Pebrero 2023 Vol. Blg. 1, Isyu Blg 1 BUWANANG LATHALAIN NG LFP BULACAN
F.Y. 2022 LGSF-FALGU STREET LIGHTING AND BARANGAY INFRASTRUCTURE Ang paglalagay ng 65 units streetlight sa kahabaan ng Brgy. Buisan, Liciada at Camachilihan, Bustos, Bulacan ay nagkakahalaga ng 5 Milyong Piso na sinimulan noong ika-29 ng Nobyembre, 2022 at pormal na nakumpleto noong Ika-19 ng Disyembre, 2022. Nagpasalamat si Punong Bayan Juan sa Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa pagpapakabit ng nasabing mga ilaw, aniya, ito ay nagdulot ng pagbaba ng krimen at pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa nasabing mga barangay. Gayundin, sa panayam sa ilang mga residente, sinabi nila na malaki ang naitulong ng nasabing proyekto sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay. Anila, dulot sa liwanag na hatid nito, ay kanilang naramdaman ang kapanatagan ng kalooban sa tuwing dadaan sa nasabing mga lugar. Pahina 2 600 METRONG FARM-TO-MARKE ROAD SA SAN MIGUEL, BULACA 600 METRONG FARM-TO-MARKET ROAD sa san miguel, bulacan Pahina 2 KWENTO NG TAGUMPAY M U L A S A M G A B E N E P I S Y A R Y O N G B U L A K E N Y O Argel Bulig Residente Residente ...nagpapasalamat po kami sa DILG dahil naging maliwanag po ang aming kalsada... kahit na madilim ang gabi ay feeling safe po kami... Igg. Emilio M. Dela Cruz Punong Barangay ...ang mga streetlights na nailagay sa aming barangay ay napakalaking biyaya. Noong wala pa ang mga streetlights, maraming nangyayari dito sa amin na mga petty crimes, dahil madilim yung paligid, pero dahil sa pagdating ng proyektong ito, nabawasan ang aming trabaho dahil hindi na kami mangangamba na kailangang palaging silipin ang mga madidilim na bahagi ng kalsada... Sonia Lopez ...malaking bagay, kagaya ko, gawa ng nasa tapat yan ng aking tindahan, hindi na nga ako nagbubukas ng ilaw e... iyang streetlights na lang ang aking inaaasahan...
SEPTE M BER 2020, ISSUE 3 ONL INE TREND S Tuluy-tuloy ang pagsubaybay ng DILG Bulacan sa mga proyekto ng Kagawaran. Noong ika-16 ng Pebrero, 2023 ay nagsagawa ng inspeksyon ang Panlalawigang Tanggapan sa pangunguna ni LGOO VII Judith B. Romero. Ito ay upang matukoy ang estado ng konstruksiyon ng 600 metrong Farm-to-Market Road na kasalukuyang ginagawa sa Sitio Cabu, Brgy. San Miguel, Calumpit, Bulacan. Ang nasabing proyekto ay may kabuuang halaga na P13,143,687.00 na pinondohan sa ilalim ng programa ng Kagawaran ng Interyor at Pamalaang Lokal na LGSFFALGU. 600 METRONG FARM-TO-MARKET ROAD ININSPEKSYON NG DILG BULACAN Pahina 6 SAN MIGUEL, BULACAN
BUWANANG LATHALAIN NG LFP BULACAN