WHAT'S INSIDE BIDA BIKERS 2023 SGLG NATIONAL VALIDATION "ANG DILG AY MATINO, MAHUSAY AT MAAASAHAN"
THIRD QUARTER LOCAL LEGISLATIVE AWARDS (LLA) ORIENTATION DILG Bulacan convened an orientation for the 2023 Local Legislative Awards. The activity served as an avenue to gain thorough grasp of the Memorandum Circular 2023-092. The activity was participated in by the PAC, C/MLGOOS and LGU Focal Persons. D E V E L O PME N T CAPACI TY ALAGWA BULACAN DILG BULACAN ORYENTASYON NG FY 2023 SBDP Upang mas mapabilis ang implementasyon ng mga proyekto sa ilalim ng Support to Barangay Development (SBDP) at mabigyang kasagutan ang mga katanungan at problema ng mga piling barangay, isinagawa ang pagpupulong patungkol sa pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento sa ilalim ng FY 2023 SBDP. Ang aktibidad na ito ay dinaluhan ng mga kawani ilang mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan.
PANLALAWIGANG ORYENTASYON DILG BULACAN MGA BARANGAY INIHANDA PARA SA SGLGB 3RD QUARTER Ang Barangay Environmental Compliance Audit (BECA) ay inisyatibo ng Kagawaran upang mas mapaigting pa ang pagpapatupad ng mga lokal na pamahalaan patungkol sa mga batas ukol sa pangangalaga ng kalikasan kabilang ang Local Government Code of 1991 (R.A. No. 7160), Ecological Solid Waste Management Act of 2000 (R.A. No. 9003) at Supreme Court Mandamus Order (G.R. 171947-48). Isinagawa noong ika-08 ng Agosto, 2023 ang Panlalawigang Oryentasyon para sa Barangay Environmental Compliance Audit (BECA) 2023. Ika-10 ng Agosto, 2023, idinaos ng Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ang isang Oryentasyon ukol sa Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB) alinsunod sa inilathalang Memorandum Sirkular Blg. 2023- 103.
Sa pagtutulungan at pagkakaisa ng mga kawani ng Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran, matagumpay na idinaos ang Panlalawigang Pagpupulong ng DILG Bulacan sa Lungsod ng Meycauayan. Tampok sa pagpupulong na ito ay ang diskusyon ni Abgdo. Chairmain Jacqueline Paulino, Regional Legal Officer ng Panrehiyong Tanggapan ng Kagawaran ukol sa mga legal na batayan at mga ipinagbabawal na gawain para sa paparating na halalan kabilang na rin ang mga legal na opinyon na may kaugnayan sa Kagawaran. Sa pamamagitan ng naturang pagpupulong na ito ay nabigyang diin ang mga hakbangin bilang paghahanda ng nasa labing limang (15) pamahalaang lokal para sa paparating na SGLG National Validation. Bilang karagdagan ay naipresenta rin ang mga accomplishments at mga paparating na ulat at aktibidad ng Panlalawigang Tanggapan para sa mga susunod na araw. Nagsilbri rin itong pagkakataon upang mabigyang pansin ang mga inilahad na katanungan at suhesyon na ng mga Pampook na Tagapagpakilos. Kasabay rin ng nasabing buwanang pagpupulong ay ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) nina Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, kasama ang Multi Stakeholder Advisory Committee (MSAC) ng Sub-Local Government Regional Resource Center (Sub-LGRRC) ng Lungsod ng Meycauayan sa pangunguna ni Punong Lungsod Henry Villarica.
Simula buwan ng Setyembre hanggang Oktubre taong 2023 ay nagbigay ng teknikal na gabay ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa mga lungsod at bayan ng lalawigant. Sa aktibidad na ito ay nagkaroon ng komprehensibong diskusyon patungkol sa pangkabuuang ideya, pangongolekta ng mga datos at mga gagamiting tools para sa Municipal Water Supply and Sanitation Master Plan (MWSSMP). Layunin ng gawaing ito na makapagbigay ng tulong at gabay upang mapanatili ang malinis at sapat na suplay ng tubig para sa mga residente. Ito rin ay naglalayong mas palakasin ang kalidad at epektibidad ng serbisyong publiko sa tubig at sanitasyon ng naturang bayan. PAGBIBIGAY NG TEKNIKAL NA GABAY KAUGNAY NG PAGBABALANGKAS NG MWSSMP MWSSMP
CITIZEN DEVELOPMENT 2023 BSKE, TINALAKAY SA IKATLONG EPISODE NG HABAY SERYE Ang diskusyon ay pinangunahan ng Panauhing Tagapagsalita na si Abgdo. Julio Nicanor C. Guinto, Election Officer IV mula sa Komisyon sa Halalan kung saan ay ibinahagi niya ang kanyang kaalaman kaugnay ng mga legal na batayan at resolusyon ukol sa mga proseso at mahahalagang impormasyon upang maitaas ang antas ng kaalaman ng mga botante at kandidato para sa BSKE. GABAY: PUBLICEDUCATION & GABAY SERYE EP 3: USAPING BSKE 2023 ANO NGA BA ANG GABAY SERYE? Sa pangunguna ng DILG Bulacan at pakikipagtulungan ng Komisyon sa Halalan (COMELEC) at The Roving Radio Station ng Lungsod ng Malolos ay matagumpay na naibahagi ang ikatlong episode ng Gabay Serye, noong ika-28 ng Setyembre, 2023. Ang Gabay Serye ay isa sa mga pasilidad sa ilalim ng Local Government Resource Center na naglalayong maghatid ng gabay at impormasyon sa mga mamamayan ukol sa mga tampok na paksa upang mabigyan ang publiko ng mas malalim at masusing pang-unawa sa mga napapanahong isyu at usapin sa lipunan.
N S E D SETYEMBRE 7, 2023 Ang aktibidad na ito ay isang makabuluhang hakbangin upang maihanda ang bawat kawani sa kanilang preparasyon at kaligtasan sa posibleng panganib at sakuna na dulot ng lindol. Kabilang sa mga hakbangin na naisalaysay sa gawaing ito ay ang pagsasagawa ng “duck, cover and hold” bilang ligtas at tamang paraan sa pagtugon sa panahon ng lindol. Sa kasalukuyan, ang lindol ay isang sakuna na hindi matitiyak kung saan at kailan ito eksaktong tatama, kaya mahalaga na ang bawat isa ay mayroong sapat na kaalaman at kamalayan sa mga hakbangin na pangkaligtasan at kahandaan tuwing panahon ng krisis at kalamidad. ALAGWA BULACAN 3 R D Q U A R T E R Alinsunod sa Memorandum Blg. 006, S. of 2023 ng Pambansang Tanggapan para sa Pagtugon ng Sakuna o National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakilahok ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal para sa ikatlong kwarter ng National Simultaneous Earthquake Drill (NSED).
D I L G B U L A C A N 3 R D Q U A R T E R ALAG WA BULA CAN
DILG BULACAN KOLABORASYON KASAMA ANG DILG REHIYON TRES! Bilang isang mahalagang pagkakataon upang bigyan at pahalagahan ang kultura at wika ng mga Bulakenyo, ibinida ng DILG Bulacan ang mga malalim na salitang ginagamit sa lalawigan at paano napagtibay ng lalawigan ang paggamit sa wikang Filipino bilang korespondensiyang pampamahalaan nito. Ano nga ba ang salitang “Urong”? ALAMIN NATIN! Ang salitang urong ay ginagamit sa lalawigan ng Bulacan at nangangahulugang “maghugas ng plato” Ang Family Week ay isang paalala sa kahalagahan ng pamilya bilang pangunahing pundasyon ng kalinga, suporta at pagmamahal. Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa at gawing espesyal ang bawat sandali na kasama ang buong pamilya. PAMILYA MAHALAGA NG DILG BULACAN
ALAM MO BA? Kilala ang mga Bulakenyo sa matatas na pagsasalita ng wikang filipino, ito rin ay binansagan na " ". Kilala rin ang Bulacan bilang tahanan ng kultura ng balagtasan na pinasimulan ng bantog at henyong manunulang Pilipino na si Francisco Baltazar. Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika malugod na inihandog ng DILG Bulacan ang isang tulang balagtasan upang magsilbing paalala na ang wikang filipino ay hindi pangalawa at dapat manatili sa ating puso, tuwina. Ang BIDA Program ay isang adbokasiya ng Kagawaran na naglalayong mapaigting ang implementasyon nat kampanya ng mga ahensya at lokal na pamahalaan upang tuluyang maiwaksi ang paglaganap ng illegal na droga. BIDA AW AT AKO, BIDA AYO! IKAW AT AKO, BIDA TAYO! BIDA TAYO! KONTRA ILEGAL GA DRO
SYNERGY AT WORK The Department of the Interior and Local Government (DILG) Bulacan together with the stakeholders from National Government Agencies (NGAs), Civil Society Organizations (CSOs), Local Resource Institutes (LRIs), and other partners successfully held its 3rd Quarter Multi-Stakeholder Advisory Council (MSAC) Meeting on September 21, 2023. In the meeting, the previous matters and concerns were discussed and also, Local Government Regional Resource Center (LGRRC) Services and Accomplishments were presented which showcased the collective efforts and progress made through the collaborative efforts made by the MSAC members throughout the quarter. In the latter part, the committee members and partners were able to set the course for the next plans and initiatives that will be put into action before the fiscal year ends. These coherent and productive series of MSAC quarterly meetings are testament of the collective commitment of the members towards excellence and innovative approach of learning and knowledge sharing in local governance in order to ensure that the Local Government Units (LGUs) provides the efficient and highest quality of service to its citizenry. On September 4-7, 2023, the Philippine Councilors League Bulacan Chapter successfully conducted its annual congress in the province of Bohol. The event, themed " ," was a collaborative effort between PCL Bulacan and DILG Bulacan, with the aim of fostering unity and enhancing local legislation in the Province of Bulacan . The PCL Bulacan Congress 2023 highlighted significant discussions and activities designed to examine and reinforce the roles of councilors in local governance. PD Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, also reminded local legislators to ensure the enactment and updating of all the mandated Local Codes under RA 7160, such as Comprehensive Land Use Plan, Comprehensive Development Plan, Gender and Development Code and Revenue Code. Further, she assured local officials that the DILG shall continue to be their active partner to attain accountable, transparent and participative local Sanggunian. PCL BULACAN CONGRESS 2023 WANI: Linkages
PROVINCIAL JOINT SECURITY CONTROL CENTER COMMAND CONFERENCE (PJSCC) Nakibahagi ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Ikalawang Sangkapat na Pagpupulong ng Liga ng mga Barangay sa Lalawigan ng Bulacan. Sa nasabing gawain, nagpaalala ang DILG Bulacan sa mga dumalong Punong Barangay ukol sa mga bagay na may kinalaman sa parating na halalan, kaugnay rin nito nagbigay ng teknikal na gabay si Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V ukol sa mga katanungang may kinalaman sa pamamahala sa barangay. Sa huli muli niyang binigyang diin ang patuloy na implimentasyon ng mga programa ng Kagawaran kabilang na ang Buhay Ingatan Droga’y Ayawan (BIDA) at Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG), aniya inaasahan, ng Kagawaran na sa kabila ng napipintong eleksyon ay patuloy pa rin ang mga halal na opisyal na maglilingkod sa kanilang nasasakupan. LIGA NG MGA BARANGAY MEETING Bilang pagtitiyak para sa kaligtasan at seguridad ng lalawigan sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), isinagawa ang Provincial Joint Security Control Center Command Conference (PJSCC) na dinaluhan ng iba’t-ibang mga ahensya, sa pangunguna ng Komisyon sa Halalan (COMELEC), kabilang ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal, kasama ng mga kawani mula sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP), Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP), at ang iba pang mga ahensya na may pangunahing tungkulin sa pagpapanatili ng isang ligtas at payapang halalan sa darating na Oktubre. Ang aktibidad na ito ay naglalayon na talakayin ang mga konkretong hakbang at stratehiya na kinakailangan upang masiguro ang integridad ng proseso ng eleksyon at maiwasan ang ano mang banta ng panganib, kalakip ng layunin na maprotektahan ang karapatan ng bawat bontante at maging ng mga kandidato para sa papalapit na BSKE Election.
PGB EYES FOR THE 7TH SGLG AWARD ALAB: Awarding System With hopes and great optimism, the Provincial Government of Bulacan has undergone the National Validation for the 2023 Seal of Good Local Governance. The assessment was spearheaded by the validators from DILG Region II, Provincial Director of the Province of Quirino, Atty. Salvacion Z. Bacay, CESO V and LGOO V Carolyn Mateo; together with DILG Bulacan, headed by Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V. The Provincial Government of Bulacan under the leadership of Governor Daniel Fernando, together with Vice Governor Alex Castro and Provincial Administrator Antonette Constantino proudly showcased and presented the accomplishments of the province, as well as their projects, programs and facilities which reflects their adherence to the standards of an accountable, transparent and effective governance. Currently the province of Bulacan holds its 6th consecutive SGLG Awards in which, with their beaming glimmer of hope, the province will be 7-peat Provincial Awardee in Region 3.
Nagtapos ang unang pangkat ng mga lungsod at bayan ng lalawigan sa Pangrehiyong Pagtatasa para sa Gawad KAlamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan o mas kilala bilang Gawad KALASAG. Kabilang sa mga naunang sumailalim sa naturang balidasyon ay ang: (1) Lungsod ng Malolos (2) Lungsod ng San Jose Del Monte (3) Lungsod ng Meycauayan (4) Guiguinto (5) Angat (6) Doña Remedios Trinidad (7) Santa Maria (8) Pandi (9) Plaridel at; (10) Pulilan Ang Gawad KALASAG ay isinasagawa ng Pambansang Tanggapan para sa Pagtugon ng Sakuna o NDRRMC upang kilalanin at isulong ang mga inisyatibo at kahandaan ng mga pamahalaang lokal sa oras ng sakuna at kalamidad. The Provincial Government of Bulacan, headed by Governor Daniel R. Fernando, undergoes the 2023 Gawad KALASAG (KAlamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan) Regional Assessment for the Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC)/Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) Category. In the previous year, the Provincial Government bagged the coveted 2022 National Gawad KALASAG Seal for Disaster Response. The Province of Bulacan was among the 29 provinces in the country that received the “Beyond Compliant” rating. The National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) awards the Gawad KALASAG Seal to Local Government Units (LGUs) who adhere to the standards for the establishment and functionality of the LDRRMCs and LDRRMOs as mandated under Republic Act No. 10121, also known as the Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010. 2023 GAWAD KALASAG REGIONAL VALIDATION PGB UNDERGOES 2023 GAWAD KALASAG REGIONAL ASSESSMENT
NATATANGING PAGKILALA SA MGA KAWANI NG KAGAWARAN ng Kagawaran. Ang pagpupulong na ito ay nagsilbing daan upang talakayin ang mga nagtapos at kasalukuyang isinasagawang mga programa at proyekto ng Kagawaran na nakatakda para sa mga susunod na araw ng buwan ng Agosto. Kasabay ng ika-7 buwanang pagpupulong ng Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Bulacan ay pinangunahan ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, ang pagbibigay ng pagkilala sa ilang mga natatanging kawani ng tanggapan na nagpamalas ng husay, galing at dedikasyon sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Sa huli, binigyang pasasalamat at pagkilala si LGOO VI Catherine L. Manalastas para sa kaniyang hindi matatawarang husay at dedikasyon sa pagganap ng tungkulin sa loob ng 18 taon, sa DILG Bulacan. Sa kasalukuyan si LGOO VI Manalastas ay ganap nang lumipat ng istasyon mula sa Bayan ng Plaridel, tungo sa Lalawigan ng Pampanga. Ang mga nabanggit ng pagkilala ay programa sa ilalim ng Alab isa sa mga pasilidad sa ilalim ng ALAGWA Bulacan, ang opisyal na sub-LGRC ng Lalawigan na layong bigyang pagkilala ang mabubuting gawi ng mga kawani ng tanggapan. Idinaos ang ika-pitong (7) Panlalawigang Pagpupulong kasama ang mga Pampook na Tagapagpakilos ng mga lungsod at bayan sa lalawigan, pati ang mga iba pang kawani
2023 QTR 2 Malugod naming ibinabahagi ang tagumpay na bunga ng pagpupunyagi at dedikasyon ng bawat kawani ng DILG Bulacan! Sa likod ng bawat proyekto at programa ng Kagawaran ay ang aming patuloy na mithiing makapagbigay ng buong puso at natatanging serbisyo para sa bawat Bulakenyo. DILG at Work
In a pivotal step towards strengthening collaboration and innovation, Governor Daniel Fernando, Vice Governor Alexis Castro, . together with other elective officials, and heads . from Department of the Interior and Local . Government (DILG Bulacan), Philippine . National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), and Bureau of Jail Management KUMUSTAHAN WITH DILG SEC. ABALOS and Penology (BJMP) in the province, had an opportunity to interface with the Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary, Atty. Benjamin Abalos, Jr., and DILG Undersecretary, Atty. Margarita Gutierrez on September 10, 2023. The interfacing paved the way for the government bodies and sectors to discuss and address significant issues and concerns as Local Government Units (LGUs) and Government Agencies continuously work hand in hand to address critical challenges, enhance public services and drive economic growth towards the nation’s development agenda.
Locally-Funded Projects HULYO 21, 2023 | Matagumpay na naisagawa ang seremonya para sa inagurasyon ng limampu’t walong (58) poste ng ilaw na naipatayo sa kahabaan ng Bagbaguin-San Gabriel Bypass Road sa Bayan ng Santa Maria. Ang proyektong ito ay naisagawa sa ilalim ng Seal of Good Local Governance Incentive Funds (SGLFIF) na nagkakahalaga ng 5,000,000 piso. Kabilang sa mga dumalo sa seremonyang ito ay sina Punong Bayan Bartolome R. Ramos, Pangalawang Punong Bayan Pablo L. Juan, kasama sina Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V at OIC-Local Government Capability Development Division (LGCDD) Chief Lee Allen B. Pineda. Ang bayan ng Santa Maria ay ikasiyam (9) sa buong bansa na naunang nakapagpatupad ng proyekto sa ilalim ng SGLGIF. Layon ng SGLGIF na isulong ang tapat at mahusay na pamamahala ng mga pamahalaang lokal tungo sa maunlad at progresibong bansa.
Sa patuloy na pagtupad ng Departamento sa layunin na makapagbigay ng mahusay at tapat na serbisyo para sa bawat Bulakenyo, ika-18 ng Agosto, 2023 ay personal na nagtungo ang mga kinatawan ng Panlalawigang Tanggapan upang bisitahin at inspeksyunin ang natapos na rehabilitasyon ng proyektong kontra baha sa Brgy. Saluysoy, Meycauayan. Ang nasabing proyekto ay nagkakahalagang 11,872,937 piso at kasalukuyan ng napapakinabangan ng mga residente upang maiwasan ang senaryo ng matinding pagbaha sa kanilang lugar. MGA PROYEKTO NG KAGAWARAN HANGAD AY GINHAWA AT KALIGTASAN SA MAMAYAN NG MEYCAUAYAN Sa kabilang banda, ininspeksyon din ang isinasagawang proyektong Bamboo Eco Park sa Brgy. Pajo, Meycauayan na sa kasalukuyan ay may progreso na tinatayang 90.25% at nagkakahalagang 10,000,000 piso. Ang proyektong ito ay naglalayon na isulong ang mayamang kultura at topograpiya ng lalawigan pati na rin sa konserbasyon ng kalikasan. Ang dalawang nabanggit ay naisakatuparan sa ilalim ng Financial Assistance to Local Government Unit (FALGU) at Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance Program (DRRAP) na naglalayong makapagbigay ng tulong pinansiyal sa mga lokal na pamahalaan para sa kapakanan at ikabubuti ng kanilang mga nasasakupan. Locally-Funded Projects
Septyember 14, 2023 - Bilang bahagi ng pagsubaybay ng DILG Bulacan sa implementasyon ng mga proyektong pinondohan sa ilalim ng FY 2023 LGSFFALGU ay nagbigay ng teknikal na gabay ang Panlalawigang Tanggapan sa Bayan ng Bocaue, Bulacan. Bahagi ng nasabing gawain ay ang pagbibigay gabay sa mga Barangay ukol sa proseso ng implementasyon ng mga proyektong una nang naaprubahan ng Kagawaran, kasabay rin nito ay tinalakay ang mga tadhanain sa ilalim ng LBC 150-2023, upang masiguro na ang implementasyon ng mga nabanggit na proyekto ay naaayon sa itinatadhana ng batas. Ang mga proyekto sa ilalim ng FY 2023 LGSF-FALGU ay layong magbigay tulong sa mga maralitang indibidwal partikular na sa nasabing bayan. Samantala, bilang bahagi pa rin ng patuloy na pagsubaybay sa mga proyektong nauna nang nakumpleto ay muling binisita ng Panlalawigang tanggapan ang Rehabilitation at Upgrading ng Pamilihang Bayan ng Bocaue na pinondohan naman sa ilalim ng FY 2021 FALGU ng Kagawaran. Hinggil dito, makaasa ang mga bulakenyo na ang DILG Bulacan ay patuloy na tututukan ang mga nasabing programa upang masiguro na mapapakinabangan ng mga benepisyaryong pinatutungkulan nito. PATULOY NA IMPLEMENTASYON FY 2023 LGSF-FALGU, TINUTUKAN NG DILG BULACAN
Binisita ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Operation Center upang tingnan at kamustahin ang kalagayan ng mga Bulakenyo sa mga lungsod at bayan na apektado sa pinsalang hatid ng nakaraang bagyong Egay at Habagat. Kasabay nito ay tiniyak din ang mga paghahanda na isinasagawa ng mga pamahaalang lokal ng lalawigan sa kasalukuyang banta ng bagyong Falcon at patuloy nitong paghatak sa Habagat na maaaring magdulot ng malakas na pag-ulan sa mga susunod na araw. Nasa 15 bayan, 2 lungsod at libo-libong pamilya na ang naapektuhan sa nakaraang bagyong Egay at nasa humigit kumulang walumpu’t tatlong (83) milyong piso naman ang inisyal na halaga ng pinsala sa mga pananim at agrikultura ng lalawIgan. Patuloy ang koordinasyon ng DILG Bulacan sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan at maihatid ang mga tulong sa mga pangunahing pangangailangan ng mga apektadong mamamayan.
39 na maliliit at lokal na mga mangangalakal ang nakilahok sa programang Kadiwa ng Pangulo, noong ika-17 ng Hulyo, 2023 na inilunsad sa Lalawigan ng Bulacan. Ang nasabing gawain ay pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamumuno nina Punong Lalawigan Daniel R. Fernando at Pangalawang Punong Lalawigan Alexis C. Castro, sa pakikipagtulungan ng mga Panlalawigang Tanggapan ng mga ahensya ng Pamahalaan kabilang na ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal, NFA, DTI, DOLE, at DSWD. LAB F R ALL Isinagawa ang Lab for All: Laboratoryo, Konsulta at Gamot para sa Lahat, sa Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan at Bayan ng San Rafael Bulacan. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos. Kabilang sa mga dumalo sa nasabing caravan ay sina Secretary of the Interior and Local Government Atty. Benjamin C. Abalos Jr., Kagawaran ng Kalusugan Undersecretary Enrique A. Tayag, Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan Secretary Rex T. Gatchalian, Bise Gobernador Alex C. Castro, Congresswoman Florida P. Robes, Punong Lungsod Arthur B. Robes at Punong Bayan Mark Cholo I. Violago. Tinatayang nasa dalawang libong (2000) katao ang naging benepisyaryo at nakatanggap ng libreng serbisyo katulad ng laboratory tests, gamot, pagkain at konsultasyon. Ang Lab for All ay isang proyekto na naglalayong mailapit ang programa ng Gobyerno, lalo na sa usapin at aspektong pangkalusugan ng mga Pilipino sa iba’t-ibang panig ng bansa. Sa ngayon ay nakatakda ring isagawa ang caravan na ito sa mga susunod na araw sa iba pang lalawigan sa Gitnang Luzon.
WALK FOR PEACE TO FIGHT DRUG ABUSE Agosto 20, 2023- Nakiisa ang DILG Bulacan sa isinagawang unity walk ng Damayang Filipino Movement na may temang: Walk for Peace to Fight Drug Abuse. Ang nasabing gawain ay bahagi ng patuloy na implementasyon sa Lalawigan ng Bulacan ng Buhay Ingatan Droga'y Ayawan (BIDA) ng Kagawaran na naisakatuparan sa nagkakaisang pagtutulungan ng pribadong sektor, Pamahalaang Panlalawigan at mga piling Organisasyon ng Lipunang Sibil (CSOs). Dumalo rin sa nasabing gawain si Punong Lalawigan Daniel R. Fernando. Sa kaniyang mensahe, pinasalamatan niya ang pakikipagtulungan ng pribadong sektor sa lokal na Pamahalaan ukol sa pagpapaigting ng adbokasiya ng pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot at gayundin ay ibinahagi niya pagnanais ng Pamahalaang Panlalawigan na mapalakas pa ang mga programa nito na layong iwaksi sa isipan ng mga kabataan ang pagkalulong sa nasabing ilegal na bisyo.
MARCELO,LIWANAG NG NAKARAAN, TANGLAW SA KASALUKUYANPinangunahan ng Kalihim ng Kagawaran ng interyor at Pamahalaang Lokal Abgdo. Benjamin Abalos ang pagdiriwang ika-173 guning taon ng kapanganakan ni Gat. Marcelo H. Del Pilar na may temang: "Marcelo, Liwanag ng Nakaraan, Tanglaw sa Kasalukuyan". Sa mensahe ni Kalihim Abalos, ibinahagi niya na sa kabila ng patuloy na pagbabago ng ating panahon; isa sa mga bagay na nananatiling totoo ay ang katangian ng pagiging matapang at may paninindigan ng mga Pilipino kung kaya at kagaya ng naging buhay ng bayaning si Del Pilar ay palagi nating piliin na gawin ang tama. Kabilang sa mga panauhing dumalo sa nasabing gawain ay si Punong Lalawigan Daniel R. Fernando, Pangalawang Punong Lalawigan Alex Castro, Punong Bayan Vergel Meneses at mga kawani at opisyal ng Pamahalaang Bayan at Pamahalaang Panlalawigan.
Mayamang Kultura at Tradisyon ng Lalawigan, ibinida sa 2023 Singkaban Sa isang makulay at makasaysayang tagpo, pormal na binuksan noong ika8 ng Setyembre, 2023, ang pagdiriwang ng Singkaban Festival na may temang " , , ”. Ang pagdiriwang na ito ay pinangunahan nila Panauhing Pandangal Sen. Imee R. Marcos na kinatawan ni Bb. Eliza Romualdez-Valtos, kasama sina Punong Lalawigan Daniel R. Fernando, Ikalawang Punong Lalawigan Alexis C. Castro, at iba pang mga opisyal ng lalawigan. Kabilang sa mga dumalo at nagpakita ng suporta ay ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal, sa pangunguna ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V. Ang pagdiriwang na ito ay napuno ng sigla at kasiyahan matapos maiparada ang mga naggagandahan at makukulay na karosa na ibinida ng mga lungsod at bayan bilang sumasalamin sa pagkamalikhain at iba’t-ibang talento ng mga Bulakenyo.
BIDABIKERSSEPTEMBER 10, 2023 - With the successful launching of Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) BIKERS, today marks a significant milestone in the ongoing battle of the province against illegal drugs. In united effort of the Department of the Interior and Local Government (DILG), Provincial Government of Bulacan (PGB), together with the active participation of other National Government Agencies (NGAs) and Civil Society Organizations (CSOs) to combat drug abuse and promote a healthy, drug-free community, this campaign seeks to advocate and raise awareness to each communities about the devastating impact of drug abuse and inspire positive change in the province. Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program is a national campaign of the Department of the Interior and Local Government together with the collaborative efforts of other National Government Agencies (NGAs) and Local Government Units (LGUs) committed and dedicated to eradicating the scourge of illegal drugs and its harmful and destructive effects on the society. BUHAY INGATAN, DROGA'Y AYAWAN BAWAL NA GAMOT AY IWASAN, MAGANDANG KALUSUGAN, EHERSISYO AY RESPONSIBILIDAD KO
Sa layunin na mapangalagaan at maproteksiyonan ang bulubundukin ng Sierra Madre, isinagawa noong ika-13 ng Setyembre, 2023 ang isang tree planting activity sa Sitio Daramugan, Barangay Kalawakan, Bayan ng Doña Remedios Trinidad (DRT). Ang aktibidad na ito ay isang inisyatibo ng One Movement Inc. kung saan daan-daang katao ang dumalo at nagpakita ng suporta upang magtanim ng mga puno ng kawayan sa naturang bayan. Ito ay nilahukan ng mga miyembro ng One Movement Inc. sa pangunguna ni Tagapangulo Marlon Mendoza, mga punong barangay at iba pang mga opisyal mula sa mga barangay ng DRT, at mga kawani ng Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran at iba pang ahensiya ng pamahalaan. Ang bulubundukin ng Sierra Madre ay isang maituturing na yaman ng ating bansa na may malaking kontribusyon sa pangangalaga ng biodibersidad at ekosistema ng ating bansa. Ang pangangalaga at pagtutok sa preserbasyon nito ay mahalaga kalakip ng malaking kontribusyon nito sa kalikasan, ekonomiya at kultura ng ating bansa. USBONG NG PAG-ASA: PAGPAPANAULI SA KABUNDUKAN NG SIERRA MADRE
D A Y ( B A R K A D A ) BARANGAY AT KALIKASAN Alinsunod sa Memorandum Sirkular 2023-133 na nilagdaan ni Kalihim ng Kagawaran, Abgdo. Benhur Abalos, Jr. ukol sa Barangay at Kalinisan Day or BarKaDa, nagkaroon noong ika-16 ng Setyembre, 2023, ng isang malawakang clean up drive ang mga barangay sa buong bansa. Ang aktibidad na ito ay nilahukan rin ng Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran kung saan pinangunahan ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, ang mga kawani ng DILG Bulacan kasama ang mga kawani mula sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP), City at Bulacan Environmental and Resources Office (C/BENRO), at mga Civil Society Organization (CSOs) ang BARKADA sa Brgy. Tarcan, Baliwag. Nakilahok rin at nagpakita ng suporta sa nasabing aktibidad sina Punong Barangay Ariel Cabingao kasama ang iba pang opisyal ng naturang barangay. Sa pamamagitan ng programa ng BARKADA ay muling nabuhay ang kultura ng bayanihan at nagtulong tulong ang lahat na malinis ang bawat daan, kanal, at estero kabilang na rin ang naging segregasyon sa basura ng mga barangay. Ang Barangay at Kalinisan Day (BARKADA) ay isang inisyatibo ng Kagawaran na inimplementa sa buong bansa upang mapanatili ang luntian at malinis na kapaligiran sa bawat barangay. Hindi lamang ito nakatuon sa pangangalaga sa ating kapaligiran kung hindi ay layunin din nito na mamulat ang bawat mamamayan hinggil sa kahalagahan ng solid waste management at pagsasagawa ng regular na clean up activity kabilang na rin ang mga baybaying lugar sa ating bansa. Bukod sa isinagawang pagpupulong upang matalakay ang mga proyekto at programa ng pambansang pamahalaan, sa araw ring iyon ay tinatayang mayroong nasa 40 katao — na dating sumusuporta sa mga grupo ng komunista ang lumagda at nagpahayag ng kanilang suporta at katapatan bilang kanilang pakiisa sa patuloy na paglaban ng pamahalaan upang matuldukan ang lokal na insurhensya sa ating bansa.
EDITORIAL BOARD SUPPORT STAFF DIWA ADVISER LYDIA M. BALTAZAR JHEA M. GREGORIO DANTE D. BOAC MARY JOY V. NABOR ALYSSA MAY I. DEL ROSARIO EUNICE R. MALLARI EDITHA MACALINO REANNE M. DAVID-LAXINA JOLISSA P. RODRIGUEZ LLHOYD B. PARUNGAO JULIUS S. LEYVA VAN ISAAC LUNA LOIDA P. BELLO JULIE S. GALICIA ARMANDO B. OCAMPO, JR. MA. FATIMA L. CRUZ JIREH WITTY D. FABIAN KEVIN DE GUIA MORRIS JORGE C. ROQUE HELEN GRACE S. DIMLA MARJORIE ALBA ALEJANDRO P. BUHAT ROBERT B. ROSAL ROLANDO S. CALUGAY MYRVI APOSTOL-FABIA, CESO V JUDITH B. ROMERO GERALD R. CABARLES, JR CONTRIBUTORS: DILG FIELD OFFICERS CLUSTER 1 CLUSTER 2 LGOO VII/ CTL 1 LGOO V LGOO VI LGOO VI LGOO III LGOO III LGOO III LGOO II LGOO II LGOO II LGOO II LGOO II ADAS II ADAS II ADA VI ADA IV LGOO II ENGINEER III ADA IV ADA IV ADA IV ADA III ENGINEER II ADA I PROVINCIAL DIRECTOR LGOO VII/ CTL 2 LGOO V/ PROGRAM MANAGER Bulakan Balagtas Angat Marilao LGOO VI ARCHIE B. CORONEL The Official Publication of Department of the Interior and Local Government Bulacan Provincial Office LGOO VI BERNADETTE A. SALAZAR LGOO VI CARLA MARIE C. TURLA LGOO VI ELAINE D. PAGDANGANAN Calumpit Baliwag City DRT Meycauayan City LGOO VI MARI GRACE J. VILLANUEVA LGOO VI MYRNA P. REYES LGOO VI MARIA CHRISTINE M. DE LEON LGOO VI BENJAMIN M. LASTROLLO ADA IV MORRIS JORGE C. ROQUE Hagonoy Bocaue Norzagaray Obando LGOO VI MARIA CLARISSA R. DIMATULAC LGOO VI ANA KARLA S. ANISTA LGOO VI ERNEST KYLE D. AGAY LGOO VI CECILIA R. CABURNAY Paombong Guiguinto San Miguel LGOO VI MARILYN C. OCHOA LGOO VI AILYN D. BONDOC LGOO VI KRISTINE JOY PESIMO Malolos City Bustos San Ildefonso Santa Maria LGOO VI DIGNA A. ENRIQUEZ LGOO II PATRICIA MARIEL L. DANGANAN LGOO VI ROSALYN B. JUMAQUIO LGOO VI IMELDA C. MAGAT LGOO VI JAYFIE P. NASARRO Pulilan Pandi Plaridel San Rafael City San Jose Del Monte LGOO VI MARIA ISABELITA B. CRUZ LGOO VI LOLITA T. SILVA LGOO VI MARY JOY V. NABOR LGOO VI DIANA JEAN M. GARCIA LGOO VI BENEDICT M. PANGAN EA III JANET A. FLORENDO for comments and/or suggestions, please visit us at: Or e-mail us at: DILGBulacanProvincialOffice CapitolCompound,CityofMalolos,Bulacan TelephoneNo. (044)796-1286 MobileNo.0920-978-1286 [email protected] [email protected] LEA MAY T. MAG-ISA PEO II LGOO II APOLLO DE LEON