The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.

music3_q3_mod5_pagawaitgamitangibatibangdynamics

Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by Anthony De Domingo, 2023-10-18 11:01:25

music3_q3_mod5_pagawaitgamitangibatibangdynamics

music3_q3_mod5_pagawaitgamitangibatibangdynamics

Music Ikatlong Markahan – Modyul 5: Pag-awit Gamit ang Iba’t Ibang Dynamics 3


Music – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 5: Pag-awit Gamit ang Iba’t Ibang Dynamics Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: [email protected] * [email protected] Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Gina D. Gumilan Editor: Reynaldo C. Deocampo Tagasuri: Marivic O. Arro, Emma T. Esteban, Mark Fil L. Tagsip Tagaguhit: Edgin Rose D. Gumilan Tagalapat: Djhoane C. Aguilar, Ericka Jean D. Gumilan, Maria Frances Joy J. Maambong Tagapamahala: Allan G. Farnazo Reynante A. Solitario Mary Jeanne B. Aldeguer Janwario E. Yamota Analiza C. Almazan Djhoane C. Aguilar Ma. Cielo D. Estrada Maria Perpetua Angelita G. Suelto Jeselyn B. dela Cuesta Reynaldo C. Deocampo


3 Music Ikatlong Markahan – Modyul 5: Pag-awit Gamit ang Iba’t Ibang Dynamics


ii Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanikanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pagunawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.


1 Sa araling ito, matutuhan mo ang pag-awit sa awitin at pagbigkas ng tula at chant gamit ang iba’t ibang dynamics (MU3DY-IIIf-h-6). Ito ay ang tumutukoy sa tatlong uri ng tunog. Ito ay ang: 1. Malakas; 2. Katamtamang lakas; at 3. Mahina Upang matutuhan nang lubusan ang araling ito, mayroong mga kaukulang gawain ang iyong gagawin at sasagutin. Mayroong mga panuto na iyong susundin upang magabayan ka sa pagkatuto. Matapos mong matutuhan ito, ikaw ay inaasahang: natutukoy ang iba’t ibang dynamics sa awitin; nagagamit ang iba’t ibang dynamics sa awitin, tula, chants, drama, at mga kuwentong pangmusika; napahahalagahan ang paggamit ng dynamics sa musika. Alamin


2 Kantahin ang awiting “Ang Maliit na Gagamba” nang tatlong ulit gamit ang iba’t ibang “dynamics. Sundin ang patnubay sa ibaba: Kulay berde – Kantahin nang mahina Kulay asul – Kantahin nang katamtaman Kulay pula – Kantahin nang malakas Subukin “Ang Maliit na Gagamba” Ang maliit na gagamba Umakyat sa sanga. Dumating ang ulan Naanod siya Sumikat ang araw Natuyo ang lupa. Ang maliit na gagamba Bumalik sa sanga.


3 Kumpletuhin ang tsart. Lagyan ng tsek (/) ang hanay na naaangkop sa iyong pag-awit. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Kakayahan Pinakamagaling Mas magaling Magaling Nakikilala ang ipinahiwatig ng kulay berde, asul, at pula Naaawit nang mahina ang linyang mayroong kulay berde Naaawit nang katamtaman ang linyang mayroong kulay asul Naaawit nang malakas ang linyang mayroong kulay pula Naaawit ang awitin nang mayroong wastong dynamics


4 Aralin 1 Pag-awit Gamit ang Iba’t Ibang Dynamics Tingnan ang mga hayop sa ibaba. Tukuyin ang lakas ng tunog ng bawat isa. Isulat ang mahina, katamtaman, at malakas. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Balikan


5 Sa mga awiting iyong narinig, iyong napansin ang malakas at paghina ng tugtugin o maging ang boses ng umaawit. Ito ay tinatawag na dynamics. Ang dynamics ay tumutukoy sa paghina at paglakas ng tugtugin o boses. Subukan mong kantahin ang awiting “Row, Row Your Boat”. Gayahin ang lakas ng tunog ng hayop na nasa tabi ng bawat linya. Maaring mahina, katamtaman, at malakas ang pag-awit nito. Tuklasin “Row, Row Your Boat” Row, row, row your boat Gently down the stream Merrily, merrily, merrily Life is but a dream.


6 Sagutin ang mga tanong sa ibaba batay sa awiting “Row, Row Your Boat”. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Ilang uri ng tunog ang inilarawan sa pamamagitan ng mga hayop? a. 2 b. 3 c. 4 2. Paano kantahin ang linya na mayroong larawan ng bubuyog? a. mahina b. malakas c. katamtaman 3. Paano kantahin ang linya na mayroong larawan ng pusa? a. mahina b. malakas c. katamtaman 4. Paano kantahin ang linya na mayroong larawan ng aso? a. mahina b. malakas c. katamtaman 5. Ano ang tawag sa pagbabago ng lakas ng tunog sa awitin? a. dynamics b. liriko c. boses Ngayon, pag-aralan mo at intindihin ang mga bagay na makatutulong sa lubusang pag-unawa sa leksyon. Ang dynamics ay isa sa mga mahahalagang sangkap ng musika na tumutukoy sa paghina at paglakas ng tunog o boses. Sa pamamagitan nito maipahayag natin ang ating damdamin sa pag-awit at maging ito ay nagbibigaybuhay sa isang awit, tula, chant, drama, o kuwentong pangmusika. Ang dynamics ay maipahayag at maihalintulad sa tunog ng mga hayop, gaya ng: Bubuyog na may mahinang tunog; Pusa na may katamtamang lakas na tunog; at Aso na may malakas na tunog. Suriin


7 Gawain 1 Subuking bigkasin ang tula sa tatlong dynamics: mahina, katamtaman, at malakas na boses. Sagutan ang checklist. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Pagyamanin Kakayahan Oo Hindi Naaawit ang linya ng awitin na mayroong malakas na dynamics Naaawit ang linya ng awitin na mayroong katamtamang dynamics Naaawit ang linya ng awitin na mayroong mahinang dynamics “Creations” Fely Aragon Batiloy (Malakas) God made the heavens (Mahina) God made the earth (Katamtaman) And God made man (Malakas) To rule over the land. (Mahina) Beautiful flowers (Malakas) Sun so bright (Katamtaman) Moon and stars (Mahina) To shine at night. (Malakas) Green grass grow (Katamtaman) Wherever you go (Mahina) Trees and birds (Mahina) Sing high and low


8 Gawain 2 Tingnan ang makabayang awitin na “Ako ay May Lobo”. Ang mga linya ng awitin na nasa kulay berde ay kakantahin nang mahina, ang nasa kulay asul ay kakantahin nang katamtaman, at ang nasa kulay pula naman ay kakantahin nang malakas. Sagutan ang checklist. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Kakayahan Oo Hindi Naaawit nang mahina ang linya ng awitin na mayroong kulay berde Naaawit nang katamtaman ang linya ng awitin na mayroong kulay asul Naaawit nang malakas ang linya ng awitin na mayroong kulay pula “Ako ay May Lobo” Ako ay may lobo Lumipad sa langit Di ko na Makita Pumutok na pala. Sayang ang pera ko Binili ng lobo Sa pagkain sana Nabusog pa ako.


9 Gawain 3 Bigkasin ang chant na “Mang Kiko” na may tatlong dynamics: mahina, katamtaman, at malakas na boses. Sabayan ito ng pagpalakpak ng kamay. “Mang Kiko” Sagutan ang checklist. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Kakayahan Oo Hindi Naaawit ang linya ng awitin na mayroong malakas na dynamics Naaawit ang linya ng awitin na mayroong katamtamang dynamics Naaawit ang linya ng awitin na mayroong mahinang dynamics


10 Tandaan: Ang dynamics ay isa sa mga mahahalagang sangkap sa musika. Ito ay tumutukoy sa paghina at paglakas ng tunog o boses. Ito ay inilalarawan bilang mahina, katamtaman, at malakas na tunog o boses sa musika. Mahahalintulad ito sa mga boses o tunog na maririnig sa tao, kagamitan, hayop, at instrumentong pangmusika. Nagbibigay laya ang dynamics sa pagpapahayag ng damdamin. Ito ay nagpapaganda sa awit, tula, chant, drama, o mga kuwentong pangmusika. Isaisip


11 Bigyan ng sariling dynamics ang bawat linya ng awiting “Happy Birthday”. Isulat ang Mahina, Katamtaman, at Malakas sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. “Happy Birthday” Ngayon, kantahin naman ang awitin sa salin ng wikang Filipino. Lagyan rin ito ng dynamics. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. “Maligayang Bati” Isagawa


12 Subukang bigkasin ang chant na “Araw at Buwan”. Sundin ang patnubay sa ibaba bilang gabay mo sa pagbigkas nito. Ang chant na ito ay nasa dalawang dynamics lamang: malakas at mahina. Malakas Mahina Sagutan ang checklist. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Kakayahan Oo Hindi Nabibigkas nang mahina ang linya ng chant na mayroong larawan ng bubuyog Nabibigkas nang malakas ang linya ng chant na mayroong larawan ng aso


13 Kantahin ang awiting “Twinkle, Twinkle Little Star”. Sundin ang larawang gabay na nasa gawing kaliwa. “Twinkle, Twinkle, Little Star” Tayahin


14 Kumpletuhin ang tsart. Lagyan ng tsek (/) ang hanay na naaangkop sa iyong pag-awit. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Kakayahan Pinakamagaling Mas magaling Magaling Nakikilala ang ipinahiwatig ng mga larawan Naaawit nang mahina ang linyang may larawan ng bubuyog Naaawit nang katamtaman ang linyang may larawan ng pusa Naaawit nang malakas ang linyang may larawan ng kalabaw Naaawit ang awitin nang may wastong dynamics


15 Kilalanin ang uri ng tunog ng mga hayop at instrumentong pangmusika sa ibaba. Isulat ang mahina, katamtaman, o malakas sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.


16 Subukin Balikan Malakas Katamtaman Mahina Mahina Malakas Susi sa Pagwawasto Tuklasin b 1. a 2. c 3. b 4. a 5.


17 Pagyamanin Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3 Isagawa Ang sagot ay maaring magkaiba. Tayahin Karagdagang Gawain Malakas 1. Katamtaman 2. Katamtaman 3. Malakas 4. Mahina 5.


18 Sanggunian Amelia M. Ilagan et. al., Music, Art, Physical Education and Health – Ikatlong Baitang Kagamitan ng Mag-aaral sa Tagalog First Edition Pasig City: Rex Book Store Inc., 2014, 81-83. Amelia M. Ilagan et. al., Music, Art, Physical Education and Health – Grade 3 Teacher’s Guide, First Edition Pasig City: Rex Book Store Inc., 2014, 124-128.


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]


Click to View FlipBook Version