#QUEEN’S GAMBIT
epektibong opensa sa panimula ng laro. Sa paglalapat ng estratehiyang The Queen’s
Gambit sa Panitikan at Kulturang Popular, gayon din sa aktuwal na serye, ito ay tila
isang opensa para sa P.K.P kung paano inako ng pangunahing tauhan na si Beth ang
mga salik na dulot ng kaniyang kapaligiran at mga taong nakasasalamuha sa paraan ng
kaniyang pag-iisip, hilig, pag-uugali at maging sa kaniyang pananamit.
Anomang kaganapan mula noong pagkabata ay maaaring isang malaking
impluwensiya sa pagbuo ng identidad ng isang indibidwal. Ayon nga sa saliksik ng
American Academy of Pediatrics, ang sunod-sunod na masalimuot na pangyayari sa
bata ay nagdudulot ng toxic stress na kritikal para sa pag-unlad ng bata. Nakakaapekto
ang toxic stress sa kakayahan ng katawan na magkaroon ng reaksyon kung malalagay
sa panganib sa pamamagitan ng pagtaas ng rate ng puso, presyon ng dugo, at mga stress
hormone tulad ng cortisol. Subalit, dulot ng mga msasalimuot na karanasan ng mga
bata, tumataas ang toxic stress ng kanilang katawan kung kaya nagdudulot ito ng
matagal na tugon ng isipan sa nais ng katawan o ‘di kaya’y ang pakiramdam ng
pagkagambala. (LaraForNm)
Bagamat mapaminsala ang dulot ng toxic stress sa identidad ng indibidwal, higit
na para sa mga bata, isang matibay na rekomendasyon na ang mga taong nakapaligid
sa mga bata ay malaking impluwensya upang masolusyunan ang problemang dulot ng
nakalalasong stress na ito. Ang mga magulang, adultong tagapangalaga at/o mismo ang
mga kabahagi ng lipunang ginagalawan na nagpapakita ng pagsuporta at positibong
relasyon para sa mga indibidwal ay makatutulong upang makaiwas at salungatin ang
masamang dulot ng stress. (Center for Health Protection)
Ang Methuen Homes na isang bahay-ampunan ay isang tipikal na halimbawa ng
isang lipunang idinikta ang pananamit. Bunsod ng kaisipang nakaugat sa Kristyanismo,
itinuturing ang katawan bilang sagrado at hindi dapat na madungisan, kung kaya,
idinidikta ang marapat na damitin ng bawat bahagi nito na mahabang palda, maayos na
buhok at pang-itaas na balot ang pangangatawan at mahigpit na ipinagbabawal ang
kasuotang hapit sa katawan. (Ang Simbahan ni JesuCristo) Subalit, ang konsepto ng
pananamit na nakakulong sa Kristyanismo ay pangunahing tuon ay kung ano ang
pananaw ng mga namumuno ng relihiyon sa pananamit ng mga bata ngunit walang
nagaganap na pagsang-ayon para sa panig ng kabataan. Marapat na ang kasuotang
agos 143
#QUEEN’S GAMBIT
gagamitin ng mga bata ay: (1) komportable, (2) gusto ng bata, (3) akmang kulay, at (4)
may kaangkupan sa paggamitan ng kasuotan. (Salud)
Sa edad 12 hanggang 14 naman ay makararanas ang kabataan ng kagustuhang
mapabilang sa isang grupo upang makisalamuha kahit na isaalang-alang ang kabutihan
o kasamaan ng gawain (Lipsey and Darzon, 1998). Subalit, ang grupo ng kabataan na
may mga masasamang gawi ay maaaring magkaroon ng malaking impluwensiya sa
indibidwal na bumubuo ng identidad. Ang udyok na ihuli ang kulay berdeng gamot na
tranquilizer mula sa mga mas nakatatanda at mas matagal na namamalagi sa loob ng
bahay ampunan, ay naging isang malaking pagtataka mula sa pangunahing karakter
hanggang sa mauwi sa pagtatangkang gawin.
Subalit, bukod sa kalinga at suporta ng mga taong nakapaligid para maibsan ang
masamang dulot ng toxic stress. Isa ring mabuting hakbangin para sa mga nakararanas
nito ay ang paghahanap ng libangang tiyak na mahahanap ang kaligayahan. Tulad ng
pangunahing bida, dulot na rin ng pagtataka at pagtatangka nang masilayan nang unang
pagkakataon ang chess at itinulak na rin ng kagustuhang matuto sa tulong ng nagsilbing
guro niya sa larong ito, nahanap ng bidang babae ang saysay at ang kaniyang
kagustuhan sa larong ito. Ang larong chess ay maraming magandang dulot sa pisikal,
mental, emsyonal, pakikipagkapwa, at maging sa pagbuo ng desisyon. Ilan na rito ay
nakatutulong ito sa paghasa ng memorya, pagbuo ng konsentrasyon at atensyon sa
laro, pagpapabuti ng pangangatuwiran, malaking tulong sa kalituhang emosyonal,
pagbuo ng desisyon at paghubog ng respeto sa mga kakayahan ng kapwa. (Myy Kids)
Naging isang malaking kakulangan ang kawalan ng ama mula noong pagkabata
kung kaya, ang apeksyon sa kalalakihan at pagtataka ay umusbong noong magsimulang
magdalaga. Ayon nga sa isang pananaliksik mula sa Inglatera, ang mga batang nakaranas
ng pagmamahal at aruga ng isang ama ay mas mabilis at matibay ang pag-uugali at
sikolohikal, samantalang ang mga hindi naman ay nagkakaroon ng pangmatagalang
masamang epekto tulad ng hindi metatag na damdamin at ang pag-usbong ng mga
problema sa pagsapit ng tinedyer. (Akvareli)
Kinalaunan, mas naging bukas na ang kaisipan ng bida sa mga usaping sekswal,
nabubuo na rin sa isipan ang mga pagkakataon na masubukan dahil na rin sa mga
bagong kamag-aral na kaniyang nakikita na tampok sa bagong paaralang pinasukan
matapos kupkupin ng isang mag-asawang walang anak. Subalit, ang kaisipang sekswal
agos 144
#QUEEN’S GAMBIT
ay dumarating kasabay ng pisikal na kaanyuan. Dahil sa pangungutsa na rin ng mga nasa
paligid at upang maka-angkop sa bagong lipunang ginagalawan, ang pagnanais na
magkaroon ng glamorosong pananamit at magarbong pamumuhay hanggang sa maabot
ang rurok ng karangyaan.
Isang malaking patunay na likas na sa isang indibidwal na maki-angkop sa bagong
lipunang kabibilangan. Maaaring bunsod man ito ng pangungutya dahil sa kaibahan o
‘di kaya ay pansariling kagustuhang umayon sa kahingian ng bagong lipunan.
Ipinagpasalagay sa pananaliksik na isinagawa ni Cassie McMillan na mag-aaral ng
doktoral sa sosyolohiya at kriminolohiya, naging kapansin-pansin na mas mataas ang
porsyento na maimpluwensiyahan ang kababaihan ng mga peligrosong ugali at gawi
kaysa sa mga lalaki. Dagdag pa nito, mas binibigyang tuon sa pagpili ng grupong
kabibilangan ang katangian ng pag-uugali ng grupo kaysa sa estruktura at karakter ng
mga kabilang nito. (Swayne)
Ang mga dalagang nakasasalamuha ng mga taong umiinom ng alak at/o
naninigarilyo ay may malaking porsyento na subukan ang mga gawaing ito. (Huang,
Unger and Soto) Ipinakita sa serye kung gaano kalaki ang impluwensiya ng mga
nakasasalamuha ng karakter sa mga naging gawi tulad ng pag-inom hanggang sa
nakulong na sa sistema ng alak ang pangunahing bida bilang daan upang matalikuran
ang mga alaala ng pagkasawi at pangungulila.
Sa pangkalahatang kaisipan, ang mga karanasan sa pagkabata ay isang malaking
impluwensiya sa pagbuo ng mga pangunahing pag-uugali na maaaring dalhin hanggang
sa pagdadalaga o pagbibinata. Subalit, habang lumalaki ang bata, mas nagiging malaki
ang impluwensiya ng mga taong nasa paligid tulad ng mga kaibigan, kamag-aral at mga
taong nakasasalamuha sa pagbuo ng hilig at mga panibagong ideya na nais subukan.
Dagdag pa rito, tulad ng pagmamahal ng Pilipinas para sa larong basketbol,
kawangis nito ang pag-ibig ng mga Russian sa larong chess. Ang kagalingan ay
mababakas sa mga kalye nito at ang pagtanggap sa mga manlalaro ay tatagos sa
lipunang mayroon ang bansa. Mababakas ang kaisipan na ang suporta ng lipunan ay
maaaring magtulak sa isang indibidwal na mas magiging matatag.
Higit sa lahat, ang simbolismong inihatid sa pagtatapos ng serye ay napakatibay.
Isang pahayag na ang kababaihan ay marapat na tingnan bilang isang malakas na
agos 145
#QUEEN’S GAMBIT
puwersa rin ng lipunan. Isang patunay na sa larong pinaghaharian ng hari, may reynang
kaya ring tumindig at umibabaw sa kabila ng pagpigil ng lipunan.
Sicilian Defense: Istilong Depensa para sa mga
Panitikan at Kulturang Ikinansela
Ang Sicilian Defense ang isa sa mga pinakatanyag na taktikang pandepensa
laban sa banta ng pag-atake ng kalaban ngunit ito rin ay kinikilala bilang isa sa mga
pinaka-epektibo pagdating sa depensa dahil sa malawak nitong baryasyon na
nakadepende sa sitwasyong paggagamitan.
Implikasyon nito sa reyalidad at maging sa serye ng The Queen’s Gambit ay
maibubuod sa linyang binanggit ni Alma Wheatley, na nagsilbing ina ni Beth, “What you
know isn’t always what’s important”. Ito ay maihahalintulad natin sa mga Panitikan at
Kulturang Popular na bagamat alam at nais natin na isabuhay, ngunit hindi aangkop sa
kahingian ng panahon at kaangkupan. Bilang paghahalintulad, ang mga seryeng bahagi
ng panoorin ay nagpapakita ng pag-iling ng pangunahing bida sa mga kultura at
panitikan na inalok ng lipunan.
Nagsisilbing salamin ng lipunan ang musika na kung itinatampok ang mga
panitikan at kulturang nauuso, patuloy din itong nagbabago at ang mga tampok ay
mabilis ding napapalitan. Napakalawak nito, haos bawat linggo’y may bagong usong
uusbong at tatangkilikin ng madla. Subalit, ang kagustuhan sa musika ay hindi parehas
ang bawat isa, ‘pagkat maaaring ito’y dulot ng aspetong panlabas – kalantaran,
impluwensya ng kaibigan at/o pamilya, kaangkupan ng musika sa sitwasyon – at maging
ang apetong panloob na ritmo, harmonya, timbre, istruktura at liriko nito. (O'Bannon)
Ang musikang sapillitang ipinipihit ng kapilya sa Methuen Homes na
panrelihiyosong awitin ay hindi tinanggap ng murang edad na Beth dahil na rin sa
kawalan ng repleksyon at interes para rito na higit na hinigitan ng pag-ibig para sa
larong chess. Nag-ugat ang pagiging superyor sa mga maliliit na patimpalak at
pakikipagtagisan ng husay sa mga mas matatandang Chess Grandmasters ay nagdulot
ito ng kakaibang timpla para sa nais niyang musika kung kaya’t ang mga tampok na
musika para sa mga tinedyer ay hindi na nais at isinantabi ang handog ng lipunan.
Isang pananaliksik na tumagal nang 15 taon ang isinagawa sa bansang Amerika
sa pangunguna ni Nim Tottenham. Ang mga pitong taong gulang na bata ay isinabak sa
agos 146
#QUEEN’S GAMBIT
eksperimento sa musika at naging lantad sa mga musikang popular noong panahon na
ito (1990) na kung saan ay nangunguna ang tugtugin ng Backstreet Boy. Matapos ang
isa’t kalahating dekada, ngayo’y mga 22 taong gulang na ang mga pitong taong gulang
noon, napag-alamanan na nagsilbing tagapawi ng lungkot o kaya’y kabawasan sa stress
para sa mga respondente ang mga awiting tampok noong panahong 1990.
Sa pagtataya ng gampanin ng musika sa pagpili at pag-alis ng handog ng lipunan,
mas malaki ang gampanin ng kultura sa paghubog ng kagustuhan sa pagpili ng musika
kaysa sa kakayahan ng isipan na pumili ng gugustuhing awitin. (Howard)
Bilang paglalahat, ang bawat tao ay isang manlalaro ng chess, maaaring ang
bawat piyesa ay matawag na mga halimbawa ng Panitikan at/o Kultura na nakapaloob
sa ating lipunan, mayroong pagkakataon na maaaring makuha ng manlalaro ang piyesa
ng panahon, ito ay kaniyang babaunin, ngunit may pagkakataon din na mas pipiliin ng
manlalaro na hindi damputin ang piyesang nakahain na sa harap. Ito ay hindi isang
kaduwagan, bagkus ang bawat manlalaro ay mahusay, pinag-iisipang mabuti kung
angkop ba o kapaki-pakinabang ba ang Panitikan at Kulturang iyon at kung magagamit
sa hinaharap. Kung sakaling hindi, tama lamang na iwasan at daanan ang wala namang
saysay. Karagdagan, ang lipunan ay isang chess, bagamat lantad ang kahalagahan ng
King, subalit mas tinitingnan natin na ka-lebel nito ang kaniyang Reyna na simbolo ng
kababaihan at patunay na ito ay makapangyarihan. Panghuli, ang buhay ay isang chess,
may nanalo at may natatalo, at kung sakaling makatikim ng pagkatalo, normal lamang
ang makaramdam ng pagkapoot, ngunit gamitin ito upang mamunga. Tulad ng wika ni
Harry Beltik, “Anger is a potent spice. A pinch wakes you up, too much dulls your
senses.” Ang mga tao ay isang manlalaro sa lipunan kung kaya’t:
“Let’s Play!”- Elizabeth Harmon
agos 147
MGA SANGGUNIAN
Akvareli. "Kalusugan at Buhay. " 2021. Akvareli. Nagmula sa https://tl.akvareli.info/peran-
ayah-pengaruhi-perkembangan-anak-8003
American Academy of Pediatrics. "Adverse Childhood Experiences and the Lifelong
Consequences of Trauma." (2014): 1-5. Nagmula sa https://www.hcn.org/articles/the-
montana-gap-the-lifelong-mental-health-consequences-of-childhood-
trauma#:~:text=Adverse%20childhood%20trauma%20affects%20physical,loss%2C%
20neglect%20and%20serious%20illness.
Ang Simbahan ni JesuCristo. "Para sa Lakas ng mga Kabataan: Pananamit at Kaanyuan." n.d.
Church of Jesus Christ. Nagmula sa https://www.churchofjesuschrist.org/manual/for-
the-strength-of-youth/dress-and-appearance?lang=tgl
Apolonio, Albert. Can You Keep A Secret? Quezon City: PSICOM Publishing Inc. , 2017.
Nagmula sa
https://books.google.com.ph/books?id=zH7pDwAAQBAJ&pg=PA79&dq=ang+buhay
+ay+isang+chess&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwj0rp2UxNfwAhXDad4KHT6-
DncQ6AEwAHoECAgQAg#v=onepage&q=ang%20buhay%20ay%20isang%20chess&
f=false
Canlas, Amir. "Unveiling the Views and Experience of Juvenile Delinquents: Toward
Understanding the Nature of Juvenile Delinquency." PhD Thesis. 2012. Nagmula sa
https://rpo.ua.edu.ph/wp-content/uploads/2020/06/2-math-armin-canlas-
September-21-2018.pdf
Center for Health Protection. Stress Management in Children [Tagalog version]. Medical
Report. Hong Kong, China, 2020. Nagmula sa
https://www.chp.gov.hk/files/pdf/stress_management_in_children_tagalog.pdf
Chess Strategy Online. "Introduction to Chess Strategy: The Queen." n.d. Chess Strategy
Online. Nagmula sa
https://www.chessstrategyonline.com/content/tutorials/introduction-to-chess-
strategy-the-queen
Chess.com. "Chess Terms." n.d. Chess.com.Nagmula sa https://www.chess.com/terms/chess-
bishop
Dummies. "Recognizing the Role of the Rook in Chess." n.d. Dummies. Nagmula sa
http://dummies.com/games/chess/recognizing-the-role-of-the-rook-in-chess/
agos 148
MGA SANGGUNIAN
Eade, James. Chess for Dummies - 2nd Edition. Hoboken City: Wiley Publising Inc. , 2005.
Nagmula sa
https://books.google.com.ph/books?id=wBfugjeteR8C&printsec=frontcover&dq=ano
+ang+chess&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwialKj2ydfwAhXSBKYKHasPDvIQ6AEwAHo
ECAUQAg#v=onepage&q&f=false
Howard, Jacqueline. "Where your taste in music comes from." 2017. CNN Health. Nagmula
sa https://edition.cnn.com/2016/08/10/health/where-taste-in-music-comes-
from/index.html
Huang, Grace C, et al. "Peer Influences: The Impact of Online and Offline Friendship Networks
on Adolescent Smoking and Alcohol Use." Journal of Adolescent Health (2014): 508-
514. Nagmula sa
https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S1054139X13003662
International Chess Federation. "Standard Top 100 Players May 2021." FIDE Chess Ratings
2021. Rankings. Nagmula sa https://ratings.fide.com/top.phtml?list=men
LaraForNm. "Ang Mga Epekto ng Nakakalason na Stress sa Pag-unlad ng Utak ng Mga Bata."
Medikal. 2021. Nagmula sa https://tl.larafornm.com/effects-toxic-stress-children-
brain-development-6201
Ma, Wei Ji. "The Real Reasons All the Top Chess Players Are Men." December 2020. Slate.
Nagmula sa https://slate.com/technology/2020/12/why-are-the-best-chess-players-
men.html
MasterClass. "What Is a Pawn in Chess? Learn How to Move Your Pawn Pieces." 2021.
MasterClass. Nagmula sa https://www.masterclass.com/articles/what-is-a-pawn-in-
chess#what-are-the-basics-of-pawn-structure
Myy Kids. "ANG PITONG BENEPISYO PARA SA MGA BATA NG PAG-AARAL NA MAGLARO
NG CHESS." 2021. Myy Kids. Nagmula sa https://tl.myykids.com/los-siete-beneficios-
para-los-ni-os-de-aprender-jugar-al-ajedrez
O'Bannon, Ricky. "What Does Your Music Taste Say about How You Think?" n.d. Baltimore
Symphony Orchestra. Nagmula sa
https://edition.cnn.com/2016/08/10/health/where-taste-in-music-comes-
from/index.html
Saliksik E-Journal. "ANG KABABAIHAN NG KATIPUNAN, ANG KATIPUNAN SA
KABABAIHAN: ISANG DISKURSO SA AMBAG NG MGA BABAE SA HIMAGSIKANG
agos 149
MGA SANGGUNIAN
PILIPINO." Multidisiplinaryong E-Journal (2017): 97-154. Nagmula sa
https://www.researchgate.net/publication/337949713_ANG_KABABAIHAN_NG_K
ATIPUNAN_ANG_KATIPUNAN_SA_KABABAIHAN_ISANG_DISKURSO_SA_AMBAG
_NG_MGA_BABAE_SA_HIMAGSIKANG_PILIPINO
Salud, C. S. "DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGPILI NG DAMIT NG MGA TSIKITING." 2018.
Nagmula sa http://pilipinomirror.com/dapat-isaalang-alang-sa-pagpili-ng-damit-ng-
mga-tsikiting/
Smerdon, David. "What’s behind the gender imbalance in top-level chess?" December 2020.
The Conversation. Nagmula sa https://theconversation.com/whats-behind-the-
gender-imbalance-in-top-level-chess-150637
Sterlin, Svetlana. "The Queen's Gambit: 15 Best Quotes." 2021. Screen Rant. Nagmula sa
https://screenrant.com/queens-gambit-best-quotes/
Swayne, Matthew. "Kung Paano Makakaapekto ang Pagkakaibigan sa mga Kabataan sa
Pagkahihintulutan." n.d. InnerSelf. Nagmula sa
https://tl.innerself.com/content/personal/relationships/parenting/17938-how-
friendships-can-push-teens-especially-girls-to-delinquency.html
The Chess Website. "Queen's Gambit." n.d. The Chess Website. Nagmula sa
https://www.thechesswebsite.com/queens-gambit/
Wholesale Chess. "Chess Pieces and How They Move." n.d. Wholesale Chess. Nagmula sa
https://www.wholesalechess.com/pages/new-to-chess/pieces.html
agos 150
Simbolismo, Yugto ng Patimpalak, Lunsaran sa
Edukasyon na Karapat-dapat.
Ni: Kathleen Irish Lai
Likas sa bansang Pilipinas ang pagtangkilik sa iba’t ibang patimpalak at isa sa mga
namumukod tangi rito ay ang patuloy na pagsuporta sa mga beauty pageants. Mula pa
man noon nagsisilbing bahagi na ng libangan at pinagkukunan ng kaalaman at
inspirasyon ang ganitong klase ng patimpalak. Tila ba naging bahagi na ito ng kultura ng
bansa. Kung kaya marami na rin ang nagsulputan na mga patimpalak mula sa mga
baranggay, sitio, baryo at sa marami pang lugar sa Pilipinas. Isa sa pinaka tinitingala at
kini-kilala na beauty pageant contest sa bansa ay ang Miss Universe Philippines.
Noong Oktubre ng nagdaang taon ay nagkaroon ng bagong yugto ang Miss
Universe Philippines kung saan sa loob ng 40 kandidata ay si Rabiya Mateo ang
itinanghal at nag-uwi ng korona (Rappler, 2020). Isang Ilongga na mula sa mahirap na
pamilya at lumaki sa piling ng kaniyang ina kasama ang kanyang nakababatang kapatid.
Nakatapos siya ng kaniyang pag-aaral bilang cumlaude sa kursong batsilyer ng
edukasyon sa physical therapy sa Iloilo Doctor’s College sa Molo, Lungsod ng Iloilo.
Tagapagsulong din ng edukasyon si Rabiya, isa siya sa mga boluntaryong nagtuturo sa
mga kabataan na walang kakayahan na makapasok sa paaralan sa kanilang bayan. Bago
pa man din sumabak sa laban, siya ay tagapagsalita sa iba’t ibang review centers.
Alinsunod dito, tunay na ang tulad ni Rabiya ay isang babaeng maaaring maging
inspirasyon sa bawat isa. Taglay niya ang korona hindi lamang ng Miss Universe
Philippine maging ang dedikasyon at puso sa pagtuturo at pagtulong sa iba.
Gayunpaman, si Rabiya ay isang simbolo hindi lamang ng mga kababaihan na hindi
tumigil na magsumikap makamtan lamang ang pangarap. Bagkus, maituturing na mukha
ng pakikipagkapwa, edukasyon at pagsusumikap.
agos 151
#RABIYA
Maraming mga kritisismo sa isang patimpalak na maaaring maka-impluwensiya
sa pananaw ng isang kandidata. Subalit, ang pagsulyap sa pinagmulan at layunin kung
bakit nakiki-bahagi sa patimpalak na iyon ang siyang dapat gawing batayan at
panghawakan. Ito ang dapat maging motibasyon sa patuloy na pagsulong. Ito ay
simbolismo ng edukasyon, kung saan kinakailangan na maging matatag tayo at lagi’t
laging balikan kung ano ang mas makabubuti at angkop sa konteksto ng bansa kahit
pa maraming nakahain na impluwensya mula sa iba. Pinakamatibay at epektibo pa rin
ang pagtingin at pag-uugnay sa Wika, Kultura at Lipunan ng bansa. Magandang maging
kasangga ito upang patuloy na magsumikap at sumulong ng hindi naisasantabi ang
sariling pagkakakilanlan.
Hindi madali ang ganitong pananaw sapagkat tulad sa isang patimpalak,
maraming bahagi ang kailangan pagdaanan at bawat yugto ay mahalaga. Nagsisilbing
pundasyon at batayan kasi ito ng hindi matatawaran na pagtatanghal na nagbibigay
saya at nagdudulot ng inspirasyon sa mga tagasubaybay. Kung kaya ang mga yugto na
ito ay kinakailangan pagdaanan upang maging malinaw kung para saan at kanino ba
tayo bumabangon at patuloy na sumusulong.
Narito ang mga Yugto na kinakailangan bagtasin at pahalagahan:
I. Preliminary Interview
Sa buhay, ang pakikipagkapwa ay isang mahalagang yugto na kinakailangan
pagdaanan. Mahalaga ito upang magkaroon ng paunang kaalaman ang bawat isa sa
pinagmulan at pinagdaanan ng kapwa nila. Madalas ang ganitong estilo sa mga
patimpalak ay siyang nagdudulot ng paunang impresyon sa mga kandidata. Gayundin,
sa buhay ng tao, masining na pakikipag-usap ang siyang tutulong upang patuloy na
makilala ang isa’t isa. At sa usapin ng pagkakaroon ng kalidad na edukasyon
napakahalaga na magkaroon ng paunang paghahanda o pag-pa-plano, paunang
pagsisiyasat at paunang pagtingin sa mga bagay na maaaring magamit o makatulong sa
pagkakaroon ng malaman at epektibong talakayan sa loob ng silid-aralan dahil kapag
walang pag-pa-plano o paghahanda tiyak ito ay nagdudulot ng kabiguan. (Meador)
II. National Costume
Sa usapin ng beauty pageant, isa ito sa talaga nga namang inaabangan ng mga
sumusubaybay. Ito kasi ang bahagi kung saan na-ipa-pamalas ng mga kandidata ang
kanilang mga ipinagmamalaking simbolo at produkto mula sa lungsod na kanilang
agos 152
#RABIYA
pinagmulan. Kaalinsabay nito ay ang kultura at sining ng bawat lungsod. Ayon kay
(Kottak, 2011), ang Kultura ay kalipunan ng kaalaman, paniniwala, sining, tradisyon, at
iba’t ibang gawain na taglay ng isang komunidad o pamayanan. Kung saan, sa usapin ng
edukasyon mababatid na ang pagkakaroon ng kaalaman sa pinagmulan ng isang bagay,
tradisyon at paniniwala ay mahalaga upang maging mas malaman ang talakayan na
gagawin sa loob ng silid. Mahalaga rin na nagkakaroon ng pagpapaunawa at paglalapat
ng mga kultura sa bawat isa upang hindi maging sarado at maging malay. Bagamat may
iba’t ibang nakasanayan magiging bukas pa rin sa kaisipan na ito’y maaaring pagsamahin
at makabuo ng malaman na talakayan.
III. Question and Answer Portion
Tanong, Sagot ay mahalaga at malaking bahagdan sa pagkilala sa magwawagi sa
isang patimpalak tulad ng beauty pageant. Sa bahaging ito makikita ang tindig at puso
ng isang kandidata pagdating sa pagsagot sa mga katanungan na maaaring may
kaugnayan sa kasalukuyang kalagayang panlipunan, mga isyu sa iba’t ibang sektor at
pananaw sa iba’t ibang talamak o ‘uso’ na mga usapin. Alinsunod dito, ang pagkakaroon
ng paghahanda o pagsasanay ay mahalaga (Kidman). Dito kasi malilinang ang estilo sa
pagsagot. Pagdating sa usapin ng edukasyon ang yugtong ito ay napakahalaga dahil
binabagtas nito ang iba’t ibang aspeto:
1. Nagiging daan ito upang ang guro ay magkaroon ng pagkakataon na tanungin
ang kanilang sarili kung ano nga ba ang dapat malaman ng kaniyang mga mag-
aaral. Kung anong mga esensyal na kaisipan ang dapat matutunan ng mga
mag-aaral.
2. Nagiging lunsaran din ito upang malinang ang kakayahan ng mag-aaral na
tumindig at magpahayag ng pananaw ukol sa mga usapin na ibabato ng guro.
Sa ganitong paraan malilinang ang kamalayang panlipunan at hindi maging
bulag sa kaganapan ang mga kabataan.
3. Ang Tanong, sagot ay isang pagkakataon ng pagpapalalim sa kakayahan na
makinig, magpahayag at makaramdam; guro man o mag-aaral.
4. Mahalagang tandaan din na ang pag-iisip sa uri ng pagtatanong nang naaayon
sa paksa ay mahalaga upang maiwasan ang hindi magandang dating nito sa
mga makakatanggap.
IV. Swimsuit Competition
agos 153
#RABIYA
Madalas na sa bahaging ito ng patimpalak lumulutang ang hubog ng katawan ng
bawat kandidata. Ito ay mula sa pagsisikap at pagdaan sa iba’t ibang pagsasanay
makamtan lamang ang ninanais na hubog ng katawan. Minsan pa nga ay kinakailangan
baguhin ang kanilang nakasanayan o routine. At sa usapin ng edukasyon, napakahalaga
na dumaan din sa yugtong ito kung saan ang bawat kaisipan, paniniwala, at metodo ay
dumadaan sa mabusising paghahanda o pagbabago na kahingian ng kaganapan.
Mayroong kwento sa bawat malikhain at kakaibang mga pamamaraan na naipapamalas.
Dumadaan sa mahirap na proseso ang mga tagapagtaguyod- ang mga guro.
Gayunpaman, banayad na sa kabila ng pagsubok dulot ng mga kinakailangang harapin
na pagbabago ay patuloy pa rin sa pag-usad sapagkat malinaw at nag-uumapaw ang
kagustuhan na maibigay ang nararapat na kaalaman sa mga mag-aaral.
V. Evening Gown Competition
Sa lahat ng beauty pageant, isa ito sa lagi’t laging nasa huling bahagi. Kung saan
dito makikita ang kinang ng mga kasuotan, ang husay sa pagrampa o pagdala ng mga
makukulay at mga elegante na damit. Dito rin madalas lumulutang ang mga tatak na
lakad o signature walk ng mga kandidata na madalas ay ginagawan pa ng iba’t ibang
turing. Tulad na lamang ng “Hala Bira Walk” ni Miss Universe Philippines 2020, Rabiya
Mateo. Sa usapin ng edukasyon, sa yugto na ito mababanayad ang aplikasyon ng mga
natutunan. Tulad nga ng laging sambit ng IMBAng guro mula sa Pamantasan Normal ng
Pilipinas na si Dr. Voltaire Villanueva, sa bawat ginagawa at pagpasok sa klase,
mahalaga na lagi’t laging mag-iiwan ng marka sa bawat mag-aaral na makakatulong
upang magkaroon ng pagninilay sa mga bagay-bagay na natutunan. Sapagkat balewala
ang mga yugto na pinagdaanan kung hindi ito maisasa-praktika o magagamit sa araw-
araw na pamumuhay.
Samakatuwid, ang mga yugto na nabanggit ay kinakailangan pagdaanan
sapagkat ito ang magsisilbing lunsaran upang maging matagumpay sa buhay at maging
inspirasyon din sa mga susunod pang henerasyon.
Ang tulad ni Rabiya ay isa lamang sa simbolismo na ang mga Pilipino ay hindi
nagpapatinag sa kahit anong hamon sa buhay. Ano man ang yugto na pagdaraanan,
masakit man ang mga paa at likod dahil sa taas at bigat ng bitbitin, patuloy lang sa
pagrampa nang sa gayon ay marating ang dulong bahagi upang maiuwi ang korona—
makamtan ang di magmamaliw na karanasan at kaalamang dulot ng edukasyon.
agos 154
#RABIYA
Kaya kung paano sana dumarami ang mga patimpalak na tulad nito, ay ganoon
din natin ipagpatuloy ang pagsulong sa iba’t ibang adbokasiya na lilinang at patuloy na
magpapalutang ng hindi matatawaran nating pagkakakilanlan. Marami man ang
impluwensya ng ibang karatig bansa sa usapin ng edukasyon ay patuloy tayong titindig
at hindi magpapatinag dahil sa mahigpit na pagkapit natin sa paniniwala na mayroon
tayong sariling Kasaysayan, Kaakuhan at Kasarinlan. Sariling batayan ng epektibong
pamamaraan na magagamit sa pagtatamo ng pagkatuto na pangmatagalan.
agos 155
MGA SANGGUNIAN
Escalona, Katrina. “Why The Philippines Dominates World Beauty Pageants.” Culture Trip, The
Culture Trip, 21 Nov. 2017, theculturetrip.com/asia/philippines/articles/why-the-
philippines-dominates-world-beauty-pageants/.
Cupin, Bea. “Meet Rabiya Mateo, Miss Universe Philippines 2020.” Rappler, Rappler, 26 Oct.
2020, www.rappler.com/entertainment/pageants/things-to-know-rabiya-mateo-miss-
universe-philppines-2020-winner.
Altatis, Conan, et al. “Rabiya Mateo Biography: 13 Things about Miss Universe Philippines 2020
from Iloilo.” CONAN Daily, 17 May 2021, conandaily.com/2021/05/16/rabiya-mateo-
biography-13-things-about-miss-universe-philippines-2020-from-iloilo/.
King-O’Riain, Rebecca Chiyoko. “Making the Perfect Queen: The Cultural Production of
Identities in Beauty Pageants.” Sociology Compass, vol. 2, no. 1, 2007, pp. 74–83.,
doi:10.1111/j.1751-9020.2007.00056.x.
Meador, Derrick. “Mga Istratehiya Para Sa Mga Guro: Ang Kapangyarihan Ng Paghahanda at
Pagpaplano.” Mga Istratehiya Para Sa Mga Guro: Paghahanda at Pagpaplano,
tl.eferrit.com/mga-istratehiya-para-sa-mga-guro-ang-kapangyarihan-ng-paghahanda-
at-pagpaplano/.
Fernando, Cielo. “Ang Mayamang Kulturang Pilipno.” ZenRooms Blogs, 14 May 2021,
www.zenrooms.com/blog/post/kulturang-pilipino/.
“MGA PAGPAPAHALAGANG KULTURAL: KONSEPTO, HALIMBAWA AT KAHALAGAHAN –
AGHAM.” Warbletoncouncil, tl.warbletoncouncil.org/valores-culturales-ejemplos-
552#menu-2.
Staff, InnerSelf. “Paano Tulong Sa Pag-Aaral Na Batay Sa Pag-Aaral Na Maghanda Sa Mga Bata
Para Sa Tunay Na Daigdig.” InnerSelf, 3 Sept. 2019,
tl.innerself.com/content/personal/relationships/parenting/21250-how-inquiry-
based-learning-help-prepare-children-for-the-real-world.html.
“Pagsusumikap Sa Kabila Ng Pagbabagong Hinaharap.” Teach for the Philippines, 21 Oct. 2020,
teachforthephilippines.com/our_press/pagsusumikap-sa-kabila-ng-pagbabagong-
hinaharap/.
Liedrug, Chebel. “MGA SALIK TUNGO SA EPEKTIBONG PAMAMARAAN NG PAGTUTURO
SA.”Academia.edu,www.academia.edu/23015371/MGA_SALIK_TUNGO_SA_EPEKTI
BONG_PAMAMARAAN_NG_PAGTUTURO_SA.
agos 156
Minsan Panlasa, Madalas
Impluwensya
Ni: Jomil Christian Liza
Annyeonghaseyo Jomil Christian Lizaibnida. Jeoneun 20 sal-igo K-pop-eul joh-
ahabnida.
Kung nabasa at naintindihan mo ang pagpapakilala ko sa wikang Koreano,
marahil ay nakuha mo ito sa pagbababad ng iyong mata kakapanood ng K-drama, tainga
kakapakinig ng Korean Pop, at ng katawan mo kakasayaw ng kanilang mga patok na
sayaw. Simula pa noong nakaraang dekada, mahigpit nang niyakap ng mga Pilipino ang
impluwensya ng mga Koreano sa ating bansa. Isa na rito ang girl group na Red Velvet
na sikat sa kanilang mga kantang “Russian Roulette” at “Psycho”.
Ang Red Velvet na isang K-pop group ay nabuo noong 2007 hanggang opisyal
silang mag-debut bilang isang grupo noong 2014. Ang kanilang kantang “Russian
Roulette” ang siyang nagpasikat sa kanilang grupo hanggang sa lumawak na ang
kanilang impluwensya at dumagdag na sa mga listahan ng mga sikat na grupo sa
kulturang ito katulad ng BTS, Blackpink at iba pang mga grupo. Binubuo ang grupo nina
Seulgi, Irene, Wendy at Joy (Hyeonju) na dapat ay magkaroon ng iba’t ibang
personalidad ang bawat miyembro pagdating sa mga grupo ng K-pop. Hindi maikakaila
na ang industriyang ito ay patuloy at patuloy na uusbong at dadagdag lamang ang mga
K-pop groups na makikilala ng kanilang mga tagahanga.
Kung maihahalintulad natin ang grupong ito sa isang panlasa ng keyk, malamang
sa malamang ay red velvet rin natin sila maihahalintulad. Ang red velvet na panlasa sa
keyk ay nabuo mula sa pinaghalong konsepto ng velvet cake at ang noo’y devil’s food
cake dahil sa kulay nito noong 1911. Gumagamit ito ng cocoa powder at linalagyan ng
food coloring ngunit dati ay nilalagyan ito ng beetroots upang lumitaw ang pula nitong
kulay. Noong 1943 lang nagkaroon ng recipe para sa red velvet cake. Masasabi nating
maihahalintulad natin ang industriya ng K-pop sa pangkalahatan sa keyk na ito dahil
malambot rin ang lasa ng chiffon nito, kasinglambot ng pagtanggap ng publiko sa kanila
at di pangkaraniwan ang lasa na ito dahil kakaiba ang personalidad at mensaheng
agos 157
#REDVELVET
ibinabahagi ng bawat sumisikat na K-pop group kung sila man ay maangas, pa-cute o
may maamong personalidad.
Hallyu 101 at ang Impluwensya ng mga Koreano sa Pilipinas
Ang mga grupong sumisikat ngayon sa industriya ng K-Pop tulad ng Red Velvet,
BTS, at Blackpink ay ilan lamang sa mga halimbawa ng kulturang umuusbong na
tinatawag na Hallyu na siyang naging bahagi ng impluwensya ng mga Koreano sa
Pilipinas. Nagsimula ang pagdayo ng mga Koreano sa Pilipinas noong ika-8 siglo kung
kailan pinalawak ng heneral na si Chan Bogo ang kalakalan sa Pilipinas. Sanlibong taon
ang nakalipas at dumaong naman sa Pilipinas ang tatlong Koreano kabilang si Fr. Kim
Dae Gun upang makatakas sila mula sa kaguluhan ng mga Portuges at mga Tsino sa
Macao. Sandaang taon naman makalipas ang pagdating ni Fr. Dae Gun sa Pilipinas,
dumating pa ang iba pang mga Koreano mula Wiju sa Pyeongan-bugddo ng North
Korea sa Pilipinas galing Vietnam upang mangalakal ng ginseng noong 1935. Noong
Hunyo 15, 1950 naman nagsimula ang Korean War at ipinadala roon ang 7,200
Pilipinong sundalo at inhinyero sa Korea bilang pwersa ng United Nations. Labingsiyam
na taon naman ang nakalipas, itinatag ni Pak Yun Hwa, isa sa mga Koreanong mula sa
Wiju na piniling manirahan na lamang sa Pilipinas, ang Korean Association Philippines,
Inc., isa sa mga pinakamalaking organisasyon ng mga Koreano sa Pilipinas. Sa mga bakas
ng kasaysayan, makikita ang malalim na relasyon ng Pilipinas at Korea kung kaya’t hindi
nakapagtataka na niyakap na rin ng mga Pilipino ang Hallyu o ang “Korean wave”.
Noong dekada ’90 nagsimulang umusbong ang Hallyu bilang penomena sa
kulturang Koreano sa Timog Silangang Asya at Tsina. Giit ni Kim Bok-rae, hindi
aksidente ang pag-usbong ng hallyu dahil naging isang pangunahing ahente ng
kulturang popular sa Silangang Asya ang nasabing penomena. Dagdag pa ni Kim, S. na
sinipi ni Kim, B., mayroong tatlong teorya na maaaring maging dahilan ng penomenang
hallyu: ang competence, attractiveness, at criticism. Sa teorya ng competence,
sinasabing ang hallyu ay base sa paglago ng ekonomiya ng Timog Korea sa
pamamagitan ng mabilis na industriyalisasyon sa huling bahagi ng ika-20 siglo. Sa teorya
naman ng attractiveness, isang palayok ang hallyu na naglalaman ng “Korean-styled
development model” upang mapanatili ang mga tradisyonal na kagandahang asal sa
Koreanong lipunan habang sa teorya ng kritisismo, uusbong lamang ang hallyu kung
naimpluwensyahan nito ang “niche market” sa Asya na naaayon sa Kanluraning “global
cultural order”. Sa kritisismong ito, masasabi nating dapat bigyang diin na hindi sumikat
ang hallyu sa tradisyonal na kultura ng Korea bagkus ay sa kontemporaryong kulturang
popular nito tulad ng K-pop.
Sinasabi rin na ang pagbuo ng Hallyu sa Timog Korea ay nagsimula matapos ang
Korean War kung saan unti-unting umusbong muli ang ekonomiya ng nasabing bansa
na tinaguriang Himala sa Ilog Han or “Miracle of Han River”. Sumibol dito ang mga
kumpanyang pagmamay-ari ng mga malalaking pamilya na tinatawag na chaebol tulad
ng Samsung, Hyundai at LG. Kalaunan ay nakitaan ng potensyal ang industriya ng mga
sinehan sa Korea ng mga taga-Hollywood kaya dumami rin ang mga ito noong tinanggal
ang restriksyon sa pagitan ng distribusyon ng mga pelikula mula Hollywood at ang mga
gawang Koreano na pelikula. Noong 1997 hanggang 1998 ay nagkaroon ng krisis pang-
agos 158
#REDVELVET
ekonomiya ang buong Asya at kabilang sa mga bansang nalugmok ang Korea. Bilang
tugon dito, inatasan ng presidente ng Korea noong panahon na iyon na si Kim Dae-
Jung ang mga lokal at maliliit na negosyo na mamuhunan sa mga industriya ng
information and communications technology (ICT) at kulturang popular. Binuo nila sa
ilalim ng Ministry of Culture, Sports and Tourism ang Korean Content Creatives Agency
na nanghihikayat sa mga lokal na negosyo kabilang ang mga chaebol na ituon ang
kanilang puhunan sa mga industriya ng midya at pelikula.
Nagkaroon rin ng iba’t ibang henerasyon ng pagsikat ng hallyu sa buong mundo
na matatawag na Hallyu 1.0 hanggang Hallyu 4.0. (Kim) Noong dekada ’90, sumikat
lamang ang Hallyu sa pamamagitan ng mga Koreanong exports lalo na ang mga
Koreanong pelikula at palabas sa telebisyon na nakasentro sa industriya ng turismo.
Simula naman noong 2006 hanggang kasalukuyan, nagaganap ang Hallyu 2.0 na
nakasentro naman sa mga sikat na personalidad sa Kpop na mas pinalawak sa iba pang
bahagi ng Asya, Hilagang Amerika, at Europa. Ngayon pa nga lang ay nararanasan na
natin ang Hallyu 2.0. samantalang mararanasan pa lamang sa kinabukasan ang Hallyu
3.0 at 4.0. Tunay ngang patuloy ang magiging pag-usbong ng Hallyu sa iba’t ibang panig
ng mundo sa pamamagitan ng iba’t ibang plataporma lalo na online.
Sa Pilipinas, nagsimula ang pag-usbong ng Hallyu mula noong inere ng GMA7
ang kauna-unahan nitong Koreanovela sa ating mga telebisyon na Bright Girl noong
2003 bilang pantapat sa pag-eere ng karibal nitong kompanya na ABS-CBN ng
Taiwanese drama na Meteor Garden. Sinundan ito ng pag-ere ng unang serye ng
Endless Love sa parehong taon hanggang sa inere na rin ng ABS-CBN ang kauna-
unahan nitong Koreanovela na The Truth na sinundan ng Lovers in Paris. Simula noon,
nagpatuloy na ang pag-eere ng mga Asianovela hindi lamang sa Korea na nagpapakita
ng kultura ng iba’t ibang bansa sa Asya tulad ng Love in the Moonlight, Crash Landing
On You, at Count Your Lucky Stars.
agos 159
#REDVELVET
Mula sa itaas na kaliwa pakanan: Bright Girl (2003), Endless Love 1: Autumn in My
Heart (2003), The Truth (2004), Lovers in Paris (2004), Love in the Moonlight (2017)
Positibo at Negatibong Impluwensya ng Hallyu
Ang walang hanggang dominasyon ng Hallyu ay nagkakaroon ngayon ng
positibo at negatibong epekto nito sa mga tao sa lipunan lalo na sa mga hindi Koreano
na nakikiuso sa anyo ng musikang ito. Higit na nakatulong ang Hallyu lalo sa mga
Koreano sa kanilang industriya sa aliwan, turismo, at sa pangkalahatang imahe ng
Korea. Ang pagiging popular ng mga K-pop groups ay nakakapagpadagdag sa kanilang
mga managements ng sponsorships at marketability, bagay na nagiging ambag ng
industriya ng aliwan sa ekonomiya ng Timog Korea. Nagiging litaw ito sa Pilipinas nang
ang mga idolong Koreanong aktor, aktres at mga mang-aawit ay nag-eendorso na ng
mga malalaking brands sa Pilipinas tulad ng Penshoppe, Bench, Smart at Lazada. Mas
dumami rin ang mga pelikula at palabas na kanilang ine-export at napapanood na sa
iba’t ibansa pati na rin ang kanilang mga patalastas sa billboard na tampok ang mga
artista. Halimbawa na rito ang ambag ng BTS sa ekonomiya ng South Korea noong 2019
na nagkakahalaga ng 5.6 trilyong won ($4.9 bilyon). (Wandering Shadow) Sa sobrang
laki ng ambag ng BTS pa lamang sa ekonomiya ng bansa, ipinasa pa ng kanilang
gobyerno ang tinatawag na BTS Law upang magkaroon ng exemption sa mandatoryo
nilang serbisyo sa militar ang mga Koreanong nagpamalas ng kahusayan sa larangan ng
sining at kulturang popular kabilang ang BTS.
Kasama rin sa mga umusbong na industriya ng Korea salamat sa Hallyu ay ang
kanilang turismo. Ayon sa Korean Tourism Organization, ang isang turista sa Korea para
sa Hallyu ay gumagastos ng tinatayang $1,007 at ang turismong may kinalaman sa
Hallyu ay bumubuo sa 7.4% ng lahat ng foreign inbound tourism sa bansa noong 2019.
Sa kabuoan, umabot sa mahigit $1.1 bilyon ang nagastos ng mga turistang para sa
Hallyu sa taong iyon. Ang pag-usbong ng sektor ng aliwan at turismo ay siyang nagiging
ebidensya sa pagbabago ng pagtingin sa imahe ng Korea sa kasalukuyan. Bago ang
Hallyu, hindi kilala ng publiko ang Korea ngunit dahil sa Korean wave, dumami ang
nagkainteres sa Korea mula sa pagtuklas sa kultura at wika hanggang sa pagkonsumo
sa mga produktong Koreano. Hindi pa kasama rito ang iba pang mga impluwensiya ng
mga Koreano na kabilang sa Hallyu tulad ng mga pampaganda, mga pagkain at mga
grocery.
Sa kabilang banda naman, hindi lahat ng nakukuha natin mula sa Hallyu ay
nagpapakita ng kabutihan. Sa maniwala man o sa hindi, may hindi rin kagandahang
agos 160
#REDVELVET
epekto ang pagkalat ng kulturang Hallyu lalo na sa Pilipinas. Una na rito ang kultural na
imperyalismo na nangangahulugang paggamit ng kapangyarihan upang
maimpluwensyahan ang iba sa pamamagitan ng kultura. Ayon kay Joseph S. Nye, ang
kanyang nosyon ng “soft power” ay maaaring ilapat sa nagaganap na kultural
imperyalismo ng Hallyu. Dagdag naman nina Igno at Cenidoza, isang anyo ng “soft
power” ang Hallyu dahil ginagamit nito ang kulturang materyal bilang paggamit ng mga
kultural na yaman upang makamtan ang mga layunin ng ibang bansa tulad ng Pilipinas
sa pandaigdigang polisiya subalit sinasalamin na rin ang kulturang Asyano tulad ng
Hallyu bilang bahagi ng ating kultural na pagkakakilanlan dahil maraming
pagkakahalintulad ang Pilipinas at Korea kaya naman nagkakaroon tayo ng “sense of
identification” sa mga Koreano. Dahil dito, nililitis ng mga Pilipino ang kanilang mga
inaasam at pamantayan sa komunidad ng kulturang Koreano.
Kulturang Popular at Ang Hamon Kina Ma'am at Sir
Ang Hallyu ang isa sa mga penomenang, magpahanggang ngayon, ay pinag-
iisipan pang gawan ng estratehiya sa pagtuturo at pagkatuto. Bahagi ang Hallyu bilang
uso at patok na pinapanood, pinakikinggan, at nadarama nating kulturang popular.
Binibigyang kahulugan ang kulturang popular bilang “pangkulturang produkto na
nagiging palasak o magiging popular sa mamamayan dahil sa agresibong pagbebenta ng
mga ito sa mass media.” Kagaya ng natalakay kanina, lalong nahuhumaling ang mga
Pilipino sa industriya ng K-pop dahil sa mga pagkakahalintulad natin sa mga Koreano
na bumubuo sa ating “sense of identification”. Dahil dito, mas kinagigiliwan ng mga
mag-aaral ang Hallyu sa kulturang popular ng bansa. Yun nga lang, bilang intelihenteng
mamamayan ng lipunan, mahalaga rin na tingnan natin ang mas malawak pang larawan
sa mga nauusong penomena ngayon tulad ng Hallyu. Kung ating iisipin, dapat higit pa
sa aliw ang dapat nating makuha mula sa Kpop kundi mayroon ring isyung panlipunan
o pandaigdig ang tinatalakay ng bawat inilalabas na produkto sa industriyang ito. Ilan
sa mga halimbawa ang pag-iba natin ng pamantayan ng kagandahan, mental na
kalusugan at pagpapalakas sa mga kababaihan gayundin ang pakikitungo natin sa mga
Koreano.
Dahil dito, magiging mahalaga ang gampanin ng guro bilang pagpihit ng kanyang
pedagohiya sa paglayon na ipalaganap sa loob ng silid-aralan ang kritikal na pag-iisip at
masining na pagpapahayag ng kanilang opinyon. Ang Hallyu bilang kulturang popular
ay maaaring lapatan ng estratehiya sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral dahil
hindi lang nito pinupukaw ang kanilang interes sa pagkatuto kundi lunsaran rin ito ng
malawak na diskurso sa mga isyu sa likod ng Hallyu. Ayon nga sa pananaliksik nina
Agatep at iba pang mga mananaliksik, karamihan ng mga tumugon ay hindi sang-ayon
sa negatibong konotasyon sa mga tagapagtangkilik ng K-pop kaya mahalagang ilapat
ang kontekstwalisasyon sa mga nauuso at patok na panitikan at kulturang popular lalo
na sa Hallyu. Hamon talaga sa magiging guro ang magkaroon ng mga mag-aaral na
mayroong interes sa mga banyagang kulturang tulad ng Hallyu at maaari natin itong
isakonteksto sa lokalisasyon. Bigyang halimbawa natin ang mga kaganapan sa Hallyu
upang mabigyan natin ito ng mukhang sariling atin sa pamamagitan ng glokalisasyon.
Sa katunayan, dahil nga sa mga prinsipyo ng Hallyu, nabuo ang ilan pang mga grupong
Pinoy na nagsasanay sa ilalim ng mga managements sa Korea tulad ng SB19, Bini at
BGYO. Ang mga grupong ito ang siyang sarili nating bersyon ng Hallyu at nakatutuwang
agos 161
#REDVELVET
isipin na ang mga grupong tulad nila ay nakikilala na rin sa pandaigdigang entablado lalo
na noong nabigyan ang SB19 ng nominasyon sa Top Social Artist ng Billboard Music
Awards. Sa pamamagitan ng pagbukas sa silid-aralan upang isakonteksto sa
kahalagahang Pilipino ang kanilang hilig, mahuhulma natin ang mga mag-aaral bilang
mga mamamayang kritikal ang pag-iisip tungkol sa pagkakaiba, pagkakahalintulad,
positibong benepisyo, at mga isyu sa trend ng mga banyagang kulturang umiiral sa ating
lipunan.
agos 162
MGA SANGGUNIAN
“The History behind Traditional Red Velvet Cake and Cupcake.” Sunflour Baking Company,
sunflourbakingcompany.com/blogs/news/the-history-behind-traditional-red-velvet-
cake-and-cupcake#:~:text=A%20chemical%20reaction%20between%20the.
Agatep, Errol Ace, et al. “What Is K-Poppening? Behavior and Academic Performance of 3rd
and 4th Year Students of Lorma Colleges Special Science High School Students.” DLSU
Research Congress 2014, De La Salle University, 2014,
d1wqtxts1xzle7.cloudfront.net/55509179/LCCS-I-006-
FT.pdf?1515668968=&response-content-
disposition=inline%3B+filename%3DWhat_is_K_poppening_Behavior_and_Academi.p
df&Expires=1621882595&Signature=dOHKW1Nl-
Wne53eL5qpb60nNfKgPwj3tnfZ6lZ56G7CQHl3yBf~foDXfQNXi5Ipu6SRLZ2VROd2
B9wANLCEdaD8sxv6T~SSCHI76nQ5dnBQMDVa3cXJQv4M5NY372-
q45oI8u0KXYUAcbukw8XKNcwa9cqck7q2N2B0nplGpP9ETPIligDQkYu35cwaHKnA
4MbMsjKhS2v7C92egAyFB8M79ouhXJXgVM-
TGYoQts0IWlyJI~aldUDfkzonA6g0OEf17zkKKSWXJCxL40fLYownNfC4ofnrKOkcXS
LOjUWu4O36JhEsf6hYchsy5MVsdTOmIQV6ZXe7E4hcGQ9pccQ__&Key-Pair-
Id=APKAJLOHF5GGSLRBV4ZA.
Bok-rae, Kim. "Past, present and future of Hallyu (Korean Wave)." American International
Journal of Contemporary Research 5.5 (2015): 154-160.
Gomez Jr, José Edgardo Abaya, and Jose Edgardo. "The Korean Diaspora in Philippine Cities:
Amalgamation or Invasion?." Transcultural cities: Border-crossing and
placemaking (2013): 77-90.
Hong, C. “Korea Tourism Organization Shares Survey Results about Influence of K-Pop on
Tourism.” Soompi, 16 July 2020, www.soompi.com/article/1413229wpp/korea-
tourism-organization-shares-survey-results-about-influence-of-k-pop-on-tourism.
Hyeonju. “Red Velvet Debuts High on Music Charts.” Korean Herald, 7 Aug. 2014,
www.koreaherald.com/view.php?ud=20140807000985.
Igno, Jay-Ar M., and Marie Cielo E. Cenidoza. "Beyond the" Fad": Understanding Hallyu in
the Philippines." International Journal of Social Science and Humanity 6.9 (2016): 723.
Kutsumi, Kanako. "Koreans in the Philippines: A Study of the Formation of their Social
Organization." Exploring transnational communities in the Philippines (2007): 58-73.
Lam, Francis. “The Evolution of Red Velvet Cake, an Iconic American Dessert.” The Splendid
Table, 6 Oct. 2017, www.splendidtable.org/story/2017/10/06/the-evolution-of-red-
velvet-cake-an-iconic-american-dessert.
Leicel P. Saberola. "Pagbuo, Pagtanggap at Baliditi ng Modyul: Kontekstwalisasyon ng mga
Piling Aralin sa Filipino 8 Gamit ang Dominyo ng Kulturang Popular." MSEUF Research
Studies 20.1 (2018). Web. 07 January 2020.
Mogul, Rhea. “K-Pop Group BTS Can Defer Military Service after South Korea Passes New
Law.” CNN, 2 Dec. 2020, edition.cnn.com/2020/12/02/asia/bts-military-exemption-
intl-hnk-scli/index.html.
Montemayor, Angel. “Pagkatuto Sa Panahon Ng Kulturang Popular.” Squeeze.ph, 6 Sept.
2018, squeeze.ph/pagkatuto-kulturang-popular/.
Oh, Ingyu. "FROM LOCALIZATION TO GLOCALIZATION: Contriving Korean Pop Culture to
Meet Glocal Demands." Kritika Kultura 29 (2017).
Project Nightfall. “Exposing the Dark Side of Kpop...” YouTube, 25 Feb. 2021,
www.youtube.com/watch?v=_6JK94w9hUA.
agos 163
MGA SANGGUNIAN
Rec•Create. “How Did the Korean Wave Start in the Philippines? | Filipino | Rec•Create.”
YouTube, 2 May 2021, www.youtube.com/watch?v=YgpcifyUsSk&t=420s.
Reyes, M. "The Wave of Korean Hallyu: A Big Leap to the Global Acceptance of Popularity
and Influence." 6th World Congress of Korean Studies South Korea. http://congress.
aks. ac. kr/korean/files/2_1357264254. pdf. 2012.
Trolan, Joe. "A look into Korean popular culture and its tourism benefits." International
Journal of Educational Policy Research and Review 4.9 (2017): 203-209.
Wandering Shadow. “The ‘BTS Effect’ on South Korea’s Economy, Industry and Culture.”
Wandering Shadow, 7 Nov. 2019, shadow-twts.medium.com/the-bts-effect-on-south-
koreas-economy-industry-and-culture-975e8933da56#:~:text=According%20to%20Statista
agos 164
Ang Makapangyarihang Ekonomiya
/GA.HUM/
(png.) Cebuano; kapangyarihan; paghahari
agos
Pagtakas sa Katotohanan o Paghahanap ng
Reyalidad sa Birtuwal na Mundo?
Ni: Mark Kenneth S. Ramos
Alas-onse ng gabi, mula sa nakapapagod na araw ay sa wakas,
makapagpapahinga ka na rin. Matapos ang mahigit walong oras mong pagtitipa sa harap
ng iyong kompyuter, ay maiuunat mo na rin ang iyong binti at tuhod, na tila bisagra ng
isang pintong isang taong hindi nabuksan. Ang nangangalay mong katawan mula sa
pagkakaupo nang matagal, ay maipahihinga mo na rin sa wakas. Sa kabila ng pagod na
ito, hindi mo pa magawang matulog dahil mulat pa ang iyong mga mata, marahil epekto
na rin ng matagal na pagkababad sa ilaw ng monitor ng iyong kompyuter. Bilang
pamatay-oras, naisipan mong bisitahin ang iyong cellphone, upang kahit papaano ay
hindi maging huli sa mga kaganapan sa birtuwal na mundo. Sa paghahanap mo ng
paglilibangan at napadpad ka sa YouTube, samu’t saring bidyo ang iyong nakita.
Mayroong tungkol sa katatawanan, musika, pampalakasan, at marami pang iba. Sa dami
ng iyong nakitang bidyo, tila mayroon ka pa ring hinahanap na hindi mo matukoy.
Hanggang sa mayroong isang pumukaw ng iyong atensyon. Bidyo ito ng dalawang
taong nilalantakan ang isang buong litsong baboy. Agad mo itong pinanood, bumalik sa
mga alaala mo ang mga handaan bago ang pandemya, kung saan hindi nawawala ang
litson at iba pang mga putaheng Pilipino.
Matapos mapanood ang isang bidyong iyon, tila hindi mo na mapigilan ang sarili
mong manood ng ibang pang bidyong mayroong “Mukbang” sa pamagat nito. Sa mga
agos 166
#MUKBANG
bidyong napanood mo ay nadagdagan pa ang gutom mo at pananabik sa masasarap na
pagkain matapos mong makalimutang maghapunan dahil sa sobrang tutok sa trabaho.
Napasabi ka na lamang sa sarili mong, “Bukas, paggising ko, bibili ako ng mga pagkaing
‘to.”
Ganito ang kadalasang ganap sa buhay ng mga kababayan nating tila nalulong
na sa panonood ng mga bidyo kung saan ay mayroong isang taong kumakain ng samu’t
saring pagkain at inumin. Ngunit, bakit ganoon na lamang ang interes natin sa panonood
ng mga taong hindi naman natin kilala habang sila’y kumakain?
Ang salitang “Mukbang” ay mula sa dalawang pinagsamang salitang Korean na
“meokneun” o eating at “bangsong” na nangangahulugang broadcast. (Evans, 2014) Ang
Mukbang ay dekada nang sikat sa bansang South Korea, kung saan pinanonood ng mga
tao ang hosts at broadcast jockey habang kumakain ng iba’t ibang pagkain at inumin.
Ayon kay Kim (2015), ang kagustuhan ng tao sa pagkain ay naiibsan sa
panonood. Dagdag-aliw pa ang mga broadcast jockey (BJ) na nakikipag-ugnayan sa mga
manonood ng real-time o live sa pamamagitan ng online chatting. Sa pamamagitan nito,
mas nararamdaman ng mga tagapanood ang presensya ng mga BJ at ng kanilang mga
kinakain. Minsan ay ang mga manonood din ang nagdidikta sa mga BJ kung anong
pagkain ang kanilang kakainin.
Mula noong i-ere sa AfreecaTV noong 2009 sa South Korea ang mga Mukbang,
naging sikat na ito, ngunit sa kanilang bansa pa lamang. Hanggang sa taong 2015, ayon
kay McCarthy, nakarating sa U.S. ang trend ng Mukbang sa pamamagitan ng bidyo ng
Fine Brothers Entertainment sa YouTube kung saan nag-react ang ilan sa mga sikat na
personalidad sa YouTube sa Mukbang videos mula sa Korea. Mula noon, tila sumabog
ang Google sa dami ng nagse-search ng mayroong kaugnayan sa Mukbang. Makalipas
ang ilang linggo ay naglipana na ang mga bidyo sa YouTube na mayroong kahalintulad
na tema sa Mukbang. Ang broadcast jockey (BJ) na tawag sa mga hosts ng mga
Mukbang ay napalitan na ng “Mukbangers”. Nadagdagan pa ng bagong elemento ang
Mukbang noong nakarating ito sa mga kanluraning bansa, ang konsepto ng
autonomous sensory motor response o ASMR, kung saan tila kinikiliti ang ating mga
utak sa pamamagitan ng mga pamilyar na tunog tulad ng pagkagat sa malutong na balat
ng pritong manok, paghigop ng milktea sa pamamagitan ng straw at iba pa. Ang
nakasanayang tahimik na Mukbang ng mga Koreano ay nadagdagan ng kuwento at
agos 167
#MUKBANG
feedback sa mga pagkain ng mga kanluranin. Lumawak na lalo ang abot ng mga
Mukbang magmula noon.
Ngunit mapapaisip tayo, paano nakarating sa Pilipinas ang Mukbang? Simple
lang. Masasabi ko na ang mga Mukbang ay mayroon ang lahat ng elemento ng aliw na
hinahanap ng mga Pilipino. Pagkain + Kausap = Hapag-kainang Pilipino. Walang Pilipino
ang kokontra kung sasabihin kong mas sumasarap ang pagkain kapag mayroong
kasamang kuwentuhan. Hindi maikakaila ang hilig nating mga Pinoy sa pagkain,
pinagtitibay pa ito nang sabay-sabay na pagkain sa hapag-kainan ng pamilyang Pilipino
at maging sa mga handaan. Kasabay nito ang masasayang kuwentong baon ng bawat
isa. Kaya naman, naging patok sa atin ang mga Mukbang ngunit ito lang ba ang tanging
dahilan kung bakit pumatok sa ating mga Pilipino ang Mukbang?
Kung ating babalikan kung bakit pumatok sa South Korea ang Mukbang,
makikita natin na may kultural itong implikasyon. Sa isang dokumentaryo ng Great Big
Story noong 2017, binanggit ng sikat ng Mukbanger na si Termin na ang tagumpay ng
Mukbang sa Korea ay nagmula sa kultura ng kanilang bansa. Para sa mga Koreano,
bahagi na ng kanilang tradisyon ang pagkain nang sabay, ngunit sa paglipas ng panahon,
nangibabaw ang indibidwalismo sa lipunang Koreano. Bilang kapalit nito, dumami ang
mga taong mas pinipiling mamuhay mag-isa, hiwalay sa kani-kanilang pamilya. Dagdag
pa niya, bagaman mas dumarami na ang pinipiling mamuhay mag-isa, ang tradisyonal
na gawi na pagkain nang sabay ay hindi pa rin maiaalis sa kanila, at ang mga Mukbang
ang naging tugon sa kanilang pangungulila. Kung babasahin muli natin ang mga naunang
pangungusap, hindi ba’t nababanaagan din natin ang kultura at lipunang Pilipino? Ang
pagkahilig natin sa mga Mukbang ay hindi nagtatapos sa pagkahilig natin sa pagkain.
Lagpas ito sa pagki-crave natin sa mga masasarap na pagkain sa madaling araw. Bagkus,
senyales ito ng nagbabagong lipunan at kultura.
Sa isang tala mula sa seminar sa Ateneo De Manila University kung saan
tagapagsalita si Dr. Peter Xenos, ipinakita niya ang kaniyang pananaliksik na kung saan
sinuri niya ang lumalagong bilang ng mga indibidwal na pinipiling mamuhay nang mag-
isa sa mga bansa sa Timog at Timog-Silangang Asya. Kilala tayong mga Pilipino na may
malalim na pagpapahalaga sa pamilya, kung minsan nga’y kahit kasal na ang anak ay
mas pinipiling manatili pa rin sa puder ng magulang. Ngunit ipinaliwanag ni Xenos, na
ang tumataas na bilang ng mga indibidwal na mas pinipiling mamuhay nang mag-isa’t
agos 168
#MUKBANG
malayo sa pamilya, ay bunga ng pag-usbong at pag-angkop natin sa mga mas global na
dulog sa lipunan na nagdadala ng mga bagong paniniwala, ideya at pagbabago.
Maaaring tignan natin ang pagkahilig natin sa panonood ng Mukbang hindi bilang
pagtakas sa totoong mundo at pamatay-oras, ngunit bilang pantulong sa atin sa
transisyon mula sa kolektibismo tungong indibidwalismo. Ang pagkahilig natin sa mga
Mukbang ay implikasyon ng kultural na pagbabago sa ating lipunan. Hindi natin
namamalayan na ang mga bagay na tinuturing natin bilang libangan ay nagiging tulay
na pala sa panlipunang transpormasyon.
Ngayon, tumatakbo tuloy sa isip ko kung ang mga Mukbang ba ay uso lamang
na maaaring mapaglipasan ng panahon, o isang materyal na tumutugon sa pangungulila
natin kaya tayo nalululong dito? Ang iba sa atin ay maaaring tinitignan ang mga
Mukbang bilang pagtakas sa reyalidad. Ngunit para sa akin, tinitignan ko ito bilang
paghahanap natin sa reyalidad sa birtuwal na mundo. Humahanap tayo ng makakasama,
makakausap at makakasabay sa buhay, at nahahanap natin ito sa mga taong ni hindi
tayo kilala. Hindi ko alam kung mabuti o masamang bagay ito ngunit paniguradong
mayroon itong magiging epekto sa ating gawi, tradisyon, paniniwala at kultura.
Sa pananaw ng isang magiging guro sa hinaharap, ang mga ganitong pangyayari
ay isang magandang pagkakataon upang maipaunawa sa mga mag-aaral na ang kanilang
kinukonsumo sa birtuwal na mundo ay hindi lamang basta aliw ang dulot. Lagpas sa
aliw, ito ay mayroong malinaw na implikasyon sa buhay ng tao. Kumbaga, bahagi na ng
pagkatao at pagkakakilanlan mo kung ano ang kinukonsumo at tinatangkilik mo. Ang
ideyang ito ay maiging maikintal sa isipan ng mga mag-aaral dahil magiging daan ito
upang sila’y maging mas responsable sa birtuwal na espasyo. Masasabi ko na hinubog
ako ng panahon at pagkakataon upang maging tulay ng pag-unawa sa birtuwal na
mundo, sa kultura’t panitikan. Dahil ako mismo ay nabubuhay sa panahong teknolohiya
ang siyang nagpapanatili sa pagpapatuloy ng buhay ng tao sa mundo. Nasaksihan ko rin
ang mga pagbabago sa gawi, paniniwala, pagsamba, kagustuhan, pangangailangan, at
iba pang salik na nakakaapekto sa pagganap ng tao sa lipunan na dulot ng teknolohikal
na mundo.
agos 169
MGA SANGGUNIAN
김혜진 ( Hye Jin Kim ). (2015). "문화학 : 하위문화로서의푸드 포르노(Food Porn) 연구 -
아프리카TV의 인터넷 먹방을 중심으로." [A Study on Food Porn as a Sub-Culture
- Centering on Internet "Meokbang" (eating scene) in Afreeca TV -]. 인문학연구.
(in Korean). 조선대학교 인문학연구원. Web. 22 May 2021.
Evans, Stephen. "The Koreans Who Televise Themselves Eating Dinner." BBC News.
BBC, 05 Feb. 2015. Web. 22 May 2021.
Great Big Story. “Mukbang with Millions: Inside the World of Livestream
Eating.” YouTube, 4 May 2017, www.youtube.com/watch?v=Hf9AdVHG970.
McCarthy, Amy. "This Korean Food Phenomenon Is Changing the Internet." Eater.
Eater, 19 Apr. 2017. Web. 22 May 2021.
Tibi, Sharlene. "Examining the Trend toward Living Alone." Ateneo De Manila
University. 23 Jan. 2015. Web. 22 May 2021.
agos 170
Talamak sa bagong kadawyan, Dulot ay
Estratehiyang kakikintalan ng bagong kaalaman
Ni: Keneth John Salle
Nitong mga nakalipas na panahon malaki na ang pagbabago hindi lamang sa
ating buhay kung hindi pati na rin sa ating mga pang-araw-araw na gawain. Kung dati
rati’y tayo mismo ang lumalabas at bumibili ng ating mga pangangailangan subalit, sa
kasalukuyang panahon kakintal-kintal na malaki ang naging pagbabago tungkol dito.
Nagkaroon ng pagbabago sa mga gawi at proseso sa pamimili ng mga bilihin. Kasabay
ng paglaganap ng pandemya ay ang pag-usbong ng mga makabagong gawi para tayo
ay makasabay sa hamon na dulot nito. Kung dati rati’y nasanay tayo na kuha rito, kuha
roon, sa konteksto natin ngayon ay naging click dito, click doon sapagkat kasabay ng
pagbabago ng ating sitwasyon ay ang pag-usbong ng makabagong gawi natin sa
pamimili o online shopping. Subalit, ano nga ba ang kaugnayan nito sa kulturang
popular? Halina’t ating alamin kung ano ang kaugnayan at implikasyon ng
#OnlineShopping sa usaping ito.
Bago tayo tuluyang tumungo sa kaugnayan ng kulturang popular at ng online
shopping halina’t atin munang alamin kung ano nga ba ang online shopping. Sa
kasalukuyang panahon, malaki ang naging implikasyon ng pandemya sa pamumuhay ng
bawat isa sa atin. Madami itong binago na ating gawi at kilos. Isa na rito ay ang pagbili
natin ng ating mga pangangailangang produkto at serbisyo. Kung dati rati’y palagian
tayong lumalabas para bumili ng ating mga pangangailangan na produkto at serbisyo,
ngayon malaki na ang ipinagbago.
agos 171
#ONLINESHOPPING
Dati pa man ay mayroon na tayong online shopping subalit bakit nga ba ngayon
lamang ito naging popular sa mga tao? Ayon kay Sec. Gen. Mukhisa Kituyi ng United
Nations Conference on Trade and Development, mula sa pamimili natin ng mga
produkto o serbisyo ng pisikal ay lumipat o nag-shift tayo tungo sa sinasabi nilang
Digital World. Kung saan lahat ng ating mga pangangailangan ay isang click na lamang.
Ang pag-o-online shopping ay ang pagbili ng mga serbisyo o produkto gamit ang mga
online application.
Kung babalikan, mayroon na tayong online shopping dati rati pa lamang pero tila
mas naging popular ang online shopping sa panahon natin ngayon. Halina’t ating
talakayin ang implikasyon ng pandemya para mas maging popular ang online shopping
sa bagong kadawyan.
Bugso ng pandemya’y malaki ang naging dulot na pagbabago. Kung noon, maaari
kang makipagsiksikan sa Divisoria, sa mga mall at sa palengke para mamili ng mga
kagamitan o produkto na iyong ninanais, ngayon ay hindi na ito nagagawa. Sapagkat
ang pangunahing dahilan ng transmission o pagpapasa ng COVID-19 ay gamit ang
droplets. Kung saan ang mga droplets na ito ay tumatagal sa hangin na maaaring
magdulot ng posibilidad na malanghap ng ibang tao at makuha at mahawa ng virus na
COVID-19. Kaya naman, noong pumutok ang COVID-19, nagpatupad ang pamahalaan
at Kagawaran ng Kalusugan ng mga patakaran kung papaano makaiiwas na mahawaan
ng nasabing virus. Isa na nga rito ay ang pagkakaroon ng tinatawag nating social
distancing kung saan bawat tao ay kinakailangang magkaroon ng isang metrong
distansya upang mapabagal ang paglaganap ng COVID-19 virus.
Alinsabay ng mga patakaraan na ito ay ang lockdown. Madaming tao ang nanatili
sa kanilang mga tahanan upang makaiwas sa virus. Ayon kay Dr. Utpal Dholakia, isang
Psychologist, isa sa mga dahilan kung bakit mas naging patok ang online shopping o
pamimili ng mga produktong makikita online ay dahil sa mababang presyo ng mga ito.
Tunay ngang nakaaakit ang mga produkto o serbisyo na mayroong mababang halaga.
Dagdag pa niya, isa rin sa mga rason kung bakit mas naging patok o popular ang online
shopping sa panahon ng pandemya ay dahil mas convenient o mas madali ito kaysa sa
pamimiling pisikal. Gamit ang mga teknolohiya gaya ng cellphone, laptop o desktop ay
makabibili ka na kaagad ng produkto o serbisyo sa iisang click lamang. Hindi ka lamang
agos 172
#ONLINESHOPPING
nakaiwas sa virus dulot ng hindi paglabas bagkus ay mas napadali rin ang paraan mo
nang pagbili ng mga produkto.
Sa usapin naman ng online selling, maaari nating itanong kung ano-ano ba ang
mga makabagong paraan ng pagbebenta ng produkto ang napausbong ng online selling
sa panahon ng bagong kadawyan. Madaming moda ng pagbebenta ng produkto ang
naging popular sa panahon ng bagong kadawyan at isa na nga rito ay ang Live Selling.
Kung saan ang gagamitin mo lamang ay gadget, internet, at laway. Bakit laway? Ang
online live selling ay isa sa mga paraan para mas lalong maka-engganyo ng mga
mamimili. Ang live selling ay isang paraan ng sales talk na makatutulong para mas lalong
maging mabenta ito sa mga mamimili. Ang item o bagay na kadalasang itinatampok ay
mga damit kung saan madalas sinusukat ito ng mga seller upang makita ng mga
mamimili. Ang ibang seller naman ay gumagamit ng mannequin at doon isinusuot ang
damit para makita ng mga mamimili ang itsura nito. Masasabing ang ganitong uri ng
pagbebenta ay hindi na bago sa atin. Kung tutuusin ay matagal naman na natin itong
nakikita lalo na sa mga mall maging sa mga grocery store na nagbebenta ng mga
kagamitan sa kusina. Hindi na bago sa atin ang ganito, nariyan pa nga ang mga free
taste para maipakita ang naging resulta ng mga kagamitang pangkusina na kanilang
ibinibenta. Gamit ang boses at pasensya, makakamit mo rin ang target mo na benta.
Mine rito, Mine roon, tila ba kaliwa’t kanan na ang mga nagla-live selling online. Atin
lamang pakatatandaan na sa tuwing tayo ay dadako sa mga online live selling ng mga
online seller, bigyan natin sila ng respeto sapagkat sila rin ay mga kapwa nating Pilipino
na naghahanap ng mapagkakakitaan habang tayo ay sumasailalim pa rin sa community
lock down.
Isa rin sa mga moda ng online shopping natin ngayon ay ang Facebook
Marketplace. Dati rati’y ang Facebook ay ginagamit lamang para makisalamuha at
maka-meet ng mga bagong kaibigan. Ngayon ay kasangkapan na ito para ikaw ay
kumita habang nasa gitna ng pandemya. Ayon nga sa artikulo na nailathala ng Engadget,
sinasabing ang Facebook Marketplace ay mayroong 1 bilyon users na. Nabanggit din
dito na ayon kay Mark Zuckerberg na may-ari ng Facebook, ang umuusbong na E-
commerce o electronic commerce na isang proseso kung saan bumibili tayo ng
produkto o serbisyo gamit ang mga computer networks. Ito ang isa sa kanilang mga
agos 173
#ONLINESHOPPING
binibigyang pansin lalo na ngayong panahon ng pandemya kung saan makikitang patok
na patok ang mga online app para bumili ng mga produkto o serbisyo.
Ang huli at pinakapamosong moda ng online shopping ay ang mga online
applications gaya na lamang ng Amazon, Lazada, Paymaya, at Shopee na mahalagang
bahagi ng digital economy. Ang mga platapormang ito ay one click away lang o madaling
ma-access at maaaring ma-download gamit ang Google Playstore. Ang E-commerce ay
isa sa mga pinakapatok na moda ng pagbili ng mga produkto o serbisyo. Magandang
moda ito sapagkat una, hindi mo na kailangan na lumabas pa ng iyong bahay para bumili
ng produkto o serbisyo. Pangalawa, maiiwasan ang pakikisalamuha sa mga tao lalo na
ngayong panahon ng pandemya, kinakailangan lagi ng social distancing. Pangatlo,
madali ang moda ng pagbabayad dahil maaari kang magpadala gamit lamang ang online
banking o online money transfer gaya na lamang ng PayMaya at GCash.
Tayo naman ay dumako sa proseso kung papaano nagbabayad ng mga produkto
o serbisyo. Ang mga E-commerce o mga online platform para makabili ng produkto o
serbisyo ay mga kaparaanan din para makapagbayad ng hindi kinakailangang magkita
ng personal o pisikal.
Masasabing lumalaki na nga ang E-commerce sa ating bansa. Nagsusulputan na
ang iba’t ibang mga online shops at mga online applications para magbigay ng mga
produkto o serbisyo na ating kakailanganin sa pang-araw-araw. Ayon sa balita na
nailathala ni G. Gelo Gonzales ng Rappler, sinasabing mayroong 76 milyong social
media users ang Pilipinas na kung ating iisipin masasabing magandang rason para mas
lalong maging popular ang E-commerce sa ating bansa. Ayon sa artikulo ng Inquirer.net,
sinasabing ang Pilipinas ay ang nangungunang bansa pagdating sa paggugol ng oras sa
Internet, kaya naman masasabing hindi kataka-takang mayorya ay pumapasok na sa E-
commerce. Malaking oportunidad ito sa mga online shop at online shopping
applications dito sa Pilipinas. Masasabi kong ito pa lamang ang simula. Malaki pa ang
espasyo para sa paglago ng E-commerce sa ating bansa sa mga darating pang panahon.
Sa ngayon pa lamang ay kakikitaan na natin ang E-commerce ng potensiyal na
magpausbong ng kulturang popular. Ang pagkakaroon ng mga makabagong moda ng
pagbabayad at pagbili ng mga produkto ay masasabing isa sa mga halimbawang
kulturang popular na umiiral ngayon. Ang pagsasadokumento ng pag-usbong ng E-
commerce sa ating bansa ay makatutulong para mas lalong mapayaman ang panitikang
agos 174
#ONLINESHOPPING
popular. Mahalagang makita natin sa mga tala sa panitikan kung papaano umusbong
ang E-commerce sa ating bansa lalo na sa panahon ng pandemya. Ang pag-usbong nito
ay tiyak na mayroong dulot sa ating panitikan at kulturang popular.
Sa kabilang banda ay mayroong mga hindi magandang epekto rin ang paggamit
ng mga E-commerce. Ayon sa Australian Competition & Consumer Commission, dapat
magduda ang mga mamimili kung makakita sila ng mga batayang nalahad dito; Una, ang
mga presyo ng item ay nasa sobrang babang halaga. Isa ito sa mga paraan para mabilis
na makuha ng scammer ang atensiyon ng mga mamimili. Pangalawa, ang mga online
store o seller ay nagmamadali na ikaw ay mag bayad bago mo makuha ang bagay na
iyong binili. Nabanggit din na kadalasang gumagamit ang mga scammer ng online
money transfer para mas mabilis nilang makuha ang bayad. Pangatlo, ang online store
ay bago pa lamang at wala masyadong impormasyon na nilalagay patungkol sa kanila.
Ang mga online store na nakaranas na maloko ay kadalasang hindi nag lalagay ng
impormasyon patungkol sa kanilang online store upang maiwasan na sila ay ma-track.
Paano natin maiiwasan ang ma-scam sa online shopping? Dagdag pa ng nasabing
ahensiya, mapoprotektahan natin ang ating sarili mula sa mga scammer kung una,
tingnan kung ang mga online store ay nagpapatupad ng refund o return policy at
maaaring tingnan kung patas ba ang mga polisiya nila patungkol sa pagbabalik ng mga
nabiling item, kung ito ay may sira o depekto. Pangalawa, kilalaning maigi kung sino ang
mga nagpapatakbo sa likod ng mga online store. Suriing mabuti kung lehitimo ang
kanilang operasyon. Pangatlo, iwasan ang mga transaksiyon na nangangailangang pa ng
bayad bago makuha ang item o di naman kaya mag bayad gamit ang mga online money
transfer sapagkat mababa ang tiyansa na mabawi mo ang iyong binayad kapag ito ay
naipadala mo na sa mga scammer.
Sa kabila ng lahat nakatutuwang isipin na ang pag usbong ng mga bago at
popular na gawi gaya na lamang ng online shopping ay kasabay rin nitong uusbong ang
mga bagong kultura at panitikang popular na siyang magreresulta sa mga pagbabago sa
ating lipunan. Tunay ngang magkakaugnay ang panitikan, kulturang popular at lipunan.
Hindi maaaring magkahiwa-hiwalay ang mga ito sapagkat ito ang prosesong
dinadaanan para makalikha ng isang makabuluhan at hindi malilimutang kasaysayan at
legasiya.
agos 175
#ONLINESHOPPING
Napaisip lang din ako kung matatapos na lamang ba ang usapin ng online
shopping sa pamimili ng kagamitan o dahil patok na patok din ito sa mga kabataan
maging sa mga matatanda, bakit hindi kaya natin gamitin at sulitin ang pagkakataon
upang ito’y gawing isang estratehiya. Gaya nga ng lagi’t laging ginagawa ni Propesor
Voltaire Villanueva sa kaniyang klase, kung saan gamit ang tematikong pagtuturo, ang
mga estratehiya ay magdudulot ng isang mabungang pagkatuto.
Kaugnay nito, ang online shopping ay maaari ding gamitin bilang estratehiya sa
pamamagitan ng paggamit ng mga grapikong pantulong na nagpapakita ng kaugnayan
sa paksa. Bawat isa rito ay naglalaman ng mga diskripsiyon na siyang makatutulong para
sa pagtalakay ng paksa. Maaaring sa dulo ng talakayan ay tatawag ang guro ng mga
mag-aaral na magsasabi ng “Mine” sa kung anong grapikong pantulong ang tumatak sa
kanila. Kinakailangan din na makapagbigay ang mga mag-aaral ng dahilan kung bakit
iyon ang napili nilang tumatak sa kanila.
Tunay nga na ang panahon natin ay patuloy na nagbabago. Kung kaya
nakasasabik isipin na kung ang kilalang online shopping pa lamang ay magagamit na
natin bilang isang estratehiya sa pagtuturo, ano pa kaya ang mga mauuso sa susunod
na maaari nating gamitin sa loob ng silid-aralan na tiyak magdudulot ng mabungang
pagkatuto ng mga mag-aaral .
Isa sa mga dapat isaalang-alang sa paggamit ng mga nauuso bilang estratehiya
ay ang kagustuhan o mga bagay na #relatemuch para sa mga mag-aaral. Sapagkat kung
ikaw ay gagamit ng estratehiyang pamilyar sa mga estudyante ay mas lalo mong
makukuha ang kanilang atensiyon sa pagtalakay sa mga aralin at mahihiyakat din natin
sila na mas lalong maging aktibo sa klase upang matamo ang pangmatagalan na
pagkatuto.
Bilang magiging guro sa hinaharap, hindi mapakali ang aking isipan sa pag-iisip
ng mga makabagong estratehiya na maaaring mabuo sa pamamagitan ng kultura at
panitikang popular na siyang makakatulong upang makapagbahagi ng kaalaman sa mga
mag-aaral. Kaya naman, sa darating na mga panahon ay pangakong magiging
inobatibong guro na patuloy na aabante, tutuklas at magsasamodipika ng mga panitikan
at kulturang popular para magamit bilang estratehiya sa pagtuturo. Patuloy na
magsusulong ng mga hakbangin na dulot ay walang hanggang ligaya at pagkatuto sa
bawat isa.
agos 176
MGA SANGGUNIAN
Aguilar, "Filipinos spend the most time on internet, social media worldwide — study."
Inquirer, https://technology.inquirer.net/83180/filipinos-spend-the-most-time-
on-internet-social-media-worldwide-study#ixzz6vRGiIVOT, 21 May. 2021
Cudis, "Filipinos lap up online shopping amid pandemic: survey." Philippine News
Agency, 13 Apr. 2021, https://www.pna.gov.ph/articles/1136660, 21 May. 2021
Dholakia, "3 Ways Shopping Behavior Has Changed During the Pandemic." Psychology
Today, 30 Nov. 2020, https://www.psychologytoday.com/us/blog/the-science-
behind-behavior/202011/3-ways-shopping-behavior-has-changed-during-the-
pandemic, 21 May. 2021
Gonzales, "online, on social media worldwide – report." Rappler, 31 Jan. 2019,
https://www.rappler.com/technology/philippines-online-use-2019-hootsuite-
we-are-social-report, 21 May. 2021
Kituyi, "Pandemic has forever changed online shopping, UN-backed survey reveals."
UN NEWS, 8 Oct. 2020, https://news.un.org/en/story/2020/10/1074982, 21
May. 2021
“Online shopping scams” Autralian Competition & Consumer Commission,
https://www.scamwatch.gov.au/types-of-scams/buying-or-selling/online-shopping-
scams, 26 May 2021
agos 177
E-KOMERSYO, PLATAPORMANG LUNSARAN SA PAGPAPAINOG
NG KULTURANG POPULAR, PANITIKAN, AT LIPUNAN
Ni: Decieh Marie Llanita
“Salamat, Shopee!"
"I-add to cart mo na 'yan!"
"11.11 na!"
"Bibili ako nito, gusto mo magpasabay?"
"Uy, free shipping oh."
Ito ang ilan sa mga patok na litanyang sambit lalong-lalo na ng mga milenyal sa
kasalukuyan nang simulang ipakilala ang e-komersyo o mas kilala nating online
shopping sa ating bansa. Ang e-komersyo sa payak na pagpapakahulugan, ay ang pagbili
o pagbebenta ng mga produkto sa mga serbisyong online o sa internet. Agad itong
niyakap ng marami at mas patuloy pang tinatangkilik lalo na ngayong pandemya, kung
saan limitado ang pisikal na pakikipag-interaksyon ng bawat isa. Ngunit, kaalinsabay ng
agarang pagbalikwas sa pagsuporta rito, ay kapansin-pansin naman ang pagkaunti o
pag-igtad ng ilang mga mamimili sa pagtangkilik sa tradisyunal na paraan ng pamimili.
Hindi man sambitin, ngunit lantad ang pagyakap ng madla sa mas makabago o
modernong pamamaraan. Gayunpaman, ang malaking katanungan, bakit nga ba mabilis
ang pagtanggap ng madla rito? Ano ba ang mga bentahe at adbentaheng dulot nito?
Ano ang implikasyon ng patuloy na pagtangkilik natin dito? At lalo’t higit sa lahat
mayroon bang kaugnayan ito sa kultura’t panitikan at pagtamo natin ng kaakuhan? Ito
ang mga katanungang tatangkain at bibigyang kasagutan ng sulating papel na ito.
Sa mundo ng e-komersyo, isa sa mga nangungunang kompanya na labis na
tinatangkilik ng madla lalo na sa ating bansa ay ang Shopee Pte Ltd., isang multinational
agos 178
#SHOPEE
technology company na unang inilunsad sa Singapore at paunti-unting pinalaganap ito
sa iba pa nitong karatig lugar sa Timog Silangang Asya. Sa bansang Pilipinas, sa huling
isinagawang pagsusuri ng datos ng SimilarWeb na nakapaloob sa pag-aaral ng
Datareportal, tinatayang umaabot sa 16 na milyong katao kada buwan ang bumibisita
sa website at mobile application ng naturang kompanya. Idagdag pa natin ang
tinatayang 26.5 milyong katao na tala ng pagbisita ng madla sa iba pang kumpanya.
Kaugnay rin nito, sa pag-aaral naman na isinagawa ng PayPal ukol sa estado ng online
shopping sa bansa, tinatayang pumapalo noong taong 2017 ang kabuuang gastos ng
mga Pilipino sa online shopping sa mahigit kumulang P92.5 bilyon. Kung saan,
inaasahan pa ang pagtaas nito sa taong 2018 ng 32% na nagkakahalaga ng 122 bilyon,
at 185 bilyon naman para sa taong 2020. Mula sa mga nailatag na datos, makikitang
hindi kataka-takang labis ang pagkahumaling at pagyakap ng mayorya sa online na
pamilihan.
Sa larangan ng e-komersyo, ang negosyo at ang mamimili, ang nagsisilbing
pinakamahalagang target para sa pag-unlad nito. Kung kaya naman, sa kanila lagi
nakasentro, isinasaalang-alang, at binibigay ang tuon sa pagbibigay ng magandang
serbisyo. Gayunpaman, sa paglipas ng panahon, ano na nga ba ang sentimyento at pulso
na napansin ng dalawang target na ito sa kanilang danas sa modernong moda ng
pamilihang ito? Sa isinagawang pag-aaral ni Dr. C. Eugine Franco at ni Bulomine Regi.
S ng International Journal of Research, kanilang sinuri ang bentahe at nakikitang banta
ng e-komersyo sa mga mamimili at mga nagnenegosyo. Mula sa kanilang pananaliksik,
aking nasipat na lapat ang kanilang natukoy sa naobserbahang danas sa pagiging lantad
ng mga Pilipinong mamimili sa e-komersyo.
Sa kanilang isinagawang pagsusuri, lumalabas na ang pinakapangunahing
bentaheng dulot sa pagbili online para sa mga mamimili ay ang pagiging convenient
nito, sapagkat dito’y isang pindot lamang ay maaari mo nang makuha ang iyong nais
bilhing produkto. Sumunod naman ay ang pagiging “Time Saving” daw nito. Sa tulong
nito, hindi “hassle” at mas mabilis nating mapipili at makukuha ang produktong ninanais
ng konsumer. Isama na rin natin ang pagkakaroon ng maraming opsyon o baryasyon na
kung saan hindi tulad sa pagbili sa mga tradisyunal na pamilihan, ay mas makapipili ang
mamimili ng kanyang nais na disenyo, style, at iba pa. Ikinaganda rin nito ay ang
pagkakaroon o paglalagay ng feedback o reviews nang sagayon ay magsilbing basehan
agos 179
#SHOPEE
ng mamimili sa pagbili at lalo’t higit sa lahat, bentahe rin ang pagbili online sapagkat
maaari kang makakuha ng diskwento at promo rito. Sa kabilang banda, kung titignan
naman ang bentaheng dulot nito sa usaping pagnenegosyo, ilan sa mga lumalabas ay
ang pagtaas ng customer base, ibig sabihin, dahil online ito ay mas madaling makikita o
ma-a-akses ng mga tao ang produktong ibinebenta. Isang nakikitang kagandahan na rin
ay ang availability ng mga online shop, kung saan kumpara sa tradisyunal na paraan ng
pamimili, 24/7 o magdamag itong bukas at walang oras kung kalian magbubukas at
magsasara. Panghuli, ang kaalwanan sa paraan ng pagbabayad ng bills at
pakikipagtransaksyon. Kumpara sa tradisyunal na pamamaraan, dito’y hindi mo na
kailangang maglabas ng aktuwal na pera sa halip ay maaari ka na lamang gumamit ng
mga online payment apps para sa pagbabayad.
Sa kabila ng maraming kaalwanan o bentaheng naidudulot ng e-komersyo,
marami ring disbentahe ang hatid nito sa parehong mamimili at nagnenegosyo. Para sa
mga mamimili, kadalasang banta ay ang seguridad. Dahil ito ay nasa birtwal na espasyo,
hindi maiiwasan ang mga taong may masasamang loob o nanloloko ng kanilang mga
kostumer. Kasama na rin dito ay ang sa usaping kalidad. Dahil online, hindi natin
masisigurado kung pasok ba ito sa kalidad na ninanais natin. Maging ang walang
kasiguraduhang pagdating ng produkto o ang pagka-delay ay karaniwan rin nakikitang
problema. Sa kabilang dako naman, may banta ring nakikita na dulot ang online
pamilihan sa pagnenegosyo. Una na sa listahan ay ang sa usaping seguridad. Sa online
pamilihan, hindi lamang seller o nagbebenta ang nanloloko bagkus maging ang mga
mamimili rin. Pati ang internet koneksyon lalo na ng mga seller ay nakikitang kahinaan
rin sapagkat nagdudulot ito ng aberya sa pakikipag-ugnayan sa kostumer, at ang
panghuli ay ang aberya sa usaping pakikipagtransaskyon ng bayad sa pagitan ng
kostumer at seller ay banta rin.
Kung titimbangin ang bentahe’t disbentahe nito sa pangkalahatan, mas
namumutawi ang kalamangan at pagtingin ng tao sa bentaheng naidudulot nito sa
kanila. Kung tutuusin, kung titignan ang e-komersyo sa makrong perspektiba, tunay na
malaki ang kaalwanang naidudulot nito sa pamumuhay ng tao sa napakaraming aspekto.
Higit sa lahat, napakagandang instrumento rin nito sa pagtanggap natin sa makabago
at modernong mundo. Ngunit sa kabila ng lantad na nakikita nating kagandahang
naidudulot nito ay siya namang paunti-unting pagkalimot natin sa iba pang mga bagay
agos 180
#SHOPEE
o gawi na dapat ay siyang mamutawi sa atin. Sa aking pagsusuri sa maykrong
perspektiba, oo’t may pagsabay at pagyakap tayo sa moderno at uso ngunit kapansin-
pansing paunti-unting nilulunod at nililihis tayo sa daan patungo sa pagkalimot ng ating
sariling kultura partikular na sa mga produktong sariling atin. Kumbaga, hindi na
naaalintana at lagi nating naisasantabi ang atin, makasabay lamang sa uso lalo na ng
produktong galing abroad. Sa madaling sabi, nagkakaroon ng cultural alienation o pag-
abandona o kakulungan sa pagtingin sa sariling kultura dahil mas nadomina ang utak
natin ng kolonyal na pag-iisip.
Ang uso at kultura ay dalawang interkonektadong bagay. Kumbaga, kaalinsabay
ng pagtangkilik natin sa pag-o-online shopping partikular na ang Shopee na patok at
uso sa kasalukuyan ay nararapat na sabayan ng hindi natin pagkalimot bagkus ay
pagtanaw sa sariling atin. Ito ang hamon na aking nakikita’t nararapat itimo sa isip na
bigyang aksyon sa aking pagtuturo sa hinaharap lalo na sa mga kabataang babad sa
ganitong uso. Bilang isang guro’y mahalagang tayo ang manguna sa paggagap ng
konseptong pag-iisa at pagsasanib-puwersa ng dalawang ito upang magbunsod ng
paglago at pagtamo ng ating lipunan sa pag-unawa sa diwa at tunay na esensya ng mga
nauusong kultura sa kontemporaryong panahon. Sa pamamagitan ng pagbibigay natin
ng importansya o pagpapahalaga sa mga ito, mabilis nating matatalunton ang adhikain
nating pambansang kamulatan at kaakuhan na maaari nating ipagmalaki sa iba sa
pamamagitan ng pagsasatitik o paglalapat nito sa mga sulatin o panitikan nang sa gayon
ay mag-iwan ito ng tatak o marka sa ating kasaysayan. Kaya naman sa pangkalahatan,
itimo natin sa ating isipan na ayos lamang ang pagsabay, pagyakap, at pagtangkilik sa
mga nauusong ito partikular na ang online shopping, ngunit huwag na huwag lang
nating kalilimutan ang pagtingin sa ating pinag-ugatan o pinaggalingan upang
pundasyon ng lipunan ay hindi mawasak at mas lalo pang mapagtibay.
agos 181
MGA SANGGUNIAN
Dr. C. Eugine Franco, and Bulomine Regi. S, “ADVANTAGES AND CHALLENGES OF
E-COMMERCE CUSTOMERS AND BUSINESSES: IN INDIAN PERSPECTIVE”
International Journal of Research – Granthaalayah, Vol. 4, No. 3: SE (2016): 7-13.
Leon, Espie Angelica. “PayPal Study Reveals More Filipinos Are Now Shopping Online.”
Newsbytes.PH, 21 Nov. 2020, newsbytes.ph/2018/07/01/paypal-study-
reveals-more-filipinos-are-now-shopping-online-2.
Moey, Simon Kemp Sarah. “Ecommerce in The Philippines in 2019.” DataReportal –
Global Digital Insights, 18 Sept. 2019, datareportal.com/reports/digital-2019-
ecommerce-in-the-philippines.
Wikipedia contributors. “Shopee.” Wikipedia, 13 May 2021,
en.wikipedia.org/wiki/Shopee.
agos 182
Ugnayang Pilipino At Mexicano: Sipat Sa Kultural At
Ekonomikal Na Implikasyon Ng Tacos
Ni: Marco Nathaniel Fidel
Minsan ka na bang napaisip na ang kinakain mo sa araw-araw ay maaaring
magsabi ng lugar na iyong pinanggalingan? Nagtataka ka ba kung bakit ang iba’t ibang
tao sa mundo ay kumakain ng iba’t ibang klase ng pagkain? O napatatanong ka ba kung
bakit ang isang simpleng pagkain na madalas nating nakikita sa araw-araw at isinasama
sa ating mga #FoodTrip ay may malaking bahagi sa kulturang ating kinagisnan?
Mayroong malaking papel na ginagampanan ang pagkain bilang bahagi ng kulturang
nakatali sa ating pagkakakilanlan.
Sa ating mga personal na karanasan, lumaki tayo na kinakain ang mga inihahapag
sa atin ng ating kultura. Nagiging bahagi na ito ng ating mga sarili na pilit nating
hinahanap-hanap. Karamihan sa atin ay may nabubuong sentimental na alaala
pagdating sa mga pagkaing nagiging bahagi ng ating pagkabata. Naaalala ko noong
ako’y nag-aaral sa antas elementarya, sa tuwing mapapasama kami ng aking kapatid sa
honor roll, hinding-hindi malilimutan ng aking ina na pasalubungan o dalhin kami sa
isang fast food chain na may pulang bubuyog at naghahain ng nakatatakam na pritong
manok o chicken joy. Ang amoy at linamnam nito ay naging simbolo ng tagumpay at
kasiyahan para sa akin. Kaya, hanggang sa aking paglaki, sa tuwing may pagdiriwang o
kasiyahan ay lagi’t laging bahagi ng handaan ang masarap at malinamnam na chicken
joy.
Sa mas malawak na perspektiba, ang pagkain ay mahalagang bahagi ng kultura.
Ang mga tradisyunal na putahe ng isang bayan o lugar ay patuloy na ipinapasa mula sa
agos 183
#TACOS
isang henerasyon patungo sa ibang henerasyon. Nagbibigay kulay rin ito pagdating sa
pagkakakilanlan at kaakuhan ng isang kultura. Ang mga taong nangingibang-bayan
bunsod ng iba’t ibang salik gaya ng intermarriages ay nadadala ang mga pagkain at
putahe ng kanilang bayan sa lugar na kanilang paroroonan. Sa ganitong paraan, ang
kultura pagdating sa pagkain ay mas napalalawak at napananatili hanggang sa ibang
bayan.
Ayon kay James Beard, isang tanyag na manunulat ng cook books, ang pagkain
ang nagbubuklod sa bawat isa; isa itong panlahatang karanasan. Samakatuwid, anoman
ang kulay ng iyong balat at anoman ang iyong paniniwala, lahat tayo ay kumakain. Ang
mga putahe sa iba’t ibang panig ng mundo ay magkakaiba ngunit nagkakamukha naman
pagdating sa sa iisang gawi – ang kumain.
Kung usapin ng pagkakakilanlan pagdating sa pagkain, hinding-hindi mawawala
ang nakatatakam na tacos. Ang tacos ay nagmula sa bansang Mexico na kilala bilang
isang street food o meryenda sa nasabing bansa. Sinong hindi matatakam sa giniling na
karne ng baboy, baka o isda, na may kasamang iba’t ibang pampalasa gaya ng sibuyas,
labanos, at maanghang-anghang na sauce na nakabalot sa malinamnam na tortilla?
Jusko, kahit ako ay naglalaway habang inilalarawan ang pagkaing ito – ang pagkaing
naging pagkakakilanlan na ng mga Mexicano. Ang tanging tanong lang: sa kabila ng
pagiging kilala at nakatatakam na pagkaing ito, natutupad ba nito ang sinambit ni Beard
na ang pagkain ay nagbubuklod sa bawat isa? O nagiging daan lamang ito upang
magkaroon ng pagitan sa bahagi ng mga mamamayan sa lipunan?
Kasaysayan at Turing sa Tacos sa Mexico
Sa bawat pagkaing umuusbong gaya ng tacos, mahalagang sipatin ang
pinagmulan nito upang mabigyan nang malalimang pagsusuri pagdating sa implikasyon
nito sa kasalukuyang panahon.
Kilala ang tacos bilang isang pagkaing Mexicano na mayroong iba’t ibang
bersyon depende sa paraan ng pagluluto at lugar na pinanggalingan. Ang mga
mamamayan ng Mexico ay nakasanayang iangkop ang kanilang pagluluto sa teknik at
estilo ng kanilang mga ninuno at maging ng mga taga-Europa. Ayon kay Holtz at Mena
(2015), ang tacos ang nagsisilbing focal point pagdating sa lutuing Mexicano.
agos 184
#TACOS
Samakatuwid, malaki ang papel na ginagampanan nito sa kultura at pagkakakilanlan ng
Mexico.
Pinaniniwalaang walang tiyak na lugar at petsa kung saan at kailan unang
umusbong ang pagkaing ito. Subalit, ayon kay Jeffrey Pilcher, propesor ng kasaysayan
sa University of Minnesota, kaniyang sinaliksik at sinuri ang batayang pinagmulan ng
kilalang pagkain ng mga Mexicano. Ayon sa kaniya, nagsimulang kainin ang tacos sa
mga minahan ng pilak sa Mexico noong ika-19 na siglo. Ang hakang ito tungkol sa
pinagmulan ng taco ay mula sa ideyang ang unang taco ay ang “taco de minero,” na
nangangahulugang taco ng/o pagmamay-ari ng mga minero. Ito ang nagsisilbing unang
kutsara ng mga Mexicanong minero na pangunahing gamit sa pagkain. Gayundin, kung
mapapansin, ang hugis ng taco ay mistulang isang dinamita. Pinaniniwalaang ang
salitang “taco” ay nagmula sa salitang Espanyol na “taquito” na nangangahulugang
maliliit na papel na ginagamit ng mga minero upang ibalot ang mga butil ng pulbura
upang gawing pasabog o paputok sa minahan.
Ang proseso ng nixmatal ay kilala rin sa Mexico at ginagamit upang mabuo ang
tortilla – ang malambot na pambalot sa mga sangkap ng tacos o kilala rin sa tawag na
pita bread. Sa prosesong ito, pinakukuluan ang maize flour o harina ng mais at ibinibilad
naman sa loob ng isang araw ang mga butil ng mais. Sa pamamagitan nito, hinahayaang
lumapot at lumambot ang timpla para sa tortilla. Pinaniniwalaang ang prosesong ito ay
mula pa noong 1,000 at 500 B.C. Dahil sa abilidad nitong mapagsama-sama at mabalot
ang iba’t ibang sangkap ng taco, nagkaroon ito ng iba’t ibang bersyon (Holtz at Mena,
2015).
Isa sa mga uri ng taco ay ang pagkakaroon nito ng matigas na tortilla, iba sa
karaniwang taco na may malambot na balot. Mayroon itong mala-kabibe na itsura ng
tortilla na may malutong-lutong na yari. Ginawa ito upang madaling mabitbit ang taco
sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Gayundin, mas mahabang panahon ang itinatagal nito
kumpara sa karaniwang taco na may malambot na tortilla at madaling masira sa loob
lamang ng isang araw. Malaking tulong ito sa tuwing dinadala ang authentic at original
na tacos sa iba’t ibang bahagi ng mundo. ‘Yun nga lang, maraming nagsasabi na hindi
ito nagmula sa Mexico bagkus ay nanggaling sa Estados Unidos.
Malaki rin ang papel na ginagampanan ng mga “taqueria” o taco shops pagdating
sa kasaysayan ng tacos. Sa loob ng maraming taon, ang mga taquerias ay nagsilbi
agos 185
#TACOS
lamang sa mga Mexicanong manggagawa na karaniwang mga lalaki. Dahil dito, ang mga
babaeng migrants ay nagdala ng tacos sa Lungsod ng Mexico upang ibenta at
pagkakitaan na naging daan upang unti-unting maging sentro ng mga taco ang nasabing
lungsod. Samakatuwid, ang bahaging ito ng kasaysayan ng tacos ay nagpapatunay na
kahit noon pa man, ang mga kababaihan ay nagiging instrumento upang pagsilbihan ang
kalalakihan. Ang patriyarkal na lipunan ay nananaig na mula pa noon sa mukha ng mga
papel na ginagampanan ng kasarian – ang kababaihan bilang tagaluto na isang gawaing
bahay at ang mga kalalakihan ang siyang lumalabas at dapat magtrabaho’t magbanat ng
buto.
Dahil sa makulay at malalim na kasaysayan ng taco, hindi maikakailang patuloy
itong namamayani sa mga Mexicano. Ika nga ni Valle (2020), ang taco ay hindi lamang
isang putahe. Isa itong paraan ng pagkain. Sa katunayan, marami sa mga Mexicano ay
naniniwalang ang lugar ng taco ay sa lansangan. Ibig sabihin, nagsisilbi ito bilang isang
pagkaing para sa LAHAT, anoman ang iyong uring kinabibilangan. Ang kaso, dahil
pinaniniwalaang ang lugar nito ay sa lansangan, nagkakaroon ng ibang konotasyon
pagdating sa pagkaing ito.
Noong panahon ng kolonyalismo, ang mga taong kabilang sa matataas na uri ng
lipunan ay may kapasidad na ibukod ang pamilya mula sa publiko, lalong-lalo na ang
mga kababaihan. Samakatuwid, ang mas matataas ang uri sa lipunan ang siyang hindi
gaanong nakikisalamuha sa nakabababang mamamayan. Dahil dito, ang mga
kababaihang alipin at/o manggagawa ay walang ibang pagpipilian kundi ang manatili sa
lansangan kung saan naroroon ang tupok ng mga mamamayan. Ang ganitong pag-iisip
na hinubog ng kolonyalismo ay nagpapatuloy sa kung paano tinitignan ang mga
pagkaing lansangan. Kaya, ang mga pagkaing nakikita sa publiko na labas sa mga de-
aircon at magagarang kainan ay nakikita bilang marumi, masama sa kalusugan, at
mababang uri ng pagkain. Subalit, ang lugar na pinaglalagyan ng mga pagkain ay walang
direktang kinalaman pagdating sa linis at epekto nito sa kalusugan. Pangunahing
batayan pa rin ay ang paraan kung paano ito inihanda at kung ano-ano ang mga
kasangkapang ginamit para dito. Ngunit sa kabila ng mga ito, ang taco na isang pagkaing
lansangan ay patuloy na kinikilala at tinatangkilik ng mga Mexicano. Nagsisilbi ito bilang
isang instrumento upang mabalanse ang kultura sa pagitan ng iba’t ibang antas at uri sa
lipunan. Ang mga kaisipang kolonyal, klasista, at elitista ay hindi namumutawi sapagkat
agos 186
#TACOS
mas nananaig ang taco hindi bilang isang pagkaing lansangan kundi bilang isang hiyas
ng kanilang kultura na maipagmamalaki sa buong mundo.
Samakatuwid, ang taco ay isang matibay na haligi ng kulturang Mexicano. Ang
iba’t ibang bersyon nito ay mas lalong nagpatingkad at nagpasikhay sa katanyagan nito
sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Nagiging simbolo rin ito ng kaakuhan para sa mga
Mexicano dahil sa pandaigdigang pagkilala sa kanilang sariling putahe.
Ugnayang Pilipinas at Mexico
Sa kultura ng Pilipinas, hindi pwedeng maalis sa listahan ang pagkain. Kilala ang
mga Pilipino na nagtuturing sa pagkain bilang isang mahalagang bahagi ng kultura. Ang
iba’t ibang tradisyon at nakasanayan na patuloy na ipinapasa mula sa isang henerasyon
patungo sa mga susunod na henerasyon ang siyang bumubuhay at nagpapasarap sa
mga pagkaing nakagisnan natin mula pagkabata. Gaya ng naging pagtalakay sa Mexico,
malaki rin ang kanilang pagpapahalaga sa pagkain bilang bahagi ng kanilang kultura.
Hindi maaalis ang iba’t ibang mga pagkain na mayroong pambansang simbolo sa
dalawang nasabing bansa.
Bukod sa kaisipang ang pagkain ay may malaking bahagi sa kultura, may
pagkakahalintulad din pagdating sa paraan ng pagluluto at putahe ang bansang Pilipinas
at Mexico. Nariyan ang pagkahumaling ng mga Pilipino at Mexicano pagdating sa iba’t
ibang sawsawan. Para sa ating mga Pilipino, #SawsawanIsLife! Hindi maaalis sa ating
hapag-kainan ang platito na mayroong sawsawan na binubuo ng iba’t ibang pampalasa.
Ganito rin sa Mexico kung saan ang bawat putahe ay hindi mawawalan ng mga
pampapalasa na nasa anyong likido o sauce dahil para naman sa kanila, #SauceIsLife!
Hindi rin mawawala sa pinggan ng mga Pilipino ang kanin na isang uri ng
pagkaing nasa anyong butil o grano (grains). Almusal, tanghalian, meryenda, at hapunan,
laging may espasyo ang mga butil na ito sa ating mga kumakalam na tiyan. Ang bagay
na ito ay mayroon ding pagkakatulad sa mga Mexicano. Ang kaibahan nga lang, ang
kanilang mga pagkaing nasa anyong butil na hindi mawawala sa hapag-kainan ay ang
mais. Hinding-hindi mawawala sa mga pagkaing Mexicano ang mais gaya ng kung
paanong hindi mawawala ang kanin para sa mga Pilipino.
Bukod sa mga ito, nagtatagpo rin ang mga Pilipino at Mexicano pagdating sa iba’t
ibang uri ng mga pampalasa. Nariyan ang mga siling pampaanghang, paminta, bawang
at sibuyas, at iba pang mga organikong pampalasa na hindi dapat mawala sa iba’t ibang
agos 187
#TACOS
putahe. Ito ang itinuturing na mga secret ingredient upang mas tumalab ang sarap sa
mga lutuing Pilipino at Mexicano.
Ang mga bagay na ito ay hindi na kataka-taka sapagkat pawang naging kolonya
ng Espanya ang mga bansang Pilipinas at Mexico. Isa sa mga pangunahing layunin ay
ang mayaman na mapagkukunan ng pampalasa mula sa dalawang bansa. Kaya, lantad
na lantad ang impluwensiyang Espanyol at Hispaniko pagdating sa kultura ng dalawang
bansa lalo na sa paraan ng pagluluto – mayroong anghang sa mga tradisyunal na lutuin
at hindi mawawala ang mga sawsawan at sarsa.
Bukod dito, upang yumaman pa nang husto ang ekonomiya ng Pilipinas sa
panahon ng kolonyalismong Espanyol, ipinatupad ang isang sistemang pangkalakalan
na kilala sa tawag na Kalakalang Galyon. Gamit ang sasakyang pandagat na “galyon,”
iniluluwas ang mga produktong mula sa Pilipinas patungong Espanya maging sa iba’t
ibang kolonya nito. Ang pangunahing katuwang ng Pilipinas sa sistemang pangkalakalan
at ugnayang komersyong ito ay walang iba kundi ang bansang Mexico. Kilala ang
ugnayang ito bilang “Kalakalang Manila-Acapulco” dahil sa rutang binabagtas ng galyon
mula Maynila patungong Acapulco, Mexico. Dahil dito, nagkakaroon ng palitan ng
produkto ang dalawang bansa noon na nadala at nananatili hanggang sa kasalukuyan.
Samakatuwid, ang pagkakaroon ng pagkakatulad pagdating sa kultura ng dalawang
bansa, lalo na sa pagkain, ay isang bagay na hindi na dapat ikagulat bunsod ng historikal
na kalagayan ng mga bansang nabanggit.
Dahil sa mga malinaw na ugnayang ito ng dalawang bansa, hindi na rin
nakagugulat na ang taco ay isang pagkaing kinikilala rin sa Pilipinas. Ang taco na
pambansang simbolo ng Mexico ay buong-giliw na tinatangkilik ng mga Pilipino. Ang
kaibahan nga lang, ang taco na isang orihinal na pagkaing lansangan na para sa masa ay
mistulang isang pagkaing maharlika sa bansang Pilipinas.
Turing sa Tacos sa Pilipinas
Ayon kay Catherine Armecin, binalot na ng konsumerismo ang mga Pilipino. Ito
ang proseso ng paggasta sa iba’t ibang mga bagay nang higit sa pangangailangan ng
isang tao. Anomang mga produkto gaya ng damit, gadyets, at maging pagkain ay
patuloy na sinasakop ng konsumerismong Pinoy. Bagama’t isa ang Pilipinas sa mga
bansang pinakamahihirap sa Asya, naging tahanan naman ito ng mga naglalakihang mall
agos 188
#TACOS
na may mga dambuhalang food chain. Isa na nga rito ang pinakasikat na food chain na
naghahapag ng nakakatakam na tacos – ang Taco Bell.
Ang Taco Bell ay isang food chain na unang naitatag sa Irvine, California – USA
sa pamamagitan ni Glen Bell. Layunin nito na ihapag sa mga mamamayan ang mga
putahe ng bansang Mexico, partikular na ang tacos. Patuloy itong namamayagpag
hanggang sa kasalukuyan at sa katunayan, noong taong 2018 ay nakapagtala ito ng
rekord ng dalawang bilyong mga customer kada taon na may higit sa dalawang libong
mga branches sa buong mundo.
Sa Pilipinas, ang kauna-unahang branch ng kainang ito ay umusbong noong
Oktubre 30, 2004 sa Gateway Mall, Quezon City. Sa kasalukuyan, mayroong walong
branches ang Taco Bell sa bansa at pawang matatagpuan sa NCR.
Bukod sa Taco Bell, marami pang mga kainan sa bansa ang patuloy na naghahain
ng mga tacos upang matikman ang putaheng Mexicano. Kung susuriin, kalimitan sa mga
naghahain ng putaheng ito ay nakapaloob sa mga magagarang establisyemento o di
kaya’y nasa loob ng mga naglalakihang mall. Taliwas ito sa orihinal na pag-iral ng taco
sa Mexico na isang pagkaing lansangan. Dahil dito, nagbubunga ng mga presyong hindi
kaaya-aya sa bulsa na nagiging dahilan upang iilan lamang ang maaaring makabili at
makatikim nito.
Ang pag-iral ng ganitong praktika kung saan ang mga dayuhang bagay o
impluwensiya na dinadala sa bansa at nagkakaroon ng mataas na pagtingin ay bunga ng
kolonyal na pag-iisip. Sa bagay, sa loob ba naman ng higit 300 taong pananakop ng
Espanya na sinundan pa ng mga Amerikano, ay nag-iwan ng matinding marka sa
pamumuhay ng mga Pilipino. Ang mga impluwensiyang banyaga ay nagkaroon ng
malaking bahagi sa paraan ng ating pagdedesisyon. Samakatuwid, pinananatili ng
kolonyal na pag-iisip ang popularidad ng mga kanluraning impluwensiya upang mas
tangkilin at bigyan ng mataas na pagtingin ang mga bagay na mula sa mga banyaga.
Dahil din sa kolonyal na mentalidad, nagkakaroon ng pagkakahati-hati ng uri sa
pagitan ng mga mamamayang Pilipino. Buhay na patunay rito ang pag-iral ng tacos sa
bansa bilang isang pagkaing banyaga na mayroong mataas na presyo sa merkado. Kaya,
ang mga kabilang sa uring nakatataas lamang ang may kakayahang makabili at
makatikim ng putaheng ito na isang kabalintunaan sapagkat ang tacos ay pagkain sana
para sa LAHAT – imbis na sa lansangan, nasa magagarang mga mall matatagpuan.
agos 189
#TACOS
Gayundin, dahil sa patuloy na pananaig ng kolonyal na mentalidad sa bansa,
nagiging aparato na rin ito ng mga dambuhalang kapitalista upang mas pag-ibayuhin
ang kanilang mga negosyo. Ang mga bagay na mula sa impluwensiyang banyaga, gaya
pa rin ng tacos, ay nagiging simbolo ng estado sa lipunan o social status. Kaya, patuloy
sa pagpatong ng naglalakihang presyo ang mga negosyante dahil sa namumutawing
kasipan na kung ikaw ay may kakayahan o afford na bilhin ito, isa ka sa mga mayayaman
at tinitingala sa lipunan. Kung hindi mo naman ito afford, kabilang ka sa mga middle o
lower class ng lipunan. At ang masaklap pa, kapag ang isang tao na kabilang sa
mahihirap na biglang nagkaroon ng kakayahang makabili nito ay paparatangan bilang
isang social climber.
Samakatuwid, ang tacos na kilala bilang pagkaing masa sa orihinal na
pinanggalingan nito ay nagiging mukha naman ng elitismo sa ating bansa. Nagiging
dahilan ito upang mas umigting at lumantad ang pagkakaroon ng pagkakahati-hati sa
lipunan na mas pinagtitibay pa ng konsumerismo, kapitalismo, at elitismo.
Mga Hamong Iniwan
Hindi maikakaila na malaki ang papel na dapat gampanan ng sistema ng
edukasyon sa pagwaksi ng kolonyal na kaisipan sa mga mamamayang Pilipino, na
nagbubunga ng iba’t ibang epekto sa ating ekonomiya na tumatagos hanggang sa ating
kultura. Malaking pasanin din ito sa balikat ng mga makabayang guro sa kung paano
nila ito dapat ituro nang higit sa ideolohiya, dapat ay may nakalapat na praktika.
Kinakailangang magkaroon ng makabayang pedagohiya ang mga guro upang mahubog
ang kritikal na pag-iisip ng bawat kabataang Pilipino na magiging daan upang mas
lumalim ang kanilang kamalayan pagdating sa bayan at lipunan.
Halimbawa, ang usapin ng tacos na isang pagkaing pangmasa sa Mexico na
naging pagkaing pang-elitista sa Pilipinas ay maaaring ipaliwanag sa pamamagitan ng
“Lutuang Bayan” na susugsugan ng pagtalakay pagdating sa kultural na implikasyon nito
sa ating bansa. Sa ganitong paraan, mahahagip ang interes ng mga mag-aaral
kaalinsabay ng pagpapakilala sa iba’t ibang kulturang banyaga na maaaring maikumpara
o maihalintulad sa ating sariling kultura upang mas mapalawak ang kaalaman pagdating
sa iba’t ibang aspekto ng kultura. Kaya naman nakasalalay sa pedagohiya ng guro ang
agos 190
#TACOS
paghubog sa kamalayan ng bawat kabataang Pilipino na ang pangunahing tuon ay ang
interes at kapakanan ng sariling bayan.
Kailanman, hindi maituturing na kasalanan ang malulong sa iba’t ibang
banyagang kultura na bunga ng pag-usbong ng kulturang popular. Isa na itong natural
na tendensiya sa kasalukuyang panahon na hindi maiiwasan bunsod ng iba’t ibang
sistemang umiiral sa lipunan partikular na ang kapitalismo. Magiging kasalanan lamang
ito kung hahayaan natin ang ating mga sarili, maging ang ating mga kapwa, na magpatali
at magpadikta sa mekanismo nito. Dahil gaya ng tacos, may kalayaan tayong mamili sa
magiging bersyon ng ating mga sarili: tayo ba ay magiging isang tacos na may malambot
na tortilla na madaling masira’t mapanis bunsod ng iba’t ibang impluwensiyang
banyaga? O mas pipiliin natin ang tacos na may matigas na tortilla upang maging
matibay at matatag sa pagharap sa iba’t ibang hamon ng ating bayan?
agos 191
MGA SANGGUNIAN
Armecin, Catherine, By, and Catherine Armecin. "Konsumerismo Sa Pilipinas: Bakit Mas
Tinatangkilik Ng Mga Pilipino Ang Imported Na Produkto?" PhilippineOne. 04
Aug. 2017. Web.
Cocking, Lauren. "Everything You Need To Know About Mexico's Favourite Food, The
Taco." Culture Trip. The Culture Trip, 17 Aug. 2016. Web.
"FILIPINOS: COLONIAL MENTALITY?" English and Social Performance Task. 28 Dec.
2013. Web.
Flannery, Nathaniel Parish. "It's Time To Talk About Tacos." Forbes. Forbes Magazine,
12 Mar. 2019. Web
Global Gastros. "The Role of Food in Human Culture · Global Gastros." Global Gastros.
Global Gastros, 01 July 2017. Web.
March 16, 2020 |Diana Gabriela Pérez Valle | Comments. "The Social Power of the
Taco." Smithsonian Center for Folklife and Cultural Heritage. Web.
Mgc5166 October 16, Kvl5406 October 8, Aft5105 October 5, Mgc5166, Kvl5406,
and Aft5105. "The Culture of the Taco." Food Around the World. 02 Oct. 2015.
Web.
"PAANO NAKAKAAPEKTO ANG CONSUMERISM SA KAPALIGIRAN? - AGHAM."
Warbletoncouncil. Web.
Restaurants, Casa Blanca Mexican. "The History of Tacos." Casa Blanca Mexican
Restaurant, Massachusetts. 28 Sept. 2015. Web.
Taco Bell Philippines | Zoom Info
https://www.zoominfo.com/c/taco-bell-philippines/
Taco Bell, Metro Manila | Zomato
https://www.zomato.com/manila/restaurants/taco-bell
agos 192