The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.

PKP
TERM 3
AY 2020-2021

Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by nicolas.da, 2021-07-08 11:16:15

USO

PKP
TERM 3
AY 2020-2021

UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE

Globalization LAYUNIN:
and Culture Himayin at ipaliwanag ang konseptong

JJoohhnn TToommlliinnssoonn ((11999999)) “subnational” at kung paano ito nagiging parte
**AAkkllaatt ng globalisasyon kahit na nananatiling nasa
nasyonal na lunan.
LAYUNIN:
Ipaliwanag ang konsepto ng NAIS SABIHIN/KAHALAGAHAN:
Ang pokus ng lekturang ito ay bigyang tuon
globalisasyon sa pamamagitan ng
pagtalakay dito gamit ang ang ikalawang set ng dinamiko na
bokabularyong kultural. bumubuo sa globalisasyon. Ang mga
kalakaran at prosesong umuusbong,
NAIS SABIHIN/KAHALAGAHAN: nililikha, at umiikot sa nasyonal na lebel o
sa tinatawag na “subnational setting” at
Ang globalisasyon ay nasa puso ng hindi umaabot sa global na antas ay
modernong kultura at ang mga masasabai pa ring parte ng proseso ng
globalisasyon. Bakit? Dahil ang mga
kultural na kasanayan ay nasa puso ng pamantayan at pagkilos na global ay
globalisasyon, ayon kay Tomlinson. nakabatay sa kung paano isinasagawa ang
Nilinaw niyang hindi niya isinasara mga prosesong lokal. Hinahango ng
ang globalisasyon bilang isang globalisasyon ang kultura, ekonomiya,
sistemang umiikot lamang sa kultural politika, at teknolohiya na lokal at
na aspeto, bagkus ay binibigyang diin
niyang kailangang isakonteksto sa natatangi sa isang bansa at saka
kultura at paraan ng pamumuhay ng pinagbabagong anyo ito at ipinararating sa
iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng mga
mga estado ang pagpapaliwanag sa iba
pang aspeto o dimensyon ng ugnayan.

globalisasyon tulad ng politika at TIYAK NA KONSEPTO:
ekonomiks. ·Mayroong dalawang “dynamics” na bumubuo sa
globalisasyon: una ay ang pagkakatatag ng mga
intitusyong global (hal. WTO, IMF), at pangalawa

ay ang mga prosesong nangyayari sa labas ng
global na setting ngunit parte pa rin ng
globalisasyon

TIYAK NA KONSEPTO: Globalization or
· Globalisasyon bilang komplikadong denationalization
koneksyon
· Ang globalisasyon ay isang multi- SSaasskkiiaa SSaasssseenn ((22000033))
dimensyonal na proseso **AArrttiikkuulloo//LLeekkttuurraa

48 UU--ZZOONNEE @dhnyla www.fb.com/dhanyela.nicolas @dhnyla

UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE

Globalization and LAYUNIN:
Naglalayong magbigay paglilinaw sa
It’s Challenges
konsepto at kaakibat na hamong
SSttaannlleeyy FFiisscchheerr ((22000033)) hatid ng globalisasyon.
**AArrttiikkuulloo//LLeekkttuurraa
NAIS SABIHIN/KAHALAGAHAN:
LAYUNIN:
Tinalakay ni Fischer ang mga hamong Ang unti-unting pagkalusaw ng
mga kalinangan ng mga bansa
kinaharap ng globalisasyon sa paglipas ng partikular ang mga maliliit at
panahon. lumalago pa lamang na bansa ay

NAIS SABIHIN/KAHALAGAHAN: dulot ng mapang-akit at
pinagandang salita na
Ang globalisasyon ay isang patuloy na proseso “pandaigdigang paglaganap ng
ng lumalalang pagsandig ng mga bansa sa isa’t hindi makataong sistema ng
kapitalismo” o “hindi
isa. Sa aspetong pang-ekonomika ng makatarungang pagpapalawak ng
globalisasyon, kahirapan ang pinakamalaking kapangyarihan ng Estados Unidos
hamong maituturing. Upang malagpasan ito,
sa buong daigdig”.
dapat na tignan ng lahat ang globalisasyon
bilang isang sistema na hindi lamang nakabase TIYAK NA KONSEPTO:
· Proseso ng posibleng paglaho ng
sa ekonomiks. Hindi ito nakukulong sa kultura
aspetong iyon. Dapat na pagbalansehin ang · Dalawang bagay upang madaling

mga teknolohika, kultural, at politikal na maunawaan ang globalisasyon: proseso at
aspeto nito upang mapunan ang mga katangian ng nasabing proseso.

pagkukulang sa isang espisipikong aspeto. A Globalizing World?:
Binigyang diin sa lektura na madalas na Culture, Economics,
nagpopokus ang mga tao at eksperto sa and Politics
ekonomikal na aspeto ng globalisasyon dahil
iyon ang lumulutang sa ngayon, ngunit hindi DDaavviidd HHeelldd ((22000044))
natin sigurado ang hinaharap. Maaaring isa sa **AAkkllaatt
mga aspetong politikal, kultural at teknolohikal
ang bumuhat at lumutang sa sistema ng
globalisasyon. Kitang sa ngayon ay malaki ang
nagiging hakbang at pag-unlad sa dimensyong
teknolohiya, hindi malabong maungusan na
inito ang ekonomikal na aspeto sa madaling

panahon.

TIYAK NA KONSEPTO:
· Globalisasyon bilang “interdependence”

ng mga bansa sa isa’t isa
· Konsepto ng “anti-globalization”
· Ang globalisasyon ay higit o lagpas pa sa

ekonomikal na penomenon

49 UU--ZZOONNEE @dhnyla www.fb.com/dhanyela.nicolas @dhnyla

UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE

Neoliberalistang LAYUNIN:
Pagpaplanong Pangwika: Layon niyang masagot ang
Tungo sa Komodipikado at
Episyenteng Pagpapahayag mahalagang katanungang tungkol sa
papel o kahalagahan ng wika sa
Melania Abad (2007) globalisasyon.
*Artikulo
NAIS SABIHIN/KAHALAGAHAN:
LAYUNIN:
Layunin ni Abad na maiugnay ang Inisa-isa niya ang sangkap ng
marketisasyon sa neoliberisasyon at globalisasyon: liberalisasyon,
globalisasyon. deregulasyon ng pamahalaan sa
mga gawaing pang-ekonomiya,
NAIS SABIHIN/KAHALAGAHAN: malayang kalakalan, pribitisasyon,
at transparensi sa pananalapi ng
Upang palakasin ang bansa laban sa mga korporasyon. Isa pa ay
hamon ng globalisasyon, isang maraming bansa ang mauunlad
na hindi nakasandig sa paggamit
estratehiya ang intelektuwalisadong ng wikang Ingles. Para sa kaniya,
wika sa kabila ng katotohanang mahalagang maging basehan ng
kaalaman at pagpapayaman ng
inihahain na pang-akit ang Ingles bilang karunungan sa nakababatang
produktong ipinangangalandakan henerasyon ang pambansang
kasabay pa ng pagbabawas at hindi
wika.
nalalayong tuluyang pagbura ng Filipino
sa kolehiyo bilang malinaw na TIYAK NA KONSEPTO:
repleksiyon ng marketisasyon ng · Sangkap ng globalisasyon

edukasyon sa wika, kultura, at lakas · May papel ang wikang Filipino sa
paggawa. Ang hamon ng globalisasyon

intelektuwalisasyon ay hamon para sa Wika at
lahat ng guro at magiging guro na sakop Globalisasyon
ng kasalukuyang pag-aaral; kung saan
ang bawat guro ay inaasahang magiging MMaarriioo II.. MMiiccllaatt ((22000033))
kaagapay sa pagbuo, pagpapaunlad, at **AArrttiikkuulloo

pagpapayaman ng wikang Filipino sa
iba’t ibang larangan o asignaturang
pinagkasanayan o pinagkadalubhasaan

ng guro.

TIYAK NA KONSEPTO:
· Nagiging mistulang pamilihan ang

akademiya sa mga itinuturing na kalakal na
mga mag-aaral

· Intelektwalisadong wika bilang
estratehiya

50 UU--ZZOONNEE @dhnyla www.fb.com/dhanyela.nicolas @dhnyla

UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE

Ang Wikang Filipino sa LAYUNIN:
Edukasyunal na mga Isyu sa Ipaliwanag ang globalisasyon sa pamamagitan

Panahon ng Globalisayon ng mga impluwensyang banyaga tulad ng
Wilfrido Villacorta (2001) Japanimation at Americanization.
*Artikulo
NAIS SABIHIN/KAHALAGAHAN:
LAYUNIN:
Malinaw ang mahalagang gampanin ng Sa pamamagitan ng pagpasok o pagpapakilala
ng mga wika at kultura ng mga
edukasyon upang makapagbigay ng
kaalaman, kakayahan, at kaugaliang makapangyarihang bansa (Japan at America)
higit na magbibigay ng pagkakataong nangyayaring itinatago sa mukha ng

maging produktibo at maging industriyalisasyon ang dating nakatatakot na
makabayang mamamayan upang imperyalismo. Ang anime at manga, na
makapag-ambag sa panlipunang
maaaring ituring na ilan sa pinakamalaking
kaunlaran. produktong inihahain ng Japan, ay ang

NAIS SABIHIN/KAHALAGAHAN: kanilang susi sa global na pakikipag-ugnayan.
Bukod sa ekonomikal na aspetong naihahatid
Malaki ang ginagampanang papel nito sa bansang pinagmulan, malaki rin ang
ng edukasyon sa pamamagitan ng epekto ng mga nilalaman ng anime sa kultural
wikang Filipino. Ngunit ang papel at linggwistikong bahagi ng pagiisip ng isang
taong sumusubaybay rito. Pumapasok naman
ng Filipino ay nasasagkaan ng ang Americanization kapag ang mga inaangkat
maling pagtingin at pananaw sa
pag-aaral ng Filipino na nagiging na anime o manga ay dumadaan na sa
prosesong pagsasalin. Hinahango ang orihinal
salik na nakahahadlang o na konteksto ng anime sa kultura at wika ng
nakapagpapaudlot upang maipag- Amerika. Gayon din sa proseso ng pagsasalin
ibayo ang kakayahan ng bansa na
ng anime sa wikang Filipino. Maaaring
lumahok sa pandaigdigang direktang mula Nihonggo ay isalin ang anime
paligsahan ng ekonomiya.
sa Filipino, o di kaya’y idaan muna ito sa
TIYAK NA KONSEPTO: wikang Ingles, bago i-dub sa Filipino. Ang
· Pagsang-ayon sa malawak na ugnayan prosesong ito ay tinawag ni Correa bilang

ng wika, edukasyon, at globalisasyon. “pagbuwag”.
· a hindi ang Ingles ang dapat maging
dahilan upang pabayaan ang malawakang TIYAK NA KONSEPTO:
· Globalisasyon bilang kampanya ng isang
pagtuturo sa Filipino “borderless world”
· Sa panahon ng globalisasyon lalo mas · Globalisasyon bilang bagong mukha ng
imperyalismo
mahalagang maging isa ang bansa
· Gaano kalaki ang gampanin at kapangayarihan ng
“dubbing”

Japanimation,
Americanization,
Globalization: Pagbuwag sa
Wika ng Kapangyarihan sa
Pamamagitan ng Dubbing ng
Anime sa Wikang Filipino

RRaammiilliittoo**EBEB--..JJCCooouourrrrrnrneeaaaall ((22000077))

51 UU--ZZOONNEE @dhnyla www.fb.com/dhanyela.nicolas @dhnyla

UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE

Arkitektura at Globalisasyon sa LAYUNIN:
Pilipinas: Isang Pagbabakasakali Maitaguyod ang pambansang identidad
Tungo sa Isang Kritikal na Teoryang
at kamalayan sa kabila ng umiiral na
Kultural / Architecture and globalisasyon.
Globalization in the Philippines: An
Attempt at a Critical Cultural Theory NAIS SABIHIN/KAHALAGAHAN:

JJoovviittoo VV.. CCaarriiññoo ((22001144)) Binigyang linaw sa kaniyang sulatin
**EE--JJoouurrnnaall ang pagpapakahulugan sa

LAYUNIN: globalisasyon sa pamamagitan ng
Halungkatin ang ugat ng arkitektura sa pagsisiyasat sa kaugnayan sa kultura
Pilipinas at kung paano ito nagiging batay sa kalikasan ng kamalayan na
kasangkapan sa modernisasyon at may kinalaman sa pagkakakilanlan
globalisasyon, upang makabuo ng isang
kritikal na teoryang kultural. o identidad. Itinampok rin ang
globalisasyon at ang pangambang
NAIS SABIHIN/KAHALAGAHAN: maaaring idulot nito sa tatlong
nabanggit na magkakaugnay na
Hindi palaging nakabubuti para sa konsepto (kamalayan, kultura, at
mundo, sa mga tao, at sa kalaikasan ang
globalisasyon. Ang modernisasyon, imbes pagkakakilanlan).

na sa pag-unlad, ay naka-angkla ang TIYAK NA KONSEPTO:
layunin sa pananalapi na umaayon sa · Ugnayan ng pangangailangan, wika,
globalisadong panahon. Sa pagtatayo ng lugar, at panahon bilang konteksto sa
mga gusali, pagsasaayos ng mga daanan, panahon ng globalisasyon.
at paggalaw sa mga likas na yaman na · Globalisasyon bilang makabagong
sakop ng arkitektura nagmumula ang anyo ng pananakop.
isang tunggalian sa pagitan ng pag-unlad · Maaaring kongkretong tugon ang
at pagbabago. Ayon kay Cariño, “Hindi makabayang pedagohiya sa hamon ng
lahat ng pagsulong ay pag-unlad. Hindi globalisasyon.

lahat ng pag-unlad ay pagbabago. Globalisasyon,
Minsan, ang pag-unlad ay Kultura, at

nangangahulugan ng pananatili, Kamalayang
pangangalaga at pagpapaibayo kung ano Pilipino

ang mayroon at kung nasaan tayo”. NNaappoolleeoon*n*EEMM--JJ..ooMMuurarannbbaaaallqquuiiaaoo JJrr..

TIYAK NA KONSEPTO:
· Pilipinas bilang isang modernisadong

bansa
· Masamang epekto ng modernisasyon
· Arkitektura bilang ugat ng tunggalian

sa pagitan ng pagunlad at pagbabago.

52 UU--ZZOONNEE @dhnyla www.fb.com/dhanyela.nicolas @dhnyla

UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE

Mga Kontemporaneong

Isyu (Aralin 2:

Globalisasyon)

AAttttyy.. GGeerraarrdd MMiicchhaaeell OO.. ZZaarraassppee aatt
TTeerreessiittaa CC.. VVaalleenncciiaa
**BBaattaayyaanngg AAkkllaatt

LAYUNIN:
Ipaliwanag ang konsepto ng globalisasyon,
ang pangkasaysayan, political, pang-
ekonomiya, at sosyokultural na pinagmulan
ng globalisasyon, at pagtukoy at pagsuri sa
mga pangunahing institusyong may
ginagampanan sa globalisasyon.

NAIS SABIHIN/KAHALAGAHAN:
Ang iba’t ibang aspeto at dimension ng

globalisasyon ay nagpapakita ng patuloy na
pagbabago sa paraan ng pakikipagugnayan ng
mga tao sa iba’t ibang larangan at epektong

dulot nito. Nag-ugat ang globalisasyon sa
pamamagitan ng pagpapakilala ng kultura ng
iba’t ibang kabihasnan (cultural diffusion).

Ang koneksyong nabuo sa iba’t ibang
kontinente ay naging bunga naman ng
pananakop, pagtatag ng imperyo, diplomasya,
pakikipag-alyansa, at pakikipagkalakalan.
Ang tingin man ng karamihan ay nakapokus
lamang sa pang-ekonomikal na aspeto ng
mga bansa ang globalisasyon ngunit hindi,
may iba’t iba itong dimension na siyang
nangi-impluwensya sa iba’t ibang larangan.
Ang mga dimensyong ito ay ang ekonomiya,
teknolohiya, kultural, at politikal. Ang apat
na dimensyong ito ay ang nagtatakda kung
paano nabubuo o umuusbong ang mga
karanasang pinagdadaanan ng mga tao sa
TIYAK NA KONSgEloPbTaOli:sasyon.
· Globalisasyon bilang prosesong
nagtataguyod sa ugnayan ng mga tao
· Mga dimensyon ng globalisasyon:
ekonomiya, teknolohiya, kultural, politikal

53 UU--ZZOONNEE @dhnyla www.fb.com/dhanyela.nicolas @dhnyla

UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE

Mula Panitikan at
Kultura Patungong

Pedagohiya:
Magkaugnay Di
Maghihiwalay

54 UU--ZZOONNEE @dhnyla www.fb.com/dhanyela.nicolas @dhnyla

UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE

PASKILATIS sa UGNAY-DIWA:
Pansinin ang mga salitang nakapaskil sa

bahagi ng grapikong pantulong.
Matapos suriin, iugnay ang mga salita sa
infographics at gawin ang sumusunod:

1.Ano ang nakitang
ugnayan ng grapikong
pantulong at larawan?

Ang mga salitang nasa
grapikong pantulong ay
nagpapakita ng daloy o
proseso ng pagbubuo ng isang
banghay aralin habang ang
mga larawan naman ay

naglalaman ng mga
pamamaraan at suhestiyon
kung paano magiging epektibo
ang nabuong plano. Ang
ugnayang lumutang sa dalawa
ay hindi magiging epektibo
ang plano o prosesong nasa
grapikong pantulong kung
hindi ito isasagawa alinsunod

sa tama at inobatibong
pamamaraan na nasa mga

larawan.

2.Bakit malaki ang gampanin ng paraan ng pagtalakay,
pagtatanong, at mismong kurikulum sa epektibong pagtuturo ng

kulturang popular?

Sa aking palagay, ang pagiging epektibo ng pagtuturo ay nakasalalay sa kung paano aatakihin
ng guro ang kaniyang klase. Dahil ang esensya ng aralin ay naka-angkla sa konsepto ng
kulturang popular, mahalagang naka-ayon dito ang pamamaraan, proseso, at pati na ang
lalamanin ng araling ituturo ng guro upang mabilis na makita ng mga mag-aaral ang
kahalagahan at mga umiiral nitong halimbawa sa tunay na buhay.

55 UU--ZZOONNEE @dhnyla www.fb.com/dhanyela.nicolas @dhnyla

UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE

3.Ano ang kulang na salita sa grapikong pantulong at anong
halimbawang infographicsc ang dapat idagdag? Punan ang

espasyo:

LAYUNIN

GGPRPRAAAANPNPITITKKUUOOLLNONONGNGGG KARANASANG
PAMPAGKATUTO

PAGTATAYA

Kunin ang mpaPaglgkuaaiawhmskianaiatligi.pnnasgagg- Tukuyin ang
interes ng mag- ugnayan ng
aaral. gawain sa

Gumamit ng mga props o aralin.
kagamitang
INFORGRAPHIC
kinakailangan sa
pagsasagawa ng gawain.

Obseturbgaohnaant ang Tayahin ang gawain kung
reamkasygo-ananragl mga ito’y epektibo o hindi at
sa
kung maaari bai tong
gawain. gamiting muli o dapat

pang paunlarin.

56 UU--ZZOONNEE @dhnyla www.fb.com/dhanyela.nicolas @dhnyla

UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE

4.Paano pag-uugnayin ng susunod na gurong tulad mo ang
pedagohiya, kultura, panitikan, at lipunan?

Mahalagang unang hapapin sa pag-uugnay ang ‘common denominator’ o pare-parehong
elemento mula sa apat na konsepto, at ang unang rumehistro sa akin ay ang kabataan.
Kabataan ang pundasyon ng lipunan, sila ang benepisyaryo ng pedagohiya, ang tagapag-taguyod

ng kultura, at ang tagalikha at tagapag-palaganap ng panitikan.

5.Bumuo ng limang hakbang kung paano pag-uugnayin ang
pedagohiya, kultura, panitikan, at lipunan.

KABATAAN

Pagsasagawa at paglalapat ng mga Sa kabataan nagsisimula ang lahat,
napagplanuhan. Ang mga pedagohiyang epektibo at kilalanin ang kanilang potensyal bilang
ang mga napaunlad pa ay dapat na mailapat sa mga lider ng susunod na henerasyon na

pagtuturo ng kulturang dapat ipagpatuloy at tagapagtaguyod ng lipunan.
buhaying muli. Gamiting lunsaran ang mga
KONSEPTO
nakalimutan nang panitikan na ubod ng diwang
Pilipino at palaganapin ang pagkakakilanlan dito.
Ikintal sa isip ng kabataan ang kahalagahan ng

bawat konsepto upang linangin pa nila ito at
kalauna’y dalhin ito sa hinaharap.

KUMBENSYON 5K Tukuyin ang mga konseptong nais ikintal sa
ng isip ng kabataan, sa pagkakataong ito ang
Ang pag-uugnay sa noon at PKPL
ngayon, at paghahanap ng mga konseptong prayoridad ay ang:
mga maaari pang magamit pedagohiya, kultura, panitikan, at lipunan.
at ihiwalay ang mga dapat
KONSULTASYON
nang itapon. Ano-anong
pedagohiya sa pagtuturo ang Mahalagang
komunsulta sa eksperto
nagpamalas ng pagiging
epektibo nito? Ano ang mga sa bawat kosepto o
larang. Tukuyin kung
kulturang dapat na ano-anong mga aspeto
ipagpatuloy o buhaying muli? nito ang mahalagang
Anong mga panitikan na hindi maipasa sa susunod na
gaanong kilala ang dapat henerasyon at kung
bigyan ng spotlight? Paano paano ito mapa-uunlad.
ang mga ito ipakikilala at

matatanggap ng lipunan?

KOLABORASYON

57 UU--ZZOONNEE @dhnyla www.fb.com/dhanyela.nicolas @dhnyla

UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE

R.O.S sa SIPI-SABI: Pansinin ang
mga tiyak na bahaging sinipi sa
artikulo. Suriin at ipaliwanag ang
iyong pinagsamang reaksyon,

opinyon, at saloobin.

1.Nakaligtaan sa mahabang panahon ng mga kritikong Formalista
ang isang mayamang bahagi ng panunuring pampanitikan-ang

pagtanaw sa panitikan bilang prosesong kakikitaan ng kasaysayan
ng mga ideya (history of ideas), na naging palasak sa Europa sa loob

ng maraming dantaon.

Dahil may may pamantayang nabuo ang mga Formalista kaugnay sa paraan ng pagsusuri sa
teksto, nalilimitahan ang resulta ng kanilang pagsusuring pampanitikan sa iilang piling
perspektibo at pananaw na kung sisipatin ay may halatang kinikilingan sa mga antas sa

lipunan. Sa usapin ng kritikal na pagsusuri sa mgba akdang pampanitikan ang pamantayang
ito ay dapat mabuwag sa kasalukuyang panahon dahil ang pagsusuri ay hindi dapat
ikinukulong sa isang kahon na may mga pamantayang nakatakda. Ang panunuring
pampanitikan ay dapat na malaya mula sa mga impluwensya at dapat na sinisipat sa

pamamagitan ng kaligirang pangkasaysayan, intensyon ng manunulat, at mismong nilalaman
ng akda.

2.Ang pagtatanong at ang kaakibat na pagpapaluwag ng mga
hangganan ng iba’t ibang disiplina ay hindi naganap sa maikling
panahon. Katulad ng nabanggit na sa unahan, hindi nakatakas ang

panitikan sa isang kamalayang historikal at sosyolohikal.

Hindi maikakalas mula sa pagkakatali ang isang akdang pampanitikan
kung ang pinag-ugatan at dahilan kung bakit ito naisulat ay may malaking
kaugnayan sa mga historikal at/o sosyolohikal na kaganapan sa lipunang

pinag-usbungan nito. Hindi madaling mailayo ito mula sa larangang
pinagmulan nito at kadalasan, inaabot ng mahabang panahon bago
mailapat ang mga nilalaman at tunguhin ng akda sa ibang larang na hindi

nito pinag-usbungan.

58 UU--ZZOONNEE @dhnyla www.fb.com/dhanyela.nicolas @dhnyla

UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE

3.Hindi sapat ang kaalaman tungkol sa formalismo upang
makapagturo ng panitikan sa kakanyahan at kompleksidad nito;
kailangang may kaalaman na sa sosyolohiya, pilosopiya, sikolohiya

upang maituro ang teksto sa isang mabisang paraan.

Sang-ayon ako sa inihayag ni Reyes dito. Mula sa masusing pagsusuri ng akdang
pampanitikan, ang susunod na hakbang sa pagpapakilala nito ay ang pagtuturo,
ngunit bago magawa iyon, nararapat lamang na hindi nililimitahan ng guro o

kung sino mang nagsusuri ang nilalaman ng kaniyang panunuri sa iisang
perspektibo o pananaw. Dapat na masipat ito sa iba’t ibang lente tulad nang sa

larangan ng sosyolohiya, pilisopiya, sikolohiya at iba pa upang maging mas
malawak ay mas komprehensibo ang pananaw na maipapasa ng guro sa

kaniyang mga mag-aaral.

4.Kung maituturing ang kultura bilang proseso ng pagbibigay ng kahulugan sa
ating karanasan sa isang partikular na lipunan, malinaw na ito ay nag-uugat sa

mga espisipikong realidad na bumubuo sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay. Hindi lamang ito binubuo ng teksto o mga artipak – tula, awit,

simbahan, pintura, musika, at ng iba pa. Hindi lang ito binubuo ng mga
pagpapahalaga (values) na nalinang sa loob ng mahabang panahon tulad ng

paggalang sa magulang o pagmamahal sa bayan. Hindi lamang ito
nangangahulugan ng tradisyong namana sa nakaraan at ginagamit sa

paghusga sa kasalukuyan.

Ang pagkonsidera sa kultura bilang proseso ay isang ideya na ngayon ko lamang
narinig ngunit hinahangaan ko. May mga tinatawag na ‘tangible and intangible
cultural heritage’ ang Pilipinas. Binubuo ito ng mga bagay, pag-uugali, o tradisyong
umusbong, nabuo, at yumabong dahil sa diwang Pilipino. Hindi nakukulong ang mga
kulturang ito sa mga bagay na nahahawakan o iyong konkreto, tumutukoy rin ito
kahit sa mga bagay na abstrak tulad ng karanasan, paniniwala, pag-uugali at marami

pang iba. Malawak ang kultura at dapat na kilalanin ito ng bawat isa upang
maalagaan at mas mapaunlad pa.

1.Sa kasalukuyan, tinanggap na ang pagsusuri sa kultura bilang isang tiyak na
disiplina, na hindi na nakasandig sa sosyolohiya o literatura. Sa lipunang

malabo na ang hangganan ng mga disiplina, waring karapat-dapat lamang
pagtuunan ng maingat na pansin ang kultura ng nakararami nating mga

kababayan, at ang estratehiya at pamamaraang magagamit sa paggamit dito
sa pagtuturo ng ibang disiplina, lalo na sa humanidades at sa agham-
panlipunan.

Ang mga larangan o disiplina tulad ng literatura o panitikan, sosyolohiya, pilosopiya, at
iba pa ay mga halimbawa lamang ng lunsaran kung saan maaaring makadaupang-palad
ng mga mag-aaral ang kultura ng isang bansa o lipunan. Hindi masamang gamitin ang
mga ito upang maipaliwanag ang esensya at kasaysayang nagpa-usbong sa kultura ngunit
dapat na tignan ang usaping ‘kultura’ bilang isang disiplinang nakatatayo sa sarili nitong
mga paa. Sa aking palagay, hindi dapat inilalayo nang sobra ang mga disiplina sa isa’t isa

dahil maaaring ang paggamit sa mga ito nang sabay o iyong tinatawag na
interdisiplinaryong lapit sa mga bagay-bagay ay maaaring magamit sa adbentahe ng mga

eksperto sa larangan.

59 UU--ZZOONNEE @dhnyla www.fb.com/dhanyela.nicolas @dhnyla

UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE

SURI-NILAY: Pansinin ang mga Paano inihanay ang nilalaman at
halimbawang banghay-aralin sa iba’t ibang pamaraan sa banghay-aralin?
antas. Tingnan kung paano binibigyang-
espasyo ang pagtalakay at pagpapahalaga sa Ang bawat gawain sa
kultura bilang mahalagang elemento o salik mga bahagi ng
pedagohikal. Gawing gabay ang susuriing
banghay sa paplanuhin at bubuohing aralin. pamamaraan ay naka-
angkop sa kalikasan ng
Ano ang napansin sa mga banghay- aralin. Ito ay nakalinya sa
aralin kaugnay sa panawagan at
ideyang inilahad ni Soledad Reyes? mga prayoridad na
layunin ng talakayan.
Makikitang nakalinya sa tunguhin ng
panawagan at ideya ni Soledad Reyes
ang pamamaraan at pagpapahalagang
ibinigay sa kultura at sa pagtuturo nito
sa mga naitampok na banghay aralin.
Ayon kay Reyes, dapat na magkaroon
ang lahat ng malalim at malawak na
pananaw sa pagsasagawa ng masinop,
malikhain, at matalinong pagsusuri sa
kulturang popular kahit na iba’t ibang

disiplina ang itinuro natin.

Paano binigyang-espasyo ang Paano mo nakikita ang bunga ng gawain at Kung maipatutupad ang daloy ng kaisipan at
kultura bilang mahalagang pagkatuto sa banghay-aralin? Gaano gawain sa banghay-aralin, paano mo nakikita ang
sangkap sa banghay-aralin? kahalaga ang banghay-aralin sa
implementasyon ng araling kultural? transpormasyon sa partisipasyon ng mag-aaral,
Nabigyang-espasyo ang kakayahang mag-isip, at iba pang ika-21
kultura sa pamamagitan ng Repleksiyon ng bunga ng kasanayang pang-edukasyon.
patuloy na pagsasama ng gawain at pagkatuto ang
mga magiging resulta ng Ang 4C o apat na ika-21
konsepto nito sa mga siglong kompitensi na itinalaga
katanungan o kaya’y susing bawat kasagutan at/o ng K to 12 Curriculum bilang
konsepto sa bawat gawain. pagganap ng mga mag-
Halimbawa ay sa hakbang nab aaral. Makikitang may mga kasanayang dapat na
ago bumasa, may katanungan mga rubrik sa banghay bigyang prayoridad ng
sa gawaing Tala-Sapan na
aralin na maaaring kurikulum ay tumutukoy sa
Sino-sino ang bayani ng magamit sa pagtataya ng critical thinking,
tahanan, paaralan,
pagkakaunawa at communication, collaboration
pamayanan, bayan, at bansa? paglalapat ng mga mag- and creativity. Ang mga ito ay
at Paano sila naging bayani?,
aarl ng kanilang matatamo kung magiging
sa pamamagitan ng mga natutuhan sa talakayan. epektibo ang pagsasagawa o
tanong na ito, nae-expose at pagsasakatuparan ang layunin
naipakikilala ang mga mag- at bawat pamamaraan sa mga
aaral sa kultura at pati na sa naitampok na banghay aralin.
Magagawang baguhin ng mga
kasaysayan ng Pilipinas. planong talakayan ang pananaw
ng mga mag-aaral patungkol sa
aralin pati na sa kulturang
mayroon ang mga Pilipino.

60 UU--ZZOONNEE @dhnyla www.fb.com/dhanyela.nicolas @dhnyla

UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE

PAG-UNAWANG SANIB-BASA:
Basahin ang dalawang artikulo mula
sa panig ng kabataan (mag-aaral) at
guro. Matapos unawain ay gawin ang

pagsasanay bilang paglalahat ng
natutuhan.

1.Itala ang magkakaugnay na punto ng dalawang binasa.
Gawing gabay ang talahanayan:

ARTIKULO 1 G ARTIKULO 2
L
Inihaharap ang mga kabataan at ipinararanas O
sa kanila ang paraan ng pamumuhay ng mga B Mapipigilan ang kaisipang indibidwalismong
nasa gitnang uri sa isang limitadong panahon.
Nagtutulak ito upang mas magsikap pa silang A hatid ng neoliberal na edukasyon kung
maranasang muli ang mga saglit na pantasyang L pagtitibayin ang identidad ng mga
I kabataan bilang Pilipino sa pamamagitan ng
iyon at kalimutan ang mas malaking S
responsibilidad nila bilang kabataan ng bansa. A pagsasakonteksto ng mga nilalaman at
S pamamaraan sa pagtuturo tungong
Y
paghubog ng makabayang kamalayan.

O
N

ARTIKULO 1 p ARTIKULO 2
e
Ang pagbabasa ng mga akdang d Nakakawing dapat sa bawat pagtuturo
panunuring panlipunan ay siyang a ang isang makabayang edukasyon na
makatutulong upang matunghayan ang g nakabase ang kaalaman at kabuuan sa
mga political na pangyayari sa lipunan. o karanasan ng buong bayan. Ang pagtuturo
Maaari itong balik-balikan at sipatin sa h ay dapat maging daluyan ng kaalaman at
i gawing nasyonalismo at damdaming
iba’t ibang lente. y makabayan.
a

61 UU--ZZOONNEE @dhnyla www.fb.com/dhanyela.nicolas @dhnyla

UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE

ARTIKULO 1 G ARTIKULO 2
L
Malaking porsyento ng mga mag-aaral ang O
nakalilimot sa kolektibong pagkilos at nagiging B Marapat na bigyang prayoridad sa sistema
A ng edukasyon ang papapauna sa paghubog
prayoridad na lamang ay ang pansariling L ng kamalayang makabayan ng mga mag-
interes. Dahil dito, madalas na maraming hindi I aaral. Ang pagbibigay responsibilidad sa
nabibigyan ng oportunidad na makatapos o di S sistema ng edukasyon ng pagtataguyod sa
kaya’y makapagtrabaho. Ang suliraning ito ay A
S pambansang identidad ay isang
nakalinya sa kasalukuyang sistema ng Y mahalagang hakbang na dapat ipatupad
edukasyon sa bansa. O sa buong bansa. Ang edukasyong para sa

Pilipino ay dapat na maka-Pilipino.

N

ARTIKULO 1 p ARTIKULO 2
e
Sa kanilang kabataan, nararanasan ng mga bata d Gampanin ng kabataan na sundan at
na ilayo sila sa mga makabayang pamamaraan a tulungan ang mga guro na maipakita ang

ng pamumuhay at pagiisip ng mismong makabayang edukasyon na dapat ay
edukasyong ipinapakain sa kanila ng estado. g tinatamasa ng lahat. Responsibilidad ng
Imbis na buuin ang kolektibo at iisang pag-iisip o mga mag-aaral na tutukan ang
h makabayang pedagohiya at palaganapin
at paniniwala, pinaghihiwa-hiwalay ng i ang paggamit ng Wikang Filipino sa
neoliberal na edukasyon ang mga kabataan at y
edukasyon upang mas mapagtibay ang
mas inuudyukan silang magsikap para sa identidad natin bilang Pilipino.
sariling pagnanasa.

a

62 UU--ZZOONNEE @dhnyla www.fb.com/dhanyela.nicolas @dhnyla

UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE

2.Iugnay ang pinagsanib na kaisipan ng dalawang binasa
sa mga susing kaisipan at bumuo ng panibagong pahayag:

“Daluyan ng nasyonalismo o damdaming

makabayan ang pagtuturo at dapat na

pinaprayoridad nito ang mga nilalamang PEDAGOHIYA

nakabase sa pagkakakilanlan at karanasan ng

buong bayan.”

“Tungtungan tungo sa pag-unlad ng globalisasyon na

may hatid na magkasamang amba ng indibidwalismo

at/o oportunidad upang makilala ng mundo ang

bayan mo. Hindi dapat mamili, dahil una pa GLOBALISASYON
lamang ay dapat na ang ikalawang hatid ng

globalisasyon ang prayoridad nating mga

Pilipino, kaagapa ang identidad o pagkakakilanlan

natin bilang isang bansang nagkakaisa.”

“Sandigan ang kaguruan ng mga kabataang susunod na

lider ng bayan. Nararapat lamang na ang sandigang KABATAAN
guro ay matayog na naka-angkla sa mga AT GURONG
PAG-ASA
paniniwalang Pilipino at diwang nasyonalismo
upang ang mga kabataang siyang mamumuno

sa bayan sa hinaharap ay maitaguyod ang NG BAYAN
bansa na mas malalim ang pagkakakilala

sa sarili nito.”

“Makabayang sistema ng edukasyon ang dapat na KALAKARAN
pairalin sa bansa upang mahubog nito ang AT SISTEMA

kamalayang nasyonalistiko ng mga kabataan. NG
Sa gayon, kapag dumating ang panahon na EDUKASYON
mailantad sa kanila ang mga
banyagang kulturang dala ng
bugso ng globalisasyon ay kaya
nilang makipagsabayan nang hindi
nagpapadala sa alon.”

“Kontekstwalisado ang nilalaman at
pamamaraang dapat na umiiral sa

kurikulum na ipinatutupad ng estado. KASALUKUYANG
Ang kanluraning impluwensya ay hindi UMIIRAL NA
dapat tinatanggap lamang at dapat na KURIKULUM
nilalapatan ng maka-Pilipinong pamamaraan

at pag-iisip.”

63 UU--ZZOONNEE @dhnyla www.fb.com/dhanyela.nicolas @dhnyla

UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE

3.Mula sa mga binasang artikulo, bumuo ng paglalahad
gamit ang pagpapatuloy ng mga bitin na pahayag:

Ang guro at kabataang popular ay
kinakailangang maging Makabayan. Mabilis
makalimot sa sariling identidad ang sinumang
mababaw ang pag-intindi at pagkakakilala sa

bayan kaya’t dapat na sa murang edad pa
lamang, sa tulong ng mga kaguruan, ay
maimulat agad ang mga mag-aaral sa kung sino
sila bilang Pilipino at kung ano tayo bilang

Pilipinas.

MphahagnaihkntaiaaddbAltniauuaatngtgtataogsuyhnootpkaguanammhmgmugoasagaaainndnmggsaaataknplaypnaiglgnuurgspgogaswosloooaiakeynanbnrnaaanaugmnsnllgyrgigmaaiaspnatlmnsgaasumgnayygasagotkdeiaunnnaarumt.ablspuualaaaarplnhynonaaaaeikgnatnnaotgggs.

kasAabmkanhaatgaasahanmaeaytonplabsaegagsagkiyalpaltoaaponins.bapgS,ognuktaingllaulaagaggnrlmuatlpionuytyaboraokgPaa.dtuh,ilulinauisstpgtiaumlisaprnsyaoiaononhnsngoaaairttaaiakytpan

64 UU--ZZOONNEE @dhnyla www.fb.com/dhanyela.nicolas @dhnyla

UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE

PLANONG INOBASYON: Bumuo ng sariling banghay-
aralin (ang paksa ay batay sa mapagkakasunduan).
Tiyaking magiging komprehensibo at inobatibo ang
aralin. Sikaping magiging patnubay ang mga

halimbawang banghay-aralin na natunghayan. Sikapin
din na kakasangkapanin ang integrasyon ng makabagong

teknolohiya, lokalisasyon, at integrasyon ng
pagpapahalaga tungo sa paghubog ng buo at ganap na

kabataang Pilipino.

MASUSING BANGHAY ARALIN SA
FILIPINO 9

Asignatura FILIPINO

Antas/Baitang Antas Junior High School / Baitang 9

Markahan Ikalawang Markahan

Moda ng pagtuturo Face-to-Face na Klase

I. LAYUNIN

Kognitibo Naipaliliwanag ang mga: - kaisipan - layunin - paksa;
Saykomotor at paraan ng pagkakabuo ng sanaysay (F9PB-IId-47)
Naipahahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang
Apektibo napapanahong isyu sa talumpating nagpapahayag ng

matibay na paninindigan (F9PS-IId-49)
Nailalapat ang damdaming maka-Pilipino sa isinulat na

sanaysay o talumpati

II. PAKSANG ARALIN/NILALAMAN

SANAYSAY “Ako si Jia Li, Isang ABC” (Sanaysay)
Pagsulat at pagbigkas ng isang talumpati

III. KAGAMITAN SA PAGTUTURO
Sanggunian

Antipara Blues Ep. 34 Pinagyamang Pluma 9 Antipara Blues Ep. 48

65 UU--ZZOONNEE @dhnyla www.fb.com/dhanyela.nicolas @dhnyla

UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE

Iba pang kagamitan

Powerpoint presentation
Mga larawan

Mga bidyo sa Youtube
Podium
Speaker

Mikropono

IV. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1.Panalangin
Pangungunahan ng isang mag-aaral ang panalangin para sa magiging talakayan
sa araw na ito.

2.Pagbati
Isasagawa ng guro ang malikaing pagbati na may mga kasamang pagkilos at
tutugunan naman ito ng mga mag-aaral ng parehong pagbati.

3.Pagtatala sa Liban
Iuulat ng sekretarya ng klase ang kabuoang bilang ng mga mag-aaral na pumasok
at ang mga pangalan ng liban kung mayroon.

B. Pangganyak na Gawain

Isa-isang patatayuin sa harapan ang mga mag-aaral upang
ipakilala ang kanilang sarili bilang isang ulam. Sa
pagpapakilala, dapat na maihayag ang pinagmulan ng ulam,
mga sangkap nito, at bakit ito ang nagrerepresenta sa kaniya
bilang tao. Ang mapipili nilang ulam ang siyang magiging
pagkakakilanlan o ‘palayaw’ nila sa buong talakayan. Layunin ng
gawain na mahikayat ang mga mag-aaral na maging malikhain
sa pagpapakilala sa kanilang sarili at maging kritikal sa
pagpapahayag at pagiisip ng mga mga simbolosmo o
pagkakatulad.

C. Pagtatalakay

Kahulugan #ANG KKK NG SANAYSAY

Ayon kay Alejandro Abadillo, ang sanaysay ay ang pagsasalaysay ng
isang sanay. Resulta ang sanaysay ng 3Ps o Pagtatangka, Pagsubok, at
Pagtuklas upang maipahayag ang mga karanasan, paniniwala, at
opinion ng isang tao.

Katangian
Kilala ang istruktura ng sanaysay na binubuo ng tatlong pangunahing
bahagi. Ito ay ang introduksyon, kung saan ipinapahayag ang paksa at
panimula, gitna o katawan, na naglalaman ng mga ideya, konsepto, at
pagpapaliwanag ng manunulat, at ang konklusyon o pagtatapos.

Kahalagahan
Nakapagbibigay pagkakataon ang pagsulat ng sanaysay upang
malayang ngunit sistematikong maipahayag ng isang tao ang kaniyang
kuwento, saloobin, o mga natutuhan patungkol sa isang gawain. Ito ay
pagtatala kung saan maaari mong balik-balikan ang mga karansan at
ipahayag ang mga pananaw sa pasulat na pamamaraan.

66 UU--ZZOONNEE @dhnyla www.fb.com/dhanyela.nicolas @dhnyla

UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE

#ANG KKK NG TALUMPATI

Ipapapanood ng guro ang bidyong “TALUMPATI: Masining at
Makaagham na Pagbigkas” mula sa channel na Antipara Blues sa
Youtube.
Matapos maipa-panood sa mga mag-aaral, tatanungin sila ng guro
kung ano ang nakuha nilang KKK ng talumpati.

Mga inaasahang sagot:
KAHULUGAN:

Ang pagtatalumpati ay isang sining ng paghahatid ng mensahe o kaisipan tungkol sa isang
napapanahong paksa na kailangang maipahayag ng epektibo at mabisa.

KATANGIAN:
Mahalaga ang kasanayang pangkomunikatibo upang magamit ang talumpati upang

maglahat, mag-ulat, at magmulat at manghikayat.

KAHALAGAHAN:
Mahusay na pamamaraan ang talumpati upang maiparating ninoman ang mga bagay na

Nais bigyang diin o bigyang halaga.

#SIJIALIATAKO

Upang magbigay halimbawa sa kaniyang mga kamag-aral, tatawagin
ng guro ang isang nakatalagang mag-aaral.

Magsusuot ng national costume ng Tsina ang isang mag-aaral na
inatasan ng guro bago pa ang klase. Suot-suot ang damit ay pupunta
siya sa podium na inihanda ng guro at saka babasahin ang sanaysay
na pinamagatang “Ako si Jia Li, Isang ABC”.
Matapos ang pagbasa ay mababato ng katanungan ang guro upang
malaman kung naintindihan ba ng mga mag-aaral ang napakinggang
sanaysay.
Mga katanungan:

Ano-ano ang mga katangian ni Jia Li bilang ABC?

Sa tingin ninyo ay totoo ba ang paniniwala nila ng kaibigang si Lian na “They
have the best of both worlds”?

Ano-anong kaugaliang Tsino ang isinasagawa ng pamilya ni Jia Li?

May nakita ba kayong pagkakatulad ng kanilang mga kaugalian at paniniwala
dito sa atin sa Pilipinas?

Kung ikaw si Jia Li, paano mo maipapakilala ang sarili mo bilang Pilipino?
Sa bahaging ito, upang mas mapalalim ang kasanayan ng mga mag-aaral sa
pagsulat ng sanaysay at pagtatalumpati, pasusulatin ng guro ang mga mag-aaral
ng isang talatang talumpati kung saan dapat na maipakilala nila ang sarili at ang
kanilang pagka-Pilipino.

Bibigyan ang mga mag-aaral ng 5 minuto upang sumulat ng maikling sanaysay
bago magsimula. Ang kopya ng sanaysay ay ipapasa upang mabigyan ng grado
matapos nilang manalumpati.

Pagkatapos ng 5 minuto ay isa-isa nang tatawagin ng guro ang mga mag-aaral sa
harapan upang magpakilala sa podium at mikropono.

Hihingi ng opinyon ang guro sa isang mag-aaral matapos ang bawat talumpati
para sa pagpupuna at komendasyon.

67 UU--ZZOONNEE @dhnyla www.fb.com/dhanyela.nicolas @dhnyla

UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE

Ang batayan sa pagga-grado sa awtput ng mga mag-aaral ay narito:

PAMANTAYAN MARKA

Mahusay (5-4) Katamtaman (3-2) Husayan pa (1-0)

Sanaysay

Nilalaman

Makabuluhan ang mga

detalye at madulas ang

daloy ng mga ideya sa

sulatin.

Balarila at Mekaniks

Walang pagkakamali sa

barirala pati na sa mga

kapitalisasyon,

pagbabaybay, at

pagbabantas.

Talumpati

Dating

Matikas at buo ang
kalidad
ng boses.

Maganda ang tindig at

angkop ang mga kilos o

galaw sa sinasabi.

Malikhaing Estratehiya

Gumamit ng elementong

naratibo sa

pagtatalumpati upang

maging kawili-wili ang

pagpapakilala.

KABUUAN

V. PANGWAKAS NA GAWAIN

A. Paglalagom #ANSAVEH?!

Pipili ng tatlong mag-aaral ang guro at tatanungin niya ang
linyang tumatak sa kanila mula sa naging pagpapakilala ng mga
kamag-aral. Mula sa tatlo pagbobotohan ng klase ang
pinakatumatak na linya at dapat na i-my day o story ito ng mga
mag-aaral sa kanilang mga Facebook o Instagram account.

B. Takdang Aralin

Sumulat ng isang sanaysay na sasagot sa katanungang: "Kung
isang sikat na artista ang Pilipinas, sino siya at bakit?" Ang
sanaysay na ito ay hindi dapat lalagpas sa tatlong talata at
bibigkasin nilang muli na hindi tatagal sa limang minuto. Ibi-bidyo
nila ang sarili sa kanilang tahanan at ipapasa ito sa google drive
ng klase. Panonoorin ang kompilasyon ng mga talumpati ng mga
mag-aaral sa susunod na pagkikita. Ang pamantayan ay kapareho
ng sa gawain kanina.

68 UU--ZZOONNEE @dhnyla www.fb.com/dhanyela.nicolas @dhnyla

ZZOONNEE OO LLUUGGAARR PPAARRAA SSAA MMGGAA PPAATTOOKK AATT UUSSOO NNGG PPAANNIITTIIKKAANN AATT KKUULLTTUURRAANNGG PPOOPPUULLAARR

Antipara Blues. "MELC-BASED | Pagbihag at Pagbalikwas Sa Pagsulat Ng
Sanaysay | Antipara Blues Ep. 34." YouTube. YouTube, 08 Dec. 2020. Web.
26 June 2021.
Antipara Blues. "MELC-BASED | TALUMPATI: Masining at Makaagham Na
Pagbigkas | Antipara Blues Ep. 48." YouTube. YouTube, 30 Jan. 2021. Web.
26 June 2021.
Baisa-Julian, Aileen, et.al. 2019. Pinagyamang Pluma 9. Phoenix Publishing
House, Inc. Quezon City.
Beck, U. (2000). What Is Globalization? Google Books.
Berendzen, J. C. (2017, August 30). Max Horkheimer. Stanford Encyclopedia
of Philosophy.
Cariño, J., 2014. Arkitektura at Globalisasyon sa Pilipinas: Isang
Pagbabakasakali Tungo sa Isang Kritikal na Teoryang Kultural / Architecture
and Globalization in the Philippines: An Attempt at a Critical Cultural Theory.
Cordero, J. J. (n.d.). Gitnang Uring Fantasya at Materyal na Kahirapan sa
Neoliberalismo by Rolando B Tolentino. Academia.edu.
Correa, R. B. (2007, September). Japanimation, Americanization,
Globalization: Pagbuwag sa Wika ng Kapangyarihan sa Pamamagitan ng
Dubbing ng Anime sa Wikang Filipino. MALAY.
Erikson, E. H. (1968). Identity: Youth and crisis. New York: WW Norton.
Fernando, C. (2020, October 26). 12 Pagkaing Pilipino That Will Make You
Drool. ZenRooms Blogs.
FILIPINO FOOD Glossary. (n.d.).
Fischer, S., 2003. Globalization and Its Challenges. [online] Piie.com.
Held, D. (2000). A Globalizing World? Google Books.
Holmes, S. (2021, June 3). 20 Famous Landmarks in Philippines. Travel2Next.
Inc., P. M. (2016, May 27). Top 10 Internationally Famous Filipino Celebrities.
Blog.
M2Social. (2019, July 22). 25 World Class Filipinos Who Took Over the Globe
in the 21st Century: Blog. M2Social.
Mabaquiao, N. M. (2007, April). Globalisasyon, Kultura, at Kamalayang
Pilipino. MALAY.
KOC, M., 2006. CULTURAL IDENTITY CRISIS IN THE AGE OF GLOBALIZATION
AND TECHNOLOGY. [online] Files.eric.ed.gov.

III UU--ZZOONNEE @dhnyla www.fb.com/dhanyela.nicolas @dhnyla

ZZOONNEE OO LLUUGGAARR PPAARRAA SSAA MMGGAA PPAATTOOKK AATT UUSSOO NNGG PPAANNIITTIIKKAANN AATT KKUULLTTUURRAANNGG PPOOPPUULLAARR

Rolando B. Tolentino | Center for Art and Thought. (n.d.). Rolando B.
Tolentino.

Sassen, S., 2003. Globalization or denationalization?. [online]
Transnationalism.uchicago.edu.

Tolentino, R., (2016). E. SAN JUAN, JR. AT ANG DISKURSONG KULTURANG
POPULAR. [online] Journals.ateneo.edu.

Top 10 Famous Landmarks in The Philippines (2021 edition). Global
Castaway. (2021, March 15).

UP Film Institute. (2018, September 13). University of the Philippines Film
Institute.

Wikimedia Foundation. (2021, April 15). Richard Hoggart. Wikipedia.

Wikimedia Foundation. (2021, April 19). Bienvenido Lumbera. Wikipedia.

Wikimedia Foundation. (2021, January 14). Soledad Reyes. Wikipedia.

Wikimedia Foundation. (2021, June 2). List of tourist attractions in the
Philippines. Wikipedia.

Wikimedia Foundation. (2021, June 3). Jürgen Habermas. Wikipedia.

Wikimedia Foundation. (2021, June 5). Raymond Williams. Wikipedia.

Wikimedia Foundation. (2021, June 8). Stuart Hall (cultural theorist).
Wikipedia.

Wikimedia Foundation. (2021, May 29). Roland Barthes. Wikipedia.

Zaraspe, A. G. O., & Valencia, T. C. (2018). Aralin 2: Globalisasyon. In Mga
Kontemporaneong Isyu (pp. 56–64). story, Phoenix Publishing House, Inc.

Zuidervaart, L. (2015, October 26). Theodor W. Adorno. Stanford
Encyclopedia of Philosophy.

IV UU--ZZOONNEE @dhnyla www.fb.com/dhanyela.nicolas @dhnyla

ZZOONNEE OO LLUUGGAARR PPAARRAA SSAA MMGGAA PPAATTOOKK AATT UUSSOO NNGG PPAANNIITTIIKKAANN AATT KKUULLTTUURRAANNGG PPOOPPUULLAARR

UU--ZZOONNEE

MANATILING NAKASUBAYBAY SA MGA SUSUNOD
NA ISYU NG U-ZONE MULA SA MGA
GURO NG BAYAN SA HINAHARAP!

LAGI'T LAGI PARA SA WIKA, PANITIKAN, AT BAYAN!

UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE || NNIICCOOLLAASS,, DDAANNIIEELLAA AA..
UU--ZZOONNEE || UU--ZZOONNEE

BBFFEE IIII--44


Click to View FlipBook Version