Masayang naglalaro ang mga oso dahil malamig ang panahon sa Tralala ang lugar na puro nyebe. Habang sila ay nag lalaro, napansin nilang may isang oso na nagtatago sa kaniyang kuweba. "Tein, bakit hindi ka sumama sa amin maglaro? Maganda ang panahon ngayon at malamig" sabi ni Mia na kakabatang oso ni Tein. Hindi sumagot si Tein at agad namang nag tago sa kaniyang kuweba. "Anak inaaya ka ng mga batang oso sa labas. Bakit hindi ka makipaglaro sa kanila?" Sabi ng nanay ni Tein Hindi sumagot si Tein sapagkat ay nahihiya siyang lumabas sa kaniyang kuweba dahil nasanay na itong mamuhay mag isa at hindi siya sanay makipaghalubilo sa ibang kapwa oso. Panibagong araw….. “Tein, tara!! tawag tayo ni Khiana at tayo raw ay magsasaya” sabi ni Mia Ngunit tumanggi ulit si Tein sa aya ng kaibigang si Mia at agad na bumalik sa kaniyang kuweba. Nagtataka na ang ibang mga oso sa kilos ni Tein ngunit may isang nag lakas ng loob upang tanungin ito sa kaniyang kalagayan. "Ayos ka lang ba Tein? Napapansin ko kasing hindi ka nakikihalubilo sa amin. Kami ay pwede mong maging kaibigan" Sabi ng isang oso na si Khiana. "Isa sa aking kinatatakutan ay ang mga nasa paligid ko. Mas gusto kong mapag isa sapagkat ayokong mag kamali sa harap ng iba pang mga oso" bigkas ni Tein. "Mag kamali? Ano ang ibig mong sabihin? Normal ang mag kamali Tein, parte ito ng buhay natin at kailanman hindi na ito mawawala. Ito lamang 48
ay isang pangaral upang tayo ay matuto sa buhay" Sagot muli ni Khiana. Tila napaisip si Tein sa payo ng kaibigang si Khiana, kaya naman pinag isipan niyang mabuti ang mga payo ng kaibigan at napagtanto niya na tama nga ito, parte ng ating buhay ang magkamali, at kung magkamali man ay may panahon pa para maitama ang mga maling nagawa. Kaya naman kinabukasan nito ay sinubukan niyang lumabas sa kaniyang kuweba upang makipag halubilo sa kaniyang mga kaibigan. Napagtanto ni Tein na masarap sa pakiramdam ang may makasama na tatanggap sayo at tuturuan ka sa mga pagkakamali mo. 49
PARABULA 50
Ang parabula ay isang uri ng panitikan kung saan layunin nitong magbigay-aral sa mga mambabasa sa pamamagitan ng matalinhagang kuwento. Mula noon hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong tinatangkilik sa Pilipinas. Ang mga tauhang gumaganap ay kadalasang hindi literal na tao kundi mga simbolismo o mga kakaibang nilalang. Ang mga parabula rin ay hango sa mga kuwento sa bibliya, kaya naman marami sa mga parabula ang nagpapakita ng mga turo ni Hesus ukol sa kaharain ng Diyos at sa katangian ng mga nanampalataya sa kanya. Ang parabula ay binubuo ng mga sumusunod na elemento: tauhan, tagpuan, suliranin, kasagutan sa suliranin, at aral. Ang ilan naman sa katangian nito ay makahulugan, madaling maunawaan, at simboliko. Kahuluugan ng Parabula: 51
Ang Kwintas Cristel Gale Talidong Jan Laurene Ilagan Ng dalaga 52
May isang babae na nagngangalang Cathryn. Simula nung pagkabata niya hanggang ngayon, gusto niya na nasakanya ang atensyon ng lahat, nagseselos si Cathryn kapag hindi siya ang nagiging sentro ng atensyon. Nagseselos siya kapag iba ang napapansin. Ang lahat ng tao sa kanilang lugar ay espesyal, sila ay may kani-kanilang talento, ngunit gusto ni Cathryn na sakanya nakatuon ang atensyon ng mga tao. Si Cathryn ay nakatira sa isang nayon, at may kasama siyang babaeng nangangalang Yanessa, at si Yanessa ang gustong makita ni Cathryn sa sarili niya. siya ay mabait, matalino, at higit sa lahat, siya ay marikit. Kilala si Yanessa sa buong nayon at maraming nagmamahal at sumusuporta sa kaniya. Hindi na mapigilan ni Cathryn ang kaniyang sarili, siya ay nagseselos. Gusto niyang magkaroon ng atensyon na kagaya ng kung anong meron kay Yannesa. Sa kabilang banda, si Yannesa ay nagmamayari ng isang makintab na kwintas na gawa sa pilak, ang kwintas na iyon ay napakaganda lalo na kapag suot ng dalaga. "Kapag napasaakin ang kwintas na iyon, mapupunta sa akin ang atensyon ng lahat at ako ang makikilala." Ani ni Cathryn. Sa kagustuhang mapasakanya ang kwintas na iyon ay nagplano ito kung paano niya iyon makukuha. Naghintay si Cathryn hanggang madaling araw upang nakawin ang kwintas ni Yanessa habang tulog ito. Nang mapagtanto ni Cathryn na tulog na ito, dahan-dahan niyang binuksan ang bintana sa kwarto ni Yanessa at pumasok ng tahimik upang hanapin ang kwintas, binuksan niya ang mga aparador nagbabakasakali na mahanap ito, at nang makita niya na ang kwintas na suot-suot ni Yanessa, dahan-dahang tinanggal ni Cathryn ang kwintas ni Yanessa sabay umalis sa tahanan nito. 53
"Sa wakas mapapasaakin na rin ang atensyon ng lahat!" Nang magising si Yanessa napansin niya na tila ba ay may kulang sa kaniya. "Nawawala ang aking kwintas!" Sigaw nito. Agad-agad na hinanap ni Yanessa ang kwintas hanggang sa sulok sulukan ng kaniyang kwarto, nagbabakasakali na mahanap ito. Nang makuha ni Cathryn ang kwintas ay dali-dali siyang nagbihis ng magarang damit, nagayos, at inisuot ang kwintas. "Ako na ngayon ang bibigyang pansin ng lahat at sa kagandahan kong ito ay paniguradong nasa akin lang ang kanilang tingin." Ani ni Cathryn. Lumabas si Cathryn at naglakad papuntang palengke, habang naglalakad ay sakaniya nakatingin ang mga tao. Taas noo siyang naglakad na para bang pinaguusapan siya dahil sa kaniyang kagandahan dulot ng kwintas na kaniyang ninakaw. Nang biglang dinumog siya ng mga kaibigan na tinulungan ni Yanessa. "Ang kwintas na iyan ay hindi saiyo, kay Yanessa iyan." Ani ng isa "Nagiisa lang yang kwintas na yan." Ani ng ikalawa. Pinagtutulungan at dinumog ng mga tao si Cathryn at ng makita ito ni Yanessa agad-agad siyang pumunta sa kinaroroonan ni Cathryn at tinulungan itong makatayo. "Hindi dapat iyan tinulungan!" Sabi ng mga tao. Ngunit pinunasan at pinagpag pa ni Yanessa ang nadumihang damit ni Yanessa, sabay sabing. "Ang lahat ng tao ay nagkakamali, kailangan lang natin matutong magpatawad gaya ng ating Diyos." 54
Ipinaliwanag ni Cathryn kung bakit niya ginawa iyon habang humahagulgol sa pag-iyak, isinauli niya ang kwintas at humingi ng tawad kay Yanessa. Simula noon, nakilala na si Cathryn sa buong bayan, hindi nga lang sa magandang pagkilala dahil kilala na siya ng lahat bilang isang "Cathryn na magnanakaw." pagkatapos ng pangyayaring iyon gumagawa na siya ng kabutihan upang makuha ang tiwala ng lahat at magiba na ang tingin sa kaniya. Ang kagandahan ay hindi nasusukat sa materyal na bagay, ito ay nakikita sa kalooban at butihing puso ng isang tao. “Huwag mong hayaan na ikaw ay mabulag at huwag kang magnanakaw”; ikawalong utos ng Diyos. 55
ANG MATULUNGIN NA SI PIOLO ANG MARIWASANG SI RICARDO AT Hango sa, “Parable of the Wise and Foolish Builders." Hango sa, “Parable of the Wise and Foolish Builders." Kizzy Marquez Lara Manlapas 56
Ricardo Jr., ang nag-iisang batang lalaki na ipinanganak sa isang mayaman na pamilya. Siya ay pinalaki ng kaniyang magulang na laki sa layaw, kung saan palagi nito nakukuha ang mga bagay na gusto niya. Ang ganitong uri ng pag-uugali ay ang bunga ng kaniyang pagkatao, mapagmataas at narsisistiko. Gabi-gabi, ang nanay ni Ricardo Jr. ay nagkukuwento ng mga istorya tungkol sa Diyos at mga mabubuting asal na nagawa niya. Isang gabi, habang nagkukwento ang nanay ni Ricardo Jr., binigyan siya nito ng payo at sinabi, “Anak, palagi ka maging mabuti sa mga kapwa mo para mabiyayahan ka ng Diyos.“ Si Ricardo na inaabala ang kaniyang selpon ay napatango lang sa mga sinasabi ng kaniyang nanay. Halata na hindi niya binibigyang pansin ang mga sinasabi ng kaniyang ina. Sumunod na araw, si Ricardo Jr. ay nasa kaniyang paaralan kung saan naabutan niya ang kaniyang guro na si Binibining Maria na nag-aanunsyo ng paparating na kaganapang Science Fair, kung saan may magaganap na kompetisyon na nangangailangan ng dalawang grupo. Inatasan ang dalawang grupo na gumawa ng isang istruktura upang masuri kung gaano katibay ang mga ito kapag may lindol. Si Binibining Maria ay pumili ng lider sa dalawang pangkat at ang mga napili niya ay sina Ricardo Jr. at Piolo. Si Piolo ay isa sa mga kaklase ni Ricardo Jr.. Siya ay pinalaki nang maayos at mayroong magandang puso sapagkat siya ay laki sa hirap. Dahil silang dalawa ang napili bilang lider sa gaganaping proyekto, hinati ni Binibining Maria at itinalaga ang mga natitirang estudyante sa dalawang lider. Pagkatapos nito, ginrupo-grupo ang mga estudyante at ipinahayag din niya sa kanila na ang takdang panahon para sa presentasyon ng proyekto ay gaganapin sa susunod na linggo. Sa loob ng pitong araw na iyon, isinagawa nila ang kani-kanilang mga proyekto. Ngunit ang mga kagrupo ni Ricardo Jr. ay biglang nagsi-alisan dahil sa kaniyang mapagmataas na ugali at pagmamayabang na kaya niyang tapusin mag-isa ang proyekto. “Kaya kong tapusin na mag-isa ‘to! Siguradong-sigurado naman na ako ang mananalo sa kompetisyon kahit na hindi kayo tumulong!” pagmamayabang na pahayag ni Ricardo. 57
Ang kaniyang mga salita ay labis na nagsasabi ng katotohanan sapagkat nakayanan niya gumawa ng istruktura na gawa sa salamin. Dahil sa paggamit ng salamin bilang materyales sa proyekto, nakagawa ng isang magandang disenyo si Ricardo Jr. na nagpapahiwatig kung gaano siya kayaman. Patuloy na ipinagmamalaki ni Ricardo Jr. ang kaniyang natapos na istruktura sa grupo ni Piolo na nanatiling nakatutok sa kanilang proyekto. Sa kabilang dako, ang grupo naman ni Piolo ay tila hindi binibigyang atensyon ang pag-uugali ni Ricardo. Sa grupo naman ni Piolo, hinihikayat niya ang kaniyang mga kagrupo na makilahok sa proyekto. Dahil dito, nagustuhan siya ng kaniyang mga kagrupo marahil madali siyang pakisamahan, nanatiling bukas ang isipan sa mga suhestiyon, at may magandang pag-uugali. Sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagsisikap, nakabuo ang kanilang grupo ng istruktura na simple ngunit matibay at malakas tulad ng nabuo nilang pagsasama at ang pagtutulungan nila sa isa’t isa–gamit ang kawayan bilang kanilang materyales. Sa araw ng paligsahan, ipinakita nila ang kanilang mga gawa sa hurado; isang kontruksyon na gawa sa salamin at ang isa namang hinabi gawa sa kawayan. Nang magsimula ang kompetisyon, sinuri ng mga hurado ang kanilang mga gawa. Pagkatapos nito, kanilang sinimulang hawakan at alugin ang mga ito upang malaman kung kanino nga bang gawa ang mas matibay. Unang sinuring ng mga hurado ang istruktura na gawa sa salamin. Habang patagal nang patagal, nagsimulang mabasag ang istruktura at maya-maya ay tuluyan nang nahulog. Kinumpara ng mga hurado ang naging resulta nito sa gawa nila Piolo kung saan nung sinuri ng mga hurado ang kanilang istraktura, nanatili itong nakatayo; hindi man lang ito umuga gaano man kalakas ang pag-alog dito. Sa isang iglap, nanalo ang grupo ni Piolo sa kompetisyon sa kabila ng pagkakaroon ng kalantayan at kapulpulan sa proseso ng konstruksyon. Ang munting aral nito ay palaging makinig at sundin ang mga turo ng Diyos sa pamamagitan ng pagiging mabait at matulungin sa ibang mga tao. Ang parabula na ito ay hango sa, “Parable of the Wise and Foolish Builders." 58
parabula worksRenz Wendell Chavez Raphael Gabriel Renomeron 59
Sa isang maliit na baryo sa Sta. Lucia, sa lalawigan ng Lukresya naninirahan at namumuhay ang magsasakang si Roger. Sa Sta. Lucia lumaki at nag ka pamilya si Roger. Pagsasaka ang dumadaloy sa dugo ng pamilya niya simula pa man sa kaniyang mga ninuno. Ilang henerasyon na ang nanirahan sa kanilang lupa. Kaakibat nito ang ilang dekadang paglaban nila sa kanilang lupain at ipaglaban ang patas na sweldo sa mga magsasaka sa kanilang baryo. Sa kasalukuyan naging maayos at balanse ang pamumuhay ni Roger at ng kaniyang Pamilya, ngunit dumating ang araw katulad sa naranasan ng mga ninuno ni Roger. Sa isang liblib na umaga, nagising si Roger sa ingay na nanggagaling sa labas ng compound na tinitirahan ng kaniyang pamilya, at iba pang kamag anak. Ang ingay na ito ay galing sa busina ng mga sasakyan nakapalibot sa kanilang compound. Ito ay mga sasakyan at tauhan na ipinadala ng kilalang negosyante na si Don Malik Sarcedo ang anak ng dating senador na si Don Alejandro Sarcedo at siya ay isang sakim na gobernador. Ginagamit niya ang kapangyarihan upang mapatalsik ang mga magsasaka at mga taong nasa laylayan sa kanilang tirahan at lupain. Walang takot na kinompronta ni Roger ang mga tauhan na ipinadala ni Don Malik. Iginiit ng mga tauhan na ito na sila ay may nalalabing dalawang linggo upang lisanin ang nasabing lupain na di umano’y pagmamay-ari raw ng Pamilya Sarcedo. Hindi nagbitiw ng kahit anong salita si Roger at tinalikuran lamang ang mga tauhan na ito. Sinara ni Roger ang gate at bumalik sa kanilang tahanan at agad-agad na nag Dasal. Humingi ng gabay si Roger sa tatahaking ruta sa paglaban para sa kanilang lupain. “O Panginoon, ako ay iyong gabayan at bigyan ng lakas sa aking tatahakin na daan” ika ni Roger. Kaagad na nag tipon-tipon ang buong angkan upang talakayin ang mga posibleng mangyayari sa loob ng dalawang linggo. Hindi natinag ang angkan at nagkaisa upang ipaglaban ang karapatan nila. Makalipas ang isang linggo, nagtipon-tipon ang angkan sa pamahalaang pang siyudad ng Sta Lucia upang humingi ng tulong at magproseso ng mga dokumento ng kanilang mga lupain. Sa araw din na iyon ay sinalakay ng mga tauhan ni Don Malik ang compound ng mga Calinao; angkan ni Roger. 60
Nahanap ng mga tauhan ni Don Malik ang isang papel na di umano’y titulo ng buong lupain. Kaagad itong ipinasunog ni Don Malik. Nadatnan ng buong angkan na magulo ang kanilang compound. Hindi na nagsayang ng oras si Roger at dali-daling pinuntahan ang bahay ni Don Malik. “Alam ng Diyos ang totoo. Alam niyang ikaw ang nag utos na guluhin at sirain ang mga tahanan ng angkan namin” Kalmadong iginiit ni Roger. “Diyos? Sa lugar na ito ako ang diyos! Ako ang pinakamakapangyarihan! At ako ang papanigan!” Bastos na pagsagot ni Don Malik. “Magkita na lamang tayo sa korte, kung saan malalaman ng lahat ang katotohanan” Sagot ni Roger. Tinalikuran niya lamang uli ito ng hindi nagbibigay ng kahit ano mang masakit na salita. Sa araw ng pagtutuos sa korte, kapit bisig na dumalo ang buong angkan ng Calinao. Nang iprinisenta ng panig ni Don Malik ang mga ebidensya na di umano ay sa kanila talaga ang lupa, pa simpleng ngumisi si Roger. Isiniwalat ni Roger lahat ng ebidensya, dokumento, pati na din ang mga CCTV clips at audios na ikinagulat ni Don Malik. “Noong araw na sinalakay niyo ang compound namin, mali ang nakuha niyo na dokumento. Iyon ay isang kopya lamang ng titulo ng aming lupain. Nasa kamay ko ang orihinal na titulo na nag mula pa sa aking mga ninuno na ipinaglaban din ang lupa namin. Hindi rin napansin ng mga tauhan mo ang nakakabit na CCTV sa poste na katapat ng aming gate. Ito’y CCTV na ikinabit pa ng barangay noon pa man.” Pinanigan ng korte ang angkan ni Roger. Nakasuhan ng iba’t ibang krimen si Don Malik. Ito ay lubos niyang ikinagulat na sanhi sa kaniyang kamatayan. Biglang inatake sa puso si Don Malik pagkatapos marinig ang mga kasong isasampa laban sa kanya. Sa huli nagwagi pa rin ang katotohanan. Lumaban si Roger at ang kaniyang angkan sa isang paraan na ang kahit sino man ay hindi masasaktan. Sa gabay ng Diyos, nagkaroon ng malinaw na daan si Roger kung paano niya malalagpasan ang pagsubok na naranasan din ng kanilang mga ninuno. At sa wakas nakamit din nila ang hustisya at katotohanan. 61
Ang ideya ng parabula na ito ay mula sa parabula ni David at Goliat. Bago ang labanan na ito, karamihan sa mga tao ay magsasabing hindi ito makakayang gawin ni David. Ngunit “walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan” (Lucas 1:37). 62
Parabula ng Kambal na Sina Jem at Jun Parabula ng Kambal na Sina Jem at Jun 63
Ang mag-asawang sina July at Jomar ay may kambal na anak na nagngangalang Jem at Jun. Ang magkapatid na ito ay tunay na malapit sa isa't-isa simula pagkabata. Mula sa damit, gamit, at maging sa iba’tibang interes ay halos sila’y walang pagkakaiba. Tiyak na kung ano man ang nais ng isa, ay siya ring sasang-ayunan ng isa. Ang kambal ay bihirang magkaroon ng alitan, subalit ang lahat ng ito ay nagbago nang sila ay tumuntong sa pagkabinata. Sina Jem at Jun ay kasalukuyang nasa ika-labing-dalawang baitang. Bagamat nasa iisang pangkat lamang, bihirang makitaan ng kahit anong interaksyon ang dalawa. Nagsimula ang hindi umanong alitan ng magkambal noong si Jun ay nagsimulang maimpluwensiyahan ng mga hindi magandang gawain ng kaniyang mga barkada. Samantalang si Jem ay nanatiling pokus sa pag-aaral at naging mapagmatyag sa pagpili ng kaibigan. Isang araw, habang nalalapit ang kanilang pinal na eksaminasyon, ang kanilang magulang ay pinatawag sa eskwelahan nang dahil sa hindi malamang dahilan. Ayon sa kanilang punong-guro, ang isa sa magkambal ay nahuli sa isang CCTV camera na kumuha ng test questionnaire sa departamento ng mga guro upang maaaring magamit sa pandaraya. Ngunit sa kadahilanang sila ay kambal, hindi mawari ng punong-guro kung sino nga ba sa kanilang dalawa ang tunay na salarin. Alam ng magkambal sa kanilang sarili na si Jun ang tunay na gumawa nito. Ngunit sa takot ni Jun sa kanilang mga magulang, lakas-loob niyang sinisi ang kaniyang kambal na si Jem sa kasalanang ginawa niyang pagkuha ng nasabing test questionnaire. Sa pagkabigla ni Jem sa pangyayari, hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataong itanggi ang pambibintang ni Jun. At ito naman ay ikinadismaya ng kanilang mga magulang dahil hindi nila ito inakalang mangyari. Nang makauwi ang pamilya sa kanilang tahanan, si Jem ay napangungunahan na ng galit at nais gumanti sa paninising ginawa ng kaniyang kambal na kapatid sa pamamagitan ng pananakit. 64
Ngunit, ikinalma ni Jem ang kaniyang sarili at mas pinili nitong linisin ang kaniyang pangalan sa kanilang mga magulang. Nag-usap nang mahinahon ang buong pamilya at tuluyan nang inamin ni Jun ang kaniyang pagkakamali. Sapagkat nagawa niya lamang daw ito dahil sa inggit na kaniyang nararamdaman patungo sa kaniyang kambal na si Jem. Kalaunan, sila ay nagkaroon ng maayos na pag-uusap at tuluyan na ring nagkaayos. Binigyan naman ng pangangaral ng kanilang mga magulang ang magkapatid. “Jem, mabuting hindi mo ginantihan ng masama ang masama at ikaw agad ay pumunta sa’min upang ipahayag ang iyong katotohanan.” sabi ng kanilang ina na si July. “At ikaw naman Jun, inaasahan kong hindi na muli mangyayari ito. At sikapin mong mamuhay nang marangal sa harap ng maraming tao.” dagdag ng kanilang ama na si Jomar. 65
66
Kahulugan ng Sanaysay: Ang sanaysay o Essay sa wikang Ingles, ay isang sulatin na ginagamitan ng kritikal na pag-iisip upang ganap na maipahayag ang isang argumento o pananaw tungkol sa isang paksa. Bukod dito, and sanaysay ay ginagamitan ng sistematikong paraan upang maibahagi ng manunulat ang kanyang kaalaman. Ang dalawang uri ng isang sanaysay ay Pormal, kung saan ang pangunahing layunin nito ay ang magbigay impormasyon sa mambabasa tungkol sa seryosong paksa na nakabatay sa obhetibong pananaw. Samantala, ang Impormal na uri ng sanaysay ay nakabatay sa subhetibong pananaw ng may-akda sapagkat ito ay naglalaman ng personal na pananaw at damdamin ng may-akda. Karaniwang binubuo ng tatlong talata ang isang sanaysay, Panimula, Katawan, at Wakas. Sa panimulang bahagi ng sanaysay binibigyang pagkilala ng may-akda ang paksa o tema. Sa katawang bahagi matatagpuan ang nilalaman ng sanaysay, at sa konklusyon naman matatagpuan ang konklusyon ng mayakda tungkol sa paksa. Ang sanaysay ay isang mahalagang kakayahan na tumutulong sa bawat indibidwal na mapaunlad ang kanilang pagkamalikhain, kritikal na pagiisip, at lohikal na kakayahan. Sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay, maipapahayag ang katotohanan at saloobin tungkol sa isang paksa. 67
ANGPAG UNLAD NG LIPUNAN SA LOOB NG TAHANAN ELLA MAE OCO JULYANNA YANESSA 68
Gaya nga ng kasabihan, "ang pag-ibig sa kapwa ay nagsisimula sa tahanan," at gayon din ang paglago ng isang bansa. Nakaugat sa pamilya ang kaunlaran at pag-unlad ng isang bansa. Ang pamilya ang pangunahing yunit ng lipunan, at kung ano ang nangyayari sa pamilya ay direktang nakakaapekto sa ating lipunan. Sa sanaysay na ito, tutuklasin natin kung paano umuunlad ang bansa simula sa iyong pamilya. Una, mahalagang kilalanin na ang mga pamilya ang mga bloke ng pagbuo ng lipunan. Ang mga pamilya ang unang lugar kung saan natututo ang mga indibidwal ng mga kasanayan sa pakikisalamuha, pagpapahalaga, at ugali. Ang mga pagpapahalaga at pag-uugaling ito ay dinadala sa mas malaking lipunan, na humuhubog sa kinabukasan ng bansa. Halimbawa, kung itinataguyod ng isang pamilya ang katapatan, paggalang, at pagsusumikap, ikikintal nila ang mga pagpapahalagang ito sa kanilang mga anak, na laking tapat, magalang, at masipag na mamamayan. Ang mga mamamayang ito ay mag-aambag ng positibo sa mas malaking lipunan, sa gayon ay nagtataguyod ng paglago ng bansa. Ikalawa, ang mga pamilya ay may pananagutan para sa edukasyon ng kanilang mga anak. Ang edukasyon ay isang mahalagang aspeto ng pagunlad ng isang bansa. Binibigyan nito ang mga indibidwal ng kinakailangang mga kasanayan at kaalaman upang makapag-ambag sa pag-unlad ng kanilang lipunan. Kapag inuuna ng mga pamilya ang edukasyon, tinitiyak nila na ang kanilang mga anak ay makakatanggap ng de-kalidad na edukasyon, na naghahanda sa kanila para sa hinaharap. Ito naman, ay humahantong sa isang napakahusay na manggagawa na nagtutulak sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya. Ikatlo, Bilang karagdagan sa edukasyon, ang mga pamilya ay may pananagutan sa pagtataguyod ng isang malusog na pamumuhay. Ang kalusugan ay isang mahalagang aspeto ng paglago ng anumang bansa. Kapag ang mga pamilya ay nagpatibay ng malusog na mga gawi tulad ng ehersisyo, malusog na pagkain, at regular na medikal na pagsusuri, itinataguyod nila ang mabuting kalusugan hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para sa mas malaking lipunan. 69
Higit pa rito, Ang mga malulusog na indibidwal ay produktibo at may positibong kontribusyon sa paglago ng bansa. Higit pa rito, ang mga pamilya ay may mahalagang papel sa pagtataguyod ng pagkakaisa sa lipunan. Ang panlipunang pagkakaisa ay tumutukoy sa antas kung saan ang mga miyembro ng isang lipunan ay nagkakaisa at nagsusumikap patungo sa mga karaniwang layunin. Kapag tinuturuan ng mga pamilya ang kanilang mga anak na igalang at pahalagahan ang pagkakaiba-iba, itinataguyod nila ang pagkakaisa sa lipunan. Ito ay dahil ang mga indibidwal na lumaki na pinahahalagahan ang pagkakaiba-iba ay mas malamang na yakapin at ipagdiwang ang mga pagkakaiba sa mas malaking lipunan, kaya nagtataguyod ng pagkakaisa at pagtutulungan. At higit sa lahat, ang mga pamilya ay may pananagutan sa pagtataguyod ng pananagutang sibiko. Ang pananagutang pansibiko ay tumutukoy sa tungkulin ng mga mamamayan na mag-ambag ng positibo sa pag-unlad at pag-unlad ng kanilang lipunan. Kapag ang mga pamilya ay nagkikintal ng mga halaga ng civic responsibility sa kanilang mga anak, tinitiyak nila na sila ay lumaking responsableng mamamayan na positibong nag-aambag sa pag-unlad ng bansa. Ang mga mamamayang ito ay aktibong kasangkot sa paglilingkod sa komunidad, boluntaryong gawain, at mga tungkuling pansibiko gaya ng pagboto. Sa konklusyon, ang paglago ng isang bansa ay nagsisimula sa pamilya. Ang mga pamilya ay may pananagutan sa pagkintal ng mga kasanayan sa pakikisalamuha, mga halaga, at mga saloobin na humuhubog sa kinabukasan ng bansa. Responsable sila sa pagtataguyod ng edukasyon, kalusugan, pagkakaisa sa lipunan, at pananagutang sibiko. Sa ating pagsisikap tungo sa pag-unlad at pag-unlad ng ating bansa, huwag nating kalimutan ang kahalagahan ng pamilya. Unahin natin ang pamilya at magsikap tungo sa pagbuo ng matatag, malusog, at responsableng pamilya na positibong magaambag sa pag-unlad ng ating bansa. 70
Digmaan parasa Kalikasan: Mga Mandirigma Laban sa Pagbabago ng Klimaat Polusyon Cary Louvise Calingacion Melaiza Claire Carmelotes 71
Sa hamon na ating kinakaharap ukol sa patuloy na pagbabago ng klima at paglaganap ng matinding polusyon sa kasalukuyang panahon, ang pangangalaga sa ating kalikasan tulad ng pagsasaayos ng mga basura at paglutas ng polusyon sa hangin, lupa, at tubig ay hindi lamang isang responsibilidad— bagamat ito'y isang digmaan. Ang tunay na mandirigma ng kalikasan ay ang mga taong nagbibigay-pansin, nagkakawang gawa, at patuloy na lumalaban upang maisalba ito. Napakahalaga ng kalikasan sa ating buhay. Ito ang nagbibigay sa atin ng sariwang hangin, malinis na tubig, at mga pagkain na ating kinakain sa pang-araw araw. Subalit sa patuloy na paglipas ng panahon, unti-unti nating nadarama ang pagkasira nito. Ang klima ay patuloy na tumataas, ang epekto ng mga natural na kalamidad ay mas lumulubha, at ang matinding polusyon ay nakakaapekto na rin sa ating kalusugan. Ang pagbabago-bago ng klima ay maaaring ituring na isa sa pinakamalaking problema na kinakaharap ng sanlibutan. Ito ay nagdudulot ng mas malakas na pag-ulan at mas matinding init—na nag reresulta sa paglaganap ng matinding pagbaha at pagkatuyo ng lupa na maaaring magdulot ng gutom at kahirapan sa isang komunidad. Matinding aberya rin ang dulot ng polusyon. Ito ay isang halimaw na naghahasik ng sakit at pinsala sa ating kalusugan at kalikasan. Karaniwan itong nagiging sanhi ng mga sakit sa baga, paghina ng ating immune system, at ang patuloy na sumisira sa ekosistema ng mga katawang tubig. Ang problemang ito ay madalas na nagmumula sa usok ng mga pabrika, sasakyan, at mga basura na hindi naitatapon sa wastong lagayan. Ang nabanggit na mga suliranin ay maaaring masolusyunan sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga basura. Ito ay hindi lamang tumutukoy sa pagtatapon sa tamang lugar, ngunit ito ay tungkol sa pamamahala ng mga resurso ng may disiplina at pag-alala sa magiging epekto nito sa kalikasan. Ang pag-aksyon sa simpleng bagay tulad ng pag-rerecycle at pagtangkilik sa mga produktong biodegradable ay malaking hakbang na tungo sa pagtugon sa problema ng polusyon sa basura. 72
Bilang mga mandirigma ng kalikasan, hindi tayo pwedeng maging apathetic o walang malasakit. Kailangan natin ipagpatuloy ang laban para sa malinis na kapaligiran. Patuloy nating turuan ang bawat mamamayan sa ating planeta, kasali na ang mga batang susunod sa ating mga yapak, sa pagpapanatili ng maayos at malinis na kapaligiran. Sa tulong nito, maaari nating mapanatiling buhay at maganda ang kalikasan hanggang sa susunod na mga henerasyon. Kailangan nating maging isang mabuting halimbawa at inspirasyon sa iba sa pagsama sa kilos na ito. Ang pagbabago ng klima ay hindi normal; ito ay isang banta sa kinabukasan na ating nararanasan. Naging karaniwang tanawin na lamang para sa atin ang malupit na pag-ulan, pagtaas ng lebel ng karagatan, at mainit na panahon. Ang kagubatan, kabukiran, at mga ilog o anumang anyong tubig ay patuloy na nasisira. Maging ang tirahan ng mga hayop sa kagubatan ay patuloy nang nawawasak, kung kaya't sila'y napipilitang pumunta sa siyudad kung saan puno ng banta ang kanilang buhay. Hindi na nagkakaroon ng maayos na produksyon ng bigas dahil sa pagkasira ng mga taniman, walang makuhang lamang tubig para sa pangkabuhayan at pangkain ang mga mandaragat dahil sa patuloy na pagkasira at pagkamatay ng mga likas na yaman. Kaya't hindi tayo pwedeng sumuko. Ang digmaan na ito ay nangangailangan ng ating tugon. Isang digmaan para sa kalikasan, isang laban para sa kasalukuyan, at isang laban para sa hinaharap na henerasyon. Huwag na nating hintayin pa ang malupit na hagupit ng ating inang kalikasan, hindi natin nanaising isa-isang mawala ang mga mahalaga sa ating buhay. Ang ating Diyos, pamilya, kaibigan, at komunidad, handa ka bang isakripisyo sila? 73
Q QCatherine Grace Nival Kimberly Dela Cruz 74
Sa ating mundong ginagalawan, mayroong mga bagay na kaya nating kontrolin at maaari ring pigilan, ngunit mayroon ding hindi maiiwasan. Isa na rito ay ang kamatayan. Para sa iyo, ano nga ba ang tunay na kahulugan ng kamatayan? Marahil marami sa inyong itinuturing ito bilang isa sa pinakamalungkot, o kung minsan pa nga ay pinaka masalimuot na pangyayari sa ating buhay. Ngunit sa kabila ng ganitong klase ng pagpapakahulugan ng kamatayan batay sa iba’t ibang pananaw, mayroon paring naniniwala na ang kamatayan ay hindi lamang isang negatibong pangyayari sa buhay ng isang tao. Ang kamatayan na kung minsan ay negatibo sa paningin ng karamihan, ay siya ring nagsisilbing inspirasyon kung bakit kanilang patuloy na pinapahalagahan ang bawat araw ng kanilang buhay. Ang ating pagkabuhay ay ang simula, at kamatayan, bilang katapusan ng lahat. Maraming bagay sa ating buhay ang hindi maipaliwanag ngunit iisa lamang ang sigurado, ang lahat ng ito ay mayroong katapusan. Hindi maikakaila ang iba’t ibang pangyayari na nagaganap sa ating buhay, hindi alintana kung ito man ay masaya o malungkot, nakatutuwa man o nakalilito, dahil ang bawat emosyon at damdaming ating nararamdaman ang nagsisilbing katibayan na tayo ay nabubuhay sa mundong ating ginagalawan. Ngunit maliban sa emosyon at damdamin, tayo rin ay susubukin ng mundo at ng tinatagong realidad nito. Bago matapos ang lahat, ang bawat isa ay may pagdaraanang pagsubok na kailanman man ay hindi magiging madali. Sa bawat pagsubok na ating hinaharap, mayroong panahon na kung saan nais na lamang nating sumuko. Dahil sa labis na pag-aalala, magulong pag-iisip, pagod, at hirap na nararamdaman sa tuwing may problema, minsan nang tinuring bilang isang solusyon ang pagpapakamatay. Para sa karamihan, ang kamatayan ay isang paraan ng pagtakas mula sa kalupitan at mapait na realidad na hatid ng buhay, dahil ang kamatayan ang nagsisilbing katapusan ng lahat. Ngunit sa kabila ng lahat, ang pagpapakamatay ay hindi kailanman maituturing bilang isang solusyon dahil walang problemang ibinibigay sa ating buhay na hindi kayang lampasan. Gayunpaman, ang kamatayan ay dapat na magsilbing tagapagmulat kung bakit kailangang magpatuloy, bumangon, at lumaban sa hamon ng buhay. 75
Bilang konklusyon, ating tatandaan na ang kamatayan ay ang magsisilbing motibasyon upang tayo’y patuloy na lumaban sa pagsubok ng buhay. Ang kamatayan na magbibigay kahulugan ng kahalagahan ng ating buhay, upang tayo ay patuloy na lumaban at tuparin ang ating mga pangarap at hangarin sa buhay. Ito rin ang dahilan kung bakit kailangan nating patawarin ang ating sarili at ang iba, at kalimutan ang mga masasamang karanasan upang makagawa tayo ng mga bagong alaala at maranasan ang iba’t ibang bagay dahil ito ang kahulugan ng buhay. Huwag hahayaang nakawin ng kamatayan ang iyong kakayahang mabuhay ng payapa, masaya, at higit sa lahat ay ang kakayahang maranasan ang iba’t ibang bagay sa buhay. Gayunpaman, ating aalalahanin na maiksi lamang ang buhay sa mundong ating ginagalawan. Kaya bilang isang indibidwal, iyo bang patuloy na ipaglalaban ang iyong karapatang mabuhay? 76
REPORMA SA SISTEMA NG EDUKASYON SA PILIPINAS Channel Stepfanie Bermudez Myisha Aliyah Villarta 77
Ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay mahalaga para sa kinabukasan ng bansa, ngunit nahaharap ito sa mga makabuluhang hamon pagdating sa paghahatid ng edukasyon. Sinusuri ng sanaysay na ito ang mga hamon ng sistema at nag-aalok ng mga rekomendasyon para sa pagsulong ng edukasyon sa Pilipinas. Ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay nakikipagbuno sa iba't ibang mahahalagang isyu. Isang malinaw na educational divide ay umiiral sa pagitan ng mga urban at rural na lugar, na nagmumula sa hindi pantay na pagtamo sa kalidad ng edukasyon. Ang mga rural na rehiyon ay nagtitiis sa kakulangan ng imprastraktura at mga kwalipikadong tagapagturo. Mas lalong nadagdagan ang isyu ng edukasyon sa Pilipinas nang dumating ang pandemya. Maraming estudyante ang naapektuhan at hindi makasabay sa pag-aaral sa kadahilanang hindi lahat ay may gadyet na maaaring gamitin at mas lalong hindi lahat ay may malakas na koneksyon sa internet lalo na ang mga kabataan na nasa malayong lugar. Ang kurikulum ay nakatatanggap din ng mga batikos dahil sa pagiging luma at hindi sapat sa paghahanda ng mga mag-aaral para sa modernong kapanahunan. Noong 2018, ayon sa isang pag-aaral ng Programme for International Student Assessment (PISA), mula sa pitumpu’t siyam na bansa ay nasa huling ranggo sa pagbasa ang mga Pilipino na nasa edad labinlimang taong gulang. Nasa pang pitumpu’t walo rin ang bansa pagdating sa agham at matematika. Upang matugunan ang mga alalahanin na ito, kailangang baguhin ang kurikulum sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mas may kinalaman at praktikal na mga paksa. Upang matugunan ang mga problemang ito, mahalagang ilaan ang pondong pang-edukasyon nang pantay-pantay, lalo na sa mga lugar na maraming mahirap, na nangangailangan ng mas mataas na pamumuhunan sa imprastraktura, suweldo ng mga guro, at mga mapagkukunang pang-edukasyon. Bukod pa rito, mahalaga ang pagsasagawa ng komprehensibong pagsusuri ng kurikulum, na may kasamang mahahalagang kasanayan tulad ng digital literacy, kritikal na pag-lisip, at paglutas ng problema, na may input mula sa mga tagapagturo, at mga eksperto. Ang mga suhestiyon na ito ay naglalayong pahusayin ang kalidad ng edukasyon. 78
Ang pagpapatupad ng mga repormang ito sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay magreresulta sa isang mas pantay-pantay at mataas na kalidad na sistema ng edukasyon; sapagkat mahalaga ang edukasyon upang magkaroon nang maayos na buhay, ito rin ay isang daan upang makamtan ng isang indibidwal, maging siya man ay mahirap, mayaman, o kahit ano pang estado nito sa buhay. 79
Tula 80
Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining o panitikan kung saan malayang maipahayag ng isang makata o manunulat ang kanilang damdamin sa pamamagitan ng malikhain at malayang pagsulat. Kadalasan ay hindi tuwiran ang mga salitang ginagamit sa pagpapahayag at kailangang unawain ng mambabasa ang bawat linya upang maintindihan ang mensaheng nais ipahiwatig ng makata. Ang tula ay binubuo ng mga sumusunod: sukat, tugma, at talinhaga. Ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng bawat pantig sa isang taludtod, ang tugma naman ay ang pagkakapare-pareho ng tunog nga mga salita na kadalasang naririnig sa dulo ng bawat linya, at ang talinghaga naman ay ang paggamit ng mga simbolismo at mga tayutay upang maipahayag ang mga nais sabihin sa masining na paraan. Sa kultura ng mga Pilipino, mayroong tatlong uri ng tula. Una, ang Tula ng Pag-ibig. Ginagamit ng mga makata ang tulang ito sa pagpapahayag ng kanyang emosyon ukol sa pagmamahal, pag-ibig, at sa iba’t-ibang uri ng relasyon. Pangalawa, ang Tula ng Kalikasan. Layunin ng tulang ito na ipinamalas ang ganda ng kalikasan at buksan ang mata ng mga tao sa kahalagahan ng pag-aalaga sa kapaligiran. Pangatlo, Kahuluugan ng Tula: 81
ang Tula ng Pag-asa. Ang tulang ito ay nagbibigay ng inspirasyon, mapapatatag ang optimismo ng mambabasa, at nagbibigay motibasyon na manatiling malakas ang loob anuman ang hamong hinaharap sa buhay. Tunay na makapangyarihan ang tula sapagkat may kakayahan itong baguhin ang perspektibo at opinyon ng isang tao ukol sa isang paksa, maging sa kanilang buhay. Ang tula ay nababago at umaayon sa modernong panahon, kaya naman maaring magsilbing boses at behikulo ito upang mabigyang-pansin ang mga sensitibo at mahahalagang usapin sa lipunan. Panghuli, ang tula rin ay nagbibigay identidad o pagkakakilanlan sa kultura ng isang tao at bansa. Kahuluugan ng Tula: 82
Nixie Nicolas Charlotte Vistal 83
Kasabay ng mga alon, Ang pagtibok ng puso kong nalulunod sa pagmamahal ng kahapon, Kahapong hindi na maibabalik ng panahon. Siyang naaalala ko sa tuwing lulubog ang araw ng ngayon. Kagaya ng mga alon, Hindi malaman kung tayo ba'y hanggang dulo. Hindi mawala ang takot sa isipan, Na baka, hindi na pala ako. Ngunit, ako ay para sa iyo, Ikaw ay para sa akin, Hihigitin nang papalapit, Yayakapin kang mahigpit. Kagaya ng alon, Dala-dala ang mga alaala na ating binuo. Sa isang istorya na ikaw ang nangungunang tao, Ako ang magiging kapareha mo. 84
jillianjestre rhyle lucas paruñgo 85
Itong tulang aming isinulat, Ay tungkol sa pagiging salat. Ito ang daan sa mga kabataan, Para mas maging mulat. Tignan niyo ang bilihin ngayon, Kay bilis nang pagtaas ng mga presyo. Ang bigas, at iba pang pangangailangan niyo, Totoo bang dulot lamang ng inflation? Sino nga ba ang dapat sisihin, Sa lahat ng ating pasanin. Ano nga ba ang dahilan, Nitong ating kahirapan. Araw-araw nagtatrabaho, Ngunit bakit parang walang nangyayari? Mga taong nasa pwesto, Kung kumilos ay parang mga hari. Kailan ba masosolusyunan ito? May magagawa pa kaya ang gobyerno? Taong bayan ay labis na nagugutom, Walang napala sa mga pangako nilang tulong. Ang aral nitong tulang aming isinulat, Ay tungkol sa pagiging salat. Kung lahat tayo ay magbubulag-bulagan, Lulubog ang Pilipinas na ating sinilangan. 86
Buhay Tangkay: Takdang Santambak Michaela Paguio Leijan Atienza 87
Natutupok ang balat at natutuklap, ‘Di mawari kung sa init ba o hirap. “Tulong! Tulong!” ‘yan ang tanging pakiusap, Yamang sarili’y hindi na mahagilap. Walang parada, mga takdang santambak, Sa katunayan, gusto kong magpahinga, Ngunit takot, at may pangambang bumagsak, Simpleng kain at tulog ay ‘di magawa. Hanggang kailan kaya magpapatuloy? Sa ugat ko’y kape na ang dumadaloy. Yukayok, sapagkat mundo’y nabulabog; Nagkukumahog, malapit nang sumabog. Maaaring ganito ang buhay tangkay, Masisisi mo ba kung maging lupaypay? Kaluluwa’y unti-unting namamatay, Bawal sumablay, piliting makasabay. Nawa’y ito’y magsilbing simulain — Maging palatandaan ng aral ng panahon. Ang matuto sa kahapon ang panalangin. Sa kabila ng hamon, ako’y bumangon. Buhat ang pag-asa, dala ang pangarap, May galak at tiwala sa hinaharap. Gagampanan ang sinumpaang tungkulin, Mapapagod man, ay makararaos din. 88
Catherine Fabriaga Jasmine Rose Gallego 89
Sa mundong malawak, Buksan ang pakpak. Kulang man ang liwanag sa araw, Sa gabi, pangarap ay matatanaw. Kung iyong iisipin, Ika'y malikhain. Hawak mo ang bukas, Kulayan mo ng may pag-alpas. Huwag mag-alala, Puwedeng magpahinga. Magtiwala sa kakayahan, Marami ka pang matututuhan. Saksi ang mga bituin, Sa rurok ng iyong pangarap, Gawing gabay ang liwanag sa aakyatin, At biyaya ay 'yong matatanggap. 90