Hunyo 28, 2021
Lunes
MOTHER TONGUE I
9:00-9:50
A. Pamantayang Nilalaman
The learner demonstrates knowledge and skills in listening and communicating about
familiar topics, uses basic vocabulary, reads and writes independently in meaningful
contexts, appreciates his/her culture.
B. Pamantayang Pagganap
Demonstrates knowledge and understanding of the organization and basic features of
print.
C. Mga Kasanayan sa Pagkakatuto
Identify describing words that refer to color size, shape, texture, temperature and
feelings in sentences. MT1GA-IVa-d-2.4
I. Layunin
Natutukoy ang mga salitang naglalarawan sa pangungusap
Nakapagbibigay ng iba pang mga salitang naglalarawan
Nakalalahok sa pangkatang-gawain nang buong husay
II. Paksang-Aralin
A. Paksa:Pagtukoy ng mga salitang naglalarawan sa pangungusap
B. Sanggunian
MTB Curriculum Guide pahina 64 MT1GA-IVa-d-2.4,K to 12 MELC MTB MLE
pahina 370
C. Kagamitan: bidyo, telebisyon, mga larawan, tarpapel ng tula at pangkatang
gawain
D. Estratehiya: Class Discussion, Inquiry Based Instruction, Diffirentiated Instruction
E. Pagpapahalaga: Pakikipagtulungan, Pagpapahalaga sa Kapaligiran
F. Curriculum Link: Filipino (Pang-uri), Araling Panlipunan (Pagpapahalaga sa
Kapaligiran, Ang Aking Kapaligiran)
III. Pamamaraan
1. Balik-aral
Ano ang pamagat ng kuwentong ating pinag-aralan?
2. Pagganyak
Ipabasa ang tula nang may wastong tono at bigkas ng letra.
“Sa Ating Kapaligiran”
Sa ating kapaligiran
Maraming mamamasdan
Mayayabong na puno
At luntiang halaman.
Hangin na sariwa
At berdeng mga gulay
Sampu ng bulaklak
Na naggagandahan.
Isda, hipon at alimango
Sa ilog at dagat makukuha mo
Pagkaing nagbibigay lakas
Sa isipa’y pampatalas.
Ating kapaligiran
Sadyang napakayaman
Handog nito’y pagkain
Kaya pangalagaan natin.
3. Paglalahad
Pagsagot sa mga tanong:
Ano ang pamagat ng tulang binasa?
Ano ano ang mamamasdan sa ating kapaligiran?
Ipakita ang larawan ng nabanggit na pangungusap.
Paano inilarawan ang puno, halaman, hangin,gulay, bulaklak at iba pa?
Bilugan ang mga nabanggit na salitang naglalarawan.
Paano mo pangangalagaan ang ating kapaligiran?
4. Pagtatalakay
Ano ang tawag sa mga salitang binilugan sa tula?
Ang mga salitang maraming, sariwa, luntian, naggagandahan, berde, matalas
at matalino ay mga salitang naglalarawan.
Pang-uri ang tawag sa mga salitang ito na naglalarawan sa pangngalang tao,
bagay, hayop, pook, o pangyayari.
Magbigay ng angkop na pang-uri para sa mga sumusunod na larawan. Gamitin
ito sa pangungusap.
Covid 19
5. Paglalahat
Ano ang pang-uri?
Pang-uri ang tawag sa mga salitang ito na naglalarawan sa pangngalang
tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari. Magbigay ng halimbawa.
6. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Pangkat 1
Isulat ang / kung ang salita ay naglalarawan at X kung hindi.
___1. matulungin ___4. maliit
___2. anim ___5. lobo
___3. Bulaklak
Pangkat II
Bilugan ang mga salitang naglalarawan sa bawat pangungusap.
1. Ang aking kapatid ay mabait.
2. Mabango ang tanim na bulaklak ni nanay.
3. Masarap ang lutong pansit ni Ate Bel.
4. Tumakbo ng mabilis ang batang si Jay Pee.
5. Siya ay bumili ng malaking timba.
Pangkat III
Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagsulat ng angkop na pang-
uri.
1. __________ ang sorbetes.
2. Ang araw ay kulay ___________.
3. __________ ang kulog kanina ng umulan.
4. Ang kendi ay _______________.
5. ___________ si Ate Rita.
IV. Pagtataya
Tukuyin at isulat sa patlang ang mga salitang naglalarawan sa pangungusap.
______________1. Matamis na guyabano ang nabili ni nanay.
______________2. Ang barkong sinakyan naming ay malaki.
______________3. Kumakain ka ban g pulang itlog?
______________4. Tatlong baso ang nasa mesa.
______________5. Masaya ang pamilya naming.
V. Kasunduan
Sumulat ng 5 salitang naglalarawan at gamitin ito sa pangungusap.
Prepared by:
ANNA ROSE S. MACAGALING
Grade I- Teacher
Noted:
DAISY C. CARINAN
Master Teacher I