Josh Aldrich De Villa
  • 2
  • 0
Suminsay: Isang Pagtanaw sa Nasyonalismong Pilipino
Layunin ng magasin na SUMINSAY na maitaguyod ang nasyonalismong Pilipino, at mahikayat ang mga mambabasa nito, lalo na ang mga kabataan, na maisabuhay ang mga ideya ng nasyonalismo sa araw-araw na pakikisalamuha sa kapwa at sa masiglang pakikilahok sa mga usapin tungkol sa mga isyu ng bansa. Naglalaman ang magasin ng mga artikulo na magbibigay ng dagdag kaalaman tungkol sa nasyonalismo at sa mga ideya at paksa na may kaugnayan dito. Mababasa kung ano ang nasyon para kay Renan at Anderson, at kung matatawag bang bansa ang Pilipinas. Maaari din malaman kung paano maging makabayan batay sa mga ideya nina Renan, Anderson, at Recto, at kung ano ang kahalagahan nito. Tampok ang mga hamon sa nasyonalismo, gayon din ang nasyonalismo para kay Rizal at Bonifacio, at kung paano maging makabayan batay sa dalawang bayani. Natatalakay din ang buhay at ambag ng Gomburza, pati ang kahalagahan ng Lupang Hinirang, Kartilya ng Katipunan, at The True Decalogue. Taglay din ng magasin ang mga diskusyon tungkol sa mga kasalukuyang isyu na kinakaharap ng bansa at kung paano ito matutugunan ng nasyonalismo. Kabilang dito ang mga isyu ng kahirapan, karapatang pantao, korapsyon, at charter change. Layunin din ng magasin na magtampok ng mga paraan upang panatilihin at pagyamanin ang mga pamana at kultura na bumubuo sa bansa. Sa pamamagitan ng SUMINSAY ay hangad ng mga awtor na gisingin ang diwang makabansa ng mga Pilipino at buksan ang kanilang isipan sa kahalagahan ng nasyonalismo, nang sa gayon ay maka-ambag sa pagtugon sa mga problema ng Pilipino at sa pag-unlad ng Pilipinas.
View Text Version Category : 0
  • Follow
  • 0
  • Embed
  • Share
  • Upload
Related publications