Sinag L I K HA NI: J O S H UA SANT IAG O 12 - H E RMI TAG E G U R O : GNG . G LAI ZA NANI ONG
Ang pagsusulat ay napakaimportante sa ating buhay. Ito ay nagsisilbing komunikasyon at ito din ay nagpapakita nang emosyon ng manunulat. Ang pamagat na “Sinag” ay napili dahil ito ay nagtatampok sa kasiyahan at pagka-aliw sa pagsusulat. Ito’y nagbibigay ng saya sa mambabasa at ipinapakita nito na galing sa puso ang pagsulat ng portfolio. Ang bawat na sinulat sa portfolio ay nagbibigay importansya sa buhay ng nagsulat at maipakita ang kagalingan sa pagsulat. Pagsasalamat: Nagpapasalamat ako sa aking guro na si Gng. Glaiza Naniong sa pagturo at paggabay niya sa amin. Madami akong natutunan tungkol sa pagsulat, tinulungan din niya ako na magkaroon at gumawa nang mga malikhaing pagsusulat. Salamat din sa aking mga kakalse na si Matthew Nuevo at Ian Jamero sa pagtulong sa akin na matapos ang mga sulatin na ito. PROLOGO
Nilalaman Bionote Astrak Pagbubuod
Buod Si Hesus ay may kwento tungkol sa isang ama na may dalawang anak na lalaki. Ang bunsong anak niya ay nanghingi ng mana mula sa kaniya. Nang maibigay ito, agad na umalis ito at ipinangbisyo ang nakuhang pera mula sa pagbenta ng lupa ng kaniyang ama. Sa katagalan, siya ay naghirap at nagutom, dahil dito ay nagpasya na siyang umuwi sa kanilang tahanan. Pagkabalik niya rito, malugod siyang binati ng kaniyang ama. Sa kabilang banda, ang kaniyang nakakatandang kapatid naman ay hindi natuwa sa kaniyang pagbalik. Ang tatay ay nagpakatatag sa kaniyang nakatatandang anak at ipinaliwanag ng tatay na tama lang na magsaya dahil sa pagbalik ng anak niyang nawala. Ang konklusyon ng storyang ito ay, ipinapakita dito ang pagpapatawad, pagtubos, at ang pagmamahal ng ama sa kaniyang anak. Ang Istorya na ito ay pwede maahintulad sa ating Panginoon kung paano niya tayo pinapatawad kahit lumayo tayo sa kaniyang tahanan. Ang Alibughang Anak
Abstrak Ang penomenolohiyang pag-aaral na ito ay nag-iimbestiga sa mga karanasan ng tatlong mag-aaral sa SHS at kung paano naapektuhan ng mga video game ang kanilang akademikong gawain, stress at mental health. Sa loob ng pag-aaral na ito, malalaman na ang mga aktwal na epekto ng paglalaro ng mga video game ay maaaring magkaiba sa bawat tao depende sa kanilang mga kalagayan. Kung kaya, maaaring mahinuha na ang pagtukoy sa eksaktong mga epekto ng mga video game ay nananatiling mahirap dahil maraming mga kadahilanan na maaaring makaapekto dito. Mga susing salita: karanasan, penomenolohiya, video games, akademikong gawain stress, mental health, estudyante.
Bionote Ian Jamero Siya si Ian Clark Y. Jamero, isang senior high school student sa Marist School, Marikina. Siya ay isang mabuting mag-aaral na nagnanais na makapagtapos ng pag-aaral. Nakapagtapos siya bilang "consistent honor student" noong siya ay junior high school. Ang kaniyang kahusayan sa pag-aaral ay simula pa noong siya ay nasa elementarya pa lang. Mula 2012 hanggang 2018, nakatanggap siya ng Bronze Medal with High honors. Karagdagan pa rito, isa rin siyang miyembro ng Marist Debate Society noong 2019. Dahil sa pagsali niya rito, natuto siyang maging isang magaling na tagapagsalita. Sa kasalukuyan, siya ay miyembro ng Saint Marcellin Champagnat club simula pa noong 2020.