1STQTR Sharing this success to all the hardworking DILG Bulacan personnel, Local Government Units and partners! May we continue to serve the Bulakenyos, embodying the Department's shared values: "Matino, Mahusay at Maasahan" WHAT'S INSIDE "ANG DILG AY MATINO, MAHUSAY AT MAAASAHAN" LIBRENG SERBISYO HATID NG GOBYERNO SA BRGY. SILING BATA, PANDI, BULACAN
Capacity DEVEL PMENT Capacity DEVEL PMENT P a g p a p a l a k a s s a k a k a y a h a n n g mg a K a l i h im n g B a r a n g a y , ti n u t u k a n n g D IL G B u l a c a n Noong ika-03 hanggang ika-05 ng Mayo, 2023 nagsagawa ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Bulacan ng isang gawain na dinaluhan ng mga kalihim ng mga barangay sa lalawigan. Ang tatlong araw na gawain na ito ay may titulong Upscale Learning and Inclusivity in the Multi-faceted Aspects of Transparent Governance (UPLIFT). Layunin ng gawain na ito na paigtingin at palakasin ang kakayahan ng mga kalihim na ituninuring ring may malaking tungkulin sa kani-kanilang mga barangay. Ang UPLIFT ay isa sa bahagi ng Linang, isa sa mga pasilidad ng ALAGWA Bulacan na layong paigtingin ang kaalaman at kakayahan ng mga lingkod-bayan tungo sa epektibong pagganap ng kanilang mga tungkulin. Ang gawaing ito ay isinagawa bilang paghahanda sa isinagawang magkakaibang pagtatasa ng Kagawaran. Ang DILG Bulacan ay nagbigay ng teknikal na gabay upang mas maiangat pa ang antas ng pagganap ng mga Kalihim ng barangay kasabay nito ay upang maipasa rin ang mga pagtatasa ng Kagawaran.
Pagsasanay para sa mga Information Officers ng Probinsiya, Pinangunahan ng DILG Bulacan CAPACITY DEVELOPMENT CAPACITY DEVELOPMENT Sa kolaborasyon na isinagawa ng DILG Bulacan at Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ay naisagawa ang isang pagsasanay para sa mga Information Officers ng bawat Bayan at Lungsod sa lalawigan. Layon ng nasabing gawin na bigyang diin ang mahalagang gampanin ng mga Information Officers bilang instrumento sa pagpaparating at pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa mga programa, proyekto at gawain na ipinapatupad ng Kagawaran. Ang pagsasanay na ito ay nakapaloob sa ilalim ng Aselerasyon (Multi-media, knowledge and Information) Linang (Capacity Development), at Wani (Linkages), mga pasilidad ng ALAGWA Bulacan. Kabilang sa mga tinalakay sa aktibidad na ito ay ang (1) Pagsusulat ng Balita; (2) Pagkuha ng Larawan; (3) Pagbabalita sa Panahon ng Sakuna; at (4) NTeknikalidad ng pag-ere sa Radyo. Kasabay sa gawain na ito ay ang panunumpoa sa tungkulin ng mga naihalal na opisyal ng samahan ng mga Information Officers sa Lalawigan.
Pagpapaigting sa Internal na Kapasidad ng mga Kawani ng ating Kagawaran ka-06, ng Hulyo, 2023 ay isinagawa ng DILG Bulacan ang aktibidad na pinamagatang Technical and Adminsitrative Knowledge Enhance and Sharing (TAKES). Ang naturang gawain ay nilahukan ng mga kawani ng DILG Bulacan at Layunin nito na pataasin ang antas ng pagganap ng mga Kawani tungo sa epektibong paghahatid ng serbisyo ng Kagawaran. Kabilang sa mga ipinaksa sa aktibidad na ito ay ang patungkol sa Basic Photography; Technical Writing; Communication Management and Basic Protocol; and Ethics. Nagpahayag naman ng mensahe si Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, at hinikayat niya ang lahat na magpatuloy sa kanilang pagpapalago ng kaalaman at kakayahan. Kaniya ring binigyang diin ang pagrepresenta ng mga Kawani dahil sila ay nagsisilbing repleksyon ng ating Kagawaran. CAPACITY DEVELOPMENT
BULACAN Layon ng programang ito na talakayin ang mga bagay na may kinalaman sa mga proyekto at gawain ng Kagawaran, lokal na pamamahala at mga usaping magbibigay linaw sa mga napapanahong talakayin. Ito rin ay paraan ng tanggapan upang mabilis na maipaabot sa mga Bulakenyo ang tama at mahahalagang impormasyon sa panahon na kinakailangang paigtingin ang laban na maiwaksi ang paglaganap ng mga maling balita at di wastong impormasyon. Para sundan ang iba pang detalye ukol sa programang ito, i-like ang opisyal na facebook page ng DILG Bulacan at abangan ang mga anunsyo na may kinalaman dito. Ang , isang buwanang serye sa ilalim ng ALAGWA Bulacan, ang opisyal na sub-LGRC ng Panlalawigang Tanggapan na isinasahimpapawid sa pamamagitan ng " ". Inihahandog ng aming tanggapan ang : (), isa sa mga bahagi ng , ang opisyal na subLGRC ng DILG Bulacan, na layong magbigay-linaw sa mga usaping legal na may kinalaman sa mabuting Pamamahalang Lokal. Para sa unang serye ng Garantiya ay itinampok ang baha-bahagdang bahagi ng na layong mas mabilis at epektibong maipaunawa sa mga opisyal ng barangay at mga mamamayang Bulakenyo ang wasto at nararapat na proseso nito. Para sundan ang seryeng ito, mangyari lamang na i-like at i-follow ang opisyal na Facebo pook Page ng DILG Bulacann upang makita ang mga parating na mga episode sa ilalim ng Garantiya.
Garantiya: Ato(r)Ine Gabay Tungo sa Katarungang Pambarangay Ano ang KP? 1. 2. 3. Publication Date: June 7, 2023 @ DILG Bulacan FB Page Publication Date: June 19, 2023 @ DILG Bulacan FB Page Publication Date: June 30, 2023 @ DILG Bulacan FB Page Mga Kaso sa Ilalim ng KP? Ano ang Conciliation?
PUBLIC EDUCATION & CITIZENSHIP DEVELOPMENT Sa ikalawang episode ng ALAGWA Bulacan – Gabay Serye, pinangunahan ng DILG Bulacan ang paghahanda ng mga Bulakenyo sa parating na tagtuyot o El niño. Ang nasabing programa na umere noong ika-29 ng Mayo, 2023 ay naitampok sa pamamagitan ng The Roving Radio Station at naibahagi rin sa pamamagitan ng dalawa pang magkaibang media platforms. Bilang bahagi ng pagpapalakas ng Information, Education and Communication (IEC) Campaign sa ilalim ng ALAGWA Bulacan, ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni PD Myrvi ApostolFabia, CESO V ay lumagda ng isang Memorandum of Understanding (MOU), kasama ang Pamahalaang Panlungsod ng Malolos sa pamamagitan ni Mayor Christian Natividad na naglalayong mapabilis ang pagpapalaganap ng impormasyon at kaalaman mula sa Kagawaran para sa mga Bulakenyo sa pamamagitan ng "The Roving Radio Station" paglagda ng kasunduan sa paggamit ng the roving radio station 1 GABAY SERYE: BE READY FOR EL NIñO
Tinatayang nasa tatlong daan dalawampu’t pito (327) barangay na sa Lalawigan ang nakapag patayo na ng kanilang mga Gulayan. Sa kasalukuyan, sinisimulan na rin ng iba pang mga Barangay ang pagpapatayo ng kani-kaniyang mga Gulayan sa Barangay upang maisakatuparan ang layunin na magkaroon ng sapat na suplay ng pagkain katulad ng gulay at mga prutas sa ating bansa. Sa ngayon ay nasa 57.5% na ang nakapagpatayo ng kanilang Gulayan sa Barangay sa buong Lalawigan.
TATAK DILG BULACAN: MATINO, MAHUSAY AT MAAASAHAN! Pinangunahan ni LGOO VI Maria Christine De Leon ang pagbisita sa mga pang-komunidad na Taniman sa DRT. Layon ng nasabing aksyon na siguruhin ang patuloy na implementasyon ng Halina't Magtanim ng Gulay at Prutas sa nasabing Bayan. Ang programang ito ay isa sa pangkasalukuyang prayoridad na proyekto ng Kagawaran Nagsagawa ang Pambayang Tanggapan ng DILG sa Angat ng isang pagsasanay na dinaluhan ng mga nakaupong opisyal ng Sangguniang Kabataan at Local Youth Development Council ng nasabing Bayan. Layon nito na patuloy na palawigan ang kanilang mga kakayahan at masiguro ang maagap at mapanagutang pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkulin. Kaugnay ng inilunsad na programang Agapay, matagumpay na naisagawa ang Mock Assessment sa 51 na barangay ng Malolos sa Pangunguna ni LGOO VI Digna A. Enriquez kaagapay si LGOO II Patricia Mariel L. Danganan. Bilang paghahanda sa Final Performance Audit, na isasasgawa ng Kagawaran PATULOY NA IMPLEMENTASYON NG HAPAG, IKINASA SA DOÑA REMEDIOS TRINIDAD PAGPAPALAWIG SA KAKAYAHAN NG SANGGUNIANG KABATAAN NG ANGAT DILG MALOLOS, INILUNSAD ANG PROGRAMANG AGAPAY SA BARANGAY
Pakikipagpulong ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V kay Punong Bayan Leonardo "Ding" Valeda at mga opisyal ng Pamalahaang Bayan ng Obando para palakasin ang koordinasyon at implementasyon ng mga programa ng kagawaran. WANI: Linkages
ALAB: Awarding System Noong ika-19 ng Abril, 2023 kasabay ng buwanang pagpupulong ng DILG Bulacan ay binigyan rin ng pagkilala ang mga natatanging Pampook na Tagapagpakilos ng Pamahalaang Lokal na nakatalaga sa lalawigan. Ang tatlong nagkamit ng pinakamataas na puntos sa batayang inihanda ng DILG Bulacan ay sina CLGOO Myrna Reyes ng Baliwag City (1st Place), MLGOO Lolita Silva ng Pandi (2nd Place), at MLGOO Maria Isabelita Cruz (3rd place). Kabilang din sa mga nabigyan ng pagkilala ay ang ilan pang nanguna base sa opisyal na talaan ng Panlalawigang Tanggapan, sila ay ang mga sumusunod: MLGOO Catherine Manalastas (4th Place), MLGOO Diana Jean Garcia (5th Place), CLGOO Benedict Pangan at katuwang EA III Janet Florendo (6th Place), MLGOO Maria Christine De Leon (7th Place), MLGOO Carla Marie Alipio (8th Place), CLGOO Digna Enriquez at katuwang na LGOO II Patricia Danganan (9th Place), at MLGOO Jayfie Nasarro (10th Place). Ang nasabing parangal ay bahagi ng T.A.N.G.L.A.W Paglilingkod, isa sa mga pangunahing bahagi ng ALAGWA Bulacan, ang opisyal na sub-LGRC ng DILG Bulacan na layong paigtingin ang mithiin ng mga kawani na magbigay ng de kalidad na serbisyo sa mga Bulakenyo. Ang pagkilala rin na ito ay upang bigyang pagpapahalaga ang kanilang mahusay at maaasahang pagganap sa tungkulin sa unang sangkapat ng taong kasalukuyan gayundin ang kanilang pagsisikap at sakripisyo upang maghatid ng isang matino, mahusay at maaasahang serbisyo publiko.
"LET'S PASS THE 2023 SGLG!" May 09, 2023 – The Department of the Interior and Local Government of Bulacan spearheaded the SGLG 2023 Provincial Roll-out. The said activity was designed to prepare LGUs for the upcoming 2023 SGLG Assessment and provide an indepth grasp of its indicators. In his message, Governor Fernando emphasized that the Provincial Government, Municipal, and City Governments are leaning toward the same goal: passing the SGLG Assessment, not for the award and honor it confers, but because it demonstrates validation for good governance and better public service. The Seal of Good Local Governance (SGLG) is a progressive assessment system that gives distinction to remarkable local government performance across several areas (Financial Administration; Disaster Preparedness; Social Protection and Sensitivity; Health Compliance and Responsiveness; Sustainable Education; Business Friendliness and Competitiveness; Safety, Peace and Order; Environmental Management; Tourism, Heritage Development, Culture, and Arts; and Youth Development). It puts primacy on integrity and good performance to institutionalize local governance reforms in the continuing pursuit of meaningful local autonomy and development. The orientation was attended by the Department Heads from the Provincial Government of Bulacan, Municipal/City Administrators, Municipal/City Development Planning Coordinators, Municipal/City Local Government Operations Officers, and SGLG Focal Persons from the 24 municipalities and cities of the province. Ika-13 ng Hunyo, 2023, sinumulan ng Panlalawigan Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Bulacan ang pagsasagawa ng Seal of Good Local Governance (SGLG) On-Site Assessment sa mga kinabibilangang Bayan at Siyudad ng Lalawigan. Ang SGLG ay ang pinakamataas na pagkilala na iginagawad ng DILG sa mga lokal na pamahalaan. Naglalayon ang SGLG na paigtingin at sukatin ang husay at katapatan ng ating mga lokal na pamahalaan sa pagganap ng kanilang tungkulin, paghahatid ng serbisyo, tulong at suporta sa kanilang mga nasasakupan tungo sa maunlad at progresibong pamayanan.
MGA NATATANGING LUPONG TAGAPAMAYAPA SA LALAWIGAN, BINIGYANG PAGKILALA ika-4 ng Abril, 2023, ang Panglalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Bulacan ay nagsagawa ng isang oryentasyon para sa mga kasapi ng Provincial Awards Committee na pinangungunahan ng nasabing tanggapan at kinabibilangan ng mga sumusunod: Philippine National Police (PNP), Liga ng mga Barangay (LNB), Pamahalaang Panlalawigan, Regional Trial Court at Civil Society Organization. Sa mensahe ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, kaniyang ipinaliwanag na ang LTIA ay isang pagtatasa na hindi lamang naglalayon na itukoy sa mas mataas na antas ng paligsahan at bigyang parangal ang mga kikilalaning Lupong Tagapamayapa; bagkus ito rin ay upang mapalakas ang pagpapatupad ng Katarungan Pambarangay bilang isang pangunahing mekanismo upang mas mapabilis ang pag-resolba ng mga problema at sigalot ng magkaka-barangay. Hunyo 8, 2023 - Pinangunahan nila Igg. Daniel R. Fernando, Panlalawigan Gobernador ng Bulacan, at Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, ang paggawad ng parangal sa mga barangay ng Lalawigan na nagpakita ng kanilang angking husay at dedikasyon sa nakaraang 2023 LTIA Provincial Assessment. Sa ginanap na ikalawang sangkapat na pagpupulong ng Joint PPOC-PDAC-PTF ELCAC ay binigyang pagkilala ang Brgy. Tibag, Pulilan, sa pangunguna ni Punong Barangay Renz Bryan C. Esguerra, bilang Top Performer sa ilalim ng 1st-3rd Class Municipal Category at Brgy. Tungkong Mangga, City of San Jose Del Monte, sa pangunguna ni Punong Barangay Alexander Delos Santos Medina, bilang Top Performer sa ilalim ng Component City Category. Ang mga nagwagi ay nakatanggap ng parangal at insentibo na nagkakahalagang limampung libong piso (50,000.00), plaka ng pagkilala at sertipiko. Ang pagkilala at insentibo ay bahagi ng programa sa ilalim ng Peace and Order program ng Probinsiya, sa inisyatibo ng Provincial Peace and Order Council (PPOC). Isa ang Lupong Tagapamayapa Incentive Awards (LTIA) sa mga parangal na taun-taon ay iginagawad ng DILG upang bigyan ng pagkilala ang mga lupon na nagpapakita ng kanilang huwarang pagganap at kontribusyon sa implementasyon at promosyon ng Katarungang Pambarangay (KP).
Base sa isinagawang balidasyon ngayong ika-15 ng Mayo, 2023, 22 bayan at syudad sa probinsya ang nakitaan ng mataas na antas ng pagganap (High Functionality) sa Anti-drug Abuse Council. Mula 15 lgus noong nakaraang taon, mas maraming LGUs ang nakapagpatupad ng mga programa laban sa ilegal na droga sa taong kasalukuyan. Ang nasabing pagtatasa ay isinagawa ng ADAC Provincial Team (APT) na pinangunahan ng DILG Bulacan. Kabilang rin sa nasabing team ang mga kinatawan mula PNP, PDEA, 2 CSOs at Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan. Ang isinagawang balidasyon ay isang taunang gawain na nilalayong sukatin ang antas ng pagganap ng mga Anti-Drug Abuse Council ng mga Pamahalaang Lokal upang matiyak ang epektibong implementasyon ng mga programang may kinalaman sa pagsugpo ng ilegal na droga sa lalawigan. 22 LGUS PUMASA NG MAY MATAAS NA ANTAS SA PAGTATASA NG ADAC ADAC ALAB: Awarding System PROVINCIAL DIRECTOR MYRVI APOSTOL-FABIA, CESO V AND MED CHIEF LERRIE S. HERNANDEZ AWARDED THE CASH INCENTIVE OF ₱300,000 TO BALIWAG, BULACAN FOR BEING THE TOP PERFORMER ON MANILA BAYANI INCENTIVES AWARDS 2022 FOR MUNICIPAL CATERGORY AND ₱200,000 TO GUIGUINTO, BULACAN FOR BEING THE 2ND PLACER IN THE 2022 REGIONAL MANILA BAYANI AWARDS.
LOCALLY FUNDED PROJECTS Hunyo 8, 2023 - nagsagawa ang DILG Bulacan ng isang pagpupulong na layong masiguro na ang mga datos at estado ng proyekto na naisumite sa Panlalawigang Tanggapan ay katulad sa aktuwal at pisikal na kalalagayan ng mga ito. Kasabay ng gawain, nagbigay rin ng teknikal na gabay ang DILG Bulacan sa pamamagitan ng Locally Funded Project Team, sa ilalim ng pagsubaybay ni LGOO VII Judith B. Romero. Dito nagkaroon ng diskurso ukol sa proseso at estado ng mga proyektong isinumite upang mabigyang pondo ng Kagawaran. Gayundin, tinalakay rin ang estado ng ilan pang mga proyekto na sa kasulukuyan ay patuloy pa rin ang implementasyon. Sa huli, nagbigay ng mensahe si Panlalawigang Patnugot Myrvi ApostolFabia, CESO V, ipinahayag niya ang kaniyang pasasalamat, gayundin ang suporta ng Departamento upang maisakatuparan ang mga makabuluhang proyekto na nilalayong maiangat ang antas ng kabuhayan at maghatid ng kaginhawahan sa mga mamamayan ng Bulacan. Noong ika-29 hanggang 31 ng Mayo, 2023 ay nagbigay ng teknikal na gabay ang Punong Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan sa bayan ng Angat para sa wastong pagbalangkas ng kanilang Municipal Water Supply and Sanitation Master Plan (MWSSMP). Sa mensahe ni Igg. Reynante S. Bautista, Punong Bayan ng Angat, kanyang binigyang diin ang pagbibigay prayoridad ng Pamahalaang Bayan sa mga programa sa ilalim ng kanilang MWSSMP, dagdag pa niya, kinakailangan rin na ito ay maipaloob o maiangkla sa kanilang Comprehensive Development Plan (CDP), upang matiyak na ang mga ito ay maisasakatuparan. Ang Municipal Water Supply and Sanitation Master Plan o MWSSMP ay ang nagsisilbing balangkas ng programa, proyekto at gawain ng mga Lokal na Pamahalaan na may kinalaman sa pagpapanatili ng malinis na suplay ng tubig at sanitasyon. () ,
- DILG AT WORK Ika-20 ng Abril, 2023, idinaos ang ikaapat na Buwanang Pagpupulong ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Barangay Poblacion, Bayan ng San Ildefonso, Lalawigan ng Bulacan. Ito ay dinaluhan ng mga kawani ng nasabing tanggapan na may iisang hangarin na mapalakas at mapaganda ang serbisyo publiko sa lalawigan. Kasabay ng isinagawang Buwanang Pagpupulong ng DILG Bulacan noong ika-22 ng Mayo, 2023, sa Bayan ng Balagtas, Bulacan ay nagkaroon rin ng pagkakataon ang mga kawani ng nasabing tanggapan na magkaroon ng konsultasyon at pakikipanayam sa mga Assistant Secretaries ng Kagawaran na sina ASec. Lilian M. De Leon, Assistant Secretary for International Affairs at ASec. Elizabeth N. Lopez De Leon, Assistant Secretary for Community Participation. Layon ng pagbisita ng dalawang opisyal na mas mapalakas ang ugnayan ng Punong Tanggapan sa mga Pampook na Tanggapan nito upang masiguro ang mabilis at epektibong implementasyon ng mga programa, proyekto at gawain ng Departamento sa Lalawigan ng Bulacan.
SINGKAD 2023 Noong ika-19 ng Abril 2023, sa pangunguna ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, pormal ng binuksan ang DILG Bulacan Sportsfest 2023 na may temang SINGKAD: Sports INteGration: Key to Achieve group Dynamics. Ang nasabing gawain ay naglalayong patatagin ang pagkakasundo at pagkakaisa ng lahat ng empleyado ng DILG Bulacan, itaguyod ang halaga ng pagtutulungan, lalo’t higit ay hikayatin na magkaroon ng kamalayan sa kalusugan upang lumikha ng isang maayos at mahusay na balanse sa pagitan ng personal na buhay at ng trabaho.
Nakiisa ang DILG Bulacan sa isang gawain kung saan ginunita ng mga bulakenyo ang ika-125 taong anibersaryo ng kasarinlan ng Pilipinas sa makasaysayang Simbahan ng Barasoain, Lungsod ng Malolos, Bulacan. Ito ay may temang: “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan.” Dumalo bilang Panauhing Pandangal sa nasabing paggunita si Igg. Alexander G. Gesmundo, Punong Mahistrado, Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas, sa kaniyang mensahe, siya ay nag-iwan ng hamon hindi lamang sa mga dumalong opisyal kundi maging sa lahat ng mamamayan, aniya: “Bilang mamamayan, tungkulin at pananagutan natin na alagaan ang ating bayan, at tiyakin na ito ay maipamamana natin ng maayos at maunlad sa susunod na henerasyon”. Ang Lalawigan ng Bulacan ay kilala sa taguri bilang lundayan ng kasaysayan. Ito rin ay naging tahanan ng tatlong Republika ng Pilipinas at kilala bilang kanlungan ng mga bayaning nagbuwis ng buhay upang ating makamit ang noon ay pinapangarap na Kalayaan. Sa diwang ito, kami sa DILG Bulacan ay tumutugon sa hamon na gawin ang tugkulin at pananagutan na maipamana ng maunlad ang ating bayan sa susunod na henerasyon. Ito ay sa pamamagitan ng patuloy na pagsusulong ng mabuting pamamahalang lokal. -
BUWAN NG KARAGATAN Bilang bahagi ng mandato ng Kagawaran, nakibahagi ang Panlalawigang Tanggapan sa malawakang clean-up drive na isinagawa kasabay ng pagdiriwang ng Month of the Ocean noong ika- 26 ng Mayo, 2023 sa Brgy. Sta. Cruz, Paombong, Bulacan. Malinis na Kapaligiran susi sa matagumpay na Pamayanan: Tema ng isinagawang Clean up Drive sa Paombong Bulacan Sa patuloy na pakikibahagi ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Bulacan sa pangangalaga ng ating kalikasan, ngayong ika-31 ng Mayo ay matagumpay na naisagawa ang Clean-Up Drive sa Brgy. Sto Niño, Paombong, bilang tugon sa Manila Bay Clean-Up Rehabilitation and Preservation Project (MBCRPP) ng pamahalaan. Layunin ng gawain na ito na isakatuparan ang mandato ng Kagawaran sa pagpreserba at pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran para sa kaunlaran at kalusugan ng mga mamamayan. Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, sa pakikiisa rin ng mga opisyal ng bayan ng Paombong sa pangunguna ni Igg. Maryanne P. Marcos, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Environment and Natural Resources Officers (MENRO), mga opisyal ng Brgy. Sto. Niño sa pangunguna ni Punong Barangay at ABC President Edgardo C. Cabantog, mga Pampook na Tagapagkilos ng Pamahalaang Lokal ng Lalawigan at ibang pang mga kawani ng gobyerno mula sa Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran.
LIBRENG SERBISYO HATID NG GOBYERNO SA BRGY. SILING BATA, PANDI, BULACAN Naghatid ng ngiti at saya sa mga residente ng Brgy. Siling Bata, Pandi ngayong ika-19 ng Mayo, 2023 ang inilunsad na Serbisyo Caravan na may temang #PROJECTPAGBANGON. Ang gawaing ito ay bahagi ng Retooled Community Support Program (RCSP) na layong labanan ang banta ng insurhensiya sa pamamagitan ng pagpapataas ng antas ng kamalayan ng mga residente ukol sa mga programa, proyekto at serbisyo ng Pamahalaan. Ilan sa mga serbisyo na nailapit sa mga mamamayan sa pamamagitan ng nasabing gawain ay ang mga sumusunod: • Pagbabahagi ng libreng tsinelas at feeding program; • Libreng pamamahagi ng vegetable seeds; • Libreng blood pressure test, health kit, vitamin A at bakuna para sa mga bata at senior citizens kontra Tigdas, Polio at Pneumonia; • Libreng oryentasyon ukol sa Kabuhayan Program, Government Internship Program at Special Program for Employment; • Libreng tulong pinansyal mula sa Livelihood Program at; • Libreng gupit at masahe para sa mga residente. Tinatayang nasa 800 benepisyaryo ang nakatanggap ng libreng serbisyo, at ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng kolaborasyon ng iba’t ibang mga ahensya ng Pamahalaan kasama ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal.
LUNGSOD NG MALOLOS - Noong ika-8 ng Hunyo, 2023, isinagawa ang ikalawang sangkapat na pinag-isang pagpupulong ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), at Provincial Task Force-Ending Local Communist sa lalawigan ng Bulacan. Dito nagkaroon ng talakayan ukol sa mga programa, proyekto at gawain ng bawat ahensya at sangay ng Pamahalaan na kabilang sa nasabing konseho. LUNGSOD NG MALOLOS - Noong ika-7 ng Mayo, 2023 nagsagawa ang Provincial Audit Team, sa pangunguna ng DILG Bulacan kasama ang PNP, BJMP, AFP, PDEA, piling Civil Society Organization at Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng isang pagtatasa ukol sa antas ng pagganap ng mga Peace and Order Council ng mga Bayan at Lungsod sa Lalawigan. Pagpapalakas sa mga Peace and Order ng lalawigan, Layon ng isinagawang POC Table Validation
EDITORIAL BOARD SUPPORT STAFF DIWA ADVISER LYDIA M. BALTAZAR JHEA M. GREGORIO MARY JOY V. NABOR ALYSSA MAY I. DEL ROSARIO EUNICE R. MALLARI EDITHA MACALINO REANNE M. DAVID-LAXINA JOLISSA P. RODRIGUEZ LLHOYD B. PARUNGAO JULIUS S. LEYVA VAN ISAAC LUNA LOIDA P. BELLO JULIE S. GALICIA ARMANDO B. OCAMPO, JR. MA. FATIMA L. CRUZ JIREH WITTY D. FABIAN KEVIN DE GUIA MORRIS JORGE C. ROQUE HELEN GRACE S. DIMLA MARJORIE ALBA ALEJANDRO P. BUHAT ROBERT B. ROSAL ROLANDO S. CALUGAY MYRVI APOSTOL-FABIA, CESO V JUDITH B. ROMERO GERALD R. CABARLES, JR CONTRIBUTORS: DILG FIELD OFFICERS CLUSTER 1 CLUSTER 2 LGOO VII/ CTL 1 LGOO V LGOO VI LGOO III LGOO III LGOO III LGOO II LGOO II LGOO II LGOO II LGOO II ADAS II ADAS II ADA VI ADA IV LGOO II ENGINEER III ADA IV ADA IV ADA IV ADA III ENGINEER II ADA I PROVINCIAL DIRECTOR LGOO VII/ CTL 2 LGOO V/ PROGRAM MANAGER Bulakan Balagtas Angat Marilao LGOO VI ARCHIE B. CORONEL The Official Publication of Department of the Interior and Local Government Bulacan Provincial Office LGOO VI BERNADETTE A. SALAZAR LGOO VI CARLA MARIE C. TURLA LGOO VI ELAINE D. PAGDANGANAN Calumpit Baliwag City DRT Meycauayan City LGOO VI DANTE D. BOAC LGOO VI MYRNA P. REYES LGOO VI MARIA CHRISTINE M. DE LEON LGOO VI BENJAMIN M. LASTROLLO Hagonoy Bocaue Norzagaray Obando LGOO VI MARIA CLARISSA R. DIMATULAC LGOO VI ANA KARLA S. ANISTA LGOO VI ERNEST KYLE D. AGAY LGOO VI CECILIA R. CABURNAY Paombong Guiguinto San Miguel LGOO VI MARI GRACE J. VILLANUEVA LGOO VI AILYN D. BONDOC LGOO VI MARILYN C. OCHOA Malolos City Bustos San Ildefonso Santa Maria LGOO VI DIGNA A. ENRIQUEZ LGOO II PATRICIA MARIEL L. DANGANAN LGOO VI ROSALYN B. JUMAQUIO LGOO VI IMELDA C. MAGAT LGOO VI JAYFIE P. NASARRO Pulilan Pandi Plaridel San Rafael City San Jose Del Monte LGOO VI MARIA ISABELITA B. CRUZ LGOO VI LOLITA T. SILVA LGOO VI CATHERINE L. MANALASTAS LGOO VI DIANA JEAN M. GARCIA LGOO VI BENEDICT M. PANGAN EA III JANET A. FLORENDO for comments and/or suggestions, please visit us at: Or e-mail us at: DILGBulacanProvincialOffice CapitolCompound,CityofMalolos,Bulacan TelephoneNo. (044)796-1286 [email protected] [email protected] LEA MAY T. MAG-ISA PEO II LGOO II APOLLO DE LEON