TADYAW Volume 1
August 2019
Copyright ©
Davao Oriental State College of Science and Technology
City of Mati, Davao Oriental
8200 Philippines
TADYAW is published by the Sentro ng Wika at Kultura (SWK) and the Journal Publication
and Library Unit of the Research Development and Extension Division ( JPLU-RDE) of Davao
Oriental State College of Science and Technology. The individual literary pieces are original
words by the authors after series of reviews by expert reviewers and the editor. The visual
arts are individual interpretation of the artists to illustrate and bring into life the literary
piece. Contents may not be copied or by other means to multiple entities without the copy-
right holder’s written permission. No part of this publication may be reproduced in any form
without the prior permission from the publisher.
All rights reserved.
Volume 1
Edited by Emily S. Antonio
Pasasalamat Ang gawaing ito ay kailangan ng mahabang panahon, pana-
hon na ibinigay ng mga tagasuri. Maraming salamat po sa
W ALANG MAKAPAGSULAT NG AKLAT mga tagasuri ng mga katha.
NANG MAG-ISA.
Maraming salamat kay Propesor Evangeline R. Rivera,
Ang TADYAW ay isang koleksyon ng mga katha ng mara- direktor ng Sentro ng Wika (SWK). Siya ang nagbigay ng
ming makata. Mga kathang hinugot mula sa sariling kara- pangalan ng TADYAW, kaakibat na nagkonsepto, naghanap
nasan, nakita sa iba o mga ilusyon lamang. Ginamit ang ng mga makata at tagasuri, at sya din ang sumulat ng Pani-
kasanayan sa pagdugtong-dugtong ng mga salita upang mula sa aklat na ito. Sya ang maituturing na Ina ng wikang
makalikha ng tula, monologo, sanaysay at maikling Filipino sa Mati.
kwento gamit ang iba’t-ibang wikang Filipino. Sa mga maka-
ta, maraming salamat sa pagbahagi ng inyong mga katha. Di maaring mabuo ang aklat na ito kung wala ang su-
porta ng administrasyon ng Davao Oriental State College
Ang mga salita ay binuhay at pinagalaw sa isipan ng of Science and Technology (DOSCST). Nagtiwala at walang
mga mambabasa sa pamamagitan ng mga guhit, grapiks at sawang nagbigay gabay sina Dr. Roy G. Ponce, Bise Presi-
larawan na gawa ng mga ilustrador at litratista. Binasa ang dente ng Pag-unlad at Pagpapalawak ng Pananaliksik, at si
mga katha, itinuring na kanila, pinalabas sa kamay ang Dr. Edito B. Sumile, Presidente ng DOSCST.
nasa puso’t isipan upang makagawa ng mga kakamanghang
larawan. Sa mga ilustrador at sa nagdisenyo ng aklat na si Sa Panginoon, ang lahat ng ito ay para sa Iyong kalu-
Binibining Bea Trizia A. Jimenez, maraming salamat. walhatian.
Ang mga katha ay kinailangang hasain at linisin upang ang
kinang ng mga ito ay makita at mas madaling maintindihan.
Talaan ng Nilalaman
Panimula 7 Ayaw Kumpyansa 25
9 JR A MANTOG 27
TULA 11 28
12 Isang Taon, Isang Milyong Hamon 31
Para sa Taong Iibigin ko pa Lamang 15 ROMNICK D LATIBAN 32
VIA C SAGARINO 17 35
19 Nag-aapoy na Ibon 37
Buhay sa Bawat Letra 21 RUBY E RIVERA 39
MARY ANN A DAMIAN 23
Bayani
Buwag HANADEY R TIANGUE
CHRISTOPHER JONES A DELA CRUZ
Buhayin Mula sa Pagkamatay
Pag-ibig: Sumpa ng Luha at Dusa ZAITON S UNTUA
ROMEO ALCANO MAMAC
Sariling Wika Noon at Ngayon
Pagbabalik-loob SHAMAEL E JOSE
ROMNICK D LATIBAN
MONOLOGO
Tanging Hiling
MARY ANN C MACARANAS Kailan Magiging Tama ang Mali?
HANNA FE B MORALES
Lumon na Di Dugo
SHACEMAE SOLTO
SANAYSAY 43
Ulirang Guro sa Filipino 44
RODELLO D PEPITO 49
50
MAIKLING KWENTO 54
Dyabuki 62
ERLANGEN SOBRECAREY 64
Sulog 65
JOVANIE GARAY
Lathala ng mga Ilustrador
at Litratista
Lathala ng mga Tagasuri
Tala ng Patnugot
Panimula
Ang TADYAW tulad ng alam ng lahat, ito ay isang sisidlan o imbakan ng ano mang bagay,
maaring likido o solidong bagay. Dito nilalagay ang anuman na gusto nating ipreserba,
ingatan at pagyamanin. Subalit anuman ang nailagay dito at maari pa rin nating kunin o
hanguin upang magamit.
Ang TADYAW ay panganay na obra ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) at ng Naglalathala
na Sangay ng Research Development and Extension ( JPLU-RDE) sa Davao Oriental State
College of Science and Technology (DOSCST). Ito ay isang katuparan nang matagal ng
pangarap na makapaglimbag ng isang imbakan at kudluan ng mga malikhaing gawa bunga
ng haraya, saloobin at damdamin ninuman. Nawa’y ito ay maging bukal ng mayayamang
kaisipan, matitinding damdamin at makukulay na haraya na mapagkukunan ng kaalaman
at magiging sanligan ng ating pagkatao.
Propesor Evangeline R. Rivera
Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura
DOSCST
PANIMULA | 7
Tula
10 | TADYAW
Para sa Taong Kahit hindi ko alam Hindi kita sasaktan,
Iibigin ko pa kung magugustuhan mo hindi ako magloloko
lamang Sabik na ika’y makita’t makilala Pero matamis kong Oo
pero sana lang talaga hindi agad ibibigay
VIA C SAGARINO Matipuhan mo ako Manligaw ka muna nang
at matipuhan rin kita maayos at tunay
Kung sino ka man Hindi ako mapapagod maghintay Gusto kong iyong mabatid,
kung nasaan ka man Huwag ka ring sumukong maghanap hindi ako mahilig sa
Sana’y nasa mabuti sa akin na magmamahal sayo materyal na bagay,
kang kalagayan ng tunay at tapat Sapat na ang liham na mula sa puso
Alam kong di pa Iyong sarili ay ingatan Pagdumating ang araw na
tayo pinagtagpo pagkat di mo na magagawa yan puso’y napatibok,
Pero ramdam nitong Dahil pag tayo’y pinagtagpo Ika’y sasagutin sa ilalim
aking puso ika’y aalagaan ng buong puso ng araw na papalubog
Na ikaw ay darating Mahal, pag ako’y iyong nahanap, Ako’y bubulong sabay
sa aking buhay huwag mahihiyang magtapat yakap sa yo ng mahigpit
na walang ibang ginawa Baka kasi ikaw at ako “Mahal kita Mahal, kahit
kundi ang maghintay ang para sa isa’t isa’t nararapat kailan di kita ipagpapalit”
Mag-aral ka munang maigi Iniisip ko pa nga lang Pero bago ko bigyang kulay
kung ikaw pa ay estudyante ako na’y natutuwa ang mga larawang ito,
Pagkat ganyan rin ang sa mga masasayang ala-ala Sarili’y aayusin ko,
gagawin sa aking sarili na pwede nating magawa ganun din ang sayo
“Mahal” yan ang salitang Basta mahal, pangako ko sayo Upang wala ng maging hadlang
itatawag ko sayo, Pag ako’y inibig mo, kapag tayo’y pinagtagpo,
ng tadhanang
sadyang mapaglaro.
T U L A | 11
Buhay Sa Bawat Letra
MARY ANN A DAMIAN
Lingid sa kaalaman mo ang aking pagkatao,
Ibinulong sa hangin, isa, dalawa, tatlo.
Binibilang ang patak ng ulan na ayaw maglaho,
Ano bang meron ka at syang tinitibok ng puso?
Mga tinta sa pluma ay ayaw kong maubos
Pero pinipigilan pa din ang agos na ayaw matapos.
Nandito parin ang mundong umiikot,
Ikot ng ikot sayo’t ayaw mapagod.
Gumaan ang loob ng ako’y tinawag,
Ng lapis at papel na kamay ko may hawak.
Naibuhos kong lahat ang nadarama,
Kahit man lang sa pluma ay malapitan ka.
Pinagsanib ulit ang takot at nginig,
Para bang may pwersa at hindi makatitig.
Sa pagtiklop ng kamay, hawak ay pluma.
Dikta ng isip ko’y ikaw ang buhay sa bawat letra.
12 | TADYAW
Buwag
CHRISTOPHER JONES A DELA CRUZ
Wala jud ko kalimot sa adlaw na kita nagkaila
Katong mga panahon na grabe akong katingala
Sa imong pahiyom nga pirme ipakita
Ug kay imo akong gitagad labaw kanila
Katong mga panahon kita nagkasuod
Ug ang pag istoryahay maoy magpamatuod
Na kita malipayon pirme taud-taod
Ug kana walay sagol bakak ug puros tinuod
Wala ko damha na ikaw gihigugma nag taman
Kay kada oras kanunay kang ginatiman-an
Ug ang akong pangandoy wa damha natuman
Kay ako imong gisugot ug gihigugma pag-taman
Pero kadyot ra diay ang tanan
Kay namugnaw ka na akong gikatingalahan
Ang imong lihok makaingon di naka ganahan
Ang imong gugmang puno karon nahubsan
Ug sa dihang niingon kag buwag na ta sa katapusan
T U L A | 15
Pag-ibig: Kung tayo man ay tuluyang magwawakas,
Sumpa ng Luha at Dusa palalayain kang walang luhang tatagas.
Ngunit manalig ka irog, puso ko’y ‘di kakalas,
ROMEO ALCANO MAMAC pagmamahal ko sa’yo, walang anumang katumbas.
Kaya kong magparaya, kaya kong lihim na luluha,
Pagal man ang aking katawan, ngunit hindi ko kayang ikaw ay mawawala.
hindi itong aking tigang na isipan. Kaya kong lumimot, kaya kong magpadusta,
Nakakapagod man ang kalagayan, ngunit ‘di ko kayang mawalay sa iyo aking sinta.
nakahanda akong ito’y pagtitiisan.
Mamahingang sandali muna sa labas, T U L A | 17
para muling makapag-ipon ng lakas.
Lakas na sasapat sa hindi pagkalas,
sa mga susunod pang haharaping bukas.
Tiniis ang lahat sa mga nagdaang panahon,
sakit na dulot ng bawat punyal na ibinaon.
Nanatili akong tapat sa bawat pagkakataon,
sumpaan sa altar sa pagkatao’y nakakanlong.
Sinipat ang halaga nitong ginagawa,
sinisid ang kakayahang makisama sa iba.
Sinaliksik ang laman nitong pusong aba,
sinuri kung may idudulot bang maganda.
Pagbabalik-loob
ROMNICK D LATIBAN
Sa unang lakad, akala ko’y wakas na
Ngunit sa aking pagtakbo, ito’y panimula pa
Nagtatanong ang artista, kung saan ang eksena
Natatakot na mag-arte sa di matapos na pelikula
Hangad ko’y maayos na panunungkulan
Subalit ang tinik sa lalamunan, di maiwasan
Bulong ng hangin, ang gintong panahon di dapat masayang
Dahil ang oras ay ilang bilang na lamang
Sa aking pagsakay, sa dahon na lumulutang
Aking natanaw, ang makulay na tubig ng kaginhawaan
Ako’y lubos na naniniwala, na may patutunguhan
Ang lipad ng pangarap ko na magsilbi sa bayan
Gumising at bumangon, yan ang tanging paraan
Pagmulat sa mata’t isipian ay dapat isakatuparan
Pagbaba ng tuhod, di dapat kalimutan
Nang ang tunay na langit ay maangkin ng lubusan
T U L A | 19
Tanging Hiling Dumating na yata ang oras ko
Sukdulan na ang kirot, hapdi’t pasakit
MARY ANN C MACARANAS Nasaan na ba ako, anong lugar ito?
Ano po ito Diyos ko, kahabagan mo ako.
Glug… glug… glug… glug… Hindi ko pa nais umalis
Klok... klok... klok... klok... Di ko pa panahon, di ko pa oras
paulit-ulit na naririnig Subalit anong magagawa ko, kapos ako sa lakas
gumuguhit sa buong kalamnan. Walang malapitan, wala na rin bang bukas?
Di mawari kung anong likido ito Bakit Inay, ninais mong tayo’y magkawalay?
Dumadaloy, umaagos, animo’y nakadadarang Agad mong binawi ang likha mong buhay
nananangis sa sobrang hapdi’t kirot Basta mo na lang isinilid sa supot
Na pag di naalpasan, sa aki’y lalagot. Inihalo’t itinambak sa isang sulok
May isa pang sa aki’y nagpapahirap Inay, ano kayang aking kahihinatnan?
Matulis at pilit na ipinapasok Sa akin kaya’y may makasumpong?
Pilit akong pinaaalis sa aking tahanan Tao sana’t upang ako ay ipalibing
sinusundot, patuloy na tinutusok. Hindi aso’t baka ako ay lapain.
Bakit niyo ako pinaaalis sa aking lungga? Bakit mo ito ginawa sa akin Inay?
Sa lugar na madilim, at sa init ay hitik Tanging hiling ko lang ay mabuhay
Nasaan ang inyong awa at pagmamahal
Wala na nga akong magawa ni maiusal Kinandili mo sana ako’t inaruga
Mabilis ang takbo ng mga araw at buwan Alay ko naman ay pagmamahal at kalinga.
Nandito pa rin ako at lumalaban
Dinggin sana ng Lumikha munti kong dalangin T U L A | 21
Nawa’y makaalpas sa mabigat na pasanin
Lumon na Di Dugo Yang kalipay ng isa kalipay ng tanan,
Yang kasakit ng isa pyaggahikuwan ng tanan
SHACEMAE SOLTO Haw problema ag pagkalingawan da
Hiko ing abaylo sang tanan
Lahi-lahi ing gigikanan, Adun, malayuay da kita
Pero isa ing pangandoy Malayu da sang katinud’anon
Yang pangandoy na makahadlok Ambisyon na mataasay amu ing iyan sang alimpatakan,
Makahadlok pero akab’uton Akab’uton ing tanan kay ginikanan abayadan.
Lumon ko sang lain na ina, Unan man yang kadangatan
Yang tawag ko kanilan Dili ko akalingawan
Mokadto ba-ay kay mokaan ng pancit ni Amay Tanan-tanan ng kaagi ko
Aber saging asta ginamos paggasawsawan Kaagi na kaiban kamo
Hampang yang ampay
Haw iyan sang kasakit Kay ngadto kamayo,
Di huna-hunaon na daga da silan Buhi pa ing kamandum
Aber yanimaho ng anghit basta malipay lang Malayo pa ing kisum
Hiko na ag mag abot sang pikas baryo Agaw magdaya kamu, mga lumon ko.
Dagan ngani, dagan ngadto
Iyak ngadi, iyak ngadto T U L A | 23
Amu yang kanato bisyo
Mga lumon ko sang lain na ina
Sang kalipay, haw kasakit
Ako mubalik, haw mu-utro
Sidto kung hain, kaiban ko kamo
24 | TADYAW
Ayaw Kumpyansa Ang mga plastikon
Dili gyud magmalampuson
JR A MANTOG Kay muabot ang panahon
Ilang maangkon, ang ganti sa mga maalamon
Sa atong panahon karon Ang maayong buhaton
Kasingkasing dapat lig-on Lig-onon ang atong pagsalig ug paglaom
Kay muabot ang takna ug higayon Sa Diyos nga labawng makagagahom
Nga ikaw ang himoong sad-on Sa tanag panahon, dili ka gayod pakyason
Ayaw pagsalig sa tao karon Busa ayaw kumpyansa igsuon
Bisan ang imong mga igsuon Lig-ona imong kaugalingon
Kay bisan magkita mo, tam-is ug pahiyom Aron ikaw magmalampuson
Pero inig talikod, ikaw ray sigeg libakon Bisan daghang hudyong sa mga plastikon
Ang mga plastik karon Diri nalang kutob, ang akong balaknon
Dili lang makit-an daplin sa baybayon Sakit paminawon, pero tinuod baya igsuon
Pagbantay, kay naa pud sila sa imong palibot intawon Salamat sa pagbasa, unta ikaw makakat-on
Ang mga plastik ug nawong, tigpaka aron-ingnon Akong balikon, ayaw kumpyansa sa mga plastikon
Kay ang mga tao karon
Kung ilang gusto dili maangkon T U L A | 25
Ikaw dayon ilang tirahon
Pagkamaut sa kinaiya, murag plastik nga dili makaon
Kanindot laparohun
Kaning mga taong madaug-daugon
Dili paalkansi, bisan walay igong rason
Pagka hanginon, bisag dili baya tanto maalamon
Isang Taon, minsa’y hilong-hilo sa problema, walang komunikasyon,
Isang Milyong Hamon di matawagan ang pamilya
HULYO. Totoo naba ito, o isang panaginip lamang?
ROMNICK D LATIBAN Ang tanong sa sarili na hindi maintindihan,
mamahalin ko naba ang bago kong tirahan,
ENERO. Unang buwan ng rebelasyon, dahil sa mga paslit na nangangailangan?
na nagpapahayag ng maraming hamon, AGOSTO. Halos silang lahat ay nahihirapan,
Kaya puso’t kaluluwa’y bubuksan na ngayon, di kumpleto ang kain ng tatlong beses sa isang araw,
at sasalubungin ang bagong pagkakataon Kaya’t ako’y magpupursige upang silay matulungan
PEBRERO. Isang buwan na magulo, na maiangat ang kabuhayan
di dahil sa pag-ibig kundi sa mga panahong nakakalito, SETYEMBRE. Ako ay nasasaktan,
Teorya at praktika ngayo’y nagiging totoo, maraming batikos pilit na kinakalimutan,
magpapatuloy pa kaya ako sa napiling templo? takot sa kultura at hasi ng dangan,
MARSO. Ang pagsasanay ay tapos na, ipagpapatuloy ko paba kaya ang aking nasimulan?
ngunit ang bayarin ay nagsisimula pa, OKTUBRE. Naintindihan ko ang mga mata ko’y nabuksan,
Ang binatang artista ay gumawa ng eksena, ako ay nandirito’t may misyon at pakinabang,
arte, tula at kanta tila nasa pelikula Pagmulat sa kabataan ang siyang tanging daan,
ABRIL. Kaytagal kitang hinintay, upang silay matuto’t magkaroon ng mabuting kinabukasan
sa kabila ng sirang daan tanaw ko na ang makulay na tulay, NOBYEMBRE. Ako ay matatag na,
Buhat sa madilim na paglakbay muling sisikat ang araw, negatibong balita’t panglalait di ko na pinatulan pa,
iilawan ang aking landas tungo sa bagong bukas batid ng aking puso’t damdamin ako’y isang biyaya,
MAYO. Unang siglo ng paghahanap-trabaho, hulog ng langit upang karununga’y mapunla
abante’t atras yan ang tanging laban ko, DISYEMBRE. Babalikang tanaw ang bawat karanasan,
Sa kahiwagaang palad ako’y may nakatagpo, Buong pasasalamat ang aking handog sa Panginoon.
isang pulo sa mundo na ang pangala’y “karununga’t katutubo” Kahit na uulit-ulitin pa ang
HUNYO. Sa aking bawat hakbang, “isang taon isang milyong hamon!”
tiniis ang pagod, hirap at pangungulila,
T U L A | 27
Nag-aapoy na Ibon Nilayag ko ang lahat patungo sa isla ng pagpupursige
Sarili ay tinuruang magtagumpay kahit walang kakampi
RUBY E RIVERA Bumuo ng apoy na mapayagpag kahit walang asoge
Mas maliwanag ang ilaw, walang katalong babae o lalake
Sino ang gustong sumama? Nilakbay ko sila sa bundok ng pag-asa sakay sa likod ko
Sino ang gustong sumabay sa aking paglipad? Kahit malabo ang daan dahil sa kapal ng hamog dito
Sino ang gustong sumakay sa likod ng aking pakpak? May ibang gustong bumitaw dahil sa tarik at delikado
Sino ang gustong makapunta sa lugar na malawak? Ipinaglaban ko sila upang maabot ang tuktok nito
Marami ang nakarinig at marami ang lumapit Lubos ang ligaya at di masukat ang kanilang galak
Sa paghampas ng mga pakpak ko’y andaming kumapit Nang dahil sa saya marami ang umiyak
Mabigat man pasanin pero nilalabanang pilit Ngunit di ko namalayan sa likod ko’y merong tumulak
Ang tiwalang binigay nila ay humalili sa pait Nahulog ako ngunit ang narinig ko lang ay halakhak
Sa paglipad ay dinala ko sila sa rurok ng matayog na puno Napadako akong muli sa dagat ng mapanumbat na husga
Punong hitik sa bungang malulusog at buo Hinampas ako ng alon sabi
Pumitas sila at tinikman ang tagumpay na totoo “Magaling ka pero mas tanga ka kesa sa kanila”
Nagpakabusog at tinamasa ang sarap na bigay nito Nagkamali ako at nalunod sa daloy ng pagsubok at pangamba
Dumako kami sa lahar na sobrang init ang mga husga Pinipilit kong lumangoy kahit wala na akong kasama
Mga husgang pinamukha sa amin na hindi namin kaya Narating ko ang dalampasigan ng bagong simula
Hindi kayang magpunyagi dahil walang magaling na kasama Binalikan ko ang bakas na itinuro ko sa kanila
Tumayo ako at nanindigang ako ang mamumuno sa kanila Sinundan kong muli at nakita kong natapos na sila
Pinasan ko ang lahat at napadako kami sa dagat Nagpatuloy ako at kakayanin kahit maglakbay ng mag-isa
Sa dagat na may along sobrang lakas humampas ng sumbat
Sabi nila ay mas suwail kami kesa sa ibang pangkat
Tumagos sa puso ang sakit, kulang pa ba at di pa ba sapat
28 | TADYAW
Pabalik na sila mula sa tuktok samantalang
ako’y nagsisimula pang muli
Nakalimutan nilang ako ang naghatid sa kanila
Bumati ako kahit may kirot na iniinda
Kahit isang salamat ay walang bumalik mula sa kanila
Nagpatuloy akong umakyat
Mas matatag at mas mapangahas kesa sa dating ako
Binaon ko ang lahat ng aral
Na dapat natutunan ko muna bago ko itinuro
Bayani Ikaw ay hindi lamang tao sa mga kwento
Ikaw ay isang Pilipino.
HANADEY R TIANGUE Pilipinong tumayo para sa kung ano ang tama
Anumang sitwasyon, lumaban ka.
Isang kalungkutan libong kasiyahan Mahigpit na hinawakan ang iyong panulat
Huwag magpatalo at lumaban Pagkat ang kamatayan ay malapit na.
Makapangyarihang tinta, selyo sa malagim na digmaan. Hinarap ang takot
Katarungan sa kawalan ng katarungan! Humanap ng paraan upang ang bayan ay lumaya.
Ang mga binagong bloke ay mga solusyon Isang buwis-buhay na hindi kailanman malilimutan
Tagapagpagaling ng rebolusyon. Gumising sa lahat mula sa habihan ng tadhana.
Ikaw ay nawala, ipinagtanggol ang iniibig mong bayan. Tinapos ang digmaan
Isang tao na agarang umayon na maglingkod sa bayan. At pinamana sa mga anak ng bayan ang kalayaan.
Napanalunan mo ang tagumpay
Ginamit ang tinta laban sa kawaay.
Tahimik na hinarap ang digmaan
Isang imperpektong tao ngunit makatao.
T U L A | 31
Buhayin Mula sa Pagkamatay Isang reyalidad na maaring sa mata mo’y nakakubli
Ngunit kultura’y matagal nang sawi
ZAITON S UNTUA Iniwang puno ng pighati
At di na kailan man masisilayan
Hawakan ang punyal O di na muling madidinig
Itarak sa puso ng kulturang Ang hikbi ng kulturang may impit na tinig
akala ng iba ay galing sa banyaga Kung susubukan mong hukayin
‘Wag hayaang dugo pa’y bumukal Ang matagal mo nang iniligpit
Ng kulturang naghihingalo Mga turnilyo sa isip ay marahang mong ipihit
Ng kulturang nanlalabo Upang kulturang minsan mong ipinagpalit
Upang masilayan pa ng susunod na mga hukbo Sa dayuhang mapang-akit
Higpitan ang kapit Ay mabuhay muli at tuluyang lumayo
Sa henerasyong malupit Sa kamatayang lapit ng lapit
Dahil ang minsang ipinamana
Ngayo’y ibabaon sa limot ng masa
Hahagkan ang bagong kasanayan
At ang sinauna ay tuluyang kinalimutan
32 | TADYAW
T U L A | 33
Sariling Wika Noon at Ngayon manatili lang ang wikang dapat sa Pilipino lamang
nagkaisang lumaban upang makamtan ang kalayaan
SHAMAEL E JOSE at doon,
pagkatapos mong nasilayan
Ihanda ang mga libro dahan-dahan na isara ang pintuan ng nakaraan
punasan ang mga sandata bumalik sa kasalukuyan
buksan ang pinto ng nakaraan mismong Pilipino ang nandadayuhan sa sariling wika
tahimik na pagmasdaan ang maingay na digmaan kinalimutan ang sariling baybayin
maari mong makita subalit di ka pwedeng magsalita sa halip ay inaral ang mga dayuhang sulatin
pakinggan ang kanyon na papatay sa taga Nayon kumatha ng mga bagong salita
dahan-dahang sundan ang apak ng kanilang mga paa na ani nila’y makabagong wika
masisilayan mo taong aligaga kinakalimutan ang daang taon at libong nag buwis buhay
hindi iniinda ang sakit na kanilang nadarama upang sariling wika ay maipamana sa susunod na hanay
ang bahid ng dugo sa pinto ng nakaraan wika’y hindi lang dapat pinapahalagan
ay tanda ng pagiging matapang ito’y dapat minamahal at pinag aaralan
at doon, dahil dito dumadaloy ang dugo ng totoong Pilipino
makikita mo ang halaga ng wika na pinaglalaban
batang may dala dalang armas
matandang may hawak hawak na palaso
at mga taong naka uniporme na kung tawagin ay bayani
taga Nayon na nag aalsa at nagkaisa
upang mabawi ang perlas, dagat, bukirin at bundok
maisalba ang bayan na kanilang kinagisnan
at mapanatili ang wika na totoo nilang kayamanan
dahilan ng kanilang pagkakainitindihan
kayang makipagsapalaran
T U L A | 35
Monologo
38 | TADYAW
Kailan magiging tama ang mali?
HANNA FE B MORALES
Alam ko, alam ko kung ano ang tumatakbo diyan sa isi- Itago man ang pinagdadaanan ngunit bakas sa aking
pan nyo. Kung bakit ang dating magaling at tinitingala sa mukha at kilos ang kalungkutan. Matatawa ka na lang da-
klase ay nangungna na lamang sa tsismis ng nakararami. hil puno ng tigyawat ang mukhang ilang taong inalagaan.
Oo, ako na ito, walang labis walang kulang. Ako lamang
ay nabuntis nang hindi inaasahan. Maniwala man kayo o Yun bang nakakapagod mag-isip, habang pakiramdam
sa hindi, ‘di ko sinasadyang mangyari ang lahat. Kung sa mo’y parang lumulutang ka lang sa himpapawid. Lalo pa’t
tingin niyo na ang tulad ko ay wala ng papel at patapon na ngayon di ko alam kung bakit lagi ako ang dahilan ng pag-
lamang sa ginagalawang lipunan, sana’y ‘wag niyo muna simangot at pagka-irita ng aking mahal na ina. Ano ba
akong husgahan at mangyaring marinig at malaman nyo ang aking nagawa? Ba’t ba sa akin sinisisi ang pagkasi-
man lang ang parte ng katotohanan na tinuturing ng lahat ra ng aming pamilya. Ginagawa ko lahat na maging isang
na isang kamalian. mabuting anak, pero bakit? Bakit ako na lang parati ang
kailangang managot sa kahit hindi ko pagkakamali.
Matapos ang mga kaguluhang naganap, mahirap matu-
koy kung saan nga ba nagsimulang nagkandaletse-letse Kaya, alak? Sigarilyo? Wag niyo silang minamaliit da-
ang lahat. Oo nga pala, tanda ko na, diba Tay? Ang saya hil sila ang naging totoo kong karamay. Bagama’t di sila
ng pamilya natin noon simple lang ang pamumuhay, ta- nagsasalita pero hinahayaan nila na buksan ko ang dam-
pos nagkaroon ka ng magandang trabaho. Oo, umunlad daming nagdurusa.
tayo pero pinagpalit mo din kami sa pera, trabaho at pag-
mamahal sa bago mong kalaguyo. Ok nga lang sa ‘yo na At sa pagdilat ng aking mga mata, ako ay nasa kalye pala
ako’y pinagsisigawan, pinagsasampal at binubogbog ng at wala ng damit. Naalala ko ang limang lalake, limang
babae mo Tay, diba? demonyong lalake na binaboy ang aking pagkababae. Di-
ring-diri ako sa sarili ko at kung bakit pa nangyari ang
Kaya ang sakit, sobrang sakit ngunit mas pinili kong lahat ng ‘to. Punyeta naman kasing buhay to! Eh di lalo
manahimik na lang at ipakitang hindi ako nasasaktan. akong magmumukhang walang kwenta sa pamilya ko!
M O N O L O G O | 39
At hindi nga ako nagkamali, dahil kinamuhian, pinandi-
rihan at tinakwil ako ng mismong mga mahal ko sa buhay.
Kaya wala akong karapatan para patikumin ang pag-
putak ng bibig niyo kung mismong pamilya ko ang sumira
sa imahe ko. Kaya tama na, pagod na ako. Isisi niyo na lang
lahat ng mali sa akin. Kaya pasensya ka bata dahil tulad
mo, ako rin ay bunga lang ng kasalanan.
Isa... dalawa... tatlo... napabuntong hininga ako sa pun-
tong nasa gitna ako ng buhay at kamatayan. Napagtanto ko
na nabuntis man ako dahil sa isang pagkakamali, ngunit
itatama ko ang lahat simula sa pagpapatawad sa aking sa-
rili at pag-bibigay ng buong pagmamahal sa batang aking
dinadala sa aking sinapupunan.
Sa tingin nyo, sapat na kaya ang hakbang na ito upang
maitama ko ang aking mga mali?
40 | TADYAW
Sanaysay
Ulirang Guro sa Filipino
RODELLO D PEPITO
Simula nang ako’y naging guro sa Filipino, napakarami ng aking mga
napagtanto. Natutuhan kong mahalin ang aking propesyon gaya ng pag-
mamahal ko sa aking ina, pamilya at mga paaralang aking pinagtapusan.
Taong 1994, sa isang pribadong paaralan na may mga mababait na admi-
nistrador at maunawain ang tagapayo ng klase. Ako ay naitalaga sa Ikalawang
Baitang (Grade 2) at ang isa ay nasa pangatlong taon (third year) ng hayskul.
Dalawang klaseng magkalayo ang agwat kasi raw mahirap humanap ng
guro sa Filipino. Kailangan nila ang tulad ko.
Sa unang araw, nagmasid lamang ako sa dalawang klase na yon, 9:30 sa
umaga ang maliliit, at 10:30 ang mga teen-ager. Nag-aalinlangan pa nga
ako kasi mayayaman ang mga estudyante ko. Kahit mga bulilit pa, halos
puno na ang mga braso sa alahas na kailanman ay di ko naranasang
isuot. Samantala, ang mga hayskul naman ay katulad sa inilarawan sa
awitin ni Freddie Aguilar na mga Estudyante Blues. Naku! Mali ang
kantang yaon. Hindi sila palaaway, pasaway at maarte kundi napaka-
talino ng klaseng yon.
Balita ko, naging enhinyero na si Pimping, naging pulis na si Keith
ba iyon o si Japheth? Ah, hayaan mo na, basta ako ang naging guro nila
sa bugtungan ng Grade 2 at panghalip naman sa hayskul. Iyon lamang ang
aking matandaan. Tumatanda na kasi. Okay lang. Basta, ako ang guro nila
sa Filipino.
44 | TADYAW
Pagsapit ng 1996, nag sumite ako para magtrabaho sa Nakakawala ng pagod at napakasaya ko tuwing nalala-
isang sikat na paaralan sa Mindanao. Hindi sa Davao, man ko na naging ganap na enhinyero, doktor, nars, guro,
basta sa isang malaking lungsod. Magagaling ang mga at may naging beauty queen pa! Kahit ano pa ang naging
mag-aaral sa kolehiyo ng pangangalakal at enhinyero. Sa trabaho at kahit saan pa dalhin ng kapalaran ang aking
klase na yon, si Harold ba iyon? Ah basta, siya ang kauna- mga mag-aaral, ah… basta, ang alam ko, guro nila ako sa
unahang mag-aaral ko na nakahawak ng selpon na Nokia, Filipino.
iyong may sungay? Oo, iyon. May beeper pa nga siya.
Anak kasi ng negosyante kaya’t kayang-kayang bilhin ang Nalubos ang aking kasiyahan nang ako’y nakapasa sa
mga luho nya. Ah… basta, ang alam ko, guro niya ako sa pagsusulit ng pagiging guro noong Agosto 1997. Huwag
Filipino. mo nang itanong ang iskor ko. Ang importante, ako ay
naging guro nila sa Filipino.
Ang paksa na aking itinuro ay tungkol sa sining ng
pakikipagtalastasan sa unang semestre at panitikan Taong 2000, lumipat ako ng pamantasan. Tahimik,
naman tuwing ikalawang semestre. Tawanan pag may maunlad mababait at matulungin ang adiministrador,
dula. Iyakan sa monologo. Oo, nag-iyakan sila kasi po kaakibat sa mithiin ng pamantasan, maging sa personal
magaling si Grace sa kanyang katauhan bilang baliw na na pangarap ng mga manggagawa. Nagtuturo ako ng mga
ina. Hindi rin pahuhuli si Juliet ang aming best actress. pangunahing paksa sa Filipino nang ako’y tanghalin na
Napakagaling magdrama. Naku! Nakakapangulila din ang isa sa mga ulirang guro ng pamantasan noong Oktubre
klaseng yaon lalo na’t kapag nakita ko si Richard, siya ang 5, 2009. Ang parangal na yon ay kasali sa pagdiwang ng
bida. Siya ang aktor. Ah… basta, ang alam ko, guro nila World Teachers Day.
ako sa Filipino.
Salamat sa mga administrador na nagtiwala sa aking
Minsan nga, may tawaran pa sa mga takdang aralin, kakayahan bilang guro sa Filipino. Oo, naging ulirang
kesyo raw naiwan, nakalimotan, pwede bukas na lang, guro ako sa Filipino. Taglay ko raw ang sumusunod: una,
at marami pang mga dahilan. Maihahalintulad sa isang nagampanan ko raw nang walang pag-iimbot ang mga
palengke ang mga tawaran sa pagitan ko at ng mga dating simulain, mithiin at layunin ng pamantasan lalong-lalo
kong mag-aaral. O baka naman ay naisip nila na artista na ang makahubog ng bihasang propesyonal sa pama-
sila sa klase ko. Gaya ko rin na minsan kailangan ngang magitan ng pagtuturo at pagkatuto; ikalawa, napakalaki
umarte sa klase. Ahay, buhay nga naman ng isang guro raw ng puhunan na aking naiukol sa aking propesyon-
ano. Ah… basta, ang alam ko, guro nila ako sa Filipino. puhunang ginagamit ko upang maging bihasa sa
S A N A Y S A Y | 45
larangang aking pinagturuan, puhunang hindi lamang
sa karunungan na aking taglay kundi maging sa lahat ng
katangian ng isang mabuting guro. At ang panghuli raw,
nagturo raw ako na mula sa puso at hindi mula sa aklat.
Bukal daw kasi sa aking kalooban ang aking pagtuturo da-
hil naisabuhay ito ng mga mag-aaral.
Salamat, ngunit hindi madali ang magiging ulirang guro
sa Filipino. Kailangan mong maging mapagmahal sa in-
yong propesyon, masayahin, maunawain, magampanan
ang tungkulin at mithiin ng paaralan, at may taglay na
puhunan at karunungan upang makahubog ng bihasang
propesyonal. Kung kaya ko, kayo nyo rin.
O, sige. Hanggang sa susunod kong sanay-kwento. Ano
na naman kaya? Ang selyo ng kahusayan ba? Ah, kung
palaring makasulat muli. Kukwentuhan ko kayo. Mabuhay
ang mga guro sa Filipino!
46 | TADYAW