The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.

FILKUR
TERM 2
SY 2020-2021

Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by nicolas.da, 2021-07-06 06:52:57

LIKHAAN

FILKUR
TERM 2
SY 2020-2021

likhaan

Grapikong Pantulong 1

1

likhaan

Grapikong Pantulong 2

2

likhaan

Grapikong Pantulong 3

3

likhaan

Grapikong Pantulong 4

4

likhaan

Grapikong Pantulong 5

5

likhaan

Grapikong Pantulong 6

6

likhaan

Grapikong Pantulong 7

7

likhaan

Grapikong Pantulong 8

8







LIKHAAN

PAG-UNAWA
SA

KURIKULUM

KABANATA

HABI E-Portfolio

1

2021

likhaan

kab 1 | Pag-unawa sa Kurikulum

pagbasa: DALUMAT-SALITA

Panghihiraya: Pagiging Bida ng Filipino sa Eksena ng Pagteteorya

Ang mundo ng akademiks ay isang malaking entablado. Dito itinatampok ang
mga pagtatanghal ng iba’t ibang disiplina ng kanilang mga matatagal nang konseptong
patuloy pinalalago pati na ang mga bago at inobatibong teorya o dalumat na
makatutulong upang mas mapagyaman ang nilalaman ng kanilang disiplina. Ang isang
pagtatanghal ay binubuo ng maraming salik, nariyan ang mga direktor. Sila ang mga
dalubhasa sa kani-kanilang larangang kinabibilangan, sila rin ang nagdedesisyon kung
ang isang pagtatanghal ba ay dapat ipakita at ibahagi sa madla o mas magandang
hindi na ipalabas pa. Isa pa at ang sa tingin ko’y pinaka-mahalagang tungkulin ng
direktor ay ang pagpili sa mga gaganap sa palabas niya, at ang palaging unang
hinahanap? Ang bida.

Ang pangunahing karakter o bida sa pagteteorya o isang pagtatanghal sa mundo
ng akademiks ay ang wika. Bukod sa paksa o tema ng gagawing pagteteorya, isa ang
wika sa pundasyon ng isang matagumpay na dalumat, kung kaya’t mahalaga ang pagpili
sa tamang midyum na gagamitin dito. Sa ganoong kadahilanan, madalas na pinipili
maging bida o bilang wikang ginagamit sa pagteteorya ang wikang Ingles. Mas
intelektwalisado, mas ginagamit ng nakararami, at tulad nga ng sabi ni Prop. Rhoderick
V. Nuncio, simbolo ang wikang Ingles ng gahum o power. Ngunit sa aking pagninilay-nilay
matapos mabasa ang tekstong Kung Bakit Hindi na Hikain ang Wika ng Teorya sa
Wikang Filipino, oras na siguro upang magtampok naman ang mga palabas sa
entablado ng akademiks ng panibagong pangunahing karakter. Panahon na siguro
upang ang dating paekstra-ekstrang Wikang Filipino ay tuluyan nang maging bida.

Kumpara sa iniisip ng ibang mga matatagal nang direktor o dalubhasa sa iba’t
ibang larangan, sa tingin ko’y kaya nang tapatan ng Wikang Filipino ang wikang Ingles
at iba pang wikang banyaga sa pagiging wika ng pagteteorya. Oo, isang malaking
hamon sa Filipino ang hakbang na ito palabas mula sa kahon ng pangmamaliit sa kaniya
ng mga nasa pedestal ngunit hindi ba’t mas nakatutuwang makitang magtagumpay ang
mga madalas tinatawag na dehado sa laban. Hindi ko sinasabing dehado ang Filipino sa
ibang wikang kasabayan nito, dahil hindi. Ngunit kung ikukumpara sa iba, mas mababa
ng di hamak ang tiwala sa ating sariling wika ng mga dalubhasa kumpara sa iba pang
wika. Kaya’t kasama ako ni Prop. Rhoderick V. Nuncio at ng iba pang mga direktor sa
entablado ng akademiks na naniniwala sa sariling kakayahan ng Wikang Filipino na
tumayo bilang bida at magsilbing midyum sa pagdadalumat sa iba’t ibang larangan o
disiplina na noo’y hindi nito nakakatagpo o nakakadaupang-palad. Kailangan lamang ng
Wikang Filipino ng maniniwala at gagamit dito, at bilang mga magiging direktor o
dalubhasa sa hinaharap tungkulin nating isulong ang pagbuwag sa matagal nang
sistema at bigyang pagkakataon ang mga wikang nangangarap at karapat-dapat
maging bida.

2

likhaan

kab 1 | Pag-unawa sa Kurikulum

pagsulat: sAYSAY-SANAYSAY

Sipat at Lahad: Pagsusuri sa Kahulugan at Uri ng Kurikulum

Malaki ang gampanin ng kurikulum sa pabuo ng tamang daloy ng karunungan sa
lipunan natin. Ang tungkulin nito sa lipunan lalo na sa mga paaralan ay nagbubunga sa
patuloy na pagpapayaman at pagpapabago-bago dito upang umayon sa kahingian ng
kasalukuyang panahon. Ang salitang kurikulum ay nagmula sa salitang Latin na curere na
ang ibig sabihin ay takbo o pagtakbo sa isang kurso. Tumutukoy ito sa isang kurso ng pag-
aaral, na kinapapalooban ng mga espisipikong layunin, aralin, at kakayahang lalamanin ng
isang disiplina o asignatura na naaprubahan upang maituro sa mga paaralan. Ayon kay Ellis
(2004), may preskriptibo at deskriptibong pakahulugan ang mga dalubhasa sa kurikulum.
Ang mga kahulugang nakaangkla sa preskriptibong pananaw ay madalas na tinutukoy ang
“what ‘ought’ to happen” o kung anong dapat na maganap sa isang pagtuturo o klase sa
paaralan. Sa kabilang banda naman, ang mga kahulugang kumikiling sa deskriptibong
pananaw ay naniniwalang hindi basta nakatuon ang kurikulum sa kung anong dapat
mangyari, bagkus ay binibigyang diin nito ang tunay na nangyayari sa loob ng silid-aralan.

Ang kahulugan ng kurikulum ay itinuturing na multilayered at tunay na malawak
kaya’t upang mas madaling maintindihan ang konsepto nito, mahalagang alamin at suriin
ang iba’t ibang mga uri ng kurikulum. Sa pamamagitan ng pagsuri sa mga ito, mas
magkakaroon ang mga mambabasa ng ideya at sariling pananaw sa kabuuang kahulugan
ng kurikulum. Sa kasalukuyan, mayroong tukoy na siyam na iba’t ibang uri ng kurikulum. Ang
una ay ang Pamantayang Kurikulum o Recommended Curriculum na ayon sa mga dalubhasa
ay tumutukoy sa pinakaangkop na kurikulum sa mga mag-aaral. Sunod ay ang Opisyal na
Kurikulum. Sa Pilipinas, ito ay ang mga panukalang kurso na ipinapatupad ng mga sangay
ng pamahalaan. Ikatlo ay ang Panukalang Kurikulum, ang aktwal na implementasyon ng
kurikulum. Sunod ay ang Natutuhang Kurikulum na tumutukoy sa resulta o pagkatuto ng
mga mag-aaral. Bukod sa mga nabanggit ay ang sumusunod: Subok na Kurikulum,
Makakarapatang Kurikulum, Inalalayang Kurikulum, Kurikulum na Walang Bisa, at ang
panghuli, Nakatagong Kurikulum o Hidden Curriculum. Mula sa mga ito, nais kong bigyang
pagpapalalim pa ang huling uri ng kurikulum.

Ang Nakatagong Kurikulum ay ilang mga hindi nakatakdang kahingian sa isang
espisipikong lugar o grupo (van Meerten, 2010). Ang iba’t ibang kasanayan, kaalaman,
paniniwala, at pag-uugali na natututuhan ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan na resulta
ng kanilang interaksyon at mga samahang nabuo ay parte ng kurikulum na ito. Hindi
intensyong maituro ang mga akademiko, sosyal, at kultural na kaisipang maaaring
natutuhan ng mag-aaral kaya’t natawag ang uring ito bilang nakatago o hidden. Hindi man
gaanong pinagtutuunan ng pansin, mahalagang suriin ng paaralan ang mga salik na
nakabibilang sa kurikulum na ito dahil salamin iyon ng sistema at kulturang mayroon ang
mga nasa administrasyon, guro, at iba pang mga nagtatrabaho sa paaralan. Ano’t ano pa
man, ang pinakamahalagang salik sa pagbuo ng isang kurikulum ay kung paano babaunin
ng mga mag-aaral ang mga matututuhan niya sa pamamagitan nito.

3

likhaan

kab 1 | Pag-unawa sa Kurikulum

panonood: UGNAY-NOOD

Saglit na Pagsagip ng Edukasyon sa Mga Batang Bakwit

Anong kinalaman ng tulad ko?
Dito naman ako'y kontento, ngunit Pilipino sila, Pilipino ako!

Pinagisa, pinagbuklod tayo.
-SALUPONGAN, 2016

Ilang taon nang patuloy pinag-uusapan at pinagtutuunan ng pansin ang isyu ng
mga Bakwit, ng sitwasyon nila at kung bakit kailangan nilang lumikas mula sa sarili nilang
tahanan. Makalipas ang ilang taon nang pakikipaglaban sa mga kontradiksyong sinasalo
ng mga inosenteng batang Lumad, unti-unting nakaaalpas sila mula sa mapang-abusong
kamay ng mga nanghihimasok sa lugar nila. Dahan-dahan, nabibigyan ng pagkakataon
ang mga batang Lumad na matupad ang tanging hiling nila, ang makapag-aral.

Ang "bakwit" o terminong hinango sa salitang Ingles na evacuate ay isang
pangkalahatang tawag sa mga Lumad na tumatakas mula sa militarisasyong nagaganap
sa kanilang mga lugar sa Mindanao. Dahil dito, nabuo ang mga LBS o Lumad Bakwit
School upang mabigyang pagkakataon ang mga batang Bakwit na maipagpatuloy ang
kanilang pag-aaral kahit na humaharap sa isang di kaaya-ayang sitwasyon. Ipinakita sa
bidyong "Kurikulum ng Bakwit School at Intelektuwalisasyon ng wikang Filipino" ang
kasalukuyang lagay ng mga LBS at kung paano nito natutulungan ang mga batang
Bakwit.

May sariling kurikulum ang mga LBS at tinatawag itong Lumad Bakwit School
Curriculum. Tampok sa kurikulum na ito ang ilang mga konsiderasyon upang matugunan
ang kahingian sa pagtuturo ng isang espisipikong katutubong grupo, tulad ng mga
Lumad. Unang konsiderasyon ay ang pagiging makamasa. Bukas ang LBS sa kahit na
sinong kabataan na nais makapag-aral, kahit ano pa mang katutubong grupo ka kabilang
o saan ka mang lugar galing. Sunod ay ang pagiging makabayan ng paaralan. Hindi
dapat kalimutan ng mga batang Bakwit ang kanilang pinanggalingan kaya't patuloy na
itinatanim sa kanilang puso't isipan na ang oportunidad na makapag-aral ay dapat nilang
ibalik sa iba pang kabataang galing sa Mindanao. Siyentipiko rin ang kurikulum na
ipinaiiral sa mga LBS. Higit na kailangang maipakita sa mga mag-aaral ang kahalagahan
ng kanilang mga inaaral sa lipunang kanilang ginagalawan at kung paano nito maaaring
mabago ang kasalukuyang sitwasyong kinahaharap nila.

4

likhaan

kab 1 | Pag-unawa sa Kurikulum

panonood: UGNAY-NOOD

Mahalaga man ang unang tatlong konsiderasyong nabanggit sa pagbuo ng
kurikulum ng mga LBS, isa pang salik na inilahad ng bidyo ay ang wikang panturo na
ginagamit nila sa kanilang mga paaralan. Ang Wikang Filipino. Ang pambansang wika
ang ginagamit nila sa mga LBS dahil kinokonsidera nila ang lebel ng kakayahang
pangwika ng mga batang Bakwit. Sabi pa ng isang mag-aaral sa bidyo, Tagalog ang
talagang sinasanay nilang gamitin dahil mas mapapakinabangan nila ito dahil kahit saan
sila mapunta ay makaiintindi sila at maiintindihan sila nga ibang tao.

Tulad nang liriko ng kantang Salupongan na inilagay ko sa itaas, minsan ay
napapatanong rin ako kung ano bang kinalaman ko sa nangyayari sa kanila at sa lugar
nila. Bakit kailangan kong kumilos? Sa pagtagal ng panahon, kasabay ng patuloy na
pakikinig, panonood, at pag-aaral ng tunay na lagay ng mga kapatid nating Lumad,
naiintindihan ko na ngayon ang mga sagot sa bakit. Pilipino tayo. Walang ibang may mas
kayang tumulong sa kanila kung hindi tayo. Sa ganitong pagiisip, gaya ng ibig sabihin ng
Salupongan na pagkakaisa, pagsasama-sama, at pagtutulungan, darating ang araw na
hindi na kailangang lumikas mula sa sarili nilang mga tahanan ang mga Lumad.

Matatagpuan ang blog post sa link na ito:
https://nicolasdaaan.wixsite.com/kapeatkwento/post/saglit-na-pagsagip-ng-edukasyon-sa-mga-batang-

bakwit

5

likhaan

kab 1 | Pag-unawa sa Kurikulum

pakikinig: PASA-DIWA

SOWELL (1996)

Ang kaalaman tungkol sa lipunan at kultura nito ay
mahalaga sa pagpili ng nilalaman ng kurikulum.

Nagbibigay ito ng isang malinaw na pag-unawa sa
konteksto kung saan nabuo ang kurikulum.

1. Ano ang gampanin ng AKO (2021)
kultura sa kurikulum?
Kultura ang siyang Ang kaalaman tungkol sa lipunan at kultura nito ay
mahalaga sa pagpili ng nilalaman ng kurikulum.
naguugnay sa mag-aaral sa
sa mga araling kaniyang Nagbibigay ito ng isang malinaw na pag-unawa sa
inaaral. Kung ang mga aralin konteksto kung saan nabuo ang kurikulum.Ang
ay sumasalamin sa pang-araw
araw na pamumuhay at mga kurikulum ang nagsisilbing mapa na susundan ng
tradisyong nakasanayan ng mga guro sa daang kanilang tatahakin sa
isang mag-aaral, siguradong
tatatak sa kaniya ang bawat pagtuturo. Ang nilalaman ng kurikulum ay ang
ituturo ng kaniyang guro. mga aralin na ibabahagi ng mga guro sa kanilang

bawat mag-aaral na kaniyang nakakadaupang-
palad. Samakatuwid, kinakailangang naka-angkla

ang bawat nilalaman ng kurikulum sa
kasalukuyang lagay ng lipunang ginagalawan ng
mga mag-aaral upang makita nila ang halaga’t

aplikasyon ng kanilang mga inaaral sa hindi
lamang sa loob kung hindi pati na sa labas ng

paaralan.

2. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa kultura at pagpili
ng nilalaman ng kurikulum?

Iba-iba ang paraan ng pagtanggap at paggamit ng mga paaralan at mga
guro sa kanilang mga kurikulum. Mayroon silang kalayaan na gamitin ito sa
paraang mas nakikita nilang naaangkop sa kapaligiran na mayroon sila. Higit na
mapapakinabangan ng guro at mga mag-aaral ang kurikulum na siksik at binuo
mula sa kontekstong naiuugnay nila sa kanilang sariling paraan ng pamumuhay.
Ang mga paniniwala, kaugalian, at tradisyong mayroon ang isang katutubong
grupo o pangkat ay dapat na isinasaalang-alang sa pagbuo ng nilalaman ng
kurikulum dahil sila dapat ang pokus nito. Masasayang at mababalewala ang
magandang nilalaman ng kurikulum kung ito’y malayo at hindi lapat sa lipunang
ginagalawan ng mga mag-aaral.

6

LIKHAAN

PAGPAPLANO
NG

KURIKULUM

KABANATA

HABI E-Portfolio

2

2021

likhaan

kab 2| PagPAPLANO NG Kurikulum

pagbasa: TINDIG-LAHAD

Ang K to 12 Kurikulum at Ang Edukasyon Tungo sa Globalisasyon

Naaalala ko pa noon, taong 2012, graduating akong mag-aaral ng elementarya sa
Mababang Paaralan ng Eulogio Rodriguez, Anak, dito sa bayan namin sa Rodriguez, Rizal. Para
sa mga tulad kong anak mahirap, malaking bagay na ang makatapos ng elementarya. Sabi ko
pa nga sa sarili ko, “Walong taon na lang, Ella, tapos ka na. Makakatulong ka na kay mama
saka kay papa.” Sa tuwing magtatapos ang taong pampanuruan, lagi kong binibilang ang mga
taong bubunuin ko pa upang makatapos sa kolehiyo. Bawas na ng pitong taon mula kinder at
elementarya, apat na taon na lamang sa hayskul at apat pang taon sa kolehiyo. Noong mga
panahong iyon, hindi ko na iniisip kung makakatuloy pa ba ako ng hayskul dahil marami naming
libreng pampublikong paaralan ang malapit sa amin, tanging may murang matrikulang
unibersidad na lamang ang kailangan kong hanapin. Ngunit ang plano ng 12 taong gulang na
batang Daniela ay tila nagulo dahil sa bagong sistema ng edukasyon na inihain ng pamahalaan.

K to 12 na raw ang kurikulum na gagamitin sa susunod na taong pampanuruan. Gagawin
nitong mandatoryo ang pagpasok ng mga batang nasa limang taong gulang sa Kinder, tuloy-
tuloy sa anim na taong elementarya, hanggang sa anim na taon ring hayskul. Napagiiwanan na
raw kasi ang Pilipinas ng iba pang mga bansa sa buong mundo pagdating sa edukasyon kaya’t
minabuti ng pamahalaan na gayahin ang pormat ng sistema ng edukasyon sa ibang bansa. Ang
dapat na apat na taon lamang na hayskul ay nagkaroon ng dibisyon, ang junior at senior
highschool, na binubuo ng anim na taon lahat-lahat. Marami ang tulad naming umalma, imbes
nga naman kasi mas mabilis makatatapos ang mga mag-aaral, makakapagtrabaho, at
makatutulong na sa pamilya, ay tila mas lalo pang pinabagal ito ng gobyerno. Dagdag pa rito
ang usaping pinansyal, na iginagapang na lamang ng ilan upang matustusan ang pampaaral sa
kani-kanilang mga anak. Miski ako at ang pamilya ko, ay hindi sang-ayon sa hakbang na ito ng
gobyerno, ngunit ang tanging paliwanag na madalas naming napanood sa telebisyon noon ay
kailangan nang makasabay ng Pilipinas sa globalisadong mundo sa labas nito. At ito ang ugat
ng sa tingin ko’y problema ng K to 12 Kurikulum.

Masyadong nakatuon ang atensyon natin sa mga ginagawa ng ibang banyang bansa, sa
kanilang mga hakbang, sa kanilang mga Sistema, na kung tutuusin ay ibang-ibang sa kung
paano tayo namumuhay dito sa Pilipinas. Iba sila, at iba rin tayo. Maaaring iba ang sistema na
mayroon sila ngunit hindi ibig sabihin noon ay hindi maganda ang sa atin. Sa palagay ko,
binigyan ng pamahalaan ng malaking importansya ang mga nakikita nilang ginagawa ng ibang
bansa at nakaligtaan nilang obserbahan muna ang sarili nating bayan. Walang masama sa
pagtanaw at paghango sa ilang mga sistemang nakikita nating makapagbibigay ng mas
magagandang resulta ngunit huwag sana kalimutan ang integrasyon ng sarili nating identidad
at kultura sa mga hinihiram nating ideya. Makalipas ang ilang taon, natapos ko na ang yugto ng
dalawang taong idinagdag nila sa hayskul at kasalukuyan na akong nasa Pamantasang Normal
ng Pilipinas kung saan binubuksan ang mata ko upang maging isang mapanuring guro ng
hinaharap, naniniwala pa rin akong hilaw ang pagpapatupad ng K to 12 noong mga unang taon
nito. Masyadong nakakiling sa “globalisadong” pagiisip na umabot na sa puntong nakalimutan
na ang sariling atin. Maganda ang layunin ng kurikulum ngunit mali ang naging implementasyon
dito. Tanging hiling ko lamang, sana’y ang nakita nilang potensyal mula sa kurikulum na ito ay
tunay ngang maghatid ng resultang itinakda at inaasahan nila.

8

likhaan

kab 2| PagPAPLANO NG Kurikulum

pagsulat: BAHAY-KAALAMAN

Mag-aaral

Ang mga mag-aaral ang nagtataglay at
nagsasabuhay ng diwa, kultura, at prinsipyo

ng paaralan, kaya’t sa pagpaplano ng
kurikulum isa silang salik na dapat
mapakinggan.

Tunguhin Nilalaman Karanasang Ebalwasyon

Unang Tila isang pampagkatuto Balewala ang
inilalatag hollowblock na lahat kung ang
sa klase Sabi ng marami,
hindi ang mga pagkatuto’y
ang nasementuhan hindi tatatak, sa
tunguhin o ang tunguhin karanasan mo ang ebalwasyong tila
layunin, ito kung walang magiging
ang susi sa pag-akyat sa
magaan at nilalaman, pinakamagaling bagong gawang
tuloy-tuloy kaya’t ang mong guro, para
na daloy ng lektura ay naman sa akin, hagdan, ang
dapat na siksik ang pagkakaroon paglagapak sa
bawat
diskusyon. at sa ng gurong sahig ay
impormasyo’y magbibigay ng nangangahulug
ang hindi pa ito
malaman. kakaibang matibay at may
karanasang kailangan pang
pampagkatuto ay kumpunihin sa

ang bahaging
pinakamagandang hinakbangan.
karanasan para sa
isang mag-aaral.

Lipunan

Kumpara sa ibang bahagi ng bahay, ang pundasyon ang siyang hindi maaaring
malimutan, tulad ng isang lipunan ang kultura’t mga paraan ng pamumuhay ng mga tao

dito ay dapat na palaging isinasaalang-alang sa pagbuo ng kurikulum at dapat na
maiuugnay o naka-angkla dito ang bawat araling tatalakayin sa loob ng bahay.

3

LIKHAAN

DISENYO
NG

KURIKULUM

KABANATA

HABI E-Portfolio

3

2021

likhaan

kab 3| DISENYO NG Kurikulum

pagbasa: HASA-BASA

Sanda-Tek Kurikulum:
Sandatang-Teknolohiya ng

Guro sa Ika-21 Siglo

SANdata ang teknolohiya sa kurikulum na ito dahil ito ang magsisilbing
pangunahing kagamitan at lunsaran, kaagapay ng mga awtentikong

kagamitang panturo tulad ng mga teksto sa pagtuturo. Ayon kay Arinto
(2013), sa kaniyang papel-pananaliksik na pinamagatang Teaching at a
Distance in a Digital Age: Perspectives from the Philippines, malimit na
ginagamit ng mga guro ang mga online articles sa bilang parte ng kanilang
mga kagamitan, kasunod ang mga bidyo, libreng websites, at mga online
database. Patunay ang mga ito na hand ana ang mga guro ng Pilipinas

para sa nakapapanabik na hamong dala ng kurikulum na ito.

DAloy ng pagtuturo’y huwag TEKnolohiya ang pundasyon, ia-
problemahin, gawing gabay ang angkla sa kultura ng mag-aaral,
Modelong Skillbeck ay maaaring lipunan, at nasyon. Mahalaga ang
hiramin. Ang apat na hakbang
pagu-ugnay ng mga araling
mula sa modelong ito natututuhan sa apat na sulok ng
(pagbabalangkas ng tunguhin, paaralan sa mundong gagalawan ng
mag-aaral sa labas nito. Kung wala
pagbuo ng programa, ito, hindi makikita ng mga mag-aaral
pagpapatupad, at pagsubaybay at na mahalaga ang impormasyong

pagtatasa), sa tingin ko ay ibinabahagi ng guro sa kanila.
mahalaga at maaaring Pinaniniwalaan sa Meaningful
Learning Theory ni David Ausubel na
maipagsama sa nabuo kong ang pagkatuto ng isang tao ay
pundasyon ng Sanda-Tek nakadepende sa kung ano na ang
Kurikulum. alam niya o iyong tinatawag na prior
knowledge, kaya’t ang bawat aralin,
makabago man ang dulog na gamit,
ay dapt hindi makalilimot sa
pinamulan at lupang tinubuan.

11

likhaan

kab 3| DISENYO NG Kurikulum

panonood: nood-suri

Pagsusuri sa bidyong:
Teaching Demonstration of Filipino in the K to Curriculum

Anong disenyo ng kurikulum ang ginamit ng guro sa panimulang
bahagi ng kanyang pagtuturo? Paano mo nasabi?

Sa panimulang bahagi ng pagtuturo ng guro, pumili siya ng mga boluntaryong
mag-aaral na tutugon sa katanungang ibinigay niya. Ang mga katanungan iyon ay
maaaring sagutin ng mga mag-aaral base lamang sa kanilang mga karanasan, wala
pa itong kinalaman sa asignatura o sa aralin. Mula sa pagsusuring ito, sa tingin ko’y
ang disenyong ginamit ng guro sa kaniyang pakitang-turo ay ang Disenyong
Nakasentro sa Mag-aaral o Learner-Centered Designs. Kinuha ng guro ang interes ng
mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtutulak sa kanilang magbalik-tanaw sa
kanilang mga karanasan, partikular na ang kanilang mga naging gawain nang
dumaan na linggo. Dahil nga ang layunin ng Disenyong Nakasentro sa Mag-aaral ay
mabuo o mahubog ang potensyal ng mga mag-aaral at magamit ang kanilang mga
karanasan sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa aralin mula sa kurikulum,
lumilitaw sa pakitang-turo ang paggamit ng disenyong ito.

Sang-ayon ka ba sa paglalapat nito sa klase sa ika-21 siglo ng
edukasyon? Bakit? Bakit hindi?

Lubos akong sumasang-ayon sa paglalapat ng Disenyong Nakasentro sa Mag-
aaral sa klase ng ika-21 siglo ng edukasyon dahil oras na upang ibigay naman natin
sa mga mag-aaral ang pokus ng diskusyon. Ibig kong sabihin, sa mga nakalipas na
taon kasi, palagiang sinasabi na laganap ang spoon-feeding sa mga mag-aaral ng
mabababang taon lalo na sa elementarya. Sa tingin ko’y sa pamamagitan ng
paggamit ng disenyong ito, mas mahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral na
makabuo ng mga konsepto nang mag-isa at maging kritikal. Kailanganin man ng
gabay ng mga guro bilang facilitator ng pagkatuto, mas malaki na ang partisipasyon
ngayon ng mga mag-aaral kumpara sa dati kung ito ang disenyong susundin. Ang
pagiging independent o nakatatayong mag-isa ay isang katangiang sa tingin ko’y
dapat matutuhan ng mga mag-aaral sa mas maagang edad dahil kakailanganin nila
ito sa mga mas mahihirap pang taong darating sa kanilang pag-aaral.

12

likhaan

kab 3| DISENYO NG Kurikulum

pagsulat: sulat-ulat

Katangian ng mga Mag-aaral: Ang Lihim na K ng K to 12

“The K to 12 Program covers Kindergarten and 12 years of basic education (six years of
primary education, four years of Junior High School, and two years of Senior High School [SHS])
to provide sufficient time for mastery of concepts and skills, develop lifelong learners, and
prepare graduates for tertiary education, middle-level skills development, employment, and
entrepreneurship,” ito ang unang linya na mahahanap mo sa internet kapag sinubukan mong
hanapin ang pangunahing layunin ng kurikulum ng K to 12. Sa iisang pangungusap na ito,
maiintindihan mo agad na ang pokus ng kasalukuyang kurikulum na umiiral sa ating bansa ay
sa mga mag-aaral at pagbibigay sa kanila ng mga katangian para sa patuloy na pagunlad sa
hinaharap at maging sa pagtatrabaho at pagsisimula ng negosyo. Malawak ang mga tunguhing
ito at kung iisipin ay mahirap masukat, kaya naglabas ang Kagawaran ng Edukasyon ng
listahan ng mga tukoy na kakayahan o katangian na dapat taglayin ng mga mag-aaral para sa
ika-dalawampu’t isang siglo.

Matatagpuan sa website ng Kagawaran ng Edukasyon ang buong kopya ng mga
Curriculum Guide ng lahat ng mga asignatura mula Kinder hanggang Senior High School.
Matapos basahin ang iilan sa mga ito, at obserbahan ang mga most essential learning
competencies (MELCs) na nakatala, masasabi kong ang pokus ng karamihan sa mga asignatura
ay ang pagbibigay ng iba’t ibang literasi sa mga mag-aaral. Ayon sa CG ng asignaturang
Ingles, digital natives ang tawag sa mga mag-aaral ng ika-dalawampu’t isang siglo. Dahil
kabilang sa tinatawag na Generation Z o mga batang ipinanganak sa taong 1994 pataas, ang
mga kabataang mag-aaral ay nabuhay sa panahong mayroon nang kumpletong teknolohiya.
Madalas mang nakadepende sa teknolohiya, ang henerasyong ito ay kilala naman sa pagiging
malikhain at sa kakayahan nilang makipagtulungan o collaborate. Dahil dito, isa sa mga
pangunahing katangian ng mga mag-aaral ng K to 12 ay ang pagiging multiliterate. Ang
multiliteracy ay ang pagkilala na mayroong iba’t ibang literasiyang matatagpuan sa lipunan.
Bukod sa mga tradisyunal na literasiya tulad ng pagsulat at pagbasa, mayroon ring mga
bagong literasiyang nakatuon sa kulturang popular ng bansa. Mayroon pang tinatawag na
social literacy na tumutukoy sa kung paano tayo nakikipagkomunika at nakikipagpalitan ng
kahulugan sa lipunan, at professional literacy na siyang nakatuon sa literasiyang
pampagtatrabaho. Isa pang pokus na nakita kong lumutang sa MELCS ay ang paglinang sa
kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral. Makikita sa CG ng Filipino na ang pagkakaroon
ng kakayahang komunikatibo ng isang mag-aaral ay magreresulta sa pagkakaroon niya ng
pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang makasunod
sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa buong mundo.

Ilan lamang ang mga kakayahang iyan sa marami pang katangiang dapat taglayin ng
mga mag-aaral sa ika-dalawampu’t isang siglo, ayon sa kurikulum ng K to 12. Sa palagay ko,
masinsinang itong pinag-aralan ng mga sumulat ng kurikulum kaya’t naka-allign o nakatuon
ang mga ito sa tunay na tunguhin ng K to 12. Mahalaga ang pagtukoy sa mga katangian ngunit
mas mahalaga ang patuloy na pag-aaral sa mga ito, pagkilala, at pagsubok na maitanim sa
bawat araling ibabahagi sa mga mag-aaral. Dahil balewala ang lahat ng mga naisusulat na
materyal mula sa Kagawaran ng Edukasyon kung hindi ito nadadala at naipapakita ng mga
guro sa loob ng silid-aralan.

13

LIKHAAN

pagbuo
NG

KURIKULUM

KABANATA

HABI E-Portfolio

4

2021

likhaan

kab 4| Pagbuo ng Kurikulum

pagsulat: sipat-lapat

pagsipat sa mga
modelo ng kurikulum

I. Rational-Linear Model ni Ralph Tyler

KALAKASAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral

Nagpapakita ng Madaling sundan ang Magiging magaan
lohikal na nilalaman ng ang pagkatuto sa
kurikulum kung parte ng mga mag-
pagkakasunod- aaral dahil ang mga
sunod ng mga sistematiko at lohikal aralin ay ituturo sa
elemento ng ang pagkakaorganisa simpleng paraan.

kurikulum. nito.

KAHINAAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral

Ayon sa mga Bilang guro, anumang Maaaring hindi
eksperto, sa sobrang pagkukulang o butas maibigay lahat ng

simple ng modelo, na nakikita mo sa kahingiang
may mga kurikulum ay pampagkatuto ng
mga mag-aaral dahil
pagkakataon na may responsibilidad mong sa kakulangan mismo
pagkukulang na sa punan. sa parte ng kurikulum.
kurikulum.

15

likhaan

kab 4| Pagbuo ng Kurikulum

pagsulat: sipat-lapat

II. Grassroots Rational Model ni Hilda Taba

KALAKASAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral
Binibigyang halaga
ang kalagayan at Ang nilalaman ng Masisigurong ang
pangangailangan mga araling ituturo mga matututunan ng
ng mga mag-aaral. ng guro ay nakatuon
sa pagtugon sa mga mga mag-aaral ay
nasa konteksto ng
espisipikong kailangan nila at
pangangailangan ng magagamit nila sa

mga mag-aaral. kanilang buhay.

KAHINAAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral
Masyadong
nagpokus agad ang Hindi Nagiging limitado ang
naisasakonteksto sa mga karanasang
modelo sa mga
espisipikong element mas malawak na pampagkatuto ng mga
pananaw ang mga mag-aaral dahil
at hindi sa mga aralin at gawain.
aspetong sasagot lamang ito sa
knilang mga kahingian
pangkalahatan. at hindi sa kahingiang
panlipunan at iba pa.

16

likhaan

kab 4| Pagbuo ng Kurikulum

pagsulat: sipat-lapat

III. Standards-based Curriculum Development Model ni Allan Glatthorn

KALAKASAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral
Ang paggamit ng
benchmarks o mapakay na Mabilis na matutukoy Maisasaayos at
ng guro kung ang mapupunan agad
pakikipag-ugnayan ay mga pamantayang anumang pagkukulang
sinisigurong mabuti, pino sa mga gawain o
itinatakda nila bawat
at natatamo ang aralin ay natatamo, karanasang
pamantayang base sa resulta ng pampagkatuto
matapos itong
pagkurikulum lalo na sa benchmarking.
pagsasapraktika nito matukoy.
matapos mabuo.

KAHINAAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral
Ang pagiging linear
ng modelo ni Ang mga pamantayan Nagiging sarado sa
Glatthorn ang o standards na itinakda pagbabago ang
kahinaan nito.
ng kurikulum ay hindi kurikulum dahil sa mga
nagbibigay ng pamantayan nito kaya’t

pagkakataon sa mga maaaring maging
guro na maging nakakasawa ang

dinamiko at bukas sa karanasang
pagbabago. pampagkatuto sa mga

mag-aaral.

17

likhaan

kab 4| Pagbuo ng Kurikulum

pagsulat: sipat-lapat

IV. Understanding by Design Model ni Wiggins at McTighe

KALAKASAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral

Sinusuri sa Kinikilala ng UbD Nabibigyang halaga
modelong ito kung ang gampanin ng ang mga mag-aaral
ano ang kailangang
guro sa at itinuturing na
malaman at pagpapaunlad ng kalahok sa proseso ng
maunawaan ng mga pagbuo ng kurikulum.
kurikulum.
mag-aaral.

KAHINAAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral
Hindi sigurado kung
maayos ang Kung ang Magkakaroon ng
interpretasyon ng guro pagkukulang sa aspeto
implementasyon ng ng pang-unawa sa aralin
OBE sa loob ng silid- ay taliwas sa kung ang mga mag-aaral kung
anong tunay na mismong ang guro ay
aralan. itinatakda ng
kurikulum, hindi hindi nakaiintindi ng
matatamo ang tunay na hangarin ng

hangarin ng pagtuturo. kurikulum.

18

likhaan

kab 4| Pagbuo ng Kurikulum

pagsulat: sipat-lapat

V. Systematic Design Model ni Robert Diamond

KALAKASAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral
Ang kurikulum ay
umaasa ng malaki Kung tumpak at eksakto Magiging
ang mga datos na kapakipakinabang
sa datos.
makukuha at ibabahagi ang mga
sa mga guro, madali pagbabagong
nakabatay sa mga
silang makagagawa ng datos sa mga mag-
mga pagbabago sa
aaral.
kanilang mga plano sa
gawain at aralin.

KAHINAAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral
Hindi angkop ang
modelong ito na Dahil sa kakulangan sa Hindi matutugunan
ilapat sa Pilipinas. kultura ng pananaliksik ang kahingian ng
mga mag-aaral kung
sa ating mga
edukasyong institusyon, hindi
mahihirapan ang guro maisasakontekso sa
lokal na aspeto ang
na mailapat ang
modelong ito sa mga aralin.

pagtuturo.

19

likhaan

kab 4| Pagbuo ng Kurikulum

pagsulat: sipat-lapat

VI. Murray Print Model ni Murray Print

KALAKASAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral

Yumayakap ang May kakayahang Masisigurong
modelo ni Print sa suriin at baguhin ng komprehensibo at
prinsipyo ng siklikal guro ang anumang nasala ang lahat ng
ibibigay na kaalaman
at dinamikong kahinaan ng sa mga mag-aaral.
pamaraan. kurikulum.

KAHINAAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral
Hindi malinaw ang
kurikulum sa Magkakaroon ng Bunsod ng kalituhan
pilosopiyang kalituhan sa pagbuo sa parte ng kaguruan,
ng mga pamantayan magdadala rin ito ng
kinabibilangan o at layunin ang guro
itinataguyod nito. dahil sa kakulangan parehong epekto sa
mga mag-aaral.
ng espisipikong
pilosopiya.

20

likhaan

kab 4| Pagbuo ng Kurikulum

pagsulat: sipat-lapat

VII.Modelong Nicholls at Nicholls ni Audrey at Howard Nicholls

KALAKASAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral

Kinikilala ang Nakatutulong ang Magkakaroon ng
kahalagahan at mga disiplinang ito malawak na pananaw
impluwensiya ng ang mga mag-aaral
upang maging sa pagsipat sa mga
iba’t ibang dinamiko at palaging
disiplina. aralin base sa mga
bago ang mga disiplinang maiu-
gawaing ihahain ng
ugnay dito.
guro.

KAHINAAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral
Maraming mga
tagalikha ng Maaaring hindi sundin Magkakaroon ng
ng guro ang lahat ng pagkukulang sa
kurikulum ang hindi prosesong kabilang sa pagkatuto ng mga
gamay o sanay sa mag-aaral kung hindi
modelong siklikal. kurikulum, tulad ng
pagsasagawa ng masusunod o
makukumpleto ang
pagsusuring
kontekstuwal. mga hakbang sa
pagbuo ng kurikulum.

21

likhaan

kab 4| Pagbuo ng Kurikulum

pagsulat: sipat-lapat

VIII.Modelong Wheeler ni Wheeler

KALAKASAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral
Binibigyang-diin ang
pagkakaroon ng Binibigyan nito ang Masisigurong laging
ebalwasyon kada guro ng oras at bago at tumpak ang
mga araling ihahain sa
matatapos ang isang kakayahan na maging
hakbang sa pagbuo flexible o kakayahang kanila ng guro na
tutugon sa mga
ng kurikulum. makibagay sa mga pangangailangan nila
sirkumstansya na sa kasalukuyang
maaaring mangyari sa
kaniyang pagtuturo. panahon.

KAHINAAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral

Nangangailangan Maaaring magkaroon Maaaring mainip ang
ng mahabang ng mga madalas na mga mag-aaral kung
panahon upang
pagbabago sa magkakaroon ng
maisakatuparan ang iskedyul ng pagtuturo. mabagal na usad ng
bawat hakbang.
mga aralin.

22

likhaan

kab 4| Pagbuo ng Kurikulum

pagsulat: sipat-lapat

IX. Modelong Contextual Filters sa Pagpaplano ng Kurso ni Stark et al.

KALAKASAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral
Ang modelong ito
ay nakasentro sa Binibigyan ng Dahil mas malapit ang
kurikulum ng guro sa mga mag-aaral,
mga guro. kaluwagan at Kalayaan masisigurong bibigyan ng
ang mga guro na malaking konsiderasyon
gawin ang nais nila ng guro ang kalagayan
base sa kung paano at pangangailangan ng
nila gustong gawin ang
mga mag-aaral sa
pagtuturo. pagbuo nila ng hangarin

at nilalaman.

KAHINAAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral

Nakabase ang Maaaring may mga parte Hindi
modelong ito sa mga o bahagi ang kurikulum kontekstwalisado sa
na hindi kayang lipunan ang ibibigay
pananaliksik na maisakatuparan ng mga na karanasan sa mga
isinagawa sa kaguruan dahil hindi ito
naaayon sa paraang mag-aaral.
banyagang bansa ginagawa dito sa bansa.
(Estados Unidos).

23

likhaan

kab 4| Pagbuo ng Kurikulum

pagsulat: sipat-lapat

X. Modelong Walker ni Decker Walker

KALAKASAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral

Binibigyan ng Hinahayaan ng Mahuhubog ang
modelo ang mga modelo ang mga guro kakayahang magkaroon
tagalikha nito na na maging malikhain
ng dinamikong
baguhin ang at ilapat ito sa interprestasyon ang mga
kurikulum base sa kanilang pagtuturo. mag-aaral dahil bawat
sarili niyang ideya. guro, iba’t iba ang mga

karanasang
matatanggap nila.

KAHINAAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral
Nakikita man ng ilan
ang pagiging Maaaring madiskaril Magdudulot ng
dinamiko ng ang guro sa proseso kalituhan sa mga

modelong ito bilang ng pagsunod sa mag-aaral ang
kalakasan, ito rin ay kurikulum dahil nga pabago-bago at
maaaring ikonsidera paiba-ibang proseso.
bilang kahinaan nito. sa dinamikong
katangian nito.

24

likhaan

kab 4| Pagbuo ng Kurikulum

pagsulat: sipat-lapat

XI. Modelo ni Skillbeck ni Malcolm Skillbeck

KALAKASAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral
Dinamiko man ang
modelong ito, Anumang hakbang Magiging madali ang
ang unahin ng mga transmisyon ng
lumulutang pa rin guro, masisiguro na
ang pagiging hindi sila malilito sa kaalaman mula sa
organisado at pagkakasunod ng guro at mag-aaral
mga gawain ayon sa dahil sistematiko ang
sistematiko ng bawat proseso ng pagtuturo.
hakbang at proseso. kurikulum.

KAHINAAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral

Nakabase ang Maaaring may mga parte Hindi
modelong ito sa mga o bahagi ang kurikulum kontekstwalisado sa
na hindi kayang lipunan ang ibibigay
pananaliksik na maisakatuparan ng mga na karanasan sa mga
isinagawa sa kaguruan dahil hindi ito
naaayon sa paraang mag-aaral.
banyagang bansa ginagawa dito sa bansa.
(Australia).

25

likhaan

kab 4| Pagbuo ng Kurikulum

pagsulat: sipat-lapat

XII. Modelo ni Eisner: Masining na Lapit sa Pagbuo ng Kurikulum ni Elliot Eisner

KALAKASAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral
Kumpara sa lahat ng
naunang mga modelo, Itinutulak nito ang Mas mabibigyang
ang modelo ni Eisner mga guro na bumuo halaga ang pagkatuto
lamang ang nagbigay at maghanap ng iba’t
ibang estratehiya at ng mga mag-aaral
ng mataas na epektibong gawain sa dahil matutugunan nito
konsiderasyon sa
pagiging malikhain at pagtuturo. ang lahat ng uri ng
mga mag-aaral na may
masining.
interes sa iba’t ibang
aktibidad.

KAHINAAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral

Masyadong Dahil sa dami ng Hindi masisiguro
maraming hakbang proseso, maaaring kung matatamo ba
hindi masiguro ang ng mga mag-aaral
o elemento ang kalidad ng paraan ng
pagbuo ng kurikulum pagsasakatuparan ng ang pagkatuto.

sa modelong ito. mga ito.

26

likhaan

kab 4| Pagbuo ng Kurikulum

pagsulat: sipat-lapat

XIII.Modelo ni Pawilen ni Greg Tabios Pawilen

KALAKASAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral

Naka-angkla ang Madaling bumuo ng Madaling makikita ng
modelo sa lokal na mga gawain at mga mag-aaral ang
karanasang kahalagahan ng mga
sistemang
pangedukasyon ng pampagkatuto na aralin dahil
maiu-ugnay sa mga matutukoy nila agad
Pilipinas. aralin dahil nakabase ng aplikasyon nito sa
ito sa lokal na setting.
lipunan.

KAHINAAN Epekto sa Epekto sa Pagkatuto
Pagtuturo ng Guro ng Mag-aaral
Masyadong
maraming Dagdag isipin sa mga Maaaring sabihin na
ikinokonsidera na guro ang pagbibigay ng masyadong malawak
aspeto sa proseso ng ang sinasakop na mga
konsiderasyon hindi pananaw ng modelo
modelo. lamang sa mga panloob para sa iba’t ibang
kundi pati na rin s amga antas na mayroon ang
panlabas na aspeto sa
kanilang pagbuo ng mga mga paaralan sa
Pilipinas.
gawain at nilalaman.

27

likhaan

kab 4| Pagbuo ng Kurikulum

panonood: TUKLAS-NOOD

Elektronikong Hagdan sa
Pagbuo ng Kurikulum

(Modelo ni Daniela Nicolas)

1. Pagsusuri sa kasalukuyang kalagayan ng
mga mag-aaral (pangakademiko at panlipunan).

2. Pagtukoy sa mga layunin (kakayahan
o katangiang nais taglayin ng mga mag-aaral).

3. Pagpili at organisasyon ng mga
nilalaman at karanasang pampagkatuto.

4. Implementasyon

5. Ebalwasyon

Ang siklong modelo ng kurikulum ni Daniela Nicolas ay pinamagatang “Elektronikong
Hagdan sa Pagbuo ng Kurikulum”. Upang mabuo ang modelong ito, maraming salik na
kinonsidera. Pangunahing salik ay ang pahayag na inilabas ni Department of Education Secretary
Briones sa bidyong New Curriculum na matatagpuan sa Youtube. Makikita sa modelo ang unang
hakbang bilang pagsusuri sa kasalukuyang lagay ng mga mag-aaral, hindi lamang sa pang-
akademikong aspeto kung hindi pati na ang kanilang panlipunang kalagayan. Ikalawang hakbang
ay ang pagtukoy sa mga layunin, partikular sa mga kakayahan o katangiang dapat at inaasang
taglayin ng mga mag-aaral pagkatapos ng bawat aralin. Sunod namang hakbang ay ang
pagtukoy at pag-oorganisa sa mga nilalamang dapat na maisama sa mga araling ituturo sa
mga mag-aaral at ang mga karanasang pampagkatuto na mangyayari sa silid-aralan.
Mahalagang tandaan na upang maisakatuparan ang ikalawa at ikatlong hakbang, dapat na
bigyan ng malaking konsiderasyon ang mga datos na makukuha sa unang hakbang at gawin
itong basehan. Isa sa pinakakritikal na hakbang ay ang ika-apat na siyang implementasyon ng
kurikulum. Dito makikita kung ang buong pagpaplano ba ng kurikulum ay praktikal at kayang
gampanan ng paaralan, guro, pati na ng mga mag-aaral. Tandaang balewala ang magandang
pagpaplano ng layunin, nilalaman, at paraan ng pagtuturo kung ito’y hindi rin kayang
maisapraktika. Panghuli, ang ebalwasyon ng buong kurikulum. Dito masasagot ang ilang
katanungan tulad ng: Naisakatuparan ba ang plano ng kurikulum? Natamo ba ang mga
itinakdang layunin? May mga dapat bang baguhin, tanggalin o pagandahin, sa ilang parte ng
kurikulum? Matapos ang ebalwasyon, tulad ng isang elektronikong hagdan sa mga gusali o mga
mall, ay muling babalik sa unang hakbang ang pagbubuo sa kurikulum hanggang sa tuluyang
marating ang itaas at maibigay ang lahat ng kahingiang pampagkatuto ng mga mag-aaral.

28

likhaan

kab 4| Pagbuo ng Kurikulum

pakikinig: kinig-suri

29

LIKHAAN

PAGPAPATUPAD
NG

KURIKULUM

KABANATA

HABI E-Portfolio

5

2021

likhaan

kab 5| PAGPAPATUPAD ng Kurikulum

pagbasa: BASA-UNAWA

Glatthorn, Boschee, at Whitehead
2006

“Ang mga tagalikha ng kurikulum ay
mga pinuno ng kurikulum din. Sa

pagpapatupad ng kurikulum sa bawat
lebel, ang mga tagalikha ng kurikulum

ay mayroon ring gampanin sa
pagiging lider na magbibigay
direksyon, gabay, at pag-antabay. Sila
ang nag-oorganisa ng mga tao at
programa sa bawat lebel ng
edukasyon sa bawat paaralan.”

1.Ano ang isa pang gampanin ng tagalikha ng kurikulum? Sa tingin mo, paano nito
mapaninindigan ang gampanin na iyon?

Ang mga tagalikha ng kurikulum ay mga pinuno din, ayon kina Glatthorn, Boschee, at Whitehead
(2006). Bukod sa pagpaplano at pagbuo nito, sila rin ang pangunahing dapat nangangasiwa sa

pagpapatupad ng kurikulum. Ang proseso ng obserbasyon ang pinakasusi upang maging
matagumpay ang isang kurikulum. Kung ang mga tagapaglikha ng kurikulum ay patuloy na
pangangasiwaan at oobserbahan ang ginagawang pagpapatupad ng kurikulum na kanilang
binuo, madaling magagampanan ng paaralan at mga guro ang iniaatas na gawain sa kanila ng
kurikulum. Madali ring maitatama ang ilang bahagi ng kurikulum o mga maling pagkakaunawa

rito kung nakaantabay ang mga tagalikha nito.

2. Sa iyong pananaw, paano kaya mailalapat ng guro ang kurikulum sa loob ng
klase?

Ang paglalapat ng kurikulum sa pagtuturo sa loob ng silid-aralan ang pinakamabigat na
tungkulin ng isang guro. Isa itong kakayahang dapat taglayin ng isang guro, at mayroong ilang
paraan upang maisakatuparan ito. Mahalagang mabasa at maisapuso ng guro ang nilalaman

ng buong kurikulum. Dapat na ang misyon, bisyon, at mga prinsipyong taglay ng guro ay
sumasalamin sa kung anong naisusulat sa kurikulum. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
iisang layunin sa pangangasiwa ng pagtuto sa loob ng silid-aralan, madaling makabubuo ang
guro ng mga estratehiya sa pagtuturo na siyang makakapagbigay sa mga mag-aaral ng lahat

ng kanilang kahingiang pampagkatuto.

31

likhaan

kab 5| PAGPAPATUPAD ng Kurikulum

pagsulat: SULAT-ULAT

SIGLO-KAS: Pagharap Sa Ika-21 Siglo Nang May
Lakas

Mabilis na lumilipas ang panahon at kasalukuyang nasa ika-
dalawampu’t isang siglo na tayo. Kasabay ng pag-usad ng panahon ay
ang patuloy ring pagsulong ng iba’t ibang sektor ng ating lipunan
upang makasabay sa mabilis na daloy nito. Sa sektor ng edukasyon,
mahalaga ang pagiging napapanahon ng mga nilalaman, teknik, at
kagamitan sa pagtuturo, na makikita sa isang kurikulum. Maraming
katangian ang kurikulum ngunit isa ang pinakamahalaga, ang pagiging
malakas nito. Dapat na ang kurikulum ay may lakas upang magapi nito
ang hamon ng mabilis na pagdaloy ng panahon. Dapat na kaya nitong
tumagal at maging matatag kahit na ano pang pagbabago ang ibato
rito. Upang maisakatuparan ito, nariyan ang mga tagalikha ng
kurikulum. Sila ang nakakaalam ng mga kalakasan at kahinaan ng
kanilang binuong kurikulum dahil alam nila ang pasikot-sikot dito. Ang
lakas ng kurikulum ay nanggagaling sa kaniyang mga tagalikha. Ang
pagpapatupad, pagantabay, at patuloy na paglilinang sa kanilang
kurikulum na binuo ang siyang magpapanday at magpapatibay ng
husto rito. Kaya’t ang susi upang maharap ang hamon ng
nagbabagong panahon ay ang lakas at ugnayang nagbubuklod sa
kurikulum at sa mga tagalikha nito.

32

likhaan

kab 5| PAGPAPATUPAD ng Kurikulum

panonood: NOOD-SURI

1. Ano ang maituturing na sanhi at bunga ng madaliang
pagpapatupad ng programang K-12 na ipinakita sa balita?

Ayon sa mga balita noon, minadali ang pagpapatupad sa K-12 Program upang
mabilis na makahabol ang Pilipinas sa mabilis na pagusad ng mga karatig na bansa
o sa globalisasyon. Bunsod nito, ang madaliang pagpapatupad ng programang K-12
ay nagbunga sa kawalan ng kahandaan ng mga paaralan, mag-aaral, lalo na ng
lipunan. Maraming bisyon o hangaring inilatag noon ang pamahalaan, at ayon sa
bidyo hindi lahat ito ay naisasakatuparan.

2. Ano ang problema at maaaring solusyon dito?

Ang pangunahing isyu sa balita, hindi nasusunod ang bisyon ng K-to-12
Curriculum na lumikha ng mga SHS graduates na handa na para makapagtrabaho
kahit hindi tumutungtong sa kolehiyo. Marami na ang nakapagtapos ng SHS mula
nang inulunsad ang K-12 Program ngunit madalas silang hindi tinatanggap ng mga
employer o kumpanya. Ang maaaring solusyon na nabanggit ng DepEd sa balita ay
ang pagkikipag-ugnayan sa Civil Service Commission upang bigyang prayoridad ang
mga SHS graduates sa trabaho lalo na sa mga ahensya ng gobyerno.

3. Ano ang kaugnayan ng isyu na ito sa proseso ng pagpapatupad
ng isang kurikulum?

Ang isyu sa balita ay isang repleksyon ng isang kurikulum na hilaw ang naging
paghahanda, problemado ang pagpapatupad, kaya’t hindi naisakatuparan ang mga
hangaring binitawan. Masasabing nagkaroon ng pagkukulang sa maraming aspeto sa
pagpapatupad ng K-12 Program kaya mayroong mga nagnanais na repasuhin ito. Isa
itong patunay na kung sa pagpaplano pa lamang ay naging mabusisi na ang
pamahalaan pati na ang mga tagalikha ng kurikulum na ito, siniguro sana nila ang
kahandaan ang mga paaralan at kaguruan, ay hindi makukuwestiyon ang pagiging
epektibo ng kurikulum.

33

LIKHAAN

EBALWASYON
NG

KURIKULUM

KABANATA

HABI E-Portfolio

6

2021

likhaan

kab 6| EBALWASYON ng Kurikulum

pagbasa: BASA-TINDIG

IKL (Ibinabahagi Ko Lang): Babala ng DepEd sa Pagpopost ng
Report Cards sa SNS

Kilala ang mga kabataan ng ika-dalawampu’t isang siglo bilang mga digital
natives. Mahilig silang magbahagi sa kanilang mga account sa iba’t ibang social
networking sites tulad ng Facebook, Twitter, at Instagram. Kadalasang ibinabahagi nila
sa kanilang mga posts ay ang mga lugar na kanilang napupuntahan, mga sikat na
pagkain, iba’t iba nilang pinagkakaabalahan, at pati na ang kanilang nararamdaman.
Kaugnay nito, madalas ring nagpopost ang mga kabataan sa panahon ngayon ng
kanilang mga natatanggap na awards at recognitions sa paaralan. Dagdag pa ang
pagpopost nila ng mga litrato ng kanilang mga report cards sa tuwing matataas ang
kanilang mga grado.

Wala mang intensyong masama ang mga kabataan sa pagpopost, nagbabala ang
DepEd sa umuusbong na kulturang ito. Ayon kay USec. Umali ng Kagawaran ng
Edukasyon sa isang pahayag, ang pagpo-post ng mga school records na nagpapakita ng
ilang mga personal na impormasyon tulad ng LRN o Learner’s Reference Number, buong
pangalan, petsa ng kapanganakan, at iba pa, ay maaaring magdulot ng panganib sa
mga mag-aaral (GMA News, 2019). Naisasaad sa Data Privacy Act of 2012 o RA 10173
dapat pangalagaan o bigyang seguridad ang mga personal information at sensitive
personal information ng lahat ng Pilipino. Matapos mabalitaan ang isyung ito, naging
palaisipan tuloy sa akin kung ang pahayag na ito ba pagpapahiwatig na may nalalabag
nang batas ang mga magulang at mag-aaral sa pagpo-post nila. Sa paninilay-nilay ko at
pagsusuri na rin mismo sa ilang seksyon ng RA 10173, pahayag ng DepEd, at iba pang
artikulo sa internet, walang natatapakang batas ang pagpo-post ng mga litrato ng school
records, awards, o certificates sa social media, basta ang account o taong nasa likod ng
account na magpo-post nito ay may pahintulot o mismong may-ari ng record na ipo-post.
Ayon sa Seksyon 12a ng Data Privacy Act of 2012, ang pagpoproseso ng personal na
impormasyon ay pinahihintulutan lamang ng batas kung nagbigay ng permiso ang data
subject. Ang data subject na tinutukoy ay ang may-ari ng impormasyon na ibabahagi o
ipo-post ng isang tao sa social media o internet. Pinapatunayan lamang nito na walang
batas na nalalabag kung ang pagpoo-post sa social media ng mga litrato ng school
records ay may consent o pahintulot ng mag-aaral.

Sa huli, hindi ipinagbawal ng DepEd ang pagpo-post sa social media ng mga
record ng mga mag-aaral ngunit patuloy ang kanilang pagba-babala. Kung nais
talagang ibahagi ito ng mga magulang o ng mag-aaral mismo, ang pagmamalaki sana
ay sabayan nila ng pag-iingat. Maaari namang i-edit at takpan ang mga sensitibong
impormasyon ng mga mag-aaral para ang intension na magbahagi ng tuwa ay hindi
mauwi sa panganib.

35

likhaan

kab 6| EBALWASYON ng Kurikulum

pagsulat: SULAT BLOG

KPP: Konteksto Patungong Produkto

➡ ➡ ➡Konteksto Input Proseso Produkto

Ganyan ang mga hakbang ng modelong CIPP o context, input, process, product
ng Phil Delta Kappa National Study Committee on Evaluation na pinamumunuan ni
Daniel Stufflebeam. Ayon kay Stufflebeam (2001), ang proseso ng pag-aayos,
pagkuha, at pagbibigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon para sa paghusga
ng mga kapalit sa pagpapasya ay tinatawag na pagsusuri.

Makikita sa larawan ang
apat na mahahalagang hakbang sa
pagtataya ng isang kurikulum ayon
kay Stufflebeam (2001). Unang
hakbang ay ang ebalwasyon sa
konteksto. Marami mang iba pang
modelo ng pagtataya sa kurikulum,
pinili ko talaga ang modelong ito
dahil sa hakbang na ito.
Mahalagang gamiting basehan ang
konteksto sa pagtataya ng
kurikulum dahil ito ang basehan ng
pangangailangan ng isang paaralan
Kung ipagsasawalang bahala ang konteksto sa pagpapatupad ng kurikulum,
mawawalan ito ng direksyon at mahihirapan itong makamit ang mga hangaring
nakatakda sa nilalaman nito.
Ikalawang bahagi ay ang input. Dito nakatala ang mga impormasyon tulad ng
yaman ng paaralan na maaaring magamit upang makamit ang mga layunin ng
kurikulum. Sunod ay ang proseso na nakatuon sa pagbibigay ng tugon habang
ipinapatupad ang kurikulum. Dito binibigyang-diin ang mga problema sa
pagpapatupad ng kurikulum. At ang huling yugto, ang produkto.
Ang pagsunod sa mga yugto ng ebalwasyon na ito ay ang susi sa pagbubuong
muli ng isang kurikulum tungo sa mas kapaki-pakinabang na nilalaman nito. Tulad na
lamang dito sa bansa, ang paggamit ng modelong CIPP sa pagtataya ng kurikulum
ay makapagbibigay na mas angkop na mga impormasyon at tala dahil
maisasakonteksto natin ang proseso sa paraang nakasanayan natin dito sa Pilipinas.

Matatagpuan ang blog post sa link na ito:
https://nicolasdaaan.wixsite.com/kapeatkwento/post/kpp-konteksto-patungong-produkto

36


Click to View FlipBook Version