The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.

Para sa edisyon na ito ng Suminsay, ang mga editor ay nakapokus sa buhay at karanasan ng ating pambansang bayaning si Jose Rizal.

Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by Josh Aldrich De Villa, 2024-04-08 11:13:13

Suminsay: Salaysay. Buhay. Pakikibaka

Para sa edisyon na ito ng Suminsay, ang mga editor ay nakapokus sa buhay at karanasan ng ating pambansang bayaning si Jose Rizal.

SUMINSAY SUMINSAY SUMINSAY AYSUMINSAY AY AY AY AY AY AY AY AY AY AY AYSUMINSAY SUSUSUSUSUSUSUSUSUSUSUSUSALAYSAY.BUHAY.PAKIKIBAKA


Layunin ng magasin na maitaguyod ang nasyonalismong Pilipino, at mahikayat ang mga mambabasa nito, na maisabuhay ang mga ideya ng nasyonalismo sa araw-araw na pakikisalamuha sa kapwa at sa masiglang pakikilahok sa mga usapin tungkol sa mga problema ng bansa. Ang isyung ito ay nakatuon sa pagtuklas sa makulay na buhay, mga natatanging gawa, at malawak na impluwensya ng Pambansang Bayani ng Pilipinas, si Dr. Jose Rizal. Sa mga pahina ng magasing ito, makapaglalakbay sa iba't ibang yugto ng buhay ni Rizal, at masisiyasat ang mga pangyayaring humubog sa kanya, ang mga pilosopiya at pagpapahalagang kanyang itinaguyod, at ang mga kamangha-manghang akda na kanyang ginawa. Mula sa kapanganakan sa Calamba, sa pag-aaral sa Maynila at sa ibang bansa, sa paglalakbay sa Europa, at sa mga huling sandali sa Pilipinas, layunin naming ibahagi ang pambihirang buhay ni Rizal. Malalaman din kung bakit napakahalaga ng pag-unawa kay Rizal at sa kanyang mga ideya para sa kontemporaryong lipunang Pilipino. Sa paglalayag natin sa masalimuot na mga isyung pampulitika, pang-ekonomiya, pangkultura, at panlipunan na kinakaharap ng Pilipinas ngayon, magkakaroon tayo ng mga pananaw mula sa nasyonalismo ni Rizal at sa kanyang mga kontribusyon sa bansa. Higit pa rito, kayo ay inaanyayahan na isaalang-alang kung paano maisasabuhay ang nasyonalismo ni Rizal. Bilang mga Pilipino, mayroon tayong responsibilidad na parangalan ang pamana ni Rizal sa pamamagitan ng pagsusumikap para sa isang magandang kinabukasan para sa ating bansa at sa mundo. Simulan na ang paglalakbay ng pagtuklas at inspirasyon habang ipinagdiriwang ang buhay, mga gawa, at pamana ni Rizal, isang tanglaw ng pag-asa sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap.


Sa magandang bayan ng Calamba, Laguna, sa isang gabing nilimusan ng buwan, isilang ang isang bata na sa unang silip ng liwanag, ay tila'y nagbigay ng pangako ng kadakilaan. Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ang pangalan na nagdala ng pag-asa at sigla sa puso ng kanyang mga magulang, sina Francisco at Teodora. Sa murang edad, ang kanyang mga mata'y hindi lamang puno ng tanong kundi ng pangarap para sa hinaharap. Sa kanyang kabataan sa Calamba, hinugis ni Rizal ang kanyang unang pagkamulat sa realidad ng buhay. Sa mga simpleng bagay sa kanyang kapaligiran, naipakita na ni Rizal ang kanyang natatanging katalinuhan at kakayahang unawain ang mga bagay-bagay sa kanyang paligid. Ngunit hindi lamang ang kalikasan ang nagmulat sa kanya. Sa pamilya ni Rizal, natagpuan niya ang mga halimbawa ng kahusayan at pagmamalasakit sa kapwa. Ang kanyang ama, si Francisco, isang matalinong negosyante at masugid na tagasunod ng kanyang pananampalataya, ay nagturo sa kanya ng disiplina at determinasyon. Samantalang ang kanyang ina, si Teodora, isang mayamang puso na hindi lamang nagaalaga ng kanilang tahanan kundi pati na rin ng mga nangangailangan, ay nagbigay sa kanya ng halimbawa ng pagmamahal at pagkakawang-gawa. Sa loob ng kanyang tahanan, di maitatanggi ang impluwensya ng relihiyon sa kanyang buhay. Ang pananampalatayang Katoliko ay nagbigay sa kanya ng mga aral at prinsipyo na maglilingkod na pundasyon sa kanyang pagkatao. Sa bawat pagdalaw sa simbahan at pagsasagawa ng mga seremonya, naitatanim sa kanya ang kahalagahan ng kabutihan, katarungan, at pagmamahal sa kapwa. Sa edad na labindalawa, ipinasya ng kanyang mga magulang na ipadala si Rizal sa lungsod ng Binan upang mag-aral. Sa unang pagkakataon, lumabas siya ng kanyang bayan at nakasalamuha ang mga taong kakaiba sa kanyang nakagisnan. Dito sa kanyang pag-aaral, lalong lumalim ang kanyang pangunawa sa lipunan at ang kanyang kagustuhang magkaroon ng pagbabago. Sa gitna ng kamalayan at pagusbong, nakilala niya si G. Justiniano Aquino Cruz, ang tagapamahala ng kanyang pagsasanay. Si G. Cruz, isang guro na puno ng pagmamalasakit at kaalaman, ay nagsilbing gabay sa landas patungo sa kaalaman at pag-unlad. Sa bawat tumbok ng kanyang mga salita, unti-unti niyang binuksan ang mga pinto ng kaisipan ni Rizal patungo sa malawakang pag-unawa sa buhay at lipunan. Hindi lamang itinuro ni G. Cruz ang mga konsepto sa mga aklat, kundi nagbigay din siya ng mga leksyon mula sa buhay at karanasan ng kanilang mga kapwa mag-aaral.


Dito sa Biñan, sa ilalim ng gabay ng kanyang guro at ang paghahati ng mga pahina ng kasaysayan, bumuhay ang damdamin ni Rizal tungo sa pagiging makabayan. Ang bawat leksyon ay tila'y isang aral ng kanyang mga ninunong sumisigaw ng katarungan at kalayaan. Ang mga kuwento ng mga kapwa Pilipino na nahulog sa pag-aalipin at pang-aapi ay nagpabilis sa kanyang mga tibok ng puso at dumilat sa kanyang mga mata sa mga kabalintunaan ng lipunan. Sa paglipas ng mga dekada, ilan sa mga pangyayari at kilusang naganap noong ika-19 na siglo ang nagbigay-daan sa pagsilang ng pambansang kamalayan sa Pilipinas. Ang bawat pangyayari at kilos ay nagdulot ng kanyang sariling marka sa pag-unlad ng Filipino nationalism, na siyang nagtulak sa mga Pilipino na magkaroon ng kolektibong kamalayan at pagmamalasakit sa kanilang bansa at kapwa. Ang pagbubukas ng Pilipinas sa internasyonal na kalakalan noong 1834 ay hindi lamang nagbukas ng pinto sa bagong mundo, kundi naglagay din ng pundasyon para sa pag-usbong ng ekonomiya ng bansa. Ang pagpasok sa cash-crop o export crop economy ay hindi lamang isang transisyon sa pagitan ng mga pangunahing produkto, kundi isang hakbang tungo sa modernisasyon at pag-unlad. Ang pagbubukas naman ng Suez Canal noong 1869 ay parang isang milagro sa pagitan ng mga kontinente, nagdadala ng bagong mga oportunidad at pakikipag-ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at iba't ibang bansa. Ang magandang araw ay tila'y mas nagiging malapit, at ang mundo ay tila'y lumiliit, nagpapalawak sa kaalaman at kultura ng mga Pilipino. Ang liberal na pamamahala ni Gobernador Heneral Carlos Ma. De la Torre ay nagdala ng simbuyo ng pagasa sa mga Pilipino. Sa pamamagitan ng kanyang mga reporma at pagbabago, ang kalayaan at oportunidad ay tila'y dumaloy sa bawat sulok ng bansa, nagdulot ng pag-asa at inspirasyon sa mga taong naaapi at nangangarap. Ngunit, sa kabila ng lahat ng ito, ang dilim ay hindi maitatatwa. Ang Secularization Movement at ang pangyayaring Cavite Mutiny at ang pagkakasalakay sa tatlong martir na sina GomBurZa ay mga Pilipino at nagtulak sa kanila na magkaisa at magtanggol sa kanilang mga karapatan at kalayaan. Ang kanilang pagpapakasakit at pagkamatay ay naging sagisag ng pakikibaka at pagsisikap para sa katarungan at kalayaan, nagbuklod sa mga Pilipino bilang isang nagkakaisang lahi. Sa pangunguna ni G. Cruz at sa tulong ng mga pangyayaring ito, buong tapang na sumabak si Rizal sa laban para sa kanyang mga paniniwala at para sa bayan. Ang mga aral na natutunan niya sa Biñan at ang mga pangyayaring nagdaan sa lipunan ang nagsilbing pundasyon ng kanyang mga gawa at akda. Sa bawat hibla ng kanyang panulat, ang boses ng kanyang mga karanasan at paniniwala ay nagiging tinig ng pag-asa at pagbabago, na patuloy na nagliliyab sa puso ng bawat Pilipino. Sa lilim ng mga puno at sa lihim ng silid-aralan, sumibol ang mga halimbawa ng kanyang husay sa pagsusulat na nagbibigay-buhay sa pagkatao ng isang bayani. Ang kanyang mga tula, tulad ng "Sa Aking Mga Kabata," ay hindi lamang mga salita kundi hagdan tungo sa kanyang pambansang pagmamahal at pagmamahal sa bayan. Sa bawat linya, lumalabas ang damdamin at puso ni Rizal sa pag-ibig sa sariling wika at kultura. Ang mga taludtod ay parang awit ng pagmamahal sa bayan, na sumasayaw sa hangin at kumakalat sa puso ng bawat Pilipino, nagbibigay-sigla ng diwa ng pagkakaisa at pagmamalasakit. Sa kabuuan, ang mga yugto ng buhay ni Rizal mula sa kanyang pagkapanganak hanggang sa kanyang pag-aaral sa Biñan ay nagpapakita ng paglago at pag-unlad ng kanyang pagkamakabayan at relihiyoso. Sa bawat sandali ng kanyang buhay, siya'y patuloy na nahuhubog ng kanyang karanasan at ng mga pangyayaring nagaganap sa kanyang paligid. At sa bawat yugto ng kanyang paglalakbay, ang pag-asa at pangarap ng isang bayani ay unti-unting lumalabas at bumabalot sa kanyang pagkatao, handang maglingkod at magmahal sa kanyang bayan at sa kanyang mga kababayan.


Sa Aking Mga Ang hindi magmahal sa kanyang salitâ Mahigit sa hayop at malansáng isdâ, Kayâ ang marapat pagyamaning kusà Na tulad sa ináng tunay na nagpalà. - Jose Rizal Kabata


Wise education, vital breath Inspires an enchanting virtue; She puts the Country in the lofty seat Of endless glory, of dazzling glow, And just as the gentle aura's puff Do brighten the perfumed flower's hue: So education with a wise, guiding hand, A benefactress, exalts the human band. Man's placid repose and earthly life To education he dedicates Because of her, art and science are born Man; and as from the high mount above The pure rivulet flows, undulates, So education beyond measure Gives the Country tranquility secure. Where wise education raises a throne Sprightly youth are invigorated, Who with firm stand error they subdue And with noble ideas are exalted; It breaks immortality's neck, Contemptible crime before it is halted: It humbles barbarous nations And it makes of savages champions. And like the spring that nourishes The plants, the bushes of the meads, She goes on spilling her placid wealth, And with kind eagerness she constantly feeds, The river banks through which she slips, And to beautiful nature all she concedes, So whoever procures education wise Until the height of honor may rise. From her lips the waters crystalline Gush forth without end, of divine virtue, And prudent doctrines of her faith The forces weak of evil subdue, That break apart like the whitish waves That lash upon the motionless shoreline: And to climb the heavenly ways the people Do learn with her noble example. In the wretched human beings' breast The living flame of good she lights The hands of criminal fierce she ties, And fill the faithful hearts with delights, Which seeks her secrets beneficent And in the love for the good her breast she incites, And it's th' education noble and pure Of human life the balsam sure. And like a rock that rises with pride In the middle of the turbulent waves When hurricane and fierce Notus roar She disregards their fury and raves, That weary of the horror great So frightened calmly off they stave; Such is one by wise education steered He holds the Country's reins unconquered. His achievements on sapphires are engraved; The Country pays him a thousand honors; For in the noble breasts of her sons Virtue transplanted luxuriant flow'rs; And in the love of good e'er disposed Will see the lords and governors The noble people with loyal venture Christian education always procure. And like the golden sun of the morn Whose rays resplendent shedding gold, And like fair aurora of gold and red She overspreads her colors bold; Such true education proudly gives The pleasure of virtue to young and old And she enlightens out Motherland dear As she offers endless glow and luster.


Gayunpaman, ang kanyang hindi natitinag na determinasyon ay nagdulot ng kanyang gradwal na pag-angat sa klase. Tinutukan niya ang kanyang pag-aaral, kaya nalinang ang kanyang galing sa mga paksa tulad ng matematika, agham at sining. Aktibo siyang lumahok sa mga aktibidad sa paaralan, sumalil sa mga patimpalak sa pagsulat at nagpakita ng kanyang mga talento sa panitikan at eskultura. Ang kanyang paghahangad ng katatasan sa Espanyol ay nagbunsod sa kanya na sumailalim sa pribadong mga aralin sa Kolehiyo ng Santa Isabel. Sa pamamagitan ng tiyaga at dedikasyon, nagbago siya mula sa isang mukhang mahina at sakitin na bagong dating tungo sa isang pinuno sa silid-aralan. Sa kanyang panahon sa Ateneo, umusbong ang paghanga ni Rizal sa kulturang Espanyol, Europeo, at Kanluranin. Ang kurikulum, na puno ng Hispanisasyon, ay nagmulat sa kanya sa Kanluraning pag-iisip at sibilisasyon. Dahil sa inspirasyon ng mga mithiin ng Enlightenment, naisip ni Rizal ang isang Pilipinas na kasama sa mas malawak na imperyong Espanyol, kung saan ang mga Pilipino ay maaaring makinabang sa mga benepisyo ng edukasyon at pag-unlad. Ang kanyang mga sinulat at mga nagawa sa panahong ito ay sumasalamin sa kanyang malalim na pagpapahalaga sa kultura at adhikain na iangat ang kanyang tinubuangbayan. Sa huling bahagi ng ika-19 na siglo sa Maynila, isang batang Pilipino ang nagsimula sa paglalakbay na humubog hindi lamang sa kanyang sariling kapalaran kundi pati na rin sa takbo ng kasaysayan ng kanyang lupang sinilangan. Si Jose Rizal, na kilala noon bilang Pepe, ay pumasok sa Ateneo Municipal noong Hulyo 1872, sa gitna ng magulong panahon na markado ng pagkabilanggo ng kanyang ina at ng kaguluhan ng lipunan sa kolonyal na Pilipinas. Hindi niya inaasahan na ang kanyang mga taon sa Ateneo ay maglalatag ng pundasyon para sa kanyang maalab na nasyonalismo at dedikasyon sa reporma. Ang kapaligiran sa Ateneo ay nagkaroon ng mahalagang papel sa paghubog ng pagkatao ni Rizal. Hindi tulad ng karamihan sa mga lugar noong panahong iyon, isinabuhay ng Ateneo ang pagkakapantay-pantay sa mga estudyante nito, anuman ang lahi. Dito, naranasan ni Rizal ang mainit na pagtanggap at pagiging kabilang, na nagtaguyod ng isang kapaligiran kung saan maaari siyang umunlad sa akademiko at personal na larangan. Ang mga Heswita ay nagturo ng mahigpit na disiplina at kabanalan sa kanilang mga mag-aaral—mga pagpapahalagang nag-iwan ng panghabambuhay na marka sa etos ni Rizal. Hindi nawala ang mga hamon sa akademikong paglalakbay ni Pepe. Bago pumasok sa paaralan ay sinimulan niyang gamitin ang apelyidong Rizal sa halip na Mercado dahil sa nabahiran na reputasyon ng pamilya sa mga awtoridad ng Espanya. Bukod pa rito, siya ay nahirapan sa paggamit ng wikang Kastila noong simula, kaya naapektuhan ang kanyang katayuan sa klase.


Dagdag pa rito, ang debosyon ni Rizal sa Katolisismo ay batid sa kanyang taos-pusong mga tula na "To the Child Jesus" at "To the Virgin Mary." Ang kanyang malalim na pananampalataya ay nagsilbing bukal ng lakas at inspirasyon, na gumagabay sa kanya sa mga pagsubok at paghihirap sa buhay. Pero, ang pagiging-Katoliko ni Rizal ay hindi pasibo; napuno ito ng pakiramdam ng katarungang panlipunan at moral na responsibilidad, na kalaunan ay nagtulak sa kanya na isulong ang mga reporma sa loob ng Simbahan at sa lipunan. Kitang-kita sa mga sinulat ni Rizal ang pagpapahalaga niya sa relasyon ng relihiyon at edukasyon. Sa "Intimate Alliance Between Religion and Good Education," pinupuri niya ang mga birtud ng isang holistikong edukasyon na nakabatay sa relihiyosong doktrina. Para kay Rizal, ang edukasyon na walang moral na kompas ng relihiyon ay hindi kumpleto. Sa pamamagitan ng edukasyong may kasamang turong panrelihiyon, ang mga indibidwal ay ginagabayan tungo sa mabubuting gawa at pagpapabuti ng lipunan. Ang kanyang ibang akda, tulad ng "Education Gives Luster to the Motherland," ay binibigyang-diin ang kanyang paniniwala sa transpormatibong kapangyarihan ng edukasyon. Itinuring ni Rizal ang edukasyon hindi lamang bilang isang paraan ng personal na pagsulong kundi bilang isang katalista para sa pambansang pagunlad. Sa pamamagitan ng edukasyon, naniniwala siyang matatamo ng mga Pilipino ang kanilang dignidad at makakabuo ng mas magandang kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon. Nang si Rizal ay nagtapos ng Bachiller en Artes sa Ateneo noong 1877 nang may gradong Sobresaliente, hindi lamang niya hinangad na maging mahusay siya akademya, kundi maging ang kanyang kapwa Pilipino, upang maging daan ito tungo sa magandang kinabukasan. Ang kanyang mga taon sa Ateneo ay naging batayan para sa kanyang makabansang pananaw, kung saan natutunan niya ang halaga ng disiplina, kabanalan, at intelektwal na kuryusidad na naging daan sa kanyang panghabambuhay na paghahangad ng katarungan at kaliwanagan. Ang mga pormatibong taon ni Jose Rizal sa Ateneo ay naging instrumento sa paghubog ng landas ng kanyang buhay at legasiya. Sa pamamagitan ng magandang kapaligiran ng paaralan, nilinang niya ang kanyang talino, hinasa ang kanyang kaalaman sa wika, at bumuo ng dedikasyon tungo sa reporma at pag-unlad. Ang pagbibigay-diin ng Ateneo sa kulturang Kastila, bagama't sa simula ay nagbigayinspirasyon, nang maglaon ay naging daan upang kuwestiyunin ni Rizal ang dinamika ng kapangyarihan sa pagitan ng mga kolonisador at kolonisado. Sa kanyang pag-alis sa Ateneo, dala niya hindi lamang ang isang diploma kundi pati na rin ang isang pangarap—ang mas maunlad na Pilipinas. Ang mga impluwensyang ito ay nagtulak sa kanya na maging isang kampeon para sa reporma, isang boses para sa mga Pilipino, at, sa huli, isang pambansang bayani. Sa kanyang seminal na akdang "Memoirs of a Student in Manila," sinasalamin ni Rizal ang kanyang transpormatibong paglalakbay sa Ateneo. Kinikilala niya ang matinding epekto ng kanyang edukasyon, na humasa sa kanyang talino at nagpayabong sa kanyang damdaming makabayan. Sa pamamagitan ng pagsisiyasat ng sarili at matinding pag-aaral, umusbong siya hindi lamang bilang isang iskolar kundi bilang isang masugid na tagapagtaguyod ng reporma. If Religion holy w no it urishes, Education sh h its doctrine, she gen all walk in joy and erosity


Pagkamulat sa Kalupitan Ang mga karanasan ni Jose Rizal sa mga prayle na kanyang nakita bilang mga kaibigan at ang nakita niyang tumutulong sa kanya at sa kanyang pamilya ay labis na magbabago sa kanyang pagsisimula ng bagong yugto ng kanyang buhay. Pagkatapos ng kanyang pag-aaral sa Ateneo de Municipal, si Jose Rizal ay pumasok sa Unibersidad ng Santo Tomas, kinuha niya ang kursong Filosofia y Letras na isang kursong kinukuha ang mga heneral na paksa sa paaralan, siya naman ay lumipat sa kursong medisina upang tuparin ang pagiging isang doktor. Ang karanasan ni Rizal sa UST ang naging saligan ng kanyang pagiging anti-friar ni Rizal dhil nga sa diskriminasyon at kalupitan na kanyang naranasan sa mga prayle, siya ay nakaranas at nakakita ng matinding diskriminasyon ng mga guro at estudyanteng Espanyol sa mga Pilipino. Ang matinding “pagyurak” ng mga guro at ng mga prayle ng UST laban sa mga Pilipino at ang pag-panig sa mga Espaanyol ay nagtanim ng galit sa dibdib ni Rizal kung saan siya ay nagsimulang labanan ang mga pang-api na ito. Nagdulot ito upang personalin si Jose Rizal ng kanyang mga guro sa iba't-ibang paksa na nagdulot sa mga mababaang grado para kay Rizal. Bukod sa pagkaranas ng pagmamalupit sa paaralan, si Rizal ay nakaranas rin ng pagmamalupit noong siya ay nakaligta sa pagbibigay respeto sa isang guwardiya sibil ay siya ay nilatigo, itong karanasan na ito ay lalong nagpatibay at nagbigay linaw kay Rizal ukol sa mga kalupitan na ginagawa ng mga Espanyol.


Ang bunga ng mga karanasan ni Rizal sa UST ay nagsimula ng pag-usbong ng nasyonalismo kay Rizal at nagsimula ang kaisipan ng “dalawang nasyon”. Namulat sa matinding pagkakaiba ng mga Espanyol at Pilipino na tila mahirap magkaroon ng “hispanisasyon”. Kasama rito ang pagbuo ng konsepto ng “Filipino”. Nabuo ang mga akda ni Rizal lalong pinatibay ang pagbuo ng konsepto ng “Filipino” sa kanyang akda na “A La Juventud Filipina” o “Sa Kabataang Pilipino”. Kung saan unang ginamit ang “Filipino” bilang mga katutubo ng Pilipinas at hindi mga “insulares” at “Spanish mestizo” pati na rin ang tuluyang pagtanggap na magkaiba ng pagkakakilanlan/nasyon ng mga Pilipino (Pilipinas) at ng mga Espanyol (Espanya). Ang kalupitan ay tila nagbigay ng tapang at realisasyon sa ating pambansang bayani na bigyan ng pagkamulat sa mas magandang nasyon at mas pantay-pantay na pagtuturing sa mga Pilipino. Ang pag-aaral ni Rizal sa UST ay hindi man nagturo sa kanya ng kanyang mga nais na paksa sa kanyang kuros, ngunit ibinukas ang kanyang mata sa mga totoong nangyari sa ating nasyon sa panahon na iyon at dahil dito ay nagsimula ang kanyang paghahakbang patungo sa repormasyon. UST Pagkahubog ni Rizal sa Ang mga akdang isinagawa si Rizal pagkatapos ng kanyang yugto sa UST kung saan kumuha siya ng inspirasyon sa mga naranasan niya habang siya ay naroon pa. Katulad na lamang ng dalawang kabanata sa El Filibusterismo ang kabanata 12 na may titulong “Placido Penitente” at ang kabanata 13 “Klase sa Pisika”. Ito ay hinuha sa mga naranasang diskriminaasyon at kalupitan ni Rizal sa kanyang pag-aaral sa UST. Ang diskriminasyon mula sa mga prayleng dominikano ay ang pagka-mulat ni Rizal sa kauna-unahang personal na karanasan sa “kasamaan” ng mga prayleng Dominikano mula kapanganakan hanggang Ateneo dahil may paningin si Rizal sa mga Dominikano bilang mababait at mabuti dahil ang pamilya ni Rizal ay mga inquilino. Isa rin sa mga rason kung bakit walang mga akdang nasulat si Rizal habang siya ay nasa UST, itinuturo ito sa pagsasabi ng kanyang kapatid na si Paciano na magbigay ng pagtanaw ng utang na loob sa mga prayleng dominikano.


Itaas ang iyong Malinis na noo Sa araw na ito, Kabataang Pilipino! Igilas mo na rin ang kumikinang mong Mayamang sanghaya Magandang pag-asa ng Bayan kong Mutya!


“...At sa ganitong adhika'y pagsisikapan kong sipiing walang ano mang pakundangan ang iyong tunay na kalagayan, tatalikwasin ko ang isang bahagi ng kumot na nakatatakip sa sakit, na ano pa't sa pagsuyo sa katotohanan ay ihahandog ko ang lahat...” - Kinuha sa “Sa Aking Tinubuang Lupa” ni Jose Rizal


Bilang pamamaraan ng kaniyang pamilya upang mapaganda ang oportunidad ni Rizal, sinuportahan ng kaniyang pamilya ang kaniyang pag-aaral sa Europa. Sa pagsakay ni Rizal sa barkong Salvadora noong Hunyo 1882 patungong Espanya, hindi maipagkakaila na mayroong nais hanapin si Rizal; mga ideya na parang pangarap lang sa kaniyang lupang pinanggalingan. Sa unang tapak ng kaniyang paa, nadama na niya ang pagbabago sa kapaligiran at pulitika. Sa gitna ng ika-19 siglo, nakilala ni Rizal ang mas progresibong pananaw sa Europa, kung saan ang respeto sa karapatang pantao, kalayaan, at pagkapantay-pantay ay nangingibabaw. Ang mga ideyang ito ay nagdulot ng inspirasyon sa maraming ilustrado at mga miyembro ng klase media sa Pilipinas. Ang kanyang utak ay napuno ng tanong: ano nga ba ang pinagkaiba ng Europa sa Pilipinas? Ano ang kailangan ng Pilipinas upang makamit ang progreso na nakikita niya sa lupang nagpapailalim sa Pilipino? Sa kanyang mga sulatin, unti-unting nabuo ang kanyang pananaw at pagkagalit sa mga prayle, na siyang mga pangunahing nagpapahirap sa bansa. Hindi lang okupasyon ang nais makuha ni Rizal sa Unibersidad ng Madrid. Sa katunayan, ang nakapagbuo pa siya ng mga koneksyon sa kapwa ilustrado, at unti-unti na siyang naging bahagi ng mga grupong may mas progresibong pananaw sa lipunan. Bukod sa mga kapwa Pilipino, nakakilala niya ang iba't ibang uri ng tao at naging bahagi ng mga aktibidad sa paaralan. Bukod dito, ang pagtitiwala ni Rizal sa kahalagahan ng edukasyon at kaalaman bilang sandata sa pakikibaka ay bunga rin ng kanyang pananatili sa Espanya. Dahil sa kanyang pag-aaral at pagkakaroon ng malawak na pananaw, naging mahalaga sa kanya ang pagpapalaganap ng kaalaman at kamalayan sa kanyang mga kababayan upang mabuksan ang kanilang mga mata sa katotohanan at magkaroon ng kapangyarihan para sa pagbabago. Bagong Lupa Sa mga pangyayaring bumuo sa tadhana ni Rizal, ang kaniyang mga paglalabas ng Pilipinas ang ilan sa pinaka-importanteng yugto ng buhay ng bayani. Ano nga ba ang naukit ng bagong lupain sa Bagumbayan? Sa pagnanais mag-aral ng pagpapagamot sa mata para sa pagpapagaling ng kondisyon ng mata ng kanyang ina, tumungo si Rizal sa Alemanya. Sabay ng kanyang pag-aaral, dito rin siyang nagsimulang magsulat ng kanyang nobelang naging sentro sa identidad ng Pilipino: ang "Noli Me Tangere". Napakalaking pagpapakahulugan ang mga pangyayari at karakter sa kanyang nobelang "Noli Me Tangere" sa mga pagnanais ni Rizal sa kasalukuyang yugto. Ipinahayag ni Rizal ang kanyang pilosopiya. Bilang halimbawa, sa pamamagitan ng mga karakter tulad ni Padre Damaso, ipinakita niya ang kasamaan at pang-aabuso ng mga prayle sa lipunan. Sa kanyang sulatin, ipinakita rin ni Rizal ang kanyang pananaw na ang kalakaran ng mga prayle ang nagiging hadlang sa progreso ng bayan. Ngunit sa kabila ng kanyang galit sa mga prayle, hindi binigyan ni Rizal ng parehong sama ang gobyerno sa kanyang nobela. Sa pamamagitan ng karakter ni Gobernador-Heneral, ipinakita niya ang intensyon ng pamahalaan na protektahan ang karapatan ng mga mamamayan. Hindi rin niya inilagay ang buong sisi sa gobyerno, bagkus ay tinukoy niya ang pang-aabuso ng mga prayle bilang pangunahing suliranin ng bansa. España: Lupa ng Korona Alemanya: Lupa ng Estado


Samakatuwid, namumuo na ang galing ni Rizal sa paglalahad ng kanyang ideya sa pamamagitan ng sining. Nadiskubre ni Rizal ang tunay na importansya ng sining sa identidad ng isang bansa mula sa kanyang paglalakbay sa Pransiya. Mahirap banggitin ang Pransiya bilang hiwalay sa mga bagay na, sa unang tingin, ay malayo sa aktibong nasyonalismo. Ngunit, mayroong mga panitikan at pintura n isinasapuso ng bawat Pranses, at naging simbolo ito ng pagkakaisa. Sa pakikipag-ugnayan sa mga kapwa Pilipino at sa iba't ibang mga kultura, mas napagtibay ni Rizal ang kahalagahan ng kaniyang sariling kultura at pagkakakilanlan bilang isang Pilipino. Sa pamamagitan ng mga interaksyon na ito, naipakita niya ang kahalagahan ng pagpapahalaga at pangangalaga sa kulturang Pilipino bilang hakbang sa kalayaan. Ginamit niya ang kapiligiran at kasamahan upang matutong humubog ng puso’t isipan. Ang mga inspirasyon at karanasan na kanyang natamo sa Paris ay nagdulot sa kanya ng mga bagong ideya at perspektiba na kanyang nailahad sa kanyang mga nobela at iba pang mga akda. Ito ay nagresulta sa pag-unlad at paglago ng kanyang kakayahan sa larangan ng panitikan, at nagbigay daan sa mas malalim at mas makabuluhang mga akda na nagtanghal ng mga aspeto ng lipunan at kultura. Bagong Diwa Sa pagbalik ni Rizal sa inang bansa, masasabing hindi niya iniwan ang Europa, kundi nagiwan ang Europa sa kaniya. Sa lahat ng trahediya at biyaya na binigay sa kaniya, nagkaroon na si Rizal ng prinsipyong nagbigay sa kanya ng talino at tapang; bumalik siyang may ideya ng kakampi’t kalaban, at anong mga sandata ang marapat hawakan. Sa bawat yugto ng kanyang paglalakbay, lumalim ang kanyang pagunawa at pananaw sa lipunan, pulitika, at kulturang Europeo at Pilipino. Ang mga ideya at aral na natutunan niya mula sa kaniyang mga paglalakbay ay nagsilbing pundasyon ng kanyang pakikibaka para sa kalayaan at katarungan, at nagbigay-daan sa kanyang pag-unlad bilang isang makabayan na manunulat at lider. Sa huli, ang mga paglalakbay ni Rizal sa Europa ay hindi lamang nagbukas ng mga pintuan ng kaalaman at karanasan para sa kanya, kundi nagturo rin sa kanya ng mga aral at pananaw na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan. “Pagkatapos ng España, na siyang pangalawa kong bayan, alin man sa mga lupaing may kalayaang Europa.” - Crisostomo Ibarra, ukol sa paborito niyang lupaing nalakbay. Pransiya: Lupa ng Sining at KulturaLumang Lupa, Bagong Bukas


Insidente sa Kalamba Kasabay ng matagal nang hindi pagbibigay ng resibo ng mga prayleng Dominikano bilang pagtatangkang makatakas sa pagbabayad ng mga buwis ay ang pagsasampa nito ng kasong paalisin ang mga inquilino sa lupaing Kalamba, kasama na ang pamilya ni Rizal. Iginiit ng mga prayle na hindi nagbabayad ng upa ang mga inquilino sa Kalamba. At dahil sa kawalan ng resibong magagamit bilang ebidensiya ng kanilang mataimtim na pagbabayad, natalo sila sa dulo at napilitang mangibang-bansa. Ang problema sa lupang ito ang isa sa mga pinakamahalagang dahilan ng pagbalik ni Rizal sa Pilipinas mula ibang bansa. Ang naunang gobernador-heneral ay mismong nagsabi kay Rizal na itatrato niyang patas ang kaso sa panahong ito’y mailagay na sa kaniyang lamesa. Sa mga panahong ito’y mahinahon pa si Rizal, ngunit nagbabalak nang umuwi upang tumulong sa pamilya niya. Subalit kahit na mahinahon pa ang kanyang pag-iisip, si Rizal sa Europa noong panahong ito ay dumadanas na ng matinding paghihirap. Ang kanyang pinansiyal na kalagayan ay naaapektuhan din ng pagkawalan ng hanapbuhay ng kanyang pamilya. Napigil ang pagpapadala sa kanya ng kanyang allowance at nauwi pa sa pagsasanla ng mga alahas at singsing ang kanyang mga kapatid na babae may maipadala lamang sa kanya. Nang magtagal, nagkaroon ng palitan ng bagong gobernador-heneral. Bago pa man, binalaan na si Rizal na huwag nang bumalik at magtagal pa sa Pilipinas. Sa kagustuhang pagsilbihan ang pamilya at ang bayan, bunalik si Rizal at nakapanggamot pa upang tumulong sa pinansiyal na aspeto ng kanilang pamumuhay. Sa huli, natalo ang pamilya ni Rizal at ang mga inquilino sa Kalamba sa kanilang kaso. Sa pagkatalong ito, nawala ang lahat ng kayamanan at social standing ng pamilya ni Rizal. Nawala ang kanilang pamumuhay, bahay, at lupa. Pinalayas at ginawang deportado ang mga miyembro ng kamaganak at misong pamilya ni Rizal. Sila’y napilitang lumipat sa Hong Kong. Nabuo sa isip ni Rizal na parehas na malupit ang simbahan at ang gobyerno. Sa panahong ito, hindi rin nagsisulputan ang mga kaibigan ni Rizal na nangakong tutulungan siyang iimprinta ang El Filibusterismo. Ang hugpungang pangyayaring ito ang siyang naging final straw na tumulak kay Rizal sa tuluyang pagiging radikal na rebolusyonaryo. Naiahon man ni Rizal ang pinansiyal na kalagayan ng kanyang pamilya, pinili pa rin niyang bumalik sa Pilipinas upang ipaglaban ang kanyang minimithing malayang Pilipinas. Nanaig nang husto ang dinanas na pang-aapi ng pamilya ni Rizal sa kamay ng mga Dominikanong prayle nang managap ang “Insidente sa Kalamba.” Sa kanyang pangalawang pangingibang bansa, nanaig din ang pagiging radikal na rebolusyonaryo ni Rizal. Makikita rin ang pagbabagong ito sa kanyang isinulat na El Filibusterismo - mula repormista at mapayapang si Ibarra, naging mala-Machiavellian at bayolenteng pakikipag-rebolusyon na si Simoun. Makikita sa yugtong ito ng buhay ni Rizal ang galit at poot na kanyang nadarama tungo sa kolonyalistang Espanya. Subalit, sa dulo ng lahat ng ito, ang pagwawakas ng kanyang El Filibusterismo ay nagtatapos sa isang rebolusyong nabigo.


El Filibusterismo Ang pagmulat ng mga mata ni Rizal sa kawalan ng hustisya at inekwalidad sa gobyerno at sa mismong simbahan; ang parehong pagiging masama ng simbahan at ng gobyerno ay nangangahulugang wala nang ibang maaaring gawin kundi ang mag-rebolusyon. Hindi sapat ang simpleng pag-asa sa reporma, rebolusyon ang natatanging sagot. Makikita ang pagiibang personalidad na ito sa akdang El Filibusterismo. Tatlo ang personalidad ni Rizal sa akdang El FIlibusterismo - Si Simoun, sina Basilyo’t Isagani, at si Padre Florentino. Nagtapos ang Noli Me Tangere sa pagsasalitan ng personalidad ni Elias at ni Ibarra, at ang kasunod nito sa El Filibusterismo ay ang mas matinding bersiyon ng pagiging radikal na rebolusyonaryo ni Simoun. Nailagay din sa mga pahina ng El Filibusterismo ang mismong nangyari sa Insidente sa Kalamba. Ang rebolusyonaryong si Simoun ay makikita bilang extreme na bersiyon ng radikal na rebolusyonaryo. Tanging paghihimagsik at paghihiganti ang nasa isip ni Simoun - personal at pag-ibig ang tangi niyang motibo. Ninais niyang mahanap muli si Maria Clara na kanyang pinakamamahal. Ninais din niyang maghiganti para sa pang-aalipustang kanyang naranasan sa mga nangyari sa naunang akdang Noli Me Tangere. Ang Tamang Rebolusyon Naniniwala si Rizal na ang rebolusyon ay dapat na ilagay sa tamang panahon at nararapat ding magtaglay ng tamang motibo. Ang rebolusyon ni Simoun sa akda ay nakatayo sa pundasyon ng paghihiganti - isang personal na saloobin. Ang rebolusyon ay hindi dapat dahil sa isang tao lamang o para masolusyonan ang suliranin ng isang tao lamang. Ang rebolusyon ay nararapat lamang na para sa ikabubuti at para sa liberty ng lahat. Naniniwala rin si Rizal na matapos man ang rebolusyon, dapat ding may konkreto’t maayos na plano pagkatapos nitong matagumpay na maisagawa. Malalagay lamang sa wala ang naisagawang rebolusyon kung ang magiging bunga nito ay isang naliligaw at walang direksyon na nasyon. Bukod pa rito, ang rebolusyon ay nararapat na may plano pagkatapos dahil hindi maaaring ang rebolusyon ay pagtatanggal ng naluluklok sa taas ng sistema at pagpapalit dito ng bagong pinuno. Ang rebolusyon ay ang tuluyang pag-aaklas upang sirain ang pinaka-sistemang nabuo. Kung matapos ang rebolusyon at ibabalik lamang ang nakaraan, mawawalan ng saysay ang isinagawang rebolusyon. Sa panahong ito rin ng buhay ni Rizal, naisulat niya ang mga akdang Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon, Tungkol sa Katamaran ng mga Pilipino, at Sa Mga Kababayang Dalaga sa Malolos. Dito, pinaalala niya sa lahat ng kanyang kapwa Pilipino ang kahalagahan ng pagpapasibol ng diwang nasyonalismo sa lahat henerasyong kanilang kinabibilangan, at sa mga henerasyon sa kinabukasan. Idiniin ni Rizal sa kanyang akdang Sa mga Kababayang Dalaga sa Malolos na nararapat lamang na hinuhubog na ang diwang nasyonaslismo mula pa pagkabata. Nasa magulang ang responsibilidad na pairalin ang diwang ito at pasibulin. Nasa atin naman, tayong mga Pilipino, ang responsibilidad pairalin ang ang ating nasyonalismong madugong ipinaglaban ng ating mga ninuno’t mga bayani. Napaka-personal ng motibo ng rebolusyon ni Simoun. At gaya ng motibo nito, napaka-personal din ng mga pagsasagawa ng rebolusyong ito. Ang naging “judge, jury, and executioner” kumbaga ng pamamalakad ng rebolusyon ay natatanging si Simoun lamang. Walang kahit sinuman ang kakayaning magsagawa ng matagumpay na rebolusyon na nag-iisa lamang. Bukod pa rito, ang rebolusyong hindi bukal ang motibo, ayon kay Rizal, ay mabibigo nang mabibigo ilang beses man isagawa. Ang naging bunga ng rebolusyon ni Simoun ay tanging pagkabigo lamang. Pinigilan ni Isagani na siya namang sinasabing personalidad ni Rizal ng pagiging repormista sa. Hindi pumayag si Isagani na madamay ang kaniyang minamahal sa pagtatangka ni Simoun na rebolusyon. Subalit, sa dulo ng lahat, si Padre Florentino ang sekular na paring nagtataglay ng huling personalidad ni Rizal. Sa parte ng akdang ito, makikita na binigo ni Rizal ang rebolusyon ni Simoun hindi dahil sa isang anti-revolution ang pilosopiya ni Rizal. Subalit ito ay dahil sa paniniwala ni Rizal ukol sa rebolusyon.


SUMINSAY Bakit mahalagang maunawaan at paano maisasabuhay ang mga ideya ng nasyonalismo at ambag ni Rizal sa pagbuo ng bansa noong ika-19 na siglo sa pagharap ng bansa sa mga isyu at problema sa politika, ekonomiya, kultura, at panlipunan sa kasalukuyan? Ang mga ideya na ibinahagi ni Rizal ay ang nagpapatibay ng ating sariling pagkakakilanlan sa iba’t-ibang aspekto ng ating pagkamakabayan. Sa pagunawa at pag-intindi ng mga ideya na ibinahagi ni Rizal ay mapapalalim natin ang ating pag-unawa sa mga karanasan ng mga Pilipino noong panahon ng mga Espanyol at ito ay magbubunga ng mas malalim na pagtanggap at pagkilala sa sariling atin. Ito rin ay nagsisilbing gabay para sa ating bansa, kung ano nga ba ang alituntunin na itinaguyod ng ating mga bayani at paano natin ito pahalagahan sa kasalukuyan. Ang mga kaisipan ni Rizal ukol sa katarungan, paggalang sa karapatan ng bawat indibidwal, at pakikibaka para sa kapakanan ng mga maralita ay maaaring magsilbing inspirasyon sa pagtugon sa mga suliraning panlipunan tulad ng kawalan ng trabaho, kahirapan, at kakulangan ng oportunidad na makamit ang mga karapatan tulad ng maayos na edukasyon at serbisyong pangkalusugan. Kasama na rin dito na bilang isang bansa ay dapat natin bigyang halaga ang ating malalim na kasaysayan at itaguyod ang kultura at mga tradisyon na nakakabit dito, dahil kasama ito sa mga ipinaglaban ni Jose Rizal at ng ating mga bayani bilang pambansang pagkakakilanlan natin at pagkakakilala sa atin bilang mga Pilipino. Para kay JB Lozano: 1


Add a Picture her2e Ang pag-unawa at pagpapahalaga sa konsepto ng nasyonalismo at ang ambag ni Jose Rizal sa paghubog ng ating bansa noong ika-19 na siglo ay isang pundasyon na patuloy na bumabalot sa ating kasaysayan at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Sa pamamagitan ng kanyang mga isinulat at pananaw, ipinakita ni Rizal ang kahalagahan ng pagmamahal sa ating bansa at ang pangarap na magkaroon ng isang lipunang malaya at pantay-pantay. Sa bawat salita at kilos ni Rizal, itinataguyod niya ang pagpapahalaga sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas bilang pundasyon ng ating pagiging makabansa at maunlad na bansa. Sa kasalukuyan, ang mga adhikain ni Rizal ay patuloy na naghahatid ng inspirasyon sa ating lipunan sa pakikibaka sa mga hamon ng ating panahon. Ang kanyang pangarap sa pagkakaisa at pagkakapantaypantay ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa upang labanan ang mga suliranin tulad ng kahirapan, korapsyon, at pang-aapi. Para kay Aljustrel Carpio: Sa pamamagitan ng pagiging responsableng mamamayan at aktibong pakikilahok sa mga usaping pampulitika at panlipunan, tayo ay nagiging bahagi ng solusyon sa mga hamon ng ating lipunan. Ang ating pagtitiwala sa prinsipyong ipinaglaban ni Rizal ay nagbibigay sa atin ng lakas at determinasyon na itaguyod ang mga reporma at pagbabago na magreresulta sa ikauunlad ng bawat Pilipino. Bukod dito, ang pangarap ni Rizal para sa maayos na edukasyon ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa atin upang itaguyod ang kahalagahan ng kaalaman at pag-aaral. Sa pamamagitan ng edukasyon, nabibigyan natin ng kakayahan ang ating mga kabataan na maging instrumento ng pagbabago at pag-unlad sa ating lipunan. Sa huli, sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga aral at prinsipyo ni Rizal sa bawat sulok ng ating bansa, hindi lamang natin binibigyang buhay ang kanyang mga pangarap kundi patuloy nating binibigyang saysay ang ating pagiging Pilipino at ang ating tungkulin na itaguyod ang pagkakaisa, katarungan, at pag-unlad ng ating bayan.


Para kay Joshua Marcelino: 3Sa pag-aaral ng karaniwang estudyante sa Pilipinas, karaniwang itinuturo ang mga pangalan na kaniyang nakahalubilo, o ang mga karakter sa kaniyang mga panitkan, hanggang matapos sa araw ng kaniyang pagbibitay. Ang katunayan ng kaniyang ambag ay natatakpan ng kaniyang huling yugto ng buhay, ngunit ang mga prinsipyong nag-gabay sa kaniyang diwa ang pundasyon ng kaniyang kabayanihan, at ang ating pagkatututo mulsa sa kaniyang mga ideya’t aksyon ay makakatulong sa isyung nagbababa sa mga Pilipino. Sa ating panahon, hindi ba’t mahirap ang hindi magalit? Hindi ba’t nakakainis ang pagwawalang bahala sa edukasyon? O ang patuloy na pagbababa ng Pilipino mula sa mga dayuhan? At lalo na ang mga Pilipinong nagpabagsak sa kapwa Pilipino? Ang poot ni Rizal ay ginamit niya sa matalinong pag-ambag sa imahe ng Pilipino, at samakatuwid, marami tayong gawin bilang ambag sa ating komunidad. Sa kasalukuyang panahon, ang mga ideya ni Rizal sa nasyonalismo ay maaaring gamitin upang bigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon at pagpapalakas ng kaisipan sa pagharap sa mga hamon ng modernisasyon at globalisasyon. Ang pagpapahalaga sa kultura at identidad ng bansa, na kanyang ipinakita sa pamamagitan ng kanyang pagpapamalas ng kahusayan sa sining at agham, ay magtutulak sa atin na pangalagaan at ipagmalaki ang yaman ng ating kultura at kasaysayan. Naranasan rin ni Rizal ang paglaban sa diskriminasyon sa murang edad. Ang kanyang pagtutol sa diskriminasyon at kalupitan na kanyang naranasan mula sa mga prayle ay nag-ukit ng galit sa puso niya, at ito’y nagbigay-daan sa pagbubuo ng kaisipan ng masamang pamamahala at ang pangangailangan ng pagbabago sa pamahalaan. Ang kanyang karanasan sa pagiging binatikos at pag-latigo ng guwardiya-sibil ay nagbigay-tulak sa kanya na magsalita laban sa pang-aabuso at pagsasamantala ng mga namumuno. Sa kontemporaryong panahon, ang sitwasyon ng Pilipinas ay tuluyang nakakabit sa mahinang ekonomiya. Sapagakat iba ang sistemang umiikot sa mundo sa panahon ni Rizal, ang kaniyang mga prinsipyo ng nasyonalismo ay maaaring maging gabay sa pag-akyat ng bansa. Marahil lang na mauna ang mga ideya ni Rizal ng pagkakaroon ng representasyong Pilipino. Tulad ng mga kolonyalistang kumakadena ng ating lupain, ang mga dayuhang kapangyarihan ay dapat maging kaibigang nagbibigay ng pantayang respeto. Kasabay nito ang mga pagpapanguna ng mga Pilipinong may kapangyarihan sa kanilang mga kapwang gipit, sapagkat naniniwala si Rizal na nawawalan ng rason ang Pilipinong tumataksil sa sariling bayan. Mula sa kanyang buhay bilang estudyante, ang mga paniniwala at pilosopiya ni Rizal ay maaaring magbigay ng inspirasyon sa pagpapalaya ng bayan mula sa kawalan ng kaalaman at pag-aabuso ng mga humahawak ng edukasyon ng Pilipino. Sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kaisipan at pagtatanggol sa katwiran at katarungan, nagsilbing boses si Rizal ng mga inaabuso. Sa buhay niya, ang kanyang nasyonalismo, na nagsimula sa kanyang pagnanais na maging bahagi ang Pilipinas ng sibilisasyong Espanyol, ay nagtulak sa kanya na maging handa sa laban para sa kalayaan at katarungan ng Pilipinas.


4 Sa pulitika, matindi ang suporta ni Rizal sa katarungang panlipunan at pambansang soberanya. Hinihimok tayo nitong isulong ang transparency, accountability, at maayos na serbisyo sa gobyerno. Isinasabuhay ito sa pamamagitan ng aktibong pakikisangkot sa demokratikong proseso, na sinisiguro na ang mga politikal na desisyon ay nagtataguyod ng interes ng mga Pilipino at nagsusulong ng pangmatagalang pag-unlad ng bansa. Ang pagpapahalaga naman ni Rizal sa edukasyon at kritikal na pag-iisip ay nagbibigay ng pundasyon para sa paglutas ng hindi pagkakapantay-pantay ng ekonomiya at pagsusulong ng pag-unlad. Dagdag pa rito, hinihikayat ni Rizal na suportahan ang mga lokal na negosyo, isulong ang patas na batas sa paggawa, at ituloy ang mas mataas na antas ng edukasyon, na mga hakbang tungo sa pagbuo ng mas matatag na pambansang ekonomiya. Sa kultura, ang paghanga ni Rizal sa kasaysayan dibersidad ng mga Pilipino ay nagpapatibay ng pagkakaisa at pagkakaunawaan sa pagitan ng iba't ibang grupo. Ang mga programa at proyekto na nagtatampok ng sining, wika, at tradisyon ng Pilipinas ay may potensyal na patatagin ang pambansang pagkakakilanlan at lutasin ang mga dibisyong sosyo-ekonomiko. Sa lipunan, ang dedikasyon ni Rizal sa katarungan ay nagsisilbing inspirasyon para sa paglutas ng mga problema tulad ng diskriminasyon, kahirapan, at hindi pagkakapantay-pantay. Upang lumikha ng isang mas patas na bayan, ang mga repormang gumagalang sa mga karapatang pantao, humihikayat ng pagiging inklusibo, at nagbibigay sa lahat ng pantay na oportunidad ay dapat ipatupad. Para kay Arnold Gallardo: Imposible ring di mabanggit ang kaniyang pinakamalaking ambag: ang mga nobelang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”. Pamilyar tayo sa mga tema nito: ang kanyang pananaw na ang mga prayle ang pangunahing nagdudulot ng problema sa Pilipinas ay nagbigay daan sa pagsisimula ng kampanya laban sa kanilang kapangyarihan at impluwensiya. Sa panahon natin, dapat rin na ang mga mamamayan ang pumipili ng impluwensya sa mataas na posisyon. Bagaman agresibo ang mga metodong isinalin ni Rizal sa mga librong ito, ang mga ideya ni Rizal sa nasyonalismo at rebolusyon ay patuloy na nagbibigay inspirasyon at gabay sa ating pagkilos para sa tunay na pagbabago at pag-unlad ng bansa. Sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsasabuhay ng kanyang mga prinsipyo at pilosopiya, magagampanan natin ang ating tungkulin bilang mga mamamayang Pilipino na naghahangad ng makatarungang lipunan at malaya at progresibong bansa. Hanggang sa huli, tinanggap niya ang panganib ng kaniyang paglaban. Sa pamamagitan ng kanyang pilosopiyang "bayan muna bago sarili", ipinakita ni Rizal ang kahalagahan ng pagbibigay ng buhay at sakripisyo para sa kabutihan ng bansa. Sa panahon ngayon, kung saan ang pagmamalasakit sa sariling interes ay madalas na nakapagtatanghal, mahalaga ang alalahanin ni Rizal na maglaan ng oras, lakas, at gawain para sa kabutihan ng nakararami. Ang buhay at ambag ni Rizal ay patuloy na nagbibigay inspirasyon at gabay sa ating pagkilos para sa tunay na pagbabago at pag-unlad ng bansa. Mula sa kanyang mga paniniwala at pilosopiya, natutunan natin ang kahalagahan ng edukasyon, pagpapalakas ng kaisipan, at pagpapahalaga sa ating kultura at identidad bilang isang bansa. Ang kanyang laban laban sa diskriminasyon at pang-aabuso ng mga namumuno ay nagturo sa atin na dapat tayong magsalita at kumilos laban sa katiwalian at kawalangkatarungan. Sa ating panahon, ang mga aral at ideya ni Rizal ay patuloy na nag-uudyok sa atin na maging mapanuri, makabayan, at magiging bahagi ng pagbabago na hinahangad makamtan para sa ating bayan.


Sa ating mga pelikula, kurikulo, at istorya, tuluyang inaangat ang mga bayani, at walang kasing-liwanag ang ilustradong si Jose Rizal. Hindi kailanman malilimutan ang kanyang ambag hanggang mayroong bansang nagngangalang Pilipinas. Sa kabila nito, madali ‘ring malimutan na ang ating mga bayani ay tao, hindi mito. Sila’y nabuhay, nagdusa, nagkamali’t nangamba. Ang istorya ni Rizal ay istorya ng batang biniyayaan ng yaman, sa bansang lunod ng kasakiman at kahirapan. Sa kaniyang paglaki, nabuo na ang kaniyang sariling identidad at napagtanto niya na ang kapaligirang ginagalawan ay nangangailangan ng tulong. Ang diskriminasyong ibinagsak sa kaniya’y naging kuwestiyong sosyal, hindi personal. Tulad natin, ang mga kabataang may namumuong identidad ay naglalagay ng tanong sa kaniyang kalagayan. Ano ang sagot na kaniyang nakuha? Hindi niya pa ito agad natanggap. Namuhay siya’t nagsumikap para sa sarili’t pamilya. Ang mga bagong kapaligiran at tao ng mundo ang nag-ayos sa kaniyang ideya ng pagbabago, at siya’y nagdiwang umaksyon para sa kaniyang mga prinsipyo at paniniwala. Gayundin, ang manunulat at mambabasa ng magasing ito ay masasabing may biyaya sa ating pambansang bayani. Subalit, ang ating mga yama’y tuluyang abusado, at ang katarungan at kapayapaan ay hinahadlangan. Ano ngayon ang naging katangian ni Rizal na nagbigay sa kaniya ng kabayanihan? Ang Diwa. Sa mga prinsipyong sinusunod, naparating niya ang kaniyang kalakasan sa pagsisikap para sa kapwa at para sa Pilipinas niyang ninanais. Kaya’t kahit sa pagdaan ng sandaang taon, ang mga aral at ideya ni Jose Rizal ay may malaking impluwensya, hindi lamang sa kasaysayan kung hindi pati na rin sa kasalukuyan at hinaharap ng bawat Pilipino. Gayundin, ang kanyang adhikain para sa pagkakaisa at kompromiso ay nagbigay daan sa ating pagnanais na makipag-tulungan sa iba para sa tunay na pagbabago at pag-unlad ng ating bayan. Sa mga iba't ibang antas ng ating buhay bilang Pilipino, maaari nating maisabuhay ang mga aral at ideya ni Rizal sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa, pagtatanggol sa ating kultura at kasaysayan, at pagiging mapanuri at makabayan sa mga usapin ng pandaigdigang kahalagahan. Sa bawat kilos at paninindigan, patuloy nating ipinapamalas ang diwa ng nasyonalismo at pagmamahal sa bayan na nagtutulak sa atin na maging bahagi ng tunay na pagbabago at pag-unlad ng Pilipinas at ng mundo.


RS EDIRSEDITORSEDIRSEDITORSEDIRSEDITORSEDIRSEDITORSEDIRSEDITORSEDIRSEDITORSEDIRSEDITORSEDIRSEDITORSEDIRSEDITORSEDIRSEDITORSEDIRSEDITORSEDIFrances Muriell Banaag Josh Aldrich De Villa Aljustrel Niño Carpio Arnold Jansenn Gallardo John Benedict Lozano Joshua Andrei Marcelino De La Salle University De La Salle University De La Salle University De La Salle University De La Salle University De La Salle University [email protected] [email protected] [email protected] [email protected] [email protected] [email protected] awtor at taga-disenyo awtor at taga-disenyo awtor at taga-disenyo awtor at taga-disenyo awtor at taga-disenyo awtor at taga-disenyo Unang Yugto “Liwanag ng Pambansang Kamalayan: Ang Unang Yugto ng Buhay ni Jose Rizal” Ika-limang Yugto “Rebolusyonaryong Rizal” Ika-anim na Yugto “Ang Pagbabalik ni Pepe: Hinubog ng Karanasan at Pakikibaka” Ikalawang Yugto “Edukasyon at Relihiyon: Ang Paghubog ng Pagkatao ni Rizal sa Ateneo” Ikatlong Yugto “Pagkamulat sa Kalupitan: Pagkahubog ni Riza sa UST” Ika-apat na Yugto “Bagong Lupa, Bagong Diwa” RSEDITORSEDI


SUMINSAY SUMINSAY SUMINSAYSUMINSAY AY AY AY AY AY AY AY AY AY AYSUSUSUSUSUSUSUSUSUSUAY SUSUMINSAY SUMINSAY SUMINSAY SUMINSAY SUMINSAY SUMINSAY AYSUMINSAY AY SUSUMINSAYSU


Click to View FlipBook Version