The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.

INTRO
TERM 1
SY 2020-2021

Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by nicolas.da, 2021-07-06 06:56:55

PRAXIS

INTRO
TERM 1
SY 2020-2021

ARALIN 1 – BATAYANG KAALAMANG
PANGWIKA: Kahulugan, Katangian,
Kaugnayan, Kahalagahan

SARILING PAGPAPAKAHULUGAN

Mula sa natutuhan sa kahulugan, katangian, kahalagahan, kasaysayan, at kaugnayan
ng wika. Bigyan ito ng sariling pagsasakatuturan. Gamit ang mga tiyak na titik, gawing
gabay ito upang makabuo ng iba pang anyo ng sining o obra ukol sa pagpapahalaga sa
wika. Ipaskil sa sumusunod na bahagi ang naging likha.

Gawing pamantayan ang sumusunod:
▪ nilalaman ng akronim---------------------------------5 puntos
▪ malikhaing sining---------------------------------------5 puntos

KABUUANG PUNTOS-------------------------------10 puntos

Aking Akronim Aking Obrang Sining Mula sa Akronim

Wastong
Impormasyo’y

Kailangan
Aralin

UMBRELLAGOM

Gawing gabay ang grapikong pantulong upang lagumin ang mga natutuhan sa aralin.
Mula sa sariling paglalagay ng mga kaisipan, gumawa ng komprehensibong buod o lagom.

Ang pagtuturo ng wika ay may iisang layunin na maghatid ng pagkatuto. Sa
pagkatuto inaasahang magkakaroon ang mga mag-aaral ng pormal na kabatiran
sa wika. At kalauna’y mauwi sa pagtamo o acquisition ng lahat ng mga kakayahang
kinakailangan upang magamit nang epektibo ang wika. Mahalagang tandaan na
itinuturo ang wika bilang bahagi ng paglinang ng mga kakayahan upang matiyak
na ito’y natututuhan at natatamo.

PLANUHIN ANG BUKAS

Gamit ang digiposter, gawing inspirasyon ito sa pagbuo ng tatlong kongkretong plano
upang maging epektibong guro ng wika sa hinaharap.

1. Palaging maging handa, sa isip sa gawa, sa lahat ng aspeto, dahil ang
handang guro ay hindi kailanman malilito.

2.
Isapuso ang layunin ng pagtuturo, dahil kapag alam mo ang tunguhin at
kung para saan ka nagtuturo, kusang lalabas ang galing ng guro.

3.
Panatilihin ang magandang ugnayan sa mag-aaral, mahalaga na
magkaroon ng personal na koneksyon sa kanila upang maging magaan
ang pagpapadaloy ng kaalaman.

ARALIN 2 – UMUUSBONG NA
GRAMATIKA: Implikasyon sa
Konseptong Pangwika at Lipunan

DALOY NG PAG-UNAWA

Gawing batayan ang pinatnubayang talahanayan upang gawin ang pagsusuri sa
binasang artikulo.

AKING NAPANSIN Napansin kong patuloy na nagbabago ang wika. Hangga’t

*mga naobserbahan sa ginagamit ito ng mga tao, nagpagpapasa-pasa’t, napagpapalit-
artikulo mula sa halimbawa
palit, lalo itong yumayaman at lumalago.

AKING NADAMA Namangha ako sa pinakitang kakayahan ng wika na maging
*mga naramdaman sa
artikulo mula sa paliwanag transpormatibo.

AKING Napakahalaga ng pakikinig at pagoobserba sa pagaaral ng wika.

NAPAGTANTO Hindi lamang dapat bumabase sa mga nakatala na at

*mga nabuong bagong nakalimbag sa libro dahil may mas malaking mundo pa ng wika
idea
na hindi pa natutuklas o minsa’y hindi pa kinikilala ng mga

eksperto.

AKING

NAPAGMUNI-MUNI Bakit magkaiba ang bigat sa pagpapatupad ng mga konsepto ng

*mga nabuong tanong sa gramatika o balirala sa pasalita at pasulat na paggamit ng wika?
sarili na nais linawin sa

guro

AKING PASYA Dapat na maging bukas ang mga tao sa transpormasyong

*mga nabuong malinaw na

diwa at mensahe sa patuloy na nangyayari sa wika.
madaling sabi o salita

Samakatuwid, ang sa akin lang:…

buhay ang wikang Filipino. At lahat ng wikang buhay ay patuloy na magbabago dahil isa ito sa
mga katangian nito. Bilang isang magiging guro ng wika, handa dapat ako palagi sa mga

aspetong magbabago at kinakailangang sa akin mismo magsimula ang pagkilala sa mga ito. Sa
ganoong paraan, mas magiging progresibo ang transpormasyon ng wika at mas mapapabilis

ang pagtanggap ng mga tao dito. Dapat ring mapagtibay ko ang pundasyon ng kaalaman ko sa
wika. dahil bukas man sa pagbabago, mayroon pa ring mga batas na dapat gawing gabay sa
paggamit nito. Tulad nga ng sinabi sa artikulo na may mga paraan ng paggamit sa wika na
nananatiling konserbatibo at mayroon naming mabilis ang nangyayaring pagbabago.

ANINO NG KONSEPTO

Mula sa mga konseptong pangwika, pumili ng limang kaisipan at iugnay ito sa
mensaheng nais iparating ng artikulo ukol sa umuusbong o sumisibol na wika.

dinamiko ang mental at di sosyolinggwistika
wika mental na
gramatika

berbal, di-berbal, pragmatika jargon
at birtuwal na
komunikasyon

Sapir-Whorf register slang
Hypothesis

Bl KONSEPTONG PAG-UUGNAY at PAGLALAHAT

g. PANGWIKA

1. DINAMIKO ANG WIKA Ang buhay na wika ay dinamiko. Nakararanas ito ng parehong

malalaki at maliliit na pagbabago. Sa paglipas ng panahon, maraming

bagong salita na naiimbento at natutuklasan ng iba’t ibang grupo.

Minsan pa’y dahil sa pakikisalamuha sa mga dayuhan, nadadala natin

ito sa ating pakikipagdiskurso.

2. BERBAL, DI-BERBAL, Maraming implikasyon ang paggamit ng iba’t ibang paraan ng
AT BIRTUWAL NA komunikasyon. Ang iba’y may disbentahe pa tulad ng pagkakauwi sa

di pagkakaunawaan. Matagal nang ginagamit ang berbal at di-berbal

KOMUNIKASYON na komunikasyon, at bago lamang ang sa birtuwal. Mahalagang mag-
ingat. Hindi lamang sa pakikipagusap gamit ang isang espisipikong

paraan ng komunikasyon bagkus ay sa lahat. Panatilihin ang respeto
dahil ito’y magbubunga ng maayos at progresibong diskurso.

3. PRAGMATIKA Lahat ng bagay na pinapanood, naririnig, o pinaguusapan ay may
kalakip na kontekso sa likod nito. Mahalagang alamin ang kontekso ng

bawat nalalaman upang hindi ito mauwi sa di-pagkakasunduan at

mabigyan ng ibang pakahulugan.

4. MENTAL AT DI MENTAL Mahalaga ang kakayahan ng isang tao na magpahayag ng kaniyang
saloobin at naiisip sa isang mabisa o epektibong paraan. Ang
NA GRAMATIKA kakayahang ito ay nakabase sa kaniyang karanasan sa

pakikisalamuha at pakikipagtalastasan.

5. SOSYOLINGGWISTIKA May malaking ambag ang lipunan sa kakayahan ng isang tao na
makapagpahayag. Ang batang lumaki sa isang ‘expressive’ o bokal na

pamilya ay maaaring lumaking marunong maghayag ng kaniyang

nararamdaman at saloobin. Sa kabilang banda naman, ang batang
may tahimik at ‘reserved’ na miyembro ng pamilya ay mahihirapang

matuto kung paano ilabas o ipahayag ng maginhawa ang kaniyang

mga nais sabihin. Sa ganitong paraan nahuhubog ang kakayahang
pangkomunikatibo ng mga mag-aaral kaya’t dapat na sa paaralan

matulak ng mga guro, lalo na ng mga gurong pangwika, ang mga

mag-aaral na lumabas sa kanilang nakasanayan at bumuo ng isang

silid o maliit na lipunan na magiging bukas at malaya sa

pagpapahayag.

NILAY-SANAYSAY

Bumuo ng sanaysay na mapagnilay. Tiyaking naglalaman ito ng mga napag-isipan,

napagbulay-bulayan, at napagtanto mula sa natutuhan sa aralin. Sikaping mapalulutang

ang pagiging replektibo ng sulatin.

Gawing pamantayan ang sumusunod:

▪ kaisipan at nilalaman---------------------------5 puntos
▪ estilo ng pagsulat--------------------------------4 puntos
▪ gramatika------------------------------------------3 puntos
▪ sinop at linis ng gawa---------------------------2 puntos
▪ takdang oras--------------------------------------1 puntos

KABUUANG PUNTOS-------------------------15 puntos

GULONG NG WIKA

Nagbabago ang panahon. Ang paraan ng pamumuhay ng mga tao’y nagbabago rin. Mula sa telepono
ay nagkaroon ng mga smartphones, ang takure ay naging di saksak na water heaters, ang tabo ay naging
shower at bidet. Kasabay ng pag-agos ng panahon ay ang pagbabago ng mga nakasanayan, at hindi ligtas
ang wika sa mga pagbabago.

Jejemon. Bekimon. Conyo. Ilan lamang iyan sa mga napakaraming wikang naging ‘uso’ sa Pilipinas
na kalauna’y naging parte na ng pamumuhay ng mga Pilipino. Sa una ay may isang grupo lamang na
gumagamit nito. Halimbawa na lamang ng sa Bekimon o mas kilala bilang gay-lingo, na orihinal na nagmula
sa mga kapatid nating bakla o gay. Ilan sa mga pinakasumikat na salita sa gay-lingo ay ang “charot” na
nangangahulugang biro lamang, “hanash” o maraming sinasabi o ganap, at “crayola” o iyak. Noong una’y
eklusibo lamang ang paggamit nito sa mga orinihal na nakalikha ng wika ngunit kalaunan, naging bukas ang
mga tao sa paggamit nito. Nang maipaliwanag ng mga lumikha ang konteksto ng mga salita sa kanilang mga
nakakausap at nakakasalamuha, unti-unting lumaganap ang paggamit nito. Ngayo’y wala nang kinikilalang
kasarian ang wika at mapabata o matanda’y gumagamit na ng mga salitang ito.

Sa mundo naman ng mga text o mensahe sa telepono nabuo ang wikang Jejemon. Isa itong
baryasyon ng wika na gumagamit ng ilang mga numero, iba’t ibang lettercases, at pagpapaikli sa pagtitipa.
Halimbawa nito ay “Wer na u? /W3r n4 u?” na nangangahulugang ‘nasaan ka na?’ o ‘where na you’ kung
itatama ang pababaybay. Maaaring sagot naman sa halimbawa ay ang “D2 na me.” na gumamit ng numerong
‘2’ para sa pantig na katunog nito. Hindi tukoy ang pinagmulan o kung sinong nakatuklas ng baryasyon ng
wikang ito pero biglaan na lamang itong umusbong at di naglaon, marami na ang gumagamit o gumagawa.
Siguro’y isa sa dahilan ng paglaganap nito ay ang bilis o napapaikling oras ng pagtatype. Sa kasalukuyan,
ginagamit pa rin ng ilan ang ganitong paraan ng pagtitipa at hindi na lamang ito nakikita sa pagte-text kung
hindi pati na rin sa mga post sa birtuwal na mundo.

Dahil sa artikulong Sumisibol na Gramatika sa Filipino, nabalikan ko ang mga halimbawang ito na
patunay na talagang nagbabago ang wika. Hindi lamang iyon, napagnilayan ko rin na nagbabago ang wika at
sumusunod tayong mga gumagamit nito sa pagbabago. Dahil dito, naihalintulad ko tulong ang wika sa isang
gulong. Marami itong pinagdadaan, ang gulong ay ibinabiyahe sa malubak, maputik, mabato, at makinis na
daan. Ang wika naman ay pinagpapasa-pasahan ng mga gumagamit nito, ngunit tulad ng sa gulong, hindi ito
humihinto. Patuloy na sumusunod sa pagmamaneho ng drayber nito at tumitigil man pansamantala, lalarga
pa rin ito muli. Maaaring mabutas o maluma ang gulong ngunit palaging maaaring itong i-repair o ayusin,
ngunit ang bakas ng mga pinagdaanan nito ay hindi mawawala sa kaniya. Gayundin ang wika, bawat taong
pinagdaluyan nito ay may pagbabagong hatid sa kaniya, maliit man o malaki. Kaya’t upang tuluyang
maintindihan ang konteksto ng wika, mga baryasyon nito at maliliit na pagbabago, dapat nap ag-aralan itong
Mabuti at palaging maging bukas sa pagtanggap.

ARALIN 3 – DULOG PANGWIKA:
Mabisang Pagkatuto at Pagtatamo ng

Wika

KALAP-KAUSAP

Gawing halimbawa ang pagkalap ng aktuwal na sinabi ng isang dalubhasa mula sa
pinag-aralang paksa. Mula sa pahayag ay bumuo ng katanungan at posibleng
kasagutan na tumutugma sa orihinal na kaisipan o pahayag.

“an emphasis on active process of construction [of meaning],
attention to text as a means of gaining insights into those
processes, and an interest in the nature of knowledge and its
variations, including the nature of knowledge associated with
membership in a particular group.”

-Spivey, 1997

Aking Tanong: Aking Sagot:

Paano naaapektuhan ng lipunan ang Sa teoryang Constructivism, malaki ang
pagkatuto ng wika ng isang tao? ginagampanang papel ng lipunan o grupong
kinabibilngan ng isang indibidwal sa pagbubuo niya
ng pakahulugan sa mga salita ng isang wika.
Nakabubuo siya ng sariling perspektibo na tanging
siya lang at grupo nila ang madaling makakaintindi.

“We are all born with an innate knowledge of grammar that serves as
the basis for all language acquisition. In other words, for humans,
language is a basic instinct.”

-Noam Chomsky

Aking Tanong: Aking Sagot:

Ipinanganak ba ang tao nang may Hindi basta basta ang pagaaral ng wika at ang
kakayahang pangwika na? mga tao ay ipinanganak nang mayroon ng
pundasyon upang matutuhan ito. Ayon nga kay
Chomsky, ang wika ay likas sa tao.

DALUMAT-SALITA

Mula sa mga natutuhan sa aralin ukol sa iba’t ibang teorya, bumuo ng sariling kaisipan
na maaaring natutuhan sa anyong:

▪ tambalang salita
▪ bagong likhang salita
▪ binubuhay na salita
▪ akronim ng mga titik na may diwa
▪ at iba pa.

Kaligiran o Etimolohiya Salita:
ng Salita: MaMuBa

Ito ay bagong likhang salita
na nagmula sa mga unang
pantig ng tatlong salita na:

Masid, Mulat, at Bahagi.

MGA HAKBANG/PROSESO sa
PAGGAMIT ng SALITA sa

PAGTUTURO/PAGKATUTO ng
WIKA

1. Ihanda ang sarili sa 2. Ipakilala sa klase ang 3. Upang mabilis na
pagtalakay ng araling mga konsepto ng mga maalala ng klase ang
may kinalaman sa mga teoryang Structuralism, mga aralin, gamitin ang
MaMuBa na sumisimbolo
dulog pangwika. Cognitivism, at
Constructivism. sa Masid, Mulat, at
Bahagi na kanilang
maikokonekta sa tatlong
pangunahing teorya.

ABKD NG MGA DALUBWIKA (Alpabeto ng mga Dalubhasa sa
Larangang Pangwika)

Magsaliksik at mag-ambag sa klase ng mga personalidad para bumuo ng talaan ng mga
kilalang pantas sa larangang pangwika.

DALUBWIKA PERSONAL NA AMBAG SA LARANGAN
(apelyido, pangalan, IMPORMASYON (konseptong pangwika,
palayaw kung meron) (kapanganakan, petsa ng teorya, idea)
kapanganakan, paaralan)
1. Clark, Eve V. Pagtamo ng unang wika (First
2. de Saussure, Ferdinand Hulyo 26, 1942 Language Acquisition)
University of Edinburgh • Structural Linguistics
3. Grice, Herbert Paul Nobyembre 26, 1857 – Pebrero 22, • Langue
4. Hymes, Dell Hathaway 1913 • Parole
University of Geneva
5. Jakobson, Roman Osipovich Leipzig University (PhD) • Kilala sa ambag niya sa
University of Berlin pragmatiks
6. Lopez, Cecilio F. Marso 13, 1913 – Agosto 28, 1988
7. Pinker, Steven Arthur Corpus Cristi College • Cooperative principle
• SPEAKING (model)
8. Santos, Lope K Hunyo 7, 1927 – Nobyembre 13,
2009 • Tungkulin ng Wika (Jakobson’s
9. Sapir, Edward Reed College Functions of Language)
10. Whorf, Benjamin Lee Indiana University (PhD)
Oktubre 11, 1896 – Hulyo 18, 1982 • Ama ng Linggwistikang Pilipino
Lazarev Institute of Oriental • Sumulat ng “A Manual of the
Languages
Moscow University Philippine National Language”
Pebrero 1, 1898 – (Hindi Nakatala) • Sumulat ng “The Language
University of Hamburg
Instinct”
Setyembre 18. 1954 • Binigyang-diin ang biyolohikal
Dawson College
McGill University (BA) na aspeto ng language
Harvard University (PhD) acquisition
• Ama ng Pambansang Wika at
Setyembre 25, 1879 – Mayo 1, Balarila ng Pilipinas
1963 • Balarila ng Wikang Pambansa
Escuela de Derecho (Manila Law • Naging director ng Surian ng
College Foundation) WIkang Pambansa (1941-
1946)
Enero 26, 1884 – Pebrero 4, 1939 • Sapir-Whorf hypothesis
Columbia University • Anthropological linguistics
Abril 24, 1897 – Hulyo 26, 1941 • Sapir-Whorf hypothesis
Massachusetts Institute of • Allophone
Technology • Sumulat ng "Four articles on
Metalinguistics"

ARALIN 4 – GRAMATIKAL NA
PARAAN: Lunsaran ng Pagtuturo at

Pagkatutong may Batayan

UGNAY-PALIWANAG

Pansinin ang larawan ukol sa pagdalumat sa konsepto at kaisipan na may kinalaman
sa dulog. Mula sa presentasyon ay bumuo ng pagsusuri sa pamamagitan ng
paglalahad ng tatlo-limang pangungusap.

Approach o dulog o lapit ang tawag sa
kabuoan ng mga pala-palagay hinggil
sa kalikasan ng wika. Napagpapalit
man minsan ang paggamit sa dulog at
lapit, higit namng sinasang-ayunan na
mas dapat gamitin ang saling ‘dulog’

kaysa ‘lapit’. Habang pasibo ang
salitang lapit, aktibo naman ang

salitang dulog. Tila ba mas
nagpapahiwatig ito ng pagkilos, may
kaluluwa at may puso sa aspetong

pagtuturo.

TULONG-DUNONG

Sandigan ng mga guro sa pagtuturo ang mga dulog teoretikal. Iba-iba man ang proseso
o paraan ng pagtuturo, iisa lang ang tunguhin ng bawat guro, ito ay makamit ng mga
Pagsama-samahin ang iba’t ibang kaisipang natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng
sariling grapikong pantulong. Matapos bumuo ng grapikong pantulong ay lagumin ito sa
pamamagitan ng paglikha ng butil-karunungan.

Ang aking butil ng karunungan ay…
mag-aaral ang pagkatuto. Sa pag-aaral ng mga dulog, nariyan ng ang mga unang tatag
na teorya o paniniwala na siyang pinagbatayan rin ng mga bagong usbong na teorya.
Sa paglipas ng panahon, tulad ng mga dulog, umaayon dapat ang paraan ng pagtuturo
ng guro base sa kasalukuyang pangangailangan ng mga mag-aaral.

MUNGKAHING GAWAIN

Bumuo ng tiyak na gawain o pagsasanay sa pagtuturo ng isang aralin sa wika. Tiyaking
pagsasanibin ang iba’t ibang prinsipyong pedagohikal mula sa natutuhang teorya o

dulog. Gawing gabay ang sumusunod na palatandaan sa pagtuturong tiyak na kaabang-

abang.

Pamagat ng Gawain Tatsulok ng Pagkatuto
Tiyak na Paksa Pangngalan
Pinagbatayan
Maggu-grupo ang klase sa tatlo at poposisyon sa tatlong
Layunin sulok na itatakda ng guro. Magkakaroon ng isang takdang
Paraan Batay sa “3I” laro sa bawat sulok. Sa una ay ang Pinoy Henyo kung saan
ang mga miyembro ng grupo ay manghuhula ng tig-iisang
pangalan ng tao, bagay, hayop, at pook. Sa ikalawang
sulok naman ay maglalaro sila ng ABC Apple, mamimili sila
mula sa apat na kategorya at iyon ang pagpapasa-pasahan
nila hanggang sa may isang matira sa mga manlalaro. Sa
huling sulok naman ay ang larong pasulat na PANTS, na
akronim ng Place, Animal, Name, Things, at Score. Iikot
ang mga grupo sa bawat sulok hanggang sa matapos nila
ang lahat. Matapos ang laro, magtitipon ang lahat sa gitna
ng tatsulok at sisimulan na ng guro ang paglalahat o
pagbubuod (Dulog Pabuod).
Sa pamamagitan ng paglalaro, matuklasan ng mga mag-
aaral ang iba’t ibang halimbawa ng mga pangngalan sa
mga kategorya ng tao, hayop, bagay, at pook.

Impormatibo: Ang lahat ng laro ay nagtataglay ng
impormasyon o kaalaman na patungkol sa paksa.
Instruksyunal: Ang gawaing ito ay maaaring magamit hindi
lamang sa ganitong pamamaraan, kung hindi maaari pa
itong i-modify o baguhin depende sa kahingian ng paksa.
Inobatibo: Malaking tulong ang gamification o paggamit ng
laro sa pagtuturo dahil nakukuha agad nito ang interes ng
mga mag-aaral.

ARALIN 5 – YUGTO NG PAGKATUTO
NG WIKA: Iba’t Ibang Paraan Tungo sa

Tamang Patutunguhan

HANAY-KAISIPAN

Punan ang talahanayan. Gawing gabay ang hinihinging impormasyon sa pagbuo ng pagsusuri.

YUGTONG PASUMALA KAHULUGAN KATANGIAN
• paglalarawan sa katangian ng
• isang susing salita • isang pangungusap ng sariling
bata
pagpapakahulugan

TUNOG Yugto kung saan nagsisimula ang Ang bata ay nagsisimula nang matututo na
panggagaya at pag-uulit sa tunog ng nasa lumikha ng mga tunog na binubuo ng isang

paligid pantig ng katinig-patinig.

Mula sa yugtong ito, nangangahulugang ang katangian ng bata ay paiba-iba o random. Lumilikha o bumibigkas man ang bata ng tunog,

ang paggaya at paguulit nila sa mga ito ay walang kahulugan.

YUGTONG UNITARY KAHULUGAN KATANGIAN

• isang susing salita • isang pangungusap ng sariling • paglalarawan sa katangian ng

pagpapakahulugan bata

HOLOPHRASTIC Sa pamamagitan ng isang salita lamang, Mas mabilis na umuunlad ang pisikal na

nagpapahayag ang bata sa yugtong ito ng katangian ng bata kaysa sa pagbubuo nito

kaniyang ideya, gustong sabihin, o ng pangungusap o parirala.

nararamdaman.

Mula sa yugtong ito, nangangahulugang ang katangian ng bata ay unti-unti nang lumalago kahit na nasa mabagal itong proseso. Di hamak

ring mas mabilis na umuunlad ang pisikal na aspeto ng bata kaysa sa pagsasalita at bokabularyo nito.

YUGTONG EKSPANSYON at KAHULUGAN KATANGIAN

DELIMITASYON • isang pangungusap ng sariling • paglalarawan sa katangian ng

• isang susing salita pagpapakahulugan bata

KURYOSIDAD Sa yugtong ito, may kakayahan na ang Nakakabuo na ng mga parirala (dalawang

batang magpahayag ng kagustuhan at salita) upang maipahayag ang kaniyang

mga katanungan sa pamamagitan ng gustong sabihin.

dalawang salita.

Mula sa yugtong ito, nangangahulugang ang katangian ng bata ay higit nang malaki ang iniunlad mula sa unang yugto. Sa yugtong ito
rin nagsisimulang magtanong ng magtanong ang mga bata patungkol sa mga bagay na kanilang nakikita sa paligid, kaya’t mahalaga

ang paggabay ng mga magulang sa yugtong ito

YUGTONG KAMALAYANG KAHULUGAN KATANGIAN

ESTRUKTURAL • isang pangungusap ng sariling • paglalarawan sa katangian ng

• isang susing salita pagpapakahulugan bata

HULMA Marunong na ang bata na bumuo ng sarili Wala nang limitasyon sa bilang ng salita

niyang paglalahat. ang kayang bigkasin ng bata.

Mula sa yugtong ito, nangangahulugang ang katangian ng bata ay malaya na mula sa paggabay ng mga magulang. Ang kakayahan

nilang bumuo ng pansariling paglalahat ay nagreresulta ng kakayahan nilang bumuo at magpahayag ng abstraktong ideya.

YUGTONG OTOMATIK KAHULUGAN KATANGIAN

• isang susing salita • isang pangungusap ng sariling • paglalarawan sa katangian ng

pagpapakahulugan bata

HANDA Ito ang yugtong may kabatiran na ang bata Epektibong naipapahayag ang kanilang

sa balarila ng wikang kaniyang ginagamit. ideya at damdamin tulad nang sa

matanda.

Mula sa yugtong ito, nangangahulugang ang katangian ng bata ay mayroon na siyang kahandaan upang pumasok sa paaralan. Mula sa
pagkakabatid ng balarila at kakayahang magpahayag ng emosyon at saloobin tulad nang sa matanda, senyales ito na may kakayanin

nang tumayo ng bata sa sarili niya.

PULOT-KAALAMAN

Kumuha ng tatlong kaisipan at bumuo ng bagong kaisipan sa anyong pulot o hugot.

yugto ng pagkatuto

unitary, pasumala, kamalayang
estruktural

otomatik, ekspansyon at delimitasyon

1. Lahat tayo’y nagsisimula sa wala at tulad ng mga batang
natututo pa lamang lumikha ng tunog, unti-unti ka ring
PASUMALA magsikap.

2. Maging bukas sa pagtatanong, punuan ang kuryosidad mo,

EKSPANSYON
AT at sa darating na panahon ay sa iyo naman manggagaling

DELIMITASYON ang sagot.

3. Lalaya ka rin mula sa pagkakagapos sa kamang-mangan at
sa oras na mangyari iyon, pasasalamatan mo ang lahat ng
OTOMATIK

iyon napagdaanan.

10 UTOS NG GURO SA PAGTUTURO

Bumuo ng sampung gabay sa epektibong pagtuturo ng wika mula sa natutuhan sa
aralin. Isang pangungusap bawat utos o gabay.

1. Maging handa palagi.
2. Huwag kabisaduhin ang tatalakayin, intindihin ito.
3. Isapuso ang kagustuhan na magbahagi ng kaalaman.
4. Pumasok nang may baon na pasensya.
5. Huwag kalimutang ngumiti.
6. Makipag-kamustahan sa mga mag-aaral.
7. Huwag kalimutang iparamdam pa rin ang iyong awtoridad .
8. Punan ang katanungan at kalituhan ng mga mag-aaral.
9. Huwag kakaligtaang magbigay ng papuri.
10. Siguraduhin masaya ka sa iyong ginagawa.

ARALIN 6 – SIMULAIN SA
PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG

WIKA: Batayang Simula sa Di
Magmamaliw na Pang-unawa

DSL SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG WIKA

Tunghayan ang isang presentasyon kaugnay ng iba’t ibang simulain sa pagtuturo at
pagkatuto ng wika. Gamitin ang ilustrasyon sa pagsusuri at pagsasakatuparan ng iba’t

ibang gawaing pampagkatuto.

BASANAWA: Basahin at unawain ang DSL bilang pagmumulan ng mga kasagutan.

A. Sa pagtuturo, ano ang tinutukoy na dapat, sapat, Mahalagang ang pagtuturo pati na ang guro ay dapat na handa, may sapat na kaalaman

at lapat? sa mga makabagong paraan ng pagtuturo, at naila-lapat ang aralin sa kasalukuyang
panahon.

B. Bakit magkaugnay ang DSL sa iba’t ibang Dahil nakatuon ang mga simulain sa mga karanasan at lebel ng kaalaman ng mga mag-

tinalakay na prinsipyo at simulain sa pagtuturo at aaral, dito nakadepende ang lalamanin at atakeng gagawin para maging matagumpay

pagkatuto ng wika? ang DSL.

C. Paano dapat alalahanin ang DSL ng magiging Tanging layunin ng guro ang matamo ng kaniyang mga mag-aaral ang mabungang

guro ng wika, panitikan, at bayan sa hinaharap? pagkatuto at para makamit iyon, magandang gawing batayan sa pagbuo ng estratehiya
ang simulain o adbokasiyang DSL.

BIGAY-HALIMBAWA: Magbigay ng tiyak na sitwasyon sa silid-aralan na magpapakita ng simulain o
prinsipyong DSL. Mainam na gumuhit o magdikit ng larawan bago bigyang-paliwanag ang tiyak na
sitwasyon.

D S L

DAPAT___________ SAPAT___________ LAPAT___________

Paghahanda. Bawat aralin ay masusing sinasaliksik, Estratehiya. Ang bago at usong estratehiya Tuhog. Ang ibibigay na kaalaman ng aralin
pinagpaplanuhan, at pinaghahandaan ng guro bago ay tiyak na makukuha ang interes at sa mga mag-aaral ay madali nilang
pa man dumating ang araw ng paghahain at atensyon ng mga mag-aaral. Maaaring malilimutan kung hindi nito matutuhog ang
pagtatalakay nito sa klase. Ang gurong handa ay may gumamit rin nga mga kagamitang
baong kaalaman sa paksa ay tiyak na magbibigay ng pampagtuturo halimbawa ay video, teksto, o kanilang isipan at puso. Mahalagang mai-
lahat ng mayroon siya sa klase. kanta. Huwag ding kalilimutan ang mga ugnay ang aralin sa kasalukuyang lagay ng
palaro upang maging talagang epektibo ang mga mag-aaral, paaralan, o ng pamayanang
pagtuturo. sila’y nabibilang.

GAMIT-PANANDANG SALITA

Mula sa mapipiling tatlong salita, bumuo ng paglalahat sa natutuhan sa aralin.

Kung kaya

Marahil Sa ganang akin, hindi lamang dapat
umiikot sa guro ang talakayan, hindi
Samakatuwid
dapat lahat ay nakabase sa
Sa ganang akin kaniyang mga napag-aralan at dati
Kung tutuusin nang nalalaman. Kung kaya bilang
guro sa hinaharap, sisikapin kong
maging isang guro na inuuna ang
kahingian ng kaniyang mga mag-

aaral. Samakatuwid, nagbabago
ang panahon, ang ugali at pananaw

ng mga kabataa’y mabilis na
nagbabago kaya lagi’t laging dapat
handa ako bilang guro sa mga bago

at usong pamaraan lalo na sa
pagtuturo.

TALAARAWAN NG TANONG AT KASAGUTAN

Gawing gabay ang talaarawan sa pagninilay ng natutuhan sa aralin gamit ang

ugnayang-tanong at sagot.

LUNES Ang Aking Tanong Ang Aking Pagninilay
Petsa: Nobyembre 23, Gaano kahalaga ang mga Napakahalaga. Kaya nakaramdam
2020 simulain sa pagtuturo at ako ng pagkukulang dahil ngayon ko
Pakiramdam ko ako’y: pagkatuto ng wika sa akin lang nalaman ang mga ito. Peor bilang
Kulang bilang guro? konsolasyon, nagsisimula pa lang
naman ako sa pag-aaral na maging
MARTES Ang Aking Tanong mahusay na guro kaya’t ganito man,
Petsa: Nobyembre 24, Kinakailangan ba talaga mahaba pa ang panahon ko para
2020 ang pagbibigay ng mapagnilayan at matutuhan ito.
Pakiramdam ko ako’y: gantimpala sa pagtuturo?
Namangha Ang Aking Pagninilay
Ang Aking Tanong Namangha ako nang sa aking
MIYERKULES Alin sa mga nakuha ko sa pagbabasa, napatunayan pala ng
Petsa: Nobyembre 25, BINHI 2020 na maiuugnay ilang mga pananaliksik na malaki ang
2020 ko sa aralin na ito ang parte ng “incentives” sa motibasyon
Pakiramdam ko ako’y: pinakatumatak sa akin? ng mga mag-aaral na matuto.Mas
Busog Malaki ang gantimpala, mas nagiging
Ang Aking Tanong aktibo sila sa klase at kasabay noon,
HUWEBES natututo rin sila.
Petsa: Nobyembre 26, Ano kayang klase ng mga
2020 Ang Aking Pagninilay
Pakiramdam ko ako’y: mag-aaral ang Marami ngunit dahil kailangang
Napapaisip pumili, naalala ko ang sinabi sa
mahahawakan ko sa klase seminar na bilang guro, mahalaga na
BIYERNES ikaw mismo ay may tiwala sa sarili’t
Petsa: Nobyembre 27, sa hinaharap? kaalaman na ihahain mo sa klase.
2020 Nararamdaman ng mga mag-aaral
Pakiramdam ko ako’y: Ang Aking Tanong kapag hindi handa ang guro, at
Nasasabik Handa na baa ko maging kalauna’y mawawalan sila ng gana na
guro ng wika at panitikan makinig sa iyo, kaya hindi ko
para sa bayan? makakalimutan na palaging magbaon
ng kumpiyansa sa sarili dahil saying
ang paghahanda kung hindi mo ito
maipapakita ng maayos sa mga mag-
aaral mo.

Ang Aking Pagninilay
Nagbabago ang panahon at ang
panghuhula sa mga magiging
kasanayan ng mga tao, lalo na ng
mga kabataan sa hinaharap ay
imposible. Bawat mag-aaral rin ay
magkakaiba ng background o
pinanggalingan kaya naman walang
akong ibang maaaring gawin kung
hindi ihanda ang aking sarili.

Ang Aking Pagninilay
Hindi ko masasagot ng diretsahan
ang tanong pero ang masasabi ko
lamang, kasalukuyan pa akong
inihahanda ng Pamantasan para sa
pagiging isang gurong mahusay at
taglay ang kaniyang mga prinsipyo.

ARALIN 7 – PARAAN SA PAGTUTURO
NG WIKA: Metodong Sandigan, Wika

ang Matututuhan

TALA-TALAS-TALAB

Itala ang mga nabanggit na iba’t ibang estratehiya mula sa artikulo. Ipagpalagay na ito

ang gagamiting estratehiya sa pagtuturo ng isang tiyak na araling pangwika,

maghinuha sa posibleng maging bunga gamit ang hinihinging impormasyon ng

talahanayan.

ESTRATEHIYA TALAS: Ano ang kahulugan ng TALAB: Paano ito gagamitin

estratehiya? sa pagtuturo ng araling

pangwika?

1. MGA Ito ay koleksyon ng mga awtentiko o Mahalaga ang halimbawa sa pagtuturo at sa
AWTENTIKONG aprubadong aklat, artikulo, resipe, journal, pamamagitan ng mga awtentikong teksto, mas
TEKSTO entry, at iba pa na maaaring gamitin sa magiging personal ang danas ng mga mag-aaral
pagtuturo. sa pagtuklas at pagbasa ng iba’t-ibang sulatin.
2. TSUBIBO NG
KARUNUNGAN Isang gawaing pangkatan sa silid-aralan na Maaaring gamitin ang estratehiyang ito sa
humihimok sa mga magaaral na magkaroon ng pagtalakay ng isang kwento o nobela. Bawat
interaksyon sa isa’t isa at magamit ang pangkat ay may nakatalagang bahagi at sila ang
kanilang mga natututunan tungkol sa wika, magbabahagi nito sa iba pa nilang kaklase. Sa
retorika, at gramatika sa pakikipagtalastasan. ganoong paraan, nalilinang ang kakayahang
pangkomunikatibo ng mga mag-aaral.

3. BINTANA NG Estratehiya na nakapokus sa bawat isang May atakeng personal ang estratehiyang ito

KAALAMAN indibiduwal na magaaral. Layunin nitong dahilsa tulong ng isang bahagi nito na

mataya ang kakayahan niya sa mabisa at magbubukas sa Emosyon ng mag-aaral habang

epektibong pagpapahayag. talakayan. Sa tulong non, masisiguro ang na ang

pagkatuto ng mga mag-aaral ay talagang tumimo

at tumatak hindi lamang sa isip nila, kung hindi

pati sa puso.

4. DUGTUNGANG Isa itong gawain sa silid-aralan na susubok sa Tulad nang sa Tsubibo ng Karunungan, maaaring

PASALAYSAY kaalaman ng mga mag-aaral sa kwento o pareho ng atake ang gawin, ngunit sa

nobelang kanilang tinatalakay. Hahasain nito estratehiyang ito, walang siguradong

ang bilis ng isip ng mga mag-aaral. nakatalagang parte na dapat tandaan ang mga

mag-aaral. Mas magiging epektibo ang

estratehiyang ito kung biglaan ang pagpili sa

mag-aaral upang lumabas talaga ang lebel ng

pagkakaintindi nila sa inaaral na teksto o kwento.

5. PILIPINOLIMPIKS Isa itong paligsahang pangsilid-aralan na Anumang estratehiya na nasa paraang palaro ay

tataya sa kaalaman ng mga mag-aaral sa mga tiyak na kagigiliwan ng mga mag-aaral. Mas

naging aralin nila sa asignaturang Filipino. epektibong gamitin ang palarong ito sa bandang

huling mga linggo ng semestre o klase bilang

pagtataya ng kanilang mga natutunan sa buong

kurso.

PULOT-DULOT

Kumuha ng konsepto o kaisipan sa presentasyon at ilustrasyon. Iugnay ito sa
pangkalahatang nilalaman ng aralin: metodo o paraan ng pagtuturo ng wika. Tiyaking
ipakita ang dulot o relasyon ng pinulot o piniling ideya.

Susi ang apat na konseptong Mula sa guro, patungo sa mga mag-
aaral, malaki ang parte ng mga
pedagohikal sa mabisa, mapuso, at konseptong pedagohikal sa daloy ng
tatatak na pagtuturo’t pag-aaral. pagtuturo. Kaya’t sa pamamagitan ng
paggamit ng tamang timpla ng dulog,
pamaraan, estratehiya, at teknik,
siguradong magiging dalisay ang
pagpapalitan ng kaalaman at tiyak na
tatatak talaga ang lahat ng aralin at
talakayan sa mga mag-aaral.

BANGKO NG DATOS

Magsagawa ng preliminaryong pananaliksik ukol sa iba’t ibang makabago at inobatibong

estratehiya. Punan at gawing gabay ang talahanayan bilang burador ng paunang gawain.

May Akda Pamagat Layunin Ambag Resulta
*mananaliksi *tiyak na *dahilan *kahalagahan *epekto
k estratehiya
1. Dr. Balik-Tanaw Malinang ang Napapahalagahan Nasisiguro nito
kakayahan ng nito ang
Voltaire Balitastasan mga mag-aaral kasaysayan upang na hindi
Villanuev na pagigtingin maiwasan ang
a Banda Rito, ang kaalamang pagkalimot dito o malilimutan at
Banda Roon historikal o historical amnesia.
2. Dr. pangkasaysaya mababago ang
Voltaire n ng isang akda
Villanuev o babasahin. pananaw at
a Mapagsanib
ang bisa ng ideya ng mga
3. Dr. pagbabalita at
Voltaire talstasan. mag-aaral sa
Villanuev
a Naglalayong kasaysayan.
isulong ang
kahusayan sa Nalilinang ang Nahihikayat ang
komunikasyon, mga magaaral
kolaborasyon, kakayahang na magkaroon
at mapanuring ng pakialam sa
pagiisip. pangkomunikatibo iba’t ibang
usaping
ng mga mag-aaral panlipunan na
nasa balita.
pati na ang iba

pang kasanayan

tulad ng

kolaborasyon,

kontekstwalisasyo

n, kasiningan,

atbp.

Pagtuklas sa mga Nabibigyan ang
mga mag-aaral
karanasang ng pagkakataon
na
matatagpuan makapagtanong,
magkaroon ng
lamang sa labas malayang
talakayan, at
ng silid-aralan. makatuklas ng
mga awtentikong
kagamitan sa
pagkatuto.

4. Dr. Bandera ng May layong Napalalawak ang Nagagamit ng
Voltaire Salita mapatatag ang mga mag-aaral
Villanuev kaalaman ng bokabularyo ng ang mga salitang
a Bida- mga mag-aaral matututuhan sa
Bidahan sa iba’t ibang mga mag-aaral at pakikipagugnaya
5. Dr. salita. n sa kanilang
Voltaire Bidyo-Ako nakapagbibigay ng mga kamag-aral.
Villanuev Maipamalas ng
a Bintana ng mga mag-aaral kahulugan,
Kaalaman ang pagganap
6. Dr. sa isang kasalungat na
Voltaire Tsubibo ng tungkulin na
Villanuev Karunungan dapat niyang kahulugan, at
a gawin.
Maipamalas ng pormal na
7. Dr. mga mag-aaral
Voltaire ang mga depinisyon ng
Villanuev kasalukuyang
a gawain, plano, isang salita.
at pangarap sa
8. Dr. buhay. Napagiigting nito Nahihikayat ang
Voltaire mga magaaral
Villanuev Mataya ang ang na gampanan ng
a kakayahan ng bibo at pursigido
mga mag-aaral pagpapahalaga sa ang kanilang
sa mabisa at mga tungkulin.
epektibong isang tiyak na
pagpapahayag.
tungkulin o
Pangkatang
gawain na may gampanin.
layuning
magbahagi sa Nalilinang ang Natuturuan ang
isa’t isa ng
konsepto batay kakayahan ng mga mga mag-aaral

mag-aaral na na mas

maging bukas sa palakasin ang

pagtanggap ng pagkilala sa
iba’t ibang
sarili.

pananaw,

karanasan, at

aspirasyon sa

buhay.

Nasusuri ang lahat Nasisiguro na

ng aspeto ng ang lahat ng

pagkatuto ng isang kanilang

mag-aaral sa natutuhan sa

pamamagitan ng aralin ay

pagkakaroon matatandaan at

repleksyon sa apat tatatak upang

na bahagi ng mabisang

estratehiya magamit ito sa

(reyalisasyon, hinaharap.

emosyon,

integrasyon,

aksyon).

Nasisigurong ang Humihimok sa
mga mag-aaral
kaalaman ng isang na magkaroon
ng ugnayan at
mag-aaral ay
interaksyon sa
kaalaman ng lahat isa’t isa.

dahil sa

masistemang

sa isang pagpapaikot ng
kaalaman.
artikulo o
Nabibigyang-diin
babasahin. ang kahalagahan
ng paghahanda sa
9. Dr. DSL – Replektibong klase, pagtanggap Natutukoy
Voltaire at pagbibigay ng pareho ng guro
Villanuev Dapat, gawain na inputs, at paggawa at mag-aaral
a base sa mga kung ano ang
Sapat, Lapat magsusuri at natutuhan. kalakasan at
10. Dr. kahinaan ng
Voltaire magtataya sa Madaling klase at aralin.
Villanuev naibibigay sa mga
a naunawaan, mag-aaaral ang
mga salitang dapat
naramdaman, nilang
maintindihan at
at nais gawin ng matandaan.

mga mag-aaral

sa natapos

aralin.

Umbrellago Naglalayong Natutulak ang
m
matukoy ang mga mag-aaral

mga susing na pumili at

salita sa aralin bumuo ng mga

at lagumin ito sarili nilang

isa-isa. lagom batay sa

kung paano nila

mas madaling

matatandaan

ang esensiya ng

aralin.

ARALIN 8 – MODELONG KURIKULUM
PANGWIKA: Gabay at Patnubay sa
Pagtuturong Mahusay

KAALAMAN, KASANAYAN, AT KAHUSAYAN

KAUGNAY NG MELCS

Magsaliksik ukol sa Most Essential Learning Competencies at sagutin ang sumusunod

gamit ang talahanayan bilang anyo o paraan ng pagsusuri.

KAALAMAN Anong mga kaalaman ang tuon ng Paano nasabing esensiyal o mahalaga

MELCS sa isang tiyak na antas? ang mga naisamang kaalaman sa

sining ng pagtuturo ng wika?

Pinagtuonang pansin ng MELCS ang

mga kasanayang kinakailangan ng Mahalang malinaw ang layunin sa

mga mag-aaral, na hindi maaaring pagtuturo at sa nagtuturo. Sa

mawala, sa proseso ng pagtuturo at pamamagitan ng pagtukoy nito,

pagkatuto. magiging mabisa ang proseso at

matatamo talaga ang pagkatuto.

KASANAYAN Bakit tinukoy ng MELCS ang mga Pangatwiranan kung paanong
mahalagang kasanayan? sumasang-ayon o di sumasang-ayon

sa nilalaman ng MELCS.

Dahil mahalaga na may tunguhin ang

pagtuturo. Sa pagbiyahe, dapat na Lubos akong sumasang-ayon sa

alam mo ang destinasyon mong nilalaman ng MELCS. Tulad nang

pupuntahan at mga pasalubong na mga nabanggit ko nang dahilan sa

dapat mong mabili sa daan, sa mga sagot ko sa mga naunang
pagtuturo naman mahalagang tanong, mahalaga ang pagtukoy sa

malinaw ang mga kasanayang dapat mga kasanayang dapat makuha ng

mapulot ng mga mag-aaral sa mga mag-aaral sa buong proseso ng

proseso ng pagtuturo upang sa dulo pagtuturo.
ng aralin, matutukoy nila kung nakuha

ba nila ito o hindi.

KAHUSAYAN Ano ang gampanin ng guro sa Mula sa MELCS, paano mo nakikita
pagpapatupad at tagumpay ng ang pangarap na kahusayan sa mag-

MELCS kaugnay ng kahusayang aral sa pangkalahatang mantra ng

pangwika? edukalidad?

Gampanin ng guro na gabayan ang Mas tukoy, mas madaling matutuhog
mga mag-aaral sa proseso nila ng
pagkatuto. Kung wala ang gabay ng ang mga nakatakdang kasanayan na
guro, imposibleng matamo ng mga
mag-aaral ang mga kasanayang dapat matutunan ng mga mag-aaral.
tinutukoy ng MELCS.
Nakikita kong mas mapaginhawa ang

prosesong pampagtuturo at

pampagkatuto sa tulong ng MELCS.

TRIYANGLAGOM

Kunin ang mga konsepto sa loob ng triyanggulo. Mula sa mga nakuha at napiling
kaisipan, bumuo sa gitnang bahagi ng mabisang pahayag at bigyang-paliwanag ito sa
anyong paglalagom.

Mga susi sa inobation at modernong proseso ng pagtuturo, nasa kamay
ng mga konseptong pedagohikal at ng guro.
Ang mga makrong kasanayan ay nakatuon sa mga kakayahang dapat na matamo ng
mga mag-aaral. Sa kasalukuyan mayroong limang makrong kasanayan at ito ang
pakikinig, pagsasalita, pagsusulat, pagbabasa, at panonood. Tong 2012 naman,
nagsimulang ipatupad ng pamahalaan ang K-to-12 Curriculum sa lahat ng paaralan
sa Pilipinas. Ang mga ito ay naglalayong magbigay ng kaalaman at kasanayan sa mga
mag-aaral ng bansa.

KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

Gamit ang blangkong hugis, gumuhit o magdisenyo ng sariling kurikulum.
Iminumungkahing magsaliksik para sa paliwanag.

KURIKULUM M3: Matatas, Mahusay at Makabayang Mag-aaral
Sa pagbuo ng isang kurikulum, mabuting malinaw agad ang sagot sa tanong na
“Anong uri ng mag-aaral ang magiging bunga ng pagtatapos sa ilalim ng kurikulum
na ito?”. Kaya’t bilang kasagutan, pinili kong ilagay ito sa pamagat ng kurikulum.
Bilang isang magiging guro ng wika sa hinaharap, ang kurikulum na binuo ko ay
matibay ang pagkaka-angkla sa mga kakayahang dapat matamo ng isang batang
mag-aaral ng wika. Paniniwala ko’y ang mga kakayahang tulad ng pagiging matatas
sa pagsasalita pampubliko man o hindi, magaling na pagsusulat pang-akademiko
man o sa mga piksyunal na sulatin, at iba pa, ay siyang tunay na kailangan ng mga
mag-aaral paglabas nila sa mundo ng mga propesyunal. Sa pagpapatibay ng mga
estratehiya’t teknik na magsisiguradong matatamo ng mga mag-aaral ang kanilang
kakayahang pangkomunikatibo, sa pagsasanay sa mga mag-aaral na magamit at
mapaghusay nila ang 5 makrong kasanayan, tunay na matatamo ang kahusayan at
katatasan na siyang layunin o tunguhin ng kurikulum na ito.

ARALIN 9 – KAKAYAHANG
PANGKOMUNIKATIBO: Kahusayang

Pangwika Bilang Bala at Sandata

SIPAT-SURI

Basahin ang artikulo. Maghanda ng mga tanong ukol dito upang lubusang masuri ang
kaugnayan ng buong artikulo sa pangunahing paksa kaugnay ng KP.

Tanong Mo Tanong Ninyo (matalik na Tanong ng Sambayanan
kaibigan) (buong pangkat o klase)
Ano-ano ang mga Ano ang mga maaaring
tungkulin ng guro upang Paano lubos na malilinang maging hakbangin ng
mapaunlad pa ang interes ang kakayahang pamahalaan, upang higit
ng mga mag-aaral sa pangkomunikatibo sa silid- na pagtuunan ng pansin
asignaturang Filipino? aralan, bahay, komunidad ang pagkakaroon ng
at lipunan sa kabila ng mga makabayang edukasyon
kahinaang nakita? sa bansa, sa kabila ng
mga lumaganap at
lumalaganap pa na
sistemang banyaga?

LINAW-LIHAM

Bumuo ng liham sa sarili ukol sa natutuhan sa buong aralin. Tiyaking daloy ng liham
ang paglilinaw sa naging kabuuan o lagom ng mga kaisipang dapat tandaan at
pahalagahan bilang magiging guro sa hinaharap.
Mahal Kong Sarili,
Kumusta ang pagiging mag-aaral upang maging guro ng wika sa hinaharap?
Naihahanda mo na ba ang sarili sa nalalapit mong paglilingkod? Kung oo, nawa’y
lagi mong isapuso ang mga susunod kong ipapayo.

Ang wika ay dapat na maunawaan. Kaya’t mula rito, papasok ang tungkulin mo na
ituro ito sa mga magaaral buhat ang layuning maipabatid sa kanila ang ang mga
pangunahing kaalamang pangwika at kalauna’y maisapraktika nila ang mga
kaalamang ito. Ikaw ang hahasa sa kanilang kakayahang pangkomunikatibo.

Upang lubos na maisakatuparan ang paglinang sa kakayahang pangkomunikatibo
ng mga mag-aaral, mayroong dalawang malaking sandata kang dapat na lagi mong
dala. Una ay ang Komunikatibong Pagtuturo ng Wika. Ito ay isang lapit o dulog na
nagbibigay-pansin sa gamit ng wika sa komunikasyon, katatasan ng pagsasalita,
aktwal na paggamit ng wika, at pagkakaroon ng kamalayan sa tungkulin ng wika. Sa
pagtuturong ito ng wika nalilinang ang mga kakayahang kognitibo, sosyolinggwistika,
at makagawi o behavioral ng mga mag-aaral. Ang ikalawang sandata mo naman ay
ang pundasyon ng KP o ang gramatika. Ang bawat sangkap ng gramatika ay may
mga tuntuning magsisilbing gabay sa epektibong paggamit ng wika.

Lagi’t lagi mong tatandaan na malaki ang gampanin mo sa pagpapaunawa sa mga
mag-aaral ng kahalagahan ng kaalaman sa wika dahil ito ang susi para sa K2: ang
katatasan at kumpiyansa sa sarili sa pagpapahayag ng saloobin, ideya, atbp. Sa pag-
aaral, pagkatuto, at pagtatamo ng mga mag-aaral ng kakayahang pangkomunikatibo,
makabubuo tayo ng isang lipunan na mahusay sa paggamit ng wika sa mga
pangaraw-araw sa paraang pagbuo ng mensahe o diskurso.

Nagmamahal,
Guro ng wika sa hinaharap, Daniela Nicolas

AKO ANG SIMULA

Bumuo ng digiposter o infographics gamit ang power point o canva upang ilahad ang mga
tiyak na hakbang para maging tagapagtaguyod ng kakayahang pangkomunikatibo.
Samahan ang nabuong obra ng isang pahinang sulatin o paliwanag.

Batayan sa Pagmamarka: Sulat--------------------------------------25
haraya ng diwa, lalim at lawak ng diskurso,
Sining-----------------------------------25
kombinasyon ng kulay, tagos hanggang buto ang mensahe

imahen, disenyo, linis, at sinop

Imbudo ng Pagkatuto

Walang makapagsasabi kung gaano kalalim at kalawak ang isip ng isang tao,
siguro’y mas madali kung ituturing itong isang balon. Bilang guro na nais maghatid ng
karunungan sa kaniyang mga magaaral, mahalaga ang paggamit ng imbudo sa
pagtuturo.

Sa nagdaang aralin, nabigyang liwanag ang konsepto ng Kakayahang
Pangkomunikatibo, mga sangkap upang matagumpay na maituro ito, at halaga ng
pagkatuto, at pagtatamo nito ng mga mag-aaral. Bilang isang guro ng wika sa hinaharap,
malaki ang gampanin ko sa pagtataguyod ng pundasyong kaalamang pangwika ng mga
mag-aaral ng susunod na henerasyon. Sa akin magmumula ako kaalaman na tila tubig
na dapat dumaloy patungo sa isipan ng mga mag-aaral. Ngayon pa lamang na ako’y
nasa proseso ng pagpapakadalubhasa sa asignaturang ito, mahalaga na maitima ko na
sa aking puso at isipan ang kaalaman at kahusayan sa larangang ito. Mahalagang makita
ko na anumang bagay na wala ako, ay imposibleng maibahagi ko sa mga magiging
magaaral ko.

Ang pagtuturo ng kakayahang pangkomunikatibo ay may dalawang pangunahing
sangkap na siyang makikita sa larawan sa itaas. Ang unang sangkap ay ang
Komunikatibong Pagtuturo ng Wika o sa Ingles ay Communicative Language Teaching.
Isa itong dulog o lapit sa pagtuturo na nakasentro sa kasanayang paggamit sa
komunikasyon ng wika imbes na sa istruktural na aspekto nito. Binibigyang-diin nito ang
ilang simulain tulad ng pagbibigay-diin sa gamit ng wika sa komunikasyon, pagtatamo ng
katatasan sa pagsasalita, pagsasagawa ng aktwal na paggamit sa wika, at pagkakaroon
ng kabatiran sa iba’t-ibang tungkulin ng wika. Sa pamamagitan ng dulog na ito, nalilinang
ang kasanayang kognitibo, sosyolinggwistika, at makagawi o behavioral ng mga mag-
aaral.

Tumatayong ikalawang sangkap naman ng pagtuturo ng kakayahang
komunikatibo ay ang gramatika na pangunahing tuntungan talaga sa pagkatuto ng wika.
Ito ay tumutukoy sa mga set ng istruktural na tuntunin ng isang wika sa pagbuo ng salita
at pangungusap. Binubuo naman ang gramatika ng ponolohiya o palatunugan,
morpolohiya o palabuuan, sintaks o palaugnayan, at semantika o pagpapakahulugan.
Ang mga ito ay may kaniya-kaniyang set ng tuntunin na nagsisilbing gabay sa paggamit
ng isang espisipikong wika.

Tunay na napakalawak ng kaalamang sinasakop ng wika ngunit ang pagaaral at
kalauna’y pagtatamo ng mga kasanayang nakapaloob dito ay may malaking maitutulong
hindi lang sa indibidwal kung hindi pati na sa mga kasama niya sa lipunang ginagalawan.
Ang pagkakaroon ng kaalaman sa wika ay susi para sa pagkakaroon ng katatasan at
kumpiyansa sa sarili, at bilang gurong humahawak o hahawak ng susing ito, marapat
lamang na magsikap ako sa pagaaral ngayon pa lamang upang matamo ko rin ang
pinakamataas na potensiyal ng pagkatuto ko ng wika, para sa bayan.

ARALIN 10 – ISYUNG PANGWIKA:
Suliraning Pangwika, Solusyong

Pambansa

NOOD-SURI

Panoorin ang sumusunod. Gumawa ng rebyu ng pinanood na short film at dokumentaryong
palabas upang suriin gamit ang pag-uugnay sa natutuhan ukol sa kahandaan, kaligiran, at
kagamitan.

Ang Iskul ko Number 1 ay isa sa mga palabas ng programang I-Witness. Mapapanood ito sa link

na:https://www.youtube.com/watch?v=hsWaQVu-o1Y&t=121s. Paksa ng dokumentarto

ang inspirasyong hatid ng komunidad. Sa kabila ng kahirapan ay ipinakita ang kahusayan gamit ang
dedikasyon at pagmamalasakit sa komunidad. Kung malinaw ang hangarin at programang pang-
edukasyon sa kabila ng mga kakulangan, ang mithiin ay tiyak mapagtatagumpayan.

Ang Sindangan Elementary School ay mukha ng
isang paaralang handa, dedikado, at tapat sa tungkulin.
Ang mga katangiang ito ay masasalamin hindi lamang
sa mismong paaralan, kung hindi pati sa punong-guro,
kaguruan, mga mag-aaral, at lalo na sa buong
pamayanang nasasakop nito. Mahirap ang lugar.
Matatagpuan ito sa sa kalagitnaan ng bundok, gubat, at
ilang mga batis. Mahigit isang oras ang tatahaking daan
para lamang marating ang paaralan. Kulang sa mga
gamit, lalo na sa mga mahahalagang pasilidad tulad ng
clinic. Wala ring kuryente ang ilang bahagi ng lugar.
Ngunit kahit isa sa mga ito’y hindi naging hadlang sa
Sindangan na manguna sa lahat ng pampublikong
paaralan. Patunay ito na natatalo ng paghahanda,
pagsisikap, at puso sa pagtuturo at pagkatuto ang lahat
ng posibleng hadlang sa pag-aaral. Ipinakita na kung
mayroong kolektibong pagsisikap sa pagitan ng mga
guro, magulang, at mga mag-aaral ay mayroon
talagang kasaganaan silang matatanggap.

Ang The Howl and the Fussy Ket isang short film ng isang brand ng gatas. Mapapanood ang munting palabas sa link na :

https://www.youtube.com/watch?v=wlZbWEnWswk. Magandang palabas at panawagan ang ipinakita ng short film

partikular sa mga guro. Malaki ang gampanin ng guro sa pagpapalakas ng kompiyansa ng isang mag-aaral upang matutuhan ang
kahusayan sa wika at laban sa buhay.

Tunay ngang katuwa-tuwa ang batang bibo at hindi nahihiya. Ipinakita sa
kuwento ni Aaron, batang nagboluntaryong maging kinatawan ng kanilang klase sa
isang declamation contest, na kung may tiyaga ay talagang may nilaga. Kulang man sa
paniniwala sa kaniya ang guro, napunan naman iyon ng wagas na suporta at
pagmamahal ng kaniyang pamilya. Mula sa speech coach, acting coach, hanggang sa
mananahi ng costume niya, malaki ang naitulong ng lahat ng iyon sa paghahanda at
pagsasanay ni Aaron. Kitang-kita sa buong haba ng maikling pelikula na malaki ang
inihusay ng paraan ni Aaron sa pagsasalita, pagbibigkas, at pati na sa pagarte, patunay
na maaabot ng mag-aaral ang kaniyang potensyal sa pamamagitan ng patuloy na pag-
aaral at pagsasanay.

PICK-UP LINES NG NATUTUHAN

Gamit ang #hashtags, gumawa ng paglalahat ng natutuhan.

#________Ka ba” Bakit?
1. ISYU ka ba?
Kasi nagugulo ang mundo ko kapag nandyan
ka.

2. USAPING PANGWIKA ka ba? Parang kulang kasi ang araw ko kung wala ka.

3. SOLUSYON ka ba? Ikaw lang kasi ang hinahanap-hanap ko palagi.

SOLUTION NATION, AMBAG NG BAWAT ISA, MAHALAGA

Tumukoy ng tiyak na suliranin o usapin kaugnay ng kahandaan, kaligiran, at kagamitan.
Bumuo ng sarbey gamit ang google form. Mula sa mapalulutang na suliranin, bumuo ng
tiyak na paghihinuhang solusyon. Matapos mabuo ang suliranin-solusyon, bumuo ng
posisyong papel bilang magiging guro ng wika, panitikan, at bayan sa hinaharap.

Danas sa Bagong Kadawyan: Kwento ng mga

Mag-aaral sa Bagong Moda ng Edukasyon

“Grabe ka na, 2020” ang madalas na hinaing ng mga tao sa kanilang mga status,
post, at tweet sa birtuwal na mundo. Salamin ang apat na salitang iyan ng magsi-siyam
nang buwan ng pagkaka-kwarantina ng mga Pilipino. Sa loob ng siyam na buwang iyan
ay marami nang nagbago. Malaking porsyento ang ibinagsak ng ekonomiya, marami rin
ang nawalan ng trabaho, kinakailangan ang pagsusuot ng face mask at face shield,
ngunit bilang isang guro sa hinaharap, sa tingin ko’y pinakamalaki ang pinsala na nadulot
ng COVID-19 sa sektor ng edukasyon.

Marso, nahinto ang taong pampanuruan 2019-2020. Buwan ng Mayo,
nagsimulang magplano ang DEPED patungkol sa paglulunsad ng distance learning.
Eksaktong Agosto 24 itinakdang magsimula ang taong pampanuruan 2019-2020 sa
pamamagitan ng bagong moda ng edukasyon. Agosto 14, sampung araw bago ang
pagbubukas ng klase, pinalitan ng DEPED at pamahalaan ang itinakdang petsa. Oktubre
5, opisyal nang nagsimula ang klase sa lahat ng paaralan sa Pilipinas. Nasa kalagitnaan
na ngayon ng akademikong kalendaryo ang taon at ang tanong, kumusta na ang
kasalukuyang lagay ng mga mag-aaral? Matapos ang puspusang pagpaplano at
paghahanda ng mga paaralan para lamang mailunsad ang pagsisimula ng klase, naging
epektibo naman kaya ito?

Sa tingin ko’y hindi. Bumalik tayo sa umpisa, ang distance learning, ayon sa
TeacherPH, ay isa moda ng paghahatid-kaalaman kung saan nagaganap ang pagtuturo
at pagkatuto habang hindi magkasama sa iisang lugar ang guro at mag-aaral. Ito ang
ideyal na paraan ng pagtuturo ngayong may pandemya dahil nabibigyang-tuon ang
kaligtasan ng parehong guro at mag-aaral. Mayroong tatlong klase ang modang ito: MDL
o Modular Distance Learning, ODL o Online Distance Learning, at TV/Radio-based
instruction. Sa pamamagitan ng aking personal na sarbey, nakakalap ako ng mga datos
mula sa 30 na mag-aaral sa iba’t ibang antas, na siyang magpepresenta ng kanilang
danas sa bagong moda ng edukasyon. Ang mga tanong sa sarbey ay naglalayong

matuhog ang mga aspektong kahandaan, kaligiran, at kagamitan para sa pag-aaral sa
bagong kadawyan na siyang sasagot sa katanungan ng pagiging epektibo ng distance
learning.

Una ay sa kahandaan, 43% ng mga tagatugon ang sumagot na sila ay handa sa
pagpasok ngayong taong pampanuruan, 23% naman ang sumagot ng hindi, at 27% ang
nasa kalagitnaan. Mayroon namang dalawang tagatugon na sinabing ang kawalan nila
ng paghahanda ay nagdulot ng hindi nila pagpapatala o pagpapa-enroll. Masasalamin sa
mga datos na karamihan naman ay may handa sa hamon ng pag-aaral sa bagong
kadawyan, ngunit hindi pa rin dapat ipinapasawalang-bahala ang mas maliliit na
porsyento ng bahagdan.

Sunod ay ang aspekto ng kagamitan. Ang mga pangunahing kagamitan sa bagong
moda ng edukasyon ay mga gadget, para sa Online Distance Learning at modyul, para
naman sa mga nakatala sa Modular Distance Learning. 93% o 28 ng mga tagatugon ay
may sariling cellphone na kanilang nagagamit sa kanilang online synchronous at
asynchronous na mga klase. Sa kabilang banda naman, 15 mula sa 20 mag-aaral na
nakapailalim sa blended learning ang nakatanggap ng kanilang mga modyul nang libre
mula sa kanilang mga paaralan. Patunay ang mga talang ito na hindi nagkulang sa
kagamitan ang mga mag-aaral. Isa pang konklusyon na masasalamin ng mga datos ay
ang kahandaan muli, sa parte ng mga paaralan na nirerepresenta ng kakayahan nilang
gumawa at magbahagi ng mga modyul.

Huling aspekto ay ang kaligiran na para sa akin, ay siyang may pinakamalaking
direktang epekto sa pag-aaral ngayon ng mga estudyante. Sa aking isinagawang sarbey,
minabuti kong huwag magbigay ng mga pagpipiliang sagot, bagkus ay ipinasulat ko sa
mga tagatugon ang kanilang mga naranasang suliranin sa paligid, pati na sa personal,
ngayong nag-aaral sila sa bagong kadawyan. Pangunahing nabanggit na suliranin ang
distraksyon sa paligid. Ayon nga sa isang tugon, “sobrang daming distractions sa bahay
namin kaya nahihirapan akong mag-focus tuwing ako ay nag-aaral.” Base sa depinisyon
ng The Herald, isang pahayagan, ang conducive learning environment ay isang lugar na
walang pisikal na pananakot o intimidation at emosyonal na pagkabigo na siyang
magbibigay daan sa bukas na palitan ng mga ideya. Sa madaling sabi, isa itong espasyo
kung saan ay libre kang makakapagisip, makakapagpahayag, at makakatanggap ng mga
bagong kaalaman. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang mga kabahayan sa
Pilipinas ay hindi pare-pareho. May ilang sa mga subdibisyon nakatira, habang ang ilan
naman ay sa mga maliliit na compound kung saan dikit-dikit ang bahay. Hindi lahat ng
mag-aaral ay may maayos na tahanan upang paglunsaran ng patuturo. At mas lalong
hindi lahat ng mag-aaral ay may sariling kwarto para mapag-isa sa oras ng klase. Dagdag
pa sa mga distraksyon sa paligid ay ang pagganap nila sa mga responsibilidad sa
pamilya. Dahil nga online ang klase at sa bahay ito ginaganap, nawawala na ang linya
sa pagitan ng pagiging anak at pagiging estudyante.

Ilan pang mga suliranin na nabanggit ay ang kakapusan sa pinansyal na aspeto,
mabagal na internet connection lalo na sa mga lugar na nasa probinsya, at ang

nakakalungkot na paglaganap ng mga kaso ng mental health problems ng mga mag-
aaral.

Bilang konklusyon at suporta sa sagot kong hindi epektibo ang distance learning,
nais kong gamiting muli ang isang tugon mula sa isinagawa kong sarbey. Ayon sa kaniya
“Sa totoo lang, kung hirap na ang mga estudyante mas hirap ang mga guro. Hindi
effective para sa parehong panig ang new normal pagdating sa pagtuturo at pagkatuto.”
Sa pamamagitan ng maikling pahayag na ito, masasalamin ang mukha ng mga guro at
mag-aaral sa bagong moda ng edukasyon. Pagod. Hirap. Hindi epektibo. Kaya’t nais
kong ihayag ang natatanging solusyon na nakikita ko. #LigtasNaBalikEskwela. Ang
kampanyang ito ay halos kasabay na inilunsad noong pinagpaplanuhan ang
pagsasagawa ng distance learning ngunit hindi na ito naisakatuparan. Sa pamamagitan
sana ng malawakang mass testing, mabilis na contact tracing, pagpaplano upang
maisakatuparan ang mga health protocols sa mga silid-aralan, at pagsuporta sa mga
pagtuklas ng bakuna pangontra sa COVID-19, ay naging possible ang paglulunsad ng
#LigtasNaBalikEskwela. Sa ganitong paraan mawawalang ang pagiging pribilehiyo ng
edukasyon at tunay na mapapalutang ang inilalaban ng lahat na inklusyon.


Click to View FlipBook Version