The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by eportfolio.adt, 2021-04-16 01:14:27

CASE STUDY (Isinulat nina Rebecca Lucero at Francine Nieva)

ST. PAUL UNIVERSITY QUEZON CITY
Batayang Edukasyon

Panuruang Taon 2020 – 2021

CASE STUDY SA
ARALING PANLIPUNAN 10, FILIPINO 10, AT RVE 10

CASE STUDY

CASE STUDY: SANHI AT EPEKTO NG MGA
ISYUNG PANG-EKONOMIYANG KINAHAHARAP

SA PAMAYANAN

Inihanda nina:

LUCERO, REBECCA MARIE V.
NIEVA, FRANCINE LOUISE E.

10-Mere Marie Anne de Tilly

Ipinasa kay:

BB. MA. THERESA DADIVAS

Guro sa Araling Panlipunan 10

Enero 13, 2021

(Araw ng Pagpasa)

CASE STUDY: SANHI AT EPEKTO NG MGA ISYUNG PANG-
EKONOMIYANG KINAHAHARAP SA PAMAYANAN

I. PANIMULA
Nababalot ang kasalukuyang lipunan ng napakaraming suliranin na hanggang ngayon ay

hindi matugunan ng pamahalaan. Simula noong nag-anunsiyo ang World Health Organization
(WHO) na ang COVID-19 ay isang pandemya, maraming pagbabago ang nangyari. Ang case study
na ito ay naglalayong malaman ang mga sanhi at epekto ng mga isyung pang-ekonomiyang
kinahaharap sa pamayanan. Ito rin ay naglalaman ng iba’t ibang solusyon na maaaring gawin
upang hindi na lumawak o lumaki ang suliranin. Sa pag-alam sa mga isyung ito, mabibigyan ng
sapat na pansin at tugon ng kapwa Pilipino na maaaring maging instrumento ng pagbabago.

Suliraning Mahalagang Mga Sanhi ng Bunga ng Mga Panukalang
Pangekonomiy Impormasyon Problema Problema Solusyon sa Antas
ng Pamahalaan,
a at Datos Pagbagsak ng Kaunti na
(Bilang ng pambansang lamang ang Komunidad, at
Pagtaas ng Apektado, ekonomiya. bumibili. Sarili
Presyo o
Inflation Mga Mas mataas Pagkalugi ng Pamahalaan:
kasalakuyang ang demand mga negosyo. Pakikipagpulong ng
kaysa Department of Trade
Polisiya, produksyon o Kakulangan sa and Industry (DTI)
Programa at supply. panggastos. sa ibang mga
ahensya at economic
Hakbang) managers.

16 sa 30 katao Komunidad:
na sumagot ng Mabisang
aming surbey paghikayat ng
ang barangay sa
nakararanas mamamayan.
nito.
Sarili:

14 sa 30 katao Pagkalat ng Nahihirapang Pagbili ng
na sumagot ng sakit na kumita ang kinakailangan
COVID-19 sa mamamayan. lamang upang
aming surbey buong mundo. maiwasan ang
ang Walang perang hoarding.
Pagkalugi ng pantugon sa Pamahalaan: Pag-
nakararanas mga negosyo. sariling uuna sa mga Pilipino
nito. pangangailanga na mabigyan ng
n. trabaho sa mga lokal
Isyung Paggawa Paggawa ng na negosyo.
o Parol ng Nababaon sa (Filipino First
Lungsod ng utang ang Policy)
Unemployment Quezon mamamayan.
Komunidad:
Paglunsad ng mga
programang
pangkabuhayan o
livelihood programs.

15 sa 30 katao Hindi Pagkatakot na Sarili: Pagtangkilik
na sumagot ng nasusunod ang lumabas, dahil sa mga negosyong
aming surbey social- sa posibilidad kinakailangan ng
ang distancing. na mahawaan. suporta.
nakararanas Pamahalaan:
nito. Kinakailangang Ang resources Tamang alokasyon
kumayod ng ng gobyerno’y para matugunan ang
Ang tao. ay napupunta isyung
pamahalaang lamang sa pangkalusugan.
Pagtaas ng Lungsod ng pangkalusugan.
Bilang ng May Quezon ay Komunidad:
nagtalaga ng Hindi Mahigpit na
Sakit isang bilyong produktibo ang ipatupad ang social-
piso mula sa manpower ng distancing sa
2021 na budget pamayanan. komunidad.
nito para sa
pagbibigay ng Hindi Sarili:
bakuna sa makapaghanap Sumunod sa mga
COVID 19. buhay ang patakarang inilunsad
mamamayan. sa aming
Pagbibigay pamayanan.
ayuda sa buong
komunidad.

8 sa 30 katao Sa patakarang Hirap ang mga Pamahalaan:
na sumagot ng tao na Paglabas ng mga
aming surbey social- makapunta sa panibagong
ang distancing. kanilang proyektong
nakararanas trabaho. pangtransportasyon,
nito. at alokasyon ng
Ang oras na budget para rito.
Kakulangan sa Nagpatupad para sa
Pampublikong ang alkalde ng trabaho’y Komunidad:
napunta sa Pagtayo ng isang
Transportasyon Lungsod ng paghahanap ng hintayan ng
Quezon at transportasyon. pampublikong
transportasyon
LTFRB ng upang — na
programang pinagkasunduan ng
lahat.
bus
augmentation.

Sarili:
Pakikipag-carpool sa
mga kakilala o

kapitbahay na may
kotse.

II.
Nagkaroon kami ng pagkakataon na magpamigay ng surbey ukol sa isyung pang-

ekonomiyang nararamdaman sa sariling pamayanan sa 30 katao sa lungsod ng Quezon. Sila’y
nabigyan ng pagkakataon na pumili ng isa o higit pa sa apat na binigay naming pagpipilian. Sa 30
tao na sumagot, 16 ang nakararanas ng pagtaas ng presyo o inflation, 14 sa isyung paggawa o
unemployement, 15 sa pagtaas ng bilang ng may sakit, at 8 sa kakulangan sa pampublikong
transportasyon.

Mayroon ding katanungan sa aming surbey na naglalayong malaman ang bigat ng
sitwasyon ng mamamayan. Ang 1 o isa ay nagsasabing “Hindi ako gaano naaapektuhan” habang

ang 5 o lima ay “Lubos akong naaapektuhan”. Sa 30 tao na sumagot, 1 ang sumagot sa isa, wala
sa dalawa, 2 sa tatlo, 10 sa apat, at 17 sa lima.

Sa pagkakataon na ibinigay sa amin ng mga taong sumagot ng aming surbey, aming
nalaman ang mga nararanasan nila sa kanilang sariling pamayanan. Nang dahil sa surbey, nabigyan
din namin ng patunay ang apat sa aming sariling pananaw sa mga isyung pang-ekonomiya sa
paligid. Ang apat na iyon ay “Pagtaas ng Presyo o Inflation”, “Isyung Paggawa o Unemployment”,
“Pagtaas ng Bilang ng May Sakit”, at “Kakulangan sa Pampublikong Transportasyon”.

1. PAGTAAS NG PRESYO O INFLATION
Sa patuloy na pagbagsak ng ekonomiya dulot ng pandemya at quarantine naging patuloy

ang pagtaas ng presyo o inflation sa lungsod ng Quezon. Sa ilang piling produkto sa pamayanan,
ang interaskyon ng demand at supply ay hindi kanais-nais para sa mga mamimili. Kung susuriin,
naging mas mataas ang demand kaysa sa supply kung kaya’t tumataas ang presyo ng bilihin.
Naging problema ito sapagkat kaunti na lamang ang mga mamimili at nalugi ang mga negosyong
tumutugon sa pangangailangan ng ilang pamilya. Sa surbey na ipinamigay, halos lahat ng
nakararanas ng isyung ito ay nagkakaroon ng kakulangan sa panggastos sa pang-araw-araw.

2. ISYUNG PAGGAWA O UNEMPLOYMENT
Mula noong ipinatupad ng pamahalaan ang lockdown mula noong Marso hanggang

katapusan ng Abril 2020 sa buong National Capital Region o NCR, marami ang nawalan ng
trabaho o naging unemployed. Pagkaraan ng ilang buwan, nalugi ang mga negosyo at kahit ang
mga malalaking kompanya ay kinailangan nang magtanggal ng mga manggagawa. Ayon sa ilang

pumili ng isyung paggawa o unemployment sa surbey, sila’y nahihirapan at ang mga tao sa
kanilang paligid, na kumita para sa pagtugon ng sariling pangangailangan. Ang isyung ito ay
maaaring magdulot ng pagkalubog sa utang ng ilang mamamayang Pilipino sapagkat walang
perang pumapasok para sa pantustos. Ayon kay Joecil Dionela na isang Barangal Nutrition Scholar
sa E. Rodriguez, nabigyan ng pansamantalang trabaho ang mga unemployed sa barangay. Bilang
solusyon ng Lungsod ng Quezon, sila’y nagsagawa ng programa kung saan naglalayong mabigyan
ng pangkabuhayan sa panahon ng pasko ang ilan sa ating kapwa Pilipino, at ito ang paggawa ng
parol.

3. PAGTAAS NG BILANG NG MAY SAKIT
Patuloy ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod na ikinatatakot nang

marami dahil mabilis kumalat ang sakit. Ang sitwasyon ng iba ay hindi maiiwasan dahil
kinakailangan nilang gampanan ang responsibilidad na kumayod upang mapakain ang pamilya
kung kaya’t hindi nasusunod ang quarantine sa pamayanan. Sa isyung pangkalusugan na ito,
naaapektuhan ang ekonomiya ng bansa sapagkat ang resources ng gobyerno ay nailalaan lamang
sa pangkalusugan at nawawalan ng budget ang mga ibang proyektong magbibigay kaunlaran sa
lugar. Ang pagkakasakit din ay nagbubunga ng hindi produktibo na manpower ng bansa.
Nagkaroon kami ng pagkakataon na makapanayam ang isang Barangay Health Worker mula sa E.
Rodriguez na si Kei Ruth Guasis, at ayon sa kanya, butante man o hindi ang lahat ay nakatanggap
ng ayuda. Kanyang masasabing lahat na mula sa Barangay E. Rodriguez ay nabigyan sapagkat
handang tumulong ang kapitan nila na si Marciano Buena Agua Jr. sa mga nangangailangan.
Binigyan aksiyon ng Lungsod ng Quezon ang isyung ito sa pamamagitan ng pagtalaga ng isang
bilyong piso mula sa budget ng taong 2021 para sa pagbibigay ng bakuna laban sa COVID-19.

4. KAKULANGAN SA PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON
Labis ding naapektuhan ng quarantine ang mga mamamayan na sumasakay ng

pampublikong transportasyon upang tumungo sa trabaho o ibang lugar. Nagkaroon ng kakulangan
sa pampublikong transportasyon dahil kinakailangan sumunod sa patakarang social distancing ng
bansa. Ang isyu na ito ay nakaaapekto sa oras ng trabaho at produktibo ng mamamayan. Sila’y
nahihirapan na pumunta sa kanilang trabaho at nauubos ang oras kahahanap ng masasakyan.
Ang problemang ito ay umiiral mula sa pagpasok hanggang sa kanilang pag-uwi mula trabaho.
Nagkaroon ng programang bus augmentation ang Lungsod ng Quezon dahil sa pagpapatupad ng
alkalde nito at ng LTFRB.

III. KONKLUSYON/SOLUSYON
Sa gitna ng pandemya, lahat ay may kanya-kanyang suliraning kinahaharap. Ang tulong

ay higit na kinakailangan lalo na sa mga oras na ito kung saan marami ang nagdurusa mula sa
epekto ng malawakang pagbagsak ng ekonomiya. Matapos ang lahat, walang sino man ang
nararapat maging mag-isa habang buhay. Ang pagtaas ng presyo, kawalan ng trabaho, pagtaas ng
bilang ng may sakit, at kakulangan ng pampublikong transportasyon ay iilan lamang sa mga
suliraning hinaharap ng Lungsod ng Quezon.

Unang-una, ang pagtangkilik o paggamit ng carpooling ay maaaring maging hakbang para
sa isyung transportasyon sa pamayanan. Malaking hakbang sa pagbabago ang carpooling sapagkat
hindi lamang ito nakatutulong sa iyong kapwa kundi sa kapaligiran na rin. Isa sa mga paraan upang
maipakita mo ang iyong pag-ibig sa Panginoon ay ang pagiging mahabagin at pagkakaroon ng
malasakit sa iyong kapwa. Kahit na maliit na tulong lamang ito ay maaaring makapagpasaya nang

lubos. Pangalawa, ang pagtangkilik ng sariling atin ay maaaring maging tugon sa isyung paggawa
na nararanasan. Sa pagtangkilik ng sariling atin, hindi lamang ang sariling kapwa ang iyong
natutulungan kundi ang bansa rin. Nakasaad sa sulat ni San Pablo para sa mga taga-Galacia,
“Mangagdalahan kayo ng mga pasanin ng isa't isa, at tuparin ninyong gayon ang kautusan ni
Kristo.” Ito na ang panahon upang magkaisa ang lahat tungo sa magandang kinabukasan.
Pangatlo, ang pagbili ng kinakailangan lamang ay maaaring maging tugon sa hoarding. Isa sa
pitong nakamamatay na sala ang kasakiman. Ayon sa namayapang Santo Papa na si Gregory I, ito
ay isang “sin of desire” na nagtutulak sa mga tao na maging gahaman. Ito ay isang malalim na
pagnanais kung saan gaano man karami ang mayroon tayo, nang dahil sa tukso iisipin natin na
hindi ito sapat. Bunga nito’y pag-asam natin ng higit pa. Panghuli, ang pagkakaroon ng tamang
alokasyon para matugunan ang isyung pangkalusugan. Si St. Stephen, ang unang martir, ay taga-
pangasiwa ng pamamahagi para sa mga mahihirap. Maraming tao sa pamahalaan ay hindi
nagbibigay ng tapat na serbisyo sa bansa. Siya ay isang mabuting huwaran sa mga nalilimutan ang
tunay na dahilan ng pagsisilbi para sa bayan. Alinsunod sa ika-pitong utos ng Diyos, isang
pagkakasala ang pagnanakaw, at walang sino man ang makaliligtas mula rito.

Sa mga isyung inilahad, masasabing ang administrasyong Duterte ay nabigong gampanan
ang kanilang responsibilidad sa bansa. Ang kapabayaan ng pambansang pamahalaan ay
magkakaroon ng malaking epekto sa lungsod, sa komunidad hanggang sa sarili. Hangga’t hindi
nila binibigay ang buong atensyon sa pangkalusugan ng bansa, at putuloy ang pagbibigay pansin
sa mga walang kabuluhang bagay, ang pagdurusa ng mamamayan ay hindi matatapos.

MGA PATUNAY SA PAGSAGAWA NG SURBEY

MGA PANAYAM

SANGGUNIAN:

ABS-CBN News. (2020, October 12). Presyo ng baboy tumaas sa ilang pamilihan sa Metro
Manila.
https://news.abs-cbn.com/business/10/12/20/presyo-ng-baboy-tumaas-sa-ilang-
pamilihan-sa-metro-manila.

Al Jazeera. (2020, April 7). Duterte extends Philippines's coronavirus lockdown to April 30.
Coronavirus pandemic News.
https://www.aljazeera.com/news/2020/4/7/duterte-extends-philippiness-coronavirus-
lockdown-to-april-30.

Casanova-Dorotan, F. G. (2010, March). Informal Economy Budget Analysis in Philippines and
Quezon City . Quezon city; WIEGO.
https://www.wiego.org/sites/default/files/publications/files/Casanova-
Dorotan_WIEGO_WP12.pdf

CHRISTMAS LANTERN MAKING. Quezon City Government. (2020, December 6).
https://quezoncity.gov.ph/program/christmas-lantern-making/.

Covid-19 pandemic, declared by the World Health Organizsation (WHO). Pharmaceutical
Technology. (2020, March 12). https://www.pharmaceutical-technology.com/news/who-
declares-covid-19-pandemic/.

COVID-19 Vaccine Program. Quezon City Government. (2021, January 11).
https://quezoncity.gov.ph/program/covid-19-vaccine-program/.

Dominguez, B. (2018, September 6). Mga solusyon sa tumaas na inflation rate, inilalatag na ng
DTI. REMATE ONLINE. https://www.remate.ph/mga-solusyon-sa-tumaas-na-inflation-
rate-inilalatag-na-ng-dti/.

Economy. Quezon City Government. (2020, December 17).
https://quezoncity.gov.ph/about-the-city-government/economy/.

Encyclopedia Britannica, inc. Seven deadly sins. Encyclopedia Britannica.
https://www.britannica.com/topic/seven-deadly-sins.

Livelihood. Quezon City Government. (2020, December 14).
https://quezoncity.gov.ph/programs/livelihood-programs/.

Quezon City Bus Augmentation. Quezon City Government. (2020, December 17).
https://quezoncity.gov.ph/program/bus-augmentation-program/.

Ramos, C. M. (2020, September 29). DTI: 90,000 businesses remain closed amid pandemic.
INQUIRER.net.
https://business.inquirer.net/308391/dti-90000-businesses-remain-closed-amid-pandemic.

Venzon, C. (2020, March 16). Manila lockdown cripples businesses big and small. Nikkei Asia.

https://asia.nikkei.com/Spotlight/Coronavirus/Manila-lockdown-cripples-businesses-big-
and-small.

What are the seven deadly sins? Bibleinfo.com.
https://www.bibleinfo.com/en/questions/what-are-seven-deadly-sins.


Click to View FlipBook Version