The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.

Isang materyal sa paglinang sa kakayahan sa pag-unawa sa binasa para sa ikatlong markahan ng baitang 7 sa asignaturang Filipino.

Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by ..., 2024-04-14 10:00:53

SAKAT-ON: e-Pagbasa na Materyal

Isang materyal sa paglinang sa kakayahan sa pag-unawa sa binasa para sa ikatlong markahan ng baitang 7 sa asignaturang Filipino.

P I A G N B U Y T A N B A T L A M N A U L A Y M B P A K A M A K A N A H pnd. para itanggi o tanggihan ang pagpaparito png. ginagamit sa pangingisda png. masidhing kalungkutan png. napakasamâng pangyayari ; bagay o pangyayari na nagdudulot ng malubhang pinsala HANDA KA NA BA? TARA NA!


Kaplagan Ta! Sa hilagang-silangang bahagi ng Cagayan ay may dalawang batong hawig ng babae at lalaki. Tinawag nila itong Lakay-Lakay o matandang lalake at Baket-Baket o matandang babae. Sa di kalayuan ay may maliit na batang babae o Ubing-Ubing. Noong unang panahon, may mag-anak na naninirahan sa tabing-dagat. Sila’y nabubuhay sa pangingisda. Sa tuwing maraming nahuhuling isda ang lalaki ay nag- aalay sa kanilang Diyos bilang pasasalamat. Di nagtagal,namuhay sila nang maginhawa. Isang umagang maraming nahuli ang lalaki ay mingi ng tulong ang pulubi at ang babae ang nakaharap nito, siya’y pinagtabuyan din.Kinaumagahan ang lalaki ay nagtungo sa dagat upang mangisda. Maghapon siyang hinintay ng kaniyang asawa ngunit gabi na ay wala pa rin ito. Maagang-maaga’y tinungo ng mag-ina ang karagatan. Naghanap sila kung saan-saan ngunit sa di-kalayuan sa dagat ay may pigura ng isang taong yari sa bato. Nagmadali silang nilapitan ito sa pamamagitan ng bangka. Namukhaan nila ito dahil sa dala-dala nitong lambat. Sila’y nalumbay at nakadama ng galit ang babae at nakapagmura. Narinig ito ng Diyos ng Dagat at ginawa rin silang taong-bato. Ano ang iyong masasabi tungkol sa paglalarawan sa mga pulo? Ano sa tingin ninyo ang magiging takbo ng kuwento ngayong nalaman na ang kaligiran nito? Ano ang say mo? Ano ba dapat ang kailangang gawin tuwing may magmamakaawa para sa iyong tulong? Ano ang say mo? ANG ALAMAT NG LAKAY-LAKAY


Para sa iyo, nararapat ba ang parusang ibinigay ng Diyos sa mag-anak? Ano ang say mo? Sukdon Ta! Ngunit sa kabila nito binigyan ang nasabing pamilya ng Diyos ng kapangyarihan upang bantayan ang karagatan. At pinaniniwalaang ligtas sa kapahamakan ang mga manlalakbay sa dagat kapag di nila pinipintasan ang Lakay-Lakay. Dapat ding mag-alay para sa pamilyang bato. Panuto: Sabihin ang TAMA kung ang pahayag ay wasto sa kuwento; kung mali naman, patunayan kung ano ang tamang pahayag. Mahusay! Natapos mo rin ang pagbasa sa akda. Alam ko na mayroon kang mga natutunang aral mula rito. 1. Ang Lakay-Lakay ay nangangahulugang matandang lalaki. 2. Sinuman sa dalawang matatandang mag-asawa ay hindi tumulong sa pulubi. 3. Pinarusahan lamang ng Diyos ng Dagat ang mag-anak at iniwang maging bato sa tubig. 4. Dahil sa labis na pangingisda, sila ay pinarusahan ng Diyos ng Dagat. 5. Nasiyahan ang Diyos ng dagat sa pakikitungo ng mag-anak sa pulubi.


Alamat Sa malawak na saklaw ng kasaysayan, ang mga alamat ay ipinasa mula sa henerasyon hanggang henerasyon sa pamamagitan ng salaysay o pasalitang tradisyon. Kahit saan mang sulok ng Pilipinas, may isang likas na yaman na hindi mawawala. Ito ang naging daan para mas mapalaganap ang mga kuwento ng ating mga bayani, mga diyos at diyosa, at mga kaluluwa ng ating mga ninuno. Noong unang panahon, ang mga kwento ng mga alamat ay hindi isinulat sa mga libro, ngunit ito’y ibinahagi ng mga ninuno sa pamamagitan ng salita at mga awit. Etiolohikal ang alamat na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng mga anyong lupa, tubig, o pinagmulan ng mga hayop, halaman, at kung ano man ang mayroon sila ngayon. Di-etiolohikal naman kapag ito ay isang tiyak na uri ng alamat.


Pamalandong Ngayon naman ay pagnilay-nilayan natin ang mga katanungan sa ibaba upang matulungan tayong mas maintindihan ang ipinapahiwatig ng aralin o maging ang akdang sinuri natin kanina. Tandaan lamang na maging tapat sa pagbibigay ng mga repleksyon. Ikatutuwa ko ang iyong pagiging aktibo sa ating talakayan! Handumanan sa Pagkat-on Ikalima nga Pamalandong (petsa) Natutuhan ko na ang alamat ay ______________________. Ang mga aral na napulot ko mula sa kuwento ay __________________________, at magagamit ko ito sa pamamagitan ng______________________________________ ________________________________________.


Abalohan Ta! Malapit mo nang matapos ang bahaging ito! Kaunting pagsubok na lang upang malaman ko kung talagang natutuhan mo ang mga paksang dinaanan natin! Sundin lamang ang sinasabi ng panuto sa ibaba at sagutin ito nang tapat. Kaya mo ‘yan! Panuto: Ibuod ang binasang akda. Gawin ito nang maayos at magkakaugnay ang banghay sa pamamagitan ng storyladder. PAGBATI!


Sanggunian Template by: Cesar Agbu Units by: Shane Dedal https://www.sanaysay.ph/ano-ang-alamat/ https://www.scribd.com/presentation/489931198/LESSON-3-ANGALAMAT


Tan-awon ta! Panuto: Tukuyin ang mga hinihinging sagot mula sa bawat aytem. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot. 1. Ito ang uri ng sanaysay na may katangian na parang nakikipag-usap lamang. a. pormal na sanaysay b. di- pormal na sanaysay c. piksiyon d. di piksiyon 2. Anong pook ang binanggit sa sanaysay ni Abegail Joy Yuson Lee na tungkol sa daluyan ng saloobin o ang internet? a. Medina b. Mendoza c. Mendiola d. Maynila 3. Sino ang nagganyak sa may-akda na gawin ang pagpapahiwatig ng nararamdaman sa loob ng internet? a. kaibigan b. ina c. ama d. ang sarili 4. Ano ang dahilan ng pagkakampante ng may-akda tungkol sa pag-post sa internet? a. Dahil lahat ay may akses dito. b. Dahil hindi naman makabuluhan ang internet.


c. Dahil walang diskriminasyon sa internet. d. Dahil nasa internet ang kanyang mga kaibigan o kakilala nagtatambay. 5. Ito ang dalawang kaisipan na mapapansin sa loob ng isang sanaysay. Kalimitan dito ay magkaugnay. a. una at ikalawang kaisipan b. maikli at mahabang kaisipan c. mabuti at masamang kaisipan d. pangunahin at pantulong na kaisipan Magaling! Nasagutan mo nang wasto ang bawat bilang. Sigurado akong may imbak ka nang kaalaman para sa ating paksa ngayong araw. Kampante rin akong handa ka na para buksan ito, hindi ba? Nasasabik ka na ba? Tara na! Palambuon Ta! Sa puntong ito, tayo ay magkakaroon ng kakaibang gawain dahil tayo ay magkokompyut ng mga problema sa matematika upang ma decode natin ang dakilang salita para sa araw na ’to. Tinawag ko itong “MATH-TITIK”. Handa na ba?


Huwag kang mandaya! Mahusay! Nakuha mo ang hinahanap na salita. Ito ang INTERNET. Ano ba ang masasabi mo rito? Ikaw ba ay tagagamit din ng internet? Sa anong paraan mo ba ito ginagamit? Ano-ano ba ang mga magagandang dulot nito sa iyo bilang estudyante? Kaplagan Ta! Nang Maging Mendiola Ko ng Internet Dahil kay Mama ni Abegail Joy Yuson Lee (Ikalawang Gantimpala, Carlos Palanca Memorial Awards para sa Kabataan Sanaysay)


Binigyan tayo ng Diyos ng bibig para makapagsalita at utak para makapagisip. Iyan ang paulit-ulit na dayalogo sa akin ni Mama sa tuwing nalalaman niyang hindi nanaman akonagsalita upang ipagtanggol ang aking sarili. Ako kasi yaong tipo ng taong hindi nagsasabi ng tunay nanararamdaman at hinaing. Napag-isip-isip kong may punto naman siya doon. Tama naman talaga siya.ginagamit natin ang ating mga bibig para maisalita kung ano ang ating mga saloobin kaagapay ang utak upangiproseso ang mga napapansin at kapansin-pansing mga bagay-bagay na nangyari sa ating paligid. Ngunit, naisip ko, habang sinasabi na naman niya sa akin ang paborito niyang linya, paano naman kayaang mga piping hindi naisasalita ang kanilang mga saloobin? O kaya, ang mga taong katulad ko na nahihiya okung minsan ay natatakot isalita ang mga saloobin? Paano kaya nila sasabihin sa mga tao sa paligid nila angkanilang mga hinaing? Paano kaya nila maipararating ang kanilang mga nasasaisip. Paano kaya nilamaipagtatanggol ang kanilang mga sarili laban sa iba? Hindi naman sa lahat ng oras ay nariyan ang mgataong nakauunawa sa bawat pagkumpas ng kanilang mga kamay at pagbabago ng ekspresyon ng kanilangmga mukha o ang mga simpleng pananahimik nila sa sulok ng bahay. Nagtataka ako. Paano kaya nilasasabihin ang mga gusto nilang sabihin kung ipinagkait sa kanila ang kakayahan at karapatangmakapagsalita? Ano ang ibig sabihin ng pahayag na, “binigyan tayo ng Diyos ng bibig para makapagsalita at utak para makapag-isip”? Ano ang say mo?


Ang lahat naman ay magagawan ng paraan, ang motto nga ni Mama. Salamat sa internet! Ito ang nagsilbing tulay ko upang maipahayag sa aking mga kausap ang ilang mgabagay na hindi ko kayang maiparating nang tuwiran. Hindi ko man maisatinig palagi ang mga nais kongsabihin, maaari ko namang maisulat ang mga ito. gamit ito, naipaparating ko sa aking mga kaibigan ang akingkasalukuyang kalagayan, opinyon, pananaw at mungkahi ukol sa ilang mga isyung personal at panlipunan. Minsan nga ay nabasa ko ang ipinost ng isa kong kaibigan sa Facebook. Nanghihingi siya ng mgamungkahi sa kung anong magandang gawin ngayong bakasyon. Marami ang nagbigay ng kanilang mgaopinyon. May mga nagsabing magbabad na lamang sa pagfe-Facebook. May mga nagsabing maglaro nalamang daw sila ng mga computer games. Alam ko na mag-aaksaya lang sila ng panahon, pati na rin ngkuryente na nagbabadyang tumaas na naman ang halaga. Hindi ako sumang-ayon sa mga mungkahi nila. Sa una’y nag-aalinlangan akong magbigay ng opinyon pero nag-aalala ako na baka hindi nila magugustuhan angsasabihin ko o baka hindi maganda ang magiging reaksiyon ng mga makakapansin sa aking isusulat. Ngunit,maya-maya ay napagpasyahan ko na magbigay na rin ng aking opinyon. Naisip ko, wala namang masamakung susubukan kong magtipa ng mga nais kong sabihin. Iyon ang unang pagkakataong nagbigay ako ngopinyon maliban sa mga madalas kong iminumungkahi na ”hahaha,” ”tama,” at kung ano -anong mgapangkaraniwang ekspresyon. “Sulitin mo ang summer, kumain ka ng sorbetes o ’di kaya’y mag -swimming ka para ma-enjoy mo anginit ng panahon. Kung gusto mo’y pwede ka ring mag -exercise, magiging fit ka pa niyan. Sumulat ng blogstungkol sa iyong


sarili o ilang mga tula tungkol sa iyong mga nararamdaman ngayong taginit.” Iba-iba ang naging reaksyon ng mga nakapansin sa sinulat ko. Marami ang naglike ngunit may ilan-ilangding umalma. Gayunpaman, natuwa pa rin ako dahil marami ang nagsabing maganda ang mungkahi kong iyon. Kahit papaano’y naibahagi ko ang mga ideyang maaaring makatulong sa iba, hindi ba? Kaya simulanoon ay ganap nang natanggal ang mga pagaalinlangan kong magkomento o magpahayag ng aking mgaopinyon, pati ang mga nais kong sabihin ay madalas ko na ring ipinopost sa Facebook at Twitter. Ano kaya ang maaaring mangyari kung sakaling hindi sinunod ng may akda ang ipinayo sa kaniya? Ano ang say mo? Nakatulong ba sa may-akda ang payo na natanggap niya? Ipaliwanag. Ano ang say mo? Hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon sa pagsasalita, isa na naman iyan sa mga pahayag ni Mama. Ang pahayag na iyon ni Mama ang nagpapaalala sa akin kung bakit hindi ako nag-aalangang maghayagng aking saloobin sa internet sapagkat ito ay hindi namimili ng tao. Sa madaling salita walang diskriminasyongnagaganap sa mundong ito. Lahat ay puwedeng gumamit nito. Bukas kasi sa publiko. Walang pinipiling taonggagamit. Mapabata, estudyante, mangangalakal, guro, doktor, mga kawani ng gobyerno, mga tagapag-ulat, manunulat, mga lolo’t lola, maging ang mga may kapansanan – sinuman ay mamamangha sa dami ngpakinabang nito.


Siyempre, hindi magpapatalo ang mga kabataang tulad ko. Ito ngayon ang paraan ko at ng iba pangkabataan para ipaalam sa lahat ang reaksiyon, opinyon, at saloobin namin tungkol sa mga nangyayari saaming paligid – pamilya, pamayanan, lipunan, at mundo. Ang bawat titik na itinitipa namin sa kompyuter aymay mahalagang mensahe. Umaasa kami na mapapansin ang mga ipinopost naming mga blogs sa internet,na kahit sa mundo ng cyberspace ay puwede naming baguhin ang realidad, na maaari naming gawing tamaang ilang mga maling napapansin namin sa paligid, at hindi lang kami basta-basta nagpapalipas ng oras gamit ito. Alam kong mapatutunayan namin ito. Napag-isip-isip ko na kahit sa lipunan ay makatutulong kaming mga kabataan sa pamamagitan ng internet, hindi ba’t kami rin naman ang sinasabing kinabukasan ng ating bayan? Ang mga raliyista sa Mendiolaay nahihirapan na iparating ang kanilang mga hinaing sa pamahalaan. Nakapagsasalita man sila, hindi namansila pinakikinggan ng gobyerno. Nakatitiyak ako na gumagamit din ng internet ang pamahalaan at siguradongmababasa rin nila ang mga blogs na naka-post doon. Isa ako sa mga sumusuporta sa kanila kung alam kong tama ang ipinaglalaban nila. Lahat tayo’y umaasa na sa oras na mabasa ng may kapangyarihan ang mgareaksiyon at opinyon na inilalagay natin sa internet ay malalaman nila at babaguhin ang kanilang mgapagkakamali. Ang internet ang nagsisilbing Mendiola ko at naming mga kabataan ngayon. Ito na ang malayangkalsada na kung saan kami ay nagpapalitan ng iba’t iba naming reaksiyon at kuro-kuro sa mga maiinit na isyuat pangkasalukuyang kaganapan ng ating lipunan. Dito na namin ipino-post ang mga naglalakihan namingplakards ng reaksiyon at hinaing. Dito na namin ipinapakalat ang


mga nalilikha naming mga tula, sanaysay, atartikulong magbubukas ng isip sa kapwa kabataan namin. Hindi naman kasi totoong puro kompyuter at pagfe-Facebook na lang ang inaatupag ng lahat ng mga kabataan ngayon. Siguro nga’y napapansin na halos ‘di kami matinag sa harap ng kompyuter pero hindinaman sa lahat ng oras ay naglilibang lang kami. Dala na rin siguro ng modernisasyon kaya nakasanayan nanaming gumamit ng internet para maipahayag namin ang aming mga sarili – ang aming mga saloobin, mgapananaw, reaksiyon, at mga opinyon. Alam kong may pagkakatong hindi na rin namin makontrol ang amingmga sarili sa paggamit ng internet, at inaamin ko na nagkakamali kami, pero sana’y maunawaan ninyo na sa mga edad naming ito ay masyado kaming sensitibo, mausisa, at mapaglakbay sa totoong mundo at sa mundong cyberspace. Nais naming ilabas ang aming mga saloobin sa pamamagitan ng internet. Tuwing kinakausapako ni Mama noon ay nakikinig lamang ako sa kanya. Para akong piping hindi nagsasalita kapag tinatanongniya ako kung ano ang opinyon at pananaw ko sa isang bagay. Hindi ko alam kung nag-aalala ako na bakamali ang masasabi ko o natatakot ako sa magiging reaksiyon niya. Pero ngayon, panatag ko nang nailalahadang aking mga opinyon, pananaw, at mga nararamdaman kay Mama, at pati na rin sa mga taong malalapit saaking buhay. Para akong piping natutong magsalita. Salamat kay Mama sapagkat natuklasan kong magingMendiola ang internet na naging dahilan sa pagsasatinig at pagsasatitik ng aking mga saloobin. Malakingbagay na natuto akong ibahagi ang aking nararamdaman, ideya, at karanasan dahil alam kong makatutulongdin ang mga ito sa ibang tao. Ewan ko ba! Gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing naipahahayag ko angaking nararamdaman dito. Paano ipinahayag ng may-akda ang kanyang saloobin at damdamin? Ano ang say mo?


Sukdon Ta! Sa sanaysay, maaaring mabasa ang pangunahing kaisipan at pantulong na kaisipang kaugnay ng paksa. Pansinin ang halimbawang teksto: Maraming kabataan ang nahuhumaling sa paggamit ng internet. Iba’t ibang dahilan kung bakit sila na-eenganyo sa paggamit nito. Maaari kang makipagkaibigan gamit ang social media. Maaari ka ring maglaro online games. Makapagpapahayag ka rin ng damdamin at saloobin gamit ang iba’t ibang site. Ang pangungusap na sinalungguhit ay ang pangunahing kaisipan samantalang ang mga pangungusap na walang salungguhit ay ang mga pantulong na kaisipan na nagpapahayag kung bakit maraming kabataan ang nahuhumaling sa internet. Gamit ang mind map, pumili ng isa at ilagay sa gitna ang pangunahing kaisipan mula sa sanaysay na binasa. Pagktapos, iugnay ang mga sumusunod na pantulong na kaisipan upang mabuo ito nang maayos. Alam ko na kayang-kaya mo ‘yan!


SANAYSAY Ang sanaysay ay isang akdang tuluyan. Isinusulat ang sanaysay nang patalata. Karaniwang tumatalakay sa isang paksa o kaisipan na sadyang kapupulutan ng aral o aliw sa mambabasa, gayundin, naipapahayag ang sariling pananaw, kurokuro, opinyon at damdamin tungkol sa isang mahalagang isyu. Ang kabuuan ng sulatin, gaano man kahaba, ay iisa lamang ang paksa nito. Tinatawag itong ‘essay’ sa English na mayroon ding sistematikong paraan ng pagpapahayag ng mga pananaw o kalaaman. Karaniwang mayroon itong simula, katawan, at wakas na nagiging dahilan upang maging mabisa ang pagpapahayag ng damdamin ng sumusulat. Ang sanaysay na pormal o maanyo ay nagtataglay ng mahalagang kaisipan o kaalaman sa pmamagitan ng lohikal o makaagham na paglalahad ng impormasyon. Maingat ang pagpili ng salita. Samantala, ang impormal o pamilyar ay naglalahad ng kawiliwiling paksa tulad ng karanasan ng tao. Ang pananalita, tono, himig ng may-akda ay parang nakikipag-usap lamang.


Pamalandong Ngayon naman ay pagnilay-nilayan natin ang mga katanungan sa ibaba upang matulungan tayong mas maintindihan ang ipinapahiwatig ng aralin o maging ang akdang sinuri natin kanina. Tandaan lamang na maging tapat sa pagbibigay ng mga repleksyon. Ikatutuwa ko ang iyong pagiging aktibo sa ating talakayan! Handumanan sa Pagkat-on Ikaunom nga Pamalandong (petsa) Kailangan ba, lalong-lalo na sa Kabataan, ang maglaro ng cellphone/computer buong araw? Mayroon ba itong epekto sa kanilang sarili? Ano ang mga bagay na iyong napansin sa pagbabasa ng sanaysay tungkol sa karanasan ng isang tao sa internet?


Abalohan Ta! Malapit mo nang matapos ang bahaging ito! Kaunting pagsubok na lang upang malaman ko kung talagang natutuhan mo ang mga paksang dinaanan natin! Sundin lamang ang sinasabi ng panuto sa ibaba at sagutin ito nang tapat. Kaya mo ‘yan! Panuto: Gumawa ng buod mula sa binasang sanaysay gamit ang mga pangunahing ideya; ganoon pa man, maaaring sariling pag-unawa lang ang mailalagay bilang pantulong na impormasyon. Sundin lamang ang grap sa halimbawa: PAGBATI!


Sanggunian Template by: Cesar Agbu Units by: Shane Dedal Kagawaran ng Edukasyon. (2021). PANITIKANG Rehiyonal: Kagamitan ng Mag-aaral (Unang Edisyon). FEP Printing Corporation.


Tan-awon ta! Panuto: Tukuyin ang mga hinihinging sagot mula sa bawat aytem. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot. 1. Ito ay buod ng kaisipan o opinyon ng tao na ipinapabatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa harap ng mga tagapakinig. a. Sanaysay b. Maikling Kuwento c. Talumpati d. Biyograpiya 2. Siya ang sumulat ng talumpating “Ako Si Magiting”. a. Consolacion P. Conde b. Dr. Jose P. Rizal c. Maarcelo H. del Pilar d. Jose Palma 3. Ano ang panghalip na nasa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan ang binanggit sa hulihan ng pangungusap? a. anaporik b. kataporik c. modal d. Pamatlig 4. Ano ang panghalip na nasa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan ang binanggit sa unahan ng pangungusap? a. anaporik b. kataporik c. modal d. Pamatlig


Palambuon Ta! Bago tayo dadako sa aralin natin ngayon, mayroon akong pagsubok na ipapasagot sa iyo. Kapag nakuha mo ito, magkakaroon ka ng kaisipan hinggil sa matutuklasang paksa. Handa ka na ba? Mayroong apat na larawang ipapakita, at kailangang suriin ito nang husto hanggang sa matukoy ang hinihinging kasagutan. Kung ang sinagot mo ay TALUMPATI, pagbati sa iyo! Naniniwala ka bang may kakayahan ka sa pagsasalita sa harap ng maraming tao? Dahil kung ako ang iyong tatanungin, panatag akong kakayanin mo! Huwag nang palampasin ang pagkakataong ito.


Kaplagan Ta! Ako si Magiting Talumpati ni Consolacion P. Conde (Mula sa lungsod ng Quezon) Nangingit kayo, sapagkat naririto ako sa inyong harapan. Nagbubuka ako ng bibig at pilit kong pinalalaki ang aking maliit na tinig! Tunay, ako’y mumos pa lamang kung inyong pagmamasdan. Subalit ang aking puso ay singhugis at sinlaki na rin ng inyong dibdib. Pahat man ang aking diwa ay nakauulinig ang aking pandinig at nakakakita ang aking mga mata. Nadarama ko ang agay-ay ng hangin, ang init ng araw, ang pintig ng buhay. Nalalasahan ko ang linamnam ng ligaya at tamis ng tuwa. Nananamnam ko ang pait ng apdo at saklap ng dalamhati. Nahuhulo ko na rin ang ganda ng kabutihan at ang kapangitan ng kasamaan. Kahapon ay nasaksihan ko kung papaanong inaakay ng isang batang lalaki ang isang matandang ina. Sa kalaparan ng mataong lansangan ay tumawid sila. At ang matanda ay nailayo sa panganib at kamatayan. Aniko sa sarili, gayundin ang dapat kong gawin! Ngunit kanina, sa tindahan ng Intsik sa panulukan ay nanghilakbot ako sa aking nakita. Mga binatilyong kagaya ko, datapwa’t may hawak na bote ng alak at sa mga bulang kanilang nilalagok ay unit-unting sila’y nangawala sa kanilang sari-sarili. Maya-maya pa’y nagkaguluhan sa isa’t isa. Ang iba’y nangalugmok at nangahandusay. Ang iba’y sugatang nagsipagtakbuhan. O! Nakakasuklam na panoorin…Naibulong ko na lamang. A, hindi ko dapat


pamarisan sila. Katutunghay ko pa lamang sa pahayagang ngayon ay aking dala. Isang panawagan sa kabataan na magpatala upang ihanda ang kanilang sarili sa pagsasanggalang sa kalayaan ng bayan. Kaya naman, ako…akong nabibilang sa kabataan ay naririto ngayon at dumudulog sa inyo! Opo, ako…akong si Magiting ay naririto upang ilaan ang aking sarili sa paglilingkod sa lupang Tinubuan! Tungkol saan ba ang talumpating binasa? Ano ang mensaheng nais ipabatid ng talumpati? Ano ang say mo? Ano ang say mo? Napansin mo ba ang mga sinalungguhitang salita sa talumpati? Panghalip ang tawag sa mga ‘yon, subalit, may katawagan ang kanilang pagkakaayos. Isang panawagan sa kabataan na magpatala upang ihanda ang kanilang sarili sa pagsasanggalang sa kalayaan ng bayan. Ang panghalip na Anaporik ay nasa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalang binanggit sa unahan. ako…akong si Magiting ay naririto upang ilaan ang aking sarili sa paglilingkod sa lupang Tinubuan! Ang panghalip na Kataporik ay ginagamit sa unahan ng teksto o pahayag bilang pananda sa panalitang pangngalan sa hulihan ng teksto o pahayag.


Sukdon Ta! Suriin nang mabuti ang bawat pahayag, at isulat ang ANAPORIK kung ang panghalip ay nasa hulihan, at KATAPORIK naman kapag ang panghalip ay nasa unahan bago ang pangngalan. Wala akong duda na kakayanin mo ito! 1. Aniko sa sarili, gayundin ang dapat kong gawin. 2. Sa kapalaran ng mataong lansangan ay tumawid sila, at ang matanda ay nailayo sa panganib at kamatayan. 3. Isang panawagan sa Kabataan na magpatala upang ihanda ang kanilang sarili sa pagsasanggalang sa Kalayaan ng bayan. 4. Hindi nahabag ang mga kamag-aral niya dahil wala silang alam tungkol sa kaniya. 5. Sila ay nasiyahan kapag umiiyak ang kanilang kaklase kaya ipinagpatuloy ng mga kamag-aral niya ang panunukso sa kaniya.


TALUMPATI Anaporik at Kataporik Ang talumpati ay buod ng kaisipan o opinyon ng tao na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa harap ng mga tagapakinig. Ang social anxiety disorder (SAD) na kilalang social phobia ay isang matinding takot na mahusgahan, masabihan ng negatibo, ma-reject sa anomang performance o pagsasalita sa harap ng tao o klase. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri itong komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang mahalagang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Nagmula sa pormal na sanaysay ang talumpati. Ang talumpati ay bunga ng masining na pagbigkas. https://www.philstar.com/pang-masa/para-malibang/2017/12/10/1767248/social-anxietydisorder#:~:text=Ang%20social%20anxiety%20disorder%20(SAD,harap%20ng%20tao%20o%20klase. Subalit, hindi naman ikaw ‘yan alam ko. Kayang-kaya mong gawin ito dahil nabuhay tayo sa mundo na kailangang makihalubilo sa iba pang nilalang, lalo na sa kapwa tao. Ano ba ang kahulugan ng talumpati?


Pamalandong Ngayon naman ay pagnilay-nilayan natin ang mga katanungan sa ibaba upang matulungan tayong mas maintindihan ang ipinapahiwatig ng aralin o maging ang akdang sinuri natin kanina. Tandaan lamang na maging tapat ka sa pagbibigay ng mga repleksyon. Ikatutuwa ko ang iyong pagiging aktibo sa ating talakayan! Handumanan sa Pagkat-on Ikapito nga Pamalandong (petsa) Sa iyong sarili, ano kaya ang kahalagahan ng talumpati para sa mga tao? Sumulat ng ilang pangungusap na nagpapahayag kung ano ang iyong naintindihan sa talumpati.


Abalohan Ta! Malapit mo nang matapos ang bahaging ito! Kaunting pagsubok na lang upang malaman ko kung talagang natutuhan mo ang mga paksang dinaanan natin! Sundin lamang ang sinasabi ng panuto sa ibaba at sagutin ito nang tapat. Kaya mo ‘yan! Isang paraan sa pagtatanghal ng talumpati ay ang pagbabasa ng teksto. Kaya sa puntong ito, gumawa ng isa hanggang dalawang talata ng talumpati na pumapaksa tungkol sa “pagsisikap tungo sa pagtatagumpay”. Kunan ito ng bidyu at i-upload sa drive na nasa idinikit na link. PAGBATI!


Sanggunian Template by: Cesar Agbu Units by: Shane Dedal Kagawaran ng Edukasyon. (2021). PANITIKANG Rehiyonal: Kagamitan ng Mag-aaral (Unang Edisyon). FEP Printing Corporation.


Tan-awon ta! Panuto: Tukuyin ang mga hinihinging sagot mula sa bawat aytem. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot. 1. Isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng gumagalaw na larawana. a. Pelikula b. Dula c. Talumpati d. Pagsasadula 2. Tinatawag din itong pelikulang bakbakan. a. Drama film b. Action film c. Historical film d. Documentary film 3. Ano ang kabuohang katawagan sa mga kaisipan, kaugalian, tradisyon, at gawi ng isang lipunan? a. kultura b. paniniwala c. tarabaho d. Pagtuturo 4. Ginagamit bilang isang pangkalahatang katawagan para sa impormasyon tungkol sa nakaraan. a. Kamera b. Aklat c. Dokumento d. Kasaysayan


Palambuon Ta! Dahil papatapos na tayo sa markahang ito, mayroon akong isang kakayahan na gustong ipalabas mula sa kaibuturan ng iyong kawilihan. Kaya mo bang umarte? Alam kong kayang-kaya mo! Suriin ang mga emosyong ipinapakita ng mga larawan mula sa sikat na mga palabas ng sine o telebisyon, isadula ito gamit ang mga linyang ibibigay. Kunan ito ng bidyu at ipasa sa ididikit kong drive.


Kaplagan Ta! Pindutin mo ang link na ididikit ko sa ibaba ng larawan, suriin ang maikling pelikula gamit ang diagram sa ibaba: https://www.youtube.com/watch?v=5ZxFfZ3nLsQ&t=787s Ang sosyo-historikal na konteksto ay tumutukoy sa mga pangyayari sa nakaraan na may kinalaman sa kalagayang panlipunan na maaaring makaapekto sa kasalukuyan. Halimbawa: Tagpo Sosyo-historikal na konteksto


Sukdon Ta! Pagkatapos mapanood ang dulang pantelebisyon, kunin ang mga elemento nito gamit ang diagram sa ibaba. Wala akong duda na kakayanin mo ito! Pangunahing Tauhan at Katangian Tagpuan Kultura Tema at Aral


Pamalandong Ngayon naman ay pagnilay-nilayan natin ang mga katanungan sa ibaba upang matulungan tayong mas maintindihan ang ipinapahiwatig ng aralin o maging ang akdang sinuri natin kanina. Tandaan lamang na maging tapat sa pagbibigay ng mga repleksyon. Ikatutuwa ko ang iyong pagiging aktibo sa ating talakayan! Handumanan sa Pagkat-on Ikawalo nga Pamalandong (petsa) Mahalagang malaman ang kultura at panlipunang isyu mula sa palabas upang _______________________________. Ipaliwanag ang epekto ng isang palabas na walang bahid ng sosyohistorikal na konteksto, lalong-lalo na sa mga mag-aaral.


Abalohan Ta! Malapit mo nang matapos ang bahaging ito! Kaunting pagsubok na lang upang malaman ko kung talagang natutuhan mo ang mga paksang dinaanan natin! Sundin lamang ang sinasabi ng panuto sa ibaba at sagutin ito nang tapat. Kaya mo ‘yan! Panuto: Gamit ang talahanayan sa ibaba, pumili ng dalawang eksena mula sa napanood na maikling palabas at ipaliwanag ang sosyo-historikal na konteksto nito, o kung paano ito naiuugnay sa kultura at kasaysayan ng mga Pilipino. PAGBATI!


Sanggunian Template by: Cesar Agbu Units by: Shane Dedal https://www.scribd.com/presentation/642222064/Sosyo-historikal https://www.studocu.com/ph/document/president-ramon-magsaysay-stateuniversity/maed-filipino/fil-n3-quiz-wps-office/41254376


Click to View FlipBook Version