Pangalanni Allysa D. RamosAng pamilya ko'y laging kasama,Sa bawat lakad, saya't problema;Unang sandigan at aking pagasa, Pag-ibig nila'y laging ala-ala.Mga kaibigan tunay na biyaya,Kasama sa tawanan at laro'tkanta; Kahit saan man kamimagpunta, Ang samahan namin,laging masaya.Naalala ko pa, sa Dupinga kami, Samalamig na tubig, lumangoy, ngiti; Likasna ganda'y unang nakita riyan, Alaala'ybaon, kailanma'y di malilimutan.Sa Bato Feri, kami'y nagtampisaw, Amingbakasyon, sa dagat, lumitaw; Ang'kingpuso'y tila lumulutang, tanaw, Bawatsandali, puno ng galak at ilaw.Ang unang pagpunta sa Baguio'y saya,Lamig ng hangin, unang naramdaman;Sa Burnham Park, kami'y naglakaran,Kakaibang tanawin, aking nasaksihan.
Mga lugar na napuntahan sa wakas, Mgaunang tanawin na'king dinanas; Sabawat pag-alis, mayro'ng unang batas,Pagkatuto't saya'y sadyang diwawakasan.Ang mga biyahe't, unang napuntahan,Ang pagmamahal, laging naramdaman;Sa'king pamilya at mga kaibigan, Buhayko'y tunay na pinagpala naman.Kaya't sa puso't diwa'y baon ko, Ang mgakaranasang nag-umpisa rito; Ang unangpaglalakbay, at ngiti't yakap mo, Dimalilimutan, sa isip, Tulad ng AkingPANGALAN.
Noong una'y ako'y takot,Sa pag-aalaga ay walang alam,Ngunit nang aking anak ay dumating,Puso ko'y napuno ng pagmamahal.Gabi-gabi'y puyat at pagod,Pag-iyak niya'y aking sagot,Kahit mata ko'y halos pumikit,Ngiti niya'y aking saglit na sulit.Tuwing siya'y natutong gumapang,Tuwang-tuwa ako't napapasigaw,Ang bawat hakbang ay tagumpay,Na parang mundo'y napakapayapa.Kapag siya'y may sakit o lagnat,Ako'y kabado't hindi mapakali,Dasal ko'y huwag siyang masaktan,Kahit ako na lang ang mahirapan.Sa bawat araw na kami'y magkasama,Pagod ay napapalitan ng saya,Ang yakap niya'y sapat na gantimpala,Sa lahat ng aking pagod at pagluha.Ngayon ay lumalaki na siya,Ngunit sa puso ko'y bata pa rin siya,Pag-aalaga ay walang hanggan,Pagmamahal ng magulang, walang katapusan.Sa Bawat Yakap ng Anakni Monica T. Rangel
Isang Masayang Pamilyani Ana Liza S. SantiagoSa aming tahanan ay puno ng saya,May tawanan, halakhak, at ligaya.Si Tatay ay sipag ang laging dala,Si Nanay ay lambing na walang maikukumpara.Tuwing umaga may sikat ng araw na kay ganda,Kasabay ng ngiti at bagong pag-asa.Si Tatay ay handang magtrabaho para sa pamilya,Si Nanay naman ay laging kasama.Ang mga kapatid ko’y puno ng ligaya,Kausap ko sila sa bawat sandali sa sala.Kahit magtampuhan o minsan magkasala,Pag-ibig pa rin ang aming sandata.Sa hapag-kainan tuwing hapunan kami ay sama-sama,May dasal, kwentuhan, at tawanang masaya.Kahit anong nakahain sa mesa,Basta’t magkakasama, busog na ang diwa.
Kapag may problema, kami’y nagkakaisa,Tulong-tulong sa hirap ng buhay ng magkakasama.Hawak-kamay sa laban ng tadhana,Pagmamahalan naming di mawawala.Salamat sa Diyos sa pamilyang kay saya,Biyayang totoo at pusong may awa.Sa kanila ko natagpuan ang ligaya,Tunay na kayamanan ang aming pamilya.
Pangarapni Melody J. SantiagoBawat tao’y may pangarap,Bawat pangarap may sapat na hirap.Ang pangarap ay parang bituin.Mataas, kay hirap abutin.Ano mang daang aking tatahakin,Kahit alon ay sumalungat sa hangin,Ito’y aking tatawirin.Maging ang bituin, aking susungkitin.Anumang pagsubok ang dumating,Buong tapang kong haharapin.Dahil sa bawat pagsubok,Ako'y lalong tumitibay at nagiging matatag.Minsan mang ako'y panghihinaan,Hindi iyon dahilan upang tumigil sa laban.Pagkakamali man ay akong masumpungan,Bahagi iyon ng pagkatutong walang hanggan.Maaaring napagod, ngunit 'di susuko.Mah nauuna, may nahuhuli.Buhay ay hindi karera.Malayo na, pero malayo pa.
Sa aming tahanan ko, unang natutunan,ang tunay na halaga ng pagmamahalan.Hindi kailangan ng salita na magarbo,sapagkat ang presensya nila’y sapat at totoo.May araw na masaya, may araw na tahimik,minsan may tampuhan, minsan may pasakit.Ngunit kahit pa magkalayo o magkahiwalay,puso namin ang laging tahanang sabay-sabay.Ang ama ko’y matatag na sandigan,tahimik man, ramdam ang pagmamahalan.Sa pagod niyang dala mula araw-araw,naroroon pa rin ang yakap na mapayapa’t magaan.Tahanan ng Aking Pusoni Pricilla SantosAng ina ko nama’y ilaw na gabay,pag-ibig niya’y hindi ko maipantay.Sa haplos at kuwento niyang puno ng lambing,gumagaan ang bigat ng kahit anong damdamin.
Ang aking mga kapatid, kasama sa saya,minsan kaagaw, minsan kakampi sa problema.Ngunit sa huling sandali ng hirap at gulo,sila ang unang sasalo’t kasama ko.Kaya sa dulo ng bawat araw na mabigat,sa kanila ko laging inuuwi ang lahat.Hindi sa dingding nakikita ang isang tahanan—kundi sa pusong nagmamahal nang walang hanggan.
Sa Barangay Caputican ako’y lumaki,Payak ang paligid pero puno ng ngiti.Bawat umaga’y pagbangon na may pagsubok,Pero pangarap kong magturo ang aking tulay at lakas-loob.Sa NEUST Talavera ako’y nagsusumikap,Pang-gabing klase, kahit pagod ay di sumusuko’t umaayaw.Tatlongpong minutong biyaheng pauwi, gabi man ay tahimik,Sa dibdib ko’y may pag-asang lagi kong bitbit.Lakbay ng Isang Mag-aaralni Rose Velle A. SilvestreMay mga araw na kapos, bulsa’y halos wala,Bayarin sa eskwela’y minsan talagang mabigat dala.Pero ngiti at tiwala ang aking sandata,Dahil alam kong sa huli, tagumpay din ang gantimpala.Sa simpleng pamumuhay ako’y natuto,Magpasalamat sa lahat—maliit man o totoo.May luha man minsan, mas marami pa rin ang saya,Dahil ang pangarap kong maging guro, puso ko’y kumakapit dito’t umaasa.
Sa isang sulok ng tahimik na gabi,May munting tinig na lihim sinasabi.Ito'y mga pangarap na nais kong abutin,Mga pangarap ko na laging bibitbitin.Hindi man palaging madali ang lakbay,Kahit madalas ay puno na ng lumbay.Ngunit sa dilim, may ilaw na tanglaw,Na nagbibigay liwanag sa bawat galaw.Mayroong pangarap na simple’t dakila,Mahalaga’y buo ang paniniwala.Ilabas ang galing, talinot kakayahan,Isama ang panalangin at kailangan.Munting Tinigni Merryrose J. Sison
Kung minsa’y tila malayo at malabo.Dahil sa pagkatakot at pagkabigo.Sa bawat pagbangon, lalong lumalakas.Hanggang may hininga,'di magwawakas.Kaya magpatuloy anumang mangyari,Pagpatak man ng luha’t ngiti sa labi.Manalig abutin ang dulo ng landas,Doon naghihintay ang ganda ng bukas.
Si Mama sa MalayoSa malayong bansa siya nagtuturo,Para sa amin ay nagsasakripisyo.Habang ako rito nag-iisa’t nag-aaral,Umaasang muli kaming magkasama balang araw.Nakakapanlumo minsan isipin,Na tinuturuan niya ang ibang anak sa piling.Ngunit alam kong bawat aral na itinuturo,Ay bunga ng pag-ibig para sa amin, totoo.Kaya magtitiis ako, mag-aaral nang mabuti,Para sa araw ng pagbabalik, siya ay ngingiti.Ang sakripisyo niya’y hindi ko kakalimutan,Si Mama, ang inspirasyon ng aking kinabukasan.Si Mama saMalayoni Hannah Joyce V. Talan
Tahimik ang landas sa aking paglakbay, Kasabay nghangin, alaala y taglay.Bawat hakbang, may bakas ng kahapon, Bawat patakng ulan, may aral no baon.May daang matarik, may lubak at sanga, Parangbuhay-puno ng pagsubok at ganda.Minsan madilim, minsan maliwanag, Ngunit sa dulo,pag-asa ang liwanag.Natuto akong bumangon sa pagkadapa, Ang sugat ngkahapon, ngayon ay gawa.Bawat luha'y naging binhi ng tapang, Bawat pait,nagturo ng dangal.Sa daan ng unos, ako'y tumatag, Pait ng karanasan, sapuso y naglagay ng lakas.Ang dating takot, ngayo y naglaho, Ginawang sandiganng pusong totoo.May mga kaibigang dumaan at nawala, Tulad ngdahong tinangay ng hangin sa mata.Ngunit sa bawat paglayo at pagkawala, May bagongsimula, may bagong pag-asa.Daan ng Karanasanni Ryza Mae F. Tirazona
Ang mga alaala ay tala na naging gabay,Parang bituin sa langit na walang kapantay.Kahit malayo pa ang dulo ng daan, Ako'y maglalakad, may tapang atpananampalataya.Sa bawat liko, may bagong kuwento, Sa bawat pagod, may aral na totoo.Hindi hadlang ang hirap at luha, Ito y hagdang patungo sa tagumpay natula.Kaya't sa dulo ng daan kong ginagalawan, Ako'y ngingiti at titingin sapinagmulan.Dahil ang karanasan-mapait man o saya, Angsiyang humubog sa tunay kong pagkatao't diwa.
Kaming mag babarkada,Laging masaya't nagkakaisa,Sa hirap at ginhawa,Kami'y laging magkakasama.Tawanan, Asaran, at sakitan,kami'y laging nagtutulungan,Anuman ang kalagayan,Kami'y may paninindigan.Isa lang ang layunin ng puso,Isang adhikain dito sa mundo,Pagbibigay respeto sa kapwa tao,Mahirap man o edukado.Sabawat pagsubok na dumating,kami'y laging matatag,Ang aming pagkakaibigan ay matibay,Hindi kayang sirain ng sinuman.Kaya't kami'y magpapatuloy,Parang tubig ng ilog na dumadaloy.Magkakasamang a-asenso sa buhay,Kaming magkakaibigan na matibay.Matatag na Pagkakaibiganni Justine Mae DL.Torres
Pag labas ng simbahanTanging ganda mo ang aking nasisilayanNa lumulutang sa kalangitanParang liwanag ng bagong pag-asaNgunit ang puso ko’y puno pa rin ng pangambaNa iiwan mo rin pag sapit ng arawSapagkat sa bawat umaga, tanghali o gabiAy may dalang takot na baka ang bawat kinang mo ay biglang maglahoHabang papalalim ang gabiDamang-dama ko na ang ihip ng hanginParang mga salitang hindi masabi,Yakap na hindi maidampiAt kung dumating man ang araw na hindi na kita masilayanBabalikan ko ang ala-alang bawat gabingNagbibigay ka ng pag-asaSa buhay kong puno ng pangambaSa sandaling panahon na naging pahinga kitaMasilayan lang kita problema ko’y nawawaParang isang hiwagang dumarating sa gitna ng bagyo,At kahit sandali lang, puso ko’y muling nagkakaroon ng liwanag.Buwanni Analyn DC. Valdez
Pag-asani Angela Joy P. VillasanSa bawat araw may dalang pag-asaSa bawat oras may dalang pagkakaisaTinta’t papel , aking sandata’t gabaySa mundong magulo, liwanang ang aking taglay.Sa silid aralan may mga tinig na maririnigHawak ko ang lapis, papel, at pananaligPagtuturo’y sining, serbisyo’y dangalSa puso ng Eduk, misyon ay banal.“Demo-teach” na may kaba, ngunit pangarap ang dalaSa bawat Lesson Plan, bitbit ang saya’t siglaKahit pagod, puyat mga luha’y dumadaloy sa mataPagkat bawat aral ay may halagang dakila.Sa puso ko’y apoy na di napapataySa pagkat alam ng Eduk ang tunay na saysayEduk ang kursong aking piniliPagkat sa pagtuturo, buhay ay may saysay lagi.Sa pagtatapos, bitbit ko ang ngiting tagumpayKaya’t saludo sa mga studyanteng tunayTaga pagturo, tagapagbago. At taga pagbigay liwaywayEduk student ako guro ng kinabukasang tunay
Sa Likod ng Pagodni Jenilyn WaynoSa tahimik na hapag, ako’y laging nag-iisaAko’y sobrang nananabik, makasama ang pamilyaSa bawat pagsubo, iniisip ko silasi Mama, si Papa, at mga kapatid ko, kung kamusta na?Nag-aalaga ako ng hindi ko kadugoPiniling landas kahit sa pamilya mapalayoBawat araw dala’y, mabigat na pasanin at sakripisyoMaibigay lamang ang pangangailangan ng pamilya ko.Landas ng pangarap, sabi ko sa sariliKahit masakit, kahit nag iisa;t sawiMagpakatatag, ito ang aking gawiPagsubok na ito’y aking mababawi.Bawat pagod, mayroong dahilanBawat luha, mayroong kapalit namanGinhawa’y umusbong, ito’y asahanMula sa pawis, sa bawat pagdaraanan.Hindi man kapiling ang aking pamilyaDala ko sila sa bawat paghingaSa likod ng pagod, sila’y unang pangarap na aking dalaPag- asa laging naroon, hindi nawawala.
KwentongPambata
Maya ay isang masiyahing bata na mahilig magpinta. Mayroonsilang paligsahan sa pagkukulay sa kanilang silid-aralan.MARCO:\"Handang-handa na ako!\"sabi ni Marco, kaklase niMaya.Nang marinig ito ni Maya, gusto niya na rin magsimula.Masayang kinuha ni Maya ang kaniyang krayola at nagsimulangmagkulay ng isang hardin na puno ng maliit na bulaklak. SiMarco naman ay gumamit ng makakapal na kulay at magalingsiya sa pagkukulay ng malalaking larawan.MARCO:\" Oh Maya, bakit may kailangan ka? \"MAYA:\" Ah wala, tinitingnan ko lang.\"MARCO:\"Dapat malaki ang larawan na kulayan mo, para kitangkita ang bawat detalye at gumamit ka nang matitingkad napangkulay, para manalo ka.\"Napangiti na lamang si Maya, dahil alam niya sa sarili, hindi niyaito kaya. Napatingin naman s'ya kay Lia. Gumamit din si Lia namatingkad na pangkulay at napakabilis niyang magkulay.ni: Relissa G. AgpitoSi Maya at ang NatatangingKislap ng Kanyang Kulay
LIA:\" Tapos na po ako! ang bilis ko hindi ba? \"Bumalik si Maya sa kaniyang gawa. Ang gawa niya pino,banayad, at hindi matingkad ang kulay. Napabuntong- hiningasiya at nalungkot.MAYA:\" Sana kasing-galing ako nina Marco at Lia. Hindi akomabilis, hindi matingkad ang kulay ko, at hindi ko rin kayamagkulay nang malaki.”Nakita si Maya ni Guro Elena at tiningnan ang kaniyang gawa.GURO ELENA:\" Maya, bakit ka malungkot? \"MAYA:\" Kasi po hindi ako katulad nila Marco at Lia.\"GURO ELENA:\" Tingnan mo ang hardin mo.Napakaganda! Ang iyong mga kulay ay payapa at malumanay.Kahit hindi katulad nila Marco at Lia, okay lang. Si Marco aymagaling sa malalaking larawan. Si Lia ay magaling sa bilis.Ngunit, ikaw Maya magaling sa pagbibigay ng kakaibang kulay.Pino, banayad, at hindi katingkaran, na s'yang kakaiba sa lahat! \"Napangiti si Maya sa kaniyang narinig.GURO ELENA:\" Huwag mong ikumpara ang sarili mo sa iba. Angkailangan mo lang ay pahalagahan kung saang bagay kamagaling, dahil alam mo Maya lahat tayo ay may iba't ibanggaling! \"Nagliwanag ang puso ni Maya, naiintindihan na niya. Angkaniyang istilo ay kakaiba. Simula noon hindi na niya ikinumparaang sarili sa iba.MAYA:\" Gagamitin ko ang aking sariling kulay! \"ANG ARAL: Tandaan, lahat tayo ay may sariling galing. Huwagmong ikumpara ang sarili mo sa iba. Ang pagiging kakaiba angsiyang nagpapa-espesyal sa iyo!
Aria, ang Batang AyawMaging Matulunginni Abigail C. BarrientosSa isang tahimik na baryo, may batang babae na nagngangalang Aria. Kilala siya sapagiging masayahin, pero siya ay hindi matulungin. Isang araw ang nanay niya aynag-aayos ng kanilang bahay at inutusan si Aria.“Anak pakikuha mo nga ang walis”“Mamaya na po Nanay” sagot ni Aria. Hanggang sa hindi na siya nakasunod sakanyang Inay. Kapag may kaibigang naman siya na humihingi ng tulong sa takdangaralin, sinasabi niya,“Ayoko kaya mo na yan, laro na lang tayo!”At kapag may matandang nangangailangan ng tulong tumawid, dumadaan langsiya na parang walang nakikita.Dahil dito, unti-unting nabawasan ang mga kaibigan ni Aria. Madalas siyang magisa, at hindi niya maintindihan kung bakit.
Isang araw, habang naglalaro siya sa bukirin, nadulas siya at hindi makabangon.Napaiyak siya sa sakit at naisip niyang sana ay may dumating para tumulong sa kanya,pero walang dumating.Ilang sandali pa, dumaan si Tita Rosa, isang mabait na kapitbahay. Nang makita angbatang umiiyak, agad siyang lumapit.“Aria, bakit hindi ka tumatawag ng tulong?” tanongnito.Napayuko si Aria.“Nahihiya po… Kasi… hindi naman po ako tumutulong sa iba.”Ngumiti si Tita Rosa.“Anak, hindi pa huli ang lahat para maging mabuti.” Tinulungan siyanitong makatayo at inihatid pauwi.Pag-uwi, naisip ni Aria,“Kung walang gustong tumulong sa akin kanina, paano kaya ako?”Kinabukasan, nagdesisyon siyang magbago at nangakong magiging matulungin na.Tinulungan niya ang nanay niyang magwalis. Inalalayan niya ang matandang tatawid.Tinuruan niya ang kaibigan niyang nahihirapan sa takdang-aralin. Nang makita ito ng mgabata sa baryo, muli siyang inanyayahang maglaro. At marami na rin ang tumutulong sakanya. Unti-unti, napagtanto ni Aria na masaya pala ang tumulong sa kapwa.Aral ng Kuwento:Ang pagtulong sa kapwa ay hindi lang nagbibigay ng saya sa iba, kundi ganon din saating sarili. Kapag natuto tayong maging matulungin, mas gagaan ang ating buhay.
Si Maya ay isangmasayahing bata namahilig magbasa. SiKiko naman ay isangbatang malikot atmahilig maglaro.Magkaklase sila saunang baitang. Isang araw, habang nag-aaral sila ngtungkol sa mga hayop, napansin ni Maya namalungkot si Kiko.\"Kiko, bakit ka nakasimangot?\" tanong niMaya.\"Wala akong lapis. Naiwan ko sa bahay,\"bulong ni Kiko.\"Hindi ako makakagawa ngdrawing ng aso.\"Ngumiti si Maya. Kinuha niya ang isa sakanyang mga lapis na may pambura sa dulo.\"Heto, Kiko! Gamitin mo muna ang ekstrakong lapis,\"sabi ni Maya at iniabot ito kayKiko.ni: Wilbert Lloyd V. BasilioSi Maya at Kiko
\"Tuwang-tuwa si Kiko! \"Talaga? Salamat,Maya! Ang bait mo!\"Agad na gumuhit si Kiko ng isang malakingaso na may mahabang buntot. Ginamit dinniya ang mga krayola ni Maya para kulayanito ng kayumanggi.Nang matapos ang klase, isinauli ni Kiko ang lapis kay Maya.Maraming salamat ulit, Maya! Dahil sa iyo, nakagawaako ng pinakamagandang drawing!\"sabi ni Kiko.\"Walang anuman, Kiko! Mas masaya kungnagtutulungan tayo, di ba?\"sagot ni Maya.Simula noon, lalo pang naging matalik namagkaibigan sina Maya at Kiko. Lagi silangnagtutulungan sa mga aralin at naghahatian sa kanilang mga gamit at baon.Ang pagiging matulungin at mapagbigay ay nagpapatibay sa pagkakaibigan.
Isang grupo ng mga maabong gamu-gamo na may mapusyaw na kulay angnaninirahan sa isang kagubatan malapit sa siyudad. Inilalaan nila ang kanilang mgaaraw sa pag-idlip sa mga katawan at sanga ng puno. Pagdating ng gabi, sila aygumagala at kumakain ng mga halaman. Ang kanilang mga puting pakpak, na maymga tuldok ng itim, ay sumasama sa mga punong nababalutan ng lumot. Ang mgapakpak na ito ay nagbigay proteksyon sa kanila laban sa mga ibon at iba pang mgamaninila. Isang araw, nagsimulang umabot ang maitim na usok sa kagubatan.Nagtayo ng mga pabrika sa malapit, at di nagtagal, nabalutan ng uling ang mgapuno. Ang mga puting batik-batik na gamu-gamo ay kitang-kita sa mga punongnababalutan ng uling. Naging madali silang puntiryahin ng kanilang mga maninila.Ang mga batik-batik na gamu-gamo na may puting pakpak ay hindi na gaanongnakikita. Ang mga batik-batik na gamu-gamo na may mas madidilim na pakpak aylumabas at dumami. Ang mga may madidilim na pakpak ay malayang gumagala sagabi. Ang mga may mapupusyaw na kulay ay halos hindi makapagtago mula samga maninila. Ang mga itim na batik-batik na gamu- gamo ay nabuhay nang masmatagal at nagkaroon ng mas maraming supling. Sila ay naging mas karaniwankaysa sa kanilang mga kamag-anak na may puting pakpak. Lumipas ang mgadekada, at dumating ang mga pagpapabuti. Ang usok mula sa mga pabrika aydahan-dahang luminaw, at ang mga lumot ay muling tumubo sa mga puno. Angmga batik-batik na gamu-gamo na may mapusyaw na kulay ay muling pumuno samga kagubatan.ni Lady Princess S.J BucoAng Kwento ng mga Batik-batikna Gamu-Gamo
Ang Ulap na Ayaw UmiyakSa malawak na kalangitan, may isang batang ulap na angpangalan ay Uli. Si Uli ay puting-puti, malambot, at mahilig maglarosa hangin. Tuwing umaga, sumasabay siya sa paglipad ng mgaibon at sa pagkislap ng araw.Ngunit may kakaiba kay Uli, ayaw niyang umulan. Kapagnararamdaman niyang naiipon ang tubig sa kanyang katawan,agad siyang lumilipat ng lugar para hindi siya umiyak.“Ayoko umulan! Baka pangit ako kapag basa,” sabi ni Uli.“Mas gusto kong manatiling maganda at puti!”Gawa ni: Carla S. Cabrera
Isang araw, dumating ang tag-init. Ang mga halaman sa lupa ay nalanta, ang ilogay natuyo, at ang mga bata sa baryo ay nauuhaw. Tumingala sila sa langit.“Sana umulan,” sabi ng isang batang babae.“Kailangan ng mga halaman ang tubig upang mabuhay sila.”Narinig iyon ni Uli. Nalungkot siya, pero pinigilan pa rin niyang umulan.“Kung iiyak ako, baka mawala ang ganda ko,” bulong niya.Lumipas ang mga araw. Lalong nanghina ang mga puno at nawala ang kulay ngmga bulaklak. Si Uli ay hindi na masaya. Kahit maganda pa rin siya, parang maymabigat sa kanyang loob. Hanggang isang gabi, kinausap siya ng isangmatandang ulap na dumaan.“Uli,” sabi ng matandang ulap,“ang pag-ulan ay hindi tanda ng kahinaan. Katulad ng pagluha ng puso, kailanganito para muling sumibol ang saya.” Napaisip si Uli.Tumingin siya sa ibaba, nakita niya ang mga tuyong dahon at malungkot na bata.Dahan dahan, naramdaman ni Uli ang mga patak sa kanyang loob. Isa, dalawa,hanggang bumuhos ang ulan. Umiyak si Uli.Ngunit habang umiiyak siya, nangiti ang mga bata, sumayaw ang mga halaman,at nagbago ang kulay ng mundo. Ang ulan ay nagdulot ng buhay at kasiyahan salahat. At nang matapos siyang umulan, nakita niya ang isang bahaghari sa langit.“Ang ganda mo, Uli!” sigaw ng mga bata.“Salamat sa ulan!” Ngumiti si Uli.Napagtanto niyang kahit umiyak siya, hindi siya pangit, lalo siyang gumanda.
Si Lira ang batang makalat sa kanilang komunidad.Siya ay nakatira malapit sa sapa.Isang araw, inutusan si Lira ng kanyang ina na magtapon ng basura.Sumunod naman si Lira sa kanyang ina.\"Sige po inay itatapon ko po ang ating mga basura.\"Ngunit hindi alam ng kanyang ina na sa sapa niya lamang pala itoitinatapon.Nang sumunod na araw inutusan nanaman si Lira ng kanyang ina namagtapon ng kanilang basura.Ngunit hindi inaasahan ni Lira na may makakita sakanyang isangmatandang babae.Siya ay kinausap ng matandang babae.\"Alam mo ba na ang pagtatapon ng basura sa mga sapa o ilog ay maaaritayong mapahamak?Maaari tayong bahain kung ipagpapatuloy mo ang pagtatapon ng basurasa sapa.\"Si Lira ang Batang Makalatni Judy Ann Corpuz
Si Lira ay tahimik lamang na nakikinig sa matandang babae na tila wala lamangsakanya ang sinasabi nito.Isang araw may bali- balita na may paparating na malakas na bagyo.Ito ay magdudulot ng malakas na pag ulan.Dumating na nga ang inaasahang bagyo.Ang mga basura ay nagpatigil sa pag daloy ng tubig sa sapa. Kaya't ito ay umapaw atbinaha ang mga kalapit na bahayan. Isa na rito ang bahay nila Lira.Labis ang lungkot ni Lira ng pasukin ng tubig ang kanilang tahanan. Sa pagtaas ngtubig tangay din nito ang mga basura na ikinalat ng mga tao.Naisip ni Lira ang sinabi sakanya ng matanda.\"Tama pala ang matandang nakausapko.\" Habang kausap ang kanyang sarili.Halong takot at lungkot ang nadarama ni Lira.\"Simula ngayon hindi na akomagtatapon ng basura sa sapa. itatapon ko na ito sa tamang tapunan ng basura.\"Sambit ni Lira sa kanyang sarili.Simula non natuto na si Lira sa kanyang pagkakamali. Ipinangako na Niya sa kanyangsarili na siya ay hindi na magkakalat o magtatapon ng basura kung saan-saan.Sisiguraduhin ko na wala ng magtatapon muli ng basura sa sapa.\"Ang aral sa kwentong ito ay matuto tayong pangalagaan ang ating kapaligiran.Huwag gumawa ng ayaw mong gawin din sayo.\"
Sa isang malayong lugar nakatira ang batang babae na si Justin, masayasiyang namumuhay ng payapa kasama ang kanyang pamilya at ang kanyangkaibigan na si Jonny, mayroon siyang natatanging hilig sa paglalakbay.Isang araw napagpasiyahan niyang maglakbay kasama ang kaibigan na siJonny sa tinatawag na mundo na kung saan ang lahat ay makulay, tinatawagdin itong mundo ng mga duwende. At dumating na nga ang araw ngpaglalakbay ni Justin at Jonny, habang sila ay naglalakbay napadaan sila sakagubatan may nakasalubong silang kabayo na humihingi ng tulong.Ang sabi ng kabayo “tulong tulong naipit ang mga paa ko sa malaking punongkahoy” Ang sabi naman ni Jonny “Justin, halika tulungan natin ang kabayo” atagad nila itong tinulungan, nagsasanay ang kabayo,“maraming salamat sainyong kabutihan, pangako ito ay aking susuklian sa tamang panahon”.At nagpatuloy sila sa paglalakbay, Sila ay napadaan naman sa karagatan at sagilid ng baybayin ng dagat may nakita silang mga alimango na humihingi ngtulong,Ang Paglalakbay ni Justin at Jonnyni Justin L. Corpuz
Ang sabi ng mga alimango “pwede nyo ba kaming matulungan nahihirapan kasikaming makatawid sa matakas na alon pabalik sa dagat”.At kaagad silang tinulungan nina Justin at Jonny na makatawid, nagpasalamatang mga alimango,“maraming salamat sa inyong dalawa balang arawsusuklian namin ang inyong tulong”.At sa wakas nakarating din sina Justin at Jonny sa mundo ng mga duwende,dahil sa kabaitang ipinakita nilang dalawa binigyan sila ng 3 kahilingan.Ang unang kahilingan nilang dalawa ay sasakyan na makakatulong sa kanilangmga paglalakbay at agad ang kabayong kanilang tinulungan kanina ay nagingisang magandang sasakyan, Sila ay nagalak at naging masaya,At ang ikalawang kahilingan naman na kanilang hiniling ay kayamanan at agadang mga alimango ay naging mga ginto, ngunit si Justin ay naging sakim, dahilsa kasakiman nya iniwan siya ng kanyang kaibigan,Siya ay nalungkot at nagdalamhati dahil mahal nya ang kanyang kaibigan,bumalik siya sa mga duwende ang sabi ni Justin,“ Ayoko na ng mga ginto na ito,hinihiling ko na sana magkaayos na kami ng kaibigan ko dahil siya ang yaman atsaya na hindi mapapalitan ng kahit anong ginto “ at tinupad ito ng mgaduwende binalik nila ang kanyang matalik na kaibigan, nagpasalamat siya samga duwende at niyakap ng mahigpit ang kaibigan.Aral: Napagtanto nya ang kaibigan ang pinakamahalagang yaman sa buongmundo at ito rin ang pinakapinagmumulan ng ngiti at saya na hindimatutumbasan ng kahit anong ginto o yaman.
Sa isang maliit na baryo sa tabi ng bundok, lumaki ako kasama angkaibigan ko na si Lira. Payat siya, tahimik, at palaging may dalang lumangnotebook. Sa unang tingin, akala mo ordinaryo lang siya, pero may kakaiba siyangkakayahan: nakakakita siya ng kulay sa bawat tunog. Oo, kulay. Kapag maynaglalakad na may tsinelas, sinasabi niyang,“Ay, may bahid na dilaw ’yan.” Kapagumaalon ang ilog, nakikita raw niya ang asul na kumakaway. At kapag tumatawaako, sabi niya,“May kumikislap na kahel sa paligid mo.”Noong una, akala ko nagbibiro lang siya. Pero isang araw, habang nag-eensayoang buong baryo para sa pista, nakita ko mismo kung paano nagliwanag angmundo niya. May problema kasi noon sintunado ang mga tumutugtog. Lito anglahat at hindi alam kung paano ito ayusin. Bigla siyang lumapit, bitbit ang kanyanglumang notebook, at mahinahong nagsabi,“Kuya, Ate... may mali po sa tunog.Hindi pantay ang kulay.”Nagkatinginan kaming lahat, pero pinabayaan na lang namin siyang subukan. Isaisa niyang inilapit ang tainga sa mga instrumento, at itinuro niya kung ano angdapat baguhin: mas mataas, mas mababa, mas banayad. Kahit walang formal natraining, alam niya agad ang tama dahil nakikita niya ang kulang, ang sobranglakas, ang kulay na hindi dapat nandiyan. At nang magsimula silang tumugtogulit... parang himala. Parang umangat ang hangin. Parang may sumayaw naliwanag sa paligid. At sa tuwing nakikita ko siyang nakatitig sa malayo, tila mayibang mundong sumasayaw sa harap niya isang mundong ako, bilang kaibigan,ay maswerte nang kahit bahagyang makita sa mga kwento niya. Dahil minsan,ang tunay na talento... ay ’yung kahit hindi mo nakikita, dama mo namang tunay.Ang Himig ni Lirani John Lloyd Dela Cruz
Sa isang maliit na baryo sa paanan ng bundok ay nakatira ang batang si Lino. Mahiligsiyang magbasa ng mga aklat tungkol sa iba’t ibang lugar at matatayog na bundok.Ngunit si Lino ay isang simpleng bata lamang. Wala siyang maraming gamit o salapi,kaya madalas ay sa kaniyang imahinasyon lamang siya nakakapaglakbay.Isang araw, habang naglalakad siya sa tabing-ilog, may nakita siyang kakaibanglumang kompas na kumikislap sa liwanag ng araw. Pagkahawak niya rito, bigla siyangnapunta sa isang malawak na disyerto.“Wow! Totoo ba ito?” sigaw ni Lino.Ang Manlalakbay ng Pusoni Ninia Marie Dela CruzNakita niya ang mga kamelyo at mga taong nakasuot ng balabal na naglalakad sailalim ng matinding init ng araw. Paglingon niya, muling kumislap ang kompas at siya’ynapunta naman sa isang malawak na karagatan. Sa gilid ng dagat ay may isangsirena na umaawit:“Ang tunay na paglalakbay ay nasa puso mo, hindi sa layo ng iyong mararating.”Muling umilaw ang kompas at dinala siya sa isang bundok na nababalutan ngmakapal na niyebe. Doon ay nakilala niya ang isang matandang ermitanyo. Ngumiti itoat sinabi kay Lino:“Ang pinakamahalagang biyahe ay ang pagkatuto at ang pagtulong sa kapwa.”
Pagmulat ni Lino, nasa tabing-ilog na ulit siya. Hawak pa rin niya ang kompas, ngunithindi na ito nagliliwanag. Ngumiti siya at sinabi sa sarili:“Marami pa akong gustong makita, pero ngayon alam ko na ang tunay namanlalakbay ay yaong handang matuto sa bawat hakbang.”Mula noon, tuwing siya’y tumutulong sa kapwa o may natututuhan na bago, tinatawagsiya ng mga tao sa baryo bilang:“Lino, ang Batang Manlalakbay ng Puso.”
Si Iya at si MinminIsang umaga, habang nagwawalis si Iya sa kanilang bakuran, bigla siyang nakarinig ngmahinang iyak.“Meow… meow…”Napalingon siya at nakita ang isang maliit na pusang kulay kahel na palakad lakad.Dahan dahan itong lumapit kay Iya.“Ay! Pusa! Alis! Alis!”Gawa ni: Rhia Mie Dizon
sigaw ni Iya sabay hampas ng walis sa hangin. Takot kasi siya sa pusa dahil minsan aykinalmot siya ng isa noong bata pa siya.Ngunit hindi umalis ang pusa. Sa halip, umupo ito sa tabi ng paso at muling umiyak.“Meow… meow…”Napansin ni Iya na payat at marumi ito. Naawa siya.“Kaawa-awa ka naman, munting pusa,” bulong niya.Kinuha niya ang plato at binigyan ng kanin at tiniklop na isda ang pusa.Masiglang kumain ang pusa at tinignan si Iya na parang nagpapasalamat. Ngumiti siIya.“Sige na, kumain ka lang. Pero mamaya, ha, umalis ka rin.”Kinabukasan, paglabas ni Iya sa bakuran, nandoon pa rin ang pusa. Paikot-ikot ito attila nag-aabang.“Naku! Ikaw pa rin?”natatawang sabi ni Iya. Nilapitan niya ito, at sa pagkakataong iyon, hindi na siyanatakot. Hinaplos niya ang ulo ng pusa, at biglang itong pumikit na parang tuwangtuwa.Muning, muning, mula ngayon ako na ang magiging bago mong amo.“Ako na angmag-aalaga sa’yo,” sabi ni Iya habang nakangiti.“Ang ipapangalan ko sa’yo ay Minmin!”
Mula noon, magkasama na sila palagi. Tuwing umaga, tinutulungan ni Minmin si Iya sabakuran. Habang nagdidilig si Iya, nakaupo lang sa tabi ang pusa. Kapag kumakain siIya, binibigyan din niya ng kaunting ulam si Minmin. Sa gabi, natutulog ito sa maypaanan ng kama ni Iya.Isang hapon, nagpasya si Iya na mamasyal sa parke malapit sa kanilang bahay. Dalaniya siyempre si Minmin. Pagdating doon, umupo sila sa isang upuan sa ilalim ng puno.“Minmin, iiwan muna kita sandali ha. Bibili lang ako ng pagkain. Huwag kang aalis, ha?”paalala ni Iya.Ngunit nang bumalik siya matapos ang ilang minuto, wala na si Minmin!“Minmin! Minmin! Nasaan ka na?” sigaw ni Iya.Hinintay niya sa upuan. Nilibot niya ang parke, tinawag ang pangalan ng pusa, perohindi niya makita. Umuwi siyang umiiyak. Sa loob ng bahay, nakaupo lang siya sa kamaat malungkot na bulong ng bulong,“Minmin, sana bumalik ka… miss na miss na kita.”Dalawang araw ang lumipas. Maagang nagising si Iya upang magdilig ng halaman.Habang abala siya, bigla niyang narinig ang pamilyar na tunog.“Meow… meow!”Napalingon siya, at laking tuwa niya nang makita si Minmin sa labas ng gate! Tumakbosi Iya at agad itong niyakap.“Minmin! Ikaw ba ‘yan? Akala ko hindi na kita makikita pa muli!”
Pumikit si Minmin at umingit ng malambing, parang sinasabi,“Miss din kita, Iya.”Pagkatapos noon, mas lalo pang inalagaan ni Iya si Minmin. Binigyan niya ito ng maliitna higaan, isang mangkok na may pangalan na “MINMIN,” at laging sinasama satuwing siya ay naglalaro sa bakuran.Mula noon, hindi na sila nagkahiwalay. Para kay Iya, si Minmin ay hindi lamang isangpusa isa itong tunay na kaibigan at bahagi ng kanyang pamilya.
Sa isang maliit na baryo, nakatira ang kambal na magkapatid na sina Emmie at Lillie,masayahin sila, matalino, at palaging magkasama, mahilig silang tumulong sabahay at tumulong sa kanilang Tatay sa bukid.Isang araw, habang naglalakad ang kambal, nakita nila ang grupo ng mga batanglalaki na nagtatayo ng kanilang maliit na kariton para sa karera sa pista ng baryo.“Pwede po ba kaming sumali?” masayang tanong ni LillieNgunit biglang tumawa ang ilang batang lalaki.“Ayyy, babae kayo! Hindi ‘yan para sa inyo! Mahina ang mga babae!” sabi ni Marco,ang pinakamatapang sa grupo.Napayuko si Lillie, pero si Emmie ay ngumiti at sinabing,“Bakit naman hindi? hindi porke babae kami ay hindi namin kaya.”“Tingnan na lang natin,” sagot ni Marco.Umuwi ang kambal at nag-isip, humingi sila ng tulong sa kanilang Tatay at Nanayupang gumawa ng kariton, kahit hirap, hindi sila sumuko, gumamit sila ng lumangkahoy, tela, at gulong mula sa sirang bisikleta.Tuwing gabi, palihim silang nag-eensayo, natutunan nilang magtulak,magmaniobra, at magtulungan, hindi ito naging madali, maraming beses silangnadapa at natumba, pero sabay silang tumatayo.Ang kambal na sina Emmie at Lillieni Marivic M. Domingo
.“Kapag may tiyaga, may paraan,” sabi ng kanilang Tatay habang tinitingnan sila.Dumating ang araw ng karera, lahat ng taga-baryo ay excited, may mgapumapalakpak at nagsisigawan, nakita ng kambal si Marco at ang grupo niya,malaki at makintab ang gawa nilang kariton.“Naku, siguradong talo kayo,” biro ng isa.Ngunit ngumiti lang ang kambal.“Galingan mo,” bulong ni Emmie kay Lillie.Nang magsimula ang karera, mabilis ang kariton nina Marco, naiwan ang kambal,pero hindi sila sumuko, patuloy silang tumulak at nagtiwala sa isa’t isa.“Hindi tayo hihinto!” sigaw ni Emmie.Habang tumatakbo sila, nabalutan ng malapad na ngiti ang kanilang mukha, hindinagtagal, nagsimulang bumagal ang kariton ng mga lalaki dahil sa maling higpit nggulong. Samantalang ang kariton nina Emmie at Lillie ay tumakbo nang dire-diretsoat mabilis.Hanggang sa unahan, magkasabay silang humawak sa manibela at unangnakarating sa finish line!“Panalo ang kambal!” sigaw ng mga tao.Hindi makapaniwala ang mga batang lalaki, lumapit si Marco at nahihiyang sinasbi,“Ang galing n’yo… pasensya na, mali akong manghusga, kaya rin pala ng mgababae.”Ngumiti ang kambal.“Walang hindi kaya kapag nagsisikap,” sagot ni EmmieSimula noon, tumigil ang pangmamaliit sa mga babae sa kanilang baryo, masnaging pantay ang tingin sa lahat, babae man o lalaki, Madalas pa ngang maglaroat magtulungan ang kambal at ang mga batang lalaki.Naging inspirasyon sila ng maraming bata, na ang lakas at talino ay hindi nakikita sakasarian, kundi sa puso, sipag, at tapang.
Sa isang nayon may nakatirang isang buong pamilya ito ay SinaAling Rose siya Ang ilaw ng tahanan,at si Mang Karling naman AngPadre de pamilya at may dalawa Silang anak na Sina Roselyn 10 nataong gulang Ang kanilang panganay, at si Rosey 9 na taonggulang. Si Roselyn at ang kanyang bunsong Kapatid ay laging nagaaway palagi silang Hindi nag kakasundo sa kahit ano mang bagayparehas silang Hindi mapag bigay sa isa't isa, palagi silangnakagagalitan ng kanilang nanay at tatay. Isang araw bumili angkanilang nanay ng damit Kay Rose ay asul na daster at ang kayRosey naman ay kulay rosas na daster inggit na inggit si Rose KayRosey dahil sa palagay nito ay mas maganda ang biniling daster sakanyang bunsong kapatid pilit nitong inaagaw ang kay Roseyngunit si Rosey naman ay ayaw ibigay dahil iyon ang bini para sakanya ng kanyang inay, dahil sa kaaagaw ni Rose ang daster aynapunit, galit na galit ang kanyang inay dahil don siya aypinagalitan ngkanyang nanay\" Ikaw Rose parehas naman na maganda ang akingbinili mag kaiba lang kayo ngkulay di ka pa mag paraya sa Kapatid mo!\" Sabi ng kanyang nanaysi Rose ay tumakbo sa kwarto at umiyak.Si Rose at Roseyni Camille S. Dumaya
Kinausap ng kanilang tatay ni Rose\"Anak magkapatid kayo dapatkayong nag bibigayan at nag mamahalan, ibinili ka din naman ngiyong inay parehas lang naman kayo ng desenyo ngunit magkaiba lang ng kulay\" Sabi ng kanyang tatay. Kaya naman si Rose aylumabas muli ng kwarto atnanghingi ng tawad sa kaniyang kapatid \"Patawad bunso sapalagay ko Kasi mas maganda ang iyongdaster kesa sa daster ko kaya naman nainggit ako sa iyo, iyan Kasiang paborito kulay\"aniya, Silaay nag yakapan at mula non Sila ay mag kasundo na sa lahat ngbagay. Kaya dapat mahalin natinang ating mga Kapatid matuto tayong mag bigay at makuntentokung anong meron tayo. Wakas.
May isang batang nagngangalang Liam na ayaw gumawa ng kaniyangtakdang aralin. Lagi n'yang sinasabi,\"May bukas pa naman, tinatamad pa akongayon.\"Isang araw, nakatulog si Liam sa mesa, nagising naman si Lapis, ang kanyankulay pulang Lapis na pudpod ang pambura.Sabi ni Lapis,\"Sayang naman, Liam. Gusto kitang tulungan pero, paano akomakakatulong kung hindi mo tutulungan ang sarili mo?Nagulat si Liam ng marinig n'yang nagsasalita ang kanyang Lapis sa kanyangpanaginip.\"Ha, nagsasalita ka Lapis?\"\"Oo\"sagot ni lapis. Tandaan mo Liam ang bawat guhit at sulat ko ay papuntasa iyong pangarap. Kung ayaw mong mag sulat o mag-aral paano momaabot 'yon?Pagkagising ni Liam ay agad na nyang binuklat ang kanyang notebook atkinuha ang lapis at sinumulan ng gumawa ng kanyang takdang aralin.Nguti naman si Lapis.\"Ayan! Ganyan nga Liam ng maabot mo ang pangarapmo.\"SI Lapis at ang Batang TamadGawa ni: Joanna Cecilia A. Duran
Noon ay may isang batang nangangalang Nicole. Masaya siyang nakatira kasamaang kanyang Nanay, Tatay, at Kuya Rian. Araw-araw silang sabay kumakain,nagtutulungan sa gawaing-bahay, at nagtatawanan bago matulog.Ngunit isang araw, napansin ni Nicole na madalas nang hindi na madalasmagkasundo o mag-awat sina Nanay at Tatay. Si kuya Rian ay palaging tahimik atwalang alam sa nangyayari habang si Nicole ay malungkot sa naririnig at ito'ykanyang kinikimkim lamang. Ang kanilang pamilya ay bihira na lamang kumain nangsabay. Nalungkot si Nicole Miss na miss na niya ang dating masayang pamilya nila.Isang gabi, lumapit si Nicole sa kanyang mga magulang. Mahina nyang sinabi,\"Nanay, Tatay, puwede po ba tayong magkwentuhan ulit bago matulog tulad dati?Gusto ko po ulit marinig ang tawanan natin\". Napatingin sina Nanay at Tatay sa isa'tisa. Napagtanto nilang matagal na silang hindi nagkakasama at nag kakausap nangmaayos.Simula noon, nagsikap silang magbago. Nag-usap silang mag-anak,nagpasensyahan, at muling nag simula. Bumalik unti-unti ang halakhak sakanilamng tahanan. Muli na silang naging masayang pamilya.Pamilyang Datiy MasayaGawa ni: Nicole G. Estabillo
Mula noon, hindi na naghiwalay sina Wena at Butil.Sa umaga, si Butil ang unanggigising kay Wena sa pamamagitan ng pagdila sa kanyang ilong.Sa tanghali, habangnag-aaral si Wena, mahimbing itong matutulog sa tabi ng kanyang mga aklat.Sa gabi,si Butil ay nakahiga sa paa ni Wena, ang kanyang mahinang paghilik ang nagingpaboritong tunog ni Wena bago matulog.Lalong naging masaya ang bahay nila Wenadahil kay Butil. Natutunan niyang maging mas responsable sa pag-aalaga ng kanyangmunting kaibigan. Ang munting kuting na si Butil, na minsan ay takot at nag-iisa, aylumaking masigla at maamo, at nagdala ng walang katapusang pagmamahal at ngitisa buhay ni Wena.Ang pagdating ni Butil ay nagpapatunay na kung minsan, ang pinakamalakingkaligayahan ay nagmumula sa pinakamaliit at pinakamahihinang nilalang. Sila aynaging magkaibigan habambuhay.
Si Lunti at ang NawawalangHalamanSa isang tahimik na baryo, may batang mangangalang Lunti. Araw-araw, nagdidiligsiya ng mga halaman sa kanilang bakuran. Mahilig siya sa mga bulaklak, lalo na samga rosas na kulay pink.Isang umaga, napansin ni Lunti na may mga bulaklak na nawawala.“Nasaan na ang mga rosas ko?” tanong niya.Ang mga dahon ay durog, at ang lupa ay nayapak.ni Lean F. Fernandez
Nagkubli si Lunti sa likod ng puno upang alamin ang nangyayari. Maya-maya, dumatingang tatlong batang naglalaro ng bola. Sa tuwing tatama ang bola, nadadapian ang mgahalaman!Lumabas si Lunti at mahinhong nagsalita.“Mga kaibigan, alam n’yo bang nasasaktan ang mga halaman kapag natatapakan?”Tahimik ang mga bata.“Pasensya na, hindi namin alam,” sabi nila.Ngumiti si Lunti.“Tara, tulungan ninyo akong magtanim ulit.”Agad silang naghanda ng mga bagong binhi at nagtanim nang sabay-sabay. Masayangnagtutulungan habang nagtatawanan.Pagkaraan ng ilang araw, nabuhay ulit ang hardin. Mas maganda ito kaysa dati, puno ngkulay at halakhak. Tinawag nila itong “Hardin ng Pagkakaibigan.”Simula noon, araw-araw ay nagdidilig si Lunti kasama ang kanyang mga kaibigan.Natutunan nilang alagaan hindi ang mga halaman, kundi pati ang isa’t isa.
Wena at Butilni: Quennie FranciscoSa isang munting bahay sa gitna ng bukid nakatira si Wena, isang bata napuno ng sigla at pagmamahal sa kalikasan. Araw-araw, pagkatapos ng klase,ang paborito niyang gawin ay maglaro sa hardin kasama ang mga paru-paroat langgam.Isang hapon, habang nagdidilig siya ng kanyang mga halaman, may narinigsiyang mahinang tunog:\"Miyaw... miyaw...\"Sinundan ni Wena ang tunog at natagpuan niya sa ilalim ng malakinghalaman ng rosas ang isang kuting—isang napakaliit at napakaputingnilalang, may mga mata na animo'y dalawang maliliit na buwan. Mukha itonggutom at takot.\"Kawawa ka naman,\" bulong ni Wena, dahan-dahang kinuhaang kuting. Ang balahibo nito ay malambot, parang koton.Dinala niya ang kuting sa loob at binigyan ng gatas. Habang umiinom angmunting pusa, tiningnan ito ni Wena at nagpasya siyang pangalanan itong\"Butil\", dahil kasingliit ito ng isang butil ng bigas noong una niya itong nakita.
Ang Batang Mahilig sa Kendini Roosebelt GaliciaSa tahimik na bayan ng Talavera, Nueva Ecija, kung saan malawak na palayan at sariwaang hangin, nakatira si Gleizel Raffa isang batang babae na tatlong taong gulang. Kilalasiya sa kanyang maputing kutis,malambing na bata at higit sa lahat, ang pagkahiligniya sa kendi. Sa kanilang bahay lagi may nakatagong kendi si Gleizel Raffa. Minsan sakanyang damitan, minsan sa loob ng kanyang unan, at sa lagayan ng laruan. Hindikumpleto ang araw niya kapag hindi siya nakatikim ng kahit isang pirasong kendi Isangaraw, habang naglalaro si Gleizel Raffa sa bakuran, napansin ng kanyang ina na siGlaiza na madalas niyang hawakan ang kanyang pisngi.\"Gleizel Raffa anak,\"sabi niGlaiza,\"bakit parang sumasakit ang iyong ngipin? Napapadalas ba ang pagkain mo ngkendi?\" \"Hindi po Inay,\"sagot ni Gleizel Raffa.\"Masarap po kasi ang Kendi. Gusto kopolagi.\"Ngunit hindi nagtagal, lalong sumakit ang ngipin ni Gleizel Raffa. Hindi na makakain ngmaayos at hindi na rin siya makatulog sa gabi Nag-alala si Glaiza at dinala si GleizelRaffa sa dentista\"Naku,kailangan nitong bawasan ang pagkain ng matatamis,\"sabi ngdentista. Bagama't mahirap, sinubukan niyang bawasan ang pagkain ng kendi. Sa halip,humingi siya sa kanyang inay Glaiza ng mga prutas tulad ng mansanas at ubas. Nakinigsi Gleizel Raffa sa payo ng dentista. Bagama't sabi ng dentista sa kanya. Ang kanyangngipin ay sira sira na. Kapag hindi niya ititigil ang pagkain ng kendi. Tiyak na ang buongngipin niya ay masisira Kailangan niya din masipilyo araw-araw at kumain ngmasustansiyang pagkain tulad ng gulay at prutas. Unti-unti.gumaling ang kanyangngipin. Bumalik na rin ang kanyang sigla at gana sa paglalaro. Natutunan ni Gleizel Raffana kahit gaano kasarap ang kendi, importante pa rin ang kalusugan. Mula noon, nagingmas balarıse ang kanyang kinakain at mas naging masaya ang kanyang buhay saTalavera.