The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by ladyrala1224, 2022-05-29 02:23:22

BAUL NG SALIMUOT: MGA KWENTO SA LIKOD NG MGA ‘DI NINANAIS

LADY YSMAELA RALA

BAUL NG SALIMUOT:
MGA KWENTO

SA LIKOD NG MGA
‘DI NINANAIS
BFE I
II-5



LADY YSMAELA RALA

BAUL NG SALIMUOT:
MGA KWENTO

SA LIKOD NG MGA
‘DI NINANAIS
BFE I
II-5

May bigat at lalim na koleksyon na mga
akda. Tila dadalhin ka sa masalimuot na
realidad, na magsisilbing kaagapay mo sa
panahon ng lumbay.
Regina D. Cruz

Mga
Paunang
Salita

Talagang naglalaman ang baul na ito ng

yaman ng tunay na danas at ang akibat na
pait sa bawat salaysay. Umuukit din ng
paalala habang may ibinabaong kirot sa
puso

Dharenz Kelly Taborda

i

PANIMULA

Lahat tayo ay dumaan sa masalimuot na buhay.
Ang iba sa atin ay dinadaanan lang ang mga ito
hindi para takasan, kundi para ibaon na lang sa
limot. Karamihan naman ay naroon pa rin dahil
hindi nila alam kung paano makalalagpas. Marahil
ay hindi nila makita ang pag-asa dahil pakiramdam
nila ay mag-isa lang sila.

Ang mga nilalaman ng Literary Portfolio na ito
ay nagmula sa mga masalimuot na pangyayari sa
buhay ng isang tao. Ako si Lady Ysmaela Rala,
naniniwala na hindi lang masasayang danas ang
dapat nating ibinabahagi upang makapanghimok sa
iba na magpatuloy lang sa buhay, dapat din natin
ibahagi ang mga masasalimuot nating danas o ang
proseso kung paano tahakin ang madilim na bahagi
ng ating buhay, upang makapanghimok sa iba na sa
dulo ng prosesong ito, kumakaway ang liwanag―
ang pag-asa.

Magsilbi sana itong paalala na ang pagkadapa ay
isang senyales na ikaw ay lumalaban; ang mga
sugat ay tanda ng mga hindi malilimutan na
pagtahak sa proseso patungo sa pagkapanalo. Sa
mundo natin ngayon, hindi na uso ang salitang
“move on!” dahil kailangan mong namnamin ang
pait upang sa paglasap mo ng tamis, masasabi mong
lahat ng ito ay “worth it”.

ii

TALAAN NG NILALAMAN

Paunang Salita
Paniimula

Talaan ngiiNilalaman
Sa Sariiili-iivng Baul

Mga Tula I Pahina 1 - 8

Krayola
Pagtanaw
Ang Unang Lamat
Tahan Na

Hele
Ang Ikalawang Lamat

Mga Hikbi

Mga Dagli I Pahina 9 - 12

Bedsheet
Positive
Proyektong Puno

iii

TALAAN NG NILALAMAN

Trahedya

2 Maikling Kwento I Pahina 13 - 20

Ang Panyo ni Ding
11:11

Pagsipat

Mga Sanaysay I Pahina 21 - 31

Higit pa sa Korona ang Adbokasiya
Mga Batang Langoy

Ang Dilim Sa Bahaghari

Lathalain I Pahina 32 - 34

Bulong ng Lamok

Dula I Pahina 35 -

Para kiantaASaykaan, Taan

3 Malayang Akda I Pahina 1 - 13

iv

Sa
Sariling

Baul

3 Malayang Tula

1

Sa Sariling Baul KRAYOLA

Makulay ang buhay ngunit hindi
ang mundo ko.
Mundo kong walang kulay, ‘di
makulayan ng kahit na sino.
Isa lang akong pangkulay sa
mundo ng ibang tao.
Gamit ay palamuti kapag ang
papel ay blangko.
Minsan ako’y dilaw, samahan
natin ng kahel pampatapang.
Madalas ako'y asul, kalooban ay
pumapalahaw.
pagtakpan mang pilit ang
damdamin kong bughaw,
lungkot pa rin ang siyang
nangingibabaw.

Pula kapag nais tumindig,
Luntian kapag gusto’y
payapa’t tahimik.

Rosas sa minsang pag-ibig,
Ngayo’y itim na tumatangis.



Kapag mapudpod ay hindi

matasahan,
Hindi na gagamitin, o kaya’y

itatapon na lang.
Madalas mabali, marupok

ang pagkakayari.
Isilid na lamang ako sa

kahon, nang hindi na
magamit.



2

Sa Sariling Baul

Patawad sa walang taong
gulang na ako.

Mga pangarap mong
masayang binuo,

Hindi na magkakatotoo.
Patawad at hindi na
mangangako.



Sana’y makabalik ako sa
panahon,

upang masagip ka sa alon,
upang ang ako sa ngayon

ay hindi na nalulunod.
Hindi natin ninais na maging

ganito
Ang kapalaran ng buhay ay

sadyang mapagbiro
Iaangat ka saka ibabato
Kaya matutong lumipad
sapagkat sayo’y walang sasalo



Sa pagtanda mo’y walang

kakalong
Walang pupunas sa luhang

PAGdala ng unos

Ikaw lang ang tatapik sa
balikat mo

At magsasabing “ayos lang
ako.”



TAGanon pa man, ako’y
nagpapasalamat.
Sapagkat iniligtas mo ako,
Sa paniniwalang akala ko ay

totoo.

NAWSalamat sa’yo dahil mas
naging matatag ako.




3

Sa Sariling Baul

Ang Unang

Ito ay mula sa mga taong nagsabing
hindi ko kaya.

Mula sa mga sinambit na salitang
mapanlait at mapanghusga.

na tila wala silang nakikitang maganda,
sa aking pagkatao na pinauulanan ng

pangungutya.



parang kutsilyo na tumatagos sa aking
dibdib,

mga pagdududa nila'y wala nang
pagsidlan sa aking isip.

gabi-gabing binabagabag, hanggang
sa umaga'y binabangungot.

parang wala akong takas sa mga
pasaring na nakakakilabot.



bakit kaya mainit ang mata nila sa akin?
wala na akong nagawang tama sa
kanilang paningin.

kaya't noong panahon na iyo'y dalangin
ko sakanila'y ako na lang ay kitilin.
upang hindi na sila mag-aksaya ng
panahon sa akin.



Mahapdi pa ngayon ang mga sugat,
Ngunit wala sa isip ang pagsuko

Dahil alam kong marami pang lamat
Ang pagdaraanan ng aking puso.



LAMAT

4

Sa
Sariling

Baul

3 Tulang May Tugma

5

Sa Sariling Baul

bawat patak ng luha'y may bigat,
problema ay mistulang habagat.
bawat gabi ay may bagong sugat.
bawat sakit, salita ang ugat.
Ang puso ay puno na nang lamat,
parang pantal na bakat na bakat.
Paghikbi ay hindi pa sasapat,
atungal sa silid ay alamat.
"tahan na" ang payo sa sarili,
"bukas ay babangon ka pang muli."
bukas na kailangan kong harapin,
kasiyahan ay hahagilapin.
Tinik sa dibdib ang motibasyon,
kahit may kirot ako'y aahon.
Hindi magpapatinag sa alon,
ako'y makakalabas sa balon.
ngayo'y uunahin ang sarili,
ako'y tatahan na sa paghikbi.
hindi pipilitin ang pag-ngiti,
paghilom ay 'di minamadali.

TAHAN NA

6

Sa Sariling Baul

HELE

Disyembre bentekwatro ang kaarawan,
kaarawang 'di tiyak pagkat ampon lang.
Dalawampung taong kasinungalingan,
tanging tiyak lang ay ang aking pangalan.



Ako'y uhaw sa atensyo't pagmamahal,
lumaking walang amang kinalakihan.
Nakuntento sa pagmamahal ng ina,

siya'y kasa-kasama ko kahit saan.



Ngunit, 'yon ay noon at hindi na ngayon,
nawalang lahat, paglipas ng panahon.

Dating samahan ay inanod ng alon,
masasayang alaala ay binaon.



Hanggang ngayo'y pilit na ibinabalik,
sapagkat sa yakap ako'y nasasabik.
palitan ang pait, tamis ay ibalik,
sa kalong mo ina ay walang papalit.



takot na ako na maiwan pang muli,

naranasan na ito paulit-ulit.
'wag na sanang hayaan pa na mawaglit,

tayo'y bumalik sa masasayang saglit.



7

Sa Sariling Baul

Ang Ikalawang

Mas matalim pala ang matamis na salita
parang kendi na sisirain ang iyong ngipin
papasok sa buhay mo’t ikaw ay hahamakin

sa huli ay ipapatikim sa’yo ang pakla.



Panibagong lamat na mula sa estranghero;
Akala’y kakampi sa mapanghamon na mundo.

Siya pala ay dadaan lang para manggulo;
Balak ay wasakin lalo ang durog kong puso.

umasa sa paniniwalang ako’y pinalad;
sa lalaking ang kabaita’y walang katulad.
Ako’y nagkamali sapagkat siya ay huwad.
Marapat lang na sa tulad niya ay mabuwag.



‘di lang kasi sakit ang kaniyang naidulot;
‘pagkat namuo sa kalooban ko ang takot-
wala nang natirang tiwala dulot ng poot.
Dahil ayaw ko nang malinlang pa sa susunod.



Kung may magtatangka man, sana ay totoo na.

Yung may malinis na intensyon at kalooban.
Handang magpakatotoo at ako’y samahan

sa pagpalaot sa hamon ng kinabukasan.



LAMAT

8

Mga
Hikbi

Mga Dagli

9

Mga Hikbi

Bedsheet

Alas-diyes ng umaga, heto ako
nagsasampay muli ng bedsheet.
Bagong laba ngunit bakas pa rin ang
bahid ng mga dumi mula sa isa
nanamang pagkakamali. Ngunit,
kailangan kong pumili― mga lalaking
halang ang bituka o mabuhay na
walang laman ang sikmura?

10

Mga Hikbi

Positive

Nilingon ko si lola sa gilid ko habang inaabot
ng parak yung papel. Positive. “Sampung taon
ka pa lang bata, sabihin mo na sino yung nag-
aayuda sa inyo?” Natawa na lang ako. “chief,
nasa obaryo pa lang ako positive na ako, pati
ba naman po dito gusto akong isama ng
nanay at tatay ko sa jamming nila sa
kulungan?”

11

Mga Hikbi

Mas mahirap pa sa ginawa kong disertasyon
at mga equation sa math na hindi ko
mahanapan ng solusyon ang proyekto ng
anak kong nasa Grade 1 pa lang. Wala ako
sa tabi niya upang tulungan siyang ibahagi
ang family tree na walang litrato ng
kaniyang ama na sumakabilang bahay na?

Proyektong
Puno

12

Trahedya
Mga Maikling Kwento
13

Trahedya

Ang Panyo ni Ding

Karaniwang araw, Lunes. Abala nanaman ang lahat sa
trabaho, sa eskwela at sa ibapa. Hindi nanaman mahulog ang
karayom sa dami ng tao dito sa Quiapo. Paunahan sa
pagsakay ng Jeep. Dito mo talaga mararanasan yung bigwas
ng buhay kung hindi ka mayaman. Maswerte na pala ako?
Kasi sabi nila ang mga anak mayaman daw ay walang
diskarte sa buhay. Gumigising sila sa paraiso at walang iniisip
kundi paano pa sila yayaman.

*Tak Tak tak* “Yosi! Yosi kayo d’yan!” sigaw ng bata, siguro
nasa sampung taon pa lang. Walang tsinelas at gula-gulanit
ang damit. Isa siya sa mga batang lagi kong nakikita kapag
papasok ako sa eskwela hanggang sa pag-uwi dahil dito na
ata sila nakatira sa gilid ng simbahan. Karton lang sapin, kahit
unan wala. Hay, kung mayaman lang ako, lahat ng mahihirap
tutulungan ako kahit pa mamulubi na ako. Kaso hindi e, angat
lang ako ng bahagya sa mga batang ‘to kasi ako nakakapag-
aral, may tinitirahan at kahit paano ay nakakakain. Pero,
pareho lang kami na nakikipagsapalaran sa buhay.
Magkakaiba ng problema pero iisa ang hangarin― maging
masaya. Habang naghihintay ako ng masasakyan,
inoobserbahan ko lang yung bata, bakas sa mukha niya ang
matinding hirap. Lumapit siya sa may gilid ng simbahan at
inabot ang bente pesos na kinita niya sa kaniyang lola na
nakahiga at mukhang nanghihina na. Napaisip lang ako,
kailan kaya maaabutan ng tulong ang mga gaya nila?

Inalis ko na lang ang tingin ko at nagsimula na akong
makipagbigwasan sa mga tao dahil papalapit na ang Jeep.
Nakasakay naman ako at nakarating sa eskwelahan.

14

Trahedya

Dumiretso ako sa may library kasi may kalahating oras pa ako
para gawin ang mga assignments at activities ko. Oo, hindi ko
siya ginagawa sa bahay kasi hindi ko talaga siya magagawa
dahil sa mga utos ng mga kamag-anak kong ginagawa
akong alila. Imbis mapuyat ako sa paggawa ng mga ipapasa
ko sa eskwela, napupuyat ako sa pagsisilbi sakanila. Wala e,
kailangan kong makisama kasi nakikituloy lang naman ako.
Mahaba ang araw na ‘to kaya pumuslit ako ng kapirasong
ulamat konting tirang kanin para sa baon ko. Sakto lang kasi
ang pera na binibigay sakin para sa pamasahe. Hindi ko na
rin alam paano babayaran yung mga kaklase kong
inuutangan ko tuwing may babayaran. Malapit na mag-
umpisa ang klase pero hindi pa rin ako tapos. Hindi na siguro
ako aabot, wala rin akong cellphone para magsearch sa
internet dahil wala yung librong magagamit ko dapat sa
activity na ‘to.

Nararamdaman ko nang mag-uumpisa nanaman ang
kamalasan sa araw ko na ‘to. Tumunog na ang bell, hudyat na
mag-uumpisa na ang klase kaya tumakbo na ako papunta sa
klasrum. Hindi ko na natapos ang activity, strikto pa naman si
Ma’am. Kapag hindi tapos, hindi niya tatanggapin. Hindi ko
na alam kung paano ko pa ako makaka-survive sa kolehiyo sa
daming problema na nagkakasabay-sabay. Wala pa sa
kalahati ang araw na ‘to pero gusto ko na umiyak. Araw-araw
ko naman ‘tong pinagdadaanan pero hanggang ngayon ‘di
pa rin ako sanay dahil hindi naman dapat ako masanay, hindi
ko naman dapat ‘to nararanasan.

Sinubukan kong isama yung papel ko, baka sakaling
makalagpas kay ma’am, pero hindi. Tinapon lang niyang

15

Trahedya

muli ang papel ko sa ere. Maluha-luha kong dinampot ang
papel at pinagwalang-bahala ang tingin at bulong-bulungan
ng mga kaklase ko. Ano bang magagawa ko? E sa ganito
takbo ng buhay ko e. Kapag umiyak ako sa harap nila mas
lalong liliit ang tingin nila sa akin.
Hindi ko masabi na “sa wakas uwian na” kasi mapa-eskwela
o bahay ay msitulang trahedya. Wala akong choice kundi
mabuhay ng ganito. Pagbaba ko sa Quaipo para sana
magsimba at maging payapa man lang ang araw ko,
napansin kong nagkumpulan ang mga tao sa direksyon kung
nasaan nakahiga ang matanda kanina. Lumapit ako at hindi
na rin ako nagulat sa nakita ko. Patay na ang matanda at
umiiyak ang sampung taon na bata. Ramdam ko ang bigat sa
bawat pagpalahaw niya. Imbis na magsimba ay umuwi na
lang ako.

Sa bahay, magsisimula na muli ang trahedya. “Hoy! Tanga ka
talaga e noh? Bakit hindi mo sinabi sa pinsan mo kung gaano
karami yung ilalagay na shell para sa sopas? Tapos yung
sahog na manok hindi mo pa nilinis bago ka umalis!” bulyaw
ng lola ko. Kasalanan ng pinsan ko, ako pa rin ang mali. Sino
ba naman kasi ang magpiprisintang magluto na hindi naman
pala alam ang gagawin? Ang liit ng kalderong ginamit tapos
isang kilong shell ang ginamit, malamang magiging
carbonara talaga ‘yan. Mas matanda pa sa akin pero walang
alam. ‘Di na lang ako umimik dahil wala rin namang sense.
Araw-araw ganito ang buhay ko. Walang puwang ang
kasiyahan. Sa gabi bago ako matulog, doon ko binubuhos
lahat ng galit at sakit na nararamdaman ko. Gamit ang
kumot, na nagsisilbing taga-yakap at panyo ko. Kinabukasan,
dedma na ulit sa pagod mula kahapon, sa mga salitang

16

Trahedya

matatalim, at sa pakiramdam na mag-isa lang ako. Bago
ako umalis sa bahay ay binalikan ko ang kumot. Pagdating sa
simbahan, hinanap ko ang bata at binigay ko ang kumot
sakaniya. “Ako nga pala si Ding, ito ang panyo ko, bibigay ko
sa’yo dahil alam ko kung ano ang nararamdaman mo.
Nagtataka man siya sa kung bakit panyo ang sinabi ko imbis
na kumot, tinanggap niya ito ng may ngiti. Ngiti na masarap
makita lalo na kung nakikita rin sa sarili.

17

Trahedya

11:11

“11:11 am” eksaktong oras natapos ang shift ko. Hirap talaga
ng buhay nars, hindi pwedeng walang OT lalo na kapag may
kakulitan ang pasyente. Paano kasi itong isang pasyente,
bago uminom ng gamot hinintay pa ang 11:11 para daw may
kasamang wish ang gamot niya para gumaling na siya. Sa
loob ko e gagaling siya kung sumusunod siya sa oras ng pag-
inom niya ng gamot pero hinayaan ko na lang dahil kukunin
ko siyang ninang ng anak ko.

Sakto, tanghali na at gutom na ako, ganon din siguro ang
mag-ina ko. Kapapanganak lang ng asawa ko noong isang
araw, CS kaya nandito pa sila ng anak ko sa ospital. Napaaga
kasi si baby, gusto ko na ata makita ang outside world kaya
ang dapat na next month pa ay napaaga.
Nasa incubator pa ngayon si baby, healthy naman daw pero
kailangan pa talagang i-incubate. Wala pa nga siyang
pangalan kaya baby girl na muna. Gusto ko sana ay Ligaya
kaso ayaw naman ng mommy niya, masyado daw luma.
Dinaanan ko muna si baby bago pumunta sa canteen para
bumili ng tanghalian namin ni misis. Sa totoo lang wala pa
akong matinong tulog dahil ‘pagtapos ng shift ko diretsyo na
ako sa pag-aalaga sa mag-ina ko.

Pagdating ko sa canteen, nadismaya ako dahil ubos na ang
carbonara na paborito ni misis. Sabagay, hindi naman na siya
naglilihi kaya siguro hindi na siya magagalit sakin. Binili ko na
lang siya ng chopsuey para healthy at dumiretso na ako sa
room namin. Nakakuha ako ng discount, ganon din si misis
dahil pareho kaming nurse sa ospital na ‘to. Pagdating ko sa
kwarto ay nakaupo siya at payapang nagsusulat. “Ano ‘yan

18

Trahedya

mahal?” tanong ko. “Ah, kanina kasing 11:11 nagwish ako na
sana lumaking healthy at mabait si baby Sunny” natawa ako.
“bakit naman Sunny mahal e umuulan noong lumabas si
baby, tsaka common na yun, para pang pang-aso” pagtutol
ko sa gusto niyang pangalan na kaagad niya kinasimangot.
“kaysa naman sa Ligaya, masyadong luma mahal tsaka ano
naman kung umuulan noong lumabas si baby? E siya nga ang
liwanag sa buhay natin.” Depensa niya. Hindi na ako nagsalita
pero tutol pa rin ako sa Sunny.

Sabay kaming kumain ng tanghalian at naligo na rin ako at
natulog muna dahil mamayang ay may shift ulit ako. Saktong
alas-onse ay nagising ako sa pagtawag ng nurse, may
nangyari daw kay baby. Nagising din si misis at umiiyak na sa
pagkataranta. Dahil hindi pa siya makatayo dahil sa tahi niya
ay ako na lang ang tumakbo papunta kay baby. Sobra na
akong kinakabahan, habang papalapit. Pagdating ko ay
narinig ko ang iyak ng mga baby, agad akong sumilip sa mula
sa labas at laking ginhawa ko na naagapan na nila si baby,
may natanggal na isang aparato kay baby. Akala ko
mapapahiling na rin ako sa 11:11. Bago ako bumalik kay misis
ay sinigurado ko munang okay si baby.

Pagbalik ko ay taka ako dahil may mga nurse na
nagtakbuhan papunta sa kwarto. Pagpasok ko ay nakataklob
na ng puting kumot ang asawa ko. Prank ba ‘to? Paano? E
kanina naman okay kami, okay siya. “sorry Vince, ayaw
ipasabi sa’yo ni Ella, nagkaroon siya ng blood clot habang
nanganganak, sinubukan naman namin pero huli na rin”
paliwanag ng bestfriend niya na nurse din. Wala akong wisyo
hindi na ako makapag-isip.

19

Trahedya

Paano ko pa sasabihin sakaniya na okay na sa akin ang
pangalan na baby Sunny?
“Time of Death, 11:11 pm”

20

Pagsipat
Mga Sanaysay
21

Pagsipat

Higit Pa Sa Korona

Ang Adbokasiya

Isang Kritikal na Sanaysay ukol sa MGI

“And the winner is…” Tayong mga Pilipino ay mahilig sa mga
Beauty Pageants at talagang taon-taon ay patok ito at
talagang inaabangan. Mula sa pre-pageant hanggang sa
mismong koronasyon, pati sa pagkakaroon ng kanya-
kanyang pambato. Nakatutuwang isipin na buong bansa ay
malaki ang suporta sa mga nagiging kandidata para ilaban
sa mga malalaking patimpalak sa loob at labas ng bansa.
Nariyan ang ating mga cellphone para sa pagboto sa mga
kandidata, mga social media sites na ginagamit para
magbigay ng kanya-kanyang opinyon sa napupusuan nila, at
ginagamit din bilang pangsuporta sa mga pambato nila sa
pamamagitan ng mga pag-post ng mga retrato na may
kasamang mensahe. Siyempre hindi mawawala ang mga
bashers na nakalulungkot isipin sa mga kapwa Pilipino natin
nagmumula.

Sa ating bansa, bawat taon ay nagsasagawa tayo ng
pagsasala ng mga kandidata sa pamamagitan ng isang
patimpalak-pambansa – ang Binibing Pilipinas. Matagal at
mabusisi ang proseso sa pagpili. Ang mga kalahok ay
nagmumula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Bawat probinsya
o syudad ay may kanya-kanyang representative, dala ang
kanilang mga adbokasiya na ipinaglalaban na gusto nilang
ibahagi at palawagin hindi lang para sa bansa kundi sa
buong mundo.
Ang Binibing Pilipinas ay isang patimpalak kung saan ang

22

Pagsipat

ang bawat kababaihan ay nabibigyan ng oportunidad hindi
lang para maipakita ang kanilang pangsariling galing at
kagandahang panloob at panlabas, kundi para ipakita ang
kahalagahan ng kanilang ipinaglalaban para sa kanilang
minamahal na probinsiya, at para ipakita na ang Pilipinas ay
may kakayahan, may boses, at may paninindigan.
Sa patimpalak na ito, hindi lamang isa ang nanalo dahil
maraming titulo ang pinaglalabanan para maging
representative sa iba’t ibang patimpalak sa labas ng ating
bansa tulad ng Miss International, Miss Earth, Miss Universe,
Miss Grand International at iba pa. Pinipili at sinasala ang
mga kandidata ayon sa kanilang kahandaan, angking talino
sa pagsagot at ang likas na kagandahan ng isang dalagang
Pilipina.

Parte na ng ating buhay ang mga patimpalak na ito at tila ba
may kulang sa isang taon kapag wala ang mga ito. Ngunit, sa
pag-usbong ng pandemya hindi lang sa ating bansa, kundi
sa buong mundo, ano ang kahalagahan ng pagdaos ng mga
ito sa gitna ng napakalaking hamon? Ano ang dapat
isaalang-alang? Ano ang dapat bigyan ng pansin at ano ang
kaugnayan nito sa kulturang popular na umuusbong sa ating
bansa?

Sa mga nakalipas na mga taon, isa sa mga nangungunang
patimpalak para sa mga kababaihan ay ang Miss Grand
International. Ang MGI ay isa sa mga inaabangan nating mga
Pilipino, ito ay isang patimpalak sa ilalim ng isang
organisasyon mula sa mga gobyerno. “STOP THE WAR AND
VIOLENCE” ito ang adbokasiya at hangarin ng MGI na
nagpapakita ng malawak na pagpapahalaga sa tao, lipunan,

23

Pagsipat

bansang nasasakupan, sa buong mundo kaugnay ng
pagrespeto na kahit anong kulay, lahi, relihiyon o estado sa
buhay, ay mahalaga ka at magandang payapa kang
namumuhay. Mula sa opisyal na website ng Miss Grand
International, sinasabi na ang pinaka layunin nito ay ang
pagkakaroon ng kapayapaan at pagkakaisa ng bawat isa
para masugpo ang mga karahasan, hidwaan, gera at ano
pang mga pagsubok na nakabubuo ng kaguluhan at hindi
pagkakaunawaan. Ito ay para sa mga susunod na henerasyon
upang magkaroon sila ng payapang mundo, na hindi sila
makaranas ng ano mang gulo at mapanatili ang kapayapaan
sa bawat isa.

Ngayong humaharap tayong lahat sa hamon ng pandemya
dala ng Covid-19, masasabi natin na mahalaga ang
pagdaraos ng patimpalak na ito dahil hindi lang ito simpleng
patimpalak para sa mga kababaihan kundi isang patimpalak
para sa boses ng mga kababaihan para maibahagi,
mapakinggan at mapalawig ang adbokasiyang kanilang
ipinaglalaban. Ito ay isang kulturang popular ngayon, ang
pagiging bukas sa mga isyung panlipunan na kinakaharap ng
isang bansa at ang pagiging handa at matapang upang
matugunan ang pangangailangan ng isang bansa sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng boses at tumayo sa harap
ng lahat, hindi lang para ibalandra ang pisikal na kaanyuan
bagkus ang panloob na kagandahan.

Sa pagpapatuloy ng patimpalak na ito sa gitna ng pandemya,
mas nasubok ang katatagan ng bawat kalahok. Nito lang
nagdaan na ika-27 ng Marso, 63 na kalahok ang tumanggap
ng hamon at taas noong ibinahagi ang kanilang mga

24

Pagsipat

adbokasiya at isinaalang-alang ang kanilang kalusugan.
Kahit pa sabihin natin na mayroong safety protocols kung
saan idinaos ang patimpalak ay wala pa rin kasiguruhan ang
mga ito. Ngunit, likas na nga hindi lang sa ating mga Pilipino
ang pagiging matapang sa pagharap sa mga pagsubok
tulad na lamang ng ating 1st Runner up na si Samantha
Bernardo na umamin sa isa sa mga interbyu sa kaniya na
nagkaroon siya ng pagdadalawang isip kung magpapatuloy
pa ba siya sa patimpalak, pero dahil mas malaki ang
kagustuhan niya at malaki ang pagpapahalaga niya sa
adbokasiyang kaniyang ipinaglalaban para sa ating bansa
lalo na sa Palawan na kaniyang hometown, ang Malaria-Free
Philippines.

Isa rin sa kagandahan ng MGI bukod sa pagiging bukas nito
sa mga adbokasiya ng iba’t ibang bansa na siyang
nagbibigay oportunidad para sa lahat, ay ang pag-uugnay
nito sa mga isyung panlipunan na kinahaharap ng iba’t ibang
bansa at isa na rito ay ang Covid-19. Mula sa mga naging
katanungan sa mga kalahok, mas lalong nakita ang
pagpapahalaga ng mga kandidata sa kanilang minamahal
na bansa sa kung ano ang dapat bigyang pansin na sa tingin
nila ay yun ang dapat pagtuunan ng pansin. Hindi lang ganda
ang labanan kundi ang angking galing ng mga kalahok sa
pagsagot.

Pero, ano nga ba ang espasyo ng MGI sa kulturang popular sa
ating bansa? Higit pa sa korona ano pang mga ideya at
kaisipan ang kailangan pagtuunan ng pansin. Mayroon nga
bang negatibong epekto ang mga patimpalak na ito sa ating
pagkatao?

25

Pagsipat

Uunahin ko na sa pamantayan para sa mga nagnanais
lumahok. Kapag narinig natin ang “Beauty Pageant” unang
tumatakbo sa ating isipan ay magaganda ang mga sumasali
dito, pumapangalawa lang sa ating isipan ang husay at talino
na siyang pinaka kinakailangan. Aminin natin na isa sa
pamantayan ang pisikal na kaanyuan na kailangan
maganda ang iyong mukha at at ang hubog ng iyong
katawan ngunit, paano ang mga kababaihan na hindi pasok
ang pisikal na kaanyuan sa pamantayan? Isipin natin, kapag
hindi ka gaanong kagandahan, maraming sasabihin ang tao
sa’yo at isa ito sa mga dapat nating aminin, na ito ay naging
kulturang popular lalo na ang body shaming. Marami tayong
sinasabi, marami tayong komento na taliwas sa paniniwala
natin. Bakit nga ba kailangan maganda ka kapag sasali ka ng
pageant? Dahil ba “beauty” pageant ito kung tawagin?
Maraming argumento rin ang makikita natin ukol dito. Isa sa
mga halimbawa ay ang pagbabatikos noon sa isang kalahok
sa Bb. Pilipinas noong taong 2001 na si Jeannie Anderson
dahil sa kaniyang sagot sa tanong ng dating Miss Universe
1969, Miss Gloria Diaz, kung ano ang pipiliin niya maging
maganda o ang maging matalino. Binatikos siya sa kaniyang
sagot na mas pipiliin niyang maging maganda dahil ang
talino naman daw ay natututuhan at napagsisikapan. Wala
namang mali sa kaniyang sagot ngunit marami ang tumawa.
Mula rito, makikita natin ang agwat ng pamantayan sa
pagsali sa isang beauty pageant. Mula naman sa isang
artikulo sa Rappler, sinasabi na ang beauty pageants ay may
hindi magandang epekto dahil sa pagkakaroon ng hindi
makatotohanang pamantayan na nagpapakita ng hindi
pagkakapantay-pantay. Mula rito, nagkakaroon ng kultura
ng pagkakaroon ng pamantayan na hindi kinakikitaan ng

26

Pagsipat

pagkakapantay-pantay. Ang mga beauty pageant ay
lunsaran ng mga adbokasiya o mga tunguhin para sa
kamalayan upang magkaroon ng sosyal na aksyon.

Ikalawa naman ay ang pagiging pursigido ng mga pinay sa
pagsali sa mga beauty pageant. Kadikit na ng ating kultura na
kahit saang lugar sa pilipinas ka magpunta, lalo na kapag
may pista, hindi mawawala ang mga pageant. Ayon nga sa
isang artikulo mula sa Rappler "Filipinos are unabashedly
appreciative of female beauty. We are perhaps the most
liberal nation in Southeast Asia and we see feminine beauty as
empowering rather than a threat." Normal na sa atin ang mga
pageants dahil mismo sa mga eskwelahan ay mayroon nito.
Hindi tayo nawawalan ng pambato at talagang sinasabi kahit
ng ibang bansa na ang Pilipinas ay lugar ng mga “beauty with
brains” at makikita ito sa mga lumipas na taon.

Isa rin sa mga pinaka patok ngayon ay ang buong suporta ng
mga LGBTQ+ sa mga pageant, para sa kanila, ito ay
kulturang maituturing dahil bawat taon ay talagang
nakaabang sila at nakatutuwa na may kanya-kanya pa
silang pakulo, nariyan ang pagsusuot nila ng mga gowns,
swimsuit, korona at sash na mistulang mga kalahok habang
nanonood. Bumubuhos ang suporta sa iba’t ibang social
media sites at talagang pinagkakagastusan nila.

Malaki ang parte ng mga prestihiyosong patimpalak na ito sa
buhay nating mga Pilipino, nakadikit na ito sa ating kultura.
Tunay nga na higit pa sa korona ang pagsali sa mga beauty
pageant, at pinatunayan ito ng Miss Grand International
pageant dahil sa layunin at adbokasiya nito. Higit sa kung ano

27

Pagsipat

pa man, mahalaga ang boses ng bawat isa. Isa ang MGI sa
patunay na walang lalamang sa mga kababaihang taas
noong nangangarap para sa pagpapaunlad ng bansa at
pagpapalawak ng kamalayan sa mga kabataan at
pagkakaroon ng hangaring pangkapayapaan.

Bilang guro ng wika sa hinaharap, tiyak kong malaki ang
gampanin nating mga guro sa pagpapalawak ng kaalaman
ukol sa mga isyung panlipunan tulad ng isyu sa likod ng mga
“beauty pageants.” Mula sa pagkakaroon ng pamantayan na
nag-uugat ng hindi pantay na pagtingin sa pisikal na
kaanyuan ng isang tao at ang sarili nating wika na bakit hindi
natin magamit sa mga prehisteryosong patimpalak at
nagbubunga ng intelektwalisasyon. Tayong mga Pilipino ay
hindi talaga pantay ang pagtingin sa mga bagay dahil
mayroon tayong kanya-kanyang opinyon, pala-palagay at
pamantayan ngunit, tama ba na pairalin ang kritisismo sa
ating kapwa na nagbubunga ng hindi magandang epekto sa
bawat isa. Moralidad ang solusyon at isang malaking hamong
ito sa ating mga guro dahil sa patuloy na paghataw ng
modernisasyon, patuloy rin ang pagbabago ng mga
kabataan ngayon. Bilang isang guro, mahalaga na maituro
natin sa ating mga mag-aaral kung paano maging bukas sa
mga isyung panlipunan. Hindi masamang makisangkot lalo
na kung alam natin na tayo ay nasa tama. Ituro natin ang
tamang pagbalanse sa mga bagay na ating nakikita at ang
disiplina sa pagkakaroon ng respeto sa bawat. Magtulungan
tayong iangat ang bawat isa at hindi hatakin lang pababa.
Palawakin natin ang kanilang isip lagpas sa kanilang nakikita
at hayaan silang magkaroon ng adbokasiyang pagmumulan
ng kanilang tapang at determinasyon. Tandaan na higit pa sa
korona ang pagkakaroon ng karunungan.

28

Pagsipat

Mga Sanggunian:

ABS-CBN News. “BALIKAN: Laban Ni Samantha Bernardo Sa
Miss Grand International.” ABS-CBN News, 28 Mar. 2021,
news.abs-cbn.com/life/03/28/21/balikan-laban-ni-
samantha-bernardo-sa-miss-grand-international.

“Bb. Pilipinas: News.” Binibining Pilipinas, 22 Feb. 2021,
www.bbpilipinas.com/news/details/BPCI-hosts-virtual-send-
off-for-BBP-Grand-International-2020-Samantha-
Bernardo.

“Miss Grand International.” Miss Grand International,
www.missgrandinternational.com/?page=home.

Rappler.com. “The Philippines’ Beauty Pageant Obsession:
Who Benefits?” Rappler, 27 Jan. 2018,
www.rappler.com/newsbreak/in-depth/filipinos-beauty-
pageants-series-part-1.

Tayag, Voltaire. “Miss Grand International 2020: Grand
Expectations.” Rappler, 27 Mar. 2021,
www.rappler.com/entertainment/pageants/miss-grand-
international-2020-expectations.

29

Pagsipat

Mga Batang Langoy


Mula sa Dokumentaryo ni Jay Taruc


Isa sa mga pangunahing suliranin ng ating bansa ay ang
kahirapan. Sa mga mahihirap na nakatira sa syudad ay
madali na lang makadiskarte upang maitawid ang gutom
dahil maraming pwedeng pagkakitaan kung ikaw ang
matiyaga at may diskarte. Ngunit, sa ibang panig ng ating
bansa kung saan naninirahan ang iba pa nating kapwa
Pilipino, anomang diskarte ang kanilang gawin, minsan ay
hindi nila maitawid ang kanilang pang araw-araw na
pagkain.

Sa isla ng Magalumbi sa Iloilo, makikita ang mga pamilya na
pangingisda lang ang inaasahang kabuhayan. Malayo sa
kabihasnan kung kaya’t walang kuryente sa lugar. Salat sa
buhay ang mga residente rito, maswerte na lang sila kung
nakakakain sila ng dalawang beses sa isang araw. Kahit na
anong kayod ang kanilang gawin ay walang pag-unlad na
nagaganap at ang tanging inaasahan na lang nila ay ang
edukasyon na para sakanila ay susi upang sila ay makaahon
sa kahirapan. Sa lumipas na tatlong dekada ay dalawa pa
lang ang nakapagtapos ng elementarya at wala kahit isa ang
nakatungtong sa sekondarya. Nakalulungkot isipin na kahit
libre ang edukasyon sa ating bansa ay marami pa rin ang
hindi makapag-aral dahil una, malayo ang paaralan, kulang
ang mga guro at walang pera kahit pambili ng biskwit ang
mga magulang para sa kanilang mga anak. Kahit pambili ng
papel ay wala ang mga ito at wala ring maayos na uniporme
ang mga bata. Ang mga mag-aaral mula sa Magalumbi ay
nilalangoy ang halos isang kilometrong layo makapasok lang
sa eskwelahan.

30

Pagsipat

Mapagtatanto natin na marami pa ring mga lugar sa Pilipinas
ang may matinding pangangailangan at hindi nabibigyang
pansin ng pamahalaan. Nakikipagsapalaran sa agos ng
buhay at umaasa na lang sa yaman ng kalikasan para
maitawid ang gutom. Mga karapatan na malaya sana nilang
nakukuha ngunit naipagsasantabi dahil sa kakapusan ng
pera. Maraming pangarap na gustong abutin ngunit marami
ring balakid upang ito’y makamit.

Sanggunian:

Mga Batang Langoy l Dokumentaryo ni Jay Taruc mula sa I-

Witness. https://www.youtube.com/watch?

v=WOp2hnA4Q_8

31

ANG DILIM SA
BAHAGHARI

Lathalain

32

Ang Dilim sa Bahaghari

Ang Dilim sa

Bahaghari

“Para sa mga taong patuloy pa rin na nanlalait o nagsusulong
ng diskriminasyon laban sa mga kabaklaan naniniwala ako
na sila ay biktima lamang ng ignoransya at sistemang patuloy
na humuhubog sa kanilang mga utak na babae at lalaki
lamang ang may silbi sa lipunan na ginagalawan natin.” –
Emmanuel Lasquite.

Laganap sa panahon natin ang diskriminasyon lalo na sa
usaping pangkasarian. Salot sa lipunan ang kataga sa mga
bakla, ‘sayang’ naman ang laging sinasabi sa mga tomboy,
ilan lamang ito sa mga matatalim na salitang natatanggap
nila na tila nagiging sanhi ng pagkatakot partikular sa mga
kabataang nasa parehong komunidad ng LGBTQIA. Nariyan
ang takot na makatanggap ng pagkadismaya mula
sakanilang mga magulang, takot sa aspetong pandamdamin
na walang tatanggap at magmamahal sakanila. At takot
mula sa kanilang sarili dahil binalot na rin sila ng ideya na
walang napipintong pag-asa para sa mga tulad nila.

Ayon kay Emmanuel, isang Social Science sa PNU- Manila,
Ikalawang Punong Katalonan at bahagi rin ng LGBTQIA,
sinasagisag ng Bahaghari na kanilang sariling bandera na
sumisimbolo sa pagtanggap at pagsaklaw sa iba’t ibang
kulay o katangian ng isang indibidwal. Ipinapakita rin nito ang
spectrum ng mga kulay na hindi lamang limitado sa kulay puti
at itim, isang metaporika na tulad din ng kasarian at
indibidwal, tayo ay may pagkakaiba at nasa malawak tayong

33

Ang Dilim sa Bahaghari

spectrum. Bawat kulay sa bahaghari ay representasyon kung
paano nila pinahahalagahan ang kanilang sarili at ang
kanilang kapwa. May karapatan silang ipaglaban ang
karapatan nila bilang tao, bilang kaibigan, bilang kapamilya
at bilang anak ng Diyos. Totoong mayroong dilim sa
bahaghari at ito ay ang takot at pangamba mula sa
diskriminasiyong natatanggap nila.

Sa kabila ng mga ideyang pumapatay sa kanilang damdamin
at pagkakakilanlan, gabay mula sa kanilang kapwa ang
kanilang sandigan gayundin ang kanilang malawak na pag-
iisip na hindi hadlang ang sasabihin ninoman at hindi dapat
magkaroon ng kaharasan para lamang sila ay maunawaan
bagkus ay maipapaabot ito sa mas maayos na
pagpapaliwanag. Umuusbong man ang samut-saring
diskriminasyon tungkol sa kanilang pagkakakilanlan na hindi
pa rin tanggap ng karamihan, tulad ni Emman, patuloy lang
dapat sa paghahangad na maaabot ang kapayapaan sa
pamamagitan ng pag-asa at paninindigan ng kanilang
karapatan bilang tao.

34

BuLlaomngokng

Dula

35

Bulong ng Lamok

Bulong ng Lamok

Mga Tauhan:

Gail – Gumanap na Inang lamok, kaibigan ni Cassandra;
Tao 2

Lawrence – Gumanap na Batang Lamok, kaibigan ni
Cassandra; Tao 1

Tiffany – Narrator, Matalik na kaibigan ni Cassandra

Cassandra – May-ari ng kwento

Tagpuan: Burol

Panahon: Kasalukuyan

Lamok: Ina, bakit ba nila tayo tinataboy? Laging
pinapalo, minsan kinukuryente, madalas pinauusukan.

Inang lamok: baka kasi malakas kang humigop ng dugo
nila anak. Sabi naman kasi sa’yo banayad lang lagi.

Lamok: Masama ba ang tingin nila sa atin Ina?

Inang Lamok: Hindi anak, mababait sila. Binibigyan nga
nila tayo ng makakain.

Lamok: e bakit parang hindi naman po nila tayo gusto,
may buhay rin naman po tayo tulad nila.

Inang Lamok: Kasi anak, iba tayo sakanila. Tao sila,
insekto tayo. May mga kalahi kasi tayong inaabuso ang
mga dugo nila. Pero mabait sila anak, maniwala ka.

Lamok: Paano ako maniniwala ina e isang daan at walo
na ang kaibigan kong napapatay nila.

36

Bulong ng Lamok

Inang Lamok: Sige ganito na lang anak, ipapakita ko
sa’yo ang dahilan kung bakit ko nasabing mababait ang
mga tao tulad nating mga lamok.

Lamok: po ina? Ano pong balak niyong gawin?

Inang Lamok: Manuod ka anak at magtiwala kay Ina.

Agad na lumipad ang Nanay na lamok sa tenga
ng isang tao. Umikot-ikot ito at nakagawa ng tunog na
ikinahawi ng tao. Nagulat si lamok at nag-alala sa
kaniyang ina. Muntik na itong mahagip ng kamay ng
tao. Bumalik ang Inang lamok sa kaniyang anak.
Lamok: Ina bakit niyo po ginawa yun, paano po kung
nahagip kayo ng kamay niya? Paano na ako? Nawalan
na nga ako ng isang daan at walong kaibigan, pati ba
naman kayo ay mawawala sakin?

Inang Lamok: Nakita mo ba yun anak? Hindi nga niya
ako nahawi. Tsaka anak masaya siyang gawin.

Lamok: po? Anong masaya doon ina? E muntik na nga
po kayong mamatay.

Inang Lamok: Anak kapag nasubukan mo ang ginawa
ko, masasabi mong masaya rin at nakakagaan ng loob.

Lamok: Hay nako Ina, kung ano-ano po ang pinagsasabi
niyo e delikado nga po yun. Sigurado ako, kung nandito
ang tatay ay magagalit sa ginagawa niyo.

Inang Lamok: Alam mo bang doon ko nakilala ang Tatay
mo? Siya ang unang gumagawa noon at siya rin ang
nagturo sa akin.

Lamok: Ginawa niyo pa palang bonding ni Tatay. Pero
Ina, delikado po yun. Hindi ko kakayanin kung
mawawala ka po. Paano na lang ako?

Inang Lamok: Hay nako anak, tara at ipapakita at
ipaparanas ko sa’yo kung gaano kasaya ito.

37

Bulong ng Lamok

Lamok: Pero ina, baka mahawi tayo.

Inang Lamok: Magtiwala ka kay nanay anak.

Nang makarating sila malapit sa tenga ng tao ay
nagsimulang turuan ng ina kung paano ito
magpapaikot-ikot.

Inang Lamok: Ngayon anak alam mo na ang paikot-ikot,
magagamit mo ‘yan para maka-iwas sa paghawi ng
kamay niya (tuturo sa tenga ng tao).

Lamok: e Ina, paanong naging masaya ‘to e normal lang
naman nating ginagawa ang pag-ikot?

Nagsimulang magsalita ang kaniyang Ina,
sinisigaw ang bawat salitang binibitawan habang
umiiyak. Nagulat si Lamok dahil ngayon lang niya ulit
nakitang umiyak ang kaniyang Ina. Sinisigaw ng
kaniyang Ina lahat ng sakit na nararamdaman nito.

Pinuntahan at pinahinto ni Lamok ang kaniyang
Ina at nilayo na sa tenga ng tao bago pa sila mahawi ng
kamay nito.

Lamok: Ina, ayos ka lang po ba? Bakit niyo tinatago
lahat ng sakit na nararamdaman niyo? Nandito naman
po ako Ina.

Inang Lamok: Alam ko anak, at ipinagpapasalamat ko na
nariyan ka palagi, hindi mo ako iniwan. Masaya ako na
nakikita kang masaya.

Sabay na umiyak ang mag-Inang Lamok.
Inang Lamok: alam mo anak, sa totoo lang, kapag wala
ka ay lagi ko itong ginagawa. Sinisigaw ko sa tenga ng
kung sino lahat ng hinanakit ko dahil naiibsan kahit
paano yung dinadala ko. Minsan mainam pa na
maibahagi mo ito sa hindi mo kakilala. Kaya ikaw anak,
ang maipapayo ko lang sa’yo. Sa panahon na wala na
ako, gawin mo rin ito. Mainam na nailalabas mo kahit

38

Bulong ng Lamok

paano lahat ng bigat na dinadala mo. Isigaw mo lang
lahat upang gumaan ang loob mo. Mahirap talaga ang
buhay, madalas kang mag-isa na harapin lahat. Walang
kasama, wala kang masasandalan kundi sarili mo lang.
Tandaan mo ito anak ah?

Lamok: Opo Ina, tatandaan ko po lahat ng ito.

Makalipas ang tatlong araw, pumanaw ang Inang
Lamok. Mag-isa na lang si Lamok. Pumunta siya sa
tenga ng isang tao at sumigaw nang sumigaw.

Lamok: Ahhhh! Ahhhhh! Ang sakit, sobrang sakit. Wala
akong kasama, ano pang silbi kung mabubuhay ako?
Wala nang nakikinig sakin. Wala na! Ahhhhh!

Tao 1: Mama! Bakit ba lagi na lang nag-iingay sa tenga ko
yung lamok.

Hinawi ng tao ang kaniyang kamay at tinamaan
si Lamok. Namatay ito. Nagpakamatay ito.

Tao 2: Ikaw naman anak, sabi ko sa’yo pabayaan mo
lang, may binubulong lang ‘yan sa’yo. Baka kailangan
niya lang ng makikinig sakaniya. Bakit mo naman
pinatay.

Pumalahaw ang mga tao sa buong silid matapos
basahin nina Gail, Lawrence at Tiffany ang kwento ng
mag-Inang Lamok na sinulat ng kanilang kaibigan na si
Cassandra.

Tiffany: ang kwento pong ito ay isinulat ni Cassandra
noong gabi bago siya pumanaw.

Lawrence: pinadala niya po ito sa aming group chat.

Gail: we failed. Kung mababalik lang po namin ang
pagkakataon, sana inuna kong basahin ang dulong
bahagi ng kaniyang mensahe. Sana nailigtas pa namin
siya.

39

Bulong ng Lamok

Tiffany: Sorry po tito at tita. Hindi po namin nailigtas si
Cassie.
Lawrence: Sorry Cass, sorry. Sana sa mga panahon na
hindi namin nasasagot ang tawag mo, sa panahong
hindi kami nakakapagreply agad, sana hindi mo naisip
na mag-isa ka dahil nandito kami.
Tiffany: Sa mga tao pong narito, sa mga kamag-anak at
sa malalapit na kaibigan ni Cassandra, sana po ay
kasabay ng pagdarasal natin sakaniya ay ‘wag nating
kalimutan ang kwentong kaniyang sinulat. Maaaring
naranasan niyo ang pag-iisa at yung pakiramdam na
walang nakikinig sa inyo. Ang mensahe pong ito mula
sa minamahal nating si Cassandra ay maging isang
paalala na mahalaga ang pakikinig lalo na sa taong
kailangan ng makikinig sakaniya.
Gail: Cass. We are really sorry. Mahal na mahal ka
namin at lagi kang nasa puso namin. You may now rest
in peace.

40

SPaaaktraaA, yKTaiannaan

3 Malayang Akda

41

Para Kina Saka, Taan at Ayan

Para kay Saka

Pag-asa ang pinunla
Luha’y kasamang binaon
sa lupa ng mga ‘di maka-ahon.
Tuyo’t uhaw sa karapatang
Binungkal ng mga pesteng uod
Na walang ginawa
Kundi hamigin ang kayamanan
Mula sa dugo’t pawis ng mga maralita.
Saludo sa mga magsasaka
Na umaani ng mga ‘di nila makain
Ni isang butil ng kanin
Sa palad lang dumaan
At hindi sa bituka
Nilang nagtatanim.
Ipagpapasa-Diyos na lang ba?
Ang pagkalam ng sikmura
Habang ang ilan ay minamaliit,
Sinisisi dahil walang ibang magawa?
“Pinili niyong maging mahirap”
“Pinili niyong hindi mag-aaral”
Mula sa mga hindi nagsisikap
Na alamin ang kanilang pagpalahaw.
Hindi ito ang kanilang nais
Hindi ito ang kanilang pinili
Sila ay biktima
Ng bulok na sistema.

42

Para Kina Saka, Taan at Ayan

Para kay Taan

Susulong na may adhika.
sa bayang tayo ang mukha―
ng pag-asang makalaya.

43


Click to View FlipBook Version