Mga kwento ng mga Bulakenyo na naging benepisyaryo ng mga proyekto ng Kagawaran at pahayag ng kanilang mga karanasan sa kung paanong binago ng mga programang ito ang kanilang pangaraw-araw na pamumuhay. KWENTO NG TAGUMPAY 65 NA SOLAR STREETLIGHTS IPINAGPASALAMAT NG MGA BUSTOSENYO Ang proyektong ito ay may kabuuang halaga na P5,000,000.00 na pinondohan sa ilalim ng F.Y 2022 LGSF-FALGU.. (sundan sa Pahina 2) Pebrero 2023 Vol. Blg. 1, Isyu Blg 1 BUWANANG LATHALAIN NG LFP BULACAN
MENSAHE NG PANLALAWIGANG PATNUGOT Bahagi ng layuning ito, ang aming tanggapan ay hindi humihinto na sumubaybay sa mga proyekto at programa ng Pamahalaan, upang tiyakin na ang mga ito ay maayos na naisasagawa at tunay na napapakinabangan ng mga mamamayan Sa diwang ito, aming inilulunsad ang Hinang, opisyal na lathalain ng DILG Bulacan LFP Team, na layong ipagmalaki sa mga Bulakenyo ang mga proyekto ng Kagawaran. Hinggil dito, kayo ay aming iniimbitahan na tungayan ang mga kwento at detalyeng tampok ang mga programa na nilalayong maghatid ng progreso sa lalawigan Sa paglilingkod-bayan, gamitin ang puso at hinding-hindi ka maliligaw -- ang mga katagang ito ang aming pinanghahawakan sa pagganap ng aming tungkulin bilang kabahagi ng Pamahalaang Lokal sa iisang pangarap na iangat ang antas ng buhay ng mga mamamayan sa lalawigan. Panlalawigang Patnugot MYRVI APOSTOL-FABIA, CESO V Pahina 1
F.Y. 2022 LGSF-FALGU STREET LIGHTING AND BARANGAY INFRASTRUCTURE Ang paglalagay ng 65 units streetlight sa kahabaan ng Brgy. Buisan, Liciada at Camachilihan, Bustos, Bulacan ay nagkakahalaga ng 5 Milyong Piso na sinimulan noong ika-29 ng Nobyembre, 2022 at pormal na nakumpleto noong Ika-19 ng Disyembre, 2022. Nagpasalamat si Punong Bayan Juan sa Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa pagpapakabit ng nasabing mga ilaw, aniya, ito ay nagdulot ng pagbaba ng krimen at pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa nasabing mga barangay. Gayundin, sa panayam sa ilang mga residente, sinabi nila na malaki ang naitulong ng nasabing proyekto sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay. Anila, dulot sa liwanag na hatid nito, ay kanilang naramdaman ang kapanatagan ng kalooban sa tuwing dadaan sa nasabing mga lugar. Pahina 2
KWENTO NG TAGUMPAY M U L A S A M G A B E N E P I S Y A R Y O N G B U L A K E N Y O Argel Bulig ...nagpapasalamat po kami sa DILG dahil naging maliwanag po ang aming kalsada... kahit na madilim ang gabi ay feeling safe po kami... Residente Residente Sonia Lopez ...malaking bagay, kagaya ko, gawa ng nasa tapat yan ng aking tindahan, hindi na nga ako nagbubukas ng ilaw e... iyang streetlights na lang ang aking inaaasahan... Igg. Emilio M. Dela Cruz ...ang mga streetlights na nailagay sa aming barangay ay napakalaking biyaya. Noong wala pa ang mga streetlights, maraming nangyayari dito sa amin na mga petty crimes, dahil madilim yung paligid, pero dahil sa pagdating ng proyektong ito, nabawasan ang aming trabaho dahil hindi na kami mangangamba na kailangang palaging silipin ang mga madidilim na bahagi ng kalsada... Punong Barangay Pahina 3
blg. ng proyekto natapos na proyekto 100 75 50 25 0 LAGAY NG IMPLEMENTASYON LOCALLY FUNDED PROJECTS Bilang ng Proyekto: 5 Natapos na Proyekto: 5 Bilang ng Proyekto: 1 Ongoing: 1 Bilang ng Proyekto: 96 Natapos ng Proyekto: 96 SBDP 2021 CMGP DRRAP 2021 Pahina 4
FALGU 2022 natapos 76.5% hindi pa nagsimula 8.8% ongoing 5.9% ikakansela 5.9% natapos na proyekto ongoing di pa nagsimula 15 10 5 0 FINANCIAL ASSISTANCE TO LOCAL GOVERNMENT UNITS FALGU 2021 Bilang ng Proyekto 34 Natapos na Proyekto: 26 Ongoing: 2 + Bilang ng Proyekto: 19 Natapos na Proyekto: 1 Ongoing: 3 Hindi pa nagsimula: 13* *Bagong Proyekto, (Disyembre 2022) + Hindi pa nagsimula: 3 Ikakansela: 2 Nakansela: 1 + Pahina 5
SEPTE M BER 2020, ISSUE 3 ONL INE TREND S Ilang mga Proyekto ng LFP HATID AY GINHAWA SA MGA BULAKENYO Multi-purpose Hall, Brgy. Niugan, Angat, Bulacan Service Entrace Posts sa Norzagaray, Bulacan Multi-purpose Building sa San Miguel, Bulacan 65 Solar Streetlights sa Bustos, Bulacan Tuluy-tuloy ang pagsubaybay ng DILG Bulacan sa mga proyekto ng Kagawaran. Noong ika-16 ng Pebrero, 2023 ay nagsagawa ng inspeksyon ang Panlalawigang Tanggapan sa pangunguna ni LGOO VII Judith B. Romero. Ito ay upang matukoy ang estado ng konstruksiyon ng 600 metrong Farm-toMarket Road na kasalukuyang ginagawa sa Sitio Cabu, Brgy. San Miguel, Calumpit, Bulacan. Ang nasabing proyekto ay may kabuuang halaga na P13,143,687.00 na pinondohan sa ilalim ng programa ng Kagawaran ng Interyor at Pamalaang Lokal na LGSF-FALGU. 600 METRONG FARM-TOMARKET ROAD ININSPEKSYON NG DILG BULACAN Pahina 6
BUWANANG LATHALAIN NG LFP BULACAN