Mga kwento ng mga Bulakenyo na naging benepisyaryo ng mga proyekto ng Kagawaran at pahayag ng kanilang mga karanasan sa kung paanong binago ng mga programang ito ang kanilang pangaraw-araw na pamumuhay. KWENTO NG TAGUMPAY 65 NA SOLAR STREETLIGHTS IPINAGPASALAMAT NG MGA BUSTOSENYO Ang proyektong ito ay may kabuuang halaga na P5,000,000.00 na pinondohan sa ilalim ng F.Y 2022 LGSF-FALGU.. (sundan sa Pahina 2) Pebrero 2023 Vol. Blg. 1, Isyu Blg 1 BUWANANG LATHALAIN NG LFP BULACAN
Pahina 1
F.Y. 2022 LGSF-FALGU STREET LIGHTING AND BARANGAY INFRASTRUCTURE Ang paglalagay ng 65 units streetlight sa kahabaan ng Brgy. Buisan, Liciada at Camachilihan, Bustos, Bulacan ay nagkakahalaga ng 5 Milyong Piso na sinimulan noong ika-29 ng Nobyembre, 2022 at pormal na nakumpleto noong Ika-19 ng Disyembre, 2022. Nagpasalamat si Punong Bayan Juan sa Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa pagpapakabit ng nasabing mga ilaw, aniya, ito ay nagdulot ng pagbaba ng krimen at pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa nasabing mga barangay. Gayundin, sa panayam sa ilang mga residente, sinabi nila na malaki ang naitulong ng nasabing proyekto sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay. Anila, dulot sa liwanag na hatid nito, ay kanilang naramdaman ang kapanatagan ng kalooban sa tuwing dadaan sa nasabing mga lugar. Pahina 2 600 METRONG FARM-TO-MARKE ROAD SA SAN MIGUEL, BULACA Tuluy-tuloy ang pagsubaybay ng DILG Bulacan sa mga proyekto ng Kagawaran. Noong ika-16 ng Pebrero, 2023 ay nagsagawa ng inspeksyon ang Panlalawigang Tanggapan upang matukoy ang estado ng konstruksiyon ng 600 metrong Farm-to-Market Road na kasalukuyang ginagawa sa Sitio Cabu, Brgy. San Miguel, Calumpit, Bulacan. Ang nasabing proyekto ay may kabuuang halaga na P13,143,687.00 na pinondohan sa ilalim ng programa ng Kagawaran ng Interyor at Pamalaang Lokal na LGSF-FALGU. Ang San Miguel, Bulacan ay kilala na isang bayan kung saan ay agrikultura ang pangunahing kabuhayan ng mga mamamamyan. Dahil dito, tiyak na ang nasabing proyekto ay makakatulong sa mga mabilis na pagbyahe ng produkto ng mga mga mamamayan ng San Miguel, Bulacan tungo sa mga pamilihan. 600 METRONG FARM-TO-MARKET ROAD sa san miguel, bulacan 600-METRONG FARM TO MARKET ROAD SA SAMIGUEL, BULACAN
KWENTO NG TAGUMPAY M U L A S A M G A B E N E P I S Y A R Y O N G B U L A K E N Y O Argel Bulig ...nagpapasalamat po kami sa DILG dahil naging maliwanag po ang aming kalsada... kahit na madilim ang gabi ay feeling safe po kami... Residente Residente Sonia Lopez ...malaking bagay, kagaya ko, gawa ng nasa tapat yan ng aking tindahan, hindi na nga ako nagbubukas ng ilaw e... iyang streetlights na lang ang aking inaaasahan... Igg. Emilio M. Dela Cruz ...ang mga streetlights na nailagay sa aming barangay ay napakalaking biyaya. Noong wala pa ang mga streetlights, maraming nangyayari dito sa amin na mga petty crimes, dahil madilim yung paligid, pero dahil sa pagdating ng proyektong ito, nabawasan ang aming trabaho dahil hindi na kami mangangamba na kailangang palaging silipin ang mga madidilim na bahagi ng kalsada... Punong Barangay Pahina 3
BUWANANG LATHALAIN NG LFP BULACAN