The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.

Pagtagos sa Nauuso, Pag-agos ng Lipunang Nagbabago

Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by HANDOG 2021, 2021-07-05 05:24:42

TAGOS

Pagtagos sa Nauuso, Pag-agos ng Lipunang Nagbabago

Keywords: #Antolohiya #KritikalnaSanaysay #Tupayb

BFE II-5

agos

PAGTAGOS SA NAUUSO, PAG-AGOS NG
LIPUNANG NAGBABAGO

agos

PASASALAMAT

Sa mga oras na hinahati sa bawat gawain sa bawat kurso; mga
pinakulong tubig para sa mainit na kape; mga luha at pawis na tumulo sa
mga panahong nauubusan na ng mga salita; at sa mga salitang ito na
pinag-isipan at pinaglaanan talaga ng oras ng buong Tupayb sa bawat
pahina ng antolohiyang ito.

Sa puno ng bawat komiteng naging gabay para sa pulidong
pagbuo nito.

Kay Sir Voltaire, ang propesor sa kursong ito, na walang sawang
nagbigay ng payo at patnubay upang mailunsad ang mga akda.

At higit sa lahat, sa Poong Maykapal, na nagbigay sa amin ng talino
at kritikal na pag-iisip kung paano masosolusyunan ang iba’t ibang isyung
panlipunan upang mag-ambag ng kaalaman sa bayan.

At sa bayan na naging inspirasyon ng bawat isa sa pangkat upang
mas maging kritikal sa pagtingin sa mga suliranin, pagbabago’t pag-usad
ng ating lipunan.

Mula sa kaibuturan ng aming puso, maraming salamat po!

agos

PAMBUNGAD

“Walang ibang pagpipilian kundi maging mamamayan ng bansa, at walang madlang
nanonood sa indibidwal na buhay natin.” - Rolando Tolentino

Magkakaiba man ang ating mga personal na karanasan, lagi at lagi tayong mag-aambag ng
bagong kaisipan na siyang bahagi ng ating kolektibong pag-unlad. Kaya naman, bilang
mamamayan na bahagi ng ating lipunan, ibinabahagi ng aming pangkat ang mga personal na
karanasan sa akdang ito na may temang tumatalakay sa kalagayan ng ating lipunan mula noon,
hanggang ngayon sa kasalukuyan. Layon nitong bigyan ang mga mambabasa ng mga bagong
perspektibo at ideolohiyang patungkol sa iba’t ibang usaping kinasasangkutan ng bawat isa sa
lipunan.

Hinati sa mga kategoryang siyang sumasalamin sa perspektiba ni Marx pagdating sa
superstructure ng ating lipunan. Binubuo ito ng ekonomiya, na itinuturing na
pinakamakapangyarihang elemento sa lipunan dahil nagagawa nitong diktahan ang aspektong
kultural at politikal ng isang bansa, mga bagay na krusyal ang gampanin sa pagpapakilos ng
lipunan.

Para sa unang kategorya, lalamanin nito ng mga sanaysay na tumatalakay sa kalagayan ng
pagtugon ng gobyerno sa mga hinaing ng mga mamamayan sa lipunan. Masasagot nito kung tunay
nga bang may dangal at kaakuhan pagdating sa politika ng ating bayan.

Ang sumunod na man na kategorya ay hihimayin ang mga isyung may kinalaman sa ating
pagtanggap sa mga napapanahong uso sa loob at labas ng bansa at kung paanong nakaaapekto
ito sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

At ang panghuli ay ang kategoryang may kinalaman sa kapangyarihan ng ekonomiya na
naglalantad kung papaanong nadidiktahan ang ating mga desisyon sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

Kaya, ikaw na mambabasa, nawa ay may mapulot sa aming mga sanaysay ̶ kung paano
maaaring tanawin ang lipunan, kung paano ba tignan sa kritikal na paraan ang mga paksang
tinalakay, at kung paano ba maging isang responsable at makabayang mamamayan na nakakiling
ang pagkilos para sa inaasam na pambansang kaunlaran.

I agos ang nauuso at paagusin ang lipunang nagbabago.

agos

ANG SUPERSTRUCTURE NG LIPUNAN

agos

POLITIKA: SANGHAYA

KAAKUHAN AT PAGKAKAKILANLAN SA POLITIKA NG BAYAN

#AYUDA………………………………………………………………………….2
MULA OPISINA HANGGANG KALSADA
TRINA MAE ALBANO

#MONEYHEIST……………………………………………………...................10
NAKAW NA KAYAMANAN AT PAGKATAO
ZSARAH MONICA ROSARIO

#NCRBUBBLE…………………………………………………………………....16
BUKLOD
DENISE CYRIL AVILES

#SINOVAC…………………………………………………………..……….....21
FACT SHEET
LEONA ALLYSSA LUCERIO

#SOCIAL DISTANCING…………………………………………………………29
ANG #SOCIAL DISTANCING SA BUHAY NG MGA PINOY
CHARLENE LOVELY MENDOZA

KULTURA: PADAYON

ANG PAGSULONG NG KULTURANG FILIPINO

#SPOTIFY…………………………………………………………………….....35
PANIBAGONG TAHANAN NG PKP SA PILIPINAS
PIOLO MEDELLIN

#MAGANDANG DILAG………………………………………………..………41
PAGBABAGO NG PAMANTAYAN SA KAGANDAHAN NG KABABAIHAN BILANG BAHAGI
NG LIPUNAN
MHYCAELA JEM PINLAC

#NETFLIX…………………………………………………………..….………..47
APLIKASYONG PANGMASA O PARA SA MAY KAYA?
NIKKA SADSAD

agos

#PLANTITO’S PLANTITAS……………………………………………….….……52
PAGPAPALALIM NG AGWAT SA PAGITAN NG MGA HIRARKIYA SA LIPUNAN
LEVEROSE SANTOS

#MGI (MISS GRAND INTERNATIONAL)……………………………………….60
HIGIT PA SA KORONA ANG ADBOKASIYA
LADY YSMAELA RALA

#PAUBAYA……………………………………………………………….……...66
YAMANG-AWIT NI MOIRA DELA TORRE NA NAGPATINGKAD SA SINAG NG
KONTEMPORARYONG OPM, AT NAGPANINGNING SA EMOSYON AT KULTURA NG
PILIPINO
DHARENZ KELLY TABORDA

#PODCAST……………………………………………………………………..81
HATID AY TINIG AT TINDIG UPANG KAALAMAN AY MAPALAWIG
BEATRIZ JASMIN TOMELDEN

#DANVIBES……………………………………………………………………..89
HUMOR: ALIN ANG NAKAKATAWA AT ALIN ANG PROBLEMA?
KRISTINE VILLALUNA

#MODULELEGEND…………………………………………………………….95
PAGHAHANAP NG MOTIBASYON SA GITNA NG DISTRAKSYON
JONEL PANUNCIO

#ALOCASIA BLACK VELVET……………………………………………….....102
UGNAY SA PAGKATAO
HEIDEE ALLAUIGAN

#BLSERIES………………………………………………………………………107
NAUUSONG GENRE SA PILIPINAS SA KASALUKUYANG PANAHON, TULAY SA GANAP
NA PAGTANGGAP
BRYAN BALANZAT

#ZEBBIANA……………………………………………………………………..111
AWITING PATOK, MARUPOK AT MAY HUGOT!
CRYSTAL LIZ COLLERA

#YESDAYS………………………………………………………………………117
ANG PAGSUSURI SA UGNAYANG PELIKULA-PAMILYANG PILIPINO-LIPUNAN
HANS GABRIEL P. CRUZ

agos

#WEBINAR………………………………………………………………………124
WEH? BHI3! NARS: PAGSIBOL NG BAGONG KULTURA NG PAGKATUTO
REGINA CRUZ

#TIKTOKERIST……………………………………………………….…………..130
ANG REALIDAD SA LIKOD NG HYPEREALIDAD
REGINA LORRAINE EUSTAQUIO

#THEQUEEN’SGAMBIT…………………………………………….……………137
LARO NG ISIP, LARO SA ISIPAN
JAYVEE JURIAL

#RABIYA………………………………………………………………………...151
SIMBOLISMO, YUGTO NG PATIMPALAK, LUNSARAN SA EDUKASYON NA KARAPAT-
DAPAT
KATHLEEN IRISH LAI

#REDVELVET……………………………………………………………………157
MINSAN PANLASA, MADALAS IMPLUWENSYA
JOMIL CHRISTIAN LIZA

EKONOMIYA: GAHUM

ANG MAKAPANGYARIHANG EKONOMIYA
#MUKBANG…………………………………………………………………….166

PAGTAKAS SA KATOTOHANAN O PAGHAHANAP NG REYALIDAD SA BIRTUWAL NA
MUNDO?
MARK KENNETH RAMOS
#ONLINE SHOPPING……………………………………………………………171
TALAMAK SA BAGONG KADAWYAN, DULOT AY ESTRATEHIYANG KAKIKINTALAN NG
BAGONG KAALAMAN
KENETH JOHN SALLE
#SHOPEE…………………………………………………………………………178
E-KOMERSYO, PLATAPORMANG LUNSARAN SA PAGPAPAINOG NG KULTURANG
POPULAR, PANITIKAN, AT LIPUNAN
DECIEH MARIE LLANITA

agos

#TACOS (MOJO TRAVELS)……………………………………………………….183
UGNAYANG PILIPINO AT MEXICANO: SIPAT SA KULTURAL AT EKONOMIKAL NA
IMPLIKASYON NG TACOS
MARCO NATHANIEL FIDEL

#UKAY-UKAY………………………………………………………………….…..193
PATOK NA ESTETIKA, SALAMIN SA ESTADO NG BANSA
KRYZNEL MARI IMPERIAL

#WORK FROM HOME……………………………………………………………199
ANG SAKIT NG LIPUNAN SA GITNA NG KRISIS PANGKALUSUGAN
KAREN DE GUZMAN

#VIVO……………………………………………………….……………………..205
KONSYUMERISMONG PINOY
QUEEN AIRA DIONISIO

#ZOOM…………………………………………………………………………….211
ITO AT ANG MUNDO SA GITNA NG PANDEMYA
GWEN MARIE CAMARINES

agos

Kaakuhan at Pagkakakilanlan sa
Politika ng Bayan

/SANG.HA.YA/
(png.) dangál; mabuting pangalan o

reputasyon

agos

Mula Opisina Hanggang Kalsada

Ni: Trina Mae Albano

Lahat naman tayo ay hindi maikakaila na humingi na ng tulong at nakapagbigay
na rin ng tulong para sa iba pero para sa karamihan sa atin, ang paghingi ng tulong ay
pagpapakita ng kahinaan. Ang pagbibigay ng tulong o ayuda ay isa sa mahahalagang
bagay ngayong panahon na ito. Kaya naman masasabi ko na ang ayuda ay nakatutulong
talaga sa atin dahil ito ang nagbibigay ng kahit papaanong pag-asa sa gitna ng
pandemya.

Ang salitang “Ayuda” ay isa sa mga sikat na salita ngayong pandemya. Ang
salitang ito ay isang Spanish word na ang ibig sabihin ay “assistance” ngunit ang mga
Pilipino ay mas nais gamitin ang salitang “tulong” sa Tagalog o kaya “bulig” sa Ilonggo
na may parehong kahulugan.

Kaya naman noong lumaganap ang COVID-19, ang salitang ito ay mas nagamit
pa dahil ang gobyerno ng Pilipinas ay naghanda ng ₱200 bilyong tulong para sa mga
pamilya na mababa ang kita, sa ating mga mangingisda at magsasaka. Sinabi ni
Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang televised public address noong gabi nang
March 30, 2020, ang pondong ito ay mapupunta sa mga pamilya na may mababang kita
na pinakanaapektuhan ng pandemya at ang mga benepisyaryo ay makatatanggap ng
emergency support. Dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 noong nakaraang
taon, nagsagawa ng special session ang Kongreso upang pag-usapan ang Bayanihan to
Heal as One Act o Bayanihan Act at bilang opisyal na batas ang Republic Act No. 11469.
Ang naturang batas na ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng Pangulo ng kapangyarihan
o special authority upang malabanan ang pandemya. Sa maraming aspeto nakatutulong

agos 2

#AYUDA

ang Bayanihan Act na ito. Kabilang ang parte na kung saan tinatalakay ang tungkol sa
usaping pansalapi.

Sa usaping pangkabuhayan at tulong panalalapi o cash assistance:
● Ang Pangulo ay may kapangyarihan magdeklara ng ipon ng Sangay ng
Ehekutibo at gamitin ang ipon para sa pondo ng COVID-19 para sa
madaling pagtugon at pamimili ng mga pangunahing pangangailangan at
mga kagamitang pangmedikal sa pinakamadaling panahon.
● Ang batas na ito ay tutugon sa pinansyal na pangangailangan ng abot sa
18 milyong mahihirap na nabibilang sa impormal na sector sa
pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal sa halagang ₱5,000
hanggang ₱8,000 sa loob ng dalawang buwan.
● Maliban sa hazard pay na ibinibigay sa mga frontliner sa ilalim ng Magna
Carta of the Public Health Workers o Republic Act No. 7305, binibigyang
din ng “COVID-19 special risk allowance” ang mga health workers na
iniaalay ang kanilang kalusugan at buhay dahil sa kanilang katungkulan
upang malabanan ang COVID-19 virus.
● Ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang babalikat
sa mga gastusing pangmedikal ng mga nasa pampubliko at pribadong
manggagawa sakaling magkasakit sila ng COVID-19, anumang
karamdaman o pinsala kaugnay ng trabaho sa gitna ng pandemya. Kung
sakaling magkasakit ng COVID-19 ang mga frontliner habang nasa “line
of duty”, ito ay bibigyan ng P100,000 at kung sakaling mamatay sa
pagganap ng kanilang trabaho upang malabanan ang nasabing virus,
tatanggap naman ng isang milyong piso ang bawat isa. Ang probisyon na
ito ay epektibo mula noon pang ika-1 ng Pebrero, 2020.
● Ang mga Local Government Unit o LGU ay awtorisadong gamitin ang
sobra sa limang porsiyento ng kanilang alokasyon para sa calamity fund
at maaari ding humingi ng suporta mula sa pamahalaan.
● Ang mga establisyimento katulad ng mga bangko at iba pang institusyong
pampanalapi ay aatasang magbigay ng 30 araw na palugit para sa
pagbayad ng mga utang- kasama ang pagbabayad ng credit card simula
noong pumasok ang panahon ng Enhanced Community Quara ntine o

agos 3

#AYUDA

ECQ. Ang mga multa, interes at iba pang karagdagang bayad ay
tatanggalin.
● Upang maibsan at gumaan ang mga bigat na dala ng mga mamamayan,
ang mga statutory deadlines para sa pagsusumite ng anumang mga
dokyumento, pagbabayad at iba pang bayarin ayon sa batas ay iibahin ng
oras o irereskedyul.

Sa probisyong pananalapi:
● Ayon sa ilalim ng probisyong ito, maaaring ipatigil ng Pangulo ang mga
programa at/o proyekto ng anumang ahensya ng pamahalaan, kasama
rito ang government owned or controlled corporation na may nakalaan
ng pondo upang idagdag sa mga gawain sa paglaban sa transmisyon ng
COVID-19 ngunit maaari ding ituloy ang mga programang ito sa mga
susunod na taon.
● Ang mga hindi naman nagamit na pondo ay maaari ding gamitin sa krisis
pangkalusugan katulad na lamang ng nangyayari ngayon.

Ang Bayanihan to Heal as One Act ay naging depektibo noong Hunyo 24, 2020.
Kahit may mga panukalang batas sa Kongreso para mapahaba ang batas hanggang
Setyembre 2020, hindi nilinaw ng Pangulo na ito ay isang emergency o urgent kaya
naman ang mga bills na ito ay napaglipasan. Ang Social Amelioration Program o SAP at
iba pang cash aids ng pamahalaan ay hindi naapektuhan ng expiration ng batas. Ang
Bayanihan to Recover as One Bill ang sunod na inihain sa Kongreso noong Hunyo 1,
2020.

Ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 at bilang isang opisyal na
batas bilang Republic Act No. 11494 ay isang batas na epektibo simula noong
Setyembre 2020 hanggang ngayon na kung saan ay binibigyan ng karagdagang
kapangyarihan ang Pangulo sa paglaban sa COVID-19.

Kaya naman dahil sa seryoso at bigat na banta ng COVID-19, malaki ang naging
epekto ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa trabaho ng karamihan kung kaya
ang Social Amelioration Program (SAP) ang nakitang isa sa mga maaaring solusyon dahil
ito ay isang pangangailangang panlipunang programa at hakbang ng sama-samang
ahensya ng pamahalaan upang makatulong, mapagaan, at makabawas sa bigat ng

agos 4

#AYUDA

epekto ng COVID-19 sa bansa mga panuntunang ipinatutupad ng Enhanced
Community Quarantine (ECQ) ayon sa R.A. No. 11469 o “Bayanihan to Heal as One
Act” at JMC No. 1 Series of 2020. Ang mga ahensyang kabilang dito ay ang Department
of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment
(DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Finance (DOF) at
Department of Agriculture (DA).

Sa ilalim ng SAP ay may tawag din ang ibinibigay na ayuda rito, ito ang
Emergency Subsidy Program (ESP) na ipinapatupad ng Department of Social Welfare
and Development (DSWD) noong panahon ng ECQ sa pakikipagtulungan sa mga Local
Government Units (LGU) o kaya naman sa mga lokal na pamahalaan mula sa
panlalawigan hanggang sa barangay. Pumapaloob sa Social Amelioration Program-
Emergency Subsidy Program (SAP-ESP) ang cash assistance o ayuda ng pamahalaan na
tumutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng pamilya katulad ng pagkain,
gamot, mga Personal Protective Equipment (PPE) at iba pa na dulot ng ECQ. Ito ay para
sa pagpapanatili ng kaligtasan at magandang kalusugan ng bawat isa laban sa seryosong
banta ng COVID-19. Sa SAP-ESP, ang bawat kwalipikadong pamilya ay makatatanggap
ng mula ₱5,000 hanggang ₱8,000 depende sa kasalukuyang umiiral na regional wage
rates o ang minimum wage sa isang rehiyon. Halimbawa, sa NCR ay may ₱537.00 na
minimum wage sa isang araw, kaya naman maaaring ₱8,000 ang matanggap na
emergency subsidy. Dalawang buwan o dalawang beses maaaring makatanggap ng
ayuda ang mga kwalipikadong pamilya na nasa ilalim ng Enhanced Community
Quarantine (ECQ), sa buwan ng Abril at Mayo 2020.

Subalit hindi maitatanggi na sa kabila ng malaking tulong na dala ng SAP-ESP ay
may nakapaligid ding isyu rito. Isa sa mga naging problema sa pagdadala at pagdedeliber
ng SAP sa mga nangangailangan ang tunay na listahan ng mga kwalipikasong
benipisyaryo. Talaga nga namang nakapagtataka na marami pa umano ang hindi
nakatanggap ng ayuda gayong natapos na ang ECQ sa maraming lugar at naibaba na sa
General Community Quarantine (GCQ) noong nakaraang taon. Isa pa sa mga naging
isyu noong nakaraang taon ay ayon kay Social Welfare Undersecretary Rene Paje ay
tinignan ng DSWD ang umano’y pagdodoble ng 22,000 na pangalan ng ilang
benipisyaryo sa listahan ng SAP sa gitna ng COVID-19. Ngunit dagdag din ni Paje na
tinitignan nila kung ang mga nadobleng pangalan ay bahagi ng Pantawid Pamilyang

agos 5

#AYUDA

Pilipino Program o 4Ps. Idagdag pa sa mga isyu na ito ang pagdaing ng ilang tsuper nang
hindi sila nakakuha sa SAP sa distribution deadline. Katulad na lamang ni Gildebrando
Diolata na tsuper ng jeep, luha lamang ang naisagot nang tanungin kung nakatanggap
ng ayuda sa pamahalaan, dagdag pa niya, bigo siyang makatanggap noong unang
tranche ng SAP at hindi rin pinalad sa ikalawang bugso. Aniya ni Diolata, “Sa DSWD,
ma’am, wala na kaming pag-asa, umaasa kami sa LTFRB dahil nu’ng pumunta ako ng
DSWD ang sabi sa akin, wala sa kanila, nasa LTFRB. Ang sabi naman ng LTFRB, ipinasa
na nila sa DSWD. Parang pinagpasa-pasahan lang po kami,” at sa mahigit 120 drayber
kabilang si Diolata, 10 lang ang naambunan ng ayuda.

Mula sa tulong ng pamahalaan hanggang sa tulong ng mga mamamayan, hindi
maikakaila na malaki ang naging parte ng pagbuo ng Community Pantry. Ang
community pantry na nagsimula sa simpleng hangarin na makapaghandog ng tulong sa
kanilang komunidad ang ngayon ay itinayo sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Unang
isinagawa ito sa Maginhawa Street mula sa ideya ni Ana Patricia Non. Nagsimula sa 100
hanggang sa 350 na community pantries ang itinayo ng mga private citizens sa sa iba’t
ibang lugar dito sa Pilipinas. Ang kanilang layunin ay tumulong sa mga nangangailangan
at makapagbigay ng espasyo sa mga nais mag-abot ng kanilang makakayanan. Ang
pagkilos ng mga mamamayan dahil sa “kakulangan” ng pagkilos ng pamahalaan ay
makikitaan ng pagkakaroon ng bayanihan. Ang mensahe ng bawat community pantry,
"Magbigay ayon sa kakahayan, kumuha batay sa pangangailangan”. Pinakamarami ang
community pantries sa Metro Manila na lagpas sa 135 at mayroon din sa Central Luzon,
CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Eastern Visayas, Davao region at sa iba pang
bahagi ng Pilipinas.

Hindi naman na bago ang ganitong kalakaran, akto o gawain para sa ating mga
Pilipino. Ang pagiging matulungin ay natural na sa ating mga Pilipino pati na rin ang
pagiging likas na mapagkalinga sa ating kapwa ay nakasanayan na. Halimbawa, kung sa
isang komunidad ay may mga nasusunog na kabahayan, bago pa man dumating ang
mga bumbero ay tulong-tulong na ang mga mamamayan sa pag-apula ng apoy. Kung
susumahin, ipinapakita ng rebolusyonaryong hakbang na ito na ang tao, bayan, lalo na
ang mga nasa ibaba ay ang tunay na pamahalaan.

Good virus nga naman ang ideya ng Community Pantry dahil mula sa isang kalye
sa Quezon City, mala-virus ito na kumalat ngunit kasama rin dito ang maaaring makasira

agos 6

#AYUDA

sa Community Pantry o mismo ang may ideya nito. May mga nagsasabi raw na
“Komunista” ang Community Pantry dahil sa islogan na "Magbigay ayon sa kakayahan,
kumuha batay sa pangangailangan” na mula sa “From each according to his ability, to
each according to his needs” bilang paglalarawan sa sistemang sosyalismo ng kilalang
rebolusyonaryong si Karl Marx. Bagamat ayon kay Marx, mas Kristiyano ang diwa nito,
kaakibat ang pagpapahalaga sa dignidad ng tao na hindi lang organismong kailangang
makakain at mabuhay nang maayos, kundi mapagkakatiwalaan, hindi ganid bagkus
mapagbigay. May mga umaakusa rin na ang Community Pantry ay lumalabag sa mga
health protocols ngunit sa mga pantry na mahaba ang pila at kailangan ng kaayusan,
madalas pa ngang katuwang ng mga organizers ang lokal na pamahalaan o barangay at
ang ibang maralitang nakapila mismo. Taliwas sa pinapalaganap ng National Task Force
To End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC na lumalaban ang Community
Pantry sa pamahalaan at may layuning pabagsakin ito. Inaakusahan din si Ana Patricia
Non isa siyang aktibista at mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas at kung ano man ang
kanyang background habang nag-aaral siya ay wala na itong kinalaman sa hangad
niyang pagtulong dahil wala naman siyang pinipiling tulungan. Ayon pa sa kanya, kung
naging aktibista man siya noon ay nakatulong pa nga ito para magawa niya ang ganitong
pakikipagkapwa-tao. Walang masama sa mga ito at walang dapat baguhin o tanggalin.
Karapat-dapat pa ngang pamarisan at ang tanging masama ay ang mga nag-aakusa at
nangre-red tag sa inisyatibang ito. Ngunit sa huli ay itinigil pansamantala ni Ana Patricia
Non ang operasyon ng Maginhawa Community Pantry dahil sa isyu ng red-tagging o
ang pag-uugnay sa grupong CPP-NPA. Ayon pa kay Non, may bumisita rin umano sa
kaniya na mga pulis at nagtatanong kung may grupo ba siyang kinaaaniban.

Samakatuwid, ang ayuda mula sa pamahalaan o mula sa kapwa natin
mamamayan ay makatutulong sa atin habang nasa gitna tayo ng pandemya. Mahirap na
sa atin ang ganitong sitwasyon lalo na kung hindi tayo magtutulungan para sa mga tao
at pamilyang alam natin na mas nangangailangan sa atin. Lalo na sa panahon natin
ngayon na nakaaapekto ang ayuda sa ating kulturang popular dahil mas binibigyang diin
lang nito ang pagkakaroon ng bayanihan ng bawat Pilipino. Ang pagkalat ng paggawa
ng mabuti ay isang simbolismo na ang pagkalinga at pagiging matulungin sa kapwa ay
nagpapakita ng pagka-Pilipino. Ang pagpapakita ng ganitong pag-uugali ay nauulit
lamang mula pa noon sa ating mga ninuno hanggang sa kultura na mayroon tayo

agos 7

#AYUDA

ngayon. Ipinakita rin nila na kaya ng Pilipino na tumulong na hindi humihingi ng suporta
mula sa Pamahalaan at kaya tumayo sa kanilang sariling mga paa. Pati na rin ang isyu
na ito sa ating pag-aaral ay nakaaapekto dahil ang ayuda na ito ay ginagamit natin sa
pagpapa-load sa ating mga smartphones o gadgets para lamang makapasok sa ating
mga online classes, makapagsaliksik ng mga takdang aralin, makapagpadala o
makapagpasa ng mga proyekto online.

Kung susumahin, ang pagkakaroon ng maayos na listahan ng benipisyaryo noong
una pa lamang ay hindi na magkakagulo ang mga mapagbibigyan ng SAP at hindi
magtutuloy-tuloy ang problema na ito hanggang ngayon. Marapat ding unahin ang mga
nasa laylayan sa pagbibigay ng ayuda na ito dahil alam natin na sila naman talaga ang
mas nangangailangan. Ang pagtulong ng kapwa natin Pilipino sa pamamagitan ng
Community Pantry ay hindi dapat masamain dahil hangad lang din ng ating kapwa ang
tumulong, hindi nila hangad na manira o manapak ng kapwa kaya naman dapat iwasan
ang paghila pababa sa kanila dahil tumutulong lamang sila.

Kaya kung hahayaan ng pamahalaan na ang mga taong may sapat na kakayahan
at kaalaman ang magpatakbo ng kanilang mga programa at solusyon ay baka mas
mapabilis pa ito dahil sa mga taong ibinubuhos ang kanilang pagtitiyaga, pagsisikap, at
ang paniniwala na ang kanilang ginagawa ay para sa mga mamamayan ng bansang
Pilipinas.

agos 8

MGA SANGGUNIAN

ABS-CBN News. "Maginhawa Community Pantry, Itinigil Muna Dahil Sa Red Tagging at Iba
Pang Isyu." ABS-CBN News. ABS-CBN News, 20 Apr. 2021. Web. 26 May 2021.

Antonio, Josiah. "Modern Bayanihan: Kaniya-kaniyang Community Pantry Nagsulputan Sa
Bansa." Modern Bayanihan: Kaniya-kaniyang Community Pantry Nagsulputan Sa
Bansa. ABS-CBN News, 19 Apr. 2021. Web. 26 May 2021.

Arnaldo, Ma. Stella F. "'Ayuda': Ma. Stella F. Arnaldo." BusinessMirror. BusinessMirror, 22
Aug. 2020. Web. 22 May 2021.

"Bayanihan to Heal as One Act." Wikipedia. Wikimedia Foundation, 19 Apr. 2021. Web. 22
May 2021.

"Bayanihan to Recover as One Act." Wikipedia. Wikimedia Foundation, 24 Jan. 2021. Web.
22 May 2021.

Bronio, Lucia F. "'Bayanihan to Heal as One Act' Nilagdaan Na Ni Pangulong Duterte." PIA
News. Philippine Information Agency, 30 Mar. 2020. Web. 22 May 2021.

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS Social Amelioration Program - Emergency Subsidy
Program (SAP-ESP). Quezon City: Department of Social Welfare and Development.
PDF.

Miniano, Marcy. "How the Community Pantry Movement in the Philippines Gives Hope to
Locals amid Hard Times." TripZilla. TripZilla, 21 Apr. 2021. Web. 22 May 2021.

Nakpil, Danielle. "Duterte Assures ₱200-billion Aid for the 'most Affected' in COVID-19
Crisis." CNN Philippines. CNN Philippines, 31 Mar. 2020. Web. 22 May 2021.

Person. "EDITORYAL - Magulo Ang Listahan Kaya SAP Pumalpak." Philstar.com. Pilipino Star
Ngayon, 14 May 2020. Web. 26 May 2021.

Suazo, Juli. "What the Community Pantry Movement Means for Filipinos." CNN Philippines.
CNN Philippines, 19 Apr. 2021. Web. 22 May 2021.

Reyes, Isay. "'Sana Pantay': Ilang Tsuper Napaiyak Nang Di Makakuha Ng SAP Sa Distribution
Deadline." ‘Sana Pantay’: Ilang Tsuper Napaiyak Nang Di Makakuha Ng SAP Sa
Distribution Deadline. ABS-CBN News, 15 Aug. 2020. Web. 26 May 2021.

Villabroza, Francis. "PinoyWEEKLY." Pinoy Weekly 5 Paninira Sa Community Pantry at Mga
Sagot Comments. PinoyWEEKLY, 24 Apr. 2021. Web. 26 May 2021.

agos 9

Nakaw na Kayamanan at Pagkatao

Ni: Zsarah Monica Rosario

Ang pagkuha, pag-agaw at pagnanakaw ng anumang bagay na hindi natin
pagmamay-ari, ay mariing panukalang isang uri ng kasamaan. Ipinagbabawal saanman,
kaninoman, at may karampatang kaparusahan sa oras na iyong magawa. Batas ang
tuturan sa bawat nasasakdal. Kaya naman, marapat na maging mulat, na bilang
mamamayan ng isang bayan, may mga batas na dapat sundin at isaalang-alang.

Kaugnay ng usaping ito, kamakailan lamang, umingay ang social media dahil sa
pagkakalunsad ng isang serye sa Netflix. Ang serye ay pinamagatang "Money Heist", na
nagmula sa bansang Espanya. Espanyol ang pangunanhing wika ng serye ngunit
mayroon din namang pagsasalin sa iba't-ibang wika katulad na lamang ng Ingles, Hapon
at Filipino. Layon ng mga taong bumuo nito, na maintindihan ang serye sa buong mundo
at mas lumawak ang dami ng manonood at tagasubaybay.

Unang Yugto: Buhay Kriminal sa loob ng Bangko
Ang unang parte ay siyang inilabas at isinapubliko noong taong 2017. Bilang

paunang bahagi ng seryeng ito na tiyak na pinaghandaan at pinagplanuhan sapagkat
binubuo nga ito ng labintatlong yugto. Ito ay patungkol sa grupo ng taong magnanakaw
kung saan, ikinulong nila ang kanilang mga sarili sa loob ng Royal Mint of Spain. Habang
isinasagawa ang plano sa loob, nililito naman ng kanilang lider ang mga pulis nang sa
gayon ay maging matagumpay ang krimeng ginagawa. Ang pakay nila? Pera. Maraming
pera.

agos 10

#MONEYHEIST

Nagsimula ang unang eksena kay Tokyo, kabayong takbo ang ganap habang
tinatakasan ang kapulisang humahabol sa kaniya, ngunit bago pa man siya mahulog sa
mga bitag nila, natagpuan niya si Professor at inalok siya nito ng isang trabaho na
kasama siya. Sinabing mas malaki ang kikitain niya rito, mas malaki sa anumang
pagnanakaw na nagawa niya at ng iba pa. Dito na nagsimula ang kanilang trabaho.
Bukod sa kanilang dalawa, nagsama pa si Professor ng iba pang tauhan at sila'y binigyan
ng kani-kaniyang gampanin sa grupo. Sa loob ng ilang buwang maigting na pagpaplano,
nakabuo sila ng isang bigating operasyon. Nagiging matagumpay sila sa bawat
operasyong isinasagawa lalo na't kasangga nila si Inspektor Raquel, isa sa mga tauhan
nilang ang gampanin ay ikonekta sila sa mga nakatataas upang magkaroon ng
proteksyon sa bawat operasyon.

Kaugnay nito, masasaksihan ang pagtutulungan ng bawat isa sa kanila.
Pagtutulungan at pagkakaisa na susi sa kanilang gagawing krimen. Sa oras na pumasok
sila sa loob ng bangko, ito na ang hudyat upang maging matapang at gawin ang planong
krimen. Walang atrasan, anuman ang mangyari habang tinitimbang ang buhay at pera.
Sa pagtatapos ng yugtong ito, hindi ko mawari kung anong marapat na maramdaman.
Kinailangan kasi nilang mamili sa pagitan ng pera at buhay ng kasama. Habang nasa
loob ng bangko, hawak ang mga bihag nila, isa sa mga ito ang nanlaban at hinampas ng
tubo sa ulo ang kasamahan nilang si Oscar. Malaki ang pinsalang natamo ni Oscar na
nagdulot ng pagkawalang malay nito. Pinagdiskusyunan ng bawat isa kung ano ang
kanilang plano sa naging insidente. Nauubusan na sila ng oras, at sa ilang sandali lang
ay tuluyang mawawalan na ng buhay si Oscar. Kaya naman, nag-init ang usapan
sapagkat magkakaiba sila ng nais gawin. Ang iba'y nais dalhin sa ospital si Oscar ngunit
ang iba'y ayaw na sapagkat maaring mahuli sila ng pulis. Sa huli'y mas pinili ng lahat na
hayaan na lamang si Oscar sapagkat naisip nilang kung buhay man si Oscar ay mas
pipiliin niyang mamatay kaysa mapasakamay ng kapulisan at makulong. Isang eksenang
mapapaisip at mapapatanong ka rin sa iyong sarili.

Ikalawang Yugto: Pagkilala't Paghuli sa mga Karakter
Sa kaparehong taon ng 2017, muling sinundan ang unang bahagi ng serye at

isinapubliko ang ikalawang bahagi. Mas maiksi ang bawat serye kumpara sa unang
yugto. Sa yugtong ito, mas makikilala ang personalidad, maging ang kahinaan at

agos 11

#MONEYHEIST

kalakasan ng bawat karakter. Makikita nang bahagya ang pinanghuhugutan ng bawat
karakter. Matapos mawalan ng kasamahan sa unang yugto, nagpatuloy pa rin sila sa
paghawak sa mga bihag. Nag-iba ang plano depende sa bawat galaw sa loob ng bangko.
Hindi iniinda ang mga emosyonal na nararamdaman sapagkat mas matimbang na
makuha ang malaking halaga ng pera. Naging mas delikado ang lagay ng bawat isa sa
loob ng bangko nang magkaroon ng iba't-ibang komosyon dulot ng takot at paglalaban
ng ilang mga bihag. Patuloy nilang isinagawa ang plano bagamat may mga pagkakataong
hindi na makontrol ang mga pangyayari. Sino ba namang hamak na nilalang ang aatras
sa kasagsagan ng giyera kung ang kapalit ng pagkapanalo'y kasiyahan at kayamanan?
Hindi si Professor, hindi ang grupong Heist. Gayundin, ang ibang bihag, may mga
nagpasyang piliin na sila'y tulungan kapalit ng pera at kalayaan. Malaking porsyento ng
pera ang inihapag sa kanila, bukod sa kalayaan bilang bihag, kaya umanib sila at nakiisa
sa plano. Patunay lamang ito na iba talaga ang kapangyarihang taglay ng materyal na
bagay. Sa katapusan ng yugtong ito, nakatakas ang kanilang grupo, nakalaya ang mga
bihag maging ang mga tao na sumapi sa kanila, bitbit ang ipinangakong porsyento ng
perang nakulimbat sa bangko.

Ikatlong Yugto: Paglustay, Paglaya, Pagpapatuloy
Sadyang mabenta ang seryeng ito. Habang tumatagal ay mas lumalawak at

dumarami pa ang tagasubaybay nito. Patuloy na nangunguna sa talaan ng mga seryeng
pinakatinututukan. Kaya naman, taong 2019, inilunsad ang ikatlong bahagi na binubuo
ng ilang serye. Sa pagpapatuloy ng istorya, matapos maging maingay sa balita ang
naging matagumpay na pagnanakaw nila sa bangko, naging buhay muli ang kanilang
grupo at maging ang kagustuhang gumawa muli ng plano. Hindi pa nakuntento sa
kanilang nakuha, muling naging hayok na suungin ang bangko at gumawa ng krimen.
Muli silang gumawa ng plano na pasukin muli ang bangko upang mapalaya at mabawi
si Rio. Sa nakaraang yugto kasi'y nahuli ng kapulisan si Rio. Umikot rin ang kwento sa
naging buhay ng isang karakter na nangngangalang Nairobi. Alam ni Professor na hindi
pa rin sila ligtas. Hindi pa rin tapos ang paghahanap at paghuli sa kanila ng kapulisan.
Kaya naman, matapos ang matagumpay na pagpasok sa bangko, nagkani-kaniya sila ng
lakad palayo sa krimeng nagawa. Masaya nilang ginasta at niyakap ang kanilang mga

agos 12

#MONEYHEIST

nai-uwing kayamanan. Bumuo ng sariling buhay, nagpakalunod sa bawat luhong inasam
lamang noon pero ngayon ay abot kamay na.

Hinati sila sa kani-kaniyang grupo at hinayaang maglayag at maging malaya. Subalit,
walang krimeng natatakasan. Maaring matalikuran mo ito ngunit hahabulin at
hahanapin ka pa rin nito. Dumating ang oras, muli silang nagtagpong lahat at nagimbal
sa isang pangyayari. Binaliktad sila ni Arturo, ang karakter na nakasama nila sa pagtakas,
isang trabahador sa bangkong kanilang pinasok noon. Nakuha ni Arturo ang lahat ng
kaniyang gusto at pinaikot ang bawat pangyayari. Naging bitter-sweet naman para kay
Monica, isang karakter mula sa kanilang mga nakasama sa bangko, ang naging
kinahinatnan ng bawat isa. Hindi siya nakuntento na ayun lamang ang makuhang halaga
na siyang nag-udyok na magplano pa siya ng pansarili. Alam niyang hindi niya
mapatutumba ang buong grupo, kaya nag-isip siya ng paraan upang magkaroon ng
pagkakataong magtagumpay. Sinubukan niyang sirain ang pundasyon ng grupo na
siyang naging dahilan sa mas lalong magulong pagsasama. Sa kalagayang ito, naging
mahirap na ang pagtitiwala at paniniwala. Traydor; minsan nasa paligid lamang, madalas
nakakasama mo.

Ikaapat na Yugto: Paghihiganti't Pagtatapos
Ang huli at ikaapat na yugto, ipinalabas naman sa taong 2020. Umabot na nga sa

ikaapat na yugto. Ilang taon ang lumipas mula noong isinapubliko ang seryeng ito ngunit
patuloy pa ring tinatangkilik at tinutunghayan ng mga tao sa iba't-ibang panig ng
mundo. Naging magulo, mainit, puno ng galit at paghihiganti. Nakapokus ang yugtong
ito sa paghihiganti ng bawat karakter laban sa mga karakter na kanilang kinasamaan ng
loob. Selos, inggit at hindi pagkakaunawaan ang ugat ng lahat. Maliban sa pagnanais na
makatakas sa bangkong pinasok at maging matagumpay ang pinlanong krimen, ninais
ng iba na maghiganti sa mga kasamahan. Iba-ibang rason, iba-ibang pinanghuhugutan.
Marami na sa kanila ang nabawian ng buhay. Ilan sa kanila ang nagsakripisyo para sa
kaligtasan ng isa at ng lahat. Bawat pagkamatay ay naging alaala, ng pagmamahal
gayundin ng pagtataksil. Muling tinimbang ang kaligtasan ng isang buhay, laban sa
kaligtasan ng lahat at ng perang makukuha. Maaalalang nagsimula ang kanilang grupo
na palaging talunan, sugatan at durog. Kinalauna'y naging matagumpay at nakahanap
ng kalinga at kasiyahan sa bawat isa. Ngunit nagkaroon din ng ilang beses na

agos 13

#MONEYHEIST

pagbaligtad ng mundo, gawa ng pagtataksil at pagtalikod ng ilang karakter, ngunit
patuloy at paahon pa ring lumaban ang grupo. Tila hindi nasasaktan, hindi napapagod,
hindi tinatablan ng pagkirot ng bawat sugat na natatamo sa laban. Nanatili silang
nakapiit sa loob ng bangko, patuloy na nag-iisip ng paraan upang makatakas bitbit ang
buhay at pera. Sa dulo ng eksena, maririnig ang pagsasalaysay ni Tokyo. Mapapaisip
kung anong naganap sa loob ng bangko. Mapapasulyap, nasaan na ang mga kasamahan
at ang Professor. Nakalaya kaya sila? Buhay pa kaya ang bawat isa?

Samakatuwid, ito ang mapangahas na karerang nagpabago sa buhay ng bawat
karakter. Mga leksyong habambuhay bubulong sa alaala ng bawat isa. Ipinaunawa nito
na kailanma'y hindi magiging tama ang mali, na walang lihim ang mananatiling lihim at
ang tao mismo ay minsa'y nagiging ahas.

Magtiwala? Maniwala? Magtaksil? Mamatay? Paninindigan, pakikisama,
pakikipagkaisa. Pakikipagpatayan, pakikipagkasundo. Isang seryeng malaman na
nagpamulat, nagpagigil, nagpaiyak at nagpabuhay ng ating mga puso't isip. Seryeng
nagbigay kaalaman, aliw at karanasan para sa lahat.

"Questo è il fiore del partigiano
O bella ciao, bella ciao, bella ciao ciao ciao

Questo è il fiore del partigiano
Morto per la libertà"
-Manu Pilas

agos 14

MGA SANGGUNIAN
"Bella Ciao Lyrics by Manu Pilas". Genius Media Group Inc., 2021,

https://www.google.com/amp/s/genius.com/amp/Manu-pilas-bella-ciao-lyrics
"Money Heist". Netflix, 2017,

https://www.netflix.com/ph/title/80192098?preventIntent=true
"Money Heist Season 1 Ending, Explained". TheCinemaholic, 4 Aug. 2019,

https://thecinemaholic.com/money-heist-season-1/
"Money Heist Season 1 Ending, Explained". TheCinemaholic, 29 Aug. 2019,

https://thecinemaholic.com/money-heist-season-2-ending/
"Money Heist Season 1 Ending, Explained". TheCinemaholic, 11 Sept. 2019,

https://thecinemaholic.com/money-heist-season-3-ending-explained/
"Money Heist Season 1 Ending, Explained". TheCinemaholic, 3 April 2020,

https://thecinemaholic.com/money-heist-s04-ending-explained/

agos 15

BUKLOD

Ni: Denise Cyril Aviles

Isang taon na ang lumipas magmula noong ilagay tayo sa community quarantine
dahil sa pandemyang kinahaharap ng bansa. Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-
19, walang tigil ang ating gobyerno sa pag-iisip ng mga paraan kung paano ito
mabibigyang solusyon. Sa katunayan, ilang klaseng quarantine na nga ang ipinatupad,
may Enhanced Community Quarantine (ECQ), Modified ECQ (MECQ), General
Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ (MGCQ) na minsan ay may iba’t ibang
antas depende sa kalagayan o sitwasyon ng lugar. Halimbawa na lang dito ay ang
ipinatupad nitong ika-22 ng Marso na NCR Plus Bubble o mas mahigpit na GCQ at
MECQ noong Mahal na Araw sa NCR at kalapit na probinsya nito. Nakapaloob sa NCR
Plus ang Metro Manila, Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal kung saan mayroong sunod-
sunod na matataas na tala ng bagong kaso, na umaabot sa 7000 hanggang 8000 kaso
araw-araw.

Mas mahigpit at limitado. Inilagay ng gobyerno ang NCR Plus sa isang bubble,
kung saan mahigpit daw na ipinagbabawal ang paglabas at pagpasok sa loob nito. Ayon
sa Resolution 104 na ibinigay ng Inter-Agency Task Force (IATF), tanging mga
awtorisadong tao lamang gaya ng government official, healthcare workers, mga
manggagawang may katibayan at iba pang frontliners ngayong pandemya ang mga
maaari lamang maglabas pasok sa loob ng NCR Bubble. Bukod pa rito, 18-65 gulang

agos 16

#NCRBUBBLE

lamang ang maaaring lumabas. Hindi na bago sa atin ang GCQ, ilang buwan rin tayong
nasa ilalalim nito. Ngunit sa NCR Plus Bubble na ito, limitado lamang ang maaaring
makalabas ng Metro Manila at mga kalapit nitong probinsya. Mahigpit din na
ipinagbabawal ang mga pagpupulong, kumain sa loob ng restaurant at ibinalik din nila
ang curfew. Tuloy pa rin ang mga operasyon ng pampublikong sasakyan sa NCR Plus
Bubble. Ayon pa nga kay Presidential Spokeperson Harry Roque, mababawasan daw
ng 25% ang araw-araw na tala ng bagong kaso sa tulong ng NCR Plus Bubble.

Madalas ay nakapagbibigay na ito ng mga kalituhan sa mga mamamayan. Ilang
klaseng quarantine na ang nagawa ng gobyerno sa buong bansa, at kahit ilang beses na
nilang sabihin na gumagawa sila ng paraan dito ay patuloy pa rin naman ang pagtaas ng
kaso ng COVID-19. Kung paghihigpit lang pala ang makababawas sa kaso ng COVID-
19, bakit hindi pa ito tuluyang napupuksa kung mas mahigpit ang pinatupad nila noong
ECQ sa buong bansa? Nakatuon ang gobyerno sa mga lumalabag at hindi sa totoong
kalaban. Sa katunayan, hindi na mabilang ang mga nahuli at naparusahan dahil sa
kanilang paglabag sa quarantine guidelines, maski ang mga taong walang tirahan at
naghahanapbuhay sa gitna ng pandemya ay hindi nakalusot. Marami na rin ang itinalang
isolated incident na kasangkot ang mga pulis ngayong pandemya. Nakapagtataka na
nga kung virus pa ba ang kalaban natin, dahil sa mga hinuhuli at pilit na pinatatahimik
na mga mamamayan. Ang dapat na solusyong medikal, nauwi sa dahas at pang-aabuso.

Ang NCR Bubble ay pinaniniwalaang makatutulong sa pagbaba ng kaso ng
COVID-19, dahil na rin ang NCR Plus ang pinakamaraming tala ng kaso sa araw-araw.
Hindi na nakapagtataka kung bakit sa Metro Manila at mga kalapit nitong probinsya
sobrang nakatuon ang gobyerno. Hindi rin naman natin mapagkakaila na mas lalong
lumalaki ang populasyon sa mga lugar sa NCR. Sentro ng kalakaran ang NCR,
naglalakihang mga gusali, malalawak na paaralan at hindi mabilang na pasyalan ang
makikita rito. Ganoon din sa mga kalapit na probinsya nito na patuloy ang pag-unlad
gaya ng Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal. Ilang pamilya na rin ang lumipat dito dahil na
rin sa paniniwalang dito sila aasenso, nandito ang magagaling at ang mga opurtunidad.
Bago pa lamang ang pandemya, napakalaki na ng populasyon sa Metro Manila, isama
mo rito ang mga taong naninirahan sa kalapit na probinsya nito na araw-araw
bumabyahe o pansamantalang naninirahan para makapasok sa kanilang trabaho at
paaralan. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit naging mabilis ang pagkalat

agos 17

#NCRBUBBLE

ng virus sa NCR. Hindi na rin nawala sa atin ang paniniwalang nasa syudad ang
kaunlaran dahil sa mga napakaraming trabaho, malalaking paaralan at ospital sa Metro
Manila. Dahil na rin sa mga mabilis at makabagong teknolohiya rito, naitatak na sa mga
Pilipino na mas maunlad at mas nakatuon ang pamahalaan sa pagiging sentralisado ng
NCR. Kung tutuusin, mas mayaman ang bansa sa agrikultura, at may kakayahang
umunlad ang iba’t ibang mga probinsya. Kung hindi lang naagawan ang mga magsasaka
ng lupa at kung mapipigilan ang mga kapitalista sa pang-aagaw ng mga produkto ng
mga magsasaka ay mas mapauunlad pa ng iba’t ibang probinsya ang kanilang mga
bayan.

Ano naman ang koneksyon nito sa walang tigil na pagtaas ng COVID-19 sa NCR
Plus? Sa ilang buwan na natigil ang mga opisina, napakaraming natanggalan ng trabaho
at naluging negosyo dahil sa ECQ noong nakaraang taon. Gumagawa ang lahat ng
paraan upang makabawi at makabangon para mabuhay ang kanilang pamilya. Dahil nga
sa patuloy na paglaki ng populasyon ng NCR Plus, ilang tao ang nakikipagsapalaran sa
virus para lang makapagtrabaho, nakikipagsiksikan sa mga pampublikong sasakyan at
nagsasakripisyo para lamang makapagsilbi sa bayan. Hindi na rin naman namamalayan
kung may sakit o wala ang mga nakasasalamuha o nakasasabay nila sa pagpasok, dahil
napakaraming tala ng mga asymptomatic na tao. Napakaraming kinakailangang
maghanapbuhay para may makain sa gitna ng pandemya, dahil hindi sapat ang ayuda
para mapanatili ang mga mamamayan sa kanilang tahanan. Lalong-lalo na ngayon na
napakamahal ng bilihin dito sa NCR kahit nasa gitna tayo ng pandemya. Ayon sa
monitoring na ginawa ng Department of Labor and Employment o DOLE, umabot na
sa 17, 329 ang nawalan ng trabaho, dalawang linggo matapos ilagay ang NCR Plus sa
Bubble at ibalik sa ECQ. 80% sa bilang na iyan ay galing pa sa NCR. At kahit na ibalik
daw ito sa MECQ ay mas madaragdagan pa ang mga taong mawawalan ng trabaho.
Ayon pa sa National Economic and Development Authority, bagamat makatutulong ang
mas matagal na ECQ Bubble sa pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa NCR Plus ay aabot
naman ng 350,000 ang mawawalan ng trabaho. Ilang pamilya na naman ang
mawawalan ng makakain sa gitna ng pandemya.

Hindi sapat ang paglalagay sa NCR Plus sa isang Bubble set-up, hindi sapat ang
paghihigpit at ayuda na kanilang natatanggap, hindi sapat ang ECQ, MECQ o GCQ.
Hindi magiging sapat ang lahat ng iyan kung walang kasamang plano, kung hindi naman

agos 18

#NCRBUBBLE
dito nakatuon ang pansin ng gobyerno. Sobra na ang isang taon para ilagay tayo sa
ganitong pamamalakad. Napakatagal na ng isang taon para hindi makagawa ng plano
kung paano ito pupuksain nang walang mga hinuhuli, pinapatay at pinapatahimik na
boses ng mamamayan. Hindi magiging sapat ang pagpapanatili sa mga mamamayan sa
kani-kanilang bahay kung walang Mass Testing at Epektibong Contact Tracing na
magaganap. Ayon sa isang opisyal sa DOH, walang plano ang gobyerno magsagawa ng
mass testing dahil sa indiscriminate testing at dahil na rin karamihan ng mga positibo
ay asymptomatic. Sapat na rin daw ang kanilang ginagawang contact tracing, isolation
saka itetest, kahit sa mass testing mas mapabibilis ang ginagawa nilang contact tracing
at mas mabibigyan ito ng pansin ng gobyerno. Ayon sa datos na inilabas ng DOH,
50,000 na ang indibidwal na na-test labing dalawang araw bago mag ika-17 ng Marso.
Maalala rin na 50,000 ang target ng gobyerno noong pang Mayo 2020. Kung wala
namang magaganap na mass testing, balewala rin ang sakripisyong ibinibigay ng mga
healthcare workers at iba pang frontliners, at hindi rin uusad ang laban ng bansa sa virus
na ito. Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa parang wala sa NCR Plus
ang problema, at wala na rin sa NCR Bubble ang solusyon.

agos 19

MGA SANGGUNIAN

CNN PHILIPPINES. “EXPLAINER: What You Need to Know about the NCR plus
Bubble.” Cnn, 22 Mar. 2021, cnnphilippines.com/news/2021/3/22/Explainer-
GCQ-bubble-NCR-
plus.html?fbclid=IwAR0kJSSwj8ESRoLjqSaMtrmDI1_PbMhtaWl0Njq3bZhZgKJ
PvSRXcbGLjDc.

GARCIA, MA. ANGELICA. “EXPLAINER: What Is the ‘NCR Plus’ Bubble?” GMA News
Online, 3 Summer 2021,
www.gmanetwork.com/news/news/nation/780727/what-is-the-ncr-plus-
bubble/story/. Accessed 22 May 2021.

CNN Philippines. “Bulacan, Cavite, Laguna, and Rizal Revert to GCQ until April 4 as
COVID-19 Cases Continue to Rise.” Cnn, 21 Mar. 2021,
cnnphilippines.com/news/2021/3/21/bulacan-cavite-laguna-rizal-gcq.html.

News, ABS-CBN. “‘Higit 17,000 Manggagawa Nawalan Ng Trabaho Sa Loob Ng 2
Linggo.’” ABS-CBN News, 12 Apr. 2021, news.abs-
cbn.com/news/04/12/21/higit-17000-manggagawa-nawalan-trabaho-2-linggo.

---. “MECQ Needs to Be Extended, Says COVID Expert, Citing ‘Unstable’ Drop of
Cases.” ABS-CBN News, 27 Apr. 2021, news.abs-
cbn.com/news/04/27/21/octa-research-mecq-1-week-ncr-plus.

Vera, Ben O. de. “Neda: Longer ECQ in NCR plus Equals 215,000 Fewer COVID-19
Cases but 350,000 More Jobless, Poor.” INQUIRER.net, 5 Apr. 2021,
business.inquirer.net/320667/neda-longer-ecq-in-ncr-plus-equals-215000-
fewer-covid-19-cases-but-350000-more-jobless-poor.

Magsambol, Bogz. “Despite Surge in COVID-19 Cases, DOH Says PH Has No Mass
Testing Plans.” Rappler, 21 Mar. 2021, www.rappler.com/nation/doh-says-
philippines-no-plans-conduct-mass-testing-surge-coronavirus-cases. Accessed
26 May 2021.

agos 20

FACT SHEET

Ni: Leona Allyssa Lucerio

Mahigit isang taon na nang unang naitala ang unang kaso ng COVID-19 sa ating
bansa. Mahigit isang taon na rin nating nilalabanan ang pandemyang nagpadapa sa
kabuhayan ng maraming tao. Bawat isa sa atin ay hindi inaasahan na ganito ang
kalalabasan matapos mapatupad ang unang kautusan sa pagkakaroon ng lockdown.
Noong una, marami ang natutuwa dahil iniisip nila na isa itong “bakasyon grande”,
ngunit sa ilang buwan na pagkakakulong sa iyong bahay ay maraming problema at laban
ang nagsulputan. Sinubok din ng pandemya ang katatagan ng mga ospital at medical
frontliners. At dahil wala pang bakuna, halos umapaw ang bilang ng mga pasyente sa
mga pagamutan. Maraming oras ang kinuha nito sa atin na hindi na kayang balikan pa,
mga pagkakataong nasayang at imbis na makakilos upang maipagpatuloy ang naudlot
na buhay ay hinarangan naman ito ng pandemya. Iba’t iba ang naging biyahe ng bawat
isa sa atin. Mayroong mga mas tinanggap ang pagbabagong nagaganap at ginawa itong
paraan upang makapag-isip ng kabuhayang makasasabay sa panahon na puro
pagbabago ang nagaganap. Ngunit, may mga tao rin na hindi pinalad at hindi magawang
makasabay sa pagbabago. Sa panahon ng pandemya, kaliwa’t kanang pagtaas ng bilang
ng nagkakaroon at namamatay mula sa COVID-19, isa sa mga naimbento rito ay ang
mga bakunang ginagawa ng mga mayayamang bansa. Kagaya ng Tsina na binuo ang
bakunang Sinovac upang maging lunas at bigyan tayo nito ng proteksyon upang
maiwasan ang malalang epekto ng virus sa ating katawan.

agos 21

#SINOVAC

Ang bakunang Sinovac o CoronoVac ay isang inactivated virus vaccine na
ginawa ng isang pribadong kumpanya sa Tsina, ang Sinovac Biotech. Ang bakunang ito
ay hindi katulad ng mga naunang nailabas na bakuna tulad ng sa Moderna at Pfizer na
ginawa gamit ang mga makabagong teknolohiya ng messenger RNA. Dahil ang Sinovac
ay gumamit ng mas tradisyunal na klase ng bakuna. Naglalaman ang bakunang ito ng
mga inactivated o pinatay na virus ng SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-
19 Gumagana ito sa pamamagitan ng pagtuturo sa immune system na gumawa ng mga
antibodies laban sa coronavirus at ang mga antibodies na nabuo ay makikitang
nakakabit sa viral proteins o tinatawag na spike proteins.

Upang makalikha ng bakunang Sinovac, nagsimula ang mga ito sa pagkuha ng
mga sample ng coronavirus mula sa mga pasyente sa China, Britain, Italy, Spain, at
Switzerland. Ang isang sample mula sa China ang nagsilbing batayan para sa bakuna.
Ang mga sample na kanilang nakuha ay inumpisahang ilagay at palaguin sa kidney cells
ng mga unggoy. Pagkatapos ay sinubukan nilang patayin ang virus gamit ang isang
kemikal na beta-propiolactone. Nag-resulta ito sa pag-disable sa chemical compound
ng coronavirus, pinagbuklod nito ang bawat genes. Ang mga inactivated coronaviruses
ay wala nang kakayahang gumawa pa ng isang kopya ng sarili nitong mga particle sa
isang virus. Ngunit, ang protina ng bawat unggoy, maging ang kanilang spike ay
nananatiling buo pa rin. Ang mga hindi na aktibong virus ay kinuha upang ihalo sa maliit
lang na halaga ng aluminum-based compound na tinatawag na adjuvant, may
kakayahan itong pasiglahin ang immune system ng isang tao upang mas mapalakas ang
pagtugon nito sa isang bakuna. Kapag ito ay nagawa nang iturok sa braso at makapasok
na sa loob ng katawan, ang inactivated virus ay sisimulang kainin ng isang uri ng immune
system na tinatawag na antigen-presenting cell.

Ang bakunang Sinovac ay dumaan sa maraming pag-aaral bago ito tuluyang
ilabas upang magamit na ng mga tao, ngunit sa mga sarbey na isinagawa, lumalabas na
maraming mamamayan ang nagkakaroon ng takot o pangamba sa magiging epekto ng
bakuna sa kanila. Ito ay nauwi sa pagkaugnay ng Sinovac sa vaccine hesitancy at sa pag-
ungkat ng mga mamamayan sa kontrobersya ng Dengvaxia. Ang tinatawag na “vaccine
hesitancy” ay tumaas nang dahil sa Dengvaxia scandal na pinalawig sa ‘ngalan ng
pulitika. Ang polio ay muling nakita sa ating bayan at maraming mga sakit na naaagapan

agos 22

#SINOVAC

ng bakuna ang muling sumisiklab sa ating bansa. Gaya na lamang ng tigdas, dahil sa
hindi pagpapabakuna ng mga bata na naging kumplikado sa negosasyon sa mga
kumpanya ng gamot na nagbibigay ng mga bakuna para sa COVID-19.

Ayon sa isang bagong sarbey na inilabas ng Pulse Asia, napag-alaman na ang
nasabing porsyento ng mga Pinoy mula sa 2,400 respondente ay hindi umano
magpapabakuna, habang 32% naman ang nagsabing magpapabakuna sila. 21% naman
ang hindi makapagdesisyon kung magpapabakuna sila o hindi. Ang prevailing opinion
ay mula sa Visayas na may 55%, kasunod nito ang Mindanao na may 48%, Balance
Luzon na may 46% at Metro Manila na may 41%. Ang pangamba sa kaligtasan ng mga
bakuna ang naging pangunahing rason ng 84% na nagsabing ayaw nilang magpabakuna
at pinakamataas na sentimyento ay nanggaling sa Metro Manila na may 89%, Visayas
na may 88%, Balance Luzon na may 84% at Mindanao na may 79%. Samantala, may 5%
naman ang nagsabing hindi na kailangan ng bakuna upang labanan ang COVID-19
habang 7% ang nag-aalangan kung libre ba ito at 4% naman ang nagsabing baka mahal
ang presyo ng bakuna. Ang sarbey, na isinagawa noong Nobyembre 23 hanggang
Disyembre 2, ay mayroong sampling error margin na ±2% para sa mga national
percentages. Kaugnay nito, nauna nang sinabi ni health reform advocate Tony Leachon
na dapat pag-ibayuhin pa ng pamahalaan ang vaccination campaign nito dahil sa
pagkawala ng kumpiyansa ng publiko sa bakuna noong kasagsagan ng Dengvaxia
controversy. Hindi rin makatutulong sa mga tao kung itatago sa kanila kung anong
brand ng bakuna ang ituturok kaya mahalaga na gumawa pa ng maraming pag-aaral na
pwedeng maipakita sa sambayanan na ang bakunang inirerekomenda para sa kanila ay
ligtas at mabibigyan pa sila ng proteksiyon nito.

Sa naturang sarbey naman na ginawa ng mga propesor at estudyante ng
University of the Philippines, 55.9% ng 15,651 respondante ang nagsasabing
magpapabakuna sila laban sa coronavirus disease. Sa bilang na iyon, 23.7% ang
sumagot ng "yes" habang 32.1% naman ang sumagot ng "probably yes." Nasa 34%
naman ang nagsabing hind sila sigurado, 6.7% ang "probably no" at 3.5% ang nagsabing
"no." Lumabas din sa sarbey na mas may kumpiyansa ang mga tao sa mga bakuna mula
Amerika at Europa. Nasa 38.6% naman ng mga sumagot sa sarbey ang nagsabing may
kumpiyansa sa bakuna ng Russia. Pinakamaliit na porsiyento ng mga respondante ang
nagsabing may tiwala sila na magpaturok ng bakuna mula China. Side effects na dulot

agos 23

#SINOVAC

ng bakuna ang pangunahing dahilan ng pag-aalala ng mga respondante. Ayon kay Food
and Drug Administration Director General Eric Domingo, lahat ng bakuna ay may side
effects, lalo na pagdating sa pangalawang dose. Noong Abril lamang ay pinagkalooban
na ng FDA ng Emergency Use Authorization o EUAs ang mga sumusunod: Pfizer,
AstraZeneca, Sinovac, Gamaleya, J&J at conditional EUA sa Covaxin. Ang mga bakuna
na naaprubahan na ay isang magandang balita, dahil ibig sabihin, may karagdagang mga
bakuna tayo para panlaban sa COVID-19. Sa gitna ng samu’t sari at nakalilitong mga
impormasyon tungkol sa mga bakuna, dapat pinapaalalahanan ang lahat na hindi na
dapat pangambahan ang mga bakunang nabigyan na ng EUA.

Lumabas naman ang resulta ng isang sarbey ng tugon ng Masa ng Octa Research
na nagsasabing isa lang sa 10 Pilipino o 13% lamang ng mga respondante ang
nagtitiwala at gustong magpaturok sa bakuna ng China. Apat naman sa bawat 10 o
41% ang nagtitiwala sa bakuna na magmumula sa United States. Nasa 1,200 ang
respondante sa sarbey na isinagawa noong Enero 26- Pebrero 1. Isinaad din dito na
25% ng mga respondante ang nagtitiwala sa bakuna ng United Kingdom samantalang
20% ang nagtitiwala sa bakuna mula sa Russia at 17% ang mas napipisil ang bakuna ng
India. Lumitaw rin sa sarbey na 19% lang ang gustong magpabakuna habang halos
kalahati ng mga respondente ang tutol magpaturok nito kahit pa ligtas at epektibo ito.
Sa sarbey na ito lumalabas na hindi naging malinaw kung bakit ayaw ng ibang
respondante sa bakuna ng China, ngunit may ilang tinitignang dahilan kung bakit duda
ang ibang tao sa bakunang ito. Una na marahil ay rito nagsimula ang COVID-19. Sunod,
kung ikukumpara sa bakuna ng U.S., Germany, at UK, mas mahina ito. Panghuli, dahil
sa matagal nang impluwensiya ng kulturang kanluran sa buhay ng mga mamayang
Pilipino. Sa kabuuan, kinakailangan na magsagawa pa ng isang sarbey para mabatid ang
mga kadahilanan ng mga taong ayaw sa bakuna ng mga Intsik.

Nung una, ang bakunang Sinovac ay hindi pinapagamit sa mga matatandang may
edad na 60 para na rin sa kanilang kaligtasan. Ngunit, dahil sa mabilis na pagtaas ng
bilang ng kaso ng COVID-19 ay inirekomenda nang gamitin ang Sinovac sa mga
matatanda. Mayroong klinikal na datos na nagpapahiwatig na ang pagbabakuna ng
produktong ito ay mag-uudyok sa pagbuo ng pag-neutralize ng mga antibodies sa mga
may sapat na gulang na 60 o mas mataas. Matapos mabakunahan para sa COVID-19,
maaari kang makaranas ng mga side effects. Ilan sa mga kadalasang nararanasan na side

agos 24

#SINOVAC

effects ay hindi seryoso, at nawawala rin naman agad gaya ng mga sanhi ng iba pang
mga bakuna. Ang panandaliang pagtaas ng blood pressure, sakit ng ulo, pananakit sa
tinurukang bahagi ng katawan, pagkahilo, pagkakaroon ng rashes at lagnat. Sa
karamihan ng mga kaso, ang kawalan ng ginhawa dahil sa nararamdamang sakit o lagnat
ay normal na palatandaang bumubuo ang iyong katawan ng proteksyon. Kung
nakakuha ka ng anumang malubhang epekto, dapat kang makipag-usap sa iyong doktor,
parmasyutiko o nars.

Dalawang doses ang dapat na ibakuna sa bawat tao, maaari kang makakuha ng
ilang proteksyon mula sa unang dose, at ang pagkakaroon ng pangalawang dose ay
magbibigay sa iyo ng pinakamalaking porsyento na ito ay epektibo laban sa virus. Ang
bakuna ay ligtas para sa mga taong may mga kondisyong pangkalusugan gaya ng mga
problema sa puso o baga, diyabetis o altapresyon. Ligtas din ang mga ito para sa mga
taong may kondisyong auto-immune, o may mahinang immune system dahil sa sakit o
paggagamot, ngunit maaari ring hindi gumana ang bakuna sa mga taong may ganitong
kondisyon. May maliit na pagkakataong maaari ka pa ring magkaroon ng COVID-19
kahit pagkatapos mabakunahan. Sa kasalukuyan, walang impormasyon sa kung gaano
katagal tayo mapoprotektahan ng mga bakuna. Isang booster na dose ang maaaring
kailanganin sa hinaharap. Dahil underdeveloped pa rin ang mga COVID-19 vaccines at
EUA pa lang ng FDA ang meron at hindi certificate of product registration, gobyerno
ang mananagot sa anumang negatibong epekto na maidudulot nito sa makatatanggap
ng vaccine.

Maliban sa side effects ay isa rin sa mga tinitignan pagdating sa pagbabakuna ay
kung gaano ito ka-epektibo upang malabanan ang COVID-19. Ang CoronaVac ng
Chinese Sinovac BioTech ay isa sa dalawang mga kandidatong bakuna na naindorso ng
DOST para sa pagsusuri ng FDA hangang Nobyembre 27. Ang platform nito ay isang
inactivated o live-attenuated na bakuna, ibig sabihin, gumagamit ito ng pinahinang
bersyon ng coronavirus upang makakuha ng isang immune response. Ang disease-
causing organism ay maaaring pumatay o cultured sa laboratoryo hanggang sa punto
na hindi ito maaaring maging sanhi ng isang sakit. Ayon sa isinagawang pag-aaral ng
bansang Chile sa Sinovac, 67% epektibo na makaiiwas sa pagkakaroon ng symptomatic
infection. Ayon din sa mananaliksik sa Butantan Institute, na nagsagawa rin ng trials sa
Sinovac sa bansang Brazil, inihayag na ang bakuna ay 78% na epektibong malalabanan

agos 25

#SINOVAC

ang “mild-to-severe” COVID-19 cases. Kasunod din na isiniwalat sa kanilang
isinagawang kalkulasyon ay hindi pa kasama roon ang datos mula sa grupong may “very
mild infections”. Sa kabuuang datos, lumalabas na 50.4% na epektibo lamang ang
Sinovac. Maraming bansa ang nagsagawa ng trials sa bakuna na nagbunga sa iba’t ibang
resulta. Isa sa mga mananaliksik ng Turkish ang nagsabing ang bakunang Sinovac ay
91.25% na epektibo, habang ang Indonesia ay nagsabing ito ay 65.3% na epektibo.

Ayon sa mga datos mula sa mga klinikal na trials na isinagawa, naniniwala ang
mga dalubhasa na ang pagbabakuna ay maaaring makatulong na maiwasan na
magkasakit ka ulit matapos gumaling sa COVID-19. Ngunit, kailangan pa ring
kumpirmahin ng mas maraming data ng klinikal na pagsubok. Isa rin sa mga katanungan
patungkol sa bakuna ay kung kaya ba nitong protektahan ang isang tao sa mga bagong
variant ng COVID-19. At sa kasalukuyan ay walang datos na nag-uugnay upang
mapatunayan na ang bakuna ay hindi magiging epektibo sa pagpigil sa bagong variant
ng coronavirus. Marami pang dapat na pagsusuri ang kinakailangan na gawin upang
kumpirmahin kung ang bagong variant ng coronavirus ay nakaaapekto sa pagiging
epektibo ng bakuna, at hanggang saan ang magiging bisa nito. Sa impormasyong
inilabas ngayon, sinasabing tumatagal lamang ang bisa ng bakuna nang 6 hanggang 9
na buwan. Ang mga taong nabakunahan na ay kanilang minomonitor upang malaman
kung kaya bang umabot hanggang isang taon ang bakuna. Sa ngayon ay kinakailangan
magkaroon ng booster at pag-update sa mga bakuna dahil na rin sa mga bagong variant
na umuusbong.

Pagkatapos ng mga quarantine, lockdown, facemask, social distancing at iba
pang bagong normal na nagaganap sa kasagsagan ng pandemya, pumapasok na tayo
ngayon sa yugto ng pagbabakuna na sinasabing solusyon para makabalik na tayo sa
dating normal at mabigyan na rin ng proteksyon ang ating sarili. Batay sa mga eksperto,
matatagalan pa bago mawala ang coronavirus. Ayon kay ABS-CBN Data Analytics Head
Edson Guido, sa kasalukuyang bilis ng pagbabakuna, aabutin ang Pilipinas ng higit 2
taon o hanggang Setyembre 2023 bago mabakunahan ang target na 70 milyon para
maabot ang herd immunity. Maaring hindi na umanong aalis o mawawala sa ating buhay
ang sakit na ito. Ang tanging magagawa na lamang upang malabanan ito ay ang
pagbabakuna dahil mananatili na ang sakit na ito sa kapaligiran o ang tinatawag na
endemic.

agos 26

#SINOVAC

Ang pandemyang kinahaharap ng mundo ay nagluwal ng mga bagong kultura.
Pangangailangan ang nagbunsod sa mga kulturang ito, minsan, batas at politika. Likas
din sa kultura natin ang pagiging malapit sa isa’t isa. Mula sa ating pamilya at maging sa
kaklase o kaibigan, hanggang sa mga barangay at iba pa nating komunidad, mahilig
tayong makisalamuha nang malapitan. Ngunit nawala ang “touch-centric” na ugali
nating ito dahil sa COVID-19 pandemic. Dala ng panganib na dulot ng pagkalat ng virus,
napilitan tayong sumunod sa social distancing protocols at magkulong na lang sa ating
mga bahay. Mahigit isang taon na nating hindi pwedeng gawin ang mga nakagawian na
simpleng mga beso o pagmamano sa mga kapamilya, pag-akbay sa mga kaibigan, at ang
nakatutuwang apir o holding hands sa mga kabarkada. Hindi natin masasabi kung kailan
nga ba mawawala ang problemang kinakaharap natin, kung kaya pilit nating yinayakap
ang mga bagong kulturang idinidikta ng pandemya. May konsumisyon at pangamba
mang kaakibat ang mga ito, habang idinadalangin nating malaos din ang mga ito, tayo
ay makababalik din sa mga dati nating nakagawian bago magkapandemya.

Marami sa atin ang nahihirapan ngayong may pandemya. Nariyan ang kawalan
ng trabaho, pagtutustos sa pangangailangan, kagutuman at pakikipagpatintero ng mga
sangay ng gobyerno para sa ating buhay. Nang dahil sa pandemya, marami ring
establisyemento ang nagsara at kasama na rito ang mga eskuwelahan. Sa kabila ng
pandemya, patuloy namang nagturo ang mga guro sa pamamagitan ng mga online
classes. Iba’t-iba ang naging estilo at malaki ang ginawang pag-aadjust upang mabigyan
ng edukasyon ang mga estudyante. Sa kabilang banda, bilang isang guro, hindi lang
dapat isang kaalaman ang dapat na ituro sa kanyang mag-aaral, maiging mas ginagamit
ang plataporma sa pagtuturo upang magkaroon ng lubos na kaalaman ang mag-aaral
pagdating sa pagbabakuna at maging sa ibang isyung kinahaharap.

agos 27

MGA SANGGUNIAN

ABS-CBN News. “ALAMIN: Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Paparating Na Bakuna Ng
Sinovac.” ABS-CBN News, 26 Feb. 2021, news.abs-
cbn.com/news/02/26/21/alamin-mga-dapat-malaman-tungkol-sa-paparating-
na-bakuna-ng-sinovac.

ABS-CBN News. “56 Porsiyento Ng Mga Pilipino Payag Magpabakuna Kontra COVID-
19: Survey.” ABS-CBN News, 2 Feb. 2021, news.abs-
cbn.com/news/02/02/21/56-porsiyento-ng-mga-pilipino-payag-magpabakuna-
kontra-covid-19-survey.

BBC News. “Sinovac: Brazil Results Show Chinese Vaccine 50.4% Effective.” BBC
News, 13 Jan. 2021, www.bbc.com/news/world-latin-america-55642648.

Bernardo, Ramon. “Bakuna: Gawang China o Amerika?” Philstar.Com, 27 Feb. 2021,
www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2021/02/28/2080916/bakuna-
gawang-china-o-amerika.

Corum, Jonathan, and Carl Zimmer. “How the Sinovac Covid-19 Vaccine Works.” The
New York

Scientists Believe.” The BMJ, 18 Feb. 2021, www.bmj.com/content/372/bmj.n494.
Times, 7 May 2021, www.nytimes.com/interactive/2020/health/sinovac-covid-19-

vaccine.html.
The Diplomat. “From Dengvaxia to Sinovac: Vaccine Hesitancy in the Philippines.” The

Diplomat, 9 Mar. 2021, thediplomat.com/2021/03/from-dengvaxia-to-sinovac-
vaccine-hesitancy-in-the-philippines.
Torjesen, Ingrid. “Covid-19 Will Become Endemic but With Decreased Potency Over
Time,
Zimlich, Rachael R. “Comparing the AstraZeneca (British) and Sinovac (Chinese)
COVID-19 Vaccines.” Healthline, 14 May 2021,
www.healthline.com/health/astrazeneca-vs-sinovac.

agos 28

Ang #SOCIAL DISTANCING Sa Buhay
Ng Mga Pinoy

Ni: Charlene Lovely Mendoza
MMMendoza

Sa paglobo ng bilang ng mga mamamayang nagpopositibo sa COVID-19 ay
lumitaw ang panukalang pagsusuot ng face mask at ang pagsasagawa ng Social
Distancing. Hinihikayat ng Kagawaran ng Kalusugan na ipatupad ito lalo na sa mga
pampublikong lugar. Ang social distancing ay kinikilala rin bilang “physical distancing”,
kinakailangan na may anim na talampakang distansya ang isang tao mula sa iba.
Isinasagawa ito upang malimitahan ang pagsasama-sama ng mga tao para maiwasan
ang mabilis na pagkalat ng COVID-19. Kasabay ng hakbanging ito ay ang paglilimita sa
pagtitipon ng malalaking grupo ng mga tao, pagpapasara ng mga hindi esensyal na
bilihan at pagkakansela ng mga ganap tulad ng mga konsyerto, fansigning at iba pa.

Ang pagkalat ng nasabing virus ay nangyayari tuwing ang isang indibidwal ay
may nararamdamang sintomas katulad ng pag-ubo, sipon, pagkawala ng panlasa, pang-
amoy at/o pagkakasakit. Lalo na kung ito ay naramdaman matapos makipagusap o
makisalamuha sa ibang tao nang walang mask at ang kanilang laway ay lumapat sa bibig
o ilong ng taong malapit sa kanila. Inamin din ng World Health Organization (WHO) na
ang virus ay short-ranged aerosol transmitted o humahalo na rin sa hangin at
nakahahawa lalo na sa mga lugar na maraming tao at walang maayos na labasan o
pasukan ng hangin. Kung susuriin ding maigi sa paglabas ng panukalang social
distancing ay lumabas din ang panukalang pagsusuot ng faceshield sa mga

agos 29

#SOCIALDISTANCING

pampublikong lugar. Ayon sa pagsusuring ginawa ng mga eksperto sa WHO, nagkaroon
ng 78% ang peligro na maipasa ang virus kumpara sa pagsusuot lamang ng mask.
Sinasabing dagdag proteksyon ito sa mata lalo pa’t maaaring maipasa ang nasabing sakit
sa pamamagitan lamang ng pagkusot sa mata.

Ayon naman sa The Irish Times, karamihan sa mga salitang ginagamit simula
noong 2020 ay patungkol sa coronavirus at kinilala ang social distancing bilang
pangwalong pinakagamit na salita sa buong mundo. Bukod sa popular na ang salitang
social distancing, mapapansin din na naging pamantayan na ang pagbibigay ng anim na
talampakang pagitan kada isang indibidwal sa tuwing nasa pampublikong lugar.
Kabilang din sa mga pinakaginamit na salita ay ang COVID-19 at iba pa nitong pangalan,
progress at truth. Ang mga salitang ito rin ay may kaugnayan sa pandemyang
nararanasan natin ngayon.

At dahil sa isang buwang pagkaka-lockdown sa mga lugar tulad ng Metro Manila
at iba pang 16 na lungsod sa buong Luzon, hindi na rin mapigil ang paglabas ng samu’t
saring mga memes. Isa sa mga memes na nakikita sa social media ay mga hayop na tila
alam din nila ang social distancing na talaga nga namang kinatuwa ng mga mamamayan.
Mayroon pang mga bidyo na nagpapakita na ang mga mamamayan na bumibili sa mga
mall na nakapila ay pinatutugtugan ng graduation march kapag sila na ang papasok sa
loob ng pamilihan. Makikita na ang implikasyon ng mga memes na ito na kahit ano man
ang pinagdaraan ng mga Pinoy ay nakagagawa pa rin sila ng mga nakatutuwang imahe
o bidyo na makatatanggal ng bagot ng mga kapwa nila Pinoy. Bunsod na rin ng mga
katuwaang ito ay nagsilabas din ang mga larawan na bumabatikos sa plano at desisyon
ng gobyerno sa paglaban sa COVID-19. Nariyan na ang mga politikong nakalusot sa
batas sa paglabag sa COVID-19 Health Protocols. Ang pinakasikat ang pagkakaroon ng
ika nga nilang “late night talk show” ng ating Pangulong Duterte at ang kaniyang
pagiging sadboi kuno. Kasabay rin nito ang kontrobersyal na si NCRPO Chief Sinas na
nagkaroon pa nga ng pagdiriwang ng kaniyang kaarawan sa kabila ng mahigpitang
pagpapatupad ng lockdown. Ayon sa kaniya ay mañanita raw ang tawag sa naging
pagdiriwang na ito, na kung titingnang mabuti ay may mass gathering na naganap. Isa
pa sa mga kilalang personalidad na lumabag sa health protocols ay si Sen. Koko
Pimentel na hindi sumunod sa ilang araw niyang quarantine. Hindi rin malilimutan sa
mga panahong ito ang pagsisiwalat ng ating mga frontliners sa mga kilalang kawani ng

agos 30

#SOCIALDISTANCING

gobyerno na may pa-special treatment pa sa pag papa-COVID test kaysa sa mga tunay
na nangangailangan.

Mula sa mga pangyayaring ito, nasasalamin ang kaisipang mayroon tayo na mas
nakaaangat sa batas ang mga mamamayang may malalim na kaalaman dito at kaya itong
paikutin sa kanilang palad. Ang pang-aabusong ito ay nakikita lagi sa mga taong may
malalaking pera o nasa gobyerno. Makikitang kalakip na ng kultura natin ngayon ang
pagkakaroon ng distansya sa isa’t isa dahil sa pag-iwas sa pagkalat ng virus ngunit ang
distansyang ito ay hindi nakapagpapigil sa pagtutulungan natin sa isa’t isa. Nasasalamin
ng bawat Pinoy ang tunay na ibig sabihin ng pakikipagkapwa at pagiging makatao. Lalo
pa’t sa panahon na ang iilang mga kapwa Pilipino natin ay napag-iiwanan dulot ng
kahirapan sa pandemya at mabagal na aksyon ng gobyerno, hindi pa rin natin
nakalilimutan tumulong sa lubos na mga nangangailangan. “Kumuha ayon sa
pangangailangan, magbigay ayon sa kakayahan” ito ang sikat na karatulang makikita
natin sa mga nagsisulputang mga Community Pantry na may layuning tulungan ang
ating mga kababayan na maibsan ang kanilang gutom lalo pa’t nakikipagsapalaran tayo
sa hindi natin makitang kalaban. Mula sa kulang na ayuda at piling mga taong nabibigyan
nito, ang Community Pantry ang kanilang naging sandigan upang magkaroon ng
pantawid-gutom, higit lalo para sa kanilang pamilya.

Tunay nga na mayaman ang mga Pilipino sa kultura lalo na sa pag-uugali at sa
usaping makabayan. Nakabuo naman ng bagong alyansa ang ating mga frontliner, ang
Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 o HPAAC, na naglabas ng mga
maikling paraan upang maiwasan ang paglaganap at pagpapasa ng virus. Kilala ito sa
tawag na “Apat Dapat” na may katumbas na panuto sa bawat letra ng salitang apat. Ang
letrang A ay Air circulation and ventilation na ibig iparating ay dapat mayroong sapat
na pasukan at labasan ng hangin lalo na sa mataong lugar. Ang letrang P ay Physical
distance one meter or more habang ang A ay Always wear your mask and face shield
na mahalaga lalo na sa paglabas natin ng bahay at pakikisalamuha sa ibang mga tao. At
ang T ay Time of interaction thirty minute or less na ibig sabihin ay maikling oras ng
pakikisalamuha sa tao ay may mas maliit na tsansang mahawa ng virus.

Bilang isang guro din sa hinaharap, makatutulong ang ideyang social distancing
sa loob ng silid aralan sa tuwing mayroong pagsusulit (pagkakaroon ng one seat apart)
at pati na rin sa malikhaing pagpapasagot sa klase upang masukat ang natutuhang

agos 31

#SOCIALDISTANCING

kaalaman ng mga mag-aaral. Magagamit ko rin itong halimbawa upang mas
mapahalagahan ng aking mga magiging mag-aaral ang kanilang kalusugan at
kahalagahan ng pagtanaw sa nakaraan upang matuto at makabuo ng simpleng solusyon.
Pagkatuto na rin ito sa mga pangyayaring naganap sa loob ng panahon ng pandemya,
ito man ay masalimuot o masayang pangyayari.

Bilang pagtatapos mahalaga ring tanawin natin ang implikasyon ng pagkakaroon
ng social distancing sa loob ng mga pampublikong sasakyan. Nariyan na ang pagkatuto
ng mga tao sa personal na espasyo ng bawat isa at ang pagkakaroon ng mga pangharang
upang maiwasan ang pagtatabi-tabi lalo na sa loob ng dyip. Mula sa mga kaganapang
ito, nakararamdam ng pagkalugi ang mga driver lalo pa’t kakaunti na lamang ang
kanilang naisasakay at ang mga taong lumalabas dulot na din ng pangambang magka-
COVID.

Hindi lamang sagot ang pagkakaroon ng #Social Distancing o pagsusuot ng mask
ang makapagpapatigil ng pagkalat ng virus. Nararapat din na magkaroon ng
malawakang pagte-test upang maihiwalay agad ang ating mga kababayang mayroong
COVID-19 sa wala. Nang sa gayon ay mas mapababa ang dami ng mga mamamayang
mayroong SARS-COV2. Ngayong dumating na ang mga bakunang makatutulong sa
atin, marapat na makatanggap ng pantay-pantay na dosage ang bawat Pilipino,
mayaman man o mahirap. Marapat din na huwag maniwala sa mga fake news sa
internet at mas mahalagang paniwalaan ang mga ekspertong gumawa ng bakuna.
Importante rin ang pakikinig sa mga balita upang malaman kung sino na ang pwedeng
maturukan at kung anong bakuna ang gagamitin sa inyong siyudad. Ang pagpapaturok
ay tanda na rin ng ating pagtulong upang makabawas at makaiwas sa pagkalat ng
COVID-19 at nang makabalik na tayo sa normal.

agos 32

MGA SANGGUNIAN

Balancio, Joyce. “Paggamit Pa Rin Ng Face Shield, Dinepensahan Ng Mga

Eksperto.” ABS-CBN News, ABS-CBN News, 23 Mar. 2021, news.abs-

cbn.com/news/03/23/21/paggamit-pa-rin-ng-face-shield-dinepensahan-ng-

mga-eksperto.

“EDITORYAL - Kasuhan Mga Lumabag Sa Health Protocols.” Philstar.com, Pilipino Star

Ngayon, 28 Jan. 2021, www.philstar.com/pilipino-star-

ngayon/opinyon/2021/01/29/2073771/editoryal-kasuhan-mga-lumabag-sa-

health-protocols.

Healthcare Professionals Alliance Against Covid-19. “May Bakuna... - Healthcare

Professionals Alliance against Covid-19.” Facebook.com, 28 Feb. 2021,

www.facebook.com/hpaac.org.ph/photos/a.116656233509377/25459099971

5899/

Social (status) distancing? Filipinos seek laughs via lockdown memes | Asia Pacific

Report By Pacific Media

Watch Container: Asiapacificreport.nz Year: 2020 URL: https://asiapacificreport

.nz/2020/03/24/social-status-distancing-filipinos-seek-laughs-via-lockdown-

memes/

SOCIAL DISTANCING SA PANAHON NG CORONAVIRUS

By URL: https://www.smchealth.org/sites/main/files/file-attachments/smc_health_-

_social_distancing_07132020_tl.pdf?1596134722

What’s the top word of 2020? Oh, you guessed that one easily by The Irish

Times Container: The Irish Times Publisher: The Irish

Times Year: 2020 URL: https://www.irishtimes.com/culture/what-s-the-top-

word-of-2020-oh-you-guessed-that-one-easily

1.4298315#:~:text=Coronavirus%20and%20US%20political%20terms,of%20th

e%20year%20so%20far&text=%E2%80%9CCovid%E2%80%9D%20is%20the%

20top%20word,use%20of%20the%20English%20language.

WHO Finally Admits Coronavirus Is Airborne. It’s Too Late By JV

Chamary Container: Forbes Year: 2021 URL: https://www.forbes.com/sites/jvc

hamary/2021/05/04/who-coronavirus-airborne/?sh=7e71d62f4472

agos 33

Ang Pagsulong ng Kulturang
Filipino

/PA.DA.YON/
(pnb.) Hiligaynon; magpatuloy, sulong

agos

Spotify: Panibagong Tahanan
ng PKP sa Pilipinas

Ni: Piolo Medellin

Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para
maramdaman ang pagtanggap sa kanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang
popular ang nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil ito ay
kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng mga kumpanya at modernong
mga bansa. Ang kulturang popular ang kadalasang nagbibigay ng depinisyon kung ano
ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap na maaaring umikot sa teknolohiya,
pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga pinagsama-samang kultura na
itinatakda ng makakapangyarihang tao, kumpanya, at bansa. Ginagamit ito ng mga
ordinaryong tao para maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na
rin upang maipakilala ang kanilang sarili.

Sa Pilipinas, mayroon din tayong tinatawag na kulturang popular o ‘pop culture.’
Mababanaag ito kahit saan man tayo magpunta basta ito ay mga nakasanayan na nating
nakikita o ginagamit sa pang-araw-araw. Kung minsan pa nga ito ang mga kaisipang
itinatak ng ating kultura sa ating isipan na hindi na natin maaalis hanggang sa ating
pagpanaw. Kaliwa’t kanang bakas ng kulturang popular ang makikita at
mararamadaman natin sa Pilipinas, mula sa kasuotan, musika, imprastraktura, estilo ng
pagsulat, panitikan, at marami pang iba. Ngunit paano nga ba napopopularisa ang mga
ganitong produktong dala-dala ng pagbabagong kultural hanggang sa umaabot na sa
puntong nagiging bahagi na ito ng ating mga buhay?

agos 35

#SPOTIFY

Ayon sa mga dalubhasa pagdating sa pag-aaral ng humanidades at agham
panlipunan, may ganap na sagot sa tanong na, "Ano ang nagpopopularisa ng kulturang
popular?" Ngunit, nanatiling parang kulang ang ating pag-unawa sa kung bakit may mga
produktong kultural ang nagtatagumpay sa pagpopopularisa kaysa ibang mga
produktong hatid ng ating kultura. Bagamat ang kulturang popular ay nakikita, o
intensyonal na nakaangkla sa panlasa ng publiko, mayroon pa ring umiiral na relatibong
popularidad sa mga produktong ito. Ayon sa mga pag-aaral sa sosyolohiya at mga
kaugnay na disiplina nito, ang mga konsyumer o tagapanood ng mga produkto ng
kulturang popular ay palagiang naghahanap ng magagamit na iba't ibang impormasyong
maaaring maging hudyat ng kalidad at halaga ng mga bagong produkto, kabilang dito
ang mga katangian at mga network ng mga kultural na prodyuser, kagustuhan ng mga
manonood at dinamikong impluwensiyang panlipunan, mga elemento sa panlabas na
kapaligiran ng kultura, at iba't ibang pwersang institusyonal.

Bawat hudyat na nakikita ng publiko o konsyumer ng mga produktong kultural ay
may mahalagang ginagampanang tungkulin sa pag-alam ng kanilang mga batayan sa
pagpili, pagsusuri, at pagrerekomenda nito sa iba. Isa sa magandang halimbawa nito ay
ang pag-usbong ng popular na kultura pagdating sa musika sa Pilipinas.

Ang Pinoy pop o Filipino pop ay tumutukoy sa kontemporaryong musikang popular
sa Pilipinas. Mula noong dekada sitenta, ang Pinoy pop ay patuloy na lumalawak at
nakikilala bilang isang sensasyon. Ito ay nagmula sa mas malawak na uri ng musika, ang
Original Pilipino Music (OPM). Ang mga awiting kabilang sa Filipino pop ay ang mga
kantang nauso mula pa noong 1960’s; tulad ng ballad na isa sa mga uri ng musikang
tunay na bumihag sa atensiyon ng mga Pilipino. Ilan sa mga tanyag na artistang sumikat
sa pag-awit ng ballad ay sina Pilita Corrales, Nora Aunor, Basil Valdez, Freddie Aguilar,
at Rey Valera. Kasabay nito ang pagkilala sa husay nina Ryan Cayabyab at José Mari
Chan sa pag-awit at paggawa ng mga orihinal na Ingles at Tagalog na awiting tungkol
sa pag-ibig.

Sa parehong dekada rin unang nabuo ang ilan sa mga sikat na grupong pop tulad
ng APO Hiking Society at Hotdog. Noong 1980’s, ang disco group na VST & Co. at pop
icon na si Gary V naman ang nagbigay-daan upang makilala ang dance-pop sa
industriya. Sa unang bahagi ng 1980’s, ang Pilipinas ay kinilala bilang unang bansang
nagkaroon ng unang hip-hop music scene sa buong Asya at Pasipiko. Sa pagbungad

agos 36

#SPOTIFY

hanggang kalagitnaan ng dekada nobenta unang nasaksihan ang husay ng isa sa mga
pinakakinagigiliwang grupong pop-rock, ang Eraserheads. Ang kanilang paglitaw ay
pinaniniwalaang nagbigay ng kritikal na sitwasyon para sa sektor ng OPM.

Ngayong kinakaharap na natin ang panibagong panahon ng kulturang popular
ng musika, nagkaroon ng integrasyon ang impluwensiya ng industriya ng musikang nag-
ugat at patuloy na sumisikat sa bansang Korea, na ngayon ay namamayagpag sa buong
mundo. Nabuo ang mga grupo ng mga mananayaw at mang-aawit na nagpakilala ng
bagong bersiyon ng Pinoy pop. Ang mga grupong ito ay tinatawag na P-Pop. Kabilang
din ang muling pag-usbong ng mga bandang popular ng mga Pilipino gaya ng IV of
Spades, December Avenue, Bandang Lapis, Ben & Ben, at iba pa. At sa pag-usbong ng
mga makabagong teknolohiyang dulot rin ng pop culture, umusbong na rin ang iba’t
ibang plataporma o aplikasyon na mas nagpapadali ng pag-kalat, pag-daloy, at pag-
unlad ng musikang Pinoy sa bansa. Isa na rito ang Spotify.

Malaki ang naging ambag ng aplikasyong Spotify sa patuloy na pag-usbong ng
panitikan at kulturang popular sa Pilipinas, partikular na sa musika. Patuloy na
nakakamit ng Spotify ang kaniyang pangunahing hangarin na palawakin ang sakop ng
kanyang impluwensya sa buong mundo, lalo na sa Pilipinas. Ayon sa artikulong inilabas
ng ABS-CBN noong 2015, Pilipinas ang ikalawang bansa na may pinakamabilis na
pagdami ng bilang ng gumagamit ng Spotify. Ang primaryang taktikang pinaiiral nito
upang makamit ang malawakang impluwensya sa mundo ay hindi ito nagbebenta ng
musika, bagkus ibinebenta nito ang kanyang pagiging aksesibol. Isa sa inihahaing
tampok ng Spotify sa mga gumagamit nito ay ang 'Taste Profile' kung saan malayang
nakapipili ang mga tao ng gusto nilang genre ng musika. Mula rito, mahihinuha na sa
pamamagitan ng ganitong tampok ay binibigyan tayo ng Spotify ng kalayaang
panlipunan pero sa ibang porma, dahil nagbibigay ito ng kakayahan sa kung sinomang
gumagamit ng Spotify na i-maksima ang teknolohiya upang makabuo tayo ng sariling
desisyon na para sa atin at hindi para sa Spotify.

Hinahayaan tayo ng Spotify na magkaroon ng magadang daloy ng proseso ng
pagdedesisyon at binibigyan tayo ng pagkakataong makapagpahinga habang nakikinig
sa musikang hatid ng kulturang popular. Isa pa sa handog ng Spotify sa mga gumagamit
nito ay ang 'Frictionless'. Ang elementong ito ng nasabing aplikasyon ay nagbibigay
kakayahan sa mga miyembro ng lipunan na makaalis sa kanilang mga tinatawag na

agos 37

#SPOTIFY

'comfort zones' at makahanap ng mga bagong musikang maghahatid sa kanila ng saya
nang walang binabayaran. Ang tampok na ito ng Spotify sa publiko ang naging daan
upang matuklasan natin ang mga sariling kagustuhan ng publiko pagdating sa musika,
mapaartista man iyan o kanta.

Kung dati ay napapako lamang tayo sa mga kaset, DVD, at iba pang makalumang
gadyet sa pakikinig ng mga musika, ngayon ay mas nailalapit na sa atin ang ganitong
mga produktong kultural na naging bahagi na ng ating araw-araw na pamumuhay. Kung
maaalala natin, noong wala pang mga aplikasyon, gaya ng Spotify, hirap tayong
ikonsumo ang mga ganitong produkto. Ngunit sa paglipas ng panahon na mas naaabot
na ng teknolohiya ang buhay natin, hindi na natin kailangan pang pumunta sa mga
pamilihan upang bilhin ang musikang nais nating mapakinggan.

Ang Spotify ay hindi lamang naging tahanan ng kanta o musika; patuloy rin itong
nagiging tahanan ng mga umuusbong na podkas, tula, at marami pang iba na bahagi ng
ating panitikan na unti-unti nang namamatay. Lubhang kakaiba ang naihahandog na
serbisyo ng Spotify sa masa. Bukod sa ito ay mura at kayang bilhin sa makamasang
halaga, naging primaryang lunsaran din ito ng modernong panitikan na nakatutulong sa
pagpapalakas ng ating pagmamahal sa bayan. Isa na rito ang podkas. Isa sa mga
halimbawa nito ay ang mga inilulunsad na podkas nina Juan Miguel Severo, Antoinette
Jadaone, Say Tioco, Gia Sison at marami pang iba. Ang maganda sa mga podkas ay hindi
lamang ito napapako sa mga maliliit o walang kwentang diskusyon. Kalakhan sa mga
umuusbong na Pilipinong podkas ay tumatalakay sa mga isyung panlipunan na
nararanasan ng mga Pilipino. Magandang halimbawa nito ay ang mga usaping Abante-
Babae, kalusugang pang-kaisipan, kriminal na kapabayaan ng kasalukuyang rehimen sa
pandemya, at marami pang iba. Dahil dito, makikitang ang Spotify ay hindi lamang
napapako sa mga kanta at artista, bagkus ito ay lundayan ng mga usaping panlipunan
na nagmumulat sa mga gumagamit nito. Nagiging plataporma ang Spotify upang buksan
ang mga politikal at ekonomikal na usapin na hindi natatalakay sa ibang mga
plataporma. Manipestasyon din na nagiging tagapagtaguyod ito ng panitikang Pilipino
na lantad sa pagtatampok ng iba’t ibang podkas sa mga akda ng mga sikat na manunulat,
gaya ni Lualhati Bautista. Isa sa mga halimbawa nito ay ang pagtatampok ng ‘The Linya-
Linya Show’ ng mga akda ng nasabing manunulat, partikular na noong ipinagdiriwang
ang Buwan ng Kababaihan.

agos 38

#SPOTIFY

Sa globalisadong panahon, patuloy ring nagiging tulay ang Spotify upang
maiugnay natin ang ating kultura at panitikan sa buong mundo. Sa sobrang lawak ng
sakop ng impluwensya ng Spotify sa iba’t ibang panig ng mundo, hindi malabong
nakakaabot sa kanila ang ating musika at panitikan. Bagamat may mga sagabal sa
pagkakaintindihan, gaya ng wika, hindi naman dito natatapos upang maipadama natin
sa mga banyaga ang nais na ipabatid na mensahe ng mga gawang Pilipino. Nabibigyan
tayo ng pagkakataong mapag-aralan at kilalanin ang kultura ng iba’t ibang bansa sa
pamamagitan ng pakikinig ng mga musika at podkas nila. Sa pamamagitan ng Spotify ay
nabibigyan ng isang inklusibong espasyo ang lahat ng panitikan at kulturang umiiral sa
buong mundo. Naghahatid ito ng isang linyang hindi nakikita ngunit direktang
nagkokonekta sa atin sa iba’t ibang bansa.

Ang patuloy na pamamayani ng Spotify sa Pilipinas ay naghahatid ng kaunlaran
sa ating panitikan at kulturang popular. Nabibigyan ang mga hindi masyadong kilalang
artistang Pilipino ng pagkatataon upang makilala sa pinakamalawak na hanay ng masa.
Nabibigyang diin ang panitikan at kultura na nais nating ipabatid at ipagmalaki sa lahat
sa bawat kanta at podkas na inilalagay ng mga Pilipino sa Spotify. Naging instrumento
ito upang mapabilis ang daloy ng pagpapakalat ng kulturang Pilipino sa iba't ibang panig
ng mundo. Binago ng Spotify ang kasalukuyang takbo ng industriya ng musika nang
hindi ito gaanong ginagawang negosyo. Sa tulong ng Spotify, mas marami pang mga
mundong hindi inaasahan ang matutuklasan na magkakaroon ng maganda at
progresibong epekto sa panitikan at kulturang popular ng Pilipinas sa hinaharap.

agos 39

MGA SANGGUNIAN
Experience Festival. "Music of the Philippines - Filipino Hip-Hop." 8 Pebrero 2011.

21 May 2021.
Fernandez, Doreen G. “Philippine Popular Culture: Dimensions and Directions the

State of Research in Philippine Popular Culture.” Philippine Studies, vol. 29, no.
1, 1981, pp. 26–44. JSTOR, www.jstor.org/stable/42632570. Accessed 21 May
2021.
Garcia, Cathy Rose A., and ABS-CBNnews.com ABS-CBN News. "How Philippines
Became Spotify's 2nd Fastest Growing Market in the World." ABS. ABS-CBN
News, 26 Apr. 2015. Web. 21 May 2021.
Manila Bulletin. "Charice happy with chart performance of her album, song.” 24 Mayo
2010. 21 May 2021.
Philippine Daily Inquirer. "Introducing the Pop Girls." 4 Enero 2010. 21 May 2021.
Philippine Daily Inquirer. "Charice debuts at No. 8 on Billboard." 22 Mayo 2010. 21
May 2021.
Sites, Google. "How Spotify Affects Artists - Spotify: The Leader of Music Streaming."
Google Sites. 2019. Web. 21 May 2021.
Yonak, Ruya. "How Spotify Has Changed the Way We Listen to Music." Audioxide.
Audioxide, 17 Sept. 2019. Web. 21 May 2021.

agos 40

Magandang Dilag: Pagbabago ng Pamantayan sa
Kagandahan ng Kababaihan Bilang
Bahagi ng Lipunan

Ni: Mhycaela Jem Pinlac

Bawat isa sa atin ay may iba’t ibang pamantayan pagdating sa kagandahan. Ito
ay isang katotohanan sa likod ng isa sa mga uso at patok na mga awitin gaya ng kanta
ni JM Bales na pinamagatang ‘Magandang Dilag’. Ang nilalaman ng kantang ito ay
patungkol sa natatanging ganda ng isang dalagang nabihag ang puso ng isang lalaki.

"Bawat lakad mo, lahat sila'y napapatingin, di mawari ba't ganun ang nangyayari
sa akin." Batay sa nabasang linya ng awiting ito, patunay nga na kakaiba ang ganda ng
isang dalagang Pilipina. Angat na angat ang panlabas nitong katangian at gawi kung
kaya naman nagawang makuha ng dalaga ang atensyon ng bawat kalalakihan.

“Magandang dilag, puso ko’y iyong nabihag. Wala nang ninanais, ligaya kang
labis. Ohh. Magandang dilag” Ang liriko namang ito na batay sa inawit ni JM Bales ang
talagang pinakatumatak sa isipan ng mga tagapakinig at umani ng samu’t saring
reaksyon mula sa mga netizen. At inaamin kong isa rin ako sa mga na-LSS sa musikang
ito.

Ang awitin na pinamagatang ‘Magandang Dilag’ ay nilikha ni Kiko Salazar at
isinaawit ni JM Bales – dating kalahok sa Season 2 ng Tawag ng Tanghalan, It’s
Showtime. Ang kantang ito ay inilabas noong taong 2020 para sa background music ng
swimsuit competition sa nakaraang Miss Universe Philippines. Talaga namang
nakamamangha ang biglaan nitong pagsikat kahit na ilang buwan pa lamang ang
nakalilipas. Ang kantang ‘Magandang Dilag’ ay pumalo sa mahigit 1.8 milyong
tagapakinig sa isang social media application na Spotify at siya ring ikinatuwa nina Kiko

agos 41

#MAGANDANG DILAG

Salazar at JM Bales. Tunay na kinahumalingan ito ng maraming Pinoy lalo pa’t gamit na
gamit ang kantang ito sa isang online application na Tiktok.

Ang pamagat ng kantang ito ay kailangan ng pagwawasto. Kung ating
mapapansin, ang salitang ugat ng maganda ay ganda. Ang kahulugan ng maganda ayon
sa ensiklopedya ay pisikal na kaakit-akit o kaaya-aya sa paningin ng nakakikita. Kung
ang terminolohiyang maganda o ganda ay iuugnay sa konsepto ng kababaihan, ang
pinatutungkulan nito ay ang pisikal na anyo o panlabas na itsura. Ang estilong maganda
na naiuugnay sa kababaihan ay dapat na balingkinitan o maganda ang hubog ng
pangangatawan, maputi, maayos ang mga ngipin, maganda ang ngiti, matangos ang
ilong, at kaakit-akit ang mga mata at bawat ikinikilos nito. Maaari ding idagdag para sa
konsepto ng maganda ang pananamit at postura ng kababaihan.

Samantala, ang dilag naman ay nangangahulugang ganda at hindi binibini, dalaga,
o babae. Sa katunayan, isa sa pinakamalapit na halimbawa para sa salitang dilag ay
magandang babae. Sa pambansang awit naman, nakasulat sa liriko ng ‘Lupang Hinirang’
ang, “may dilag ang tula at awit sa paglayang minamahal”. Mas katanggap-tanggap kung
ang ilalagay na pakahulugan sa salitang dilag batay sa liriko ng Lupang Hinirang ay
ganda. Nagkaroon man ng paggamit ng magkaibang salita sa pamagat na ‘Magandang
Dilag’ ay magkapareho pa rin naman ang kahulugan ng dalawang terminolohiyang ito.
Sa halip siguro na ‘Magandang Dilag’ ang pamagat ng kantang ito, maaaring palitan ang
salitang dilag ng binibini, dalaga, o babae. Hindi kasi maganda sa paningin at pandinig
ng mga nag-aaral sa wikang Filipino ang ganitong halimbawa ng pamagat.

Dagdag pa rito, hindi rin angkop sa marami, lalo na at sa mga kababaihan ang
makarinig ng ganitong awitin. Kung susuriing mabuti, ang kantang ito ay patungkol
lamang sa magandang kababaihan. “Bawat lakad mo lahat sila napapatingin. Di mawari
ba’t ganun ang nangyayari sa akin. Isang ngiti mo lang parang nakakabaliw.” Ang lirikong
ito na mula sa awiting nabanggit ay patunay lamang na ang ilan sa kalalakihan ay
mayroong pamantayan sa paghahanap ng gugustuhin nilang binibini. Sa kasalukuyan,
madalas na hanap ngayon ng mga lalaki ay ang pisikal o panlabas na anyo ng mga babae
kaysa sa ugali o panloob nitong kaanyuan. Hindi nila kinikilala ang ugaling mayroon ang
mga babae sapagkat mahalaga na lamang para sa kanila ang magkaroon ng kasintahang
maipagmamalaki ang pisikal na kaanyuhan sa mga tao sa paligid nila.

agos 42


Click to View FlipBook Version