WHAT'S INSIDE "ANG DILG AY MATINO, MAHUSAY AT MAAASAHAN" PAGSASANAY NG MGA BAGONG HALAL NA OPISYAL NG BARANGAY
LAKAS: PAGPAPALAKAS NG KASANAYAN AT KAKAYAHAN Sinimulan ng DILG Bulacan ang bagong taon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Strategic Performance Management System (SPMS) Calibration of Ratings of Individual Performance Commitment and Review (IPCR) ng mga kawani noong Enero 4 at 5, 2024. Sa naturang pagtitipon ay binigyan ng iskor ang mga indibidwal at mga katagumpayan ng organisasyon alinsunod sa mga nakatalang target indicator ayon sa kanilang kalidad, kahusayan, at pagiging maagap ng pagkumpleto. Samantala, magkasamang isinagawa ng mga Pampook na Tagapagpakilos kasama ang kanilang Cluster Heads na sina Lydia Baltazar at Judith Romero, habang ang mga kawani ng Panlalawigang Tanggapan ay pinangasiwaan ni Program Manager Gerald Cabarles. Ang bagong taon ay nangangahulugan ng panibagong simula para sa lahat, at para sa DILG Bulacan, nangangahulugan ito ng bagong pagkakataon para sa pag-unlad at pagpapabuti dahil noong Enero 9, 2024, ang simula ng bagong kabanata para sa Departamento ay naisakatuparan sa pamamagitan ng programang “ Goal Setting and Strategic Planning for 2024,” ang unang aktibidad sa ilalim ng “LAkas”, ang ALAGWA sub-LGRRC, sa Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center, City of Malolos, Bulacan. Mula sa mga nagawa noong nakaraang taon, ang mga Pampook na Tagapagpakilos ay nabigyan ng kaalaman ukol sa mga datos at pag-uulat na kinakailangang maitalima sa pagbubukas ng taon. Kasabay nito, ang mga layunin ay inilatag kasabay ng pagtalakay ng mga pangunahing layunin ng Departamento. PAGLATAG NG MGA PLANO SA TAONG 2024 Sa huli, hinamon ni DILG Bulacan Provincial Director Myrvi Fabia ang bawat kawani na maging mas mahusay, mas matapang, at mas malakas lalo na sa mga paparating na pagtatasa at gawain na kailangang maisakatuparan para sa taong ito. Binigyang-diin din niya ang panawagan na ipagpatuloy ang mga natamo mula noong nakaraang taon at mas pataasin ang pakikipag-ugnayan ng mga Pampook na Tagapagpakilos sa kanilang kinabibilangang lokal na pamahalaan para sa taong ito.
SK TREASURERS NG LALAWIGAN, SUMAILALIM SA MANDATORY BOOKKEEPING TRAINING Bilang pagsunod sa kinakailangan na Mandatory Bookkeeping Training ng Republic Act 11768 o mas kilala bilang "Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015", noong ika-16 ng Enero, 2024, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports, and Development Office (PYSDO), at sa pakikipagtulungan kasama ang DILG Bulacan, at TESDA Bulacan, ay sumailalim ang lahat ng SK Treasurers sa lalawigan para sa Induction Training RE Mandatory Bookkeeping sa Hiyas Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, City of Malolos. Ang nasabing pagsasanay ay isinagawa dahil sa layunin na maitaas ang kakayanan ng lahat ng SK Treasurers sa pag-iingat ng pagtatala ng pananalapi, mga pag-uulat, at iba pang mga transaksyon sa pananalapi ng SK bilang pagsunod sa mga pamantayan ng accounting at legal na regulasyon. Noong ika-13 ng Pebrero, 2024, ay ginanap ang birtwal na panlalawigang oryentasyon upang paghandaan ang paparating na F.Y. 2023 Local Project Monitoring Committee (LPMC) Functionality Assessment. Sa pangunguna ng DILG Bulacan Locally Funded Project (LFP), tinalakay ang iba’t ibang mga pamantayan sa pagsusuri ng mga dokumento sa nasabing pagtatasa. Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni PD Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng LPMC na nagsusuri nang mga isinasagawang iba't ibang proyekto sa mga lokal na pamahalaan. Ang LPMC Functionality Assessment ngayong taon ay naglalayong tiyakin ang pagtalima ng bawat LPMCs ng LGUs sa, 1) Pag-organisa ng Komite, 2) Pagdalo sa mga Kasanayan, 3) Pagpaplano, at 4)Pagsasakatuparan at Pag-uulat ng mga aktibidad at pagsubaybay para sa taong 2023. Ang LPMC ay ang pangunahing sangay ng pagsubaybay at pagsusuri ng Local Development Councils (LDCs) na tumitiyak kung ang mga proyekto ay isinasagawa nang ayon sa plano at alinsunod sa layunin ng mga lokal na pamahalaan.
PAGSASANAY NG BAGONG HALAL NA OPISYAL NG BARANGAY SA BULACAN Sa pagtutulungan ng DILG Bulacan at ng Liga ng mga Barangay (LNB), matagumpay na naisagawa ang Barangay Newly Elected Officials (BNEO) towards Grassroots Renewal and Empowerment for Accountable and Transparent (GREAT) Barangays Basic Orientation Course para sa mga bagong halal ngayong 2023-2025. Ang mga opisyal ng barangay sa buong Bulacan ay sumailalim sa tatlong araw na pagsasanay patungkol sa kanilang mga gampanin bilang mga lingkod bayan. Ang BNEO GREAT Barangays Basic Orientation Course ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga bagong halal at itinalagang opisyal sa mga barangay tungo sa mas mabisa at angkop na serbisyo publiko. Ito din ay naglalayong gabayan ang ating mga kawani sa barangay patungo sa mabuting pamamahala. Ang BNEO GREAT ay ginanap hanggang Marso 2024. Upang ihanda ang Lungsod ng Malolos sa mga pagtatasa para sa taong ito, bumisita noong ika-8 ng Enero, 2024, ang DILG Bulacan sa nasabing lungsod para magbigay ng teknikal na gabay tungkol sa LGU Compliance Audit (LGUCA), Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) at Seal of Good Local Governance. (SGLG). Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng WAHI, isa sa bahagi ng ALAGWA Bulacan, na nakatutok sa pagpapalakas ng pakikipagtulungan at ugnayan sa LGU.
Noong ika-22 ng Abril, 2024, isinagawa ang “Technical and Administrative Knowledge Enhancement and Sharing (TAKES),” na bahagi ng pasilidad ng ALAGWA sub-LGRRC na “Lakas” ng DILG Bulacan. Sentro ng talakayan ang ilang mga frontline services na may mga patakarang itinakda ng Quality Management System (QMS) ng Kagawaran. Ito ay hindi lamang paghahanda para sa mga pagtatasa sa hinaharap, ito ay upang magkaroon din ng kasanayan ang lahat ng kawani sa pagganap sa mga serbisyo ng tanggapan. Nagkaroon din ng pagkakataon na malinang ang bawat kawani ukol sa “Technical Writing” at paghahanda ng mga komunikasyon at korespondensiya gamit ang wikang Filipino. Sa kanyang mensahe, binigyang-pansin ni PD Myrvi Fabia ang kahalagahan ng kahandaan ng Panlalawigang Tanggapan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga serbisyo ng Kagawaran para sa mga pamahalaang lokal. T.A.K.E.S : QMS AT GABAY SA PAGSULAT Dumalo si Asec. Florendo M. Bernabe, Jr. sa lingguhang pagtataas ng Watawat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, ngayong ika-4 ng Marso, 2024, na ginanap sa Provincial Capitol Gym, Lungsod ng Malolos, Bulacan. Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina DILG Assistant Regional Director Jay Timbreza, Division Chief Lerrie Hernandez, LGOO V Nathan Moral at si DILG Bulacan Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia. Sa kanyang mensahe, binati ni Asec. Bernabe ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pagkakamit ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ng pitong beses at nagbigay ng hamon sa Pamahalaang Panlalawigan na kamtan muli ang SGLG ngayong taon sa ika-walong pagkakataon. Ibinida din ni Asec. Bernabe ang mga pagsisikap na ginagawa ng Kagawaran sa pagtuligsa laban sa ilegal na droga. Hinakayat din nya ang bawat isa na makilahok sa laban kontra ilegal na droga. Nagkaroon din nang pagbabasbas ng mga bagong kagamitan at PPEs ng Provincial Disaster risk Reduction and Management Office. DILG ASEC FLORENCIO M. BERNABE, JR. BINISITA ANG LALAWIGAN NG BULACAN
GABAY: PAGTALAKAY SA MGA NAPAPANAHONG USAPIN AT PAGBIBIGAY NG TAMANG IMPORMASYON SA PUBLIKO Lungsod ng Malolos - Itinampok ng DILG Bulacan sa The Roving Radio Station noong ika-17 ng Enero, ang panibagong episode ng Gabay Serye patungkol sa mga mahahalagang hakbangin para sa unang isang daang araw ng panunungkulan sa barangay. Tinalakay ni LGOO VI Ailyn Bondoc, MLGOO ng Guiguinto, ang mga plano, programa, at mga konseho na dapat buuin sa barangay bilang gabay para sa unang isang daang araw ng Punong Barangay kasama ang mga Sangguniang Barangay Members sa kanilang pagganap at pagtugon sa pangangailangan ng mga nasasakupan nito. Ang Gabay Serye ay isang inisyatibo ng DILG Bulacan sa ilalim ng Gabay, isa sa mga pasilidad ng ALAGWA Bulacan, ang opisyal na sub-LGRRC ng lalawigan. Bilang paghahanda para sa pagtatasa ng LTIA ngayong taon, matagumpay na umere ngayong ika-21 ng Pebrero ang ika-pitong episode ng Gabay Serye ng ALAGWA Bulacan, kung saan nagkaroon ng komprehensibong pagtalakay sa pangkalahatang proseso at talatakdaan ukol sa naturang paksa. KAALAMAN TUNGKOL SA LUPONG TAGAPAMAYAPA INCENTIVES AWARDS (LTIA) - IKA-PITONG GABAY SERYE
KARAPATAN NG MGA KABABAIHAN, SENTRO NG TALAKAYAN SA IKA-8 EPISODE NG GABAY SERYE LUNGSOD NG MALOLOS | Sa panibagong episode ng Gabay Serye ay nagkaroon ng komprehensibong pagtalakay si LGOO VI Maria Christine De Leon, National GAD Accredited Speaker, ngayong ika-27 ng Marso, 2024. Sa ika-8 epsiode ay napagusapan ang mga karapatan ng mga kababaihan, mga batang babae at maging mga kalalakihan sa ating lipunan alinsunod sa mga legal na batayan at umiiral na batas sa ating bansa. Ang naturang paksa ay itinampok sa programa bilang culminating activity kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan ngayong buwan ng Marso.
DILG KONEK: PANLALAWIGANG PAGPUPULONG Inilunsad ang unang serye ng “DILG Konek” ng DILG Bulacan noong ika-26 ng Enero 2024. Ang programang ito ay ang magsisilbing panlalawigang pagpupulong na gaganapin kada buwan ng taon na naglalayong talakayin at mabigyang pansin ang mga programa, proyekto at mga kaganapan sa Departamento kasabay ng pagpapaigting ng ugnayan sa mga lungsod at bayan ng lalawigan. Ang unang serye ay dinaluhan ng mga kawani mula sa Panlalawigang Tanggapan, mga Pook Tagapagpakilos sa mga Lungsod at Bayan ng Lalawigan (C/MLGOOs) at mga kawani mula sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos. Ang nasabing gawain ay naging daan upang mabigyang linaw ang mga kaganapan at direksyong tatahakin ng buong tanggapan patungkol sa mga paparating na gawain na may kaugnayan sa Kagawaran sa unang sangkapat ng taon. Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V ang mga kawani ng kagawaran sa kanilang walang sawang pagtugon sa pangangailangan upang mapaganda at mapabuti ang kalagayan ng mga lokal na pamahalaan at nasasakupan nito. Kasabay nito, hinamon ni PD Fabia ang mga kawani na maging handa muli sa mga paparating na mga pagtatasa sa unang sangkapat ng taon.
Ang Multi-Stakeholder Advisory Council ng ALAGWA Bulacan ay nagpulong noong ika-27 ng Pebrero, taong kasalukuyan Lungsod ng Malolos, Bulacan, upang isagawa ang pagpupulong para sa unang sangkapat ng taon. Kabilang sa mga tinalakay ay ang mga katagumpayan na nagawa ng konseho, mga paparating na aktibidad, at iminungkahing pagpapalawak ng MSAC. Tinalakay din ang ilan sa mga importanteng isyu at usapin sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo ng mga lokal na pamahalaan. Sa pinag-isang layunin ng DILG Rehiyon III, Bulacan State University (BSU), Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP), Ahensya ng Pilipinas sa Pagpapatupad ng Batas Laban sa Bawal na Gamot (PDEA), Panlalawigang Tanggapan ng Kalusugan (PHO), at DILG Bulacan na paigtingin ang laban kontra ilegal na droga, nang ika-22 ng Enero, 2024, ay matagumpay na ginanap ang Buhay Ingatan, Droga Ay Ayawan (BIDA) Symposium sa mga mag-aaral mula sa laboratory high school ng Bulacan State University. Sa naturang aktibidad ay nagbahagi ng kaalaman ang mga ahensya ng pamahalaan ukol sa BIDA program. Bukod sa pagpapalaganap ng nasabing adbokasiya sa mga pamahalaang lokal, ang BIDA Symposium ay isa sa mga hakbangin na isinasagawa ng kagawaran sa mga paaralan at unibersidad upang magbigay ng mas malawak na kaalaman sa mga kabataan ukol sa pagsugpo ng ilegal na droga. Ang Bulacan State University ay ang ikapitong unibersidad sa rehiyon na ginanapan ng BIDA Symposium ng DILG Rehiyon III at nakatakda rin itong isagawa sa iba pang mga unibersidad sa Gitnang Luzon. PAGPUPULONG NG MSAC PARA SA UNANG SANGKAPAT NG TAON WAHI: PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBA’TIBANG AHENSYA, SEKTOR AT LOKAL NA PAMAHALAAN
GOB. FERNANDO: “PAGTULUNGAN NATING MAPANATILI ANG KAPAYAPAAN SA LALAWIGAN” unang sangkapat ng taon sa Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center. Sentro sa talakayan ang paparating na mga hamon upang mapanatili ang kapayapaan sa lalawigan ngayong bagong taon. Maliban sa pagbibigay ng mga naging katagumpayan noong 2023, ipinakita ng PNP Bulacan, PDEA Bulacan, 70th Infantry Battalion ng AFP, at DILG Bulacan ang mga kinakailangang hakbangin upang ipagpatuloy ang mga programang pangkapayaan at kaayusan. Sa hamon na madagdagan ang mga drug cleared barangay ng lalawigan, idinetalye ang sama-samang pagtutulungan ng PDEA, DILG, ibang mga Law Enforcement Agencies, partikular ng mga lokal na pamahalaan, upang mas marepaso ang prosesong pagdaraanan ng mga barangay sa Drug Clearing Program. Inihayag rin ang mga rekomendasyong pagsasabatas ng mga lokal na ordinansang tutugon sa kaayusan ng batas trapiko sa lalawigan. Binigyang pansin naman ng DILG ang paghahanda sa mga LGUs sa mga paparating na pagtatasang susukat sa kanilang kakayahang magbigay ng ligtas at payapang komunidad. Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Gov. Daniel Fernando ang patuloy na suportang ibinibigay ng bawat kasapi ng konseho sa mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan. Kaniyang binigyang diin ang kinakailangang pagkakaisa ng nasyunal at lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kapayapaan sa kabila ng mga kaunlarang planong isasakatuparan sa Lalawigan ng Bulacan. Sa huli ay kaniyang tinanggap ang mga pagkilala ng DILG sa mahusay na pagganap ng Provincial Council for the Protection of Children (PCPC), Provincial Committee on AntiTrafficking and Violence Against Women and Children (PCAT-VAWC) at ang pagkamit ng Seal of Good Local Governance (SGLG) nang nagdaang taon. Sa pagsisimula ng buwan ng Pebrero, ang Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) ay sama-samang nagpulong ngayong ika-1 ng Pebrero para sa
Bilang pakikiisa sa pagtataguyod ng malinis na kapaligiran sa bawat lokal na pamahalaan, nagtulungan ang Pamahalaang Lungsod ng San Jose Del Monte at DILG sa iginanap na Kalinisan Day National Showcase Barangay sa Brgy. Muzon South, Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan ngayong araw, ika-20 ng Abril, 2024. Maliban sa sabayang paglilinis, itinampok din ang iba’t ibang programa ng CSJDM na nagpapakita nang buong suporta sa pagpapalakas ng Kalinisan Program. Ibinida nina Mayor Arturo Robes at Cong. Rida Robes ang Proper Gardening gamit ang Recycled Materials, Palit Basura, at Aling Tindera Program na mga karagdagang tugon ng lungsod sa pagpapanatili ng malinis at maayos na pamayanan. Inilunsad din ng CSJDM ang BASURA NO WAY Program na naglalayong matiyak ang kalinisan ng bawat bahay, opisina, at mga establisyemento para sa isang kaayaayang kapaligiran. Pinangunahan naman ni Usec. Felicito Valmocina, DILG Undersecretary for Barangay Affairs, ang pagdalo sa mga programa ng DILG gaya ng Kalinisan, HAPAG (Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay), BUKAL (Buhayin ang Kalikasan), Road Clearing, at ibang programang pangkapaligiran, kasama ang DILG Rehiyon III, sa pangunguna ni RD Atty. Anthony Nuyda, PD Myrvi Fabia CESO V, mga kasama sa BJMP, BFP, PNP, CSOS, mga opisyal ng lokal na pamahalaan, at mga mamamayan ng barangay Muzon South.
KALINISAN SA BAGONG PILIPINAS, INILUNSAD SA MARILAO MARSO 16, 2024 | Katuwang ang iba’t-ibang mga ahensya at lokal na pamahalaan, pinangunahan ngayong araw ng DILG Bulacan at Pamahalang Bayan ng Marilao ang pagsasagawa sa Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program, kung saan itinampok ang Brgy. Sta. Rosa I sa pangunguna ni PB Kenneth Delos Reyes, bilang isa sa mga showcase barangay sa buong Rehiyon Tres. Sa ginanap na clean-up drive sa Mary Grace Subdivision ay ipinahayag ng Bayan ng Marilao sa pangunguna ni Punong Bayan Henry Lutao ang patuloy na suporta ng bayan sa KALINISAN Program ng Departamento, kung saan ay ibinida ang kanilang proyektong Palit Basura Project. Sa kabilang banda ay pinangunahan ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia ang Pledge of Commitment kung saan ay sabay-sabay na nanumpa ang bawat kawani, opisyal at mga mamamayan ng barangay sa kanilang aktibong partisipasyon sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran tungo sa isang Bagong Pilipinas. Kabilang sa mga limang daang (500) katao na nakiisa at nakilahok sa aktibidad na ito ay sina LnB President Guillermo Paraoan, Jr., mga Punong Barangay ng Marilao, HOA ng Mary Grace Subd., mga kawani ng DILG Bulacan, PNP, BFP, BJMP, AFP, NGOs, at iba pang mga tanggapan.
PB CAPISTRANO, MULING NAIHALAL BILANG PANGULO NG PANLALAWIGANG PEDERASYON NG LIGA NG MGA BARANGAY Sa halalang ginanap noong ika-12 ng Enero, 2024 ng Liga ng mga Barangay - Bulacan Chapter sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, ang mga bagong halal na mga Opisyal ng Liga ng mga Barangay ay kinabibilangan nina: : PB Ramil Capistrano, Bayan ng San Rafael : PB Fortunato Angeles, Bayan ng Bustos : PB Dennis Cruz, Bayan ng Pulilan : PB Alejandro Angeles, Bayan ng Pandi PB Reymund Estrella, Bayan ng Balagtas PB Allan Lawrence Galvez, Bayan ng San Ildefonso PB Michael Lopez, Lungsod ng Baliwag PB Marcelino Marcos, Jr., Bayan ng Paombong PB Aries Pengson, Bayan ng San Miguel PB Leoncio Ramos, Bayan ng Plaridel Ang eleksyon ay sinaksihan nina Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, PCOL Relly Arnedo (PNP Bulacan), Abgdo. Julio Nicanor Guinto (COMELEC) at Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia Constantino.
Kasabay ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Kababaihan, nagbigay ng teknikal na gabay si Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia sa planning conference ng Lady Local Legislators League of the Philippines (FourL) Bulacan Chapter Inc. sa pamumuno ni Konsehal Lucy Diego ng Calumpit. Layunin ng nasabing kumperensiya na palakasin ang pagtutulungan ng DILG Bulacan at Lady Local Legislators League of the Province tungo sa pagsulong ng partisipasyon at representasyon ng kababaihan sa pamahalang lokal. Ang DILG Bulacan, na inaasahang magsasagawa ng Provincial Roll-Out para sa LCPC at LCATVAWC Assessment sa simula ng taong ito, ay nagsagawa ng preparasyon para sa LCPC at LCAT-VAWC Functionality Assessment para sa taong 2024. Layunin ng pagtatasa na ito na palakasin ang laban kontra sa pang-aabuso sa tao at karahasan sa mga kababaihan at kanilang mga anak, at paigtingin ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan sa pagprotekta sa mga bata sa komunidad. Kasama sa talakayan ang paghahanda ng mga kinakailangang dokumento sa paparating na LCPC at LCAT-VAWC Assessments. Taun-taon, isinasagawa sa mga pamahalaang lokal ng lalawigan ang pagtatasa para sa Lupong Tagapamayapa Incentive Awards o kilala bilang LTIA. Bilang paghahanda para sa nalalapit na pagtatasa ng nasabing programa, nagsagawa ngayong araw, ika-12 ng Pebrero, 2024, ang mga kawani ng Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng isang oryentasyon para sa mga Pook na Tagapagpakilos (C/MLGOOs) mula sa mga lungsod at bayan ng lalawigan. Sa naturang aktibidad ay nagbigay ng komprehensibong diskusyon ang mga kawani ng Kagawaran ukol sa LTIA Information System at ang talatakdaan ng magiging proseso ng pagtatasa para sa kasalukuyang taon. Kasabay nito ay binigyan rin ng kasagutan ang mga pangkaraniwang katanungan ng mga barangay na ipapadala sa mga Pook na Tagapagpakilos ukol dito. DILG BULACAN, PROVINCIAL IMTF, NAGHANDA PARA SA NALALAPIT NA PAGTATASA NG LCPC AND LCAT-VAWC PAGHAHANDA PARA SA NALALAPIT NA PAGTATASA NG LUPONG TAGAPAMAYAPA INCENTIVE AWARDS
| Bilang bahagi ng inisyatibo ng DILG Bulacan na patuloy na palakasin ang kapasidad ng mga pamahalaang lokal, ngayong araw ay nakipag-ugnayan si Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia kasama si LGOO VII Judith Romero sa bayan ng Bustos sa pangunguna ni Igg. Francis Albert G. Juan, kasama ang mga hepe ng iba’t ibang departamento kung saan tinalakay ang mga paghahandang kailangan kaugnay ng mga pagtatasa na nakatakdang gawin ngayong taon. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng isinasagawang serye ng mga pagpupulong para patuloy na palakasin ang pakikipag-ugnayan ng departamento sa mga lokal na pamahalaan at upang sila ay maihanda para sa mga paparating na pagtatasa na nagsimula ngayong buwan ng Marso.
Bumisita si Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, kasama si LGOO VII Judith Romero sa tanggapan ng Kinatawan ng Distrito ng Lungsod ng San Jose Del Monte, Igg. Florida P. Robes upang mas palakasin ang ugnayan sa pagitan ng dalawang tanggapan ukol sa implementasyon ng mga programa at proyekto ng kagawaran para sa mga mamamayan ng naturang Distrito. Kasunod nito ay dumalo rin si PD Myrvi Fabia sa pagpupulong na isinagawa ng Liga ng mga Barangay CSJDM Chapter upang talakayin ang mga prayoridad na programa ng departamento. Ang DILG Bulacan, bilang kasapi ng Technical Working Group (TWG) ng Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI), ay nakipagtulungan kasama ang DTI, PCEDO, at mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Bulacan para sa kanilang Provincial Advocacy Campaign na ginanap noong ika-26 ng Marso, 2024. Layunin ng aktibidad na talakayin ang mga usapin na makakatulong sa pagpapalakas ng kompetisyon ng mga lokal na pamahalaan sa aspeto ng ekonomikong paglago at pag-unlad.
ALAB: PAGKILALA SA NATATANGI AT MAHUHUSAY NA TAGAPAGPAKILOS NG PAMAHALAANG LOKAL TOP 10 CMLGOOS UNANG SANGKAPAT NG TAONG 2024 1. LGOO VI MYRNA P. REYES 2. LGOO VI MARY JOY V. NABOR 3. LGOO VI KRISTINE JOY B. PESIMO 4. LGOO VI BENEDICT M. PANGAN 5. LGOO VI ARCHIE B. CORONEL 6. LGOO VI ELAINE D. PAGDANGANAN 7. LGOO VI MARIA CHRISTINE M. DE LEON 8. LGOO VI LOLITA T. SILVA 9. LGOO VI KYLE D. AGAY 10. LGOO VI BENJAMIN P. LASTROLLO
DILG BULACAN UNANG ALAGWASA UNANG SANGKAPAT NG TAON
DILG BULACAN Ang pagbubukas ng Buwan ng Marso ay ang simula ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan. Kaya naman sa lahat ng Ato at Ine, ating alamin ang mga batas na naglalayong magbigay proteksyon sa karapatan ng bawat kababaihang Pilipino. Ang unang episode ng seryeng “ ” kung saan tampok ang mga natatanging kawani ng Kagawaran sa lalawigan ng Bulacan. Para sa unang bahagi, ating kinilala ang Top Performing Field Officer ng DILG Bulacan sa loob ng dalawang magkasunod na taon noong 2022 at 2023, at naging nominee sa CapDev Ace "Singsing ng Tanikala" noong 2023. Ating sabay-sabay na alamin ang kwento ng Buhay DILG ni . 2024 NATIONAL WOMEN’S MONTH: LIPUNANG PATAS SA BAGONG PILIPINAS “BUHAY DILG”
Ipinagdiriwang ng DILG Bulacan ang Araw ng mga Puso sa pamamagitan ng pagbabahagi ng masasarap na pagkain, mga kuwentong puno ng pag-ibig at magagandang musika. ALAGWA LOVE FEST
Enero 17, 2024, ang DILG Bulacan Locally Fund Project (LFP) Team ay nagsagawa ng mahalagang hakbangin tungo sa pagtiyak ng konstruksyon ng mga proyektosa ilalim ng FY 2023 Support to Barangay Development Program (SBDP) sa pamamagitan ng inspeksyon ng "Construction of TwoStorey School Building sa Barangay Guinhawa" at ang "Construction of Health Station sa Barangay San Gabriel." MGA PROYEKTO SA ILALIM NG SBDP, INAASAHANG MAGBIBIGAY NG MAGANDANG SERBISYO SA PANGGKALUSUGAN AT EDUKASYON Ang dalawang palapag na gusali ng paaralan sa barangay Guinhawa ay naglalayong magbigay ng magandang kapaligiran sa pagaaral para sa mga mag-aaral, na nagpapaunlad ng edukasyon sa mga residente ng barangay habang ang proyekto ng Health Station ay naglalayong mapahusay ang accessibility sa pangangalagang pangkalusugan at upang itaguyod ang pangkalahatang kagalingan ng mga residente ng barangay San Gabriel. LOCALLY FUNDED PROJECTS
PROYEKTONG SGLGIF, NAGBUKAS NG POOK PASYALAN SA BALAGTAS Noong ika-19 ng Enero, 2024, isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang pagsusuri ng proyekto sa ilalim ng FY 2022 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) na may pamagat na "Construction of Balagtas Municipal Park and Recreational Facilities/Plaza at Brgy. Borol 1st, Balagtas". Hindi mapigilang ipahayag ng mga residente ng Balagtas ang kanilang kasiyahan dahil sa bagong konstruksyon sa parke na nagbibigay ng magandang pagkakataon sa mga residente dahil sa kanyang maaliwalas na kapaligiran at perpektong lugar para sa pisikal na aktibidad at pakikipagkapwa. Ang mga proyektong ito ay hindi lamang nagbibigay ng kontribusyon sa kabuuang kalagayan at kalidad ng buhay ng mga residente nito kundi nagtatag din ng kaaya-ayang atmospera para sa mga turista at bisita na malaki ang ambag sa kabuuang lokal na ekonomiya ng Balagtas. EPEKTIBONG PAGGAMIT NG DATOS HATID NG SGLGIF SA LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE Sa pangunguna ng DILG Bulacan LFP Team ay sinuri ang mga nabiling kagamitan patungkol sa Information and Communications Technology (ICT) para sa Ease of Doing Business Project ng FY 2022 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) sa Lungsod ng San Jose Del Monte noong ika-6 ng Pebrero, 2024. Binisita ng grupo ang mga departamento sa City Hall ng San Jose Del Monte na direktang nakinabang sa proyekto upang tiyakin kung maayos na napakikinabangan ang mga nailagay na yunit. Ang komprehensibong implementasyon ng proyekto ay nagresulta sa mas maayos na paghawak ng mga datos para sa paghahatid ng mahahalagang serbisyo at pagpapalaganap ng maayos na daloy ng proseso pagdating sa negosyo sa pamamagitan ng mga inisyatibang may kinalaman sa ICT. Kasabay ng pagbisita, nagkaroon din ng exit conference kasama ang mga benepisyaryo upang mapagusapan ang mga naobserbahan sa pagsusuri gayon din ang mga rekomendasyon ng grupo.
PAGLALAGAY NG STREET LIGHTS AT REHABILITASYON NG PAARALAN, HANDOG NG SBDP KONSTRUKSYON NG FARM-TO-MARKET ROAD AT HEALTH STATION, LAYON NA PAG-IBAYUHIN ANG KALUSUGAN AT KABUHAYAN SA LUNGSOD NG MALOLOS Binisita din ang mga proyektong Farm-to-Market Road na matatagpuan sa Barangay Sto. Cristo at Caniogan sa ilalim FY 2023 Financial Assistance to Local Government Units (FALGU). Ang proyektong ito ay upang mapadali ang mga rutang pang-transportasyon, na nagtataguyod ng paglago sa ekonomiya at mas magandang oportunidad sa komunidad. Ang SBDP at FALGU ay mga programa ng pamahalaan na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga lokal na pamahalaan na maaaring gamitin sa pamamagitan ng pagsasaayos, pagpapatayo at pagsasagawa ng iba’t-ibang uri ng imprastrakturang mayroon malaking papel na ginagampanan sa pagpapaunlad ng ekonomiya at sa pang araw-araw na pamumuhay ng bawat mamamayan. Personal na pinuntahan ng DILG Bulacan LFP Team ang mga Proyektong "Rehabilitation/Improvement of School Building" at "Provision of Renewable Energy - Based Electrification" sa Barangay Sto. Rosario, Hagonoy, Bulacan na pinondohan sa ilalim ng Support to Barangay Development Program o SBDP. Saksi ang bawat isa sa magandang naidulot ng mga proyektong ito sa mga residente, lalo na sa mga opisyal ng barangay at sa mga guro at mag-aaral ng Hagonoy West Elementary School. Ang mga proyektong ito ay naglalayon na matugunan ang iba't ibang isyu sa imprastraktura sa nasabing lugar. Kaya sa tulong ng lokal na pamahalaan at ahensya ng gobyerno, marami ang nagpahayag ng magandang epekto nito pagdating sa kaligtasan at seguridad hanggang sa pagpapabuti ng mga oportunidad sa edukasyon. Ito ay nagbigay ng positibong pagbabago, pagbubukas ng daan para sa isang mas magandang kinabukasan para sa mga residente ng Brgy. Sto. Rosario. Nitong ika-29 ng Pebrero, 2024, ang LFP Team ng DILG Bulacan ay nagtungo sa Lungsod ng Malolos upang inspeksyunin ang mga proyektong Health Station sa ilalim ng FY 2023 Support to Barangay Development Program (SBDP) na may tinatayang 2,000 na benepisyaro, na naglalayong makapagbigay ng pangunahing serbisyong pangkalusugan sa Barangay San Gabriel.
PROYEKTONG KONTRA BAHA SA ILALIM NG SGLGIF, PINASINAYAAN! Noong Ika-5 ng Marso, 2024, pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna nina Punong Lalawigan Daniel Fernando at Pangalawang Punong Lalawigan Alex Castro, ang bagong itinayong drainage system na pinondohan sa pamamagitan ng FY 2022 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) na nagkakahalaga ng Php 9,460,167.06. Ang proyekto ng SGLGIF ay ipinagkaloob sa Pamahalaang Panlalawigan matapos kilalanin bilang isa sa mga nakapasa sa CY 2022 SGLG Assessment. Ang bagong itinayong drainage system, na may haba na 987.9 linear meters, ay isang patunay sa hindi natitinag na dedikasyon ng Pamahalaang Panlalawigan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga nasasakupan nito. Ito ay napakikinabangan ng humigitkumulang 17,577 na residente at magsasaka. Ang proyektong ito ay naglalayong mabawasan ang mga panganib sa pagbaha at masiguro ang kaligtasan sa kahabaan ng Balagtas-Pandi Provincial Road. Ang inagurasyon ay dinaluhan nina DILG Assistant Regional Director Jay Timbreza, Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, Mayor Eladio Gonzales at Vice Mayor Ariel Valderama ng Balagtas, Board Member Cesar Mendoza ng Fifth District at Provincial Engineer Glenn Reyes kung saan ginanap ang ceremonial ribbon-cutting, unveiling ng SGLGIF marker at ang pagbasbas sa bagong gawang drainage system.
MAHIGIT 80,000 BENEPISYARYO, NAKINABANG MULA SA PROYEKTONG SGLGIF AT SBDP SA BALAGTAS Sa layuning matiyak ang kalidad at kaligtasan ng mga proyektong imprastraktura para sa mga lokal na pamahalaan sa lalawigan, isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang isang inspeksyon sa bayan ng Balagtas noong ika-20 ng Marso, 2024. Ang dalawang proyektong saklaw ng nasabing mga programa, na may pamagat na "Construction of Balagtas Municipal Park and Recreational Facilities/Plaza" sa ilalim ng Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) at "Upgrading of Farm to Market Road sa Barangay Borol 1st" sa ilalim ng Support to Barangay Development Program (SBDP), ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno upang mapabuti ang mga serbisyo at imprastraktura upang palakasin ang pag-unlad ng komunidad at mapabuti ang pangkalahatang kalidad ng buhay ng mga mamamayan. Dahil sa pondong ipinagkaloob na Php 5,000,000.00 para sa Municipal Park and Recreational Facilities at Php 6,606,882.17 para sa Farm-to-Market Road sa Barangay Borol 1st, ang mga proyektong ito sa kasalukuyan ay nagbibigay ng lugar para sa mga aktibidad at nagbibigay ng mas madaling akses sa mga mahahalagang serbisyo tulad ng pangangalaga sa kalusugan, edukasyon, at iba pang mga sosyal na amenidad sa komunidad.
PROYEKTONG SBDP SA LUNGSOD NG MEYCAUAYAN, TINUTUKAN! Ang DILG Bulacan LFP Team ay nag-inspeksyon sa “Construction of two-storey Building at Barangay Saluysoy and Barangay Libtong”, Lungsod ng Meycauayan. Ang mga proyektong ito ay may kabuuang alokasyon na Php. 6,606,882.17 kada proyekto, na pinondohan sa ilalim ng FY 2023 Support to Barangay Development Program (SBDP). Layunin ng mga proyektong ito na makinabang ang hindi bababa sa 155 na estudyante upang magbigay ng mas ligtas at maayos na pasilidad para sa kanilang pag-aaral na may mahalagang papel sa pagpapalakas ng pagunlad ng edukasyon para sa mga residente ng nabanggit na barangay.
PAGPUPULONG TUNGKOL SA ESTADO NG MGA PROYEKTO PARA SA LOKAL NA PAGPAPAUNLAD Ang Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, ang nanguna sa isang pulong ukol sa estado ng mga proyekto noong ika-26 ng Marso, 2024, kasama ang LFP Focal Person/Cluster Head LGOO VII Judith B. Romero at ang LFP Team. Kasama sa layunin ang pagsusuri at pag-a-update ng mga Proyektong Pinansyal ng Lokal para sa unang sangkapat ng taon, pati na rin ang pagtalakay sa mga nakatakdang gawain para sa siyamnaput-walong (98) proyekto ngayong taon sa ilalim ng mga programa tulad ng Financial Assistance to Local Government Units (FALGU), Support to Barangay Development Program (SBDP), at Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF). Binigyang-diin din ni PD Fabia ang kahalagahan ng pagsunod sa iskedyul para sa inspeksyon ng proyekto at pagbibigay ng kinakailangang tulong teknikal sa pamamagitan ng SubayBayan portal upang tiyakin ang kawastuhan at kasiguruhan nito.
DIWA EA III JANET A. FLORENDO EDITORIAL BOARD SUPPORT STAFF ADVISER LYDIA M. BALTAZAR JHEA M. GREGORIO DANTE D. BOAC JUAN KARLO F. PUNZALAN EUNICE R. MALLARI REANNE M. DAVID-LAXINA JOLISSA P. RODRIGUEZ LLHOYD B. PARUNGAO JULIUS S. LEYVA VAN ISAAC LUNA APOLLO DE LEON LOIDA P. BELLO JULIE S. GALICIA JIREH WITTY D. FABIAN KEVIN DE GUIA MORRIS JORGE C. ROQUE HELEN GRACE S. DIMLA MARJORIE ALBA PRINCESS CAMILLE G. SANTOS ALEJANDRO P. BUHAT ROBERT B. ROSAL JAN KIMBERLY REYES MYRVI APOSTOL-FABIA, CESO V JUDITH B. ROMERO GERALD R. CABARLES, JR CONTRIBUTORS: DILG FIELD OFFICERS CLUSTER 1 CLUSTER 2 LGOO VII/ CTL 1 LGOO V LGOO VI LGOO V LGOO III LGOO II LGOO II LGOO II LGOO II LGOO II LGOO II ADAS II ADAS II LGOO II ENGINEER III ADA IV ADA IV ADA IV ADA IV ADA III ENGINEER II ENGINEER I PROVINCIAL DIRECTOR LGOO VII/ CTL 2 LGOO V/ PROGRAM MANAGER Bulakan Balagtas Angat Marilao LGOO VI ARCHIE B. CORONEL The Official Publication of Department of the Interior and Local Government Bulacan Provincial Office LGOO VI BERNADETTE A. SALAZAR LGOO VI CARLA MARIE C. TURLA LGOO VI ELAINE D. PAGDANGANAN Calumpit Baliwag City DRT Meycauayan City LGOO VI MARI GRACE J. VILLANUEVA LGOO VI MYRNA P. REYES LGOO VI MARIA CHRISTINE M. DE LEON LGOO VI BENJAMIN M. LASTROLLO Hagonoy Bocaue Norzagaray Obando LGOO VI MARIA CLARISSA R. DIMATULAC LGOO VI ANA KARLA S. ANISTA LGOO VI ERNEST KYLE D. AGAY LGOO VI CECILIA R. CABURNAY Paombong Guiguinto San Miguel LGOO VI MARILYN C. OCHOA LGOO VI AILYN D. BONDOC LGOO VI KRISTINE JOY PESIMO Malolos City Bustos San Ildefonso Santa Maria LGOO VI DIGNA A. ENRIQUEZ LGOO II PATRICIA MARIEL L. DANGANAN LGOO VI ROSALYN B. JUMAQUIO LGOO VI IMELDA C. MAGAT LGOO VI JAYFIE P. NASARRO Pulilan Pandi Plaridel San Rafael City San Jose Del Monte LGOO VI MARIA ISABELITA B. CRUZ LGOO VI LOLITA T. SILVA LGOO VI MARY JOY V. NABOR LGOO VI DIANA JEAN M. GARCIA LGOO VI BENEDICT M. PANGAN for comments and/or suggestions, please visit us at: Or e-mail us at: DILGBulacanProvincialOffice CapitolCompound,CityofMalolos,Bulacan TelephoneNo. (044)796-1286 MobileNo.0920-978-1286 [email protected] [email protected] LEA MAY T. MAG-ISA JULIUS M. BULAONG PEO II PEO I GERALD R. CABARLES, JR LGOO V NERISSA M. TORRES TERESITA A. GALLAZA ADAS II UTILITY WORKER I PRINCESS CAMILLE G. SANTOS ADA IV JULIUS M. BULAONG PEO I JAN KIMBERLY REYES ENGINEER I Welcome