Sagimsim
Ang nilalaman ng librong ito ay binubuong iba’t ibang akda at sulatin na likha ngmga mag-aaral ng BEED 3C para sataong akademiko 2025–2026. Layuninnitong ipakita ang kanilangpagkamalikhain, pag-unawa, atkaranasan sa iba’t ibang asignatura. Sapamamagitan ng mga akdang ito,naipapahayag ng bawat mag-aaral angkanilang tinig, pananaw, at natutunan sabuong semestre.Sagimsim
OUR COVERPeople Power MonumentQuezon City, PhilippinesKumakatawan sa pagalala sa hirap at tapangng sambayanangPilipino. Ikinokonektanito ang kasaysayan sanilalaman ng aklat nabinubuo ng mga tula atkuwentong pambata,bilang paalala na kahitang mga bata ay dapatmaunawaan anghalaga ng pagkakaisa,pag-asa, atpagtatagumpay mulasa mga karanasangmay bigat sa nakaraan.W. L. B . (2025)
Lubos naming pinasasalamatan si GinoongEricson Nepomuceno sa kanyang gabay,suporta, at walang sawang pagtuturo nanagbigay-daan sa pagbuo ng aklat na ito.Nagpapasalamat din kami sa aming mgamagulang, pamilya, at kamag-aral sakanilang pag-unawa at tulong sa buongproseso.Sa lahat ng naging bahagi ng proyektongito—maraming salamat.Pasasalamat
EHEADditorialRelissa G. AgapitoCreativesWilbert Lloyd V. BasilioKaren D. PiadozoHEADJoeffrey P. GustoWritersBEED 3CAY: 2025 - 2026ContributorsFaith Ann R. MongayaAngela Joy P. VillasanJustine Mae DL. TorresJustin L. Corpuz
Taong Panuruan: 2025 - 20261. Agapito, Relissa G.2. Barrientos, Abigail C.3. Basilio, Wilbert Lloyd V.4. Buco, Lady Princes SJ.5. Cabrera, Carla S.6. Corpuz, Judy Ann A.7. Corpuz, Justin L.8. Dela Cruz, John Lloyd R.9. Dela Cruz, Ninia Marie V.10. Dizon, Rhia Mie11. Domingo, Marivic M.12. Dumaya, Camille S.13. Duran, Joanna Cecilia A.14. Estabillo, Nicole G.15. Fernandez, Lean F.16. Francisco, Quennie DC.17. Galicia, Roosebelt M.18. Grospe, Cindy V.19. Gusto, Joeffrey P.20. Mabuti, Princess Nicole R.21. Magalona, Gladys G.22. Marcelo, Cyril May R.23. Marling, Joshua DG.24. Maximo, Jaira C.25. Mendoza, Samuel Henry DT.26. Mongaya, Faith Ann R.27. Moreno, Marielle M.28. Novesteras, Yanna Ysabelle V.29. Ordonio, Jhen B.30. Pascual, Jerica M.31. Piadozo, Karen D.32. Ramos, Allysa D.33. Rangel, Monica T.34. Santiago, Ana Liza S.35. Santiago, Melody J.36. Santos, Pricilla S.37. Silvestre, Rosevelle A.38. Sison, Merryrose J.39. Talan, Hannah Joyce V.40. Tirazona, Ryza Mae F.41. Torres, Justine Mae DL.42. Valdez, Analyn DC.43. Villasan, Angela Joy P.44. Wayno, Jenilyn C.
Tula
Ang Tamang Daan ngKabataanni Relissa G. AgpitoPaano ko ba hahanapin ang mga salita,para sa aking tula.Kung ang iilan sa mga ito'y nangagsiwala.Tulad ng mga kabataang tila napapariwara.Sinasaktan ang sarili, pahiwatig na ayaw ng mabuhay.Sinayang ang mga bagay na dapat pang mahukay.Kabataang handang magpakain sa kadiliman,Magsimula kang manalig at tumingala sa kaitaasan.Malipol man ang mga pag-asang kaniyang bigay,Mabihag man ng tukso ang iyong puso,Humina man ang lambing ng iyong mga salita.Huwag kang mangangatog sa lamig ng iyong mga luha.
Huwag magpalamon sa kadiliman,na naging dahilan ng muntikan mong paglisan.Marahan mong imulat ang talukap ng iyong mga mata,At masdan ang buhay na kaniyang bigay ay tunay na kay halaga.Kabataan, patawad kung marahan kang naniniwala,na ang buhay ay isang tanging parusa.At ang minsang kagandahan,ay para lamang linlangin ang mga taong umaasa.Ngunit ika'y sasamahan sa tamang daan,Upang patunayan na may kaligayahan ang buhay,kaya't ikaw ay sumabay.At ngayo'y muling umasa, na saiyo'y mayroong magsasalba.lyong alalahanin,Ang mga lugar na p'wede mong silungan.Kung walang balikat na p'wedeng sandalan,Mayroon namang luhuran at simulan ang iyong munting dasal.Nahanap kona ang mga salita, para sa aking tula,ang ilan sa mga ito'y hindi na nawawala.Dahil ang kabataang dating napariwara,Nalunod na sa pagmamahal na sa kaniya'y lumikha.Ikaw, kung nasilayan mo na ang iyong tunay na halaga,At nadama ang diwa ng kaniyang presenya.Yayakapin mo ba ang panibagong pag-asa?O mananatili pa rin sa sakit ng nakalipas na luha?.
Salamat, Kaibiganni Abigail C. BarrientosNgiti, lungkot, pagod at kasiyahan.Minsan ay hindi ko rin maintindihan,ngunit isa lang aking alam.Ako’y masaya kapag kasama ang mga kaibigan.Totoong ang paligid ay maraming kahirapan,salamat sa palaging pagpapagaan.Kasama ko kayong lagi sa mga tawanan,mahal ko kayo, mga kaibigan.Palaging nagtutulunganMagkakapatid na ang turinganLagi kang may maaasahanSalamat, mga kaibigan.
Kahit magbago man ang panahon,Ang samahan ay ‘di matitibag ng panahon,Sa bawat alaala, puso’y nagiging masigla,Pagkakaibigan natin, walang kapantay na ganda.Saan man makarating,Lagi kong tatanawin,Mga pinagsamahan natin,Hinding-hindi ko lilimutin.
Sa Likod ng Screenni Wilbert Lloyd BasilioSa likod ng screen, may mga salita,Na minsan ay sakit ang dinadala.Akala ng iba, biro lang naman,Pero sa puso, sugat ang naiwan.Isang pindot lang, kalat na agad,Ang sakit ng iba, ginawang libang.Nakalimutan, sa bawat komento,May taong nasasaktan ng totoo.Kung kaya mong magmahal, makinig,Kaya mo ring maging mabuting kaibigan.Sa halip na manira o manlait,Piliin mong magmahal at umunlad.Itigil na natin ang pangungutya,Dahil sa net, pantay tayong lahat.Gamitin ang salita sa tama,Upang mundo’y maging payapa.
Tinig ng Pusoni Lady Princes SJ. BucoSa tahimik na gabi, ika’y alaala,Pag-ibig mong wagas, aking sandigan,Sa unos ng buhay, ika’y tahanan,Sa bawat ngiti mo, ako’y natatablan.Ng init ng damdaming walang hanggan.Ngunit pag-ibig, di laging masaya,May pait, luha, at pagkadapa,Ngunit sa bawat sugat at pagkadulas.Tunay na pagmamahal ang bumabalik sa wagas.Natuto akong magmahal nang totoo,Hindi lang sa saya, kundi pati sa dulo,Dahil ang puso, kung tapat at totoo.Ay kayang magmahal kahit walang kapalit ito.Pag-ibig mo’y ilaw sa aking gabi,Tinig mong maririnig sa hangin lagi,Sa bawat dasal ng aking labi.Ang iyong pangalan, lagi kong sambit.Kung ito man ay magtapos sa luha,Aking puso’y ‘di magsisisi kailanman.
Paru-Paroni Carla S. CabreraParu paro sa hardin na kay ganda,Lumilipad sa araw na masigla,Di mo alam, sa bawat kumpas mo,May saya kang hatid sa ibang tao.Minsan akala mo’y'di ka mahalaga,Parang liwanag na naglalaho bigla,Ngunit tandaan, sa bawat galaw mo,May ngiti itong dulot sa paligid mo.'Wag kang mawalan ng tiwala,Ang ganda mo’y'di nawawala,Sa puso mong puno ng kabutihan,Ika’y inspirasyong'di malilimutan.'Wag kang matakot lumipad,Kahit minsan ika’y madapa agad,Sa bawat bagsak may aral kang dala,Na magtuturo sa’yong tumindig muli’t sumaya.Kaya sa bawat araw na darating,Maniwala sa iyong sariling galing,Maganda ka, matalino’t mabait,Tulad ng paru-paro, magandang masdan kahit tahimik.
Sa aking mapagmahal na ina.Ikaw ang nagbigay ng buhay upang masilayanang kagandahan ng mundo.Inalay mo ang iyong buhay na totoo.Sinisiguro ang tamang pag-aaruga mo.Sa unang paghakbang ng aking mga paa ikaw ang gabay ko.Sa aking pagkadarapa ikaw ang sumasalo.At sa bawat luha na ipinapatak ng aking mgamata ikaw ang nagsisilbing panyo ko.Lumaki ako na apaw sa pagmamahal mo.Nasanay ako na ikaw ang panyo ko sa bawat pagpatak ng aking mga luha.Bawat pangaral mo’y para sa ikabubuti ko.Ikaw ang natatanging idolo ko.Kaya’t sa iyong pagkawala.Labis ang lungkot na nadarama ko.Saksi ka sa aking unang paghinga.Ngunit lungkot ang nadarama ng masaksihanko ang iyong huling hininga.Ang Nagbigay Buhayni Judy Ann Corpuz
Salamat sa pag-aarugang walang hinihinging kapalit kundi angmatatamis kong ngiti.Sa iyong paglisan sa mundo baon ko ang mga pangaral mo.Mananatili ang pagmamahal at kabutihan mo.Hindi mawawala sa puso’t isip ko.
Puting Banyaga sa Puso ni Gandani Justin L. CorpuzPagkagising sa umaga, maayos dapat ang itsuraHaharap sa camera, na may ngiti sa mga mata.Isang araw ako'y may nakilala, ang sabi niya ako'y kaygandaAt ako itong si tatanga-tanga, na naniwala sa matatamis niyangsalita.Ako nga'y nahulog na sa kanya, sa lalaking puti na banyagaLumipas ang isang araw, isang linggo at mga buwan na kami’ylaging masaya.Palitan ng mga mensaheng,“mahal ko kumain ka na ba?”.Mga gabi na ang panaginip ko’y lagi siya, o kay sarap gumising diba.Mga mata niyang sing asul ng kalangitan, mga labing sing pula ngkamatisMga boses nakasinglalim ng balon sa amin.Mga titig na nagpapahiwatig ng kanyang pagmamahal sayo nglabis.Oh pagkatamis-tamis ng inakala kong siyang tunay kong pag-ibig.Pero bakit hindi mo sinabing dalawa pala kaming iyong nais.Masakit man tanggapin pero akin itong kakayaninGanito pala ang pag-ibig, parang drogang nakakaadikSa una ika’y paliligayahin, pero hindi mo mamamalayan unti-unti kana nitong sisirain.
Sa loob ng pitong buwan na aking naranasan, ako ay may natutunanHindi sa anyo at kulay nababase ang pagmamahal, may mga puti atbanyagang ika'y sasaktankaya ika’y pakatatag at pakatibayan ang puso sa mga taong hangad naika’y saktan.Andito ako kaibigan, handa kang damayan sa kahit ano pa man.
Ikaw'yung tamang tao, pero mali ang sitwasyon,Parang kanta sa radyo na'di tugma sa tema,Nakita kita, biglang kumabog ang puso ko,Pero sabi ng mundo,“Hindi pa tamang panahon.”Sa bawat ngiti mo, may halong takot,Kung aamin ako, baka mawala ka,Kaya tahimik lang ako, pero sumisigaw ang isip,“Pakiusap,‘wag mo sanang madama.”Minsan, ang tadhana parang biro lang,Pinagtagpo tayo, pero hindi ito nakatakdang mangyari,Sinubukan kong lumaban, tumayo,Pero paano kung oras ang kalaban ko?Kung sakali, sa ibang pagkakataon,Baka doon tayo magtagpo,‘Pag handa na ang puso,‘Pag sabay na ang mundo.Ngayon, ikaw ay alaala na lang,Nasa isip ko, pero di ko masabi,Tamang tao, maling pagkakataon nga,Pero sa puso, ikaw pa rin talaga.Kaya heto ako, muling humihinga,Hindi man tayo, pero salamat sa saya,Sa maling panahon, may tamang aral,Na minsan, ang pag-ibig, hindi kailangang makuha.Panahonni John Lloyd R. Dela Cruz
Tahan ng Pagmamahalni Ninia Marie Dela CruzSa piling ng aking pamilya ako’y payapa,Kanlungan sa lungkot, sandigan sa dusa,Bawat ngiti nila’y hatid ay ginhawa,Puso ko’y punô ng tuwa’t pag-asa.Sa hapag-kainan kami’y nagkakasalo,Kwento at tawanan, saya’y umaapaw ito,Kahit simpleng ulam ay tila kay ginto,Pag-ibig ng pamilya’y tunay na kay bango.Kapag ako’y may luhang dumadaloy,Yakap nila’y agad kong inaabot,Sa init ng bisig, takot ko’y nalulusaw,Parang tanglaw sa dilim ng gabi’t lungkot.Itinuturo nila ang tama at mali,Gabay sa landas ng buhay kong tahimik,Aral na iniwan, pusong dakila,Kayamanang di mananakaw kailanman.
Salamat, pamilya, sa wagas na pag-ibig,Kayo ang dahilan ng ngiting matalik,Sa bawat tibok ng pusong masigla,Nananahan kayo aking pamilya
Hangin, Alon at TayocSa mahabang daan kami’y magkasabay,Hangin sa mukha, sigla’y walang kapantay. Salikod ng motor, ako’y nakayakap, Habangtanaw ko ang langit na kay liwanag.Walong taong di nasilayan ang dagat, Ngayo’ymuli kong naramdaman ang alat. Kasama ka,puso ko’y naglakbay, Sa alon ng dagat, tayo’ysabay.Tawa, musika, at kwentong paulit-ulit, Pagodna katawan pero puso’y sulit. Bawat liko ngdaan may halakhak at kwento, Walangplano pero puno ng ginto.
Nang marating ang dagat, ganda ay kaylawak, Parang tinanggal lahat ng bigat sabalikat. Sa buhangin at alon, sabay tayongnaglakad, Habang ang araw sa atin aynakangiti’t banayad.Walang luxury, walang plano, pero maykwento, Simpleng biyahe, pero puno ngemosyon at totoo. Dingalan, salamat sapaalala, Na minsan, hindi mo kailangan ngmarangyang mundo kailangan mo lang ngtaong sasabay sa ‘yo.
Pag-ibig na 'Di Tiyakni Marivic M. DomingoSa bawat titig mong kay lambingPuso ko ay tila lumilipad sa hanginNgunit sa likod ng iyong tinginMay tanong kung ako ba ay mahal mo rin.Bawat salitang iyong binibitawanAy parang awit na may kahuluganNgunit sa dulo, ako’y naguguluhanTunay ba ito o panandalian?Ngiti mong kay tamis, kay sarap titiganNgunit bakit puso ko’y may alinlanganParang apoy na walang hangganNgunit biglang nawawala sa ulan.Gusto kong maniwala sa “tayo\"Ngunit takot akong ‘di magtagpoPag-ibig mo ba’y totooO isa lamang itong laro sa iyo?
Araw at gabi, ako’y nag-aabangSa sagot mong ‘di ko maramdamanHanggang kailan ako mangangarapKung puso mo’y hindi ko mahagilap?Kung tayo man ay ‘di itinadhanaAko’y ‘di mo rin masisisi sintaSapagkat minahal kita nang buo’t totoo,Kahit wala mang katiyakan kung ito'y hangang dulo.
Ama at Inani Camille S. DumayaAma at InaKayo ang bumuo sa ating pamilyaKayo sa aming magkakapatid ang nag alagaKailanma'y hindi kayo nagsawa.Paminsan ay napapagodNgunit hindi tumitigil kumayodUpang kami'y mairaosAt sa pag aaral ay maipagtaposAming Ama at InaSalamat sainyong dalawaKundi dahil sainyoWala kami sa mundoHayaan niyo ako sainyo'y makabawiMaiparanas ang masaganang buhay bago kayo masawiPangako aking pag iigihinUpang sa gayon wala na kayong iintindihin.Ama at InaAko na ang bahalaSa ngayon at bukasMaging hanggang wakas.
Kaibigan Walang Iwananni Joanna Cecilia A. DuranSa gitna ng ingay ng mundoSa araw na maguloMga luhang pilit na itinatagoRinig nila ang hindi natin pagkiboMga kaibigang totooMakakasama natin kapag kailangan moKapag kasama sila tanggal ang pagod moNa parang hindi mo pasan-pasan ang mundoHindi sila laging perpektoPero talaga namang makakasama moMapa-iyakan, tawanan, kulitan, o pagkalitoMananatili pa rin silang totooMinsan man may tampuhan o pagka layoBabalik pa rin sa piling nyoDahil ganun talaga ang mundoHindi palaging perpektoMaraming salamat sainyo mga kaibigan koDahil sa pag dating nyo madaming nagbagoNa hindi ko maipaliwanag sa kahit sinoAng saya na nararamdaman ko.
Noong una’y puno ng tawanan,Sa hapag, sabay-sabay kumakain,Walang problema, walang alitan,Pagmamahalan ang laging hangarin.Ngunit dumating ang unos sa buhay,Mga sigawan, luha’t panghihinayang,Ang dating saya ngayo’y naglaho,Pinalitan ng sakit sa mga puso.Ang tahanan, ngayo’y tila malamig,Walang yakapan, puro tampuhan,Ang mga ngiti ay napalitan,Ng katahimikan at kalungkutan.Subalit umaasa pa rin ang puso kong ito,Na muling mabubuo ang samahan naming totoo,Dahil sa kabila ng lungkot at gulo,Pag-ibig ng pamilya, siyang magpapabago.Ngunit sa kabila ng lahat ng ito,Hangad ko’y muling pagkakaisa ninyo,Sapagkat pamilya ay kayamanan,Na dapat ingatan at pahalagahanPamilyang Dati'y Masayani Nicole G. Estabilio
Isang Tingin, Isang Ala-alani Lean F. FernandezNo’ng unang beses kitang nakita,Hindi ko inakalang puso ko’y aasa.Isang ngiti mo lang, ako’y napahinga,At tila ang mundo’y biglang gumanda.Nang dumating ka, puso ko’y nayanig,Bawat ngiti mo’y tila panaginip.Lihim kong dasal, sana ay marinig,Na sa bawat tingin, ikaw sa’kin ay mapaibig.Kung tadhana nga’y may plano sa atin,Hiling ko’y huwag mo sanang bitinin.Kahit malayo, ako’y mananalangin,Na sa huli, ako pa rin ang iyong kapiling.Sa gabing tahimik, ako’y nag-iisip,Alaala mo’y yakap kong mahigpit.Sa puso ko’y di lilipas kahit saglit,Pag-ibig ko sa’yo’y tunay at sabik.At kung muling magtagpo ang ating mga mata,Sana’y maramdaman mong ako’y tapat talaga.Isang tingin lang, puso ko’y sumaya,Dahil sa’yo, natutunan kong magmahal muli, aking sinta.
Sa dami ng taong nakapaligid,Ikaw ang isang taong walang kasing ningning.Ano mang kulay o wangis,Suporta sa iyo’y walang dungis.Ikaw ang taong kasama,Kahalubilo o kasanggaKahit pa ang unos ay tumamaHindi mag dadalawang isip na mag tiwalaIsang kaibigan na handang umalalayKahit pa mas nahihirapanTaglay ang malambot na pusoAt samahang walang humpaySasamahan na hindi nakakasawaKahit pa abutin ng maghapong magkasamaIkaw ang tanging kaibiganNa handa kong pasalamatanSalamat sa lungkot at sayaNa hindi mawawalaNasa tabi lang akoPumapalakpak sa’yoKaibiganNi Quennie Francisco
Ang Pangmamaliitni Roosebelt GaliciaSa mundo ng panghuhusgaMay mga taong mapangmataPangmamaliliit ang kanilang sandataNagdulot ng sakit at kawalang ganaBawat salita'y may bigat sa pusoSa araw-araw ay dala mo itolyong halakhak na tila mo'y pang-iinsultoDahi sa pangmamaliit nakakalawang respetoAng kahusayan ay hindi nasusukat sa pang akademiko lamangMarahil sarado ang iyong isip at hindi mangmangSa pagsasambit ng masakit na salita ay dapat may isinasaalang-alangMatutong rumespeto at kapuwa'y isagalangSa bawat pagsubok na aking kakaharapinTiwala sa sarili ay hindi dapat alisinSipag at tiyaga lamang ang ating gagamitinPangmamaliliit nila'y hindi kaaya-ayang tularin.
Kaya't tumindig at iyong ipakitaNa ikaw ay matatag at punong pag-asaPangmamaliit nila'y wag pansininTuloy sa agos ng buhay at iyong pangarap ay abutin
Noon ay nag hihirap ang bayannang dumating ang mga dayuhan.Kinamkam ang kayamananna para sa ating bayan.Ngayon, ang mga pilipino na rinnagnanakaw sa sariling lupain.Ang pera ng bayan kinamkam ng iilanginamit sa sariling kapakanan.Mga proyekto na pinangako nilakalsadang'di tapos, tulay na nawala.Imbes na tayo ay maprotektahanmas napunta pa sa kapahamakan.Kung kaya tayong lahat ay magsigising napara sa ikabubuti ng bawat isa.Ilakas ang tinig, ipaglaban ang bayanpara ang pagbabago ay ating makamtan.'Wag matakot magsalitatayong lahat magkaisa. Hawak kamay,sabay nating labananmga dayuhan sa sariling bayan.Dayuhan sa Bayanni Cindy V. Grospe
Ako'y napadaan sa simbahan'di na nabigla sa aking nasaksihanmga politikong isa isang nagsisidasalanhumihiling sa kasiguraduhang mananalo sa halalanPara bang mga uod na nagsilabasansa bangkay ng patay na hayop nagkukumpulankatulad din bago ang araw ng botohankaniya kaniyang pagpapakita ng kabutihanGinagawang uto-uto ang sambayanannang mga taong nag-nanais na umupo sa pamahalaannakuha na ang tagumpay na pinaghirapan--'yon nga lang, puno ng kasinungalinganSarado na ang uupuan,mga taong nais ay kaunlaranmga politikong pinapaniwalaangahaman sa kayamananResulta ay walang kaunlaranSapagkat, mga pangakoay palaging napapako na lamangmananatiling walang kasiguraduhanSukabni Joeffrey P. Gusto
Kailan paba nag-iba ang sistema?Gayong mga makakapangyarihan--kapag mga tao ay silang dinadagsanagiging parang mga ulo ng pagong kaniya kaniyangtago sa mga lunggaKaya sa mga sasadya upang bumotoTandaan niyo na walang tumatakbona ang nais ay tumulong sa ating mga taomay mga isip tayo, alam niyo na siguro kung ano angmga layunin nitong mga politiko--Oh siya! aakyat na muna ako,gayong kumakaway na ang kahirapan sa harapan ko.
Pootni Princess Nicole R. MabutiPoot May babae sa tabi, binalot ng dilimNakaputing damit, buhok at itim.Ang tinig ay hangin sa gitna ng dasalSigaw ng hindi na mapayapa’t banal.Sabi ng iilan, siya’y pinaslangNg isang walang awing nilalang.Ngayon tuwing gabi siya ay bumabalik,Hatid ang lamig ng pusong di matahimik.Ang mga ilaw sa daan nanginginigTuwing alaala niya’y dumaraing.Maging ang lupa’y parang humihinga,Ayaw kalimutan ang kaniyang pagdurusa.Walang nakakita sa luha niyang tapat,Ni sa panaghoy na ngayo’y lumalapat.Sa bawat ihip ng hangin sa gabi,May kasalanang hindi pa napapawi.Hangga’t hindi naririnig ang tinig,Mananatiling poot ang mananaig.Sapagkat may utang pa na sisingilin,Pait ng kahapon nais niyang burahin.
Pangarap ay dala dala,Para sa aking pamilya,Bawat pagtapak sa entablado,Sigaw nila ang naririnig koAng maayos na buhay,Sa kanila ibibigay.Aking lakas at inpirasyon,Pamilya kong nais iahon.Mahirap man ang agos ng buhay,Hindi titigil sa paglalakbay.Hindi man madali ang proseso,Ito ay pagsusumikapan ko.Sipag at tiyaga ng aking ama,Pagsasakripisyo ng aking ina.Balang araw sa kabila ng hirap,Matutupad din ang aming pangarap.Dugo at pawis iaalay,Diploma aking ibibigay.Maipagmamalaking tunay,Salamat sa aking tagumpay.Pangarapni Gladys Magalona
Liwanag sa Gitna ng Dilimni Cyril May R. MarceloSa bawat unos na dumarating sa buhay,May luha't takot na siyang kasabay,Ngunit sa puso, may ilaw na gabay,Na nagtuturo sa landas ng tagumpay.Ang hangin ay tila sigaw ng pagdaramdam,Pinaparam ang lakas ng pusong sugatan,Ngunit sa gitna ng unos na walang hanggan,May tinig ng pag-asa na'di kailanman mapaparam.Ang araw muling sisilip sa umaga,Magbibigay liwanag sa pusong nagdurusa,At ang bawat sugat na datiy kay lalim,Ay magiging paalala ng lakas sa dilim.Sa bawat luha, may aral na natutunan,Sa bawat pagkadapa, tayo'y muling tatayuan,Sapagkat ang buhay ay gawang sining,Na puno ng kulay at awit ng damdamin.Kaya't harapin ang bukas nang may ngiti,Dalhin ang pag-asang walang kapalit,Pagkat sa puso mong marunong magmahal,Nakatago ang liwanag na walang kapantay.
Sa bawat hakbang sa lubak na daan,Kasabay ng hanging malamig ang pagdaan;May kirot mang iniwan ang nagdaang unos,Patuloy pa rin ang pusong nangunguyos.Sa dilim ng gabing ako’y nag-iisa,Alaala’y tila hindi sumasang-ayon mawala;Ngunit mula sa sulok ng pusong pagod,May munting tinig na nag-aangat ng loob.Liwanag sa Silangan unti-unting sumisiklab,Paalala ng pag-asang hindi dapat malaglag;Tulad ng araw na muling sisikat,Ang pangarap ko’y muli ring lilipad.Ang pagalalakbay ko man ay puno ng sugat,Bawat pahiana naman ay may aral na sapat,Sa bawat luha niya’y may bagong lakas,At sa pagkadapa’y muling may pagyakap,Ngayon, sa dulo ng daang minsang madalilim,Ngayon ang tahanang dati’y panaginip lang na lihim;At natutunan kong sa bawat pagbangon,Nabubuo ang sarili kong desisyon.Sa Landas ng Pagbangonni Joshua G. Marling
Tadhanani Jaira C. MaximoSa mga landas na aking tinahakMay mga pagkakataong di ko alamKung saan ako dadalhinNg mga desisyong aking ginawaMinsan, sa gitna ng unosAko'y nawawala sa aking landasNgunit sa bawat pagbagsakAko'y muling tumitindigMay mga taong dumaraanNa nag-iiwan ng marka sa aking buhayMga ngiti, luha, at halakhakNa nagbibigay saysay sa aking paglalakbayAt sa bawat pagliko ng buhayAko'y natututo, ako'y lumalakiSa bawat pagkakamaliAko'y natututo ng mga aralAng tadhana'y misteryoNgunit sa bawat sandaliAko'y may kontrol sa aking pagpiliKung paano ko gustong harapin ang buhay.
Malamayani Samuel Henry DT. MendozaTumatakbo, papalayo pero parang paikot-ikot lang akoBumabalik sa umpisaParang may kulang di ko maalalaNangangapa sa kadiliman muli naliligaw nanaman Malamaya, kaylabo na naman Di ko maaninag kung saan ba ang daanNgunit dumating ka luminan na ang lahat Binuksan mo ang kulunganat ako'y nakalaya Inakay mo ako papalayo Sa Malabo at madilim namundoNgayon hindi na naliliganAng daan ay natatananDating madilim at malamayaNgayon ay maliwanag at Malaya
Kaibigang Totooni Faith Ann R. MongayaHindi laging payapaMay mga gabing pakiramdam ko ay mag-isaHindi ko maunawaan bakit ganito ang aking nadaramaKahit wala namang problema.Wala nga ba talaga o nasanay nalang talaga?Dahil may kaibigan akong tulad nilaNa bumubuhay sa natutulog kong sistemaAt sa naghihinangalongpag-asaPinapaalala nilang sapat sila para bigyan ako ng pahingaMalaya kaming magpalitan ng mga salitaYayakapin ang mga alaalaAt aaluin ang isa’t isa
Sila ang liwanag sa bawat gabi na pakiramdam ko ay mag-isaPinapaalala nila na sapat sila para bigyan ako ng pahinga at pag-asaSila ang sandigan kong hindi nasasawaAko’y tunay na pinagpala.Aapat man kaming magbabarkadaPero tunay at totoo sa bawat isamaaasahan at mapagkakatiwalaanTunay na mga biyaya.
Tapat na kaibiganni Marielle M. MorenoSa bawat umaga na ako'y gigising,tahol at boses mo agad ang aking maririnig.Buntot mong laging kumakawayparang pinapahiwatig, maglaro na tayo sinta!Kapag makungkot at pagod,lalapit ka't sa tabi ko dudungaw.Isang tingin mo palang, ako'y napapangiti na.Parang sinasabi mo,\"nandito ako, palagi\".Kahit saan ka man magpunta,lagi kang nasa aking likuran.Sa init man o kahit sa ulan,tapat kang kaibigan na hindi nang-iiwan.Salamat sa saya't ligaya na iyong dala.Sa halik mong puno ng ligaya.Aking aso, aking kaibiganBuong buhay kitang aalagaan.
Sa gitna ng Nueva Ecija, may bayang kay ganda,Talavera ang ngalan, sagana’t payapa,Bukirin at palay, tanaw sa umaga,Biyaya ng lupa sa bawat simoy dama.Ang mga magsasaka’y puso ng bayan,Tinitiis ang init, ulan, at hirap man,Sa bawat butil ng palay na kanilang ani,Pagmamahal sa lupang di mapapantayan.Sa bawat kalsada'y may buhay at saya,Masiglang pamilihan, ngiti ng masa,Likas na sipag ang sandigan nila,Ang bawat tao ay nagkakaisa.Talavera, bayan ng pagkakaisa,Pag-ibig sa lupa’y wagas at dakila,Hangad ay progreso sa bawat gawa,At buhay ng lahat ay masagana.Talavera, tanglaw ng Gitnang Luzon,Bayan ng pag-asa, tibay ng layon,Sa puso ng tao, pag-unlad ang tugon,Dangal mong tinatangi, habang panahon.Bayan ng Talaverani Yanna Ysabelle V. Novesteras
Ang Pangarapni Jhen V. OrdonioLahat tayo may gustong abutin,Ngunit mahirap kung iisipin,Kaya't tayo'y nagsisikap din,Upang ito'y ating bitbitin.Mga pangarap na kay taas,Gustong abutin hanggang wakas,Dahil ang Diyos ang nagbibigay lakas,Sa lahat ng lumalaban ng patasSa mundong puro kabiguan,Dapat hindi tumigil sa laban,Upang ito ay ating makamtan,Para sa ating magandang kinabukasan.Sa mga bawat hakbang ng ating buhay, Pamilya angsiyang laging umaalalay, Dahil sila ang ating inspirasyon,Sa anumang pagkakataon.Sa pagkamit ng ating pangarap,Lahat tayo ay dadanas ng paghihirap, Kaya't huwagmawalan ng pag-asa, Dahil sa huli, nakalaan ay ginhawa.
Dugo’t Pawisni Jerica M. PascualSa bawat patak ng dugo’t pawis ng madla,Ang bansa natin ay ginagawang kaawa-awa.Ngunit sa palasyo ng gahaman at kahanga-hanga,Ang karangalan ay unti-unti nang sira.Katiwalian — pinagmumulan ng pagdurusa,Sinasakal ang bayan sa pag-asa.Habang ang dukha’y naghihirap sa ibaba,Ang makapangyarihan ay nagdiriwang sa saya.Sa palasyo ng yaman, mga nakaupo’y walang puso,Walang pandinig sa sigaw ng mga tao.Ang mga tao’y lumuluha sa kabilang dako,Habang ang magnanakaw ay nagdiriwang ng todo.
Ngayon ipaglaban ang ating karapatan,Itakwil natin ang pandaraya’t kasamaan.Sa dugo’t pawis, ang bayan aybabangon ng may paninindigan,Tanging pagkakaisa ang siyangmaghahari sa daan.Dugo’t pawis ng bayan ay tangkilikin,Ating bansa’y dapat mahalin.Kung bawat isa’y matutong tumingin,May bagong kinabukasan na haharapin.
An g Aki n g In s p ira s yonni Karen PiadozoAking InspirasyonSa pagdating mo sa aking buhay ay hindi naging madali ngunit masayaIkaw ang nagbigay sigla sa bawat umagaNoong una ako ay natatakot paNa baka hindi ako maging mabuting inaNasa sinapupunan pa lamang kitaAko ay nangangamba na baka hindi ko kayaPalaging gumugulo sa aking isip na baka mapabayaan kitaNa baka hindi sapat ang aking pag aalagaNgunit ng ikaw ay aking isinilangLaking tuwa ang aking naramdamanIpinangakong aking tatataganAt Lahat ng problema ay lalabanan
Sa akin man ang problema'y humamonLagi kitang iisipin na aking inspirasyonIkaw ang siyang nagpapatatag ng aking loobKaya Ama salamat sa iyong ipinagkaloobPangakong ikaw ay iingatanSa lahat ng oras palaging babantayanHinding hindi kita pababayaanAking anak ngayon at magpakailanman.