#DANVIBES
module ay makikita natin kung ano nga ba ang tunay na problema ̶ ang kakulangan ng
marami sa atin ng pagpapahalaga sa wikang Filipino.
Habang patuloy ang paghalakhak at pagtawa natin sa mga nakatatawang biro sa
pang-araw-araw, huwag sana nating kalimutan ang dahilan at konteksto kung bakit
nabuo ang bawat joke o kung bakit ba tayo nagbibitaw ng mga biro sa isang
sitwasyon ̶ madalas ay dahil gusto nating pagaanin ang usapan na ibig sabihin ay may
kung anong pwersang nagpapabigat at pwede rin namang gusto lang nating makuha
ang atensyon ng iba sa pamamagitan ng pagpapatawa dahil kahit anong pagseseryoso
ay ni hindi ka man lang nabigyang sulyap.
Maaari nating tingnan ang mga biro bilang salamin ng ating pagkatao, ng ating
paniniwala, at maging ng ating lipunan. Dito natin masisipat ang mga bagay na hindi
natin madalas na napapansin, maaaring ang nakakatawa para sa atin ay nakasasakit na
pala ng damdamin ng iba o ‘di naman kaya ay ang edali biro lang sa atin ay panawagan
o protesta na pala ng marami.
Kung kaya’t dahil hindi naman mabibigyan ng karampatang solusyon agad ang
mga problemang nakaugat pa mula sa kaibuturan ng ating pag-iisip, mahalagang
malaman at makita natin sa ganitong panahon ang mga tunggaliang nagtatago sa likod
ng kahit na pinaka simpleng biro upang makita natin kung ano ang mga bagay na dapat
baguhin at dapat na ayusin.
Muli, walang masama sa pagbibiro. Ang tanging masama ay ang iwanan na lang
basta ang mga birong alam naman nating maaaring makasakit sa iba. Kahit anong
bagong biro pa ang mabuo at kahit ilang libong tao pa ang mapatawa nito, ang suliranin,
baho at dumi sa likod ng mga ito ay mananatili pa ring isang suliraning may baho at
madumi sa mahabang panahon.
agos 93
MGA SANGGUNIAN
Rillo, Richard, and Junette Buslon. “THE PRAGMATICS of IRONY in HUMOR:
EMERGING DRIFTS in PHILIPPINE WITTICISM.” Sci.Int.(Lahore), vol. 31, no. 3,
2019, pp. 493–97, files.eric.ed.gov/fulltext/ED600793.pdf.
Torres, Joel Mayo, et al. “Pandemic Humor: Inventory of the Humor Scripts Produced
during the COVID-19 Outbreak.” SSRN Electronic Journal, 2020,
papers.ssrn.com/sol3/papers.cfm?abstract_id=3679473,
10.2139/ssrn.3679473. Accessed 18 May 2021.
Ancheta, Maria Rhodora G. “Halakhak: Defining the ‘National’ in the Humor of
Philippine Popular Culture.” Thammasat Review, vol. 14, no. 1, 2011, pp. 35–60,
sc01.tci-thaijo.org/index.php/tureview/article/view/40801/33794. Accessed
19 May 2021.
Ralf Rivas. “IN CHARTS: Philippine Economy, a Year in Lockdown.” Rappler, Rappler,
15 Mar. 2021, www.rappler.com/business/charts-philippine-economy-year-in-
covid-19-lockdown-2021.
Bonz Magsambol. “Over 400,000 Private School Employees Affected by Lockdown –
Group.” Rappler, Rappler, 27 Apr. 2020, www.rappler.com/nation/private-
schools-affected-coronavirus-pandemic.
Rodriguez, Bruce. “10.9 Million Filipinos Lost Jobs, Had Lower Incomes due to COVID-
19 Pandemic: ILO.” ABS-CBN News, ABS-CBN News, 15 Dec. 2020, news.abs-
cbn.com/business/12/15/20/109-million-filipinos-lost-jobs-had-lower-
incomes-due-to-covid-19-pandemic-ilo.
Hermesauto. “Philippines Suffers Worst Job Losses in 15 Years due to Covid-19 and
Lockdown.” The Straits Times, 4 Dec. 2020, www.straitstimes.com/asia/se-
asia/philippines-suffers-worst-job-losses-in-15-years-due-to-covid-19-and-
lockdown#:~:text=MANILA%20(PHILIPPINE%20DAILY%20INQUIRER%2FASIA
,lockdown%20shuttering%20thousands%20of%20businesses..
agos 94
ModuleLegend: Paghahanap ng Motibasyon
sa Gitna ng Distraksyon
Ni: Jonel Panuncio
Minsan tayong humahanap ng motibasyon kahit sa gitna ng distraksyon na
wari’y pangangapa sa madilim na lugar na kahit pagsilip ng liwanag ay hindi maaaninag.
Napapagod tayong gumaod sa paghanap ng kasagutan at kabuluhan ng pag-asa.
Tuluyan tayong nabilanggo sa sariling pagdududa at takot na dulot ng lipunang
kinabibilangan na gaya ng isang ibong nasa hawla at isdang limitado ang paglangoy sa
apat na sulok ng akwaryum na senyales nang hindi pagiging malaya. Mahirap
ipagpatuloy ang pag-abante kung ikaw ay upos na at hirap nang makita ang inspirasyon.
At ang bawat hakbang mo’y hindi na pasulong, bagkus lumalayo sa iyong ambisyon.
Ang usapin kaugnay sa module sa bagong kadawyan ay naisilang dulot ng kisap-
matang pagbabago ng panahon dahil sa pandemya. Sinasabing ang napapanahong
problema ay may kakambal na napapanahong solusyon. Kung kaya’t ang hangarin ng
Kagawaran ng Edukasyon ng bansa na matuto at maipagpatuloy ang edukasyon sa gitna
ng banta ng pandemya ay nagbukas sa iba’t ibang kaparaanan upang makulayan ang
plano na ito. Isa sa mga umingay na kaparaanan ay ang “modular” o ang pag-aaral at
pagkatuto na nakabase sa pagsagot ng mga sasaguting module na may kaugnayan sa
paksang inaaral. Masasabi na ito ay pasok sa kulturang popular dahil sa tinangkilik ito
ng masa partikular ng mga mag-aaral sa panahong kasalukuyan dahil sinasabi na maaari
ka nang matuto nang hindi mo katabi ang iyong guro at ito raw ay solusyon ng mga
mag-aaral na hirap makasabay sa online na moda ng pagkatuto. Ang mga kadahilanang
ito ay ang pinaniwalaan nang napakaraming kabataang mag-aaral partikular sa mga
nakatira sa mahihirap na lugar o liblib na nayon dahil sa takot na hindi nila makayanan
agos 95
#MODULE LEGEND
ang makalahok sa onlayn na mundo sa mga bulwagan dulot ng kakapusan at kakulangan
sa kagamitan.
Dahil ito ay bago at napapanahon, sa una’y naging mainit ang pagtanggap at
pagyakap dito ng mga mag-aaral na Pilipino. Kanya-kanyang pakitang gilas at galing sa
pagsagot ng mga katanungan sa kani-kanilang mga modyul. Indikasyong gigil sa simula
sa pagkatuto sa panahong binago ng hinaharap na problema. Nagsulputan mula rito ang
mga mag-aaral na kung tawagin ay “module legend”. Mga mag-aaral na halos isang
daang porsyento ang ibinuhos upang paghandaan ang mga sasaguting modyul. Bakas
sa kanila ang kagustuhan matuto kahit hindi pa tuluyang nakikita ang dulo at produkto
ng piniling moda sa pagkatuto. Kaya naman, pagdating sa papalapit na dulo ay ang ilang
mga module legend ay napagod at hindi na nakasabay pa sa pagbabago dahil sariling
iniindang pagkatalo sa iba’t ibang aspeto.
May iba’t ibang nararanasan ang halos lahat ng mga tao. Mula sa epekto ng
problema ng pandemya ay nagkasanga-sanga hanggang ang mental na aspeto ay
maapektuhan. Ang higit na humaharap sa mga usapin ng problema sa mental na
kalusugan ay ang mga pag-asa ng bayan na mga kabataan. Silang pilit na sinusubo ang
bagong kaparaanan sa sistema ng edukasyon ng bansa. Silang mas lalong humaba ang
oras nang pagharap sa mga iskreen ng mga gamit pang-online class. Silang naninibago
sa mga birtuwal na bulwagan para lang makapasok at matuto ng aralin. Silang halos
bumase na lamang sa mga module ng guro gawa ng kakulangan sa kagamitan at
mahinang signal ng internet. At silang sinusubukang maging Module-Legend para sa
hangaring makapasa at mabigyang pagkilala ang natatanging pagsusumikap nilang
matuto, maging mabigyang sukli ang pagod ng mga presensya sa likod ng pagsusulong
ng edukasyon sa kabila ng banta ng pandemya sa ating kalusugan at kabuhayan.
Importante ang paghinay sa pagbabato ng mga gawain sa mga kabataan dahil sa
kabila ng pagiging module legend ng ilang mga kabataan ay may mga samu’t saring
kuwento ng proseso sa pag-abot ng kakayahang ito. Bago pa man magsimula ang klase
sa taong 2020 ay sinabi na ng DepEd na ang halos lahat ng kaparaanan ng pagkatuto
ay birtuwal at modular. Ayon sa datos ng kagawaran (Setyembre 25, 2020), mayroong
24.63 milyong bata ang nakapagpatala ngayong taon – 22.44 milyon sa pampublikong
paaralan samantalang 2.136 milyon naman sa pribadong paaralan. “Isinusulong ng
kagawaran ng edukasyon ang self-learning modules (SLM) na nangangahulugang
agos 96
#MODULE LEGEND
kagamitan sa pag-aaral na naglalaman ng isang aralin na isusulat o inililimbag sa paraang
madaling mauunawaan at magagawa ng mga mag-aaral kahit wala ang gabay ng guro
sa kanilang tabi na tugon para sa panukalang distance o remote learning,”
pagpapakahulugan ni Ginoong Mark Anthony Llego mula sa kanyang sariling blog site
sa isang pook saputan. Ang nasabing module na gagamitin para sa pagkatuto ng mga
mag-aaral ay pag-asa para sa mga kabataang walang kakayahan sa birtuwal na
kaparaanan ng klase. Subalit, ilang araw lamang bago masimulan ang modular learning
ay maraming mag-aaral na ang umaray sa mga laksa-laksang gawain at hindi angkop na
nilalaman ng mga modules. Ang tugon ni DepEd Asec. Alma Ruby Torio kaugnay rito,
“Pag-aaralan po namin ang lahat ng mga feedback hindi lamang ng ating mga mag-aaral
at pati na ung mga teachers natin, kung kailangan magkaroon ng adjustments, gagawin
po namin ’yon.” Ang tugon na ito ay may dalang pag-asa na sana’y hindi mauwi sa paasa.
Batid naman ng lahat ang layunin ng modular learning sa panahon ngayon, tanging
hiling lang ay pagkonsidera sa mga nararanasan ng mga kabataan dahil sa binubungang
problema ng pandemya. Marami ang nawawalan ng motibasyon at ang dating hangaring
matuto ay napalitan ng hangaring basta’t makapagpasa na lamang. Ito ang malungkot
na balita kaugnay sa pukpukang pagsubo ng mga nag-uumapaw na gawain sa kabataang
hirap ang pagkapa ng motibasyon sa gitna nang napakaraming distraksyon.
Dapat lamang na bigyan ng agarang pansin ng lahat ang lumalalang kaso kaugnay
sa silohikal at mental na aspeto ng mga kabataan ngayong tayo’y nasa pandemya pa rin.
Ayon sa isinagawang survey ng Council Welfare of Children (CWC), pumalo sa 54
porsyento ng mga kabataan ang nagpahayag ng kalungkutan, takot at pangamba sa
kasagsagan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Indikasyon itong hindi
lamang pisikal na aspeto ang apektado kung hindi pati na rin ang silohikal o mental na
aspeto ng mga kabataan. Sa murang taon ng paninirahan sa mundo ay agad na nasakmal
ng pangil ng maituturing na halimaw na problemang kinaharap ng buong mundo. Ang
murang karanasan at kaisipan ay pilit na nakikipagbuno sa mapang-abusong
problemang bitbit ng pandemya. Apektado nang hindi handang plano ng pakikitungo sa
hindi nakikitang banta sa kalusugan na naghahatid ng samu’t saring bagyo ng problema
sa lahat ng tao. Bunga nito’y pagkabugbog ng mental na aspeto ng mga kabataan.
Hirap sa paghahanap ng motibasyon ang mga kabatang mag-aaral dahil sa pang-
aabusong nagaganap sa kanilang tahanan at sa birtuwal na mundo na kanilang
agos 97
#MODULE LEGEND
ginagamit sa online class. Bukod sa pagkabalisa dahil sa pamamalagi sa kanilang mga
tahanan ay labis na takot at pangamba ang nararanasan ng ilang mga kabataang
nakararanas ng pang-aabuso sa kanilang mga tahanan at sa mga birtuwal na plataporma
gaya ng social media. Sa inilabas na datos ng Council Welfare of Children (CWC),
umabot din daw sa 41 porsyento na mga bata ang nagsabing umiiral ang pisikal at
sikolohikal na pamamaraan ng parusa sa kanilang mga tahanan. Ang dapat sanang ligtas
na tahanang proteksyon nila ay ang nagunguna pa upang ang sikolohikal at pisikal na
aspeto nila ay maapektuhan at maabuso na labag sa kanilang karapatan. Ang pang-
aabuso sa mga kabataan o ang paggawa na maaaring magpapahamak o magpahina sa
pisikal o psychological na kalusugan nang mga nasa edad labingwalo pababa ay isang
usaping umusbong gawa ng pagpapaigting ng lockdown at pananatili sa mga tahanan.
Bukod sa problemang pang-akademiko na pokus ng mga kabataan upang matuto
ngayong nasa pandemya ay nahahadlangan ang kanilang motibasyon na matuto at
makagawa ng kahingian sa klase dahil sa mga hindi inaasahang paglabag sa karapatan
nila kaugnay ng malaya at ligtas na pamamalagi sa tahanan. Sa kabilang dako, ngayong
halos matagal ang pagbabad ng mga kabataang mag-aaral sa birtuwal na mundo ay
naging talamak rin ang mga pang-aabuso sa mga kabataan sa mga birtuwal na
plataporma. “When it came to 2020, during the time of the pandemic we really notice
it started to increase in the cases of online gender-based violence. Of course, we can
partly explain this by the fact that a lot of people were just at home, staying at home
at they are using their computers.” paliwanag ni Liza Garcia, executive director ng
Foundation for Media Alternative na isang online forum na inorganisa patungkol sa isyu
ng cybercrime sa Pilipinas. Masasalamin sa pahayag ang paglobo ng mga kaso ng pang-
aabuso sa birtuwal na mundo sa bansa gawa nang halos lahat ay babad sa paggamit ng
teknolohiya lalo na ang mga kabataang naging linya ito ng pagkatuto sa pag-aaral.
Nakalulungkot isipin na sa mundo ng birtuwal na plataporma para sa pag-aaral ng
kabataan ay mas lalong hindi naging ligtas dahil sa banta ng talamak na maling
ipinapakitang ugali at pang-aabuso sa mga kabataan.
Sa kabilang usapin, naglabas ng samu’t-saring reaksyon ang mga magulang at
mag-aaral sa nagiging sistema ng pagkatuto gamit lamang ang modyul. May mga
positibong komento na ang panawagan ay huwag na lamang kuwestyunin ang nakitang
solusyon ng Kagawaran ng Edukasyon. Subalit, ang iba ay hindi nakatiis sa hirap na
agos 98
#MODULE LEGEND
dinadanas habang nakikipagbuno para matuto sa moda ng modyul. Totoo na unang
responsibilidad ng isang magulang ang matuto ang kaniyang anak sa kaniyang gabay.
Ito ang pinatunayan ni Malou Estillore na may anak sa ika-apat at unang baitang mula
sa Magugpo Pilot Central Elementary School. Sa kaniyang kuwento mula sa naratibong
ulat mula sa pook saputan na depedroxi.ph ay napansin niyang hindi madali at
kinakailangan ng mahabang pasensya sa paggabay niya sa kanyang mga anak para
matuto. Madalas talaga na tinatamad ang mga bata na minsan ay kailangan pa munong
bigyan na pasuhol upang sagutan ang kanilang mga modyul. Dagdag pa niya, naging
pahirapan sa kaniya ang paghati ng oras sa pagtuturo at pagtatrabaho. Mahihinuha
mula sa kuwento na tabingi ang inaasam na pagkatuto sa moda ng modyular. Isipin na
hindi lamang si Aling Malou ang nakararanas ng mga senaryong ito. Maayos naman ang
layunin ngunit pagdating sa dulo ay may kakulangan talaga sa pagpasok ng kaalaman sa
mga mag-aaral. Ang nagiging siste ay pilitan at basta’t makapagpasa na lamang.
Tila larawan ang kuwentong ito ng nararanasan ng buong bansa para sa
isinusulong na edukalidad sa gitna ng pandemya. Pahirapan ang pagkatuto kung ikaw
ay walang pribilehiyo na makamit ito. Ang kalagayan ng edukasyon ng bansa ay
nakalulungkot na pagmasadan. Pili lamang ang mga nagpapatuloy dahil sa tawag ng
pangangailangan na makaalpas sa gitna ng kahirapan dulot ng pandemya. Ang hirayang
maayos na hinaharap na mga pag-asa ng bayan ay nahahadlangan ng kakulangan sa
kasalukuyang pagiging epektibo ng edukasyon.
Sa inilabas na balita ng ABS-CBN, sa pag-umpisa ng pasukan ay maraming guro
na senior citizen o may gulang na ang nahirapan sa pagraos ng kanilang pedagohikal na
kaparaanan para sa pagtuturo. Problema nila ang hindi pagiging maalam sa mundo ng
teknolohiya na pinakagamitin sa pagsusulong edukasyon ngayong tayo’y may
pandemya. Kung may ganitong mga problema ay tiyak na iindahin ito ng mga hinaharap
na magsisipagtapos sa online class. Ang kakulangan sa pagkatuto at karanasan dahil sa
pagiging limitado ay magbubunsod ng mababang kompentensya ng mga
magsisipagtapos balang araw na tiyak na problema sa lakas-paggawa ng ating bayan.
Ang usapin ng pagiging module legend o handa at mahusay sa pagsasagot sa
mga module o pagsunod sa mga kahingiang pang-akademiko ay hindi basta simpleng
usapin nang pagiging positibo sa bagong kadawyan ng edukasyon. Marahil ay naging
pinto lamang ito upang ang mga usapin sa likod nang pagtatamasa sa kakayahang at
agos 99
#MODULE LEGEND
kagalingang ito ay maisawalat. Ang mga prosesong pinagdaanan o maaring maranasan
ng mga kabataan sa panahon ng pandemya ay hindi aksidenteng malalaman at maabot
ng kaibatiran dahil sa ito ay tunay na nangyayari sa sistema ng ating edukasyon.
Binigyang diin ng nagkakaisang tugon ng Teacher for the Philippines na ang edukasyon
ay hindi lamang responsibilidad ng isang grupo bagkus ng buong komunidad.
Responsibilidad na suportahan at umagapay para sa mga pag-asa ng bayan. Tiyak ang
magiging tagumpay sa dulo kahit pa na tayo ay nasa gitna ng problema ng buong mundo
kung paiiralin ang bayanihan at pagkakaisa ng lahat. Kung ating susuriin, ito ay
pagbibigay nang positibong pahayag sa nangyayari sa ating bayan. Tunay na hangad
naman ng lahat ang mataas na kalidad na maaaring maibigay ng edukasyon sa mga
susunod na pag-asa ng bayan. Hindi kailangan kwestiyunin ang halaga at yaman ng
edukasyon sa pagtamasa ng kaunlaran ng ating bansa. Nagkataon lang na ang
problemang kinahaharap natin patungkol sa pandemya ay nagbunga ng mga iba’t ibang
problema na tayo ngayon ang dumadaing. Napakaraming distraksyon ang nagsulputan
para sa isang kabataang may matayog na pangarap at kagustuhang kahit papaano ay
matuto sa gitna ng problemang pangkalusugan. Hindi biro ang paghahanap ng
motibasyon para masuklian ang pagsisikap ng mga presenysa sa likod na pagsusulong
ng edukasyon sa bansa. Pagkakaisa hanggang sa huli ang nakikitang susi upang ang
kagustuhang maging module legend at mahusay sa akademiko ay maisakatuparan kahit
bugbog tayo nang napakaraming distraksyon na bitbit ng pandemya sa ating bansa.
Pagdating sa huli ang sagot ay higit na nasa hanay ng mga kaguruan. Ang gampanin
nilang ipihit ang kanilang pedagohikal na serbisyo para sumagot sa tawag ng usaping
panlipunan gaya ng tinalakay na paksa. Higit na kinakailangan sa kasalukuyan ang mga
gurong handa sa pagbabago ng panahon na laging tangan ang puso para sa inaasam na
pagkatuto sa pagtuturo.
agos 100
MGA SANGGUNIAN
Balancio, J. “Mga kaso ng online gender-based violence, tumaas sa panahon ng
pandemiya: grupo.” 02 February 2021, ABS-CBN News, https://news.abs-
cbn.com/news/02/02/21/mga-kaso-ng-online-gender-based-violence-
tumaas-sa-panahon-ng-pandemiya-grupo
“Child abuse it matters you.”
https://www.swd.gov.hk/vs/doc/publicity/Child%20Abuse%20It%20Matters
%20You%20(Tagalog%20version).pdf
Llego. M. “DepEd Self-Learning Modules (SLM) for School Year 2020-2021.” 2020,
https://www.teacherph.com/deped-self-learning-modules/
Omapas, K. “Kwentong Modyul.” 2020, https://depedroxi.ph/kwentong-modyul/
Perez, A. “54% ng mga bata nangangamba, malungkot sa kabila ng pandemya, ayon sa
child welfare office." 28 October 2020, ABS-CBN News , https://news.abs-
cbn.com/news/10/28/20/54-ng-mga-bata-nangangamba-malungkot-sa-
kabila-ng-pandemya-ayon-sa-child-welfare-
office?fbclid=IwAR2ya19zU7N5emRj2QJ_vy47-
95E0MuiNxMyrYKPrcmsOQwAUWLdXm7v3z8
“Tuloy ang pagkatuto: Ang Pilipinong mag-aaral sa gitna ng pandemya.” 01 October
2020, Teacher for the Philippines, https://teachforthephilippines.com/tuloy-
ang-pagkatuto/
Tonite, A. “Kabataan na balisa sa pandemya pinatutukan ng CWC.” 2020,
https://www.cwc.gov.ph/news/191-kabataan-na-balisa-sa-pandemya-
pinatutukan-ng-cwc.html
Zambrano, C. “Ilang gurong senior citizens kailangan ng tulong sa online classes.” 02
October 2020, ABS-CBN News, https://news.abs-
cbn.com/news/10/02/20/ilang-gurong-senior-citizens-kailangan-ng-tulong-
sa-online-classes
agos
101
Ugnay sa Pagkatao
Ni: Heidee Allauigan
Sinong mag-aakalang ang mga halaman ay itinuring ng ilang mga tagapag-alaga
nila bilang kanilang mga kaibigan o anak pa nga. Kung sa bagay, ang mga halaman ay
kabilang sa buhay na bagay o living things sa Ingles, kaya marahil isa ito sa kanilang mga
dahilan. Isa pa, masayang makita na lumalago at gumaganda ang mga bagay na kanilang
inaalagaan. Pero maiisip mo kaya na ang buhay ng isang espisipikong uri ng halaman ay
maitutulad din sa buhay ng mga tao? Subukan ninyong ikumpara ang buhay ng
halamang Black Velvet Alocasia (Alocasia Reginula), o tinatawag ding Little Queen sa
Ingles sa ating buhay. Isa-isahain ang katangian nito, paano ito inaalagan, at alamin kung
paano ito maaring maiiugnay sa ating buhay.
Katangian ng Halaman
Ang halamang Alocasia Black Velvet ay itinuring bilang isang exotic o ‘di
pangkaraniwan dahil sa taglay nitong tikas (elegant). Ang itsura nito ay malapad na
dahon na may mga pilak na ugat na tila kumikinang dahil sa pagiging masyadong
madilim at malambot na background nang malawak na dahon.
Gaya ng ganitong uri ng halaman, hindi rin ito nalalayo sa katangian ng isang tao.
Dahil minsan ang nagpapakinang at nagpapalabas ng tunay na ganda ng kaniyang
pagkatao ay ang mga katangian na hindi matatawaran at mga karanasan mula sa isang
masalimuot na pangyayari na nakapagbibigay ng insipirasyon sa iba. Pinatunayan iyan
ng ating dating Miss Universe 2018 na si Bb. Catriona Gray mula sa kanyang sagot na
sinasabi, “I have always taught myself to look for the beauty in it; to look in the beauty
agos
102
#ALOCASIA BLACK VELVET
in the faces of the children and to be grateful. And I will bring this aspect as a Miss
Universe, to see situations with a silver lining.” Lahat tayo ay may silver lining gaya ng
Alocasia Black Velvet na may kakayahang magbibigay ng pag-asa sa lahat ng tao na
ating maiimpluwensiyahan. Lalo't higit nating hanapin ang mga magagandang bagay
sa buhay kapag humaharap sa mga mahihirap na sitwasyon. Totoo na mahirap ang
buhay, pero subukang mong magsimula sa maliliit na bagay gaya ng pagbangon mo
kaninang umaga at pagkakataon na mabasa mo ito ngayon. Baka nababasa mo ito
habang may hawak kang pagkain? Magandang bagay iyan! O baka naman, nababasa mo
ito ngayon na may pandemya na kinahaharap ang ating bansa. Ligtas ka ba at ang iyong
pamilya? Muli, silver lining ang tawag diyan. Alam natin na maraming pagpapala na
natatanggap, subalit, hindi dapat na idikta sa lahat kung ano ang dapat nilang madama.
Kaya kung wala sa mga nabanggit ang silver lining sa buhay mo sa ngayon, tiyak kong
makahahanap ka rin.
Kahanga-hanga ang katangian ng isang Alocasia Black Velvet dahil may sukat ito
na 30 hanggang 50 sentimentro samantalang may lapad na 18 hanggang 25
sentimentro. Maliit lamang ito kung ikukumpara sa ibang halaman ngunit kapansin
pansin ang ganda nito.
Ipinapakita ng halamang ito na gaano man siya kaganda, nananatili itong maliit
para sa ibang halaman. Itinuturo lamang nito sa atin na gaano man karami ang
kayamanan mo, gaano ka man kasikat at katalino, lagi nawang magpakumbaba dahil
lagi’t laging mapapansin pa rin ang ating kagandahang-asal kung mananatili tayong may
mababang-loob.
Pangangalaga sa Halaman
Temperatura at Halumigmig
Gaya ng ibang halaman ang Alocasia Black Velvet ay nangangailangan ng isang
espesyal na pangangalaga at kung minsan ay maaaring maging partikular sa paraan na
ito. Ang tropikal na halaman na ito ay nabubuhay ng saklaw ng temperatura na papalapit
sa 70 degree Fahrenheit, hanggang 80 degree Farenheit sa tag-init. Kailangang
subaybayan ang kahalumigmigan (humidity)- anumang mas mababa sa 50% ay maaaring
magdulot ng pagkamatay ng halaman. Ang mga perpektong antas ng halumigmig sa
paligid ay dapat na nasa 65%.
agos
103
#ALOCASIA BLACK VELVET
Sa buhay ng tao, hanggat maaari o sa abot ng makakaya, nais pa maging balanse
sa lahat upang mapanatili ang magandang kalusugan. Pero subukan niyo tignan ito sa
lente ng emosyonal at kalusugang pangkaisipan. Anumang kalabisan at kakulangan ay
nakasasama sa tao. Ituring nawa ang isang halaman bilang mga kalusugan (sa emosyal
at pangkaisipan), huwag hayaan ang mga panlabas na aspeto, o ang mga taong
nakapaligid ang sisira nito. Para silang mga halumigmig at temperatura, dahil sabi nga
nila walang magkapag-iisa sa mundo kaya naka depende pa rin ang tao sa iba. Pero
tandaan gaya ng isang Alocasia Black Velvet, ang mga bagay na ito na siyang nagbibigay
ng buhay na maaaring ding mga bagay na makapatay sa tao. Subukan maghanap ng
ligtas at maayos na kapaligiran upang, mas mapaganda at mapalago ang pagkatao.
Bukod doon kung ayaw ninyong maging toxic ang mga tao sa ating paligid, subukan
ding tayain (assess) ang pagkatao, baka naman ikaw pala ang nakakasira sa kanila,
hanggat kaya iwasan ninyo ang ganitong mga bagay.
Sikat ng araw
Ang isa pa sa kailangan ng halamang ito ay maliwanag ngunit hindi direktang
sikat ng araw anupat sinasabing labis na mapanganib para sa halaman ang matinding
sikat ng araw dahil maari masunog ang dahon nito.
Maihahalintulad ito sa kayaman o salapi. Kailangan ng tao ng salapi para patuloy
na mabuhay, pero ang pag-ibig sa salapi ay mapanganib. Kapag balanse ang pananaw
ng isang tao sa pera—na itinuturing itong kasangkapan lang para maabót ang kaniyang
tunguhin—magiging kontento na siya.
Pagdidilig
Kung patungkol naman sa pagdidilig sa halaman na ito, kaunting tubig lamang
ang kailagan ngunit dapat isagawa ito ng regular. Mahalaga ang bagay na ito upang
mapanatili ang lupa na patuloy na mamamasa-masa ngunit hindi nababad sa tubig ang
mismong halaman. Upang matiyak ito, kailangan na siguraduhing tignan ang lupa ng
halaman upang matiyak na hindi nagiging sisik sa tubig ito.
Saang aspekto naman kaya ng buhay ng tao sumasalamin ang patubig o
pagdidilig nito? Sa karunungan o antas ng katalinuhan ng isa. Kapag nag-aaral ang isa,
hindi naman biglaan o isang bagsakan ang pagbibigay ng impormasyon sa kanya kundi,
agos 104
#ALOCASIA BLACK VELVET
dahan-dahan, sa maingat na paraan at regular. Kaya naman malaki ang pasasalamat
sa mga guro na nagsisilbing tagapagdilig, anupa't sila ay naglalan ng karunungan at
kaalaman sa bawat isang halaman na nangangailangan ng karunungan.
Hindi naman masama ang sobrang katalinuhan, gusto nga ng karamihan ng
ganitong katangian. Nakita sa ilang pag-aaral na hindi naman indikasyon ng
pagkakaroon ng mataas na antas ng karunugan ay kapalit nito ang mababang
emosyonal na kabuluhan. Pero baka maitanong ninyo bakit hindi nila sagarin ang
pagiging matalino? Talaga bang may alituntunin tungkol dito? Wala naman at hindi
naman nililimitahan, pero kung ano lamang ang kayang maarok ng pag-iisip hayaan
ninyo na mag-desisyon ang isa hinggil sa mga bagay na gusto niyang matutunan. Ang
aral nito sa lahat, hangga’t hindi makakasira sa ating pagkatao at sa iba ang mga bagay
na ating ginagawa o natutunan magpatuloy tayo anupat laging paalala ng mga
komersyal ng alak “drink responsibly” o uminom ng naaayon.
Implikasyon
Sa kabuan, lahat tayo ay mga magagadang halaman. Ang ilan halaman
nabubuhay sa tulong ng kalikasan. Karamihan sa atin kailangan ng tagapag-alaga para
patuloy na mabuhay. Gaya ng Alocasia Black Velvet, hangad natin na tayo ay maalaga,
mapansin at mapahalagahan ang ating pag-iral. Kaya sa susunod na maghahanap ka ng
halamang aalagaan, subukan mong alagaan ang tulad mo, ang Alocasia Black Velvet
dahil ikaw ay isang Little Queen sa sarili mong buhay at palasyo.
agos 105
MGA SANGGUNIAN
“Alocasia Black Velvet: The Dwarf Black Queen.” Gardening Brain,
gardeningbrain.com/alocasia-black-velvet. Accessed 21 May 2021.
“Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Pera? Binago Ka Ba ng Pera?” JW.ORG, JW.ORG,
www.jw.org/tl/library/magasin/g201509/payo-bibliya-tungkol-sa-pera.
Courtney, Andrew. “Alocasia Black Velvet Care (Alocasia Reginula).” Smart Garden Guide,
smartgardenguide.com/alocasia-black-velvet-care. Accessed 21 May 2021.
Desk, India Today Web. “The Answer That Won Miss Philippines Catriona Gray the Miss
Universe 2018 Crown.” India Today, 17 Dec. 2018,
www.indiatoday.in/lifestyle/celebrity/story/the-answer-that-won-miss-philippines-
catriona-gray-the-miss-universe-2018-crown-1411010-2018-12-17.
Iseli, Marcel. “Alocasia ‘Black Velvet’ Care Guide — All You Need to Know!” Plantophiles, 27
Mar. 2021, plantophiles.com/plant-care/alocasia-black-velvet.
Lochner, Katharina. “The Relationship between Intelligence and Social Skills.” Aon Insights:
Human Capital Solutions, 2013, insights.humancapital.aon.com/talent-assessment-
blog/is-eq-really-inversely-proportional-to-iq. In other wordsIQ (intelligence, seems-
question-this-notion-Thus-high-level-of-high-level-of-social-skills.)
Plant Circle. “Alocasia Reginula, the Queen Alocasia Aka Black Velvet.” Plant Circle, 21 May
2021, plantcircle.co/product/alocasia-reginula-black-velvet.
agos 106
Nauusong Genre sa Pilipinas sa
Kasalukuyang Panahon, Tulay sa Ganap na
Pagtanggap
Ni: Bryan Balanzat
Maraming mga bagay ang nauso ngayong panahon ng pandemya at kasagsagan
ng lockdown, iba’t ibang mga pagkain, inumin, negosyo at hanapbuhay, libangan, mga
laro, at siyempre hindi mawawala sa mga Pilipino ang mga pelikula at palabas. Likas na
sa mga Pinoy ang pagkahilig sa panonood at pagtangkilik sa iba’t ibang klase ng palabas
mula sa telebisyon hanggang sa mga aplikasyon na kagaya ng “Netflix”, at isa nga sa
mga bagong umusbong at nausong genre sa Pilipinas ay ang mga BL Series
Ang BL Series o Boy’s Love Series ay isang uri ng pelikula o serye na
nagtatampok sa pag-iibigan ng dalawang binatang lalaki. Marahil bago ang terminong
ito sa marami dahil kamakailan lamang ito naging matunog sa iba’t ibang social media
at streaming sites sa bansa. Pero nagsimula pa ito noon pang dekada 70 sa bansang
Japan na mas kilala sa tawag na “Yaoi”, bilang isang genre sa mga komiks at Manga na
nilikha ng mga babae para sa kapwa nila mga babae. At sa paglipas ng ilang dekada ay
patuloy pang dumami ang mga nahilig sa ganitong genre ng mga komiks at Manga at
nagawa na nga nitong makatawid sa Thailand noong 90’s, nagsimula ng kumalat sa mga
lansangan ng Thailand ang maraming mga komiks na nagtatampok ng ganitong klase ng
mga kuwento at genre. Hanggang sa umabot na ito sa mga malalaking media company
sa Thailand at nagpasimula sa paglikha ng mga palabas na nagtatampok ng Boy’s Love.
Ngayon sa kasalukuyang panahon ng pandemya sa Pilipinas ay nangingibabaw
sa maraming social media sites at streaming app ang mga BL Series na nagpapakilig sa
agos 107
#BLSeries
mga kababaihan at mga miyembro ng komunidad ng LGBTQ+. Maraming mga Pinoy
ang nahuhumaling dito dahil para sa kanila ito ay nakakakilig, romantiko, at sa ganitong
klase ng mga palabas ay nagkakaroon ng kalayaan ang isang tao para ipahayag kung
ano ang kanyang nararamdaman at totoong pagkatao. Dahil sa BL Series ay nagagawa
ng makita ng lipunan at nagiging representasyon ito ng mga taong kabilang sa
komunidad ng LGBTQ+. Magmula nga nang makarating sa bansa ang mga BL series na
mula sa mga karatig-bansa sa Asya na Thailand, Taiwan, at Japan na kagaya ng “2gether
the Series, Tharntype, SOTUS” at marami pang iba ay nagsimula na ring lumikha at
gumawa ang mga Pilipinong ipponl at manunulat ng sarili nilang mga palabas at
pelikulang BL, sunod-sunod na ang paglabas ng mga BL series na gawang pinoy at
naging daan nga upang umusbong ang “Pinoy BL”, sa taong 2020 lamang ay halos nasa
70 Pinoy BL series na ang naipalabas sa internet, isa na nga riyan ang tinaguriang kauna-
unahang Pinoy BL series sa bansa ang “GameBoys” na likha ng Idea First Company at
umikot sa kwento ng dalawang binatang gamers na nagkakilala sa isang laro sa online
sa gitna ng pandemya kung saan lockdown at hindi sila pwedeng magkita sa personal.
Kaya naman kapansin-pansin ang pagkahumaling ng maraming mga pinoy sa ganitong
genre ng palabas dahil mula ng maging matunog ito ay agad-agad na lumikha ng sariling
bersyon ng BL ang mga pinoy.
Subalit mayroon pa ring mga problemang kinakaharap ang mga BL series o Yaoi,
dahil ayon kay Fujimoto Yukari na isang propesor ng Manga Cultural Theory, Gender
and Representation sa Japan ay mayroon pa ring agwat sa realidad ang mga BL, ang
ilan sa komiks na nalikha na may ganitong genre ay nagdudulot ng stereotypes, at
nagtatakda ng isang pamantayan sa relasyon o pag-iibigan ng dalawang lalaki at tila
nalalayo na sa totoong kalagayan at karanasan ng mga bakla sa lipunan, pero ayon din
kay Fujimoto ay ang mga nalilikhang makatotohanang palabas at teleserye na BL na
naipapalabas sa telebisyon at internet ang siyang nagpupuno sa puwang ng piksyon na
BL at sa realidad ng buhay ng mga miyembro ng LGBTQ+ ipponlar na ang mga bakla.
Sa konteksto ng Pilipinas, ayon sa mga obserbasyon ng isang propesor sa US na si
Propesor Lee Badgett sa kanyang pananatili ng ilang ippo at paglilibot sa Pilipinas ay
nalaman niyang hindi pa lubusang tanggap sa lipunang ipponl ang mga miyembro ng
LGBTQ+, dahil marami pa ring mga miyembro nito ang nakakaranas ng mga
agos 108
#BLSeries
diskriminasyon at pambu-bully at ayon din kay Badgett, sa Pilipinas ay ‘socially
accepted’ ang mga LGBTQ’s pero hindi ‘morally accepted’. At dagdag pa rito ay
matatandaang wala pa ring batas sa Pilipinas na pumapayag na ikasal ang dalawang
taong may kaparehas na kasarian o same-sex marriage dahil sa usapin ng relihiyon, kung
kaya’t maituturing na hindi pa rin ganoon kaganap at buo ang pagtanggap ng lipunang
Pilipino sa komunidad ng LGBTQ+. Kaya’t nakatutuwang isipin na sa kabila ng pagiging
hindi ganap sa pagtanggap sa LGBTQ’s sa Pilipinas ay naging uso pa rin ang iba’t ibang
BL series kagaya ng mga Pinoy BL na nagpapakita sa pagmamahalan ng dalawang lalaki.
Marahil isang magandang pagkakataon ang pagpasok ng ganitong genre ng
palabas sa Pilipinas, dahil dito ay maaaring magkaroon ng kamalayan ang maraming mga
Pilipino sa kalagayan ng mga LGBTQ+ ipponlar na ang mga bakla na patuloy pa ring
nakakaranas sa kasalukuyan ng diskriminasyon mula sa ibang tao, sa tulong ng mga BL
series ay maaari ng wakasan ang mga maling nakasanayan ng mga Pilipino pagdating sa
usapin sa mga bakla, mga pangmamaliit, pagiging tampulan ng pang-aasar, paggamit sa
kanila bilang katatawanan at ang mababang pagtanaw sa kanila bilang parte ng lipunan
at higit sa lahat upang tapusin na ang paggamit sa salitang “Bakla” bilang isang panlait
sa tao. Maaaring magamit ang BL series bilang isang lunsarang pang-edukasyon ng mga
guro sa paaralan upang wakasan na ang diskriminasyon sa mga bakla, sa paggamit ng
mga likhang mga BL na hindi lamang tumatalakay sa pag-iibigan at nagpapakilig sa mga
tao kung hindi isang BL na tumatalakay rin sa kasalukuyang sitwasyon at mga suliraning
pinagdadaan ng maraming mga bakla sa bansa, mula rito ay maaaring maging sandigan
ng isang guro ang mga BL upang pagmulan ng isang makabuluhang talakayan patungkol
sa mga isyu at kalagayan ng mga kabilang sa LGBTQ+ at gamitin ang genre tulad ng BL
bilang isang tulay para sa ganap na pagtanggap ng lipunan sa kanila.
agos 109
MGA SANGGUNIAN
Em Mampusti. “What’s The Trending BL Series All About?” Celebrating all kinds of love, 23
June 2020, https://www.clozette.co/article/what-are-bl-series-cj-7061.
Lisa Marie Cooper. “What’s the Deal with BL?” https://www.rightstufanime.com/post/whats-
the-deal-with-bl.
Mariel Abanes. “Curious About Thai BL? Here’s Why You Should Tune In!” 30 April 2020,
https://metro.style/culture/film-tv/5-thai-bl-shows-to-check-out-now/24777.
ippon.com. “The Evolution of “Boys’ Love” Culture: Can BL Spark Social Change?” The
Evolution of “Boys’ Love” Culture: Can BL Spark Social Change?, 24 September 2020,
https://www.nippon.com/en/in-depth/d00607/.
PinoyBL Series. “Pinoy BL Series Since 2020.” 29 June 2020,
https://mydramalist.com/list/1xrP8Gd3.
Radyo Inquirer. “LGBT people, hindi pa “totally accepted” sa Pilipinas-US professor Read more:
https://radyo.inquirer.net/6477/lgbt-people-hindi-pa-totally-accepted-sa-pilipinas-
us-professor.” 21 August 2015, https://radyo.inquirer.net/6477/lgbt-people-hindi-pa-
totally-accepted-sa-pilipinas-us-professor
agos 110
Awiting patok, marupok at
may hugot!
Ni: Crystal Liz Collera
Mula noon hanggang ngayon, malaking bahagi na ng pamilyang Pilipino ang
musika. Ang pakikinig sa musika ay nakapagbibigay-aliw at ngiti sa mga tagapakinig at
nagsisilbing kasangga ng isang tao sa mga oras na kinakailangan niya ng mga salitang
hindi mabigkas ng mga labi. Ito ang nagiging instrumento ng tao upang ipahayag at
ipadama ang kaniyang saloobin at damdamin. Ang bawat nota at ritmo ay tumutugon
sa pananabik, pangangamba, pangungulila, kasiyahan at kalungkutan. Saan o kailanman,
bitbit ng bawat isa ang musika. Ginagamit sa iba’t ibang okasyon ang mga kanta gaya
ng binyag, kasal, kaarawan man o kamatayan, lahat ay idinaraan sa saliw ng musika.
Isang larawan ng hindi magmamaliw na biyayang hatid ng musika sa buhay ng bawat
isa ang obrang dala ng bawat kanta at bawat tunog na dulot nito. Saan man dalhin ng
mabilis at nagbabagong panahon, nananatili ang musika na kasama ng mga Pilipino sa
pagbibigay-aliw o libangan at sa pagpapabatid ng kanilang nararamdaman. Ito ay tulay
upang maging matatag at magpatuloy ang indibidwal sa anumang dagok na dala ng
buhay. Sa maraming pagkakataon, pinatunayan ng musika na ito ang mabisang sandalan
ng tao tungo sa pagpapakita at pagpapadama ng emosyon. Kaakibat ng pagbabago sa
lipunan ay ang pagbago rin ng mga nakasanayan at kagustuhan ng mga tao. Sa usaping
musika, malaki ang pinagbago ng nakahiligang pakinggan ng mga Pilipino. Ang mga
dating malumanay at mapangheleng kanta ay napalitan na ng mga masisigla at may iba’t
ibang kombinasyon ng tunog na mula sa impluwensiya ng banyaga. Hindi maikakaila na
malaki ang naging epekto ng globalisasyon sa bansa kung kaya maging ang kultura at
musikang Pilipino ay kakikitaan na ngayon ng mga wika at konseptong banyaga. Maging
agos 111
#ZEBBIANA
ang mga paksa ng kantang umuusbong ay patungkol sa pag-ibig o pagkasawi sa pag-
ibig kaya naman, sinasabing mas pumapatok ang mga ito sa masa partikular na sa mga
kabataan.
Sa kasalukuyan, nahihilig ang mga Pilipino sa pakikinig ng mga “love song” na
karaniwang patungkol sa pag-ibig at pagmamahal ang tema. Higit na nagustuhan ng
masa ang mga ganitong uri ng kanta dahil sa taglay nitong “hugot” mula sa mga linya ng
kanta. Ang mga kantang tinaguriang “hugot song” o “hugot love song” ay patok na patok
sa mga kabataan ngayon, sapagkat ito ay nakapagpaparamdam ng kakaibang kilig, saya
o lungkot sa isang tao gamit ang pinaghalong liriko at ritmo ng kanta. Karamihan sa mga
Pilipino ay nahuhumaling sa mga kantang tungkol sa pag-ibig o love songs dahil sa
paniniwalang ito ay may “hugot” o malalim ang pinanggagalingan tila nawawala na ang
mga kantang pumapaksa sa damdaming makabayan. Isang indikasyon ng kawalan ng
kamalayang Pilipino ang ganitong mukha sa lipunan. Nahahayok ang mga kabataan sa
mga kantang pag-ibig ang paksa ngunit papaano naman ang mga mapangmulat na
musika? Ang mga kantang alay sa bayan, mga awiting nagpapakita ng pagmamahal sa
bayan at pagtuligsa sa mga isyu sa lipunan.
Isa sa mga naging popular na OPM song ang kantang “Zebbiana” ng rapper at
mang-aawit na si Daryl Jake Borja Ruiz o mas kilala bilang Skusta Clee. Siya ay kilala
ring aktor, record producer at songwriter na mula sa grupong ex-Battalion at dating
lider ng O.C Dawgs. Isa sa mga kinikilalang tanyag pagdating sa paggawa ng mga
kantang hiphop si Skusta Clee kung saan ang kaniyang mga kanta na pinasikat gaya ng
“Pauwi Nako”, “Zebbiana” at “Dance with you” ay umani ng bilyong stream sa Spotify
at Youtube. Kamakailan lamang, ay nag-ingay sa social media ang kanta niyang
“Zebbiana” na inilabas sa publiko noong Hulyo taong 2019. Ito ay higit na naging
popular dahil sa sumiklab na isyu nila ng kaniyang kasintahan na youtuber na si Zeinab
Harake noong Oktubre matapos kumalat ang isyu ng panloloko at pangangaliwa umano
ni Skusta Clee sa kanilang relasyon. Ayon kay Skusta Clee, ang kantang “Zebbiana”, ay
tungkol at para kay Zeinab na umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa netizens at fans
ng dalawang magkasintahan. Dahil sa tila marupok at mapanuyong kanta ng pananabik,
agos 112
#ZEBBIANA
ito ay tinuturing na isang kanta na inialay ni Skusta Clee sa kaniyang kasintahan upang
humingi ng tawad at ipahayag ang marubdob na pagmamahal kay Zeinab.
Marami ang naantig sa kantang ito dahil na rin ang mga Pilipino ay likas na
mahilig sa mga kantang patungkol sa pag-ibig. May iilan namang binatikos ang kanta,
sapagkat ang sumulat nito ay ilang beses nang nanloko sa kaniyang karelasyon. Iba’t-
iba ang paraan ng pagtanaw ng tao sa kantang ito ngunit, ito ay patunay lamang na ang
mga Pinoy ay nahuhumaling sa mga OPM love song dahil sa mga linya ng kanta na
nakapagdadala sa kanilang emosyon bilang mga umiibig at nananabik sa pagmamahal
ng kanilang sinisinta. Ang musika ay tunay na nakapagbibigay-aliw at nakaantig ng puso
at damdamin ng tao sa mga oras na kinakailangan ng masasandalan, at paraan upang
ihayag ang nararamdaman. Sa kantang Zebbiana, pinatunayan na makapangyarihan ang
pagpapahayag ng nararamdaman sa minamahal gamit ang kanta sapagkat, nitong taong
2020 lamang ay napabalitang nagkabalikan ang manunulat ng kanta na si Skusta Clee
at ang pinatutungkulan sa kanta na si Zeinab. Matapos ang muling pagbabalik sa
relasyon ay biniyayaan sila ng isang supling na isinilang noong Disyembre ng nasabing
taon.
Sa pagbabago ng henerasyon, sumasabay rin ang pagbabago sa panlasa ng pinoy
pagdating sa musika. Ang mga kantang may hugot at mga itinuturing na love song gaya
ng “Zebbiana” ay patunay na ang awiting pinoy ay patok pa rin sa madla. Higit na
nagpapakulay sa mga kantang nauuso ngayon ay ang dahilan ng paggawa at maging
ang pinatutungkulan o pinapaksa ng kanta. Ang “Zebbiana” ay isa sa mga kantang
nakabihag sa puso ng masa dahil sa direktang paraan ng pagpapahayag ng pag-ibig ng
isang tao at pagnanais na manumbalik ang nakaraang pag-ibig. Ang kantang ito ay
larawan ng pagiging marupok ng isang tao pagdating sa pag-ibig. Kahit na natapos na
ang pagmamahalan, nananatili pa rin ang alab ng damdamin at pangungulila o pananabik
sa sinisinta ng isang tunay na umiibig. Marahil isa rin sa mga dahilan kung bakit nauso
ang kantang ito, ay marami ang dumaraan sa ganitong klase ng pagmamahal, ang
matindi at martyr na uri ng pag-ibig. Patok ito dahil marami, hindi lamang sa kabataan
ay naranasan at/o nararanasan ang tema at mensahe ng kanta.
Kung susuriin ang pag-iral at pagiging popular ng mga ganitong uri ng kanta, makikita
ang malaking pagkakaiba at pagbabago ng musikang Pilipino. Unti-unting kinain ng
agos 113
#ZEBBIANA
globalisasyon ang mga gawang sining ng Pilipino kung kaya, mula sa tradisyunal na
pamamaraan, estilo at paksa ay nahaluan na ito ng banyagang impluwensiya sa ritmo at
tunog. Ang dating may malalim na paksa at mabibigat na pagpapakahulugan sa mga
kanta, ay napalitan ng direkta at impormal na salita.
Ang mga awiting may sigla, may mga linyang direkta at naiintindihan ng madla
ay patuloy na pumapatok sa masa. Isang indikasyon na ang mga Pilipino ay nahihilig sa
ganitong uri ng kanta kung saan hindi na kailangan ng mabubulaklak na linya o liriko,
ang mahalaga ay ang mensahe ng kanta na nakabibihag ng damdamin ng tagapakinig.
Naging bahagi na ng Kulturang Pilipino ang pagkakaroon ng hilig sa mga ganitong klase
ng kanta, isang katotohanan na ang hilig at panlasa ng Pinoy ay nagbabago sa paglipas
ng panahon. Maraming bagong usbong na mga kanta ang patuloy na nag-iingay sa
mundo ng musika hindi lamang ang mga pangsayaw na kanta kung hindi maging ang
mga kantang emosyonal at may hugot ika nga nila.
Maituturing na hindi lamang wika ang buhay at nagbabago, maging ang
nakagawian at nakasanayan ng tao, ang kultura at paraan ng pagtanaw sa buhay ay
nagbabago rin. Ang mga tema ng kanta na nagiging popular ngayon at maging ang atake
sa pagbuo ng kanta ay kakikitaan din ng pagbabago. Napag-uugnay pa rin ng musika
ang kamalayan at kulturang Pilipino sa tulong ng mga kantang pumapaksa sa iba’t ibang
aspeto ng buhay. Ang pagiging patok sa masa ng mga kantang kinagigiliwan ng madla
ay may bentaheng dulot lalo na sa pagtangkilik ng OPM. Pinananatili nitong buhay ang
sining at kulturang Pilipino. Ang pag-usbong ng mga musika at kanta sa henerasyong
ito ay isang maituturing na kalakasan at salamin ng pagiging masining at malalim na
ugnayan ng musika at kulturang Pilipino.
Ito ay repleksyon ng buhay, gawain, pinagmulan, kultura at pagkakakilanlang
Pilipino. Marami mang bugso ng pagbabago ang ihain ng panahon, marapat na manatili
ang pagkakakilanlan ng sariling lahi. Magsilbi nawa itong daluyan ng pagpapayaman ng
kultura at sining at huwag maging katapusan ng pagpapanatili ng kinagisnan. Maaaring
yakapin ang pagbabago ngunit huwag maging alipin sa sariling bansa. Patuloy na
pagyamanin ang sariling atin at gawing instrumento ang musika sa pagpapalaganap ng
agos 114
#ZEBBIANA
adbokasiyang makabayan at makabansa. Nararapat na gamiting lunsaran ang musika
upang maging mulat at magmulat, magpalaya at maging malaya. Magkaroon ng espasyo
ang paglinang sa wika at paglunsad ng mga makabayang kanta, na makatutulong upang
magising ang kamalayang Pilipino. Sa ganitong paraan, higit na magiging mabunga ang
pag-iral ng mga kulturang popular. Lagi at laging kasama ng Pilipino ang musika, isang
magandang larawan ng pag-iral at pagkakaroon ng mayamang kultura.
Kakabit ng musika ang buhay ng bawat Pilipino. Ito ay napatunayan mula sa pag-
unlad ng musika at mga kantang simbolo ng kasiningan ng pusong Pilipino. Ang pagiging
patok ng mga kantang isinulat at umiral ay tanda ng pagiging malakas at mayabong ng
Kulturang Pilipino.
agos 115
MGA SANGGUNIAN
GMA News Online. "'I JUANDER:' Bakit Nga Ba Patok Ang Rap Music Kay Juan?" GMA
News Online. GMA News Online, 01 Jan. 1970. Web.
"Skusta Clee." Ppop Wiki. Web. 20 May 2020.
"MUSIC." OPM Personal Blog. Group 1 12 Aventurine, 2019. Web.
"Filipino.docx - Bakit Mas Tinatangkilik Ng Mga Pilipino Lalo Na Ng Mga Kabataan Sa
Kasalukuyang Panahon Ang Musikang Mula Sa Ibang Bansa at Paano Ba: Course
Hero."
Filipino.docx - Bakit Mas Tinatangkilik Ng Mga Pilipino Lalo Na Ng Mga Kabataan Sa
Kasalukuyang Panahon Ang Musikang Mula Sa Ibang Bansa at Paano Ba | Course Hero.
04 Aug. 2017. Web. 21 May 2021.
Rappler.com. "'Zebianna' Lyric Video Is Top Music Video for YouTube PH in 2019."
Rappler. Rappler, 14 Dec. 2019.
agos 116
ANG PAGSUSURI SA UGNAYANG PELIKULA-
PAMILYANG PILIPINO-LIPUNAN
Ni: Hans Gabriel P. Cruz
Sa isang nukleyar na pamilya, ang bawat kasapi nito ay may responsibilidad na
kailangang gawin at isakatuparan. Isa sa gampanin na kailangan panindigan ay ang
pagiging isang mabuting magulang sa kaniyang mga anak. Marahil ang pagiging haligi at
ilaw ng tahanan ay isa sa mga mahirap na yugtong haharapin sa buhay ng sinuman.
Pasan-pasan ang obligasyon at responsibilidad 'di lamang para sa sarili, pati na rin ang
klase ng pamumuhay na ibibigay sa kaniyang mga anak.
Kamakailan lamang ay inilibas ang bagong pelikula sa Netflix, at ito ay
pinamagatang “Yes Day”. Ang palabas na ito ay hango sa isang libro ni Amy Krouse
Rosenthal and Tom Lichtenheld, na inilimbag noong taong 2009. Ito ay tungkol sa isang
kasunduan na kung saan sa loob ng isang araw, lahat ng hihilingin ng mga anak sa
kanilang mga magulang ay kailangang masunod. Gaano man ito kadelikado o kasama,
kinakailangan pa rin na ito maisakatuparan.
Sa unang bahagi ng palabas ay inilantad na ang mga karakter. Ang pamilyang
Torres ay binubuo nila Carlos at Alisson bilang mga magulang, at ang kanilang mga anak
na sina Katie, Nando, at ang bunso na si Ellie. Ang panganay na si Katie ay isang malaya
at bukas ang pag-iisip na dalaga. Si Nando naman ay isang batang matalino at
mapangahas. Si Ellie naman ay isang bata na malikot at may malikhaing pag-iisip. Mga
tipikal na pag-uugaling taglay ng mga kabilang sa “Generation Z” at “Generation Alpha”.
Ipinakita ang paraan ng pamumuhay at pag-uugali ng mag-asawa na sina Alisson
at Carlos Torres bago sila magkaanak. Kapansin-pansin na ang dalawa ay laging sunod
sa agos at laging pumapayag sa nais nilang gawin. Nang magbunga ang kanilang
pagmamahalan, nag-iba ang pag-uugali ng mag-asawa. Ang laging pumapayag ngayon
agos 117
#YESDAYS
ay humihindi na. Dito ipinakikita ang pag-iiba ng ugali ng mag-asawa dahil sa pagpasok
nila sa bagong yugto ng kanilang buhay. Madalas na makita ang ganitong pangyayari sa
buhay ng mga tao kapag sila ay nagkakaasawa at nagkakaanak. Nagbabago ang ilang
aspekto gaya ng pag-iisip, pagtingin sa mundo, at lalo na sa paraan ng
pagdedesisyon. Ang lahat ng desisyon na isinasagawa ay nakabatay sa kung ano sa
tingin nila ang nakabubuti at hindi para sa kanilang mga anak. Isa sa mga nakaaapekto
sa pagdedesisyon ay ang responsibilidad at obligasyon nila bilang mga magulang.
Lumitaw rin sa unang bahagi ng palabas, na ang ina ang laging humihindi sa
bawat hiling at nais na gawin ng mga anak. Dito tumatak sa isip ng mga bata na ang
kanilang ina ay “kill joy” at diktador. Nagmimistulang kontrabida sa mata ng mga bata
ang kanilang ina at kabaligtaran naman nito pagdating sa ama.
Noong nakaraang taon lamang ay kalat na kalat sa social media sites lalo na sa
“Facebook” ang mga “memes” tungkol sa pagiging istrikto ng mga ilaw ng
tahanan. Umani ng libo-libong “Haha reactions” ang mga memes na may kaugnayan sa
pagiging masungit at mahigpit nila. Dahil sa naging “viral” ang mga memes na ito,
nakatitiyak na ang karamihan sa mga nag-haha reactions ay natutuwa at ang iba naman
ay tiyak na nakaranas ng pagsusungit ng kanilang mga ina. Sa bahaging iyon ng palabas,
ipinakita ang paraan ng pagiging ina ni Alisson sa kaniyang mga anak na kung saan ay
ganito rin ang paraan ng pagpapalaki ng maraming ina sa kani-kanilang mga supling.
Representasyon na kung saan, malaki ang bahaging ginagampanan ng ina sa
pagdidisiplina ng anak. Ang ilaw ng tahanan ang taga-disiplina at ang ama ang siyang
medyo maluwag sa anak.
Ito ay umayon sa isang artikulo na inilabas ng isang kilalang magazine sa bansang
UK. Mayroong labinlimang aspekto ng pagiging magulang ang naging batayan upang
malaman kung sino ang madalas maghigpit sa anak. Lumabas sa pag-aaral na sa
labinlimang aspekto, labindalawa rito ay mas namayani ang paghihigpit ng mga ina
kaysa sa ama. Malayong-malayo ito sa kulturang taglay ng pamilyang Pilipino. Sa isang
bansang pyudal-patriyarkal tulad ng Pilipinas, hindi maikakaila na sila ang mas mahigpit
sa bawat hihilingin ng anak kaysa sa ina. Minsan pa ay nakadepende ang ina sa paraan
na gugustuhin ng asawang lalaki sa pagdidisiplina sa mga anak. Sa bawat desisyon na
isinasagawa ng pamilya, desisyon ng padre de familia ang tinitingnang pinakamahalaga
at dapat na nasusunod.
agos 118
#YESDAYS
May bahagi sa palabas na kung saan ipinatawag sina Carlos at Alisson sa
paaralan ng kanilang mga anak, Lumitaw sa mga gawa at takdang-aralin nina Nando at
Ellie kung gaano kalayo ang loob nila sa kanilang ina at binansagang pa itong diktador.
Ito ang naging dahilan upang magkasundo ang mag-asawa na isagawa ang Yes Day,
upang mapanumbalik ang loob at respeto ng mga anak sa kanilang ina.
Sa konsepto ng Yes Day, ang dating laging nagdedesisyon ay siyang magiging
sunod-sunuran. Ang magulang na kung saan siya ang nagpapasunod sa anak ay siya
naman ngayong susunod sa anak. Walang ibang sasabihin ang magulang kundi “oo” sa
kanilang anak sa tuwing ito ay hihingi na kahilingan. Ang ganitong konsepto ng
kasunduan sa pagitan ng magulang at anak ay pagbalikwas sa nakaugalian at
karaniwang estilo ng pagdidisiplina. Nakaugalian na marahil ng bawat magulang na sa
kanila manggagaling ang mga dapat at hindi dapat gawin ng kanilang mga anak, sa loob
man o labas ng pamamahay. Nakakabit dito ang konsepto na kung sino ang mas
nakatatanda ay siyang dapat na masunod. Dahil sila ang mas matagal nang naninirahan
sa mundo at marami ng napagdaanan sa buhay, sila ang sinusunod upang mapabuti ang
kanilang mga anak at hindi makagawa ng maling desisyon buhay . Ang anak ang palaging
sumusunod sa anumang ipinag-uutos ng kanilang mga magulang, at ang pagsuway sa
mga ito ay may karampatang parusa.
Sa bahaging inihatag ng magulang ang Yes Day sa mga bata ay agad-agad naman
itong pumayag. Ngunit may kailangang sundin na kondisyon ang mga anak. Una,
matutuloy lamang ang Yes Day kung laging gagawin ng mga bata ang gawaing bahay.
Ikalawa, dapat ay mataas na ang grado ng mga bata sa klase. May kasunduan din sa
pagitan ni Alisson at Katie: Kapag nasunod ni Alisson ang hindi pagsasabi ng “No” sa
bawat hiling ng mga bata ay sasama ang ina para manood ng “concert”. Kapag naman
hindi pumayag at nasabi ng “No” ang ina ay pupunta si Katie ng “concert” kasama ang
kaniyang kaibigan na si Layla. Gustong-gusto pumunta ni Katie sa “concert” dahil aawit
doon ang paborito niyang mang-aawit na si H.E.R. Ang mga kondisyong ito ay may
kapalit na 5 o higit pang kahilingan na aktibidad na kailangang gawin ng buong pamilya.
Mapapansin sa bahaging ito ng palabas ang pagbibigay kahalagahan ng
komunikasyon sa loob ng pamilya. Ang pagkakaroon ng malinaw na kasunduan ay
nagpapakita ng isang malusog na ugnayan. Ito ang magsisilbing tulay upang magkaroon
ng solidong koneksyon sa pagitan ng anak at ng mga magulang. Marahil isa sa
agos 119
#YESDAYS
hinuhubog ng malusog na komunikasyon sa loob ng isang pamilya ay ang respeto.
Natututo ang mga anak na rumespeto sa kanilang mga magulang at maging sa iba pang
tao na nakapaligid sa kanya. Nabubuo rin dito ang lakas ng loob. Nagkakaroon ng lakas
ng loob na sabihin sa miyembro ng pamilya ang saloobin na kinikimkim ng isang kasapi.
Mas madaling maresolba ang isang problema kung ito ay napag-uusapan at sabay-sabay
na hinaharap ng isang pamilya.
Litaw rin sa bahaging ito ng palabas ang pagiging panatiko ni Katie sa isang
mang-aawit. Ang pagiging panatiko ni Katie ay sumasalamin sa tunay na tao at lipunang
mayroon ang reyalidad. Noon pa lamang ay lantad na at namamayagpag ang pagiging
panatiko ng mga tao, sa alagad man ng sining, kilalang personalidad, at maging sa mga
politiko. Hindi maikakaila na ang pagiging bulag na tagasunod at tagahanga ng isang tao
at ideya ay nasa kultura na, maging pagpapasa at pagpapanitili ng paniniwala. May
pagkakataon na ang pag-uugaling ito ay nakapagdudulot ng sigalot at kapahamakan sa
isa o grupo ng tao dahil sa nagbabanggaang paniniwala at kontradiksyon.
Sa araw ng Yes Day, hindi pwedeng gumamit ng phone o humarap sa kahit anong
screen ang mga magulang. Pinagbawalan sila na tumawag o mag-text sa mga katrabaho.
Agad-agad na kinuha ng mga anak ang phone ng kanilang ama’t ina para 'di ito
sumuway. Ang una nilang pinagawa na hindi dapat hindian ng kanilang magulang ay ang
pagsuot ng mga damit na pinili ni Ellie. Maging ang pagmemake-up sa ina ay si Elle ang
may gawa gamit ang watercolor. Pagkatapos nito ay agad naman silang pumunta sa
isang kainan at bumili ng sorbetes na nagkakahalaga ng 40 dolyar. Nag-carwash nang
nakabukas ang bintana ng pinto ng sasakyan. Nagbatuhan ng lobo na may laman na
Kool-aid na hinalo sa tubig. Ipinakikita ng mga eksenang ito ang kahalagahan ng pagbuo
ng masayang alaala kasama ang mahal sa buhay, paglabas nang masaya at sama-sama,
at paglalaan ng oras para sa mga anak. Sa bahaging ito, unti-unting nawawala ang
masamang pagtingin ng mga bata sa kanilang ina. Ipinakikita ni Alisson sa kaniyang mga
anak na mali ang kanilang mga iniisip. Nanumbalik at lumitaw ang ugali na mayroon si
Alisson nung siya ay di pa nagkakaanak. Naging sunod sa agos at laging pumapayag sa
nais na gawain ng kaniyang mga anak.
Nagkaroon lamang ng aberya nang sila ay nasa isang amusement park.
Nagkaroon ng komprontasyon si Katie at Alisson na nauwi sa tampuhan. May bahagi
pa ng palabas na kung saan ay napaaaway si Alisson sa iba para lamang sa isang teddy
agos 120
#YESDAYS
bear para kay Katie ngunit sila ay nakulong. Nang makulong ang mga magulang nila ay
agad na pumunta si Katie sa concert at naiwan sina Nando at Ellie sa bahay nila upang
magdaos ng Nerd Party. Sa bahaging ito lumitaw ang pagiging malaya ng mga anak.
Dito ipinakita ang literal na pagiging malaya ng mga anak. At ang pagiging malaya ay
may kaakibat na responsibilidad, at pagsasaalang-alang sa magiging kalalabasan ng
kilos. Ang pagkakaroon ng sobrang laya ng anak na kung saan hindi na ito nagagabayan
ng magulang ay may malaking posibilidad na makagawa sila ng maling desisyon sa
buhay at makasakit ng kapwa na kanilang pagsisisihan sa bandang huli. Ngunit, para sa
mga batang katulad nila Katie, Nando, at Ellie, hindi pa gagap ng kanilang isipan at
malayong maisip ang kalalabasan ng kanilang magiging aksyon.
Nang makalaya sa kulungan ang mag-asawa, ay agad na naghiwalay sila upang
hanapin ang kanilang mga anak. Si Alisson ay sumunod kay Katie sa concert at si Carlos
ay umuwi para ipatigil ang kasiyahan. Nang makita ni Alisson ang kaniyang anak sa
concert, ito ay umiiyak at humingi ng kapatawaran dahil sa pagiging suwail. Naabutan
naman ni Carlos ang kanilang bahay na napakakalat. Napahinto niya ang kasiyahan at
pinaglinis ang mga bata. Ipinakikita ng bahagi ng palabas na ito ang kahalagahan ng
pagsunod sa magulang at matalinong pagdedesisyon.
Nararapat lamang na sumunod ang mga anak sa mga aral na ibinabahagi ng
kanilang mga magulang. Ito marahil ang magdadala sa bawat isa sa tiyak na pag-unlad.
Walang magulang ang nanaisin na mapahamak ang anak. Kung sa usapin ng pagiging
mahigpit ng magulang sa kanilang mga anak, nararapat na mamayani sa pamilya ang
maganda at malusog na komunikasyon upang magkaintindihan at hindi naiimbalido ang
bawat pinanghuhugutan ng mga magulang at ang kanilang mga anak. Binigyan punto
rin sa palabas ang matalinong pagdedesisyon. May mga pagkakataon na kung saan ang
tao ay may mga bagay na gustong gawin at makamit nang hindi iniisip ang kahihinatnan
nito. Dahil dito, malaki ang posibilidad na maging negatibo o hindi maganda ang
kalalabasan nito. Isang aral para sa kabataan na dapat panghawakan at isabuhay.
Kung sa usapin ng pagdidisiplina at pagbibigay aral sa kabataan , malaki ang
ginagampanang papel ng mga guro sa paghubog ng kamalayan, pagdidisiplina, at mga
aral na dapat ay mailapat ng mga mag-aaral sa tunay na buhay. Sila rin ay nagsisilbing
pronta sa paghasa ng sense of responsibility sa bawat mag-aaral. Katuwang ng ilaw at
haligi ng tahanan upang maging responsableng anak at mag-aaral. Bilang guro,
agos 121
#YESDAYS
nararapat lamang na mahasa ang ganitong klase ng pag-iisip ng mag-aaral upang hindi
maabuso ang kalayaan na natatamasa, at maging responsible sa bawat isasagawang
aksyon. Ikintal sa isip na ang bawat kahihinatnan ng aksyon ng tao ay may kaakibat na
pag-ako at pananagutan.
Ang konsepto ng Yes Day ay posible ngunit hindi para sa lahat. Magaan ang
atake ng palabas kung kaya marami ang mapapaniwala at maeengganyo na magsagawa
nito, lalo na kung gagamitin ito para sa pagdidisplina. Maraming kailangang isaalang-
alang sa pagsasagawa nito, at kung ito man ay hindi maging matagumpay, maraming
maapektuhan sa iba’t ibang aspekto. Ito ay paalala sa bawat magulang at anak na dapat
sa loob ng tahanan, hindi nawawala ang respeto sa isa’t-isa. Gawing pundasyon ang
pagiging bukas at malusog na komunikasyon sa pagpapatibay ng samahan. Higit sa
lahat, manaig ang dapat manaig sa pamilya, at ito ay pagmamahalan. Ito rin ay paalala
sa bawat kabataan, na walang masama na isagawa ang mga bagay na gustong gawin.
Tiyakin lamang na ito ay nakapagdudulot ng kasiyahan at hindi makakaabala sa ibang
tao. Laging isaisip ang kahihinatnan ng aksyon at maging matalino sa bawat desisyon
na kailangang gawin.
agos 122
MGA SANGGUNIAN
"Attributions and Attitudes of Mothers and Fathers in the Philippines." PubMed Central
(PMC). N.p., n.d. Web. 27 May 2021.
"Family Communication | Early Childhood Development." Early Childhood
Development | Nebraska Extension. N.p., n.d. Web. 27 May 2021.
"Family Life | Issues in Filipino Parenting Based on Studies." Mindanao Times. N.p., n.d.
Web. 27 May 2021.
"Jennifer Garner and Her Kids Have Real-Life Yes Days That Inspired Her New Netflix
Movie." Showbiz Cheat Sheet. N.p., n.d. Web. 27 May 2021.
"Mga Pagsakay Sa Kasaysayan — Mula Sa Talakayan Ng Peminismo at Ang
Patriyarkal..." Mga Pagsakay Sa Kasaysayan. N.p., n.d. Web. 27 May 2021.
"Nuklear Na Pamilya Diksyunaryo." Mimir. N.p., n.d. Web. 27 May 2021.
"Yes Day Movie Review & Film Summary (2021) | Roger Ebert." Movie Reviews and
Ratings by Film Critic Roger Ebert | Roger Ebert. N.p., n.d. Web. 27 May 2021.
agos 123
Weh? bHi3! Nars: Pagsibol ng
Bagong Kultura ng Pagkatuto
Ni: Regina Cruz
Sa adbiyento ng pandemya, marami ang mga naganap sa iba’t-ibang larangan na
nagpapatunay na walang permanente sa mundo kung hindi ang pagbabago. Ang mga
pagbabagong ito, ay nagdulot ng panahon ng kawalan ng direksyon dahil sa hindi
pamilyar na kontekstong biglaang umusbong nang magsimulang kumalat sa bawat
panig ng daigdig ang Covid-19. Nasanay na ang mga tao na makisalamuha nang harapan
sa kanilang kapwa sa bawat transaksyon na kanilang ginagawa sa kanilang pang-araw-
araw na pamumuhay. Bahagi na ng kultura ng mga Pilipino na makihalubilo kaya naman,
naging mahirap para sa karamihan ang paglipat sa mundo ng teknolohiya sa panahong
ito.
Nabanggit sa teorya ng 3I Framework na ang mga mag-aaral ay dapat mabigyan
ng pagkakataon na magkaroon ng interaksyon sa mga bidyo. Ang audio-visual
technology ay matagal nang nagagamit sa sektor ng pagtuturo ngunit sa tulong ng
pagpapaunlad ng information and communication technology, nagiging dinamiko at
malawak ito ngayon (Gupta, 2021). Kaya naman, mabilis ang pagsulpot ng
napakaraming aplikasyon sa larangan ng teknolohiya na magiging giya ng mga tao sa
pagtuklas ng mga bagong pamaraan sa pakikipagtalamitam sa kanilang mga kasamahan
sa paaralan o opisina. Kagyat na tumugon ang mga dalubhasa sa mga larang na ito
upang makatulong sa mga taong lubhang naapektuhan ng pandemya na
nangangailangan ng koneksyon sa kanilang kapwa sa tinuturing nating bagong
kadawyan.
Ang mga simpleng aparato ay nagbago at naging communication channels na
patuloy na lumilikha ng koneksyon sa buong mundo. Naging malaki ang gampanin ng
agos 124
#WEBINAR
teknolohiya sa buhay ng bawat mamamayan, lalong-lalo na ang communication
technology. Ang communication technology ay tumutukoy sa mga tools na ginagamit
sa pagpapadala, pagtanggap, at pagproseso ng mga impormasyon (Novak, 2021). Ito rin
ay nagkaroon ng malaking bahagi pagdating sa pagpapalitan ng kaalaman. Isang aspekto
nito at kasalukuyang laganap ngayong panahon ay ang tinatawag na webinar. Ito ay isa
sa mga kadalasang salita sa kasalukuyan na ginagamit hindi lamang sa larangan ng
edukasyon maging isa pang mga ispesyalisasyon na nagmula sa pinagsanib na salitang
web at seminar. Ito ay tumutukoy sa iba’t-ibang serye ng panayam na tumatalakay sa
mga paksang binibigyan ng pagpapahalaga sa napakaraming propesyong laganap sa
ating lipunan. Naglalayon itong matugunan ang mga pangangailangan ng bagong
kaalaman at karunungan na magagamit ng mga tao upang mas mapataas ang antas ng
kanilang kasanayan sa kanilang kinabibilangang sangay ng lipunan. Ito rin ay nagsisilbing
daluyan ng komunikasyon ng mga organisasyon at samahan upang kanilang matamo
ang layunin ng kanilang pangkat.
Ngunit natutugunan nga kaya ng webinar ang layunin nito sa kasalukuyan?
Nagiging matagumpay ba ito sa pagpapabatid ng mga bagong impormasyon sa madla?
Napapanatili ba nito ang kultura ng pakikisama at pakikisalamuha nating mga Pilipino?
Paano natin masusukat at matataya ang kaangkupan nito sa bawat lebel ng tao sa
lipunan? Napakaraming tanong, tanong na nagdudulot ng kalituhan, kalituhan na
nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan, hindi pagkakaunawaan na mauuwi sa
pagkakawatak-watak. Paano na ang kulturang nagbigay ng popularidad sa ating mga
Pilipino kung mangyayari ito? Ano ba ang dapat nating gawin upang maiwasan ito?
Ano ang magiging silbi ng webinars?
Weh?
Laganap sa kasalukuyan ang mga balita sa iba’t ibang social media, kaya naman
napakahirap malaman kung ano ba sa mga ito ang nagsasabi ng totoo at kung ano ang
masasabi nating fake news. Marami ang nalilinlang ng mga impormasyong mabilis na
kumakalat sa internet dahil marami rin ang hindi mulat sa mga tunay na nangyayari sa
ating bayan. Mayroong mga tao na hindi pa gamay ang paggamit ng teknolohiya na ito
lalo’t higit ang mga itinuturing nating senior citizens na madaling nabibingwit ng maling
agos 125
#WEBINAR
impormasyon at naibabahagi ang mga ito na siyang dahilan ng pagkalat nito.
Nakalulungkot na sa panahon na dapat tayo ay sama-samang lumalaban sa hindi natin
nakikitang kaaway, ay may mga taong mas pinipiling manlamang sa kanilang kapwa na
namumuhay at nagtatrabaho nang patas. Laganap sa Facebook, Twitter at iba pang
plataporma ang mga balita ng scam, phishing at iba pang uri ng panlolokong ginagawa
ng mga tao. Marami sa atin ang naging biktima at dumanas ng masalimuot na
pangyayaring ito na siyang nagdulot ng depresyon at lubhang pag-iisip sa kung ano ang
mangyayari sa kinabukasan.
Ano ang magiging silbi ng webinars?
Sa pamamagitan ng gawaing ito ay mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga tao
sa kung paano maiiwasan ang mga panlolokong ito, hindi lamang sa panahon ng
pandemya maging sa pagbalik natin sa normal na pamumuhay. Makatutulong ang mga
serye ng panayam na tatalakay sa iba’t-ibang uri ng scam at kung paano matutukoy ito
para hindi maging biktima ng gawaing ito. Ang mga hindi wastong impormasyon at
balita ay maaari ring iwasto sa pamamagitan ng mga talakayan na magmumulat sa mga
mamamayan ng tunay na kalagayan ng ating bansa at maiwasan ang pagkalat ng maling
balita na magdudulot ng dibisyon at pagkakahati-hati nating mga Pilipino.
bHi3!
Nakilala tayong mga Pinoy sa pagiging romantiko at sentimental maging sa
maliliit na bagay na ginagawa o ibinibigay sa atin ng mga taong malapit sa ating puso
(Talaarawan, 2019). Ngunit sa kasalukuyang panahon, tila marami sa atin ang
nahihirapan na maiparating nang maayos ang mensahe natin sa ating mga sinisinta. Ang
init ng yapos ng iyong iniibig ay napalitan ng init ng iyong cellphone habang naka-charge
ito.
Sa kabila nito, marami pa rin naman ang nakagawa ng paraan para mapadama
nang personal ang kanilang pagmamahal at tumakas panandalian sa pait ng pandemya
kaya naman umusbong ang terminolohiyang quarantine babies na nangangahulugang
mga sanggol sa nabuo at ipinanganak sa nagdaang taon habang sinusugpo natin ang
virus na kumitil sa higit milyong buhay sa iba’t-ibang panig ng mundo. Kaya naman,
agos 126
#WEBINAR
patuloy pa rin ang pagtaas ng ating populasyon sa kabila ng hirap na nararanasan natin
sa kasalukuyan. Hindi pa rin maiwasan ang teenage pregnancy kahit pa bawal lumabas.
Ano ang magiging silbi ng webinars?
Isa sa mga suliraning panlipunan natin ang mabilis na paglago ng populasyon lalo
na sa Pambansang Punong Rehiyon at nakikita na natin ang epekto nito sa kasalukuyan.
Naaapektuhan nito ang iba’t-ibang mga sangay ng lipunan tulad ng edukasyon at
empleyo. Kaya naman, nararapat mamulat ang ating mga kababayan lalo’t higit ang
kabataan sa mga epekto nito sa kanilang buhay at kinabukasan. Maaaring masimulan sa
pamamagitan ng webinar ang usapin ng sex education at maipakilala ito sa mga Pilipino
bilang pantulong upang mabawasan ang mga hindi inaasahang pagbubuntis at mabago
ang kanilang pag-iisip ukol sa usaping ito.
Nars
Noon ay hindi nabibigyang-pansin ang mga tao sa loob ng mga pagamutan, dahil
hindi naman mayorya ng mga tao ay nakararanas ng sakit na kinakailangan ng medical
na pagtugon. Binago ng Covid-19 ang pananaw natin sa mga nars at doktor na siya
ngayong nasa harap ng laban kontra sa virus. Napunta sa kanila ang atensyon ng mga
tao dahil sila ang tanging maaasahan upang mapuksa at mapagtagumpayan ang
pandemyang ating nararanasan.
Dati ay hindi natin napahahalagahan ang mga healthcare workers natin at
dinadaan-daanan lang natin sila kung sila ay makasasalubong natin. Sa mga nakalipas
na taon, ay nalugmok sila sa hirap ng pagharap sa mga sakit kapalit na napakababang
sweldo kahit pa ang buhay nila ay nasa panganib. Sa mga nagdaang panahon ay hindi
nakita ang kanilang mga sakripisyo dahil na rin siguro hindi lahat ng tao ay kinailangan
ng kanilang pagkalinga. Ngayong sila ang ating inaasahan at sandigan sa laban na ito,
marapat lamang na mabigyan sila ng sapat na pagpapahalaga hindi lamang sa pinansyal
na aspekto kung hindi maging sa mga bagay na magpaparamdam sa kanila na sila ay
binibigyan ng mataas na pagtingin sa lipunan bilang mga frontliners.
Ano ang magiging silbi ng webinars?
agos 127
#WEBINAR
Mahalaga sa kasalukuyan na ang mga impormasyong medikal at kung paano
malalabanan nang husto at wasto ang virus ay magmula sa mga taong dalubhasa sa
larangan ng siyensiya. Hindi natin dapat iasa ang mga desisyon at pamamalakad sa mga
taong walang sapat na kaalaman sa usaping ito. Kaya naman, mahalaga na ang mga
tagapagsalita sa mga panayam na magpapaliwanag sa ating mga kababayan ay
magmumula sa mga taong ang ispesyalisasyon ay agham. Sa pamamagitan ng mga
webinar ay mabibigyan ng wastong edukasyon ang mga tao sa pagsugpo ng Covid-19
at kung paano ito maiiwasang makapasok sa bawat tahanan.
Ang pandemya ang maituturing nating adbiyento ng pag-usbong o pagsibol ng
teknolohiyang babago sa pag-aaral, pakikipagtalamitam at pagtatrabaho ng mga tao sa
daigdig. Hindi na mawawala ang blended learning, work from home, mga meeting link,
raise hand, mute, e-classroom dahil magiging bahagi na ito ng pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga tao kahit pa malampasan natin ang paglaban sa pandemya.
Maaaring nakita ng karamihan ang kahinaan ng teknolohiya dahil hindi nito
natutugunan nang maayos ang kanyang tungkulin ngunit hindi rin naman natin
maitatatwa na may adbentahe pa rin ang paggamit nito dahil napapadali nito ang buhay
ng mga tao sa usapin ng transportasyon o usaping pampamilya. Hindi na marahil pa
maiaalis ang ICT integration sa bawat aspekto ng ating lipunan dahil na rin marami na
sa atin ang nasanay at natuto na gamitin ito bagaman may mga pagkakataong mas
mabisa pa rin ang harapang pakikipag-usap sa ating kapwa.
Ang tanging magagawa natin ngayon ay linangin pa ang ating kasanayan sa
paggamit ng teknolohiya, upang maiwasan ang mga iskandalong kinasangkutan ng ilan
sa ating mga kababayan at maging wasto ang paggamit natin ng mga aplikasyong ito at
kanilang magampanan ang kanilang mga tungkulin na mapadali ang daloy ng
pamumuhay ng mga tao sa panahon ng pandemya, at sa nalalapit na hinaharap kung
saan lahat tayo ay muling magsasama-sama at hawak-kamay na haharapin ang bukang
liwayway ng bagong kadawyan.
agos 128
MGA SANGGUNIAN
1&1 IONOS Inc. Webinar: Definition, Basics, and Possible Uses. 1&1 IONOS Inc., 12 Apr. 2018,
https://www.ionos.com/digitalguide/online-marketing/online-sales/webinars-
advantages-features-and-possible-uses/.
Ano Ang Isang Webinar. Ano Ang Kailangan Para Sa Isang Webinar.
https://zhumor.ru/tl/internet/chto-takoe-vebinar-chto-nuzhno-dlya-provedeniya-
vebinara.html. Accessed 23 May 2021.
Ano Ang Seminar? - Marketing - 2021. https://tl.businessemt.com/75-info-8118191-
seminarsl-15855. Accessed 23 May 2021.
Ebner, Christian, and Andreas Gegenfurtner. “Learning and Satisfaction in Webinar, Online,
and Face-to-Face Instruction: A Meta-Analysis.” Frontiers in Education, vol. 4, Frontiers,
2019, doi:10.3389/feduc.2019.00092.
Gupta, Sanjib. Webinar as the Future Educational Tool in Higher Education of India: A Survey-
Based Study. 17 Jan. 2021. https://link.springer.com/article/10.1007/s10758-021-
09493-7
Novak, Mary Clare. Communication Technology: The World of Gadgets & Gizmos.
https://learn.g2.com/communication-technology. Accessed 23 May 2021.
Talaarawang Org. Ang Husay Ng Manggagawang Pilipino. 27 May 2019,
https://talaarawan.org/ang-husay-ng-manggagawang-pilipino/.
Webinars in Education. https://www.jisc.ac.uk/guides/using-digital-media-in-new-learning-
models/webinars-in-education. Accessed 23 May 2021.
White, Alan. Reflections on the Use of Webinar Technology for Teaching. 2019.
https://hal.archives-ouvertes.fr/hal-01976364/document
agos 129
Ang Realidad sa Likod ng
Hyperealidad
Ni: Regina Lorraine Eustaquio
Noon, sa mga paligsahan sa paaralan, piyesta at tanghalan sa bayan lamang
makapagtatanghal ng sariling mga talento. May oras pa para mag-ensayo at linisin ang
bawat kilos bago umakyat sa entablado. Nabigyang daan naman ang pagpapakitang
gilas sa espasyo ng internet na pwedeng pag upload-an ng mga bidyo tulad ng
Facebook, Twitter, Instagram, YouTube at marami pang iba. Mas malinamnam rin ang
kwentuhan kapag may foodtrip na kaharap, kahit nasa bangketa lang nakaupo o sa labas
ng eskwelahan. Ito ang mga lumang paraan natin ng sosyalisasyon na ating nakaliligtaan
dahil sa mabilis na paglago at pagbabago ng midya at teknolohiya. Dahil na rin dito,
nabigyang daan ang pagpapakitang gilas sa espasyo ng internet na maaaring pag
upload-an ng mga bidyo tulad ng mga nabanggit na aplikasyon. Hanggang sa sumikat
na rin ang aplikasyon na TikTok kalaunan na kung saan ang lahat ng mga nabanggit na
paraan ng pagbabahagi ng sarili at paraan ng pagtatanghal ay idinadaan na rin sa
aplikasyon na ito.
Ano ba ang TikTok?
Ang TikTok ay isang aplikasyong binuo ng Chinese Tech Giant ByteDance, isang
teknolohikal na kompanya na pag-aari ng mga tsino at unang inilabas noong Setyembre
2016 sa ilalim ng pangalang "Douyin". Ang pangunahing layunin talaga ng aplikasyon
na ito ay ang makapagbahagi ng mga bidyo katulad ng Facebook at Instagram (na hindi
maaaring gamitin sa Tsina). Nabuo rin nila ang sandaling sumikat na aplikasyon na
agos 130
#TIKTOKERIST
"Musical.ly" noong 2017, dito naman ay maaaring magbahagi ng 15 segundong lip-sync
na bidyo subalit hindi rin nagtagal ay nabigo agad ito at ipinasara. Ikinawalang gana ng
target na madla ng aplikasyong nabanggit ang kakulangan sa pagpaplano ng saglit,
subalit, sulit at siksik na nilalaman na sa-swak sa tatlo hanggang limang minutong bidyo.
Pero hindi na nakakapagtaka na sa loob ng isang minuto sa TikTok ay mas naisisiksik ng
mga TikTokerist o content creators ang kanilang mga gustong ibahagi at ibida. Dahil
para sa madla, mas maikli na oras ng panonood ay mas maraming bidyo ang
mapapanood na swak sa kagustuhan ng masa na mabilis na daloy ng gawain.
Sino ang mga gumagamit ng TikTok?
Ayon kay Dievendorf, ang TikTok ay sikat sa mga may edad sa pagitan ng 16
anyos hanggang 24 anyos. Pero kung oobserbahan, makikita na hindi nalilimitahan ng
edad na nabanggit ang gumagawa o nanunuod ng mga bidyo rito. Sila ay nahahati sa
dalawa; ang mga TikTokerist o content creators at mga manonood o TikTok
users/viewers. Ang salitang TikTokerist ay isa lamang karagdagang katawagan sa
TikToker o taong gumagawa ng mga bidyo sa TikTok. Tinatawag din silang
microcelebrity o mga users na ginagamit ang platapormang ito para sumikat. Maaari rin
silang matawag na Influencers sapagkat ang gahum nahawak nila sa kanilang pagsikat
ay naka-i-impluwensya ng karamihan.
Ilan sa mga tinatawag natin nito at tiyak na sumikat sa kasagsagan ng pandemya
ay sina MacoyDub1s o Mark Averilla, Niana Guerrero, Marvin Fojas, Zeinab at
napakarami pang iba. Iba-iba man sila ng nilalaman sa ginagawang bidyo ay nagkakaisa
naman sila ng layunin at ito ay ang makapagpasaya at makapagbigay aliw sa mga taong
nanonood sa kanila sa kaniya-kaniya nilang paraan.
TikTok, sa Panahon ng Pandemya Pumatok
Tumutugma naman sa pinaka motibo ng aplikasyong ito, ang pagtakas sa
realidad at pagpapaganda ng mood kapag stressed na. Naging karagdagan na lamang
na benepisyo ang pagpapahayag ng itinatagong bahagi ng sarili, pakikipagkaibigan at
maging ang mga gawaing kapitalismo. Marahil sa dami ng gumagamit ng aplikasyon na
ito ay mas malaki rin ang tsansa na makapang-akit ng mga kostumer dito. Sa tulong ng
algorithm ng TikTok ay mas madaling nasusundan ng aplikasyon ang mga hilig ng
kanilang mga konsumer at doon nila ibabase kung sino o anong mga negosyo ang
agos 131
#TIKTOKERIST
maaari nilang ipanood upang makaakit at bumili ng kanilang produkto na aayon sa
kanilang kagustuhan. Sakto sa pagdating ng bangungot na dulot ng pandemya na
nagkulong sa atin sa mga sariling tahanan para sa sariling kaligtasan mula sa virus na
COVID-19. Naging mas konbinyente o mas maginhawa para sa atin ang aplikasyon na
ito upang aliwin ang sarili at hindi mabagot sa nakalu-lugmok na realidad lalo na kung
may sariling internet wifi o pambili ng internet data.
Negatibong Epekto Nito
Tutal ay nabanggit na rin naman natin ang algorithm, talakayin na rin natin ng
pahapyaw ang epekto nito sa ating lipunan. Nung una, akala ng lahat ay binabase
lamang ang algorithm sa kung anong makikita sa profile, lokasyon at mga napanuod
mong mga bidyo at mga nagustuhan mo rito. Pero ang katotohanan sa likod nito ay
nilabas na mismo ng TikTok, sinasabi na mayroon daw itong sistemang pinagbabasehan
na makakatulong na magbigay ng rekomendasyon sa pamamagitan ng pagra-ranggo ng
mga bidyo na napanood na - mula sa mga interes na iyong inilalagay sa simula ng pagsali
sa aplikasyon hanggang sa ito ay magbago depende sa kung saan ka hindi interesado.
Ang tatlong pinagbabasehan nito ay ang user interaction kung saan naka depende sa
mga nila-like, shine-share, fino-follow na account, pinag-ko-comment-an at sariling
gawa na bidyo. Pangalawa ay ang Video Information o kung anong mga detalye,
hashtags, tunog o caption ang nakalagay pag shinare mo ang bidyo. At ang Device and
Account Settings kung saan inaayon nila sa nilagay na wika at bansa.
Karugtong ng usaping ito ay ang katotohanan na nakukuha ng kompyuter o
Sistema ng TikTok ang mga personal na detalye patungkol sa’yo, ito ay maaaring
paglabag sa RA 10173 o Data Privacy Act of 2012 dahil sa data collection habits ng
kompanyang ito. Nito lamang ay napabalitang lumalabag ang TikTok sa batas na ito
kasama ang kompanyang LinkedIn, sa halos tatlong taon na ito ay ginagamit ng bilyon-
bilyong tao sa mundo ay ngayon lang nila ito nireresolba.
Hyperealidad bang matatawag kung…
Totoong nangyayari ang mga nakikita mo sa mga bidyong napapanuod kahit na
hindi natin sigurado kung anong framework ang gamit nila? O baka sadya talagang hindi
na bale kung ano ang tunay na nangyari o ginawa sa loob ng bidyo basta ba’y maintriga
agos 132
#TIKTOKERIST
ang mga manonood. Maging sanhi pa nga ng panibagong usapan upang makahakot pa
ng mga manonood? Para bang ayos lang na hindi natin alam ang katotohanan sa likod
ng mga screen natin basta ba ay maaliw tayo.
Talaga nga naman na malaking oportunidad din ito sa ngalan ng kapitalismo,
dahil sa win-win situation na naganap sa pagitan ng mga gumagamit ng aplikasyon at
may-ari nito. Maraming napapatawa, napapagiling, natututo, nakakapagbahagi ng sarili,
natutuwa sa kwento ng buhay ng iba, sumisikat at nagkakatrabaho kahit na nasa gitna
ng masalimuot at nakapanlulumong pandemya. Nakatatakas ang mga tao sa malupit na
realidad sa pamamagitan ng pagpasok sa hyperealidad na binuo ng aplikasyon na ito.
Naniniwala tayo sa kung ano-anong lumalabas at ipinapakita sa loob nito na tila nilalaro
ang ating mga paniniwala at emosyon. Nakabubuo tayo ng sarili pa nating mga mundo
dahil sa mga ideolohiyang nakukuha natin sa panunuod dito. Hanggang sa magkaroon
ang mga tao ng “kunwaring” realidad ng mainam na buhay mula sa mapagmanipulang
kwento ng ibang tao. Kung saan maiisip ng isang indibidwal na kaya niyang abutin ang
isang bagay na hindi naman tumutugma sa kakayahan niya dahil sa kasalukuyang
kalagayan. O maniwala sa ideyang hindi malupit ang mundo dahil sa naging marangya
ang buhay ng iba sa madaling paraan. Maaari nating sabihin na nangangarap lamang
ang taong ito, subalit sa rasyonal na pag-iisip at kung titignan ang bawat aspeto na
maaari nga itong mangyari ay may kalabuan talaga lalo na kung walang tiyaga at sipag
na kasama.
Pero bakit nga ba ito ginagawa ng mga TikToker? Ano-anong mga paghahanda
ang ginagawa nila sa pagbuo ng mga TikTok na bidyo na kanilang ibinahagi? At sa likod
ba ng mga lente ng kanilang kamera ay ganoon ba talaga sila? Ito ba ang realidad na
mayroon sila? O ito lamang ang ipinapakita nilang realidad upang maghatid ng
hyperealidad sa kanilang mga tagapanood?
At ang realidad…
sa likod ng mga lente ng kamera ng mga TikTokerist ay ang mga danas nilang
hirap sa pagseset-up ng kamera, pag-e-edit ng bidyo, pag-iisip ng content, pagsabay
nito sa pangunahing trabaho o sa pag-aaral, pag-aalaga sa sarili, sa pamilya at iba pang
bagay. O ‘di kaya sa kung paano man nila naabot ang rurok ng tagumpay, kung anong
klaseng hirap ang dinanas nila para lamang iahon ang sarili nila sa hirap at kung baka
agos 133
#TIKTOKERIST
nagmula talaga sila sa mayamang pamilya. Hindi natin sigurado at hindi natin malalaman
ang katotohanan kung hindi rin naman nila ito isinisiwalat nang ayon sa sarili nilang
kagustuhan. Hindi natin alam ang mga tunay na pinagdaanan nila,pati na rin ang mga
manonood nila – kung ito lang ba ang takbuhan ng mga taong walang magawa,
malungkot at ayaw harapin ang realidad ng kanilang buhay. Tila mas totoo pa ang mga
nakikita natin sa internet o mas gusto lang natin ito kasi mas masaya o mas nakakatawa.
Ito ang realidad natin, naghahanap tayo ng mapagtutuonan ng ating atensyon sa
oras ng katangiang pangmental. Minsan nga lang ay iba ang sumisibol na emosyon sa
atin. Bukod sa kagustuhan nating gumaan ang buhay at kagustuhang humanap ng
inspirasyon upang magtagumpay sa buhay ay nagkakaroon ng kainggitan, gustong
higitan, o iba pang motibo rito. Depende sa kung paano natin tatanggapin ang mga
pinapanood natin, at tayo ang responsable sa aspetong ito bilang manonood dahil may
kaniya-kaniya tayong pagkakaintindi at perspektibo tungkol sa iba’t ibang bagay.
Respeto at tamang paggabay na lamang sa mga mas batang manonood.
Positibong Epekto Nito
Mahirap talaga tanggapin ang realidad lalo na kung titignan mo ito sa lenteng
negatibo; may kasakiman, kamuhian, kalungkutan, depresyon, magulo, umiikot sa
kapitalismo at lugmok sa kahirapan. Pagtakas bang matatawag ang pagiging
TikTokerist? O paraan lamang natin ito, ‘di lang ng mga Pilipino kundi pati ng ibang
gumagamit ng aplikasyon na ito sa iba’t ibang sulok ng mundo na makaraos sa
kasalukuyang kalagayan ng ating mundo?
Bukod sa mga nakaka-aliw na content sa TikTok ay marami rin namang
Tiktokerist na naglalaan talaga ng panahon upang gumawa ng bidyo upang magbigay o
magdagdag ng kaalaman sa kanilang mga manonood. Tinatawag nila itong #EduTok
kung saan ang layunin nito ay masuportahan ang mga gumagamit ng aplikasyon na
madagdagan ang kanilang mga kaalaman sa pamamagitan ng mga mataas na kalidad na
edukasyon na ihahain ng milyon-milyong Tiktokerist sa buong mundo. Lalo na't halos
kabataan ang mga gumagamit ng Tiktok, inaasahan na maipapakita at matuto sila na
maging kritikal sa paggamit ng mga impormasyong napapanood nila, o mahasa ang mga
kakayahan nila, magkaroon ng tiwala sa sarili, maging handa sa trabaho o sa pagpili man
ng tatahaking landas sa buhay. At kahit ang mga simpleng life hacks ay maaari rin natin
agos 134
#TIKTOKERIST
matutunan dito, hindi man ganoon kalaki ang epekto ay may epekto pa rin lalo na kung
magagamit naman ito sa pang-araw-araw na buhay sa tamang paraan.
Marami mang negatibong dulot ang aplikasyon na ito sa atin tulad ng
pagsasayang ng oras, walang kasiguraduhang angkop na nilalaman para sa manonood,
at paggamit nito bilang kasangkapan sa paggawa ng masama, marami pa rin namang
magagandang naidudulot ito sa atin katulad ng mga nabanggit sa itaas. Kailangan
lamang ng tamang paggabay at tamang paglilimita sa oras ng paggamit nito.
Kung mayroon man tayong Health care frontliners o ang ating mga doktor, nars
at iba pang nagtatrabaho sa ospital na nangangalaga sa ating mga pangangailangan
pang kalusugan lalo na ngayong panahon ng pandemya. Mayroon pang Education
Frontliners o ang ating mga tutor, guro, propesor at iba pang sundalo ng edukasyon.
Mayroon din tayong mental health care frontliners at sila ang mga taong nasa likod ng
mga telepono na nagbibigay aliw,saya at ngiti sa atin ngayong panahon ng pandemya.
Hindi man na natin mahiwalay ang ating realidad sa hyperealidad, sama-sama pa rin
tayong magpatuloy nang may positibong pananaw sa buhay.
At bilang kabilang sa sektor ng kabataan at magiging sundalo ng edukasyon sa
hinaharap, nais kong iparating na hindi masama ang paggamit sa mga aplikasyon tulad
nito. May mga patakaran at batas tayong dapat sundin at papel sa lipunan na dapat
sundin. At ito ay ang maging pag-asa ng bayan na hindi nagpapasakop sa mga
aplikasyong nauuso, dapat alam at hindi iniiwan ang mga responsibilidad sa sarili,
pamilya at sa bayan.
agos 135
MGA SANGGUNIAN
Abdushev, Yelnur. “Does TikTok Have a More Positive or Negative Impact?” WESS Side
Stories, wess-sidestories.com/1859/op-ed/does-tiktok-have-a-more-positive-or-
negative-impact/#:~:text=One%20of%20the%20positive%20effects.
A Brief History Of TikTok And Its Rise To Popularity." Top Corporate Video & Film
Production Company in Singapore. 31 Aug. 2020. Web. 17 May 2021.
Andrews, Peter. “Positive and Negative Effects of TikTok.” Free Essay and Term Paper - 250
and 500 Words Essay, 28 Feb. 2021, myessaybook.com/positive-and-negative-
effects-of-tiktok/.
Bureau, BW Online. “Tiktok Launches #Edutok Program.” BW Businessworld,
www.businessworld.in/article/Tiktok-Launches-Edutok-Program/18-10-2019-
177780/.
“China Says TikTok’s Creator and LinkedIn Are Violating Data Privacy Laws.” Engadget,
www.engadget.com/china-says-tiktok-bytedance-linkedin-misuing-dada-
133448710.html. Accessed 25 May 2021.
Dievendorf, Anna. “TikTok Marketing: What Is TikTok and How Can You Market on
It?” Fanbooster, 9 June 2020, fanbooster.com/blog/tiktok-marketing/.
Kellner, Douglas. “Jean Baudrillard (Stanford Encyclopedia of Philosophy).” Stanford.edu,
2016, plato.stanford.edu/entries/baudrillard/.
Latermedia. “This Is How the TikTok Algorithm Works.” Later Blog, 7 May 2020,
later.com/blog/tiktok-algorithm/.
Ostrovsky, Adam M., and Joshua R. Chen. “TikTok and Its Role in Coronavirus Disease 2019
Information Propagation.” Journal of Adolescent Health, vol. 67, no. 5, Aug. 2020,
doi:10.1016/j.jadohealth.2020.07.039.
Tolentino, Rolando B. “Rolandotolentino: Kulturang Popular at Pakiwaring Gitnang
Uri.” Rolandotolentino, 12 Nov. 2007,
rolandotolentino.blogspot.com/2007/11/kulturang-popular-at-pakiwaring-
gitnang.html.
“Urban Dictionary: TikTokerist.” Urban Dictionary,
www.urbandictionary.com/define.php?term=TikTokerist. Accessed 18 May 2021.
Yang, Yuxin, et al. Understanding Young Adults’ TikTok Usage -----Real People, Creative
Videos That Makes Your Day. , 2020.
agos 136
Laro ng Isip: Laro ng Isipan
Ni: Jayvee Jurial
Introduksyon
Ang “The Queen’s Gambit” ay isang orihinal na seryeng inilabas ng Netflix noong
taong 2020. Ang nasabing serye ay pangunahing pinagbidahan ni Anya Taylor-Joy
bilang Elizabeth “Beth” Harmon na itinuturing na henyo sa larangan ng chess.
Nagsimula ang istorya sa pagpapakilala sa pangunahing bida bilang isang ulila
matapos masawi ang kaniyang ina sa isang aksidente at tangi siya lamang ang
nakaligtas. “Close your eyes,” ito ang kaniyang huling salitang narinig sa kaniyang ina
na si Alice. Samantalang inabandona naman sila ng kaniyang ama mula noong sanggol
pa lamang siya.
Naging likas ang katalinuhan kay Beth na maaaring impluwensiya ng kaniyang
ina na mataas na propesor sa isang unibersidad. Bilang isang ulila, naging instrumento
ang larong chess upang pagtuonan niya ng pansin habang nasa loob siya ng Methuen
Home. Nagsilbing unang tagapagturo niya ang katiwala noon na si Mr. Shaibel at
pinahanga niya ito dahil sa iilang laro pa lamang ay natalo na si Mr. Shaibel kahit na
bago pa lamang kay Beth ang larong ito.
Subalit, ang kahusayan ni Beth ay nagmula sa isang gamot na kaniyang
pasikretong iniinom upang mapaghusay ang kaniyang imahinasyon nang sa gayon ay
magawa niyang makapag-isip ng estratehiya sa pamamagitan ng pagtingin ‘pagkat
nakikita niya ang isang malaking chess board at ang mga piyesa nito sa kisame, dulot
ito ng gamot.
agos 137
#QUEEN’S GAMBIT
Ito ay hindi lamang tungkol sa naging paglalakbay ng bidang si Beth upang
makuha ang kampeonato sa pandaigdigang patimpalak sa larong Chess, pangunahing
tuon nito ay ang pagtalakay sa mga suliranin panloob at panlabas na kaniyang kinaharap
habang tinatahak ang proseso upang kilalanin bilang pinakamahusay na Chess Player
sa buong mundo.
#TheQueen’sGambit: Laro ng Isip, Laro sa Isipan
Ang larong chess ay isang buhay, at ang buhay ay isang chess, kailangang
pag-isipan nang mabuti dahil walang may alam kung kailan aatake ang kalaban at isang
maling galaw lamang, magdudulot ito ng pagkatalo. (Apolonio) Ayon nga sa isang
bantog na persona sa pilosopiya at siyensa:
“The chess-board is the world; the pieces are the phenomena of the universe; the
rules of the game are what we call the laws of Nature. The player on the other side is
hidden from us. We know that his play is always fair, and patient. But also we know,
to our cost, that he never overlooks a mistake, or makes the smallest allowance for
ignorance.”
-Thomas Henry Huxley
Karamihan sa mga naglalaro ng chess ay hindi natutuwa kung ito ay tatawagin
na “laro”, ika nga nila, mas marapat na tawagin itong “intellectual activity” (Eade). Kung
kaya’t ito ay nag-ugat sa pagtingin na ang Chess ay isang laro o aktibidad para sa mga
radikal na pananaw at lohikal na pag-iisip. Ang paniniwalang ito ay nagtulak para isipin
na ang chess ay nasa perspektibong patriyarkal na ang pagtingin sa mga kababaihan ay
mas mababa pagdating sa intelektwal at mahusay ang kalalakihan sa pagbuo ng
desisyon. Ika nga ng mga kilalang Chess Grandmasters, “Tingin ko hindi lang sila
(kababaihan) ganoon katalino,” (Fischer, 1962) “[ang chess] ay hindi para sa
kababaihan,” (Kasparov, 1989)“Isinilang ang kalalakihan nang mas higit na manlalaro ng
chess kaysa sa kababaihan,malugod nating tanggapin ito.” (Short, 2015) Winika nga ng
isang susing karakter sa The Queen’s Gambit na si Mr. William Shaibel, “girls do not
play chess”.
Sa katunayan, hindi kahalintulad ng Netflix Series na The Queen’s Gambit ang
reyalidad, sa higit 1,600 na propesyunal na manlalaro sa buong mundo, tanging 37
lamang ang babae rito. (Smerdon) Dagdag pa rito, ayon sa opisyal na tala ng
agos 138
#QUEEN’S GAMBIT
International Chess Federation, sa Top 100 na manlalaro ng chess sa buong mundo, isa
lamang ang nakapasok na babae, at ito ay Yifan Hou na kasalukuyang nasa ika-84 sa
talaan na may rating na 2658. Samantalang patuloy pa ring hawak ng kalalakihan ang
rurok ng talaan at nakaupo pa rin ang mga Chess Grandmasters tulad nina Magnus
Carlsen (NOR), Fabiano Caruana (USA), Liren Ding (CHN) at maraming pang
dominanteng lalaking manlalaro.
Mababakas sa sistema ng larong ito ang kaisipang patriyarkal. Nagtatagisan ng
teknik at estratehiya ang mga manlalaro upang protektahan ang piyesang King. Ang
bawat dalawang manlalaro ay ginagamit ang iba pang piyesa para lamang
maprotektahan ang nag-iisang King na tumatayo bilang simbolo ng kalalakihan. Subalit,
tila ba isang pagbaluktot sa sistema nito, dahil bukod sa King, pinakamahalaga ang
Queen na simbolo ng kababaihan. Ika nga ni Mr. Shaibel, “When you lose the Queen
that way, you resign.” Ito ay nagsasaad kung gaano ba kahalaga ang piyesa ng Queen
para sa mga manlalaro.
Maraming sumubok na maglaro, maaaring ang iba ay alam ang galaw ng bawat
piyesa at/o ang mga pangunahing patakaran sa paglalaro nito. May iba rin na
nakikipagtagisan pa ng galing sa pagdayo sa iba pang lugar upang makahanap ng kapwa
mahuhusay na manlalaro. Ngunit isa lamang ang sigurado, ang larong ito ay sobrang
komplikado, hindi lamang basta laro subalit isang aktibidad na kailangang pag-isipan
nang mabuti.
Piyesa sa Chess: Bahagi ng Buhay
PAWN: Patungong Harap, Pangamba’t Takot, ‘di Makasulyap
Pinakamaliit na piyesa sa larong ito, parating nakapuwesto sa harap ng
mga opisyales bilang pangunahing proteksyon. Itinuturing na
pinakamahinang piyesa dahil sa limitadong galaw. (MasterClass) Bagamat ang piyesang
ito ay madalas na nakakulong sa isang hakbang paharap lamang, ang banta nito’y
makikita sa huling bahagi kung mapabayaan.
Tipikal na pangunahing aspeto sa pagbuo ng estratehiya para makontrol ang
daloy ng magiging laro. Kung ihahalintulad sa buhay, tila isang musmos na walang pang
takot at pangamba sa kaniyang ginagalawan. Nagsisilbing lipunan ang chessboard at
pawn naman ang musmos, hindi alintana ang anomang panganib na nasa harap basta
agos 139
#QUEEN’S GAMBIT
patuloy lamang sa pag-usad upang makatuklas ng bago at makamtan ang inaasahan sa
dulo. Sa kabila ng limitadong galaw, anomang hakbang paharap ay isa pa ring pag-usad
sa pag-angat ng pagtingin ng lipunan sa kabataan.
KNIGHT: Hadlang man sa harapan, patuloy itong lulundagan
Piyesang may kaakuhan at kaibahan, salik na tinaguriang katang-tangi mula
sa estruktura ng galaw nito at potensyal sa laro. Kadalasang isa sa mga paboritong
piyesa ng mga manlalaro dahil sa hindi mahulaang sunod na hakbang ng piyesa.
(Wholesale Chess) Isang katangi-tanging piyesa dahil sa taglay nitong kakayahang
lumundag sa mga bantang malapit,
Sa reyalidad, magsilbi nawa ang knight bilang isang halimbawa sa tao, sa oras na
maipit ng mga banta, lundagan lamang nang maiwasan. Tila ba isang musmos na
patungo sa pagbibinata’t pagdadalaga, problema’y hindi pa makita bilang mabigat, ang
pananaw ay kaya itong lundagan at lampasan.
BISHOP: Pag-usad ay parating may pagkiling, at kung umatras, kikiling pa
rin
Malaya at malayo ang maaaring maabot, subalit nakakulong lamang sa
pahalang na direksyon. Ang kakayahan at lawak ng maaari nitong maabot ay
napakadelikado at hindi madalas matanaw ng kalaban. (Chess.com) Ngunit, bukod sa
kawalan ng kakayahang sumulong paharap, pagilid o paatras ituring na balakid ang
pananatili sa iisang kulay lamang ‘pagkat isang hadlang sa ganap na kalayaan.
Tila ba isang taong nais umusad at nais may maganap, subalit nababahag ang
buntot kung ang banta’y kaharap kung kaya sa bawat galaw nito ay tila pag-iwas at
pananatili lamang sa nakasanayan, hindi hinangad na umalis sa itinakda ng lipunan.
Paharap man ang pag-usad, ngunit may kinikilingan, at kung maduwag, kikiling
muli paatras para makaluwag.
Sa pangkabuoang konteksto, ang taong may prinsipyo ay mananatili sa tama,
ngunit ang taong walang panindigan, kung subukin ng banta ng nakakaangat, ay
babalikwas ng daan, pipiliing maduwag at pikit-matang papanig sa kamalian nang may
paglunok sa prinsipyong matagal na pinanghawakan na tila ba isang balimbing na
umatras ang dila.
agos 140
#QUEEN’S GAMBIT
ROOK: Parating ang tuon ay pagtahak sa tuwid
Ang kahalagahan ay kawangis ng Queen (Dummies), ‘pagkat may
kakayahan nitong tapusin ang laro sa pamamagitan ng pag-ipit sa King gamit ang
sarili lamang. Tulad ng Bishop, napakalawak ng kayang marating subalit ang kaibahan,
bawal gumalaw nang pahalang, tanging diretso, pagilid at paatras lamang.
Kung sa reyalidad, tila isang taong makatuwiran. Ipinapamalas ang katapangan
sa pagharap sa mga hamon sa buhay at pinipiling tunguhin ang tamang daan na nais
makamtan. Subalit, kung may alinlangan, pagilid ang tatahakin. Kung sakali namang
malagay sa kapahamakan, babalikwas sa daan at paatras ang galawan.
QUEEN: Malaya’t Makapangyarihang Kababaihan
Taliwas sa perspektibo ng larong ito na patriyarkal, gumagalaw ang
Queen bilang pinakamalakas at pinakamahalagang piyesa (Chess Strategy
Online). Malaya sa kahit na anomang galaw –maliban sa sariling galaw ng knight
na tila letrang “L” –at malawak ang nasasakupan nito. Pangunahing tuon sa pag-atake
ngunit pangunahing hinuhuli ng kalaban upang alisin kaagad sa laro.
Kung ilalapat sa reyalidad, ang Queen ang simbolo ng kababaihan, marapat na
sila’y maging malaya ngunit maingat, dahil sa lipunang ito, napakaraming banta ang
naghihintay sa kanila. Ang lipunan nawa’y tingnan ang kababaihan bilang isang Queen,
pahalagahan nang labis ‘pagkat kung mawala’y ituring itong pagkatalo.
Bakas sa panitikang Filipino ang gampanin at kahalagahan ng kababaihan para
sa lalaki at/o para sa lipunan. Kung tatayahin, sa mga akdang pampanitikan ng Pilipinas,
ang babae ay kawangis ng halaga ng lalaki. Nilikha ‘di umano mula sa kawayan ang
unang dalawang tao bilang lalaki at babae – sina Malakas at Maganda sa bahagi ng mga
Tagalog – at sina Si-Kalao na lalaki at si Si-Kalay na babae sa kuwentong Hiligaynon.
(Saliksik E-Journal)
KING: Patriyarkal na kaisipan, ang kalalakihan ang mahalaga at dapat
iniingatan.
Taliwas sa sistema’t kaisipang patriyarkal,bagamat pinakamahalaga
kung ituring, ‘pagkat ang pagkaipit nito (checkmate) ay hudyat ng pagkatalo,
ang kapangyarihan nito ay tila isa lamang pawn, paisa-isang hakbang lamang
ang kayang gawin. Hindi magawang bumalikwas at protektahan ang sarili sa mga banta
agos 141
#QUEEN’S GAMBIT
laban sa kaniya. Tanging ang pag-asa sa mga taong nakapaligid na protektahan ang King
ang magsisilbing depensa.
Sa kontekstong reyalidad, ang sistema ng chess ay tila ba isang uri ng pamumuno
na ang lider ay nanatili lamang sa puwesto habang isinasawalang bahala nito ang
kalagayan ng ibang piyesang nasa ilalim ng pamunuan. Bagamat sa ilang pananaw, isang
mahusay na lider ang may kakayahang mapakilos ang iba, subalit, hanggang kailan
tatanawin na ang paglilingkod ng namumuno ay isang utang ng loob ng mga piyesang
nakapaligid? Sa pagsapit ng pagkakataon na makompromiso ang kalagayan ng iba,
matatawag pa rin bang mahusay ang lider? At kung bakit ang patriyarkal na larong ito
ay nawawala na ng halaga ang simbolo ng kalalakihan kung nag-iisa na lamang, gayon
din ang kawalan na tapusin ang laban sa sariling hakbang lamang?
PAWN: Paniniwala sa Proseso, ang Maliit na Yunit, maging Tanglaw ng Pag-asa
Muli, ang pagbabalik tanaw sa kahalagahan ng pinakamaliit at minamaliit
ng piyesa sa larong ito. Kadalasan mang tinitingnan ang piyesang Pawn bilang
sakripisyo upang maisakatuparan at mas mabigat na galaw upang maitimpla ang laro.
Subalit, ang maliit na piyesang ito’y may kakayahang baguhin ang takbo ng laban. Tila
isang alikabok na kung mawaglitan ng tingin at hayaan, maaaring makabulag at
magdulot ng malaking problema sa paglalim ng laro.
Ang pawn ay madalas na tinitingnan bilang tagapagprotekta sa mga opisyales ng
laro, subalit ang iilan sa manlalaro ay tinitingala ito bilang susi sa pagkapanalo. Ika nga
ng isang karakter sa serye ng The Queen’s Gambit na si Benny Watts, ito [ang pawn]
ay simbolo ng pag-asa.
Mananatili mang musmos sa kahabaan ng laro, subalit, sa paglipas ng ilang
minuto o oras ituturing na pinakamalakas tulad ni Beth Harmon at titindig, gagawa ito
ng mga hakbanging na may hangaring makapagpabago.
ESTRATEHIYA at TEKNIK
The Queen’s Gambit: Opensibang Istilo, Patungo sa
Pagtanggap ng Panitikan at Kulturang nasa Uso
Ang The Queen’s Gambit ay isang panimulang estratehiya ng mga manlalaro sa
Chess na nangangailangan ng sakripisyo upang magkaroon ng kalamangan sa puwesto
(The Chess Website). Ang estratehiyang ito ay titingnan ng karamihan bilang isang
agos 142