MGA SULIRANIN AT HAMONG
PANGKAPALIGIRAN
Informational Booklet
Lesson Plan
1
MGA SULIRANIN AT HAMONG PANGKAPALIGIRAN
Ang mga hamong pangkapaligiran ay ang mga suliranin o
napapanahong mga isyu tungkol sa ating paligid na maaaring makaapekto sa
pamumuhay ng mga tao sa komunidad. Bukod dito, dapat din na matutunan
ang pag respeto sa kapaligiran, pagkakaroon ng kooperasyon bilang isang
miyembro ng mamamayan, pagbibigay halaga sa moralidad ng isang tao
upang malaman ang mga tama at mali sa pangangalaga sa kalikasan at
katapatan sa paggawa at pagsunod sa batas upang masulusyonan ang mga
suliranin at hamong pangkapaligiran. Sa pamamagitan nito maipapakita ang
pagmamahal sa kalikasan at sa sariling bayan. Ang mga isyong ito ay hindi
lamang nakaka-apekto sa buhay kundi pati sa kalusugan na nakakasama sa
sarili, lipunan, bansa at maging sa buong mundo.
Kalikasan Mo, Respetuhin Mo!
Ang kalikasan ay isa sa biyayang dapat nating ingatan, alagaan at
pagyamanin tungo sa ating kaunlaran. Ang lahat ng nakapaligid saatin ay
dapat na may katapat na pagmamahal lalong lalo na ang ating kalikasan na
syang nagbigay sa atin ng kabuhayan at tumutulong sa oras ng kagipitan.Ang
kalikasan ay para sa lahat kaya nangangailangan ito ng respeto upang
mapakinabangan mo nang husto.Subalit ito ay unti- unti ng nasisira dahil sa
atin kakitidan ng utak at pagkaganid sa mga materyal na bagay. Kaya habang
may panahon pa alagaan natin ito at pagyamanin. Sa panahong ito dapat din
nating matututunan din natin ang mga mabuting asal katulad ng
pagpapahalaga sa moralidad ng isang tao at ang pagkakaroon ng
kooperasyon bilang kasapi ng komunidad na ating kinabibilangan kung saan
magkasamang kinakaharap ang mga hamon lalong lalo na
sa ating kapaligiran.
Lorence Albert Estilloro
Imie Denosta Vidal
Jonalie Billones
Annefe Balota
BSED Social Studies 3B
2
Kooperasyon,katapatan at Moralidad
Sa panahong ito dapat din nating matututunan ang mga mabuting asal
katulad ng pagpapahalaga sa moralidad ng isang tao at ang
pagkakaroon ng kooperasyon bilang kasapi ng komunidad na ating
kinabibilangan kung saan magkasamang kinakaharap ang mga hamon
lalong lalo na sa ating kapaligiran.
Bukod sa kalamidad may iba’t-iba pang
Suliranin at Hamong Pangkapaligiran ang nararanasan
sa Pilipinas. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Suliranin sa Solid Waste
2. Pagkasira ng mga Likas na Yaman
3. Climate Change
01 SULIRANIN SA SOLID WASTE
Tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersiyal
na establisimyento, mga basura na nagmumula sa sector ng
agrikultura at ibang pang mga basurang hindi nakakalason.
Ayon sa pag-aaral ni Oliveira at mga kasama (2013) ang mga Pilipinas
ay nakakalikha ng 39, 422 toneladang basura araw-araw noong 2015.
Halos 25% ng Pilipinas ay galling sa Metro Manila kung saan ang
isang tao ay nakakalikha ng 0.7 kilong basura araw-araw.
3
Residential
Comercial
Institutional
Industrial
Other
Commercial
8.8%
Market
18.3%
National Solid Waste Management Status Report, 2015
Ang malaking bahagdan ng itinatapon na basura ng mga Pilipino ay
mula sa mga tahanan ng mayroong 56.7%. Ang pinakamalaking uri ng
basura na tinatapon ay biodegradable na may 52.31%.
Biodegradables
Residual
Special
Recyclables
Paper and Cardboard
8.70%
Plastics 10.55%
Metals 4.22%
Glass 2.34%
Textile 1.61%
Leather and Rubber 0.37%
National Solid Waste Management Status Report, 2015
4
Iba’t Ibang Dahilan ng Problema sa Solid waste:
1. Kawalan ng Disiplina sa pagtatapon ng basura.
Tinatayang 1,500 toneladang basura ang itinapon sa ilog,
estero, kalsada, bakanteng lote, at sa Manila Bay. Epekto nito
ay ang paglala sa pagbaha at paglaganap ng mga insekto na
nagdudulot ng iba’t ibang sakit. Ang Pagsusunog ng basura ay
nakadaragdag sa polusyon sa hangin. Naragdagan ang
gawain ng mga waste collector dahil kinakailangan muna
nilang magsagawa ng waste segregation bago dalhin sa
dumpsite.
Dalawang malalaking Dumpsite sa Pilipinas
Payatas
Ito ay nagdudulot ng panganib sa
mga naninirahan dito. Leachate o
katas ng basura na nagtataglay ng
lead, arsenic, na mapanganib sa
kalusugan ng tao.
Rodrriguez
5
Waste Pickers
Waste Pickers ang tawag sa mga
namumulot o nangangalkal ng mga
basura. Panganib sa buhay at
kalusugan ng 4,300 waste pickers sa
mga dumpsite ng Metro Manila.
Apektado din ang pag-aaral ng mga
kabataang waste pickers.
Bukod sa posibilidad na
magkasakit ay maaaring
maimpluwensiyahan na
gumawa ng nga illegal na
gawain o kaya ay
mamamatay.
Trahedya noong 2000
Gumuho ang Payatas Dumpsite at maraming bahay ang
natabunan dahil sa walang tigil na pag-ulan. Nasundan pa ng
sunog na ikinamatay ng 205 katao.
6
2. Hindi tamang pagtapon ng Electronic Waste o E-waste
• computer
• cellphone
• telebisyon, etc.
Humigit kumulang sa anim na toneladang e-waste ang itinapon sa
landfill na siyang kinukuha ng mga waste pickers upang ipagbili ang
mga anumang bahagi nito na mapapakinabangan. Ang paraan ng
pagbaklas ng e-waste ay kagaya ng pagsususunog ay nagdudulot ng
panganib dahil pinagmumulan ito ng mga delikadong kemikal tulad ng
lead, cadmium, barium, mercury, at polyvinyl chloride na nakakalason
ng lupa at maging ng tubig (Mooney, Knox & Schancht , 2011).
Solusyon:
Republic Act 9003 o kilala bilang Ecological Solid Waste
Management Act of 2000.
Ano ang nilalaman ng RA 9003?
• Responsibilidad ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan lokal na
gobyerno, komunidad kasama na rito ang mga NGO’s
• Pagtatatag ng National Solid Waste Management Commission at ng
National Ecology Center
• Pagpapatupad ng Mandatory Waste Diversion Goal
• Pagtatatag ng Materials Recovery Facility
• Pagsasaayos ng mga Tapunan ng Basura
7
Ano ang Materials Recovery Facility (MRF)?
Ang MRF ay ang pinaglalagakan ng mga nahakot na nabubulok o
ma-karbon na parte ng basura upang gawing compost o pataba sa
lupa. Sa MRF din pansamantalang nilalagay ang mga balikgamit o
recyclables na materyales gaya ng papel, plastic, aluminum, maging
mga gamit na gulong, atbp. Dito rin isinasagawa ang secondary
sorting o ang pagbubukod ng mga materyales na nakolekta mula sa
mga pinagmulan nito o sources.
Resulta ng Republic Act 9003:
Pagpapatayo ng Materials Recovery
Facility (MRF)
2,438 noong 2008
8, 656 taong 2015
(National Solid Waste Management Status
Report, 2015)
Mga Suporta ng NGO sa Pilipinas
Mother Earth Foundation – tumutulong sa pagtatayo ng mga
MRF sa mga barangay.
Clean and Green Foundation – kabahagi nng mga programa
tulad ng Orchidarium and Butterrfly Pavilion, Gift of Trees, Green
Choice Philippines, Piso para sa Pasig, at Trees for Life
Philippines (Kimpo, 2008).
Bantay Kalikasan – paggamit ng media upang mamulat ang mga
mamamayan sa suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa
reforestation ng La Mesa Watershed at sa Pasig River
Rehabilitation Project.
Green Peace - Naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw
ng tao sa pagtrato at pangangalaga sa kalikasan at pagsulong ng
kapayapaan.
8
Sa kabila ng mga nabanggit na batas at programa ay
nananatili pa rin ang mga suliranin sa solid waste sa Pilipinas. Sa
kasalukuyan, ang pinakamalaking hamon ay ang pagpapatupad ng
batas at pagbabago ng pag-uugali ng mga Pilipino sa pagtatapon ng
basura. Nangangailangan pa ng mas malawak ba suporta at
pagtutulungan ng iba’t ibang sector upang tuluyang mabigyan ng
solusyon ang suliraning ito dahil ang patuloy na paglala nito ay
lalong magpapabigat sa iba pang suliraning pangkapaligiran.
02 PAGKASIRA NG LIKAS NA YAMAN
Ang pagkasira ng likas na Yaman ay isa rin sa pangunahing
hamon na kinakaharap nating mga Pilipino.Ang Pilipinas ay isa sa
mga bansa na biniyayaan ng maraming likas na yaman.
Tinatayang 15% ng kabuuang kita mula sa direktang paggamit ng
mga likas na yaman, halimbawa nito ay ang pagtatanim at
pangingisda. Mahalaga din ang likas na yaman bilang sangkap sa
paggawa ng produkto na ginagamit sa iba’t ibang sector tulad ng
industriya at paglilingkod, halimbawa, ang mga computer,
sasakyan, makina, at pagkain ay naggawa mula sa mga likas na
yaman.
Sa kasalukuyan, patuloy na
nasisira at nauubos ang likas
na yaman ng Pilipinas dahil sa
mapang- abusong paggamit
nito, tumataas na demand ng
lumalaking populasyon, hindi
epektibong pagpapatupad ng
mga programa at batas para sa
pangangalaga sa kalikasan, at
mga natural na kalamidad.
9
Ang Likas na yaman sa Kasalukuyan ng Pilipinas
• Kagubatan – mabilis at patuloy na
pagliit ng forest cover mula sa 17
ektarya noong 1934 ay naging 6.
43 milyong ektaraya noong 2003.
• Yamang tubig – pagbaba ng
kabuuang timbang ng mga
nahuhuling isda sa 3 kilo bawat
araw mula sa dating 10 kilo.
• Yamang lupa – pagkasira ng
halos 50% ng matabang lupain sa
huling sampung taon.
• Yamang mineral - Ang yamang
mineral ay ang mga likas na
yaman mula sa kalikasan. Natural
ito at di gawa ng tao. Makukuha
ito sa pamamagitan ng pagmimina.
Suliranin sa Yamang Gubat
Sa ulat na pinamagatang Status of Philippine Forests (2013) ay
inisa-isa nito ang mga dahilan at epekto ng deforestation sa
Pilipinas. Ito ay ang sumusunod:
Illegal logging - Ilegal na pagputol sa mga puno sa kagubatan.
Ang kawalan ng ngipin sa pagpapatupad ng mga batas sa
illegal logging sa Pilipinas ang nagpapalubha sa suliraning ito.
Ang walang habas na pagputol ng puno ay nagdudulot ng iba’t
ibang suliranin tulad ng pagbaha, soil erosion, at pagkasira ng
tahanan ng mga ibon at hayop. Sa katunayan noong 2008 ay
mayroong 221species ng fauna at 526 species ng flora ang
naitala sa threatened list (National Economic Development
Authority, 2011) 10
Migration – paglipat ng pook panirahan Nagsasagawa ng
kaingin (slash-and-burn farming) ang mga lumilipat sa kagubatan
at kabundukan na nagiging sanhi ng pagkakalbo ng kagubatan at
pagkawala ng sustansya ng lupain dito.
Mabilis na pagtaas ng populasyon - ang mabilis na pagtaas ng
populasyon ng Pilipinas ay nangangahulugan ng mataas na
demand sa mga pangunahing produkto kung kaya’t ang mga
dating kagubatan ay ginawang plantasyon, subdivision, paaralan,
at iba pang imprastruktura.
Fuel wood harvesting - paggamit ng puno bilang panggatong.
Isang halimbawa ay ang paggawa ng uling mula sa puno. Ayon
sa Department of Natural Resources na lumabas sa ulat ng
National Economic Development Authority (2011), tinatayang
mayroong 8.14 milyong kabahayan at industriya ang gumagamit
ng uling at kahoy sa kanilang pagluluto at paggawa ng produkto,
ang mataas na demand sa uling at kahoy ay nagiging dahilan ng
pagputol ng mga puno sa kagubatan.
Ilegal na Pagmimina - Apektado ang kagubatan sa pagmimina
dahil kadalasang dito natatagpuan ang deposito ng mga mineral
tulad ng limestone, nickel, copper, at gold. Kinakailangang putulin
ang mga puno upang maging maayos ang operasyon ng
pagmimina. Nagdudulot din ng panganib sa kalusugan ng tao at
ng iba pang nilalang sa kagubatan ang mga kemikal na
ginagamit sa pagpoproseso ng mga nahukay na mineral. Ayon sa
DENR, mayroong 23 proyekto ng pagmimina ang matatagpuan
sa kabundukan ng Sierra Madre, Palawan, at iba pa.
ILLEGAL MIGRATION PAGTAAS NG FUEL WOOD ILLEGAL
LOGGING POPULASYON HARVESTING MINING
11
03 CLIMATE CHANGE
Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil
sa pagtaas ng mg greenhouse gases na nagpapainit sa
mundo. Nagdudulot ito ng mga sakuna kagaya ng heatwave,
baha at tagtuyot na maaaring magdulot ng pagkakasakit o
pagkamatay. Kapag tumaas ang temperatura ng mundo, dadami
ang mga sakit kagaya ng dengue, diarrhea, malnutrisyon at iba
pa.
Sanhi ng CLIMATE CHANGE
Ayon sa pag-aaral, ang dalawang sanhi ng climate change ay ang:
1. Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga
nagdaang matagal na panahon. Ito ay sama-samang epekto
ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at sa init na
nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura
o init sa hangin na bumabalot sa mundo
2. Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng
carbon dioxide at iba pang greenhouse gases (GHGs). ANg
GHGs ang nagkukulong ng init sa mundo. Ang pagbuga ng
carbon dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina,
ang pagputol ng mga puno na siya sanang mag-aalis ng
carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng mga bagay na
organic na nagbubunga ng methane (isa pang uri ng GHGs)
ay ilan sa mga dahilan ng climate change.
12
Sinu-sino ang apektado ng Climate Change?
Mahirap o mayaman – lahat apektado ng
pagbabago ng panahon. Ngunit mas apektado ka
ng Climate Change kung:
Ang hanap-buhay mo ay direktang nakasalalay
sa likas na yaman gaya ng pangingisda at
pagsasaka.
Hindi sapat ang iyong kinikita at kulang ang
iyong kakayahan na tumugon sa mga
pagbabago.
Kulang ang iyong kaalaman tungkol sa climate
change.
Gawing tama ang pagtatapon ng basura at
sundin ang mga patakarang naaayon sa solid
waste management na ipinapatupad sa inyong
barangay.
Gawing gabay ang:
REDUCE (bawasan ang pagkonsumo),
RE-USE (gamitin ulit),
RECYCLE (pakinabangan ulit sa ibang anyo), at
RESOURCE CONSERVATION (magtipid sa
paggamit ng pinagkukunang-yaman)
13
Paano mababawasan ang epekto ng climate change?
Makipagtulungan sa
pagsasaayos ng mga
kanal at karaniwang
daanan ng tubig.
Huwang magputol ng
mga puno.
Magsagawa ng Regular
Clean-up Drive.
Makiisa sa mga
isinasagawang tree
planting sa inyong
lugar.
Makiisa sa mga gawain sa
barangay na nakatuon sa
pagpapanatili ng kalinisan ng
kapaligiran.
14
Malaki ang aking magagawa sa mga praktikal na mga
gawain tulad ng pagtatanim ng maraming punongkahoy, hindi
pagsusunog ng basura, hindi pagkakalat ng basura, pagrerecycle
ng mga kagamitang pwede pang gamitin at marami pang iba.
Kung ganito ang gagawin ng halos lahat ng mag-aaral, malaki ang
magandang epekto nito sa kapaligiran natin.Pero, ang isang
malaking magagawa ko upang makatulong sa lumalalang
problema sa climate change ay ang patuloy na panawagan sa
buong mundo na maaaring idaan sa social media, sa TV, Radyo,
pahayagan at iba pang pamamaraan.
Ang impormasyong ilalathala ay upang maipamulat sa
maraming tao hanggat posible, tungkol sa mga gawaing
nakasasama sa ating klima, mga praktikal na bagay na maibibigay
at magagawa nila, at kung paano sila magiging mas higit na
kapakipakinabang na mamamayan ng gobyerno. Kapag tumagos
sa damdamin ng isang tao ang mga impormasyong ito, malaki
ang magagawa nito sa kanyang saloobin at pag-uugali sa
kapaligiran, at sa paglutas ng lumalalang climate change.Gayundin,
bilang isang mag aaral maari akong mag ipon ng pera galing sa
baon ko upang makatulong sa kakapusan at maari rin akong
bumuo ng maliit na negosyo. At para maiwasang masira at
maubos ang mga likas na yaman ay kailangan kung bigyang
halaga ang mga ito sa pamamagitan ng pag tatanim ng mga
halaman,paglilinis ng bakuran at pag bubukod ng mga basura
upang itapon sa tamang basurahan sapagkat ang ating kalikasan
ang tangi nating pinagkukunan upang matugunan ang ating
pangangailangan sa araw-araw na maaring mabigyan din ng
solusyon ang kakapusan tungo sa kaunlaran ng ating bansa.
15
Ang Aking Panata para sa Kalikasan
Ako si
.
Pangalan at Lagda
16