The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by ladyrala1224, 2022-05-29 02:23:22

BAUL NG SALIMUOT: MGA KWENTO SA LIKOD NG MGA ‘DI NINANAIS

Para Kina Saka, Taan at Ayan

Para kay Ayan

Isang Liham

Namumukod tangi ang iyong pagtangis aking ina. Alam
kong mahirap masakdal sa maduduming kamay. Gusto
mong makalaya, gusto mo kaming bigyang laya. Iisa ang
ating nais ngunit may hadlang. Nasasabik ako sa ating
maunlad na kinabukasan ngunit hanggang kailan tayo
masasabik kung kasabay nito ay takot? Akong anak mo’y
nangangatog na nakatayo upang tumindig. Walang
kasiguruhan sapagkat ang mga naluklok ay hindi
kailanman mapagkatiwalaan. Sana ina ay mali ako at
tama sila. Silang mga bumoto sa walang kwenta. Ngunit
hayaan mo ina, ipagpapatuloy ko ang laban.
Ipagpapatuloy namin ang laban. Ang pagtangis mo
ngayo’y mapapalitan ng kaligayahan.
Walang pag-atras kahit na kinakabahan, sapagkat
hangarin natin ay iisa lang. Ilalaban natin ‘to hanggang sa
dulo. Sapagkat hindi dapat bigyan ng espasyo ang mga
tulad nilang dala ay gulo. Ang pagtangis mo ina ay
gagawin naming motibasyon at pananggala sa takot.
Ito ay para sa iyo Inang Bayan.

Lubos na nagmamahal,
Kaming Kabataan.

44

May bigat at lalim na koleksyon na mga akda.
Tila dadalhin ka sa masalimuot na realidad, na
magsisilbing kaagapay mo sa panahon ng
lumbay.

Regina D. Cruz

Talagang naglalaman ang baul na ito ng yaman
ng tunay na danas at ang akibat na pait sa
bawat salaysay. Umuukit din ng paalala habang
may ibinabaong kirot sa puso

Dharenz Kelly Taborda

BAUL NG SALIMUOT:
MGA KWENTO SA LIKOD
NG MGA ‘DI NINANAIS

Copyright © 2022 by Lady Ysmaela Rala

All Rights Reserved https://anyflip.com/jgrlk/rzvt/


Click to View FlipBook Version