Tanda ng Paglikha:Isang Portfolio ngMga Sulatin atProyektoTanda ng Paglikha:Isang Portfolio ngMga Sulatin atProyekto
Talaan ng NilalamanAbstrakBuodBionotePanukalang ProyektoKatitikan ng PulongLakbay-SanaysayReplektibong SanaysayP.# Abstrak 1 – Salin sa Filipino ng nagawang abstrak noong Baitang 11 (PR1)P.# Abstrak 2 – Salin sa Filipino ng nagawang abstrak noong Baitang 11 (PR1)Buod ng Kwento / Teksto – (Napiling paksa: Jollibee)– Naglalaman ng pinaikling bersyon ng orihinal na teksto gamit angmahahalagang impormasyon at pangunahing pangyayari.P.# Bionote 1 – Unang napiling bionote mula sa mga gawa ng pangkatP.# Bionote 2 – Ikalawang napiling bionote mula sa mga gawa ng pangkatP.# Bionote 3 – Ikatlong napiling bionote mula sa mga gawa ng pangkat– Naglalaman ng maikling paglalarawan tungkol sa may-akda, tagumpay, atpersonal na pagkakakilanlan.– Isang komprehensibong panukala tungkol sa napiling proyekto ng pangkat,kinabibilangan ng introduksiyon, layunin, plano ng implementasyon, badyet, atinaasahang resulta.– Talaan ng mahahalagang pangyayari, desisyon, at napagkasunduan mula sapormal na pulong ng pangkat.– Sanaysay tungkol sa karanasan sa paglalakbay, kabilang ang obserbasyon,sariling pagninilay, at mahahalagang natutuhan mula sa lugar na binisita.– Kolektibong repleksiyon ng pangkat tungkol sa proseso ng paggawa, hamon,aral, at personal na karanasang nakuha mula sa mga gawain at proyekto.123-56-78-910-1314
Abstrak 1Abstrak 2Ang penomenolohiya ng pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mgakaranasan ng mga manggagawa sa dagat sa pagsunod sa mgahakbang pangkaligtasan, partikular na ang mga marinero mula saMOL Magsaysay Maritime Academy. Batay sa mga panayam, limangtema ang natuklasan: pagsunod sa mga patakaran, mga isyu saPPE, mga suliraning kultural at sa suplay, kahalagahan ng mgapagsasanay sa emerhensiya, at pagbuo ng kaisipang kaligtasanmuna. Ipinapakita ng pag-aaral na ito na kahit alam ng mgamarinero na mahalaga ang kaligtasan, nakararanas pa rin sila ngmga hamon. Ang pagsasanay at komunikasyon ay tumutulong sakanila na mas mahusay na tumugon, maiwasan ang mgapagkakamali, at manatiling motivated.Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang mga karanasang pangakademiko at atletiko ng mga mag-aaral na varsity sa Senior HighSchool ng Marist School Marikina. Ginamit ang penomenolohikal nadisenyo upang maunawaan ang kanilang mga karanasan batay sasariling pananaw at salaysay. Nakalap ang datos sa pamamagitan ngsemi-istrukturadong panayam at sinuri upang tukuyin ang mgakaraniwan na karanasan at temang lumitaw. Ipinakita ng resulta angapat na pangunahing tema: kakulangan ng oras para sa pag-aaral,pangangailangan ng pagbabago sa pang-araw-araw na gawi upangmabalanse ang mga tungkulin, kahalagahan ng sapat na pahingabilang paraan ng pagbangon ng lakas, at ang negatibong epekto ngmahinang pamamahala ng oras sa parehong akademiko at palakasan.Ipinahihiwatig nito na patuloy na hinaharap ng mga mag-aaral na atletaang hamon ng pagpapanatili ng balanse habang sabay na tinutupad anginaasahang gampanin sa silid-aralan at sa atletiko.Mga Susing Salita: mga mag-aaral na atleta, hamong pang-akademiko,pagganap sa palakasan, pamamahala ng oras, pagbabago ngpamumuhay, panggagalingan ng lakas, penomenolohiya1
Buod - Jollibee \"Choice\"Ang “Choice” ay isang maikling pelikulangpatalastas mula sa serye ng Kwentong Jollibee, nanaglalaman ng isang emosyonal na kuwento tungkolsa pag-ibig at mahihirap na desisyon.Sa simula, ipinakikita ang isang babae na nasa gitnang dalawang mahalagang tao sa kaniyang buhay. Isaay matagal na niyang minahal at nakasama sa mgamasasayang alaala, at ang isa naman ay bagongdumating ngunit tunay na nagpakita ng pang-unawaat malasakit.Habang lumalalim ang kuwento, nakikita ngmanonood ang hirap ng sitwasyon ng bida kungpaano pipiliin kung sino ang tunay na makakasamaniya. Sa bawat alaala at eksenang ipinakita,lumulutang ang tema ng pagmamahal, sakripisyo atkatapatan sa sariling damdamin.Sa huli, kailangang magpasya ang babae: pipiliin baniya ang dating pagmamahal na puno ngkasaysayan, o ang bagong tao na handang magbigayng kinabukasan? Ang desisyon ay hindi lamangtungkol sa kung sino ang mahal niya, kundi kungano ang makakabuti para sa kaniyang puso atkinabukasan.2
Bionote - Gawaing Pasulat 2.1Pangalan: EVANGELISTA, Marco Raphael T. CN: 15Baitang at Pangkat: 12 - Marlhes Petsa: 9/15/25Si Ma. Christina T. Evangelista ay isang batikangpropesyonal sa larangan ng Information Technology nanagtapos ng Bachelor of Science in Information Technology(BS-IT). Sa loob ng dalawampu’t tatlong (23) taon ngkanyang paglilingkod bilang Project Manager, ipinamalasniya ang kahusayan at dedikasyon sa pagpapaunlad ng mgaproyektong may malaking ambag sa industriya. Isa sa mganatatanging tagumpay niya ay ang pagtatatag ng unangcall center operations sa Davao, isang makasaysayanginisyatiba na nagbigay ng maraming oportunidad sa mgaPilipino sa rehiyon. Higit pa rito, siya rin ang kinikilalangunang Pilipinong Global Trainer ng Nokia, na nagbigay sakanya ng mas mataas na kredibilidad at paggalang sapandaigdigang larangan ng teknolohiya at komunikasyon.Bilang isang propesyonal, aktibo siyang nakikibahagi sa iba’t ibang pagsasanay atorganisasyon na higit pang nagpalawak sa kanyang kaalaman at karanasan. Ang kanyangmga gawain ay hindi lamang nakatuon sa pag-unlad ng kanyang propesyon kundi pati narin sa pagbibigay ng kontribusyon sa lipunan.Sa kabila ng kanyang mga tagumpay sa propesyon, nananatili siyang nakatuon sa kanyangpersonal na tunguhin sa buhay—ang maihanda ang kanyang mga anak upang harapin angmga hamon ng kinabukasan. Sa kanyang oras na malaya, nahuhumaling siya sa pag-aalagang mga halaman at pagluluto, na nagbibigay balanse sa kanyang abalang pamumuhay atnagsisilbing paraan ng pagpapahinga at pagpapahayag ng sarili.3
Bionote - Gawaing Pasulat 2.1Pangalan: Umali, Crispaul Cian T. CN: 42Baitang at Pangkat: 12 - Marlhes Petsa: 9/15/25Si Cristina Torres-Umali ay nagtapos ng Batsilyersa Agham sa Pangangasiwa ng Negosyo saMiriam College noong 2004. Ang kanyang unangtrabaho ay sa Robinsons Inc. bilang isangmerchandiser sa damitan ng pangkababaihan.Sa kasalukuyan, siya ang Tagapamahala ng mgadamit ng lokal na kompanya ng sapatos na BiboShoes. Kung susumahin ay may dalawampu’tisang taon na siya sa industriyang ito.4Para sa kanya ang bawat kaganapan at karanasan sa ating propesyon,maliit man o malaki ay mahalaga dahil ito ang humubog at patuloy nagumagabay at nagpapaunlad sa atin.Makalipas ang humigit kumulang limang taon ay ninanais niya ringmagkaroon ng sariling negosyo na nagbibigay ng importantengambag o tulong sa ating mga kababayan at lipunan.
Bionote - Gawaing Pasulat 2.1Pangalan: De Mesa, Yohel Iosep M. CN: 10Baitang at Pangkat: 12 - Marlhes Petsa: 9/15/25Engr. Joel D. de Mesa, nagtapos ng BS in GeodeticEngineering sa University of the Philippines Dilimanat kumuha rin ng Masters in Business Administrationsa Ateneo Graduate School of Business. Sakasalukuyan, siya ay isang Bank Officer V sa BangkoSentral ng Pilipinas, kung saan siya ay naglilingkodnang mahigit 15 taon. Bukod sa kanyang trabaho,masigasig din siyang nag-aaral ng Law sa ArellanoUniversity School of Law bilang bahagi ng kanyangpatuloy na paghahangad ng kaalaman at propesyonalna pag-unlad.5Bilang isang propesyonal, si G. de Mesa ay may malawak na karanasan atlisensya bilang Geodetic Engineer, Real Estate Appraiser, at Real Estate Broker.Ang mga karanasang ito ay nagbigay sa kanya ng mas malalim na pag-unawa sapamamahala, pagsusuri, at pagpapahalaga ng mga ari-arian—mga kasanayangnakatulong nang malaki sa kanyang kasalukuyang tungkulin sa sektor ngpananalapi.Sa kabila ng kanyang mga tagumpay, nananatiling malinaw ang kanyangpersonal na layunin: ang makapagtapos sa Law School at maging isa sa mgaunang abogado sa kanilang pamilya. Ang kanyang matibay na interes atdedikasyon sa larangan ng batas ang nagsisilbing inspirasyon upangipagpatuloy ang kanyang paglalakbay, hindi lamang para sa sariling pag-unlad,kundi para rin sa higit na paglilingkod sa pamilya at lipunan.
6Lugar: Barangay CupangInihanda ni: Fallaria, Matthew Humphrey D.Petsa: 11/19/25I. RationaleKilala ang Barangay Cupang dahil sa mga masasamang gawain at pangyayari tuladng pangbubugbog, paggamit ng droga, pagpatay, at iba pang mga karahasan nanagdudulot ng takot sa mga residente. Sa kasalukuyan, kulang ang seguridad ngmga tanod at walang nagbabantay sa bawat sulok ng barangay, kaya mabagal angpagresponde sa mga insidente.Ang pagpapatayo ng Barangay Tanod Outpost kada Purok (1-6) ay magbibigaynang mas maayos na lugar para sa pagbabantay, mabilis na koordinasyon, atagarang aksyon ng mga tanod. Sa ganitong paraan, masisiguro ang seguridad,mababawasan ang krimen, at magkakaroon ng kapanatagan sa komunidad at samga dayuhan.II. LayuninMakapagpatayo ng anim (6) na tanod outposts, isa sa bawat purok, upangmapalakas ang seguridad at mapabilis ang pagresponde ng mga tanod saanumang insidente sa barangay.III. SakopAng proyekto ay para sa lahat ng purok sa Barangay Cupang, kabilang ang mgatanod outposts sa bawat purok. Hindi kasama ang mga gawain sa labas ngbarangay.IV. Plano ng Dapat Gawin1.Pagpasa at pag-apruba sa barangay (5-7 araw)2.Paglalaan at paglabas ng badyet (1 linggo)3.Pagtukoy ng mga lokasyon para sa tanod outpost (1 linggo)4.Pag recruit at screening ng karagdagang tanod (2 linggo)5.Pakikipag-ugnayan sa Antipolo City Police Station (1 araw)6.Pagsasagawa ng oryentasyon at training ng mga bagong tanod (2 linggo)7.Pagpapatayo ng mga tanod outposts (1-2 buwan)8.Pormal na paglulunsad ng Project Bantay-Cupang (1 araw)PANUKALA SA PAGSASAKATUPARAN NG SEGURIDAD SA BARANGAY CUPANG
V. BadyetVI. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang NitoAng pagtatayo ng tanod outpost sa bawat purok sa Barangay Cupang aymakakatulong sa lahat ng mamamayan. Mas mabilis na makakaresponde ang mgatanod sa anumang insidente, kaya nababawasan ang panganib sa buhay at ariarian.Magkakaroon ng kapanatagan ang mga residente dahil may nakapuwestong tanodsa bawat purok. Mababawasan din ang trabaho at alalahanin ng mga opisyal sapagresponde sa reklamo o emergency.Tiyaking ligtas at maayos ang buong barangay sa pamamagitan ng pagtatayo ngtanod outposts na magsisilbing proteksiyon at gabay sa seguridad ng komunidad.VII. Tagal ng ProyektoTatlong buwan at isang linggo (Pebrero hanggang Mayo 2026)VIII. KonklusyonAng pagtatayo ng tig-iisang tanod outpost sa bawat purok sa Barangay Cupang aymakapagpapalakas ng seguridad at mas mabilis na pagresponde sa anumanginsidente. Sa pamamagitan ng proyektong ito, masisiguro ang kaligtasan atkapanatagan ng mga residente, at magkaroon ng mas organisadong pamayanan nanagbibigay-prayoridad sa kapayapaan at proteksyon ng bawat mamamayan.7
Proyektong Pang-Edukasyon tungkol sa Waste ManagementPetsa: Pebrero 12, 2025Oras: 3:00 P.MLugar: Silid-Aralan, Baitang 12Mga DumaloDE MESA, Yohel Iosep - PinunoFALLARIA, Matthew Humphrey - KalihimGALERA, Justin - Tagapag-ulatUMALI, Crispaul Cian - Tagalikha ng Visual MaterialsEVANGELISTA, Marco Raphael - Tagasuri / Final VerifierLahat ng kasapi ay dumalo at walang sinumang lumiban sa nasabing pagpupulong.Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng PulongBinasa ni FALLARIA, Matthew Humphrey ang katitikan ng pulong na isinagawanoong nakaraang linggo. Matapos ang pagtalakay at pagsusuri sa mga nakasaaddito, kinilala ng mga dumalo na ang nilalaman nito ay wasto, tumpak, attumutugma sa tunay na mga naganap. Dahil walang karagdagang pagbabago opagtutol na iniharap, ito ay pormal na napagtibay ng pangkat.Mga Napag-Usapan at Napagkasunduan-Pagpili at Pagpapatibay ng Paksa ng ProyektoNagkaroon ng masusing talakayan hinggil sa pangkalahatang direksiyon ngpangkat sa nalalapit na proyekto. Iminungkahi ni Yohel Iosep De Mesa na ituon angproyekto sa waste management dahil ito ay napapanahon at may malaking epektosa kalinisan sa paaralan. Matapos ang palitan ng kuro-kuro, napagkasunduang itoang maging pangunahing paksa.-Paglalaan ng Tungkulin at Responsibilidad ng Bawat KasapiUpang maging sistematiko ang pagbuo ng proyekto, pinagpasyahan ng pangkat angmalinaw na paghahati ng tungkulin.Si DE MESA, Yohel Iosep ang naatasang magsilbing tagapag-ulat at tagapagsalitang pangkat.Si FALLARIA, Matthew Humphrey ang naitalagang mamahala sa opisyal nadokumentasyon, kabilang na ang pagbuo ng katitikan at iba pang liham o ulat.Si GALERA, Justin ang mangangasiwa sa pagbuo ng presentasyon at magigingresponsable sa pag-aayos ng final slide deck.Si UMALI, Crispaul Cian ang naatasang gumawa ng poster, infographics, at ibapang visual materials na gagamitin sa presentasyon.Si EVANGELISTA, Marco Raphael ang magsasagawa ng huling beripikasyon,pagsusuri ng nilalaman, at pagtiyak na ang lahat ng bahagi ay magkakatugma atwalang pagkakamali.8
Timeline at Pagbuo ng Plano ng GawainNapagkasundang hatiin ang proseso ng proyekto sa tatlong yugto:1. Pagkalap ng Datos at Pananaliksik – na magsisimula agad pagkaraan ngpulong.2. Pagbuo ng Output – inatasang matapos sa loob ng isang linggo upangmagkaroon ng sapat na panahon para sa pagsusuri.3. Final Compilation at Rehearsal – gagawin sa huling tatlong araw bago ipasa angproyekto.Takdang Petsa ng PagsusumitePormal na napagkasunduan ang final output ay inihain sa guro sa petsa ng Pebrero26, 2025, kalakip ang printed at digital na kopya.Pabalita at PatalastasIminungkahi ni UMALI, Crispaul Cian na magkaroon ng isang maikling pagpupulongbago ang final checking upang pag-usapan ang anumang kakulangan. Sang-ayonnaman ang lahat na ito ay magiging malaking tulong upang mapataas ang kalidadng proyekto. Iminungkahi ring pag-isipan ang posibilidad ng pagdagdag ng maliitna video clip na maaaring makatulong sa presentasyon. Isasama ang mgasuhestyong ito sa adyenda ng susunod na pagpupulong.Iskedyul ng Susunod na PulongNapagkasunduang muling magtipon ang pangkat sa Pebrero 20, 2025, ganap na3:00 N.H., sa parehong silid-aralan.Layunin ng pulong na ito ang pagsusuri ng progreso, pagtiyak na matatapos sa orasang mga itinalagang bahagi, at pagbuo ng final review bago isumite ang proyekto.PagtataposAng pagpupulong ay pormal na tinapos ni DE MESA, Yohel Iosep sa ganap na 4:10P.M, matapos matalakay ang lahat ng mahahalagang usapin.LagdaInihanda ni:FALLARIA, Matthew HumphreyKalihimIsinumite noong Pebrero 12, 20259
FallariaSa mga karanasan ng mga Estudyante, maging kahit anong grade level kaman, hindi mawawala ang Field Trip. Ang Field Trip o Outbound Trip ay isa samga pinaka inaasam-asam nating mga estudyante, dahil dito, tayo aymakakapunta sa mga lugar sa mga lugar at makatuklas ng mga panibagongkaalaman sa lugar na iyon. Sa Outbound Trip, kadalasan sa mgaestudyanteng tulad ko ay tinatrato ito bilang isang bakasyon, nanagkakasama-sama ang mga magkakaibigan, gumagawa ng mga alaala, athigit sa lahat, bilang pahinga na rin sa nakakapagod na araw saeskwelahan. Ika-22 ng Agosto 2025, kaming mga Grade-12 Students aynagpunta sa OARDEC sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños. Ito ay isa sapinaka-kilalang unibersidad sa Pilipinas at ang OARDEC ay isang lugar namayaman sa agrikultura at kilala rin dahil sa dahil dito rin kadalasangumagawa ng pananaliksik.Pero hindi lang ito basta-bastang field trip na bakasyon, naranasan ko rinang trabaho ng mga trabahador dito. Una, tinuruan at nagawa ko mag-hiwang hindi ako sigurado kung ito ba ay mga parang parte ng saging naginagamit para gumawa ng parang arnibal. Sa Isang gawaingnaidemonstrate sa amin, para sa akin, ay mas naapply ko rin sa totoongbuhay. Ito yung paghahalo ng iba’t-ibang uri ng soil maging para sahalaman o sa gulay. At ang pinaka-gampanin namin sa OARDEC ay makipagpanayam sa mga trabahador at malaman nang husto ang kanilangtungkulin at kahalagahan nito. Gumawa rin kami ng proyekto sa kung anoang natutunan namin sa Outbound Trip, tulad ng Solution Plant para saScience at Biology. Kinakailangan naming gumawa ng Organic SolutionSanitation Plan base sa aking natutunan sa OARDEC.Masasabi ko na kahit papaano ay naging masaya ang karanasan ko saOARDEC, dahil kasama ko ang mga kaklase at kaibigan ko, at syempre, maybagong natutunan sa kung ano ba ang kahalagahan ng mga halaman atagrikultura sa atin. Pero dahil may proyektong nag-aantay sa amin hindi komasyadong naenjoy ang Outbound Trip ngayon kaysa noong Grade 10-11,dahil mas nakapokus kami sa pagtapos ng proyekto. Naiintindihan konaman na may dahilan ang pagpunta namin sa OARDEC, at hindi lang kaminagpunta doon para mamasyal.10Lakbay-Sanaysay
GaleraAng pagbisita namin sa OARDEC ay nagpatanto saakin kung gaano kahalaga ang agrikultura sa arawaraw nating buhay. Hindi lang ito tungkol sa pagkainna inaani, kundi tungkol din sa mga taongnagtatrabaho at sa mga komunidad na umaasa rito.Natutunan ko rin na gamit ang siyensiya at mgasimpleng sustainable na paraan, maaari natingmapangalagaan ang kalikasan at mapabuti angparaan ng pagsasaka.Nakita ko mismo kung gaano kahirap ang proseso ngpagtatanim at pag-aalaga ng mga halaman, kaya masna-appreciate ko ang effort bago makarating angpagkain sa atin. Ipinakita rin ng karanasang ito nakahit maliliit na hakbang ay may malakingmaitutulong para sa mas maganda at mas sustainablena kinabukasan.11Lakbay-Sanaysay
EvangelistaSa lahat ng karanasan ng mga estudyante, hindinawawala ang Field Trip. Isa itong inaabangan dahilnakakapunta tayo sa bagong lugar at nakakakuha ngdagdag kaalaman. Para sa marami, kabilang ako,nagiging parang bakasyon ito—kasama ang mgakaibigan, gumagawa ng alaala, at nakakapagpahingamula sa eskwela.Noong Agosto 22, 2025, pumunta kaming Grade 12 saOARDEC sa UP Los Baños, isang kilalang lugar para saagrikultura at pananaliksik. Hindi lang ito bastapamamasyal; naranasan namin ang ilang gawain ngmga trabahador—tulad ng paghiwa ng bahagi nghalaman at paghahalo ng iba’t ibang uri ng lupa.Nakipagpanayam din kami sa mga trabahador paramaintindihan ang kanilang tungkulin at kahalagahan.Pagbalik, kailangan naming gumawa ng proyektotulad ng Organic Solution Sanitation Plan para saScience at Biology.12Lakbay-Sanaysay
De MesaHabang ginagawa ko ang proyektong ito, para akongnaglakbay patungo sa mas malinaw na pag-unawatungkol sa agrikultura. Dati, iniisip ko lang na angagrikultura ay pagtatanim at pag-aalaga ng hayop. Perongayon, nakita ko na mas malaki pala ang papel nito—itoang nagbibigay sa atin ng pagkain at nagigingkabuhayan ng maraming tao.Sa pagbisita at pag-obserba, napansin ko kung paanonito pinagsasama ang mga komunidad, at kung gaanokahalaga ang agrikultura para sa ating araw-araw nabuhay. Hindi pala basta-basta ang bawat ani. Sa likod nitoay may masisipag na magsasaka, matiyagang mgasiyentipiko, at mga organisasyong tulad ng OARDEC nanagbibigay ng kaalaman at tulong.Sa paglalakbay kong ito, natutunan ko na angagrikultura ay hindi lang trabaho—ito ay isangmahalagang bahagi ng ating pamumuhay. At bitbit koang aral na iyon saan man ako mapunta.13Lakbay-Sanaysay
Mahalaga ang wika sa proseso ng komunikasyon at pagkatuto sapagkat ito angpangunahing daluyan ng paglikha, pagpapalitan, at pag-unawa ng kaalaman. Samas mataas na antas ng pag-aaral, ang kursong Filipino sa Piling Larang:Akademik ay nagsisilbing mahalagang asignatura na tumutulong sa mga magaaral na malinang ang kanilang akademikong kasanayan at maihanda sila sa masmalalim na pakikilahok sa lipunan. Itinatampok ng kursong ito na ang mahusay napaggamit ng wikang Filipino sa akademikong konteksto ay hindi lamang susi sapag-unlad ng bawat estudyante, kundi mahalagang ambag din sa pagunlad ngating lipunan.Mahalagang pag-aralan ang Filipino sa Piling Larang na nakatuon sa Akademiksapagkat pinauunlad nito ang kasanayan sa pagbasa, pagsusulat, at kritikal napag-iisip, na kinakailangan sa pag-aaral at pananaliksik. Sa pamamagitan ng iba’tibang akademikong sulatin, nasasanay ang mga mag-aaral sa tamang paraan ngpagbuo at pagpapahayag ng ideya, kabilang ang lohikal, organisado, atmakabuluhang paglalahad. Dahil dito, nagiging mas handa sila sa iba pangasignatura na nangangailangan ng mataas na antas ng literatura.Para sa mga mag-aaral, ang kursong ito ay nagdudulot ng mas malawak na pagunawa at pagpapahalaga sa sariling wika. Nagbibigay ito ng tiwala sa sarili sapaggamit ng Filipino sa pormal at intelektwal na konteksto, na mahalaga lalo na sapagsulat ng mga pananaliksik, talumpati, at iba pang akademikong gawain.Dagdag pa rito, napapalawak nito ang perspektiba at kakayahang makaunawa ngmas malalim na konsepto sa pamamagitan ng paggamit ng wikang mas malapit sakanilang karanasan.Sa konteksto naman ng lipunan, nagiging mahalagang tulay ang kursong itoupang maipahayag ng kabataan ang kanilang kaisipan at damdamin tungkol samga isyung panlipunan. Dahil sa pagpapatibay ng wikang Filipino bilang daluyanng kaalaman, nai-pagtataguyod ang pambansang pagkakaisa at pagkakakilanlan,at nagkakaroon ng mas malinaw at epektibong komunikasyon sa iba't ibang aspetong lipunan. Sa huli, ang maayos na paggamit ng wika ay nagsisilbint ambag sapatuloy na pag-unlad ng sambayanan.Sa kabuuan, mahalaga ang kursong Filipino sa Piling Larang: Akademik sapakat hindi lamang ito nakatuon sa akademikong kasanayan kundi maging sapersonal, kultural, at panlipunang pag-unlad ng mag-aaral. Ang Filipino aynagbibigay-boses sa kabataan at nagsisilbing lakas ng sambayanan, kaya’tnararapat lamang itong pagyamanin at gamitin sa iba’t ibang larangan ng buhay.Kung kaya’t bilang hamon, kailan ka huling lumikha ng akdang pampanitikan paralamang sa kasiyahan at hindi dahil sa grado? Patuloy nating linangin ang paggamitng wikang Filipino upang magamit ito hindi lamang sa paaralan, kundi sa arawaraw na pakikipag-ugnayan at pagkakaisa sa lipunan.14Replektibong Sanaysay
Listahan ng mgaGampanin ng MiyembroYohel Iosep De mesaMarco Raphael EvangelistaMatthew Humphrey FallariaJustin GaleraCrispaul Cian UmaliNaatasang magsilbing tagapag-ulatat tagapagsalita ng pangkat.naitalagang mamahala sa opisyal na dokumentasyon,kabilang na ang pagbuo ng katitikan, pagsulat ngbuod ng “Choice”at iba pang liham o ulat.mangangasiwa sa pagbuo ng presentasyon atmagiging responsable sa pag-aayos ng finalslide deck.naatasang gumawa ng poster, infographics, atiba pang visual materials na gagamitin sapresentasyon.magsasagawa ng huling beripikasyon, pagsusuring nilalaman, at pagtiyak na ang lahat ng bahagiay magkakatugma at walang pagkakamali.