The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by dyuangelobasco, 2024-01-19 00:51:11

Reading-Booklet-2021-Filipino

Reading-Booklet

i B I G K A S P A G B A S A BIGKAS PAGBASA Kontekstwalisadong Piling Basahin Filipino An initiative of Pagbilao National High School Filipino Department


ii BIGKAS PAGBASA: Kontextualisadong Piling Basahin—JHS A PNHS Language Department Initiative First Edition, Volume 1, 2021 Isinasaad sa Batas Republka 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ng pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mgma maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran. Development Team Writers: Jestone V. Pipit, Rommel G. Mercurio, Precious Nica de Lara, Arnold B. Quina, Janery U. Domantay, Virgilio M. Jaynar, Jr. Content Evaluator: Janery U. Domantay Language Evaluator: Virgilio M. Jaynar, Jr. Design and Layout Artist: Kalvin B. Tambiloc Illustrator: Shermaine Suerte P. Sambrano Consultant: Elmer C. Ravina


iii TABLE OF CONTENTS Page Si Parulay at ang Hugot sa Buhay ........................................................1 Pagsusuri ng Pang-unawa ..............................................................2 Bilaran: Ang Pinagmamalaking Sand Bar ng Pagbilao ........................3 Pagsusuri ng Pang-unawa .............................................................4 Puhon ....................................................................................................5 Pagsusuri ng Pang-unawa .............................................................6 Pananampalatayang Pilipino:Daan tungo sa Pagbabago .....................7 Pagsusuri ng Pang-unawa .............................................................8 Pagbabalik-sigla ng Pagbilao Mangrove Experimental Forest .............9 Pagsusuri ng Pang-unawa ............................................................10 Sining at Kulturang PagbilaoWin .......................................................11 Pagsusuri ng Pang-unawa ............................................................12 Key to Correction................................................................................13 Reference list.......................................................................................13


iv PANIMULA Ang BIGKAS Pagbasa o Brigada ang Ilaw sa Guro at Komunidad: Aalalay sa’yong pagbasa ay pinagsamang pagtutulungan ng mga guro sa Wika ng Pagbilao National High School na binuo bilang tugon sa Brigada Pagbasa at binigyang-diin sa Brigada Eskwela 2021. Ito ay taunang proyekto na may layuning maiangat ang kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral mula sa antas ng pagkabigo tungo sa instruksyonal. Mula rito, ang mga guro ay lumikha ng suplemental na materyal na magsisilbing kagamitan sa pagbasa upang mapaunlad ang pag-unawa ng mga piling mag-aaral. Ang proyektong Brigada Pagbasa ay isang programa sa pagbasa na humikayat ng mga boluntaryo at mga eksperto na siyang aalalay sa pagtulong sa mga mag-aaral upang magtamo ng kakayahan sa pagbasa. Sa pamamagitan ng kanilang pagtulong, maisasagawa ito nang maayos sapagkat sila ay inaasahang pamilyar na sa mga mag-aaral. Bago ipamahagi ang mga kagamitan sa pagbasa, magkakaroon ng mga pagsasanay ang mga taong magiging kabahagi nito upang maihanda ang bawat isa sa paggamit ng materyal. Ang unang edisyon ng BIGKAS Pagbasa ay isang kontekswalisadong kagamitan sa pagbasa na orihinal na isinulat ng mga guro sa Filipino ng Pagbilao National High School. Ang bawat seleksyon ay naglalaman ng limang tanong para sa pagtukoy ng komprehensyon na kinakailangang sagutan ng mag-aaral matapos ang sesyon sa pagbasa. Ang bawat seleksyon ay isinalin ng mga guro sa Ingles na matatagpuan sa ikalawang bahagi ng kagamitan at ito ay mayroong mga panibagong katanungan. Ginawa ito upang tiyakin ang lubos na pang-unawa ng mga mag-aaral dahil naging pamilyar na sila sa nilalaman ng seleksyon gamit ang wikang Filipino. Mga paalala sa paggamit ng module: 1. Ingatan ang module. Gagamitin pa ito ng ibang mag-aaral. 2. Gumamit ng hiwalay na sagutang papel. 3. Maging matapat sa pagsasagot ng mga gawain.


v MGA KONTEKSTWALISADONG PILING BABASAHIN


1 Si Parulay at ang Hugot sa Buhay ni Jestone V. Pipit Halos wala ng bata sa labas. Hindi dahil sa sinabi ni Kim Chiu na “bawal lumabas” kundi dahil sa mga makabagong teknolohiya. Nariyan ang mga cellphone, tablet, laptop at iba pa na bagong kinalilibangan ng mga bata. Bago pa man naharap ang bansa sa pandemya, madalang na ang mga batang naglalaro ng mga larong minana pa sa kanunununuan. Bihira na ang naglalaro ng teks, lastiko, tao-tauhan, pogs, jolens at turumpo na binili sa labas ng Central at sa kilalang Little SM. Iilan na lang din ang gumuguhit ng mga linya ng Piko at Pakbaro. Wala na ring gaanong tumatalon sa Chinese garter, TenTwenty, at Hamburger Stop. Kakaunti na lang din ang nadadapa dahil sa langit-lupa, Sili-sili maanghang, Tumbang Preso, Finish at Tsi-tsu. Hindi na rin gaanong masaksihan ang larong Sipa na ginamitan ng black magic na talagang lilipong sa itaas ng layo. Hayst! Kailan n’yo ba ulit naranasan ang pag-fall sa maling tao, este ng London Bridge kung saan ikaw ang fair lady at hindi first lady na kinalakihan? Kailan ba ulit kayo nagtaguan ng feelings, este nagtagu-taguan sa maliwanag na buwan? Kailan nga ba ulit masisilayan ang pagbuka ng bulaklak at ang Bilog-bilugan kung saan naroon si Palaka na walang kaawa-awa at higit sa lahat, mabuo pa kaya ang Bahay-bahayan na minsang kang naging nanay at tatay? Ilan ‘yan sa mga larong kinagiliwan ng mga batang pagbilawin noon. Ngunit sino nga ba si Parulay? Siya ang kinatatakutan ngunit inyong sinubukan. Siya ang minsan ninyong iniwasan ngunit patuloy na nagpaparamdam. Siya ang minsang n’yong nilampasan ngunit patuloy kang susundan. Siya si Parulay, ang tagapagbantay sa larong tubigan. Siya si Parulay, ang mga larong unti-unti n’yong kinakalimutan ngunit patuloy kang paaalalahanan dahil minsan sa buhay mo, tinuruan kang maging matapang para harapin ang mga pagsubok na dapat mong lampasan at pagdaanan. 300 salita


2 Pagsusuri ng Pang-unawa! Piliin at isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot. ______1. Anong larong pambata makikita si Parulay? a. Tumbang Preso b. Langit-Lupa c. Tubigan d. Tsi-tsu ______2. Anong larong pambata matatagpuan si Palaka na walang kaawaawa? a. Bubuka ang Bulaklak b. Bilog-bilugan c. Ten-twenty d. Bahay-bahayan ______3. Ano ang dahilan kung bakit bihira nang maglaro sa labas ang mga bata bago magkaroon ng pandemya? a. dahil nagkakapikunan b. dahil takot kay Parulay c. dahil pinapauwi agad ng nanay d. dahil sa mga makabagong teknolohiya ______4. Ano ang higit na pinagtuunan ng pansin ng may-akda? a. ang larong Tubigan b. ang mga makabagong laruan c. ang mga larong unti-unting kinakalimutan d. ang mga laruang binibili sa labas ng central at Little SM _____5. Anong pag-uugali ang ipinakikita sa akda na dapat taglayin ng isang batang pagbilawin? a. Paglimot sa mga larong pambata b. Pagiging malakas sa lahat ng laro c. Pagpapahalaga sa mga larong pambata d. Pagtangkilik sa makabagong teknolohiya


3 Bilaran: Ang Ipinagmamalaking Sand Bar ng Pagbilao ni Rommel G. Mercurio Ang Bilaran ay isang sand bar na matatagpuan mga siyam na kilometro sa malayong timog-silangan ng Pagbilao, Quezon sa Pagbilao Bay. Sa ingles, ang pangalan nito ay nangangahulugang: "Isang lugar kung saan tinutuyo ang mga bagay sa pamamagitan ng pagbibilad sa kanila sa araw". Maganda tulad ng sa mga larawan, sinasabi ng mga mangingisda na ang sand bar na ito ay mas mahaba, mas malawak, at mas kabighabighani. Nakalulungkot lang at pinagsamantalahan ng mga tao ang puting buhangin at kinubkob ang buhangin ng mga trak nitong mga nakaraang taon upang ibenta bilang pandekorasyon at mga materyales sa gusali. Kapag nagpunta ka malapit sa sand bar, higit sa dalawang kilometro, maaari mong makita ang malaking sakop ng puting buhangin at puting bedrock sa ilalim ng tubig. Talagang makikita mo ang kalawakan nito sa pagtingin sa mga imahe mula sa satellite o serbisyo na mayroon ang Google na Google Maps o ang Google Earth. Minsan ang makikita mo lamang ay mga bato at buhangin sa ilalim ng tubig. Ngunit, ito rin ay tiyak na isang coral reef. Ang Bilaran ay kilala rin bilang Panambo at Balugbog-Baboy (Batok ng Baboy). Ang Bilaran ay may kalmado at malinaw na tubig sa paligid nito. Maganda ring pagtunguhan sa ating mga biyahe kapag madadaan sa iba pang mga lugar sa Pagbilao Bay. Nag-aalok ang Bilaran ng maraming hindi nahaharaang pag-tanaw sa paligid tulad ng Mount Banahaw sa hilagangkanluran, Pagbilao Grande sa silangan at Marinduque sa timog-silangan. Sa pagdaloy ng buhay sa Bilaran, mas mainam kung mata mismo natin ang makasilay sa taglay nitong ganda. 258 salita


4 Pagsusuri ng Pang-unawa! Piliin at isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot. ______1. Ang Bilaran ay kilala rin bilang ____________. a. Patambo at Baluglog-Hipon b. Pagtabo at Banumbong-Aso c. Panambo at Balugbog-Baboy d. Patampo at Balungbog-Kabayo ______2. Ano ang kinukuha sa Bilaran ng mga nananamantala upang ibenta bilang dekorasyon at materyales para sa mga gusali? a. Pawikan b. Niyog c. Abaka d. Buhangin ______3. Ayon sa nabasa, ano ang serbisyo na maaaring gamitin upang makita ang lawak ng Bilaran? a. Google Maps o Google Earth b. Facebook o Messenger c. Spotify d. Google Play Store ______4. Ano ang mayroon sa Bilaran na nabanggit sa kuwento? a. Sand Bar b. Swimming Pool c. Museo De Bilaran d. Waterfall _____5. Saan matatagpuan ang Bilaran? a. Manila Bay b. Pagbilao Lake c. Pagbilao Bay d. Fort Santiago


5 Puhon ni Precious Nica de Lara Maagap akong bumabangon upang mag-jogging sa Brentwood. Gusto ko kasing salubungin ang pagsikat ng araw gayundin ang pagdampi ng init nito sa aking balat. Kasabay na rin ng aking pananalangin upang ipagpasalamat sa Diyos ang biyaya ng buhay at kaligtasan. Nakakatuwa ring mapagmasdan ang ilan ding kakilala na nagpapawis, nagpap-aaraw at nag-eehersisyo. Makikita mo na mula rito, sinisikap ng bawat isa na palakasin ang katawan upang makaiwas sa banta ng pandemya. Ngayong araw, matapos kong humigop ng mainit na kape, sinimulan ko na ang pagtakbo. Ngunit, tila ngayon sinasabayan ako ng hindi pamilyar na mukha. Ikinagulat ko din nang bahagya ang kanyang pakikipagusap sa akin. Sinabayan niya ako mula sa aking pagtakbo at paghinto. Hindi ko na namalayan na nakikipagpalitan na rin pala ako ng kwento at ngiti sa kanya. “Maari ba tayong mag-coffee sa Melting Brew?” nahihiyang sabi niya sa akin. “Naku, hindi ako interesado sa insurance,” pagbibiro ko sa kanya. Natawa naman ako sa kanyang reaksyon dahil napakamot na lamang siya sa ulo dahil sa aking sagot. Hanggang isang hapon, muli kaming nagkita sa Café Mate at ipinakilala niya ako sa kanyang mga kaibigan. “Kitakits na lang ulit sa Brentwwood?” sabi niya sa akin bago kami tuluyang maghiwalay. Muli, sinimulan ko ang aking araw sa pag-inom ng kape at tila mas masarap ito kaysa sa mga nakalipas na araw, hindi ko rin maipaliwanag. Sa ngayon, hindi na ako nag-iisa sa aking pagtakbo at pananalangin, kundi sabay na naming sinasalubong ang bagong pag-asa nang may ngiti sa aming mga labi dala ng panibagong umaga. 255 salita


6 Pagsusuri ng Pang-unawa! Panuto: Piliin at isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot. ______1. Saan madalas nag-eehersisyo ang pangunahing tauhan sa akda? a. Brentwood b. Alupaye c. Café Mate d. Melting Brew ______2. Saan muling nagkita ang dalawang tauhan sa akda? a. Brentwood b. Alupaye c. Café Mate d. Melting Brew ______3. Ano ang dahilan kung bakit hindi agad pumayag ang dalaga na sumama nang minsan itong niyaya ng binata? a. Hindi pa niya ito lubos na kakilala. b. Wala siyang pera para kumain sa labas. c. Kinakabahan siya na baka alukin lamang ng insurance. d. Natatakot dahil hindi mukhang katiwa-tiwala ang binata. ______4. Ano ang intensyon ng binata nang imbitahan niyang magkape ang dalaga? a. Nais niyang mangutang sa dalaga. b. Gusto niyang alukin ng insurance ang dalaga. c. Interesado siyang mas makilala pa ang dalaga. d. Wala sa nabanggit ______5. Alin sa sumusunod ang HINDI ipinabatid ng may-akda? Kahalagahan ng... a. pag-aalaga ng pag-eehersisyo b. pagdadasal bilang pasasalamat sa Diyos c. paghihintay sa taong nakalaan para sa iyo d. pagdududa sa mga taong hindi mo kakilala


7 Pananampalatayang Pilipino:Daan tungo sa Pagbabago ni Arnold B. Quina Iba’t ibang uri ng sekta o relihiyon na kinabibilangan ng bawat at tao ay may kanya-kanyang pamamaraan ng pagsamba subalit iisa ang pinaniniwalaang Diyos o Panginoon.Likas sa ating mga Fiipino ang pagiging madasalin o sumampalataya.Naniniwala tayo na sa pamamagitan ng pagdarasal o pagdalangin ay nakakaramdam ng tulong mula sa Diyos gayundin ang pagkakaroon ng mga biyayang dumarating sa ating buhay.Bilang isang mananampalataya, malaki ang nagiging bahagi ng ating pagdarasal sapagkat sa pamamagitan nito ay nakakatanggap tayo ng mga indulohensiya at natutulungan rin natin ang kapwa sa tulong ng ating pagdarasal. Wika ng isang manunulat, “A man without prayer is like a tree without roots.” Tunay, ang ating lakas ay nasa panalangin.Kaya naman buong tapang na nabanggit ng isang makata, “If you kneel before God you can stand up before anybody else.” Sa bawat gawain natin kinakailangang unahin ang paghingi ng gabay sa ating Panginoong Diyos upang anuman ang naisin at gawin natin sa araw-araw tayo ay kanyang pagpapalain.Nawa tayong lahat ay huwag manghinawa sa pananalangin.Patuloy nawa tayong lumapit sa Diyos at sa mga banal, idalangin ang ating mga kahilingan at hubugin ang ating mga puso sa banal na pakikipagugnayan. May kasabihan nga tayo “Madaling maging tao ngunit mahirap ang magpakatao.” Ito ay nangangahulugan na dapat ay maging totoo tayo sa ating sarili lalo’t higit ay sa ipinakikita mong pag-uugali sa iyong kapwa.Kung may pananampalataya ka sa Diyos hindi ka mahihirapang makisama sa iyong kapwa sapagkat taglay mo ang kanyang presensya at gabay.Hindi ka rin mahihirapang baguhin ang iyong sarili kung may malalim kang pananampalataya sapagkat alam mo na nasa tamang direksiyon ang buhay mo.Naniniwala tayong mga Filipino na ang daan sa pagbabago ng tao ay sa pamamagitan ng taimtim at malalim na pananampalataya sa ating Lumikha. 283 salita


8 Pagsusuri ng Pang-unawa! Piliin at isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot. ______1. Batay sa seleksyon, ang bawat tao ay may iba’t ibang sekta o relihiyon subalit iisa ang pinaniniwalaang ____________. a. Kasabihan b. Diyos/Panginoon c. Pamahiin d. Anito ______2. Sa pagdarasal ng tao, hindi lamang ang sarili ang natutulungan kundi maging ang kanyang ____________. a. Kapwa b. Simbahan c. Kaaway d. Lahat ng nabanggit ______3. Ayon sa seleksiyon, bago gumawa ang tao sa kanyang araw-araw na gawain.Ano ang dapat niyang uanahin? a. Makinig ng musika b. Manalangin sa Diyos c. Kumain ng almusal d. Ihanda ng sarili para sa pagpasok ______4. “Masaya ang buhay ng mag-anak dahil sila ay may pananampalataya sa Diyos.”Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? a. Pagtitiwala c. Pananalig b. Pagsisisi d. Pagtiwalag ______5. Sa kabuuan ng seleksiyon, ano ang binanggit tungkol sa pagbabago ng tao? a. Pagsamba c. Pag-aayuno b. Pananampalataya d. Wala sa nabanggit


9 Pagbabalik-sigla ng Pagbilao Mangrove Experimental Forest ni Janery U. Domantay Ang Pagbilao Mangrove Experimental Forest ay isa sa mga pinapa-ngalagaang kagubatang bakawan sa Pilipinas na matatagpuan sa Pagbilao, Quezon. Ang lugar na ito ay nagsisilbing tahanan ng iba’t ibang mga puno ng bakhaw, na mas kilalang lokal bilang bakawan. Isang kagubatan na nagpapakita ng tagumpay dulot ng pagsisikap. Bago pa man ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ito ay paboritong puntahan ng mga taong nagtitipon ng bakawan, isang magandang materyal sa paggawa ng uling. Noong 1975, ang 145 hektarya ay ipinahayag bilang Pagbilao Mangrove Experimental Forest sa pamamagitan ng Bureau of Forest Development (BFD) Administrative Order No.7 (s.1975). Dinarayo ito ng mga mag-aaral mula sa mga prestihiyosong unibersidad upang pag-aralan ang nasabing kagubatan. Ngunit dahil ang pagpopondo ng gobyerno ay hindi sapat para masuportahan ang kayamanang ito, dumating ang pribadong sektor tulad ng Mirant Philippines at sumali sa pagsisikap na mapaganda ang lugar. Sila ang naglunsad ng proyektong "Carbon Sink Initiative." Ang programa ay may layunin para sa rehabilitasyon ng kagubatan upang makatulong sa “absorb pollutants” sa hangin tulad ng “carbon.” Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), mayroon itong pinakamalaking koleksiyon ng mga puno ng bakhaw sa Pilipinas. Sa mga nagdaang taon, ang mga pagpapaunlad ay nagawa upang mapaunlakan ang mas lumalaking bilang ng mga dumarayo rito. Ang sikat na nakabiting tulay na dating gawa sa kawayan at lumitaw na isang pagsubok para sa mga bisita ay napalitan na ng isang mas matatag na tulay na gawa sa kahoy. Kung nais mo naman na makita lahat ang kamangha-manghang tanawin ng mga puno ng bakawan at kung saan sila lumalaki, may ipinatayong deck na makikita ang buong lugar sa itaas na bahagi. Ang Pagbilao Mangrove Experimental Forest ay nangunguna sa bansa at pa-ngalawa sa Asya pagdating sa paglilinang ng bakawan. 289 salita


10 Pagsusuri ng Pang-unawa! Piliin at isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot. ______1. Ano ang mga nakatanim sa Pagbilao Mangrove Experimental Forest? a. Narra b. Bakhaw c. Acacia d. Mangga ______2. Paano kaya ipinapakita ang pagpapahalaga sa lugar na ito? a. paghingi ng tulong sa gobyerno. b. pangunguha ng mga bakawan dito. c. pagbabawal na puntahan ng mga bisita. d. nagbubukas ng mga programa na makatutulong sa lugar. ______3. Ano ang kahulugan ng pangungusap na “Ang Pagbilao Mangrove Experimental Forest ay nangunguna sa bansa at pangalawa sa Asya pagdating sa paglilinang ng bakawan.”? a. Mahusay ang bayan ng Pagbilao. b. Kilala ang lugar sa bansa at maging sa Asya. c. Nagtutulungan ang mamamayan ng Pagbilao. d. Tagumpay ang mga tumulong sa kagubatang ito. ______4. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon? a. Mang-inggit ng kalapit-bayan. b. Pagtutulungan ng tao at gobyerno. c. Ipakita ang nagawa ng powerplant sa lugar. d. Ipagmalaki at maging inspirasyon ang kagubatan na bunga ng pagsusumikap. ______5. Ano ang ginamit ng may-akda upang ipaabot ang mensahe nito? a. Nagbigay ng halimbawa b. Nakasaad ang suliranin ng paksa. c. Binanggit ang pinagmulan ng paksa. d. Tinalakay ang sanhi at bunga ng paksa.


11 Sining at Kulturang Pagbilaowin ni Virgilio M. Jaynar, Jr. Tumatakbo ang oras, lumilipas ang panahon, nagbabago ang hugis ng paligid na tila sumasabay sa modernong kasanayan ng lipunang ginagalawan. Nagkakaroon man ng pagbabago ngunit nararapat na tanawin ang kinagisnang gawi, tradisyon at kultura na pinagmulan ng isang bayan upang huwag malimutan at mawalan ng pagpapahalaga ang nakagawiang natatanging pamana ng ating mga ninuno. Ang bayan ng Pagbilao ay binubuo ng 27 Barangay at ang bawat isa nito ay may kanya-kanyang kinagisnang alamat na dito nagmula ang pagkakakilanlan nito. Ang Papag at Bilao ang naging simbolo ng pagkakakilala sa bayan ng mananalo, ang bayan ng Pagbilao. Malayo na ang narating ng ating bayan sa bahaging pagpapalakas sa Industriya, Ekonomiya at higit sa lahat ay ang Kulturang patuloy na pinagyayaman at iniingatan. Mula sa paglalala ng bilao at paggawa ng Papag, ang bayan ng Pagbilao ay kinilala sa kakayahang pansining sapagkat, ang pagiging malikhain ng mga mamamayan nito ang isa sa nagpakilala sa taunang Pestibal na ipinagdiriwang sa bayang ito. Ang Papag at Bilao Pestibal at Tahanang Papag at Bilao Pestibal ang naging saksi na malayo na ang narating ng Pagbilao sa kasalukuyang kultura ng Pagbilaowin. Ipinagdiriwang ang taunang Papag at Bilao Pestibal tuwing buwan ng Agosto kaalinsabay ang pagdiriwang ng pagkakatatag sa bayan ng Pagbilao. Ang mga pag-indak na may saliw na tugtugin ang nagiging bahagi ng lakas ng kasiyahan. Iba’t ibang patimpalak ang maaaring makita sa taunang pestibal ng bayan ng Pagbilao tulad ng “Street Dancing,” patimpalak sa paglikha ng karosa na nagpapakita ng kulturang Pagbilaowin gamit ang iba’t ibang kagamitan tulad ng Bilao, Papag, at sakay nito ang mga maririkit na binibini na suot ang mga malikhaing kasuotan na desenyo ng mga PagbilaoWin. Ang Pestibal na Tahanang Papag at Bilao ay isinasagawa tuwing buwan ng Nobyembre, kaalinsunod ng kapistahan ng Parokya ni Sta. Catalina ng Alexandria. Ang paglalagay ng mga palamuti tulad ng makukulay na ilaw sa bawat tahanan na makikita sa bawat piling mga kalye ng kabayanan ay tunay na nagpapakilala na ang bawat mamamayan sa bayang ito ay yakap ang kultura ng sining ng kahapon at nasa puso at isip ang pagpapahalaga sa naiwang pamana ng mga ninunong Pagbilaowin. 365 salita


12 Pagsusuri ng Pang-unawa! Piliin at isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot. ______1. Saan nagmula ang pangalan ng Bayan ng Pagbilao? a. papag at bilao b. bilao c. papag d. pagbilaowin ______2. Alin sa mga sumusunod ang taunang pestibal na ipinagdiriwang ng bayan ng Pagbilao? a. tahanang papag b. Tahanang Papag at Bilao Pestibal c. Manika Pestibal D. Candle Pestibal ______3. Bakit mahalaga na malaman ang kultura at tradisyon ng isang bayan? a. upang maging matatag ang isang bayan b. upang magkaroon ng pagkakaisa ang mamamayan c. upang lumakas ang industriya, ekonomiya, at kultura d. wala sa mga nabanggit ______4. Ano ang iyong gustong balikan sa kultura ng Pagbilaowin? a. magagandang tanawin nito b. masasayang pestibal at sining c. mapagmahal at masayahing mamamayan nito d. lahat ng mga nabanggit ______5. Kailan ipinagdiriwang ng bayan ng Pagbilao ang taunang Papag at Bilao Pestibal> a. buwan ng Mayo b. buwan ng Agosoto c. buwan ng Nobyembre d. buwan ng Setyembre


13 K ey to Co r r ec t ion References: Pagbilao Mangrove Forest (n.d.) Retrieved from https://waypoints.ph/ detail_gen_wpt_pagmef.html Malabrigo, P.L. Jr., et al. (2017) Mangrove Forest Inventory and Estimation of Carbon Storage and Sedimentation in Pagbilao retrieved from: https:// www.wavespartnership.org/sites/waves/files/kc/Tech%20Report_Mangrove% 20Forest%20Inventory%20and%20Estimation%20of%20Carbon%20Storage% 20and%20Sedimentation%20in%20Pagbilao.pdf Si Parulay at ang Hugot sa Buhay 1. c 2. b 3. d 4. d 5. c Bilaran: Ang Pinagmamalaking Sand Bar ng Pagbilao 1. c 2. d 3. a 4. a 5. c Puhon 1. a 2. c 3. a 4. c 5. d Pananampalatayang Pilipino: Daan tungo sa Pagbabago 1. b 2. a 3. b 4. c 5. b sigla ng Pag- - Pagbabalik bilao Mangrove Experimental Forest 1. b 2. d 3. b 4. d 5. d Sining at Kulturang Pagbilaowin 1. a 2. b 3. d 4. d 5. c


For inquiries or feedback, please write or call: Pagbilao National High School Address: Brgy. Mapagong, Pagbilao, Quezon Landline: (042) 788-4604 E-mail: [email protected] Link: https://forms.gle/Y7rAZyEZ3B2s5PiE7 PAGBILAO NATIONAL HIGH SCHOOL A venue for meaningful learning


Click to View FlipBook Version