The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.

Isang materyal sa paglinang sa kakayahan sa pag-unawa sa binasa para sa ikatlong markahan ng baitang 7 sa asignaturang Filipino.

Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by ..., 2024-04-14 10:00:53

SAKAT-ON: e-Pagbasa na Materyal

Isang materyal sa paglinang sa kakayahan sa pag-unawa sa binasa para sa ikatlong markahan ng baitang 7 sa asignaturang Filipino.

FILIPINO Ika-3 Markahan 7 p s a a gS m Abot ga asoy dalan sa pagKAT-ON E-reading material para sa mga mag-aaral


Mahitungod sa Materyal Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa kagamitan na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang ginamit maliban sa modyul ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda. Ang materyal ay ginawa bilang instrumento sa pagpapalinang ng kakayahan sa komprehensibong pagbabasa ng mga mag-aaral. Maaaring magamit ito bilang kagamitang pampagkatuto; maging kagamitang pampagtuturo ng mga guro sa Filipino 7. Mga bahin sa Materyal Tan-awon ta! Sa bahaging ito sinusukat ang naimbak na kaalaman ng mga mag-aaral upang malaman ang kahandaan nila para sa babasahing akda.


Ano ang say mo? Kailangang magbigay ng hinuha o kuro-kuro ang mga mag-aaral tungkol sa akda o paksa. Pahapyaw na bubuksan ang talakayan sa pagpapayaman ng balarila sa wikang Filipino. Sanggunian - talaan ng mga pinagkukunan ng datos. Abalohan Ta! Babasahin at susuriin ang mga akda upang matagumpay na maisakatuparan ang kasanayan. Palambuon Ta! Kaplagan Ta! Sukdon Ta! Pamalandong Tatanggalin ang balakid sa pag-unawa ng akda sa pamamagitan ng pagpapatalas ng kanilang talasalitaan. Maaaring pangganyak ito na may kaugnayan sa pag-aaral ng paksa. Susukatin ang komprehensyon ng mga mag-aaral hinggil sa binasa at sinuring akda. Isusulat sa kanilang "Handumanan sa Pagkat-on" ang pagpapahalaga at repleksyon hinggil sa akda Tatayahin ang mga natutunan ng mga mag-aaral tungkol sa akda sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain. Karagdagang elemento: Pagbibigay ng kahulugan at katuturan hinggil sa genre ng akda o babasahin.


Mga Makutlo Suhay sa Pagmugna Manunulat: G. Shane R. Dedal Editor at Validators: Gng. Janet U. Estrella Gng. Emmalou M. Branzuela Gng. Virnelyn B. Asis Gng. Charie A. Alcos Tagadibuho: G. Cesar A. Agbu Tagapamahala: G. Abundio B. Baraquia Bb. Mary Jane Lacarion Bb. Cherry Love Maon


Mula sa Kabisayaan ay lilipad tayo papuntang LUZON at tutuklasin natin ang iba’t ibang panitikan at karunungang tutulong upang payabungin ang pagkakakilanlan bilang Pilipino. Alam mo ba na ang Luzon ay ang pinakamalaking isla sa Pilipinas? Dito matatagpuan ang kabisera ng bansa-- Ang Maynila. Kinapapalooban ito ng walong rehiyon, kabilang ang Ilocos, Cagayan Valley, CAR, Central Luzon, NCR, Calabarzon, Mimaropa, at Bicol. Sa isla matatagpuan ang ilan sa mga magagandang tanawin sa bansa, gaya ng: Lake Pinatubo, Zambales Barasoain Church Malolos Bulacan Rizal Park, Manila Bukod sa magagandang tanawin at makasaysayang pook, mayaman din ito sa kultura at panitikan. Dito rin nakilala ang ilan sa mga tanyag na manunulat na tulad nina Jose Rizal, Francisco Baltazar, Jose Corazon de Jesus, Liwayway Arceo at marami pang iba. Handa ka na bang matuklasan at mapahalagahan ang yamang alay ng Luzon?


Tan-awon ta! Panuto: Basahing maigi ang mga tanong sa bawat aytem. Piliin ang titik na may pinakawastong sagot. Siya ay isa sa pinakasikat na rapper ng Pilipinas na nagtatanghal ng mga mapanudyong tema, gaya ng “Gayuma”, “Ilusyon”, “Diwata”. 1. a. Abra b. Vice Ganda c. Chito Miranda d. Maja Salvador Ano ang ipinapahiwatig ng katagang “Mahal kita kahit may pagkaalanganin//'Pagkat sa 'tin, mas mukha ka pang lalaki kaysa sa 'kin” mula sa awiting “Gayuma” ni Abra? 2. a. Bulag ang pag-ibig dahil kahit pangit ay minamahal nang lubos. Mayroong pag-aalinlangan sa pag-ibig dahil sa di-kaaya-ayang itsura. b. c. Hindi alintana ang pagmumukha ng tao pagdating sa pag-ibig. d. Ang pamantayan ng pag-ibig ay maging hindi magandang tao. Ang salitang (ma.hal) kung bibigkasin ay nangangahulugan sa dalawang bagay maliban sa? 3. a. iniibig b. mapresyo na bilihin c. iniirog d. mura Ito ay tumutukoy sa lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig ng isang pantig. 4. a. Diin b. Tono c. Antala d. Intonasyon 5. Sa pagsasalita, ito ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin. a. Diin b. Tono c. Antala d. Haba


Palambuon Ta! Kahanga-hanga Panggiginaw Naghihikahos Nakadungaw Dumalaw Gayuma Kahulugan Halimbawang Pangungusap Kasingkahulugan Panlapi at Salitang-ugat Kahulugan Kahulugan Kahulugan Kahulugan Kahulugan Panlapi at Salitang-ugat Panlapi at Salitang-ugat Halimbawang Pangungusap Kasingkahulugan Halimbawang Pangungusap KasingkahuluganHalimbawang Pangungusap Kasingkahulugan Halimbawang Pangungusap Kasingkahulugan Halimbawang Pangungusap KasingkahuluganIsang bagay, tao, o pangyayari na maganda o nakamamangha. ka-hanga-hanga hanga Ang tadhana sadyang kahangahanga. Magaling Nakamamangha Maganda Tapos na ang panggiginaw Ng puso kong naghihikahos Puso ko’y naghihikahos pagkat naliligaw Ika’y bituin kapag sa langit nakadungaw. Isang araw dumalaw, sakin ang aking dating kasintahan. Kung di dahil sa gayuma ay pinaliguan ko ng bala. Bago tayo sumuri ng isang akda, ating hawanan ang mga balakid na maaaring magdudulot ng kalituhan. Tutulungan kita! Gamit ang Fryer model, tuklasin at pun’ an ang mga hinihingi sa bawat bakanteng parisukat. Ang mga salitang nakadikit sa bilohaba ay bibigyan ng kahulugan, kasingkahulugan, at susuriin ang mga panlaping ginamit. Maaari kang sumangguni sa unang bilang. Madali lang, hindi ba? Kayang-kaya!


Kaplagan Ta! "Gayuma" (feat. Thyro & Jeriko Aguilar) [Verse 1:] Harana para sa dalaga Na kung di-dahil sa pag-ibig ay tinalikuran ko na sana. Dalaga na balak makasama, Mula sa simula hanggang sa magsipagtunugan y’ong kampana; Makasama ka na para bang tadhana At kamatayan lamang ang nag-iisang pintuan kung wala ka. Ang tadhana, sadyang kahanga-hanga Ibang mga babae sa mundo kinalimutan ko na para Masabi lang sayo na tapos na ang panggiginaw Ng puso kong naghihikahos ‘pagkat naliligaw, Ngayon paos na paos na sa kasisigaw Ng iyong pangalang laos na sa kalilitaw. Ngunit bakit parang maraming nakatitig sa ‘tin At parang hindi sila sang-ayon sa pag-ibig na ‘tin. Mahal kita kahit may pagka-alanganin Pagka 't sa ‘tin mas mukha ka pang lalaki kaysa sa ’kin. Napapansin mo ba ang ilan sa mga taludtod ng awitin? Ano kaya ang layunin ng mga pahayag na ito? Ano ang ipinapahiwatig ng taludtod na ito? Ano ang say mo? Ano ang say mo? [Verse 2:] Ang buhay parang dagat, na kung saan lahat tayo nagtipon-- Sa dami ng isda nakabingwit ako ng hipon; Hindi ka lang maganda pag-hindi nakatalikod Parang ipot ka ng ibon magpakipot. Hindi kanais-nais pero hulog ka ng langit. Nakakaadik kahit puro kuto ka sa anit. Kalait-lait pero kahit ubod ka ng pangit. Sa ‘kin mas kaakit-akit ka pa ’pag natoto kang magahit.


Tama ba akong tungkol sa isang taong umiibig ang pinapakinggan natin? Ano ang say mo? Hindi ka man napiling ikaw lang ang kapiling ko; Kahit hindi pilitin, ikaw ang pipiliin ko. Para kang Rebisco-- ang sarap ng feeling ko. Ikaw ang namimiss ko, mismo At kung kasama ka, parang naglakad ng aso, kaso di eh! ‘Pag galit si Son Goku parang kamukha mo babe Pero ika’ y bituin kapag sa langit nakadungaw Kahit parang in-between ka ng babae at bakulaw. [Verse 3:] Isang araw dumalaw, sa ‘kin ang aking dating kasintahan, Ang sabi niya “Uy! Meron akong nabalitaan.” Nang ikwento niya ako 'y napaisip-- Sabay napatahimik nang sinabing, “Hindi ’yan tunay na pag-ibig!” Ilang araw hinanap bago makita ang sagot; Kung tama ang hinala, ito’ y mabisa na gamot. At nang aking inumin ‘saka ko lang naunawaan. Gayuma nga! ‘Lang hiya! Ako’ y naloko lamang! Nilinlang, dinaya, at inuto ng matindi-- Ngayon ay pili ko na kung sinong kupal sa hindi Ito ay pelikula na binuo patabingi. Isa kang malaking libag na tinubuan ng pisngi! Naisip mo rin bang balintunay ang mga kahulugan ng iilang taludtod? Ano ang say mo? Alam mo? Mukha kang tuhod na may bukol, na may sugat, na may nana! Ikaw ang dahilan kung ba’ t nasulat ‘tong harana Para sa dalaga na kung di-dahil sa gayuma ay pinaliguan ko ng bala. Kakantahin mo rin ba ito sa mga minamahal mo sa buhay? Bakit? Ano ang say mo?


Sukdon Ta! Alam mo ba, maaaring mag-iba ang kahulugan ng isang salita, sugnay, parirala, o pangungusap kahit hindi babaguhin ang pagbaybay nito? Suriin ang mga halimbawa. Kahit hindi pilitin, ikaw ang pipiliin ko. Kahit hindi pilitin, ikaw ang pipiliin ko? Kahit hindi pilitin, ikaw ang pipiliin ko! buhay bu.HAY ligaw LI.gaw (life) (living) (lost) (court) Nahihiwagaan ka ba? Ito ang dulot ng PONEMANG SUPRASEGMENTAL. Ito ay ginagamit sa pagbigkas ng mga salita upang higit na maging mabisa sa pakikipagtalastasan. Mayroon itong tatlong uri: Ang tono ay katulad ng intonasyon ngunit ipinakikita ng tono ang damdaming nakapaloob sa isang pahayag (Halimbawa: masaya, malungkot, galit, at iba pa.) Nilinlang, dinaya, at inuto ng matindi. - pababa-pataas-pababang intonasyon Nilinlang? Dinaya? At inuto ng matindi? - pataas na intonasyon Ang diin ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita. i.nu.MIN (aksiyon ng pag-inom) i.NU.min (likidong naiinom) tu.BO (tanim na matamis) TU.bo (paglaki) Subukan mo ang salitang “baga”. Ang hinto ay saglit na pagtigil sa salita sa loob ng pangungusap upang higit na maging malinaw ang paghahatid ng mensahe. Hindi ako ang salarin. Hindi, ako ang salarin. Si Abra Lee ang pinsan ko. Si Abra, Lee ang pinsan ko. Magaling! Ngayong natapos mo nang pakinggan at suriin ang kanta, handa ka na bang malaman ang iyong naunawaan? 2. Magbigay ng opinyon sa linyang “ At nang aking inumin ’saka ko lang naunawaan//Gayuma nga! ‘Lang hiya! Ako’y naloko lamang!” Ano ang kaisipan na ipinapahiwatig ng persona sa awitin? 1.


3. Ano ang kahalagahan ng awiting ito para sa ‘yo? 4. Ano ang damdaming maaaninag sa awit? 5. Paano naging mapanudyo ang akda? Tingnan natin kung mayroon ka bang natutunan tungkol sa mga ponemang suprasegmental. Basahing mabuti ang bawat linya, bilugan ang salita ayon sa wastong paggamit ng mga ponemang suprasegmental. Halimbawa: At kung (ka-SA-ma , KA-sa-MA) ka, parang naglakad ng aso Isang araw dumalaw , sa ‘kin ang aking (DA-ting , da-TING) kasintahan Ang sabi niya “(Uy! Meron akong nabalitaan. , Uy? Meron akong nabalitaan?)” Nang ikwento niya ako'y napaisip-- Sabay napatahimik nang sinabing “(Hindi ‘yan, tunay na pag-ibig ; Hindi ’yan tunay na pag-ibig!)” Ilang araw hinanap bago makita ang sagot Kung tama ang hinala, ito’y mabisa na gamot. At nang aking (i-NU-min , i-nu-MIN) ‘saka ko lang naunawaan (Gayuma nga? , Gayuma nga!) Lang hiya! Ako’y naloko lamang! Nilinlang, dinaya, at inuto ng matindi; Ngayon ay pili ko na kung sinong kupal sa hindi. Ito ay pelikula na binuo patabingi Isa kang malaking libag na tinubuan ng pisngi!


Tula/Awiting Panudyo Mga Ponemang Suprasegmental Ang mundo ay patuloy na nagbabago, gayon din ang wangis ng ating panitikan, lalo pa’t mayroon na itong makabagong impluwensya mula sa kabataan sa kasalukuyang panahon. Mabuti na lang at kasama ninyo ako upang mahagilap ang kabuluhan ng mga makabagong panitikan kahit pa man ito’y bukas na sa anumang temang kayang maisip ng mga manunulat o artista. Isa sa mga anyo ng panitikang tinatangkilik ng mga kabataan ngayon ay ang mag naglalayong magdulot ng pagdaramdam sa kapwa. Ang Tulang Panudyo ay sikat na sikat ngayon sa kabataan kapag sila’y naglalayong mang-inis, manlait, o magbunsod ng masidhing damdamin. Ito man ay maging pasulat o awitin na kadalasang pumapaksa sa pag-ibig, pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa, at kalungkutan o maaaring gawin upang manukso ng kapuwa. Madalas na maririnig ang mga ganitong uri ng panitikan sa lansangan, sa fliptop ng mga rapper o maging sa mga awiting pasaring ngayon sa mundo! Si Raymond Abracosa, higit na kilala bilang Abra, ay isang Pilipinong mang-aawit ng hip hop. Naabot niya ang katanyagan dahil sa awiting "Gayuma".


Pamalandong Ngayon naman ay pagnilay-nilayan natin ang mga katanungan sa ibaba upang matulungan tayong mas maintindihan ang ipinapahiwatig ng aralin, o maging ang akdang sinuri natin kanina. Tandaan lamang na maging tapat sa pagbibigay ng mga repleksyon. Ikatutuwa ko ang inyong pagiging aktibo sa ating talakayan! Handumanan sa Pagkat-on Unang Pamalandong (petsa) 1. Bakit mahalagang malaman natin ang tamang paggamit ng mga ponemang suprasegmental sa pakikipagtalastasan? 2. Mahalaga bang maging maingat sa ating mga sinasabi? Bakit?


______ 1. Mahal kita, mahal kita, hindi ito bola. ______ 2. I believe I can fly tumalon sa tulay akala ko patay ‘yon pala ’y buhay. ______ 3. Sa isang pangarap, ako’y naniniwala hindi ako titigil hangga’t aking makakaya ______ 4. Tatay mong bulutong Puwede nang igatong Nanay mong maganda Pwede mong ibenta ______ 5. Putak, putak, Batang duwag Matapang ka’t nasa pugad Abalohan Ta! Malapit mo nang matapos ang bahaging ito! Kaunting pagsubok na lang upang malaman ko kung talagang natutunan mo ang mga paksang dinaanan natin! Sundin lamang ang sinasabi ng panuto sa ibaba at sagutin ito nang tapat. Kaya mo ‘yan! Panuto: Isulat ang TP kung ang halimbawa ay isang tulang mapanudyo. Lagyan naman ng X kung hindi. Inaasahang masasagutan mo ito sa loob lamang ng ilang minuto!


Abalohan Ta! Para sa 10 puntos, gumawa ng isang tulang panudyo na nais mong ipahayag sa iyong mga naging kaalitan bilang isang bata. Maging maingat sa paggamit ng mga salita at huwag magsali ng mga mura o malalaswang paglalarawan. Ang tula ay lilimitahan mula 3-5 taludtod lamang. Pamantayan sa Pagmamarka: Kaangkupan sa paggamit ng salita - 5 puntos Pagkamalikhain - 5 puntos PAGBATI!


Sanggunian Template by: Cesar Agbu Units by: Shane Dedal https://www.scribd.com/presentation/408416945/Tulang-PanudyoDemo https://images.vector-images.com/clp2/257224/clp3759813.jpg https://tl.wikipedia.org/wiki/Abra_(rapper) https://www.azlyrics.com/lyrics/abra/gayuma.html https://pdfcoffee.com/ponolohiya-segmental-at-suprasegmental-pdffree.html https://www.slideshare.net/Jann3196/ponemang-suprasegmental124120040 https://www.scribd.com/presentation/434952023/PonemangSuprasegmental


Tan-awon ta! Saan ang punta mo? Upang malibot ang kalak’han ng Luzon, kailangan nating bumiyahe ng jeepney! Alam mo ba na ang mga ito'y ginawa mula sa mga US Military Jeeps na naiwan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Sa tingin mo ba ‘y magkakaroon tayo ng isang makabuluhang pag-arangkada ng jeepney? Kung oo, ano pa ang hinihintay mo? SAKAY NA! Panuto: Sa kalahating papel, isulat ang iyong naging karanasan sa pagsakay ng jeepney o anumang sasakyan. Maaaring ito’y isang pangyayaring hinding-hindi mo malilimutan kailanman. Gawin ito sa isang talataan.


Palambuon Ta! Bago tayo raragasa sa paglarga, atin munang ihanda ang sarili para sa mga salitang maaari nating matagpuan. Mahilig ka bang maglaro ng mga salita upang makabuo ng panibagong salita? Sa pagkakataong ito, tayo ay bubuo ng salita o pariralang Filipino gamit ang mga salitang Ingles sa ibaba. Pagmasdan ang halimbawang ginawa upang ikaw ay makasunod. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang patlang. Handa ka na ba? Simulan na! Broom-broom!!!! Money Who -------- Bar yeah Lung Po -------- Cash cash zero -------- Bat ash trap echo -------- Suck Suck Yarn -------- Go Long -------- Maneho


Kaplagan Ta! Habang nilibot-libot niya ang kanyang paningin sa loob, napansin niyang maraming mga nakapaskil na larawan at titik sa dingding nito. Paisa-isa niyang binasa ang bawat nakasulat sa idinikit na papel. Sa tingin mo ba ay nararapat ang ganitong pahayag sa loob ng pampasaherong sasakyan? Mainit ang panahon habang nakasakay sa isang pampasaherong dyip ang isang dayuhan mula sa Amerika. Gustong-gusto niyang maranasan ang kulturang Pilipino, at kung paanong tinatangkilik ng mga pinoy ang jeepney. Unang napansin niya ay ang nagsiksikang kalagayan sa loob. Kahit alam niyang wala nang bakanteng upuan ay panay pa rin nang tawag ang konduktor ng mga pasahero. Walang nagawa ang dayuhan kundi ang ipagdikit ang malalaking paa nang makaupo pa ang iba. Ganap sa Loob ng Dyip Ni Shane Dedal Mula sa https://pbs.twimg.com/media/FIIzk8-VEAIQaVl.jpg “Ms. na sexy, kung gusto mo’y libre sa drayber ka tumabi.” Tanging alam niya lang sa pahayag ay ang salitang Ms. at sexy. Ano ang say mo?


Lalong hindi niya naintindihan ang pahayag. Ano ang layunin ng taong sumulat nito? Ano ang say mo? Pamilyar ba sa iyo ang kasabihan na ‘yan? Saan mo maiuugnay ‘yan sa narinig mo nang mga kasabihan? Ano ang say mo? “Anong meron sa jeep, tricycle, at bus na wala sa eroplano?” tanong ng isa sa kanyang kasama. Ano ang say mo? “Side mirror!” Mas lalong lumakas ang halakhakan ng dalawa. “Ako naman, kung ang gumagapang sa aso ay pulgas, sa damo ay ahas, sa ulo ng tao ay kuto, ano naman ang gumagapang sa kabayo?” Ano ang say mo? “Huwag kang magdekwatro, ang dyip ko’y di mo kwarto.” Umiling na lang siya dahil hindi niya maunawaan ang nakasulat dito. “Ang di magbayad sa pinanggalingan ay di makakarating sa paroroonan.” Hindi niya magawang ipagpatuloy ang pagbabasa dahil may dalawang mag-aaral na malalakas ang boses na umistorbo sa kanya. Wala siyang ibang nagawa kundi ang makinig sa kanilang pinag-uusapan gayong nasa tapat niya lamang ang dalawa. Ano sa tingin mo ang sagot? Ano sa tingin mo ang sagot?


“Plantsa!” Ba Ano ang say mo? kit sa tingin mo ito ang sagot sa tanong? Napangiti na lang ang dayuhan dahil sa halakhakan ng dalawang magaaral. Hanggang sa narinig niya ang salitang “SM” kung saan siya dapat ay huminto. Ginaya niya ang ibang bumababa na itinatapik ang barya sa bakal. Laking gulat ng drayber nang iabot sa kanya ang bayad ng dayuhan. Galit na galit siya habang nagpapaliwanag ang dayuhan. “Sorry, sorry Mister. I asked someone to interpret the “Barya lang po sa umaga” and somebody told me that it means a coin in the morning. It’s still morning, so, instead of giving you a hundred bill, I gave you a single penny.” Napakamot na lang ng ulo ang drayber. Nagustuhan mo ba ang kwento na iyong binasa? Alam ko na ngayon pa lang ay mayroon ka ng mga ideya tungkol sa bagay-bagay na ating pag-uusapan! Subalit, bago ‘yan, atin munang sukatin ang iyong naunawaan sa binasang akda. Sukdon Ta!


1. Ano ang pakay ng dayuhan kung bakit siya sumakay ng dyip? a. Gusto niya lang dahil trip niya ito. b. Upang makasalamuha ang ibang Pilipino. c. Sawang-sawa na siya sa buhay niya sa Amerika. d. Nais niyang tangkilikin ang kultura at tradisyon ng mga Pilipino. Bakit kaya napagalitan ng drayber ang dayuhan gayong nagbayad naman ito? 2. a. Dahil ayaw niya sa mga dayuhan. b. Dahil literal ang pagkaintindi ng dayuhan sa nabasang pahayag. Dahil mas lalong sumikip ang upuan nang pumasok siya sa loob ng dyip. c. Dahil sinisi niya ang dayuhan kung bakit lumiliit ang kanyang kita sa pagmamaneho. d. Ano ba ang nais ipahiwatig ng pahayag na “Barya lang po sa umaga”? 3. a. Bibigyan ng isang barya ang drayber bilang pambayad. b. Hindi nalang magbabayad kung walang barya sa umaga. Kung mayroon mang barya ay ito ang ibayad ngunit kailangang akma sa tamang halaga. c. d. Wala sa nabanggit Angkop lang na maglagay ng mga tugmaang maseselan o bastos sa loob ng dyip. 4. a. Oo, dahil paraan din ito upang ipakita ang ating kultura. b. Oo, dahil hindi naman ito binabasa ng mga pasahero. Hindi, dahil may mga batang sumasakay ng dyip at mangyari’y mabasa pa nila ito. c. Hindi, dahil wala namang drayber ang gustong maglagay ng mga ganito sa kanyang dyip. d. Anong mga ganap pa kaya sa loob ng dyip ang hindi naman kailangang gawin ng tao? 5. a. Ang magbasa-basa ng mga nakapaskil na pahayag. b. Ang makikipag-usap na hindi iniisip ang lakas ng boses. c. Ang magtanong sa katabi kung magkano ang pamasahe. d. Ang magtanong sa katabi kung saang lugar na sila dumako. Panuto: Unawaing maigi ang tanong at sagutin ito nang mahusay. Piliin lamang ang titik na may pinakawastong sagot.


Tugmaang de Gulong at Palaisipan Ang Tugmang de gulong ay mga paalala sa mga pasahero na maaari nating matagpuan sa mga pampublikong sasakyan, tulad ng jeepney, bus, at traysikel. Kadalasang pinapahawatig nito ang mga uri ng pasahero, katangian ng drayber, at mga pang-arawaraw na sitwasyon sa pagbibiyahe o pamamasada. Habang ang Palaisipan naman ay mga suliraning sinusubok ang talino ng lulutas nito. Hinahamon nito ang mga manlalaro na mag-isip upang masagutan ang mga enigma. Kahit ang simpleng sasakyan ay makikitaas ng daplis ng ating yaman. Bukod sa mga makinarya at materyales na katangi-tangi sa mga Pilipino, pinapaigting rin ng mga tugmaan ang kultura natin sa loob ng dyip. At dahil sa mahaba-habang biyahe, hindi maiwasang iilan ang makipag-usap sa kakilala o magkaroon man ng bagong kaibigan sa loob. Kabilang sa mga binibigyang pansin ay ang tugmaang de gulong at palaisipan. Ano ang ginagawa ng isang normal na tao kapag humihingi ng maiinom? Ano naman kaya ang paraan ng isang bulag kapag siya ay hihingi ng maiinom?


Pamalandong Ngayon naman ay pagnilay-nilayan natin ang mga katanungan sa ibaba upang matulungan tayong mas maintindihan ang ipinapahiwatig ng aralin o maging ang akdang sinuri natin kanina. Tandaan lamang na maging tapat sa pagbibigay ng iyong mga repleksyon. Ikatutuwa ko ang iyong pagiging aktibo sa ating talakayan! Handumanan sa Pagkat-on Ikaduhang Pamalandong (petsa) 1. Ano ang kahalagahan ng mga tugmang de gulong, palaisipan, at iba pang karunungang-bayan para sa Pilipino? 2. Pumili ng isang karunungang-bayan at mag-isip ng isang halimbawa. Ipahayag ang mga dahilan kung bakit nagustuhan mo ito.


Abalohan Ta! Malapit mo nang matapos ang bahaging ito! Kaunting pagsubok na lang upang malaman ko kung talagang natutuhan mo ang mga paksang dinaanan natin! Sundin lamang ang sinasabi ng panuto sa ibaba at sagutin ito nang tapat. Kaya mo ‘yan! Panuto: Sa iyong komunidad, tuklasin ang iba pang mga tugmang de gulong na nasa mga pampasaherong sasakyan, tulad ng jeep, traysikol, at iba pa. Maaaring kunan ito ng larawan o itala sa papel pagkatapos ay ilipat sa talahanayan sa ibaba. Ipaliwanag sa kasunod na hanay ang mga ipinapahiwatig nito. Tugmang de gulong Paliwanag


Pamantayan sa Pagmamarka Kalinawan sa pagpapaliwanag - 10 puntos Masinop at malinis na awtput - 5 puntos Lalim ng pag-unawa sa tula - 5 PAGBATI!


Sanggunian Template by: Cesar Agbu Units by: Shane Dedal Generalao, E. (2021). Filipino – Ikapitong Baitang Ikatlong Markahan: Modyul 1: Karunungang-Bayan (Unang Edisyon). Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI. https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/ang-tugmang-de-gulong


Sa ikatlong araw, bumuo ang Panginoon ng malalaking karagatan at tuyong lupa. Pinangalanan niya ang mga tubig na dagat at ang tuyong lupain na lupa. Ginawa niyang maganda ang lupain sa pamamagitan ng mga bulaklak, prutas, halaman, at puno. Inilahad ng ating Ama sa Langit ang plano ng kaligtasan sa langit. Lahat tayo ay naghiyawan sa galak! Makararating tayo sa lupa upang tumanggap ng pisikal na katawan. Habang nasa lupa, matututunan nating sundin ang Anak ng Diyos, ang Panginoong Jesucristo. Nilikha ng Panginoon ang mundo alinsunod sa mga tagubilin ng Diyos. Sa unang araw, inihiwalay ng Panginoon ang liwanag mula sa kadiliman. Tinawag Niya ang liwanag na araw at ang kadiliman na gabi. Sa ikalawang araw, hinati Niya ang mga tubig sa pagitan ng mga ulap sa langit at ang mga karagatan sa lupa. Sa ikaapat na araw, nilikha Niya ang araw na sumisikat sa buong maghapon. Pagkatapos ay nilikha Niya ang buwan at ang mga bituin upang tumanglaw sa gabi.


Sa ikalimang araw, nilikha ng Panginoon ang mga isda sa dagat at ang mga ibon sa langit. Binasbasan Niya ang mga nilalang upang magpakarami at binasbasan ang mga isda upang punuin ang mga tubig. Sa ikaanim na araw, lumikha Siya ng mga hayop sa lupain, ang ilan ay naglalakad at ang ilan naman ay gumagapang. Bumaba ang Ama sa Langit at ang Panginoon sa lupa noong ikaanim na araw. Ang lalaki at babae ay nilikha ayon sa sariling larawan ng Diyos. Sinabihan sila ng Ama sa Langit na pangalagaan ang isa’t isa at magkaroon ng mga anak. Pinagkatiwalaan din ang lalaki at babae na alagaan ang lupain at mga hayop. Masaya ang Ama sa Langit sa lahat ng Kaniyang nilikha. Sa ikapitong araw, nagpahinga Siya mula sa lahat ng Kaniyang gawain. Ang mundo ay maganda at puno ng buhay. Pamilyar ba sa inyo ang kuwento? Ito ang nagsisilbing kasaysayan ng mundo natin ngayon na tala mula sa Banal na Bibliya, sa libro ng Genesis. Hindi ba’t napakabuti ng aitng Panginoon? Nilikha Niya tayo sa Kanyang larawan upang pangalagaan ang mga bagay at ibang nilalang. Ang mundo nga nama’y nababalot ng misteryo. Lahat ng bagay, maging mga salita’y mayroong pinanggalingan. Subalit, alam mo ba na bago pa man tayo mahawaan ng Kristyanismo, mayroon nang kwentong nagsasaad sa pinagmulan ng ating mundo ayon sa mga katutubo natin sa Luzon? Ngayon, subukan nating tuklasin at intidihin ang mga kuwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay. Handa ka na ba?


Tan-awon ta! Panuto: Basahin ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang TAMA kung nagsasaad ito ng kawastuhan; MALI naman kung hindi. _____ 1. Sa kuwentong-bayan ng Maynila, ang tao (babae at lalake) ay nagmula sa nabiyak na kawayan ng haring ibon. _____ 2. Ang pahayag na “Ganda! Ubod ng ganda!” ay nagsasaad ng pag-asa. _____ 3. Ang pahayag na “Baka ito’y patibong!” ay nagsasaad ng pagtataka. _____ 4. Tanging ang awiting-bayan lamang ang panitikan na naglalaman ng paniniwala at kaugalian ng isang lipunan. _____ 5. Ang kwentong-bayan ay laganap na bago pa man dumating ang mga Espanyol. Nasagutan mo ba lahat? Alam ko kaya mo ‘yan eh! Palambuon Ta! Ngayon naman, upang maiwasan natin ang mga balakid sa ating pagbabasa ay mayroon muna tayong maikling gawain.


Simple lang! Basahin at unawain nang maigi ang mga halibawang pangungusap sa bawat bilang. Pansinin ang mga nakasalungguhit na salita. Hanapin sa ikalawang hanay ang kasingkahulugan nito. Kaya! Ang daigdig ay isang malaking kawalan. 1. Ang langit ay napapalamutihan ng mapuputing ulap. 2. Namukadkad at humalimuyak ang mga bulaklak. 3. Ang hari ng mga ibon ay lumipad at ginalugad ang papawirin. 4. Kaniyang binilisan ang paglipad at napaimbulog na pababa. 5. a. inimbestigahan b. dinidisenyo c. blangko d. bumubukas e. matuling lipad Kaplagan Ta! SI MALAKAS AT MAGANDA (KWENTONG-BAYAN NG MAYNILA) Bago nagsimula ang panahon, ang daigdig ay isang malaking kawalan. Ang tahanan ng Diyos ay di masukat na kalawakan. Naging malungkutin ang Diyos sapagkat wala Siyang makita at walang marinig. Ang araw ay sumisikat, maliwanag na parang ginto at ang langit ay napapalamutihan ng mapuputing ulap. Sa malayo ay nakasilip ang buwang kabilugan samantalang kukuti-kutitap ang libong mga bituin.


Iniangat ng Diyos ang Kanyang kanang kamay at ito’y itinuturong pababa. Sa isang iglap ay nalalang ang mundo. Ang mga luntiang kakahuyan ay sumibol, pati ang damo. Namukadkad at humalimuyak ang mga bulaklak. Ang mga dagat ay umalon, at ang mga ilog ay umagos. Nagliparan ang mga ibon sa himpapawid at nag-aawitan. Nabuo ng Diyos ang sanlibutan. Ito ay isang ginintuan at mahiwagang paraiso. Naniniwala ka bang nanatiling ginintuan at malaparaiso pa ang mundo ngayon? Ano ang say mo? Kung makakausap natin ang Diyos, ano kaya ang mensahe niya para sa mga tao? Ano ang say mo? Ganda! Ubod ng ganda! Isang araw, ang hari ng mga ibon ay lumipad at ginalugad ang papawirin. Pagkatapos ay ikinampay ang matipunong mga pakpak at napaimbulog na pababa sa kakahuyan. Mula sa malayo, kaniyang natanaw ang mataas na kawayang yumuyukod sa mahinhing paspas ng hangin. Kanyang binilisan ang paglipad at napaimbulog na pababa. Siya’y dumapo sa naturang kawayan upang magpahinga. Tok! Tok! Tok! Saan kaya sa nagmula ang katok? Ano ang say mo? Alam mo ba na ang salitang “katok/tok” ay isang onomatopeya sa tayutay ng Filipino? Hango ang mga salitang ito sa mga tunog na naririnig sa iyong kapaligiran. Ang salitang katok ay naririnig, hindi ba?


Nadama niya ang maririing katok na nagmumula sa loob ng kawayan. May tinig siyang narinig! “Palayain mo ako, oh, makapangyarihang hari ng mga ibon!” ang hinaing. “Tuktukin ng iyong tuka ang kawayang kinapapalooban ko. Hindi ako makahinga. Para itong karsel! Gustong-gusto ko nang makita kung ano ang nasa labas ng kawayang ito.” https://images.saatchiart.com/saatchi/17631 06/art/8462606/7526752-HSC00001-32.jpg “Baka ito’y patibong!” ang isip ng ibon. Mayamaya’y may butiking gumapang na paitaas sa kawayan. Ang ibong palibhasa’y gutom, ito’y tinuka ngunit hindi nahuli. Buong lakas na tinuktok uli ng ibon ang kawayan. Krak! Nabiyak ang kawayan. Isang makisig na lalaki ang lumabas. Napansin mo ba ang mga nakasalungguhit na salita at pahayag? Ano sa tingin mo ang kabuluhan nito? Galing! Sunog! Paano ba sila nagkakaibaiba? Mayroon tayong iba’t ibang paraan sa pagpapahayag ng ating emosyon. Isang nito ang paggamit ng padamdam na pangungusap na nagsasaad ng masidhing damdamin, gayundin ang mga pahayag na nagtatanong. Ang tandang padamdam at pananong ay ginamit bilang signal sa pagpapahayag ng masidhing damdamin. Gayundin ang bantas na tuldok. Paghanga: Ganda! Matindi! Galing! Pagkagulat: Sus! Grabe! Aba! Sobra! Takot: Inay! Huwag! Sunog! Lindol! Tuwa: Yehey! Salamat! Wow! Pag-asa: Harinawa. Sana nga. Pagtataka: Bakit? Talaga? Mayroon ding pangungusap na tiyakang nagpapadama ng damdamin ng nagsasalita. 1.Totoong galit na galit ako sa iyo. Ikaw ang dahilan ng aking kalungkutan. 2. Hindi maipaliwanag kung gaano ako kasaya! 3. 4.Naaawa ako sa mga biktima. 5.Pinapaiyak na naman ako ni lods. Pangungusap na nagpapahayag ng gusto at ayaw sa paraang nagpapahiwatig o hindi tuwirang inihayag ang damdamin. 1.Maganda palang maging pinuno. Baka abutin tayo ng hatinggabi sa handaan ni Amie. 2. May matutuluyan naman tayo sa Palawan. 3. 4. Wala naman po. Sa susunod na araw nalang tayo pupunta. 5.


Sukdon Ta! Paano sila nagkakatulad? Para mas lalo pang maintindihan ang kuwento, nais kong sagutin ninyo ang gawain sa ibaba. Gamit ang binasang akda, ihambing ito sa mga kuwento tungkol sa pagkalalang ng mundo na narinig mo na, o maaari mong gamitin ang binasa mo kanina mula sa Bibliya. Pun’an lamang ang hinihingi, at sundan ang pormat na ibaba. Paano sila nagkakaiba?


Dito naman, kailangan mong unawain at suriin ang mga pahayag sa bawat bilang. Pagkatapos ay piliin mula sa kahon ang pinakaangkop na damdamin/emosyong ipinapahiwatig. __________ 1. “Palayain mo ako.” __________ 2. Gustong-gusto ko nang makita kung ano ang nasa labas ng kawayang ito. __________ 3. Ganda! Ubod ng ganda! __________ 4. Hindi ako makahinga. __________ 5. Baka ito’y patibong! Paghanga Pagdurusa Pagtataka Pagnanais Takot Pagkagulat


Kwentong-Bayan Ang kwentong-bayan ay madalas na nagsasalaysay ng tradisyong Pilipino. Karamihan sa magiging paksa nito ay ang mga diyos at espiritu na siyang nagtatakda ng kapalaran ng tao. May mga kwento ka bang narinig mula sa iyong mga lolo at lola? Ito ang gustong-gusto nilang gawin habang inaayos nila ang buhok mo, habang pinaliliguan ka, o habang pinapatulog ka noong bata ka pa-- ang magkuwento. Napansin mo bang tungkol ang mga ito sa mga pangyayari sa lugar ninyo? Maging sa samahan ninyong magbabarkada ay palaging may baon na kuwento ang bawat-isa, hindi ba? Ang mga kwentong-bayan ay naglalarawan ng mga kaugalian, pananampalataya, at mga suliraning panlipunan ng panahong iyon. Kabilang sa mga genre na pumapailalim sa kwentong-bayan ay ang mga alamat, mito, epiko, at kahit ang mga awiting-bayan na nagsasaad din ng kwento. May kuwento ka bang gusto mong ibahagi?


Pamalandong Ngayon naman ay pagnilay-nilayan natin ang mga katanungan sa ibaba upang matulungan tayong mas maintindihan ang ipinapahiwatig ng paksa o maging ang akdang sinuri natin kanina. Tandaan lamang na maging tapat sa pagbibigay ng mga repleksyon. Ikatutuwa ko ang iyong pagiging aktibo sa ating talakayan! Handumanan sa Pagkat-on Ikatulo nga Pamalandong (petsa) 1. Paano mo mapapangalagaan ang mga kuwentong-bayan upang manatili pa itong buhay sa susunod na henerasyon? 2. Alin sa dalawang pagpapahayag ng damdamin/emosyon ang gusto mo: lantarang pagpapahayag o patagong mensahe? Bakit?


Abalohan Ta! Malapit mo nang matapos ang bahaging ito! Kaunting pagsubok na lang upang malaman ko kung talagang natutuhan mo ang mga paksang dinaanan natin! Sundin lamang ang sinasabi ng panuto sa ibaba at sagutin ito nang tapat. Kaya mo ‘yan! Panuto: DUGTUNGAN MO ang kwentong Si Malakas at Maganda gamit ang malikhaing pag-iisip. Ituring mong sarili bersyon, subalit huwag baguhin ang buong kuwento. Huwag ring kalimutan na maglagay ng dayalogo para sa pagpapahayag ng damdamin o emosyon. Pamantayan sa pagmamarka: Pagkamalikhain - 10 puntos Lalim ng pag-unawa - 10 puntos Bisa sa mambabasa - 5 puntos


Sanggunian Template by: Cesar Agbu Units by: Shane Dedal Ang Paglikha ng Mundo. (2022, January 1). https://www.churchofjesuschrist.org/study/manual/old-testament-stories2022/the-creation-of-the-earth?lang=tgl Kagawaran ng Edukasyon. (2021). PANITIKANG Rehiyonal: Kagamitan ng Mag-aaral (Unang Edisyon). FEP Printing Corporation.


Kakaunting porsyento pa lang ng ating mundo ang nagalugad ng mga tao. Kaya hindi maitatwang marami-rami pang mga bagay ang nanatiling misteryo o maysabulag. Subalit, may mga iilang kagila-gilalas na nilalang na wari’y lumilitaw sa lupa at nagpapakita sa mga tao. Marami nang kaso ng mga hindi karaniwang nilalang ang nagpapakita sa mga tao. Sa iba’t ibang lupain dito sa Pilipinas, maging sa mundo, mayroong mga kuwento ang ating ninuno tungkol sa mga pinaniniwalaan nilang diyos at diyosa, mga anito at pusong. Kabilang na rito ang mga nilalang na hindi normal ang anyo, hindi tulad ng mga karaniwang hayop na makikita natin sa paligid. Sa katunayan, marami na ring mga bali-balita o haka-haka ang lumalaganap sa bansa na may mga lugar kung saan matatagpuan ang mga aswang. Ang aswang ay pinaniniwalaang kumakain ng tao at hayop na kahawig ng wangis ng bampira. Karamihan sa mga nilalang na ito ay nagpapalit ng anyo; kaya tuwing gabi, sila ay nagiging aso, usa, baboy ramo, ahas, o maging malaking ibon. Mula sa isang website sa internet na nagsaliksik hinggil sa mga dili pangkaraniwang nilalang sa Pilipinas, ang Capiz, Visayas ay tahanan daw ng mga aswang. Subalit, wala namang ganap na ebidensya na may mga ganitong nilalang na naglilibot sa bayan, pero may mga kuwento-kuwento hinggil sa pinagmulan ng paniniwalang ito. Ito raw ay isang sakit na tinatawag na X-Linked Dystonia Parkinsonism (XDP) or Dystonia of Panay (Lubag). Bihira lamang ang mayroong kaso na tulad nito. Ang isang taong nadapuan ng ganitong sakit ay nagkikilos na parang aswang. Isa pang kuwento sa likod ng nilalang na ito ay ang pagpapanggap ni Teniente Gimo bilang aswang upang hindi makapasok ang tropa ng mga Hapones sa loob ng binabantayang bayan. Iba-iba man ang kuwento, hindi pa rin natin nasisiguro hanggang ngayon kung sila ba talaga ay gawa-gawa ng malikot na guni-guni ng mga tao, o sila’y nand’yan lang-- nagpapanggap na tao sa paligid. https://www.aswangproject.com/wpcontent/uploads/2015/04/Untitled-3381.jpg


Tan-awon ta! Palambuon Ta! Panuto: Gamit ang word association, ibigay ang mga salitang may kaugnayan sa mito. Mayroon ka bang nalalaman tungkol sa mito? Puwede mo bang alalahanin ang mga kuwentong mito na napakinggan mo sa iyong komunidad? Sa puntong ito, ating susukatin kung gaano na kayabong ang iyong talasalitaan upang hindi tayo mahirapan sa ating pagbabasa! MITO


Simple lang ang gagawin. Kailangan lagyan ng bilang isa (1) ang may mababang kasidhian, dalawa (2) kung medyo mabigat, at tatlo (3) naman kung pinakamabigat na ang salita. Halimbawa: pagkawala = 1 pagkasaid = 3 pagkaubos = 2 maganda = kaakit-akit = kabigha-bighani = poot = galit = suklam = umiiyak = lumuluha = nananaghoy = pighati = lumbay = lungkot = ngiti = tuwa = galak = Mahusay! Nagawa mong tapusin ito nang tama. Tiyak akong handa ka na sa bagong babasahin natin ngayong araw, hindi ba? Kaplagan Ta! Ang Hukuman ni Mariang Sinukuan (buod)


Noong unang panahon, nakatira si Sinukuan, ang hukom ng mga hayop sa isa sa mga kuweba sa Bundok Arayat. Nakatira siya dati sa isang lugar malapit sa bayan. Subalit dahil sa sobra ang tapang at lakas niya, nagsimula siyang kainggitan ng mga tao hanggang sa siya ay layuan. Dumating ang panahon na marami nang naging pagtatangka sa buhay niya. Bunga nito, isinuko niya ang lahat ng ari-arian at mga kaibigan niya sa bayan at nagpunta siya sa Bundok Arayat. Dito niya inilaan ang lahat ng kaniyang oras upang kaibiganin ang mga hayop. Hindi na mahirap para kay Sinukuan na makuha ang pagmamamahal ng mga hayop. May kapangyarihan siyang baguhin ang anyo niya sa kung ano man ang naisin niya. At palagi niyang ginagaya ang anyo ng hayop na nagpupunta sa kaniya. Hindi nagtagal, nalaman ng lahat ng mga hayop ang kapangyarihan, katalinuhan, at pagiging makatarungan ng kanilang mabait na kaibigan kaya siya ang ginawa nilang hukom. Kung makakaharap mo ngayon si Mariang Sinukuan, paano mo siya ilalarawan? Ano ba ang kanyang katangian at prinsipyo sa buhay? Ano ang say mo? Isang araw, sa hukuman ni Sinukuan, dumating ang isang ibon. Hiniling niya kay Sinukuan na parusahan ang palaka sapagkat napakaingay nito sa gabi kung kailan gusto na niyang matulog. Ipinatawag niya ang mapanggulong palaka at tinanong kung ano ang dahilan ng kaniyang masamang asal. Mapagkumbaba na sumagot ang palaka, “Umiiyak lang ako para humingi ng tulong dahil natatakot ako sa pagong na may dala-dalang bahay sa kaniyang likod. Baka ako malibing sa ilalim nito.” “Sapat na ’yang dahilan,”sabi ni Sinukuan. “Malaya ka na.” Sumunod na ipinatawag ang pagong sa hukuman ni Sinukuan. Pagdating niya, mapagkumbaba niyang sinagot ang tanong ng hukom. “Kagalanggalang na hukom, dala-dala ko ang aking bahay sapagkat natatakot ako sa


alitaptap. Naglalaro siya ng apoy at natatakot ako na baka masunog niya ang bahay ko. Hindi ba tama na protektahan ninuman ang bahay niya laban sa sunog?” “Napakagandang katwiran. Malaya ka na,” sabi ni Sinukuan. Sa parehong paraan, kinabukasan ay dinala sa hukuman ang alitaptap. Nang tanungin siya ng hukom kung bakit siya naglalaro ng apoy, mahina niyang sinabi, “Sapagkat wala akong ibang paraan para protektahan ang sarili ko laban sa matalim at matulis na punyal ng lamok.” Tila ito ay makatwirang sagot kaya napalaya rin ang alitaptap. Sa bandang huli, nagbigay rin ng paliwanag ang lamok. Ani niya’y gusto niyang maghiganti sa muntik na pagsipit sa kanya ni Alimango. Habang si alimango naman ay kung saan-saang kuweba nagsusuot. Gayunpaman, pinayuhan siyang masama ang gumanti kaya nilitis siya sa hukuman. Ilang mga panahon na ang nagsidaan at nakalaya na, sa wakas, si lamok. Subalit, hanggang ngayon, nililibot niya pa rin ang mga kuweba kung saan nagtatago si alimango para gantihan ito sa ginawa sa kanya. Kaya kung mayroon mang ugong ng kulisap ang maririnig ng iyong teynga, si lamok iyon na hinahanap pa rin ang hustisyang hindi naibigay sa kanya. Sa tingin mo, tama lang ba ang akmang paghihiganti ni lamok laban kay alimango? Kung ikaw si lamok, ano ba sa halip ang iyong gagawin, o tutulad ka rin ba sa kanya? Ano ang say mo? Napansin mo ba ang mga pahayag na sinalungguhitan sa kuwento? Kung wala pa ay balikan mo nang isang beses at suriin kung ano ang dahilan sa pagsalungguhit ng mga ito. “Nakuha niya ang kanyang gusto.” Maniniwala ka ba kung sasabihin kong nasa unahan ‘yan ng kuwento? Siguro magtataka ka kung paano, gayong may kulang naman para matukoy ito.


Ang Hukuman ni Mariang Sinukuan Tagpuan Banghay Tema Tauhan Resolusyon Sukdon Ta! Sa puntong ito, alamin natin kung naunawaan mo ang buong kuwento sa pamamagitan ng Pagsusuri sa Kayarian ng Kuwento. Pun’an mo lamang ang hinihingi ng bawat kahon. Simula ang tawag sa hudyat na pumupukaw ng interes ng mga mambabasa kung kaya’t kinakailangang epektibo ito. Maaaring simulan ito sa noon, una, sa simula pa lamang, at iba pa. Gitna naman ang hudyat na nagpapanatili ng interes ng mambabasa sa kawing-kawing na mga kaisipan. Maaaring gamitin ang samantala, saka, mayamaya, hanggang kasunod, walang ano-ano, at iba pa. Sa simula pa lamang, nakuha na niya ang kanyang gusto. Walang ano-ano, nakuha niya ang kanyang gusto. Wakas ang hudyat na indikasyon ng pinakahuling bahagi ng akda. Dito nakapaloob ang isahan at panlahat na mensahe. Maaaring gumamit ng: pagkatapos, sa huli, sa wakas, o iba pang panandang maghuhudyat ng makahuluugang pagtatapos. Sa huli, nakuha niya ang kanyang gusto.


Mitolohiya Ang mitolohiya ay palaging may mahalagang papel sa kultura at lipunan, na humuhubog sa ating pag-unawa sa mundo sa paligid natin. Nilalang ng Diyos ang mundo, maging ang mga nakapaloob dito-- tao, lupa, hayop, tubig, hangin, bundok, at iba pa. Subalit, lalang din ba Niya ang mga kagilagilalas na nilalang sa mundong ibabaw? Ito kaya ay kabilang sa kalikasan na hindi matanggap ng sangkatauhan? Bakit may kuwentong multo? Bakit may mga pag-uusap-usap tungkol sa diyos at diyosa? Bakit sinasabing may santelmo? Ang mitolohiya ay isang koleksyon ng mga mito at kwentong ito na nagsasabi sa atin tungkol sa mga paniniwala, pagpapahalaga, at ritwal ng isang kultura. Ang bawat kultura ay may sariling mitolohiya na ipinasa sa mga henerasyon sa pamamagitan ng oral na tradisyon. Ang mga kwentong ito ay pinag-aaralan at tinatangkilik pa rin hanggang ngayon para sa kanilang walang hanggang mga tema at aral.


Pamalandong Ngayon naman ay pagnilay-nilayan natin ang mga katanungan sa obaba upang matulungan tayong mas maintindihan ang ipinapahiwatig ng aralin o maging ang akdang sinuri natin kanina. Tandaan lamang na maging tapat sa pagbibigay ng mga repleksyon. Ikatutuwa ko ang iyong pagiging aktibo sa ating talakayan! Handumanan sa Pagkat-on Ikaupat nga Pamalandong (petsa) Ano ba ang maaaring kahahantungan ng isang taong nagkasala sa kanyang kapuwa? Kapag ikaw mismo, alam mong nagkasala ka, ano ba ang iyong inisyal na reaksyon o aksiyon tungkol dito? Itatanggi mo ba o aaminin ang nagawa? Ipaliwanag.


Abalohan Ta! Malapit mo nang matapos ang bahaging ito! Kaunting pagsubok na lang upang malaman ko kung talagang natutuhan mo ang mga paksang dinaanan natin! Sundin lamang ang sinasabi ng panuto sa ibaba at sagutin ito nang tapat. Kaya mo ‘yan! Panuto: Gumawa ng buod mula sa mitong “Ang Hukuman ni Mariang Sinukuan”. Ugaliing gamitin ang mga hudyat o panandang pamanahon upang matukoy ang tamang pagkakaayos ng mga kaisipan. Pamantayan sa pagmamarka: Kaangkupan ng mga kaganapan - 10 puntos Lalim ng pag-unawa sa kuwento- 10 puntos Wastong paggamit ng panandang pamanahon - 5 puntos


Kung ang kuwentong-bayan ay nagpapaliwanag sa pinagmulan ng mundo at tao, mayroon namang mga kuwento na nagsasaad ng mga pinagmulan ng bagay-bagay na makikita sa ating paligid. Ang Luzon ay napupuno ng mga kuwentong ito, kung kaya naging mayaman ang lugar sa mga katutubong panitikan. Kahit ang mismong butiki na makikita sa kisame ay may pinanggalingang kuwento. Tan-awon ta! Para masukat ko ang naimbak na kaalaman hinggil sa paksang bubuksan natin, basahin at suriing maigi ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang KOREK kung ito ay nagsasaad ng katotohanan, MALI naman kung hindi.


________ 1. Hindi kabilang ang alamat sa mga kuwentong-bayan. ________ 2. Walang anumang hayop ang magiging tauhan sa alamat dahil hindi sila nagpapakita ng kultura. ________ 3. Ang alamat ay sumasalamin sa kultura ng mga Pilipino, pati na rin sa kanilang mga paniniwala at tradisyon. ________ 4. Matulungin at mapagbigay ang mag-anak na Lakay-Lakay sa mga nangangailangan kaya binigyan sila ng kapangyarihang bantayan ang karagatan. ________ 5. Naging bato ang mag-anak dahil sa kanilang pagsamba sa Diyos ng karagatan. Sa tingin ko, marami pa tayong kailangang pagusapan tungkol sa aralin. Handa ka na bang tuklasin ang yamang pumapaloob dito? Kung ganoon, tara na! Palambuon Ta! Para maging handa tayo sa paglalakbay, kailangan muna nating masagutan ang mga pagsubok sa ibaba, at kunin ang mga salitang maaaring matagpuan sa loob ng kuwento. Ang bawat bilang ay may kaakibat na pinaghalohalong titik para mabuo ang isang salita. Isulat lamang sa isang pirasong papel ang wastong pagkakasunod ng mga titik. Suriin ang mga kahulugan upang masagutan ito nang maayos at madali!


Click to View FlipBook Version