nakuha ang wastong baybay sa APSCI ISpell Competition 2024 naghari sa Imus City Meet 2024 naghari sa Imus City Meet 2024 inungusan ang SVP, 3-2 O P pisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy itak Fi l i p ino Mga mamamahayag pinulbos ang SVP, 3-1 Marc Zyrus Lazarte,
1 Pitak Filipino Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy Agosto 2023-Abril 2024 B A LIT A 2PAHINAAugust 2023-January 2024 Nagwagi naman ang anim na kandidato sa TUGON at isang independent candidate bilang mga kinatawan ng kanilang baitang. Si Alyanna Lois Dayanghirang para sa ikaapat na baitang, Elisha Rielle Vicedo sa ika-limang baitang, Michael Thomas Sico para sa ika-anim na baitang, Arthur Benjamin Angeles sa ika-pitong baitang, Kyrene Elicah Velando sa ika-walong baitang, Marcus Miguel Tangdol sa ika-siyam na baitang, at si Ethan Matthew Herrera para sa ika-sampung baitang. Inihalal bilang kinatawan ng mga estudyante ay sina Governor Madeleine Reyes mula sa partidong TUGON, Vice Governor Lance Daniel Maglalang na kaagapay ng Nagsimula ang kampanya ng mga partidong Tapat sa Ugnayan, Gawi, Obligayson, at Naisumpang Pagsulong (TUGON) at Active Leaders Achieving Brilliance (ALAB) sa pamamagitan ng paglilibot sa iba't ibang silid ng paaralan upang ikampanya ang kanilang mga inihaing kandidato. Umabot ng dalawang araw ang pangangampanya kung saan sinabi ng mga kandidato sa pagka-pangulo at iba pang posisyon ang kanilang mga pangako, adhikain, at mga platapormang kagaya ng pagpapaunlad ng kaalamang pang-akademya, paglapit sa mga kinatawan kapag may problema, iba’t ibang programa sa bawat okasyon, at higit sa lahat ay ang pagpapalakas ng ugnayan ng mga estudyante. Nagkaroon ng Miting de Avance na kung saan ang mga kandidato ay nagbigay ng mas malawak na pahayag tungkol sa kanilang mga plataporma at mga layunin para sa kanilang termino, sinagot din ng mga ito ang ilang mga tanong ng kanilang mga kamag-aral. Nang dumating ang araw ng eleksyon, nagsanib-puwersa ang mga mag-aaral mula sa iba't ibang baitang na aktibong nakilahok sa pagpili ng kanilang kinatawan para sa SSG. Gobernadora, Secretary Franchezka Alexis Hermoso mula sa ALAB, Treasurer Jennaya Kayin Lungcay, Auditor Kacey Paulheen Ledesma, at PIO Jaden Miguel Regala na mula sa TUGON. Gabriel Thomas Agpoon at Yesha Mary Ventura Gabriel Thomas Agpoon LTA, HUMAKOT NG PARANGAL SA 2023 PRIVATE SCHOOLS PRESS CONFERENCE AT 2024 CLUSTER COMPETITION IN CAMPUS JOURNALISM FOR PRIVATE SCHOOLS Humakot ng parangal ang mga mag-aaral ng La Trinidad Academy sa Private Schools Press Conference (PSPC) noong ika-25 ng Nobyembre taong 2023. at sa nagdaan na Cluster Competition in Campus Journalism for Private Schools na isinagawa noong ika-20 ng Enero taong 2024 sa Del Pilar Academy. Nakapag-uwi ng 18 gintong medalya ang mga mag-aaral na sina Arriane Arrieta para sa News Writing Filipino-Elementary, Michael Thomas Sico sa Copy Reading & Headline Writing EnglishElementary, Gabriel Thomas Agpoon sa Copy Reading & Headline Writing Filipino-JHS, Chrizelle Celis sa Feature Writing Filipino-JHS, Sofia Gueta sa Feature Writing English-JHS, Aileen Palma sa Feature Writing-SPA, Liam Jorta sa Editorial Cartooning FilipinoElementary, Honeylet Sanoria sa Editorial Cartooning Filipino-JHS, Diane Kate Gamet sa Editorial Cartooning Filipino-Elementary, Beejay Molina sa Editorial Cartooning English-JHS, Ameerah Aiesha Marquez sa Sports Writing Filipino-JHS, Fritzie Pereña sa Editorial Writing English-JHS, Madeleine Reyes sa Editorial Writing FilipinoJHS at sina Sean Kent Casilagan, Nisha Sio, Lord Dale Miranda, Razhayameia Dayanghirang, at Lance Maglalang para sa Radio Broadcasting-English. Samantala, nakapag-uwi naman ng 6 na medalyang pilak sina Kyrene Velando para sa Science & Technology-JHS, Sophia Nas sa News Writing Filipino-JHS, Yzabel Ann J. Pacifico sa Copy Reading & Headline Writing Filipino - JHS, Czarina Untalan sa Editorial Cartooning English - JHS,Franchezka Hermoso sa Column Writing Filipino-JHS, at Joeros Czanderfried Sallan sa Photojournalism Filipino-Elementary. PARTIDONG TUGON AT ALAB, NAGPASIKLABAN SA ELEKSIYON NG STUDENT SUPREME GOVERNMENT (SSG) Larawan mula kay Anne Desarie Saysan
Pitak Filipino Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy Agosto 2023-Abril 2024 B A LIT A 3PAHINANakapag-uwi rin ng 6 na tansong medalya ang mga mag-aaral na sina Zara Janina Jamison para sa kategorya ng News Writing Filipino-JHS, Adelyn Ferrer sa Editorial Cartooning Filipino-JHS, Yesha Ventura sa Feature Writing Filipino-JHS, Lianne Margaret Cabunoc sa Editorial Cartooning English-JHS, Giam Kathline Loking sa Column Writing Filipino-JHS, at si Marielle Villaseñor sa Photojournalism English-JHS. Mayroon din namang 10 mag-aaral na nakakuha ng kanilang mga puwesto subalit hindi pinalad na makapag-uwi ng medalya, tatlo sa ikaapat na puwesto-(4th-placer), tatlo sa ikalimang puwesto-(5thplacer), isa sa ikaanim na puwesto-(6th-placer), dalawa sa ikawalong puwesto-(8th-placer) at isa para sa ikasiyam na puwesto-(9th-placer). Sa naganap naman na Cluster Meet Private Schools Press Conference, muling ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang kahusayan at humakot muli ng mga parangal at medalya sa magkakaibang kategorya sina Michael Thomas Sico para sa Copy Reading English-Elementary, Lynnfield Velasco sa Editorial Writing English-Elementary, Alyanna Lois Dayanghirang sa Feature Writing Filipino - Elementary, Ameerah Aiesha Marquez sa Sports Writing Filipino-Secondary, Marris Ruwi Cano sa Science Writing English-Elementary, Gail Brienne Bacbac sa Column Writing Filipino-Elementary, Giam Kathline Loking sa Column Writing Filipino-Secondary, Kacey Paulheen Ledesma sa Column Writing English-Secondary, Mihr Jonathan Liam Jorta sa Cartooning FilipinoElementary, Dianne Kate Gamet sa Cartooning English-Elementary, Beejay Molina sa Cartooning English-Secondary, Arriane Arrieta sa News Writing Filipino-Elementary, Kristhine Anne Nacorda sa News Writing English-Elementary, Joeros Czanderfried Sallan sa Photojournalism Filipino-Elementary, Michaella Sophia Montanno sa Photojournalism English-Elementary, sina Ralph Jared Pajarin at Shayne Danielle Enopia sa Mobile Journalism Filipino-Secondary, sina Jaden Miguel Regala at Ethan Matthew Herrera sa Mobile Journalism EnglishSecondary na nag-uwi ng gintong medalya. Ang mga nag-uwi naman ng pilak na medalya ay sina Gabriel Thomas Agpoon sa Copy Reading Filipino-Secondary, Madeleine Reyes sa Editorial Writing Filipino-Secondary, Fritzie Pereña sa Editorial Writing English-Secondary, Xansa Margaery Baquiran sa Feature Writing EnglishElementary, Sofia Louise Gueta sa Feature Writing English-Secondary, Arthur Benjamin Angeles sa Sports Writing English-Secondary, Honeylet Sanoria sa Cartooning Filipino- Secondary, Sophia Nas sa News Writing Filipino-Secondary, Mary Kyla Burla sa Photojournalism FilipinoSecondary, at sina Nisha Sio, Lance Maglalang, Razhayameia Dayanghirang, Lord Dale Miranda, at Sean Kent Casilagan sa Radio Broadcasting-English. Ang mga mag-aaral naman nagkamit ng tansong medalya ay sina Yzabel Ann Pacifico sa Copy Reading English - Secondary, Chrizelle Celis sa Feature Writing Filipino-Secondary, Kyrene Elicah Velando sa Science Writing Filipino-Secondary, Agatha Maxynne Lopez sa Science Writing English-Secondary, Adam Lim sa News Writing English-Secondary, Marielle Villaseñor sa Photojournalism English- Secondary, at si Abby Prue Torrevillas sa News Writing English- Elementary. Muli na namang naghahanda ang mga mag-aaral para sa paparating na Division Schools Press Conference (DSPC) na gaganapin sa ika-1 hanggang ika-3 ng Pebrero 2024. Larawan mula kay Aileen Palma Larawan mula kay Aileen Palma
Pitak Filipino B A LIT A Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy 4PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 Yesha Mary Ventura at Yzabel Ann Pacifico Umani ng papuri ang bagong Lisensyadong guro na si Gabrielle Paredes mula sa Primary Department dahil sa kaniyang pagpasa sa September 2023 Licensure Examination. Bilang isang fresh graduate na agad nagsimulang magtrabaho, ang kaniyang mga prayoridad ay napalitan, bunga nito ang hindi pagkakaroon ng sapat na oras upang makapag-aral sa nalalapit na eksam. Dahil sa matibay na pananampalataya sa Diyos at pagtitiwala sa Kaniyang kabutihan ang nagbigay daan sa tagumpay nang makapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET) noong Disyembre 7 at nakamit ang kaniyang lisensya sa pagtuturo bago ang Pasko. Ibinahagi ni Ma’am Paredes na siya ay magkakaroon ng oath-taking ceremony sa Pebrero upang pormal na pagtibayin ang kaniyang mga pangako at tanggapin ang responsibilidad ng kaniyang susumpaang tungkulin. Ang kahanga-hangang tagumpay na ito ay hindi lamang isang patunay sa kaniyang hindi natitinag na dedikasyon at tiyaga, kung hindi isang pagkilala rin sa kaniyang natatanging kaalaman at kasanayan sa larangan ng edukasyon. MA’AM GABRIELLE PAREDES, NAKAPASA SA 2023 SEPTEMBER LICENSURE EXAMINATION FOR TEACHERS PAGTANGGAP NG UNANG BANAL NA KOMUNYON NG LA TRINIANS, ISINAGAWA! Isinagawa ng mga La Trinian ang pagtanggap ng kanilang unang banal na komunyon sa Diocesan Shrine And Parish of Our Lady of the Pillar - Imus Cathedral noong ika-5 ng Disyembre 2023. Bago ang pagtanggap, nagkaroon muna ng oryentasyon ang mga estudyante na pinangunahan ng mga miyembro ng simbahan at ng Spiritual Adviser na si Bro. Marte Paras. Sa nasabing oryentasyon, ang mga mag-aaral ay sumalang sa panalangin, pagrorosaryo, at pagbibigay paalala sa mga dapat gawin sa oras ng pagtanggap ng unang banal na komunyon. Dagdag pa rito, sumalang din ang mga mag-aaral sa isang kumpisal kung saan kanilang idinulog ang kanilang mga pagkakasala. Sa huli, naging matagumpay ang kanilang unang pagtanggap ng komunyon. Lubos din ang pasasalamat ng paaralan sa punong abala na si Bro. Marte dahil sa kaniyang walang sawang paggabay at pagsuporta. Sophia Nas Larawan mula kay Gabriel Paredes LLaarraawwaann mmuullaakkaayyAAllyyaannnnaa DDaayyaanngghhiirraanngg
Pitak Filipino B A LIT A Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy 5PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 MGA MAMAMAHAYAG NG KAMPUS, HAKOT-PARANGAL SA DSPC 2024 Yesha Mary Ventura Nakapagtala ng mga bagong pagpanalo ang mga manunulat ng La Trinidad Academy sa ginanap na Division Schools Press Conference (DSPC) sa Governor D.M. Camerino Integrated School, Benedictine Institute of Learning, at Del Pilar Academy noong ika-1 hanggang ika-3 ng Pebrero, taong 2024. Labing lima sa mga mamamahayag ang nakatanggap ng parangal sa parehong indibidwal at pang-pangkat na kategorya. Nakakuha ng gintong medalya sina Fritzie Pereña sa Editorial WritingEnglish, Kacey Ledesma sa Column Writing-English, at Jaden Miguel Regala at Ethan Matthew Herrera sa Mobile Journalism-English at napunta rin sa kanila ang Best Mobile Journalism, Best Script, at Best Technical Application. PENTATHLON 2024: LIMA LABAN SA TATLO Madeleine Reyes Sa asignaturang Sipnayan, Agham, Ingles, Kasaysayan, Filipino, o kahit saan pa man, hindi na naman nagpapahuli ang La Trinians sa pakikipagsabakan upang makamit ang tropeyo sa salik ng pagmamalas ng katalinuhan. Noong ika-labing-anim ng Pebrero ay ginanap ang “ESSTRAVAGANZA Grandeur & Greatness” sa Elizabeth Seton School Imus na ang layunin ay paglapitin ang loob ng mga sasaling estudyante habang nalilinang ang katalinuhan. Isa sa mga patimpalak ay ang paglalaban sa katalinuhan ng iba’t ibang mga estudyante sa iba’t ibang mga eskuwelahan. Bukod pa ito sa on the spot making contest at guitar master class. Sina Gabriel Thomas Agpoon, Rutchel Arianna Perino, at Madeleine Reyes ang mga estudyanteng ipinadala na siyang mga nasungkit naman ang pagka-kampeon laban sa iba pang mga paaralan. Nagsama-sama ang tatlo upang umuwing wagi matapos sumalang sa mga nakapapanghamong mga tanong na umikot mula sa limang pangunahing asignatura. Ayon sa mga sumali, aminado silang hindi ganoon nakapaghanda nang husto kaya hindi mawawala ang kaba sa gitna ng laban, subalit sa kanila pa rin umayon ang pagkapanalo, sa tulong na rin ng kanilang kaagapay na guro na si Ginoong John Aldrich Partoza. Sulit umano ang pagpupunyagi at determinasyon nang mahawakan na nila ang mga sertipiko, tropeyo, at iba pang premyo bilang sukli ng kanilang nakabibilib na dedikasyon. Sa huli, nagagalak pa rin sila sapagkat isang naging magandang karanasan pa rin ang kompletisyon na naghatid ng maraming realisasyon sa kanila, at ito pa rin ang hinahangad nila kahit hindi man nila sakaling makatamtan ang pagkapanalo. Hindi naman nagpahuli ang mga nakasungkit ng tansong medalya sina Madeleine Reyes sa Editorial Writing-Filipino, Gabriel Thomas Agpoon sa Copyreading and Headline Writing-Filipino, at sina Jared Pajarin at Shayne Enopia sa Mobile Journalism-Filipino, nakuha rin nila ang Best Mobile Journalism. Nakamit din ni Alyanna Lois Dayanghirang ang ika-apat na puwesto sa Feature Writing Filipino-Elementary. Habang nanalo rin sina Michael Thomas Sico sa Copyreading and Headline Writing English-Elementary at Giam Loking sa Column Writing-Filipino na mga nasa ika-anim na puwesto.
Pitak Filipino Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy 6Humakot ng samu’t-saring karangalan ang mga La Trinians sa 2024 APSCI Science Encounter, na naganap noong ika-23 ng Marso sa Maranatha Christian Academy of Imus. Kada baitang ay mayroong napiling mga estudyante upang lumaban sa nasabing kompetisyon. Dito, para sa unang pwesto ay nagwagi ang dalawang estudyante na sila Reyncill Camaclang na mula sa ika-limang baitang at Mihr Jonathan Liam Jorta nanggaling naman sa ika-anim na baitang. Habang sa ika-dalawang pwesto ay mayroon ding dalawang nagwagi na sina Matt Daniel Dayanghirang ng ika-tatlong baitang at Kyle Macabidang mula sa ika-pitong baitang. Para sa ikatlong pwesto ay dalawang estudyante na naman ang nagwagi na sila Ron Gabriel Aranza na nasa ika-pitong baitang at Marcus Miguel Tangdol mula sa ika-siyam na baitang. Bukod pa rito, mayroon namang apat na mga estudyante ang nakatungtong sa ika-anim na pwesto at ito ay sina Karlsen Marl Benedicto mula sa ika-tatlong baitang, Ayesha France Lerin ng ikalimang baitang, Michael Thomas Sico mula sa ika-anim na baitang, at si Jaden Miguel Regala ng ika-siyam na baitang. Hindi magpapahuli ang mga nasa ika-pitong puwestong nagwagi na sila Jorell Alvaro Bayoran mula sa ika-tatlong baitang at si Francis Rafael Dela Cruz na nagmula naman sa ika-siyam na baitang. Gabriel Thomas Agpoon B A LIT A PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 PAGSUNGKIT-KARANGALAN SA AGHAM, IPINAMALAS NG LA TRINIANS Sophia Ann Marie Nas Para sa ika-siyam at ika-sampu ay nagwagi sila Wayne Sebastian Silva ng ika-siyam na baitang na nagwagi sa ika-siyam nag pwesto, at si Alyanna Lois Dayanghirang naman nasa ikaapat na baitang na nasungkit naman ng ikasampung pwesto. Lubos namang nakasuporta ang mga gurong sila Ma’am Shannie, Ma’am Gab, Sir Ronald, at Sir Aldrich sa mga kalahok ng kompetisyon. Naging bunga nito ang sadyang kahanga-hangang mga inuwing karangalan sa paaralan. LA TRINIANS, NAKUHA ANG WASTONG BAYBAY SA APSCI I-SPELL COMPETITION 2024 Nagtamo ng mga parangal ang mga mag-aaral ng La Trinidad Academy sa APSCI I-Spell Competition 2024 na ginanap noong ika-25 ng Pebrero, taong 2024 sa Benedictine Institute of Learning sa Imus. Nanguna sa kani-kanilang lebel at nag-uwi ng mga gintong medalya sina Jared Carldrei Ga mula sa ikalawang baitang, Andreas Kryzaci Benitez ng ikatlong baitang, Alyanna Lois Dayanghirang galing sa ika-apat na baitang, at Arthur Benjamin Angeles sa ika-pitong baitang. Sumungkit naman ng pilak na medalya sina Xansa Margaery Baquiran mula sa ika-apat na baitang at Michael Thomas Sico mula sa ika-anim na baitang. Nakuha rin ni Kyle Macabidang mula sa ika-pitong baitang ang tansong medalya. Nabingwit naman ang ika-apat na pwesto dahil sa galing nina Isaiah Joben Lizarondo mula kinder at Matt Daniel Dayanghirang mula sa ikatlong baitang. Sumunod naman sa ika-limang pwesto si Abby Prue Torresvillas ng sa ikalimang baitang. Sinundan ulit ito ni Gabriel Thomas Agpoon sa ika-sampung baitang na lumagay sa ika-anim na pwesto. Panalo naman si Arabela Karise Toledo na galng sa ika-anim na baitang ng pang walong pwesto. At nagwagi ng ika-sampung pwesto na si Ameerah Aiesha Marquez mula sa ika-walong baitang. Inaasahang naghahanda na ang mga mag-aaral para sa nalalapit na The Montessori Schools Administrators Association I-Spell Competition and the National Scholastic Civic and Creative Challenge 2024 na gaganapin sa De La Salle Santiago Zobel-Vermosa sa ikaanim ng Marso, taong 2024.
Pitak Filipino Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy 7 LA TRINIANS, UMARANGKADA SA NASYONAL NA LEBEL NG KOMPETISYONG I-SPELL B A LIT A PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 Alyanna Lois Dayanghirang Ginanap ang National I-Spell competition Season 12 sa paaralan ng De La Salle Santiago Zobel School-Vermosa Campus noong ika-anim ng Marso 2024. Umabot sa 700 na kalahok ang sumali sa kompetisyon mula sa iba't ibang paaralan at siyam na rito ay ang mga kalahok na sumali mula sa La Trinidad Academy, ang nasabing mga estudyante ay nanalo at nakapasok sa nangungunang sampu na pwesto. Ang mga sumali sa nasabing kompetisyon at nakapag-uwi ng gintong medalya ay sina Jarred Carldrei Ga na nasa ikalawang baitang at si Michael Thomas Sico mula sa ika-anim na baitang. Habang medalyang pilak naman kina Andreas Kryzaci Benitez mula sa ikatlong baitang at si Alyanna Lois V. Dayanghirang na mula sa ikaapat na baitang, si Matt Daniel V. Dayanghirang mula sa ikatlong baitang, at si Kyle Macabidang mula sa ika-anim na baitang ay naguwi ng tansong medalya. Nakapasok pa sa ika-apat na pwesto si Xansa Margaery Baquiran mula sa ika-apat na baitang sa ika-limang pwesto at si Isaiah Joben Lizarondo-Kinder. At para sa ika-pitong pwesto ay nakamit ito ni Arthur Benjamin Angeles na mula sa ikapitong baiting. Kitang-kita na ang lahat ng mga mag-aaral ay nagensayo ng mabuti sa tulong ng kanilang gurong tagapayo. Sa kabuuang siyam na estudyanteng nanalo at nakapasok sa Top 10, lahat silang mga kalahok ay mayroong malaking pasasalamat sa mga gurong tagapayo sa paaralan at sa mga magulang na walang sawang sumusuporta sa mga estudyante na sumali sa mga patimpalak. WALANG KUPAS ANG TALINO Sophia Ann Marie Nas Marami na ang mga tanyag na estudyante sa La Trinidad Academy na kahit galing sa mabababang lebel ay makailang beses nang nakasasabak sa iba’t ibang patimpalak. Kaya sa Pagalingan sa Katalinuhan 2024, hindi nagpatalo ang utak at gilas ng mga estudyanteng sumabak. Ginanap sa Del Pilar Academy ang nasabing paligsahan, noong ika-walo ng Pebrero. Mula sa mga ika-anim na baitang, nasungkit ni Michael Thomas Sico ang ika-anim na puwesto, nagpapakita kung gaano nga ba kawalang kupas ang kaniyang pakikipagsabakan sa katalinuhan. Nariyan naman ang mga nasa ika-anim na baitang ding mga estudyante, na sina Mihr Jonathan Liam Jorta at Kristhine Anne Nacorda na mga matatapang at puno ng dedikasyong sumali sa patimpalak. Sa huli, pasasalamat pa rin ang hatid sa mga gurong gumabay sa mga estudyante, na walang iba kung hindi si Ma’am Riza Pauline Pacificar upang makamit nila ang mga natatanging tagumpay.
Pitak Filipino Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy E D IT O R Y A L A T K O L U M 8PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 Libo-libo ang mawawalan ng trabaho na siyang dadagdag sa suliranin ng bansa pagdating sa ekonomiyang salik. Isa rin sa kanilang naipangako na bibigyan pa rin ng alalay kung may ilan mang drayber ang gugustuhing mag-iba ng trabaho, subalit masisiguro nga bang ito ay hindi mapapako? Sa panig naman ng gobyerno, nararapat na raw maisakatuparan ito sapagkat ang ilan sa mga pangunahing rason ay ang kaligtasan ng publiko dahil ang ilang tradisyonal ay luma na kaya maaaring masira kahit ano’ng oras at ang pagkakaroon ng masamang epekto nito sa kapaligiran dahil sa mga emisyon na kinakailangan pang pumasa sa DENR. Sa katotohanan, mabilis namang maintindihan ang kanilang dahilan subalit napalya lamang sila sa pagpapatupad nito sapagkat kung sino pa ang mga mahihirap, sila pa ang mas magdudusa sa kanilang mga ginagawa. Ano pa ang silbi ng isang isinusulong na programa ng mga nasa itaas kung hindi naman ito maayos na nahahain sa mga nasasakupan? Oo, masasabing maganda ang kanilang planong pagpapaganda ng sistema sa bansa subalit nararapat bang isakripisyo ang mga libo-libong mga drayber ng dyip na walang kamalay-malay kung paano nga ba sila makasasabay? Ang pagpunta sa lansangan ng mga tsuper at sabay-sabay na pagpapakita kung gaano nga ba sila nahihirapan sa sitwasyon ay hindi mali, sapagkat kung ilagay ang mga sarili sa kanilang sitwasyon ay mapagtatantong hindi sila masisi. Sapagkat imbes na sapat na tulong, mabilis na pag-aalalay, at kasiguraduhang aahon sila sa buhay ay malabo. Isang manibela at kambyo ang hawak-hawak ng gobyerno na kung saan nakasalaylay sa kanilang kamay ang buhay ng mga mamamayang nakasakay sa kanila, na mga umaasang dadalhin sila sa isang daang matuwid na kung saan ang bawat isa ay sabay-sabay na makasasalubong ng mas magandang hinaharap, hindi para sa kanilang sarili, kung hindi ay para sa kabuoang bansa. Sa kalagayan ng mga tsuper sa tigil-pasada, isa lamang ang sigurado, isang baku-bakong daan muna ang kanilang dadaanan na hindi sila maaaring makapagpreno, bago pa makamit ang mga nararapat na pag-aksyon para sa kanila. Madeleine Reyes SA RUTANG BAGO, PEPRENO Pakikipaglabanan sa tirik ng araw sa kalye, nakakunot ang noo habang nakatanaw sa mga paparating na masasakyan, at kung susuwertihin pa ay may hihintong mga pampublikong sasakyan gaya ng dyip kaya makikipag-unahan kasama ang mga komyuter na makasakay para lamang makapunta sa kaniya-kaniyang paroroonan. Mula noon at hanggang ngayon, walong dekada na, kasapi ng dyip ang buhay ng bawat mamamayang Pilipino sa bawat pagbyahe, subalit paano na lamang kung ang mga sasakyan na ito ay hindi inaasahang mapapapreno sapagkat may naharang sa kanilang pagpasada? Ilang kabi-kabilang pagprotesta ang isinagawa ng mga tsuper matapos isulong ang Public Utility Vehicle Modernization Program na naglalayong maisaayos ang sistema ng pampublikong transportasyon sa loob ng bansa. Dito, sakop ang pagpapalaganap ng mga mas organisadong mga ruta, pagkakaroon ng mga bagong sistema at pamantayan sa mga sasakyan para sa ikabubuti ng mga sasakay, at ang isa pa ay ang pagpapatanggal nang tuluyan sa mga lumang sasakyan tulad ng mga dyip na hindi na nararapat pang bumyahe pa at may problema sa emisyon na nagdudulot ng polusyon. Sa nasabing pagbabago, kitang-kita kung paano nga ba lulugmok ang mga drayber ng dyip sa kung ano mang anggulong tignan. Dahil sa kanilang walang tigil na paglalabas ng kanilang hinaing, imbes na noong Hunyo ang huling pagkakataon upang mabigyan ng transisyon para bagong programa, ginawa itong sa katapusan ng Disyembre ng LTFRB. Ang unang hinaing ng mga tsuper, hindi hamak na mas mapapamahal sila sa dahil sa magiging pagbabago. Ang mga tradisyonal na dyip ay nagkakahalaga lamang ng ₱150,000 hanggang ₱250,000 na siyang lantaran ang pagiging mababa kaysa sa mga modernong dyip na umaabot sa ₱2.8 milyon, kaya’t nasa 1,766.7% ang itinaas ng kanilang paggasta. Ang malaking palaisipan, saan kaya huhugutin ng mga drayber na mga naghihigpit ng sinturon ang ganitong pera, lalo na’t isang katotohanang ang mga estado ng kanilang trabaho ay makapagkakamit lamang ng hindi gaanong kalaki na pera. Sa kabilang banda, katwiran naman ng LTFRB na magbibigay naman sila ng subsibdyo na ₱160,000 na hindi sasapat upang mabili ng mga normal na drayber ang mga modernong dyip at aabutin pa sila ng ilang taon para lamang mabayaran ang utang. Masasabing isang hindi makatarungang aksyon laban sa mga kapos na palad ang PUVMP, lalo na sa salik ng pinansyal. Ang kita pa sa bawat pasada ay mahahati sa mga may-ari ng kanilang pinapasada, paglalagay ng gasolina, pagsustento sa araw-araw na pangangailangan ng pamilya, at kaya sa huli ay kinakapos. Tanging ang dyip na kanilang pinapasada ang kanilang kabuhayan. Kung tuluyan nang maglaho ito na parang isang bula, sa kangkungan na lamang sila pupulutin dahil sa lubos na karalitaan. Guhit ni David Abraham Manlangit
Pitak Filipino Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy E D IT O R Y A L A T K O L U M 9 PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 Giam Loking BUTAS NA BENEPISYARYO Kulang-kulang na nga ang benepisyaryong ibinibigay, magagawa pang taasan ang paniningil? Hindi na nakapagtataka kung maraming manggagawang pilipino ang kaagarang umaapila matapos i-anunsyo kamakailan ng Philippine Health Insurance (PhilHealth) ang biglaang pag-akyat ng 5% mula 4% ng buwanang kontribusyon ngayong taon. Malinaw naman na karamihan sa mga manggagawa ng bansa ay minimum wage earner, kung kaya hindi madaling maglabas nang basta-basta ng pera lalo na’t hindi naman napapakinabangan kung susulot lang sa bulsa ng iba. Kung gusto nilang taasan ang kontribusyon, ipagpaliban ito sapagkat hindi biro ang bigat na ididiin nito sa mga manggagawang pilipino. Mahirap mabawasan ng perang sukat at sapat lamang sa mga gastusin, ultimo sa halagang isang daan, marami ka nang mapaggagamitan. Ako nga na isang estudyante pa lamang, matanggalan lang ng singkwenta pesos sa pitaka, problemado na ako kung saan ako makakahanap ng perang gagamitin ko kung mangyaring kakailanganin ko, paano pa kaya ang ibang mga manggagawa sa bansa na may mas mahirap na sitwasyon? Lalo na ang mga mamamayang ipinagkakasya lamang ang kani-kanilang mga kita sa buwan-buwan upang may makain at may pantustos sa mga gastusin sa buhay, sila ang mas maaapektuhan ng pagtaas na ito. Kaya naman, mas makabubuti kung hindi mamadaliin ang ipapataw na dagdag kontribusyon dahil lubos na mahihirapan ang karamihan sa mga manggagawang nasa sitwasyong ito. “The increase in premium rates is particularly insensitive to Filipino workers who are struggling to make ends meet on meager wages” pahayag ng isang mambabatas, GABRIELA Rep. Arlene Brosas. Nararapat lamang na mas unahing gawing malawak ang benepisyaryong ipapamahagi nito kung maniningil sila ng mas mataas na kontribusyon sapagkat mawawalan lamang ng silbi ang perang inilalaan nila kung hindi naman nila magagamit sa oras ng pangangailangan. Nakakatawa lang kasi, kuha sila nang kuha ng pondo sa bayan ngunit hindi naman nila ginagamit upang mas gumanda ang serbisyo nila. Tanong pa nga ni Rep. Brosas, “Wala namang napanagot dito, tapos hahayaan lang ng gobyerno na magtaas ng kontribusyon ang mga Pilipino. Bakit natin hahayaang taasan ang kaltas para sa ahensyang dawit ng korapsyon?” Pagdating sa pera, hindi kailanman naging madali ang paglalabas nito sapagkat nakaayon lang din sa kani-kanilang mga trabaho ang pagmumulan nito. Mas maigi kung bibigyang konsiderasyon ang lebel o sitwasyon ng pamumuhay ng mga mamamayan bago sila manghingi. Malamang mas maghihirap ang masa, hindi naman agad nagalaw ang sweldo nila ngunit kung kumuha ng pera sa kanila, bigla-biglaan. Kinakailangang ipagpaliban ito ng gobyerno sapagkat magiging dagdag lamang ito sa pasanin ng bawa’t manggagawang hirap na nga sa buhay. Isang malaking bagay na ang isang pursyentong pagtaas ng kontribusyon para sa mga manggagawang Pilipino. Hanggang sa mga ganitong bagay, hindi pa rin nabibigyan ng ilaw ang mga taong nasa kalingkingan ng lipunan. Sa tuwing kailangan ng salapi, malakas at todo manghingi, ngunit kung pag-uusapan na ang kalidad ng serbisyo, wala namang binatbat. Marahil, may butas nga talaga ang ‘benepisyaryong’ ibinabato nila, sapagkat tingnan mo, sa ibang bulsa sumusulot. Marami pa ring mamamayan ang pinipiling tiisin na lamang ang mga karamdaman kaysa magpagamot at napakarami rin ang hindi mapakali sa pag-iisip kung saan makahahanap ng ipambabayad sa ospital. Kung hindi sobrang liit ng makukuhang tulong, napakarami namang kwalipikasyon ang kinakailangan upang makamit. Akala ko ba’y para sa bayan at kanilang kaligtasang pangkalusugan ang paglalaanan, ba’t parang sa bulsa ng iba naman ang dinaraanan? Guhit ni Mihr Jonathan Liam Jorta Sanggunian: News5Everywhere. (2024, January 12). Taas-kontribusyon sa PhilHealth, itinuloy; 5% na ngayong 2024 | Frontline Pilipinas [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch? v=ZmhUo8_yrTo
Pitak Filipino Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy 10. E D IT O R Y A L A T K O L U M PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 Franchezka Alexis Hermoso MUSMOS NA PANGARAP, MAHABA-HABANG PAGSISIKAP “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Ito ang pahayag ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, sapagkat kaniyang pinaniniwalaan na ang mga batang musmos pa lamang ay may dalisay na puso at busilak na kalooban na siyang nagiging daan tungo sa pagbabago ng lipunan. Sa bansang Pilipinas, ang pagkakaroon ng magandang kinabukasan ay mahalaga para sa bawat kabataang katulad ko, at dahil dito dapat itong pangalagaan at isakatuparan ng bawat pamilya at ng lipunan. Ngunit paano na lang kung sa edukasyon pa lamang ay pumapalya na ang lipunan? Sa kasalukuyan, ang pag-aaral ng bawat bata ay tila ginagawang eksperimento ng Kagawaran ng Edukasyon. Sa pangyayaring ito, maaaring maapektuhan ng ganitong mga kautusan ang kakayahan ng isang bata na bumasa at umintindi ng mga teksto at sumulat ng mga sanaysay. Ayon sa Department of Education Memorandum No. 173 series of 2019, ang mga Pilipino ay tila nahihirapan at mayroong mababang kapasidad na umintindi ng literaturang Ingles at sumagot ng basic Math and Science computation at problem solving. Dahil dito nahihirapan ang ating mga kababayan at kabataan na makasunod at umintindi sa mga kinakailangan na asignatura sa kanilang pag-aaral o pagtatrabaho. Ang mababang kapasidad ding ito ay maaaring makahadlang sa pag-aaral ng bawat estudyante at sa pagtatrabaho ng mga nasa lakas-paggawa sapagkat nahihirapan ang mga ito na maintindihan ang mga teksto na kanilang binabasa. Kaya naman sa bagong kautusan na inimplementa ng DepEd, ninanais ng departamento na makasunod ang ating bansa sa mga dayuhang bansang maunlad patungkol sa edukasyon. Sa panibagong kautusan na ipinatupad ng kagawaran na kilala bilang MATATAG Curriculum o ang DepEd Memorandum No. 54 s. 2023, nakapaloob dito ang apat na sangay. Dito mas binibigyang prayoridad ang pagtuturo at paghahanda sa mga estudyante sa mga trabahong maaaring ipagkakaloob sa kanila sa hinaharap, ang pangalawa naman ay ang paghahandog ng mas mabilis at epektibong basic education sa mga kabataan, ang pangatlo ay ang pangalagaan ang pagkakaroon ng positibo at malusog na learning environment ng mga estudyante, at ang panghuli naman ay ang pagbibigay ng suporta sa mga guro upang mas lalong maging epektibo ang kanilang pagtuturo sa bawat mag-aaral. Kung ating susuriin, ang bagong ipinatupad na kurikulum ay may positibong epekto na makatutulong sa pag-unlad ng bawat estudyante sa pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa mga asignaturang mahirap intindihin at ituro. Ang panibagong kurikulum na ito ay makatutulong din sa mga mag-aaral na makararanas nito na mas lalong mabigyan ng panahon ang kanilang pagkabata. Sa panibagong kurikulum ding ito ay nababawasan ang mga mabibigat na gawaing pang-eskwela na ibinibigay sa mga guro at estudyante. Ngunit nakapagtataka lamang na nakasalaysay rin sa bagong memorandum ng DepEd ang pagtatanggal sa asignaturang Mother Tongue. Dahil dito, parang binabalewala ng kautusang ito ang kinagisnang pananalita ng bawat batang Pilipino at ang mahahabang proseso ng pagsisikap ng mga indigenous teachers na gumawa ng mga panitikan upang paunlarin ang wikang Pilipino at ibang dayalekto rito sa ating bansa. Sapagkat bakit kinakailangang tanggalin ang pag-aaral ng mga asignatura na tumutukoy sa pagiging Pilipino ng isang kabataan? At isa pa, nakasalaysay sa bagong memorandum ang isang pahayag na “Batang Makabansa, Bansang Makabata,” ngunit sariling wika ng bansang Pilipinas ay hindi na gagawing asignatura ng bagong kurikulum ng DepEd, bagkus, mas inuunang ituro sa mga bata ang asignaturang Ingles. Alam kong alam ng karamihan na ang Mother Tongue ay mas makasusuporta sa pag-aaral ng isang bata sapagkat mas makatutulong ito sa isang guro na maturuan ang kaniyang mga estudyante sa paraan na mas maiintindihan ng bawat mag-aaral ang kaniyang mga sinasabi. Kung ang ninanais ng departamento ay ang mas maintindihan ng isang mag-aaral ang mga asignaturang mahirap intindihin katulad na lamang ng Mathematics at Science, mas mainam na gamitin ng isang guro ang wikang kinagisnan ng mga estudyante sa paglalahad ng impormasyon. Dahil sa ganitong paraan mas mabibigyan ng kalayaan ang isang bata na magtanong at lumahok sa klase. Ang pagtuturo naman sa mga kabataan na makapagbasa at makaintindi ng Ingles ay maaaring gawin sa pamamagitan na hindi naaapektuhan ang wikang kaniyang kinalakihan. Bilang isang kabataan, aking nakikitang solusyon upang maging epektibo ang pagkatuto ng isang bata ukol sa pag-intindi nito sa asignaturang Ingles ay sa tulong ng paggamit ng kaniyang Mother Tongue upang isalin ang ibig sabihin ng salita o pahayag. Sa kabilang dako, gaano man kaganda ang nais maisakatuparan ng Department of Education, ang pagkakaroon ng pagbabago sa pagkatuto ng bawat kabataan ay mahihirapang bigyang oras na makibagay; lalong-lalo na sa pagbabago na mararanasan ng mga guro at mag-aaral sa loob ng eskwelahan. Ang isang hadlang na nagiging pangamba rin sa pagpapatupad ng bagong kurikulum na ito ay ang nangyari noon sa K to 12 o ang Enhanced Basic Education Act of 2013, na ipinatupad ng dating pangulong namayapa na, na si Pangulong Benigno Aquino III. Nakapaloob sa kautusang ito ang pagbibigay ng oportunidad sa mga nakapagtapos na ng Senior High School na makapagtrabaho, ngunit sa kasalukuyang panahon hindi ito nakamtan ng mga estudyanteng nakapagtapos na sa nasabing baitang. Kaya naman, kung ang ninanais ng mga gumagawa ng kurikulum ay ang payabungin ang edukasyon sa ating bansa, bakit hindi muna nila ayusin ang naunang kurikulum? Dahil ang kinabukasan ng bawat kabataan ang nakabalanse sa manipis na sinulid na kanilang ninanais na maisakatuparan. Ang lahat ng taon ng pag-aaral na ginugol ng bawat mag-aaral ay sana`y huwag na muling malagay sa kawalan dahil sa isang kautusan na kayang magpabago sa buhay ng isang musmos na bata. Kaya kung nanaisin pa rin ang katagang “Ang kabataan ang pagasa ng bayan,” sa sariling lipunan ay huwag limitahan ang mag-aaral na matuto. Sanggunian: Republic of the Philippines Department of Education. (2025). General Shaping paper.https://www.deped.gov.ph/wp- content/uploads/GENERAL-SHAPING-PAPER-20 Gatchalian, W. (2023, October 18). Public Hearing of the Committee on Basic Education. https://legacy.senate.gov.ph/publications/LRS/Quick%20Notes/Ctte%20on%20Basic%20Ed-MATATAG%20curriculum%20(2).pdf?fbclid=IwAR0uGaM ONHN3NGvpsOEyHOrNDcmM7VoXKzzK258_CuzZQniB1P5pHqARtQ Inquirer, P. D. (2023, October 24). A one-year reading handicap under the ‘Matatag’ curriculum. INQUIRER.net. https://opinion.inquirer.net/167408/a- one-year-reading-handicap-under-the-matatag-curriculum?fbclid=IwAR0_UQq5nHIzNHhBqKNVmoxHmPB3tqB461A_8Hx7wqS8yS4ovowDslzT2Dw Arzadon, C. (2023, August 21). [OPINION] On the deletion of Mother Tongue in the Matatag K-10 Curriculum. RAPPLER. https://www.rappler.com/voices/thought-leaders/opinion-deletion-mother-tongue-matatag-k-10-curriculum/ Eclarinal, B. A. (2023, August 11). Mother tongue subject, inalis na sa adjusted K-10 curriculum – DepEd. Bombo Radyo News. https://bomboradyo.com/mother-tongue-subject-inalis-na-sa-adjusted-k-10-curriculum-deped
Pitak Filipino Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy E D IT O R Y A L A T K O L U M PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 Madeleine Reyes IBOTO SI… Malapit na malapit na at kaunting kembot na lamang, kakatok na muli sa mga pinto ang ilang mga politikong lubos na naghahangad na makuha ang salumpuwit ng kapangyarihan upang makapamuno sa lipunan, inaasahang maisasakatuparan ang mga mabubulaklak na salitang pangako na siyang inihayag sa lahat ng mga nahakot na botante. Subalit ngayon pa lamang, bago ang 2025 midterm elections sa bansa, ay umeksena na ang Commissions on Elections (COMELEC) upang masigurong sa dadating na kampanya, mailulugar ang ilang restriksyon sa mga tumatakbo. Ipagtitibay ang Section 80 ng Omnibus Election Code na kung saan ang isang nangangandidato ay hindi maaaring manligaw ng boto sa labas ng mga itinakdang araw ng pangangampanya. At kung lalabagin naman ay maaaring humarap sa diskwalipikasyon sa halalan at hahantong din sa pagkakakulong. At sa susunod na eleksyon, magsisimula lamang ang pangangampanya sa buwan ng Pebrero na mayroong apat na puwang mula sa pagsusumite ng sertipiko ng pangangandidatura. Usong-uso ang tinaguriang “premature campaigning” sa bansa, na kung saan ay malimit na ginagawang susi ng mga personalidad na natakbo sa eleksyon upang makamit ang pagkapanalo. Ang bulok na gawain, kahit pa sabihing hindi pa simula ng pangangampanya ay ipapairal pa rin ang katigasan ng ulo sa kautusan. Madalas, nagpapalagay na sila ng mga paskil ng mga pagmumukha nila sa kung saan-saan na may kasamang pahayag pa nila, nagiging madaldal sa mga nangyayari sa bansa na animo’y nagpapasikat at panay ang labas sa publiko, o kahit ano pang uri ng propagandang isisiwalat para lamang makakuha ng atensiyon sa publiko. Sa katunayan, binabalewala lang din naman ang kautusan ng COMELEC. Matagal nang lantad na lantad ang kaugalian ng ilang naghahangad mamuno sapagkat hindi rin naman kayang pamunuan ang mga sarili sa mga ipinagbabawal na gawain, na kahit ang simpleng pagsunod lamang sa itinakdang panahon ng pangangampanya ay ipagsasawalang-bahala lamang. Ang pagiging gahaman ng mga tumaktakbong ito ang sumisira sa sistema ng halalan at ang prinsipyong nakadikit sana rito, na siyang sa huli ay mga Pilipino na naman ang maaapektuhan. Hindi na bago pa ang paghihigpit umano ng COMELEC sa mga ganitong bagay subalit sadyang marami pa ring nakalulusot. Nitong nakaraang linggo pa lamang ay usap-usapan ang ilang personalidad na nakagugulat sapagkat bigla na lamang nagpaparamdam at naglalagay na ng kanilang mga mukha sa iba’t ibang lugar, kahit sa mga pampublikong daanan, para lamang pangunahang nang ipakita ang kanilang presensya sa mga mamamayan. Sa katotohanan ay marami ng kaso ukol sa bagay na ito na hindi naman pinapanagot ang mga maysala at sa kadalasan, nananalo pa ang karamihan, lalo na kung sikat sa masa. Kahit ano pang ihayag ng nakararami ay pampagulo lamang din ang “premature campaigning.” Unang-una na rito ay ang hindi pagkakaroon ng patas na laban. Dito, halatang ang mga mapepera lamang ang mananalo kahit na wala silang alam sa pamumuno sapagkat habang maaga pa ay may kakayahan na silang makahakot nang makahakot ng boto. Samantalang ang ilang hindi ganoon kapalad subalit may kakayahang mamuno ay malulugi. Pangalawa, magdadala ito ng matinding maling pamamaraang paghatak sa mga mamamayan sapagkat mabilis silang mapapaniwala sa ilang kandidato at hindi na uusisain pa ang ilang kalaban nito. At pangatlo, madalas sa mga nagpapamalas ng hindi wastong gawain na ito ay ang mga politikong kasalukuyang nasa puwesto na talaga, at kung gagawin nila ito ay tiyak na rito mapupunta ang atensiyon nila imbes sa mismong trabaho nilang magsilbi muna sa bayan. Sa ganitong suliranin ay sa COMELEC din ang balik ng mga nangyayari kaya nararapat na mas aksyunan ang mga kasong ito. Mainam kung hindi magiging mapili sa mga papanagutin, na kahit ultimo ang mga galing sa politikal na dinastiya ay iseselda kung napatunayang lumabag. Hindi ‘yung puro mga maliliit na personalidad ang tinitira. Sapagkat walang saysay ang paulit-ulit nilang pagpapaalala kada tatlo o anim na taon kung walang mismong tugon dahil habang patagal nang patagal, pakapal din nang pakapal ang mukha ng ilang natakbong animo’y nagmamataas sa mga sarili. Para sa mga botanteng Pilipino, mulat na nawa ang mga mata sa mga ganitong pangyayari sa lipunan sapagkat hindi na mabilang sa daliri kung ilang beses na ito namerwisyo. Maging wais sa pagpili ng mga kandidatong isusumite sa balota at doon na dapat sa mga nasunod sa lahat ng inilalabas na batas ng COMELEC. At kung sakaling may nakitang mga nalabag, tapangan ang loob na ilapit ito sa nakatataas. Huwag nang dagdagan pa ang mga sakit sa ulong nakapuwesto sa gobyerno na ang habol lamang sa huli ay ang kapangyarihang aabusuhin at hindi ang lubos na makapaglingkod sa bawat nasasakupang mamamayan. Sa nalalapit na eleksyon, huwag itiman ang bilog sa tabi ng pangalan ng mga politikong ang pagiging duling sa kamalayan sa batas at karapatan ng mga Pilipino ang ikinakampanya. Guhit ni Mihr Jonathan Liam Jorta 11
Pitak Filipino Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy E D IT O R Y A L A T K O L U M 12PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 Giam Loking BACKLOG NA SISTEMA Pagkatapos ng mahigit dalawang taong paghihintay sa produksyon, kulang-kulang pa rin? Hindi na nakapagtataka kung bakit imbes na matuwa ang masa sa anunsyo ng Land Transportation Office (LTO) ukol sa bagong labas na mga plastic license cards nitong nakaraang Marso, ay dumagsa ng daing dahil sa perwisyong hatid lamang nito. Nakatatawa naman kasing isipin na ang habang panahon na ngang pinakahihintay at pilit na pinagtiis sa lisensyang papel na kay mahalmahal, hindi pa rin magawang kumpletuhin ang simpleng produksyon ng plastic license cards. Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin matanaw ng sanlibutan ang siyang lumilikha talaga ng aberyang ito sa atin? Sa katunayan, noong Oktubre 2023 pa lamang talaga dapat ipamamahagi ang 3.3 milyon na plastic cards. Nahinto lamang ito nang magpatupad ng utos ang dating suplayer, AllCard Inc. na ipatigil ang pamamahagi ng nanalong bidder, Banner Plasticard Inc. Hindi ba’t nararapat na bago pa lamang isinagawa ang bidding, may mga kondisyon nang nararapat na nakaatas, nang sa gayon, hindi maapektuhan ang pamamahagi ng plastic license cards? Kita mong dahil sa kawalan nila ng kakayahan na tugunan ang responsibilidad nila sa kanilang trabaho, libo-libong mga tao ang naaapektuhan. Kay tagal na nilang nanunungkulan sa posisyon na iyan ngunit, simpleng produksyon lang ng plastic license cards, hindi pa nila masiguro. Dahil sa antalang ito, napilitan ang mga motorista na gamitin ang yari sa papel na lisensya, sa halagang ₱585. Ultimo, sa malaking halaga na iyan, papel lang ang mahahawakan mo? Kung ganoon, nakatataka kung saan napupunta ang nalilikom na pera mula dito kung hindi naman nailalabas sa sanlibutan. Lalo na’t noong nakatanggap ng 4 milyong plastic cards na donasyon sa halagang ₱160 milyon ang LTO galing sa isang private medical group na nanatiling nakatengga simula noong Disyembre dahil lamang hindi pa makapagbigay ng opinyon ang Office of the Solicitor General (OSG) ukol dito. Ano ba talaga ang nagpapatagal sa produksyon ng mga plastic license cards na ito? Ngayong naglabas sila ng panibagong buhos ng plastic license cards, sinabayan naman ito ng pagdagsa ng daing mula sa mga motoristang nagpupunta sa mga LTO offices upang magpapalit ng kani-kanilang lisensya. Ayon daw sa kanila, may cut-off na numero (50) sa mga motorista na magpapapalit ng kanilang mga papel na lisensya sa plastic license card. Higit pa rito, limitado lamang ang bilang ng suplay na ipamamahagi sa bawat regional offices, kung kaya’t pahirapan pa rin ang pagkuha kung hindi kaagarang pupunta sa LTO office. Kung kaya naman, mapapaisip ka nalang talaga, tunay bang nakauusad na sa backlog o pantapal lamang para sa mga susunod na pagkakamali? Hindi maitatangging normal na para sa mga mamamayan ang mga ganitong aberya kung kaya naman, palaging naisasantabi kung sino nga ba talaga ang may sala. Patuloy na haharap sa dagok at paghihirap ang bansa kung hindi man lang matugunan ang mga problema na nililikha mismo ng mga may hawak sa itaas. Dahil sa kawalan nila ng kakayahan na gawin sa tama at maayos na paraan ang kanilang trabaho, libo-libong mga motorista na nangangailangan ng plastic license card ang nahihirapan. Sa puntong ito, masasabi pa bang ang produksyon mismo sa plastic license card ang baklag? O ang sistema na kailanman hindi na umusad pa mula sa dawit ng korapsyon at kapalpakan? Ngayon pa lamang ay nararapat nang umaksyon mula sa backlog na sistemang ito, na patuloy na uulit sa mga susunod na mga taon. Sa simpleng proyekto pa lamang, sa produksyon pa lamang ng plastic license card na inaabot na ng mahabang panahon, hirap na hirap at kulang-kulang pa rin ang distribusyon, paano pa kaya ang mas malalaking isyung kinakaharap ng bansa ngayon? Ilang palpak pa ba na proyekto ang kinakailangang iharap sa mga mamamayan upang mamulat sila sa reyalidad na ang mismong nagbibigay sa atin ng perwisyo’y ang mga nanunungkulan sa itaas? Sanggunian: “Granted that it is the first time that such a donation has been made, a commitment to a common cause, however, should allow the parties to come to an immediate agreement over a simple enough transaction, just to make sure that there is transparency and “no hanky-panky or side deals.” aniya ni LTO chief Vigor Mendoza II. Guhit ni David Abraham Manlangit
Pitak Filipino Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy 13. E D IT O R Y A L A T K O L U M PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 Franchezka Alexis Hermoso EPEKTIBONG ALTERNATIBO BAGO MAG-HUNYO Hindi maiiwasan ng ilang mga estudyante ang magreklamo dahil sa tindi ng init ngayon. Naitala ng ilang mga balita ang mga posibleng mangyari sa kalusugan ng mga estudyante at guro ngayong kasukdulan ng init ng panahon. Ang ibang mga estudyante rito umano ay nahihimatay na sa sobrang init na nadarama ng katawan at ang iba naman ay nahihilo’t nahihirapang huminga. Maraming mga guro na rin ang nagrereklamo dahil sa mga suliraning kinakaharap ng mga eskwelahan dahil sa matinding init. Dala ng matinding sikat ng araw ang ilang mga problemang kinakaharap ng bawat estudyante at guro sa paaralan. Ayon sa mga guro, nararanasan ng mga estudyante ang pagkalugmok ng kanilang mga grado dahil sa pahirapang pagkatuto sa loob ng kanilang mga silid-aralan. Nagmimistulang mga sardinas na kasi ang mga estudyante sa loob ng kanilang silid-aralan dahil sa sobrang siksikan na halos wala ng hanging madarama ang bawat isa. Ayon naman sa panayam ng isang Grade 12 student, nahihirapan ang mga itong magpokus sa kanilang mga klase dahil sa tindi ng init na kanilang dinadanas sa isang araw. May mga pagkakataon kasing ang mga bentilador ng mga silid ay nakatutok lamang sa kanilang mga guro. Dahil dito ang ilang mga estudyante ay hindi na pumapasok ng paaralan. Ayon naman sa survey na isinagawa ng Department of Education, dahil sa matinding init na sanhi ng El Niño, ang mga magulang ng mga mag-aaral at mga guro ay pumapabor nang mas mainam ibalik ang pasukan sa buwan ng Hunyo at matatapos naman ng Marso. Ito ay upang pangalagaan ang kalusugan ng mga mag-aaral pati na rin ng mga guro mula sa maalinsangang simoy ng hangin sa bawat silid. Dahil dito, ninanais ng Department of Education na tapusin ang school year ng mga estudyante sa huling linggo ng Mayo (Mayo 31, 2024). araw ng Biyernes para sa taong ito. Ang pagtatapos ng eskwelahan ngayon ay mas maaga ng dalawang linggo sa orihinal na mandato ng DepEd sa pagsisimula ng pasukan. Ito’y napagkasunduan na rin ng departamento sapagkat maraming eskwelahan na sa bansa ang patuloy sa pag-sususpinde ng mga klase dahil sa tindi ng sikat ng araw. Subalit hindi ba’t mas mahihirapan ang mga estudyante kung patuloy na sususpindihin ng departamento at pamahalaan ang kanilang pagpasok ng pisikal sa eskwelahan? Ito’y dahil may mga eskwelahang nagsasagawa ng distance learning bilang alternatibo sa pagbibigay ng nararapat na kaalaman sa mga estudyante kung saan kinakailangan ng mga mag-aaral ang paggamit ng mga teknolohiya at internet para makapasok sa kanilang mga klase. Papaano na lamang kung ang mga estudyanteng ito ay walang mga kagamitang kinakailangan para sa nais ipatupad ng kanilang paaralan? May ibang pagkakataon naman kung saan nagiging modular ang pagpasok ng mga estudyante sanhi ng pag-suspinde ng klase. Batid ng ganitong uri ng pagpasok ang suporta at gabay ng kanilang mga magulang para sa kanilang pag-aaral. Ngunit papaano na lamang ang mga estudyanteng hindi kayang suportahan ng kanilang mga magulang sa kanilang pag-aaral? Lalong lalo na ang mga mag-aaral sa elementarya. At isa pa, kung mas papaikiliin ang school hours ng mga estudyante mas nababawasan ang contact time sa pagitan ng guro at mag-aaral na mas makapag-papalago sa pagkatuto ng mga ito. Malaking problema ang kinakaharap ng mga guro at estudyante ngayong mga buwan ng pasukan. Ito ay dahil sa matinding init na bawat isa sa atin ay nararanasan. Tila isang malaking balakid sa pagkatuto ng bawat mag-aaral ang maalinsangang kapaligiran lalong lalo na sa mga paaralang umaasa lamang sa natural na simoy ng hangin o kaya naman sa mga bentilador na minsa’y hindi pa magamitgamit ng mga mag-aaral. Dahil dito, nararapat lamang na tugunan ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga suliraning katulad na lamang nito. Isa sa mga dapat maisaayos ng Kagawaran ng Edukasyon ay ang pagsasaayos ng mga bentilasyon ng bawat silid-aralan. Ito ay dahil karamihan ng eskwelahan sa Pilipinas ay mga pampublikong paaralan na umaabot sa higit sa kapasidad ng isang klasrum na kayang patuluyin nito. Isa pa sa dapat pagtuunan ng pansin ay ang paglalagay ng mga bentilador sa mga klasrum ng mga pampublikong paaralan. Ito ay dahil hindi naman ibig sabihin na pampubliko ang paaralang pinapasukan ng estudyante ay hindi na nararapat pagtuunan ng pansin ang kanilang kalusugan at kapakanan. Pangatlo at panghuli, kung ninanais ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagpapatupad ng distance o online distance learning nararapat lamang itong magbigay ng subsidiya sa mga mag-aaral para sa mga kagamitang kanilang kakailanganin sa pagaaral. Dahil aminin nating hindi lahat ng ating mga kababayan ay kayang bilhin ang kanilang mga pangangailangan. Maraming alternatibo ang maaaring gamitin para sa problemang nararanasan ng bawat estudyante at guro sa mga panahon ngayon, ngunit hindi ko masasabing mas maiiwasan ang ganitong mga suliranin kung ibabalik lamang ang school calendar ng mga mag-aaral sa prepandemic June-March school calendar. Ito ay dahil kung babaguhin ito matatagalan ang pagpapatupad nito sa bansa. Dahil kinakailangang isakto ang pagbubukas at pagtatapos ng pasukan sa kinakailangang araw ng pasukan o 203 days kada taon. Kung basta-basta lamang itong ipapatupad, mahihirapan ang mga mag-aaral at mga guro na abutin ang learning competencies na kinakailangan ng mga ito. Kaya mas mainam na munang gumawa ng alternatibong paraan para sa bawat mag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan sa mga suliranin ng climate change na nararanasan ng bawat isa bago pa man dumating ang Hunyo sa hinaharap. Ikaw, anong say mo rito? Sanggunian: Ines, J. (2023, September 9). Reverting opening of classes to June – is it a good or a bad idea? RAPPLER. https://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/revert-opening-classesjune-school-calendar-impact-on-children-education/ Pinas, T. (2024, May 4). DEPED School Calendar for SY 2023-2024 (Amendment – Update). Teach Pinas. https://www.teachpinas.com/deped-school-calendar-and-activities-sy-2023-2024/ Inquirer, P. D. (2024, April 16). The case for a June school opening. INQUIRER.net. https://opinion.inquirer.net/172978/the-case-for-a-juneschool-opening Classes in public schools for SY 2023-2024 to start on Aug. 29 --- DepEd. (n.d.). Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2023/8/3/classes-in-public-schools-for-sy-2023-2024-to-start-on-aug-29- dep-ed Hernando-Malipot, M (2023, August 3). Classes in public schools for SY 2023-2024 to start on Aug. 29 – DepEd. https://mb.com.ph/2023/8/3/classes-in-public-schools-for-sy-2023-2024-to- start-on-aug-29-dep-ed EDITORYAL - Pasukan kung Hunyo mas mainam ibalik. (2023, June 22). Philstar.com. https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2023/06/23/2275928/editoryal-pasukan-kung-hunyo- mas-mainam-ibalik Guhit ni Adelyn Trishia Ferrer
Pitak Filipino Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy L A T H A L A I N 14 PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 Madeleine Reyes PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA: WIKANG ATIN, PAHALAGAHAN NATIN Sa Pilipinas matatagpuan ang mga mayayamang kultura, samu’t-saring mga diyalektong sumasangguni sa bawat tribo at lahing may malalim na kasaysayan, mga likas-yamang pinakaiingatan nang husto ng mga mamamayan upang mapalawig ito at matuklasan pa ng iba, at mga ipinagmamalaking mga natatanging pook na nagpapakita ng kasaganahan ng bansa pagdating sa mga natural na kapaligiran. Kaya nararapat palawigin ang mga ito kaysa sa mabaon sa limot at masayang lamang ang mga nasimulan ng ating mga ninuno. “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng ng Katarungang Panlipunan,” ang tema ng Buwan ng Wika para sa taong dalawang libo’t dalawang put tatlo. Sa henerasyon ngayon, kapansin-pansin ang kawalan ng interes ng mga panibagong henerasyon patungkol sa mga bagay na sumasagisag sa ating nagkakaisang pagkatao at inang bayang pinagmulan. Sa pagkausap lamang sa ilang mga bata, masasabing matalino nga’t sapagkat dire-diretsong nakapagsasalita ng Ingles subalit sa oras na magsambit na ng mga salitang Filipino, kukunot na ang mga noo nito at sisingkit ang mga mata habang pinoproseso sa isip ang mga narinig. At ang bagay na ito, sadyang nakapagpapadala ng panghihinayang kaya’t ang paaralan, nagsusumikap na tuwing buwan ng Agosto ay ipagdiwang ang sariling atin, lalo na ang wikang pambasa. Pinangunahan ng departamento ng Primary ang selebrasyon. Ang programa ay pinangunahan ni Binibining Reyana Liegh Moya at pagdadasal ng isang estudyanteng mula sa ika-unang na lebel. Habang nakasuot ng mga tradisyonal na damit ang mga bata, nagpakitang-gilas ang mga ito sa pamamagitan ng pagsayaw, pagkanta, at pagtula sa entablado ng mga sikat na kantang pambata tulad ng mga "Paro-parong bukid," "May Tatlong Bibe," "Ako'y Isang Pinoy," at iba pa. Kapansinpansin ang iilang bibong-bibo sa bawat galaw habang may ilan namang tila napapatigil sapagkat nahihiya sa mga magulang na panay kuha ng mga litrato, sa huli ay napagtagumpayan nilang ipamalas ang kanilang galing. Sa bawat pagtatapos ng pagtatanghal, binigyan sila ng mga sertipiko upang bigyang parangal ang kanilang pagsisipag. Sa huli ng programa, hindi nagpahuli ang mga guro ng nasabing departamento sa pamamagitan ng pagsayaw na siyang kinaaliwan ng mga nanonood. Nakatutuwang sa kabila ng pagkakaabala sa pag-aasikaso ng mga gawain at paggabay sa mga estudyante sa buong programa, nakayanan nilang isingit iyon. Sumunod na rito ang pangwakas na salita ng Vice Principal na si Ginang Jamine Sanchez-Peji na kung saan inihayag niyang ang Buwan ng Wika ay nagsisilbing paalala ng kalayaan at sariling pagkakakilanlan at sa huli ay nagpasalamat sa bawat estudyante, guro, at mga magulang na bumuo sa matagumpay sa programa. Sumunod naman ang departamento ng Intermediate na sinimulan naman nina Binibining Jeeann Gordula at Ginoong Gene Aldrin Barizo. Unang naging parte ng programa ay ang malikhaing pagkukuwento na nagpakita ng talento ng mga estudyante na magwika ng mga istorya sa purong Filipino habang idinadaan ito sa pag-arte sa entablado. Ang ilan na lamang sa kanilang itinanghal ay ang “Alimango ni Juan,” “Pambihirang Sumbrero,” at iba pa. Sumunod ay tinungo ng seksyon ang kanilang mga silid para sa pagkaing Pinoy na kung saan, tila nagkaroon ng piyesta dahil sa sari-saring makakain ang nakahanda at pinagsalu-saluhan ng bawat isa. Pagkatapos pa ng pagsasalo ay nagawang maglaro ng ibang estudyante ng ilang larong tunay na nakadikit sa pagiging Pilipino, katulad ng chinese garter. Hindi naman din magpapahuli ang ilan pang paligsahan sa pagguhit at pagalingan sa pagbibigay translasyon sa Ingles ng ilang mga malalalim na salitang Filipino na tila nagpasakit sa ulo ng ilang sumali sa kakaisip. Hindi magpapahuli ang pinakahuling departamento, ang Junior High School. Sina Binibining Decieh Marie Llanita at Ginoong Santos Monceda ang mga naging tagapagdaloy ng buong programa maghapon. Unang ginanap ang tagisan ng talino na mas pinahirap ang mga salitang bibigyan ng translasyon at mararamdaman ang bawat kaba ng manlalaro sa tuwing itataas na ang sagot habang hinihintay kung tama ba sila. Isinabay naman na roon ang pagalingan sa pagguhit. At para sa pinakainaabangan at pinaghandaang parte, ang pagsasayaw ng bawat lebel na kung saan nagpasiklaban sa bawat galaw habang sinasabayan ang ritmo ng musika kaya ang mga nanonood ay napahihiyaw sa tuwa. Sa huli, dahil sa bawat paglalaan ng atensyon ng lahat sa pagsali sa mga patimpalak, sa huli ay nagkaroon ng pagbibigay-parangal sa mga estudyanteng naitanghal na panalo at nanaig sa iba. Ang simpleng selebrasyon sa Buwan ng Wika ay magsilbing tanda na pahalagahan kung ano ang mga mismong atin. Huwag lamang ipanatili ang diwa ng pagiging Pilipino sa loob ng paaralan, bagkus ay ipamalas ito sa buong komunidad sa pamamagitan ng mga salita at gawa. Ang Wikang Pambansa ay hindi nararapat ipagkibit-balikat na lamang sapagkat kung iisipin, ito ang tanging nagbibigay kabuluhan sa kung ano ba ang katuturan ng pagiging isang Pilipinong may pananagutan pagdating sa mga napapansing kamaliang ninanais ituwid, dangal na paiiralin sa kabila ng mga nakapaligid na kabuktutan, at diwang mapagmatigas sa oras na kinakailangang higpitan ang kapit sa isa't-isa upang marating ang bansang makatarungan para sa nakalalahat. . Nakatutuwang sa kabila ng pagkakaabala sa pag-aasikaso ng mga gawain at paggabay sa mga estudyante sa buong programa, nakayanan nilang isingit iyon. Sumunod na rito ang pangwakas na salita ng Vice Principal na si Ginang Jamine Sanchez-Peji na kung saan inihayag niyang ang Buwan ng Wika ay nagsisilbing paalala ng kalayaan at sariling pagkakakilanlan at sa huli ay nagpasalamat sa bawat estudyante, guro, at mga magulang na bumuo sa matagumpay sa programa. Kuhang larawan ni Shirley Pedrera
Pitak Filipino L A T H A L A I N Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy 15 PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 Sa prestihiyosong kasaysayan ng La Trinidad sa pagdiriwang ng Teachers' Day, ang Oktubre 6, 2023, ay lumitaw bilang isang hindi malilimutang kaganapan na iniukit sa kasaysayan ng edukasyonal na pamana. Ang La Trinidad Auditorium, na pinagdausan ng diwa ng pasasalamat, ay nagsilbing lugar sa isang tunay na kakaibang Pagdiriwang ng Teachers' Day na inihandog upang parangalan ang mga minamahal na mga guro. Ang programang mabusising inihanda ay naging pinagmulan ng kasiyahan, na nagbuklod sa mga mag-aaral at guro sa isang makulay na pagdiriwang ng mga di-mabilang na ambag na ibinibigay ng mga guro. Higit sa pangkaraniwang pormalidad, ang kaganapang ito ay nagbigay-daan sa isang dinamikong pagsusuri ng pasasalamat na nagbibigay daan sa mga mag-aaral na ipahayag ang kanilang pasasalamat sa pamamagitan ng kakaibang mga aktibidad at nakakatabang programa. Para sa mga guro, nagdala ang araw ng isang kakaibang pahinga mula sa hirap ng akademya, habang ang masigla at masayang mga laro ay nagbigay buhay sa kalakaran ng tawanan at pagkakaisa. Ang kaganapan ay nagtatampok din ng mga makabagong programa na idinisenyo upang palakasin ang ugnayan sa pagitan ng mga mag-aaral at kanilang mga minamahal na guro. Isa sa mga tampok nito ay ang kalayaang ibinigay sa mga mag-aaral na magcosplay bilang kanilang mga guro, isang nakakatuwang paraan upang magdulot ng ngiti sa mga mukha ng mga guro na nagbibigay ng pangmatagalang epekto sa kanilang mga buhay. Isang makabuluhang araw ng pagpaparangal ay naganap, isang tila 'simple' ngunit makabuluhang seremonya kung saan naghandog ang mga mag-aaral ng mga parangal tulad ng badge, medalya, o sertipiko para sa kanilang mga tagapayo, na nagpapahayag ng kanilang walang kapagurang dedikasyon sa nakaraang mga buwan. Kyrene Elicah Velando SAGLIT SUBALIT SULIT NA KASIYAHAN (PAGDIRIWANG NG ARAW NG MGA GURO) Ang kahulugan ng pagdiriwang ay itinampok ng isang nakatutuwang video presentation. Ang mga mag-aaral ay nagbahagi ng kanilang mga damdamin sa pamamagitan ng mga mensahe, at lumikha ng isang tambiolo ng pasasalamat na inilahad sa screen, nagpapalakas sa malalim na epekto ng mga guro hindi lamang sa akademikong kaisipan kundi pati na rin sa paghubog ng mga halaga at aral ng buhay. Sa pagtatapos ng kaganapan, iniwan nito ang isang hindi mabilang na pagmamarka na nagpapaalaala sa lahat ng naroroon na ang pagtuturo ay labas sa mga aklat at akademya. Ito ay isang dakilang pagsusumikap na nakatuon sa pagbibigay ng mga aral at halaga ng buhay. Ang taos-pusong video ay naglingkod bilang maliit ngunit makapangyarihang tanda ng pasasalamat para sa mga kahangahangang guro na bumubuo sa mga kabataang isipan, nagtataguyod ng pagkakakuryente, kreatibidad, at pag-ibig sa pagaaral. Tunay nga, ang Pagdiriwang ng Teachers' Day na ito ay hindi lamang isang kaganapan; ito ay isang patunay sa matibay na ugnayan sa pagitan ng mga guro at mag-aaral, isang malinaw na paalala na ang kanilang iisang paglalakbay ay sumasal lampas sa silid-aralan, pumipili ng kuwento ng pasasalamat, respeto, at kasiyahan sa pag-aaral. Mga kuhang larawan ni Marielle Villaseñor
Pitak Filipino Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy L A T H A L A I N 16 PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 Madeleine Reyes LAKBAY-ARAL: PAG-ANDAR NG BUS Pagkumbinsi sa mga magulang upang makakuha ng pera pambayad, pamimili ng mga kutkutin o ilang babaunin, halos hindi makatulog sa labis na kasabikan, paggising nang maaga upang masiguro na walang nakalimutan na gamit, at pagsakay sa bus kasama ang mga kaklase. Parte na ng buhay-estudyante ang mga paglalakbay na siyang aabot sa iba’t-ibang lugar na magpapatanto sa iyo ng ilang signipikong kaalaman ukol sa bansa na kung saan naninirahan. At ang mga La Trinians ng departamento ng Junior High School, sumampa sa isang kinakasabikang lakbay-aral. Unang pumihit ang daan patungo sa Mt. Samat na kung saan matatagpuan ang kinikilalang malaking krus na tinatawag na Dambana ng Kagitingan. Habang paakyat sa bundok, sa kabila ng tirik ng araw ay nagparamdam ang ugong ng hanging nagdadala ng sapat na lamig upang makaramdam ng kapreskuhan. Maaliwalas at malinis ang kapaligiran, salungat sa kalagayan noong kapanahunan ng pagsakop ng mga Hapones na kung saan dumanak ang dugo at kabi-kabilaan ang pagkitil sa makatarungang hustisya ng sistema sa bansa. Tunay ngang bago makamit ang kalayaang natatamasa ngayon, dumaan muna sa mga paghihirap ang mga ninuno noon, kaya masasabing utang na loob ang kanilang ginawa para lamang sa ikabubuti ng ngayong kaapuapuhan niya. Kaya nga’t ang nakaraan ay magsisilbing gabay tungo sa kinabuksang natuto na mula sa mga naging mali noon, kaya nawa’y hindi ito lubos makalimutan, lalo na sa heneresyon ngayon. Sa kabilang banda, kung sino man ang tatanungin kung ano ang nakapagpagalak sa kanila nang husto para sa buong paglalalkbay, ang pangunahing isasagot ay ang mga memoryang nabuo kasama ang mga kaklase. Ilang taon na rin ang huling pagkakataon na nagkasama-sama sa ganoong pangyayari. Kahit noong pagkaakyat pa lamang sa bus, kaingayan na ang bumalot at halata sa bawat isang nasasabik nang umalis. Kahit pa kakaandar lamang ng sinasakyan, may nag-aabutan na ng mga kutkutin na siyang umaabot sa kabilang panig ng bus. Sa bawat pupuntahan naman, kahit sa mga seryosong pagkakataon ay may pagkakataon na mapapatawa na lamang sa isa’t isa sapagkat may kalokohang sumasagi sa isipan. Dito napatunayan na ang presensya ng bawat isa ay sapat nang rason upang sumaya. Kahit ganoon, nakita rin naman sa kanilang mga mata kung gaano sila humanga sa mga nasasaksihan. At sa huli, kahit uwian na ay ang tataas pa rin ng enerhiya ng karamihan kaya may kantahan pang naganap hanggang sa sabay-sabay mawalan ng boses. Masasabing sulit ang lahat. Sa pag-andar ng bus sa isang araw, tila isa itong pagkakataong mapalayo muna ang mga estudyante, guro, at mga kawani ng paaralan sa mga mabibigat na responsibilidad at ang tanging inaalala lang ay ang pagsasaya muna habang tumutuklas ng mga lugar na maghahatak ng maraming realisasyon. Kaya ang organisasyon ay kinupkop iyon, inalagaan nang husto, at sinanay upang makapagpasaya sa mga tao. Mapaiisip na lamang na sa mundong ito, may mga kasama pa ring mga nabubuhay na hayop na nangangailagan nang sapat na pangangalaga. Tayong may mga mas isip na nilalang na naninirahan sa mundo, nararapat hindi iwaglit sa isipang ang bawat galaw ay maaaring makaapekto sa iba. Sa simpleng pagtatapon lang ng basura, kung papairalin ang katigasan ng ulo at pipiliing magtapon sa mga karagatan, tiyak na makaaapekto ito, hindi lang sa kapaligiran, subalit pati na rin sa mga hayop na naninirahan. Isa sa responsibilidad ng mga tao ay ang pangalagaan ang mga hayop, malaki o maliit, saang lugar man ito nakatira, o kung ano ang itsura nito. Sumunod naman ang Ocean Adventure na kung saan itinuon naman ang atensyon sa mga hayop, mapa-tubig man, lupa, o mga nasa himpapawid. Sa lahat ng mga hayop, tumatak ang mga nagpakitang gilas sa mga manonood na mga lumba-lumba na tila mga kayang sumayaw o tumalon-talon nang mataas sa tubig. Sa huling parte ng kanilang pagtatanghal ay hinayag ng tauhang ang isa sa mga masisiglang iyon ay nasagip mula sa insidenteng pambobomba sa karagatan, ang lahat ng kaniyang kasama ay namatay habang siya ay nawalan ng pandinig. Kuhang larawan ni Marte Paras Kuhang larawan ni Marte Paras
Pitak Filipino L A T H A L A I N Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy 17 PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 Madeleine Reyes SA BAWAT PITAK, NAKATITIYAK Sa paaralan unti-unting umuusbong ang munting tinig ng mga kabataan, na kung pakikinggan ay hindi magiging sukat akalaing sa murang edad, hindi nito nahadlangan ang layunin ng mga makabagong isipang ipahayag ang mismong damdamin sa ibang pamamaraan, kahit pa ukol ito sa mga usaping pang-isports, panlipunan, literatura, at lalong-lalo na kung pampolitika. Na hahantong sa kahit ano pang usapin ang ibato sa kanila, may masasabi’t masasabi sila na sa pamamagitan lamang ng isang malinis na papel at pluma, hindi titigil ang tinta nila sa kakalapat ng mga salita. Humakot ng parangal ang pahayagang Pitak Filipino ng La Trinidad Academy at nakamit ang ika-apat na puwesto sa pinakamahusay na nailimbag na diyaryo sa 2024 Division Schools Press Conference. Bukod pa rito, nakuha rin ng pahayagan ang ika-apat pang puwesto sa mga iba’t iba pang pahina katulad ng isports, balita, editoryal, lathalain, agham, at pagaanyo at disenyo. Kahanga-hangang hindi nagpatalo sa lahat at sinigurong uuwing ngising matagumpay ang ipapamalas. Nagsimula lamang ang organisasyon sa kaunting miyembro na habang nagtatagal ay nadadagdagan ng mga kasapi sa pamamagitan ng paghatak sa mga kakilalang may potensyal na maka-ambag sa pahayagan. Masasabing hindi pa pulido ang pagkakalapat ng kabuoan subalit nakararaos ang mga miyembro kaya dahil dito ay hindi maiiwasan ang ilang suliraning sumubok at halos magpatigil sa nakararami. Ilan na rito ay ang kakulangan ng kontributor sa ilang kategorya kaya nahihirapang magkalap at sa huli ay nanangarag na makumpleto ang mga itinakdang gawain sa diyaryo upang makahabol sa pagsusumite. Habang nagbabalik-tanaw sa pinagdaanan ng pahayagan, masasabing sulit ang bawat puyat, sakit sa ulo, pagkataranta, matinding pagsisikap na sa huli ay masusuklian ng kawagian. Hindi sukat akalaing ang munting pahayagang itinataguyod lamang ng ilang kamay gamit ang mga munting prinsipyo, solidong paniniwala, at dedikasyon ay ngayon nang nangunguna sa pamamahayag at paglimbag ng kapana-panabik na diyaryo. Ipinakita ng mga bumubuo sa pahayagan ang katangian ng mga estudyanteng bihira sa panahon ngayon, na handang ipagsigawan ang boses para sa lipunan. Likas sa murang edad ang pagkakaroon makabagong isipan, nakagiginhawang perspektibo, at matapang ideolohiya. Kaya inaasahang ang mga bumubuo sa pahayagan, maiparating ang butihing hangaring mapalawak ang pagbibigay ng saludo sa bansa, sa pamamagitan ng pagpapalawig ng kapagyarihan ng wikang Filipino sa pagmumulat ng mga mata ukol sa iba't ibang usapin. Sa mga dadating pang taon, nawa ay maipagpatuloy ang iiwang nasimulan ng Pitak Filipino, na kung saan ay para sa mga mambabasa, hindi sila titigil sa kakalipat ng mga pahina ng diyaryo upang salubungin ang bawat pinaghirapang artikulong puno ng katotohanan at mga guhit na maingat ginawa, upang makapaghatid lamang ng impormasyon. Sapagkat ang bawat naililimbag na diyaryo, hindi lamang ito mga bugkos ng papel, isa itong tanda ng pagsisikap ng mga kabataang may kakayahang umambag para sa lipunan gamit ang talino sa tiyak na pamamaraan.
Pitak Filipino L A T H A L A I N Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy 18PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 Yzabel Ann Pacifico at Madeleine Reyes MAPEH DAY: PASINDAKANG INDAK AT RINIG NA HIMIG Isa sa Mapeh Day ang taunang pagdiriwang ng La Trinidad Academy na kung saan ay nagkakaisa ang mga mag-aaral upang ipakita ang kanilang mga natatanging talento, kahit pa sa masiglang pagsayaw o madamdam na pagkanta man. Bukod pa rito, ang mga mag-aaral ay lubos na naglalaan ng oras at pagsisikap upang maghanda at ipamalas ang kanilang kapwa mag-aaral, gurong taga-gabay sa kanila, at mga magulang na todo-todo ang suporta sa kanila. Sa mismong programa, ang mga tagapagdaloy ay nagbibigay-daan sa pagsisimula sa kaganapan at sila ang naging tagabigay ng pampasigla sa pamamagitan sa kanilang mga magigiliw na interaksyon sa mga manonood. Sila ang mga tinugariang tulay upang maiparating ang anunsyo at maghatid ng kasiyahan sa mga nakaabang sa buong programa. Tungkol sa buong okasyong ito, ang bawat antas ng baitang ay naipamalas ang kani-kanilang talento sa pagsasayaw, nakabase ito kung anong uri ng sayaw sila itinalaga. Mayroon ang isa sa mga sikat na hip-hop, modernong nasasabayan malimit ng mga estudyante ang galaw, at mga katutubong sayaw na mayroong malalim na kahulugan. Dahil sa mga sayaw na ito, ginugol nila ang oras at pagsisikap upang maipakita ng may kahusayan ang bawat paggalaw. Sa kalagitnaan ng programa pagkatapos maitanghal ng mga estudante, ang isang bandang mula sa seksyong 9-Diamond ay nagsimula na magtanghal ng mga kanta upang bigyan ng masayang lingon ang mga manonood. Ang husay ng mga miyembro sa pagtugtog ng mga instrumento at sa pagkanta ay siyang mga nagbigay daan sa mas lalo pang makulay at masaya araw na nagpaparamdam sa lahat ng kahalagahan ng musika at sining. Pagkatapos ng programa, ang bawat clubs ay nagtayo rin ng mga booths na kung saan maaaring masiyahan ang mga mag-aaral sa mga iba’t ibang aktibidad, ito ang naging rason para sa mas interaktibong pagdiriwang at pagsasama-sama ng mga mag-aaral sa iba’t ibang booth. Dito ay malaya silang bumili ng mga nakabubusog na pagkain, pagsali sa mga laro, at maraming pang iba. Hindi kumpleto ang buhay-estudyante kung hindi nito naranasan ang selebrasyon ng MAPEH Day. Na kahit parehas kaliwa ang paa ay mapipilitang sumayaw at kahit sintunado ay kusa na lamang mapapakanta sa mga magagandang musika na maririnig. Kaya ang programang ito, nawa’y magpatuloy para sa mga susunod pang estudyanteng makararanas na mapagtatanto rin sa huli ang sayang dala nito.
Pitak Filipino L A T H A L A I N Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy 18PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 Yesha Mary Ventura RETREAT 2024: PAGNINILAY PARA SA BUKANG-LIWAYWAY Bilang isang estudyante, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng marami at tambak na gawain. Ang mga maikling pagsusulit, takdangaralin, proyekto, at iba pang akademikong obligasyon ay ilan lamang sa mga kailangang ipasa na nagiging bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng bawat mag-aaral. Sa kabila nito, mahalaga ring bigyan ng pansin ang pagpapahinga at pagbibigay oras sa sarili. Kung kaya’t nakatulong sa mga ika-anim at ika-sampung baitang ang retreat na plinano ng paaralan. Ang retreat ay isang uri ng programa na kung saan ang mga mag-aaral ay lumalayo sa kanilang mga gawain at naglalaan ng oras upang makapagpahinga at makapagnilay-nilay. Dito, nagkaroon ng iba’t ibang aktibidad na masayang nilahukan ng estudyante, kagaya ng pagsasagot sa My Tree of Life kung saan sinulat nila ang mga gustong makamit makalipas ang limang taon, mga aral na natutunan, mga pagkakamali, at pagkatapos ay binahagi ito sa lahat. Nagkaroon din ng aktibidad kung saan ang lahat ay nagtulungan upang makabuo ng mataas at matatag na istruktura gamit ang paper cups. Ang ilan naman sa mga kalahok ay tumulong sa pagharang sa hangin gamit ang manila paper. Ang gawaing ito ay kinakailangan ang pagtutulungan, koordinasyon, at komunikasyon upang magtagumpay. Makikita na ang mga pangkatang gawain na ito ay nakatulong upang makabuo ng tiwala at pagkakaibigan na nagbunga ng mas matatag na ugnayan. Ayon sa ilan, ang paglayo sa kanilang mga gadgets ay ang naging daan upang pagbuklurin ang bawat isa. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga karanasan at opinyon ay mas naunawaan nila ang isa’t isa. Ang ganitong interaksyon ay mas pinagtitibay ang kanilang samahan. Sa kabuuan, ang retreat ay naging mahalagang bahagi ng karanasan ng mga mag-aaral sa ika-anim at ika-sampung baitang na nagbunga ng mas matibay na samahan para sa kanila. Paniguradong ang mga natutunan nila ay isasabuhay na kailan man ay hindi kalilimutan.
Pitak Filipino L A T H A L A I N Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy 19PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 Zhaerim Athena Serrano KISLAP NG BUTUIN SA GABING MADILIM Tumapak sa kaharian ng mga bituin, na kung saan ang mga pangarap ay sumasayaw at ang mga alaala ay kumikinang, sa gitna ng gabi sa Alta Veranda de Tibig, na kung saan magaganap ang isang hindi malilimutang Junior High School Promenade. Sa gabing ito, mararanasan ang iba’t ibang uri ng kasiyahan kasama ang ating mga kaibigan at minamahal na guro. Nagsimula ang pagdaloy ng programa sa isang dasal bilang pasasalamat sa diyos, at sumunod ang grand cotillon at ball dance, kung saan malayang sumayaw ang mga estudyante kasama ang kanilang napiling katambal. Sabay-sabay nilang sinulit ang buong sandali habang sinusulit ang munting nararamdaman habang sinasabayan ng galaw ang bawat ritmo ng kantang napapakinggan. Sa gabi ring ito, nagbigay ng magandang pagsiklab ng pagkanta ang bandang 3 Heartz na mula sa 9-Diamond, na mga tumugtog ng “Seasons” ng Wave to Earth, “Binibini” ni Zack Tabudlo, at hindi magpapahuli ang “Buwan” ni Juan Karlos. Kalaunan, humantong na rin ang oras para sa inaabangang anunsyo ng mga dumalo, ang pagbibigay parangal sa mga natatanging nagbigay ng kakaibang kislap sa gabi. Ang mga estudyante mula sa 10-Diamond na sina Jamila Sedigo at Ethan Herrera ay kinoronahang prom queen and king. Habang sina Sean Neithan Briz at Nisha Sio, parehong nasa 9-Diamond, ay nagwagi sa titulong prinsipe at prinsesa. Natapos ang gabi na ito nang may ngiti ang lahat ng dumalo, at paniguradong naging isa sa mga gabing matatandaan nang tiyak ng bawat estudyante. Ang junior promenade ay isang beses lamang nangyayari sa isang taon. Ito ay ang pinakahihintay ng maraming tao dahil ang araw na ito ang susi sa pagbibigay ng mga bagong alaala at kasiyahan sa bawat isa. Masasabing home of the champions nga ang La Trinidad Academy dahil sa patuloy ng pagkakaroon ng mga parangal na nakukuha nito sa mga isports at isa sa mga humahakot ng mga parangal, ang badminton. Kamakailan lang, sumapit ang Regional Athletic Association Meet 2024 o ang RAAM, sa lungsod ng Laguna noong Abril 9, 2024. Ngunit hindi naman nagpahuli ang samahan ng badminton ng LTA, dahil hindi lamang nila kinatawan ang kanilang paaralan, kundi ang lungsod ng Imus. Ipinakita nila ang kanilang galing, lalo na ang isa sa mga samahan ng badminton ng LTA, na si Marc Zyrus Lazarte na siya namang nagwagi sa kategoryang Elementary Boys Double. Hindi lamang ito panalo sa kanya at ng kaniyang paaralan, kundi ang lungsod ng Imus. Dahil sa kanyang pagkapanalo, siya ay ngayon kwalipikado sa Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City. Sa huli, tunay ngang puro kampeonato ang paaralang kaniyang kinabibilangan. Ngunit hindi ito magagawa kundi sa mga coaches na gumabay sa kanila, at ang solidong suporta mula sa La Trinidad Academy. Chrizelle Celiz MARC ZYRUS LAZARTE, TAGUMPAY SA RAAM 2024 BOYS DOUBLE FINALS
Pitak Filipino Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy 20 Alyanna Lois Dayanghirang GINTONG MEDALYA, NASUNGKIT NI ATHENA! L A T H A L A I N PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 Isa sa kilalang isports ngayon sa Pilipinas, pati na sa ibang bansa ang Taekwondo. Maraming kabataan ang nahuhumaling sumali sa nasabing laro sapagkat pinaniniwalaang nagbibigay ito ng disiplina sa mga kabataang kasali dito at para sa pangarap nilang maging mahusay na atleta balang araw. Masasabing kilala na sa larangan ng Taekwondo si Athena Hababag at ipinagmamalaki siya ng kaniyang paaralan, mapa-poomsae, kyorugi (sparring) speed kicking siya ay may natatanging galing. Regular siyang nag-eensayo nang may disiplina at pursigido na makamit ang tagumpay upang maiuwi ang gintong medalyang hinahangad. Hindi alintana ang pagod sapagkat nasa dedikasyon niya na maiuwi ang karangalan para sa sarili at paaralan. Yesha Mary Ventura RAKETA NG TAGUMPAY Isa si Athena sa kinatawan ng lungsod ng Imus para sa Regional Athletics Association Meet 2024 (RAAM) ng DepEd CALABARZON Category 1 Kyorugi (sparring), Elementary level. Noong nakaraang Abril 9, 2024 ginanap ang araw ng RAAM kompetisyon sa lungsod Laguna, maraming kalahok mula sa iba’t ibang paaralan ang sumubok na makuha ang medalya. Dito ipinamalas ni Athena ang kaniyang tunay na kakayahan sa nasabing isports. Habang siya ay lumalaban, maririnig ang mga nagsisigawan na mga kabataan o mag-aaral at ng mga nanonood nang makita ang kaniyang mga maliliksing galaw. Sadyang kakaiba ang kaniyang nakakabilib na mga sipa at magaling na depensa. Nang matapos ang paligsahan at ang lahat ay nanabik sapagkat ito na ang kanilang hinihintay. Nag-aabang ang lahat na malaman kung sino ang mga nagwagi sa paligsahan. Matinding sigawan ang narinig nang inanunsyong si Athena ay nagkamit ng unang gantimpala o gintong medalya at inihayag na kampeon sa kaniyang kategorya. Masigabong palakpakan ang maririnig kasabay ng pagtanggap niya ng parangal. Sa huli, inanunsiyo na siya ay nakatakdang lumaban sa palarong pambansa na gaganapin sa Cebu. Tunay ngang ipinagmamalaki si Athena ng kaniyang paaralan sa nakamit niyang tagumpay. Raketa, kahusayan, at pangarap—iyan ang dala ng isa sa mga natatanging manlalaro ng badminton sa naganap na Regional Athletic Association Meet o ang RAAM 2024. Ito ang kompetisyon kung saan masusubok na ang kaniyang mga pagsasanay, mga teknik na natutunan, at estratehiyang inihanda upang makamit ang tagumpay sa court. Lahat nang yan ay walang humpay na pinaghandaan sa loob ng ilang linggo. Kagaya ng shuttlecock na may labing-anim na balahibong nakalagay sa gilid nito na nagbibigay ng mataas na hila ng hangin kung saan ito ay mabilis na bumabagal, ganoon din ang ipinamalas ni Kate Cymhonn Lagare sa kaniyang laro. Siya ay sumabak sa kompetisyon na may mataas na pangarap, mabilis na takbo, at kahanga-hangang progreso. At kagaya rin ng isang shuttlecock, nariyan ang higit labing-anim na sumusuporta at naniniwala sa kaniya. Bunga ng lahat ng ito, ang pagsusumikap ni Kate ay nagdulot ng pagkapanalo at ng pilak na medalya para sa kaniyang kategorya na Secondary Girls Doubles. Tiyak na ang bawat hataw ng kaniyang raketa at bawat pag-ikot sa court ay nagpakita ng determinasyon at dedikasyon. Masasabing hindi lang siya nanalo ng medalya, kundi nagdala rin siya ng karangalan sa paaralan at sa bayan ng Imus.
Alyanna Lois Dayanghirang Yesha Mary Ventura TINIG NG ULAN, LIWANAG NG KALANGITAN Nakakaawang tingnan ang ibang tao sa Pilipinas sapagkat sila’y naghihirap. Walang sapat na pagkain at pera para magamit ang ibang tao ay namamalimos, at ang iba ay nagtatrabaho kahit bata pa. Ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mabuhay. Subalit mayroong ibang tao na inaaksaya ang kanilang pagkain. Kapag busog na sila itatapon na nila ang matitira. Hindi sila nanghihinayang na magtapon nang kanilang mga tirang pagkain. Subalit ang ibang tao sa Maynila ay maparaan at madiskarte. Sila ay gumigising ng maaga, pumupunta sila sa tambakan ng basura at namumulot sila ng mga natirang mga pagkain roon lao na ang mga manok mula sa fast food. Sinusuri nila ang mga makakain pa at ang hindi na pwede. Sunod ay inilalagay nila ang mga ito sa isang lagayan at aayusin pa nila ang mga ito para madala sa bahay. Pagkatapos mapulot ang mga ito ay dinadala nila sa kanilang tirahan. Pinapagpagan nila ang nakuhang pagkain sapagkat lulutuin nila ito at kakainin o ibebenta. Kahit galing sa basurahan ng restawran ang kanilang ibinebenta ay nakakaipon at nakabebenta pa rin sila kahit papaano. Nakakaluto sila ng mga pritong mga pagkain dahil dito. Mayroong anak din ang pamilyang nagbebenta at sila ay hindi ganoon ka lulusog subalit ay nakakatulong rin naman itong malipas ang kanilang gutom kahit ganitong pagkain ang kinakain nila kahit galing sa ganoong lugar ang kanilang kinakain ay hindi nagkakasakit ang mya tao sapagkat malakas na ang kanilang resistensya kaya nang kanilang katawan na lumaban sa mga mikrobiyo. Hindi na rin nila napapansin ang amoy ng basura mula sa mga tambakan. Dahil sa madalas ng pagbebenta ng pagapag ay naging karaniwan na sa kanilang lugar ito. Sa huli, hindi lahat ng mga Pilipino ay mayaman at may sapat na pagkain, ang iba ay naghihirap at nagsusumikap na makakuhang kahit kaunting makakain lamang para mabuhay. Sila ay kuntento sa kanilang mga natatatanggap. Sa huli sila ay madiskarte at maparaan na nagtatabaho upang mabhay. Ang kanilang mga nakukukuha at nakakakain ay nagsisilbing biyaya para sa kanila. TIRA TIRANG PAGKAIN; BIYAYA PARA SA WALANG MAKAIN Sa tuwing nagtatagpo ang patak ng ulan at sikat ng araw, may isang makulay na arko ang sumusulyap. Arkong may pitong kulay na pinaniniwalaang may palayok ng ginto sa dulo. Isa itong natural na kagandahan na nagbibigay ng reyalisasyon sa mga pagkakaiba-iba ng lahat ng anyo. Ito ay hindi lamang serye ng kulay sa langit, kung hindi simbolo ito ng pagkakaisa at pagkakaiba-iba. Nakatutuwang may tunay na kagandahan sa pagkakaiba at diwa ng pagkakaisa na may pagasang kayang malagpasan ng lahat ang hamon ng mga bahagi. Ang bawat kulay ng bahaghari ay may kaniya-kaniyang pahayag at simbolismo. Ang pula na naglalarawan ng determinasyon, ang kahel na nagbibigay ng positibong enerhiya, ang dilaw na gaya ng liwanag ng araw na naglalahad ng pag-asa, ang bughaw na nagdadala ng kulay ng kayapaan, at ang kulay lila na naglalarawan ng pagpapahalaga. Kay sarap nga namang pagmasdan ng mga kulay na ito habang tumatama sa iyo ang ihip ng malamig na hangin, kasabay ng pagtama ng sikat ng araw. Sana`y magsilbing paalala ito na sa gitna ng pagsubok ay mayroong liwanag at kulay na sumisimbolo sa pag-asa. Photo credits: Basurang Pagkain (Full episode) | Reporter's Notebook https://www.youtube.com/watch?v=44zhr_3pQ5k Kuhang larawan ni Jennaya Kayin Lungcay Sanggunian: GMA Public Affairs. (2023, October 18). Basurang Pagkain (Full episode) | Reporter’s Notebook [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=44zhr_3pQ5k Pitak Filipino Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy L A T H A L A I N PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 21
Kyrene Elicah Velando PAGGAWA NG TAO; PAGGIBA NG TAO Artipisyal na Intelehensiya, tunay bang magandang imbensiyon? Ayon sa pananaliksik, ang AI, mas malaking banta kaysa sa nuclear weapons at global warming. Kaya't tanong ko lang, sulit ba ang pag-unlad ng teknolohiya kung ang resulta ay malaking negatibong epekto sa lipunan ngayon? Ang pangunahing layunin ng Artipisyal na Intelehensiya o AI ay makapagsagawa ng isang mekanismo na maaring mag- isip at gumalaw bilang isang tao. Kabilang sa proseso ng pag-unlad ng AI ang perceptual integration, cognitive intelligence, at decisionmaking intelligence. Ang perceptual integration ay ang kakayahan sa mga pangunahing gawain ng mga tao tulad ng pagkita at pandinig. Ang cognitive intelligence naman ay ang pagtatalaga ng tungkulin at pagrarason. At ang huli naman ay ang descion-making intelligence kung saan ang AI ay may abilidad gumawa ng sariling desisyon at pagkakaroon ng lohikal na pag-iisip. Sa walang katapusang paglitaw ng mga rebolusyong pang-industriya, dumaraming bilang ng mga uri ng makina ang patuloy na pumapalit sa trabaho ng tao mula sa lahat ng antas ng pamumuhay, at ang napipintong pagpapalit ng mga yamang tao sa pamamagitan ng machine intelligence ay ang susunod na malaking hamon na malalampasan. Noong una, ang AI ay ginagamit lamang sa pagsagot sa matematika, ngunit nang 2006, si Geoffrey Hinton at ang kanyang mga katrabaho ay nagkaroon ng perspektiba na gumawa ng isang “deeper neural networks” kung saan gumagamit ang AI ng Deep Learning algorithm kaya’t ang programa nito ay maaring matuto at makakuha ng impormasyon nang walang tulong sa mga taong inilikha nito. Mayroon rin itong tinatawag na machine learning o ML techniques. Ang ML techniques ay inilikha upang makapag-suri ang mga AI ng high-throughput na data na may layuning makakuha ng mga kapaki-pakinabang na kabatiran, pagkakategorya, paghula, at paggawa ng mga desisyon na nakabatay sa ebidensya sa mga bagong paraan, na magsusulong ng paglago ng mga nobelang aplikasyon at magpapasigla sa napapanatiling booming ng AI. Kalamangan ng Artipisyal na Intelihensiya Ang unang pangunahing kalamangan ng AI ay ang pagbabawas ng pagkakamali at panganib ng mga tao. Isang kilalang kasabihan nga ay “walang perpekto sa mundo,” at ito’y hindi masamang bagay. Ngunit upang mas makakuha ng positibong resulta, sa paraan ng paggamit g AI, mas madali nating matatapos ang mga gawain na madalas na paulit ulit o maaring makapahamak sa mga tao. Isa pang kalamangan nito ay hindi napapagod ang AI. Ang AI ay maaring magtrabaho 24/7 nang hindi napapagod kumpara sa tao na madalas na walong oras ang oras ng pagtatrabaho kada araw. At huli, ang mga tao ay hinihimok ng mga emosyon, gustuhin man natin o hindi. Ang AI sa kabilang banda, ay walang emosyon at lubos na praktikal at makatuwiran sa diskarte nito. Ang isang malaking bentahe ng Artificial Intelligence ay wala itong anumang mga bias na pananaw, na nagsisiguro ng mas tumpak na paggawa ng desisyon. May isinagawa si Isaac Asimov na “Three Laws of Robotics” upang maprotektahan ang mga tao sa pakikipag-ugnayan sa mga AI o robot. Ang mga batas na ito ay: Bagama't sa kasalukuyang panahaon, kasalukuyang may higit na kamalayan at pag-unawa sa potensyal ng AI, na humantong sa pagtaas ng pamumuhunan sa pananaliksik at pagpapaunlad ng mga pamahalaan, institusyong pang-akademiko, at pribadong sektor. Wala na ang kaba ng lipunan na ibinabagsak ng mga robot o isang pangangailangan na sundin ang "Three Laws of Robotics" ni Isaac Asimov. Ang isang robot ay hindi maaring makasakit ng isang tao o, sa pamamagitan ng hindi pagkilos, payagan na ang isang tao ay mapupunta sa pahamak. 1. Ang isang robot ay kinakailangang sundin ang mga utos na ibinigay ng tao maliban sa mga utos na makikitunggali sa Unang batas. 2. Ang isang robot ay dapat na protektahan ang kanilang sariling pag-iral hanggang ang pag protekta nito ay hindi makikitunggali sa Una o Ikalawang Batas. 3. Kabilang Banda ng AI Sapagkat hindi na kinakailangan sundin ang “Three Laws of Robotics,” maraming pahamak ang naidudulot ng AI lalo na at may itinatawag taong point of no return. Ang pinakaimportante rito ay ang Point of Singularity kung saan may kakayahan ang ai na maging mas matalino pa sa tao na maaring palitan ang buong pabriko ng ating lipunan. “Ang AI ay magpapatuloy sa paghamon sa lahat ng ating mga sistema,” ayon kay Tony Liao, isang associate professor sa programang Digital Media ng Technology Division sa UH Cullen College of Engineering. “Bawat hakbang na iyong gagawin kaugnay ng AI, mula sa pagpapabaya sa AI o paggawa ng mga desisyon, ay may kaakibat na aspeto ng etika.” Isang halimbawa ng aplikasyon na inilikha ay ang ChatGPT, isang AI chatbot na itinrain sa napakaraming datos at kayang lumikha ng teksto, imahe, at iba pang media bilang tugon sa mga utos ng user. Nakilala ito sa kakayahan nitong magsulat ng buong mga sanaysay at pumasa sa mga mahihirap na pagsusulit tulad ng Uniform Bar Exam at ang U.S. medical licensing exam. Kung ito ay madali lamang para sa AI, ano pa ang mga kakayahan nito? 12PAHINAPitak Filipino Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy A G H A M A T T E K N O L O H I Y A PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 22
Point of No Return: Ang pag-unlad ng AI ay tila nasa isang punto na hindi na natin maaaring isra, ibalik, o itigil. Ito'y nangangahulugang ang teknolohiyang ito ay patuloy na nagbibigay ng mga bagong aspeto at kakayahan, at sa paglipas ng panahon, lumalalim ito nang hindi na maaring bawiin. 1. Laging Magiging Masmatalino ang AI sa Tao: Isa sa mga nakababahala sa pag-unlad ng AI ay ang patuloy na pag-angat ng antas ng kanilang intelihensiya kumpara sa tao. Ang AI ay maaring maging mas matalino, at ang ganitong sitwasyon ay magdudulot ng mga hamon sa ating lipunan, lalo na sa larangan ng trabaho. Ito'y magbubukas ng mga tanong tungkol sa etika, hanggang saan natin ito pahihintulutan, at kung paano natin ito haharapin bilang isang lipunan na nagtatakda ng layunin at halaga sa buhay. 2. Sa pag-usbong ng teknolohiya ngayon, lumalabas ang tanong: sulit nga ba ito? O maaari bang mapigilan pa ito, lalo pa't patuloy itong umuusbong? Ang kasalukuyang takbo ng teknolohiya ay naglalagay sa atin sa isang masalimuot na sitwasyon, kung saan ang bawat hakbang na ating ginagawa ay nagdadala ng malalim na implikasyon. Paano natin tutuklasin ang tunay na halaga ng teknolohiya? At kung saan tayo dadalhin ng paglago nito? Ang mga tanong na ito ay nagbibigay daan sa masusing pagninilay-nilay tungkol sa kahalagahan at direksyon ng ating hinaharap. Sa kaharian ng teknolohiya, ang pagtuklas ng sagot ay isang paglalakbay na patuloy na magbubukas ng mga tanong at posibilidad, at tanging ang hinaharap na ang makakapagsabi kung gaano kabisa at kahalaga ang itinuturing nating "usbong" ngayon. Posibleng Masamang Epekto: Sa kabila ng mga potensyal na pag-unlad, hindi natin maaaring itakwil ang posibilidad ng masamang epekto ng AI sa lipunan. Maaaring magdulot ito ng mga problemang etikal, social, at ekonomikal, na maaaring humantong sa hindi kanais-nais na mga sitwasyon. Ayon sa mga statistika may mga insidente na nagpapakita ng maling paggamit ng AI, tulad ng paggamit nito sa mga masamang layunin tulad ng pagpatay. Ang mga ganitong pangyayari ay nagdudulot ng pangamba at nagpapalalim sa usapin ng regulasyon at responsibilidad sa paggamit ng AI. Maaaring ituring na mas malaking panganib ito kaysa sa mga nuclear weapons, subalit kailanman, hindi pa tayo nakapaglikha ng nuclear weapon na kayang magbuo ng isa pang nuclear weapon. Sa ganitong paraan, makikita na ang AI ay hindi lamang nakakagawa, kundi itinataguyod pa ang paglikha ng mas matalino at mas mataas na antas ng AI kaysa sa kanilang orihinal na anyo at dahil dito, meron tayong tatlong hindi maiiwasan na pangyayari sa AI. Sanggunian: Kersting, K. (2018). Machine Learning and Artificial intelligence: Two fellow travelers on the quest for intelligent behavior in machines. Frontiers in Big Data, 1. https://doi.org/10.3389/fdata.2018.00006 IBM Technology. (2023, April 10). AI vs Machine Learning [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=4RixMPF4xis IBM Technology. (2023b, November 10). The 7 types of AI - and why we talk (Mostly) about 3 of them [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=XFZ-rQ8eeR8 3Blue1Brown. (2017, October 5). But what is a neural network? | Chapter 1, Deep learning [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=aircAruvnKk 3Blue1Brown. (2017b, October 16). Gradient descent, how neural networks learn | Chapter 2, Deep learning [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=IHZwWFHWa-w Xu, Y., Liu, X., Cao, X., Huang, C., Liu, E., Qian, S., Liu, X., Wu, Y., Dong, F., Qiu, C., Qiu, J., Hua, K., Su, W., Wu, J., Xu, H., Han, Y., Fu, C., Yin, Z., Liu, M., . . . Zhang, J. (2021). Artificial intelligence: A powerful paradigm for scientific research. The Innovation, 2(4), 100179. https://doi.org/10.1016/j.xinn.2021.100179 Hosch, W. L. (2024, February 2). Genetic algorithm | Optimization, Machine Learning & AI. Encyclopedia Britannica. https://www.britannica.com/technology/genetic-algorithm The Editors of Encyclopaedia Britannica. (2023, December 29). Three laws of robotics | Definition, Isaac Asimov, & Facts. Encyclopedia Britannica. https://www.britannica.com/topic/Three-Laws-ofRobotics Copeland, B. (2008, October 7). Artificial intelligence programming language | Benefits, Challenges & Applications. Encyclopedia Britannica. https://www.britannica.com/technology/artificialintelligence-programming-language Artificial Intelligence: a positive impact that enriches our lives and helps businesses grow. (n.d.). https://metyis.com/impact/our-insights/artificial-intelligence-positive-impact Duggal, N. (2023, November 24). Advantages and Disadvantages of Artificial intelligence [AI]. Simplilearn.com. https://www.simplilearn.com/advantages-and-disadvantages-of-artificialintelligence-article Xu, Y., Liu, X., Cao, X., Huang, C., Liu, E., Qian, S., Liu, X., Wu, Y., Dong, F., Qiu, C., Qiu, J., Hua, K., Su, W., Wu, J., Xu, H., Han, Y., Fu, C., Yin, Z., Liu, M., . . . Zhang, J. (2021b). Artificial intelligence: A powerful paradigm for scientific research. The Innovation, 2(4), 100179. https://doi.org/10.1016/j.xinn.2021.100179 Collins, H. (2021). The science of artificial intelligence and its critics. Interdisciplinary Science Reviews, 46(1–2), 53–70. https://doi.org/10.1080/03080188.2020.1840821 Kyrene Elicah Velando ANG SIYENSYA SA PAGMAMAHAL Pag-ibig. Isang makabubuluhang konsepto na nagiging mahalagang bahagi ng paglalakbay sa buhay ng isang indibidwal at nagdadala ng iba't-ibang interpretasyon na naaayon sa ating puso; ngunit, ang ating isipan ang nagbibigay ng halaga sa aspetong ito. Mula sa unang pagtibok ng iyong puso hanggang sa kirot na maaaring idulot nito, ito'y tinutukoy at sinusustentuhan ng pagkakaugnay ng mga neurochemicals at mga sistemang pangutak. Ayon kay Dr. Helen Fisher, isang biyolohikal na antropologo; ang ating utak ay dumaan sa ebolusyon sa pagsasagawa ng tatlong brain systems para sa pagsasama at reproduksyon na kinabibilangang salig sa hormones na igkas ng ating utak. Ang tatlo na ito ay ang Lust, Attraction, at Attachment. Ang Unang Hakbang o tinatawag bilang Lust ay naglalabas ng testosterone sa lalaki at estrogen naman sa babae. Ito’y idinadala ng pagnanasa sa sekswal na katuparan pati na rin sa ebolusyonaryong batayan natin sa pangangailangan ng reproduksyon bilang mga organismo. Ang Ikalawang Hakbang o tinatawag bilang Attraction ay naglalabas ng dopamine, seratonin, at norepinephrine; mga hormones na nagbibigay nang matatamis na pakiramdam. Ngunit, paano at bakit nga ba tayo nakakaramdam ng atraksyon patungo sa isang tao? Ito ay bunga ng ating five senses. Paningin: ang unang bahagi sapagkat pag ang mata’y nakakita ng isang kanaisnais na bagay, ang ating unang likas na hilig ay lumapit upang makakuha ng impormasyon ang iba pang aspeto ng ating senses. Maraming pag-aaral ang iniuugnay ang simetriya ng mukha, mababang proporsiyon ng balakang hanggang baywang, mahabang buhok, malinis na balat, at malakas na katawan bilang mga batayan sa kung sino ang itinuturing kaakit-akit sa mata. Pang-amoy: hindi lamang ginagamit sa pagpulot ng mga pabango Agos12PAHINAPitak Filipino Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy A G H A M A T T E K N O L O H I Y A PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 23
ngunit pati na rin ang mga pheremones o natural chemical signs. Sa pag-aaral ni Saul L. Miller at Jon K. Maner, natuklasan nila na na ang mga lalaking nakalantad sa damit na sinuot ng babae na nasa kanilang ovulation phase ay nagpapakita ng mas mataas na antas ng testosterone kumpara sa lalaking nakalantad sa damit na hindi sinuot ng kahit sino man. Sa pag-aaral naman ni Claus Wedekind, natuklasan niya na mas nasa kagustuhan ng mga babae ang amoy kung saan ang MHC molecules nito ay kasalungat ng sakanila. Ito’y dahil kung mas samu’t-sari ang mga molekula na ito, mas napapalawak pa ang kinikilalang pathogens ng ating immune system at maaring napapataas nito ang kakayahan ng isang offspring na manatiling buhay sa ating sandaigdigan. Ang mga pag-aaral ay tiyak na nagmumungkahi na ang ebolusyon ay nilagyan ang mga tao ng isang transmitter at receiver para sa genetic na impormasyon, na posibleng makaimpluwensya sa pagpili ng asawa, na kung saan konektado rin ito sa sekswal na paguugali at ang pagsisimula ng romantikong panliligaw. Pandinig: ayon sa mga pagsasaliksik, mas pinipili ng mga kalalakihan ang mga babae na may mataas na tono ng boses, sapagkat ito ay nauugma sa mas maliit na sukat ng katawan. Bilang mga kalalaki, nauugma ang kanilang utak sa ideya na kinakailangan nilang protektahan ang kanilang "tribo," kahit na sa kasalukuyang mundo. Sa kabilang dako, mas pinipili ng mga kababaihan ang mga lalaking may mababang tono ng boses, ito ay nagpapahiwatig ng mas malaking katawan at kakayahan ng lalaki na magbigay ng proteksyon at seguridad. Ngunit mahalang tandaan na hindi ito ang palaging sitwasyon sa lahat, ngunit ito ay kadalasang naangkop. Panlasa: kabilang dito ang tintawag na first kiss kung saan kasama dito ang amoy ng kanilang hininga at pati na rin ang lasa ng kanilang bibig. Ito’y kinikilala bilang isa sa mga importante na ganap sapagkat ayon sa nasagawa na surveys, ang karamihan ay nawawalan ng atraksyon sanhi sa isang bad first kiss. Ang paglasa rin ng isang matamis na bagay ay nagpapalabas sa sentro ng kasiyahan ng utak, na binabaha ng dopamine at ang malakas na pagnanasa na ulitin ang aksyon. Pandamdam: kabilang sa mga pinakaimportanteng aspeto ng atraksiyon. Hindi lang ito isang simpleng pandama na ginagamit sa pang araw-araw ngunit ayon sa isang pag-aaral sa brain scans, kapag iniisip ng mga tao ang tungkol sa paghawak sa kanilang romantikong kapareha, pinapagana nito ang ibang bahagi ng utak kumpara sa pagiisip na hawakan ang isang simpleng bagay. Sa konteksto ng pag-ibig, gayunpaman, ang paghipo ay maaaring higit pa sa kasiya-siya. Ang paghipo sa isang romantikong kapareha ay maaaring makatulong na protektahan ka laban sa mga stressor. Natuklasan ng ilang pananaliksik ang mga kaugnayan sa pagitan ng pagyakap sa isang matagal nang magkasintahan at pagbaba ng presyon ng dugo. Subalit, paano mo malalaman na ang atraksiyon na ito ay platonic o romantic? Ayon kay Dr. Helen Fisher, kapag ang atraksiyong ito ay romantiko, lahat ng kanilang gawain ay nagkakaroon ng malalim na kahulugan. Kahit sa simpleng tingin o tinig ng kanilang boses, ito’y nabibigyan ng halaga. Maaaring ituring ito na isang uri ng obsesyon, ngunit kung ito ay platonic lamang, hindi ito umaabot sa ganoong antas. Platonic o Romantic na Atraksiyon? Nang matukoy na ika’y nagkakaroon na ng romantic attraction, papasok na tayo sa kinikilala bilang ‘honeymoon phase.” Dito, mataas ang aktibidad sa Ventral Tegmental Area o VTA, isang bahagi ng ating utak na namumuno sa iyong motibasyon at pagproseso ng mga gantimpala na kanais-nais at iyong matamo, at ang daloy ng iyong dugo ay napupuno ng norepinephrine na nagbibigay buhay sa iyong fight or flight system. Sa oras na ito, makakaramdam ka ng pagpapabilis ng tibok ng iyong puso, nerbiyos, paglalaki ng iyong mga balintataw, at mas mataas na produksyon ng glucose sa iyong katawan. Hindi ito dahil nasa panganib ka, kundi ito ay ang paraan ng iyong katawan upang sabihin saiyo na mahalaga ang kasalukuyang sitwasyon. Nagkaroon ka na ba ng mga pagkakataon kung saan, kahit maraming tao sa paligid mo, mas nakatuon ka pa rin sa isang tao na siyang sentro ng iyong atensyon, at parang ang lahat ay nagiging malabo maliban sa kanya? Kung oo, ito ay hindi lamang isang hakahaka. Upang tulungan kang maglaan ng pokus sa taong ito, gumagawa ang iyong norepinephrine ng "tunnel vision," ito ay naglalayo sa mga distraksiyon sa iyong paligid. Sa panahong ito, mahirap din makakita ng mga problema sa taong iyong ninanais sapagkat habang mataas ang aktibidad sa VTA, mababa naman ang aktibidad sa cognitive center ng iyong utak, ang prefrontal cortex, na nagpapahayag ng iyong kritikal na pagiisip at pang-unawa. Ikatlong Hakbang at panghuli ay ang tinatawag na Attachment. Nang tumatagal ang inyong pagsasama, ika’y mas nagiging komportable at nakatuon sa iyong kapareha dahil sa oxytocin at vasopressin. Ito ay ang mga hormones na nagpapalaganap ng koneksiyon, paniniwala sa isa’t isa, at damdamin ng sosyal na kalakip at suporta. Ang oxytocin ay nag lalabas ng bugso ng mga positibong emosyon at nagtatanggal ng stress hormones, habang ang vasopressin naman ay konektado sa pisikal at emosyonal na pagpapakilos. Kabilang Banda ng Pag-ibig Habang natagal ang oras, unti-unting napapawi ang “honeymoon pase” at napapalitan ito ng tapat, mas katotohanan, at mas malalim na paguunawa. Mas malinaw na ang mga problema at pagkukulang sa iyong koneksiyon at habang ang mga love hormones na ito ay nag dadala ng kasiyahan, parte rin dito ang mga negatibong epekto ng pagmamahal tulad ng pagseselos, pagiging hindi makatuwiran, at iba pang damdamin. Nang ito’y madaanan, maari na ito’y inyong malalagpasan at mas lumaganap pa ang inyong koneksiyon, ngunit mangyari din na hindi matuloy ang relasyon. Subalit kahit na ang inyong relasyon ay naputol, ang inyong koneksyon at pagmamahal ay nandyan parin, at ang sakit na iyong madarama ay maisisisi sa utak. Sa panahon na ito, mataas ang aktibidad ng insular cortex, isang parte ng iyong utak na namumuno sa pag proceso ng pisikal at emosyonal na sakit, at ng VTA, kaya’t maaaring maramdaman ang pananabik sa mga unang panahon ng koneksiyon. Ang aktibidad rin na ito ay nakaka apekto sa alarm system at stress axis ng iyong katawan, na nagdudulot ng pagkapagod at pagkawala ng motibasyon. . 12PAHINAPitak Filipino Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy A G H A M A T T E K N O L O H I Y A PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 24
Evolution: Library: Sweaty T-Shirts and human mate choice. (n.d.). https://www.pbs.org/wgbh/evolution/library/01/6/l_016_08.html Scent of a Woman: Men’s testosterone responses to olfactory ovulation cues on JSTOR. (n.d.). www.jstor.org. https://www.jstor.org/stable/41062200 Krans, B. (2013, April 24). What your voice says about your sexual attractiveness. Healthline. https://www.healthline.com/health-news/mental-perceived-attractiveness-has-everythingto-do-with-your-voice042413#:~:text=Researchers%20changed%20the%20median%20pitch,wide%20formant%20 spacing%E2%80%94most%20attractive. Pitak Filipino Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng L a Trinidad Academy Agosto 2023-Enero 2024 Sanggunian: TED-Ed. (2014, May 8). The science of attraction - Dawn Maslar [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=169N81xAffQ TEDx Talks. (2016, July 5). How Your Brain Falls in Love | Dawn Maslar | TEDxBocaRaton [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=eyq2Wo4eUDg TED-Ed. (2022, December 8). The science of falling in love - Shannon Odell [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=f_OPjYQovAE WIRED. (2022, February 14). Biological anthropologist answers love questions from Twitter | Tech support | WIRED [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=6DYgImG1CKo The five senses of attraction (in TED-Ed GIFs). (2016, January 7). TED-Ed Blog. https://blog.ed.ted.com/2015/02/12/the-five-senses-of-attraction-in-ted-ed-gifs/ Ferro, S. (2016, October 20). 5 Scientific Ways Your senses Rule your love life | Mental Floss. Mental Floss. https://www.mentalfloss.com/article/87716/5-scientific-ways-your-senses-ruleyour-love-life Woo, A., & Woo, A. (2022, February 12). The Science Behind Love: How your brain and five senses help you fall in love. NewYork-Presbyterian. https://healthmatters.nyp.org/the-science-behindlove-how-your-brain-and-five-senses-help-you-fall-in-love/ Admin. (2023, September 19). The science of love. International Science Council. https://council.science/current/blog/the-science-of-love/ he science behind why we fall in love. (2023, December 1). MEH. https://mountelizabeth.com.sg/health-plus/article/the-science-behind-why-we-fall-in-love SITNFlash. (2020, June 19). Love, Actually: The science behind lust, attraction, and companionship - Science in the News. Science in the News. https://sitn.hms.harvard.edu/flash/2017/love-actually-science-behind-lust-attractioncompanionship/ Rosenthal, A., & Lin, J. C. (2009). Dopaminergic differentiation. In Elsevier eBooks (pp. 609–613). https://doi.org/10.1016/b978-008045046-9.01037-8 Neuroscientifically Challenged. (2016, October 6). 2-Minute Neuroscience: Ventral Tegmental Area (VTA) [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=4t1EsfhPBTk Ngunit sa bandang huli, ang mas mataas na cortical region ng iyong utak, na may kapangyarihan sa pangangatuwiran at kontrol sa mga reaksiyon, ay magdadala rin ng ginhawa sa nararamdaman mong sakit. Importante na tandaan na ang mga bahaging ito ay nagkakaroon ng pagbabago sa paglipas ng panahon, lalo na sa panahon ng adolescence, kaya't ang unang pag-ibig at unang pait ng damdamin ang madalas na pinakamasakit na maranasan at pinakamahirap kalimutan. Ngunit kahit gaano ito kahirap, karamihan sa atin ay nakakaraos dito dahil, ayon kay Dr. Helen Fisher, ang sakit ay unti-unti ring nawawala at tayo'y gumagaling dahil ito ang mekanismo ng ating kaligtasan. Ang pag-ibig ay primitibo, nag-aakma, at walang hanggan Ang ideya na maraming aspeto ng ating atraksyon ay nakabatay lamang rito ay maaring lumabas bilang malamig at siyentipiko kaysa sa romantiko, mahalaga na tignan natin ito sa ibang pananaw sapagkat kabila ng lahat ng ito, ang pag-ibig ay may mga bahagi na hindi kayang tumbasan ng anumang paliwanag o pananaliksik. Kung isasaalang-alang natin ang unang pagtatagpo, hindi ito lamang basta pagsilayan ng mata, ngunit ang buong katawan natin ay dumaraan sa napakaraming proseso, mga alituntunin ng kaharian ng puso at damdamin, na nagbibigay daan para malaman natin kung ang estrangherong nasa harap ay ang taong itinadhana para sa atin. Sa paghahangad na maunawaan ang pag-ibig mula sa perspektibong siyentipiko at teknolohikal, tayo'y bumukas sa mga komplikadong mekanismo na nagbibigay-daang sa mga emosyon at atraksyon na ating nararanasan. Bagamat ang agham ay maaring magbigay sa atin ng kaalaman at paliwanag, mahalagang tandaan na ang mundo ng pag-ibig ay lumalampas sa empikal na pagsusuri. Ang pag-ibig ay isang maraming-aspetong pangyayari, at ang katanungang madalas na bumabangon ay kung ito ba ay sulit pagdaanan ang buong proseso nito, kasama ang lahat ng kasiyahan at pagsubok, para sa posibleng pagdanas ng sakit. Bilang pagtatapos ng pagsusuri na ito, inaanyayahan namin kayong magmuni-muni sa pangunahing tanong na ito: Tunay bang ang pag-ibig, sa lahat ng kanyang kumplikasyon at misteryo, ay nagkakaroon ng halaga ang paglalakbay na ito? OIC Punong Patnugot Madeleine Reyes OIC Katuwang na Patnugot/Patnugot ng Pahinang Isports Ameerah Marquez P A T N U G U T A N T . P . 2 0 2 3 - 2 0 2 4 OIC Patnugot sa Pamamahala/ Patnugot sa Pahinang Lathalain Yesha Mary Ventura Gabriel Agpoon at Sophia Nas OIC Patnugot ng Pahinang Balita Franchezka Hermoso at Giam Loking OIC Patnugot ng Pahinang Opinyon/Kolum Kyrene Velando OIC Patnugot ng Pahinang Agham at Teknolohiya David Manlangit at Adelyn Ferrer OIC Puno ng Editoryal Kartun Ralph Jared Pajarin OIC Puno ng Panitikan Princess Keisha Lagac OIC Punong Dibuhista Alyanna Dayanghirang Sophia Panaligan Zara Jamison Ayisha Okamoto Jana Mikaela Asido Tristaine Maglaqui Jaden Regala William Jorta Yzabel Pacifico Chrizelle Celiz Arrianne Arrieta Alyanna Dayanghirang Sophia Panaligan Zara Jamison Ayisha Okamoto Jana Mikaela Asido Tristaine Maglaqui Jaden Regala William Jorta Yzabel Pacifico Chrizelle Celiz Arrianne Arrieta Mga Kontribyutor Bb. Decieh Marie Llanita Bb. Cristalyn Zuno, LPT Bb. Richelle Pomarejo, LPT Bb. Cristalyn Zuno, LPT Bb. Richelle Pomarejo, LPT Tagapayo Tagakonsulta 12PAHINAPitak Filipino Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy A G H A M A T T E K N O L O H I Y A PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 25
12PAHINAPitak Filipino Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy A G H A M A T T E K N O L O H I Y A PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 26 Kyrene Elicah Velando PANGINGIBABAW NG PERTUSSIS: PAGBALIK NG PANGANIB Sa gitna ng panganib na dala ng pagbabalik ng pertussis o mas kilala sa tawag na "whooping cough,” ang pagkabahala ay muling bumalik sa usapang pangkalusugan. Ang pertussis ay isang sakit sa paghinga na sanhi ng bakterya na tinatawag na Bordetella pertussis, na kung saan noong 2018, ay may mahigit sa 151,000 kaso nito sa buong mundo at ito’y muling nagbabalik. Ito ay maaaring magsimula bilang simpleng sipon at ubo, na untiunting lumalala at sinusundan ng "whoop" na tunog habang matapos ng patuloy na pagubo. Bagama’t ito’y kilala bilang simpleng ubo lamang, and sakit na ito ay kadalasang nakamamatay sa mga sanggol at nagdudulot ng malubhang komplikasyon tulad ng pneumonia at pag-atake. Ang mga nagkaroon na ng whooping cough ay sinasabing may ilang built-in na kaligtasan sa sakit, o proteksyon, laban sa pagkontrata muli ng whooping cough. Ngunit ang impeksiyon ay hindi nagbibigay ng panghabambuhay na kaligtasan sa sakit. Ipinapayo ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na ang pinakamabisang paraan upang maging ligtas laban sa pertussis ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng antibiotic at mabakunahan laban sa whooping cough dahil ang passive immunity ay humina at hindi na magsilbing proteksyon laban dito. Maaring gamitin ang mga ito upang bawasan ang pagkakaroon ng sintomas at pagiging nakahahawang pasyente. Sa ilalim ng mahusay na pangangasiwa ng isang medikal na propesyonal, ang mga sintomas ay maaaring kontrolin at maibsan. Ang mga bakuna laban sa pertussis, tulad ng Diphtheria, Tetanus, and acellular Pertussis (DTaP) at Tetanus, reduced diphtheria and acellular pertussis content (Tdap), ay nagbibigay ng proteksyon laban sa sakit na ito. Ang pagpababakuna sa mga buntis ay epektibo rin sa pagprotekta sa mga sanggol mula sa sakit na ito. Sa pagbabalik ng mga sakit tulad ng pertussis, tamang pagpapabakuna at agarang pagtugon sa sintomas ang mahalaga para sa proteksyon ng bawat Pilipino. Pubmat mula sa La Trinidad Academy Facebook Page
Agosto 2023-Enero 2024 Sophia Estelle Panaligan LA TRINIANS, NAGPAKITANG GILAS SA INTRAMURALS 2023 Ipinamalas ng mga estudyante ang kanilang angking galing sa paglalaro ng mga isports at pagsasayaw sa ginanap na tatlong araw na intramurals nitong Disyembre 11, 12, at 13, 2023. Ika-11 ng Disyembre, 2023, 7:00-7:30 ng umaga, inumpisahan ang programang ito ng isang parada na punong-puno ng sigla at pananabik ng mga La Trinians. Ang mga estudyante ay hinati sa iba’t-ibang pangkat. Ang mga pangkat na ito ay Berde, Pula, Lila, at Dilaw na may kanyakanyang coaches. Nang matapos ang parada, agad na nagtipon-tipon ang mga estudyante at guro sa Open Court ng La Trinidad Academy upang pormal na simulan ang inihandang maikling programa. Sinimulan ang programang ito ng pambungad na salita ni Mr. Gamaliel S. Cruz, ang tagapamahala sa seguridad at isports. Na sinundan ng Oath of Sportsmanship na pinangunahan ni John Raje Molato, ang team captain sa LTA Basketball team. Ameerah Aiesha Marquez at Arrianne Arrieta LTA GREEN WARRIORS, WAGI SA IBA'T IBANG TIMPALAK IMUS CAVITE, Philippines - Muling rumatsada ang mga manlalaro ng basketball ng koponang LTA, nang kanilang nasungkit ang 1st Runner up sa 12th Lion's cup Basketball Tournament 13 under division kontra Herman Harrell Horne Integrated School (HHHIS) nitong ika-11 ng Nobyembre taong 2023 sa Treelane 3 Covered Court. Maganda ang panimula ng laban para sa LTA ngunit agad namang nagbalik-siklab ang HHHIS at nagpamalas ng kakaibang liksi, dahilan upang maiselyo ang panalo. Isang nakaaantig na bakbakan ang pinakawalan ng koponan ng LTA para iwan ang HHHIS sa iskor na 57-54 at kanilang maangkin ang korona. Tila dumaan sa butas ng karayom sina John Raje Molato, Justin Paul Robles, Robert Posadas, at Elijah Yuane Gerona ng koponang LTA nang kanilang ipinamalas ang kanilang tapang at husay para matamo ang kampeonato at talunin sina Migz Amaba, Polen Pacifico, JD Victa, at Viktor Abay ng Unida Christian College (UCC) sa 1st Gamaliel S. Cruz 3 vs. 3 Basketball Tournament 17 under division nitong ika-30 ng Disyembre taong 2023 sa Treelane 3 Covered Court. Isang field demo ang idinaos matapos ang seremonyang flag raising na kung saan naipakita ng mga estudyante mula Kinder hanggang Ika-10 baitang ang kanilang kahusayan sa pagsayaw. Pagpatak naman ng 9:30 ng umaga, ginanap ang kiddielympics sa Auditorium ng LTA at Covered Court ng Treelane 3 para sa mga mag-aaral sa Preschool at Primary. Kung saan nag-enjoy nang lubusan ang mga estudyante at ang kanilang mga magulang. Sinimulan din sa araw na ito ang paglalaro ng Volleyball, Badminton, Basketball, Table Tennis, Domino, at Scrabble. Disyembre 12, 2023, dinagdagan ang mga palaro at ang mga ito ay Chess, Word Factory, Game of the Generals, Athletics, E-Sports, at Amazing Race. Sa huling araw, Disyembre 13, 2023, dito isinagawa ang awarding kung saan itinanghal na kampiyon ang pangkat Pula na sinundan ng pangkat Lila (1st place), pangkat Berde (2nd place), at pangkat Dilaw (3rd place). Matapos ipakita ang talento nila sa paglalaro ng isports, masasabing tunay nga na ubod ng galing ang mga La Trinians. Naging bentahe para sa koponan ng LTA ang pagkakaroon ng maayos na koneksiyon, dahilan upang ilampaso ang UCC sa iskor na 19-16. Very challenging po kasi one day league yung pinaglaruan namin, kahit nakakapagod pinili parin namin maglaro and manalo kaya sobrang sarap sa feeling na maging champions and i-represent and pangalan ng LTA. Especially getting the first championship for our team in the whole year. It is a very challenging and fun experience getting the champs” ani Robert Posadas, tinaguriang MVP sa laban. Muling naghahanda ang LTA Basketball para sa susunod nilang katunggali upang mapanatili ang malinis na katayuan sa gantimpala. Larawan mula kay Eduardo Arcilla 12PAHINAPitak Filipino I S P O R T S Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 27
MAKATI, Philippines ─ Naungusan ng LTA Badminton players na sina Marc Zyrus Lazarte na bumida at nakamit ang gintong medalya, Kate Cymhonn Lagare at Jr Andre Pullon na nakamtan ang tansong medalya matapos ang mainit na labanan nito sa mga kalahok ng paligsahan ng koponan ng TYSO Olongapo at Muntinlupa City sa Dragon Smash Pasong Tamo, Makati City nitong ika-20 ng taong 2023 sa TCX-XP2 Badminton Cup. Samantalang nitong ika-9 ng setyembre taong 2023 naganap ang Shuttle Dry Smashers Badminton Tournament sa Imus Drive and Smash Badminton Court matapos kumamada ng pilak na medalya sina Kate Lagare at Marc Lazarte kontra Imus sa isang dikdikang labanan. Muling rumatsada naman si Jr Andre at tuluyang nagpamalas ng husay at galing laban sa mga manlalaro ng DGS Bulacan sa APACS Badminton Tournament 2023 sa Malolos Bulacan noong unang araw ng Oktubre. Tila dumaan sa butas ng karayom sina Jr Pullon at Miguel Johann Sardeña nang kanilang mapagwagian ang gintong medalya kontra sa koponan ng Biñan Laguna sa Badminton MTC Age Group Tournament - Boy's Singles and doubles U13 Category na naganap sa Batangas City ng ika-15 ng Oktubre. Matikas na pinabagsak at talaga namang pinaghandaang pulbusin ng mga LTA Badminton smashers na sina Neale Kristien Dandan, Gian Carlo Abeleda, at Mark Zyrus Lazarte ang kanilang katunggali sa 1st Prowess Badminton Tournament sa GCC Badminton and Fitness Center nitong ika-3 ng Nobyembre nang makamit nila ang tagumpay. Bumulusok ang mga Badminton varsities ng La Trinidad Academy nang maiuwi ang tatlong ginto, isang pilak, at isang tansong medalya laban sa mga manlalaro ng Imus sa Sportzify Badminton Age Group Tournament 2023 na ginanap sa Baliuag, Bulacan nitong ika-26 ng Nobyembre 2023. Ginimbal naman ni Neale Kristien Dandan ng mga matatalim na pag-atake ang kaniyang katunggali sa isang dikitang bakbakan sa mga kalahok sa WWGBA Team Tournament 2023 Doubles nitong ika-25 ng Nobyembre, dahilan upang masungkit at maiselyo ang panalo. Makamandag na lakas, matinding pagsasanay, determinasyon, at pakikiisa — ito ang ipinamalas ng mga LTA Badminton players sa mainit nitong labanan mula sa badminton teams ng Del Pilar Academy at Our Lady of The Pillar Catholic School, maiuwi lang ang apat na gintong medalya at mga pribihiyosong gantimpala sa Ameerah Aiesha Marquez LTA BADMINTON SMASHERS: HAKOT PARANGAL SA IBA'T IBANG KOMPETISYON sa PRIVATE SCHOOLS PRESS APSCI Cluster Meet- Badminton na ginanap sa Theresian School of Cavite, Bacoor City noong ika-27 ng Nobyembre. Hindi na nag-atubiling magkatunggali sa palaruan, ang apat na magiting na manlalaro na sina Neale Kristien Dandan at Jr Andre Pullon na nakamit ang gintong medalya sa Boys doubles, Kate Lagare at Gian Abeleda na nakuha rin ang ginto, at si Marc Lazarte naman na nakuha ang pilak sa Lion’s Cup 2023 kontra DELPA na naghatid ng maalab na labanan na talaga namang hindi malilimutan ng mga saksi. Matagumpay namang napaluhod ni Miguel Johann Sardeña ang koponan ng Internasyonal na manlalaro na isang Chinese sa Biñan Laguna nitong ika-10 ng Disyembre sa 1st Tropang Malakas Badminton Tournament sa isang nakaaantig na pagtutunggali, dahilan upang mapasakamay ni Sardeña ang panalo. Hindi na nagpatinag pa ang mga LTA Badminton Smashers at kanilang pinakitaan ng gilas agad ang mga tagahanga sa matinding init na laban, ano mang kulay ng medalya ay umeeksena pa rin sila ng husay at ipinamalas ang katatagan, sikap, sipag, at tiyaga sa paglalaro na talaga namang kapuri-puri. “I was genuinely uncertain of what to say about the game because our success was unexpected. We weren't expecting to win or beat the opponent; we just did our best, and, of course, we applied what the coach told us and what we trained. All of our training hardships and exhaustion paid off. Considering that we did not manage to achieve our top goal, which is the champion trophy. Although we are extremely grateful for what we got and acknowledge within ourselves that we can do better next time, and of course, we also need to train a lot until we truly achieve the top goal. Ang masasabi ko na lang po ay don't wish for it, Work for it” ani Lagare. “If we dare to win, we should also dare to lose” pahayag naman ni Pullon. Larawan mula kay Anne Desarie Sayson Agosto 2023-Enero 2024 12PAHINAPitak Filipino I S P O R T S Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 28
Iba’t-ibang parangal ang iniuwi ng mga La Trinians mula sa tatlong iba’t-ibang kompetisyon - 2023 Smart MVP Sports Foundation National Interschool Taekwondo Championships, National Age Group Taekwondo Championship, at Calabarzon Taekwondo Interschool Championship. Sa nagdaang taon 2023, sa larangan ng taekwondo, sari-saring karangalan ang inani ng mga atletang La Trinian. Tulad na lamang ni Athena Hababag, si Athena ay nakatanggap ng gintong medalya sa poomsae sa 2023 Smart MVP Sports Foundation National Interschool Taekwondo Championship na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium, noong Septyembre, 30 hanggang Oktobre, 1, 2023. Tagumpay ring inuwi ng iba’t-ibang atleta ang sari-saring parangal mula sa Calabarzon Taekwondo Interschool Championship na sina Elijah Jakaria, David Lacerna, Jenlou Gonzales, Alonzo Marasigan, Adam Aquino, John Vicedo, Maximilian Castro, Yesha Helbano, Reyncill Camaclang, at Norreyn Ibale sa Poomsae at Speed Kicking. Pitong estudyante naman ang nakatanggap ng pagkilala sa National Age Group Taekwondo Championship. Sina Alonzo Marasigan, Athena Hababag, Elijah Jakaria, Reyncill Camaclang, John Vicedo, David Lacerna, at Jenlou Gonzales sa Poomsae. Ginanap ang patimpalak na ito noong Nobyembre 11-12, 2023 sa Ninoy Aquino Stadium, Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Maynila. Larawan mula kay Elijah Jakaria Larawan mula kay Jaime Vicedo Agosto 2023-Enero 2024 12PAHINAPitak Filipino I S P O R T S Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 29 Zara Jamison LA TRINIDAD ACADEMY, HUMAKOT NG IBA’T-IBANG PAGKILALA SA KOMPETISYON NG TAEKWONDO Sophia Panaligan LTA TABLE TENNIS TEAM, TINAMAAN ANG PAGKAPANALO Matagumpay na nakamit ng LTA Table Tennis team ang tatlong tansong medalya sa Imus City Meet Table Tennis 2024. Si Julienne Ronario ay nakatanggap ng tansong medalya matapos ipakita ang kaniyang kahanga-hangang laro sa Single B Elementary girls. Habang ang tambalang Marcus Jace at Samuel Sarroca naman ay nagwagi rin ng tansong medalya matapos ang kanilang mahusay na laro sa Doubles boys. Nagpasalamat ang mga manlalaro sa kanilang coaches na sina Coach Alex at Ma’am Alma dahil sa kanilang pagsisikap at patuloy na paggabay sa mga atleta. Larawan mula kay Alma Cauilan
Agosto 2023-Enero 2024 12PAHINAPitak Filipino Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy Nagwagi ang La Trinidad Academy (LTA) sa APSCI Friendship Games Chess Cluster Meet 2023 sa Academia Julia de Victoria, at sa Chess Lion's Cup noong Nobyembre 28, 2023. Sa Chess Lion's cup ay nakakuha ang LTA ng limang medalya dahil sa mga sumali na mga Team at Individual Board Tournaments. Ang Team 1 ng LTA ay nanalo at nakakuha ng First Place, ang grupong ito ay binubuo ng mga chess athletes na si Andre Lorenz Diaz, Arthur Benjamin Angeles, Zne Schuyler Tinimbang, at Ron Gabriel Aranza. Chrizelle Celiz LTA, WAGI SA APSCI FRIENDSHIP GAMES CHESS CLUSTER MEET AT SA CHESS LION'S CUP I S P O R T S PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 30 Sa APSCI Friendship Games Cluster Meet naman ay nagwagi sila Leigh Nouvel Cano na 1st Place, si Chantel Alexis De Castro na 3rd Place, si Amiel Sagun na 3rd Place, at si Arthur Benjamin Angeles na 4th Place. Kaugnay ng pagkamit ng medalya, lubos ang pasasalamat sa mga taong gumabay na sa kanila na si Coach Paulo Bersamina, Coach Lyza, at Coach Mara. “Congratulations LTA Chess Team! Your LTA board of directors is very proud of your excellent performance”, ang comment ni Gamaliel Cruz, sports director ng LTA. Larawan mula kay Mara Dea Busig Larawan mula kay Mara Dea Busig Zara Jamison Naghari sa APSCI Cluster Meet Taekwondo Tournament 2024 ang mga atletang La Trinians at sumungkit ng iba’t-ibang parangal, na kung saan ay ginanap ang palakasang ito sa SM Center Imus, noong Enero 13, 2024. 14 MEDALYA, HINAKOT NG LTA GREEN WARRIORS Larawan mula kay Tatlong ginto at isang tanso ang iniuwi nina Athena Hababag, Maxmillan Castro, Reyncill Camaclang, at Norreyn Ibale sa Elementary Sparring. Umani naman ng pilak si Alonzo Marasigan sa Elementary Boys Individual Poomsae, habang si Adam Aquino ay nasa Rank 7. Ginto rin ang hinakot ni Elijah Jakaria at Yesha Helbano sa JHS Pair Poomsae. Kampyeon naman sa JHS Boys Team Poomsae sina Elijah Jakaria, David Lacerna, at John Vicedo. Pilak naman ang nakuha ni David Lacerna sa JHS Boys Individual Poomsae, at bronse naman kay John Vicedo. Tanso naman ang naiuwi ni Jenlou Gonzales sa JHS Girls Individual Poomsae. Pinasasalamatan sina Coach Rodel, Ma’am Jeann, at ang Sports Coordinator sa walang sawa nilang suporta at gabay. Ang mga nakatanggap ng ginto at pilak na medalya ay uusad sa susunod na kompetisyon sa Pebrero 28, 2024.
Agosto 2023-Enero 2024 12PAHINAPitak Filipino Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy Ameerah Aiesha Marquez Sinuwag ng La Trinidad Academy ang karibal nilang Samahang Balibolista ng Pilipinas, 21-25, 25-18, 25 - 21, 25 - 16, sa isinagawang Season 2 Founder's Cup Men's Volleyball Championship 17 under Division na ginanap sa Cavite School of St. Mark, Bacoor nitong Sabado, ika-24 ng Pebrero. Nagpakita agad ng offensive performance ang koponan ng SVP na siyang ikinabahala ng LTA, sanhi upang makuha nila ang unang set, 21-25. Maganda ang panimula ng laban para sa SVP ngunit agad na nagbalik-siklab ang LTA nang nagpamalas ng kakaibang liksi, dahilan upang maangkin ang pangalawang set, 25-18. Nagpakita naman ng solidong depensa ang LTA na siyang tumulong sa kaniyang koponan para manguna sa labanan, 25- 21. Nagtala naman ng mga agresibong palo ang koponan ng LTA at naging bentahe sa kanila ang pagkakaroon ng maayos na komunikasyon, habang nanghina naman ang loob ng SVP, rason upang maiselyo ang panalo, 25-16. I S P O R T S PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 31 LTA, PINULBOS ANG SVP, 3-1 “I thank everyone who supported me through this MVP, my teammates, my family and my coach because without them I wouldn't have gotten this award. for me this is my first time getting an award in volleyball and i am really honored to have this award,” ani Jack Daniel Rodolfo, ang kapitan ng nagwaging koponan. Larawan mula kay France Fabricante Ameerah Aiesha Marquez LTA, INUNGUSAN ANG SVP, 3-2 Ginulantang ng La Trinidad Academy ang Koponan na Samahang Balibolista ng Pilipinas upang mapasakamay ang tagumpay, 25-18, 21-25, 23-25, 25-16, 15-11, sa Season 2 Founder's Cup Women’s Volleyball Championship 17 under Division na ginanap sa Cavite School of St. Mark, Bacoor nitong Sabado, ika-24 ng Pebrero. Namayagpag ang LTA Smashers habang nanlupaypay naman ang depensa ng katunggali na sinamantala ng LTA para rumatsada at angkinin ang unang set, 25-18. Naging bentahe sa koponan ng SVP ang pagkakaroon ng koneksyon kaya nakuha nila ang pangalawang set, 21-25. Hindi nagpatinag ang SVP at pinanatili ang matinding offensive performance sa kabuuan ng bakbakan na naging mitsa ng pagkalugmok ng LTA, 23- 25. Bumangon naman ang LTA Smashers na nagtala ng sunodsunod na puntos mula sa ipinukol nitong matatalim na tirada, dahilan upang kunin ang pang-apat na set, 25-16. Naunsiyami ang momentum ng SVP matapos nitong magtala ng errors kaya nagbigay puwang ito na makahabol ang LTA at maiselyo ang panalo, 15-11. “Bilang MVP last founders cup, gusto kong magpasalamat sa buong team kasi kung hindi dahil sa tulong at suporta nila hindi ko makakamit yung award bilang “MVP.” Lahat naman sa team ay nagbigay ng kanilang contribution at nag-work talaga bilang isang team para manalo sa championship,” ani ni Antonia Jamila Sedigo na tinaguriang MVP sa laro at ang team captain ng LTA. Larawan mula kay France Fabricante
Agosto 2023-Enero 2024 12PAHINAPitak Filipino Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy Humakot nang sunod-sunod na ginto ang mahuhusay na mga La Trinians mula sa City Meet 2024 Badminton Showdown. Idinaos ang kompetisyon sa Imus Drive at Smash Badminton Court, noong Pebrero 29, 2023. intong medalya ang natanggap ni Marc Lazarte sa Elementary Boys Doubles. Si Gian Abeleda at JR Pullon naman ang naghari sa Secondary Boys Doubles. Nag-uwi rin ng ginto si Kate Lagare sa Secondary Girls Singles A. Pagkilala rin para kay na Coach CK, Aldrich, at Desa para sa gabay at suportang bigay nila. Ang mga parangal na ito ay katibayan lamang sa husay ng mga atletang La Trinian sa larangan ng badminton. I S P O R T S PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 32 Zara Jamison CITY MEET 2024 BADMINTION SHOWDOWN, WINALIS NG LTA BADMINTON TEAM Larawan mula sa La Trinidad Academy Sophia Panaligan LTA TAEKWONDO TEAM, NAGHARI SA IMUS CITY MEET 2024 Humakot karangalan ang LTA Taekwondo team at ipinamalas ang kanilang makamandag na lakas sa Imus City Meet 2024 na ginanap nitong ika-1 ng Marso. Muling nanguna ang LTA Taekwondo team matapos ipakita ang kanilang galing at nakatanggap ng mga medalya ang maraming manlalaro. Masasabi ring ubod ng galing ang mga manlalaro dahil patuloy ang pagkamit karangalan nila sa mga kompetisyon. Si Elijah Jakaria ay isa sa magaling na manlalaro na nagkamit ng dalawang gintong medalya sa Mix Poomsae at Team Poomsae Secondary boys. Nakatanggap din ng gintong medalya si David Lacerna sa Team Poomsae Secondary Boys at tansong medalya para sa Individual Poomsae Secondary boys. Nakakuha rin ng gintong medalya sa Team Poomsae Elementary boys si Alonzo Marasigan at nag-uwi ng tansong medalya sa Individual Poomsae Elementary boys. Nagpakitang-gilas naman sa Sparring Elementary girls at boys sina Athena Hababag at Maximillan Castro na parehong nakatanggap ng gintong medalya. Habang si Yesha Helbano ay nakatanggap ng gintong medalya sa Mix Poomsae Secondary. Hindi rin nagpatalo si Reyncill Camaclang sa Individual Poomsae Elementary girls, siya ay nagkamit ng medalyang pilak. Nagpasalamat ang LTA at ang Taekwondo team sa coaches na sina Coach Rodel, Jeeann, at Ed para sa kanilang dedikasyon at pagsisikap sa paghubog ng mga atleta. Larawan mula kay
Agosto 2023-Enero 2024 12PAHINAPitak Filipino I S P O R T S Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 33 Madeleine Reyes PULLON, NAKAPAGTAMO NG MEDALYANG GINTO AT TANSO Sa larangan ng badminton ay hindi muling magpapalupig si Jr Andre Pullon sa paghampas ng raketa matapos sunod-sunod na masukbit ang mga parangal sa iba’t ibang mga kompetisyong isports sa loob ng Cavite. Kasisimula pa lamang ng panibagong taon na 2024, noong ika14 ng Enero ay sumabak na kaagad ang naturang manlalaro sa Synon’s Cup na kung saan ay ginanap sa Theresian School of Cavite, at dito ay nakamit niya ang tansong medalya. Makalipas ang isang buwan, noong ika-10 ng Pebrero ay umarangkada na naman si Pullon sa palaruan, Larawan mula kay Zara Jamison LTA CHESS ATHLETES, NAGPATAOB SA IMUS CITY MEET CHESS TOURNAMENT 2024 Nag-uwi ng tatlong karangalan mula sa Imus City Meet Chess ang dalawang matatalas na La Trinians na siyang ginanap ang kompetisyon sa Cayetano Topacio Elementary School. Ginto ang sinungkit ni Leigh Cano sa Standard Game sa nasabing kompetisyon. Pilak naman sa Standard Game at tanso sa Blitz Game ang hinakot ni Chantel De Castro. Hindi ito makakamit kung wala ang suporta at paggabay nina Coach Paulo, Ma’am Mara, at Ma’am Lyza sa mga atleta. Katibayan ang mga waging ito sa husay ng mga La Trinians sa chess. Larawan mula kay Mara Dea Busig sumalang sa Badminton Challenge 2024 sa Racquettaz Badminton Court sa Dasmariñas City, na siya namang naging pagkakataon niya upang tuluyan nang maging kampeonato sa kategoryang Boys Doubles-Under 15. Hindi niya makakamit ang tagumpay nang wala ang natatanging gabay nina Coach CK, Ma’am Desa, at Sir Aldrich. Dito, tiyak na ipagpapatuloy ng manlalaro ang kaniyang pagiging kampeon sa badminton. Larawan mula La Trinidad Academy Facebook Page
Agosto 2023-Enero 2024 12PAHINAPitak Filipino I S P O R T S Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 34 Ang table tennis o mas kilala sa tawag na ping pong ay isa sa mga namamayagpag na isports ngayon sa bansa. Ito ay kabilang na sa mga nilalahukan na patimpalak ng mga paaralan at isa na rito ay ang La Trinidad Academy. Maraming kabataan ang nahihikayat na sumali sa nasabing isports sapagkat dinedebelop nito ang teamwork sa mga kabataang kalahok dito lalo na at ito ay may kategoryang doubles. Taon-taon ay kinikilala ang La Trinian Warriors sa larangan ng Table Tennis sa samu’t-saring kategoryang kanilang sinasalihan. Hindi tayo binibigo ng ating mga pambato sa pagsungkit ng mga medalya at kampeonato. Masigasig sila sa pag-e-ensayo upang masigurado na maibibigay nila ang kanilang isang daang porsiyentong lakas at galing sa paligsahan. Sa nakaraang Table Tennis 2023 APSCI Cluster Meet, sinungkit ng La Trinian Warriors ang dalawang gintong medalya, isang silver at isang bronze sa iba’t ibang kategorya. Naging kampeon sina Julienne Jennel D. Ronario (Elementary Girls Single), Marcus Russel T. Estrella at Jace Samuel K. Sarroca (Elementary Boys Doubles) sa nasabing patimpalak. Samantala, hindi naman nagpahuli sina Jharylle David Castillo at Mac Zhanuel D. Escober na nanalo ng silver medal sa Secondary Boys Double. Arianna Arceta LA TRINIAN WARRIORS, WAGI SA TABLE TENNIS 2023 APSCI CLUSTER MEET Arianna Arceta U15 BOYS DOUBLES BRONZE AT THE 2024 CEBU BADDICTS JUNIOR TOURNAMENT Layunin ng ating paaralan ang paghubog sa bawat mag-aaral sa lahat ng aspeto upang mapaunlad ang kanilang mga sarili, lalo na sa isports. Iba’t ibang kompetisyon sa mga larong basketbol, badminton, table tennis at martial arts ang ating nilahukan upang patuloy na hasain at hubugin ang natatanging talento ng ating mga mag-aaral. Ang adhikain na ito ay muling nating pinatunayan sa nakaraang 2024 Cebu Baddicts Junior Tournament na ginanap sa Lapu-Lapu City, Cebu. Hindi naging hadlang ang layo, lugar at dami ng kalahok sa naturang kompetisyon upang tayo ay magpadala ng ating pambato. Hindi naman binigo ni Miguel Johann Sardeña ang mga sumusuporta sa kaniya nang kanyang masungkit ang bronze medal sa Under 15 Boys Double. Labis ang naging galak ng paaralan sa tagumpay na ito kasabay ng pasasalamat sa mga gurong gumabay at nagsanay sa kalahok na sina Coach CK, Sir Aldrich, at Ma’am Desa. Larawan mula kay Alma Cauilan Nasungkit naman ni Sean Neithan N. Briz ang Bronze medal sa Secondary Boys Single. Muling pinatunayan ng La Trinian Warriors ang kanilang husay at galing sa isports at lubos ang ating kasiyahan sa kanilang nakamit na tagumpay para sa ating paaralan. Taos-pusong pasasalamat din sa kanilang mga butihing coaches na sina Sir Alex at Ma’am Alma sa paggabay at pagsanay sa ating mga manlalaro. Larawan mula kay
Nahihilo at nalilito Aking loob napupuno ng paruparo Hindi mapigilan ang bugso Aking utak puno ng sa`yo Ako`y nababadya at nagtataka Hindi ko man akalain na ikaw ang gugustuhin kong makasama Ngunit ikaw lang ang pipiliiin Wala nang iba pa Biglaan man ang nararamdaman Hindi ko pa rin ipagpapalit ang situwasyon ng aking puso`t isipan Sapagkat ikaw na ang nagsisilbing paraluman Aking pangarap at daan Higit pa sa salita ang gustong ipahiwatig sa`yo Ngunit hanggang dito na lang muna tayo Ating istoryang magpapatuloy kahit sa katapusan ng tulang ito. Maraming salamat sa iyo, aking munting paraiso BIGLA AT LAGING IKAW ni Ayisha Okamoto ni Jana Mikaela Asido IKAW Ikaw na lagi kong pinagmamasdan Lagi kong sinusulyapan at madalas tinitingnan Ikaw na walang alam sa aking nararamdaman Kailan mo kaya balak suklian? Naguguluhan, nalilito `di alam ang gagawin Sa tuwing ikaw ay nakatingin sa akin. Mga mata mong tila bituin, Nagbibigay liwanag sa buhay kong kay dilim. Hindi man sigurado kung kaya mo kong mahalin, Pero kaya kitang hintayin hanggang ika`y mapasaakin Ipaglalaban kita, ipagmamalaki kita. Hanggang ako na lang ang iyong makita. Ang mahalin ka ay mahirap Pero tulad ng aking pangarap, Kaya kong maghirap Para mapasaakin ka sa hinaharap. MMggaa SSuullaatt PPaarraa ssaa HHiirraayyaa Sa tuwing ako`y tumitingala Bumabalik ang mga alaala Alam mo bang nakikita kita sa mga tala? Hinahanap-hanap ang ilaw na iyong dala-dala Nayayamot kapag ika`y nasusulyapan Sapagkat ang puso ko`y nahihirapan `Di ko man lang magawang makipagharapan Palaging nauutal at kinakabahan Kailanma`y hindi nakalunok ng paruparo Ngunit bakit ang sikmura`y punong-puno Itong ilog ng pag-ibig ko`y hindi matutuyo Panahon na ba para sa pagsusuyo Kahit sa panaginip lamang ay nais kang makapiling Gabi-gabi ko itong hinihiling Naniniwala ako sa kapangyarihan ng mga bituin Umaasa na sa tamang panahon, Ika`y magiging akin TADHANANG HINIHILING ni Tristaine Maglaqui Sa pagpapatintero nating dalawa Ikaw pa rin ang tinatanaw ng mga mata Nararahuyo pa rin sa taglay mong ganda Napapatigil sa pagsasalita sa tuwing dumaraan ka. Napapangiti na lang basta-basta Patuloy pa ring sinusundan ang yapak mo kahit saan man magpunta Saan nga ba talaga ang patutunguhan Handa namang panindigan ang desisyon sa pagsunod sa iyong daan. Patuloy pa ring kayang magbubulag-bulagan Sa katotohanang tayo`y wala talaga At hindi kayang tanggapin Na nasa dulo na ng hangganan Kung kaya`t mas piniling ipikit ang mga mata Para ika`y makasama. PIKIT ni Jared Pajarin Agosto 2023-Enero 2024 12PAHINAPitak Filipino P A N ITI K A N Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 35
UNANG PIGHATI NG PAG-IBIG ni Jaden Regala Pag-ibig, kay saya ko nang kumatok ka sa aking puso Subalit hindi ko inaasahan ang mabilis mong paglayo Ibang lungkot ang nadama, mundo ko`y gumuho Ngayo`y nagdaramdam, nanaghoy aking puso Noong mga unang araw, walang hanggang saya aking nadarama Nagsimula akong mangarao, na ika`y laging kasama Subalit ika`y lumayo, iniwan akong nag-iisa Puso ko`y nalulumbay ngayong wala ka na Bagama`t wala ka na`y patuloy pa rin ang daloy ng buhay Haharapin ang bukas, nang hindi ka kasabay Unang pighati ng pag-ibig, kakaibang sakit ang dala Subalit huwag kang mag-alala, makakalimutan din kita Sa bawat paggising at pagtulog Hindi ko namamalayang ako ay unti-unti nang nahuhulog Iniisip ko na ito`y simple paghanga`t pagtingin, Ngunit habang tumatagal mas lalo itong umiigting Hanggang sa dumating ang oras na sa bawat pagtulog ko, Hinihiling ko na sana ikaw ang mapanaginipan ko Hinihiling sa Panginoon na sana ikaw ang mapanaginipan ko, Pero minsan hinihiling ko rin na sana ikaw lang ay kaibigan ko Mahirap mang intindihin na ako mismo ang kumokontra sa sarili ko, Natatakot lang ako na baka lumisan ka sa tabi ko Pero alam mo kahit hindi man maging tayo, Sapat na sa`kin na nararanasan kong sumaya sa piling mo ni Adam Lim SANA SSeerreennddiippiittyy ni Madeleine Reyes Naghalo-halo sa isang tabi ang mga sisiga-siga na mga nakakrus pa ang mga braso habang tila may inaabangang sunod na bibiktimahin, may ilang sa hindi malaman na rason ay hindi inilalagay ang paningin sa dinadaanan kaya natatalisod at sa huli halos magpalamon sa kahihiyan, marami ring magkatipan na maya`tmaya ang tawanan na animo`y silang dalawa lamang ang mga masasayang tao sa mundo, hindi mawawala ang mga magkaka-agapay na halos sakupin na ang daan, may guro pa ngang napadaan subalit nagawa pa ring punain ang ilang hindi wastong nangyayari sa paligid, at karamihan naman ay tila mga wala namang kapintaspintas sa mga kilos habang may mga sariling pinagkakaabalahan. Habang ako? Mabilis ang kislot ng puso, nangangarag, nagsisimula nang mamuo ang ilang butil ng pawis sa noo, at kinakapos ng paghinga habang mabibilis ng bawat paa. Ang aking kamay ay kusang humahawi sa humaharang sa aking dinadaanan, kahit na makapagdala ito ng iritasyon sa iba ay wala akong magagawa sapagkat sa loob ng tatlong minuto, nararapat kong makayanang mapuntahan ang silid-aralan bago pa ako maunahan ng guro kong sasamaan ako ng tingin kung magpapahuli sa kaniyang klase. Malapit na, natatanaw ko na ang silid na aking papasukan, subalit humadlang ang paglitaw ng isang lalaking naging dahilan kung bakit sa isang mabilis na iglap, ay kinakailangan kong bawasan ang tulin ng paa subalit sa huli ay naramdaman ko pa rin ang pagkabangga ko sa sa kaniya. Kung papalarin nga naman, nakakuha ako ng balanse sa huli. Sumiklab ang pagkamuhi sa aking kaibituran, handa nang iparamdam ito sa pamamagitan ng pag-arko ng aking kilay. Inangat ko ang aking paningin sa kaniya, tila nag-atrasan ang pagiging mapagmalaki sa aking kilos at naramdaman ko na lang ang pag-iinit ng pisnging batid kong nagsisimula na maging kulay kamatis dahil sa hindi ko mawaring emosyon. Lalo na`t noong makita ang pag-aalala sa iyong mukha sabay sabi ng, “Ayos ka lang ba?” Nasa eskuwelahan ako upang magsunog ng kilay, subalit bakit namalayan ko na lang na ikaw na rin mismo ang aking pinag-aaralan? At sa tingin ko, mapapatanong na lang ako, pasado ba ako sa iyo? Sa koridor ng eskuwelahan, kusang lumaboy ang aking tingin sa mga estudyanteng tila mga hindi mahulugang karayom at mababakas na sila`y may kaniya-kaniyang mga intindihin, kaya`t kalinawan ang maihahatid sa sarili ukol sa kung saan nga ba ang mga landas na kanilang tinatahak upang mapaglaanan nang husto ng atensyon ang pagsungkit dito. Agosto 2023-Enero 2024 12PAHINAPitak Filipino P A N ITI K A N Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 36
"Paaralan" dito nasimula ang mga hakbang para sa tagumpay. Ang lugar na nagbigay ng gabay at alalay. Ang paaralan ang ugat ng aking mga nalalaman na kahit saan man magpunta ay hinding-hindi malilimutan. Dito ko nabuo ang aking magandang pagkatao. Dito ko mas pinalawak ang aking mga nalalaman tungkol sa mundo. Sa lugar na `to naranasan ang hirap at pagod ngunit natutunan ko na dapat huwag sumuko. Maraming hirap ang ginawa ngunit ito`y sulit noong nakuha ko ang aking medalya. Palapit na ang araw kung saan ako`y lilisan ngunit ang ugat ng aking tagumpay ay hindi kailan man malilimutan. PAARALAN ni Arlyn Joy Camit ni Jahzara Margaux Rapinan MENSAHE SA NAKABABAHALANG PANAHON Lahat tayo ay naapektuhan ng kinakaharap nating pandemya, nauunawaan namin na ang mga pagkagambalang ito ay maaring mag-udyok ng damdamin ng pagkabigo, pagkabalisa, at takot. Ngunit hindi tayo pinapabayaan ng ating maykapal. Ang mga pagsubok na ito ay nag bibigay sa atin ng pagkakataon na maipakita natin ang higit na kahalagahan ng bawat bagay sa ating buhay, taglay ang pusong naglilingkod, matutulungan natin nang may habag ang mga tao sa paligid natin. Sa kabilang ng mga nakababahalang balita, kailangan mag – ukol ng panahon, upang maging positibo tayo sa ating buhay. Isaalang-alang lalo na ang nararanasan ngayon sa ating kabataan. Malalaban ito sa pamamagitan ng katatagan ng ating pagkatao. Maging tapat sa lahat ng bagay at sa ating mga mahal sa buhay maging halimbawa tayo ng kabutihan, integridad, at pananalig. Sa gayong buhay tiyak na magtatagumpay tayo sa ating mga layunin, at may kapayapaan sa ating puso at isipan. Oo, ako na `to. Klasmeyt mong may feelings sa`yo Klasmeyt mong madalas kang kinakausap, nagpapapansin sa`yo Klasmeyt mong tumititig, sumusulyap, natutuliro sa`yo Klasmeyt mong lihim na na may crush sa`yo. Grade 7 sa LTA ng una kitang makita Sabi ko pa nga, ang ganda mo pero mukha kang suplada Minsan nginitian mo `ko, ngumiti rin ako sa`yo `Yun pala nginingitian mo, yung babae sa likod ko. Grade 8 kahit papano nakakausap na kita Kinikilig pa nga `ko pag tumitingin ka saking mga mata Natatandaan ko pa ng magkaron tayo ng proyekto sa Filipino Nangarap akong ikaw si Laura, at si Florante ako Grade 9 ng maging close tayo Naisip ko pa nga, baka sakaling may pag-asa na ko Nagtapat ako sa`yo, umasa sa matamis mong oo Subalit nagkamali ako, kaibigan lang pala ang turing mo Sa Grade 10, malamang crush pa rin kita `Di ko naman kasi alam kung pa`no ka tanggalin sa aking sistema Sana balang araw magustuhan mo rin ako Ikaw sana ang aking maging Juliet, ako naman ang iyong Romeo. HI CRUSH ni Jaden Miguel Regala Agosto 2023-Enero 2024 12PAHINAPitak Filipino P A N ITI K A N Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 37 ni Jared Pajarin PAHIMAKAS Huling tula para sa aking saloobin sa mundo Wala ng iba pang salita ang maibigkas Tanggap na ito na ang wakas Walang ibang tatanungin o lilingunin Sariling kapakanan ang ngayo`y titingnan Panibagong yugto`y sisimulan Walang ibang tititigan Ito lamang ang tanging daan. Hindi matanggap ang bagong ako Kaya`t nangangako na ako`y maglalaho Tatanggalin ka sa aking puso Kikilalanin bilang isang estranghero. Sa pahimakas kong ito At sa mga huling salitang isinulat ko rito Hayaan mong hanggang dito Ako`y magtatapos bilang isang manunulat ng maikling patulang kuwento. (HULING PAALAM)
Minsan nang namulat ang isang ako, sa magulo at malabong mundo. Mga yapak na hindi alam kung saan dadako, ngunit sa istorya`y ika`y naging tagpo. Hilig kong pagmasdan ang bawat batik na mayroon ang buwan, matataas at malalakas na hampas ng karagatan, daang trilyong estrelyang kumikinang-kinang. Ngunit paborito ko pa ring pagmasdan ang iyong karikitan. Ang hirap ilagay sa isang uri ng panitikan, mga damdaming ninanais na iyong maramdaman. Dahil ang pagnanasa na mayroon ang aking kamulatan, ay iyong madama nang higit pa sa salitang walang laban. Subalit mukhang sa buhay ng dalawang tao, mananatiling nakaukit ang istorya sa panitikang ito. Pagkat alam ng buong mundo, ako`y bahagi lamang ng buhay mo. WALANG PAMAGAT, PAGKAT ‘DI DAPAT ni ‘Di kilala, ngunit isang binibini Agosto 2023-Enero 2024 12PAHINAPitak Filipino P A N ITI K A N Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 38 Gaya ng bulaklak sa aparador, may mga damdaming hindi pumapabor, na hindi mailahad ng isang makatang aktor. Kaya`t kung isusulat gamit ang pluma, ang istorya nating dalawa, huwag naman sanang nasa anyong tula, pagkat alam kong hindi tayo magtutugma. Batid ko`y tayo`y gawing alamat, sapagkat hango sa kathang-isip ng manunulat. Maaaring magtapos ang istorya sa linyang nakagagalak, para malimutang ika`y naging sanhi ng aking pagka-sindak. MAGPATULOY ni ‘Di kilala, ngunit isang binibini Siguro`y totoo nga ang usap-usapan, kung saan ang tao`y patuloy na makikipaglaban, sa dalang hamon at pasanin ng kaniyang kaisipan, na minsa`y sarili na nito ang kinakalaban. Lumaki akong hindi nagtitiwala sa mundo, pagkat namulat mag-isa ang munting ako. Hindi ko naranasang maging paborito, dahil mananatiling panghuli ang ngalan ko. Hindi ako talentado`t matalino, hindi rin makikilala ng ibang tao, kung hindi pa magpapabibo. Dahil dito, hindi na ako naniwala sa tao`t mundo. Ngunit ang hirap tanggapin, na hindi naman pala ang iba ang nang aalipin. Pagkat minsa`y ikaw ang hindi pumapansin, sa mahinang sarili na iyong dapat isipin. Para sa akin, isa akong musmos na hindi hahanapin, sa oras na ako`y mawala`t hindi na`y iisipin. Kung maglaho man gaya ng isang hangin, siguro`y walang makapapansin. Subalit napagtanto ng aking kamulatan, na hindi naman pala ito ang nais bigyang pakahulugan. Kung hindi man tanggapin ng pamantayan, Mananatiling sa sarili ko na lamang ang kasiyahan. Pagkat hindi na kailangang dadamdamin, dahil sa mundong ito alam ko'y narito ako bilang aking kapiling. Nasaksihan kong hindi naman kailangang tukuyin, kung sino ang dapat na aking bigyang pansin. Siguro`y mulat na ang aking mga mata sa dalang hamon, ng buhay na hindi humihinahon. Pagkat alam kong subok na ng panahon, ang musmos na humahanap pa rin ng pagkakataong, iwanang masaya ang kahapon.
Agosto 2023-Enero 2024 12PAHINAPitak Filipino Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy Una nating dalawa Ewan ko ba, pero ayaw ko kasi talaga ng Lunes, `yong gigising na naman nang maaga at pipilitin ang sariling bumangon sa higaan na parang kahit uminom ako ng sandamakmak na kape ay hindi ako mabubuhayan. Sino ba namang gaganahang pumasok kung ang bungad ay mga gawain, mga maikling pagsusulit na hindi natuloy noong nakaraang linggo, mga ibibigay na takdang aralin na sunod-sunod mong ipapasa. Pero ngayon? nag-iba na yata ako. Simula nang makilala kita, bakit parang excited na akong pumasok, bakit parang gusto ko na magkaroon ng flag ceremony arawaraw? dahil siguro lagi kitang nakikita sa pila niyo `no? kung bakit ba kasi laging ganoon, pipila lang naman kami tapos makikita pa kita, sabay ngingitian mo pa ako at babati ng magandang umaga. Nakakatawa. Sinong mag-aakalang magiging okay lang sa akin lahat ng `to, eh reklamador ako, pagpasok ko pa nga lang sa room galit na agad ang salubong ko. Ganito pala talaga, nagbabago nga talaga ang tao kapag natamaan na ni Kupido. IDLIP LANG SAGLIT, UNIFORM NA ULIT ni Ayang malaya ni Ayang malaya SA DAKONG KALSADA SA KAMAYNILAAN Sa kalsada ng Maynila, iba`t ibang mukha ang nakikita, mga naglalakad na tao`t mga sasakyan na tumatakbo. Bakit mo ba ako inaya rito? siguro gusto mo akong makasama habang naglalakad, o gusto mong makapunta sa museo kasama ako, o `di kaya gusto mong tingnan natin ang unibersidad na pinapangarap mo. Alin ba ro`n? ‘yong paaralang may sulo, `yong katapat no`n, `yong sa may Mendiola, o `yong doon banda sa Marcelino. Gusto ko sanang mag library pa kasama ka kaso uuwi na pala. Hindi man lang umabot ng ilang oras ang ating paglalakad. Hayaan mo, may susunod pa naman. Habang naglalakad pauwi, umiingay na ang paligid, marami na ring sasakyan ang bumubusina, pero sa gitna ng mga ingay na ito, tanging payapa mo lamang ang naririnig ko. ano, tara Kalaw? dahil ang gusto ko lang ay ikaw. P A N ITI K A N PAHINAAgosto 2023-Abril 2024 39 ni Ayang malaya Lunes noong una tayong magkita walang naramdamang kakaiba, tinanong mo ang gusto kong gawin at sinagot ko ito nang may pagkamahinhin. Matapos ang ilang araw ay nagkitang muli, pinakita sa iyo ang aking napili. Lumipas ang mga buwan at tila ba`y nagkakamabutihan. Noong una ay inggit na inggit pa ako sa kanila, dahil ni hindi mo yata ako binati kahit isang beses pero bigla ka namang nagsend ng mensaheng ikinalaki ng ulo ko. “Who you kayo” sabi ko. Nakakatawa dahil magka-vibes lang tayo. Dumating ang mga linggong minsan lang tayo magkita, kadalasan ay anino mo lamang ang naaabutan ngunit, ipinaglapit din siguro ng tadhana salamat siguro sa mga kompetisyong aking sinasalihan. At ngayong linggo naman ay lagi na tayong nagkikita sa canteen o hallway man. Hindi ko alam kung sadya ba ito o hindi bigla-bigla ka na lang kasing susulpot na parang kabute. Masaya ring napahiram mo ako ng isa sa mga pinaka iniingatan mong libro. Sabi mo`y alagaan ko ito dahil bihira na lang ang gaya nito sabi ko naman ay oo, dahil kagaya mo, bihira na lang din ang tulad mo sa mundo.
Op P isyal na Pahayagang Pangkampus ng La Trinidad Academy itakFi l i p ino