The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.

Ang nilalaman ng librong ito ay binubuo ng iba’t ibang akda at sulatin na likha ng mga mag-aaral ng BEED 3C para sa taong akademiko 2025–2026. Layunin nitong ipakita ang kanilang pagkamalikhain, pag-unawa, at karanasan sa iba’t ibang asignatura. Sa pamamagitan ng mga akdang ito, naipapahayag ng bawat mag-aaral ang kanilang tinig, pananaw, at natutunan sa buong semestre.

Nueva Ecija University of Science and Technology, Municipality Government of Talavera, Talavera Off-Campus

Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by holikiv102, 2025-12-17 00:29:33

Sagimsim BEED 3C AY:2025-2026

Ang nilalaman ng librong ito ay binubuo ng iba’t ibang akda at sulatin na likha ng mga mag-aaral ng BEED 3C para sa taong akademiko 2025–2026. Layunin nitong ipakita ang kanilang pagkamalikhain, pag-unawa, at karanasan sa iba’t ibang asignatura. Sa pamamagitan ng mga akdang ito, naipapahayag ng bawat mag-aaral ang kanilang tinig, pananaw, at natutunan sa buong semestre.

Nueva Ecija University of Science and Technology, Municipality Government of Talavera, Talavera Off-Campus

Keywords: Poem,Story,Filipino,Children's Story,Education,Literary,Modern Poetry,Book,BEED 3C,Inspiration,Literary Works,Tagalog,Philippines,NEUST

Deng: Sa gitna ng Pangarapni Cindy V. GrospeBata pa lamang si Deng ay pangarap na niyang maging isang magaling na guro ngunithilig niya din ang paglalaro ng volleyball. Isang araw ay habang nasa bahay aykinausap siya ng kaniyang mga magulang na sila Tatay Leonel at Nanay Jang, sila saway nangangamba na baka mapabayaan ni Deng ang kaniyang pag aaral dahil sa balakna pagsali ni Deng sa varsity team.Nanay Jang: Anak baka naman mapabayaan mo na ang iyong pag aaral dahil sapagsali mo diyan sa varsity?Tatay Leonel: Oo nga anak, hindi kaya mas mabuti kung mag pokus ka na lamang saiyong pag aaral?Deng: Pero nanay at tatay talagang gusto ko po sumali sa varsity, bukod po sapangarap ko na maging isang guro ay gusting gusto ko din po ang pag lalaro ngvolleyball.Nanay Jang: Naku anak, kung ano ang gusto mo ay naka suporta llamang kami sayo.Tatay Leonel: Tama anak, basta siguraduhin mo lang na pagbutihan mo sa mga bagayna gusto mo ok?


Deng: Opo nanay at tatay.Mahirap man ay pinagbutihan ni Deng ang kaniyang pag aaral sa umaga at gayundinsa pag eensayo sa volleyball team sa hapon. Naging mahirap itong pagsabayin lalo nasa dami ng mga assignment at project gayundin nalalapit na ang ang laban ng teamkung kaya pinagbubutihan na ang kanilang pag eensayo.Deng: Teacher Dy tama pa po ba na sumali pa po ako sa volleyball team? Parangnapapabayaanko na po kasi ang aking pag aaral e.Teacher Dy: Diba parehas mo gusto to anak?Deng: Opo teacherTeacher Dy: kung ganon kayang kaya mo’to, pag talagang gusto mo ang ginagawa momahirap man ay makakaya mo yan, andito lang kami ng magulang mo naka suportasayo.Deng: Salamat po Teacher Dy!Sa huli ay nanalo sila Deng sa laban nila sa volleyball at napanatili niyang mataas angkaniyang grado .Tatay Leonel: Anak ang galing galing mo naman proud kami ng nanay mo sayo!Nanay Jang: Oo nga anak, talagang napaka husay mo.Deng: Salamat po Nanay at Tatay!Teacher Dy: Congrats DengDeng: Salamat po Teacher Dy, tama po kayo na kung gusto ko talaga makakaya ko kahitnamahirap pagsabayin ang pag aaral at pag volleyball.Aral: Kapag mahal mo ang isang bagay, pagsikapan mo ito. Sa tiyaga at tamangbalanse, maaabot mo ang pangarap mo nang hindi isinasakripisyo ang iba pangmahalaga sa buhay.


Sa ilalim ng punong kahoy sa kagubatan naninirahan si Kuneho. Siya ay masipag, mabait,at matulungin na hayop. Habang abala siya sa pag aayos ng kaniyang nabungkal nakarots, may narinig siyang mahinang kaluskos ng hayop kaya't dali-dali niya itongtiningnan.Pagkalabas ni Kuneho, nakita niya ang nanghihinang si Oso. Kahit na nakakatakot ang lakini Oso, hindi nagdalawang isip si Kuneho na lapitan ito dahil kitang-kita niya angpanghihina nito.\"Kaibigan kong Oso, ayos ka lang ba?\" Tanong ni Kuneho.\"Ang Kuneho at Osoni Joeffrey P. GustoHindi pa ako kumakain mula kahapon\" Mahinang tugon ni Oso.Ngumiti si Kuneho at agad niyang inaya si Oso sa kanyang tahanan at binigyan niya ito ngmakakain.\"Salamat, Kuneho! Tunay ngang napakabuti ng iyong puso. Balang araw masusuklian ko rinang kabutihang iyong ipinakita sa akin\" Sabi ni Oso.


Naging magkaibigan sila. Mula noon, madalas ng bumisita si Oso sa tahanan ni Kuneho.Tinutulungan niya rin na magtanim at mag bungkal ng karots.Aral: Ang tunay na kabutihan ay nakikita sa pagtulong na walang inaasam na kapalit. Sapaggawa ng mabuti hindi lang salitang\"Salamat\"ang matatanggap natin kundi pati tunayat maasahan na kaibigan


Ang pusang masibaGawa ni: Princess Nicole R. MabutiSi mikol ay isa sa alagang pusa ni nikol, paborito siya nito dahil sa maamo at malambingnitongmukha at ugali, pero ang hindi niya alam isa pala itong masiba o matakaw na pusa.\"Hoy! Tumabi ka nga nagugutom ako!\"sigaw ni mikol sa kapwa niya pusa.\"Ayan ka na naman mikol, kakakain mo lang. Naubos mo na ang parte mo, sa'kin ito!\"saad niorens\"Wala akong pake, tabi!\"pagpapaalis ni mikol kay orens.Walang nagawa si orens kundi ibigay ang kaniyang pagkain kay mikol.\"Wala na sa lugar ang kasibaan mo mikol, darating ang araw magsisisi ka dahil jan sakatakawan mo.\"pangaral ni orens at tuluyan ng pinaraya ang kaniyang pagkain.Lumipas ang ilang buwan, hindi na makagalaw ng maayos si mikol, hirap na siyangtumalon,hinihingal rin siya agad kahit sa onting pagtakbo. Pansin na rin ni nikol na hindi na tugmaang taba nimikol sa edad nito, kaya pinatingin niya ito sa beterinaryo. Lumalabas na obese si mikol,at puwedesiyang magkaroon ng malubahang sakit.


\"Ayan na ang sinasabi ko sa'yo mikol, dahil 'yan sa pagiging masiba mo.\" tunton ni orens\"Totoo nga ang iyong sinabi orens, pasensya na sa katakawan ko, hindi na mauulit\"malungkot na saad ni mikol\"Okay lang mikol, simula ngayon iayon mo na ang katakawan mo sa katawan mo ha.\"pabirong saad ni orensSimula nito hindi na muling naging masiba si mikol, natuto na rin siyang makuntento sakung ano ang mayroon siya.


Sa isang malayong lugar nakatira ang batang si Ava. Si Ava ay hindi masunuring bata,hindi niya ginagalang ang mga nakakatanda sa kanya. Habang papasok sa paaralan,may nakasakubong si Ava na matandang babae. Ang babae ay tila gutom at nahihirapanna.Humingi ng tulong ang matandang babae kay Ava. ngunit si Ava ay nagalit samatandang babae.\" Wala akong pera, tumabi nga kayo riyan\"wika ni Ava sa matandang babae, at siya aylumakad na paalis.Habang nasa klase, itinuro ng guro ang kahalagahan ng paggalang sa nakakatanda.Maipapakita ito sa pagrespeto, pagtulong, o paggamit ng po at opo.Ibinahagi ng guro sa klase na dapat matuto tayong rumespeto sa mga nakatatanda,dahil kagaya natin ay tao rin sila, dadating din tayo sa ganong edad kaya dapat natinsilang igalang.Kung nais natin na igalang at irespeto tayo, ay dapat na alam din natin kung paano gawiniyon.Pagkatapos ng klase ay bumili si Ava ng pagkain at hinanap ang matanda. Nakita niya itosa labas ng paaralan.Iniabot niya ang pagkain sa matanda at humingi ng tawad.\" Pasensya na po sa akingugali kanina, natutunan ko na dapat kayong igalang. Sana po ay mapatawad niyo ako saaking pagkakamali\"Ngumiti ang matanda kay ava\"Masaya akong may natutunan ka, salamat sa pagkain.Sana ay marami pang kagaya mo na mag respeto sa matatanda at sa bawat isa\"Si Ava at ang Matandani Gladys Magalona


Ang Robot na Marunong magDasalni Cyril May R. MarceloSa isang tahimik na baryo, may batang nagngangalang Luna na mahilig sa mgabagong imbensyon. Isang araw, gumawa siya ng maliit na robot na pinangalananniyang Robo. Marunong itong maglinis, magluto, at magbasa ng kwento.Tuwing gabi,bago matulog, naririnig ni Luna ang kanyang lola na nagdarasal.Nagtanong si Robo,”Luna, ano ang ginagawa ng Lola mo tuwing gabi?\"Sumagot siLuna,”Nagpapasalamat siya sa Diyos sa mga biyayang natatanggap namin.\"Na-curious si Robo. Kinagabihan, habang tulog si Luna, nakita ng lola niyang nakaluhodsi Robo, nakapikit at mahina ang boses,”Salamat po sa kuryente, sa baterya, at sakaibigan kong si Luna.\"Napangiti si Lola.Nang magising si Luna, ikinuwento ng lola niya ang nakita. Natuwa si Luna at niyakapang kanyang imbensyon. Mula noon, tuwing gabi, sabay silang nagdarasal-isang bataat isang robot parehong marunong magpasalamat.


Ang Maliit na Bituinni Joshua G. MarlingSa malayong bahagi ng kalawakan, may isang maliit na bituin na nagngangalang Kira.Mas maliwanag siya kaysa sa ibang batang bituin, ngunit may isang problema. Ito ayang hindi niya pagpapahinga at ayaw niyang matulog.Tuwing gabi, habang ang ibang bituin ay nagpapahinga pagkatapos magbigayliwanag sa mundo, si Kira ay gising pa rin.“Ayoko pang matulog! Ang dami ko panggustong gawin!” sigaw niya habang umiikot-ikot sa kalangitan.Isang gabi, napansin ng buwan na pagod na pagod na si Kira.“Kira, masaya angmagbigay ng liwanag, pero kailangan din ng katawan mo ng pahinga.” sabi ng buwan.Umiling si Kira.“Pero Buwan, kapag natulog ako, baka mawala ang liwanag ko.”Ngumiti ang buwan.“Kabaligtaran, Kira. Kapag nagpapahinga ka, mas lumalakas angliwanag mo dahil nagkakaroon ka ng lakas para magliwanag muli bukas.”Kumislot ang maliit na bituin. Hindi siya sigurado, pero napansin niyang medyo mahinana nga ang kanyang kislap.Nilapitan siya ng mga kaibigang bituin.“Tara, Kira! Matulog na tayo nang sabay-sabay.Para bukas, sabay-sabay din tayong sisikat nang mas maliwanag!”Napaisip si Kira. Gusto niyang maging kasing liwanag ng kanyang mga kaibigan. Kayadahan-dahan siyang humiga sa malambot na ulap at pumikit.Kinabukasan, gumising si Kira na may kakaibang sigla. Napansin niyang masmaliwanag ang kanyang liwanag—mas kumikislap kaysa dati.


“Wow! Tama pala ang buwan!” tuwang-tuwa niyang sigaw.At mula noon, natutunan ni Kira na kahit masarap maglaro at magliwanag,kailangan ding magpahinga upang maging malakas, masaya, at handangmuling magbigay-liwanag kinabukasan.Aral: Mahalaga ang pagpapahinga. Kapag natututo tayong magpahinga,mas nagiging malakas, mas masaya, at mas mahusay tayo sa lahat nggusto nating gawin.


May isang maliit na ibon na nagngangalang Lila. Si Lila ay may magandangtinig at mahilig siyang kumanta sa bawat umaga. Isang araw, habang siya aykumakanta, may isang malakas na hangin na dumating at tinangay angkanyang pugad.Nawala si Lila sa kanyang tahanan at naligaw sa malaking gubat. Nagsimulasiyang maglakad at humingi ng tulong sa mga hayop sa gubat.\"Hoy, kaibigan! Nawawala ako. Pwede ba akong sumama sa inyo?\" tanong niLila sa isang kuneho.\"Sige, sumama ka sa akin,\"sabi ng kuneho.\"Pero kailangan mo munangtulungan ako sa paghanap ng pagkain.\"Tumulong si Lila sa kuneho at nakahanap sila ng mga prutas at gulay.Salamat sa tulong ni Lila, may pagkain ang kuneho para sa kanyang pamilya.Bilang ganti, tinulungan ng kuneho si Lila na hanapin ang kanyang daanpauwi. Sa wakas, nakita rin ni Lila ang kanyang puno at ang kanyang pugad.Mula noon, naging magkaibigan si Lila at ang kuneho. Tuwing umaga,kumakanta si Lila sa puno malapit sa bahay ng kuneho, at sila ay naglalarokasama.Ang kwentong ito ay nagpapakita ng halaga ng pagtutulungan at pagkakaibigan.Si Lila at si Kunehoni Jaira C. Maximo


Itinayo ni Clara ang pinakamataas, pinakamakinang na toreng bloke.Kleng-KLATER! Nagkalat ang mga bloke sa sahig. Napatingin si Clara.“Gale!”sigaw niya. Nakatayo roon si Gale, nakangiti, hawak ang isang bloke.“Pasensya na,” sabi ni Gale.“Nadapa lang ako.” Umirap si Clara.“Araw-arawna lang,” sabi niya.“Hindi ka ba pwedeng mag-ingat?” Nalungkot si Gale.Gusto lang naman niyang makipaglaro. Sa sumunod na araw, nagpasya siGale na tumulong. Maingat niyang inabot ang mga bloke kay Clara. Isa-isa.Dahan-dahan.“Salamat,” sabi ni Clara, medyo nagulat. Unti-untingumangat ang tore. Mas mataas kaysa dati. Ngunit— KLENG! Bumagsak muli.Huminga nang malalim si Gale.“Okay lang,” sabi niya.“Susubok ulit tayo.”Sa ikatlong pagtatangka, sabay silang nagtayo. Nagbilang sila. Isa…dalawa… tatlo… Tumayo ang tore. Mas mataas. Mas matibay. Napangiti siClara.“Kaya pala,” sabi niya,“mas maganda kapag magkasama.”Tumango si Gale. Mula noon, tuwing magtatayo sila ng tore,lagi na silangmagkasama. Kung minsan, si Gale ay medyosumosobra pa rin sa pagkasabik at ginugulo ang kanyang buhok. Ngunitngayon, ito ay laging isang magiliw na gulo, para lang sabihing,\"Kumusta,kaibigan!”.Si Gale at ang Tore na Mataasni Samuel Henry Mendoza


\"Malamaya\" Tumatakbo, papalayo Pero parang paikot-ikot lang akoBumabalik sa umpisa Parang may kulang' di ko maatala Nangangapa sakadiliman muli naliligan nanaman Malamaya, kay labo na naman Di komaaninag kung saan ba ang daan Ngunit dumating ka luminaw na ang lahatBinuksan mo ang kulungan at akơ y nakalaya Inakay mo ako papalayo SaMalabo at madilim na mundo Ngayon hindi na naliligan Ang daan aynatatanan Dating madilim at malamaya ngayon ay maliwanag at malaya.


Sa isang maliit na nayon ng Kuldet ay nakatira si Tino ay isang batang mahilig sakulay. Tuwing umuulan, masaya siyang sumisilip sa bintana upang makita angpaborito niyang bahaghari. Ngunit isang araw, matapos ang mahina at malamig naulan, kanyang napansin na wala kahit anino ng bahaghari sa langit.Nalungkot si Tino.“Bakit kaya hindi nagpakita ang bahaghari?” tanong niya sa sarilihabang nakadungaw sa bintana. Kinahapunan habang naglalakad siya sa bakuran,may narinig siyang mahina ngunit malungkot na tinig mula sa likod ng puno.“Tulunganmo ako…” sabi ng maliit na tinig.Nagulat si Lino nang makita ang isang munting bahaghari na kasing liit lamang nghalaman. Nakatupi ito at tila kupas ang mga kulay.“Ano’ng nangyari sa’yo?” tanong ni Tino.“Dahil wala nang nagbibigayan ng kabutihan ngayon,” sagot ng munting bahaghari.“Lumiliit ako kapag nag-aaway ang mga bata at nawawala ang kulay ko kapagwalang nagbabahagi.”Naawa si Tino. Nais niyang muling maging makulay ang bahaghari, kaya nag-isip siyang paraan.Ang Munting Bahaghari ni Tinoni Faith Ann R. Mongaya


Kinabukasan ay tinulungan niya ang kaibigan niyang si Synha sa takdang aralin. Pinulotniya ang nahulog na gamit ng kaklase at masaya siyang nagbigay ng ngiti sa mgabatang nalulungkot. Sa bawat mabuting gawa, napapansin niyang bumabalik angliwanag ng munting bahaghari.Isang hapon, nang matapos niyang tulungan ang isang batang umiiyak sa palaruan,biglang lumiwanag ang buong bakuran. Ang munting bahaghari ay lumaki nang lumakihanggang sa ito ay maging napakatingkad na bahaghari sa langit!“Mabuhay ka, Tino!” masayang sabi ng bahaghari.“Dahil sa’yo, bumalik ang kulay atbuhay ko.”Simula noon, natutunan ni Tino na hindi lang ulan ang lumilikha ng bahaghari—kundimaliit at tunay na kabutihan.Aral ng kwento : Hindi lamang ang ulan ang lumilikha ng bahaghari kundi pati na rin angmga maliit at tunay na gawaing mabuti, na nagpapabalik ng kulay at liwanag sa mundo.Ito rin ay nagtuturo na kapag tayo ay nagbibigayan, tumutulong, at hindi nag-aaway,lumalakas at nagiging mas makulay ang kapaligiran at ang buhay ng mga tao sapaligid natin.


Ellie at Hopeni Marielle M. MorenoIsang hapon, dumating ang ate ni Ellie galing sa trabaho. Pinagbuksan niya ito ng pintoat nakita niya itong may dalang maliit na kahon na may butas.“Ellie! May ipapakita ako sa’yo!” masiglang sabi ng ate niya.Lumapit si Ellie, pero umatras din agad nang marinig ang mahina ngunit malinaw natahol.“Ano ‘yan, Ate?”Ngumiti ang ate niya.“May dinala akong aso. Tignan mo, ang pangalan niya ay Hope.”Binuksan ng ate niya ang kahon at lumabas roon ang maliit na Shih Tzu na may puti atitim na balahibo. Makapal ito at parang bola ng bulak na gumagalaw.Tahimik lang si Hope at nakatingin kay Ellie.“Ilayo mo, Ate!” sigaw ni Ellie.“Ayoko ng aso!”“Hindi siya nangangagat. Mabait siya,” sagot ng ate niya.Pero umiling si Ellie at umakyat sa kwarto.Kinabukasan, maagang umalis ang ate ni Ellie para pumasok sa trabaho.Pagbaba niEllie, naroon si Hope sa sahig, nakahiga at nakatingin sa kanya. Mayroong sulat samesa na agad namang binasa ni Ellie.


'Pakainin mo muna si Hope. Nasa ref ang pagkain niya.' —AteNapabuntong-hininga nalang si Ellie at sinunod ito.“Ako pa talaga,” sabi niya.Kinuha niya ang mangkok at nilagyan ng pagkain.“’Wag kang lalapit ha,” sabi niya habang inilalapit ang mangkok sa harap ng aso.Tahimik lang si Hope. Kumain ito, tapos umupo malapit kay Ellie. Hindi ito maingay,at hindi rin makulit. Tinitigan lang siya ni Hope na parang nagmamasid.Kinabukasan, siya ulit ang nagpakain.Hanggang sa araw-araw, siya na ang gumagawa noon.Isang tanghali, nag-aaral si Ellie sa mesa. Tahimik ang paligid. Ngunit maya-maya,may narinig siyang ingay, at paglingon niya, si Hope pala. May hawak na laruan sabibig at nakatingin sa kanya.“Ano? Gusto mong maglaro?” tanong ni Ellie.Tumahol si Hope nang mahina.“Sandali lang,” sabi ni Ellie, sabay binaba ang ballpen at kinuha ang bola.Inilapit niya ito kay Hope at marahan nilang nilaro.Tahimik, pero magaan sapakiramdam.Lumipas ang mga araw.Si Hope ang sumasalubong sa kanya tuwing galing eskwela.Si Hope ang kasama niya sa sala habang nanonood ng TV.At si Hope din ang katabi niya tuwing gabi, nakahiga sa paanan ng kama.Hindi napansin ni Ellie kung kailan siya nasanay. Hindi rin niya namalayang hindi nasiya lumalayo. Kapag tumatahol si Hope, ngumingiti na siya. At kapag lumapit ito,hinahaplos na niya.


'Isang umaga, habang nagwawalis sa bakuran, nakasunod si Hope sa kanya.“Lagi ka na lang nakasunod,” sabi ni Ellie, sabay tingin sa aso.Tahimik lang si Hope, kumaway ang buntot, at naupo sa tabi niya.Napangiti si Ellie.Hindi na niya kailangang tanungin ang sarili.Alam niyang magkaibigan na sila.At higit sa lahat wala na siyang takot.


Ang Matandang Dalaga at angMahiwagang Purselasni Yanna Ysabelle V. NovesterasSa isang bayan may nakatirang matandang dalaga sa isang malaki at magandangbahay. Isang araw habang siya ay naglilinis sa kanyang hardin may isangmisteryosong babae ang biglang lumitaw sa kanyang harapan.“Kailangan mongmaging mabait na tao kung hindi ikaw ay mapaparusahan”. Sabi ng misteryosongbabae. Hindi pinansin ng matandang babae ang sinabi nito.Kinaumagahan, habang siya ay naglalakad sa likod ng kanyang bahay Nakita niyaang isang lumang bodega na hindi niya binubuksan mula noon. Pagpasok niya Nakitaniya ang isang kahon na naglalaman ng isang gintong purselas. Nabighani angmatandang dalaga sa karangyaan ng purselas at agad niya itong sinuot. Ngunit satagal pagtitig niya rito napansin niyang hindi ito nagniningning.“Bakit kaya ganito?Paanong hindi ito nagniningning? Gayong isa itong ginto.” Sabi ng matandang dalaga.Nagpasya ang matandang dalaga na pumunta sa isang pantas. Nakinig ng mabutiang pantas sa sinabi ng matandang dalaga.“Ang pulseras na ito ay nagniningninglamang kapag nakagawa ng mabuting bagay”. Sabi ng pantas. Ayaw maniwala ngmatandang dalaga sa sinabi ng pantas. Kahit anong gawin niyang paraan ay ayawpa rin mag ningning ng purselas.


Kaya’t napag isip-isip niya na gumawa na siya ng mabuti upang mag ningning ito.Nagplano siya ng tatlong mabubuting gawain. Una, nagluto siya ng pagkain upangibahagi ito sa kanyang mga kapitbahay. Sa sandalling iyo bahagyang kumislap angpurselas na suot niya. Pangalawa, sa tuwing may nanghihingi sa kanya na tulong ayhindi siya nagdadalawang isip na tulungan ito. Sa sandalling iyong medyo kumislap naang purselas. Pangatlo, naghanda at nagluto siya ng pagkain para sa aso at pusakaya sa tuwing siya ay lalabas kapag may nakitang siyang aso at pusa ay agad niyaitong pinapakain. Sa sadaling iyon nagliwanag at nagningning na ang purselas na suotng matandang dalaga.“Nagniningning na ang purselas ko. Hinahangaan na ako ng lahat.” Sabi ngmatandang dalaga. Kaya naman ang matandang dalaga ay nagging mabuting taokahit wala sa kanya ang purselas. Mula noon siya ay gumagawa na ng mabuti sakanyang kapitbahay, sa ibang tao at sa mga hayop.


Sa isang magandang tanawin, doon makikita ang magkaibigang sina Araw at si Ulap.Palagi silang nagkikita sa isang magandang kalangitan, laging silang nag-uusap atnagkukwentuhan habang pinagmamasdan ang mundo ngunit lumipas ang ilang araw, silaay madalas nagtatalo kung sino sa kanila ang mas mahalaga.Mayabang na sinabi ni Araw kay Ulap “Ako ang nagbibigay ng liwanag sa mundo. Walangmakakakita sa kanila kung wala ako”. Ngumiti lamang si Ulap at tumugon,“Totoo iyan,Araw. Pero ako ang nagbibigay ng lilim sa kanila. Kung wala ako, masusunog ang mga taodahil sa init mo”.Dahil sa kanilang pagtatalo, dumilim ang kalangitan at nag-init ang buong paligid. Nangdahil doon, naapektuhan ang mga tao sa ibaba, mga hayop, at mga halaman. Napansinnaman ito ng dalawang magkaibigan at kanilang napagtanto na ang kanilang pagtataloay hindi magandang epekto sa mundo.Lumapit si Araw at mahinahong sinabi kay Ulap,“Siguro Ulap, hindi natin dapat kailangangmalaman kung ang mas magaling sa ating dalawa, dahil mahalaga tayo pareho samundo. Kaya mas mainam siguro kung tayo ay magtutulungan.”Ngumiti si Ulap at sumang-ayon kay Araw,“Tama ka, Araw. Mas maganda ang mundokung tayo ay nagtutulungan.”Simula noon, nagbalik ang sigla ng kalangitan. Minsan lumiliwanag at minsan naman aymalumanay na maulap, ngunit ito ay laging balanse at may pagkakaibigan.Aral: Ang tunay na pagkakaibigan ay hindi tungkol sa kung sino ang mas magaling, kundisa pagtutulungan at pag-unawa sa isa’t isa. Tulad nina Araw at Ulap, mas maganda angmundo kapag may balanse, respeto, at pagkakaisa.Ang araw at ang lupani Jhen V. Ordonio


Sa maliit na bayan ng San Miguel, may isang batang nag ngangalang Tomas namahilig manguha ng prutas sa hardin ng kanilang kapitbahay. Araw-araw, palihimsiyang pumapasok sa bakuran upang kumuha ng makikinis na mansanas, atmatatamis na mangga at pongkan. Akala niya ay walang nakaka kita sa kanya kayapatuloy niyang ginagawa ito.Isang araw, habang abala siya sa pag-akyat ng puno ng mangga, biglang lumitawang Reyna ng mga halaman. Ang kanyang buhok ay kulay pula at siya din ay maykorona.“Tomas”, wika ng reyna,“Bakit mo ninanakaw ang mga prutas na pinaghirapan ngiba?”Hindi nakaimik ang bata dahil sa gulat at takot ng makita ang Reyna. Siya’y napayukoat napaiyak. Ngunit sinabi ng Reyna,“Dahil hindi mo nirerespeto ang kalikasan, ikaw ayaking parurusahan.” Sa isang iglap, naging punong mangga si Tomas! Doon niyanaranasan kung gaano kahirap lumago sa ilalim ng araw at ulan.Makalipas ang ilang araw, dahil sa kalungkutan at pagsisisi na nakikita ng Reyna sakanya, ito ay naawa at ibinalik siya sa pagiging tao.“Ngayon,” sabi ng Reyna,“Alam mona ang halaga ng bawat bunga, Alagaan mo ang halaman, hindi pagnakawan.”“Patawad po mahal na Reyna, hindi kona po ito uulitin dahil natutunan ko po na hindimadali ang magpa usbong ng bulaklak at mamunga,” sagot ni Tomas.Aral: Mula noon, si Tomas ay naging masipag magtanim ng prutas. Natutunan niyakung gaano kahirap ang pagpapalaki ng halaman. Ngayon, hindi na siya nagnanakaw,kundi nagbibigay pa ng bunga sa iba.Ang Batang Malikot ang Kamayni Jerica Pascual


Sa isang nayon may apat na magkakapatid sina Lila, Lali, Lilia at Loyla. Si Lila angpinakamatanda sa magkakapatid, si Lali naman ang pangalawa, si Lilia ang pangatlo atsi Loyla naman ang bunso.Ang tatlong magkakapatid na sina Lila, Lilia at Lali ay mapagbigay ngunit si Loyla ayubod ng damot kapag mayroon siyang pagkain hindi siya nagbabahagi sa iba niyangmga kapatid ngunit kapag siya ang walang pagkain ang tatlo niyang nakatatandangkapatid ay palagi siyang binibigyan.Isang araw bumili ng tiniapay ang kanilang nanay binigyan sila ng tig iisa, ngunit itongsi Loyla ay mabilis niyang inubos ang tinapay niya at humingi sa mga kapatid niya walanaman nagawa ang mga kapatid kung kaya't binigyan nila ito.Ngunit si Lilia ay naiinis na sa ugali ng kapatid niyang si Loyla\"palagi nalang ganyanyan si bunso palagi nalang niya inuubos ng mabilis ang pagkain niya pagkatapos ayhihingi sa atin\"aniya ni Lilia\"hayaan mo na Lilia nakababata naman natin kapatid yanpagpasensiyahan mo nalang\"aniya Lila hindi na nga umimik pa si Lilia ngunit masamapa din ang loob niya.Ang Batang Madamotni Karen Piadozo


Isang araw lumabas si Loyla at naglakad lakad sa tabi ng ilog nakakita siya ng puno ngmangga at ito'y hitik sa bunga.Naisip ni loyla na kumuha kinuha niya ang isang buwig ng mangga. Ngunit habang siyaay naglalakad pauwi naisip niya na ubusin na lamang sa daan ang mangga sapagkatkung iuuwi niya ay hihingi lamang ang kanyang mga kapatid.Makalipas ang ilang sandali ay naubos nga niya ang isang buwig na mangga.Habang siya ay pauwi masayang masaya na tila ba walang problema si Loyla\"O Loylamasaya ka ata\"sabi ni Lilia\"Ah wala lang masaya lang ako\"sagot naman ni Loyla mayamaya ay napahawak siya sakanyang tiyan sobrang sakit nito na para bang hindi siyamakahinga sa sakit nag sisigaw si Lilia sapagkat nakita niya namimilipit sa sakit angkanyang nakababatang kapatid \"Anong nangyari?\" Wika ng kanyang ina\"bigla nalamang siyang napahawak sa tiyan niya inay at nag uumiyak\"sagot naman ni Lilialumapit na din ang iba pa niyang kapatid kay Loyla.Sila ay tumungo sa isang manggagamot \"Ano ba ang iyong kinain iha?\" Wika ngmanggagamot \"isang buwig na mangga po\"sagot naman ni Loyla\"Ikaw ay nasobrahansa pagkain ng mangga kung kaya't sumakit ang iyong tiyan\"sabi pa ng manggagamotnapaluha naman si Loyla sapagkat naisip niya dahil sa kanyang kadamutan ayhumantong siya sa ganong kalagayan na halos hindi na makahinga sa sakit ng tiyan.Humingi ng tawad si Loyla sa mga kapatid sapagkat sa kanyang kadamutan aynagreresulta ito ng hindi maganda.Ang pagiging madamot sa kapuwa ay hindi maganda maging mapagbigay at ikaw aypagpapalain ng Ama.


Si Ali at ang kanuang alagangaso na si SkylerSa isang bayan ay may nakatirang isang masayang pamilya sila ay masaya, samasama, at nagtutulungan sa anumang problemang dadating sa kanilang buhay.Si AlingLyn ang ilaw ng tahanan na siyang nagaalaga sa kanyang mga anak siya ay masipagat mabait .Si Mang Rom naman ang haligi ng tahanan, siya ay mabait at masipag magtrabaho para maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanyang pamilya.Gawa ni: Allysa D. RamosSi Mel ang panganay na anak siya ay matulungin at masipag rin. Si Ali ang bunsonganak siya ay masunurin , mabait at matulungin sa kanyang mga magulang atpangarap niyang maging isang guro kaya siya ay nagpupursigi sa kanyang pag-aaral.Isang araw habang si Ali ay naglalakad pauwi sa kanila ng tahanan galing sa paaralan,nakakakita siya ng isang aso na palakad- lakad sa daan at puno ng sugat angkatawan naawa nilapitan nya ito at sinabi \"kawawa ka naman asan ba ang amo mo?gusto mo iuwi nalng kita sa aming bahay? \"at bigla naman itong humiga sa kanyangmga hita at diniliaan ang kanyang kamay sa ginawa ng aso naantig ang puso ni Ali atiniuwi ito sa kanilang tahanan.Parating palang si Ali sa kanyang tahanan natanaw na agad siya ng kanyang mgamagulang at nagulat ng bigla siyang may kasamang aso\" bakit may kasama kangaso? Saan mo iyan nakuha? Tanong ng ina ni Ali \"nakita ko siya sa daan na puno ngsugat ang katawan naawa ako sa kanya kaya iniuwi ko siya sa ating bahay at angipapangalan ko sa kanya ay Skyler\"sagot ni Ali Oh siya ! tara na pumasok sa loob atkumain,


Alam ko na gutom kana at gutom narin ang aso na iyan\"sila ay sabay sabay nakumain sa kanilang hapag kainan at pinakain na rin ni Ali ang kanyang asong si Skyler.Habang si Ali at Skyler ay naglalaro sa bukid may isang kalabaw na nakawala mula sakanyang Tali at tumakbo ng mabilis papunta sa direksyon Ali.Agad-agad naman hinila ni Skyler ang damit ni Ali at sila ay natumba sa kabutihanpalad silang dalawa ay ligtasSimula noon, hanggang ngayon Si Ali at si Skyler ay magkasama parati kahit saan mansila mapunta hindi nila iniiwan ang isat isa.


Si Ana at si Ben ay magkaibigan mula pagkabata. Gusto nilang maglaro sa parke.Isang araw, nakita nila ang isang ibon na may sirang pakpak.\"Kawawa naman ang ibon,\"sabi ni Ana.\"Tulungan natin siya,\"sagot ni Ben.Dinala nila ang ibon sa bahay ni Ana. Dahan-dahan nilang nilinis ang sugat nito atbinigyan ng pagkain at tubig. Inalagaan nila ang ibon araw-araw. Pagkalipas ng ilangaraw, gumaling ang pakpak ng ibon. Tuwang-tuwa sina Ana at Ben.Ang mga Ibon at ang Magkaibiganni Monica T. Rangel\"Palayain na natin siya,\"sabi ni Ana.\"Oo, para makalipad na siya ulit,\"sagot ni Ben.Dinala nila ang ibon sa parke at pinakawalan. Lumipad ang ibon nang mataas sa langit.\"Ang saya-saya ko na nakatulong tayo,\"sabi ni Ana.\"Ako rin. Ang sarap tumulong sa iba,\"sagot ni Ben.Aral: Ang pagtulong sa iba, lalo na sa mga nangangailangan, ay nagdudulot ng saya atmagandang pakiramdam.


May alagang aso si Ana na ang pangalan ay Puti. Maputi at malambot angbalahibo ni Puti, at palaging masigla. Tuwing umaga, sabay silang naglalakadni Ana sa labas ng bahay.Isang araw, habang naglalaro si Ana ng bola sa bakuran, tumalon ito sakabilang bakod. Sinubukan ni Ana kunin ang bola, pero natakot siya dahil maymalaking aso sa kabila.Si Puti, ang AlagangAso ni Anani Ana Liza S. Santiago


Biglang tumahol si Puti at tumakbo sa harap ni Ana. Para bang sinasabiniya,“Huwag kang matakot, Ana, nandito ako.”Lumapit ang malaking aso, ngunit hindi ito nanakit. Amoy-amoy lang si Putiat saka sila naglaro! Natuwa si Ana dahil hindi pala masungit ang aso sakabilang bakod.Mula noon, tuwing hapon ay sabay-sabay na silang tatlong naglalaro ngbola.Aral: Ang mabuting alaga ay hindi lang nagdadala ng saya, kundi ng tapangat pagkakaibigan.


Aly at Elyni Melody J. SantiagoSa isang malayong nayon, nakatira ang kambal na sina Aly at Ely. Bagama’t kambal sila,magkaibang-magkaiba ang kanilang itsura. Si Aly ay may maputing balat at unat naunat ang buhok, samantalang si Ely naman ay kayumanggi ang balat at kuloy angbuhok.Madalas silang sabay sa lahat ng bagay - sabay gumigising, sabay kumakain, sabaypumapasok sa paaralan at palaging magkapareho ang suot.


Ngunit sa kanilang paaralan, mas kapansin pansin si Aly sa kanilang dalawa. Maramiitong mga kaibigan at palaging napupuri kaysa sa kanya. Si Ely ay madalas dingtuksuhin ng kanyang mga kaklase.\"Ely, kambal ba talaga kayo ni Aly?\"Bakit ndi kayo magkamukha?\"\"Kase nga ampon lang siya\"\"Kulot! Kulot! Kulot!\"\"Hahahahahaha\"Ilan lang'yan sa mga madalas marinig ni Ely Mula sa kanyang mga kaklase. Tuwingtinutukso siya ng mga ito at malulungkot siya at nakakaramdam ng inggit sa kanyangkambal.Isang hapon, habang pauwi sila galing sa paaralan, malungkot at tahimik lang si Ely.Biglang niyang naisip,“Kung wala si Aly, baka hindi na nila ako tutuksuhin atpagtatawanan.” Sakto naman na matarik at may bangin sa kanilang dinaraanan. Dahilsa labis na inggit, tinulak niya si Aly sa bangin.


Ngunit bago pa ito tuluyang mahulog, mabilis na tumakbo ang kanilang Ama nanoo’y kagagaling lang sa kanilang bukid at hinila si Aly papalayo.“Ely!” sigaw ngkanilang ama,“Ano itong ginawa mo?Nang makita ni Ely ang takot at pag-aalala sa mukha ng kanyang ama at kambal,bigla siyang natauhan. Niyakap niya si Aly at napahagulhol ng iyak.“Ate, patawarin mo ako. Naiinggit lang ako sa’yo dahil lagi kang pinupuri ng iba.Samantalang ako, tinutukso at pinagtatawanan nila”.Hinaplos ni Aly ang likod ng kanyang kapatid at ngumiti.“Ely, natatandaan mo ba ang palaging sinasabi sa atin nila nanay at tatay? Hindimahalaga ang kulay ng balat o kung tuwid o kulot ang buhok. Ang mahalaga aymabuti ang iyong puso.”“Patawad ate, Aly. Patawarin niyo din po ako itay kung nagawa ko man po iyon kayate” Sabay harap sa kanyang ama“Anak, wag mo na ulit uulitin iyon ha? Tsaka wag mong kainggitan ang iyong kambaldahil hindi ito maganda” pangaral ng kanilang itay“Hindi na po, itay. Pangako ko po sa inyo iyan” sabay yakap sa kaniyang ama atniyakap din sila ng kaniyang ate“O siya, tara na at baka hinihintay na tayo ng inyong inay” wika ng ama at tuluyan nanilang tinahak ang daan patungo sa kanilang bahay.Mula noon, naging mas malapit na muli ang kambal sa isa’t isa. Natutunan ni Ely naang tunay na ganda ay nasa kabutihan ng puso, hindi sa panlabas na anyo.


Isang umaga, nagising si Lira at nagulat siya sa kanyang nakita. Ang mga bulaklak sahardin ay hindi na makulay, ang mga paru-paro ay tila nawalan ng ganda, at pati angkanyang mga krayola ay puro kulay abo. Lalong nagtaka si Lira nang makita sa langit angbahaghari ngunit ito ay puti lamang! Wala kahit isang bakas ng kulay.Dahil sa pagkabigla, nagpasya siyang hanapin kung bakit naglaho ang mga kulay samundo. Tumakbo siya papunta sa bundok, kung saan nakatira ang bantay ng bahagharina si Kuya Ulan. Doon ay nadatnan niya itong malungkot at nakaupo sa tabi ng ulap.\"Kuya Ulan,\" tanong ni Lira,\"bakit po nawala ang mga kulay ng mundo?\"Malungkot na sumagot si Kuya Ulan,\"May tampuhan ang mga kulay, Lira. Si Pula ay nagalitkay Dilaw dahil ayaw nitong makipaghalo. Si Asul naman ay lumayo dahil akala niya ayhindi na siya kailangan.\"Napaisip si Lira. Alam niyang kailangan niyang tulungan ang mga kulay na magkabati.Kaya't isa -isa niyang pinuntahan ang mga ito. Una niyang kinausap si Pula, ang kulay ngtapang.\"Pula,\"sabi ni Lira,\"kapag wala ka, mawawala ang kulay ng mga rosas. Hindi na magigingmaganda ang puso ng mundo.\"Napaisip si Pula at dahan-dahang tumango.\"Tama ka, Lira. Hindi ko dapat hayaangmaglaho ang ganda ng kulay ko,\"sabi niya. Sumama siya kay Lira.Sunod nilang pinuntahan si Dilaw, ang kulay ng liwanag.\"Dilaw,\"sabi ni Lira,\"kapag wala ka, mawawala ang araw sa langit. Madilim ang mundo.\"Ang Bahagharing Walang Kulayni Priscilla Santos


Napangiti si Dilaw.\"Ayokong mawala ang saya at liwanag ko. Sasama ako sa inyo,\"sagotniya.Huling pinuntahan ni Lira si Asul, ang kulay ng langit at dagat.\"Asul,\"sabi ni Lira,\"kapag nawala ka, mawawala rin ang langit at dagat. Hindi magiging buoang. ganda ng mundo.\"Napaluha si Asul at niyakap si Lira.\"Salamat sa pagpapaalala. Miss ko na rin sila,\"sabi niya.Nang magsama-sama ulit ang tatlong kulay, biglang kumislap ang kalangitan. Unti-untingbumalik ang liwanag at saya sa paligid. Muling lumitaw ang bahaghari mas maliwanag,mas makulay, at mas maganda kaysa dati!Ngumiti si Lira at tuwang-tuwang tumingin kay Kuya Ulan.\"Salamat, Lira,\"sabi nito.\"Dahil sa'yo, naalala ng mga kulay na mas maganda kapagnagkakaisa.Simula noon, tuwing makikita ni Lira ang bahaghari sa langit, napapangiti siya. Naalalaniyang ang bawat kulay kahit magkaiba ay may sariling halaga sa mundo.Aral ng Kwento: Ang pagkakaibigan at pagkakaisa ay nagbibigay ganda sa mundo.Lahat tayo ay may sariling kulay at mas maganda kung magkasama tayong lahat.


Sa isang tahimik na probinsya, nakatira si Kokoy kasama ang kanyang ina na si AlingLinda. Si Linda ay isang masipag na ina. Maaga pa lang ay gising na siya upangmagluto ng almusal at maglinis ng bahay.Pero si Kokoy… ay medyo matigas ang ulo.Tuwing uutusan siya ng kanyang ina, lagi siyang sumasagot.“Kokoy, anak, pakikuha naman ng walis sa labas,” sabi ni Aling Linda.Si Kokoy na Pala-Sagotni Rose Velle A. Silvestre


Bakit ako na naman, Ma? Pagod pa ako!” sagot ni Kokoy habang nakasimangot.“Kokoy, halika at maghugas ka muna ng pinggan bago ka maglaro,”“Mamaya na po! Lalaro lang ako saglit!”Halos araw-araw ay ganoon si Kokoy.Minsan, napailing na lang si Aling Linda.“Anak, hindi ako nagagalit, pero sana matutunanmong makinig at sumunod.”Isang araw, habang naglalaro si Kokoy sa labas, nadulas siya sa basang sahig atnapasubsob sa putik.Nagtakbo siya pauwi, umiiyak.“Ma! Ang dumi ko! Tulungan mo ako!”Agad siyang nilapitan ni Aling Linda, pinunasan, at binigyan ng malinis na damit.Tahimik lang si Linda habang inaasikaso ang anak. Napansin ni Kokoy na kahit lagi siyangsumasagot, hindi pa rin nagbago ang kabaitan ng kanyang ina.Pagkatapos maligo, niyakap ni Kokoy ang kanyang ina.“Ma, sorry po sa mga sagot ko sa inyo. Hindi ko na po uulitin.”Ngumiti si Aling Linda at hinaplos ang buhok ni Kokoy.“Salamat, anak. Ang gusto ko lang ay matutunan mong makinig at magpakumbaba.Mahal na mahal kita.”Simula noon, nagbago si Kokoy.Tuwing uutusan siya ng kanyang ina, palaging ang sagot na niya ay:“Opo, Ma!”At dahil doon, naging mas masaya at magaan ang kanilang buhay sa probinsya.


Sa isang kagubatan magkatabi ang puno na sina Suhan, ang Suha na punungpuno ng tinik at mapagmataas, at si Manggan, ang Mangga na palakaibigan.Tinutukso ni Suhan si Manggan, ipinagmalaki ang kaniyang maagang bunga atang kanyang mga tinik na nagpapatalsik sa lahat ng hayop.\"Tingnan mo ako,tahimik! Walang ingay dito!\"\"Ang mga hayop na'yan ay kasama ko sa hirap at ginhawa,\"sagot ni Manggan.\"Hindi ako nagmamadali, inuuna ko ang lakas ng ugat.\" Ngunit hindi nakinig siSuhan.Si Manggan at Suhanni Merryrose J. SisonIsang hapon, dumating ang isang malakas na bagyo. Dahil sa manipis na ugat atbigat ng bunga, hindi kinaya ni Suhan ang hangin at nasira. Si Manggan naman aymatatag na nakatayo.Nalungkot si Manggan. Kaya, tinulungan ng kanyang mga kaibigan na hayop siSuhan na linisin ang nabaling sanga.Dahil sa kabaitang ito, nagbago si Suhan. Natuto siyang maging mapagkumbabaat makipagkapwa-tao. Naging matalik na kaibigan silang dalawa, at sabay silangnamunga sa huli.


May isang batang babae na ang pangalan ay Lira. Araw-araw, siya ay nag-aaralmag-isa sa kanilang bahay. Miss na miss na niya si Mama, na nagtuturo sa ibangbansa.Kapag nakikita ni Lira ang larawan ni Mama habang nagtuturo sa mga bata roon,napapaisip siya,“Buti pa sila, natuturuan ni Mama. Paano naman ako?”Kaya tuwing gabi, nagdarasal si Lira,“Sana makauwi na si Mama. Gusto ko nasiyang makasama.”Si Mama, Guro sa Malayoni Hannah Joyce V. TalanHindi siya tumigil sa pag-aaral at lagi niyang iniisip na matutuwa si Mama kapagnalaman nitong masipag siya.Isang araw, habang nag-aaral siya, may kumatok sa pinto. Pagbukas niya, nakitaniya si Mama na may dalang maleta at ngiting abot-langit!\"Anak, nandito na si Mama!” sabi nito. Tumakbo si Lira at yumakap nang mahigpit.“Hindi na tayo magkakalayo ulit!”Simula noon, sabay na silang nag-aaral, si Mama bilang guro, at si Lira bilangmasayang magaaral


Hindi siya tumigil sa pag-aaral at lagi niyang iniisip na matutuwa si Mama kapagnalaman nitong masipag siya.Isang araw, habang nag-aaral siya, may kumatok sa pinto. Pagbukas niya, nakita niyasi Mama na may dalang maleta at ngiting abot-langit!\"Anak, nandito na si Mama!” sabi nito. Tumakbo si Lira at yumakap nang mahigpit.“Hindi na tayo magkakalayo ulit!”Simula noon, sabay na silang nag-aaral, si Mama bilang guro, at si Lira bilangmasayang mag-aaral


Isang araw habang nag lalakad si Alex sa parke ay nakita Nya ang kariton ni Mang Nestor.\"Wow! Ang sarap sigurong kumain ng malamig na sorbetes!\"sabi ni Alex habangpapalapit.Ngumiti si Mang Nestor at nagsabing,\"Magandang araw, Alex! Gusto mo bang sorbetes?\"Ngumiti si Alex at nahihlyang sumagot,\"Opo, Mang Nestor, pero nakalimutan ko pongmagdala ng pera.\"Ngumiti si Mang Nestor at iniabot ang isang sorbetes.\"Sige, akin na muna ito. Basta pangako mong balang araw ay mag bibigay ka rin sa iba.Masayang tinanggap ni Alex ang sorbetes.\"Salamat po, Mang Nestor! Pangako po,na balang araw ay mag bibigay rin ako sa ibangwalang inaasahang ka palit.\"Habang kumakain si Alex ng sorbetes, naisip niya na mabuti at masarap angmagpasalamat at mag bigay sa kapwa.Habang sya ay masayang naglalakad at pauwi na sana ng kanilang tahanan..Nakita nya ang isang batang umiiyak dahil natapon ang surbetes na hawak nito.Napatigil si Alex. Tiningnan niya ang hawak niyang sorbetes, at sandaling nag-isip.Pagkatapos ay lumapit siya sa batang umiiyak at inabot ang kanyang sorbetes.\"Heto,sa'yo na lang sabi ni Alex ng may ngiti.Ang pagtulong sa kapwa, kahit sa simpleng paraan,ay nagpapakita ng kabutihan ngpuso. Kapag marunong tayong magbahagi, Ito ay babalik sa atin.Alex at ang Sorbetesni Ryza Tirazona


ni Justine Mae DL. TorresSi Perlas at ang mga Bituin saDagatSa isang maliit na isla na napapaligiran ng malawak na mga puno at dagat, mayisang dalagang babae na nangangalang Perlas. Mahal na mahal niya ang dagat atpuno doon, lalo na sa gabi kapag kumikinang ang mga bituin sa langit. Naniniwala siPerlas na ang mga bituin sa langit ay may mga kapatid sa ilalim ng dagat.Isang gabi, habang nakaupo si Perlas sa dalampasigan, may napansin siya ng isangkakaibang liwanag sa malayo. Sinilip silip niya ito at nakita ang isang malaking bituinna nahulog sa dagat. Ang munting bituin ay umiiyak dahil hindi siya makabalik salangit.Naawa si Perlas sa bituin. Kaya sinabi niya,\"Huwag kang mag-alala, tutulungan kita.\"Kinuha niya ang bituin at dinala niya sa kanyang bahay. Inalagaan niya ito buongisang linggo. Makalipas ang isang linggo, dinala niya ang bituin sa pinakamataas nabahagi ng dagat at sinubukang itapon pabalik sa langit. Ngunit hindi ito umabot salangit.


Nalungkot si Perlas nag-isip-isip kung papaano niya maibabalik ang bituin sa langit?Bigla niyang naalala ang mga kwento ng kanyang ina tungkol sa mga mahiwagangnilalang na nakatira sa dagat. Nagpasya siyang humingi ng tulong sa kanila.Lumangoy si Perlas sa dagat para hanapin ang mga nilalang sa dagat, sinubukanniyang umawit ng isang awit na makakapukaw ng pansin sa nilalang sa dagat. Hindinagtagal, lumapit sa kanya ang isang grupo ng mga sirena. Ikinuwento ni Perlas angkanyang problema. Naawa ang mga sirena sa bituin. Sinabi nila na tutulungan nila siPerlas.Tinawag ng mga sirena ang kanilang ng mga kaibigan: ang mga pawikan, ang mgmga dolphin, at ang iba pang mga nilalang na nakatira sa dagat. Nagtulongtulong sila upang itulak ang malaking bituin pabalik sa langit. Sa wakas, naabot ngbituin ang langit at muling nakipaglaro sa kanyang mga kapatid.Tuwang-tuwa si Perlas at ang mga nilalang sa dagat. Natutunan ni Perlas na kahitgaano kalaki ang problema, basta't may pagtutulungan at pagmamahal, lahat ayposibleng makamit basta sama-samaMula noon, tuwing gabi si Perlas ay tumitingin sa kalangitan para makita ang mgabitwin at lagi na niya hinahanap ang malaking bituin na tinulungan niya. Ang mgabituin sa langit at mga nilalang sa dagat ay magkaibigan magpakailanman.


Ang Nawawalang Notebookni Analyn DC. ValdezIsang umaga, nagmamadaling pumasok si Jo sa paaralan. May pagsusulit sila kayakailangan n'yang pumasok ng maaga sa klase. Nang maupo s'ya ay agad n'ya sanangkukunin ang kanyang notebook para makapag-aral ngunit bigla n'yang napansin nanawawa ang kanyang notebook!\"Naku! nandun lahat ng notes ko\"wika ni Jo.Malungkot at halos maiyak na si Jo nang biglang lapitan s'ya ng pinaka tahimik at walaimik na kaklase n'ya na si Jl.\"Jo\"wika n'ya,\"Ito ba ang hinahanap mo?\" Iniabot ni Jl angnotebook na may nakasulat na pangalan ni Jo\"Salamat. JI! Paano pala napunta sa'yo ang notebook ko?\"Takang tanong ni Jo.\"Nahulog mo kahapon. Tinatawag kita kahapon para ibalik kaso hindi mo ata ako narinigkaya naisipan kong iuwi nalang at bukas sa'yo isauli” Sagot ni Jl.Napangiti si Jo. Buti nalang napulot mo. Hindi ko alam ang gagawin ko at kung saan kohahanapin.Mula noon, naging matalik na magkaibigan si Jo at JI.Natutunan din ni Jo na minsan, ang mga taong tahimik at walang imik sa klase ay maymabubuting puso at minsan sa simpleng pagtulong natin sa ating kapwa ay nagigingdahilan upang magkaroon tayo ng kaibigan.


Si Gela at ang Bangkang Papelni Angela Joy P. VillasanMahilig gumawa ng bangkang papel si Gela. Tuwing hapon, pagkatapos ng klase,nauupo siya sa tabi ng ilog malapit sa kanilang bahay at doon niya pinapalutang angkanyang mga bangkang gawa sa papel. Para sa kanya,ang bawat bangkang papel aymay dalang kaunting pangarap at saya.Isang araw, napansin ni Gela na marumi ang ilog. May mga plastik at basura nahumaharang sa daloy ng tubig. Nalungkot siya dahil hindi na makalutang nangmaayos ang kanyang mga bangkang papel. Sa halip na umuwi agad, nagpasyasiyang pulutin ang mga basura. Isa-isa niyang inilagay ang mga ito sa sako kahitnapapagod na siya.Nakita siya ng kanyang mga kapitbahay at tinanong kung bakit siya naglilinis. Ngumitisi Gela at sinabi,“Gusto ko pong luminis ang ilog para makalutang ulit ang mgabangka at para rin po hindi pag mulan ng baha.” Namangha ang mga matatanda sakanyang sagot.Kinabukasan, sama-samang naglinis ang mga kapitbahay. Naging malinaw ang tubigat mas mabilis ang daloy nito. Muling nagpalutang si Gela ng kanyang mga bangkangpapel. Ngayon, mas malayo na ang nararating ng mga ito.Habang pinagmamasdan niya ang mga bangka, napagtanto ni Gela na tulad ngkanyang bangkang papel, ang mga pangarap nya ay malayo rin ang mararating kungpalaging gagawa ng mabuti at kung sassabay sa agos ng buhay.


Noong unang panahon, may isang maliit na bituin na nagngangalang liti.Si liti ay hindi kasing liwanag ng ibang mga bituin, kaya madalas siyang nagtatago salikod ng ulap, iniisip na hindi siya mahalaga.Isang gabe, napansin siya ng buwan at tinanong “ Bakit ka nagtatago liti?”Malungkot na sumagot si liti,”Hindi po kasi ako kasing liwanag ng iba”. Hindi ko alam kungmay halaga ako.Ngumiti ang buwan at sinabi,“ Liti, bawat bituin ay may sariling ganda. Kahit maliit maymga mata sa lupa na napapangiti dahil sa iyong liwanag.Napaisip si liti, at sa unang pagkakataon nagpakita siya at kumislap ng buong tapang.Sa lupa, isang batang naglalakad kasama ang kaniyang lola, nakita niyang kumislap si liti,“ Lola loa tignan mo po! May isang maliit na bituin na kumikislap! Ang ganda niya.Mula noon, tuwing gabe ay lumalabas si liti, hindi na siya nagtatago, alam niya maynagpapasalamat sa kaniyang liwanag.ARAL NG KWENTOKahit gaano kaliit, bawat isa sa atin ay may halaga at maaaring magpasaya ng iba.Maliit na Bituin na si Liitni Jenilyn Wayno


Click to View FlipBook Version