The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.

Pagtagos sa Nauuso, Pag-agos ng Lipunang Nagbabago

Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by HANDOG 2021, 2021-07-05 05:24:42

TAGOS

Pagtagos sa Nauuso, Pag-agos ng Lipunang Nagbabago

Keywords: #Antolohiya #KritikalnaSanaysay #Tupayb

Patok na Estetika, Salamin sa Estado ng Bansa

Ni: Kryznel Mari Imperial

Kasama na sa kultura ng Pilipino ang pagkakaroon ng pamantayan ng
kagandahan. Dala ng kolonisasyon ay halos lahat ng inaakala nating maganda sa
paningin ay wangis sa mukha ng kanluran o ng mga bansang sumakop sa atin. Higit sa
pisikal na kagandahan ng tao, isyu rin ang pagkakaroon ng designer bags, mamahaling
damit, at pagkakaroon ng magandang fashion statement. Ngunit sa bansang gaya ng
Pilipinas ay mangilan-ngilan lamang ang kayang ibsan ang ganitong kagustuhan. Bukod
sa kilala na nating impluwensya ng mga mananakop sa kulturang Pilipino, ang
nakagawiang estilo ng pananamit ay hindi nakaligtas sa mga ito. Ang pagpili natin ng
kung anong damit ang maganda, at kung anong pares ang bagay ay nakuha natin mula
sa pamantayan ng mga Espanyol, Amerikano, at Hapon (World Heritage Encyclopedia).

Dahil nga ang estado ng bansa ay mabagal ang pag-usad, ngunit ang mga tao ay
mataas ang pamantayan, ang pagkonsumo ng mga second-hand, preloved, at surplus
ay naging laganap. Partikular sa pananamit, kilalang-kilala ng mga Pilipino ang salitang
ukay-ukay. Ito ay galing sa salitang ‘halukay’ o ‘paghukay’ (Locsin, 2007). Isa itong
umusbong na negosyo kung saan ang pangunahing supplier ng mga gamit ay galing sa
Hong Kong (Biana, 2020), ipadadala sa mga warehouse upang sila naman ang mamahala
sa pagbebenta sa mga reseller.

agos 193

#UKAY-UKAY

Ang ukay-ukay ay tila isang hakbangan na mag-aangat sa mga kapos na taong
nais pa ring makasabay sa estetika ng pananamit. Isa itong hakbang paangat tungo sa
pantasya ng pag-ahon din mula sa kahirapan ng buhay. Mula kasi sa halos limang piso
hanggang singkwenta pesos ay maipa-pares-pares mo na ang mga damit upang
magkaroon ng bagong atake. Ito ay tila win-win na sitwasyon dahil sa murang halaga
ay mayroon ka nang magandang fashion statement.

Higit sa lenteng estetika, naging mabigat na isyu ito sa gobyerno. Noong 1966
ay ipinasa ang RA 4653, “An act to safeguard the health of the people and maintain the
dignity of the nation by declaring it a national policy to prohibit the commercial
importation of textile articles commonly known as used clothing and rags.”

Mula dito, mahihinuha na ang ukay-ukay ay hindi lamang usapin ng estetika kung
hindi isang isyung pambansa. Ang pagpapatupad ng batas kaugnay nito ay lantarang
patunay na ang ukay-ukay, pagbebenta, at pagtangkilik nito ay may direktang epekto
sa estado ng bansa.

I. Sipat-Suri: Sustainable Fashion Theory
Sustainability o pagpapanatili ay isang konseptong kaugnay ng ukay-ukay. Mula

sa binuong Sustainable Fashion Index Model nina Wang et. al binigyang tuon nito na
ang mga fashion products ay nagreresulta ng pang-aabuso sa mga trabahador, iba't
ibang epekto sa kalikasan, at nagpoprodyus ng basura (Wang et. al, 2019). Sa
sitwasyong ito mahihinuha na ang pagsusuri at pag-uugnay ng sustainability sa fashion
ay makatutulong upang bawasan at kung maaari ay maiwasan ang mga nabanggit na
implikasyon, na kung hindi makokontrol, ito ay magiging pambansang suliranin.

Ang konsepto ng sustainability sa lente ng teoryang ito ay pinupunto na ang
pagpapanatili ay hindi lamang nakakulong sa pangkalikasan na konteksto, bagkus ito ay
tumatawid sa pang-ekonomiya, kultural, at sosyal. Samakatuwid, ang Sustainable
Fashion theory ay tumutukoy sa mga industriya sa ilalim ng kategoryang ito na
nakapagpapanatili ng magandang kalidad na produkto, kalinga sa mga trabahador, may
malasakit sa kalikasan, at may ambag sa ekonomiya ng bansa.

Kung susuriin, isang angkop na konsepto ang ukay-ukay upang maipakita ang
sustainability dahil una, napatunayan nito ang tibay at kalidad ng isang brand dahil kahit

agos 194

#UKAY-UKAY

ito ay preloved o pag-aari ng iba na ipapasa o ipagbibili sa iba ay maganda pa rin ito sa
paningin. Ikalawa, ang nasabing kahon-kahon ng balikbayan boxes galing Hong Kong,
na binebenta sa Pilipinas bilang ukay-ukay ay maaaring kabawasan sa kanila itatapon
na produkto. Karaniwan kasi sa isyu ng branded pero ukay-ukay ay may depekto, kaya
ito ay itatapon ng pagawaan ngunit dahil ito ay kilalang brand pa rin, ay naibebenta na
lang sa iba nang mas mura. Konektado sa sosyal na aspeto ang pagiging mura ngunit
maganda ng mga damit na ito ay may epekto sa pag-iisip ng tao. Sa katunayan, ang ilang
Pilipino ay bumibili sa ukay-ukay upang maging maganda ang dating ng pananamit, o
stylish ika nga; nagkaroon sila ng designer bags at branded na damit nang hindi
gumagastos nang malaki. Marahil pa nga ay maaaring magkunwaring orihinal na binili
ito sa pagawaan (Locsin, 2007).

Sa kabuuan, ang konsepto ng ukay-ukay bilang kulturang malapit sa Pilipino ay
isang hakbang na tumutulong sa pagbibigay lunas sa iba’t ibang solusyon kaugnay ng
pangkabuhayan, pangkalikasan, at panlipunan.

II. Pihit: Sa Kulturang Popular at Estado ng Bansa
Sa kabila ng sustainability na hatid ng ukay-ukay, mariin itong kinondena ng

pamahalaan, kaya naman ang naging aksyon nila ay ang pagpigil dito gamit ang
pagpapatupad ng batas. Bagamat nagkaroon na ng legal na pagtugon dito, buong puso
pa rin itong tinatanggap ng mga Pilipino. Sa kasalukuyan, mayroon nang mga
personalidad ang ipinagmamalaki ang kanilang “ukay finds” o iyong mga magagandang
damit na nahukay sa tindahang ito.

Mula sa conference paper na pinamagatang Fashioning a Culture Through
Baguio City’s Ukay-ukay, na isinulat ni Ma. Rina Locsin, sinabi na patok sa kulturang
Pilipino ang ukay-ukay dahil mahalaga para sa atin ang social rank o estado sa lipunan.
Ang pagsusuot ng branded, mga alahas, at gamit na may kilalang tatak ay
manipestasyon ng pagiging mayaman, o nakakaangat.

Sa katunayan, ayon sa pananaliksik ng Northwestern University sa Estados
Unidos noong 2012, napag-alamang ang pagsusuot ng espisipikong damit ay mayroong
direktang epektong sikolohikal. Sinabing nakabuo kasi ang mga tao ng simbolismo sa
mga damit. Halimbawa na lamang na kapag nagsusuot ng lab coat gaya ng sa doktor,
agad na iniisip na matalino, o nakaaangat ang taong magsusuot nito. Ito ay tinawag na

agos 195

#UKAY-UKAY

enclothed cognition kung saan nagbibigay ang mga tao ng kahulugan sa partikular na
damit o estilo ng pananamit.

Kung ganoon, marahil ang simpleng pagsusuot ng segunda manong Versace, o
Ralph Lauren na damit ay mayroong kakayahan na makabuo ng epekto na tila kahit
papaano ay gumagaan ang pakiramdam ng mga salat sa buhay.

. Ayon pa rin kay Locsin, ang ukay-ukay at ang murang presyo nito ay nagbibigay
ng tyansa o pagkakataon sa mga taong kapos na maranasan ang buhay na kanilang
pinapantasya. Kung gayon, ang kulturang popular ay sosyalisasyon sa gawi, praxis,
kaisipan, pagpapahalaga at ang mismong ideya ng gitnang uri sa nakatatawang paraan
(Tolentino, n.d).

Samakatuwid, kaya laganap ang kultura ng ukay-ukay sa Pilipinas ay dahil
karamihan ng mga Pilipino ay pilit humuhulagpos sa hirap ng buhay. Na kahit papaano
ay makatikim man lang ang mga balat ng damit na may tatak na mala Luigi Borrelli kahit
pa ito ay pinaglumaan at tinuring na basura na ng iba. Gaya ng sa pantasya ng gitnang
uri, isa itong patunay na hindi tugma ang estado ng bansa sa kagustuhan ng
mamamayan. Higit sa pananamit, ilang halimbawa nito ay ang pagkataas-taas na
standards sa pagtatrabaho para sa barat na sweldo. Kaya hindi ganap ang pag-usad ng
bansa dahil ang mga mamamayan mismo ang hindi pasado sa kwalipikasyon na sila rin
mismo ang bumuo.

III. Lagom: Suot na Dignidad at Imahe ng Bansa
Ibaling man ang atensyon, humusay man sa iba’t ibang aspeto, bilang Pilipino,

hindi lingid sa kaalaman natin na ang bansa ay naghihikahos. Sa katunayan, ang pagbili
o pagbebenta ng tingi-tingi ay isang manipestasyon ng kahirapan o mababang kalidad
ng pamumuhay. Bagamat dignidad ng bansa ang nakasalalay sa bawat pagtangkilik sa
itinuturing na basura ng iba, ito na ang kinalakihan ng mga Pilipino.

Matagal nang nakasuot sa bansa ang baro ng kahirapan, at kasamang alahas ang
korapsyon. Ilang batas man ang ipasa ay hindi nito masusupil ang pagtangkilik sa
ganitong bagay dahil hindi naman ang ukay-ukay ang dapat nilang solusyunan—ang
kahirapan.

Bilang guro ng wika, panitikan, at bayan, isa sa mga tungkulin ko ay ang ipabatid
sa mga mag-aaral na walang mababaw na usapin pagdating sa mga isyung panlipunan.

agos 196

#UKAY-UKAY
Hindi umiiral ang isang kultura nang dahil sa “wala lang, maganda kasi ito.” Marapat
lamang na maikintal sa isip ng mga estudyante na ang masusing pagsisipat sa mga
bagay-bagay sa tulong ng mga panitikan, ang magsisilbing lakas na makapag-uudyok ng
pagkilos –lakas na maaaring sumupil sa kahirapan –lakas na magpapalaya sa bansa.

Sa ngayon, matagal pa ang tatakbuhin ng Pilipinas tungo sa progreso. Nananatili
sila—ang mga Pilipino, na itinuturing na yaman ang kalat ng iba dahil sa paniniwalang
matino pa naman itong gamitin. Hangga’t naghihirap ang bansa ay mananatili at
magtitiis pa rin ang Pilipino sa butil-butil na kayamanan, at sa pasilip-silip sa buhay ng
mga mayayaman.

agos 197

MGA SANGGUNIAN

Abueg, Luisito C. "The Economics of Secondhand Retail Trade: An Analysis of
the Market for Ukay-ukay." Philippine Journal of Development 32.1 (2005).
Web.

Biana, Hazel T. "The Philippine Ukay-Ukay Culture as Sustainable Fashion." DLSU
Business & Economics Review 30.1 (2020): 154-64. Web.

Deutsche Welle (www.dw.com). “Fashion’s Impact on Mental Wellbeing.” DW.COM,
www.dw.com/en/how-fashion-impacts-our-mental-wellbeing/a-50562794.

"Fashion and Clothing in the Philippines." Project Gutenberg Self-Publishing Press.
Web.

Locsin, Ma. Rina. "Fashioning a Culture through Baguio City’s Ukay-Ukay." INTER: A
European Cultural Studies Conference in Sweden (2007). Web.

Olea, Ronalyn V. "Kahirapan at Kulturang Popular." Bulatlat. 04 Oct. 2008. Web. 21
May 2021.

Sing, Lian, and Michelle Esquivias. "The Impact of Importation of Second-hand
Clothing in the Philippines." Fashion Revolution Philippines (2019). Web.

Tolentino, Rolando. "Kulturang Popular at Pakiwaring Gitnang Uri." 12 Nov. 2007.
Web.

Wang, Huanzhang, Honglei Liu, Sang Jin Kim, and Kyung Hoon Kim. "Sustainable
Fashion Index Model and Its Implication." Journal of Business Research 99
(2019): 430-37. Web.

agos 198

Ang Sakit Ng Lipunan Sa Gitna Ng Krisis
Pangkalusugan

Ni: Karen De Guzman

‘Work From Home’, isa sa mga katagang madalas na naririnig ngayong nasa gitna
ng pangkalusugang krisis ang buong mundo. Ang pagkakaroon ng trabaho ay mahirap
para sa marami ngayong mayroong pandemya. Karamihan sa mga trabaho noon ay nasa
opisina o hindi kaya sa kalsada ay napilitang ilipat sa loob ng tahanan. Work From Home
o WFH ang naging moda ng paggawa sa nagdaang taon. Dahil sa mabilis na pagkalat ng
COVID-19 sa buong mundo, ang pinaka mainam na gawin ay magtrabaho na lamang sa
loob ng bahay, kung saan kaiba sa nakasanayang set-up sa mga opisina, ngayon ay
nakaharap na lamang sa screen ng mga kompyuter o hindi kaya ay selpon. Ang naging
lugar ng trabaho ay ang loob ng tahanan habang patuloy na ginagawa ang mga gawain
sa birtwal na paraan. Sa ganitong set-up nabubuhay ang maraming Pilipino sa ngayon,
ngunit ano nga ba ang estado ng WFH set-up sa bansa gayong: [1] ang Pilipinas ang isa
sa may pinakamabagal na internet sa buong Asya Pasipiko, [2] hindi lahat ay may
kakayahang magkaroon ng mga kagamitan sa WFH na set-up, [3] at hindi lahat ay
nagtra-trabaho sa opisina?

Sa patuloy na nararanasang pandemya, ang mundo ay nanibago. Marami sa ating
pang-araw-araw na routine ay nabago, ang dating face to face na trabaho o maging ang
mga klase sa eskwela ay nalipat sa birtwal na paraan. Sa dami ng mga pagsubok na
dumating ngayong pandemya, isa ang usapin ng Work from Home o WFH set-up ang
hindi gaanong napag-usapan. Samu’t-sari ang naging epekto ng ganitong set-up para sa
marami, nariyan ang isyu ng digital divide na kung saan makikita ang pagkakaiba ng mga

agos 199

#WORK FROM HOME

nasa upper class, at low-income class na manggagawa at mag-aaral sa gitna ng ganitong
panuntunan sa pagtratrabaho at pag-aaral. Nariyan din ang usapain ng hindi lahat ay
kayang magtrabaho sa bahay dahil kailangan na magbanat muna ng buto upang kumita.

Sa kabila ng mga usapin patungkol sa panibagong set-up na ito malaki din ang
naitulong ng WFH lalo na ngayong nasa pangkalusugang krisis ang mundo. Nariyan na
nagbunsod ito sa pagkakaroon ng malawakang social distancing sa mga opisina dahil
ipinagpaliban ang harapang pagtatrabaho na malaki ang naging ambag upang maiwasan
ang mabilisang pagkalat ng Sars-Covid o ang COVID-19. Ang ilang positibong dulot din
ng WFH set-up ay nakatipid sa gastusin sa transportasyon dahil nga sa bahay lamang
at hindi na kailangan pang pumasok sa opisina. Pangalawa, mas flexible ang mga
pamamaraan upang maisagawa ang mga gawain sa trabaho, nagkaroon din ng dagdag
na oras para sa pamilya at pagtulong sa mga gawaing bahay sa WFH na set-up dahil
limitado ang oras ng pagpasok.

Sa kabila ng mga positibong epekto ng WFH set-up mayroon din itong hindi
magandang epekto para sa nakararami. Ilan sa mga nakitang hindi magandang epekto
ng WFH ay ang [1] work efficiency ng mga nagtatrabaho pagdating sa oras dahil
limitado nga lamang ang oras sa paggawa ng mga workload, [2] distractions na maaaring
makaapekto sa competency ng isang manggagawa, at [3] adjusting dahil mahirap
maihiwalay ang buhay trabaho at ang mga nakasanayang habit kapag nasa bahay
lamang, dahil ang iyong workplace at bahay ay iisa lamang. Bunga nito, maaaring
mawala sa pokus ang isang manggagawa. Madalas ding nakararanas ng aberya
pagdating sa connectivity ng internet o maging sa hindi maipaliwanag na glitch at crash
sa mga ginagamit na application o website para sa online video conferencing at
meetings. Higit sa lahat, ang hindi magandang epekto ng WFH ay ang pagkawala ng
totoong koneksyon sa iyong mga kausap sa likod ng mga computer screens.
Kinokonekta man ng Internet ang buong mundo sa pamamagitan ng serbisyo nito, wala
pa ring makapapantay sa "human connection" na mayroon tayo.

Tinanggalan ng pandemyang ito ang marami ng kalayaan upang makabuo ng
koneksyon sa ibang tao, sa harapang paraan. Ang mga bagay na noon ay ginagawa nang
magkakasama ngayon ay sa loob ng lamang ng mga computer screen ngunit dahil sa
nararanasang krisis, ito ay hindi na maiiwasan.

agos 200

#WORK FROM HOME

Sa United Kingdom, simula pa lamang ng taon ay nag shift na agad ang kanilang
bansa sa WFH na paraan. Kaugnay nito, nagbigay ng pinansyal na tulong ang kanilang
gobyerno sa pamamagitan ng pagpapautang sa mga nawalan ng trabaho, at mga
freelancer. Ang interbasyon na ginawa ng gobyerno ng UK ay malaki ang naitulong para
sa mga manggagawa na naapektuhan ng pandemya.

Samantalang sa America naman ay maraming Amerikano ang nagsabing nais
nilang magkaroon ng permanenteng WFH set-up. Ayon sa isang sarbey na inilabas na
pewresearch.org na 87% sa kanilang respondante ang nagsabing madali ang
pagkakaroon ng mga teknolohiya upang makapagtrabaho sa kanilang mga bahay. 77%
naman ang nagsabi na mayroon silang maayos na lugar para sa pagtatrabaho at 64%
ang nagsabi na mayroon silang motibasyon na matapos ang trabaho. Mahihinuha na
ang WFH na set-up ay hindi mahirap para sa mga manggagawa ng Estados Unidos.

Sa Pilipinas na kung saan 49.9 milyon ang nasa labor force, hindi lahat ay kinaya
ang ganitong set-up. Hindi lahat ay kayang magkaroon ng kompyuter o kahit internet
man lang. Sa era na namamayani ang teknolohiya ay kulelat pa rin ang Pilipinas, kung
kaya't hindi naging maganda ang pagtanggap ng marami sa ganitong set-up.

Ang ilang kumpanya naman ay nagbigay o nagpahiram din ng kompyuter at
dagdag na allowance para sa internet ng kanilang mga manggagawa. Ngunit, kung
titignan ang kabuoan sa 49.9 milyon na manggagawa sa Pilipinas, malabo na lahat ito
ay naabutan ng ganitong tulong. Ayon sa sarbey ng Philippine Statistics Authority (PSA),
mahigit kumulang 4 na milyong Pilipino ang walang trabaho. Batay naman sa sarbey
noong Pebrero 2021, ang WFH set-up na ipinanukala dahil sa pandemya ay hindi
angkop para sa lahat sapagkat marami ay manual laborer o nagbabanat ng buto para
magtrabaho. Ang implementasyon ng WFH set-up sa Pilipinas ay hindi maayos na
naisagawa. Makikita ang malinaw na pagkakaroon ng digital divide sa ganitong set-up
ng paggawa at maging ang ilang isyung panlipunan na kaakibat ng ganitong anti-poor
na panuntunan.
III.

Marami ang nawalan ng trabaho at ang ilan ay nasa WFH na set-up pero kung
sisipatin ang estado ng WFH sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa ay makikitang hindi
maganda ang kalagayan nito. Ayon sa Openasia.com, ang Pilipinas ay nasa pang anim
sa ranking ng mga bansa sa ASEAN pagdating sa mobile internet speed at pang 86th

agos 201

#WORK FROM HOME

naman pagdating sa internet speed sa buong mundo. Kung susuriin ang mga datos ay
mapapansin na ang average internet speed sa Pilipinas ay nasa 38.46Mbps. Ayon sa
Ookla Report, kumpara sa mga bansang tulad ng Taiwan na mayroong 85.02 Mbps at
171.36 Mbps sa Thailand. Kung bubulatlatin ang isyung ito, hindi lamang simpleng
problema sa mabagal na internet bagkus, may mas malalim pa itong pinaghuhugutan
pagdating sa aspeto ng work efficiency sa gitna ng WFH na set-up sa bansa na kung
saan ang pangunahing ginagamit na kasangkapan ay ang internet.

Sa Pilipinas na ang set-up ng pagtatrabaho at pag-aaral ay kailangang mangyari
sa loob ng tahanan, mahirap matugunan ang ganitong kahingian kung ang maliit na
bagay katulad ng internet connectivity ay hindi pa rin nasosolusyunan. Dagdag pa rito,
ang kakulangan ng mga kagamitan ng karamihan sa mga manggagawa sa Pilipinas ay
umaabot sa average na bilang na mayroong kompyuter sa kanilang mga tahanan ay nasa
23.8% lamang samantalang ang mga bahay na mayroong internet ay nasa 17.7%, ayon
ito sa 2019 National ICT Household Survey Results. Mahihinuha na hindi madali para
sa mga nakararanas ng ganitong moda lalo pa’t sa mismong tahanan nila ay may
kakulangan sa kagamitan tulad ng kompyuter o gadgets at maging ang internet. Ang
mga ganitong problema na hindi napagplanuhan at napag-isipan dahil sa biglaang tigil
ng lahat ng pangmaramihang gawain ay nagiging isyu ngayon para sa marami.

Para sa mga mag-aaral na naging online ang klase ay mayroong mga natanggap
na tulong mula sa ilang lokal na pamahalaan; nagpahiram ng tablet at nagbigay ng
internet allowance ngunit maliit na porsyento lamang ng populasyon ang naabot nito.
Marami pa ring mga Pilipinong mag-aaral ang nagsasabing nahihirapan sila sa online na
moda ng pag-aaral.

Ang mga pagbabago sa gitna ng pandemya ay hindi madali, dagdag pa ang
kawalan ng suporta at maayos na sistema pagdating sa pagpapatupad ng WFH set-up
sa bansa. Hindi madali ang pagtra-trabaho nang may bumabagabag sa isip, lalo na kung
ito ay patungkol sa kinabukasan mo at ng iyong pamilya, at kung mayroon pa bang
maihahain sa hapag kainan.

Konklusyon:
Simula pa lamang ng unang dumagsa ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo

ay ipinatupad na sa Pilipinas ang Work from Home bilang moda ng paggawa ngayong

agos 202

#WORK FROM HOME
pandemya. Ang ganitong moda ay naging pasakit para sa nakararami. Lalo na sa mga
manggagawang walang sapat na kakayahan na matumbasan ang kahingian ng ganitong
set-up. Dagdag pa rito, ang kakulangan ng suporta ng gobyerno para sa mga
mamamayan nito ay isa sa mga nakapagpabagal ng usad ng teknolohiya at ng Internet.
Kung kaya’t malabo na maging komportable ang mayorya ng mga Pilipino sa WFH.

Sa usapin ng edukasyon, hindi rin naging madali ang kinaharap ng mga mag-aaral
na Pilipino lalo na sa mga pagbabago na naranasan. Maging ako man ay hindi nakaligtas
sa hirap ng pag-aaral sa loob ng tahanan, maraming mga pagbabago at danas na hindi
maihahalintulad noong nasa face-to-face classes. Samakatuwid, kailanman ay hindi
magiging madali sa mga manggagawa at mag-aaral ang ganitong moda kung walang
konkretong plano at patapal-tapal lamang na solusyon ang naibibigay. Lalo pa't patuloy
pa rin na humaharap sa hamon na dulot ng COVID-19 virus sa bansa.

agos 203
0

MGA SANGGUNIAN

Council of the European Union. (2021) 10 things the EU is doing to fight COVID-19
and ensure recovery. Council of the European Union.

https://www.consilium.europa.eu/en/policies/coronavirus/10-things-against-covid-
19/

CNN Philippines Staff (2021) Unemployment worsens with 4.2 million jobless in
February — PSA. CNN Philippines

https://cnnphilippines.com/news/2021/3/30/PSA-unemployment-worsens-4.2-
million-Filipinos-February.html

Department of Information and Communications Technology. (2019) National ICT
Household Survey 2019. ICT Knowledge Portal

https://dict.gov.ph/ictstatistics/2019-national-ict-household-survey-results/
Justin Poti (2021) The Philippines ranks 6th in ASEAN mobile internet speeds. Open

Asia Gov
https://opengovasia.com/the-philippines-ranks-6th-in-asean-mobile-internet-

speeds/#:~:text=The%20Philippines%20is%20now%20in,speed%20rankings%2
0in%20January%202021.
Pew Reasearch Center (2020) How the Coronavirus Outbreak Has – and Hasn’t –
Changed the Way Americans Work. Pew Research Center
https://www.pewresearch.org/social-trends/2020/12/09/how-the-coronavirus-
outbreak-has-and-hasnt-changed-the-way-americans-work/
Philippine News Agency (2021) PH broadband internet speed improves. Philippine
News Agency
https://www.pna.gov.ph/articles/1134025#:~:text=As%20stated%20in%20the%20
Ookla,the%2032.73%20Mbps%20last%20January.

agos 201
4

Konsyumerismong Pinoy

Ni: Queen Aira Dionisio

Ngayon ay mayroon tayong tinatahak na pagsubok na nais nating malampasan - ito ay
ang pandemyang sumisira sa ating mga kinagawian, nilimitahan ang ating mga kilos at
galaw, at tila kinahon tayo sa ating mga tahanan. Pandemyang nagpatamlay ng ating
pakikisalamuha sa ibang tao dahil sa banta ng virus na kumitil at patuloy na kumikitil ng
maraming buhay. Ngunit, sa paglaganap ng pandemya ay lumaganap din ang mga
kakaibang kagamitang naging sandigan ng pagpapadali ng ating mga gawain, para na rin
makaiwas sa problemang kinaharap at kahit papaano ay makapagbigay ng aliw sa
kalagitnaan ng pandaigdigang pandemya. Dito na nagsulputan ang iba’t ibang
teknolohiya, lalo na sa larangan ng komunikasyon. Nakapaloob dito ang paglitaw at
pagtangkilik natin sa mga kilalang cellphone.

Ayon kay Held, ang “pagtindi ng daloy at mga sistema ng komunikasyon at ng
pagkakaugnay-ugnay” ang tinatawag niyang intensification of flows and networks of
interaction and interconnectedness. Dito makikita ang pagsulpot ng mga teknolohiya,
ng internet, cellphones at cable TV. Ang cellphone nga ba ay isang pangangailangan o
isang kagustuhan? Kapansin-pansin naman sa modernong panahon, tila halos lahat ay
cellphone ang tanging tangan-tangan kahit saan man magpunta. Pagmulat ng mata ay
cellphone ang unang hinahanap at hinahawakan hanggang sa pagtulog. Nakadepende
na ang ating buhay sa paggamit ng cellphone, na kahit kailan man ay hindi natin
maikakaila dahil bitbit nito ang impormasyong ating kinakailangan. Lalo na noong

agos 205

#VIVO

kasagsaagan ng pagsapit ng pandemyang nakababahala para sa kalusugan ng bawat isa.
Nagsilbing tulay ang paggamit ng mga cellphone upang magkaroon pa rin ng sapat na
ugnayan at komunikasyon ang pamilyang nakararanas ng mahirap na sitwasyon dahil
sa pagkakawalay-walay. Pakiramdam nila ay kapiling pa rin nila ang bawat isa kahit
milya-milya ang pagitan. Tinatawag itong smartphones na kung saan ay mas pinadadali
nito ang ating pang-araw-araw na buhay, at walang hanggang pakikipag-ugnayan sa
ating mga mahal sa buhay, kaibigan, pagtatrabaho o maging sa pag-aaral.

Ayon sa naging tala ng Statistica Research Department noong 2016, pumalo ng
66 milyon ang naging tagapagtangkilik ng mobile phone noong 2015, kung saan naging
kasangkapan ito bilang komunikasyon na esensyal sa bansang Pilipinas. Dagdag pa rito,
ang bansang Pilipinas na kilala sa pausbong pa lang na bansa ay may nakalaan na
porsyento sa mga pangangailangan gaya ng pagkain, inumin at iba pa, ngunit naglalaan
din ng malaking alokasyon sa pagbili ng communication devices. Kaya makikita ang
biglang pagtaas ng konsyumer ng mobile phones or smartphones. Kasabay na rin nito
ang pag-usbong ng iba’t ibang supplier ng ganitong produkto dahil sa mataas na
demand ng mga tao. Tinataya sa bansang Pilipinas ang pagtaas ng pag-angkat ng
smartphones mula 65.3% patungong 70%, sa pagtungtong ng taong 2020. Dahil ang
smartphone ay hindi lamang kinapapalooban ng komunikasyon, kasama na rin dito ang
ang pagbibigay aliw gaya ng panonood, pakikinig sa mga sikat na kanta, paglalaro ng
mga nauusong online games at higit sa lahat ay pag-akses ng iba’t ibang uri ng website
na naglalaman ng mga impormasyon na ating kailangang malaman.

Ngunit, anong smartphone nga ba ang nanguna sa gitna ng pandemyang ating
kinahaharap at bakit ito lubos na tinatangkilik ng nakararami? Batay sa nilabas na datos
ng Inquirer noong 2020, Vivo ang kinilalang pinakapumatok sa maraming konsyumer
sa buong taon ng 2020, sa kalagitnaan ng pandemya. Ang Vivo ay umarangkada sa
pagiging inobatibo nito para mapanatili ang pagtamo ng mataas na benta. Naging
tanyag ang brand na ito sa Pilipinas at nanguna sa buong bansa mula noong Abril
hanggang Hunyo. Sa ikalawa naman ay nakamit ang pinakamataas na tala ng “biggest
market share”. Ikatlo, ang pagiging agresibo sa pagpapatuloy ng 66.7% year-on-year
growth. Nakakuha ito ng 21% Unit share at +18% naman sa year-on-year growth kung

agos 206

#VIVO

ihahambing sa iba pang mga brand na naging katunggali gaya ng Samsung, RealMe,

Oppo at Huawei.

Ngunit, anu-ano nga ba ang dahilan kung bakit tila tanyag ang brand ng Vivo at

namamayagpag ang pangalan nito bilang numero unong smartphone sa Pilipinas? Ano

kayang nagtutulak kung bakit lubos itong tinatangkilik ng mga Pilipino? O hindi kaya,

anong bagay ang higit na nakaka-impluwensya sa tao kung bakit nila ito napili bilang

brand ng smartphone kung ikukumpara sa iba pang hanay ng mga kilala rin na

smartphone brands. Maaaring, isa sa nakikita kong dahilan ay ang presyo, kalidad ng

produkto at serbisyong hatid nito. Ang Vivo mobile phones ay nagpamalas ng

magandang kalidad sa mga nakaraang taon at nangingibabaw ang bawat pagbabago at

inobasyon nito. Gaya ng magandang disenyo, magandang kalidad ng camera na tunay

ngang kinahihiligan ng mga Pilipino sa “selfie” o “photography”, pangmatagalang

baterya, koneksyon sa internet (3G, 4G Network, WiFi, GPS) at higit sa lahat naglabas

din sila ng mataas na RAM o ROM ng Vivo smartphones na maganda para sa mga

nauusong online games. Kaya hindi kataka-taka kung bakit mas pinipili ng mga tao ang

Vivo dahil sa dekalibreng specifications nito na umaakit sa mga Pilipinong konsyumer.

Maaaring malaki rin ang ginagampanan ng mga taong nagpapakilala ng produkto

o taong nag-eendorso upang mas lalong pumatok ang Vivo smartphones. Ang paggamit

ng mga kilalang tao ay isang matatawag na magandang estratehiya upang mas lalong

tangkilikin at bilhin ang produktong pinakikilala dahil kadikit ng mga artista ang interes

ng tao. Dahil pinagkakatiwalaan at iniidolo nila ang gumagamit nito, ito ay ang

hahatak sa kanila para maging isang posibleng konsyumer. Ilan na lang sa mga kilalang

tao ay sina Stephen Curry, na isang kilalang magaling na basketbolista, BlackPink na isa

namang magaling ng girl group ng Korea at Lauv na kilalang magaling na banda ang mga

kilalang nag-eendorso ng Vivo smartphones International. Kung sa Pilipinas naman ay

sina Kathryn Bernando at Daniel Padilla na kilalang love team at si Maine Mendoza na

kilala sa love team na Aldub bilang “YAYA Dub”. Kung mapapansin, lubos na

hinahangaan at tinitingala ang mga personalidad na ito dahil sila ay naging sikat. Kaya

malaking bagay ang kanilang impluwensiya dahil sa kanilang mga pangalan nakatuon

ang interes ng mga tao.

Ang bagay na ito ay tinatawag na komersyalismo, kung saan ay nang-aakit ng

mga konsyumer upang tangkilikin ang produktong pinakikilala. Kaakibat na rin ng

agos 207

#VIVO

globalisayon ang komersyalismo, tinatawag na kultura na kung saan nagiging bahagi na
ng pangangailangan ang kagustuhan. Pinalalabas sa iba’t ibang plataporma ang bawat
nauuso bilang isang komersyalismo na layunin ay ang makapaghikayat. Isa itong
mabisang estratehiya lalo na kung ito ay ipalalabas bilang isang commercial
advertisement na kung saan maraming tagapanuod ang maaaring makakita ng
produktong ipinakikilala. Ang mga Pilipino ay tunay ngang aktibo sa kahit anong uri ng
social media kaya hindi maitatanggi na matutunghayan nila ang mga usong umiiral. Gaya
ng “Bandwagon Effect” na talamak lalo ngayong panahon na ito kung saan, kung ano
nakikita natin sa iba ay pilit na ginagaya. Ito ay isang makapangyarihang pamamaraan
upang mapalaganap at lubos na maipakilala ang produkto hanggang humantong ito sa
puntong ito ay tanyag na sa nakararami. Pinupuntirya nito ang emosyon ng bawat
indibidwal na mag-isip gaya ng, “kung anong mayroon ang iba ay dapat mayroon din
ako” na nagtutulak sa kanila upang bumili ng produkto at serbisyong kaakibat
nito. Hindi man tuluyang namamalayan ngunit nabibiktima ang karamihan sa ganitong
istilo. Kung kaya’t gaya ng brand ng Vivo, na kung saan tila nangunguna bilang isang
sikat na smartphone sa Pilipinas, dahil bukod sa magandang kalidad nito ay gumagamit
ng malakas na pwersa sa lipunan upang bigyang popularidad ang inihahaing produkto.

Nais ko rin ipunto ang pagkahumaling natin sa pagtangkilik sa mga gawa ng ibang
bansa. Halimbawa na rito ang Vivo, na kung saan ay orihinal na nagmula sa bansang
Tsina. Nakabase sa Dongguan, Guangdong, China sa pamumuno ni Shei Wei mula
noong 2009. Naging malaking bahagi ang bansang Tsina sa ating bansa lalo na sa
aspekto ng ekonomiya, kultura, poltika at maging sa teknolohiya. Noon pa man, ay
magkasosyo na ang bansang Pilipinas at Tsina pagdating sa kalakalan lalo na ng mga
produkto. Kaya hindi kataka-taka na sa kasalukuyang panahon kung bakit maraming
pagkakataon na mas pinipili natin ang kanilang produkto kaysa sa produktong gawa
natin mga Pinoy. Nakalulungkot isipin ngunit ito ang katotohanang ang mga Pilipino ay
madaling malinlang sa mga bagay-bagay lalo na kung ito ay nasa mababang presyo. Lalo
na ang makabagong teknolohiya partikular na sa smartphones o cellphones na talaga
nga naman na patok sa pamilihan.

Ang smartphone na Vivo na mula sa Tsina ay patuloy na tinatangkilik dahil sa
pangalang kaakibat nito na nagiging dahilan kung bakit tumataas ang demand nito sa
pamilihan. Nagreresulta ito upang mas piliin ng bansang Tsina ang Pilipinas bilang isang

agos 208

#VIVO

gatasang baka dahil ang Pilipino ay konsyumerismo kung mag-isip, mabilis magpalinlang
at patuloy na nagbubulag-bulugan. Bansang Pilipinas ang pinupuntirya ng Tsina dahil
alam nilang lubos na yayakapin ng mga Pinoy ang mga produktong inaangkat mula sa
kanila. Ang ganitong pag-iisip ng mga Pilipino ay ang nagsisilbing kalakasan ng Tsina
upang mas lalong ipalaganap at itanim sa ating kaisipan na lubos natin silang tingalain
dahil dala nila ay produkto at serbisyong abot-kaya ng nakararami. Bukod pa rito, ang
ating kasalukuyang relasyon sa bansang Tsina ay nagpapatunay na ginagamit nila ang
ating kahinaan upang makalamang at maging isa sa mga makapangyarihang bansa. Ang
ugnayan ng bansang Tsina at Pilipinas na ayon kay Pangulong Duterte ay hindi
mapuputol. Nagiging sunod-sunuran sa lahat at nagiging alipin tayo sa lupang ating
tinubuan. Kahit maging ang ating Pangulo na dapat maging ating sandigan sa panahon
ng kagipitan ay pumapanig din sa bansang Tsina. Inaasa natin sa bansang ito ang ating
magiging pag-unlad, ngunit sila rin ang nagiging dahilan ng ating pagkalugmok dahil sa
lubos nilang pagpapayaman. Sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong
kanilang ipinapakilala, nagdudulot ito ng pagkalugi sa ilang mga lokal na nagtataguyod
ng produkto’t serbisyong tatak Pilipino.

Ang pag usbong ng smartphones ay nagpabago sa buhay ng marami tao, naging
parte ng pang-araw-araw na buhay upang maging isang produktibong indibidwal na
nangangailangan ng gabay na tunay namang binibigay ng smartphones. Para sa aking
tindig, maraming magandang bagay ang hatid ng pagsibol ng ganitong teknolohiya na
magagamit sa larangan ng komunikasyon upang mapalawig pa natin ang ating ugnayan
sa ibang tao. Ngunit sa kabilang banda, dapat ay maging mapanuri tayo sa mga bagay-
bagay na ating nakikita at tinatangkilik dahil maaaring may epekto ito sa atin na hindi
natin agad namamalayan. Huwag magpadaig sa pangalan, presyo at taong
nagpapakilala sa mga ito, ang mahalaga ay suriin ang kalidad at serbisyong pinangako
ng produkto upang hindi masayang ang perang pinaghirapan. Hindi masama ang
tumangkilik ng ibang produkto, ngunit ang lubos na pagtangkilik ay nagreresulta sa
pagtalikod natin sa ating sariling gawa na maaari pang magkaroon ng inobasyon kung
ito ay pagtutuonan ng oras, pansin at pagpapahalaga ng nakararami.

agos 209

MGA SANGGUNIAN
Napoleon M. Mabaquiao Jr. “Globalisasyon, Kultura, at Kamalayang Pilipino.”
MALAY, vol. 19, no. 3, 2007, pp. 1–0, ejournals.ph/article.php?id=7900. Accessed 20

May 2021.
“Vivo Remains a Top Smartphone Brand throughout the Pandemic Year.”

INQUIRER.net, 16 Dec. 2020, technology.inquirer.net/106492/vivo-remains-a-
top-smartphone-brand-throughout-the-pandemic-year. Accessed 20 May 2021.
“Vivo Mobile Price in Philippines | Vivo Phone Features and Specs - Mobile57 Ph.”
Mobile57, www.mobile57.com/ph/phones/vivo/. Accessed 20 May 2021.
“Vivo Now Holds PH Smartphone Top Spot.” The Manila Times, 20 Aug. 2020,
www.manilatimes.net/2020/08/21/public-square/vivo-now-holds-ph-
smartphone-top-spot/757948/. Accessed 20 May 2021.
Waring, Joseph. “China Brands Top Philippines Smartphone Growth.” Mobile World
Live, 10 Sept. 2018, www.mobileworldlive.com/asia/asia-news/china-brands-
top-philippines-smartphone-growth. Accessed 20 May 2021.
“What’s the Top Smartphone Brand This 2020?” Rappler, 17 Dec. 2021,
www.rappler.com/brandrap/announcements/vivo-top-smartphone-brand-
2020-international-data-corporation-mobile-phone-tracker. Accessed 20 May
2021.

agos 210

Ito At Ang Mundo Sa Gitna Ng Pandemya

Ni: Gwen Marie Camarines

Sa pagputok ng pandemya na nagpagimbal sa buong mundo, naglaho lahat ng
normal na gawain ng bawat indibidwal. Mula sa dating pagbabaybay sa kalye,
halakhakan kasama ng mga kaibigan, at pagtanggap ng mahihigpit na yakap. Nagbago
ang ihip ng hangin at sa isang iglap, naging bilanggo ang lahat sa kani-kanilang mga
tahanan. Hindi maikakaila na malaki ang naging epekto nito sa bawat isa. Lantad ang
hindi kagandahan sa pagbabagong dulot ng pandemya. Nagpahinto, pumigil sa
nakasanayan nating pamumuhay.

Sa mga naunang buwan, takot, lungkot at pagkabahala ang bumalot sa puso ng
marami. Sa umpisa rin umusbong ang iba’t ibang quarantine classification na
pinaniniwalaang makatutulong sa pagpapabagal ng hawaan. Itinalaga rin ng
administrasyon ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF),
isang ahensya na inaasahang nakapokus sa pagpapatupad ng mga hakbangin upang
maiwasan at masugpo ang COVID-19. Ilan lamang iyan sa mga pamamaraan ng
gobyerno upang tugunan ang biglaang pagbabago sa ating pamumuhay.

Isang taon makalipas ang unang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ang isang ito ay
naging daang libo, hanggang sa naging milyon. Sa daming uri ng GCQ, MGCQ, ECQ,
MECQ, lubos na nakababagabag na tila hindi ito epektibo. Maski ang biglaang NCR
bubble ay tila hindi rin sapat. Ika nga nila, kritikal na ang lagay ng bansa. Ngunit sa kabila
ng mga lantarang patunay na padausdos ang usad natin, ay “We are doing good,” batay
sa pahayag ni Pangulong Duterte.

agos 211

#ZOOM

Kritikal ang kalagayan ng bawat tahanan paglipas pa ng mga buwan. Hindi na
lamang sakit na COVID-19 ang nagiging problema, nagsanga-sanga na ito at pinalala
ang dati nang sakit ng ating lipunan. Kawalan ng trabaho, katiwalian, pagtaas ng bilihin,
paghihirap, at hindi ganap na inklusibong edukasyon. Sa kaliwa’t kanang problemang
kinakaharap ng bansa, hindi na alam kung ano pa ba ang unang iisipin at bibigyang-
pansin. Ngunit iisa lamang ang malinaw, ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa bansa.

Maraming nababahala sa kalagayan ng bawat indibidwal sa bansa kung patuloy
na ganito ang nangyayari. Isa rin sa mga malaking naapektuhan ngayon ay ang
edukasyon. Matatandaang naantala ang mga klase sa kasagsagan ng Marso taong 2020.
Ayon na rin sa banta ng pandemya ay minarapat na itigil ang akademikong taon kapalit
ng seguridad ng bawat mag aaral. Ngunit ang tanong, paano ito ipagpapatuloy at
masisigurong mataas ang kalidad at maayos pa rin ang edukasyon sa bansa?

Matagal-tagal pinag-isipan ng mga kagawaran ng edukasyon, ang Department
of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED), kung paano
matutugunan ang suliranin sa pagbubukas ng bagong akademikong taon. Isa sa mga
nakikitang ligtas na platapormang maipapakilala sa lahat ay ang Online Learning. Gamit
ang birtwal na espasyo ay maipaabot ang kaalamang pang-akademiko sa bawat mag-
aaral sa bansa. Basta may gadgets at koneksyon sa internet ay siguradong ayos na.
Dahil dito ay pumatok ang iba’t ibang aplikasyong makatutulong sa pag-agapay nito, at
isa na rito ang Zoom.

Kilala na’t marami na rin ang tumatangkilik sa aplikasyon na Zoom sa
kasalukuyan, lalo na’t kinakailangan na ng halos lahat ang birtwual na espasyo. Mula sa
simpleng kumperensya ng magkakaibigan, hanggang sa mga klase at maging sa mga
mahahalagang pagpupulong. Binuo ito ni Eric Yuan noong taong 2013 kasama ang 40
na inhinyero. Layon nito ang mapag ugnay-ugnay ang mundo sa pamamagitan lamang
ng ganitong pamamaraan na sa isang tawag lamang ay tila malapit pa rin.

Seguridad, pribado at ligtas na espasyo ang mga pangako ng Zoom para sa lahat.
Makikita naman din sa mga features nito na kinakailangan ng Meeting I.D. at Password
upang makapasok dito. Bukod pa rito ay ang paghingi ng approval ng puno sa
pagpupulong. Sa ganitong paraan ay nakasisiguro na hindi basta-basta ang mga
pwedeng pumasok sa isang pulong. Isa rin dito ay ang pagkakaroon ng pagkakataong
makita at makilala sino man sa buong bansa na hindi kinakailangan ng pisikal na

agos 212

#ZOOM

pagkikita. Ito ang kinakailangan lalo na ngayong naglilipana na ang sakit na COVID-19
sa bansa. Malaking tulong upang mapahupa ang suliranin at bilang ng mga may sakit sa
Pilipinas.

Ngunit kung may mga positibong hatid at dulot ang aplikasyong ito sa ating
bansa, lalo na sa mga indibidwal, ay marami rin itong negatibong epekto na siyang
nakababahala at naka-a-alarma. May isang insidenteng naganap sa isang Zoom
meeting noong Abril, 2020. Ayon sa GMA news, may biglang nakapasok na hacker at
nagsimulang gumuhit ng mga malalaswang imahe sa loob ng pulong. “Zoombombing”,
ang tawag sa pangyayaring ito, kung saan may hacker na nakapasok nang biglaan ng
hindi namamalayan at gagawa ng kung anu-anong “Milagro” sa loob ng meeting. Labis
na nakakabahala ang ganitong mga insidente. Ilan lamang ito sa marami pang problema
sa loob ng Zoom meeting. Patuloy na tumataas ang ganitong problema lalo na at uso
na ang paggamit ng birtwal na mundo ngayong pandemya. Kung mauulit pa ang
ganitong insidente, ano pa ang silbi ng sinasabi ng aplikasyong ito na sigurado ang
seguridad sa paggamit nito? Matatakot na ang lahat at maalarma lagi upang maiwasan
sa sitwasyong ito.

Malaki na ang papel na ginagampanan ng mga aplikasyon gamit ang internet sa
bansa at maging sa buong mundo. Isa itong rebolusyonaryong pagbabago sa
kasalukuyan. Ayon na rin sa isang artikulo, ang Zoom ay isa na sa pinakamahalagang
aplikasyon sa mundo rin ng negosyo. Talaga ring kasangga ito sa ngayon, hindi lamang
dito, maging sa mundo rin ng edukasyon. Maraming buhay ang nagbabago dahil sa
simpleng ugnayan na hatid nito sa mundo.

Malungkot lamang isipin na hindi lahat ay may kakayahang magkaroon ng akses
dito. Alam ng karamihan na kinakailangan ng pera upang makakuha ng premium access
dahil hindi sasapat ang libreng features nito. Maraming kulang at hindi matutugunan
ang pangangailangan lalo na ng mga guro upang maging tulay ito sa pagtuturo. Isa itong
patunay na hindi ito maka-masa. Tanging may kakayahan lamang ang makahahagilap
ng mga magagandang features nito at makapagpapalawak ng kakayahan sa loob ng
birtwal na espasyo ng Zoom.

Kung iisipin, paano mapapalago ang kakayahan at kaalaman ng isang indibidwal
sa bagong kadawyan sa konteksto ng edukasyon kung dito pa lamang ay hindi na lahat
pwedeng mapagbigyan? Paano kahaharapin ang mapanghamong mundo kung sa

agos 213

#ZOOM

ganitong aspeto pa lamang ay hindi lahat ay magagawa? Kung sa usapang lokal ay hindi
na handa sa pagbabago, paano pa mahuhubog ang aspetong globalisasyon? Hindi ba
nakalulungkot isipin na nahuhuli na ang bansang Pilipinas sa usaping ganito? Ito ang
mga katanungan na mahirap tugunan kung mismong tayo, lokal, at gobyerno ay hindi
magkakawanggawa upang masolusyunan ito.

Kaya naman dapat sa tahanan pa lamang ay naituturo na ang pagkakaroon ng
mabuting kumpitensiya upang mahasa ang bawat isa sa reyalidad. Ang eskwelahan at
mga guro ang may malaking gampanin upang maituro ang mga sasapat at liliglig sa
kaalaman ng mga mag aaral tungo sa totoong set-up pagkatapos ng pag-aaral. Gayon
din ang komunidad, sila ang nagsisilbing gabay upang mapamahalaan ang lokal na
pamayanan sa kanilang pang-araw-araw. At ang indibidwal, maging responsable sa
pagkatuto at pagkamaalam sa mundong ginagalawan. Lahat ay may kani-kaniyang
tungkulin sa paglago ng bawat isa at ng bayan.

Ang Zoom ay isa lamang tulay sa pagkakaisa ng lahat. Tagapaghatid ng
impormasyon na benepisyaryo sa nakararami. Malaki ang ginagampanan nito lalo na sa
panahon ng pandemya. Maliit man na grupo, negosyo at lalo na sa edukasyon, ang
tulong nito ay higit pa sa kaalaman ng lahat. Binuo ito sa layong mapag-ugnay ang sino
man sa bawat parte ng mundo. Sana pahalagahan ito ng lahat dahil sa hatid na
positibong epekto nito. Ngunit lagi ring tatandaan na maging alisto sa mga
mapagsamantalang nananalanta sa mga online video communication platforms. Maging
responsableng netizen at huwag kalimutan na marami pa ring peligro ang maaaring
lumabas. Maging mapagmatyag at siguraduhin palagi ang kaligtasan upang maiwasan
ang mga insidenteng ito. Dahil ayon din sa kilalang tagline, “Iba ang may alam”.

agos 214

MGA SANGGUNIAN

Aten, Jason. “Zoom Became the Most Important App in the Business World Overnight.

Here Are 5 Reasons.” Inc.com, 26 Mar. 2020, www.inc.com/jason-aten/heres-

how-zoom-became-most-important-app-in-world-its-really-quite-simple.html.

Bernazzani, Sophia. “Everything You Need to Know about Using

Zoom.” Resources.owllabs.com,

resources.owllabs.com/blog/zoom#:~:text=Zoom%20is%20a%20cloud-based.

“Duterte: PH ‘Doing Good’ on COVID-19 Response Compared with Other

Countries.” Cnn, www.cnnphilippines.com/news/2021/5/4/Duterte-PH-

COVID-19-response-.html.

Enssle, Jonathan. “History of Zoom.” The Sentry, 22 Apr. 2020, cu-

sentry.com/2020/04/22/history-of-zoom/.Google.com, 2021,

www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=play.google.com/store/apps

/details%3Fid%3Dus.zoom.videomeetings. Accessed 26 June 2021.

“Pros & Cons of Zoom: Analysis of a Video Conferencing

Software.” Financesonline.com, 4 Sept. 2019, financesonline.com/pros-cons-of-

zoom/#:~:text=The%20pros%20and%20cons%20of%20Zoom%20revolve%20a

round%20its%20ability. Accessed 26 June 2021.

“STAND for TRUTH: ‘Zoom Bombing’ Victim Details Hacking Experience.” GMA News

Online, www.gmanetwork.com/news/news/nation/733098/zoom-bombing-

victim-details-hacking-experience/story/.

“‘Zoombombers’ Disrupt Online Classes with Racist, Pornographic

Content.” Www.insidehighered.com,

www.insidehighered.com/news/2020/03/26/zoombombers-disrupt-online-

classes-racist-pornographic-content.

agos 215

MGA SANGGUNIAN
MGA DIBUHONG GINAMIT:
Salaya, Jury. Terrorist Anti-Terror Law- Duterte’s Declaration of Martial Law, 5 May 2020,

www.behance.net/gallery/96572687/Editorial-Cartoons-Comics-Strips. Accessed 16
June 2021.
Toledo, Eddielyn. Bunga Ng Tinanim, 7 Oct. 2020, scontent.fmnl4-1.fna.fbcdn.net/v/t1.6435-
9/120810521_1557991321055162_3773858509605576994_n.png?_nc_cat=104&ccb
=1-
3&_nc_sid=730e14&_nc_eui2=AeE32Imnb3Oq2EQv5KskqkjG2QquaAmcL1PZCq5
oCZwvU_5KfykyZP3hhAMP1ikRO0MQZ60ozRgubNqprMxAoJNJ&_nc_ohc=Mh
W81PMQkzoAX8L2TNI&_nc_ht=scontent.fmnl4-
1.fna&oh=81e91805458a0e5c7d7e49a008f6d34c&oe=60E7A88E. Accessed 20 June
2021.

agos 216

BANGGIT-PASASALAMAT

Dr. Voltaire Villanueva
Tagapayo

Regina Lorraine Eustaquio
Punong Patnugot

Jomil Christian Liza
Puno, Komite ng Nilalaman

Mga Bahagi ng Komite:
Eustaquio, Regina Lorraine ∙ Fidel, Marco Nathaniel ∙ Lai, Kathleen Irish

Dharenz Kelly Taborda
Puno, Komite sa Gramatika

Mga Bahagi ng Komite:
Balanzat, Bryan ∙ Collera, Crystal Liz ∙ Eustaquio, Regina Lorraine ∙ Panuncio, Jonel ∙ Rala,

Lady Ysmaela ∙ Rosario, Zsarah Monica ∙ Sadsad, Nikka

Kristine Villaluna
Puno, Komite sa Pag-aanyo

Mga Bahagi ng Komite:
Aviles, Denise Cyril ∙ Dionisio, Queen Aira ∙ De Guzman, Karen ∙ Llanita, Decieh Marie ∙

Mendoza, Charlene Lovely ∙ Salle, Kenneth

MGA MAY-AKDA:
Albano, Trina Mae ∙ Allauigan, Heidee ∙ Aviles, Denise Cyril ∙ Balanzat, Bryan ∙ Camarines,
Gwen Marie ∙ Collera, Crystal Liz ∙ Cruz, Hans Gabriel ∙ Cruz, Regina ∙ De Guzman, Karen ∙
Dionisio, Queen Aira ∙ Eustaquio, Regina Lorraine ∙ Fidel, Marco Nathaniel ∙ Imperial, Kryznel

Mari ∙ Jurial, Jayvee ∙ Lai, Kathleen Irish ∙ Liza, Jomil Christian ∙ Llanita, Decieh Marie ∙
Lucerio, Leona Allyssa ∙ Medellin, Piolo ∙ Mendoza, Charlene Lovely ∙ Panuncio, Jonel ∙
Pinlac, Mhycaela Jem ∙ Rala, Lady Ysmaela ∙ Ramos, Mark Kenneth ∙ Rosario, Zsarah Monica
∙ Sadsad, Nikka ∙ Salle, Kenneth ∙ Santos, Leverose ∙ Taborda, Dharenz Kelly ∙ Tomelden,

Beatriz Jasmin ∙ Villaluna, Kristine

agos

upayb

agos


Click to View FlipBook Version