The Blaze ALAB XI: Agnas
Sabi nila, mas madaling bihisan ang pangit na reyalidad bago ito ibahagi sa mundo. Na mas mabuting salain at piliin ang kwentong lalabas, kaysa hubad itong ipakita sa mga tao--para mabigay sa kanila ang purong perpekto.
Pero hanggang kailan natin gagawin iyon? Hanggang kailan tayo magtatago? Wala pang sikreto ang hindi naibubunyag; ang mga pangit, sakit, at naturingang dungis na pilit nating ibinaon ay siya ring aahon.
Hindi magtatagal, mapipilitan rin tayong tanggapin ang dilim ng katotohanang mayroon.
Ang mga kasiyahang ibinulong sa paraang pasikreto
Ang pagdurusang inilibing na parang kabaong
At ang mga galit sa imahe ng 'di matiis at mapigilang baho.
Hindi matagal bago malaman ng lahat ang buong kwento, at matanggap natin na iyon ang totoo. Dahil ating makikita, mararamdaman, at maaamoy ang bagsik nito...na para bang isang bangkay na hindi na kaya pang itago.
-
Follow
-
0
-
Embed
-
Share
-
Upload