The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by socialmedia, 2020-08-17 01:41:24

Bakit Makulit? Part 1

Bakit Makulit? Part 1

Bakit Makulit?

Bakit paulit-ulit ang paalaala na
maghugas ng kamay ng madalas at ng mabuti

gamit ang sabon at tubig

Gawa ni Ma. Cristina D. Padolina
sa panahon ng

Enhanced Community Quarantine
dahil sa lumalaganap na Covid-19.
Katulong sina Dr. Teresa R. Perez at Ms. Joyce G. Jotic

April 2020

CDC ng Amerika

Ang KUKULIT! NHS ng UK

DOH ng Pilipinas

Lahat nagpapaalala!
• Maghugas ng kamay gamit ang

sabon at tubig.
• Maghugas ng mabuti, 20

segundo.

Bakit sila MAKULIT?

• Bakit kailangan ng sabon at tubig?
• Bakit kailangan kuskusin ng

mabuti at matagal ang kamay?

Para maintindihan natin kung bakit sila
makulit, alamin natin
• ang katangian ng virus na sanhi ng

Covid-19 at
• ang katangian ng sabon at tubig

Magkaliwanagan muna tayo:

*Coronavirus Disease
**Severe Acute Respiratory Syndrome Coronavirus 2

Ano ba ang itsura ng SARS-CoV-2?

• Ang mga coronavirus ay bilog na
parang bola.

• Mayroon silang mga “spikes” na
nakapalibot sa bola kaya parang
korona ang itsura nila. At diyan
nagmula ang kanilang pangalan na
“coronavirus.”

Ito ang imahe na kuha ng
“transmission electron
microscope” ng virus na galing
sa isang pasyente sa Amerika.

https://www.nih.gov/news-events/nih-research-matters/novel-coronavirus-structure-reveals-
targets-vaccines-treatments

Ano naman ang bumabalot sa bola ng
coronavirus at ano ang nasa loob ng bola?

Ang coronavirus ay may
balot (Envelope) na kung
saan nakapaloob and mga
sangkap (S, M, E, HE) na
ginagamit ng virus para
makapasok sa cells ng tao.
Sa loob ng balot ay ang
RNA, ang genetic material
na lukob ng nucleocapsid
(N).

https://www.andreasastier.com/blog/the-2019-
novel-coronavirus-everything-you-need-to-know-
and-how-to-protect-yourself

Paano nakakapasok ang coronavirus sa ating katawan
na nagreresulta ng sakit na Covid?

Gawa yan ng SPIKE.
Ang spike ang susi para makapasok
ang virus sa mga cells ng tao.
Kumakabit ang spike sa isang receptor
sa balat ng cells ng bunganga o ilong o
pati na rin ng mata ng tao.

https://www.nytimes.com/interactive/2020/0 Sabi ni Liang Tao, mananaliksik sa Westlake
3/11/science/how-coronavirus-hijacks-your- University, “Kung iisipin mo na ang katawan
cells.html?action=click&module=RelatedLinks ng tao ay isang bahay at ang SARS-CoV-2 ay
&pgtype=Article isang magnanakaw, yung receptor ang
doorknob ng pinto at ang spike ang susi na
ginagamit ng virus para siya makapasok sa
katawan ng tao.”

https://www.livescience.com/how-coronavirus-
infects-cells.html

Ano ang ginagawa ng spike para makapasok
ang virus sa loob ng cell ng tao?

Pagkabit ng spike ng
coronavirus sa receptor ng cell
ng tao, nagdidikit at nagsasama
ang balot ng virus at ang balot
ng cell at sa ganito pumapasok
ang genetic material ng virus
sa cell.

http://jtd.amegroups.com/article/
view/1209/html

Ano ang nangyayari pag nakapasok na
ang virus sa cell?

• Kapag nakapasok (2) na ang virus
sa cell ng tao, ang virus ang
nagiging tagapag-utos o
commander ng cell.

• Ginagamit niya ang mga parte ng
pinasok niyang cell para gumawa
ng kopya (3) ng genome ng virus
at iba pang parte ng virus gaya ng
viral proteins.

https://www.khanacademy.org/science/high- • Magbubuo (4) ng mga ‘anak’ na
school-biology/hs-human-body-systems/hs-the- virus.
immune-system/a/intro-to-viruses
• Makakawala (5) ang mga ’anak’
na virus.

Ano ang mangyayari sa napakawalang virus?

Ang mga napakawalang virus ay:

• papasok sa iba pang cell ng tao
para lumala lalo ang infection
o, puede rin na
• mapapasama sa droplets na lalabas
sa pag-ubo o sa pag-bahin o sa
ordinaryong pagsasalita ng taong
may tama na ng virus.

Paano makakatulong ang paghuhugas ng kamay gamit
ang sabon at tubig para maputol ang pagsalakay ng
virus sa cells ng tao?

Bakit makulit ang mga
ahensiya ng kalusugan ng
lahat ng bansa na maghugas
ng madalas?

https://virologydownunder.com/flight-of-the-aerosol/

Kapag nagsalita, umubo o bumahin ang isang tao na may
impeksyon, maraming lumalabas sa ilong o bibig na mga droplets na
taglay ang virus. Ang malalaki na droplets, maaring mahulog sa mga
nakapaligid na bagay at ang iba ay maaring madala ng hangin at
mahinga ng tao na malapit.

Matibay ba ang coronavirus na dadapo sa iba’t ibang
bagay?

https://www.gavi.org/vaccineswork/what-not-touch-how-avoid-contact-new-coronavirus

Sa pag-aaral ng mga dalubhasa sa Amerika – sa CDC, UCLA,
National Institutes of Health at Princeton University - ang
coronavirus ay matibay at tatagal ng ilang oras hanggang sa
ilang sa araw sa iba’t ibang materyal.

Kapag humawak ka sa contaminadong bagay at
tapos humawak ka sa iyong mukha, maaring
mapunta ang virus sa iyong ilong, bunganga o
mata.

Kaya dapat lang na MAKULIT!!!
Maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig!

Ano ba ang nagagawa ng sabon? At ng tubig?
Balikan natin ang nakita natin kanina na katangian ng
SARS-CoV-2

Ang balot (Envelope) ng virus ay
isang lipid bilayer.

Dito sa lipid bilayer nakatanim
ang susi na ginagamit ng virus
para makapasok sa cell ng tao.

Ang lipids ay isang klase ng
biomolecule. Ang karaniwan na
halimbawa na lipids ay ang
langis at taba.

Ang lipid bilayer (Envelope) ang target ng
sabon o detergent.
• Bakit?
• Paano?
• Ano ang katangian ng sabon o

detergent?

Maraming sangkap ang sabon o detergent. Ang importanteng
sangkap na nakakapalinis ay ang tinatawag na surfactant. Ang
struktura ng surfactant ay parang butete- may ulo at buntot.

Tail: lipophilic
Buntot: gusto ang lipids

Head: Hydrophilic
Ulo: gusto ang tubig

Ano ang mangyayari kapag nagkita ang sabon at ang
coronavirus?

Ang buntot ng sabon na lipophilic o
gusto ang lipids ay kakabit sa lipid
bilayer ng coronavirus.
Masisira and lipid bilayer.

Paliligiran ng sabon ang mga parte
ng virus na nakakabit sa lipid bilayer

https://www.nytimes.com/2020/03/13/health/soap-
coronavirus-handwashing-
germs.html?action=click&module=RelatedLinks&pgt
ype=Article

• Kinukulong ng sabon ang mga parte ng
lipid bilayer.

• Ang nakalabas na parte ng sabon ay ang
mga ulo.

• Ang ulo ay hydrophilic o gusto ang
tubig.

Magkatuwang ang sabon at tubig Sasama sa tubig na pangbanlaw
sa pagpuksa sa coronavirus. ang mga parte ng virus na
Sisirain ng sabon ang virus, napaligiran ng sabon.
papaligiran ng sabon ang mga
sira-sirang parte ng virus at
maaanod sa tubig ang mga ito.

Kailangan hugasan and kamay ng
mabuting-mabuti:
• kuskusin ang palad
• kuskusin ang likod ng kamay
• kuskusin ang bawat daliri pati

na ang mga pagitan nito
• kuskusin ang mga kuko

Bakit kailangan kuskusin ng mabuti ang lahat
ng parte ng kamay habang nagsasabon?

Ang virus ay napakaliit –
puedeng-puede sumingit sa
mga kulubot ng kamay at sa
ilalim ng mga kuko.

Kaya sila MAKULIT!

Lahat nagpapaalala!
• Maghugas ng kamay

gamit ang sabon at
tubig.
• Kuskusin ang lahat ng
parte ng kamay.

Huwag kayong magalit
Sa mga makukulit.
Sila ay paulit-ulit,
Huwag lang kayo magkasakit.

Listen to advice and accept discipline,
and at the end

you will be counted among the wise.

Proverbs 19:20

Sagutan ang mga tanong sa susunod na pahina.

Mga tanong:

1. Ano ang pangalan ng virus na nagbibigay ng sakit na Covid-19?
2. Anong parte ng virus ang nagbibigay sa kanya ng pangalan na

coronavirus?
3. Ano ang sinasabing susi na ginagamit ng virus para makapasok

sa cell ng tao?
4. Ang virus ba ay nanganganak ng mag-isa?
5. Ano ang nangyayari sa virus kapag napasama siya sa sabon?

Anong parte ng virus ang inaatake ng sabon?
6. Ano ang nagagawa ng tubig sa paghuhugas ng kamay?
7. Bakit kailangan kuskusin ng mabuti ang kamay sa paghuhugas?
8. Puede din bang gumamit ng alcohol o gel na may alcohol para

mawala ang virus sa kamay? Mas mabuti ba gumamit ng
alcohol kaysa maghugas gamit and sabon at tubig? (Magbasa
para masagot ito.)


Click to View FlipBook Version