KARAPATANG-SIPI Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Pambansang Punong Rehiyon Sangay ng mga Paaralang Lungsod-Maynila Karapatang-sipi 2021 Agosto Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang materyal na ito ay isa sa mga output ng Three-Day Online Training Workshop on Storybook Writing and Graphic Design, 3-5 Agosto 2021 ng Learning Resource Management Section sa ilalim ng Curriculum Implementation Division, Division of City Schools-Manila. Ang materyal na ito ay maaaring kopyahin para sa mga layuning pangedukasyon at baguhin para sa layunin ng pagsasalin sa ibang wika o diyalekto ngunit ang gawain ay dapat kilalanin. Mga Bumuo ng Storybook para sa Mag-aaral Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V CID Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla CID Education Program Supervisor: CID LRMS Supervisor: Lucky S. Carpio CID LRMS Librarian II: Lady Hannah C. Gillo CID LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg Mga Manunulat: Arlyn Gayle D. Armando Kathleen Mae B. Agustin Rizalyn S. Arteche Mga Tagaguhit: Kathleen Mae B. Agustin Joseph G. Trinidad Tagasuri: Dr. Ronald Vicente R. Salva Editor ng Wika: Dr. Ronald Vicente R. Salva
Si Arlyn na nakatingin sa taas(dialogue box) drawing ng payong
. Malungkot na pinagmamasdan ni Arlyn ang patak ng ulan sa bintana ng kaniyang kuwarto, “Maulan na naman. Hindi ko makikita ang mga sasakyang dumadaan sa labas.,” wika niya sabay buntong-hininga. Matagal nang hindi nakalalabas si Arlyn ng bahay dahil sa Covid-19 virus. Nakakalat ang mga laruan na hindi niya naligpit kagabi at tinatamad pa rin siyang ayusin ito. 6
“Arlyn, Arlyn gumising ka na riyan.,” wika ng kaniyang ina. “Opo, Inay. Nariyan na po,” magalang niyang pagsagot sa kaniyang ina. Lumabas siya ng kaniyang kuwarto na hindi nagligpit ng kaniyang higaan. “Anak, pakihanap nga ang pulang payong. Kanina ko pa ito hinahanap.,” utos ng kaniyang Ina. “Kailangan kong lumabas mamaya para bumili ng ating panghalian sa Quinta Market at dadaan na rin ako sa simbahan ng Quiapo para magdasal at magsindi ng kandila sa Poong Nazareno,” dagdag pa niya. 7
“Opo, Inay. Mamaya ko po ito hahanapin pagkatapos ko pong manood,” Nagtungo siya sa sala at doon bakas pa ang jackstone na pinaglaruan niya kagabi na basta na lamang niyang iniwan sa sahig kasama ng iba pa niyang mga laruan. Nagsimula na siyang hanapin ang payong, subalit hindi niya ito nakita. Pagkatapos guluhin ang mga nakaayos na unan sa sofa, napansin ito ng kaniyang ina at inutusang ayusin at ibalik sa ayos. “Opo, Inay. Mamaya ko po ito ililigpit pagkatapos kumain.,” kaniyang sagot. 8
Nagtungo siya sa kusina at kumain ng pandesal na may palamang keso. Paboritong palaman ito ni Arlyn na binibili ni Aling Teresa tuwing napapadaan siya sa may kalye ng Arlegui. Pagkatapos uminom ng gatas ay basta na lamang niya itong iniwan sa mesa. “Hay! Arlyn, kailan ka ba matututo? Hugasan mo ang iyong mga ginamit kung tapos ka nang kumain.,” puna ng kaniyang ina. “Opo, Inay. Aayusin ko po ito pagkatapos kong maligo.,” kaniyang sagot. 9
Nagtungo siya sa palikuran upang maligo. Habang siya ay naliligo, iniisip niya kung saan na napunta ang nawawalang payong. Nang siya ay matapos, hindi niya binalik sa lagayan ang sabon at iniwan ito sa lababo pati ang toothpaste ay iniwan niyang hindi nakatakip. “Anak, ayusin mo ang paggamit ng palikuran,” wika ng kaniyang ina. “Opo, Inay. Aayusin ko po ito pagkatapos kong mahanap ang payong.,” tugon ni Arlyn. 10
Pagpasok sa kaniyang silid, naapakan niya ang laruang hindi niya nailigpit kagabi. Napasigaw sya sa sakit at tinawag ang kaniyang ina. “Aray ko! Inay!” Dali-daling nagtungo ang kaniyang ina upang malaman ang dahilan ng kaniyang pagsigaw. Si Arlyn ay umiiyak nang makita ang sugat sa kaniyang paa dahil naapakan niya ang jackstone na nagkalat sa sahig. Huhu, Inay ililigpit ko na po ang aking mga kalat.,” iyak ni Arlyn sa nangyari. 11
Habang nililinis ng kaniyang ina ang kaniyang sugat, naalala ni Arlyn kung saan nga ba niya nailagay ang kaniyang payong. Ito ay kaniyang pinaglaruan kagabi at hindi binalik sa tamang lagayan. Ito ay natatakpan ng mga laruan malapit sa bintana ng kaniyang kuwarto. “Nakita din kita sa wakas pulang payong!,” masayang sambit ni Arlyn at ito’y kaniyang iniabot sa kaniyang ina. 12
Dahil sa nangyari, iniwasan na ni Arlyn ang pagkakalat ng kaniyang mga gamit at natuto ng magligpit at magbalik ng mga bagay sa tamang lagayan upang madali itong mahanap at maiwasan ang aksidente. Humingi siya ng tawad sa kaniyang ina sa pagpapaliban ng mga inuutos sa kaniya at iniwasan na ang salitang “mamaya na” kung may ipinag-uutos sa kaniya. 13
Pagsasanay 1 Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa kuwentong binasa. 1. Sino ang mga tauhan sa kuwento? 2. Ano ang ipinahanap ni Aling Teresa kay Arlyn? Madali ba niya itong nakita ? Ipaliwanag ang iyong sagot. 3. Ano ang nangyari kay Arlyn kung bakit naipangako niyang magiging masinop na siya? 4. Kung ikaw si Arlyn, gagayahin mo ba ang kaniyang mga gawi? 5. Mahalaga bang maging masinop tayo sa ating gamit? Bakit? Pagsasanay 2 Panuto: Tulungan si Arlyn papunta sa kaniyang payong. 14
ARLYN GAYLE D. ARMANDO Si Bb. Arlyn Gayle D. Armando ay isang guro sa elementarya sa isa sa mga pampublikong paaralan sa Manila, 27 taong gulang at tubong Bulacan. Siya ay nagtapos ng kolehiyo sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa taong 2014. Sa kaniyang libreng oras ay lumalahok siya sa iba’t ibang volunteer activities at mga outreach programs para sa mga bata na kabilang sa indigenous group o community tulad na lamang ng mga Katutubong Dumagat sa Rizal, Katutubong Mangyan sa Mindoro at Katutubong Aeta sa Zambales. KATHLEEN MAE B. AGUSTIN Si Gng. Kathleen Mae B. Agustin ay isang guro, manunulat ng tula sa isang artikulo at “Content Creator” ng video lessons sa English VI. Siya ay ambassadress sa Microsoft Education Philippines na may layuning malinang ang kaalaman ng mga guro sa teknolohiya at upang mapalawig pa ang kaalaman sa pagbabasa ng mga bata gamit ang ibat ibang application sa Microsoft. RIZALYN S. ARTECHE Si Gng. Rizalyn S. Arteche ay isang guro sa Paaralang Apolinario Mabini. Siya ay nakapagtapos ng Batsilyer ng Edukasyon sa Elementarya sa The National Teachers College taong 2009. Siya ay aktibong miyembro ng T.I.T.S.E.R Org. na nagsasagawa ng mga outreach programs sa mga kabataan na nagalalayong malinang ang kakayahan sa larangan ng edukasyon, isports at pangangalaga sa kalikasan. JOSEPH G. TRINIDAD Si G. Joseph G. Trinidad ay guro at kasalukuyang ICT Coordinator sa Paaralang Apolinario Mabini. Siya rin ay Level 1 at 2 Adobe Creative Educator na nagagamit niya sa paghasa ng kaniyang talento sa pagguhit ng mga tauhan sa kuwento. Tungkol sa May Akda 15
Masinop ka ba sa iyong mga gamit? Inilalagay mo ba sa tamang lagayan ang mga laruan mo pagkatapos mo itong gamitin? Kilalanin ang bida sa kuwento na si Arlyn at alamin natin ang aral na kaniyang natutunan isang araw nang siya ay naghahanap ng kaniyang pulang payong.