L i w a n a g s a D i l i m n g K a s a y s a y a n : A n g B u h a y a t m g a A r a l n i J o s e R i z a l n i F i o n a C a t h l e e n F a y e N . N a n t e s
Si Rizal, bayaning sumiklab sa dilim ng kaguluhan, Sa kanyang buhay, damang-dama ang hamon, Sa panahong iyon, bansa'y nasa pagmamay-ari, Ng mga Kastila na naghahari-harian. Kasama ang mga kaibigang Ilustrado, Tulad nina Del Pilar, Ponce, at Luna, Itinatag nila ang La Solidaridad, Bilang pahayagan ng mga Pilipinong may pangarap.
Sa pahayagang ito, kanilang ipinakita, Ang kanilang mga kaisipan at adhikain, Ang pagtutol sa pang-aapi at korupsyon, At ang pag-asa sa magandang transpormasyon. Mga akda ni Rizal, inilathala sa pahayagan, Tulad ng "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo," Nagbigay liwanag sa diwa ng bayan, At nagpalakas ng loob ng mga kababayan.
Sa kanyang pag-aalala sa bayan, Si Rizal ay sumali sa kilusang mapayapa, Hindi lamang sa pamamagitan ng salita, Kundi pati na rin sa pagkilos at gawa. Subalit, sa kabila ng kanilang pagsisikap, Ang mga Kastila ay patuloy sa pang-aapi, Nagpatuloy ang paglalabang handa siyang ipagpatuloy, Para sa kalayaang inaasam ng bawat isa.
Hindi lamang si Rizal, kundi ang mga Ilustrado, At ang buong sambayanan, nagkaisa sa kilusan, Para sa kalayaan at pagbabago ng bayan, Na isinulong sa harap ng mga hamon. Sa dulo, ang mga sakripisyo at pagaalay ng buhay, Ni Rizal at ng mga bayani sa kasaysayan, Ay nagbukas ng pinto ng kalayaan, At nagtulak sa bansa tungo sa mas maaliwalas na bukas.