FILIPINO SA PILING LARANGAN FILIPINO SA PILING LARANGAN 12SSCI05 Kabuuang Antolohiya uuang Antolohiya
Table of Contents Alamat......................................... Ang Alamat ng Maskara................................................................................... Ang Alamat ng Salbabida................................................................................ Ang Alamat ng Sierra Madre........................................................................... Maikling Kuwento........................ ‘Di na Muling Didilat......................................................................................... Lunggati........................................................................................................... Notipikasyon..................................................................................................... Studyante......................................................................................................... Pabula......................................... O Ibon, Lumipad Ka!......................................................................................... Tuwid na Landas............................................................................................... Parabula...................................... Ang Kuwintas ng Dalaga.................................................................................. Ang Mariwasang si Ricardo at Ang Matulungin na si Piolo.............................. Paglaban sa Katotohanan................................................................................ Parabula ng Kambal na sina Jem at Jun........................................................... Sanaysay...................................... Ang Pag-unlad ng Lipunan sa Loob ng Tahanan............................................. Kalikasan: Mga Mandirigma Laban sa Pagbabago ng Klima at Polusyon........ Kawalang Kahulugan ng Buhay kung Walang Kamatayan................................ 1 3 8 11 14 16 20 23 29 32 34 47 50 52 56 59 63 66 68 71 74
Tula............................................. Alon.................................................................................................................. Ang Hirap Maging Mahirap.............................................................................. Buhay Tangkay: Takdang Santambak............................................................... Gabi-gabi........................................................................................................ Reporma sa Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas............................................... 77 80 83 85 87 89
1
Kahulugan ng Alamat Ang alamat ay nagmula sa salitang Latin na “legendus”, na ang kahulugan ay “upang mabasa”.Noong unang panahon, ang mga kwentong ito ay ipinapasa-pasa bilang oral na tradisyon at sinusulat lamang kapag naging popular na ito. Ito ay isang uri ng sulatin na naglalaman ng mga salaysay o kuwento na karaniwang nagmula sa sinaunang panahon. Ito ay naglalayong maglahad ng mga pambihirang pangyayari o kaganapan na nilikha ng mga sinaunang tao upang ipaliwanag ang mga natural na phenomenon, tradisyon, at pinagmulan ng mga bagay-bagay sa kanilang paligid. Sa pamamagitan ng mga tauhan, lugar at pangyayari sa alamat, nailalarawan ang mga saloobin at paniniwala ng sinaunang panahon. Ang alamat ay naglalaman ng mahihirap na pakikipagsapalaran, pagsubok, tagumpay at kabiguan, na naglalayong magbigay ng aral o moral sa nakikinig o nagbabasa. Tulad ng iba pang tradisyonal na kuwento, ang mga alamat ay nagbabago at umuunlad sa paglipas ng panahon at umangkop sa kultura at lipunan. Ang mga alamat ay madalas na naglalaman ng mali o hindi kumpletong mga kuwento, ngunit mayroon itong malaking impluwensya sa kultura at pag-unawa ng mga tao sa kanilang paligid. Kasama sa alamat ang mga kakaibang bagay tulad ng mga diyos o engkanto, mga espiritu, mga himala, at iba pang supernatural na puwersa. 2
3 Kisha Macalino Mariel Sumalabe
Sa isang mapayapa na bayan ng Ransad, naninirahan si Kara. Siya ay isang dalagang matulungin, mahinhin, at masipag. Mahal niya ang kaniyang bayan, at marami ang humahanga sa kaniya dahil sa kaniyang mala-perpektong buhay. Isang araw, habang siya ay nagdidilig ng kaniyang mga mahahalimuyak na bulaklak sa hardin, siya ay natapilok. Nakita ito ng kaniyang kaibigan na si Riel, na pinagmamasdan siya mula sa malayo. Siya ay kumaripas ng takbo upang suriin ang lagay ni Kara. “Nasaktan ka ba, Kara?” Aniya. Tumango at dahan-dahang ngumiti si Kara, tila ang araw ay nahiya at nagtago sa mga ulap. “Ayos lang ako. Maraming salamat Riel.” Sa bawat araw na lumipas, napapadalas ang tila paghihina ng katawan ng dalaga. Palagi na siyang natatapilok o nasasaktan. Untiunting napapansin ito ng mga tao sa paligid niya ngunit hindi nila ito pinatagal sa kanilang mga isipan, sapagkat ang natatanging damdamin na kaniyang pinapakita ay mapayapa at masaya. Lingid sa kanilang kaalaman, si Kara ay hindi ordinaryong tao. Noong siya ay isang paslit, isang diwatang puno ng poot sa kaniyang ina ay nagsumpa sa batang Kara. Simula noon, ang kaayusan at kapayapaan ng kaniyang bayan ay nakasalalay sa kaniyang pag-iisa. Sinumpa siya na dapat siya ay palaging masaya sa harap ng iba kahit hindi iyon ang tunay niyang nararamdaman. Upang malahad ang kaniyang tunay na damdamin, kinakailangan na walang makakatanaw sa kaniyang negatibong emosyon. Kung hindi, mawawala ang kapayapaan sa Ransad. Simula noon, kahit maliit pa lamang, hindi na umiyak si Kara sa harapan ng iba. Takot na siya na muling mawalan ng pamilya dahil sa kaniyang sumpa. "Napapagod na ako. Hindi ko na kaya", sabi ni Kara. Nahihirapan na siya sa pagbubuhat ng bigat sa kaniyang puso na dulot ng pagdadalamhati. Walang tigil ang pagragasa ng kaniyang mga luha. "Ayaw ko na manatili sa bahay. Humahapdi na ang aking mga mata" 4
Bulong niya sa kaniyang sarili. Huminga ng malalim si Kara at ipinikit ang kaniyang mga mata. Kinumbinsi niya ang kaniyang sarili na kahit pagod na siya, ito lamang ang paraan upang mapanatili ang kapayapaan sa kaniyang minamahal na bayan. "Kara! Lumabas ka!" Umalingawgaw ang boses ni Riel mula sa labas. Mabilis na ipinahid ni Kara ang kaniyang mga luha at ngumiti bago lumabas ng kaniyang bahay. "Bakit ka naparito, Riel?" Tanong ni Kara sa kaniyang kaibigan na nakatayo sa harap niya. Dumapo ang kaniyang paningin sa lalaking nakangiti sa likod ni Riel. Saglit na nagtagpo ang kanilang mga mata. "Kara, si Amon nga pala. Siya ay isa sa aking mga kaibigan na mahilig din tumulong. Narito siya para mapadali ang pag-aayos natin sa iyong hardin." Ani ni Riel, sabay sinenyasan ang binata na lumapit ng maayos. Si Amon ay kilala sa bayan dahil siya ay mahilig tumulong sa mga gawain. Siya rin ay interesado kay Kara dahil madalas na siya ang bukang-bibig ng mga tao sa bayan, kaya noong niyaya siya ni Riel na tumulong sa hardin ni Kara, hindi na nagdalawang isip si Amon na pumayag at sumama. Buong araw ang ginugol nila sa hardin. Naging abala ang tatlo sa kanilang mga gampanin. Si Kara ay nagdidilig at nagtatanim ng mga halaman. Si Riel naman ang nagbubunot ng mga ligaw na damo. Samantala, si Amon ang nagbubuhat ng mga paso. Hindi napansin ng dalawang magkaibigan na ang tingin ni Amon ay nakasunod sa bawat kilos ni Kara. Nagkataon na ang dalawang kilay ni Kara ay nagsalubong habang siya ay naglalakad papunta sa isang pasong tataniman niya. Nakita ito ni Amon at biglang may nabasag na paso mula sa malayo. Hindi niya alam kung paano iyon nabasag pero humingi si Amon ng pasensya kay Kara bago umalis at niligpit iyon. Sa isang oras na paghahardin, Ilang beses napansin ng binata na mukhang hindi naman masayahin si Kara, ito ay taliwas sa kaniyang mga naririnig kaya nagtaka si Amon. 5
“Hala! Umuulan nanaman!” Nagreklamo si Riel bago tumayo at pumunta sa silungan kasabay si Kara na mukhang natatawa lang. Sumunod si Amon at nagpaalam dahil kailangan niyang ipasok ang kaniyang mga sinampay. Naririnig din ang pagkakagulo ng ibang mga tao sa bayan dahil sa lakas ng ulan. “Bukas nalang natin ito ituloy. Maraming salamat sa tulong!” Ngiti ni Kara. Sa huli, inisip na lamang ni Amon na baka malalim lang ang iniisip ni Kara, kaya hindi na niya ito pinag-isipan masyado. Hindi niya na rin napansin na ang mga nasirang paso, mga sigaw mula sa kapit-bahay, at ang biglang pagbuhos ng malakas na ulan ay konektado kay Kara. Kinabukasan, ang tatlo ay bumalik sa hardin at ipinagpatuloy ang mga trabaho. Hindi maiwasan ni Amon na ipagpatuloy ang pagsisiyasat kay Kara. Ang laki ng ngiti ng dalaga ngunit hindi makita ni Amon ang saya sa kaniyang mga mata. Naisip niya rin na ilang beses nang nasaktan ang dalaga ngayon. Nasugatan siya sa kaniyang hawak na gunting at nauntog sa mababang bagay ng dalawang beses. Natigil ang kaniyang pag-iisip ng biglang natapilok si Kara at ang tuhod niya ay dumugo. “Nanghihina ka ata ngayon, Kara.” Sambit ni Amon ng may pag-aalala sa kaniyang bagong kaibigan. Tumakbo si Riel papunta kay Kara at nilabas ang panyo mula sa kaniyang bulsa. Narinig ni Riel ang sinabi ni Amon. “Natural na ganiyan si Kara. Madalas ko na siyang nakikita na nasasaktan. Hindi alam ni Kara ang salitang pag-iingat”. Tumawa si Kara sa puna ng kaibigan. “Ayos lang ako. Huwag kayo mag-alala. Malayo ito sa bituka.” Kindat ni Kara at ngumiti muli. Nagmamadaling umalis si Riel pagkatapos ng kalahating oras dahil may nakalimutan siyang gawin na bilin ng kaniyang nanay. Ngunit, bago umalis ay nagbigay siya ng halaman na gamot kay Amon at nagbilin na iyon ay para sa sugat ni Kara. Tumango si Amon at nilagay ito sa kaniyang bulsa. 6
Bandang hapon na ng natapos si Amon at Kara sa paghahardin. Nagpaalam ang dalawa sa isa’t-isa at naghiwalay. Pauwi na si Amon nang napansin niya na nakaligtaan niya ibigay kay Kara ang gamot na binigay sa kaniya ni Riel, kaya muling bumalik si Amon sa tahanan ni Kara. Siya ay kumatok ngunit walang sumagot ng pinto. Kaya sinubukan niyang sumilip sa bintana upang makita kung nasa loob si Kara. Nagkataon na nakita niyang humahagulgol si Kara. Biglang bumuhos na naman ang malakas na ulan pero hindi inalintana ni Amon. Patuloy niyang tinitigan si Kara na umiiyak. Napaisip rin siya kung ibibigay niya pa ang gamot ngunit napagtanto niya na mas makabubuti kay Kara ang mapag-isa. 7
Alamatng SalbabidaSalbabidaNayle Nicolie Dungca Marie Jo Sangalang 8
9 Isang araw, isinilang sa lugar ang isang batang nagngangalang Solomon. Si Solomon ay lumaking masipag, mabait, at matulungin kaya naman halos lahat ng kapitbahay ay tuwang-tuwa sa kaniya. Sa unang beses, nasaksihan ni Solomon ang pagsalanta ng bagyo at siya’y natakot, “Inay! Itay! Tumataas na po ang tubig.” “Huwag kang matakot anak, halika’t kumapit ka lang sa akin at huwag kang hihiwalay sa amin ng iyong tatay at mga kapatid,” wika ng Ina. Sa taas ng tubig, magkakasamang lumikas ang mag-anak sa itaas ng kanilang bahay at doon nagpalipas ng gabi. Nakaligtas ang pamilya ni Solomon sa baha, ngunit sa kasamaang-palad ay may ilang mga bata at matatanda sa kanilang pamayanan ang binawian ng buhay. Simula nang masaksihan niya ang nakamamatay na kalamidad, ipinangako ni Solomon sa kaniyang sarili na gagawa siya ng isang bagay na makapagliligtas sa mga tao tuwing darating ang malakas na bagyo. Matapos ang kalamidad ay humupa na ang tubig, lumutang ang mga puno, sirang kahoy, goma, mga tanim, at iba pa. Nakaisip si Solomon ng ideya, kaya naman kinuha niya ang lahat ng goma, lumikha ng isang hugis bilog, at saka hinanginan ang loob upang lumutang sa tubig. Tinawag niya itong “salbabida”, “Ito ang magiging bida sa pagsalba ng mga tao! Simula ngayon, wala ng mamamatay kapag bumagyo at bumaha,” masayang sabi ni Solomon. Nang subukan niya ang nilikhang salbabida ay gumana ito, kaya naman gumawa pa siya nang marami upang ipamigay sa mga taong nangangailangan. Bumalik sa normal ang kanilang pamumuhay, at patuloy pa rin ang pagtulong ni Solomon sa kaniyang pamilya at iba pang mga tao sa komunidad. Sumusuporta rin siya sa paggawa ng mga bangka, paghahabi ng lambat, pangangaso, at pagtatanim. Tunay na napakabait at maaasahan siya sa lahat ng bagay.
10 Ngunit, hindi pa lumilipas ang tatlong buwan ay may nagbabadya na namang trahedya. Sa hindi inaasahang panahon, dumating muli ang isang napakalakas na bagyo. Sa pagkakataong ito, ginamit na ng mga tao ang salbabida, dahilan para makalikas sila nang ligtas. Habang tinutulungan ni Solomon iabot ang mga salbabida sa kaniyang mga magulang at mga kapatid, walang ano-ano’y biglang tinangay si Solomon ng malakas na alon na naging sanhi ng kaniyang malupit na kamatayan. Nailigtas man ni Solomon ang kaniyang pamilya at buong komunidad, buhay niya naman ang naging kabayaran sa kaniyang kabaitan at kabayanihan. Labis ang kalungkutan at pighati ng mga magulang at mga taong natulungan niya. Magmula noon, habambuhay na nilang inaalala ang kabayanihang ginawa ni Solomon dahil sa dami ng buhay na nailigtas ng likha niyang salbabida. Walang duda, siya ang tunay na bida sa pagsalba. Wakas.
Alamat ng Sierra Madre at Batane Al s amat ng Sierra Madre at Batanes Princess Sophia Golez Cait Lyn Ann Santos 11
Noong unang panahon, may dalawang magkaibigan na nagngangalang Sierra at Batan. Mahilig silang pumunta sa isang mataas na lupain. Si Sierra ay masayahin at mapagmahal, habang si Batan naman ay isang matatag at malaking lalaki. Matagal nang may lihim na pagtingin si Batan kay Sierra kaya naman hindi niya mapigilang pagmasdan at mabighani sa kagandahan nito. Lingid sa kaniyang kaalaman, matagal na rin siyang nais ni Sierra. Hanggang sa isang araw, hindi na napigilan ni Batan at tinapat na niya si Sierra. Nagkausap ang dalawa at habang tumatagal ang panahon sila ay nagkaroon ng malalim na nararamdaman para sa isa’t isa. Kalaunan, sila ay naging mag nobyo at nobya. Habang sila ay naglalakad, napansin ni Sierra na tila may bumabagabag kay Batan. Tinanong niya ito kung ano ang dahilan sa pagkabalisa. Sinabi ni Batan na mayroon siyang isang malaking hiling na hindi niya alam kung paano matutupad. "Sierra, ako ay nagnanais na magkaroon ng isang magandang komunidad na magiging tahanan ng ating pamilya, ngunit hindi ko alam kung paano ko ito matutupad.” Ani niya. Napagtanto ni Sierra ang nais nito. Kaya ito ay sinabi niya kay Batan, "Huwag kang magalala, mahal ko! Ako ang bahala. Gagawa ako ng paraan at tutulungan kita upang matupad ang ating pangarap.” Nagtulungan sina Sierra at Batan upang mabuo ang kanilang pinapangarap na isang komunidad. Sa tulong ni Sierra, nagkaroon ng malakas na ulan. Ang ulan na ito ay tumagal ng ilang araw at nagdala ng malalaking bato at buhangin mula sa kaniyang ilalim patungong dagat. Ipinagpatuloy ito ng kapaligiran upang mapagpatuloy ni Batan ang paglikha ng tamang lupa sa magiging tahanan ng mga taong matapat at mapagmahal sa kalikasan. Nang matapos ang malakas na ulan, nagkaroon ng malawak na lupa. Ang lugar na ito ay pinaganda ng ilog at dagat na binigyan ng buhay ni Sierra. Doon, bumuo sina Sierra at Batan ng isang magandang komunidad na titirihan din ng kanilang mabubuong pamilya at pinangalanan nila itong Batanes. Sila ay naninirahan ng masaya at nag-aalaga sa mga likas na yaman ng kanilang lugar. Isang taon ang lumipas sila ay nagkaroon ng dalawang anak na si Marina at Zera. Masayang namumuhay ang pamilya nina Sierra at Batan ng sila ay 12
pinsalain ng isang malaking alon na nagngangalang Nami na matagal na rin may pagtingin kay Batan. Ito ay kanilang matalik na kaibigan, na matagal na nilang hindi nakasama. Sinubukan protektahan ni Batan ang kaniyang pamilya, nilabanan niya ito, ngunit sa kasamaang palad, ay hindi niya ito kinaya at siya ay pumanaw. Matapos ang nangyari sa pamilya ni Sierra napagdesisyunan niyang umalis sa Batanes. Isinama niya ang kaniyang mga anak at nagpakalayolayo. Nais ni Sierra na magsimula muli sa kanilang buhay. Nais niyang bigyan ng maayos na tirahan at buhay ang kanilang mga anak ni Batan. Sinamahan siya ng kaniyang mga anak upang tuparin ito. Habang naglalakbay, nakakita sila ng isang bundok na tila nagpaalala sa kaniyang asawa. Napagdesisyunan ni Sierra na doon na sila manirahan ng kaniyang pamilya. Ibinuhos ni Sierra ang kaniyang lakas upang mabigyan ng buhay ang lugar na ito. Nagpadala siya ng malakas na hangin at nagdala ng kahanga-hangang mga halaman at puno mula sa malalayong lugar. Nagpatuloy ito sa mga sumunod na araw, linggo at buwan hanggang nabuo ang isang makapal at magandang bundok na nagsilbing tahanan ng mga taong matatag at puspos ang pagmamahal sa kalikasan. Sa kabila ng lahat ay labis pa din ang lungkot at galit na nararamdaman ni Sierra sa sinapit ng asawa na si Batan, ipinangako niya sa kaniyang sarili na ipaghihiganti niya ang kaniyang asawa. Dumating ang araw na binalikan siya ni Nami at kung ano-anong masamang salita ang sinasabi nito tungkol kay Batan na mas lalong ikinagalit ni Sierra. Hindi na niya napigilan at sinugod niya si Nami. Unang sumuko si Nami dahil nakita niyang nanghihina na si Sierra. Noong matapos ang kanilang pagtatalo nakita ng kaniyang mga anak ang nangyari at nilapitan ang kanilang ina. Bago mawalan ng buhay ay nangako si Sierra na poprotektahan niya ang kaniyang mga anak hanggang sa kaniyang huling hininga. Bilang pagalala sa kanilang ina, ang lugar na kasalukuyang tinitirahan nila at kung saan nawalan ng buhay si Sierra ay pinangalanang Sierra Madre. Sa pamamagitan ng mga masasayang ala-ala nina Sierra at Batan, sa kanilang mga pangarap at pagpupursigi na mapaganda ang kanilang paligid at kalikasan nabuo ang Batanes at Sierra Madre. 13
14
Kahulugan ng Maikling Kwento: 15 Ang maikling kwento ay isang malikhaing akda na may layuning magsalaysay ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahin o ilang tauhan. Ayon kay Edgar Allan Poe, ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guni guni at bungang isip na hango mula sa tunay na pangyayari. Mayroong pitong elemento ng maikling kwento; Panimula, kung saan ipinakilala ng manunulat ang mga tauhan sa kwento. Saglit na kasiglahan, kung saan inilalahad ang pagtatagpo ng mga tauhan. Suliranin, sa bahaging ito matatagpuan ang problema na kinakaharap ng tauhan. Tunggalian, ito ang pagtukoy sa uri ng suliranin na kinakaharap ng tauhan, maaring ito ay tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, at tao laban sa kapaligiran. Kasukdulan, kung saan nangyayari ang kapanapanabik na pangyayari sa kwento. Kakalasan, kung saan unti unting nababa ang takbo ng kwento. At panghuli, Wakas, kung saan matatagpuan ang resolusyon o pagtatapos ng kwento. Bukod sa ito rin ay sumasalamin sa ating paniniwala at damdamin, ang maikling kwento ay isa ring epektibong tulay upang higit na mapaunlad ang ating kathang-isip at makapag batid ng mensahe na naglalaman ng isang aral tungkol sa ating kultura, kasaysayan, o pansariling buhay.
‘Di na Muling Didilat 16
Ang mga OFW o Overseas Filipino Workers ay tinagurian na mga bagong bayani sapagkat handa silang iwanan ang pamilya at isakripisyo ang buhay na nakagisnan sa Pilipinas upang makipagsapalaran sa ibang bansa. Mahirap man para kay Estela ngunit sinubok niya ang pagiging OFW at isinakripisyo ang buhay na kapiling ang anak sa Pilipinas. Alam niya na mahihirapan siya ngunit ginawa niya ito dahil sa pagmamahal sa anak, sa kadahilanan na gusto niyang mabigyan ito ng magandang buhay. Si Estela ay isang ina na wala ng asawa sapagkat iniwan siya nito, kung kaya't mag-isa niyang pinalaki ang kaniyang anak. Dahil sa hirap ng buhay, napagdesisyunan niya na lumipad papuntang ibang bansa upang magtrabaho at iwan ang kaniyang apat-na-taong-gulang na anak na lalaki sa kamay ng kaniyang kamag-anak. Mabilis na lumipas ang panahon at pitong-taong-gulang na ang anak ni Estela at tatlong taon na siyang nagtatrabaho sa Saudi Arabia bilang isang kasambahay ng isang mayamang pamilya. Sa loob ng lumipas na tatlong taon, hindi pa nakakauwi si Estela sa Pilipinas at ang kaniyang tanging paraan ng komunikasyon sa anak ay sa pamamagitan ng video call sa telepono. Labis man siyang nahihirapan sa kanilang sitwasyon dahil pangungulila niya sa kaniyang anak, tiniis niya ito sapagkat alam niya na sa ganitong paraan lamang niya naibibigay ang lahat ng gusto ng anak niya. Laging pagod na pagod si Estela sa trabaho ngunit nawawala ang lahat ng pagod na nararamdaman niya kapag naririnig at nakakausap na niya ang kaniyang anak sa telepono. Masaya siya tuwing nakikita ang ngiti nito habang kausap siya. Ang anak na lamang niya ang pinagkukunan niya ng lakas. Pagkatapos niyang kausapin ang anak, kinausap naman niya ang kaniyang kamag-anak kung saan ini-kwento nito ang mga pangyayari sa buhay ng anak niya. Lubos na nagpapasalamat na lamang si Estela sa kaniyang kamag-anak dahil tutok ito sa pag-alaga sa kaniyang anak at ito rin ang nagpupuno ng kakulangan niya bilang isang ina. 17
Isang araw, pagkatapos ihatid sa eskwelahan ang kaniyang mga alaga, pinatawag si Estela ng kaniyang amo at naglapag ito ng mga salita na lubos na nagpasaya sa puso niya. Sa wakas, pagkalipas ng tatlong taon, pinayagan na rin siyang umuwi sa Pilipinas ng kaniyang amo. Dahil sa kasabikan na nararamdaman, agad-agad na tinawagan ni Estela ang kaniyang kamag-anak at anak upang sabihin ang magandang balita ngunit nawala ang ngiti sa kaniyang labi nang hindi agad sumagot ang mga ito. Naghintay siya ng ilang oras pa at hindi pa rin sumasagot ang mga ito. Lumipas ang isang araw at doon lang nakasagot ang kaniyang kamag-anak na labis niyang ipinagtaka. Kaya’t nagtanong siya rito kung anong nangyari, ngunit sabi naman ng kamag-anak ay wala naman raw kaya hindi na lang pinansin ni Estela ang nangyari. Lumipas pa ang mga araw at naghahanda na si Estela sa pag-uwi niya sa Pilipinas sa susunod na buwan nang may mapansin siyang kakaiba tuwing kausap ang kaniyang anak. Tila namamayat ito at parang laging matamlay ngunit tuwing tinatanong niya ito ay wala naman itong sagot. Dumating na ang araw na pinakahihintay ni Estela, ang araw nang pag-uwi niya sa Pilipinas. Labis siyang nananabik dahil makakapiling na niya ulit ang kaniyang anak kaya pagtapak na pagtapak pa lamang ng kaniyang paa sa bahay nila, naluha na siya at niyakap ito ng mahigpit. Sa kaniyang pananatili sa Pinas, ibinibigay niya ang lahat ng bagay na gusto ng kaniyang anak tulad na lamang ng laruan at mga damit. Namasyal din sila sa iba’t ibang lugar. Hindi lamang mga materyales na bagay ang ibinigay niya dahil pinuno niya rin ito ng pagmamahal. Ibinigay niya sa anak niya lahat ng kaniyang pagkukulang sa loob ng tatlong taon na wala siya. Ang mga araw na kasama ang anak niya ay ang mga araw na pinakamasaya para sa kanya. Ngunit imahinasyon lamang niya ang mga pangyayari na iyon. Dahil sa totoong buhay, nakauwi nga si Estela sa Pinas pero hindi niya nakapiling na buhay ang kaniyang anak. Hindi pa oras ng uwi ni Estela sa Pilipinas nang nakatanggap siya ng 18
mensahe galing sa mga pulis na nagpagimbal sa buong buhay niya. Patay na ang anak niya. Para siyang sinaksak ng paulit-ulit noong narinig ang mga salita na iyon. Umuwi siya ng Pilipinas at dito niya nalaman ang mga impormasyon na nagpagulantang sa kanya. Matagal na raw pala na minamaltrato ng kaniyang kamag-anak ang anak niya. Nagpapanggap lamang ito na inaalagaan ang anak niya upang makuha ang mga pera na ipinapadala niya. Hindi nagsusumbong ang anak niya sa kanya sa kadahilanan na tinatakot ito nang kaniyang kamag-anak. Sinabi rin ng mga pulis ang kadahilanan ng pagkamatay ng anak niya. Namatay ang anak niya dahil hinampas ng kamag-anak niya ang ulo nito sa pader dahil sa nadaramang stress dahil sa malaking utang na kinakaharap nito. Gumuho ang mundo niya sa mga nalaman at labis-labis na emosyon ang kaniyang naramdaman. Nakulong ang kamag-anak niya dahil sa nangyari pero hindi pa rin ito sapat para sa kanya. Punong-puno ng pagsisisi si Estela. Pangarap niyang maibigay ang lahat sa anak niya, ngunit hindi na posible na magawa pa niya ito. Hindi man lang siya nakabawi sa tatlong taon na wala siya sa tabi ng kaniyang anak. Napapaisip siya kung ano ang mga posibleng mangyari kung hindi siya umalis ng bansa. Naaalagaan niya ang anak ng iba sa ibang bansa, ngunit hindi niya namamalayan na anak na pala niya ang nawawala. Dahil hindi matanggap ni Estela ang pagkamatay ng kaniyang anak, nagkaroon siya ng depresyon at isang uri ng sakit sa isipan na tinatawag na ‘maladaptive daydreaming,’ kung saan namumuhay na lang siya sa imahinasyon niya. Binubuo ng kaniyang mga imahinasyon ang mga pangarap niyang gawin kung buhay pa ang anak niya, tulad ng pagbibigay ng mga laruan na gusto ng anak at pagpapasyal sa iba't ibang lugar kung saan sila masaya at nagkakasama. 19
20
Sa isang maliit na paaralan sa lungsod, may magkaklase na naglalaro ng basketball tuwing recess. Sila ay sina Jd, Pat, Rick, at Vin. Lahat sila ay mahuhusay sa larangan ng basketball at madalas na naglalaban-laban sa court. Ngunit sa kabila ng kanilang pagiging magkakaibigan at kasama sa iisang klase, mayroon silang pagkakaiba-iba sa kanilang mga pangarap at layunin sa buhay. Si Pat ay isang matagumpay na mag-aaral at may pangarap na makapag-aral sa isang magandang unibersidad. Si Jd, sa kabilang banda, ay may pangarap na maging isang propesyonal na manlalaro ng basketball. Si Rick ay nais magtrabaho sa isang NGO at tumulong sa mga nangangailangan. Samantalang si Vin ay mayroong pangarap na maging isang sikat na artista. Sa araw-araw na paglalaro ng basketball, laging mayroong nagwawagi at mayroong natatalo. Sa kabila ng nangyayari sa kanilang laro, hindi nagbabago ang kanilang pagsasama-sama at pagkakaibigan. Ngunit sa isang araw, may nangyaring hindi inaasahan. Si Jd ay napansin ng coach ng university basketball team at inalok siya ng scholarship. Hindi niya nais mag-iwan ng kaniyang mga kaibigan at magpakalayo sa kanila, subalit naisip niyang ito ay isang magandang oportunidad para sa kaniyang pangarap. Sa pag-alis ni Jd, nagbago ang takbo ng kanilang buhay. Hindi na tulad ng dati na laging magkakasama sa paglalaro ng basketball at sa iba pang mga gawain. Si Jd ay mas naging determinado na maabot ang kaniyang pangarap sa basketball, si Rick ay mas naging aktibo sa pagtutulong sa komunidad, at si Pat ay mas naging seryoso sa kaniyang pag-aaral ng acting. Sa huli, nakamit nila ang kanilang mga pangarap sa kabila ng paghihiwalay nila. Si Pat ay nagtapos sa unibersidad at naging isang matagumpay na abogado. Si Jd ay naging isang sikat na propesyonal na manlalaro ng basketball. Si Rick ay nakapag-trabaho sa kaniyang nais na 21
NGO at nakatulong sa maraming tao. At si Vin ay nagtagumpay sa kaniyang career sa pag-arte. Sa kwentong ito, nakita natin kung paano nagbago ang takbo ng buhay ng mga magkaklase sa kabila ng kanilang pagkakaibigan at pagtitiwala sa isa't isa. Ito ay isang uri ng kwento ng paghihiwalay ng landas, kung saan ang mga karakter ay mayroong iba't ibang pangarap sa buhay. Ngunit sa kabila ng kanilang paghihiwalay, nakamit nila ang kanilang nais sa buhay dahil sa kanilang determinasyon at pagsisikap. 22
23
Isang madilim na silid-aralan ang pinasok ni Pulin. Kataka-taka ngunit hindi sumagi sa isip niya kung bakit nakapatay pa rin ang mga ilaw ng silid at binuksan na lamang niya ito. Nang siya ay naglakad papalapit sa kaniyang upuan sa bandang gitna ng silid, hindi niya namalayan na may isang pirasong papel na nahulog mula sa kaniyang bulsa. Nang maupo si Pulin ay may kamay na lumahad sa kaniyang harapan hawak-hawak ang papel na kaniyang nahulog. Tumingala si Pulin sa pigura na nakatayo sa kaniyang harapan, ang kaniyang mga mata ay nakatitig lamang sa nagsauli ng kaniyang nahulog na papel. Naalis ang tingin ni Pulin sa pigura sa kaniyang unahan nang siya ay mapatingin sa pintuan sapagkat siya ay nakarining ng mga ingay mula sa labas ng kanilang silid. Sunudsunod naman na nagsipasok ang kaniyang mga kaklase sa loob ng silid kaya agad na ibinalik ni Pulin ang papel sa kaniyang bulsa. Nais sana ni Pulin na magpasalamat sa nagbalik ng nahulog niyang papel ngunit hindi na niya namataan ang nagbigay sa kanya nito. Nagsipasok sa silid ang mga kaklase ni Pulin na nagbigay ng ngiti sa kaniyang mga labi. Sabik si Pulin na makita silang muli sapagkat matagal na panahon silang hindi nagkita pagkatapos ng kanilang fieldtrip. “Uy, pare! Aga mo, ah!” Ani ni Pia na isa sa mga kaibigan ni Pulin. “Saan tayo kakain mamaya?” Tanong pa nito. “Sa Jollikod, ano g?” Sagot naman ni Pulin. “Hoy! Ba’t kayong dalawa lang? Bawal mag-Jollikod kapag hindi kami kasama!” Sigaw ni Owen na isa rin sa kanilang magkakaibigan. Sabay-sabay na nagsalita ang mga kaibigan ni Pulin bilang pagsangayon kay Owen. Kaniya-kaniya silang reklamo na dapat din silang isama ni Pulin at Pia na kumain sa Jollikod. Hindi na nakasagot si Pulin at Pia sa kanilang mga kaibigan nang pumasok na sa silid-aralan ang kanilang guro. Kaya 24
umayos na ng upo ang mga magkakaibigan at gumayak para sa kanilang unang klase. Habang nagtuturo ang guro nila Pulin ay nakikinig lamang siya nang mabuti, samantalang nagtatawanan sa gilid niya si Pia at Owen sapagkat natutulog ang isa pa nilang kaibigan na si Aaron. Sa likuran naman niya ay nagtsitsismisan sina Zai at Sandra sa halip na makinig sa kanilang guro. Natigil sa pakikipagkuwentuhan si Zia nang kalabitin siya ni Din mula sa likod. Natatawang nag-abot ng maliit na papel si Din na siya namang binuklat ni Zia. “Lagyan natin ng sili ang pagkain ni Owen mamaya sa Jollikod.” Natawa rin si Zia sa kaniyang nabasa. Kumuha siya ng panulat at sumulat din sa papel. “Kami na ni Sandra bibili ng sili HAHAHA.” Tinupi muli ni Zia ang papel at ipinasa naman ito kay Pulin na ngayon ay nasa kaniyang harapan. Nang mabasa ni Pulin ang laman ng papel ay natawa rin ito kaya sumulat siya ng tugon dito at natatawang pinasa muli kay Zia ang papel. Mabilis na lumipas ang isang oras na klase, ngunit sa mga magkakaibigan ay parang isang araw ang lumipas sa sobrang pagkabagot dito. Nang lumabas ang kanilang guro sa silid-aralan ay may kaniya-kaniya mundo na ang mga magkakaibigan. Yumuko si Pia upang umiglip, dumayo si Din sa unahan upang makipagkuwentuhan kay Aaron, gumayak para sa sunod na klase si Zai at Sandra, at si Owen ay naguunat. Tumayo naman si Pulin upang magtungo sa palikuran. Napatigil si Pulin sa paglakad bago pa ito makalabas sa pintuan sapagkat tumunog ang kaniyang telepono. Nilabas niya ito mula sa kaniyang bulsa at nakita ang isang notipikasyon tungkol sa isang balita na umiikot patungkol sa kanilang paaralan. Binuksan ni Pulin ang notipikasyon at dinala siya nito 25
Owen Dimetrio Pia Gutierrez Zia Pontes Sandra Elevado Aaron Fuertes Din Mantos sa isang artikulo sa internet. Isang Bus na Ginamit sa FIeld trip ng Falcon University, Nasunog sa Daan. Agosto 29, taong kasalukuyan nang magsagawa ng field trip ang Falcon University. Patungo sa Antipolo, Rizal ang bus na kanilang sinasakyan nang bigla itong nasunog habang nasa daan. Nasawi ang lahat ng mga sakay nitong pasahero, kabilang ang mga sumusunod na estudyante: Samantala ang iba pang mga sakay nito ay hindi pa matukoy ang identidad. Ayon sa mga opisyal, isa lamang ang nakaligtas mula sa aksidente. Isa siya sa mga estudyante ng unibersidad na nagngangalang Pulin Reyes… Nanlaki ang mga mata ni Pulin sa kaniyang nabasa. Lumingon siyang muli sa kinauupuan ng kaniyang mga kaibigan at dumaloy ang kaba sa kaniyang katawan kasabay ng pagtayo ng kaniyang mga balahibo nang makita niya na wala roon ang mga kaibigan niya at walang tao sa loob ng silid liban lamang sa kanya. Nahirapan sa paghinga sa Pulin dulot ng paninikip ng kaniyang dibdib. Tumakbo siya papalabas ng silid patungo sa palikuran. Muntik pa itong madapa habang tumatakbo dahil umiikot na at nagdidilim ang kaniyang paningin. Agad niyang binuksan ang gripo ng tubig at hinilamusan ang kaniyang mukha sa harapan ng salamin ng palikuran. Nang tumingala siya ay nakita niya mula sa salamin ang kaniyang mga kaibigan na nakatayo 26
sa kaniyang likuran. Lumingon siya sa kaniyang likuran ngunit wala naman doon ang kaniyang mga kaibigan. Binalik niya ang kaniyang tingin sa harapan ng salamin at tinitigan ang kaniyang sarili. Mabigat ang bawat paghinga ni Pulin, puno ng surpresa at pagkalito ang kaniyang mga mata dahil nagising na siya. Nakatayo lamang ng tuwid si Pulin sa harapan ng salamin at siya ay nagbalik-tanaw. Naglakad si Pulin patungo sa kaniyang upuan sa bandang gitna ng silid. Sa kaniyang pag-upo ay napansin niya na nahulog sa sahig ang papel na nagmula sa kaniyang bulsa. Tumayo siyang muli at kinuha ang papel. Bumalik siya at inilahad sa harapan ng kaniyang bakanteng upuan ang kaniyang kamay habang hawak ang nahulog na papel Nakaupo si Pulin tatlong hilera ang layo mula sa likuran ng kaniyang upuan. Nagsulat siya sa isang maliit na papel. “Lagyan natin ng sili ang pagkain ni Owen mamaya sa Jollikod.” Tinupi niya ito, nilagay sa upuan na nasa kaniyang unahan at tumayo siya upang lumipat sa upuan na iyon. Binuklat at muli niyang sinulatan ang papel. “Kami na ni Sandra ang bibili ng sili HAHAHA.” Sunod, nilagay niya na ang papel sa upuan sa unahan na kanya ring mismong upuan. Bumalik ang isipin ni Pulin sa kaniyang sarili na nasa harapan ng salamin at napinta sa kaniyang mga mukha ang isang ngiti na umaabot sa kaniyang mga mata. Papalabas na ng eskwelahan si Pulin nang may nadaanan siyang basurahan. Nilabas niya ang papel sa kaniyang bulsa na kanina pa niya itinatago pagkatapos itong mahulog sa silid-aralan. Itinapon niya sa basurahan ang papel na ito na may nakasulat na ‘Take Pills for Hallucination’. …Isa lamang ang nakaligtas mula sa sunog. Isa siya sa mga estudyante ng unibersidad na nagngangalang Pulin Reyes na siya ring napag-alaman ng 27
mga awtoridad na may sanhi ng pagkasunog ng sinasakyan na bus. Hanggang ngayon ay hinahanap ng mga awtoridad si Reyes matapos itong tumakas sa ospital na pinagdalhan sa kaniya. Kung sino man ang may impormasyon tungkol sa kaniyang kinaroroonan ay ipagbigay alam agad ito sa mga awtoridad o kinauukulan. 28
STUDYANTE STUDYANTE STUDYANTE STUDYANTE STUDYANTE STUDYANTE STUDYANTE STUDYANTE STUDYANTE STUDYANTEMA. ALEXANDRA NICOLE ABRECE SELWYN REY ARANAYDO 29
“Tik! Tak! Tik! Tak!” Hala! Anong oras na pala?, huli na naman ako sa unang klase namin na Basic Calculus. Ako nga pala si Jesse nag-aaral ako sa Pamantasan ng Kaalaman ako’y baitang labing isa. “Lagi na lang walang masakyan at sobrang traffic” ang sabi ni Jesse. Nakarating si Jesse sa kaniyang paaralan, at ang na abutan niya na subject ay sipnayan kung saan patapos na magturo si G. White. “Jesse, bakit wala ka pang naipapasa na gawain sa sipnayan at sa iba rin na asignatura?” sabi ni G. White. “Pasensya G. White mukhang hindi pa po ako handa para sa napakadaming gawain” sagot ni Jesse “Jesse, kung gagawin mo ito ng mas maaga at sa tamang oras oonti rin ito, at matutupad mo rin ang pangarap mo” Napaisip si Jesse sa sinabi sa kanya ni G. White. “kakayanin ko kaya ang baitang na ito?,” “mararating ko kaya ang aking pangarap” tanong niya sa kaniyang sarili. At dumiretso na siya sa kaniyang silidaralan. “Jesse, late ka na naman, alis tayo pag tapos ng klase natin” bulong sa kanya ng kaklase na si Jane Mondragon. “Ayoko na muna Mondra, gumawa na lang muna tayo ng mga gawain at maghanda sa susunod na exam” sabi ni Jesse “Iba ka na Jesse gumagawa ka na ngayon ng mga gawain at naghahanda sa paparating na exam at parang dati wala kang malay sa mga ganyan” 30
“Mondra, kailangan ko na pala magbago para sa kinabukasan at pangarap din” sabi ni Jesse “Siya-siya sige na nga makinig na tayo rito kay ma’am” sagot ni Mondra. At ng matapos na ang Klase si Mondra at Jesse dumiretso sila sa isang Coffee shop malapit sa kanilang paaralan, upang gumawa sila ng kanilang mga hindi tapos na gawain. “5:10 na pala Mondra kailangan na natin umuwi” sabi ni Jesse “Mauna ka muna Jesse, dahil aantayin ko pa ang aking nanay dito” sagot ni Jesse Nagpaalam at nauna na si Jesse. Kinabukasan naman ay maaga nang pumasok si Jesse at kinausap niya si G. White. “G. White, salamat sa iyong mga sinabi kahapon mag si-sipag na ako simula ngayon” sabi ni Jesse. “Magandang simula yan Jesse pagbutihin mo lang ang pag-aaral, lapitan mo lang ako kapag may kailangan ka” sagot ni G. White. “Salamat Ginoong White” sagot ni Jesse Nakapagtapos at nakakuha ng mataas na grado si Jesse sa kaniyang mga asignatura. Ngayon isa na siyang kolehiyo na may kursong engineer. Pagtatapos. 31
PPaabbuul laa32
Ang pabula ay nagmula sa salitang Latin na “fabula” , na ang ibig sabihin ay kwento. Ang pabula ay isang maikling kwento na kadalasang ginagamit upang maghatid ng aral sa pamamagitan ng mga hayop bilang tauhan na may pag-uugali tulad sa isang tao. Halimbawa , ang isang ahas sa isang pabula ay maaring may ugaling barako , samantalang ang isang aso ay mahinahon at kalmado. Ang pabula ay binubuo ng iba’t ibang elemento. Narito ang tatlong halimbawa: (a) tauhan , (b) kuwento , at (c) aral. Ang pangunahing tauhan sa pabula ay ang mga hayop. Ang bawat hayop ay may kani-kanilang pag-uugali na ibinabahagi sa kwento ng akda. Ikalawa , ang kuwento kung saan nahahati ito sa tatlong parte : (a) simula , (b) gitna , at (c) wakas. Karaniwang may salungatan o problema na kailangang lutasin ng mga tauhan. Sa pag-usad ng kwento, darating ang mga aral at mensahe sa mambabasa. Pinakahuli , ang aral mula sa akda. Ang aral sa akda ay nagbibigay daan upang maunawaan ng mambabasa kung tungkol saan nga ba ang pabula. Ang pabula ay nag tuturo sa atin ng aral at nagpapalaganap ng ating kultura at tradisyon , isang halimbawa nito ay ang pabula na pinamagatang Si Pagong at Si Matsing. Kahuluugan ng Pabula: 33
S O P H I E M A R I E C O R T E Z M A X I N E A N D R E A B A T O L 34
Huni ng ibon, agos ng alon, at hangin na mahinahon. Ito ang matatagpuan sa isang isla kaharian na kung tawagin ay “Malaya”. Si Danilo ang panganay at tagapagmana ng isang kaharian na pinamumunuan ng kaniyang ina na si Reybon (Reynang Ibon) Imelda at kaniyang ama na si Harbon (Haring Ibon) Fernando. Ang angkan nila ang namumuno sa mga Malayaon, ang mga naninirahan sa kaharian ng isla Malaya. “Ma, tignan mo oh, nagagawa kong lumipad na lumalagpas sa puno.” Tuwang-tuwa na sabi ni Rora. Si Rora ang bunsong babaeng anak nila Imelda at Fernando. “Mabuti.” Tipid na ngiti ni Imelda. “Danilo, kailangan mo ba ng tulong upang maipagaypay mo ang iyong mga pakpak?” Malambing na tanong ni Imelda kay Danilo. Sa paulit-ulit na pagsubok ni Danilo lumipad, nagawa niyang lumipad nang kaunti. Kaagad naman na pumalakpak ang mga pakpak ni Imelda at nilapitan si Danilo upang yakapin. “Napakagaling mo, Danilo! Nakakatuwang panoorin ang iyong paglipad.” Tuwang-tuwa na sabi ni Imelda. “Salamat po, Ma. Patuloy pa po akong mag-eensayo.” Nagpatuloy si Danilo sa pag-eensayo sa paglipad nang makaalis ang kaniyang ina. Nang makalipad siya at lumagpas sa puno, nakita niya ang isang magandang tanawin, ang siyudad. Nabighani siya sa mga ilaw na nagpapaliwanag sa gabi at ang mga nagtataasang mga estruktura. Kasabay ng pagtanaw niya sa mga nagtataasang estruktura, doon na rin tumaas ang pangarap niya, at ito ay ang maglakbay sa iba’t ibang lugar. 35
“Danilo, anak, kumusta ang pag-aaral mo? Pag-aralan mo nang mabuti ang kasaysayan tungkol sa ating mga ninuno at ang kanilang mga mabubuting nagawa sa ating kaharian. Ngunit kung nahihirapan ka magsabi ka lang sa amin at tutulungan ka namin ‘nak.” Mahinahon na sabi ni Fernando at nilapitan si Danilo. “Pa, tignan mo nakakuha ako ng mas mataas na marka sa pagsusulit tungkol sa kasaysayan ng ating pamilya kaysa kay Kuya Danilo.” Bidang iprinisenta ni Rora ang papel sa kanilang ama. “Rora, hindi ba’t sinabi ko sa iyo na dapat ang kuya Danilo mo ang dapat mas nakahihigit dahil siya ang susunod na tagapamahala at ikaw ay isang babae, sa ating kasaysayan ay walang namumuno na babae.” Mahinahong sabi ni Fernando. Gusto sanang ipagtanggol ni Danilo ang kaniyang kapatid ngunit natatakot siya sa kaniyang Ama. Nalungkot ang mukha ni Rora ngunit agad itong ngumiti. “Masusunod po aking Ama.” Nang matapos siya sa kaniyang inaaral, lumabas si Danilo sa kanilang tahanan at muling lumipad upang masilayan ang siyudad. Ito ang nagpapagaan sa kaniyang kalooban tuwing siya ay nalulungkot at nahihirapan. Sa pagdapo ng kaniyang mga paa sa isang sanga ng puno ay isang ingay na nanggaling sa ibaba ang kaniyang narinig. “Tulong! Huwag mo akong saktan pakiusap, ibibigay ko na sa iyo ang pagkain huwag mo lang akong sasaktan.” Sa kaniyang kinauupuan ay natanaw niya ang isang ibon na sa tingin niya ay kaniyang ka-edad, ito ay may hawak na pagkain at may isang uwak na papalapit dito upang saktan ito. 36
Pagkarating nila sa tahanan nila Danilo. “Ma, Pa, maaari po bang manuluyan siya sa atin? Wala na po siyang pamilya, matuluyan, at makain. Pangako ko po na pag-iigihan ko na sa aking pag-aaral basta siya ay manirahan sa atin.” “Ano ba ang pangalan ng iyong kaibigan, Danilo?” Malumanay na tanong ng kaniyang ina. “Si Crisanto po, Ma. Nakita ko po kasing papatayin siya ng mga uwak kaya inanyayahan ko po na rito na lamang lumagi.” “Crisanto? Kung hindi ako nagkakamali ay may matalik na kaibigan ang Ama mo na may anak na nagngangalang Crisanto. Siya at ang asawa niya ay binawian ng buhay dahil sa pag-atake ng uwak sa tahanan nila.” Pagkakaalala ng kaniyang ina. Nakita niyang tumutulo ang luha ni Crisanto. “Ako nga po iyon, nakatakas po ako dahil prinotektahan ako ng aking mga magulang.” Simula noon ay sa tahanan nila Danilo na nanirahan si Crisanto. Sa paglipas ng ilang taon ay mas lalong tumibay ang kanilang pagkakaibigan at nagkaroon ng kasangga si Danilo sa mundo. Sa gitna ng pagdiriwang ni Danilo ng labing limang kaarawan nagkaroon ng pag-atake ang mga uwak. May dala itong pampasabog at nagnanakaw ito ng mga pagkain. “Protektahan niyo si Danilo, Reybon Imelda, at ang Harbon Fernando!” Sigaw ng mga sundalong ibon. Kaagad na pinalibutan sila Danilo, Imelda, at Fernando ng mga guwardiya at iginiya patungo sa ligtas na lugar. “Ama, paano sila Rora at si Crisanto?” Nag-aalalang tanong niya. “Hayaan mo sila, Anak. Ang mahalaga ang kapakanan mo, ikaw ang susunod na tagapamuno sa ating kaharian.” Tila bang walang pake na sabi ng kaniyang Ama. 37
Gustuhin niya man na pumunta sa labas at hanapin ang kapatid at kaibigan niya ngunit hindi siya hinahayaang makalabas ng mga bantay. Nang ilang oras ang nakalipas ay humupa na ang gulo. Pumasok si Rora sa ligtas na lugar at akay-akay siya ng isang estrangherong sundalo na ibon. Duguan si Rora at may bali ang kaniyang paa, malungkot din ang kaniyang mukha. “Rora, anong nangyari? Sa pag-eensayo ka lang ba magaling? Nakakahiya sa mga Malayaon baka isipin nila na may mahina akong anak.” Dismayadong sabi ng kaniyang Ama. “Rora, hindi mo ba kayang depensahan ang sarili mo? Bakit duguan at may bali ka pa. Palibhasa kasi ikaw ay nagmamagaling, akala mo kasi ikaw ang bida sa lahat.” Sermon ng kaniyang Ina. Nagbabadya ang pagtulo ng luha ni Rora ngunit tinaas nito ang kaniyang ulo upang hindi ito tumulo, natatakot ito na baka sabihan siyang mahina. “Ma, Pa, huwag niyo pong pagalitan si Rora. Hindi po ba dapat ay niligtas din siya ng mga sundalo upang hindi siya nasaktan.” Pagtatanggol niya sa kaniyang kapatid. “Anak, kasalanan naman ni Rora ‘yan, nagpumilit siguro yan makipaglaban. sagot ni Fernando Rora, pumunta ka na sa iyong silid at ipagamot mo iyang mga sugat mo.” utos pa nito. Akmang magsasalita pa siya ngunit umalis na si Rora at inakay na siya ng estrangherong sundalo na ibon. Para sa mundo ni Danilo, nakatanggap siya ng tamang pag-aaruga at pagmamahal na nagmula sa kaniyang mga magulang. Ngunit nagbago ang lahat noong inanunsyo ng kaniyang mga magulang ang pagtalaga sa kanya bilang susunod na tagapamahala ng Kahariang Isla Malaya. 38
Para sa mundo ni Danilo, nakatanggap siya ng tamang pag-aaruga at pagmamahal na nagmula sa kaniyang mga magulang. Ngunit nagbago ang lahat noong inanunsyo ng kaniyang mga magulang ang pagtalaga sa kanya bilang susunod na tagapamahala ng Kahariang Isla Malaya. Sa kalagitnaan ng salo-salo, ay biglang tumayo si Fernando. "Sa pagtatapos ng pagdiriwang na ito, nais kong ipabatid sa mga kapwa kong Malayaon na ang aking panganay na anak na si Danilo ang siyang magmamana at magiging tagapamahala ng Kaharian ng Malaya.” Sa pagkarinig ni Danilo ng mga katagang iyon tila bang unti-unting gumuho ang kaniyang mundo at ang kaniyang pangarap ay dahan-dahang naglaho. Sa mahigit isang taon na lumipas, inensayo si Danilo ng kaniyang mga magulang. Humigpit ang pakikitungo nito sa kanya, at wari baga’y hindi ito ang kaniyang kinalakihang mga magulang. Noon ay tinutulungan pa siya kapag hindi niya nakakaya, ngunit ngayon ay ikinukulong na siya kapag hindi niya kinakaya ang ensayo. Pati ang kanilang mga tagapaglingkod ay humigpit ang pakikitungo sa kanya. Ang mga guwardiya rin ay pinarusahan siya gamit ang dahas. Palagi rin napapagalitan si Danilo dahil si Rora ang magaling sa kanila sa pag-eensayo. Na kesyo siya raw ang lalaki pero si Rora pa na babae ang mas malakas. At palaging pinapaalala na dapat mahigitan niya si Rora dahil siya ang mamumuno at siya ang lalaki. Sa pagkalipas ng ilang buwan, isang linggo bago ang kaniyang koronasyon. Binigyan siya ng kaniyang mga magulang ng isang linggong kalayaan at sa kaniyang kaarawan matatapos na ito. Sa pagkakataon na ibinigay sa kanya ay wala siyang sinayang na oras. Nagpasama siya kay Crisanto sa paglalakbay patungo sa siyudad. Sa kalagitnaan ng paglalakbay nina Danilo at Crisanto, nagtungo sila sa isang pagdiriwang na kung saan nakasalamuha nila ang mga ibon na naninirahan sa siyudad. 39
“Danilo, halika’t magpahinga muna tayo rito sa may upuan.” Sabi ni Crisanto habang hinahatak ang nakatulalang si Danilo. Ngunit sa kaniyang paganyaya ay hindi pa rin ito natinag sa pagtanaw sa malayo. “Danilo, ano ba ang tinutulala mo riyan? Kanina ka pa nakatitig-” ngunit hindi na natapos ni Crisanto ang kaniyang sinasabi nang biglang tumunog ang malakas na musika. “OLE OLE OLE OLE!!” Sa lakas ng tunog ng musika ay para bang nabibingi si Danilo sa ingay. Hindi sanay si Danilo sa ganitong mga maiingay na pagdiriwang. “Tara mga turista! Halina’t samahan niyo kami sa pagsayaw!” Maligayang pag-imbita ng masiglang ibon. Si Crisanto ay masiglang sumasayaw, ngunit hindi alam ni Danilo kung saan siya patungo dahil sa sobrang dami ng ibon na sinasabayan pa ng malakas na musiko. “Aray! Pasensya at hindi ko nakita.” Mayuming bigkas ng kaakit-akit na makulay na ibon. “Pasensya na, Binibini. Hindi ko iyon sinasadya. Maaari ko bang malaman ang iyong pa–” Hindi na natapos ni Danilo ang kaniyang pagtatanong nang bigla siyang hilahin papalayo ni Cristano mula sa maraming tao. “Bakit, Crisanto? Ano ba iyon?” hinagpis ni Danilo, nanghihinayang na hindi niya nakilala ang mayuming binibini. “Danilo, natanaw ko kasi ang isa sa mga kaaway natin na uwak.” balisang ani ni Cristano. “Ganoon ba? Hindi pala tayo ligtas dito. Tara na.” Sabi ni Danilo habang naglalakad papalayo mula sa maraming tao kung nasaan ang isang babaeng hindi niya mapangalanan. Para kay Danilo, hindi man ligtas ang siyudad dahil sa mga nakaambang panganib na dala nito ngunit nandoon pa rin ang pagkasabik niya na maglakbay sa mundo. 40
Makalipas ang isang linggo, natapos na ang palugit na ibinigay sa kanya upang maranasan ang panandaliang kalayaan. Sa pagtanaw ni Danilo sa bughaw na dagat ay bumalik sa kanya ang mga alaala noong isang linggong pagiging malaya niya. Ang mga karanasan at sa mga matang bughaw na natagpuan niya, na siyang naging dahilan kung bakit napagdesisyunan ni Danilo na ipaglaban ang kaniyang mga pangarap. “Danilo, pinapatawag ka na ng iyong Amang Fernando. Maghanda ka na para sa pagdiriwang ng iyong kaarawan at sa pag-anunsyo na ikaw bilang susunod na tagapamuno.” Natigil ang pagtanaw niya sa malayo nang tawagin siya ng kaniyang ina. “Sa pagdiriwang ng seremonyang ito aking opisyal na ipinapahayag na ang anak kong si Danilo ang siyang mamumuno ng Kahariang Isla Malaya at siya ang magmamana ng aking trono.” Maikli ngunit may awtoridad sa boses ni Fernando. “Anak, bilang mga magulang mo kami ay nagdedesisyon para sa ikabubuti mo. Ang pagiging hari ang tamang desisyon at nakatalaga para sa iyo.” Kalmadong payo ng Harbon. “Tama ang iyong Ama, Anak. Huwag kana umalis at mamuno tayo bilang isang pamilya. Kailangan ka ng Malayaon. Ang kagustuhan mong maglakbay ay panandaliang pangarap lamang, ang pagiging tagapamuno ang itinalaga para sa’yo.” Sumbat ng kaniyang ina. Ngunit si Danilo ay hindi natuwa sa mga sinabi ng kaniyang mga magulang. “Ina at Ama, maraming salamat sa inyong mga payo at mga ginawa sa aking buhay ngunit ako ay desidido na pong abutin ang sinasabi niyong panandaliang pangarap. Banggit ni Danilo at sabay lumipad nang mataas patungo sa malayo. Isang buwan ang nakalipas habang si Danilo ay naglalakbay sa kabilang isla, natagpuan niya si Rora. Nakita ni Rora si Danilo at biglang tumakbo papunta rito. “Anong ginagawa mo rito Rora at paano mo nalaman na nandito ako?” Nagaalalang tanong ni Danilo. 41
“Kuya Danilo, Kuya, si Mama at si Papa.” Mangiyak-ngiyak na ani ni Rora. “Anong nangyari, Rora? Bakit?!” Nangangambang tanong ni Danilo “Si Mama at si Papa….” Hindi matuloy ni Rora ang kaniyang sasabihin. “Ano Rora?! Magsalita ka!” Pasigaw na tanong ni Danilo. “Sila ay binawian na ng buhay. Isang linggo ang nakalipas pagkagaling ko sa pag-eensayo, natagpuan ko sila sa ating bahay bakasyunan na duguan. Sa sobrang brutal ng kanilang sinapit, kaagad itong nilibing.” Sabi ni Rora habang walang tigil sa pag-iyak. Walang pagdadalawang isip si Danilo. Si Rora at Danilo ay naglakbay pabalik sa kaharian ng Islang Malaya. Sa pagdating niya sa kaharian, kaagad siyang kinausap ng kanang kamay ng kaniyang Ama. “Dahil sa pag kamatay nina Haring Fernando at Reyna Imelda kaagad na mapapabisa ang pagiging hari ni Prinsipe Danilo” bigkas ng tagapagsalita ni Haring Fernando. Dahil sa pangyayari si Danilo ay inihanda upang idaos ang kaniyang seremonya bilang bagong hari ng Islang Malaya. Walang ibang magagawa si Danilo dahil kailangan siya ng kanilang mga nasasakupan. Kailangan siya ng mga Malayaon. “Bilang kanang kamay ni Harbon Fernando, ikaw ay aking itinatalaga bilang opisyal na tagapamahala ng Kaharian Isla Malaya, ang anumang mga responsibilidad at gawain bilang hari ay ipinapamana at hinihirang sa’yo, Haring Danilo.” Sa opisyal na pag-anunsyo ng koronasyon ay nagsitayuan ang mga Malayaon at sabay-sabay na nagdiwang. “Mabuhay ang Harbong Danilo! Mabuhay!” Patuloy ang sigawan at palakpakan ng mga Malayaon. Habang ang mga Malayaon ay nagsasaya, lungkot naman ang bumabalot sa damdamin ni Danilo. Hindi pa rin pumapasok sa utak ni Danilo ang mga nangyayari kaya naman siya ay nagtungo sa sanga ng puno upang ikalma ang kaniyang sarili. Sa kalagitnaan ng kaniyang pagpapahinga ay may lumapit sa kanya, si Angelo ang kasintahan ni Rora. 42
“Mahal na Harbon, alam ko ang nangyari. Alam ko ang ikinamatay ng iyong mga magulang, hindi ito aksidente, ito ay sinadya. Hindi ko dapat ipagbigay alam ito sa iyo ngunit hindi kaya ng konsensya ko.” Nababalisang sabi ni Angelo. “Ano ang iyong mga nalalaman? Maaari mo bang sabihin sa akin?” Punongpuno ng kuryosidad na tanong ni Danilo. “Si Rora… Si Rora ang nagpakana ng pagpatay sa inyong mga magulang. Kasintahan ko siya ngunit hindi kaya ng aking konsensya ang kaniyang ginawa. Gumuho ang mundo ni Danilo sa kaniyang narinig. Naging malupit ang Ama at Ina nila ngunit hindi lubos maisip ni Danilo na magagawa ito ng kaniyang kapatid na si Rora. Dahil sa galit at hinagpis inutusan niya ang mga guwardiya na ikulong si Rora. “Danilo, bilang matalik na kaibigan mo, hindi ba dapat maghanap ka muna ng matibay na ebidensya at hindi basta-basta ipakulong ang iyong kapatid?” Suhestiyon ni Crisanto ngunit buo ang loob ni Danilo dahil na rin sa lungkot na bumabalot sa kaniyang isipan. “Kuya Danilo, hinding-hindi ko magagawa ito sa ating mga magulang. Kung sino man ang nagtraydor sa akin ay may balak sirain ang samahan natin bilang magkapatid.” Nakikusap si Rora sa kaniyang kapatid. Umalis na si Danilo at hindi pinakinggan ang mga hinaing ng kaniyang kapatid. Naging bato ang puso ni Danilo dahil kailangan niyang mas pairalin ang utak at hindi ang puso para sa pamumuno. Sa paglipas ng ilang buwan ay kailangan maglakbay ni Danilo upang makipagkasundo sa iba’t ibang mga kaharian. Pamilyar ang lugar ngunit isinantabi ni Danilo ang kaniyang damdamin dahil may obligasyon siya na kailangang tapusin. Natapos ang pagkakasundo ni Danilo sa iba’t ibang kaharian, sa pagod niya ay nagpahinga muna sila ni Crisanto. Ngunit sa hindi kalayuan ay may natanaw siya na makulay na ibon. Unti-unting nagbalik ang mga ala-ala at ang pangarap niya’y biglang nagningning. 43
Hindi namalayan ni Danilo na sinusundan niya ang makulay na ibon. Ngunit sa kalagitnaan ng kaniyang pagsunod ay nakatanaw ulit siya ng pamilyar na ibon. Sa pagkakataong ito ay huminto ang kaniyang mundo. Nararamdaman niya ang galit, hinagpis, lungkot, at pagtratraydor na bumabalot sa katawan niya. “Ama at Ina…” Narinig siya ng mga ito at doon tumulo ang kaniyang luha. Nang si Danilo ay nakarating sa kaharian, punong-puno ng galit ang naramramdaman niya. Pagtratraydor at pagsisinungaling ayan lamang ang laman ng kaniyang isipan. Naiisip niya ang mga sakripisyo na kaniyang ginawa at ang mga pangarap niya na hindi nagawa. “Anak, patawad sa aming ginawa. Ito lang ang tanging naisip namin na solusyon dahil walang pag-asa na pamunuan mo ang kaharian.” Nagmamakaawang sabi ng kaniyang ina. “Danilo, inalagaan ka namin at ginawa namin ang lahat para maging magaling kang tagapagmana ng kaharian ngunit nang mapagdesisyunan mo na umalis ay wala kaming ibang maisip na plano kung hindi ang gawin ito.” Paliwanag sa kanya ni Fernando. “Masasayang ang paghihirap at pagsasakripisyo ng ating angkan kapag naagaw ang kaharian sa atin. Kaya kahit ang pangarap din ng Ama mo na maglakbay noon ay isinantabi niya upang mamuno. Ngunit ikaw hindi mo magawa iyon at pinili mong isipin ang sarili mo.” Puno ng poot na sabi ng kaniyang Ina. Wala siyang naiintindihan ang alam niya lang ay trinaydor siya. Sarado ang utak niya sa mga dahilan kung bakit nila ito ginawa. “Hindi ko ho lubos maisip na ginawa niyo ang lahat ng ito dahil may lihim kayong gustong mangyari. Akala ko ay minahal at inalagaan niyo ako dahil anak niyo ako. Naturingang Isla Malaya ang pangalan ng kaharian na nasasakupan natin ngunit sa pagpili ng pangarap ay nililimitahan niyo ako. Andyan po si Rora siya ang mas karapat-dapat kaysa sa akin. Kung noong una pa lang po ay pantay na atensyon ang ibinigay niyo sa aming dalawa makikita niyo ang kahalagahan niya.” Inilabas ni Danilo ang kaniyang damdamin. “Danilo, babae siya, mahina siya at hindi niya kayang pamunuan ang ating kaharian.” Hindi makatwirang sabi ni Fernando. 44
“Naririnig niyo ho ba ang sinasabi niyo? Kung hinayaan niyo siyang ipakita ang kakayahan niya, papatunayan niya na pati ang mga babae ay kayang mamuno nang maayos at maaasahan.” Sa pagsabi nito ni Danilo ay natahimik ang kaniyang mga magulang. Napagdesisyunan niya na rin umalis dahil hindi na kaya ng damdamin niya. Lumipad siya nang walang patutunguhan, ibunuhos niya ang damdamin sa paglipad. Sa hindi inaasahan ay nagtapo sila ng makulay na ibon. “Hindi ba ikaw yung nasagi ko sa sayawan?” Ani ng makulay na ibon. “Oo, ako nga. Hindi ko pa nalalaman ang iyong pangalan. Ako si Danilo, maaari bang malaman ang pangalan mo?” Inilahad niya ang pakpak bilang senyales ng pakikipagkamay. “Mutya. Madalas akong lumilipad sa himpapawid habang humuhini dahil ito ang nagpapagaan ng aking loob. Ang magagandang tanawin ang nagbibigagay lakas sa akin upang ipagpatuloy ang buhay.” Nabighani si Danilo sa pagkwekwento ni Mutya. “Kung sa gayon pala ay maaaring ikaw ang nakita ko nung piyesta na lumilipad nang mataas sa himpapawid habang humuhuni? Dahil sa pagtanaw ko sa iyo na tila bang walang iniisip na problema habang nalipad ay mas tumibay ang loob ko na ipaglaban ang pangarap ko. Pangarap ko ring lumipad nang mataas at maglakbay.” Sa pakikipagkwentuhan ni Danilo kay Mutya ay gumaan ang pakiramdam niya. Para bang sa isang iglap ay nawala ang bigat sa damdamin niya. Sa paglipas ng panahon ay nagkatuluyan at nagpalitan ng damdamin ang isa’t isa. Ngunit isang araw, biglang naglaho si Mutya at dumating si Rora na hinihingal. “Kuya, alam kong hindi mo ako mapapatawad kaagad ngunit si Mutya ay ipinadakip nila Ina at Ama sa kadahilanang siya raw ang naglimita sa’yo upang mamuno. Kasabwat si Angelo sa pagdakip at sumangayon bilang maging tuta nila.” Pagbibigay alam ni Rora. 45
“Salamat, Rora.” Sinundan niya ang tinungo ni Rora at iniligtas si Mutya sa kamay ng kaniyang mga magulang. Hindi napigilan ni Danilo ang kaniyang damdamin at inutusan na ipakulong ang kanilang mga magulang dahil sa mga ginawa ng mga ito. Umamin din si Angelo na kaya niya nagawa ito dahi gusto niyang maghiganti. Sila Imelda at Fernando ang dahilan kung bakit namatay ang kaniyang mga magulang. Kaya may galit ang mga uwak sa mga Malayaon dahil napatay nila Reybon Imelda at Harbon Ferdinand ang kanilang tagapamuno sa isang labanan. “Patawarin mo ako, Kuya. Nabulag ako dahil sa inggit, sumang-ayon ako sa mga pinapagawa nila dahil akala ko pipiliin din nila ako at makikita nila ang kahalagahan ko bilang anak.” Humihingi ng tawad si Rora. “Ikaw ay aking pinapatawad Rora. Patawarin mo rin ako dahil hindi ko nagawang ipagtanggol ka noong mga panahon na pinapagalitan ka nila. Bilang kapalit, ikaw na ang inaatasan ko bilang tagapagpamuno ng Kaharian ng Isla Malaya. Ikaw naman talaga ang nararapat at ipinapasa ko na sa’yo ang trono.” Inanunsyo na niya ang pagbibigay niya ng trono sa kapatid. Sa paglipas ng ilang taon, patuloy na namuno sa Kaharian ng Isla Malaya si Rora bilang Reybon at si Crisanto na siyang nakatuluyan nito bilang Harbon. Si Danilo at Mutya ay naglakbay nang malaya kasama ang munti nilang anak. Samantalang, si Angelo ang siyang inatasan bilang lider ng mga guwardiya at nangakong magiging tapat na manilbihan sa mga Malayaon. At ang kanilang ina na si Imelda at ama na si Fernando ay nasa isang malayong kulungan kung saan pinagsisihan ang kanilang mga ginawa. “Ang pag-abot sa ating pangarap ay ang ating kalayaan at walang sino man ang makakapagdikta o makakapagpigil nito.” 46
47