Music Quarter 4 – Module 4 Ang Harmonic Interval 4
Musika – Grade 4 Alternative Delivery Mode Quarter 4 – Module 4: Ang Harmonic Interval Unang Edisyon, 2020 “Isinasaad ng Batas Republika 8293, sekyon 176 na “Hindi maaaring magkaron ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaringgawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.” Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabras sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis-Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region V Office Address: ____________________________________________ ____________________________________________ Telefax: ____________________________________________ E-mail Address: ____________________________________________ Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Leo B. Sarmiento Editor: Jerilyn M. Torio Tagasuri: Cynthia T. Montaňez Tagaguhit: Emma N. Malapo Tagalapat: Serena A. Bardaje Tagapamahala: Regional Director: Gilbert T. Sadsad CLMD Chief: Francisco B. Bulalacao, Jr. Regional EPS In Charge of LRMS: Grace U. Rabelas Regional ADM Coordinator: Ma. Leilani R. Lorico CID Chief: Jerson V. Toralde Division EPS In Charge of LRMS: Belen B. Pili Division ADM Coordinator: Cynthia T. Montaňez
4 Music Quarter 4 – Module 4: Ang Harmonic Intervals
Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Music 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Harmonic Interval Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang magaaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Music 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang mga Harmonic Interval ng mga Awitin! Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1 Alamin Magandang Araw sa iyo! Tulad ng ostinato at descant, ang awitin ay maaaring gawin pang higit na kaaya-aya at maganda sa pandinig. Ito ay sa pamamagitan ng paglalagay ng mga harmonic intervals. Ang harmonic interval ay ang pagitan o distansya ng dalawang tono o dalawang nota. Ang mga nabuong harmonic intervals sa isang musika ay maaaring awitin o tugtugin nang mas mataas o mababa kaysa sa pangunahing melody. Sa modyul na ito ay malilinang ang iyong kaalaman sa pagkilala sa mga harmonic intervals. Layunin ng modyul na ito ang; 1. Natutukoy ang harmonic interval (2 pitches) ng isang awitin. 2. Nakikilala sa pamamagitan ng pakikinig at pagbabasa ang mga halimbawa ng mga harmonic intervals.
2 Subukin Tignan ang larawan. Ilang patong ang cake? _____________ Gaya ng cake na ito, ang mga tono ay maaari ring magpapatong-patong. Tingnan ang ilustrasyon sa ibaba. Ilang patong ng note ang A? ilan namang patong ang B? Isulat sa patlang kung anong harmonic interval (prime, 3rd, 5th at 6th interval) ang nasa ibaba. ________ _________ _________ _________ A B
3 Balikan A. Sagutan ang mga katanungan. 1. Sa naunang module, matatandaang inawit ang “Manang Biday”. Sa pag-awit nito, ilang tinig ang narinig mo? _______ B. Lagyan ng kahon ang magkaibang tone na may bahaging soprano at alto Tuklasin 1. Tignan ang larawan. Awitin natin ang musical phrase na ito gamit ang mga sol-fa syllables na matatagpuan sa ibaba. Ulitulitin hanggang sa makuha ang tono ng buong phrase. Sabayan ang link na ito (Voice 1): https://www.youtube.com/watch?v=RkFx5boKUns 2. Ngayon naman ay aawitin natin ang musical phrase na ito gamit pa rin ang mga sol-fa syllables na matatagpuan sa ibaba ng bawat nota. Ulit-ulitin ang pag-awit hanggang sa makuha ang tono ng buong phrase. Sabayan ang link na ito (Voice 2): Halimbawa:
4 https://www.youtube.com/watch?v=ncWs6Wtu_XE 3. Sa pagkakataong ito, pagsamahin natin ang dalawang musical phrases. Mapapansin nyo na ang mga nota na mataas ay ang mga nota na una ninyong inawit at ang mga nota na mababa ay ang pangalawa ninyong inawit. Mapapansin nyo rin na ang bawat nota ay mayroong katapat na nota. Kung isa lamang ang nota at walang katapat, nangangahulugan lamang iyon na iisang tono lamang ang inaawit. Pakinggan ang link na nasa ibaba. Sabayan ito sa pamamagitan ng pag-awit mo ng Voice 1 o ng Voice 2. https://www.youtube.com/watch?v=28z0BeB0LTw Kung ikaw ay sanay na sa pag-awit ng mga sol-fa syllables, maari mo rin itong palitan ng ibang silaba tulad ng “loo” or “doo”. Ano ang iyong napansin habang inaawit ang mga nota sa unang musical phrase? Ano naman ang iyong napansin habang inaawit ang mga nota sa ikalawa? Maganda ba sa iyong pandinig kapag pinagtapat-tapat at pinagsama-sama ang mga nota sa parehas na phrases?
5 Suriin 1. Pag-aralan ang piyesa ng awit na “Bahay Kubo”. Ilarawan ang piyesa ng awiting “Bahay Kubo”. Ilang measures mayroon ang awitin? Ano ba ang time signature ng awitin? Mayroon bang key signature na ginamit? Anong napansin n’yo sa magkakadidikit na nota (note)? Ano-anong mga bilang ng measures ang may bahaging soprano at alto na sabay na inaawit? ____________________________ Bilangin ang agwat ng mga magkakatapat na mga nota. Simulan ang bilang mula sa orihinal na posisyon ng nota
6 patungo sa katapat na nota. Maaaring magsimula ang pagbilang sa mataas o mababang nota. Siguraduhing kasama sa pagbilang ang madadaanang mga guhit at puwang ng limguhit o musical staff. Sa bahaging ito ng “Bahay Kubo”, ilan ang agwat ng mga magkakatapat na nota. ___________________________________________________________ Ano-ano naman ang bilang ng mga agwat o intervals ang makikita sa measure na ito? ___________________________________________________________ Sa musika, ito ay tinatawag na harmonic interval. Ang mga harmonic intervals ay binubuo ng dalawa note na inaawit o tinutugtog nang sabay. Ito ay nagdadagdag ng sa texture ng awit. Meron din tayong iba’t iba pang intervals bukod sa harmonic third tulad ng prime/unison (1st), fifth (5th) at sixth (6th). Para mas lalong maintindihan ang bawat interval merong mga link na pwedeng buksan para gawing gabay kung ano ang mga pagkakaiba ng bawat isa. Prime/unison 1 1 1
7 Third (3rd) Interval https://www.youtube.com/watch?v=0ZhAeH36gjs Fifth (5th) Interval https://www.youtube.com/watch?v=2ST0fdVuGh4 Sixth (6th) Interval https://www.youtube.com/watch?v=n-mX_BqbD_k Pagyamanin A. Bilugan ang mga magkakatapat na nota sa bawat measure na may harmonic prime, third, fifth, at sixth interval. Kapag nabilugan na kulayan ayon sa mga sumusunod ang bawat harmonic interval. Prime- dilaw, third- pula, fifth-bughaw at sixth naman ay berde,
8 B. Isulat sa patlang katabi ng nakalagay na harmonic interval kung ito ay naka-puwesto sa UNA, IKALAWA, o IKATLOng nota sa bawat measure. Halimbawa: 1. 3rd - Una 2. 5th-_____ 3. 5th- _____ 4. 6th- _____ 5. 3rd-______ 6. 6th - _____ 7. 6th-_____ 8. 5th- _____ 9. 3rd _____ 10. 6th-______
9 Isaisip Ano ang harmonic interval? Ang mga harmonic interval ay binubuo ng dalawang notes na inaawit nang sabay. Ito ay nagdadagdag ng kapal sa texture ng awit. Meron din tayong iba’t ibang intervals gaya ng prime (1st), fifth (5th), third (3rd) at sixth (6th). Isagawa A. Pagmasdan ang musical score ng “Manang Biday”. Bilugan ang mga magkakatapat na nota sa bawat measure na may harmonic prime, lagyan naman ng puso ang third interval at lagyan naman ng parihaba ang sixth interval.
10 B. Tukuyin ang mga intervals ng mga sumusunod na stacked notes. Isulat sa kahon ang P para sa prime, T para sa third, F para sa fifth at S para sa sixth. Tayahin A. Isulat sa patlang katabi ng nakalagay na harmonic interval ang salitang TAMA kung ang bilog sa bawat measure ay tumutugma sa harmonic interval na nakalagay at salitang MALI naman kung hindi. 1. 5th-______ 2. 5th-_____ 3. 3rd- _____ 4. 3rd- ____ 5. 6th-_____
11 6. 6th-_____ 7. 5th-______ 8. 5th-_____ 9. 3rd-_____ 10.3rd-______ Karagdagang Gawain A. Bilugan ang stacked note ng hinihinging harmonic interval sa bawat measure. 1. 5th 2. 3rd 3. 3rd 4. 6th 5. Prime 6. 3rd 7. 5th 8. 3rd 9. 5th 10. 3rd
12 Susi sa Pagwawasto Subukin Apat na patong na cake/Apat na patong na nota/limang patong na nota 1. 3 Prime 6th th 5 rd Balikan Dalawang Tinig A. 1. B. Tuklasin 6 Pagsasagawa ng mga Gawain/ th 6 th 5 prime rd 3 th Ang soprano at alto ay parang magkalapit lang ang tono. Iba’t iba ang kasagutan ng mga Bata. Suriin iba ng sagot) - (Pwedeng magkaiba - 1. may 17 measures - Ang time signature na ginamit ay 3 4 - C major Ang musical score ay nasa key of - Inaawit ang mga note nang sabay - ang mga measures na sabay na inaawit ang soprano at alto ay measures - 1,3,5,9,at 11. Prime, 6 - th , 3rd rd 3, th , 5 th Prime, Prime, 6 - , prime/ rd , 3 th , 5 . Pagyamanin A.
13 Sanggunian Isagawa A. B. Tayahin A. 5. MALI 4. TAMA 3. MALI 2. MALI TAMA 1. 10. MALI 9. TAMA 8. MALI 7. MALI 6. TAMA Karagdagang Gawain
14 Sanggunian Copiaco, Jacinto Jr., Halinang Umawit at Gumuhit, Vibal Group Inc.,2016 Kagawaran ng Edukasyon, Patnubay ng Guro, Book Media Press Inc.,2015 Kagawaran ng Edukasyon, Kagamitan ng Mag-aaral, Book Media Press Inc. 2015 Valdecantos, Emelita C. Umawit at Gumuhit, St. Mary’s Publishing Corp., 1999 Manang Biday. https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18259951578