Ang bansang Singapore ay isa sa
mga mauunlad at mayayaman na bansa
sa taong 2020. Ito rin ay mas kilala sa
bansag na “The Instant Asia” dahil sa iba’t
ibang mga pasyalan sa kanilang bansa
na talaga namang dinarayo dahil sa
kanilang pinakikitang iba’t ibang kultura
ng mga bansang nasa Asya ngunit hindi rin naman
magpapatalo ang ating bansa. Ang Pilipinas ay
matatagpuan sa silangang bahagi ng Asya; kilala ito sa
kasaganahan nito sa mga likas na yaman at talaga
naihahalintulad ng mga turista ang ganda ng ating bansa sa
isang perlas kaya naman kilala ito sa bansag na “Perlas ng
Silanganan”. Parehas na may ibubuga ang dalawang bansa
na ito ngunit malaki rin ang pagkakaiba nito kung ang ating
pag-uusapan ay ang ekonomiya.
Batay sa World Economic Forum, ang bansang
Singapore ay talaga nga namang umuunlad na dahil nga sa
sinasabi nilang pagtutulungan na kanilang ginagawa.
Ang kurapsyon din ay hindi uso sa kanilang bansa dahil
ayon naman sa Transparency International, ang Singapore
ang may pinakamababang tala pagdating sa kurapsyon.
Lingid sa ating kaalaman na ang kawalan ng trabaho
ay isa ring suliranin ng ating bansa ngunit ito ay hindi problema
143
ng bansang Singapore kaya naman sila’y may kakayahang
gumawa o mag-ipon ng pera 13.3x sa kung paano gumawa
o mag-ipon ng pera ang ating bansa.
Pagdating naman sa usaping krimen, sa sample
population na 100,000 tao, 9.3 tao sa Pilipinas ay nakapaloob
rito (kabilang na ang mga tala mula sa mga usaping droga,
alitan na nagreresulta ng sakitan at iba pang mga gawing
labag sa batas) habang ang bansang Singapore naman ay
0.30 tao lamang ang kabilang rito.
Sa usaping buwis, alam kong ramdam niyo rin ang
mataas nating buwis dahil ito ay 30% base sa taxable profit
habang ang bansang Singapore taxable profit habang ang
Singapore naman ay 17% lamang. Dagdag pa rito, 12% din ng
VAT o Value-Added Tax ang ating binabayaran kumpara sa
Singapore na 7% lamang.
Sa kasalukuyang panahon, kaligtasang pangkalusugan
ay siyang napakamahalaga. Ang bansang Singapore ay may
kakayahan gumastos nang 20.4x sa kung gaano kalaking pera
ang ating ginagastos para sa kaligtasan o kalusugan ng lahat.
Ito ay kitang-kita naman lalo na sa kasalukuyang panahon.
Batay sa impormasyong ating nakalap, kitang-kita
naman ang kasalukuyang kalagayan ng ating bansa. Kitang-
kita ang pagkakaiba ng bansang Singapore na isa sa mga
144
mayayamang bansa kung ikukumpara ito sa bansang Pilipinas
ngunit hindi pa huli ang lahat. Ang pagbabago ay hindi
nahihinto. Oo, umuusbong at nagsisimula nang sa panahon
na ito ngunit hindi pa huli nag lahat upang bumangon,
makilahok at tumulong sa pagpapaganda at pagpapaunlad
sa ating bansa. Kaya ito, may tanong ako sa inyo. Handa na
ba kayong makiisa?
KAHALAGAHAN NG EDUKASYON
Ang edukasyon ay pumapatungkol sa pag-aaral ng
mga mag-aaral na may kinalaman din sa proseso ng
pagpapaunlad ng pagtuturo ng mga guro na malaking
tulong upang magkaroon ng epektibong pagtuturo at
pagkatuto ng mga taong kasangkot dito. Sa edukasyon, mas
mapauunlad natin ang ating kaalaman, kasanayan,
paniniwala, at iba pa na maaaring matamo o
mapagyayabong sa tulong ng iba’t ibang estratehiya sa
pagtuturo, aktibidades na makapagpapaunlad ng
kasanayan sa isang bagay, talakayan,
pagkukwentuhan at maging sa pagsasagawa
ng isang pananaliksik.
Wika nga ni Mandela, N. na ang
edukasyong ang pinakamakapangyarihang
armas na ating magagamit upang mabago
ang ating mundo, Litaw ang kaniyang
145
pagtingin sa kung gaano kahalaga ang edukasyon ngunit
totoo nga ba siya na napakahalaga ng edukasyon? Ganoon
nga ba kahalaga ang edukasyon para sa ating mamamayan
at maging sa ating bansa? Sa ganang akin, ako ay lubos na
pumapanig kay Nelson na napakahalaga ng edukasyon.
Bilang isang mag-aaral na magiging guro sa hinaharap,
marapat lamang na kakitaan ko ng kahalagahan ng
edukasyon upang mapaunlad ang aking sariling kaalaman at
kasanayan sa pagtuturo na magiging kapaki-pakinabang
para sa mga mag-aaral dahil sa kasiguraduhang ang
kaalaman na kanilang makukuha ay tanging mula lamang sa
katotohanan, may basehan at walang pinapanigan.
Malaking tulong din ang edukasyon sa ating lipunan dahil
kung marami nang edukadong tao sa ating bansa, marami
nang marunong magsulat, magbasa at umintindi, marunong
nang tumingin ng kung ano ang tama at mali, may
paninindigan at may moralidad na nakapagpapaganda ng
katangian nila bilang isang tao ay mas mapauunlad pa natin
ang ating ekonomiya. Mas maraming malilikhang taong may
mabubuting puso na mayroong mauunlad na pamumuhay
na siyang magiging sanhi ng pagbaba ng samot-saring kaso
at/o krimen sa ating bansa.
Kita naman ang magagandang sanhi dulot ng
edukasyon sa atin bilang isang indibidwal, sa ating lipunan at
maging sa ating bansa kaya nararapat lamang na tayo ay
magsumikap at abutin ang ating mga pangarap kahit na
146
maraming mga hadlang na maaaring maging sagabal sa
pag-abot nito. Ngunit kahit na ganoon, marapat na isapuso’t
isaisip nating lahat na ang mga hirap ay may kapalit na
magandang epekto sa ating buhay. Ang edukasyon ay ang
ating natatanging pagmamay-ari na kailanman ay hindi
makukuha at/o mananakaw ng iba sa ating buhay.
147