The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by dilgr3.bulacan, 2023-04-16 09:04:34

OBRA 1ST QUARTER 2023

OBRA 1ST QUARTER 2023

WHAT'S "ANG DILG AY MATINO, MAHUSAY AT MAAASAHAN" INSIDE


LINANG: CAPACITY DEVELOPMENT U N A N G S A N G K A P A T T A O N G 2 0 2 3 Ika-22 ng Pebrero, 2023, sa pangunguna ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol Fabia-CESO V ay nagsagawa ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaan Lokal ng isang oryentasyon ukol sa Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA). Ang nasabing gawain ay inisyatibo ng Panlalawigang Tanggapan upang maihanda ang mga Lupong Tagapamayapa ng 569 na barangays sa lalawigan ukol sa paparating na pagtatasa at higit lalo pa ay maipabatid sa kanila ang ilang pagbabago sa mga criteria at tadhanain na bunsod ng DILG MC No. 2022- 022. Sa kaniyang pananalita, iniwan ni Panlalawigang Patnugot Fabia ang hamon sa mga dumalo na mas maisaayos at pagbutihin pa ang pagganap sa kanilang tungkulin. Aniya, higit pa sa karangalan na dulot ng pagkilala ay ang maisagawa ng maayos ang tungkulin at maging instrumento ng pagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaisa sa barangay. NORZAGARAY, BULACAN – Noong ika7 ng Pebrero, 2023, nagbigay ng teknikal na gabay ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa pagpupulong ng Bulacan Council of DRRMO Inc., na binubuo ng mga Local Disaster Risk Reduction and Management Officers (LDRRMOs) ng Bulacan, upang ibahagi ang naging resulta ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) indicators sa ilalim ng 2022 Seal of Good Local Governance (SGLG) at Governance Assessment Report (GAR). Dito rin ay pinangunahan ng DILG Bulacan ang diskurso uko sa ilang mga paalala at tagubilin bilang paghahanda sa SGLG na muling isasagawa sa taong ito. DILG BULACAN NAGSAGAWA NG PANLALAWIGANG ORYENTASYON UKOL SA LTIA LDRRMOS NG BULACAN KAAGAPAY SA PAGKAMIT NG SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE


U N A N G S A N G K A P A T T A O N G 2 0 2 3 CAPACITATING YOUTH LEADERS TOWARDS A DISASTER-RESILIENT COMMUNITY BUSTOS, BULACAN - On February 27- 28, 2023, DILG Bulacan, in partnership with the Provincial Government of Bulacan through the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) headed by Felicisima L. Mungcal, conducted an activity entitled: 2023 WEmboree: Changing Mindset from Me to We. The said activity that was attended by approximately ninety (90) Sangguniang Kabataan officials and Leaders of various Youth Organizations was aimed to increase the awareness of the youth regarding disaster preparedness. During the said activity, the roles of the youth, especially the Sangguniang Kabataan officials were emphasized as it was discussed that disaster preparedness is mandated under the law and is one of the priority programs under the Philippine Youth Development Plan (PYDP), to which the Sangguniang Kabataan's LYDP, CBYDP and ABYIP are anchored. Simulation drills and exercises were also conducted by the Bulacan Rescue to test the participants' capability to respond on various emergency situations. Lastly, the Department's advocacy program Operation Listo was tackled, including its sub-program Listong Pamayanan. In her message, Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, reminded the participants of the importance of youth participation in nation-building and their crucial role in promoting community resilliency. Also, Hon. Robert John Myron Nicolas, SK Federation President, Bulacan Chapter, encouraged the participants to partake actively in educating the community. Meanwhile, Hon. Alex Castro, Vice Governor, Province of Bulacan, inspired the participants, stressing in his message that public service requires no position but a heart to serve. Capping off the activity, the participants signed a pledge of commitment expressing their undertaking to educate their constituents towards achieving the government's objective of building a disaster-resilient community.


TEKNIKAL NA GABAY, IBINAHAGI NG DILG BULACAN SA ISINAGAWANG PAGSASANAY UKOL SA LAND USE AND RECLASSIFICATION Noong ika- 2 ng Marso, 2023, sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ay naisagawa ang dalawang araw na pagsasanay ukol sa Land Use, Zoning Enforcement at Land Reclassification na dinaluhan ng mga City and Municipal Planning and Development Coordinators, City and Municipal Agriculture Officers, mga Sangguniang Bayan/Lungsod Members na Tagapangulo ng Committee on Land Use and Agriculture at mga Pangalawang Punong Bayan at Lungod sa lalawigan. Samantala, bilang bahagi ng pagsasanay, nagbigay ng teknikal na gabay, ukol sa nasabing paksa ang DILG Bulacan sa pangunguna ni Panlalawigang Patnugot, Myrvi Apostol-Fabia, CESO V. Sa kaniyang mensahe, ipinahayag niya ang suporta ng kagawaran sa ganitong uri ng gawain kung saan ay maaring maging daan ng talakayan upang magkaroon ng iisang pamantayan ang mga Pamahalaang Lokal ng Bulacan sa pag-apruba ng reklasipikasyon ng lupa. Bahagi pa rin ng teknikal na paggabay ay ipinaliwanag nina LGOO VI Jayfie P. Nasarro at LGOO V Jhea M. Gregorio ang mga tadhanain ukol sa mga paksangusapin na nakapaloob sa Kodigo ng Pamahalaang Lokal.


Noong Ika-1 ng Marso, 2023, bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan, ay nagsagawa ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Bulacan ng isang programa upang bigyang pagpapahalaga ang hindi matatawarang ambag ng mga kababaihang kawani ng tanggapan sa pagsusulong ng mabuting pamamahala sa lalawigan. Noong ika-14 ng Marso, 2023, bilang bahagi ng pagdiriwang ng buwan ng kababaihan ay itinampok ng Panlalawigang Tanggapan ang unang episode ng Gabay Serye na bahagi ng ALAGWA Bulacan, ang opisyal na subLGRRC ng DILG Bulacan. Ang gawaing ito kung saan tinalakay ang mga uri ng gender-based sexual harassment at mahahalagang probisyon ng Bawal Bastos Law ay isinagawa sa pamamagitan ng tatlong media platforms kabilang na ang The Roving Radio Station na nabigyang daan sa pakikipagtulungan ng Pamahalaan Panglunsod ng Malolos. DILG BULACAN NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG KABABAHAIHAN GABAY: PUBLIC EDUCATION & CITIZENSHIP DEVELOPMENT FORUM ON SAFE SPACES ACT ISINAGAWA NG DILG BULACAN KASABAY NG PAGDIRIWANG NG BUWAN NG KABABAIHAN


Kasabay ng Pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, patuloy ang pagbibigay ng teknikal na gabay ng DILG Bulacan sa serye ng mga isinagawang pagsasanay ukol sa gender and development ng ilang mga bayan sa Lalawigan ng Bulacan, kabilang sa mga nagsagawa ng gawain ngayong buwan ay ang mga Bayan ng Pulilan, Norzagaray, San Ildefonso, San Rafael at San Miguel, Bulacan. Samantala, nauna nang nagsagawa ng pagsasanay ang iba pang mga bayan sa unang bahagi ng taon. Binigyang-diin ni Panlalawigang Patnugot Myrvi ApostolFabia,CESO V ang kahalagahan ng nasabing programa na makakatulong sa adbokasiya ng pagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng bawat kasarian, na siya ring diwa ng pagdiriwang ng buwan ng kababaihan. ay ang pagbabahagi ng mga karanasan at istorya ng mga working moms at mga single ladies sa Departamento, at panayam ng tanggapan sa ilang mga piling kalalakihan upang alamin kung anong pagtingin mayroon ang lipunan sa bawat kasarian. Layunin ng nasabing serye na alisin sa kahon ang pananaw ng lipunan sa kung anumang kasarian at ipaalala na walang anumang tuntunin na idinikta ng lipunan ang makakapagbigay ng limitasyon sa nais o kayang gawin ng isang indibidwal. Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan at pagnanais ng DILG Bulacan na maipagmalaki ang mga matino, mahusay at mga maaasahang mga kawani ng Tanggapan, itinampok nito ang VLOGSERYE na pinamagatang " ". Kabilang sa mga serye VLOGSERYE: HINDI AKO BABAE LANG PAGPAPALAKAS NG PROGRAMA UKOL SA GENDER AND DEVELOPMENT TINUTUKAN NG DILG BULACAN


Sa pakikipag-ugnayan ng Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa League of Municipalities ng Bulacan, isinagawa ang pagsasanay sa pagbalangkas ng GAD Plan and Budget na dinaluhan ng mga myembro ng GAD Focal Point System ng mga Lokal na Pamahalaan noong ika-15 hanggang ika-17 ng Pebrero, 2023. Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Panlalawigang Patnugot, Myrvi Apostol-Fabia, CESO V ang mga Pamahalaang Lokal na kung may kakayahan, ay higitan pa ang limang porsyento (5%) paglalaan mula sa kabuuang pondo, na ipinag-uutos ng batas na ituon sa mga programa at proyekto na may kinalaman sa GAD. Ito ay upang tiyakin na mas mapaigi pa ng mga bayan at lungsod ang mga inisyatibo na nilalayong wakasan ang gender inequality sa kanilang komunidad. Ang pagsasanay na ito ay bahagi ng pagnanais ng DILG Bulacan na mas mapalakas pa ang mga programa at proyekto ng mga pamahalaang lokal na layong itaguyod ang isang pamayanan na may pagkakapantay-pantay ang mga mamamayan, ano pa man ang kanilang kasarian. March 29, 2023 – Naghatid ng iba’t ibang wellness activities ang DILG Bulacan bilang pagwakas na pagdiriwang ng buwan ng mga kababaihan. Ilan sa mga gawain ay ang stress management seminar, Zumba dancing, make-up tutorial, at mga wellness services gaya ng manicure, pedicure, massage at foot spa. Ang layunin ng gawaing ito ay upang magbigay pagkilala sa tatag at tibay ng mga kababaihan sa Departamento na sa kabila ng dagok at hirap ng mga karanasan sa buhay ay patuloy pa rin ang pagharap sa araw-araw na responsibilidad at hamon. DILG-LMP PINANGUNAHAN ANG PAGSASANAY UKOL SA PAGBABALANGKAS NG GAD PLAN AND BUDGET WELLNESS ACTIVITIES HATID NG DILG BULACAN SA PAGTATAPOS NG PAGDIRIWANG NG BUWAN NG MGA KABABAIHAN


2022 PASSERS Siyam (9) sa mga Pamahalaang Lokal sa Lalawigan ng Bulacan ang nagkamit ng nasabing pagkilala, ito ay ang mga bayan ng Balagtas, Baliwag, Doña Remedios Trinidad, Guiguinto, Plaridel at San Miguel. Kabilang din sa mga pinarangalan ay ang mga Lungsod ng Meycauayan, San Jose Del Monte at Pamahalang Panlalawigan ng Bulacan. Ang naging pamantayan sa iginawad na pagkilala ay ang pagkaroon ng mataas na antas ng paggana (High Functionality) na nasusukat sa hindi bababang grado na Walumpung Porsyento (80%) sa mga sumusunod na datos na naitaya noong huling isinagawang Anti-Drug Abuse Council Performance Audit: (1) bilang ng ma Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADAC) na may mataas na antas ng paggana (High Functionality); (2) kakayanang mapanatili ang estado ng kawalan ng kaso ng illegal na drogra sa lugar (dug-cleared or drug free status); at (3) pagbaba ng kaso ng illegal na droga sa lugar noong taong 2022. PROVINCE OF BULACAN DOÑA REMEDIOS TRINIDAD CITY OF MEYCAUAYAN CIY OF MALOLOS CSJDM ANGAT BALAGTAS BALIWAG BULAKAN BOCAUE BUSTOS CALUMPIT GUIGUINTO HAGONOY MARILAO OBANDO PAOMBONG PANDI PLARIDEL PULILAN SAN ILDEFONSO SAN RAFAEL SANTA MARIA HIGHLY FUNCTIONAL ADACS BINIGYANG-PARANGAL OFFICIAL LIST OF 2022 PASSERS


TATAK DILG BULACAN: MATINO, MAHUSAY AT MAAASAHAN! Sa pagsisimula ng taong 2023, nagsagawa ang Panglungsod na Tanggapan ng DILG sa San Jose Del Monte sa pangunguna ni Pampook Tagapagpakilos Benedict M. Pangan ng isang paunang pagtatasa sa mga barangay ng naturang lungsod. Ito ay upang mabatid ng huli ang kahandaan ng mga nasabing barangay sa mga darating na pagsusulit at pagtatasa. Ito rin ay bilang bahagi ng pangkalahatang pagsubaybay ng nasabing tanggapan sa mga nasasakupan nito. Bilang bahagi ng patuloy ng pagtalima sa Mandamus na ibinaba ng Kataas-taasang Hukuman, ang DILG Obando, ay patuloy na sumusubaybay at nagpapa-alala sa mga Pamahalaang Lokal na sakop nito, na patuloy na isagawa ang lingguhang paglilinis sa mga daang-tubig, bilang ang huli ay isa sa mga bahagi ng karagatan ng Manila Bay. Sa pangunguna ni MLGOO Ernest Kyle Agay isinagawa ang isang pagpupulong ng mga Department Heads sa Bayan ng Norzagaray, Bulacan, upang talakayin ang mga naging pagkukulang ng bayan upang makamit ang SGLG Award. Tinalakay din sa pagpupulong ang nararapat na paghahanda sa darating na pagtatasa CSJDM, HANDA NA SA MGA DILG AUDITS PATULOY NA IMPLEMENTASYON NG MBCURP, PRAYORIDAD NG DILG OBANDO PAGHAHANDA SA SGLG PINANGUNAHAN NG DILG NORZAGARAY


Bilang patuloy na pagtalima sa mga tadhanain na nakapaloob sa Mandamus na iniatas ng Kataas-taasang Hukuman, ang DILG Bulacan ay nagsagawa ng isang clean-up drive sa Brgy. Carillo, Hagonoy, Bulacan ngayong araw, ika-17 ng Marso, 2023. Katuwang ng DILG sa pagsagawa ng nasabing paglilinis ay ang PNP, BFP, at ang Pamahalaang Bayan ng Hagonoy sa pangunguna ni Punong Bayan Flordeliza Manlapaz. MAIGTING NA IMPLEMENTASYON NG MBCURP PINANGUNAHAN NG DILG BULACAN BARANGAY ASSEMBLY NG PINAGBARILAN, BALIWAG, BULACAN SA GITNANG LUZON Noong ika-18 ng Marso, 2023 bumida bilang regional showcase barangay ang isinagawang Barangay Assembly ng Pinagbarilan, Baliwag, Bulacan. Ang gawaing ito na sinubaybayan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal at dinaluhan ng iba't-ibang ahensya ng Nasyunal na Pamahalaan ay bilang pagtalima sa itinatadhana ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal. Sa mensahe ng Kalihim ng DILG Abgdo. Benjamin C. Abalos Jr., na binasa ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, ipinabatid na ang gawaing ito ay upang malaman ng mga mamamayan ang kalalagayan ng barangay, at estadong pang-pinansyal nito. Samantala, sa pananalita ni Pangrehiyong Patnugot Abgdo. Anthony C. Nuyda, CESO III kaniyang ipinaalala ang mahalagang gampanin ng barangay. Aniya, siya ay naniniwala na kung hindi magiging maunlad ang barangay ay hindi magiging maunlad ang Pilipinas. Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal at dinaluhan ng iba't-ibang ahensya ng Nasyunal na Pamahalaan ay bilang pagtalima sa itinatadhana ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal.


Nagsagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ang Unang Sangkapat na Pagpupulong ng mga kasapi ng Bulacan Provincial Peace and Order Council, Provincial Anti-Drug Abuse Council (PPOC-PADAC) at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC). Sa nasabing pulong, inilatag at i-prinisinta ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga datos ukol sa mga naging bunga ng implementasyon ng mga programa ng kani-kanilang tanggapan na may kinalaman sa kaaayusan at kapayapaan kasama na ang mga programa na layong wakasan ang ilegal na droga kung saan ay kapansin-pansin ang pagtaas ng bilang ng mga barangay sa lalawigan na idineklarang drug-cleared. Sa inisyatibo ng Provincial Peace and Order Council, ay nagsagawa ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Bulacan ng isang Panlalawigang re-oryentasyon ukol sa Peace and Order Public Safety Plan Policy Compliance System (POPSP-PCMS). Ang gawain ay dinaluhan ng mga tinalagang encoder ng bawat Pambayan at Panlungsod na Pamahalaan sa Lalawigan gayundin ang mga Pook Tagapagpakilos ng Kagawaran sa Bulacan. Ito ay upang muling mabigyang-kaalaman ang mga dumalo, higit lalo ang mga natukoy na encoder ng mga Pamahalaang Lokal, ukol sa mga teknikalidad sa pagtatala ng mga datos sa POPSP-PCMS at sa pasikot-sikot ng nasabing pook-sapot. Layunin din ng nasabing gawain na ihanda ang mga Lokal na Pamahalaan sa Lalawigan ukol sa napipintong pagsasagawa ng pagtatasa na nilalayong mabatid ang kahandaan at antas ng pagiging epektibo ng mga binuong Panlungsod at Pambayang Peace and Order Council at Anti-Drug Abuse Council sa Bulacan. PAGTAAS NG BILANG NG MGA BARANGAY NA IDINEKLARANG DRUG-CLEARED IBINIDA SA PAGPUPULONG NG PPOC LGUS SA BULACAN BINIGYAN NG REORYENTASYON UKOL SA POPSP-PCMS FEBRUARY 6, 2023 FEBRUARY 2, 2023


Nakipagpulong sa Alpha Company of 70th IB, ng Hukbong Katihan si LGOO V Gerald Cabarles Jr., OIC-Program Manager, DILG Bulacan bilang kinatawan ng Panlalawigang Tanggapan. Ito ay upang bigyang kaalaman ang mga dumalo ukol sa programa ng Kagawaran na RCSP o Retooled Community Suppport Program na layong ilapit sa mga mamamayan ang mga programa ng Pamahalaan. Dito rin ay ibinahagi ni LGOO V Cabarles ang mahalagang papel na ginagampanan ng Hukbong Katihan tungo sa ikakatagumpay ng nasabing proyekto. Ang proyektong RCSP ay bahagi ng layunin ng Nasyunal na Pamahalaan kabilang na ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal na wakasan ang ang insurhensiya sa bansa. Ito ay sa pamamagitan ng paghahatid sa mga malalayong nayon at barangay ng mga programa ng pamahalaan na layong makatulong na iangat ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan. PAGPAPALAKAS NG IMPLEMENTASYON NG RCSP TINALAKAY SA PULONG NG AFP AT DILG FEBRUARY 15, 2023


Ang salitang ALAGWA ay isang salitang tagalog na nangangahulugang kumawala o malayang paglipad. Gaya ng naturan, layunin ng DILG Bulacan, kasama ang mga katuwang na ahensya, na mapalaya sa mga maling taguring iniuugnay sa mga lingkod bayan at pamahalaan ang gobyerno sa pamamagitan ng mga natatangiing inobasyon, malinaw na layunin, mga kaalaman at impormasyon. ALAGWA DILG BULACAN SUB-LGRC Map of Bulacan Singkaban Festival The Province of Bulacan, also known as the "Northern Gateway from Manila," is composed of 24 component cities and municipalities. Bulacan prides itself on its vital role in Philippine history and a rich heritage in culture and the arts. It is also known as the cradle of the nation’s noble heroes, and its people are called Bulakeño (or Bulakenyo). The province is well-known for the following industries: marble and marbleized limestone; jewelry; pyrotechnics; leather; aquaculture; meat and meat products; garments; furniture; high-value crops; and sweets and native delicacies. Barasoain Church The Barasoain Church is one of the famous historical sites in Bulacan. It was the former seat of the Malolos Congress in 1898 and was the site of inauguration of the First Philippine Republic on January 23, 1899. The Sining at kalinangan ng Bulacan Festival, widely known as "Singkaban", is an annual 7-day festivity in the Province of Bulacan which showcases the Bulakenyo culture and products. Marcelo H. del Pilar was born in Kupang, San Nicolas, Bulacan, on August 30 1850. He grew up to be one of the greatest propagandists who sought Philippine freedom through his pen. In 1882, he became editor of the newspaper Diariong Tagalog which strongly criticized the way the Spaniards ran the government and treated the people. Using his pen name, Plaridel, he wrote satires against the Spanish friars, notably "Dasalan at Tuksuhan" and "Kaiingat Kayo." Marcelo H. Del Pilar Biak-na-Bato is a national shrine, having played a significant role in the history of the Philippines. It is the place where Aguinaldo and other revolutionaries established their headquarters in their fight against the Spaniards. They also established in one of the caves of this place the first constitutional republic in the Philippines, known as the Biak-na-Bato Republic. Biak-na-Bato Francisco "Baltazar" Balagtas One of the greatest Filipino literary laureates for his impact on Filipino literature. He was born in Barrio Panginay, Bigaa, Bulacan.


Layunin ng Departamento na mapabilis ang pagpapalakas kaalaman at diskarte sa pagbabahagi ng impormasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang social media platforms at mga makabagong teknolohiya. Lundayan ng mga Ideya na Sasalamin sa mga Adbokasiya tungo sa Nadaramang Gobyerno. Ang DILG Bulacan ay hindi lamang naglalayon na mapalakas ang panloob na kapasidad ng organisasyon, kundi mapataas din ang kapasidad ng bawat LGU tungo sa pagkamit ng maayos at mabuting lokal na pamamahala. Ang DILG Bulacan ay naglalayon ding panatilihin ang alab ng mga puso sa paglilingkod ng mga kawani, kliyente, at mga katuwang ng Departamento. Sa pamamagitan ng ALAB, ninanais ng Departamento na bigyang pagkilala ang mga natatanging gawa, at kagustuhang maihatid ang diwa ng serbisyo publiko sa lahat. Ang bahaging ito ng ALAGWA Bulacan ay tatawaging TANGLAW o Teknical at Administratibong Gabay na Layong Isulong ang Wastong Pamamahalang Lokal. Ang wani ay nangangahulugang manghikayat ng mga tao upang gawin ang isang bagay. Kaugnay nito, patuloy na hinahangad ng DILG Buacan na palawakin at palakasin ang mga ugnayan nito sa mga panloob at panlabas na katuwang tungo sa isang mas malakas at mas mahusay na paghahatid ng serbisyo publiko. SELERASYON IN NG ABAY ANI A L A G W Ang DILG Bulacan ay naglalayon ding panatilihin ang alab ng mga puso sa paglilingkod ng mga kawani, kliyente, at mga katuwang ng Departamento. Sa pamamagitan ng ALAB, ninanais ng Departamento na bigyang pagkilala ang mga natatanging gawa, at kagustuhang maihatid ang diwa ng serbisyo publiko sa lahat. Ang bahaging ito ng ALAGWA Bulacan ay tatawaging TANGLAW o Teknical at Administratibong Gabay na Layong Isulong ang Wastong Pamamahalang Lokal. ALAB


Ano ang nilalaman? Multi-sectoral Advisory Committee Babasahin ukol sa mga Programa at Proyekto ng DILG Bulacan Frontline Services Bilang mga bahagi ng Multi-sectoral Advisory Committee (MSAC) at kaugnay ng pagtalima sa atas sa ilalim ng DILG Memorandum Circular 2022-052, binigyan ng DILG Bulacan ng puwang sa DILG Bulacan e-LGRC ang mga pangunahing serbisyo at programa ng mga kabahaging tanggapan at institusyon. Ito ay upang mas mabilis na maipabatid sa mga Bulakenyo ang mga impormasyon at tamang ahensya ng gobyerno kung maaaring idulog ang kanilang pangangailangan. Sa pamamagitan nito, maiiwasan na ang pabalik-balik na transaksyon dahilan sa kakulangan ng mga kinakailangang dokumento. Agad na ring malalaman ng kliyente and araw, kung kailan nila maaaring makuha ang hinihinging dokumento. Kasama na rito ang mga kalatas, opinyong legal, at mga utos tagapagpaganap. Kabilang na ang Certificate of Services Rendered, Foreign Tavel Authority and Death Benefit Claims


ALAGWA BULACAN, PINALAWAK ATO AT INE - Noong ika-23 ng Marso, 2023 ipinahayag ng mga kasapi ng ng MultiStakeholders Advisory Committee (MSAC) sa lalawigan ang kanilang suporta sa pagpapalakas at pagpapalawak ng Bulacan sub-LGRC sa pamamagitan ng paglagda ng kanilang pangalan sa isang Memorandum of Agreement (MOA). Anila, ang ALAGWA Bulacan ay isang mahalagang kasangkapan upang mabilis at epektibong maihatid sa mga Bulakenyo ang mga impormasyon at kaalaman ukol sa mga proyekto at programa ng Pamahalaan ang napili ng Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Bulacan bilang tawag o ngalan ng mga karakter na kakatawan sa ideyalismo, impormasyon at prinsipyo na lalamanin ng mga lathalain at tagubilin ng tanggapan. Sa pagbuo ng mga karakter na ito, siniguro ng tanggapan na mailagay ang mga elemento na sasalamin hindi lamang sa mga prinsipyo at layunin ng DILG Bulacan, kundi upang maipakilala rin sa lipunan ang mayamang kultura at kasaysayan ng lalawigan.


Local Government Operations Officer VI Local Government Operations Officer II Administrative Aide IV TO NEWLY-HIRED AND PROMOTED PERSONNEL


EDITORIAL BOARD SUPPORT STAFF DIWA ADVISER LYDIA M. BALTAZAR JHEA M. GREGORIO MARY JOY V. NABOR ALYSSA MAY I. DEL ROSARIO EUNICE R. MALLARI EDITHA MACALINO REANNE M. DAVID-LAXINA JOLISSA P. RODRIGUEZ LLHOYD B. PARUNGAO JULIUS S. LEYVA VAN ISAAC LUNA LOIDA P. BELLO JULIE S. GALICIA ARMANDO B. OCAMPO, JR. MA. FATIMA L. CRUZ KEVIN DE GUIA MORRIS JORGE C. ROQUE HELEN GRACE S. DIMLA MARJORIE ALBA ALEJANDRO P. BUHAT ROBERT B. ROSAL ROLANDO S. CALUGAY MYRVI APOSTOL-FABIA, CESO V JUDITH B. ROMERO GERALD R. CABARLES, JR CONTRIBUTORS: DILG FIELD OFFICERS CLUSTER 1 CLUSTER 2 LGOO VII/ CTL 1 LGOO V LGOO VI LGOO III LGOO III LGOO III LGOO II LGOO II LGOO II LGOO II LGOO II ADAS II ADAS II ADA VI ADA IV ENGINEER III ADA IV ADA IV ADA IV ADA III ENGINEER II ADA I PROVINCIAL DIRECTOR LGOO VII/ CTL 2 LGOO V/ PROGRAM MANAGER Bulakan Balagtas Angat Marilao LGOO VI ARCHIE B. CORONEL The Official Publication of Department of the Interior and Local Government Bulacan Provincial Office LGOO VI BERNADETTE A. SALAZAR LGOO VI CARLA MARIE C. TURLA LGOO VI ELAINE D. PAGDANGANAN Calumpit Baliwag City DRT Meycauayan City LGOO VI DANTE D. BOAC LGOO VI MYRNA P. REYES LGOO VI MARIA CHRISTINE M. DE LEON LGOO VI BENJAMIN M. LASTROLLO Hagonoy Bocaue Norzagaray Obando LGOO VI MARIA CLARISSA R. DIMATULAC LGOO VI ANA KARLA S. ANISTA LGOO VI ERNEST KYLE D. AGAY LGOO VI CECILIA R. CABURNAY Paombong Guiguinto San Miguel LGOO VI MARI GRACE J. VILLANUEVA LGOO VI AILYN D. BONDOC LGOO VI MARILYN C. OCHOA Malolos City Bustos San Ildefonso Santa Maria LGOO VI DIGNA A. ENRIQUEZ LGOO II PATRICIA MARIEL L. DANGANAN LGOO VI ROSALYN B. JUMAQUIO LGOO VI IMELDA C. MAGAT LGOO VI JAYFIE P. NASARRO Pulilan Pandi Plaridel San Rafael City San Jose Del Monte LGOO VI MARIA ISABELITA B. CRUZ LGOO VI LOLITA T. SILVA LGOO VI CATHERINE L. MANALASTAS LGOO VI DIANA JEAN M. GARCIA LGOO VI BENEDICT M. PANGAN EA III JANET A. FLORENDO for comments and/or suggestions, please visit us at: Or e-mail us at: DILGBulacanProvincialOffice CapitolCompound,CityofMalolos,Bulacan TelephoneNo. (044)796-1286 [email protected] [email protected] LEA MAY T. MAG-ISA PEO II LGOO II APOLLO DE LEON


Click to View FlipBook Version