Panitikan ng
Pilipinas
-Arlyn Villanueva
BS ENTREP 1-A
Mga halimbawa ng mga sumusunod
-Nobela -Pabula -Balita
-Maikling kwento -Anekdota -Talumpati
-Dula -Sanaysay -Parabula
-Alamat -Talambuhay
ALAMAT
Ang alamat ng saging
Sa isang malayong lugar ay my dalawang mag kasintahan na tunay na nag iibigan sila si Aging at Juana ngunit sa kabila
nito ay tutol ang magulang ni Juana na si mang Juan, kayat lihim lamang siyang nakiki pag tagpo ky Aging. Ngunit minsang
nakipag tagpo siya ky Aging ay nasundan siya ni mang juan kayat ng makita ni mang Juan ay nag siklab siya sa galit, at
bigla niyang binunot ang itak na nasa kanyang tagiliran at sinugod ni mang Juan si Aging at sa pagka bigla ay hindi agd na
gawang umiwas ni aging kaya inabot ng itak ni mang Juan ang braso ni aging at naputol. Sa sobrang takot ni Aging ay
napatakbo siya papalayo sa mag amang Juana, at labis ang kalungkutan ni Juana dahil sa mga pang yayari ngtunit ala na
siyang magagawa dahil ala na si aging. Kayat pinulot nalang niya ang naputol na braso ni Aging at inilibing sa kanilang
bakuran.At sa paglipas ng mga araw ay wala parin si Aging ni wala na siyang balita kung ano na ang nangyari ky aging,
subalit sa pag labas ni mang Juan sa kanilang bahay ay napansin niya ang isang uri ng halaman na noon lamang niya
nakitya kayat dali daliniyang tinawag si juanana at itinanong kung uri ba ng halam iyon.At Laking gulat ni Juana nang
makita niya ang tinutukoy ng kanyang ama, dahil sa lugar mismo ng pinag libingan niya ng braso ni Aging tumubo ang
halaman. At itoy kulay luntian, my mahahaba at malalapad na dahon, my bunga itong kulay dilaw na animo'y isang kamay
na my daliri ng tao. Kayat naalala nanaman niya ang kanyang kasintahan, at nasambit niya ang pangalang Aging. At sinabi
niya na iyan si aging, kaya mula noon ay aging ang tinawag nila sa halamang iyon. At sa paglipas ng panahon ay nabago
na ang Aging at itoy naging Saging.
PABULA
Si Paruparo at si Langgam
Takang-taka si Paruparo habang minamasdan niya si Langgam na pabalik-balik sa paghahakot ng pagkain sa kanyang lungga sa
ilalim ng puno.
"Ano ba iyang ginagawa mo, kaibigang Langgam? Mukhang pagod na pagod ka ay di ka man lang magpahinga?" tanong ni Paruparo.
"Bakit di ka magsaya na tulad ko?"
"Naku, mahirap na," aniya. "Malapit na ang tag-ulan. Iba na ang may naipon na pagkain bago dumating ang tag-ulan."
"Kalokohan iyan. Tingnan mo ako. Hindi natitigatig," pagmamalaki ni Paruparo.
"Bakit nga ba?" Nagtataka si Langgam.
"Ganito iyon, e. Nakikita mo ba ang kaibigan ko sa damuhan?" inginuso niya ang nasa di kalayuan.
"Sino?' tanong ni Langgam.
"Si Tipaklong, kaibigan ko iyan, Alam mo, matapang ang kaibigan ko. Nabibigyan niya ako ng proteksyon. Baka akala mo, dahil sa
kanya walang sigwang darating sa akin," pagyayabang ni Paruparo.
"A, ganoon ba?" sabi ni Langgam.
"Utak lang, utol. O, di pakanta-kanta lang ako ngayon dito. Ikaw lang e," sabi ni Paruparo.
"Wala akong inaasahan kundi ang aking sarili. Kaya kayod dito, kayod doon," mababa subalit madiin ang tinig ni Langgam. "O, sige,
ipagpapatuloy ko muna ang aking gawain."
Pagkatapos ng usapang iyon nagkahiwalay ang dalawa.
Ang mga sumusunod na araw ay maulan. Hindi lamang mahabang tag-ulan. May kasama pang bagyo at baha. Mahirap lumabas at
kung makalabas man wala ring matagpuang pagkain.
Lalong umapaw ang tubig. Walang madaanan ang tubig dahil malalim din ang mga ilog at dagat. Tumagal ang baha. Palubha nang
palubha ang kalagayan dahil malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan.
Ano kaya ang nangyari kay Langgam? Naroon siya sa guwang ng puno. Namamahinga. Sagana siya sa pagkain. Naisipan ni
Langgam ang dumungaw upang alamin ang kalagayan ng paligid. Aba, ano ba ang kanyang nakita?
Nakita niya si Paruparo at Tipaklong na nakalutang sa tubig. Patay ang dalawa. Mayamaya'y dalawang mabilis na ibon ang mabilis na
dumagit sa kanila.
Napaurong sa takot si Langgam sa kanyang nakita. Subalit nasabi pa rin niya sa kanyang sarili: "Kung sino ang may tiyaga, siya ang
magtatamong pala."
ANEKDOTA
Ang Una kong Pag-ibig
Hindi ibig sabihin nito na ito ang aking una kong relasyon o una kong nakatagpo. Ang unang pag-ibig ay ang kauna-unahang tao
na minahal ko ng lubusan na higit pa sa inaakala ko. Masarap umibig, masarap ibigin at lalong masarap ang tunay na pag-ibig
lalo na kung pareho kayo ng nararamdaman sa isa't isa. Sabi daw ng iba ang unang pag-ibig ay hindi mo malilimutan.Siguro sa
iba totoo iyon, depende siguro sa pinagsamahan nila. Pero para sa akin, ang pag-ibig ay hindi nawawala, hindi nauubos at hindi
nalilimot. Puwede itong mawala ng panandalian at bumalik.Minsan ko ding naranasan kong umibig ng lubusan. At masasabi ko
sa inyong napakasarap sa pakiramdam na may kasintahan ka dahil alam mo may nagmamahal at nagpapahalaga sa iyo. Ngunit
hindi lahat ng relasyon ay nagtatapos sa magandang resulta, marahil tama ang iba na sa una lang masaya. Dahil ang relasyon
ay may kaakibat na saya, lungkot. Pipiliin mo kung ang saya at lungkot ay kaya mo bang tanggappin. Ang pag-ibig hindi naman
yan sa pagmamahal lang ng kasintahan pwede din naman pagmamahal sa magulang, kaibigan at sa Diyos. Kaya kung ako sa
iyo kung hindi ka pa handa sa pag-ibig, kailangan mo muna ayusin ang sarili mo sa lahat ng aspeto at huwag kalimutang
magdasal sa Diyos.
SANAYSAY
Ang Kahalagahan ng Edukasyon
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sapagkakaroon ng isang masaganang
ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay nanatutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa
mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat naedukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring
dapat na piliting maabot.Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics,
Science,English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na
hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mgamamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng
edukasyon, magiging mahirap parasa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa
kanilang mgainaasam na mga mithiin.Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa
hinaharapat sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rinang dahilan ng
mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang
kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Angkanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at
damdamin sa mga bagay na kailangan nila sakanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga
kaalaman tungkolsa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundona
kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito.Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat
na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal naprograma na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila
ang mga bagay na kaakibat ng kanilangmagiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na
kailangannila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad.
TALAMBUHAY
TALAMBUHAY NI JOSE CORAZON DE JESUS ALYAS HUSENG BATUTE
Si JOSE CORAZON DE JESUS ay ipinanganak sa Sta Cruz noong taong 1896. Ang kaniyang ama ay
si Dr. Vicente de Jesus at ang kanyang ina ay si Susana Pangilinan. Siya ay nakatapos ng Batsilyer sa
Batas nguni't hindi siya kumuha ng eksaminasyon.Ang unang tulang ginawa niya ay Pangungulila noong
siya ay 17 taong gulang pa lamang.Noong taong 1920, siya ay nagulat sa Taliba sa kolum niyang
BUHAY MAYNILA.Siya ay naging sikat sa pakikipagpalitan ng tula o balagtasan kay Florentino
Collantes . Ang una nilang paghaharap ay sa Instituto de Mujeres kung saan sila ay nagtagisan tungkol sa
Paru-paro's Bubuyog.Siya ay tinaguriang Hari ng Balagtasan.Nakapagsulat siya ng mahigit na apat na
libong tula sa kaniyang kolum na Buhay Maynila. Ang Lagot na Bagting ay naglalaman ng walong daang
tula.Samantalng ang kaniyang mga tulang Ang Puso Ko, Ang Pamana, Ang Panday, Ang ManokKong
Bulik, Ang Pagbabalik, and Sa Halamanan ng Dios ay madalas basahin sa mga unibersidad at kolehiyo.
Ang mga ito ay naging Tulang Padula dahil sa kasidhian ng damdaming nilalaman.Si Jose Corazon de
Jesus ay namatay noong Mayo 26, 1932 sa edad na 36 dahil sa ulcer.Siya ay inilibing sa ilalim ng puno
kagaya ng habilin niya sa tulang Isang Punongkahoy at ang ANG AKASYA.
BALITA
MAGANDANG BALITA! SIMULA NGAYONG ARAW, 15 ABRIL 2020, 20 RUTA
NA ANG BABAYBAYIN NG DEPARTMENT OF TRANSPORTATION (DOTR)
FREE RIDE FOR HEALTH WORKERS PROGRAM!
Ang libreng sakay ay nago-operate 24/7, at extended pa sa kalapit na mga probinsya gaya ng Bulacan, Cavite, at Laguna.
Bukod pa rito, ang Kagawaran ay nakipagtulungan sa Sakay.PH at Google Maps upang mas madali ang paghahanap ng mga medical
workers ng mga ruta para sa libreng sakay.
Katuwang ang Land Transportation Office (LTO), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang DOTr Free
Ride for Health Workers Program ay nagbibigay-serbisyo rin sa iba't ibang rehiyon sa bansa: Regions 1, 2, 3, 4-A, 4-B, 5, 6, 7, 8, 9, 10,
11, 12, CAR, at CARAGA.
Ayon sa tala ng kagawaran, umabot sa 275 vehicle units ang na-deploy sa buong Pilipinas para sa libreng sakay kahapon, 14 Abril
2020, habang tinatayang nasa 190,476 medical workers na ang napaglingkuran ng program mula nang magsimula ito.
TALUMPATI
Talumpati tungkol sa kahalagahan ng edukasyon
Mahal ang edukasyon pero mas mahal ang maging mangmang.Ang pagkakaroon natin ng sapat na
edukasyon ay gabay ng sinuman sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan.Sa uri ng lipunan na ating
ginagalawan ngayon, talo at dehado ang mga taong walang pinag-aralan.Mayroon tayong mga naririnig pero
hindi natin lubos na naiintindihan, mayroon tayong nakikita ngunit hindi natin sadyang maintindihan.Huwag
natin itong ipagwalang-bahala.Ibahagi ang inyong mga dunong at huwag itong ipagkait lalo na sa mga
nangangailangan.Sana ang inyong kasagutan ay hindi.Mahirap ang walang natapos na kurso dahil palagi
tayong napag-iiwanan sa anumang larangan.Ang uri ng edukasyon sa bagong milenya ay ang pagkakaroon
ng natapos na kurso para tayo ay makasabay sa progresibong teknolohiya na ginagamit sa ating mga
modernong pangkabuhayan.Hindi lamang ito mag-aahon sa atin sa kahirapan, bagkus ay ito rin ang
natatanging pamana sa atin ng ating mga magulang na kailanman ay hindi mananakaw ninuman.
PARABOLA
Ang Pulubi
Minsan may dalawang pulubi na nasa lansangan na namamalimos ng barya sa mga nagdaraan. Isang gabi, sila'y ginising mula sa
pagkakahimbing ng isang nakasisilaw na liwanag. At mula sa liwanag na iyon ay may namataan silang isang pambihirang
nilalang.
Maganda ang damit at gawa sa mamahaling bato ang kasuotan nito. Natuwa ang dalawang pulubi. "Ito na marahil ang hari ang
mga hari," ang sabi ng isa. "Tama! Pagkakalooban niya tayo ng kayamanan, at hindi na uli tayo kailangan pang mamalimos!"
Lumapit nga sa kanila ang hari at sila'y kinausap. "Ano ang maaari ninyong ihandog sa akin?" ang tanong nito. Nagtaka and isang
pulubi. Bakit sila pa ang magbibigay? Ang naisaloob niya.
Samantalang ang ikalawang pulubi ay nagmamadaling nagbukas ng kanyang sako at kumuha ng pinakamalaking piraso ng
tinapay na mayroon siya. "Anong gagawin mo?" ang tanong ng naunang pulubi dito. "Iaalay ko sa kanya ang pinakamalaki kong
tinapay." "Nababaliw ka na ba? At papaano ka?" "Karapat-dapat lamang ipagkaloob sa hari ang nararapat para sa kanya at ito ang
aking gagawin!"
Inalay nga ng pulubing yaon ang malaking piraso ng tinapay. "Ito lang po ang aking maipagkakaloob," ang sabi pa nito sa hari."
Ngunit ito na po ang pinakamalaking bagay sa buhay ko. Nawa'y tanggapin ninyo." Tinanggap ng hari ang tinapay na alay ng
pulubi.
Nang balingan nito ang isa pang pulubi ay nakita nitong nagkukumahog ng naghahagilap ang pulubing iyon sa paghahanap ng
maipagkakaloob. Sa wakas, nakakita rin ito ng pinakamaliit na butil ng mais. Inalay nito sa hari ang naturang butil ng mais.
"Heto lang ang maaari kong ipagkaloob sa inyo," ang sabi pa nito. Iyon lang at tinanggap iyon ng hari. At bigla ngang naglaho ang
liwanag at nawala na rin ang hari. Maya-maya'y may napansin ang isang pulubi sa buhat-buhat niyang sako. Animo bumigat
iyon. Nang buksan niya iyon, laking gulat niya sa nakita! Sa loob ng sako ay may nakalagay na ginto! Isang malaking piraso ng
ginto na 'sing laki ng tinapay na ipinagkaloob niya sa hari! Napalunok ang isa pang pulubi nang makita iyon. Nang bisitahin din
niya ang kanyang sako, hindi siya nagulat nang makita niyang nakalagay na ginto doon. Gintong 'sing liit ng isang butil ng mais
na ipinagkaloob niya.
MENSAHE:
Kung ano ang itinanim, siyang aanihin. Kung ano ang ipinagkaloob natin sa Diyos ay siya rin nating tatanggapin.
DULA
Anna maria: 35 na taong gulang
Juan (ang panganay): 18 taong gulang
Pedro: (ang bunso): 16 taong gulang
Guro
Ang eksenang iyon ay isa ng pangkaraniwang tanawin sa kanilang tahanan. Si Anna maria ay isang "Single mom" na bumubuhay sa kanyang dalawang anak na
lalaki. Nagkahiwalay sila ng kanyang mister na isang seaman o mandaragat dahil na rin sa bisyo nito: sabong, alak at babae. May mga panahon ding nasasaktan
siya nito kung wala na itong pambili ng alak..
Unang Tagpo:
Anna maria: Juan! Pedro! Hindi ba at sinabi ko sa inyo na matulog na kayo? Anong oras na! Alas onse na ng gabi. Hindi na naman kayo magigising ng maaga!
Juan (gumagamit ng selpon): Mamaya na ma, bigyan mo ako ng mga trenta minutos pa.
Pedro (nanonood ng bidyo gamit ang internet): Oo ma, pangako, matutulog na ako pagkatapos nito.
Wala nalang nagawa si Anna maria. Ayaw niya ng sumigaw, o magalit. Pagod din siya dahil sa maghapong trabaho. Maliit ang sweldo, ngunit mabuti na ito kaysa
wala. Kinailangan niyang magbanat ng buto, lalo na at nasanay sa luho ang kanyang dalawang anak.
Ikalawang tagpo:
Kinaumagahan, nagising ang ina ng madaling araw upang maghanda ng agahan, baon ng mga anak, at ng sarili papunta sa trabaho.
Anna maria: (nangangalumata) Mga anak, gising na! mahuhuli na kayo. Kailangan ako sa opisina ngayon dahil nasa akin ang susi.
Kayo na ang bahala ha!
Umingit ang dalawa, ngunit hindi bumangon. Kulang na kulang sa tulog dahil halos madaling-araw na nagsipagtulog.
Pagsapit ng alas-otso y medya..
Juan: Hala! anong oras na! Pedro, pedro gising na!
Pedro: Ano ba, inaantok pa ako!
Juan: Hindi ba't ngayon ang ating malakihang pagsusulit??
Pedro: Hala! Patay! hindi ba tayo ginising ni inay??
Juan: Nako, ikaw kasi natulog ka ulit!
At nagmamadaling naghanda ang dalawa, na may piping dasal na umabot sila sa kanilang pagsusulit.
Ikatlong tagpo:
Samantala, sa opisina..
Napagalitan si Anna maria dahil sa kanyang maling nagawa. Nais man niyang lumipat ng trabaho ay natatakot siya. Hindi niya kasi
natapos ang pag-aaral dahil nabuntis ng maaga at nag-asawa. Naalala nya ang pangaral ng ina na iyang isinawalang-bahala at
sinuway.
Anna Maria: (tumutulo ang luha) Sana nakinig nalang ako kay inay noon..
Ikaapat na tagpo:
Makalipas ang isang linggo, ipinatawag si Anna Maria sa iskwelahan ng mga anak. Lumiban siya sa trabaho sa pag-aakalang
makatatanggap siya ng magandang balita..
Anna Maria: Magandang araw ho, ako ho ang nanay ni Juan at ni pedro.
Guro: Magandang araw din ho misis, tungkol ho sana ito sa kanilang grado. Hindi ho sila nakakuha ng pagsusulit noong nakaraan.
Dahil dito, mayroon ho silang mga bagsak na kailangan kunin sa susunod na taon.
Anna Maria: (nalilito) Ho? Paano nangyari yun?
Ikalimang tagpo:
Pagdating sa bahay ay nadatnan ni Anna Maria ang dalawang anak na tila alam na ang nangyari. Sinugod siya ng
yakap ng mga ito at humingi ng patawad.
Anna Maria: (malungkot) Anong nangyari mga anak? Dismayado ako sa inyo. Alam niyo naman kung gaano ito
kahalaga hindi ba?Nais kong makatapos kayo ng pag-aaral upang hindi magaya sa akin.
Juan at Pedro: (Umiiyak) Patawad po inay, hindi na po mauulit..
Anna Maria: Sana nga, mga anak.. Mahal ko kayo at wala akong ibang hangad kundi isang maayos na buhay
para sa inyo..
At muling nagyakap ang tatlo.
WAKAS
MAIKLING KWENTO
Si Mariang Mapangarapin
Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa’t masasabing isa na siyang ulirang dalaga,
kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa
malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit
si Maria bagkus pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng
isang dosenang dumalagang manok. Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng nag-iisang
manliligaw niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa
ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at
pataba. At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming
itlog.Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nangitlog ang lahat na inahing manok na alaga ni Maria.
Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng
labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.At inipon na
nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta
sa bayan si Maria. Sunong niya ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili niyang
lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad
siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!
Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa
kabiglaan. Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap
kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.
Aral:
· Hindi masama ang mangarap. Ngunit mas mabuti kung bigyang pansin ang
kasalukuyan at mag-pokus upang makamit ang pangarap na ninanais.
· Huwag magbibilang ng sisiw hangga’t hindi pa napipisa ang itlog.
NOBELA
Banaag at Sikat
Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at
paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan.
Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa
mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang
maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya’y nakatira sa isang bahay ng amang-kumpil na si Don Ramon sa Maynila. Ang
mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin sa mahihirap at ang
pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging
anarkista.Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at
magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit
itinuro niya sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama, siya’y pinalayas at itinakwil bilang
anak. Nagbalik siya sa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga
seremonyas at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig.
Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa
pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa
karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalaki sa isang ale
(tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat
hindi kasing radikal nito.
Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay
dahan-dahang pag-akay sa mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa pamamagitan ng
gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.
Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si
Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina
Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang kapararakan
kung lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba pang pangunahing
pangangailangan sa buhay.Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin si Meni.
Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito
ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang
nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.
Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don
Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin. Sa amuki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin,
Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi
pinagmanahan.
Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-minsan, kung mahigpit ang
pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam
at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sa pangangailangan.
Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay
dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki
ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados
Unidos at Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas. Nakalimutan niya ang
pagwasak na nagawa niya sa karangalan ng maraming babae na kanyang kinasama;
ang tanging nagtanim sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil sa kagagawan ni
Meni.Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng
kanyang anak, susog sa mga kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol sa lahat
ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi lamang makatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng
pagbibinyag. Bilang anarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga pangunahing dumalo,
kumbidado’t hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nila Delfin,
salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikang nakasasagip sa gayong pangyayari.
Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang kablegrama na nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng
kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa New York. Nang idating sa daungan ang bangkay, sumalubong ang lahat ng
manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalanghindi pasasahurin sa
susunod na Sabado ang lahat ng hindi sasalubong. Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay
na malaon nang nawawala. Pagkataposmakapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang Kastilang kinansalaan niya sa maliit na
halaga, siya’y ipinagbili o ipinahingi sa isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante. Dahil dito, nakapagpalibot siya sa iba’t
ibang bansa sa Aprikaat Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba at California, at sa wakas ay namalagi sa New York. Doon
siya nakilala at naging kaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel na malapit sa bar na
kanyangpinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si DonRamon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang
kasamang utusan. Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia. Hanggang sa libingan ay dala-dala pa
ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng karangyaan ng pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. Sa
libingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng takipsilim sa pagpapalitan ng kuro-kuro at paniniwala. Naalaala ni Felipe ang
kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng kanyang ama. Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang
mga mamamayan habang namamalagi sa batas ang karapatan ng mgamagulang na magpamana ng yaman at kapangyarihan sa
mga anak. Nagunita nila ang laganap na kamangmangan at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya.Kakailanganin ang
mahaba at walang hanggang paghihimagsik laban sa mga kasamang umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang panahon.
Kailangang lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sa buong daigdig bago matamo ang
tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan nina Felipe at Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap
nito sa Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang
makamaralita ay kakaunti kung ipaparis sa napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan. Subalit matigas ang
paninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng pagdanak ng dugo.Sa kabila ng pagkakaibang ito ng
kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa pagsasabi, sa kanilang pag-alissa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t
palipasin ang dilim ng gabi."