Su ISANG m P m AGTANAW S i A i NA n S n YONALIS s M s ONG P a IL a IPINO y
Layunin ng Suminsay...........................................................................................................3 Pilipinas: Isang Eksple-Nasyon.........................................................................................4 Bata! Paano nga ba naging Makabayan angiyong panata?........................................6 Mga Hamon sa Nasyonalismo: Paano Sila Malalampasan..........................................8 Pagmamahal sa Bayan: Ang konsepto ng Nasyon at Nasyonalismosa Paningin ni Rizal...........10 Andres Bonifacio: Tanglaw ng Nakaraan........................................................................12 Bakit Trendingang GOMBURZA?....................................................................................14 Pagsasabuhay ng Nasyonalismo: Paggunita, Pagkilala,at Pagkilos.......................16 Perlas ng Silangan, nasaan?..............................................................................................18 Karapatan mo, Nasyonalismo...........................................................................................20 Espanyol ng Kontemporaryang Panahon.......................................................................22 Itigilang Cha-Cha, Piliin ang Pilipinas.........................................................................24 Pangangalagasa Sariling Pagkakakilanlan...................................................................26 Pangwakas na Salita...........................................................................................................28 Kilalanin and mga Editor....................................................................................................29 Talaan ng Nilalaman
Layunin ng magasin na SUMINSAY na maitaguyod ang nasyonalismong Pilipino, at mahikayat ang mga mambabasa nito, lalo na ang mga kabataan, na maisabuhay ang mga ideya ng nasyonalismo sa araw-araw na pakikisalamuha sa kapwa at sa masiglang pakikilahok sa mga usapin tungkol sa mga isyu ng bansa. Naglalaman ang magasin ng mga artikulo na magbibigay ng dagdag kaalaman tungkol sa nasyonalismo at sa mga ideya at paksa na may kaugnayan dito. Mababasa kung ano ang nasyon para kay Renan at Anderson, at kung matatawag bang bansa ang Pilipinas. Maaari din malaman kung paano maging makabayan batay sa mga ideya nina Renan, Anderson, at Recto, at kung ano ang kahalagahan nito. Tampok ang mga hamon sa nasyonalismo, gayon din ang nasyonalismo para kay Rizal at Bonifacio, at kung paano maging makabayan batay sa dalawang bayani. Natatalakay din ang buhay at ambag ng Gomburza, pati ang kahalagahan ng Lupang Hinirang, Kartilya ng Katipunan, at The True Decalogue. Taglay din ng magasin ang mga diskusyon tungkol sa mga kasalukuyang isyu na kinakaharap ng bansa at kung paano ito matutugunan ng nasyonalismo. Kabilang dito ang mga isyu ng kahirapan, karapatang pantao, korapsyon, at charter change. Layunin din ng magasin na magtampok ng mga paraan upang panatilihin at pagyamanin ang mga pamanaat kultura na bumubuo sa bansa. Sa pamamagitan ng SUMINSAY ay hangad ng mga awtor na gisingin ang diwang makabansa ng mga Pilipino at buksan ang kanilang isipan sa kahalagahan ng nasyonalismo, nang sa gayon ay maka-ambag sa pagtugon sa mga problema ng Pilipinoat sa pag-unlad ng Pilipinas. Layunin ng Suminsay
TAKE NI ERNEST RENAN Si Ernest Renan, isang ika-19 na siglong intelektwal ng Pransiya, ay isa sa mga unang makabuluhang mga manunulat sa konsepto ng isang "nasyon". Para sa kanya, ang isang bansa ay hindi tinutukoy sa pamamagitan ng pinagsamang dugo o lahi, kundi ng isang espirituwal na ideal. Siya’y naglahad na mayroong dalawang pangunahing aspeto ang prinsipyo na ito: Isang pinagsamang nakaraan at isang kasalukuyang pahintulot. Sa una, maaaring totoo na ang iba’t-ibang mga kultura ay may magkakaibang mga prinsipyo, ngunit ang mga Pilipino ay may pinagsamahang ng mga kapighatian at tagumpay sa ating kasaysayan, mula sa dinamikong kalakan at pulitika ng mga pre-kolonyal na lipunan, hanggang sa okupasyon sa ilalim ng mga Espanyol at Amerikanong kolonyalista, ngunit ang may pinakamalaking hirap ay nakikita sa historikal na pakikipagtulungan para sa kalayaan. Samakatuwid, karamihan sa bansa ay may isang pinagsamang pakikibaka at identidad batay sa kalayaan. Ang pakiramdam na ito ng pagkakapareho ay nagbibigay-daan sa mga napapailalim ng Pilipinas na magkakasundo sa ilalim ng kanyang sirkulo, sumali sa pagpapatakbo, at nagpapananais ng kaunlaran. P i l i p i n a s : I s a n g KANINO ANG NASYON? Lahat naman nakakaalam kung ano ang isang nasyon, hindi ba? Ikaw at ako ay naninirahan sa ilalim ng nasyon ng Pilipinas habang tayo’y nasa ilalim ng mga hangganan nito. Ang mga hangganan ay lupa? Ang dugo? Mga kultura? Hindi naman ito sino-sinong tao, sapagkat ano ang ipagkakaiba ng mga Pilipino sa sa mga miyembro ng isang kumpanya? O kahit mga tagahanga ng mga celebrities? Sagot ba ang populasyon? Ang hatiang etniko o pulitiko ay nakikita sa isang census, at nagbibigay ng impresyon ng iba't ibang tao, ngunit, ang ating mga kababayan ay sumisigaw ng parehong ngalan: Filipino. Ano ang mayroon sa Pilipinas bilang isang bansa kung saan ang mga tao ay nakapagkakaisa o naipagmamalaki? Ikaw, mag-picture ka ng iba’t ibang kultrura sa magkatabing probinsya, perpekto ba silang magkahalintulad? Kunin mo rin ang lumang litrato ng iyong mga katanda, sa kanila ba talaga ang tunay na Pilipinas? Tingnan natin ito sa pamamagitan ng ideya ng dalawang impluwensyal na sosyologo: A NATION IS A SHARED SPIRIT & PRESENT CONSENT (pero in French)
SA ATIN ANG NASYON Ito ay maaaring maging mapagpalitol sa ilan, ngunit maasahan ito sa arbitraryong katangian ng mga kahulugang binigay nina Renan at Anderson. Ang nasyon, nasyonalismo, at nasyonalidad ay mga konsepto na nagiging pisikal na penomena ng ilang tiyak na bahagi ng mundo. Masasabi na ang nasyon ay dinamiko ngunit masusukat na koneksyon ng mga grupong may pinagsamahang historikal at kultural. Sa pamamagitan nito, ang Pilipinas ay maaaring maging isang nasyon na binuo sa pamamagitan ng mga pinagsamang pakikibaka, idealisadong koneksyon, at dinamikong mga kababayan na lumalagpas sa linyang kultura, batas, at etniko na hangganan. Tayo’y parte ng nasyon ng Pilipinas hangga’t tayo’y nagkakaisa’t umaaming Pilipino E k s p l e - N a s y o n TAKE NI BENEDICT ANDERSON Maaari naming tingnan sa pamamagitan ng mga ideya ng Benedict Anderson para sa higit pang mga antilo. Si Benedict Anderson (1936-2015) ay isang Irish na sosyologo na masasabing isa sa mga pinaka-mahalaga na mga manunulat tungkol sa ideya ng nasyon. Ang kanyang mga ideya’y sumusuri ng kasaysayan at gumagamit ng siyentipikong pag-iisip, sa isang paraan na mas detalyadong kaysa sa mga nakaraang mga manunulat. Para sa kanya, ang isang bansa ay hindi isang bagay-bagay na komunidad, kundi isang “imagined community”. Hindi kailanman nagkaroon ng isang tiyak na grupo ng mga Filipino, kundi isang iminungkahing koneksyong sapat na upang lumikha ng isang entitad. Ang mga koneksyon rin na ito ang nagsasabi kung sinoman ang nasa loob o nasa labas ng grupo, kaya’t masasabi rin na ang nasyong ay “limited” o limitado. Si Anderson ay naniniwala na ang isang nasyon ay dapat mayroon o naghahangong magkaroon ng sariling pamumuno, kaya ang tamang paggamit ng kaniyang ideya ay sa halimbawang: ang isang Ivatan at isang Badjao ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang karanasan, ngunit kanilang karapatan kung sila’y sumang-ayon na pamahalaan at makasama sa loob ng nasyon ng Pilipinas. I A M NATION IS AN AGINED COMMUNITY: S IT IS LIMITED YET OVEREIGN
Bata! Paano nga ba naging Makabayan ang iyong panata? Ang pagiging makabayan ay isa sa mga prinsipyo na maagang tinuturo sa atin bilang mga miyembro ng isang nasyon. Kung kaya ’t noong mga umaga natayoay pumapasok sa paaralan ay kinakanta natin angating pambansang awit ang “Lupang Hinirang” at binibigkas natin ang “Panatang Makabayan”. Siguro noong tayo ay nasa mababang edad pa lamang ay hindi pa natin masyado naiintindihan, napapahalagahan, at napaguusapan ang mga konsepto ng pagiging isang tunay na makabayan. Ang tanging alam lang natin ay tuwing lunes ng umaga bago pumasok sa unang asignatura ay tayo ay nanunumpa na tayo ay magiging makabayan. Kasama sa panunumpa na ito ang pagsasagawa ng mga maliliit na bagay na pamaraan ng isang estudyante bilang pagtupad sa kanyang panata, kasama dito ang pagsunod o pagdinggin sa magulang, pagtupad ng mga tungkulin sa paaralan, at pagtupad rin ng mga tungkulin ng isang mamamayan. Dito nakuha ang simpleng pagkakaintindi natin sa mga paraan ng pagiging makabayan, ngunit mas laliman pa natin ang pag-intindi kung paano nga ba maging isang makabayan. Renan Makabayan! Ayon kay Ernest Renan na isang Pranses na mananalaysaysa kanyang libro na “What is a nation?” na isinulat niya noong taong 1882, ang pagiging isang makabayan ay ang pagkakaroon ng pagsasama na naaayon sa damdamin ng isang komunidad, hindi lamang isang pagtitipon ng isang komunidad ayon sa kanilang lahi o kasaysayan. Sinasabi rin ni Renan na ang isang nasyon ay nabubuo dahil sa pagpapatuloy na pagbabago ng mga miyembro ng nasyon na hinuha nila sa kanilang kasaysayan. Ang patuloy na paghulma ng mga bagong henerasyon ayon sa mga aral at kultura na natanim ng kasaysayan, kung kaya ’t ang pagiging makabayan ay ang patuloy na paglaban at paghulma ng sarili at ng komunidad gamit ang mga pangkasalukuyang mga desisyon at gawain. Ang pagiging makabayan sa mata ni Renan ay ang pagkakaroon ng pagpapahalaga sa kasaysayan ng isang nasyon at ang pagkakaroon ng dignidad at tapang na patuloy na itaguyod ang mga aral na makukuha mula rito at hindi lamang dapat limitado sa mga heograpikal na hangganan dahil ito ay dapat maging napabilang sa lahat ng nais na mapaunlad ang isang nasyon. Ang nais iparating ni Renan ay ang pagiging makabayan ay ang malakas na pagnanais na umunlad ang isang nasyon at isasagawa ito gamit ang mayaman na kasaysayan na ginagamit sa modernong panahon. Pinapahalagahan ang damdamin ng pagnanais ng kaunlaran na ito dahil ito ang magtutulak sa ating nasyon na lagpasan ang mga pagsubok na dadaanan ngisang nasyon habangitoay umuunlad.
Ayon naman kay Benedict Anderson na isang Irish na mananalaysay sa kanyang libro na “Imagined Communities” noong 1983 na kung saan ibinahagi niya ang kanyang konsepto ng isang nasyon bilang isang “imagined community” , ang pagiging makabayan ay isang penomenong pangkultura na lumalampas sa mga politikal na hangganan. Ang pananaw ni Anderson sa pagiging makabayan ay ay nakasentro sa pagnanais para sa soberanya ng nasyon. Kasama rin sa nabanggit niya sa kanyang konsepto ng isang nasyon ay ang paggamit ng wika upang maitaguyod ang isang nasyon, ayon sa kanyang pananaw ay ang wika na ginagamit ng lahat ng kabilang sa isang nasyon ay ang pinakamabisang paraan upang masiguro ang pagkakaisa ng isang nasyon. Binibigyang diin nito ang paggamit ng ating sariling wika upang ipaglaban ang ating kalayaan bilang nasyon, ito ay sumasalamin sa pagpapahalaga na mayroon ang ating mga bayani sa pagkakaroon ng sariling wika at ipinaglaban ito kasama naang paglalaban ng kalayaan ngating nasyon. Ayon naman kay dating Senador Claro M. Recto, ang pagiging makabayan ay ang pagkakaroon ng malalim na pagkilala sa tradisyon, karakter, at pagkakakilanlan ng ating nasyon. Sumasangayon rin siya sa pananaw ni Renan naang pagiging makabayan ayang pagkakaroon ng kanaisan na umunlad ang nasyon, na nagmumulasa pagpapahalaga sa malalim na kasaysayan ng ating bayan. Diniin niya rin na ang pagiging makabayan ay pagkakaroon ng tiwala sa mga kapwa Pilipino na umunlad at iangat ang ating nasyon, sa pamamagitan ng pagtangkilik sa sariling atin at pagtataguyod ng karapatan at katarungan para sa bawat kapwa Pilipino. Ibinahagi rin ni Recto na ang pagiging makabayan ang panlaban sa kolonyalismo at mananatiling malaya at masagana ang ating bayan kung ito ay paiiralin at gagamitin upang labanan at basahin ang mga impluwensya na naiwan ng kolonyalismo sa ating nasyon. Binibigyang halaga ni Recto ang pagtataguyod ng mga lokal na industriya upang maitaguyod ng maayos ang ekonomiya ng bansa, dahil dito kasama sa kanyang pananaw ng pagiging makabayan ang pagtangkilik sa sariling produkto at serbisyo upang lalong mapaunlad ang ating nasyon, dahil ang pagtangkilik sa mga lokal na produkto ay nagpapakita rin ng tiwala sa kapwa at ipinapakita rin ang bawas na pagsandal ng ekonomiya sa mga dayuhang mamumuhunan. Ang mga nabanggit na kahulugan ng pagiging makabayan ay pagsasalamin sa mga ipinaglaban ng ating mga bayani na karapatan, katapangan, kalayaan, at wika, ang lahat ng ito ay kasama sa ating mga pinapahalagahan tuwing tayo ay namamanata na tayo ay magiging makabayan. Ang mga paraan na nabanggit nina Renan, Anderson, at Recto ay hindi man isinasagawa ng isang araw o ng isang munting estudyante na nag-aaral pa lamang ay hindi ibig sabihin na ito ay walang bisa na, ang mga prinsipyo at karakter na nahihinuha rito ay dapat isapuso upang lahat ng ating gawin sa ating hinaharap ay nagbibigay ng pagpapahalaga sa bayan at patuloy na inaangat, itinataguyod, at itinataasang pag-unlad ngating mahal na nasyon. ANDERSON PARA SA NASYON! Bata! Paano nga ba naging Makabayan ang iyong panata? Recto Nasyonalismo!
Mga Hamon sa Nasyonalismo: PaanoSila Malalampasan Sa kabilang dako, ang kolonyal na mentalidad ay patuloy na humahadlang sa ating pag-unlad. Ang pagtingin sa mga produktong dayuhan bilang mas mataas ang kalidad kaysa sa ating lokal na mga gawa, pati na rin ang pagnanais na gayahin ang kanilang kultura’t mga sistema, ay naglalagay sa atin sa isang posisyon ng kahinaan at kawalan ng tiwala sa sariling atin. Ito ay naglalagay sa atin sa ilalim ng kapangyarihan ng iba na siya namang humahantong sa kakulangan ng pagpapahalaga sa sariling kakayahan at potensyal. Kaugnay ng kolonyal na mentalidad, ang neokolonyalismo ay nagpapatuloy sa ating pagiging nakatali sa mga dayuhang kapangyarihan sa pamamagitan ng ekonomiya at patakaran sa kalakalan. Ang hindi makatarungang pagtingin sa atin bilang mga 'tagapaglingkod' o ' mamamahayag ng yaman ' sa ilalim ng global na ekonomiya ay nagpapatuloy sa ating pagkakagapos. Ngunit sa kabila ng mga hamong ito, mayroon tayong kakayahan na magbalik-tanaw sa ating mga ugat at magtayo ng isang mas malakas at maunlad na kinabukasan. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng nasyonalismo,maaari nating lampasan angmga hamon naitoatmakamtanangtunay nakasarinlan. Sa kasalukuyang panahon, bagama't wala na nga ang mga uniporme ng mga mananakop, naririyan pa rin ang mga bakas nila sa pamamagitan ng modernong anyo ng neokolonyalismo at patuloy na pag-iral ng kolonyal na mentalidad na patuloy na nagiging sagabal sa layunin ng mas marami pang mga bansa sa buong mundo na makamit at maipagmalaki ang kanilang kasarinlan at pagkakakilanlan. Subalit sa kabila ng mga hamong ito, mayroon tayong isang mabisang sandata - ang nasyonalismo.
Sa pagtutulak ng mga patakaran at programa na naglilingkod sa interes ng masang Pilipino, tulad ng pagsuporta sa lokal na industriya, pagpapalaganap ng edukasyon sa sariling wika at kasaysayan, at pagtitiyak ng tunay na kasarinlan sa larangan ng ekonomiya at politika, maaari nating ipakita ang lakas ng atingnasyonalismo. Sa bawat hakbang na ating ginagawa upang ipagtanggol ang ating sariling pagkakakilanlan at kagalingan, tayo ay nagpapakita ng tunay na lakas at tapang. Sa ating pagiging matatag at pagkakaisa bilang mga Pilipino, tayo ay nagbibigay daan sa tunay na pag-unlad at kalayaan. Ang nasyonalismo ang siyang gabay at lakas na magtutulak saatin tungo saisangmasmaunladatmakatarungan nakinabukasan. Ang nasyonalismo ay hindi lamang tungkol sa pagmamahal sa bayan at kultura, kundi pati na rin sa pagtanggap ng ating sariling kakayahan at pagpapahalaga sa ating dignidad bilang isang bansa. Ito ay ang pagkilala sa karapatan ng mga Pilipino na pamunuan at pangalagaan ang kanilang sariling bansa, sa loob at labas ng ating mga hangganan.
Si Dr. Jose Rizal ang nagpakita ng tapang at talino sa pagtahak sa landas tungo sa kalayaan at kaunlaran ng Pilipinas bilang isang makabayang bayani at intelektuwal. Sa pamamagitan ng kanyang mga sulatin, lalo na sa "Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon, " ibinahagi ni Rizal ang kanyang pangarap para sa isang bansang malaya at progresibo. Hindi lamang niya itinuring ang kasalukuyan kundi pati na rin ang hinaharap ng Pilipinas. PAGMAMAHAL SA BAYAN: ANG KONSEPTO NG NASYON AT NASYONALISMO SA PANINGIN NI RIZAL Sa paglipas ng panahon, patuloy na umuusbong ang konsepto ng pagiging makabayan, na sa kasalukuyan ay nag-aakay sa atin sa isang mas malalim na pag-unawa at pakikisangkot sa pambansang buhay. Hindi na lamang ito basta pagmamahal sa bayan at pagtatanggol sa teritoryo kundi isang pang-araw-araw na pagpapakita ng pagmamalasakit at pagtanggap sa kultura, kasaysayan, at kinabukasan ng ating bansa. Ang pagiging makabayan ay hindi limitado sa pag-aalaga sa bandila at pag-awit ng pambansang awit; ito ay isang pang-araw-araw na pagkilos na nagmumula sa kalooban na isulong ang kapakanan ng bayan at ng bawat mamamayan nito. Ito ay pagkilala sa ating mga kakaibang kultura at pagpapahalaga sa mga tradisyon at kaugalian ng ating mga ninuno. Si Rizal ay nagtulak ng konsepto ng pagmamahal sa bayan na hindi lamang nakasalalay sa kasaysayan at kultura kundi pati na rin sa kaunlaran ng mamamayan gamit ang kanyang mga aral at ideya. Binalik niya ang pagiging maka-Pilipino ng mga Pilipino sa sarili nilang identidad at kakayahan na magdala ng pagbabago sa kanilang buhay. Nagpapakita ng matinding dedikasyon si Rizal sa laban para sa katarungan at kalayaan sa pamamagitan ng pag-aalay niya ng nobelang "El Filibusterismo" sa tatlong paring martyr. Ito ay hindi lamang simpleng pagtutol sa pang-aapi ng mga Kastila, kundi isa itong hamon sa sistemang katiwalian at pananamantala sa lipunan. Sa pamamagitan ng kanyang mga gawa at pagsusulat, pinukaw niya ang damdamin ng mga Pilipino upang magkaisa at ipagtanggol ang kanilang karapatan. ANG PAGTINGIN NI RIZAL: ISANG PAG-ASA PARA SA HINAHARAP
Ang Kilusang Repormista, na aktibong suportado ni Rizal, ay naglalayong magbigay-boses sa mga Pilipino at itaguyod ang pagkakaisa at kaayusan sa bansa. Sa pagtatag ng La Solidaridad, isang pahayagan na itinatag ng mga repormista, naging daan ito upang ipahayag ang mga hinaing at adhikain ng mga Pilipino. Ito ay hindi lamang isang kilusan na nagsisikap magtagumpay sa isang sektor ng lipunan, kundi ang pagsasama-sama at pagkakaisa ng isang buong bayan para sa pangarap na ito.Sa pamamagitan ng Kilusang Repormista, binigyan ng boses ang mga Pilipino sa laban para sa katarungan, kalayaan, at pagkakapantay-pantay. Ipinakita nito ang kakayahan ng mga mamamayan na magkaisa at kumilos para sa ikauunlad ng bayan. LAYUNIN NG KILUSANG REPORMISTA: ISANG HANGARIN PARA SA PAGKAKAISA Ang layunin ng Kilusang Repormista ay hindi lamang tungkol sa pagbabago sa gobyerno kundi pati na rin sa pagbabago sa lipunan at pag-unlad ng bawat mamamayan. Sa pagsasanibpwersa ng pangarap ni Rizal at ng layunin ng Kilusang Repormista, naging patuloy ang paglalakbay ng bansa tungo sa pagkakaroon ng tunay na kalayaan at kaunlaran. Ang pagmamahal sa bayan at ang pagtutulungan ng mamamayan ang naging pundasyon sa pagusbong ng isang mas malakas at mas progresibong Pilipinas. ANG MAKABAGONG PANANAW: PAKIKILAHOK AT PAGBABAGO Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang laban para sa bayan. Hindi lamang ito tungkol sa pagtatanggol sa teritoryo kundi pati na rin sa pakikibaka para sa hustisya, kalayaan, at kaunlaran. Ang pagiging makabayan ay nagsisimula sa ating sariling mga hakbang. Upang maging makabayan sa kasalukuyan, mahalaga ang pagtanggap sa pagbabago at ang pakikilahok sa mga usaping panlipunan. Hindi sapat ang pagiging pasibo lamang. Dapat nating isapuso ang mga aral mula sa ating kasaysayan, gaya ng ipinakita ni Rizal, at gamitin ito upang tahakin ang landas tungo sa isang mas maunlad at makatarungan na lipunan. Sa huli, ang pagiging makabayan ay hindi lamang isang tungkulin kundi pati na rin isang karangalan. Ito ang ating tandaan sa bawat hakbang na ating gagawin para sa bayan. Ang hamon ng kinabukasan ay ipagpatuloy ang nasimulan ni Rizal at ibahagi ang pagmamahal sa bayan sa susunod na henerasyon. Dahil sa bawat Pilipinong nagmamalasakit at nagtutulungan para sa ikauunlad ng bansa, patuloy nating mailalaban ang kinabukasang hinahangad ni Rizal—ang isang Pilipinas na may dangal, kalayaan, at katarungan para sa lahat.
Andres Bonifacio Tanglaw ng Karangalan Marahil maituturing na isa pinakatanyag na imahen ng nasyonalismo ang isa sa ating mga pambansang bayani na si Andres Bonifacio. Siya ay kilala bilang ang pinuno ng Kataastaasan Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan, at siyang nag-udyok sa mga miyembro nito na makibaka upang mapatalsik ang mga mapagsamantalang Espanyol mula sa teritoryo ng Pilipinas. Maliban sa pagpapalago ng kilusang rebolusyonaryo, siya ay nagsulat din ng mga dokumentong nakatulong sa pagpapaunlad ng nasyonalismo sa bansa. Sa kanyang artikulong pinamagatan na “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” , hinimok niya ang kanyang mga kasamahang Pilipino na ipaglaban ang kanilang mga karapatang pantao at samasamang kalabanin ang rehimeng Espanyol na ilang daang taon nang gumapi sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Naging isang daan ang artikulong ito upang buksan ang mata ng mga mamamayan na hindi na dapat pang hayaan ang pag-aalipustang ginagawa ng mga Espanyol. Kung gugustuhin ng mga Pilipino ang tunay na kalayaan, dapat ay ipaglaban nila ang kanilang sarili at ang kanilang teritoryo. Ang Pag-gising sa Nasyonalismo Mula rito, mahihinuha na ang kolonisasyong Espanyol ay naging daan upang sumibol ang ideya ng nasyonalismo sa bansa. Dahilan sa mga mali at hindi patas na pagtrato ng mga ito sa mga Pilipino, nagsimulang mamuo ang galit at pagnanasa ng mga Pilipino na makabitaw sa ganitong klase ng pagtrato. Naging isa itong inspirasyon na gumising na nagkukubling alab ng pagmamahal ng mga Pilipino para sa iba pang Pilipino, at para sa kanilang teritoryo.
Nasyonalismo Bilang isang Sakripisyo Kung susuriin naman ang tulang “Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa” , mapapansin ang pagbibigay kahulugan ni Bonifacio sa kanyang personal na ideya ng nasyonalismo. Para sa kanya, ang pagiging makabayan ay isang pagpapakita ng pagmamahal sa sariling bayan, o sa “tinubuang lupa”. Ayon kay Bonifacio, ang isang tunay na makabayan ay handang i-alay ang kanyang buhay, ari-arian, at pagkakakilanlan, makamit lamang ang pag-unlad ng bansang kanyang tinubuan. Ito ay maituturing na ekstremistang pahayag, ngunit ipinapakita lamang nito na kahit sa Bonifacio ay handang i-alay ang kanyang buhay kung ang kapalit nito ay ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Espanyol. Sa madaling sabi, naniniwala si Bonifacio na ang simbolo ng pagiging makabayan ay makikita sa kakayahan ng isang Pilipino na i-alay ang kanyang puso, kapalaran, at kabantugan para sa bayan. Kapayapaan, Karangalan, Katarungan Ayon kay Bonifacio, ang pagiging makabayan ay nakikita sa puso, isip, at sa gawa. Isa sa pinakamahalagang ideyang ipinahayag ni Bonifacio ay ang pagpapairal ng katarungan sa bayan. Sa kasalukuyan, maaari itong makamit sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tapang na pansinin ang mga hindi makatarungang batas, proyekto, at pangyayari sa ating mga komunidad. Kasama na rito ang pagbibigay pansin sa mga polisiyang opresibo sa masa tulad na lamang ng paglulunsad ng Charter Change. Isang konkretong maaaring gawin upang makamit ito ay sa pamamagitan ng pagtutol sa mga ganitong polisiya, at pag-enganyo sa iba pang Pilipino na tutulan din ang mga ito. Maliban dito, ipinahayag din ni Bonifacio na nangangailangan na laging alalahanin ang karangalan ng mga dating mga bayani at mga nagtaguyod ng kapayapaang ating tinatamasa sa ngayon. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagdiriwang ng mga araw ng mga bayani, at pakikilahok sa mga gawaing pang-komunidad na kinikilala ang mga taong naging haligi ng pagtataguyod ng pagkakakilanlan ng Pilipinas, at mga naging mitsa ng pag-usbong ng nasyonalismo sa bayan. Panghuli, ipinahayag din ni Bonifacio ang kahalagahan ng pagkakaroon ng katarungan sa bansa, sapagkat isa itong repleksyon ng nasyonalismo sa Bansa. Makakamit ito sa pamamagitan ng paglaban sa mga diskriminasyon at pag-aabuso sa kapangyarihan ng mga tao sa gobyerno, at sa iba’t ibang sektor pa ng bansa.
Noong 1872, sa harap ng publiko sa Bagumbayan ay binitay sa pamamagitan ng garote ang tatlong pari pagkatapos isangkot ng pamahalaang kolonyal at mga prayle sa nabigong Cavite Mutiny noong taong iyon. Naging kontrobersyal ang kanilang kamatayan dahil kahit na walang matibay na ebidensya laban sa tatlo, minadali ang paglilitis sa kanila, at sila ay pinarusahan. Ang hindi makatarungang pagtratong ito ay sumasalamin sa pang-aapi at pang-aabuso na naranasan ng mga Pilipino sa ilalim ng mga Espanyol. Isinulong ng mga pari ang Kilusang Sekularisasyon, kung saan ang patuloy na diskriminasyon laban sa mga Pilipino ay umabot hindi lamang sa mga sekular na klero kundi sa mga Pilipino mula sa iba't ibang antas ng pamumuhay. Sa pamamagitan ng mga makabayang pagkilos ay naipakita kung sino ang mga Pilipino at kung ano ang kanilang mga kakayahan. Ang mga ideya at sentimyento na umusbong noong panahong iyon ay naging batayan para sa mga sumunod na kilusan. Ito ay nagsilbing isang mitsa na nagpasiklab ng kamalayang Filipino at nasyonalismo, na naging inspirasyon para sa mga Pilipino na magkaisa at ipaglaban ang kanilang mga karapatan at kalayaan. Naging parte ng MMFF 2023 ang pelikulang Gomburza ni Pepe Diokno, kung saan humakot ito ng mga parangal. Maraming Pilipino ang pinanood ang pelikula na batay sa mga pangyayari sa buhay nina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Naging daan ito upang mas makilala ng mga tao, lalo na ng mga kabataan, kung sino ang Gomburza at kung ano ang kanilang naging ambag sa Pilipinas. Ito ay sapagkat naging kontrobersyal ang naging sagot ng mga kalahok sa Pinoy Big Brother matapos itanong sa kanila kung sa anong tawag mas kilala ang tatlong pari, kung saan ang sinagot ng isa sa kanila ay Majoha imbes na Gomburza. Kaya naman pagkakataon ito upang mas lalong kilalanin ang Gomburza at kung paano sila naging mitsa sa pagsibol ng kamalayang pambansa. Para sa historyador na si Teodoro Agoncillo, kung hindi nangyari ang pagkamatay ng Gomburza, hindi magkakaroon ng damdaming makabansa ang mga Pilipino, sapagkat bago ito, ang tingin ng tao sa kanilang sarili ay Bicolano, Ilocano, Tagalog, Kapampangan, Bisaya, pero hindi Pilipino. Bakit trending ang gomburza? GOMBURZA SA PELIKULA’T TELEBISYON kilalanin ang gomburza “Ang buong Pilipinas, sa pagsambasa inyongalaalaat pagtawag na kayo’y mga martir,ay hindi kumikilala, saanupamang paraan, nginyong pagkakasala. ” Ito ang mga naging kataga ni Jose Rizal sa kanyang pag-aalay ng El Filibusterismo sa Gomburza.
Doon sa aplaya, dagat na maalat, Ang tawag nila roon ay Lunetang bansa, Do’n binaril ang dalawang magkapatid Na mga martir na anak ng ating bayan. Ang mga martir ay balita sa tapang, Panganay si Burgos at bunso si Rizal, Tuwa ng mga Kastilang sukab, Inang Filipinas, matindi ang lungkot; Sa mga anak niya na di tumalikod; Binuhos na dugo sa lupa’y umagos Inang Filipinas sa dalwa’y may lugod. Si Jose Rizal ay isa sa mga naging inspirado upang labanan ang kawalang-katarungan matapos makita ang pagpatay sa Gomburza. Para sa kanya, ang Gomburza ang nagtanim ng mga binhi ng nasyonalismo sa mga Pilipino, kaya nararapat lamang na magbigay pugay sa kanila. Mababatid sa liham ni Rizal kay Mariano Ponce noong 1889: impluwensya ng gomburza Bakit trending ang gomburza? “Kung walang 1872 ay wala rin sa ngayon na Plaridel, o Jaena, o Sanciangco, maging ni isang matapang at mapagbigay na Pilipino sa Europa; kung walang 1872 si Rizal ay naging isang paring Heswita sa ngayon at sa halip na magsulat ng Noli Me Tangere, ay marahil nagsulat ng kasalungat na aklat. Bilang saksi ng naturang kawalan ng katarungan at kalupitan, sa kabila ng aking pagiging bata, nagising ang aking imahinasyon at ako’y sumumpa na Ang tulang “Ang Mga Martir” ay naging popular sa Nueva Ecija noong panahon ng Rebolusyong Pilipino ng 1896. Hindi kilala ang may-akda nito, pero dagdag itong patunay sa pagkilala sa kamatayan ng Gomburza bilang mitsang gumising ng diwang makabansa ng mga Pilipino. ANG MGA MARTIR Ang Gomburza ay ginawang sigaw ng pagtipon ng mga nagsilang sa ating bansa, ng ating mga bayani. Sila ay naging inspirasyon ng Kilusang Repormista, ng Katipunan, hanggang sa panahon ng Rebolusyong Pilipino ng 1896, pagwawakas ng kolonyalismong Espanyol, at pagtatatag ng bansang Pilipinas. Bukod sa kanilang pagiging martir, na may mahalagang papel sa kanilang katayuan bilang bayani, mahalagang kilalanin din ang kanilang makabuluhang kontribusyon sa Kilusang Sekularisasyon at ang kanilang paglaban para sa katarungang panlipunan at representasyong Pilipino sa loob ng Simbahan. Ang pagbitay sa Gomburza ay naging simbolismo ng mga sakripisyo para sa hustisya at kalayaan, at naging mitsa para sa mga nasyonalistang sentimyento na nagbuklod sa mga Pilipino at nagpaigiting ng pambansang kamalayan at pagkakakilanlan. Sa panahon ngayon, ang mga paghihirap ng ating mga ninuno ay hindi dapat sayangin at patuloy na maging isang makabansang Pilipino na ipinagmamalaki ang lahi at patuloy na isinasabuhay ang kultura at mga kaugaliang Pilipino sa gitna ng banta ng globalisasyon at impluwensya ng mga banyagang kaisipan. Ang isang makabayang Pilipino ay dapat mulat sa mga kawalang-katarungan at pang-aapi, at hayagang lumalaban dito. Dapat ay hindi madaling makalimot sa nakaraan, bagkus ay gamitin ito bilang inspirasyon para patuloy na magsikap para sa mas magandang kalidad ng buhay ng mga Pilipino. Tulad ng kung paano ginamit ni Rizal ang pagkamatay ng Gomburza bilang inspirasyon, ang mga makabayang Pilipino ay dapat ding lumingon sa nakaraan upang maunawaan kung bakit ang kanilang mga ninuno ay masigasig na ipinaglaban ang kanilang kalayaan, at magtaguyod ng mga hakbang na magpapaganda sa kinabukasan ng bayan. GOMBURZA noon at NGAYON iaalay ang aking sarili na maipaghiganti isang araw ang napakaraming mga biktima, at dala ang ganitong kaisipan ako ay nagaaral at ang lahat ng ito ay mababasa sa lahat ng aking nagawa at sinulat.”
Sa bawat pag-awit ng "Lupang Hinirang" , sa bawat pagbasa sa "Kartilya ng Katipunan" , at sa bawat pagninilay-nilay sa "The True Decalogue" , nagigising ang diwa ng nasyonalismo sa puso ng bawat Pilipino. Tunay nga, ang mga makasaysayang panitikang ito ay hindi lamang mga salita sa nakaraan; sila ay mga gabay, mga hamon, at mga paalala ng ating pagiging Pilipino sa kasalukuyan. Sa modernong panahon, ang pagpapamalas ng nasyonalismo ay hindi lamang limitado sa pag-alala sa kasaysayan; ito ay isang patuloy na proseso ng pagpapakita ng pagmamahal sa ating bansa. Sa bawat pagtatapos ng araw, habang ang mga mamamayan ay nag-aalay ng kanilang mga kamay at kumakanta ng "Lupang Hinirang" sa mga paligsahan at mga laban sa larangan ng palakasan, ipinapakita nila ang kanilang pagsasabuhay sa diwa ng bayan. "Sa dagat at bundok Sa simoy at sa langit mong bughaw" Sa bawat himig, nararamdaman natin ang sigla at pag-asa na dala ng ating bayan. Ang linyang ito ay nagpapaalala sa atin na ang kalayaan ay hindi lamang nararapat sa mga lupa kundi maging sa karagatan at kalawakan. Sa bawat pagtugtog ng ating pambansang awit, isang banal na pangako ng pagmamahal sa bayan at pag-aalab ng nasyonalismo ang nagbabalik-tanaw sa atin. Pagsasabuhay ng Nasyonalismo: Paggunita, Pagkilala, at Pagkilos
Kasabay ng pag-awit ng "Lupang Hinirang" ay ang paggunita sa mga aral ng "Kartilya ng Katipunan, " isang gabay ng tapang at katapatan sa panahon ng pakikibaka. Ang mga salitang inilahad ni Andres Bonifacio sa Kartilya ay patuloy na nagbibigay-liwanag sa landas ng mga Pilipino: "Ang hindi magmahal sa kanyang wika, Mahigit sa hayop at malansang isda. " Sa panahon ng kasalukuyan, kung saan ang teknolohiya ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, ang Kartilya ng Katipunan ay patuloy na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa at pagkakapantay-pantay. Sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa ating wika at kultura, ipinakikita natin ang pagmamahal sa ating bansa at pagpapalakas ng ating pagkakakilanlan. Sa social media at iba pang online platforms, ang mga Pilipino ay nagkakaisa upang ipahayag ang kanilang mga saloobin at mga adhikain para sa pagunlad ng bayan. Ang diwa ng Katipunan, na naglalayong palakasin ang pagkakapantay-pantay at katarungan, ay patuloy na bumabalot sa mga pagkilos ng mga mamamayang Pilipino sa iba't ibang aspeto ng lipunan. Gayundin, ang "The True Decalogue" ni Emilio Jacinto ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa mga Pilipino na maging tapat sa kanilang sarili, sa kanilang bayan, at sa kanilang mga pangarap. Sa bawat hakbang na ginagawa upang mapabuti ang kanilang sarili at ang kanilang komunidad, ipinakikita ng mga Pilipino ang kanilang pagmamahal sa bayan. Mula sa mga proyektong pangkapaligiran hanggang sa mga adbokasiya para sa karapatan ng mga mahihirap, ang mga Pilipino ay patuloy na nagtataguyod ng pagbabago at pag-unlad. Sa pagsasabuhay ng nasyonalismo, mahalaga ang pag-unawa at pagpapahalaga sa ating mga pinagmulan. Ngunit higit pa rito, kailangang isabuhay natin ang mga aral na ito sa ating pang-araw-araw na buhay. Sa bawat hakbang, bawat kilos, at bawat salita, ang bawat Pilipino ay may pagkakataon na ipakita ang kanilang pagmamahal sa bayan at ang kanilang pagiging tunay na Pilipino. Ito ang tunay na pag-asa ng pagbabago at pag-unlad ng ating bansa.
Kung magiikot ka sa iba ’t ibang bahagi ng ating magandang bansa ay makakakita ka ng mga napakagandang tanawin, mayayaman na gubat at masaganang mga parte ng probinsya kung saan naghahanap buhay ang ating mga magsasaka, makikita ang mga sari-saring bundok at lupain na nangingibabaw ang kagandahan. Ilipatang tingin sa mga karagatan na nakapalibot sa ating pinakamamahal na arkipelago, napupuno ang karagatan ng yamang dagat na napakasagana at hanggang sa kalalim-laliman nito ay nababalot ng kagandahan. Dahil sa mga nakikita mong ito ay maiisip mo na napakayaman ng ating bansa sa mga likas na yaman, kasama na rito ang pagkakaroon natin ng magandang klima, ngunit bakit nga ba nananatiling mahirap at hindi maunlad angating pinakamamahal na bansa? Perlas ng Silangan, nasaan?Maibabalik ang problema na ito sa kahulugan ng pagiging makabayan ayon kay dating Senador Claro M. Recto, na kung saan sinabi niya na ang pagiging makabayan ay ang pagkakaroon ng tiwalasa kapwa Pilipino na umunlad atang pagtangkilik sa mgalokal na industriya ang sagot upang matanggal ang mantsa ng kolonyalismo na nakatanim sa ating kasaysayan at sistema. Idiniin ni Recto ang kahalagahan ng pagtataguyod ng mga lokal na industriya na ang nagpapatakbo ay mga Pilipino, ngunit sa kasalukuyang panahon ay kabaliktaran ang nangyayari. Nawawalan ng kontrol at karapatan ang mga Pilipinong negosyante sa paggamit ng ating likas na yaman dahil sa mas binibigyang karapatan ang mga dayuhan na gamitin ang ating likas na yaman para sa kanilang negosyo na nasa pandaigdigang sukat. Dahil ang mga dayuhan ang inuuna pagdating sa pagtaguyod ng mga negosyo at industriya sa ating bansa, nagkakaroon ng hindi patas na distribusyon ng kayamanan kung saan mas inuuna itong ilabas sa bansa kaysa paikutin saloob ngating bayan upang magamit sa mgaiba pang proyektoo programa nggobyerno. Dayuhan o bayan?
Ito ang nagiging sentro ng problema ng kakulangan ng trabaho o kaya ay ang kakulangan sa sweldo ng ating mga trabahador na Pilipino. Ang pagkakaroon ng kontrol ng mga dayuhan sa ating mga malalaking industriya ay ang hadlang sa pagtaguyod ng mga lokal na industriya na maaaring magbigay ng mas maraming trabaho at mas mataas na sweldo para sa mga empleyadong Pilipino. Dahil ang mga dayuhan ang may kontrol sa ating mga likas na yaman ay binibili rin natin ang ating mga kailangan na gamit, produkto, o serbisyo sa kanila ng mas mataas na presyo dahil ang kanilang ginagawa ay nilalabas nila sa bansa ang mga yaman na nakukuha nila at binabalik lamang upang ibenta sa mas mataas na halaga kung saan lalong nahihirapan makuha ng mga Pilipinong naghihirap na ang kanilang mga kailangan na produkto at serbisyo. Mas nakakaganda sa mga Pilipino ang pagtataguyod ng lokal na industriya at pagsuporta sa mga lokal na produkto at serbisyo dahil ang yaman na nalilikom ng mga industriya ay iikot lamang sa loob ng ating bansa at ang likas na yaman na ating kinuha ay masisiguradong mapapakinabangan ng mga Pilipino. Ito rin ay magbibigay ng mas maraming oportunidad para sa mga PIlipino na magtrabaho o magtaguyod ng kanilang sariling negosyo. Kasama na rin rito ang mas patas na pagbibigay sahod sa mga empleyado dahil hindi dayuhan ang may hawak ng pera ng mga industriya at nanatili lang ang pera na to sa ating bansa na umiikot upang magamit ng gobyerno sa kanilang mga proyekto. Ang pagpapanatili ng yaman sa loob lamang ng bansa ay makakatulong ng malaki sa pagtaguyod ng pambansang ekonomiya, kung kaya’t ang pagiging makabayan ang pagkakaroon ng nasyonalismo ay nagiging pangunahing paraan upang itaguyod ang karapatan nating mga Pilipino sa ating sariling likas na yaman at siguraduhin ang pagkakaroon ng patas na oportunidad sa trabaho at negosyo. Kasama rin sa nasyonalismo ang paglaban sa anumang uri ng pag-maltrato sa atin maging dayuhan o sariling atin, karapatan natin bilang mga Pilipino na magamit at malaman kung saan ginagamit ang ating mga likas na yaman pati na rin ang salapi na nakukuha mula rito. Ang nasyonalismo ay nagtataguyod ng ating mga karapatan at katapatan sa ating bansa na ipinaglalaban ang pagtataguyod ng mga lokal na industriya at ang pag sigurado na ang mga yaman na ating nakukuha ay ginagamit sa tama at para sa ikabubuti ng bawat Pilipino. Support Lokal! OO, PIlipino!
IPINAGLABAN NI LOLO... Sa normal na pamumuhay, napakasayang manalo. Kung tayo ma’y naglalaro at nakatikim ng tagumpay, o nakakuha ng mataas na marka, mayroong sarap sa resulta. Kahit man walang malawakang pagbabago, ang mga tao’y gusto makakita ng tagumpay. Dalin natin ang ating sarili ng mahigit sandaang taon, nilapitan ka ng isang kaibigan, at inimbita kang magdusa o mandigma para sa bansang nasakop, handa ka bang habulin ang tagumpay? Paano nga ba nakakayang ibuwis ng mga repormista’t rebolusyonaryo ang kanilang buhay at pamumuhay ng buong puso? Ano ang kanilang sobrang hinahangad? Ang mga Repormista o ilustrado’y naglahad ng mga ideya tumatanggi sa mga Espanyol, at bumangon sa mga diwa ng mga Pilipino. Ginamit nila ang kanilang abilidad sa instrumentong papel at kanbas, kasunuran ng kanilang talino’t tapang sa pamamaraan ng pulitika. Sa mga Rebolusyonaryo, sa oras ng hindi nakikinig ang kanilang mga panginoon, handa silang maghimagsik at magbigay para sa bansa. Ang kanilang instrumento ay aktibong pakikipaglaban para sa kanilang karapatang pantao. K A R A P A T A N M O ANG DAPAT SA’TIN... Sa ating kasalukuyang mundo, naririnig natin ang mga pagdurusa ng mga iba’t ibang mga biktima: mula indibidwal na pandadahas ng mga extrajudicial killings, o malawakang krimen tulad ng ethnic cleansing ng mga Palestino. Ano-anong mga karapatan ang nalabag? Ayon sa United Nations, ang bawat tao ay may listahan ng karapatan. Karapatang unibersal, likas, hindi maalis, at hindi maipapalit. Ang lahat ng tao ay mayroong karapatan sa dignidad, pagkakapantay-pantay, kalayaan, pakikilahok, karapatan sa mga pangunahing pangangailangan, proteksyon mula sa pang-aabuso. Mayroon tayong magagawa upang maiangat ang pagrespeto ng karapatang pantao ng sarili, kabayan, at kapwa.
N A S Y O N A L I S M O Ang Kilusang Repormista at Rebolusyonaryo ay nakadikit sa isang ideyang sosyolohikal; nasyonalismo. Ayon kay Anderson, ang nasyonalismo ay isang penomenong umusbong noong ika-19 na siglo, kung saan nagkaroon ng kilusang kultural at pulitiko sa pagbuo ng isang “nasyon”, base sa mga ideyalismo at kolektebismong nararamdaman ng malawakang grupo ng tao, kaya’t sila’y namumuo ng iisang identidad. Edi, ano ang identidad ng mga “Pilipino” noon? Ang nagtutulak sa kanilang lumaban ay ang pagnanais ng karapatang pantao, na kanilang labis na nagkukulang sa ilalim ng paa ng mga kolonyalistang banyaga. Sa pluma’t espada, kinukuha nila ang isang bansang soberanya; isang Pilipinas para sa Pilipino. ...At IPAGLALABAN MO RIN Mula sa nasyonalismo ng ating mga ninuno, makikita na mayroon silang pagmamahal sa sarili at bansa. Sa bawat aksyong nasyonalistiko, unti-unting napupunta ang nasyon sa kaunlaran. Bilang halimbawa, isa sa pinakamalaking problema ng Pilipinas na umabot sa internasyonal na diskusyon ay ang extrajudicial killings. Noong kilusang Repormista at Rebolusyonaryo, marami sa mga pinakimpluwensyal na pinuno ng mga kilusan ay nabangon ang nasyonalismo sa isang maling pagpatay. Noong 1872, ang walang puring paghuli, paghukom, at pagbitay sa tatlong paring GomBurZa ay ang sinasabing pinakamalalang demonstrasyon ng opresyon sa kanilang buhay. Sa dumaan na taon, maraming mga lider ang nagtayo ng kanilang mga grupo sa iisang galit, at nagamit nila ang kanilang enerhiya’t kalakasan para sa kabutihan ng nasyon. Samakatuwid, ang mga mamamayang Pilipino ay may obligasyon para sa kanilang sarili at kababayan, obligasyong respetuhin ang karapatang pinaglaban at ituloy ang pagusbong ng demokrasya’t kalayaan.
Sa kabila ng iba't ibang mga pananaw ng mga politiko sa isyung ito, maaari nating isipin kung ano kaya ang magiging posisyon ng mga iskolar, bayani at nasyonalista ukol dito. Mahihinuha sa sanaysay ni Ernest Renan na “What is a Nation?” na dapat nating igalang ang Konstitusyon at mga demokratikong prinsipyo sa pamamagitan ng pakikibahagi sa responsableng pagkamamamayan at pagsusulong ng tuntunin ng batas. Sa kanyang libro ay sinabi naman ni Benedict Anderson na ang bansa ay isang imagined community. Kung ang pangekonomiyang probisyon ng cha-cha ay itutuloy, ang imaginned community na ito ay masisira nang husto dahil maraming mga Pilipino ang kukuwestiyon sa kanilang kinabibilangan kapag ang karamihan sa mga lupain ay pag-aari ng mga dayuhang bansa at kumpanya, at hindi ng kanilang kapwa Pilipino. Sa kanyang mga obra ay ipinahayag naman ni Jose Rizal na ang mga Ilustrado, bagama't nakaugat sa pagkakakilanlang Pilipino, ay bukas sa internasyonal na pagtutulungan. Ito ay nagpapakita ng balanse sa pagitan ng nasyonalismo at isang pandaigdigang pakikitungo. Ito naman ay kasalukuyang nangyayari sa bansa dahil ang mga dayuhan ay may karapatan namang magtaglay ng hindi hihigit sa 40% na bahagi ng kapital sa isang co-production, joint venture, o production-sharing agreement sa mga bagay na may kinalaman sa likas na yaman. Isinaad din ni Rizal ang mga problema na maaaring idulot ng bulag na pagtanggap sa mga foreign trends. Hinikayat niya ang mga Pilipino na suriin nang maigi ang epekto ng globalisasyon, habang isinasaalang-alang ang mga maganda at panget na bunga nito sa bansa. Pinapaalala niya sa atin na habang tayo ay nakikipagugnayan sa ibang mga nasyon, dapat pa rin gawing prayoridad ang ikabubuti ng ating sariling bansa, at kung ano ang makakapagpaunlad sa mga Pilipino. Naghandog si Rizal ng payo na dapat paunlarin ang sarili nating mga industriya at negosyo sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga negosyo ng kapwa Pilipino, pamumuhunan sa inobasyon, at paglikha ng mga patakaran na nagsusulong ng paglago ng ekonomiyang lokal. Kaya naman, malamang ay kung buhay ang ating pambansang bayani, tututulan niya ang Charter Change. Itigil ang Cha-Cha, charter change, isinusulong Patuloy ang mainit na talakayan sa bansa kaugnay ng isinusulong na Charter Change. Ito ay may layuning amyendahan ang Konstitusyon ng 1987 dahil ang mga paghihigpit na nakasaad dito ay humahadlang daw sa pagkakataon ng Pilipinas na makahikayat ng mas maraming foreign investments na maaaring makatulong sa ekonomiya ng bansa. Kung magtatagumpay ito, papayagan ang mga foreign investors na maggalugad, magpaunlad, at gumamit ng mga likas na yaman ng bansa, gayundin ang pagkakaroon ng mas malawak na kontrol sa mga pampublikong kagamitan at lupain, congressional franchises, mga institusyong pangedukasyon, advertising, at mass media. Noong Pebrero 26, 2024 ay sinimulan na ng Committee of the Whole ang kanilang deliberayon sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 7, at sinabi ni Speaker Martin Romualdez na ang kanilang misyon ay “Baguhin ang ilang economic provisions na pumipigil sa pagpasok ng mga negosyo mula sa ibang bansa. Mga negosyong lilikha ng trabaho at magpapasigla ng ating ekonomiya.” Dagdag pa niya, ang cha-cha sa ekonomiya ay: “ utmost nationalconcern that will impact not just the presentcitizensofour great nation, butalsothe generations tocome ” Para naman kay Representative France Castro, "Napakadelikado na magkaroon ng Charter change sa panahong ito dahil nakikita natin 'yung mga iba't ibang interes ng mga pulitiko at mga nasa puwesto." Sinabi naman ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas na: “Theonlyones who will benefit from this moveare foreign investors." ano ang say mo?
“Onlyeconomic nationalism will enable us toachieve basic and lastingsolutions toour problemsof mass poverty, unemployment, underproduction, perennial trade imbalance Piliin ang Pilipinas ANO ANG SAY MO? Kung si Claro M. Recto naman ang tatanungin, malaki ang posibilidad na tutol din siya rito. Ito ay sapagkat kilala siya bilang isang matinding tagapagtaguyod para sa kalayaan at soberanya ng Pilipinas. Isinulong niya ang mga patakarang pang-ekonomiya na pabor sa interes at pag-unlad ng Pilipino at ang paninindigan para sa ating mga karapatan. Wika niya: Dagdag pa niya, kailangan nating makawala mula sa kolonyal na sistemang pang-ekonomiya, na magdudulot lamang ng kahirapan at mabagal na pagunlad. Ito ay sapagkat para sa kaniya, “A country dominated by foreigners enriches the foreigners, a few of the nationals, but seldom its workingmen.” Maaari niyang imungkahi ang muling pagsusuri sa mga pang-ekonomiyang realidad ng bansa sa isang komprehensibong paraan. Sa pagsasagawa nito, kailangan ipatupad nang maayos ang plano, at hindi matinag hanggang sa maisakatuparan ang napagkasunduang panukala na makakatulong para sa mga Pilipino. Mababatid na batay sa mga iskolar at nasyonalistang ito, hindi papabor ang isinusulong na Charter Change para sa mga Pilipino. Kaya naman, bilang mga makabayang Pilipino, dapat ay tutulan natin ito dahil papabor lamang ito sa mga dayuhan at indibidwal na may kapangyarihang pampulitika at pang-ekonomiya. Hindi ito makakatulong sa mamamayang Pilipino, na ngayon ay nahihirapan sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at iba pang problema. Hindi lamang ito magdudulot ng kapahamakan para sa ating pambansang pagkakakilanlan, ngunit aalisin din nito ang paglago ng lokal na ekonomiya, dahil ang gobyerno ay nakatuon sa mga dayuhang pamumuhunan. PINAS PARA SA PINOY Ang dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno ay ang pagpapasigla sa komersyo, pagtulong sa mga lokal na negosyo, at pagtiyak na ang bansa ay hindi lamang nakadepende sa mga panlabas na salik sa ekonomiya. Kailangan natin bantayan at pigilan ang anumang uri ng pang-aabuso o pananakop ng dayuhan. Ang pagkakaroon ng nasyonalismong pangekonomiya ay magtutulak sa atin na suportahan pa lalo ang sarili nating mga lokal na industriya at magbibigay-daan sa pagpapaunlad ng ating sariling mga produkto mula sa mga likas na yaman ng bansa. Lilikha din ito ng trabaho at babawasan ang pangangailangan sa pag-import sapagkat tayo na mismo ang mag-eexport ng mga produkto sa presyong nararapat para sa ating mga manggagawa. Dapat din nating itaguyod ang mga programa na makatutulong sa paglaki ng kapital at kaalaman ng Pilipino, habang sinisiguro na ang industriyalisasyon ay nakabubuti sa bansa. Ang ating mga ninuno ay matagal na nakipaglaban para sa kalayaan ng bansa, at kung hahayaan nating mangyari ang cha-cha, na maaaring tingnan bilang isang anyo ng hindi-direktang pananakop, niyuyurakan natin ang kanilang mga pagsisikap at sakripisyo. Dapat nating ipahayag ang ating karapatan sa ating mga lupain, at siguraduhing ito ay protektado para sa mga susunod na henerasyon. Dapat natingipamalasang pagiging makabayang Pilipinosa pamamagitan ng pagprotektasa kasarinlan ng bansa, pagtangkilik salokal na ekonomiya, pagsusulong ng pambansangidentidad, at pagpapakita nglubos na pagmamahal sa bansa. and miseryand backwardness in the midst of rich natural resourcesand abundant manpower. Economic nationalism means thecontrolof the resourcesof the Philippines sothat they may be utilized primarilyin the interestof the Filipinos.”
Sa mundong patuloy na umuusad at nagbabago, isa sa mga pangunahing hamon na kinakaharap ng bawat bansa ay ang pagpapalakas at pagpreserba sa kanilang mga pamana at kultura. Sa pag-usbong ng teknolohiya at globalisasyon, mas lalo pang lumalago ang impluwensya ng iba't ibang kultura at paniniwala na maaaring magdulot ng pag-aalinlangan sa ating sariling pagkakakilanlan. Sa kabila ng mga hamon na ito, ang pagpapalakas ng nasyonalismo ay lumilitaw bilang isang napakahalagang hakbang sa pagpapalakas at pag-aalaga sa mga pamana at kulturang bumubuo sa pagkakakilanlan ng nasyong ating kinabibilangan. Sa kasalukuyang panahon na nakakaranas ng isang technological boom, maaaring masalimuot ang laban para sa pagpapalakas ng nasyonalismo at pagpreserba sa kultura. Ang paggamit ng mga dayuhang wika sa komunikasyon at iba’t ibang midya, pag-angkin sa mga dayuhang produkto, at pagtangkilik sa dayuhang kultura ay ilan lamang sa mga suliraning maaaring hamon sa pagpapalaganap ng nasyonalismo sa kasalukuyang panahon. PANGANGALAGA SA SARILING PAGKAKAKILANLAN
Samakatuwid, ang nasyonalismo ay hindi lamang isang konsepto o isang ideolohiya; ito ay isang gawi ng pamumuhay na dapat lamang nating isabuhay sa araw-araw. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ating diwang nasyonalismo at pati na rin ang walang sawang pagpapahalaga sa ating mga pamana at kultura, tayo ay nagbibigay-daan na maipalaganap pang husto ang pagkakakilanlan ng ating nasyon sa buong mundo. At sa pamamagitan ng pagpepreserba sa ating mga tradisyon at kasaysayan, tayo ay nagtutulak ng isang mas malakas at mas makatarungang kinabukasan para sa susunod na henerasyon ng mga Pilipino. Sa ating bawat kilos at hakbang, ipakita natin ang diwa ng pagiging tunay na Pilipino at ang halaga ng ating kultura at pamana. Dahil sa pagpapalakas ng nasyonalismo, tayo ay bumubuo ng isang mas maunlad at mas makabuluhan na kinabukasan para sa ating nasyon at para sa bawat mamamayang nananahan dito. Ngunit sa kabila ng mga ito, mayroon pa ring mga hakbang na maaaring gawin upang palakasin ang ating nasyonalismo at patuloy na pagsibulin ang ating mga pamana at kultura. Isa sa mga mahalagang hakbang ay ang pagpapalaganap ng edukasyon sa sariling wika at kasaysayan. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga kurikulum na naglalaman ng mga aralin tungkol sa ating makulay na kasaysayan, kultura, at mga tradisyon, ang mga kabataan ay magkakaroon ng mas malalim na pag-unawa at pagmamahal sa kanilang bansa.
Sa bawat isla, bawat barangay, bawat pamilya at bawat tao, mayroong iba’t ibang direksyon ang pamumuhay at motibasyon. Sa bawat awtor at editor ng mga artikulo sa magasin na ito, mayroong iba’t ibang opinyon, kahit na mayroong iisang adyenda: nasyonalismo. Ang mismong lenggwaheng nakabakat sa papel ay iisa lamang sa mga madami, mula sa pangkat etnikong iisa sa madami. Sa dami-dami ng maaaring pagkakaiba, mayroong iisang identidad na kinuha ang awtor at mambabasa: Pilipino, mamamayan ng Pilipinas. Sa ating napag-aaralan, alam natin ang nakaraan ng bansa. Madaling makalimutan na ang lahat ng ating identidad ay ipinaglaban at pinaghirapan, kahit sa maliit na bakas ng kalayaan. Dapat nating pansinin, na ang mga bakas ng ating mga ninuno ay hindi sa lupa o perang minana, kung hindi sa pagkakaroon ng karapatan at soberanya. Sapagkat, hindi pa tapos ang kasaysayan. Marami ang problema, kalaban, at sakuna ang bumabagsak sa bayan. Kalungkot-lungkot rin na hindi lang imperyalista ang kalaban ng Pilipino, ang mga kababayan pa ang humihilang pailalim sa kaunlaran. Sa lahat ng ito, tandaan na ang bawat salitang kumakampi sa kapwa, sa bawat aksyong sumusulong ng progreso, ang bakas ng ating mga pagsisikap ay darating rin sa mga susunod na henerasyon. Ang bawat biyayang dumidikit sa iyo, ipasa mo. Ang kabutihang ninanais mo sa sarili, ipagkatotoo mo. Ang isyung hinaharap ng bayan, pagsikapan mo. P A N GWA K A S N A S A L I T A
Kilalanin ang Mga Frances Muriell Banaag Aljustrel Niño Carpio Josh Aldrich De Villa Arnold Jansenn Gallardo John Benedict Lozano Joshua Andrei Marcelino De La Salle University De La Salle University De La Salle University De La Salle University De La Salle University De La Salle University [email protected] [email protected] [email protected] [email protected] [email protected] [email protected] awtorat taga-disenyo “Pilipinas: Isang Eksple-Nasyon” “Karapatan mo, Nasyonalismo” “Bata! Paano nga ba naging Makabayan ang iyong panata?” “Perlas ng Silangan, nasaan?” “Bakit Trendingang GOMBURZA?” “Itigilang Cha-Cha, Piliin ang Pilipinas” “Pagmamahal sa Bayan: Ang konsepto ng Nasyon at Nasyonalismosa Paningin ni Rizal” “Pagsasabuhay ng Nasyonalismo: Paggunita, Pagkilala,at Pagkilos“ “Mga Hamon sa Nasyonalismo: Paano Sila Malalampasan” “Pangangalagasa Sariling Pagkakakilanlan” “Andres bonifacio: Tanglaw ng Karangalan” “Espanyol sa Kontemporaryong Panahon” Editor awtorat taga-disenyo awtorat taga-disenyo awtorat taga-disenyo awtorat taga-disenyo awtorat taga-disenyo
Su ISANG m P m AGTANAW S i A i NA n S n YONALIS s M s ONG P a IL a IPINO y