ST. PAUL UNIVERSITY QUEZON CITY
Batayang Edukasyon
Panuruang Taon 2020 – 2021
CASE STUDY SA
ARALING PANLIPUNAN 10, FILIPINO 10, AT RVE 10
CASE STUDY
CASE STUDY: SANHI AT EPEKTO NG MGA
ISYUNG PANG-EKONOMIYANG KINAHAHARAP
SA PAMAYANAN
Inihanda nina:
ALEJANDRINO, FRANCES RIAME
DONES, ANNE RAFAELLE
10-Mere Marie Anne de Tilly
Ipinasa kay:
BB. MA. THERESA DADIVAS
Guro sa Araling Panlipunan 10
Enero 13, 2021
(Araw ng Pagpasa)
CASE STUDY: SANHI AT EPEKTO NG MGA ISYUNG
PANG-EKONOMIYANG KINAHAHARAP SA PAMAYANAN
I. Introduction
Throughout this case study, we aim to discuss economic issues on both a national (e.g.
income inequality, informal settlements) and more local scale (flooding due to calamities,
increase in COVID-19 cases). Despite the obvious factor that the pandemic plays in the
worsening of these issues, we would also like to emphasize the role of ignorance, even
pre-pandemic, to the state of the country today, and highlight the measures that have been taken
and should be continued by current and future leaders.
II. Income Inequality
Sa madaling salita, ang income inequality ay ang hindi pagkapantay-pantay sa
distribusyon ng pag-aari at pera sa isang populasyon. Isang kapansin-pansin na halimbawa nito
ay ang pagkakaroon ng mga bilyonaryo; ayon sa Credit Suisse Global Wealth Report, ang mga
taong kabilang sa pinakamayamang porsyento ng lipunan ay nakahawak sa apat na pu’t apat na
porsyento ng kabuuang kayamanan sa daigdig. Dahil sa matinding akumulasyon ng yaman,
nababawasan ang pera na nasa sirkulasyon—pangunahing naaapektuhan nito ang maaaring
gastusin ng mga mamamayan sa importanteng produkto at serbisyo, at nagdudulot din ng ibang
suliraning pang-ekonomiya: kasali dito ang pagdami ng informal settlers, paglala ng educational
inequality, at iba pa. Ang mismong etika ng pagiging bilyonaryo ay maaari
ring talakayin; wasto nga bang kumapit ang isang tao sa pera na hindi niya kakayaning gastusin
sa kanyang buhay, kaysa magbigay sa mga nangangailangan?
Sa taong 2018, niranggong pinakamataas sa Association of Southeast Asian Nations
(ASEAN) ang income inequality rate ng Pilipinas. Sa kabila ng paglago ng ekonomiya at ng mga
plano ng gobyerno upang labanan ang karalitaan—partikular ang 2017-2022 Development
Plan—mayroon pa ring ilang salik na nakaaapekto sa kakayahan ng ilan na mabuhay nang
komportable, tulad ng suliranin sa edukasyon.
Isang pangunahing sanhi ay ang educational inequality, na naging punto muli ng diskurso
dahil sa hinihinging academic freeze ng ilang mamamayan para sa akademikong taon ng
2020-2021. Dahil sa importansiya ng edukasyon upang magkaroon ng trabaho at social mobility,
kailangan ding bigyan-pansin ang mga nakapipinsalang epekto sa mga taong walang kakayahang
magtapos ng pag-aaral, at ang papel ng edukasyon sa pagbibigay-solusyon sa karalitaan sa
kabuuan. Batay sa isang pagsisiyasat mula sa Philippine Statistics Authority, labinsiyam na
porsyento ng mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay pumigil dahil sa kakulangan ng kakayahan
o pera; habang dumadami ang mga kaso ng mamamayang hindi nakatatanggap ng sapat na
edukasyon, tumataas din ang income inequality. Hanggang matugunan ang suliraning ito, at bago
magbuo ang mga awtoridad ng plano at inisiyatiba upang gawing mas abot-kaya ang edukasyon
para sa lahat, magpapatuloy ang siklo ng kawalan ng kakayahan o sapat na family income para sa
pag-aaral, na nagreresulta muli sa income inequality dahil sa kakulangan ng mga oportunidad.
Dahil sa pandemiya, mas apektado ang suliraning ito, kasama ang pagtaas ng antas ng kawalan
ng trabaho at paglubog ng gross domestic product (GDP) sa nakaraang taon. Maliban sa mga
epekto sa ekonomiya, malaki rin ang negatibong epekto nito sa quality of life ng mga
mamamayan. Nakikita rin ang pinsala nito sa mga siyudad tulad ng Quezon City, Manila, at
Makati, sapagkat ang kakulangan ng abot-kayang pagpipilian para sa matitirahan ng mga
mamamayan sa ilalim ng poverty line ay nagpapataas sa bilang ng mga informal settler.
Ang unang hakbang upang lutasin ang suliraning ito ay ang pagimplementa ng
progressive tax; ito ang pagbubuwis base sa kakayahan ng tagapagbayad, na maaaring
maitaguyod ng gobyerno upang magkaroon ng pantay na distribusyon ng pera mula sa mga
mayayaman papunta sa mga nangangailangan. Nagpapataw ito ng mababang antas ng buwis para
sa mga mamamayan na may mababang kita kumpara sa mga upper-class na mataas ang kita.
Dagdag pa dito, may maitutulong ang pagpapataas ng provincial rates at pagtatag ng
makatuwirang national minimum wage sa bansa—upang maging pantay ang mga oportunidad ng
mga mamamayan sa probinsiya at ng mga nasa Metro Manila, importanteng ikonsidera sa
pangbansang sukatan kung kaya nga bang isuporta ng mga empleyado ang kanilang sarili base
lamang sa sweldo.
Ikatlo, importanteng magkaroon ng reporma sa sistema ng edukasyon. Ayon kay Monique
Rizer, ang ehekutibong direktor ng Opportunity Nation—isang organisasyong lumalaban sa mga
opportunity gap sa Amerika—animnapu’t limang porsyento ng mga trabaho sa taong 2025 ay
mangangailan na ng uri ng pangkolehiyong edukasyon; hindi
na maaaring mapabayaan ang tunay na pangkalahatang edukasyon, at talaga ngang nakadepende
ang pag-unlad ng bansa sa mga edukadong miyembro ng lipunan.
PERSONAL/PUBLIC SOLUTION (RVE)
From an individual, self-focused perspective, we can help by making ourselves skilled
and capable citizens with the resources we have, and use those capabilities to speak up about the
inequalities in our society.
We can also help by participating in activities like outreach events, just as a way to help
those in need, as income inequality is a major cause for poverty. Donating food and clothes,
especially during the pandemic, can prove to be useful.
This, however, does not change the role those in power play in the suffering of others. To
quote, “How hard it is for the rich to enter the kingdom of heaven! Indeed, it is easier for a camel
to go through the eye of a needle than for someone who is rich to enter the kingdom of heaven."
As mentioned previously, the existence and continuous dominance of the uber rich (those who
hold onto wealth that they could not possibly spend in their lifetimes) is morally wrong, and goes
completely against what Jesus taught us. Why do so many of us sit and simply watch as
inequality runs rampant?
II. Informal Settlers in Urban Areas
Malapit na sa limang milyong mamamayan ang nakatira sa mga informal settlement sa
Metro Manila—sa mga nakalipas na dekada, nagkaroon na ng ilang programa na may
intensiyong magbigay-solusyon, tulad ng “Lingap Para Sa Mahirap” ni Joseph Estrada at
“Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan” ni Gloria Arroyo, na pareho nang nakalimutan, kasama ang
paglipas ng panahon.
Maaaring iugnay ang suliranin sa tatlong pangunahing sanhi: income inequality, rapid
rural-to-urban migration, at di kanais-nais na city planning. Una, tulad ng nabanggit sa
pagtatalakay sa suliraning ito, ang income inequality ay nakaaapekto sa pagkonsumo ng mga
mamamayan sa ilang produkto at serbisyo, na sa kasong ito ay tirahan. Malaking bahagi ng work
force ng Manila ay nababayaran lamang ng minimum wage, kaya madalas, mura o di kanais-nais
na tirahan lamang ang nakakaya ng kanilang suweldo. Ikalawa, ang rural-to-urban migration ay
resulta ng pag-asa ng mga pamilya na magkaroon ng mas magagandang buhay sa siyudad, kahit
hindi tunay na praktikal o tama ang desisyon na lumipat dito; isa rin itong tanda ng kawalan ng
oportunidad sa mga probinsiya. Ikatlo, dahil sa pagbigay-prayoridad sa mga large-scale na
komersyal na tirahan, nawawalan ang mga taong itinuturing “lower-class” ng mga opsyon.
Ang unang nararapat asikasuhin ay ang kapakanan ng mga nabanggit na mamamayan o
informal settler; base pa lang sa ilang litrato ng Tondo mula kay Bernhard Lang, ang mga lugar
na ito ay nailalarawang madumi, masikip, at hindi ligtas. Nagdudulot ito ng pinsala sa kalagayan
ng mga mamamayan tulad ng mga sakit, isyu sa mental health kabilang ang mga psychosomatic
disorder, pagkalantad sa mga krimen kabilang ang pang-aabuso ng mga droga at child
pornography, at pagkakabukod sa ibang tao sa aspektong kultural ay ilan lamang na halimbawa.
Dahil pa sa kakulangan ng mga pangunahing pangagailangan, ang mga informal settler ay
napipilitang gumamit ng mga diskarte na nakaaapekto sa kapaligiran. Kaysa gumamit ng
kuryente para magkaroon ng mga ilaw, gagamitin na lang ang hindi kasing-kumbensyonal na
solusyon tulad ng biomass fuel; sanhi ng mahinang sanitasyon o kawalan ng tuberyas, ang human
waste ng mga nakatira dito ay pumupunta sa mga katawan ng tubig; madalas nagkakaroon ng
malalang akumulasyon ng basura na nagiging salik sa pagdami ng nagkakasakit; at iba pa. Sa
kabuuan, ang pinakanakakaalarmang isyu sa suliraning ito ay ang kapakanan ng mga
mamamayan, dagdag pa ang mga epekto ng mga informal settlement sa kapaligiran at imahe ng
bansa.
Dahil sa koneksyon ng mga suliranin sa isa’t isa, ang mga solusyon sa income inequality
ay importante rin para sa usaping informal settlements. Upang mabawasan ang mga mamamayan
na lumilipat sa siyudad at naghahanap ng trabaho, maaaring pataasin at gawing mas katamtaman
ang sweldo ng mga nagtratrabaho sa probinsya, kahit minumum wage pa man.
Kailangang gawing prayoridad ng gobyerno ang maayos na city planning, upang
magkaroon ng mga ligtas, maayos, abot-kaya, at pantay na pabahay para sa lahat ng mamamayan,
kabilang ang mga tinataguriang lower-class—hindi lamang para sa mayayaman.
Sa kabuuan, matutulungan at masosolusyonan lamang ang suliranin ng mga informal
settler kung mapag-usapan din ang iba pang suliranin na nagdudulot dito, tanging ang income
inequality na naglilimita ng mga oportunidad na pang-edukasyon at pang-trabaho.
PERSONAL/PUBLIC SOLUTION (RVE)
As citizens (or more specifically, those part of the working class), there is not much we
can do on a personal level to majorly contribute, though as with all social issues, the first step
towards solutions is awareness; the Church teaches that we must speak for the voiceless and
defend the defenseless. As a bare minimum, we must be well-informed of the struggles of those
in need of help and choose leaders that truly prioritize people’s welfare.
We can also donate to charities like Habitat for Humanity that aim to rebuild slums into
more livable environments, and find ways to help that are not reliant on the government. Despite
the fact that these charities may deliver immediate results, we must keep in mind that big
problems still require real, tangible, and long-term solutions.
As Christians with the duty of helping others, we must also erase our own prejudices
towards those under less-than-fortunate circumstances and learn when we are making unfair
generalizations and contributing towards the discrimination that informal settlers receive. We
must prioritize charity and do things with good intentions, and recognize that the people we are
helping are our equals—not more, not less—who deserve the same amount of blessings and
guidance from the Lord as we do.
III. Pagtaas ng Kaso ng COVID-19 sa San Juan City
Disyembre 20, 2020 noong inanunsyo ng alkalde ng San Juan ang pagtaas ng tatlumpung
kaso sa bilang ng mga naapektuhan ng COVID-19; ang kabuuang bilang ng mga may sakit sa
San Juan ay naging walumpu’t tatlo, ngunit nakagugulat ang sagot dito ni Francis Zamora. Kahit
tumaas ang bilang ng mga apektado sa lungsod, hindi ito kinabahan. Sa isang interbyu mula sa
CNN Philippines kung saan nagsalita siya tungkol sa isyu, rason nito ang kakayahan ng lungsod
na makontrol ang pagkalat ng sakit. Ayon kay Zamora, hindi siya nagulat sa balitang ito, sapagkat
50-60 pa lang ang nagkasakit sa San Juan sa dalawang nakaraang buwan; inasahan na raw ang
pagtaas ng kaso dahil sa pasko at bagong taon.
Sa kabila nito, may negatibo pa ring epekto ang balitang ito sa lungsod, ngunit nagbigay
agad ang alkalde ng mga solusyon upang masugpo ang bilang ng active cases. Nagtatag na rin
siya ng safety at health protocols: pinagbawalan ang pagsasalo upang maiwasan ang paglabag ng
social distancing, tatlumpung porsyento na lamang ng kapasidad ng mga simbahan ay maaaring
papasukin bawat misa, nagkaroon na ng mass testing sa lungsod, at pinag-isipan na rin ng alkalde
ang pagpataw ng city-wide lockdown sa panahong Yuletide, ngunit dahil sa mababang bilang ng
kaso, hindi raw ito ipagpapatuloy.
Bilang konklusyon, kalmado ang pagbigay ng solusyon sa mga isyung dulot ng pandemya
sa siyudad ng San Juan, at dahil dito maganda ang naging resulta. Ang problema ay nasolusyunan
bago pa ito lumaki at mamulaklak sa isang krisis na maglalagay sa mga buhay ng mamamayan sa
panganib.
PERSONAL/PUBLIC SOLUTION (RVE)
As Catholics, we relate most things to God and His plan for us—seeing as COVID-19 has
spread worldwide, we have been given the opportunity to help people during their time of need.
2020 was both personally and statistically a majorly struggling period for many people in the
Philippines. Doing our part as citizens by observing proper sanitization or giving out face masks
to those who cannot afford them are among the small ways we can continue to help. In recent
times of quarantine, many Catholic organizations like The Feast and independent Facebook
accounts live streamed daily Rosaries to pray for the sick and the dead; people came together
spiritually (and in some situations even financially) to provide help through abundant amounts of
hope and prayer. Personally, we, as students, both believe participating in such activities is a good
idea. One of us partakes and even leads a nightly live Rosary with their family. The idea of
having viewers and prayer warriors all over the world seems fitting considering our current
circumstances. It is convenient, and it has helped a lot of people get through isolation. We know
that prayer is a powerful tool that helps spread God’s goodness, and this solution makes praying
together with dozens of people across the world possible.
IV. Heavy Flooding in Metro Manila
Bunga ng Bagyong Ulysses, madaming nawalan ng buhay sa bansa; kabilang ang
Cagayan sa mga lugar na lubhang napinsala ng bagyo, at bukod dito, ilang lungsod sa Kalakhang
Maynila ay naapektuhan ng bagyo, tulad ng Marikina, Mandaluyong, San Juan, at iba pa. Dahil
sa bagyong ito, mayroong labing-apat na namatay at tatlong nawala—marami ring nabiktima sa
baha at pagkasira ng tirahan, kagamitan, at pangaraw-araw na kabuhayan. Sa kabuuan, 1,262 na
barangay ay naapektuhan ng kalamidad. Mahahalata ang kakulangan ng kahandaan ng mga
mamamayan at opisyal para sa pagdating ng bagyo.
Kahit mahirap tanggapin ang nangyari, mayroong mga tao na agad bumangon. Upang
kalabanin ang mga pinsala ng bagyo, hinihikayat ang pagbigay ng pagkain, damit, at pera upang
makatulong sa mga tao na naging biktima ng bagyo; nagkaroon ang lungsod ng mga fund drive.
Karamihan ng mga Pilipino na gustong tumulong ay nagbuo rin ng mga charity concert at
tournament, kung saan lahat ng kikitaing pera ay mapupunta sa kinakailangan ng mga nasalanta.
Dito talaga makikita ang kagandahan ng pagiging makabayan—madaming nagtulungan
para sa mga naapektuhan ng bagyo. Nakita ang pakikiramay at kakayahang magbigay-tulong ng
mga tao. Mayroon na ring disaster risk management conferences sa mga eskwelahan, na
makakatulong sa paghahanda sa mga guro at estudyante kung sakaling magkaroon muli ng
matinding baha o lindol.
PERSONAL/PUBLIC SOLUTION (RVE)
During hard times, it can be hard to ignore the cries of help spread all over the news and
social media; turning a blind eye to it is, unfortunately, what most are doing, and it is wrong and
disheartening for many reasons. As what is emphasized while we grow up to be morally good,
empathetic human beings, it is our responsibility to help those who are in need in the best way we
can. We, personally, have donated clothing and comfort items such as pillows and blankets. Just
like the previous issue, prayer remains to be a strong force in every situation; Rosaries and
Novenas continue to center the victims’ spiritual and physical intentions through Mama Mary’s
intercession, may it be in private or with others through live streams.
As privileged citizens, our families gave out money to those who may need it. Students
organized fundraisers, shared news on social media, and found other ways to help, even without
physical donations. One student even raised and donated 30,000 pesos to the victims of Marikina
and Cagayan using TikTok.
All in all, the case study shows that while there are actions and steps we can take as
individuals to do our part in society, the majority of solutions to social and economic issues still
fall on the shoulders of the government and others in power. While we can pray, donate, and
encourage becoming strong-willed advocates against injustice, there is only true progress when
all of us communicate, take into consideration people’s welfare over money or short-term
benefits, and hold our leaders accountable.
REFERENCES
Casinas, J. A. (2020, December 21). COVID-19 cases in San Juan City up this Christmas. Manila
Bulletin. COVID-19 cases in San Juan City up this Christmas –Manila Bulletin
(mb.com.ph)
Esguerra, D. J. (2020, November 13). Typhoon Ulysses death toll climbs to 14 - DILG.
INQUIRER.NET.
https://www.bworldonline.com/a-solution-to-metro-manilas-garbage-problem/
Inequality.org. (n.d.). Income Inequality. https://inequality.org/facts/income-inequality/
Inequality.org. (n.d.). Global Inequality. https://inequality.org/facts/global-inequality/
Asean Trade Union Council. (2011, August 6). Study: Phl has highest income inequality rate in
ASEAN.
http://aseantuc.org/2011/08/study-phl-has-highest-income-inequality-rate-in-asean/
Porio, E. (2016). Prosperity and Inequality in Metro Manila: Reflections on Housing the Poor,
Climate Risk, and Governance of Cities. In: Banpasirichote Wungaeo C., Rehbein B.,
Wun'gaeo S. (eds) Globalization and Democracy in Southeast Asia. Frontiers of
Globalization. Palgrave Macmillan, London.
https://doi.org/10.1057/978-1-137-57654-5_9
Basilio, E. L. (2020, September 18). SOCIO-ECONOMIC IMPACT OF COVID-19.
https://pidswebs.pids.gov.ph/CDN/EVENTS/dr_basilio_ppt_september_18.pdf
Asian Development Bank. (n.d.). Poverty: Philippines. Retrieved January 13, 2021, from
https://www.adb.org/countries/philippines/poverty#accordion-0-9
Kagan, J. (2020, December 16). Progressive Tax.
https://www.investopedia.com/terms/p/progressivetax.asp
Divine, J. (2017, February 14). How to Solve Income Inequality. U.S. News & World Report.
https://money.usnews.com/investing/articles/2017-02-14/how-to-solve-income-inequality
Pasion, P. (2017, April 30). Is it time for a national minimum wage? Rappler.
https://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/national-minimum-wage-proposal
De Gregorio, J. (2002, September). EDUCATION AND INCOME INEQUALITY: NEW
EVIDENCE FROM CROSS-COUNTRY DATA. Review of Income and Wealth.
"The Educational Attainment of the Household Population (Results from the 2010 Census) |
Philippine Statistics Authority". psa.gov.ph. Retrieved January 13, 2021.
"Out-of-School Children and Youth in the Philippines (Results from the 2013 Functional
Literacy, Education and Mass Media Survey) | Philippine Statistics Authority".
psa.gov.ph. Retrieved January 13, 2021.
Brown, Z. (2019, July 27). 10 FACTS ABOUT SLUMS IN MANILA.
https://borgenproject.org/10-facts-about-slums-in-manila/
Roy, P. (n.d.). In the slums of Manila, inequality is so bad that the worst off have no chance to
protest. NewStatesman.
https://www.newstatesman.com/world-affairs/2014/09/slums-manila-inequality-so-bad-w
orst-have-no-chance-protest
Vahapoğlu, L. (n.d.). Strategies for Improving Informal Settlements.
http://www.buffalo.edu/globalhealthequity/Resources/policy-briefs/issue-2--strategies-for
-improving-informal-settlements.html