ng mga itong sumailalim sa cosmetic surgery o
pagpaparetoke. Isang panggigising sa mga kababaihan higit lalo ng mga dalagang
Pilipina sapagkat ang paniniwalang pagkakaroon ng kayumangging balat, pango at
malaking ilong, kulot na buhok ay tinatawag na “pangit” ayon na rin sa inilalabas ng midya
sa mga madla.
Malaki ang katanungan sa kung ano bang gandang Pilipina na tinutukoy ni JM
Bales sa kanyang awitin. Sa kasalakuyan ay mayroong ibang ideya ang mga kababaihan
sa tunay na ganda ngunit lagi at laging mauuwi sa katotohanang ang isang Pilipina ay
maganda sa kung paanong pinili ng ating mga katawan na ipresenta ang bawat parte
nito. Nawa’y ang pamantayang ito na itinakda ng kung sino ay hindi maging basehan sa
kung paano tingnan ng isang babae ang kanyang sarili kung naaayon o hindi ba sa
pamantayan. Mapagtanto sana ng mga kababaihan sa Pilipinas na ang kanilang halaga
bilang tao at bilang isang babae ay hindi magmumula sa kung gaano kaputi o kapayat
ang kanilang katawan. Hindi sana magdulot ng kahit na anong kabawasan sa pagtingin
sa mga babaeng hindi pasok sa pamantayan ng kagandahan sa lipunan. Ayon nga sa
awitin ni JM Bales
Magandang dilag
Puso ko'y yong nabihag
Wala nang ninanais
Biyaya ng langit
O magandang dilag
ikaw ay maganda at ikaw ay ka-ibig-ibig sa kahit na anong katangiang pisikal ang
mayroon ka. Ang tunay na ganda ng Pilipina ay laging magmumula sa kung paano
minamahal ng isang dalaga ang kanyang bayang sinilangan.
225
#MoneyHeist: Masama’t Mabuti Isisiwalat ng Maaksyon at Maigi Tungo sa
Mapanghikayat na Pagpapamulat na Kumilos pang Lahat.
Ni: Maria Concepcion Tecson
Ang kwento ng pinagdaanan, at ang simula ng umusbong na Katanyagan
Ang Money Heist o La Casa de Papel (House of Paper) na likha Alex Pina ay isang
sa mga seryeng mapapanood sa Netflix na tunay na sinubaybayan ng karamihan.
Nagsimula itong umere sa Netflix, Disyembre taong 2017. Ito ay mayroon ng
matagumpay na apat na season na may labingtatlong (13) episode noong unang season,
siyam (9) noong ikalawang season, walo (8) noong ikatlong season at walo (8) naman sa
ika-apat na season. Kada episode ay tumatagal ng kulang-kulang isang oras.
Ang seryeng ito ay umiikot sa mga malaking pagnanakaw na pinapangunahan ni
“Professor” (Alvaro Morte) isa sa mga bida. Ang pagnanakaw ng mga karakter na may
mga iba’t ibang pangalan ng mga siyudad gaya ng Berlin, Tokyo, Nairobi, Moscow,
Helsinki at marami pang iba ay hindi basta-basta dahil ang lugar kung saan sila inatasang
magnakaw ay isang establisyamentong pinapaktakbo ng gobyerno kung saan nililikha
ang pera ng buong Europa ito ay ang “The Royal Mint”. Kaya naman masusing
pagpaplano ang pinagdaanan ng bawat isa upang maging matagumpay. Lalo pa’t isa sa
mga dapat tandaan ng mga magnanakaw ay iwasan ang pananakit at pagpatay sa
sinumang magiging hostage ng kanilang nasabing plano.
Base sa isang artikula sa LaraFornm isinasaad na ang Money Heist ay isa sa
pinakamatagumpay na lokal na serye ng Spanish TV sa nagdaang mga taon ngunit sa
kabila ng pagiging matagumay at tanyag sa Espanya ay napagpasyahan ng Spanish
Network Antenna 3 na hindi na lamang ipagpatuloy ang nasabing palabas pagkatapos
226
ng unang season nito. Sa kadahilanang ang dating apat na milyong tagapanood at taga
suporta sa pagsimula ng pag-ere sa kauna-unahang pagkataon ay bumaba ito sa lagpas
kalahati ng orihinal na tagapanood at masugid na tagasubaybay sa pagtatapos o finale.
"Contrary to what it seems, the life of the series is a story of failure”- Javier Gomez
Santander (Headwriter at Producer ng serye)
Pahayag na nagsasaad ng pagsuko at pagtanggap ng mga cast at iba pang nasa
likod ng serye na hindi naging matagumpay ang programa at hindi na sila pa mabibigyan
ng pagkakataon upang makabuo pa ng susunod na season. Batay nga sa pahayag ng
isa sa mga tanyag na aktres na kabilang sa Money Heist na si Alba Flores ay “Okay, well,
I’ll see you all around in other projects”.
Sa kabila ng mga kaganapan ay napagpasyahan parin ng Netflix na bilhin ang
lahat ng karapatan ng nasabing serye. Matinding pag aaral, at masusing pagpaplano ang
pinagdaanan bago muling ipalabas ng Netflix ang nasabing serye. Ang palabas na
magwawakas na sana ay biglang bumongga sa loob lamang ng isang madamagan. Batay
nga sa artikulong inilabas ng Looper, "failure, had become a global hit”.
Kaya naman ang sana’y wawakasan ng serye’y biglang namayagpag. Sa
katanyagang natamo tinanghal na Netflix’s #1 ang serye sa iba’t ibang merkado sa
mundo at nakapasok rin sa sampung pinakasikat na palabas sa halos lahat ng Global
Market batay sa datos na inilahad sa artikulong inilbas ng Looper.com. Bukod pa rito
nakasaad ding isa ang Money Heist sa pinakasikat at inaabangan palabas sa Netflix bago
pa man matapos ang June 2020.
Sa ngayon ay patuloy na mapapanood ang unang apat na season ng Money Heist
sa Netflix. Kamakailan lamang Mayo 2021 ay inilabas na ang isang minutong trailer ng
Money Heist Season 5 at wala pang isang buwan ay umabot na ito ng million views at
halos daang libong comments and share na siyang inaasahang umere sa darating na
Setyembre ng kasalukuyang taon.
Matinding Suporta’y patuloy na nakukuha, kahit pa hindi ito libreng natatamasa.
Bakit kaya?
227
Kilala ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang mapagbigay. Sa katunayan sa
survey na isinagawa taong 2018 ng British Organization Charities Aid Foundation pang-
walo sa isang daan at apatnaput-apat (144) ang Pilipinas sa pinakamapagbigay na
bansa. Napakaraming halimbawa ng pagpapakita ng pagiging mapagbigay, tulad na
lamang ng pagbibigay donasyon sa iba’t ibang ahensya, samahan at tao sa iba’t ibang
sitwasyon. Puwede rin naman ang kusang pagtulong sa mga hindi naming kilalang
nangangailangan “strangers” ika nga.
Isa sa mga sikat na pamamaraan ng mga Pilipino para maipakita ang pagiging
mapagbigay ay ang ugaling manlibre. Pamilyar ka ba sa mga katangang;
Oi, libre mo ko!
Pa-ice cream ka naman!
Oi, kain tayo, pero libre mo!
Sa katunayan, bahagi ng ating kultura bilang Pilipino ang pagkahumaling sa libre
dahil sa mga sumusunod, sa katunayan napakaraming maaaring maging dahilan ngunit
magbibigay lamang tayo ng dalawa iyan ay:
a. Ayaw gumastos – gustong magkaroon at kagamit ng mga nauuso ngunit
ayaw maglabas ni singko
b. Nakasanayan – nasanay na, na nililibre ni ate, kua, tito, tita, kaklase, at ng
katropa
Pero teka, Ehh, ang mga katagang:
Oi, may Netflix account ka?
Jo, may alam ka bang site na libre manood ng series?
Gurl, may wifi kayo? Pakonek naman ako ohh!
Tol, pahotspot naman ohh!
Bes, may kilala ka bang nagbebenta ng crack account sa Netflix? Avail ako ehh
para sana mura!
228
Pamilyar ba? Pamilyar no! Ohh! Huwag ka ng tumanggi tiyak isa sa limang pahayag na
nilagay ko ay nabanggit mo na sa kaibigan mo. Sus okay lang, tanggap kita, ‘wag ka ng
dumepensa.
Haysss, mapapabuntong hininga ka talaga ng malalim kung ibig mong manood ng
palabas gaya ng Money Heist pero wala kang Netflix account at walang Internet o Data.
Paano mo nalamang masisimulan at matatapos ang nais mong panoorin kung wala kang
perang pang avail? Kung lalawakan ang lenteng sisilayan, paano ka na lamang
makakasunod sa uso?
Trending ang Money Heist simula pa taong 2017 magpasa hanggang ngayon lalo’t
lalabas na ang season 5 nito sa Setyembre. Kung hindi man ito ang bet mong panoorin,
at may iba kang nais walang problema. Ngunit, anong ating kailangan?
Ano kayang sagot saking katanungan? Naiisip mo ba ang naiisip ko? Kung hindi pa sige,
eto na isisiwalat ko.
Kailangan natin ng PERA, PERA, PERA! SALAPI, SALAPI, SALAPI! KWARTA,
KWARTA, KWARTA! MONEY, MONEY, MONEY.
Sa unang serye ng PanaYaman 2021, malinaw at detalyadong naipaliwanag ni
Ser Raymart na sa panood ng pelikula o kahit na anumang serye o kahit pa pagtangkilik
ng kahit na anong uso at popular ay mahalagang may pera. Dahil tulad nga ng kanyang
mariiing pahayag “Walang libre sa Kulturang Popular”– Ser Raymart Quinones. Sa
pagsunod sa nauuso, mahalagang may laman rin ang bulsa mo. Napakahalagang salik
ng pera, para sa epektibong paggamit at paki-isa kung ano man ang nauuso sa panahong
kinabibilngan. Tulad ng sabi niya piliin mo man ang mga illegal na paraan tulad ng pagbili
ng piratang dvd’s, kung pipiliin mo man ang kumuha sa mga free sites ay kakailanganin
mo pa rin ng pera. Para sa Data na iyong gagamitin. Samakatuwid, gumastos ka parin
ngunit mas mura.
Ibig sabihin Money Down muna bago ma-sight ang Money Heist ng bongga. Ganern
Batay sa datos na inilabas ng IMDb 8.3/10 ang botong nakuha ng Money Heist
mula sa halos apat na raang libong (400000) gumagamit ng nasabing site. Site kung saan
229
libreng mapapanood ng mga gumagamit ang mga pelikula o seryeng nais nilang
mapanood.
Batay kay Kasey Moore sa isinulat niyang artikulo para sa What’s on Netflix nito
lamang Hunyo 2021, 65 milyong views at ikalawa sa sampung pinakatanyag na palabas
sa kategorya ng Non-English Language Netflix Originals. Ang nakuha ng Spanish Series
na Money Heist.
Ayon naman kay Patricia Puentes, isang blogger, batay sa kanyang isinulat sa
kasalukuyang panahon pinapakitang 65 milyong account ang siyang sumusuporta sa
palabas na Money Heist kahit pa sa unang buwan pa lamang ng pag ere nito.
Sa tatlong datos na aking nakalap sa iba’t ibang artikulo at balita. Mapapansin iisa
lamang ang ibinabahagi ng mga ito. Ito ay ang Malaki, malawak at tunay na mataas na
suportang nakukuha ng Money Heist hindi lamang sa bansang Espanya (bansang
pinagmulan ng serye) kundi pati na rin sa buong mundo.
Naglalakihang numero, mga numerong malinaw na sumasalamin sa lawak at laki
ng sakop ng mga nakakapanood ng programa sa kabila pa man ng pagbabayad nila rito
para lamang matamasa.
Sa huli, sa kabila ng pagiging mahilig natin sa libre ay ‘di natin mapipigilan ang
ating sarili na manood ng mga Globally Hits na palabas. O makisunod sa kung anong
patok na bagay sa lipunan, likas sa atin, at may mga pagkakataon talagang mahilig
tayong umakma sa pamantayang nabubuo ng iba’t ibang kulturang popular. Nasasayo
na iyon kung may malalim ka talagang kuryosidad sa kwento ng Money Heist o kahit na
anumang palabas o isa ka lang Bandwagon, tamang sabay sa uso.
Mga Likhang Kanluranin mas Tinatangkilik kaysa sa Sariling Atin: Pinili o
Nagkataon
Tatlong daan at tatlumpung tatlo (333) tayong sinakop ng Espanya. Apatnaput
walo (48) naman sa ilalim ng Amerika at humigit kumulang apat (4) na taon sa ilalim ng
mga Hapones. Kaya naman hindi maitatanggi may malaki impluwensya ang tatlong
230
bansa sa ating kultura na siyang patuloy pa ring makikita sa ating tradisyon at paniniwala
hanggang ngayon.
Hindi maitatanggi na sa lahat halos ng aspeto ay makikita ng malinaw ang malalim
na kolonyal na mentalidad ng karamihan sa ating kapwa pilipino. Mula sa mga tatak ng
produktong binibili, mga kainang kinakainan, mga pormahan at bawat hilatsya ng buhok
ay bagay na nais mapuntahan at mahawakan ay pawang kolonyal.
Nagkakataon nga lang ba talagang ang mga bagay na siyang ating ibig ay mula
sa ibang bansa? O sadyang pinipili natin ito dahil sa kolonyal na pag iisip. Mga
pangangatwirang kesyo mas maganda, mas dekalidad, mas may dating, maporma at
cool kung baga. Kaya naman ayos lang kahit ‘di bumili ng produktong tunay na likha natin
(Local Products).
Ultimo sa iba’t ibang uri ng panitikang sinusuportahan ay maka- kolonyal din.Bilang
patunay sa datos na inilabas ng FlixPatrol pinapakita na siyam (9) sa sampung (10)
pinakatanyag na palabas ngayong Hunyo 2021 ay pawang mga produksyong likha ng
ibang bansa. Mga seryeng mula sa Amerika at mga trending Kdramas na mula naman
sa bansang Korea. Nakalulungkot na sa halos isang daang (100) palabas na orihinal na
katha ng mga Pilipino ay nanatiling banyagang palabas ang siyang nangunguna sa
pwesto.
Korni kasi!
Paulit-ulit nalang!
Walang bago!
Baduy!
Iyan ang mga katagang kadalasan mong maririnig sa tanong na “bakit hindi ka nanonood
ng Filipino Films?”
Nakakalungkot na may mga pagkakataong hindi pa man nasusubukang panoorin
ang isang pelikula ay awtomatiko na itong hinuhusgahan sa kabila ng aral na hatid nito.
231
Hindi na pinipiling simulan ng dahil sa ito ay likhang Pilipino. Ngunit pag likhang banyaga
ay “click play button” agad halos lahat tayo.
Isa ako sa mga naniniwalang ni kailanman ay hindi masamang makaramdam ng
paghanga at magbigay ng masidhing suporta para sa mga personalidad, produkto at
likhang pampanitikan ng ibang bansa o lahi.
Sa artikulong inilathala ni Mark Tuang 2014, ang kolonyal na mentalidad ay may
maaaring makapaghatid ng masama o makakabuti para sa ating bansa. Ilan sa mga
ibinigay niyang masamang halimbawa ay ang mga sumusunod:
A. Awtomatiking pagpili sa produkto ng iba lalo na ng sa America - may
matindin tayong paniniwala na ang anumang produktong galing imbang bansa
partikular ng sa Amerika ay de kalibre kung ikukumpara sa mismong atin. Kaya
naman sa isyu ng pilian sa pagitan ng produktong mula sa Amerika at Pilipinas,
awtomatikong Amerika ang siyang nanalo kahit pa tulad lamang na de kalidad
ang produktong siyang pagpipilian.
Magandang halimbawa ang Money Heist na anumang produktong galing sa iba ay
tiyak na makakatanggap ng matinding suporta mula sa ating kapwa Pilipino. Disyembre
2017, unang inilabas sa Netflix ang seryeng Money Heist wala pa mang isang buwan sa
pag ere ay naging Global Hit na ito at isa ang Pilipinas sa masugid na tagasubaybay ng
nasabing programa. Sa katunayan batay sa producer ng tanyag na palabas. Isa sa mga
kadahilan kung bakit nagkaroon at piniling isama ang Pilipinas kahit hindi naman dito
literal na kinuhanan ang eksena ay dahil sa isa ang Pilipinas sa may pinakamalaking
bilang ng masugid na tagasubaybay. Bilang karagdagan nagkaraoon rin ng bagong
karakter sa ikaapat na season, isang transwoman na nagngangalang Manila (siyudad sa
Pilipinas).
a. Maraming importasya na dumadating sa bansa kumpara sa mga
produktong ipinapadala natin sa ibang bansa.
Kung susuruin tunay na makikita na napakaraming banyangang produkto ang
siyang laganap sa ating bansa. Simula sa mga gamit sa katawan gaya ng sapatos, damit,
sumbrero. Kainan gaya ng Mcdonalds at marami pang iba. Dito pa lamang atin ng
232
makikita na sa dami ng nakabalandra tunay na tayo ay expose na expose sa banyagang
produkto na nagiging dahilan ng mas pagyaman ng kani-kanilang bansa kaysa sa ating
ekonomiya.
Gayunpaman, sa katulad na artikulo naipakita rin ang magandang dulot ng nito.
Ito ang pagiging bukas natin sa kultura ng iba. Ibig sabihin maaari tayong matuto sa
kulturang sa ibang bansa mismo nagmula. Mga kulturang maaaring pandagdag
inspirasyon para sa pagbuo ng kamangha-manghang imbensyon. Mga gawi o ‘di kaya’y
mga produktong de kalibre at puno ng sustansiya. Walang masamang makaramdam ng
matinding admirasyon sa produktong likha ng iba, walang masamang magpakita ng
masidhing pagsuporta sa mga likhang banyaga. Ngunit kasabay nawa ng masidhing
admirasyong pinapakita sa simpleng pagbili ng mga produkto ng iba ay ang masidhi at
nag aalab din namang pagtangkilik ng mga produktong sa bansa mismo natin nagmula.
“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa amoy ng malansang
isda” - Jose Rizal
Tayo mismo ang siyang makapagpapaunlad ng bayan, tayo mismo ang siyang
magpapa angat ng ating bayan, tayo mismo ang siyang mangunguna sa pagbuo ng
pagbabago. Ang pagtangkilik ng sariling atin ang siyang daan para sa pagpapaunlad at
mas pagpapayabong ng mga produkto, kultura, paniniwala na siya mismong sariling atin.
TAMA O MALI: Masidhing Pagtutol Dulot ng Kawalan at ‘Di Pantay na Katarungan
Sa ikatlo at ikaapat na season ng Money Heist maipapakita ang masusing
pagpaplano upang nakawan ang Bank of Spain, hindi upang makuha ang mga ginto nasa
loob nito. Ngunit bilang pambulabog at maisaiwalat ang pagkakaroon ng hindi pantay na
hustisya na siyang laganap at patuloy na lumalaganap. Sa mga unang bahagi ng ikatlo
at ikaapat na season makikitang nahuli ang isa sa mga bidang karakter ng kwentong si
Rio ngunit imbis na dalhin sa presinto para dumaan sa legal na proseso ay itinago siya
at dinala sa isang lugar na walang makakakita upang torturin at paaminin sa kung sino
ang nasa likod at ang mga detalye ng kanilang pagpaplano sa nakaraang nakawang
naganap sa The Royal Mint.
233
Ginamit ni Propesor ang planong pagnanakaw upang mapabatid ang ‘di pantay na
katarungan na naranasan hindi lang ng kanilang kasamahan na si Rio. Kung hindi pati
na rin ang hindi pantay na hustisyang umiiral hindi lang sa Europa kundi pati na rin sa
buong Mundo. Naniniwala si Propesor na anumang kasong kinabibilangan ng isang
indibidwal pagnanakaw, paninira o kahit pa pagpatay ay kinakailangan dumaan sa
tinatawag na “Due Process of Law” o paglilitis.
Sa ating Saligang Batas (Constitution) nakasaad na “No person shall be deprived
of life, liberty, or property without due process of law”. Anumang bigat ng kasalanan lahat
ay may karapatang litisin bago husgahan at bigyan ng karampatang kaparusahan. Ngunit
nakalulungkot na hindi sa lahat ng pagkakataon ay dumadaan ang mga kaso sa ilalim ng
batas, sa katunayan may mga pagkakataong pinapatay agad ang akusado bago pa man
dumaan sa paglilitis. Ang mga ganitong sitwasyon ay partikular na nangyayare sa mga
mahihirap, dahil sa kakulangan ng pera para ipangbayad sa abogado at mga iba pang
bayarin ng buong proseso. Samantala ang may mga kakayahan naman at
makapangyarihan ang palagiang nakalulusot sa batas kahit pa mabigat ang kasalanang
nagawa. Tulad nga ng sabi sa liriko ng kantang isinulat ni Rom Dongeto na siya naman
pinasikat ni Bamboo Manalac na Tatsulok. “Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan
at ang hustisya ay para lang sa mayaman … di matatapos itong gulo”
Sa ating bansa ang pinakamagandang halimbawa na magpapakita ng kawalan ng
hustiya ay ang kontrobersyal na Oplan Tokhang ng gobyerno. Hulyo 2016 ng unang
inilunsad ang Oplan Tokhang ni President Rodrigo Duterte. Ang proyektong ito ay
naglalayong supilin ang lumalalang kaso ng Droga sa ating bansa. Ang kapulisan ang
siyang itinuturing na abala at nangunguna sa proyektong ito. Bilang bahagi ng proyekto
inaasahan ang kapulisan na puntahan ang mga bahay ng pinaghihinalaang may
koneksyon sa droga gaya ng (dealer, pusher at user) at papasukuuin ito. Punitive
approach naman ang tawag sa mga pagkakataong maaaring pilitin at may kapangyarihan
lumaban pabalik ang kapulisan kahit pa kamatayan ang siyang kahantungan nito.
Sa unang buwan ng proyekto ay umani na agad ito ng batikos mula sa iba’t ibang
Human Rights Organization at siyempre batikos mula sa Simbahan.
234
Mula sa artikulong inilimbag ng Rappler,
● 5 942 ang napatay na drug suspek sa mga operasyong isinasagawa ng pulis
mula sa datos na inilabas ng PDEA nung nakaraang Oktubre 2020
● 6 600 ang napatay ring drug suspek simula Mayo ng 2019 hanggang Hunyo ng
kaparehang taon, datos mula PNP.
● 27 000 naman ang naitalang kaso na may koneksyon sa Oplan Tokhang ng
gobyerno datos mula sa Human Rights Organization.
Kinundena ng maraming Human Rights institusyon ang nagiging takbo ng Oplan
Tokhang. “huwag kang papatay” tugon ng simbahan para sa mga kaganapan. Isa ang
simbahan sa masugid na kumundena sa Oplan Tokhang, dahil nga sa paniniwalang
walang sinuman ang may karapatang kumuha, o kumitil ng buhay. Samantala, para
naman sa karamihan ng Human Rights Institusyon mariin nilang sinasabi na “everyone
has the right to undergo Due Process of Law” ibig sabihin kahit pa ang may
pinakamabigat na kaso sa buong mundo ay may karapatang litisin bago parusahan.
Kung iuugnay sa palabas na MoneyHeist makikita natin na parehas na may
magandang intensyong ang palabas at ang Oplan tokhang ngunit may marahas at mali
ang ginamit na pammamaraan. Maituturing ba nating tama ang naging tugon sa
sitwasyon sa kabila ng malinaw sa atin na mali ang magnakaw at pumatay. Noon
hanggang ngayon ay mananatli paring diskusyon ang mga ganitong uri ng pagkakataon.
Halimbawa si RobinHood ay kilalang magnanakaw ngunit sa kabila ng maling gawi ay
magugulat tayo sa kanyang intensyon siya ay nagnanakaw upang ibahagi ito sa
sinumang nangangailangan ganyunpaman ikinokonsidera pa rin siyang kriminal.
Samantala sa palabas na Moneyheist, ang masidhing kagustuhan upang marinig
ng mga makapangyarihan at nasa pwesto ang hinaing ng masa ay naisipan din nilang
gamitin ang pagiging matalino sa pagpaplano ng pagnanakaw. Upang maipakita ang
maling ginawa nila kay Rio na sinaktan at pinahirapan ay nagsimula sila sa plano.
Bilang pangwakas, manatili mang malalim na diskusyon ang mga ganitong uri ng
pagkakataon dapat nating sikapin na iwasang ilagay ang batas sa ating mga kamay. Ang
sinumang makasalan ay may karapatang dumaan sa proseso ng paglilitis bago
235
maparusahan. Bukod dun maganda ring palabas ang MoneyHeist upang maipakita ang
kahalagahan ng pakikiisa at kolektibong pagkilos para makamit ang pagbabagong hindi
lang pansarili, at pampamilya kundi para narin sa pagbabagong para sa bayan.
Makakamit lang natin ang inaasam na kaunlaran at pagbabago kung sisimulan
natin maging matapang sa pakikisangkot na para sa bayan. Ang inaakala nating maliit na
ambag ay nagiging Malaki ginawang kolektibo.
Boses ay wag ipinid
Hayaan itong marinig
Kikilos tayo para sa pagbabago
Gagawin natin ito ng sama sama’t kolektibo
Tara, Tindig tayo.
236
Paubaya: Pagpapatawad bilang Tunggalian ng Sarili Laban sa Sarili, Awiting
Salamin ng Kaugaliang Pilipino na Katangi-tangi
Ni: Lyka Joy P. Varron
“Pain is inevitable. Suffering is optional.”
- Haruki Murukami
Ang bawat isa ay may kwento ukol sa karanasan na masaktan maaaring ng
kanilang kapamilya, kaibigan, ibang tao na nakapaligid sa kanya at maging ang taong
pinakamahalaga para sa isang tao. Sa realidad ng buhay, hindi mo ito maiiwasan. Hindi
lamang puro kasiyahan ang mararamdaman natin. Nariyan ang pagkabigo at kalungkutan
sa iba’t ibang konteksto na bahagi pa rin ng ating buhay bilang tao. At ito rin ang dahilan
kung bakit tayo natututo at lumalago bilang mga indibidwal sa lipunang ating ginagalawan
Sa bawat sugat na ating natamo mula nang tayo ay masaktan, sa paglipas ng
panahon ay tuluyan itong maghihilom at babalik sa kanyang dating estado. Ngunit ang
pagpapatawd ay hindi instant na maibibigay mo agad sa taong nagkasala o may
nagawang hindi mabuti sa iyo. Ang panahon upang makapagpatawad ang isang tao ay
batay sa kung gaano kalalim ang sugat na natamo, relasyon sa taong papatawarin ang
marami pang iba. Sa madaling sabi, ang pagpapatawad ay mayroong prosesong
pinagdaraanan. Sa huli ang tao pa rin ay siyang sagot upang palayain ang sakit na
kanyang nadarama. Walang ibang makakatulong upang mawala ang kirot na umukit na
puso ng isang tao kundi ang kanyang sarili. (Rungduin at Rungduin, 2014).
Moira Dela Torre: Pagsusuri sa naging Buhay at Danas bilang Inspirasyon sa
Paglikha ng mga Awiting Tumatak sa Masa
237
Si Moira Rachelle Bustamante Dela Torre-Hernandez o mas kilala bilang Moira
Dela Torre, ay isang kilala bilang isang singer-songwriter. Siya ay tubong Olangapo City
at kasal kay Jason Hernandez na isa ring mang-aawit at sumusulat ng kanta.
Lumaki sa isang broken family si Moira. Naghiwalay ang kanyang mga magulang
noong siya ay apat na taong gulang lamang. Nagkaroon na rin ng bagong pamilya ang
kanyang ama at ina at lubha siyang naapektuhan nito. Sa edad na labindalawa ay
nakaranas siya ng anorexia at bulimia at naging suicidal sa edad na labingwalo. Ang lahat
ng mga danas niyang ito ay nagsilbing inspirasyon para sa kanya na sumulat ng mga
kanta at ipagpatuloy ang kaniyang pangarap na maging isang mang-aawit.
Nagsimula ang karera ni Moira bilang isang voice artist para sa theme song ng
mga kilalang brands gaya ng McDonalds para sa Hooray for Today at Johnson &
Johnson's Signature of Love. Unang beses naman na lumabas si Moira sa national
television nang sumali siya sa patimpalak ng pagkanta na The Voice Philippines taong
2013. Sa tulong ng kanyang coach na si apl.de.ap, nakaabot siya sa semis ngunit hindi
pinalad na makapasok sa finals. Natalo man sa siya patimpalak na ito, ngunit hindi ito
naging dahilan upang magsara ang pintuan ng mga oportunidad para kay Moira. Sa
katunayan, marami sa kanyang mga nilikhang awitin ang naging themesong ng mga
pelikula gaya ng Love You to the Stars and Back, Camp Sawi at marami pang iba. Mas
nakilala rin si Moira nang maging mang-aawit para sa original composition ng isang
kalahok na pinamagatang Titibo-tibo at nagwagi ito sa Himig Handog ng ASAP taong
2017. Ito rin ang naging debut song sa kanyang album na Malaya. Ilan pa sa mga
pinasikat niyang kanta ang Malaya, Tagpuan, Tagu-taguan, Ikaw at ako at marami pang
iba.
Kilala rin si Moira dahil sa kanyang pagiging devout Christian. Minsan na rin siyang
nakaranas ng isyu sa kanyang mental health gaya na lamang ng depression sanhi ng
problema sa pamilya, pag-ibig at rejections sa kanyang pangarap na career. Ang Diyos
at musika ang naging sandalan niya upang makalaya sa labang kanyang kinasasadlakan.
Ang kanyang mga naging danas noon ay siyang naging inspirasyon upang makalikha ng
mga tagos sa pusong awitin na kikintal sa bawat tagapakinig at magsilbing pag-asa para
238
sa ibang tao na nakararanas ng depression o iba pang mental health issues. Isa siya sa
mga sumisikat pa na mang-aawit sa industriya ng ating bansa.
Ako ang kailangan, pero di ang mahal: Pagsilang ng Paubaya sa Panahon ng
Kwarantina
Oktubre 22, noong nakaraang taon (2020) kung saan ang bawat mamamayang
Pilipino ay nanatili sa kanilang mga tahanan nang inilabas ni Moira dela Torre ang huling
track sa kaniyang album na Patawad–ang Paubaya. Libo-libong Pilipino sa panahon ng
kwarantina ang nasaktan at naka-relate sa awitin niyang ito. Nag-number 1 trending ito
sa Youtube noong araw na inilabas ang kanta at sa kasalukuyan, may 53 million views
at mahigit 878k likes na ito. Nanguna rin ang Paubaya sa charts ng Spotify at Top 2 sa
Top 100 ng Apple Music Philippines. Dahil sa pagpatok ng awiting ito, itinalaga si Moira
ng Spotify bilang Most Streamed Female Local Artist sa buong bansa. Naging usap-
usapan rin ang mensahe ng kantang ito sa Facebook at Twitter at iba pang social media
platforms nang maghayag ang mga netizens sa kani-kanilang mga hugot at danas. Tunay
ngang umantig ng napakaraming puso ang Paubaya. Sa bawat liriko ng kanta, hindi mo
namamalayan na tumutulo na pala ang luha sa iyong mga mata habang nakikinig sa
awiting ito.
Pagsipat sa Tunay na Kuwento at Tunggalian sa Likod ng Paubaya
Naisulat ni Moira at ng kanyang asawa ang kantang ito nang maabutan sila ng
quarantine sa Estados Unidos. Ayon sa kanya, nais nilang wakasan ng isang kanta ang
Patawad album na may kurot at aral para sa nga tao. Ngunit, tungkol saan nga ba ang
kantang Paubaya? Base mismo sa kanyang pahayag mula sa bidyo ng kanyang behind-
the-scenes:
"A lot of us feel that love is staying together, but sometimes love is setting people
free."
"The whole patawad album is about forgiveness, letting go, setting people free,
and finding freedom in forgiveness."
Dagdag pa niya,
239
"I wanted to write an album that will help balance it out... To promote forgiveness,
to promote humanity. Remembering that we are dealing with human beings that are far
from perfect. To promote compassion. Compassion and kindness really matter."
Mula sa kaniyang pahayag, malinaw na intensyon ng may-akda na ipaabot sa mga
tao ang mensahe ng pagpapatawad at pagpapalaya. Naniniwala siya na isang mabisang
paraan ang pagpapatawad upang palayain ang iyong sarili sa pagkakagapos sa Ang
mga danas ng pagkabigo at kalungkutan ng may-akda na lubos na sumubok sa kanyang
paniniwala sa Maykapal ay siyang naging dahilan at inspirasyon upang makabuo ng
isang awiting nagbibigay-halaga sa kapangyarihan ng pagpapatawad, pagpapaubaya at
manalig sa Diyos sa kabila ng problemang kinakaharap sa buhay.
Sa kabilang banda, ang proseso ng pagpapatawad ay hindi madali. Hindi
magagawang maghilom agad ng isang sugat ng isang araw. Kadalasan, lumilipas muna
ang ilang araw, buwan o taon upang maghilom ang isang sugat batay na rin kung gaano
ka nito nasaktan at gaano kalubha. Kung gasgas lang ang sugat, maaari itong matuyo at
gumaling bago mag-isang linggo. Ngunit kung malalim ang sugat, matagal-tagal na
panahon ang hihintayin upang ito’y tuluyang gumaling at bumalik sa kanyang dating
estado. Ang halimbawang ito ay kahalintulad rin sa tao. Kung may nagawa kang hindi
mabuti sa iyong kapwa, may panahon kung saan matututunan niyang magpatawad. Kung
susuriin ng maigi ang mensahe ng kanta, litaw na litaw ang mensahe ng pagpapatawad
at pagpapalaya. At kung iuugnay ito sa tunggalian, walang ibang katunggali ang isang
tao sa pagpapatawad kung hindi ang kanyang sarili.
Para kina Rungduin at Rungduin (2014), mayroong mga salik na nakaaapekto sa
isang indibidwal na pagpapatawad. Sa proseso ng pagpapatawad, nagkakaroon ng iba‘t
ibang interaksiyon sa pagitan ng haba at klase ng relasyon, uri ng pagkakasala, haba ng
panahon, at pang-unawa ng nagpapatawad. Ngunit liban pa sa mga nabanggit na salik
ay kanilang binigyang-diin na isa sa mahahalagang punto kung bakit ninanais na
magpatawad ng isang tao ay dahil sa kagustuhan niya na patawarin na ang kanyang sarili
upang mabuo muli. Sa madaling sabi, ang pagpapatawad ay magmumula pa rin sa
kalooban ng isang tao.
240
"Ipinapaubaya ko na sa Kanya": Pagsipat gamit ang Lente ng Sikolohiyang
Pilipino
Isang kaugalian nating mga Pilipino ang pagpapaubaya ng ating sitwasyon o
nararamdaman sa Diyos matapos nating gawin lahat ng ating makakaya. Sa ganang akin,
ang linyang "Ipinapaubaya ko na sa Kanya" ay hindi lamang nagpapakita ng ating
matinding paniniwala sa Diyos o pagiging relihiyoso, bagkus ito ay malalim na nakaugat
sa kaugalian at kultura nating mga Pilipino. Masasabi kong katumbas ng huling linya ng
kanta ang kasabihang "bahala na". Sa usapin ng wika, ang kasabihang bahala na ay
nagmula sa mga katagang Bathala Na. Sa pananaw ng iba, inihahalintulad ang kultura
ng Bahala Na sa kultura ng pagiging fatalistic ng mga Amerikano. Ngunit binigyang diin
ni Lagmay (1977) na hindi pasibo ang pagtanaw ng mga Pilipino sa kulturang Bahala na
o pagpapasa-Diyos ng kanilang mga danas.
The Sikolohiyang Pilipino perspective interprets bahala na differently. Lagmay
(1977) explained that bahala na is not ‘‘fatalism’’ but ‘‘determination and risk-taking’’.
When Filipinos utter the expression ‘‘Bahala na!’’ they are not leaving their fate to God
and remaining passive. Rather, they are telling themselves that they are ready to face the
difficult situation before them, and will do their best to achieve their objectives. The
expression is a way of pumping courage into their system so that they do not buckle down.
In fact, even before they have said ‘‘Bahala na!’’ they have probably done their best to
prepare for the forthcoming situation. Pe-Pua at Protacio-Marcelino (2000)
"The dynamics reflected in bahala na are: the person saying it remains within the
domain of the problem; he is accepting of his situation and of things as they are for the
moment; he is comfortable with the unforeseeable; he is tolerant of ambiguity and the
risley. Bahala na also generates a natural layout for improvisation in the incompletely
known future encounter. It is thus suggested that, within the culture. bahala na is a
positive, functional response to uncertainty." Lagmay (1977)
Sa lente ng Sikolohiyang Pilipino, malinaw na ipinaliliwanag ang kayamanan ng
ating wika bilang sisidlan ng ating kultura at kaugaliang Pilipino. Naniniwala si Lagmay
(1977) na hindi pasibo bagkus ay positibo ang kahulugan ng kasabihang ito. Ang bahala
241
na ay hindi patungkol sa ‘‘fatalism’’ bagkus ay pagpapakita determinasyon at pagiging
risk-taker. Sa tuwing ipapaubaya natin sa Diyos ang ating mga kahilingan, hindi natin
iniiwan nalang sa kaniya ang mga responsibilidad na ating dapat kaharapin kundi
pinalalakas nito ang ating loob upang makamit o mapagtagumpayan ang isang bagay na
ating pinaghihirapan. Kung kaya, ang awiting Paubaya ay naging lunsaran upang itampok
ang mayaman nating kaugalian bilang mga Pilipino. Ang pagiging mapagpatawad ay
salamin ng ating kultura na nais mapanatili ang pakikipagkapwa sa ibang tao at pati na
rin ang pagiging malapit sa Diyos na ating pinaniniwalaan.
Pagpatok ng Paubaya Kaugnay sa Kulturang Popular at Midya
Matapos ang tagumpay ng Paubaya track noong nakaraang taon, ay bumalik si
Moira ngayong 2021 upang antigin muli ang puso ng mga tao nang opisyal na inilabas
ang music video ng kantang ito kasabay sa selebrasyon ng Araw ng mga Puso. Ito ay
nag-trending at kasalukuyang may 23 million views at 1.3 million likes. Ang music video
na ito ay tumatalakay sa istorya ng naunsyaming pag-iibigan ng dalawang tao sa
kadahilanang may iba na palang mahal ang taong iniibig niya. Hindi maitatangging
pumatok ito sa mga tao sapagkat maaaring nakakarelate sila, ngunit sa ganang akin ay
mas pumatok ang music video na ito sa pagkat ito ay pinagbibidahan ng isang love team
na may kaparehong istorya sa kanta–ang JoshLia. Umingay ito sa facebook, youtube at
twitter dahil tila ito raw ang naging closure ng magkasintahan.
Batid ng lahat na matalik na kaibigan ng mang-aawit sina Julia at Joshua Garcia
kaya naman silang dalawa ang naisip niyang swak at babagay sa istorya na kanilang
binubuo para sa music video ng kaniyang kanta. Ika niya, parehong magagaling na aktor
at aktres ang dalawa at propesyonal sa kanilang trabaho. Ito man ang intensyon ng mang-
aawit sa pagpili ng mga gaganap na karakter sa bidyo, ngunit naniniwala ako na may
malaking gampanin ang midya at kulturang popular sa pagpatok at pagsikat ng kantang
ito.
Naging lunsaran ang midya upang maging batid ang mga tao sa istorya o buhay
ng mga sikat o ng mga artista. Sila ay public figures kaya naman hindi maikakailang
laman sila ng mga balita at alam ng mga tao ang nangyayari sa ilan sa mga kaganapan
242